Daloy Kayumanggi newspaper 2015 august ダロイカユマンギー タガログ語 フィリピン新聞

Page 1

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Inspiring Global Filipinos in Japan

〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com

D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

Vol.5 Issue 50 August 2015

www.daloykayumanggi.com

DEAR KUYA ERWIN Tatlong Leksyon ng Krisis sa Greece

PAG-IBIG PROMO

OFW Member Raffle Promo

4

SHOWBIZ

Jennylyn, Sexiest Woman sa Pinas

17

23

MAS MAAYOS NA PDOS, SINUSULONG

I

Mount Fuji, may Wi-Fi hotspots na

naasahang mas mababawasan ang mga OFWs na mabibiktima ng mga sindikato ng droga at ng human naasahang makaka-engganyo ang Japan ng mas trafficking kung sakaling marami pang turista, matapos itong maglagay ng Wi-Fi sa Mount Fuji. makakapasa sa Kamara ang isang Layunin umano ng nasabing proyekto na batas na magpapalawak sa pre-departure mabigyan ng pagkakataon ang mga turista na orientation seminar (PDOS) para sa mga mai-share sa kanilang social media accounts ang ito. kanilang pambihirang karanasan sa pag-akyat sa

I

Isa sa mga dahilan ng pagsusulong ng House Bill 5696 ang pagkakakulong ng mga OFWs sa ibang bansa bunsod na rin ng iba-ibang mga paglabag sa batas.

nasabing bundok. Base sa ulat, abot hanggang walo ang Wi-Fi hotspots dito. Bibigyan umano ng user ID at password ang mga turista upang ma-access ang Wi-Fi. Kasama umano ito sa paghahanda ng bansa para sa Tokyo Olympics sa taong 2020. Bukod sa Mount Fuji, mayroon na ring mga Wi-Fi sa subways at airport.

Ilan lamang sa mga nangungunang kaso ng maraming

mga manggagawang Pinoy...

Sundan sa Pahina 5

GLOBAL PINOY SPECIAL FEATURE Eleanor Fukuda: Global na Communicator

dito, tuluyan nang magbabago ang buhay ni Nanay Eleanor hanggang sa maging lider siya ngayon ng Philippine Assistance Group o PAG na binubuo ng mga Pilipinong organisasyon na tumutulong sa mga nangangailangang Pinoy dito sa Japan. Halina’t alamin natin ang iba pang detalye ng buhay ng ating Global na Communicator. Narito ang edited na panayam ko sa kanya:

By Tokyo Boy (Mario Rico Florendo)

Tokyo Boy: Ano po ang kuwento niyo paano kayo kayo napunta dito sa Japan? Eleanor: After college, I met this Japanese, got married. Then I worked sa Philippine Embassy. After 13 years I had my son. I moved to Japanese company where I am working until now. I arrived here 1974, I am now 42 years here in Japan. Tokyo Boy: Naisip niyo po bang titira kayo dito sa Japan? Eleanor: Hindi. I met my husband noong wala pang modern communication out of the country. [Noon,] CB radio was a means of communication to people of other countries. Dahil malapit ang Japan at maganda ang technology nila, signal mula doon ang nasasagap ng radio. English ang usapan namin. He went to the Philippines and I met him. Tapos 1974 kami nagpakasal. Tokyo Boy: So paano po yung adjustment ninyo pagdating niyo dito sa Japan? Eleanor: Yung pinag-aralan kong hajimemashite sa eroplano, pagbaba ko wala na. Maski isa wala na akong maalala. Wala pang Pilipino noon. Happy ako kasi ang company ng asawa ko at ang pamilya niya ok naman.

A

lam mo bang bago ang Facebook o Skype ay nauso muna ang mga CB radio o citizens band radio bilang paraan ng komunikasyon noon? Sa maliit na aparatong ito makikilala ni Nanay Eleanor ang kanyang magiging asawang Hapon at magiging dahilan ng kanyang paglipat dito sa Japan. Mula

ni Pido Tatlonghari

K

asabay ng pagpasok ng mainit na panahon sa Japan, naging mainit din ang pagtanggap ng publiko sa pagdating ni Mr. Efren Peñaflorida, and ating 2009 CNN Hero, dito sa bansa. Ang kanyang pagbisita na ito ay naglalayong lumikom ng suporta para sa Hope for Living Philippines, isang proyektong tulong-tulong na binubuno ng organisasyon ni Efren, ang Dynamic Teen Company, ng Department of Education ng Pilipinas at ng New Life Ministries. Nilalayon nitong makapagbigay ng sapat na Manga books sa 8,000 kabataang nasa lansangan at hindi napasok sa paaralan, upang magamit ang mga librong ito bilang bahagi ng kanilang paghahanda upang muling makabalik sa paaralan sa susunod na taon. Sa pananalagi dito ni Efren, siya ay nabigyan ng pagkakataong makasalamuha ang ibat-ibang grupo ng mga Filipino, simbahan, media at pati na rin ang ilang mga kabataan at mamamayang Hapon. Naging malaking tulong sa pagbisitang ito ni Efren ang suportang ibinigay ng Seishikai Hospital, Bunsodo Trading, Ltd, SevenBank at Western Union, kasama ang Social Enterprise for English Language School at Association of Filipino Students in Japan. Sundan sa Pahina 11

Filipino Church Communities join Sakai Block International Day Celebration

Sundan sa Pahina 15

Sundan sa Pahina 5

KONTRIBUSYON Gabay sa Pagtira sa Japan

COMMUNITY EVENT Empowering a Hero's Dream

8

TIPS

Kanto Matsuri o Pole Lantern Festival

(Photo by Imelda Iwasaki)

10

TRABAHO Home Helper Staff

16


2

August 2015

Space craft ng NASA, matagumpay na nakapagdala sa mundo ng larawan ng Pluto

M

atagumpay na nakapag-transmit ng kauna-unahang malinaw na larawan ng dwarf planet na Pluto ang inilunsad na New Horizons space craft ng National Aeronautics and Space Administration. Inilunsad noong 2006, isa sa mga naging layunin ng mission ay ang makakuha ng larawan ng nasabing planeta, gayundin ng iba pang mahahalagang impormasyon hinggil sa mga limang buwan nito. "New Horizons is the latest in a long line of scientific accomplishments at NASA, including multiple missions orbiting and exploring the surface of Mars in advance of human visits still to come," ang pahayag ni John Holdren, President for Science and Technology at director ng White House Office of Science and Technology Policy. Base sa impormasyon, ang layo ng nasabing space craft mula sa Pluto ay tinatayang nasa 7,750 miles. Katumbas umano ito ng layo ng Mumbai, India hanggang sa New York, USA. Ang Pluto, na may layong three billion miles mula sa Earth, ay itinuring noong 2006 ng mga eksperto bilang isa lamang "dwarf planet."

Pinay group na Triple Fret, panalo sa 27th Japan Guitar Ensemble Festival

I

sang Pinay group na tumutugtog ng classical-contemporary songs gamit ang gitara ang nanalo ng first prize sa ginanap na 27th Japan Guitar Ensemble Festival sa Kyurian Hall sa Shinagawa, Tokyo nito lamang Hunyo. Ang “Triple Fret” ay binubuo ng tatlong Pinay na sina Jenny de Vera, Marga Abejo, at Iqui Vinculado. Bukod sa pagkakapanalo ng first prize, ayon sa goodnewspilipinas.com, ginantimpalaan din ang tatlo ng Harumi Award for Best Performance of an Original Contemporary Composition for Guitar Ensemble, Kohno Guitar Award, at Japan Guitar Association Award. Bago pa ang kumpetisyon sa Japan, tumutugtog na ang grupo sa iba’t ibang bansa sa Asya at Europe simula pa noong 2011. Kabilang sa ilan sa kanilang mga tinutugtog ay binubuo hindi lamang ng contemporary at classical pieces kundi pati na rin mga tangos, jazz standards, Spanish guitar pieces, at siyempre, Filipino traditional music. Ayon sa grupo, lahat sila ay dumaan din sa training sa ilalim ng dalawang magagaling na unibersidad sa Pilipinas – ang University of the Philippines College of Music at ang University of Santo Tomas Conservatory of Music, kung kaya naman, hindi na kataka-taka ang pagkapanalo ng grupo sa nasabing kumpetisyon sa Japan.

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

'Oldest man in the world' na Japanese, pumanaw na

S

a edad na 112, pumanaw na ang "pinakamatandang lalaki" sa buong mundo. Sa sakit na kidney failure, binawian ng buhay si Sakari Momoi sa isang nursing home sa Tokyo. Nagsilbing guro at school principal si Momoi at isinilang siya sa Fukushima prefecture noong February 5, 1903, ayon sa opisyal na ulat. Opisyal na kinilala ng Guinness World Records si Momoi sa nasabing titulo noong Agosto 2014. Sa kasalukuyan, si Yasutao Koide, na isa ring Japanese, ang itinuturing na pinakamatandang lalaki sa buong mundo -- sa taong 112.

Blood Test, maaari nang gamitin upang ma-detect ang Alzheimer's

I

sa ang Alzheimer’s sa mga kinatatakutang sakit ngayon, lalo na ng mga matatanda, dahil hindi ito agad-agad na nade-detect ng mga doktor. Pero sa Tokyo, isang Japanese research na ang nakatuklas ng bagong paraan para matulungan ang mga doktor na malaman kaagad kung may Alzheimer’s ba ang isang pasyente, sa pamamagitan lamang ng blood test. Batay sa research, nakahanap ang grupo na pinangungunahan ni Kazuhiko Uchida, isang associate professor sa Faculty of Medicine ng University of Tsukuba, ng isang protein na maaaring magamit

upang malaman kung may posibilidad na magkaroon ng mild cognitive impairment o MCI ang isang pasyente na nagiging unang sanhi ng dementia o Alzheimer’s. Ayon sa japantoday.com, ang opisyal na findings ng nasabing pag-aaral ay na-publish na sa isang academic journal sa U.S. at tinatalakay kung paano magagamit ang protein biomarker upang maagapan ang paglala ng sakit na dementia. Sa pamamagitan din umano ng pag-aaral, maaari nang malunasan nang maaga ang pagkalat ng Alzheimer’s lalo na sa mga taong may edad na.

Love Hotels, may potential upang muling iahon ang Japan

P

ebrero ng taong ito nang mapabalitang tapos na ang recession na nararanasan ng Japan. Ngunit, sa kabila nito, mabagal pa rin umano, ayon sa ilang ulat, ang pag-angat ng ekonomiya ng Japan. Nito lamang Hulyo, inilunsad ang mga “love hotels,” upang sagutin ang recession sa bansa at sa pag-uumpisa nito, ayon sa ulat ng BBC News kamakailan, tila maganda ang magiging takbo ng negosyo kapag nagkataon. Sa kabuuan, mayroong 25,000 love hotels sa Japan na tumatanggap ng higit sa 500 million na mga bisita kada taon. Kung susumahin umano, ayon sa ulat, maganda ang magiging impluwensya ng negosyong ito sa ekonomiya ng bansa kung titingnan lamang ang mga positibong epekto ng ganitong negosyo. Dahil na rin sa mga siksikang bahay sa Japan, ang mga love hotels na nagbibigay ng privacy sa sino man, hindi lamang sa mga mag-partner, ay

maaari umanong maging simula ng pag-angat ng Japan mula sa recession. Sa kabila ng hindi magandang reputasyon ng mga love hotels sa Japan, may mga foreign investors naman na nakikita ang potensyal ng ganitong klase ng negosyo kung magagawa lamang umano ang mga ito sa tamang paraan.


3

August 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Dalawang pastry chefs, nanguna sa culinary competition sa Hong Kong

D

alawang Pilipinong pastry chefs ang pinarangalan bilang pinakamahusay sa ginanap na culinary competition sa Hong Kong. Naungusan ng dalawa ang iba pang 23 pares sa Live High Tea Set category ng Hong Kong International Culinary Classic (HKICC), habang dalawa pang iba pang kalahok ang nagkamit ng first place. Sa lahat ng kalahok, nabatid na ang Pilipinong mag-partner na sina sina Michael Madrid at Joan Leslie Dela Cruz ang nagkamit ng pinakamataas na score sa lahat ng mga lumahok. Base sa ulat ng goodnewspilipinas.com, nagluto

ang dalawa ng Black Pumpkin Pate a Choux at Tinapa Tuile sa ginanap na HKICC para sa HOFEX 2015 na tumagal sa loob ng tatlong araw. May mga pagsubok ding hinarap ang dalawa sa kumpetisyon dahil na rin sa limitadong supply ng ingredients. Si Joan ay isa nang instructor sa Baking and Pastry Arts habang si Michael ay isa namang fresh graduate mula sa kursong Professional Cooking and Baking and Pastry Arts taglay ang isang Grand Diploma. Bukod sa dalawa, 19 na Pilipino rin ang nagwagi sa sa iba’t ibang kategorya ng kumpetisyon.

K

lang ng mga dumating na turista sa lugar. Hunyo dumating ang mga pag-ulan sa iba-ibang panig ng Pilipinas, kabilang na sa Boracay.

Boracay, nakapagtala ng mahigit 800,000 tourist arrivals sa unang bahagi ng taon alahati pa lamang ng taon ngunit nakapagtala na ng mahigit 800,000 tourist arrival sa isla ng Boracay -lagpas kalahati sa itinakdang target ng Municipal Tourism Office na 1.5 million ngayong taon. Sa ulat ng Municipal Tourism Office (Mtour), base sa nailathala sa bomboradyo.com, nakapagtala ng 852,168 na tourist arrival sa isla sa first half ng taon. Binubuo ang nasabing bilang ng 357,303; foreign tourist 469,227 domestic tourists; at 25,638 overseas Filipino workers . Sa tala rin ng Mtour, Abril umano ang nagtala ng pinakamalaking tourist arrival na sinusundan ng buwan ng Mayo. Sumunod naman ang mga buwan ng Enero, Pebrero at Marso. Samantala, Hunyo naman ang nag-rehistro ng may pinakamababang bi-

Archbishop Villegas, muling nahalal na pangulo ng CBCP

M

uling pinangalanan si Archbishop Socrates Villegas bilang pinuno ng Catholic Bishop's Conference of the Philippines (CBCP). Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, nakakuha si Villegas ng 82 boto mula sa 95 na bishops na dumalo sa plenary assembly ng nasabing organisasyon. Ito ang ikalawang termino ni Bishop Villegas bilang pangulo ng CBCP. Ang isang termino ng CBCP officials ay binubuo ng dalawang taon. Bukod kay Bishop Villegas, nahalal din sina Archbishop Romulo Valles at Archbishop John Du bilang vice president at treasurer. Nakuha naman ni Fr. Marvin Mejia ang posisyon bilang secretary general. Ilang mga obispo rin ang naihalal bilang representatives ng kani-kanilang mga probinsiya.

Toronto, kinilala ang kontribusyon ng kulturang Pilipino

Foreigner na nag-positibo sa MERS-CoV sa Pinas, gumaling na

N

akalabas na ng ospital ang isang foreigner mula sa Saudi Arabia matapos maideklara na tuluyan na itong gumaling matapos lumabas na positibo sa sakit na Middle East Respiratory Syndrom-Coronavirus (MERS-CoV). Ayon sa pahayag si Dr. Lyndon Lee Sy, ang kasalukuyang Department of Health (DoH), na inilathala sa Bombo Radyo website, naging maayos umano ang pagtugon ng katawan ng pasyente sa gamutan at tuluyan na itong gumaling. Ang gamutan ay ginanap sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM). Dahil naging maganda ang pagtugon ng pasyente

sa gamutan, hindi na nito kailangang kumpletuhin ang kailangan na incubation period. Ang mga pasyenteng nakitang positibo sa MERS-CoV ay kinakailangang tapusin ang kalahating buwan ng incubation period bilang parte ng gamutan. Ang pasyente ay naibalitang nakaramdam ng sintomas ng MERS-CoV noong Hunyo 2. Ipinasok siya sa DoH at RITM noong Hulyo 4 para sa sa pagsusuri. Dito lumabas na positibo ito sa nasabing sakit. Ipinagpatuloy na ang gamutan para mapagaling ang pasyente. Napag-alaman naman na wala sa mga nakasalamuha ng banyaga ang nagkaroon ng parehong sintomas ng nasabing sakit.

S

aan man sa mundo, kilala na ang mga Pilipino dahil na rin sa yaman ng kultura nito at init ng pagtanggap ng mga Pilipino. Sa Toronto, isang Canadian community, ang St. James Town, ang kumilala sa kontribusyon ng kulturang Pilipino sa ginanap na 2nd annual walking tour sa siyudad. Sa ginanap na tour, base sa ulat ng goodnewspilipinas.com, nagbalik-tanaw ang Canadian community at sinabing ang St. James Town ang lugar kung saan unang nanirahan ang mga Pilipinong piniling manirahan noon sa Toronto. Sinabi pa nga ni Tyler Greenleaf na isang board member ng Heritage Toronto na malaki ang naging papel ng mga Pilipino sa naging pag-unlad ng kanilang lugar dahil na rin sa masipag na pagta-trabaho ng mga ito. Ayon pa kay Greenleaf, ginagawa nila ang annual walking tour upang mas lalo pang mas makilala ng lahat ang kulturang Pinoy.


4

August 2015

Global Filipino

Tatlong leksyon ng Greece para sa iyong personal na buhay na gipit ka na nga, subalit kailangan mo pa ring magpadala sa iyong magulang sa pinas? Tandaan na ang iyong anak, sa panahong ikaw ay tumanda at mag-retiro na, ay may sarili na rin itong buhay at pamilya. May mga pagkakagastusan din ito. Palayain sila sa ganitong responsibilidad upang mas mapa-angat pa nila ang antas ng kanilang henerasyon. Ang mithiin ng ating henerasyon ay ang maging tulay upang mas umasenso pa ang susunod na henerasyon. Huwag maging pabigat at sagabal sa henerasyon ng iyong anak. Isipin mo kung paano maging independent sa pinansyal na aspekto sa iyong pagtanda.

2. Huwag ilagay ang iyong pera sa iisang klase ng investment.

U

sap-usapan sa buong mundo ang krisis ng bansang Greece ngayon. Maingay, madrama at puno ng aksyon at pulitika itong krisis kung saan ang Greece ay hindi na kayang magbayad ng kanyang utang sa iba’t ibang bansa at mga international lenders. Bilang miyembro ng European Union, nadamay din ang ibang mga bansa na kasapi nito. Nitong mga nagdaang mga linggo, nakikita natin sa diyaryo at telebisyon ang banggaan ng mga ideya at saloobin ng maraming mga personalidad. Ang Greek Crisis ay hindi lamang isang krisis sa ekonomiya at krisis sa politika. Ito ay isang personal krisis din sa mga indibidwal na mamamayan. Isa sa apat na tao sa Greece ay walang trabaho. Marami din ang umaasa sa pension mula sa gobyerno. Pababa ng pababa naman ang sweldo ng mga taong may trabaho. Kung kaya’t ang lahat ay apektado. Habang hindi pa tapos ang mala-telenovelang drama na krisis sa Greece, mahalagang mapag-aralan mo ang leksyon nito. Sa tingin ko, ito ang tatlong malalaking leksyon ng krisis sa Greece sa iyong personal na buhay.

1. Huwag iasa ang iyong pang-araw araw na pangagailangan sa gobyerno o sa pamilya. Maliban sa kawalan ng trabaho, karamihan sa mga taga-Greece ay naka-depende sa pension mula sa gobyerno. Kung kaya’t naka depende ang kanilang pera, at pamumuhay, sa gobierno. Kung naka-depende ka sa pension, at hindi naging maganda ang pag-manage ng iyong pension, saan ka kukuha ng pang-bayad sa iyong pagkain, bahay, kuryente, ilaw, tubig at gamot? Tama naman na dapat pakinabangan mo ang iyong pension na binayaran mo naman ng ilang taon, subalit huwag na ito lang dapat ang tanging source ng iyong pera sa panahon na ikaw ay mag-retiro. Mahalaga itong leksyon na ito dahil bilang mga banyagang manggagawa sa Japan, hindi ganun kadali na makaclaim ng pension sa Japan. At kung ikaw ay uuwi na sa Pinas sa iyong pagtanda, siguraduhin na ang iyong pension ay makakasuporta sa iyong lifestyle. Pangalawa, tigilan mo na ang pag-asa sa iyong pamilya. Sa henerasyon natin, tama naman na kailangan nating suportahan ang ating mga magulang sa kanilang pagtanda. Subalit sa iyong pagtanda, huwag naman i-pressure na ang iyong anak na siya naman ang magbabayad ng iyong mga pangastos. Huwag gawing parang pension o alkansiya o investment ang iyong anak. Huwag iparamdam sa iyong anak ang nararamdaman mo ngayon. Gusto mo rin bang maramdaman nila ang iyong naramdaman na gipit

Ayon sa balita, kung ikaw ay mamamayan ng Greece, hindi ka pwede mag-withdraw ng pera kada araw ng mas higit pa sa 8,000 yen (~ 66 dollars). Ang matindi pa dito, kahit pwede ka mag-withdraw ng 8,000 yen, sarado naman ang mga bangko. Paano na lang ang mga pensioner na ang tanging ipon ay nanduon sa nakasaradong bangko? Ang leksyon dito sa iyo ay huwag ilagay ang iyong pera sa iisang investment lamang. Ang ipon ay mainam na ilagay sa 2 o tatlong bangko. Mas mainam din na ilagay ang iyong ipon sa iba’t ibang klase ng investment gaya ng emergency fund ( mga 3 months ng iyong sweldo) sa isang bangko, time deposit para sa medium-term na investment sa ibang bangko, at mutual funds o stocks para sa long-term investment. Pinaka-mainam din na maliban sa pera, mag-invest sa ibang assets gaya ng gold, silver at alahas (totoong gold, hindi yung gold certificate) at real estate o lupa. Sa ganitong paraan, kung sakaling ma-bankrupt man ang iyong suking bangko, o magkaroon ng crisis, may iba kang pagkukuhanan ng iyong pag-gastos sa pang-araw araw. Ilagay ang iyong pang-retirong pera sa iba’t ibang klase ng investment, at iba’t-ibang kumpanya.

3. Huwag maging “disposables”. Sa panahon ng krisis, ang unang tinatanggal sa trabaho ay ang mga disposables. Ito ang klase ng trabaho o posisyon na madaling palitan, may alternatibo, o hindi kailangan sa major operation ng isang kumpanya. Halimbawa ng mga disposable na trabaho ay manual work gaya ng sa factory at construction. Maaari din na sa parehong klase ng trabaho, kung ang iyong kaalaman ay kulang, maari ka pa ring mabilang sa disposables. Halimbawa, kung ikaw ay caregiver subalit hindi marunong mag-Japanese, maaaring ikaw ay maging disposable sakaling may ibang staff na marunong mag Japanese. Laging maglaan ng panahon at pera upang i-improve ang iyong sarili. Mag-aral ng iba’t ibang skills, sumali sa mga seminar at trainings o kaya magpaturo sa iba. Upang hindi mauna sa matatanggal, mas mainam na marami kang alam na trabaho. At sakaling ikaw ay matanggal, may iba kang pwede pagtrabahuhan gamit ang bago mong kaalaman. Bonus na leksyon: Sa propesyonal na buhay, ang iyong number one na customer ay hindi yung nag-order sa iyo ng pinakamalaking order. Mas lalong hindi ang regular client mo na palaging order ng order sa iyo o sa kumpanyang iyong pinagtratrabahuhan. Ang iyong number 1 na customer ay ang iyong boss. Upang hindi maging “disposable”, dapat makita ng iyong boss na ikaw ay importante at nakakatulong sa kanyang trabaho. Maaring hindi ka personal at direktang apektado ng krisis sa Greece. Kahit pa man na ito ay nakaka-apekto sa ekonomiya ng Japan, Pilipinas at iba pang bansa. Subalit,

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

DEAR KUYA ERWIN

ni ERWIN BRUNIO

Mobile: 090-6025-6962 Email: erwin@daloykayumanggi.com Facebook: www.facebook.com/ebrunio Twitter: DaloyJapan Line: erwinbrunio Linkedin: erwinbrunio ang Krisis ng Greece ay isang talinghaga din ng krisis sa iba’t ibang kumpanya. Mismo dito sa Japan, may mga kumpanya na rin na parang nasa “Greek Crisis.” Nitong mga nagdaang buwan lamang, may mga Filipino companies na nagsara o kaya nagbawas ng staff o operation. May mga Japanese companies din na nagsara ng mga opisina, at nag-lay-off ng mga Pinoy na trabahante. Hindi mo direktang kontrol kung ano ang takbo ng ekonomiya ng iyong bansa o ng iyong kumpanyang pinagtratrabahuhan.Hindi mo rin makontrol kung ano ang nangyayari sa iyong paligid sa ngayon. Subalit, makokontrol mo ang iyong reaksyon sa iyong paligid, kung ikaw ay papaapekto o hindi. Makokontrol mo ang iyong hinaharap. Laging tandaan ang 3 leksyon mula sa krisis ng Greece. Huwag iasa ang iyong pang-araw araw na pangagailangan sa pension sa gobyerno o suportang pinansyal mula sa pamilya, lalo na sa panahon ng iyong pag-retiro. Huwag ilagay ang iyong pera sa iisang bangko at sa iisang klase ng investment. At higit sa lahat, huwag maging disposable.


5

August 2015

Daloy Kayumanggi

Balita

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Mula sa Pahina 1

Eleanor Fukuda: Global na Communicator

Mas detalyadong PDOS para sa mga OFWs, isinusulong Mula sa Pahina 1

By Tokyo Boy (Mario Rico Florendo)

Tokyo Boy: Sa pagiging lider niyo naman po, paano kayo nagsimula bilang lider dito sa Japan? Eleanor: Si John Orola, is our tourism attahe. He is the founder of ODAN-J. Sinabi niya sa akin na iwanan ko sa iyo ang ODAN-J. Ayun, hanggang ngayon meron pa. Along the years until now, naging good leader ako. Marami rin kaming projects, yung sa Pinatubo, yun ang biggest project na ginawa namin. Pinagamit sa amin ang basement ng Nippon Seinenkan Hall. Dun kami nagload [ng donations] tapos pinadala sa Pinas. [Tapos] gumawa [rin] kami ng day care center sa Bacolod, we sent school buses, ambulances, fire trucks. I am president of Negrense dito sa Japan. ODANJ. NAconsider ko na lucky ako na wife ng isang Japanese kasi mostly ng friends ko divorced na. Siguro mabait lang siguro yung asawa ko. Kasi siguro dahil iba yung kultura. Tokyo Boy: At ngayon nga po kayo ang bagong PAG President. Pwede niyo po bang ilarawan kung ano po ang PAG at kung ano po ang ginagawa nito? Eleanor: Main purpose of PAG [o Philippine Assistance Group] ay assistance to nationals. Last year marami tayong natulungan. Mostly [yung] walang perang pang-uwi tayo ang bumili ng ticket para makauwi sila. [Pero] namimili tayo, mayroon tayong committee na pinipili ang tutulungan. Pinapasa ng Embassy kung sino ang may kailangan ng tulong. Yung ang trabaho natin kaya may fund-raising palagi. Tokyo B: Ano po ang pinakamahirap sa trabaho niyo? Eleanor: Ang problema ko lang [sa akin] short-tempered ako sa meetings. As a leader di dapat ganun. Siguro yung challenge sa akin sa buong taon [ay] i-hold ko yung temper ko. If you are a leader, dapat mahaba ang pasensya mo. Tokyo Boy: Kung may dream project kayo para sa PAG ano po iyon? Eleanor: As of now, humihingi [ako] ng advice sa seniors [ko]. Kung ano yung effective na projects, ulitin natin. Pero gusto ko talaga [ay] Thanksgiving Party. Sa February 2 may Valentines Party. Fund raising lahat yun. Pero iniisip ko rin magkaroon ng tie-ups/collaboration sa ibang Fil orgs sa ibang bansa. Basta may contact sa ibang countries. [Para] pag pumasyal sila sa Japan, pwede tayo magkaroon ng dialogue. Tokyo B: Para sa iyo, ano o sino ang Global Pinoy? Maaari niyo po bang maituring ang sarili niyo bilang isang Global Pinoy? Eleanor: Yes. Kasi ang trabaho ko ay trading, I do business globally, I deal with people globally and I also think global. Maski nasa home country ka, kahit ‘di ka well travelled, basta may global thinking ka, global ka. May media naman, may internet, may telepono ka, kahit wala kang pambili ng tickets. [Dahil dyan] everybody is considered global. Sa pagtatapos ng aming kuwentuhan ay pinakita sa akin ni Nanay ang litrato ng anak niyang kasalukuyang miyembro ng Japanese Air Force. Inamin niyang kahit sa dami ng kaniyang gawain, nami-miss pa rin niyang kasama at kausap ang anak niya. Buti na lang at may Facebook, Line at smartphones kundi baka kailangan pa uling gumamit ni Nanay Eleanor ng CB radio para makausap lang siya. (Editor’s note: minsan nang may nagsabi na kung ilan ang Pinoy sa isang bansa ay ganoon din ang kuwento na maaaring maisulat tungkol sa kanila at para sa kanila. Ang Global Pinoy Special Feature ay sinimulan para ibahagi ang natatanging kuwento ng mga ordinaryong Pinoy na nagsisikap mamuhay sa ibang bayan. Dahil ang kuwento nila, kuwento rin natin.)

Isa sa mga dahilan ng pagsusulong ng House Bill 5696 ang pagkakakulong ng mga OFWs sa ibang bansa bunsod na rin ng iba-ibang mga paglabag sa batas. Ilan lamang sa mga nangungunang kaso ng maraming mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa ay ang pagdadala ng bawal na gamot, hindi pagsunod sa mga batas at kultura ng bansang kinaroroonan, at iba pa. Kung sakaling makakapasa ang panukalang batas na ito, magiging mas ko m p re h e n s i b o a t d e t a lya d o a n g nakapaloob sa PDOS para sa mga OFWs.

Petronas Twin Towers, Pinoy ang Arkitekto

P

a ra s a s i n o m a n g P i n oy o t u r i s t a n g bumibisita sa Malaysia, tunay ngang kahanga-hanga ang pagkakagawa ng matayog na Petronas Twin Towers. Pero alam niyo bang isang Pinoy ang nagsilbing henyo sa likod ng disenyong ito? Sa artikulo ng goodnewspilipinas.com, ang Pilipinong arkitekto na si Emmanuel “Manny” Canlas ang nagdisenyo ng Petronas Twin Towers sa Kuala Lumpur,

Biyahe ng solar-powered airplane, matagumpay

B

iyahe ng eroplanong pinalipad gamit ang sinag ng araw, matagumpay. Matagumpay na nakalipad mula sa bansang Japan patungong Hawaii ang isang eroplanong pinatatakbo lamang ng solar energy. Ang Solar Impulse ay lumipad ng 7,200 km sa loob ng 118 na oras. Lulan ang Solar Impulse ng piloto nitong si Andre Borschberg. Dahilan sa pangyayaring ito, ang Solar Impulse na ang may hawak ng record na manned solar-powered flight at un-refuelled journey. Samantala, natalo naman ni Borschberg ang record ni American Adventurer Steve Fossett na lumipad noong 2006 lulan ang single-seater jet sa loob ng 76 na oras.

Malaysia. Bukod pa sa Twin Towers, ilan din sa mga magagandang lugar sa Malaysia ang idinesenyo pa ni Manny Canlas, gaya ng Queens Bay Complex, na siyang pinakamalaking shopping center sa Penang, Malaysia. Siya rin ang nagdisenyo ng Menara Felda at Naza Tower na parehong 50-storey high. Ang nauna ay nagsisilbing office tower habang ang huli naman ay commercial building na itinanghal na Asia Pacific’s Best Commercial High-Rise Development para sa taong 2012 hanggang 2013, dahil na rin sa ganda at pagiging eco-friendly ng pagkaka-disenyo nito.

Japanese na lola, nakapaglangoy ng 1,500 meter freestyle

I

sang Japanese ang may hawak ngayon ng titulong "pinakamatandang nakapaglangoy ng 1,500 meter freestyle." Ito ay ang 100-year old na lolang si Mieko Nagaoka. Dahilan sa kanyang record kamakailan, siya ang itinuturing ngayong unang centenarian na nakatapos ng 1,500 meter free style swim. Nagawang matapos ito ni Nagaoka sa loob lamang ng isang oras at 16 na minuto. Nasa 80 taong gulang siya nang magkaroon siya ng interes sa paglangoy. Ayon pa kay Nagaoka, plano niyang lumangoy hanggang siya ay umabot ng 105, hangga't makakaya umano ito ng kanyang katawan.


6

August 2015

Editoryal

Daloy Kayumanggi

Inspiring Global Filipinos in Japan

Publisher: D&K Company Ltd Editor: Mario Rico Florendo (English,Tagalog) marioflorendo@daloykayumanggi.com 090-1760-0599 Sales and Marketing: Erwin Brunio erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@daloykayumanggi.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists: Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph

Aries Lucea Pido Tatlonghari Melbert Tizon Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.daloykayumanggi.com

www.facebook.com/daloykayumanggi

I

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

War of the Words

f one day China should change her color and turn into a superpower, if she too should play the tyrant in the world and everywhere subject others to her bullying, aggression and exploitation, the people of the world should identify her as social imperialism, expose it, oppose it and work together with the Chinese people to overthrow it. --talumpati ni Deng Xiaoping sa United Nations noong ika-10 ng Abril 1974

Marami ang nagsasabi na ang susu-

lagi niyang binabanatan ang ginagawa

at impormasyon. Pero sa nangyayari

nong paggamit niya ng mga salita para

nod na digmaan pagkatapos ng WWI at WWII ay tungkol sa tubig, langis,

ngayon sa pagitan ng Tsina at ng mga

kalapit nitong bansa sa Timog Silangang Asya kabilang ang Pilipinas-

-teritoryo ang nagiging simula ng alitan at di-pagkakaunawaan. At kung noon ang mga digmaan ay palakasan

ng sandatahang hukbo, armas at kagamitan ang labanan, tila nag-iiba na rin ang style ng gobyerno ng bawat bansa.

Tulad na lamang sa kaso ng pinag-

aagawang Scarborough Shoal na bahagi ng Spratly Islands. Alam ni PNoy

na walang laban ang navy o army natin sa kagamitang mayroon ang Tsina. Kung kaya sa kanyang mga talumpati,

umanong ‘pambu-bully’ ng Tsina sa Pilipinas. Dagdag pa rito, ang matalilalong i-highlight ang ginagawang

aksyon ng gobyerno ng Tsina ay interesante.

Nang bumisita siya sa bansang

Hapon kamakailan, ikinumpara niya

ang agresibong hakbang ng gobyerno ng Tsina bilang ‘pareho sa naging pagkilos ng mga Nazi noon’ bago pumutok

ang WWII. Sa naging pagdinig ng UNbacked na tribunal sa Hague, inakusa-

han ng Pilipinas ang PRC na ‘ginugulo’ ang mga batas patungkol sa karagatan.

Dagdag pa rito ang umano’y ‘pagsira’ ng militar ng Tsina ng mga yamangdagat sa mga isla dahil sa kanilang lan-

tarang pagpapatayo ng military bases

Tokyo Boy By: Mario Rico Florendo mrico.03@gmail.com sa isla.

Sa kabilang panig naman, ginagamit

rin ng Tsina ang media para palabasin na sila ang biktima sa sitwasyong ito at

hindi ang Pilipinas o iba pang bansa na

kaagaw nila sa teritoryo. Tinawag nila ang pahayag ni PNoy na ‘walang ba-

tayan’ at lalo lamang ‘nagpapasiklab’ sa alitan sa rehiyon. Inakusahan rin nila

ang gobyerno ng Pilipinas na ginagamit ang ‘public opinion’ para kumuha ng simpatiya sa international community.

Sa ganitong sitwasyon, marahil hindi

mahalaga kung sino ang tama at kung sino ang mali. O kung sino ang biktima

at kung sino ang may sala. Bilang isang

bansang maikukumpara kay David, ang

pagtayo ng Pilipinas para kalabanin ang isang Goliath na bansang tulad ng

Tsina ay isa ng tagumpay na maitutur-

ing. Marahil kung buhay pa si Deng Xiaoping, batay sa kanyang mga salita

ay susuportahan niya ang Pilipinas sa laban nito sa sarili niyang bansa.


7

August 2015

KA-DALOY

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

KA-DALOY OF THE MONTH Loreen Dave Calpito Email: davecalpito529@gmail.com

Dating Bilanggo, Muling Bumalik Sa Kulungan Upang Ayusin Ang Sistema

P

ara sa karamihan, ang pagkakakulong sa loob ng mahabang panahon ay isang yugto sa buhay na kung maaari lang ay huwag mo nang balikang muli. Ngunit sa isang artikulo sa Rappler.com, hindi ito ang naging kaso ni Raymund Narag -dating miyembro ng isang fraternity sa UP na nakulong sa loob ng anim na taon. Ano nga ba ang nagtulak kay Raymund para muling balikan ang kulungang naging tahanan niya sa loob ng nakalipas na anim na taon?

Sino nga ba si Raymund Narag? Si Raymund ay nagtapos sa kursong BA Public Administration sa UP Diliman noong 1995, subalit hindi n a s iya n a gka ro o n n g p a gka ka t a o n p a n g m a ku h a a n g kanyang diploma dahil bago pa man ang araw ng kanyang graduation, isang warrant of arrest na ang inilatag sa kanya kasama ng sampung iba pa. Noon ay miyembro siya ng Scintilla Juris Fraternity at sinasabing kabilang sa mga nakigulo laban sa Sigma Rho na nagresulta sa kamatayan ni Dennis Venturina na miyembro ng huli. Nakasuhan sina Raymund ng murder, dalawang kaso ng

frustrated murder, at tatlong kaso ng attempted murder. Kailangang bunuin ni Raymund ang kanyang mga susunod na araw sa loob ng Quezon City Jail.

Ang buhay sa loob ng kulungan Hindi naging madali para kay Raymund ang pagkakakulong dahil na rin sa mga problemang hinarap niya sa loob ng kulungan gaya na lamang ng siksikang mga selda, gang wars, mga delayed trial hearings, at ang hindi pag-apruba ng korte para sa kanyang appeal upang magpiyansa. Sa huli, nagdesisyon siyang walang mangyayari kung patuloy siyang magmumukmok sa kanyang selda. Nagsimula ang pagbabago sa buhay ni Raymund sa loob ng kulungan matapos na magpasulat sa kanya ang isang presong no-read at no-write para sa kanyang pamilya. Sa kalaunan, nakilala si Raymund bilang “Kuya Raymund” ng kanyang mga inmates dahil na rin sa pagiging edukado. Dito rin napag-alaman ni Raymund na halos kakaunti o walang alam ang kaniyang mga kasamahan sa kani-kaniyang mga kaso. Dahil dito, napilitan si Raymund na pag-aralan ang mga karapatan ng mga naakusahan maging ang mga batas at criminal procedures sa tulong na rin ng mga kaibigang kumukuha ng law. Sa kalaunan, nagle-lecture na si Raymund ukol sa mga legal rights ng mga inmates. Dahil na rin dito, umakyat ang posisyon ni Raymund sa loob ng kulungan at naging katuwang ng warden upang i-manage ang higit sa 3,000 inmates. Nagsimula siyang magbukas ng mga leadership training at nagbukas din ng isang literacy program upang maturuan ang mga kapwa preso sa loob ng kulungan. Dahil na rin sa pagkakakulong, natagpuan ni Raymund ang kanyang pananampalataya.

kanyang sarili, mas pinili ni Raymund na muling mag-aral hanggang sa makuha niya ang kanyang diploma, kumuha ng PhD sa United States at ngayon nga ay assistant professor na siya sa Southern Illinois University. Nagtuturo rin siya bilang visiting professor sa UP National College of Public Administration and Government. Ngunit hindi rito natapos ang yugto ng buhay ni Raymund sa kulungan. Binalikan niya ang seldang nagkanlong sa kanya upang mas mapabuti ang sistema sa loob nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga libreng reforms at lecture programs. Isinulat din niya ang librong Freedom and Death Inside the Jail na tumatalakay sa mga problema sa loob ng mga regional jails sa bansa. Ika nga ni Raymund, dapat na makita ng lahat na ang t u n ay n a p a g l aya ay a n g p a g b a b a g o n g k a l o o b a n . S a ganoong paraan mo lamang mararanasan ang tunay na kalayaan kahit pa nga nasa loob ka ng kulungan.

Ang pagbabagong-buhay ni Raymund Matapos mapatunayan sa korte na wala siyang kasalanan, lumaya si Raymund noong 2002. Ngunit, imbes na gawing dahilan ang kanyang pagkakakulong para limitahan ang

1広告で3つ媒体に掲載 より多くフィリピン人が閲覧 (Daloy Kayumanggi Photo Contest Winner)

1*Print (印刷): 3,000+ 一意のアドレス

2*ウェブサイト

4,600+毎月のページビュ

3*フェイスボック

2,400+ facebook ファン 5,400人 閲覧の平均

Daloy Kayumanggi Newspaper Job Advertisement Rate (新聞紙ダロイカユマンギーの求人広告)

For details, contact: D&K Corporation

03-5825-0188 / 090-6025-6962 (Erwin)


8

August 2015

STUDENT'S CORNER

Khouhai Kit Gabay sa Pagtira sa Japan

“Saan ako titira? Iyan ay ilan lamang sa mga pinag-iisipan at pinagdedesisyunan ng mga Pilipino na lilipat ng bansa. Partikular na sa mga bagong salta sa isang bansa tulad ng mga estudyanteng mag-aaral sa Japan, mahirap masagot ang tanong na ito.

Kung kaya, narito ang isang gabay hindi lamang para sa mga estudyante kundi pati na rin sa lahat ng mga Pinoy na kasalukuyang nakatira sa Japan at balak lumipat o titira sa Japan sa hinaharap. Maraming klase ng tirahang maaaring pagpilian ng mga estudyanteng titira sa Japan at bawat isa sa mga ito ay may positibo at negatibong punto. Maaaring pagpilian ang mga sumusunod: dormitoryo, apartments o ang tinatawag dito na mansion (hindi malaki at magarbong bahay tulad ng pagkakaintindi natin sa Pilipinas), o kaya naman ay shared houses.

DORMITORYO Ang mga dormitoryo ay ang pinakamurang tirahan para sa mga estudyante. Karamihan sa mga dormitory sa Japan ay pagmamay-ari ng mga unibersidad o kaya naman ng JASSO (Japan Student Services Organization) kaya naman ang renta sa mga ito ay mas mababa kumpara sa iba. May mga pagkakataon rin na ang mga kompanya dito sa Japan ay naglalaan ng mga dormitoryo na kanilang pagmamay-ari para tirhan ng mga estudyante.

Kung ang hanap naman ng isang estudyante ay pribadong tirahang hindi tulad ng mga dormitoryo, maaaring mas angkop para sa kanya ang apartment o mansion. Gayunpaman, ang mga ito ay may kamahalan, hindi lamang sa renta buwan-buwan at pangkalahatang bayarin sa gas, tubig, at kuryente, kung hindi dahil na rin sa malaking paunang pambayad na kinakailangan nito.t

SHARE HOUSE Isa naman sa unti-unting nakikilala ng mga estudyante ay ang tinatawag ditong shared houses. Mas pribado ito kung ikukumpara sa mga dormitoryo at hindi nangangailangan ng malaking paunang pambayad sa mga ito, hindi tulad sa tradisyunal na sistema ng rentahan dito sa Japan. Ang mga mangungupahan sa mga shared houses ay maaaring kumuha ng pribadong silid. Makakagamit sila ng mga bahagiang pasilidad gaya ng sala, kusina, at labahan. Iba-iba ang mga presyo ng mga shared houses ngunit madalas ay kasama na ang pangkalahatang bayarin sa gas, tubig, at kuryente sa buwanang renta. Sa paghahanap ng matitirhan dito sa Japan, tandaan rin ang mga sumusunod:

1. Mahalagang tandaan na karamihan ng mga dokumento, kung hindi kalahatan, patungkol sa pagtira ay nakasaad sa Nihonggo. Hanggang maaari, magsama ng Japanese na kaibigan or kaya naman ay kaibigang marunong magsalita ng Nihonggo sa pagtatanong o sa paglagda sa mga dokumento patungkol sa iyong pagtira. Maaaring may pagkakataon na hindi maipaliwanag nang buo ng mga ahente ang mga ito.

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan"

2. Mahalaga rin na malaman kung humihiling sila ng tagapanagot o guarantor. Kung isa ito sa mga kondisyon sa iyong pagtira, makipag-ugnayan sa iyong eskwelahan o employer kung maaari silang magsilbing guarantor para sa iyo. 3. Alamin rin kung may curfew sa iyong gustong tirhan.

4. At huli sa lahat, sumunod sa lahat ng panuntunan sa tirahan sa lahat ng oras, kasama na dito ang wastong pagtatapon ng basura.

Bukod sa mga ito, ang mga sumusunod ay ilang din sa mga maaaring pagisipan sa paghanap ng tirahan dito sa Japan: • gaano kalaki ang titirhan; • may mga gamit pambahay na ba ito; • mag-isa ka lang bang gagamit ng kusina, o ‘di kaya ng banyo; • gaano kalayo ang titirhan mo sa istasyon ng tren/bus; • gaano ito ka-insulated (dahil makakatipid ka tuwing tag-init at taglamig kung ang titirhan mo ay well-insulated); • kailan naitayo ang gusaling titirhan mo (ang mga gusaling naitayo pagtapos ng 1981 ay sumusunod sa mas mahigpit na building code lalo na patungkol sa paglindol); • at ang presyo at pagbabayad.

Narito naman ang mga karaniwang bayarin para sa mga mangungupahan dito sa Japan bago sila lumipat: • Deposito (Shikikin) na katumbas ng isa or dalawang buwang renta na maaari namang maisauli ulit pagkatapos ng kontrata; • Key money (Reikin) o tinatawag na gift money para sa landlord na katumbas din ng isa or dalawang buwang renta; • Komisyon (para sa real estate agent) na katumbas ng isang buwang renta at buwis; Insurance na nagkakahalaga ng ¥10,000-¥20,000; • at Cleaning Fee patugon sa halaga ng pagpapalinis ng tirahan mo kung ikaw ay paalis na.

Hindi madaling gawain o desisyon ang pagpili ng tirahan dito sa Japan. Hindi rin maikakailang mahalaga na may kaalaman ka na patungkol sa mga pamamaraan dito sa Japan upang mas makagawa ka nang desisyong totoong makakabuti sa iyo. Sa maliit na paraan, sana ay makatulong ang mga impormasyon at paalala na naibahagi sa pagkakataong ito. Para sa iba pang mga gabay para sa estudyanteng Pinoy dito sa Japan, komunsulta sa Kouhai Kit na matatagpuan sa AFSJ website. At kung may mga katanungan o komento kayo, huwag kayong magatubiling magpadala sa execom.afsj@gmail.com.

ALUMNI OF THE MONTH

Maria Carmelita Zulueta Kasuya

P

anganay sa apat na magkakapatid, ako ay kaisa-isang anak na babae nila Dr. Francisco Zulueta at Dr Celia Zulueta. Ipinanganak at Dr. nag-aral sa Maynila, ako ay lumipad patungong Tokyo noong September 1991 bilang research student sa pamamagitan ng Waseda University – De La Salle University Graduate Research Scholarship. Sa panahong ito ko nakilala si Hiroaki Kasuya, isang Tagalog student. Nang matapos ko ang Master of Science in Chemistry, nagpakasal kami at nagdesisyon ako na dito na mamalagi sa Japan. Ang pagmamahal ni Hiroaki sa wika, kultura at kasaysayan ng Pilipinas ang laging nagpapaalala sa akin na mahalin ang bayang sinilangan, pahalagahan ang relihiyon at pagyamanin ang sariling kultura. Sa pamamagitan ng Monbusho scholarship grant, nagtapos ako ng Doctor of Engineering sa Tokyo Institute of Technology noong 1999. Matapos ang dalawang taong postdoctoral fellowship, naimbitahan akong maging faculty sa

Institute of Industrial Science ng The University of Tokyo. Hanggang sa kasalukuyan, ako ay research associate professor at mananaliksik. Pinag-aaralan ko ang: 1. Fluorous solvent for cell culture: Culture of animal cells using perfluorinated compounds for medical application such as regenerative medicine and organ preservation 2. Biocombinatorial Glycolipid Synthesis Production of biologically important glycolipids using animal cells to understand and treat diseases such as cancer To date, I am author to 51 publications in international scientific journals and chapter author of 2 books (Breakthroughs in Melanoma Research and Nanotechnology in Carbohydrate Chemistry). Naging bahagi ako ng AFSJ sa unang pagkakataon noong 1991 kung saan ako ay napakiusapang (napilit!) kumanta saChristmas Party. Ang mga sumunod na pagtitipon at pagbabahagihan ng karanasan ay napakalaking tulong upang maka-survive sa Japan. After so many years, I was reconnected with AFSJ through the Pinoy Talks (2013). Naimbitahan (napilit uli!) ako na magbahagi ng aking research at karanasan sa academe. I enjoyed sharing with the young scholars. The occasion made

me realize that Japan has been my home for 20 years (and getting old). Yet, it is only in the company of fellow Filipino students that I can truly be at home (and feel young). Salamat sa AFSJ family. Very challenging ang maging faculty sa top Japanese University na kung saan kalalakihan ang majority at bihira ang galing sa Southeast Asia. (Ayon sa aking pagsasaliksik, ako ang kauna-unahang Pilipina na faculty ng unibersidad na ito.) Nevertheless, I persevered because there is adequate funding to do quality research,opportunities to present the work to international conferences and avenues for collaborative research with universities in the Philippines. To meet the expectations, I demanded excellence.


9

August 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Sining at Kultura

The Return to Present: A brief Visit to Dystopia (An Exhibition Review of Sono Sion’s “Whispering Star”) ni Jong Pairez After the future when all is gone and nothing is left but the mummified debris of modern life, our common impulse is to return to the beginning – of going back. The third part of Sono’s work entitled “Hachiko Project” more or less tells us about this nostalgic longing for return.

T

here is this unfamiliar single music track titled “Fare Thee Not Well Mutineer” by an indie rock band Grandaddy. It’s a song about the horrible post-­‐apocalyptic distant f u t u re . T h e dys to p i a n song also tells us reveries of living again in a healthy planet that has been obliterated long time ago by utopian human progress. In that distant future amidst high-­‐rise carcasses and dead malls left behind there is nothing else to do but to helplessly daydream of another place to live peacefully, however, impossible to achieve. The feeling of despair, weariness, and longing portrayed in that song resonates with Sono Sion’s recent films, Himizu and The Land of Hope. However, this time around Sono Sion, an infamous poet and radical filmmaker in Japan today, traversed time and space from the unknown future to tell us some terrible news to mankind in his recent solo exhibition titled “The Whispering Star” featured by the controversial art group ChimTPom for their debut of Garter -­‐ an Artist-­‐run-­‐ space located in the old Koenji neighborhood threatened by gentrification. The solo exhibition, which is difficult to categorize, has three main facets that has resemblance to architecture, video installation, film, and performance art. Each side represents the work: “Tokyo Gagaga,” “Hachiko Project,” and “Whispering Star." Moreover, each work has its own context in time yet seamlessly related like a narrative film. One of the three works is a video installation taken from his latest feature film, “Whispering Star” that is scheduled to hit local theaters next year. The video installation as a film excerpt displayed in four different ways tells us the story in whispers about a future gone wrong. Shot in different locations from the evacuated zone of

radioactive Fukushima, Sono profoundly framed the decaying future-­‐present in this site-­‐specific video installation that reminds us of Andrei Tarkovsky’s sci-­‐fi classic “Stalker (1979).” Tarkovsky’s film anticipated the unimaginable nuclear disasters (Chernobyl and Fukushima) by portraying the apocalyptic future already present in the nuclear zone, which he metaphorically depicted in the film as Zone of Alienation. Sono’s performance group “Tokyo Gagaga (1993)” understood precisely the meditations of Tarkovsky’s zone of alienation, which he believe, was already contagious in the daily life of Japan’s post-­‐bubble economy since the early nineties. Armed only with creativity and awareness, Sono’s notorious performance group waged a two-­‐year war against normalization of alienated daily life by occupying and hijacking the densely populated streets of Tokyo to the surprise of the authorities and passersby alike. Those daring actions were unearthed from his archive of video footages, which he repurposed along with the endless fabric of protest banners to form an architectural piece mummifying the dilapidated building that housed the exhibition space. This second part of his work clearly expresses cynicism to the illusion of industrial progress and development that was once the ideology of the early 20th century utopian avant-­‐ garde that precedes him.

Hachiko is an iconic statue of a dog in Shibuya Station who is famously known for waiting dutifully to his master who never returned. It is also popularly known as a meeting spot for people. By reproducing exact copies of the iconic statue and distributing it to deserted zones in radioactive Fukushima, Sono dramatically hope for the impossible return of a once simple and lively prefecture in the Japanese northeast. However, I understood this longing for return in the philosophical concept of Nietszche’s “Amor Fati” and Schopenhauer’s “Eternal Recurrence” that both advise us to return to our same bodies that we eventually forget once we pursue for the ideal (endless material wealth) and abstract (money). Given this impossibility of idealized form of return, Sion Sono in his solo exhibition after all is not about reincarnation of paradise lost. Instead, he wants us to take a closer look in our present reality as Nietszche poignantly said in Ecce Homo, “My formula for greatness in a human being is amor fati: that one wants nothing to be different, not forward, not backward, not in all eternity. Not merely bear what is necessary, still less conceal it—all idealism is mendacity in the face of what is necessary—but love it.” This open acceptance of our disastrous fate, however, difficult to achieve might lead us to a hopeful life that is neither contained in the nostalgic past nor idealistic future. Eternity is the here and now says the whisper behind “The Whispering Star”. Sono Sion’s “Whispering Star” was viewed until July 26, 2015 at Garter Artist-­‐run-­‐ space Koenji, Tokyo### Jong Pairez 16 July 2015 Tokyo, Japan


10

August 2015

Personal Tips

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Tokoshima Awa Odori -- swak na festival para sa mga mahilig sa sayaw

I

sa sa mga bansang may malawak at mayamang kultura ay ang Japan. K aya n a m a n , n gayo n g A g o s to , i s a s a m ga h i n d i m o d a p a t p a l a m p a s i n ay a n g pagdiriwang ng Tokushima Awa Odori -ginaganap tuwing ika-12 hanggang ika-15 ng Agosto sa Tokushima City. Isa itong malawakang pagdiriwang, kung saan itinatampok ang sayawan sa buong siyudad. Hindi lamang libong katao ang dumarayo sa nasabing festival, kundi milyun-milyon -- kung saan, marami ay galing pa sa iba't ibang panig ng daigdig. h awa k- h awa k d i n n g m ga m a n a n ayaw a n g m ga shamisen, tambol at plauta. Tradisyunal na sayaw ang ipine-perform ng mga kababaihan; samantalang,

iba-iba naman ang sa mga kalalakihan, depende kung umaga o gabi. Kapag umaga, sumasayaw ang mga kalahok ng Nagashi -- kung saan, masasalamin ang pagiging elegante ng mga Hapon. Sa gabi naman, sinasayaw

ang Zomeki -- isang sayaw na puno ng enerhiya at kasiyahan. Kung ikaw ay mahilig sa sayaw, ang festival na ito ay swak sa iyong panlasa.

Harajuku Omotesando Kanto Matsuri -- isa sa mahuhusay na mga festivals Genki Matsuri Super Yosakoi sa sa mga nakakaaliw sa Japan ay ang kanilang parada ng mga tambol at plauta, kasabay ang malakas mga kapistahan. na pag-awit ng mga kalahok habang sinasabi ang -- isang malawakang dance Isa sa mga kilalang pista sa Japan ay ang Kanto “dokkoisho, dokkoisho." festival sa tokyo Matsuri o Pole Lantern Festival, na dapat mong Paunlarin ang kaalaman sa kultura ng Japan.

I

sang summer festival na maituturing, tampok sa Harajuku Omotesando Genki Matsuri Super Yosakoi ang malawakang "dance festival." Karaniwang ipinagdiriwang sa hulihang bahagi ng Agosto, ang two-day festival na ito ay sumasalamin sa husay ng mga Japanese sa pagsasayaw, at higit sa lahat, sa pambihirang pagmamahal ng mga it sa kanilang kultura. Isinasagawa ito sa dalawang lugar sa Tokyo -- ang Harajuku at Omotesando. Kasabay ng pagdiriwang na ito ang mainit na panahon, ngunit sa kabila nito, makikita pa rin ang mga Japanese na sumasayaw nang may matatamis na ngiti. Kaya, kung gusto mong maaliw -- at mahawaan ng mga ngiti ng performers -- ang festival na ito ang perpekto para sa'yo ngayong Agosto.

I

matunghayan sa iyong pamamalagi sa Japan. Kadikit ang pistang ito ng selebrasyong ng Tanabata sa lungsod ng Akita. Kadalasan itong isinasagawa tuwing ika-3 hanggang ika-6 ng Agosto. Highlight ng nasabing pagdiriwang ay ang galing o husay ng mga taong magbalanse ng kanilang parol sa mahabang kawayan. Iba-iba ang sukat ng mga pole lanterns -- ang pinakamalaki ay may habang 12 metro at may bigat na 50 kilos. Kaya nitong bumuhat ng 46 parol na may nakasinding kandila. Bukod sa mga parol, matutunghayan din ang malaking

Tunghayan ang Kanto Matsuri.

sa sa mga nagpapatunay sa pagpapahalaga ng mga Japanese sa kanilang mayamang kultura ay ang selebrasyon ng mga kapistahan dito. At isa nga sa pinaka-kilala, na dapat tunghayan ng bawat turista, ay ang Hassaku Oshi-tsuki o bull fighting. Kadalasan itong isinasagawa tuwing buwan ng Setyembre sa Tsuma, Oki Island, Shimane Prefecture. Sa pagdiriwang na ito makikita ang pagsasanib ng kulturang Kastila at Hapon. Sa bull fighting na ito, matutunghayan ang kanilang mga matitipunong Matador at Toreador na bihasa sa tradisyunal na pakikipaglaban.

Gumagamit sila ng istilong sumo sa pakikipagtunggali sa, alagang torogayon din sa sa kanilang kalabang toro. Interesante 'di ba? Kaya't mag-book na ng iyong travel sa lugar na ito kasabay ng pagdiriwang ng nasabing pista.

Hassaku Oshi-tsuki: bull fighting na istilong hapon

I

Nagaoka Festival -- buhay na buhay na kapistahan sa Shinano River

M

arami ang nagaganap na pagdiriwang at kasiyahan sa Japan tuwing Agosto. Ito ay sa kadahilanang tapos na ang tag-ulan at mainit na ang klima sa buong bansa. Isa sa mga kilalang selebrasyon dito ay ang Nagaoka Festival. Ang Nagaoka Festival ay nagaganap tuwing Agosto 1-3 ng taon sa Shinano River. Samu’t sari ang makikita rito tulad ng naggagandahang mga shrine floats, mangilanilan na folk dance processions at naglalakihang fireworks display. Mayroon ding mga food tents, kung saan mabibili at matitikman ang mga tradisyunal na mga pagkaing sa Niigata. Ilan sa mga pagkaing ito ang Kanzuri, isang espesyal na seasoning na gawa sa sili at inilatag sa snow, nilagyan ng

harina, asin at yuzu; ang Hegi-Soba, isang soba na may espesyal na uri ng seaweed; at ang Sasa-dango, isang Japanese rice cake na may red bean paste na nilagyan ng mugwort at ibinalot sa dahon ng kawayan. Katakam-takam 'di ba? Kaya naman, kung gusto mong maranasan ang Nagaoka Festival, pumunta sa Shinano River sa Agosto 1 hanggang 3.


11

August 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

July 5th – Teacher’s Training sa Nagoya Sa tulong ng Social Enterprise for English Language School, nakapagsagawa ng isang training workshop si Efren sa Nagoya para sa ating mga kababayang naglalayong mapabuti ang kanilang pagtuturo ng English. Si Efren ay sinamahan ni Avic Tatlonghari sa pagtuturo kung papaano gagawing masaya ang pagtuturo ng English Grammar. Lubos na ikinagalak ng mga partisipante ang pagbibigay ng mga istretihiya at tips nina Efren at Avic upang maging isang epektibing guro.

Community Event July 9th – Book Reading para sa mga Batang Hapon Ang ating CNN Hero ay nabigyan ng pagkakataong magsagawa ng isang book reading activity kasama ang ilang batang Hapon sa Mekiba Elementary School gamit ang ilang piling larawan mula sa Manga Messiah book series. Pinangunahan din ni Efren ang pagtuturo ng isang English na kanta para sa mga bata. Napakagandang tanawin ang makita na isang guro mula sa Pilipinas ay nagtuturo ng English sa humigit-kumulang na 50 batang hapon, kasama ang kanilang mga magulang. Ito ay sa kadahilanang madaling makita ang sensiridad ni Efren na makapagbahagi ng kanyang kaalaman para sa kabataan, ano man ang lahi nito.

BUHAY GAIJIN ni Pido Tatlonghari Mobile: 090-9103-8719 Email: buhaygaijin@gmail.com

English Teaching Training Workshop sa Nagoya July 6th – Press Conference sa Philippine Embassy, Tokyo Dinaluhan ng humigit-kumulang sa 12 media outlets, gaya ng NHK World, Nikkei, Kyodo News, CGN TV at ibat-ibang Filipino newspaper at magazine dito sa Japan, matagumpay na naisagawa ang isang press conference para sa pagbisitang ito ni Efren sa Japan. Dito ay malinaw na naibahagi ni Efren ang layunin ng kanyang pagbisita at paghingi ng suporta para sa Hope for Living Philippines.

Press Conference sa Embahada ng Pilipinas sa Tokyo – Si Efren kasama ang ating Philippine Ambassador to Japan, Manuel Lopez, at namumuno sa event na ito. July 8th – Tahanan ni Nanay Sa pamumuno ni Nanay Anita Sasaki, Banaag Awardee, nagkaroon ng pagkakataong mabisita ni Efren ang tinatawag na “Tahan ni Nanay,” isang halfway house para sa mga kababayan natin sa Japan na nangangailangan ng tulong mula sa Philippine Embassy sa Tokyo. Ang TNN ay nagsisilbi din bilang isang lugar kung saan maaaring mapaunlad ng mga kabataang Filipino sa Japan ang kanilang kakayahan upang higit pang maging kapaki-pakinabang sa lipunan. Sa pagbisita ni Efren, hinikayat niyang lalo pang pagbutihan at bigyang halaga ang pag-aaral para sa mga kabataang ito.

Si Efren at Nanay Anita, kasama ang mga taga-suporta ng Tahan ni Nanay

July 9th – NHK World Live Guesting Bagama't sanay na sa paglabas sa TV si Efren, isang malaking karangalan para sa ating lahat ang nabigyan siya ng pagkakataong maibahagi sa mga manunuod ng Newsroom Tokyo ng NHK World kung anong klaseng pagtulong ang kanilang ginagawa para sa mga kabataang Pilipino at kung paanong ang isang bagay na gawa sa Japan, ang Manga Messiah books, ay gagamitin upang turuan ang mga kabataang nasa lansangan ng tamang pag-uugali. Sa salita mismo ni Efren, mahalagang maturuan ang mga batang lansangan ng tamang asal, ng pag-asa at pananalig upang kung dumating man ang pagkakataong mawala ang lahat sa kanila, mayroon silang pagkakapitan na makapagbibigay sa kanila ng panibagong pag-asa upang harapin ang hamon ng mundo. Para sa mga hindi nakapanuod ng interview na ito, maaari ninyong sundan ang link na ito: http://www3. nhk.or.jp/nhkworld/newsroomtokyo/ aired/20150709.html

Si Efren kausap ang mga anchors ng Newsroom Tokyo, si Sho Beppu at Aki Shibuya. July 11th – Teacher’s Training sa Tokyo Muling ibinahagi ni Efren ang ilan sa kanyang mga kaalamang istratehiya upang epektibong makapagturo ng English. Ang bahaging ito ng aktibidades ng araw na iyon ay dinaluhan ng ating mga kababayahang naglalayong makapagsimula ng kanilang sariling English school o magbuti ang kanilang pagtuturo. Ang mga kalahok ay hinamon ni Efren na gawin ang pagtuturo mula

Si Efren nagsasalita sa harap ng ilang Japanese Christian believers. sa kanilang puso at maging positibong impluwensya sa buhay ng kanilang mga estudyante. Muli din ibinahagi ni Avic Tatlonghari ang ilang istratehiya upang gawing kasiya-siya ang pagtuturo ng English Grammar.

July 11th – Pinoy Talks: Discovering the Hero in You Ang taunang event na ito ng Association of Filipino Students in Japan ay naging daan upang maibahagi ni Efren ang kanyang mensahe sa mga Filipinong estudyante at professionals dito sa Tokyo, na ang bawat isa sa atin ay m ay ka kaya h a n g m a g i n g m a b u t i n g impluwensya sa mga tao sa ating paligid. Hindi dahilan ang ating edad, estado sa buhay upang hindi magawa ito. Sinundan din ng isang open forum ang kanyang pagsasalita, kung saan ang mga partisipante ay nakapagtanong kay Efren at sa iba pang panauhin ng hapong iyon, kung ano ang kanilang mga naging eksperyensya upang tugunan ang kanilang pangarap at layuning tumulong sa kanilang kapwa.

July 12th – Pagbisita sa mga Japanese Churches Hindi lamang grupo ng mga Pilipinong naninirahan sa Japan ang nakasalamuha ni Efren. Nagsilbing isang malaking inspirasyon din ang adbokasiya, buhay at patuloy na pagtulong ni Eren sa mga kabataan sa Pilipinas sa mga Hapon. Naimbitahin din magbigay ng mensahe si Efren sa ilang Japanese churches dito sa Japan. Bunga nito, marami sa mga Hapon na nakapakinig ang nagnanais na pumunta ng Pilipinas upang magboluntaryong magtulak ng kariton at magturo sa mga bata sa lansangan. Napaigting din ng pagbisitang ito ni Efren ang koneksyon sa pagitan ng mga Pilipino at Japanese Christians. Sa mga larawan at event na nailista dito, maituturing na matagumpay ang naging pagbisita ni Efren sa Japan. Nagbigay ito ng panibagong mukha sa kung ano ang tunay na ibig sabihan ng pagsisilbi sa kapwa. Sino man ang nakadaupang-palad ni Efren, hindi maiwasang maenganyong tumulong din sa kanilang kapwa sa abot ng kanilang makakaya. At ipinakita ni Efren na ang pagtulong ay hindi nangangailangan ng isang espesyal na pagkatao kundi ng isang malaking puso para sa ating kapwa.

Patuloy sana ninyong suportahan ang kanilang adbokasiya. Kung nais ninyong makipag-ugnayan kay Efren at sa kanyang grupo, maaari ninyong ipadaan dito sa atin sa Buhay Gaijin. Mag-email lamang sa buhaygaijin@gmail.com Hanggang sa muli, mga ka-Daloy!

Si Efren habang nagbibigay ng kanyang mensahe


12

Ads

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"


13

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

How to Join: •

For inquiries call:

OLIVIA C. AKATSU Member Services Assistant - Japan International Operation Group

3rd Flr. SK Ueno Bldg., 3-18-7 Higashi Ueno Taito-Ku Tokyo 110-0015 Japan

Contact No: (0081) 080-1035-2808 Mobile No: (0081) 8048361435 E-mail: popjapan@pagibigfund.gov.ph Website: http://www.pagibigfund.gov.ph

Remit the required minimum Pag-IBIG I membership savings of Php600.00 Visit www.pagibigfund.gov.ph and click the "Filipinos Working Abroad" icon and then click the "Join the Raffle Promo" link. Click the "Verify" button. The system shall then display the member's Full name and Birth Date. In case the OFW member does not have an update membership information with the Fund, he/she is required to update his/her records via the Pag-IBIG online membership registration system before joining the raffle promo. Fill out the required information and the click the "Submit" button. A prompt message shall appear informing the member that he/she has successfully registered in the raffle promo and an email confirmation from Pag-IBIG shall be sent to the member within 24hours. Online registration to the raffle shall be done only once while electronic raffle numbers shall be sent continously via email for every P600.00 membership savings remitted.


14

August 2015

Global Filipino

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino


15

August 2015

Daloy Kayumanggi

Travel

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Slice of Mango, Slice of Life Aries Lucea Email: arieslucea@daloykayumnaggi.com www.daloykayumanggi.com

N

Sakai

International day 2015

agdaos ang Southern Regional Churches, Sakai Block ng taunang Interational Day Celebration. Ang nasabing pagdiriwang ay ginanap nuong Hulyo 12, 2015 sa Mikunigaoka Catholic Church, na sinamahan din ng iba't ibang community

members mula sa tatlo pang simbahang kabilang din sa Sakai block, Sembokou, Kongou at Hashimoto churches. Nakakatuwang masaksihan na ang International Day na ito ay

pinaghandaan at tinugunan ng labis na pansin ng madaming debotong Pinoy. Isa sa mga namuno sa event na ito ay si Ms. Cecilia Yamauchi, hindi lamang siya isang Church leader pero siya na rin ay isang haligi ng Filipino community ng Sakai. Dumalo din dito ang napakadaming miyembro ng Couples at Singles for Christ na galing pa sa buong Osaka. Kahit na tinaguriang International Day ang pagititipon na ito, angat na angat ang ating kultura at maging ang Pinoy community, na marahil

ay malaking bahagi ng kulturang Pinoy. Ito ay isang importanteng institusyong

ang pinaka-aktibo na

na kumakalinga hindi lamang sa pananampalataya ng maraming Pinoy, ngunit

ethnic group ng

siya ring kabalikat at nagbibigay sigla sa madaming samahang Pinoy.

simbahang Katoliko sa

Kaya naman dapat din nating pasalamatan ang parish priest na si Fr. Minoru

Osaka. Marami sa mga kababaihan ay nakasuot ng magarang baro't saya.

Murata, bagama't isang Japanese national pero para na ring Pilipino sa puso

Nandyan na rin ang pagpapakita ng galing sa pagsayaw ng tinikling at pati na

at diwa. At syempre ang napakasipag na mga paring Pilipino na si Fr. Armando

din sa modern dance. May "pabitin" na talaga namang ikinatuwa ng mga bata

Romero Tumaliuan at Fr. Patrick Castroverde. At sa lahat ng community

lalo na ng aking dalawang anak. At syempre pa ang highlight para sa

leaders, Sonny Sator ng Sagrada Familia, Helen Tabata ng Kishiwada Church,

nakararami, ay ang "lechong baboy," na makikita pang niluluto sa church

Imelda Soledad at madami pang ibang members, na layuning mabigyan ng

compound. Ang saya ng mga Pilipinong dumalo sa event na ito, at

kasayahan ang mga kapwa Pinoy sa pagsasalo na tulad nito, na kahit

nagmistulang isang malaking fiesta ang taunang pagdiriwang.

panandalian lamang ay para ba tayong binalik sa ating bayang kinalakihan.

Kahit na ako ay hindi relihiyosong tao, hindi maitatanggi na ang simbahan


16

August 2015

Global Pinoy

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

LIBRENG GABAY SA LAHAT NG APLIKANTE NA GUSTONG MAGPAREHISTRO SA TRABAHO upang mabigyan ng fulltime medical care at mabigyan ng karampatang pangangalaga para sa agarang paggaling Benefits of Dispatching

Sa iyong pamumuhay, maaari kang pumili ng trabaho na

alinsunod sa mga nais na mga kondisyon. Mula sa baguhan

hanggang sa magkaruon ng kasanayan, may mga kinatawan sa loob na maaring kumonsulta ng anumang bagay patungkol sa

trabaho. Maingat na ipinapaliwanag sa pagpaparehistro at pagtatagubilin, ang mga pasilidad ng mga nilalaman at daloy ng negosyo, oras ng trabaho, at ang buwanang sahod,

Sa isang magkahiwalay na interbyu, mangyaring sabihin ang

nais na mga kondisyon at takot sa iyong trabaho. Ang bawat isa

ay naghahanap ng karagdagang impormasyon o katanungan. Para sa mga mapapalad na aplikante, may mga malalapit na

I

sa kami sa mga mapagkakatiwalaang kompanya na nangangasiwa at pinoprotektahan ang mga medikal na

patlang. Magkasama kami ipinapatupad ang mga follow up system at sinusubaybayan ang mga talaan upang

mapabilis at maging kapaki-pakinabang ang trabaho

para sa mga darating na taon.

Kami ay may matatag na serbisyo ng mapagkukunan ng

trabahong pang medical course at nursing care, at hanapin ang trabahong tiyak na aakma sa inyo. Maaari kang pumili mula sa

trabaho upang maging angkop sa bawat sitwasyon at style ng

trabaho ( temporary staffing ) at direkta sa corporate style ( job placement , referral dipatcher). Kung may mga tao na makaranas

ng pagkabalisa, at hindi alam ang paraan ng pagtatrabaho, mangyaring makipag ugnayan agad sa mga in-charge sa site

lugar na agad naming ipinakikilala sa kanila.

Full-time interviews and job hunting personnel will follow Kinakailangan magkaruon ng pagsasaayos ng iskedyul at paunang pulong o kunwaring interbyu bago magpunta sa

mismong lugar ng trabaho. Huwag mag-alala dahil isa sa

aming coordinator staff ay sasamahan ang aplikante sa pagpunta sa kinaroroonan ng pasilidad.

Sa karagdagan , ang sinuman na hindi makakapagtrabaho

agad, nagintroduce ang company naming kung kalian at anong klaseng trabaho ang hinahanap nyo, ang kailangan lang gawin ay magparehistro at huwag mag atubuling makipag ugnayan.

Welfare is also safe in fulfilling

Social insurance at employment insurance ay maaari mo ring isali mula sa araw ng trabaho.

Sa bawat kalahating buwan ng taon, maaaring makakuha ng

paid holiday na tinatawag, kaya makakapagday off kahit

biglaan. Maari din makakuha ng advance(hiram) ng hanggang \50,000 pag kinakailangan ng pera sa isang biglaang gastos


17

August 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Global Pinoy


18

August 2015

Announcements

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"


19

August 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

OLWEYS LATE Guro: Juan, late ka nanaman! Juan: Pasensya na po ma'am, late po kasi 'tong relo ko. Guro: E 'di i-advance mo 'yang relo mo! Juan: Sige po (inaayos ang relo). 'Yan OK na! Bye po. Guro: O, saan ka naman pupunta? Juan: Uuwi na po. AMEN Amen: Udong, tara, simba tayo! Udong: Sige, Amen. Kaso first time ko lang magsimba. Amen: Ok lang 'yan sa likod lang kita. Lika, komunyon tayo! Padre: Katawan ni Kristo Amen: Amen! Udong: Ah! pangalan lang pala yun! Padre: Katawan ni Kristo Udong: Udong! IKAW ANG LASING Pulis: Sir, kailangan niyo po bagalan ang pagmamaneho niyo. Juan: Ay sori po chief. (lasing niyang sinabi) Pulis: Sir, 'di po kayo pwede mag-drive nang lasing. Juan: Sinong lasing, ako? 'Di ako lasing. Kilala nga kita eh. Pulis ka no? Pulis: Opo sir. Juan: Eh ako kilala mo? Pulis: Hindi po. Juan: Eh 'di ikaw ang lasing!

LEO Hul. 23 - Ago. 22 M a a a r i n g n a p a k a ra m i n g bumabagabag sa iyo nitong mga nakaraang araw. Dumadaan ka sa matinding pagsubok sa buhay, kung kaya naman nasisira ang iyong panampalataya sa Diyos. Huwag kang bibitaw – pasasaan din at malalampasan mo din 'yan sa tulong Niya. Masuwerteng numero ay 11, 5 at 10. VIRGO Ago. 22 - Set. 23 Napakaganda ng posisyon ng mga tala para sa iyo ngayon, Virgo! Kung meron ka mang pinaplano, ito na ang tamang panahon para gawin ito at malaki ang tyansa na makukuha mo ang iyong gusto. Konting ingat pa rin ngunit sa tamang preparasyon, malaki ang k a s i g u r a d u h a n n g t a g u m p a y. Masuwerteng numero ay 21, 12, at 3. LIBRA Set. 24 - Okt. 23 Magandang balita tungkol sa trabaho ang parating ngayon sa iyo. Pinagpaguran mo ito at matagal mong hinintay kung kaya’t hayaan ang sariling mag-celebrate ng kaunti kasama ang pamilya at mga importanteng tao sa buhay. Masuwerteng numero ay 13, 7, at 11.

WALANG PASOK Inay: Anak, may kasama daw si bagyong Pedring na hurricane at tsunami na kayang palubugin ang Pilipinas! Alam mo ba ibig sabihin nun? Juan: Wala pong pasok bukas? Yehey! LOMI Chito: Ah, waiter, bakit may langaw itong Lomi ko? Waiter: E, kasi po sir, sa sobrang sarap ng Lomi namin pati langaw gustong makatikim. PAGTULOG Pedro: Pare, bakit kanina ka pa nakaharap dyan sa salamin nang nakapikit? Juan: Shhh! Tinitingnan ko kung ano ang hitsura ko kapag natutulog! DONATION Girl1: Siguro nung nagpaulan ng kagandahan, tulog ka! Girl2: Sorry, gising na gising kaya ako nun. Girl1: Eh asan ka? Girl2: Nasa langit, Nagdo-donate! NALOKO SA BRA Kikay: Nay! Naloko ko yung tindera. Nanay: Ha? Bakit anong ginawa mo? Kikay: Kasi bumili ako ng bra. Eh wala naman akong dede! BLOOD TEST Apo: Lo, 'di kita mabibisita bukas. May blood test ako. Lolo: Ayos lang apo. Basta mag-aral ka nang mabuti.

ZodiacSign Juan: Pare ano ang zodiac sign mo? Pedro: Ikaw muna. Juan: Cancer, ikaw? Pedro: Goiter Juan: Wala namang ganun eh. Pedro: Joke lang, Ulcer talaga. Astig Tatay: Anak, binibigyang-galang ka 'pag dumadaan ka sa iskul? Ano sinasabi nila? Juan: "Mabuhay ang mahal na reyna!" Pangarap Pedro: Pangarap ko pong kumita ng P100,000, tulad ng tatay ko! Teacher: P100,000 ang suweldo ng tatay mo? Pedro: Hindi po! Yun din ang pangarap niya! Sungitan PEDRO: Pare akyat kang puno, pisilin mo yung bunga. Tignan mo kung hinog na. JUAN: Hinog na pare! PEDRO: Sige, bumaba ka na at sungkitin natin. Kasalan Boyfriend: Pakasal na tayo? Girlfriend: Sige! Boyfriend: Saan mo gusto? Pari o sa judge? Girlfriend: Syempre sa'yo! Loko to, nirereto pa ako sa iba. HI-TECH Juan: Ang galing ng nabili kong hearing aid. Hi-tech at ang lakas ng dating!

SCORPIO Okt. 24 - Nob. 22

AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19

Pagdating sa iyong kalusugan, maganda ang sinasabi ng mga tala. Maaaring napakalas at napaka-energetic ang pakiramdam mo ngayon – tama lamang 'yan at ayon sa mga bituin, magpapatuloy ito. Tandaan lamang na ang kalusugan mo ay nakasalalay sa napakaraming bagay kung kaya 'wag kaligtaan ang magagandang habits. Masuwerteng numero ay 6, 8, at 16.

Maaaring may lumapit sa iyo n gayo n p a ra m a n g u t a n g . Maganda ang iyong kinalalagyan pagdating sa pera, pero pag-isipan munang mabuti ang request bago pumayag. Masuwerteng numero ay 3, 19, at 22.

SAGITTARUIS Nob. 23 - Dis. 21

Maaaring medyo emosyonal k a n g ayo n d a h i l s a m g a pangyayari noong mga nakaraang araw. Pagbigyan ang sarili sa darating na weekend at magpahinga nang kaunti. Manood ng sine o hayaan ang sariling mag-enjoy kasama ang mga kaibigan o pamilya. Masuwerteng numero ay 8, 4, at 2. CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20

Ito ang isa sa mga pinakabusy mong buwan ngayong taon! Maraming demand hindi lamang sa trabaho kundi pati sa pamilya. Magpakatatag ka – lilipas din ito pagkatapos ng ilang araw. Masuwerteng numero ay 8, 12, at 17.

PISCES Peb. 20 - Mar. 20

Habang naaabot mo ang mga pangarap mo sa buhay ay lalo namang dumarami ang iyong mga responsibilidad. Kasama lamang ito ng success kung kaya't 'wag kang magreklamo. Tandaan: lahat ng ito ay para sa iyong pamilya. Palibutan ang sarili ng good vibes upang hindi agad mapagod. Masuwerteng numero ay 5, 10, at 14. ARIES Mar. 21 - Abr. 20 Hindi ito ang panahon para gumastos. Hangga’t maaari ay ipunin mo muna ang mga pararating mong pera at maglabas lamang kung kinakailangan. Ipagpaliban ang pagbili ng mga luxury items. Masuwerteng numero ay 19, 13, at 5.

Pedro: Magkano ang bili mo? Juan: Oo, kanina lang. LIKE A BIRD Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Tu m a l o n s a e ro p l a n o n a n g wa l a n g parachute! Juan: Totoo? Saan mo nabalitaan yan? Pedro: Dun sa burol niya! SABONG Sa sabungan walang entrance fee ang may dalang panabong. Bantay: (sinigawan si juan) Hoy! Ano 'yan? Juan: (galit) Manok! Bakit? Bantay: Alam ko, eh bakit sisiw? Juan: Heller?! May laban ang ama niya, syempre moral support! PERFECT Atty: Idescribe mo nga ung nanghold-up sa'yo. Biktima: Maitim, panot, pango, tigyawatin at bungal po. Suspek: Wow, perfect ka, perfect? FORTUNE J u a n : PA G B I L A N ! PA B I L I P O N G MARLBORO! Tindera: Hoy! 'Wag ka nga sumigaw hindi ako bingi! Ilang Fortune? COMFORTER Amo: Inday, ilipat mo nga ang comforter sa kwarto. Ipatong mo lang sa kama. Inday: Andun na po. Sinama ko na rin ang frenter at iskaner.

mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp

www.tumawa.com

TAURUS Abr. 21 - May. 21 Ang buhay pag-ibig mo ang maaaring manaig sa mga panahong ito. Gayunpaman, 'wag mong kakalimutan ang iyong mga responsibilidad, lalo na pagdating sa trabaho. Pihadong maiintindihan ng iyong karelasyon kung magiging busy ka sa mga susunod na araw. Masuwerteng numero ay 12, 9, at 15. GEMINI May. 22 - Hun. 21

Maraming mga kaibigan ngayon ang nagwo-worry sa iyo dahil sa pagiging masyadong focused mo sa trabaho. Bigyan ang sarili ng oras para magpahinga ngayong buwan at huwag masyadong pagurin ang sarili. Masuwerteng numero ay 10, 6, at 9. CANCER Hun. 22 - Hul. 22 Maganda ang pasok ng pera para sa'yo ngayong linggong ito. Maaaring maisipan mong mamili ng mga mamahaling bagay dahil dito ngunit pigilan mo ang iyong sarili! Bumili lang ng ilan at itago ang iba para sa mga emergency na maaaring mangyari sa hinaharap. Masuwerteng numero ay 5, 7, at 9.


20

August 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Gilas Pilipinas, kasama ng Palestine at Kuwait sa FIBA Asia Draw

M

atapos ang ginanap na official draw sa Changsha, China kamakailan, opisyal nang nabigyan ng group assignment ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Championship na isasagawa sa darating na Setyembre. Makakasama ng Team Gilas sa Group B ang mga bansang Palestine at Kuwait, pati na ang nanalo para sa East Asia qualifier, ayon sa ulat ng gmanetwork.com. Maglalaro ng single round robin ang bawat group at ang tatlong mangunguna ang papasok sa second round. Ang matitirang 12 grupo ay hahatiin pa sa dalawa bago makapasok sa knockout quarterfinals ang mangungunang apat na koponan. Ang Iran na siyang defending champion ay kabilang sa Group A, kabilang ang Japan, Malaysia at ang nanalo para sa South Asia qualifier. Kabilang naman ang Korea na siyang bronze medalist noong 2013 sa Group C, kasama ang China (kung saan gaganapin ang FIBA Asia), Singapore, at Jordan. Samantala, nasa Group D naman ang Qatar, Lebanon, Kazakhstan, at Chinese Taipei. Ayon sa mga eksperto, pabor umano para sa Gilas ang naging bunutan dahil maiiwasan na rin nila ang pagkakaroon ng matitinding kalaban gaya na lamang ng Qatar, China, at Kazakhstan. Ang mananalo sa FIBA Asia ang magkakamit ng tiket para sa 2016 Olympics na gaganapin sa Rio de Janeiro sa Brazil.

LARONG KALYE Melbert Tizon Email: mbtizon@gmail.com

SPORTS UPDATE Mayweather, umabot sa P10b ang naging kita sa nakaraang laban nila ni Pacquiao

Import ng GlobalPort na si Omar Krayem, excited na makalaro ang Gilas sa FIBA Asia

Si Ray Parks at Ang Pangarap Niyang Jackpot

T

P

ara sa mga Pilipinong basketbolista, ang NBA ay isang nakakandadong pinto. Hindi natin mabuksan sa ngayon, pero alam natin na balang araw, makukuha din natin ang tamang susi at makakapasok tayo. Sumubok na si Japeth. Ngayon naman si Ray Parks. Mukha mang hirap si Parks sa Summer League ng NBA ngayong taon, malinaw na may pagkakataon pala ang mga manlalaro natin na makatuntong sa entabladong ito. Malaking bagay ang NBA summer league. Ito kasi ay parang isang malaking job fair. Maraming mga executives at scouts ang nandito at sinisipat kung sino-sino pa ang pwedeng makapasok sa roster nila. Kapag pumutok si Parks, malamang makakapasok siya sa training camp ng isa sa mga NBA teams. Hirap si Parks sa kanyang unang tatlong laro. Halos hindi siya makakuha ng minuto at isang field goal lang ang nagawa niya. Parang hindi si Parks na kilala natin. Dito kitang kita mo kung gaano kalaki ang talent gap ng Pinas sa NBA. Kahit isang napakagaling na player na dito, bench warmer pa rin sa NBA Summer league. Hindi pa sa mismong NBA iyan. Hindi lang talent gap ang dahilan kung bakit wala pang homegrown Pinoy na nakakapasok sa NBA. Marami rin kasi sa mga manlalaro natin ang malamig sa ideya ng NBA dahil mayroon naman tayong sariling liga. Bakit ka nga naman maglalaro pa sa kabilang dulo ng mundo para maupo sa bench kung pwede kang maging superstar dito. Oo nga’t mataas ang suweldo doon. Pero iyong gastos ng pagtira sa Amerika at ang hindi kasiguraduhan kung may kikitain ka sa susunod na taon ay nagpapababa na rin sa halaga ng kita sa NBA. Kaya nga’t para makapasok sa NBA, kailangan talagang magkaroon ng dedikasyon at lakas ng loob na isugal ang sigurado nang komportableng buhay sa PBA. Sabi nga ni Parks, pangarap niya talaga. Katulad ni Parks, siguro kailangan pa ng mga Pinoy na magpalakas ng katawan. Isa pa, kailangan mas gayahin si Dellavedova kaysa kay Kobe. Kaunting exposure pa at makakalaro na rin ang homegrown players natin sa NBA. Nagkabreakout game na si Parks. Kaunti na lang. Magbubukas na rin ang pinto. Makakamit rin ni Parks, at ng iba pang Pinoy ang pangarap nilang jackpot.

alaga umanong nakalulula ang naiuwing panalo ni Mayweather sa nakaraang mega fight nila ni pambansang kamao Manny “Pacman” Pacquiao, ayon sa isang report. Subalit, hindi rin naman masasabing maliit ang naiuwing pera ni Pacman. Sa report ng ESPN, na inilathala sa gmanetwork.com, isang kilalang source daw na may alam sa mga pay-perview numbers ang nagsabing nasa $220 hanggang $230 milyong dolyar ang nalikom ni Mayweather sa naging laban nila ni Pacquiao o humigit sa P10 bilyon kung ikoconvert sa Pilipinas. Ayon pa sa nasabing source, ang perang nakuha ni Mayweather ay halos kasing-laki umano ng kabuuang pera ni Tim Duncan mula sa kanyang career bilang player ng San Antonio Spurs. Sa kabilang banda, malaki din naman ang naging panalo ni Pacquiao na nagkakahalaga ng $150 milyong dolyar o humigit kumulang na 6.8 bilyong piso. Katumbas naman ito ng pera ni LeBron James na naglalaro naman para sa Cleveland Cavaliers. Matatandaang nanalo si Mayweather sa nakaraang laban nila ni Pacquiao matapos ang unanimous decision ng mga hurado.

Mayweather, tinanggalan ng titulong napanalunan sa huling laban nila ni Pacquiao

N

ito lamang unang linggo ng Hulyo, Pinawalangbisa ng World Boxing Organization ang pagkakapanalo ni Mayweather sa Welterweight World Title na kanyang napanalunan sa laban nila ni Pacquiao ngayong taon matapos na hindi sumunod ang una sa mga patakarang inilatag ng WBO. Ayon sa ulat ng WBO, hindi naabot ni Mayweather ang isang deadline kung saan kinakailangan niyang magbayad ng sanctioning fee na nagkakahalaga ng $200,000 at bakantehin ang nauna niyang titulong hawak para sa Junior Middleweight title. Idinagdag ng WBO na hindi maaaring humawak ng higit sa isang titulo ang isang boksingero para sa multiple weight classes kung kaya’t kailangang mamili ni Mayweather kung mananatili sa Welterweight o Junior Middleweight class. Dahil sa hindi pagsunod ni Mayweather, nagdesisyon ang WBO na huwag ng kilalanin bilang Welterweight Champion of the World ang huli. Nagbigay naman ng dalawang linggong palugit ang WBO para bigyan pagkakataon si Mayweather na umapela sa kanilang desisyon.

N

akita ng mga basketball enthusiasts si Omar Krayem ng GlobalPort na nakipaglaro sa mga basketbolistang Pinoy kamakailan. At, bagama’t natalo ang GlobalPort sa naging laban nito sa Star Hotshots, tila hindi ito ang huling beses na makakalaban ng Palestinian import na si Omar Krayem ang mga basketbolistang Pilipino. Ito ay dahil na rin sa magka-grupo ang Pilipinas at Palestine sa ginanap na FIBA Asia Championship draw, kung saan parehong nasa Group B ang dalawang bansa. Nangangahulugan din ito ng siguradong laban sa pagitan ng dalawa sa unang yugto ng FIBA Asia. Ang point guard ng Palestine ay kabilang din sa FIBA Asia at siyang nangungunang Asian import sa PBA. Bukod pa rito, kinikilala rin ng mga Grand Slam coaches, gaya nina Tim Cone at Norman Black, si Krayem bilang isa sa pinakamagagaling na Asian imports na ipinasok sa katatapos lamang na Governors’ Cup, ayon sa ulat ng gmanetwork.com. Ayon kay Krayem sa isang panayam, excited na umano siyang makaharap ang kanyang mga makakalaban sa FIBA Asia, lalo na ang team Gilas, dahil naglalaro na rin naman siya sa Pilipinas at idinagdag pa niyang magiging isang karangalan ang paglaban niya sa koponan ng bansa.

Chris Tiu, hindi pa rin desidido sa pagreretiro sa PBA

T

ila 50/50 pa rin ang lagay ng napapabalitang pagreretiro ni Chris Tiu sa PBA matapos ang tatlong taong paglalaro nito para sa koponan ng Rain or Shine Elasto Painters. Naging usap-usapan kamakailan sa social media ang sinasabing napipintong pagreretiro ng basketball player matapos na kumalat ang balitang magreretiro na nga ito. Ayon naman sa kapatid ni Chris Tiu na si Charles na dating assistant coach sa PBA at basketball commentator na ngayon, base sa panayam ng GMA News, hindi pa rin naman umano desidido ang kapatid na si Chris sa pagreretiro. Idinagdag pa ng kapatid ni Chris na malaki ang posibilidad na maglalaro pa rin si Chris sa hardcourt. Bagama't sinabi ni Charles na “50/50” ang lagay ng desisyon ng kanyang kapatid, umaaasa pa rin siyang magpapatuloy sa paglalaro ang kapatid.


21

August 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Aegis, maglulunsad ng bagong album

I

naasahang masisiyahan na naman ang mga Aegis

Princess Charlotte ng Britanya, nabinyagan na

fans sa mga susunod na buwan matapos ihayag ng

banda na magkakaroon muli sila ng bagong album ngayong taon.

Kilala sa mga hit songs na "Halik" "Luha," "Ba-

sang-basa sa Ulan," at "Sayang na Sayang," isa ring major

concert ang inihanda ng bandang Aegis sa Muzik Museum, Hulyo 23.

Aasahan din umano ng mga fans na may mga madam-

daming lyrics at mga birit na bahagi ang mga mapapasamang mga kanta sa kanilang bagong album.

Patok ang mga kanta ng Aegis sa mga videoke sessions at

sa mga kumpetisyon. Noong nakaraang taon, isa sa winning piece ni Lyca Gairanod, ang kauna-unahang "The Voice of the Philippines," ang isa sa kanilang mga hit songs.

Claudine, may bagong pelikula; balik-Kapamilya

G

ood news sa mga Claudine Barreto fans:

I

nabangan hindi lamang ng mga tagaBritanya, kundi pati na ng ibang mga tao sa

buong mundo ang binyag ni Princess Char-

lotte Elizabeth Diana -- ang ikalawang anak na babae ng mag-asawang sina Prince Wil-

balik-Kapamilya network na siya ulit.

liam at Duchess Kate.

Unang magiging proyekto ng aktres ay

Inilunsad kamakailan ang nasabing binyagan sa

ang "Etiquette For Mistresses," kung saan

St. Mary Magdalene Church Sandringham estate na

makakasama niya sa casts ay sina Kim Chiu,

nasa Eastern England, na pinangunahan ni Arch-

Iza Calzado, komedyanteng si Cheena, at Kris Aquino.

bishop Justin Welby -- ang parehong Archbishop na

Sa ulat ng dzmm.abs-cbnnews.com, ang nasabing movie

nagbinyag kay Prince George, ang unang anak ng

ay isang adaptation ng libro ni Julie Yap Daza, kung saan

mag-asawa.

gagampanan ng mga nabanggit na artista ang pagiging

Sa ulat, limang kaibigan at bahagi ng pamilya ang

"kabit."

mga ninong at ninang ni Charlotte.

Ang comeback movie na ito ni Claudine ay mapapanood

Nagkaisa ang mga taga-Britanya upang abangan

ng publiko bago matapos ang taong 2015.

ang binyag ng tagapagmana sa British throne.

"I'm very, very happy, of course. They told me that there's

Bianca Gonzales at JC Intal, babae ang magiging panganay

a Chito Roño project plus s'yempre si Kris. Kung meron akong ate dito sa showbiz, s'ya talaga 'yun," ika ng aktres.

Nakasama ni Claudine si Kris sa pelikulang "Sukob"

noong 2006.

Si Chito Roño rin ang direktor ng nasabing bagong movie.

Pakikipag-away ni Baron Geisler sa isang bouncer sa Pampanga, viral sa Internet

I

sa ang kasalan nina Bianca Gonzales at

JC Intal sa mga pinag-usapan nito lamang nakaraang taon, na halos kasabay ng kasalan ng Kapuso star na si Heart Evangelisra

kay Sen. Chiz Escudero at ng Kapuso Pri-

metime couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

V

Kamakailan, ibinalita ng PBA player na si JC, sa

pamamagitan ng kanyang Instagram account, na

babae ang kasarian ng magiging panganay na anak iral ngayon ang video ng sinasabing paki-

Disyembre 4 noong nakaraang taon ikinasal ang

kipag-away umano ni Baron Geisler sa isang

sa pitong minuto. Batay sa eksplanasyon ng nag-post, hindi

dalawa sa Lagen Island Resort sa El Nido Palawan

ang video ay isang bahagi lang ng promo

Ang ikalawang bahagi ng na-post na video ay may haba

Habang sinusulat ang balitang ito, anim na bu-

bouncer sa Pampanga nito lamang Hulyo 7.

Pinag-iisipan na nga ng taumbayan kung

o TV show na hindi pa alam ng lahat o isang totoong insidente.

Matagal-tagal din ang naunang video na may habang higit

nila ni Bianca.

Kumalat na sa social media ang video ng umano’y pag-

wawala ng aktor sa Skytrax Bar sa Angeles, Pampanga matapos itong i-upload sa Facebook ng isang kinilalang Mojahid Abdulmoume.

pinapasok si Geisler ng bouncer dahil lasing na ang aktor at hindi maaaring mag-disco ang mga taong lasing.

at nito ngang Abril, inanunsyo na ng mag-asawa na buntis na si Bianca sa kanilang magiging panganay.

lamang na isa’t kalahating minuto at ipinapakita na ang

wan na ang dinadala ng TV host na isinusulong

video, hindi daw siya ang kumuha ng video kundi ang kaibi-

patuloy pa ring nag-e-exercise si Bianca na apruba-

pagwawala ng nasabing aktor sa labas ng bar.

Ayon sa interview ng PEP.ph sa nag-upload umano ng

gan niyang may hawak ng cellphone ng panahong iyon.

ang pagkakaroon ng healthy lifestyle para na rin sa kalusugan ng kanilang baby. Bukod sa healthy diet,

do naman ng kanyang doktor, gaya ng pagsu-swimming, yoga, at pilates.


22

August 2015

Andrea Torres, pinag-iisipan ang pagkuha ng mas sexy roles

I

sa ang aktres na si Andrea Torres sa mga artistang nagsimula bilang isa sa mga wholesome actresses ng GMA 7. Ngunit, heto at isa na ang sweet actress sa mga tila lumilinya na sa pagpapa-sexy. Ayon sa Kapuso actress sa gmanetwork.com, talagang hinintay niya ang tamang pagkakataon para sa pagpapa-sexy at tila nakabuti naman daw ang desisyon niyang ito para sa kanyang career. Matapos na mapabilang sa listahan ng 10 Sexiest Women ng FHM ngayong taon, bigla tuloy naging usap-usapan kung handa na nga bang tumanggap si Andrea ng mas sexy at mas daring na roles. Safe naman ang naging sagot ng aktres sa pagsasabing bakit hindi basta’t maganda ang proyekto. Ayon pa sa aktres, nananatili siyang bukas sa mga challenges, ngunit dapat na hinay-hinay lamang daw siya. Nang tanungin din hinggil sa kanyang lovelife, sinabi ni Andrea na mas gusto muna niyang mag-concentrate sa trabaho dahil may tamang panahon din naman para sa pag-ibig.

Kris Bernal, may pag-asa raw na maging romantic ang relasyon kay Aljur Abrenica

N

aging ka-date ni Kris Bernal si Aljur Abrenica sa Preview Ball kamakailan. Bunsod nito, maraming mga fans ng dalawa ang nagtatanong: "Mauuwi kaya ang kanilang loveteam sa katotohanan?" Sa panayam ng gmanetwork.com kay Kris, sinabi niya na totoong madalas silang magkasama ni Aljur dahil na rin nakasanayan nilang yayain ang isa’t isa. Ayon sa aktres, natural lang daw na yayain siya ni Aljur, dahil lagi naman silang ganoon tuwing may events. Idinagdag pa ng aktres na dahil na rin siguro ito sa kanilang pagiging malapit na magkaibigan. Iginiit naman ni Kris na maaari at posible namang maging totoo ang loveteam nila dahil pareho naman silang single. Iyon nga lang, hindi naman nanliligaw ang binata sa dalaga. Inamin naman ni Aljur na close nga sila ni Kris dahil na rin masarap itong kausap at mahilig itong kumain. Aniya, “I love spending time with Kris…” Ngunit, hindi pa niya masasabi kung talaga ngang magiging romantic ang ending ng pagiging magkaibigan nila ni Kris.

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Mayor Herbert at Kris, nagkabalikan na ba?

N

gayong magtatambal muli sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at ang TV host and actress na si Kris Aquino, kumakalat na tuloy ang balitang nagkabalikan na ang dalawa. Totoo nga ba? Sa panayam kay Mayor Herbert, sinabi niyang trabaho lamang ang magiging balik-tambalan nila ni Kris Aquino. Iginiit naman ng PEP.ph na “sweet” daw kasi ang dalawa makaraang mag-guest si Mayor Herbert sa TV show ni Kris. Ayon naman sa alkalde, mahalagang maibalik ang pagiging magkaibigan nilang dalawa ni Kris dahil na rin magsasama sila sa pelikulang isa rin sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival. Dagdag pa ng alkalde, ang sweetness na nakita noong

interview ay dahil magkabarkada naman daw sila at okay naman sila ng TV host-actress. Muli ring naungkat ang issue kung muli bang liligawan ni Mayor Herbert si Kris at ngumiti naman ito bago sumagot ng hindi daw nito alam basta’t barkada muna silang dalawa sa ngayon. Ukol naman sa mga issue sa pulitika, nabanggit din niya na meron siyang plano na muling tumakbo bilang mayor sa 2016 elections.

Showbiz personalities, fans ipinagluluksa ang pagkamatay ng aktres na anak ni Noni Buencamino

I

sa sa pinakamalaking mga usapan ngayon sa mundo ng Philippine showbizness ang pagpanaw ng young TV actress na si Julia Louise Buencamino, na anak din ng mga batikang aktor at aktres na sina Nonie at Shamaine Buencamino. Ayon sa mga naunang ulat, natagpuan ng kanilang kasambahay na wala nang buhay ang young actress bandang mga alas-otso ng gabi matapos magbigti sa kanilang bahay sa Quezon City. Tinangka pa ng pamilya na isugod si Julia para ma-revive subalit idineklara na itong dead-on-arrival pagdating sa ospital. Labis na nabigla ang mga katrabaho at kaibigan ni Julia, lalo na at meron siyang kinabibilangan programa ngayon sa ABS-CBN na Oh My G! Bumuhos ang pakikiramay ng mga fans, kaibigan,

W

at katrabaho ni Julia sa kanyang Instagram account at ilan pa nga sa mga ito ang nagkomento na tila daw “depressed” ang aktres, dahil na rin sa tema ng mga paintings na ipinost nito sa Instagram ilang linggo bago ito mag-suicide. ​

Maria Ozawa, patok sa fans sa victory party ng FHM ala man sa listahan ng top 10 "sexiest women" sa Pilipinas, agaw-pansin naman ang pagrampa ni Maria Ozawa kamakailan sa victory party ng

FHM. Punung-puno ng kumpiyansang rumampa ang dating Japanese porn star suot ang swimsuit, na sinabayan ng palakpakan at hiyawan ng mga manonood. Bukod sa pagiging cover girl sa FHM, isa pang proyekto ni Ozawa ay ang horror film nila ni Robin Padilla na kasali sa 2015 Metro Manila Film Festival. Galing pa umanong Japan si Maria bago ang nasabing event -- dumalo lamang umano siya sa victory party.

Carrie Underwood, iniligtas ang anak na na-lock sa sasakyan; binasag ang salamin ng sasakyan

A

ksidenteng nasarado sa loob ng sasakyan ang anak ng American Idol Season 4 Grand Champion na si Carrie Underwood. Kaya naman, napilitan umanong basagin ng singer ang salamin ng kanyang sasakyan. "When your dogs manage to lock themselves, all your stuff & the baby in the car & you have to break a window to get in," pahayag ni Underwood. Malaki umano ang posibilidad na ang mismong mga alagang aso na kasama ng anak na nasa loob ng sasakyan ang nag-lock sa pintuan ng sasakyan. Isinilang lamang nitong Marso ang anak na lalaki nila ni Mike Fisher na isang hockey player. Apat na buwan lamang ang anak nang maganap ang nasabing aksidente.


23

August 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Twit ni Idol Rhap Salazar

Lovi Poe, nasa maayos na kalagayan na matapos makagat ng alagang aso dalawang beses.

M Usap-usapan ngayon ang naging tweet ni Rhap Salazar na galit daw siya sa mga artistang nagli-lip sync lang kapag umaawit. Naging viral ang tweet ni Rhap sa Twitter matapos siyang mag-post ukol sa kanyang disappointment sa mga artists na nagli-lip sync lang naman kapag kumakanta. Naging kontrobersiyal tuloy ang naging pagpapahayag ng damdamin ng young Filipino singer sa twitter. Sa post ni Rhap nitong linggo, idinagdag pa niyang bukod sa pagli-lip sync, nagkakaroon pa raw ng mga album ang ilan na hindi naman daw talaga marunong kumanta.

Heart Evangelista

Nauuso na ngayon ang pagkalat ng mga dubsmash lalo na sa social media ngunit naging viral ang dubsmash ni Angelica Panganiban kung saan ginaya niya ang sikat na linya ni Cherie Gil na “copycat” mula sa pelikula nitong “Bituing Walang Ningning”. Naging kontrobersyal ang nasabing dubsmash ni Angelica dahil nasa background ang mga larawan ng dalawang Kapuso stars na sina Heart Evangelista at Marian Rivera. Ginamit ang dubsmash video sa comedy show kung saan kabilang si Angelica at makikita na habang sinasabi niya ang mga naunang linya ng Copycat line ay hawak niya ang picture ni Marian. Sa salitang “copycat”, binago ni Angelica ang larawan at ipinalit ang larawan ni Heart. Mapapansin din na halos magkapareho ang suot ng dalawang Kapuso stars sa kanilang mga litrato. Hindi naman direktang nagbigay ng reaksyon si Heart ukol sa dubsmash subalit may pahiwatig ang tweet niya batay na rin sa video. Nanatili namang walang pahayag ang Kapuso actress na si Marian ukol sa issue.

Lea Salonga

atapos mapabalitang makagat ng kanyang sariling aso, nasa magandang kalagayan na umano ang aktres na si Lovi Poe. Base sa kuwento ng aktres, kinagat umano siya ng alagang asong si Seth na napikon daw sa isa pang asong si Senor. Nagkataong tumalon daw umano si Seth sa aktres at nakagat ito nang

Jennylyn Mercado, sexiest woman sa Pilipinas holder, sapagkat siya ay kasalukuyang nagbubun-- FHM tis para sa panganay nila ng aktor na si Dingdong

I

tinanghal bilang sexiest woman sa Pilipinas si Jennylyn Mercado. Ito ang naging resulta ng botohan para sa titulong FHM 100 Sexiest Woman para sa taong ito. Mahigpit na nakalaban ni Jen ang mga kapwa aktres na sina Ellen Adarna at Andrea Torres sa top spot. Ilan pa sa mga napabilang sa sampung pinakaseksi, ayon sa mga voters, ay sina: Angel Locsin, Anne Curtis, Sam Pinto, Solenn Heussaff at Jinri Park. Nauna nang nai-post ang resulta sa opisyal na Facebook page ng FHM Philippines. Samantala, naging matunog naman ang hindi na pagsali pa ni Marian Rivera, na defending title

Dantes.

Angelika dela Cruz, nag-post ng larawan ng ikalawang anak

M

agkakaroon na ng pangalawang anak ang aktres na si Angelika dela Cruz. Kamakailan, ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account ang larawan ng kanyang baby boy na limang buwang gulang na nasa loob ng kanyang sinapupunan. "Meet Baby Orion / It's a baby boy #baby #baby #itsaboy #pregnant #21weekspreggy," ang caption ng larawang ipinost ng aktres. Lalaki rin ang anak na panganay ni Angelika sa asawang si Orion Caserea, si Gabriel.

Anak nina Dingdong at Jessa, nagbabalak pasukin ang showbiz

Bukod sa pagiging sikat sa Pilipinas, kilala rin sa international circle si Lea Salonga bilang singer. Nito lamang huling Independence Day, inulan ng batikos ang naging tweet ni Lea matapos niyang ipahayag ang saloobin sa pagdiriwang ng Independence Day sa bansa. Maraming netizens ang bumatikos at nag-react sa tweet ng international singer, kaya naman patuloy ring sumagot si Lea sa ilang mga netizens. Limang araw matapos na mag-tweet si Lea ay muli siyang nag-komento dahil na rin mas naliwanagan daw siya ukol sa pagkakaiba ng “kasarinlan” at “kalayaan” na naging punto ng usapan sa twitter. Nagpasalamat pa nga ang singer-actress sa isa sa kanyang mga tweets.

Laking pasalamat naman ng aktres at nabigyan siya agad ng paunang lunas ni Rocco Nacino na isa pa lang nurse. Si Nacino ay kasalukuyang kasintahan ni Lovi. Pagkatapos umanong mabigyan ng first-aid, agad umanong isinugod si Lovi sa isang ospital para mabigyan ng bakuna.

K

agaya ng mga magulang na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragosa, mahusay rin umanong kumanta ang anak na si Jada. Kaya, ayon sa mag-asawa, kung sakali man umanong makapagdesisyon ang anak na pasukin ang showbiz, buo umano ang ibibigay nilang suporta. Bukod sa mahusay kasi umanong kumanta ang kanilang anak na si Jada, kahawig din daw kasi nito ang estilo ng kanyang ina. Buo ang pagmamalaki ng mag-asawa na nagmana ang anak sa galing sa pagkanta sa kanila.

Anim na taong gulang na ang panganay na anak ng dalawa. Taong 2008 nang ikinasal si Angelika kay Caserea.

Bukod doon, mabait din daw ang bata kaya siguradong may kalalagyan ito sa mundo ng showbiz. Kung sakali man, aabangan marahil ito ng mga fans nina Dingdong at Jessa.


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.