Daloy kayumanggi newspaper 2016 january ダロイカユマンギー タガログ語 フィリピン新聞

Page 1

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Inspiring Global Filipinos in Japan

〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com

D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

Vol.5 Issue 55 January 2016

www.daloykayumanggi.com

SPECIAL ISSUE

16 IN 2016

MO RE O PAGN E5

DEAR KUYA ERWIN

KA-DALOY

HOROSCOPE

Panganib ng Facebook 4

Sipag at Tiayaga

Year of the Monkey

TRAVEL

Traveling Tokyo

15

7

SPORTS

Donaire, Kampeon muli

SHOWBIZ 20

4

Jodi-Ian, patok sa PSY 21


2

January 2016

Pilipinas, kabilang sa listahan ng National Geographic para sa best trips sa 2016

K

abilang sa listahan ng National Geographic Traveler ngayon ang Pilipinas bilang isa sa 20 l u ga r n a i n i re re ko m e n d a b i l a n g “ g o - n ow destinations.” Sa magazine, ipinakilala ang Pilipinas bilang bansa ng 7,107 isla. Tinawag din ang Pilipinas na “isla para sa lahat” dahil na rin sa ganda ng mga tanawin dito at sa pagiging malaking bahagi nito sa kasaysayan. Ilan sa mga lugar na itinampok sa magazine ay ang makasaysayang Intramuros sa Manila, ang kilalang Manila Bay, ang mga magagandang baybayin ng isla ng Santa Cruz at ang black sands ng Albay. Tampok din ang ilang kilalang water at diving spots sa Palawan kasama na rin ang ilang bundok, gaya ng Mount Apo at Siargao. Kabilang din sa mga itinampok ang UNESCO World Heritage Site na Cordillera Rice Terraces at ang wildlife sanctuary na matatagpuan sa Mount Hamiguitan Range. Bukod dito, itinampok din ang mga makukulay at kakaibang transportasyon na sa Pilipinas lamang matatagpuan, gaya ng mga jeepneys, tricyles, multicabs, at iba pang lokal na mga transportasyon. Tinawag ng nasabing magazine ang Pilipinas bilang “mix of tribal pride, Catholic fervor, American pop culture-savvy, and tropical affability.”

Pinay farmers, pasok sa Top 10 ng UN Project Inspire

P

asok ang mga Samar Pinay seaweed farmers sa kinilalang Top 10 ng Project Inspire na inilunsad ng United Nation Women Singapore Committee. Ang nasabing Project Inspire ay umikot sa temang “5 Minutes To Change The World” na kanilang ikinakampanya ngayong 2015. Ang entry ng Pilipinas ay may pamagat na “Not All Farm Produce Grow On Soil” ay naglalayong mas palawakin at mas patatagin pa ang seaweed farming na isa sa mga pangunahing kabuhayan ng mga taga-Samar, lalo na ng mga kababaihan. Layon din ng nasabing programa, sa tulong na rin ng mga lokal na sektor at ng barangay, na magkaroon ng mas mainam na community practice sa pagpa-farm, pag-a-ani at pagbebenta ng mga seaweeds. Matagumpay namang nakapasok ang nasabing programa kung saan 430 iba pang entries ang masusing kinilatis mula sa 70 kalahok na bansa, ayon sa ulat ng goodnewspilipinas.com. Layunin ng Project Inspire na maitaguyod ang mga proyektong nagsusulong ng sustainable idea, upang mapabuti ang kalagayan ng mga kababaihan na nakatira sa mga bansa sa Africa, Middle East at Asia Pacific. Bibigyan ng grant na nagkakahalaga ng $25,000 ang mananalo para maumpisahan ang proyekto.

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Pilipinas, muling nahalal sa IMO Council

M

uling nakuha at nare-elect ang Pilipinas para mamuno sa Council of the International Maritime Organization o IMO para sa taong 2016-2017 matapos ang isinagawang eleksyon sa London headquarters kasabay ng 29th Regular Session ng Assembly. Taong 1964 pa miyembro ng IMO ang Pilipinas na nanguna at nagpatupad ng 22 IMO conventions simula noon sa pagpapaigting at pagpapatupad ng international maritime standards and regulations. Ang ika-29 na Assembly ng IMO sa London na dinaluhan ng 171 Member States at 3 Associate Members ay kinikilala ng IMO bilang highest

governing body nito. Ang Assembly din mismo ang naghahalal ng magsisilbing Council na siyang mauupo sa loob ng dalawang taon. Nahahati sa tatlong kategorya ang IMO Council, ang Category A ay binubuo ng 10 bansa na may pinakamalaking international shipping services, ang Category B naman ay binubuo ng 10 bansa na may pinakamalaking international seaborne trade, habang ang Category C kung saan kabilang ang Pilipinas ay binubuo ng 20 bansang involved naman sa maritime navigation o maritime transportation. Naging dikit ang laban ng pwesto para sa Category C subalit nanalo pa rin ang Pilipinas na naging daan din upang manatili ang pagiging Council member ng bansa simula pa noong 1997.

uli na namang nagbigay-karangalan ang mga Pinoy athletes na sumabak sa 7th ASEAN School games. Sa kabuuan, nakapag-uwi ang Pilipinas ng tatlong gold medals, tatlong silver medals at 11 bronze medals. Ang mga atletang sina Jose Jerry Belibestre, Jr. ng long jump at Bryan Pacheco ng javelin throw ay parehong nag-uwi ng gintong medalya habang gold medal din ang naiuwi ng golf player na si Yuka Saso para sa individual category. Ang mga manlalarong sina Martin James Esteban ng triple jump at Arian Neil Puyo naman para sa 100 meters breaststroke at 100m backstroke swimming naman ang nag-uwi ng silver medals. Si Maurice Sacho Illustre naman ay nag-uwi ng parehong silver at bronze medals para sa contemporary swimming ng mga kategoryang 100m and 200m freestyle at 200m butterfly. Para naman sa bronze medals, nanalo ulit si Pacheco sa laro namang Shot Put Throw habang

nanalo naman ni Gilbert Rutaquio para sa 2000M steeple chase at si Angel Cariño sa larong long and triple jump. Nakakuha rin ng bronze sina Yuka Saso, Ashia Marie Nocum, Samantha Marie Bruce, at Harmie Nicole Constantino para sa team event na golf. Nakakuha rin ng bronze medal para sa individual golf event si Constantino habang tumanggap din si Puyo at Nicole Meah Pamintuan para sa swimming category na 200M backstroke. Panalo rin ng bronze si Mark Shelly Alcala para naman sa singles event ng badminton.

Kilala si Mother Theresa ng Calcutta bilang isa sa mga pinakamabubuting tao sa mundo bago siya namatay noong 1997. Ito ay dahil na rin sa kanyang naging pagtulong sa mga “poorest of the poor” na kanyang naging misyon simula noong siya ay magmadre. Pero kamakailan lang, iniulat ng opisyal na paha yagan ng Italian Catholic bishops conference na pormal nang gagawing santo si Mother Teresa sa September 2016. Ayon sa nasabing ulat, inaprubahan na ang pagiging santo ni Mother Teresa sa pamamagitan na rin ng decree na sinang-ayunan ni Pope Francis na kumikilala sa intercession na ginawa ni Mother Teresa dahilan upang makamit niya ang ikalawang milagrong nangyari sa kaniyang buhay. Ibinigay ang Nobel Peace laureate kay Mother Teresa ni Pope John Paul II na nag-beatify sa kanya noong 2003. Ayon sa ulat, nanalangin daw ang pamilya ng

isang lalaking meron malalang brain disease at mamamatay na kay Mother Teresa na himalang gumaling.

M

Pinoy athletes, panalo sa 7th ASEAN School Games

Mother Teresa, opisyal nang magiging santo sa September 2016


3

January 2016

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

DepEd, naglunsad ng National K to 12 Conference

M

atagumpay na nagtapos ang kauna-unahang National K to 12 Conference na inilunsad ng Department of Education o DepEd sa Philippine International Convention Center o PICC nitong Disyembre 4. “If yesterday I was celebrating with you what we have done, today I stand with great pride telling myself, ‘Ang sarap maging Pilipino. Pero mas masarap maging DepEd.’ Never in my life can I say that with conviction,” pahayag ni DepEd Secretary Br. Armin A. Luistro FSC sa pagtatapos ng nasabing conference. Mahigit sa 1,000 participants mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang dumalo sa two-day conference na tumalakay sa iba’t ibang strategies upang mas mapalawak at mas mapabuti pa ang implementasyon ng K to 12 Program, lalo na sa pagpasok ng Senior High School o SHS ngayong darating na taon. Ilan sa mga strategies na binigyang-diin ni Luistro sa nasabing conference ay ang mga K to 12

caravans at ilang unique approaches para sa nasabing program, gaya ng Teaching Strategy Festivals at Heroic Mobile Advocacy.

nim na awards ang naiuwi ng mga mamamayan ng Cordillera Administrative Region (CAR) sa Bangon Kabuhayan Awarding ceremony na ginanap sa Ramada Binondo Central, Binondo, Manila noong November 13. Sa ulat ng pia.gov.ph, kinilala ang CAR dahil sa proyekto nitong pangkabuhayan na inumpisahan sa Bontoc, Mountain Province na pinamagatang “Pathways to Progress: Eco-brick and Eco-block Making for Residual Wastes.” Nabuo ng LGU ng Bontoc ang nasabing proyekto para na rin masolusyonan ang problema ng mga tao sa basura. Dahil dito, kinilala ang proyekto bilang Most Environmentally Friendly Project at tinalo ang 13 iba pang kasali. Pero kahit na nagsimula ang proyekto bilang solusyon sa problema, naging paraan din ito ng mga taga-Bontoc para kumita. Ngayon, ang Oplan Pera Sa Basura ay isinasagawa na ng mga estudyante sa elementary at high school kasama na rin ang mga

provincial jail inmates na nangongolekta ng mga recyclable materials gaya ng plastic at papel para gawing eco-bricks at eco-blocks. Dahil dito ay muling pinarangalan ang proyekto ng award para sa Best Regional Microenterprise Project. Tinanggap din ng LGU-Bontoc ang mga awards para sa Best Regional Partner at People’s Choice Award for Microenterprise Development Track.

Mga taga-Bontoc, kinilala sa kanilang livelihood project

A

Pilipinas, ikatlo sa fastest growing economy ngayon sa Asya

K

asabay ng pahayag ni Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan na ikatlo na ang Pilipinas sa may mga pinakamabilis na lumalagong ekonomiya ngayong third quarter sa Asya, ipinahayag din ng National Economic Development Authority o NEDA ang kumpiyansa nitong maaabot ng Pilipinas ang target nitong 6 percent growth bago magtapos ang 2015. Sa tala ng NEDA ngayong taon, umabot sa 5.6 percent ang naging economic growth ng bansa sa unang siyam na buwan, kaya hindi rin malayong maabot nito ang 6 percent na target nila ngayong taon. Sa ngayon, ang China pa rin ang nangunguna pagdating sa economic growth na sinundan naman ng Vietnam at Pilipinas. Ayon pa sa NEDA, ang services sector ng bansa ang malaking dahilan kung bakit umangat ang ekonomiya ng Pilipinas. Malaki rin ang naging kontribusyon ng real estate, rentals, manufacturing, at mga negosyo sa paglago ng ekonomiya.

Kamanga Marine Eco-Tourism Park, tinaguriang 'The Best' sa Pilipinas

Nasirang kumbento sa Pasay, muling ini-restore para maging tourist attraction

N

apagdesisyunan ng provincial government ng Paoay na muling i-restore ang nasirang kumbento nito para maging tourist attraction sa lugar. Bukod sa nasabing kumbento, matatandaang sa Paoay din matatagpuan ang world heritage na simbahan ng San Agustin o mas kilala sa pangalan nito bilang Paoay Church. Una nang binuksan ng governor ng Ilocos Norte na si Imee Marcos ang bagong gawang kumbento noong November 12 kasabay ng kanyang ika-60 kaarawan. “This is really a magical day as we bring new life to a building that in the past used to house so many

of our priests,” ani Marcos sa panayam ng pia.gov. ph. Ilang metro lamang ang layo ng UNESCO-recognized world heritage na Paoay Church sa Convent Ruins, subalit napabayaan ito nang maabandona ito at maging horror house na ginagamit lamang tuwing Tumba Festival. Dagdag pa ni Gov. Marcos, mahigit 60 porsiyento ng turista sa Paoay ay returning visitors, kaya naman makatutulong ang pagre-restore ng Paoay convent ruins upang maging dagdag atraksiyon. Bukod sa pagre-restore, magkakaroon din ng souvenir shop, bookstore at restaurant ang Paoay convent ruins.

K

inilala sa ikalimang Para el Mar o For the Sea Awards ang Kamanga Marine Eco-Tourism Park and Sanctuary na matatagpuan sa Sarangani bilang “Most Outstanding Marine Protected Areas” na matatagpuan sa Pilipinas. Ang nasabing protected area na nasa Maasim, Sarangani ay kinilala dahil sa magandang halimbawa nito sa pagpapakita ng “exemplary marine and coastal governance.” Ang Para el Mar ay isang biennial event na inorganisa ng MPA Support Network, DENR, BFAR, UP Marine Science Institute at iba pang partners ng MPA. Ang nasabing marine protected area ay may lawak na 43.85 ektarya at mayroong mahigit sa 4,300 ng mga artificial concrete reefs sa mga marine areas ng Mangelen, Looc, at Tampuan. Mayroon ding mahigit sa 35,000 na mga bakawan ang nakatanim sa mga nasabing lugar para naman sa coastal health. Bukod pa rito, dalawang milyong bangus din ang pinakawalan upang magparami sa lugar, ayon sa ulat ng goodnewspilipinas.com.


4

January 2016

Global Filipino

BYE BYE JAPAN AT IBA PA: ANG PANGANIB NG FACEBOOK YESYESYES! At last, bye JAPAN na!!! My flight will be on 30th of December to las vegas nevada. It was a great surprise! Akala ko invalid na ang mga papers ko. I'll be there quite a while, and God is good as always. I'll be working there too. Sorry friends, if i didn't tell you earlier. I promised not to tell anyone unless it's confirmed. Guys, I will surely miss you all. Well, have a Merry Christmas and a Happy New Year, byebye. Post ng friend ko sa wall nya, kinopya lang din daw nya sa wall ng friend nya, kaya kinopya ko lang din sa wall nya. Kopyahin mo na din para masaya. Hahaha!#‎gogousaashitalavistabebeh Isang araw habang nagbabasa ako sa Facebook, nakita ko ang post na iyan. Ako ay napatawa habang kaharap ko ang monitor sa opisina. Kaya naisipan ko na kopyahin din ito at ilagay sa aking Facebook wall. Siyempre para mas kapani-paniwala, pinalitan ko ang original na “Las Vegas Nevada” ng Rome at dinagdagan ng kaunti. (Nagkaroon din ng revision, dinagdagan ko ng “copypasted from a friend’s post” upang maintindihan ng mga hindi nakakabasa ng Filipino).

Laging gulat ko ng biglang bumulosok itong Facebook post kong ito. Di ko na halos ma-replyan ang mga comments at likes nito. Nakakalap ito ng 256 likes, 3 shares at 103 comments. Subalit, ang mas higit kong ikinagulat ay ang mga komento ng tao gaya nito:

Sa aking karanasan bilang advertiser sa Facebook, dapat 100% na inaasahan ko na itong resulta. Ngunit hindi pa rin ako nakahanda at nagulat pa rin ako. May nag-private message sa akin at sinabi nga hindi nga talaga nagbabasa ang mga nag-comment sa aking post. Naitanong ko sa kanya kung dapat ko bang burahin ang post ko o hindi. Sabi niya ay huwag upang matuto ng leksyon ang mga tao, kung saan ay sang-ayon din ako. May isa pang kaibigan na nag-private message din at nag-suggest naman na burahin ko na ito. Dahil likas sa akin ang mag-experimento at magsaliksik, hinayaan ko na lang ito at gusto kong malaman ang statistics ng resulta. Upang mas pantay ang pag-analisa, hindi ko sinama ang comment ng mga foreigner friends ko kasi di naman nila lubos na naunawaan ang post. At narito ang nakakalulang resulta. Kung ang mga Pinoy lang na nagkomento ang bibilangin, 57 sa 74 na nag-comment ay naniwala na ako ay talagang aalis papuntang Rome. Ibig sabihin, 2 sa 3 tao ang hindi nakakuha na joke lang itong post ko. Halos 77% sa mga ito ay maaaring hindi binasa ng buo ang post ko. Maaari din na sila ay naapektuhan ng tinatawag na “crowd mentality.” Ayon sa mga nakausap ko, nabasa naman daw nila pero dahil nag-congratulate ang iba, sumunod na lang daw sila at nag-congratulate din. Dahil nalungkot ang iba sa aking pag-alis, nalungkot na rin sila. At ito ang panganib ng Facebook. Ang panganib ng hindi pa-

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

DEAR KUYA ERWIN

ni ERWIN BRUNIO

Mobile: 090-6025-6962 Email: erwin@daloykayumanggi.com Facebook: www.facebook.com/ebrunio Twitter: DaloyJapan Line: erwinbrunio Linkedin: erwinbrunio giging kritikal kung tama ba ang iyong nabasa na post o hindi. Ang panganib na dahil marami ang naglike o nag-comment, tama itong nakasulat. Ang panganib ng hindi pag-double check. Ang panganib ng pagmamadali. Ilang Facebook post na ba ang nakita mo na nagpakulo ng iyong dugo, inis o kaya naman ay awa sa isang bagay, tao o lugar. Halimbawa, ang post na ito sa ibaba na umiinom ng tubig si Presidential candidate Mar Roxas gamit ang pinggan (1, 2). O kaya mga post kung saan mga Tsino ay kumakain ng bata, o siopao na may halong karne ng daga o pusa. Sa mga post na ito, na-double check mo ba kung totoo ito. Nakuha mo ba ang rason ng bawat panig. Sa mundo ng Facebook, nakakalungkot isipin na ang pagiging kritikal ay hindi normal na gawain.

Larawan kuha sa Facebook Page “Oras Na, Roxas Na (1) h/t sa climsuem.com Huwag sisihin ang iyong sarili. Ayong sa artikulong “The Science Behind Why Smart People Fall for Dumb Social Media Hoaxes” ng Fortune.com (3), isa sa mga dahilan kung bakit ganito ang resulta ay ang information overload. Nasanay ka na makakita ng napakaraming impormasyon kung kaya mabilisan ang iyong pagbasa at scroll lang ng scroll pababa. Kung kaya’t maaaring marami ang hindi nabasa ang buong post. Sinundan pa ito ng “echo effect”, kung saan na dahil marami ang nag-congtratulate, ikaw din ay nag-congratulate. Ang akala mo, dahil mas marami ang sumang-ayon sa isang punto, mas doon ka. Kilala mo rin ang mga tao na ito kung kaya kung saan sila, doon ka rin kasi tiwala ka. Maaaring ayaw mo ring maiwan sa “trend” kaya nakisawsaw ka na rin. Leksyon ng bye bye Japan Ano naman ang leksyon o aralin na makukuha mo dito. Ano ang ibig sabihin nito? Una, huwag agad maniwala sa mga post sa Facebook hanggang hindi mo ito nabasa nang buo. Alamin ang buong kwento. Tandaan na ikaw ay maiimpluwensyahan ng opinyon ng mga naunang nag-reply o komento. Kung kaya’t bago mag-reply, isaalangalang na maaring ang iyong opinyon ay maimpluwensyahan. Magbigay ng ilang segundo o minuto bago i-click ang “send” o reply button. Pangalawa, sa mga kadalasan na post sa Facebook, alamin ang buong kwento. Alamin ang kwento ng magkabilang panig, hindi ng iisa lang. Sa ngayon, laganap ang iba’t ibang Facebook memes. Pangatlo, kung ikaw ang nagsulat, expect na maaaring hindi mabasa ng mga tao ang buong post mo, o kaya na misinterpret nila ang iyong post, o kaya ang behavior nila ay naimplewensyahan ng mga naunang tao. Kung may hindi ka nagustuhan sa komento ng iba, kausapin o tawagan ito bago pa man makipagaway. Huwag din sisihin ang iyong sarili kung ma-misinterpret ka nila dahil sa malamang, dalawa sa tatlo sa kanila ay mali ang pagkaintindi. Ang Facebook ay isang napakagandang oportunidad upang makipag-connect sa ibat-ibang tao sa lahat ng sulok ng mundo at matuto ng iba’t ibang bagay. Subalit kakambal ng universal access nito ay ang mahinang kontrol sa impormasyon kung ito man ay totoo at kumpleto. Mapanganib ang Facebook sa taong hindi mapanuri. Kung kaya, ugaliing maging kritikal sa mga post o kuwento sa Facebook. Karagdagang babasahin 1) Is Mar Really Using A Plate To Drink Water? See the Truth Behind It! http://clipseum.com/is-mar-really-using-plate-drink-water/ 2 ) O ra s N a , Roxa s N a Fa c e b o o k Pa g e h t t p s : / / w w w. fa c e b o o k . com/1410509912553154/photos/a.1411596929111119.1073741828.1 410509912553154/1635055016765308/?type=3&theater 3. The science behind why smart people fall for dumb social media hoaxes http://fortune.com/2015/09/30/the-science-of-facebook-hoaxes/


5

January 2016

Daloy Kayumanggi

Balita

Impormasyon ng Pilipino

Ilang araw na lang at magtatapos na ang taon. Anuano kaya ang mga mahahalagang pangyayari ang dapat mong abangan sa pagpasok ng bagong taon? Naririto ang ating listahan:

#1. 2016 Asia-Pacific 70.3 Ironman Para sa mga mahilig sa triathlon, isa ang 2016 AsiaPacific 70.3 Ironman event na isasagawa sa Cebu ang tiyak na aabangan. Cebu ang napiling venue ng World Triathlon Corporation na siyang organizer ng event dahil na rin sa pagiging popular nitong tourist destination para sa milyun-milyong turista taun-taon. Magsisilbing instrumento rin ang nasabing kompetisyon para maipakita na karapat-dapat ding pagdausan ng mga international events ang Pilipinas.

#2. 2016 Budget Malaki ang pwedeng magawa ng pangakong paglalaan P3 trilyong budget ng gobyerno para sa Pilipinas. Sa k a b i l a n g m g a p a n g a ko , wa l a n g p roye k t o n g maisusulong kung wala namang sapat na perang susuporta sa mga ito. Ang tanong nga lang ng marami, magasto kaya ng tama ang budget para sa 2016 at matupad kaya ang pangako ng Malacañang na gagamitin ito para sa ikabubuti at kapakanan ng sambayanang Pilipino? #3. Halalan 2016 Ngayong na-disqualify na si Grace Poe sa pagtakbo sa pagka-presidente, sino kina Jejomar Binay, Mar Roxas, Rodrigo Duterte, at Miriam Defensor-Santiago ang itatanghal bilang bagong pangulo ng bansa? Kung si Mar Roxas daw ang mapipili, ipagpapatuloy daw niya ang matuwid na daan na sinimulan ng administrasyong Aquino. Kung si Binay naman, gagawin daw niya ang mga bagay na nagawa na niya sa Makati. Kung si Miriam naman, lalabanan niya ang korapsyon sa bansa. Kung nais umano ng Pilipinas ng radikal na pagbabago, si Duterte naman daw ang tamang tao para rito. Ikaw, sinong presidential candidate ang bet mo?

Japan, mamimigay ng military equipment at trabaho sa Pilipinas

N

oong nakaraang Nobyembre, nagkaroon ng agreement ang Japan at Pilipinas na mas paigtingin pa ang depensa at seguridad ng parehong bansa lalo na sa gitna ng patuloy na agawan ng teritoryo laban sa China. Sa ginawang bilateral meeting ng Japan at Pilipinas, sinabi ng Prime Minister ng Japan na s i M i n i s t e r S h i n z o A b e n a m a g b i b i g ay kontribusyon ang kanilang bansa sa pagpapanatili ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagong patrol vessels at military equipment sa Philippine Coast Guard. Bukod pa rito, sinabi rin ni PM Abe na aantabayanan nito ang magiging development ng arbitration case na isinumite ng Pilipinas laban sa China patungkol sa South China Sea. Binigyang-diin din ng Prime Minister ang kanilang suporta sa usaping pangkapayapaan.

'Visit The Philippines Again In 2016', bagong kampanya ng DOT Bago pa man pumasok ang 2016 ay meron nang bagong kampanya ang Department of Tourism o DOT upang mas lalo pang palakasin at paigtingin ang pagiging tourist at business destination ng Pilipinas – ang "Visit The Philippines Again in 2016." Sa naging pahayag kay DOT Secretary Ramon R. Jimenez Jr. kamakailan, sinabi niyang nakikipag-negotiate na sila sa iba’t ibang mga travel agents at tour operators para magbigay ng incentives sa mga turistang muling babalik para bumisita sa Pilipinas. Dagdag pa ng DOT Secretary, “Visit the Philippines Again 2016 is going to be the most massive retail-focused effort the Philippines has ever made.” Bukod pa sa mga special visitor packages, makikipagtulungan din ang DOT sa Tourism Promotions Board para i-showcase ang competitive advantage ng Pilipinas bilang

#4. Leap Year P a r a s a m g a i p i n a n g a n a k n g Fe b r u a r y 2 9 , pagkakataon niyo na ulit para mag-celebrate ng birthday. Leap year na naman kasi ngayong 2016 kaya imbes na 365 days, magkakaroon na ulit ng 366 days ang kalendaryo ng taon. Isang bagay na kada apat na taon lang nangyayari. #5. Pacquiao Final Fight Ngayong 2016 na raw nakatakdang mag-retire si Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao. Pero siyempre, magkakaroon muna ng last fight ang pambansang kamao. Sa balibalita, maaaring si Floyd Mayweather o Amir Khan ang maaaring makaharap ni Pacman.

#6. Pagdalaw Ng Japanese Imperial Couple Hindi pa man, naghahanda na ngayon pa lang ang Malacanañg sa pagdalaw ng Japanese Imperial Couple na sina Emperor Akihito at Empress Michiko sa January 2016. Ang nasabing pagbisita ay magiging makasaysayan para sa Pilipinas dahil 1962 pa nang huling bumisita ang Imperial Couple sa bansa. Ang nasabing pagbisita ng dalawa ay magsisilbi ring daan upang mas palakasin at paigtingin ang relasyon ng Pilipinas sa Japan.

#7. Pilipinas vs China Sa usaping teritoryo sa pagitan ng Pilipinas at China, sino nga ba ang dapat na ituring na totoong may-ari ng Spratlys Island? Sino nga ba ang kakatigan ng batas sa ruling ng pag-angkin sa mga teritoryo? Kung sakali man, susunod kaya ang China? #8. Rio Olympics 2016 Sa Rio de Janeiro sa Brasil sa South America isasagawa ang pinakamalaking sporting event ngayong 2016, ang Rio Olympics. Bukod sa Olympic Games, magkakaroon din ng Paralympic Games ang nasabing event. Siyempre pa, expected din na dumagsa ang milyun-

Dagdag pa ni Yasuhisa Kawamura na Press Secretary ng Japan na muling bubuksan ang kanilang bansa para sa pagpasok ng mga domestic helper lalo na sa mga lugar ng Osaka at Kanagawa. Isang railway project naman na magdudugtong sa mga lugar ng Bulacan, Malolos, at Tutuban ang nangangahulugan ng mas marami pang trabaho para sa mga Pilipino, base sa ulat ng CNN Philippines.

tourist destination, ayon sa pia.gov.ph. Ilan sa mga magiging major events na ihahighlight sa nasabing promotions na gagawin ng DOT ay ang 2016 Ironman 70.3 Asia Pacific Championship, ASEAN Tourism Forum 2016, Madrid Fusion Manila 2016, MTV Music Evolution 2016, Routes Asia 2016, at Travel Blog Exchange na isasagawa sa Pilipinas.

milyong tao para manood ng event na tuwing apat na taon lang ginaganap.

#9. Shell Eco-Marathon Asia Pilipinas ang muling napili para mag-host ng Shell Eco-Marathon, isang kompetisyon kung saan aarangkada sa karera ang iba’t ibang magaganda at mga environment-friendly na mga sasakyan na inimbento ng mga engineering students sa iba’t ibang panig ng bansa. #10. Mga Bagong Pelikula Kung ang hilig mo naman ay manood ng sine, narito ang Top 10 movies na dapat mong abangan ngayong 2016 * Assassin's Creed * Batman v Superman: Dawn Of Justice * Captain America: Civil War * Doctor Strange * Finding Dory * Ghostbusters * Rogue One: A Star Wars Story * Star Trek: Beyond * The Jungle Book * X-Men: Apocalypse

#11. ASEAN Integration S a p a g s i - s h i f t n g e c o n o m i c g rav i t y s a A sya , nagpapakita lamang ito na handa na ang Pilipinas sa paglago, economically. Siyempre pa, mas magiging successful ang paglagong ito ng bansa sa pamamagitan ng ASEAN Integration kung saan magtutulungan ang mga bansang kabilang sa ASEAN Economic Community o AEC para mas lalo pang palaguin ang ekonomiya ng mga bansang kabilang sa Asya kabilang na ang Pilipinas. #12. EXO Concert Para sa mga avid fans ng Korean boy band na EXO, posible na nilang makadaupang-palad ang kanilang mga idolo sa pamamagitan ng nalalapit nilang concert sa SM Mall of Asia Arena sa darating na January 23, 2016. Ngayon pa lang, siguradong sold-out na ang

Imperial Couple, bibisita sa Pilipinas sa January 2016

N

akatakdang bumisita ang Japanese Imperial couple sa Pilipinas sa darating na taong 2016, mula January 26 hanggang 30, para ipagdiwang ang 60th anniversary ng normalization of relations ng Pilipinas sa Japan. Ang limang araw na pagbisita ni Emperor Akihito at Empress Michiko ay aprubado na ng Gabinete at magsisilbing first official visit ng Japanese Imperial couple sa bansa. Sa pahayag ng Japanese Prime Minister na si Shinzo Abe, sinabi niyang kumbinsido siya "that their visit will help deepen the two countries’ close friendship and goodwill,” Hunyo nitong taon nang imbitahin ni Pangulong Aquino na bumisita ang Imperial couple sa Pilipinas. Bumisita noon ang Pangulo sa Tokyo at dumalo rin ng banquet na inihanda ng Imperial Palace. Sa ngayon, dedesisyunan pa ang magiging

Badget para sa 2016, 'pamana' raw sa sambayanan

M

araming accomplishments ang ipinagmamalaki ngayon ng palasyo sa ilalim ng ‘daang matuwid’ na pamamahala ni Pres. Aquino. Gayunman, isa rin sa mga ipinagmamalaki ng Malacañang ngayon ang budget na naipasa para sa taong 2 0 1 6 n a p a m a n a d aw n g ka s a l u kuya n g administrasyon sa sambayanang Pilipino at regalo na rin para sa susunod na maluluklok sa administrasyon. " We a re ha p py to hea r of Congress' ratification of the P3.002 trillion 2016 national budget, capping as it does the DBM's hard work in crafting a national budget that will create greater inclusive growth," ika ni Budget Secretary na si Florencio “Butch” Abad. Ayon kay Abad, base sa ulat ng bomboradyo. com, ang P3.002 trillion na magsisilbing huling budget sa ilalim ng administrasyong Aquino at siyang naitakdang national budget para sa 2016 ay nakalaan para sa pangangailangan ng

ticket ng EXO lalo pa nga’t paniguradong sobrang dami ng fans ng banda ang dudumog sa kanilang concert. #13. FIBA Olympic Qualifier Tournament Susubukan ng Gilas Pilipinas na makakuha ng slot para sa 2016 Summer Olympics sa pamamagitan ng pagsabak sa FIBA Olympic Qualifier Tournament. Suportado ng Philippine Basketball Association at Samahang Basketbol ng Pilipinas ang magiging laban ng Gilas pero nasa kanilang mga kamay pa rin ang pagkapanalo ng bansa lalo pa nga at bigating mga koponan ang kanilang makakalaban gaya ng Puerto Rico, France, at Italy. #14. Longest Undersea Tunnel Sa 2016 na pormal na uumpisahan ng China ang paggawa ng undersea tunnel na magsisilbing pinakamahaba sa buong mundo. Ang nasabing tunnel ay magsisimula sa Dalian hanggang sa Yantai at may sukat ng pinagsamang Seikan Tunnel ng Japan at Channel Tunnel ng Britain at France. #15. Madonna Live in Manila 2016 N o r m a l n a s i g u ro n g b u m i s i t a a n g i l a n g m ga international performers sa bansa para magkaroon ng kanilang sariling concert. Pero sa kauna-unahang pagkakataon, darating si Madonna sa Pilipinas para magdaos ng kanyang Rebel Heart Tour na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa February 24 at 25. Dahil na rin sa kasikatan ni Madonna, dapat mo na sigurong pagipunan ang ticket para sa kanyang concert dahil balibalitang ang concert daw ni Madonna ang “priciest” ticket so far ngayong 2016. #16. Manila FAME Tuwing dalawang taon lamang ipinagdiriwang ang Manila FAME, isang design at lifestyle event sa Pinas kung saan isini-showcase ang mga produktong Pinoy na nagpapakita ng kakaibang galing ng mga Pilipino sa paggawa ng iba’t ibang crafts gaya ng furniture, mga dekorasyon, fashion accessories at iba pa.

itinerary ng Imperial couple sa January, ayon na sa rin sa Imperial Household Agency, subalit nakatakda na ang mga meetings ng Emperor at Empress sa mga Japanese-Filipinos maging ang mga Japanese expatriates, base sa ulat ng japantimes.co.jp. Inaasahan din ang pagbisita ng Imperial couple sa mga war dead monuments na umaalala sa mga namatay noong panahon ng giyera.

m a m a m a ya n g P i l i p i n o . L a b i s d i n d a w nasiyahan si Abad dahil sa pagkakaroon ng reenacted budget ng Kongreso sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon pati na rin ang naipatupad na reporma sa budget system tanda ng commitment ng Kongreso sa good governance. "All of these are now present in the 2016 national budget, which is not only our gift to the next administration but our legacy to the country: a budget that is designed to serve the needs of the Filipino people,” dagdag pa ng Budget Secretary.


6

January 2016

Editoryal

Daloy Kayumanggi

Inspiring Global Filipinos in Japan

Publisher: D&K Company Ltd Editor: Mario Rico Florendo (English,Tagalog) marioflorendo@daloykayumanggi.com 090-1760-0599 Sales and Marketing: Erwin Brunio erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@daloykayumanggi.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists: Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph

Aries Lucea Pido Tatlonghari Melbert Tizon Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.dk6868.com

www.facebook.com/daloykayumanggi

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

New Year, New Philippines

H

indi maikakailang naging challenging at exciting ang year 2015 para sa mga Pilipino at sa buong bansa. Nariyan ang pagdating ni Pope Francis na nagsabog ng biyaya sa maraming Pilipino; nandyan din ang nabigong kampanya ng Gilas Pilipinas kontra Tsina sa FIBA Asia 2015; syempre sino ba ang hindi makakalimot sa tambalang AlDub na bumasag sa ilang Twitter records; at ang muling pag-welcome ng bansa sa buong mundo sa pamamagitan ng APEC Summit 2015. Sa lahat ng naging karanasan nating ito, ano nga bang aral ang pwede nating mapulot at magamit sa pagharap sa panibagong hamon ng taong 2016? Habag. Pagkatapos ng mahigit 20 taon, bumisita ulit ang Santo Papa sa Pilipinas. Sa kanyang pagbisita, sinundan si Pope Francis ng libu-libong katao saan man ito magpunta sa bansa. Naging kilala na si Pope Francis sa pagiging bukas ang pag-iisip at pagiging mahabagin lalo na sa mga nangangailangan. Ang katangiang ito marahil ang nagustuhan sa kanya ng maraming Pilipino kahit pa ang mga hindi Katoliko. Marahil ito rin dapat ang isa sa maging katangian ng mga magiging susunod na lider ng bansa--mapagkumbaba at may malasakit. Tamang Panahon. Naging saksi ang mahigit 55,000 na katao sa Philippine Arena, milyong Pinoy na nanood sa telebisyon at mahigit 39 Milyon na tweets sa naging tambalan

nina Alden Richards at Maine Mendoza o mas kilala bilang Yaya Dub. Ang tambalang “AlDub,” kahit pa nagsimula bilang katatawanan sa pagitan ng dalawang tao na hindi naman plinanong maging magkatambal ay sa kasalukuyan ang pinakamabentang celebrity endorsers ngayon sa bansa. Bukod sa paraan ng panliligaw, pagpapakita ng magandang asal, naging mahalagang mensahe ng “KalyeSerye” ang katagang “Tamang Panahon.” Sa bilis ng teknolohiya at pinabilis na komunikasyon para sa lahat, nagsisilbing magandang paalala ang AlDub maraming magandang bagay ang darating kung marunong ka lamang maghintay. Preparasyon. Marami ang umalma sa tila mistulang “cooking show” na naganap sa championship game ng Pilipinas at Tsina sa FIBA Asia 2015. Pero sa huli, hindi pa rin napigilan ng ilan na punain ang naging preparasyon ng Gilas Pilipinas para sa isang importanteng torneo na nagsisilbing qualifier sa Rio Olympics 2016. Dahil umano sa isang unwritten memo ng San Miguel Corporation sa kanilang PBA teams, hindi pwedeng maglaro ang sinuman sa national team. Kung hindi pa nagpumilit si Marc Pingris na mapasali, siguro ay hindi pa maaalis ang agam-agam ng mga tao tungkol sa patakarang ito ng SMC Group. Kung kaya, ang naging aral para sa lahat ay-maagang preparasyon--maaga tulad ng Tsina na nagsimulang humubog ng players anim na taon bago ang torneo, at preparasyon tulad ng pagpapadala ng pinakamagagaling na players hindi para sa sarili o team kundi para sa bayan.

Tokyo Boy By: Mario Rico Florendo mrico.03@gmail.com Sakripisyo. Maaaring mailarawan ang naging sentimiyento ng mga tao sa pagho-host ng Pilipinas sa APEC Summit 2015 sa hashtag na ito: #APECtado. Dahil sa seguridad, maraming kalye ang sinara kung kaya’t nagkabuhol-buhol ang trapiko at napilitang maglakad ang libulibong commuters. Pakiramdam tuloy ng iba, nagsilbing 2nd-class citizens ang mga Pilipino sa sarili nilang bansa. Para naman sa iba, natural lamang ang ganitong klase ng pag-welcome sa ating mga bisita dahil sa dala nilang pangako ng investment at kasunduan. Sa kabuuan ng mga serye ng pagpupulong, nanawagan naman ang Malakanyang sa lahat ng Pilipino na panandalian munang magsakripisyo at ipamalas ang hospitalidad ng mga Pilipino lalo sa pagtanggap ng mga bisita. Minsang nang may nagsabi, “Those who want to reap the benefits of this great nation must bear the fatigue of supporting it.” Kung kaya, kung mayroon mang importanteng mga aral na naituro ang Taong 2015 sa ating lahat, iyon ay ang kapangyarihan ng kolektibong paniniwala, paghahanda, pagsasakripisyo, ng mga Pilipino para sa ikauunlad ng Pilipinas sa tamang panahon! Masaganang Bagong Taon, ka-Daloy!


KA-DALOY

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

KA-DALOY OF THE MONTH Loreen Dave Calpito Email: davecalpito529@gmail.com

Rebecca Bustamante, Halimbawa ng sipag at tagumpay

P

Rebecca kasama ang kanyang asawa, ang Chalré Associates, base sa ulat ng manilatimes.net.

7

January 2016

a r a s a maraming Pilipino, ang mga kwento ng tagumpay ng ating mga kababayan ay parang fairy tale na naging true to life. Pero siyempre, walang sino man ang makakatamasa ng tagumpay kung hindi dahil sa pagtitiyaga at sipag sa paggawa. Ito ang naging kuwento ng ngayon ay 49-year old na si Rebecca Bustamante. Hindi lubos akalain ng dating tindera ng isda sa palengke ng Dasol, Pangasinan ay magiging may-ari pala ng isang

management recruitment corporation ngayon na hindi lamang sa Pilipinas, kung hindi kilala maging sa ibang bansa. Ang Hiling Na Yumaman Bagama’t galing sa hirap, hindi nahihiya si Rebecca na magbalik-tanaw sa kanyang pinanggalingan. Malayo na nga ang naabot ng mahirap na si Rebecca na nangarap tulungan ang kanyang pamilya. Ninais niyang yumaman kahit na bata pa lamang para makatulong sa magulang at 10 kapatid. “We were so poor that I had to sell pan de sal, iced candy and iced buko during my elementary years to help my mother earn money for my younger brothers and sisters. I also helped her sell fish in the public market,” ika ni Rebecca. Ginawa ni Rebecca ang lahat ng pwede niyang gawin dahil meron siyang isang layunin – ang yumaman. Kaya naman patuloy siyang nagsikap at pinasok ang iba’t ibang uri ng trabaho, gaya ng pagtitinda ng merienda, pagiging sales lady sa sari-sari store, pangangatulong, mananahi at iba pa. Halaga Ng Edukasyon Bukod sa trabaho, maagang na-realize ni Rebecca ang kahalagahan ng edukasyon. “I realized that the only way to succeed is to have a good education so I became a working student through and through, and enrolled at the Polytechnic University of the Philippines to pursue Accountancy,” dagdag niya. Nananahi sa umaga at nag-aaral sa gabi ang naging t ra b a h o n i Re b e c c a . I yo n n ga l a n g , h i n d i i n a a s a h a n g namatay ang kanyang ina noong siya’y 18 taong gulang pa lamang, dahilan para maipasa sa kanya ang responsibilidad na alagaan ang kanyang mga kapatid lalo pa nga’t walang regular na trabaho ang kanyang ama.

Pakikipagsapalaran Sa Ibang Bansa Dahil sa hindi inaasahang pagkamatay ng ina, tumigil muna sa pag-aaral si Rebecca at nagtrabaho bilang janitor sa Dasul Rural Bank. Dito rin siya tinulungan ng bank manager para makapagtrabaho bilang yaya sa Singapore. Dahil naniniwala si Rebecca sa halaga ng maiging trabaho, pinagbuti niya ang pagiging yaya. Bukod dito, nagaaral din siya sa gabi kapag tulog na ang kanyang mga amo. Dahil sa galing niya sa trabaho, pumunta si Rebecca sa Canada bilang domestic helper. Nahirapan naman siyang makakuha ng job certificate dahil ayaw siyang pakawalan ng mga Singaporean niyang amo. Sa huli, nakapagtrabaho rin siya sa Canada kung saan bukod sa pagiging domestic helper, nag-aral din siya at nagtitinda para may maipadala sa kanyang pamilya. Inipon naman niya ang sinasahod sa pagiging DH para makapag-apply ng Canadian citizenship. Katuparan Ng Mga Pangarap D a h i l s a d e te r m i n a syo n , n a ka p a g t a p o s s i Re b e c c a s a kursong Accounting and Marketing sa Ryerson University sa Ontario. Na-secure din niya ang kanyang Canadian citizenship, nakapagtrabaho sa iba’t ibang kompanya, bago nahanap ang kanyang lifetime partner, best friend at business partner na rin na si Richard Mills. Ngayon, mayroon nang sariling management recruitment corporation si Rebecca kasama ang kanyang asawa, ang Chalré Associates. Ika nga niya, lahat ng tao ay pwedeng magtagumpay. Mangarap ka pero magtrabaho ka rin para sa katuparan ng iyong mga pangarap. Hindi na mahalaga kung saan ka nagmula. Ang mahalaga, kung saan mo gustong makarating at kung ano ang gusto mong maabot sa buhay.

1広告で3つ媒体に掲載 より多くフィリピン人が閲覧 (Daloy Kayumanggi Photo Contest Winner)

1*Print (印刷): 3,000+ 一意のアドレス

2*ウェブサイト

4,600+毎月のページビュ

3*フェイスボック

2,400+ facebook ファン 5,400人 閲覧の平均

Daloy Kayumanggi Newspaper Job Advertisement Rate (新聞紙ダロイカユマンギーの求人広告)

For details, contact: D&K Corporation

03-5825-0188 / 090-6025-6962 (Erwin)


8

January 2016

STUDENT'S CORNER

Pagpapakilala: Ako po si Cherry May R. Mateo, isang mananaliksik ng hydrology at water resources management. Ang hydrology ay ang Siyensiya ng tubig. Ang tubig ay isa sa mga elemento na kinakailangan para mabuhay ang mga tao kaya naman para sa akin ay napakahalaga at interesante nito. Interesado po ako sa mga isyu ukol sa pagbaha, tagtuyot, at climate change o pagbabago ng ating klima. Sinusuri ko po kung paano naaapektuhan at nakakaapekto ang gawain ng mga tao (anthropogenic impacts) sa ating tubig. Inaalam ko rin kung paano dapat magbago o umangkop (adapt) ang mga tao para sa nalalapit na climate change. Halimbawa, paano ba naaapektuhan ng dam ang tagtuyot at pagbaha? Paano nga ba natin maiiwasan o maaagapan ang mga disaster na maaaring idulot ng tagtuyot o pagbaha? Paano dapat baguhin ang management ng ating water systems para sa nalalamit na climate change? Ang mga isyung iyan ang tinalakay ko sa aking Masters at PhD thesis sa University of Tokyo. Sa loob po ng limang taon ay nagsaliksik po ako sa ilalim ng Global Hydrology and Water Resources Management lab sa pamumuno ni Oki-sensei. Isa akong Monbusho (MEXT) scholar na nagtapos noong Setyembre 2015. Ngayong Disyembre ay magsisimula na ako ng trabaho bilang Postdoctoral Fellow o Hydrological Modeller sa CSIRO, ang federal research organization ng Australia. Bago po ako naging estudyante sa Japan, dati po akong Instructor sa Unibersidad ng Pilipinas sa Institute of Civil Engineering. Bukod po sa pag-Facebook at pag-surf ng internet, mahilig po akong maglakbay, mamundok, at sumubok ng mga bagong bagay. Itinuturing ko ang sarili ko bilang isang traveller, adventurer, at student of life.

Impresyon tungkol sa Japan: Sa totoo lang, hindi kop o talaga pinangarap na tumira at mag-aral noon sa Japan. Ang Japan noon, para sa akin, ay isang exotic na lugar na nakikita ko lamang sa anime at ang University of Tokyo ay isang matayog na pangarap lamang. Matapos ang limang taong paninirahan at pag-aaral sa Japan, maituturing ko na ito bilang aking pangalawang tahanan. Kung ang Pilipinas ang aking Inang Bayan, marahil ang Japan ay parang aking “Titang Bayan” o kaya naman e “Foster Parent” – isang mayamang tita o estranghero na nag-ampon, nag-aruga, at nagpaaral sa akin. Kapag may nagtatanong sa akin tungkol sa Japan, madalas kong nababanggit kung gaano ka-disiplinado ang mga tao, may pagpapahalaga sila sa kultura at kasaysayan, malinis ang kapaligiran, efficient at kumportable ang transportasyon, at ligtas ang mamuhay – maaari kang maglakad nang madaling araw (2am-5am) nang walang inaalala. Ang bawat mamamayan ay independente at isinasapuso ang kanilang tungkulin para sa institusyon at pamayanang kanilang kinabibilangan. Pero ang pinakahinahangaan ko sa lahat ay ang pagpapahalaga at ang kakayanan ng mga Hapon sa paghahanda at paggawa para sa hinaharap. Kaya rin naman mataas ang pagpapahalagang binibigay ng bansang Hapon sa research at pagpapayabong ng teknolohiya. Ang mga shinkansen, matatayog na istruktura, mahahabang mga tulay, at iba pang mga nakakamanghang teknolohiya ay tanda nito. Naaalala ko pa ang nakasulat sa pinakamahabang suspended cable bridge, ang Akashi Kaikyo Bridge, “handog namin para sa kabataan at sa kanilang hinaharap.” AFSJ experience: Maliban sa aking Tita na nakatira sa Saitama, wala akong kakilala o mga kaibigan noong dumating ako sa Japan. Ang mga miyembro ng AFSJ at STACJ ang naging mga kapamilya ko at tunay na kaibigan. Dalawang taon akong nanilbihan sa AFSJ bilang officer – noong una at huling taon ko sa Japan. Masasabi kong ang unang taon ko sa AFSJ ang naging daan upang dumami ang aking mga kaibigan, mas lalo kong makilala ang Japan, at mas maipakilala ang mga Filipino sa mga Hapon. Nag-organisa kami noon ng isang event para sa paghahanda sa panahon ng sakuna. Katatapos lamang noon ng malakas na lindol at tsunami. Noong mga panahong iyon, at tuwing nagkakaroon ng sakuna sa Japan man o sa Pilipinas, lagging handa ang AFSJ para magbigay ng

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan"

impormasyon at tumulong sa mga nasalanta. Noong huling taon ko naman, bilang isang officer, naging daan ang AFSJ upang mas mapagsilbihan ko ang aking mga kouhai at mas maipakilala ko sa Pilipinas ang mga Pilipinong iskolar sa bansang Hapon. Sa unang pagkakataon, kasama ng mga Pilipinong iskolar sa bansang Korea, ay nag-organisa kami ng isang symposium sa Pilipinas upang ipaalam ang mga oportunidad para mag-aral bilang iskolar at para ipakilala ang mga iskolar at mananaliksik sa bansang Korea at Japan. Naniniwala ako sa aktibong paglahok sa mga organisasyon at institusyon upang mapalawak ang ating perspektibo sa buhay at makapagsilbi sa ating pamayanan. Masasabi kong napakahalaga ng naging papel ng AFSJ para pagyamanin at bigyang kulay ang buhay ko sa Japan. Nagsilbi ring tulay ang AFSJ para isakatuparan ko ang ilang mga mithiin ko para sa Pilipinas bagama’t malayo ako sa ating bayan.

Mithiin para sa Pilipinas: Minimithi ko ang isang Pilipinas kung saan ang bawat Pilipino ay may pagkakapantay-pantay (equality) at edukado. Madalas na isinasantabi o binabalewala nating mga Pilipino ang talamak na di pagkakapantay-pantay ng ating mga mamamayan. Para bang tinanggap na natin na normal lamang ang pagkakaroon class A, B, C, D, E – na para bang ang mga tao ay pwede ring i-klasipika tulad ng mga sapatos o damit mula sa pabrika. Isang mahirap na usapin ito, ngunit nararapat na pagnilayan ng bawat isa. Ang bansang Hapon ay isa sa mga bansang may mataas ang pagkakapantay-pantay ng mga tao ayon sa ekonomiya (hindi sa gender). Ayon sa ilang mananaliksik, ang mga bansang may mataas na pagkakapantay-pantay ay may mas mababang krimen at ang mga mamamayan ay may mas mataas na satisfaction. May ilang magsasabi na tungkulin ng gobyerno na siguruhin ang pagkakapantay-pantay ng pamayanan ngunit kahit tayong mga mamamayan ay may magagawa rin naman para dito. Mataas ang pagpapahalagang binibigay ko sa edukasyon. Naniniwala akong ang mataas na kalidad ng edukasyon ay nagbubunga sa isang mamamayan, pamayanan, at bansang independente at kayang mag-desisyon para sa sarili at kapwa. Sa palagay ko, bagaman halos pareho ang antas ng mga sakunang dumadating sa Japan at Pilipinas, mas maagap ang pag-apula ng mga disaster sa Japan dahil sa (1) matalinong desisyon ng mga nakatataas base sa masusing pag-aaral ng kanilang mga eksperto, at (2) kakayanang mag-isip at mag-desisyon para sa pansariling kaligtasan ng mga mamamayan. Ang kakayahang mag-isip para sa hinaharap, para sa susunod na henerasyon, ay bunga rin ng edukasyong nakakapanlawak ng imahinasyon. Kung tataas din ang antas ng edukasyon sa Pilipinas, mas tataas ang pagtanggap at pagpapahalaga ng lipunan sa mga mananaliksik, syentipiko, at akademiko. Mas magkakaroon ng oportunidad para sa mga eksperto at hindi na nila kakailanganin na mangibang bansa. Sinasabi ng marami na “education is the great equalizer.” Sa isang banda, ang maayos na sistema ng edukasyon ay makapagdudulot ng pagkakapantay-pantay. Ang pagkakapantaypantay, sa isang banda, ay mas makakapagbigay sa lahat ng oportunidad na magkaroon ng sapat na edukasyon. Kaya naman sa palagay ko, ang pagkamit ng isa ay makakatulong sa pagkamit ng isa pa. Sabay sa pag-usbong ng ating ekonomiya, sana ay makamit din natin ang dalawang ito sa loob ng sampung taon. Isa akong produkto ng national university ng Pilipinas noong hayskul (UPIS) at kolehiyo (UP) at ng Japan noong masters at PhD (University of Tokyo). Isa akong iskolar na pinag-aral gamit ang buwis ng mga tao sa loob ng 14 na taon. Kaya naman isa sa mga pangunahing mithiin ko ay ang magbalik ng serbisyo sa UP sa hinaharap upang makapaghatid ng edukasyon sa isang institusyong naniniwala sa pagkakapantay-pantay.

Message for the kouhais: Lumabas tayo sa ating mga kahon. Maikli lamang ang isa, dalawa, tatlo, o kahit limang taon. I-enjoy ninyo hindi lamang ang pag-aaral sa inyong unibersidad kundi pati na rin ang oportunidad na matuto sa labas nito. Mag-aral kayo ng Nihongo kahit sobrang basic lang at kahit hindi ito required. Mas mapapalawak nito ang mga bagay na maaarin ninyong ma-experience. Makisalamuha kayo sa mga Hapon, Pinoy, at iba pang mga tao mula sa ibang lahi. Syempre, dapat lagging balance. Alalahanin nyo rin na para kayong mga ambassador sa kanya-kanya ninyong mga unibersidad – ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino ay nakasalalay din sa inyo. xStudying in Japan is one of the richest and most colourful moments in my life. Sana ma-experience nyo rin ang mga iyon. Kung natuwa kayo at na-enrich, share – para sa mga susunod na henerasyon ng mga iskolar.  PS Maraming mga events at pakulo ang AFSJ para sa inyo. Sali kayo and be active! ASEAN Festival 2011. Photo credit: JP Antes 1st FIRSTS at the Philippines.


9

January 2016

Daloy Kayumanggi

littlegreatjoys

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Littlegreatjoys Avic C. Tatlonghari www.littlegreatjoys.com

When winter comes, we think of endings. It is not just because of the ending year but also because of what winter represents in our lives. And while there are endings that we look forward to – the kind that we deserve, those that are necessary, there are endings that are heartbreaking and unexpected. “The best thing about endings is knowing that just ahead is the daunting task to start over.” Jodi Picoult, Keeping Faith But endings, despite the poetry, are never easy, never beautiful at the moment. And often when they happen, we feel the most entitled and we ask the most painful questions. Why am I not good enough? What did I do wrong? Why is it so easy for him to forget? Why do we have to end things this way? Why do beautiful things need to end? So how do we find the joy in the midst of doors being shut in our lives? How do we really start over? How do we bounce back? I don’t have the answers. And I wish someone had all the answers and the perfect formula on how to really move on. I wish beginnings are much easier to come by. I wish beautiful things never had to end. I wish friendships and family are always strong, fun, faithful and kind. I wish love is always real and true, never hurting. I wish there are more days when we are brave and not scared; truly happy and not secretly broken. I wish we are always at peace with who we are, where we choose to go, and what we choose to become. Don’t we all wish that life was easier and sweeter, all the time? All I have are lessons I learned in the past ten years of living here in Japan. I came to Japan to seek second chances. And it did not disappoint. But the gift of second chances always comes with the risk of being hurt again, being left behind and being vulnerable. Surprisingly, the vulnerability that I badly wanted to avoid was exactly what I needed to see my life and understand my old and new choices with joy. And I reminded myself that there is absolutely nothing wrong in being seen, truly seen on the days I feel strong and weak, loved and unloved, valued and rejected, applauded and deeply hurt. Because as I choose to be vulnerable, there is always a chance to start over and be made whole. And as we approach 2016, let me share with you 16 lessons we can reflect on as we bravely move on. And hopefully, you too, can share your personal lessons in life with another. And let this be the start of good conversations about moving forward with joy. From my heart to yours, here are my own thoughts and favorite photographs of places in Japan that give me little joys specially when things end in my life. May we all find the courage to step into our new season this coming year.

Joy in Learning

To Start Over

1. No one knows exactly when the heart is ready to move on. It is one of life’s exquisite surprises.

Approaching winter in Nagatoro 2. Forgiving does not only heal. It completes our joy.

12. In such vast space beyond your brokenness and fears, lie beautiful reminders of God’s faithfulness and amazing grace. 13. In your heartache, pray for an undivided heart. The kind that chooses to love steadily, faithfully, quietly, completely. The kind that remains thankful during beautiful peaks and painful lows. The kind that gives praise even when prayers are left unanswered. At Oedo Onsen in Odaiba 6. Finding the courage to finally turn the page is the beginning of many braver steps. Do not be afraid to move along. 7. Only a thankful heart can dance in both sunshine and in the rain.

On top of a mountain 14. In areas of your life where you feel the most defeated, lies a storehouse of many brave choices you can start making today. 15. Do not be afraid to finally turn the page. There will be grace in learning to start over.

Inokashira Zoo in Kichijoji 3. When we forgive, we start living as if the right to be heard and to be understood is not as important as the precious chance to love and trust all over again. 4. I hope I can make you believe that despite the pain, where you are is one step closer to healing.

Lake Kawaguchi 8. A sunset is beautiful because it makes you dream of sunrise even while it is still dark. 9. Your heart will soon learn to heal, to let go and to finally say that goodbye. Do not be afraid to let the tears come.

Behind a local cafe in Kawaguchi 10. When someone chooses to stay in your life despite many reasons to walk away, you are blessed. And don’t ever forget to remember. 11. One day, your miracle will happen. In between your sobs and prayers, life will surprise you with that undeserved gift of starting over.

Rikugien at night 5. One must be brave to throw away seeds of forgiveness in places where true healing needs to grow.

A sweet surprise behind a souvenir shop in Kawagoe. One can enjoy tea, sweets and a relaxing foot bath.

One can find premium green tea and experience old Japan in Kawagoe. 16. Some things are not meant to be. We just need to stop asking why. Not because we do not deserve the answers but because our hearts deserve to heal, right here, right now.

This image of the Golden Pavilion (Kinkakuji) in Kyoto reminds me that “starting over” can always start from wasting time to dream and never losing the wonder. Just like a child. As we approach the new year, let us say our prayers, flash a genuine smile, resolve to remain vulnerable as we make all the braver choices. It will be one great year. And I hope that you find your favorite places all over Japan (or wherever you are) that will give you all the littlegreatjoys, just as I have found mine. “May the God of Hope fill you with all joy and peace in believing, so that by the power of the Holy Spirit, you may abound in hope.” (Romans 15:13) 2016!

Cheers to awesome fresh beginnings in


10

January 2016

Daloy Kayumanggi

Personal Tips

"Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Emosians CHINESE HOROSCOPE 2016

Instagram: emosians facebook: emostians frambroise like my page: emosians

Zodiac Signs at Taon Year of the Rat 02/18/1912 - 02/05/1913 02/05/1924 - 01/23/1925 01/24/1936 - 02/10/1937 02/10/1948 - 01/28/1949 01/28/1960 - 02/14/1961 02/15/1972 - 02/02/1973 02/02/1984 - 02/19/1985 02/19/1996 - 02/06/1997 02/06/2008 - 01/25/2009

Year of the Horse 02/11/1918-01/31/1919 01/30/1930-02/16/1931 02/15/1942-02/04/1943 02/03/1954-01/23/1955 01/21/1966-02/08/1967 02/07/1978-01/27/1979 01/27/1990-02/14/1991 02/12/2002-01/31/2003

Year of the Ox

Year of the Tiger

Year of the Rabbit

Year of the Dragon

Year of the Snake

02/06/1913-01/25/1914 01/24/1925-02/12/1926 02/11/1937-01/30/1938 01/29/1949-02/16/1950 02/15/1961-02/04/1962 02/03/1973-01/22/1974 02/20/1985-02/08/1986 02/07/1997-01/27/1998 01/26/2009-02/13/2010 02/11/2021-01/31/2022

01/26/1914-02/13/1915 02/13/1926-02/01/1927 01/31/1938-02/18/1939 02/17/1950-02/05/1951 02/05/1962-01/24/1963 01/23/1974-02/10/1975 02/09/1986-01/28/1987 01/28/1998-02/15/1999 02/14/2010-02/02/2011

02/14/1915-02/02/1916 02/02/1927-01/22/1928 02/19/1939-02/08/1940 02/06/1951-01/26/1952 01/25/1963-02/12/1964 02/11/1975-01/30/1976 01/29/1987-02/16/1988 02/16/1999-02/04/2000 02/03/2011-01/22/2012

02/03/1916-01/22/1917 01/23/1928-02/09/1929 02/09/1940-01/26/1941 01/27/1952-02/13/1953 02/13/1964-02/01/1965 01/31/1976-02/17/1977 02/17/1988-02/05/1989 02/05/2000-01/23/2001 01/23/2012-02/09/2013

01/23/1917-02/10/1918 02/10/1929-01/29/1930 01/27/1941-02/14/1942 02/14/1953-02/02/1954 02/02/1965-01/20/1966 02/18/1977-02/06/1978 02/06/1989-01/26/1990 01/24/2001-02/11/2002 02/10/2013-01/30/2014

Year of the Sheep

Year of the Monkey

Year of the Rooster

Year of the Dog

Year of the Pig

02/01/1919-02/19/1920 02/17/1931-02/05/1932 02/05/1943-01/24/1944 01/24/1955-02/11/1956 02/09/1967-01/29/1968 01/28/1979-02/15/1980 02/15/1991-02/03/1992 02/01/2003-01/21/2004

02/20/1920-02/07/1921 02/06/1932-01/25/1933 01/25/1944-02/12/1945 02/12/1956-01/30/1957 01/30/1968-02/16/1969 02/16/1980-02/04/1981 02/04/1992-01/22/1993 01/22/2004-02/08/2005

02/08/1921-01/27/1922 01/26/1933-02/13/1934 02/13/1945-02/01/1946 01/31/1957-02/17/1958 02/17/1969-02/05/1970 02/05/1981-01/24/1982 01/23/1993-02/09/1994 02/09/2005-01/28/2006

01/28/1922-02/15/1923 02/14/1934-02/03/1935 02/02/1946-01/21/1947 02/18/1958-02/07/1959 02/06/1970-01/26/1971 01/25/1982-02/12/1983 02/10/1994-01/30/1995 01/29/2006-02/17/2007

02/16/1923-02/04/1924 02/04/1935-01/23/1936 01/22/1947-02/09/1948 02/08/1959-01/27/1960 01/27/1971-02/24/1972 02/13/1983-02/01/1984 01/31/1995-02/18/1996 02/18/2007-02/06/2008

Year of the Rat Kung ang mga nagdaang mga taon ay naging tahimik o di naman naging pangkaraniwan ang naging buhay mo sa araw-araw ay magiging maganap ka nang malaya at masaya sa taong 2016 maraming pagbabago na mangyayari sa iyong buhay bagamat sa umpisa ay mahihirapan ka lalo na sa usaping legalities ay nasasaiyo ang pabor dahil ang Unggoy ay iyong kaibigan at karamay sya ang magiging tagasolba ng iyong mga suliranin o kakulangan. Sa mga nagdaang taon ay namimiss mo ang social life kaya itong taon magiging busy ka sa iyong karera o pakikisalamuha asahan mo ang mga magkabilaang oppurtunidad. Ito rin ang mabuting taon na ayusin mo ang iyong financial status kapag ikaw ay may nakabinbing utang mabuting bayaran ito para sa susunod na taon ay dala-dala mo pa rin ang swerte. Ito rin ang magandang pagkakataon na gawin mo ang mga planong pagbabago sa iyong buhay tulad ng paglilipatbahay, pag-aasawa, pag-aabroad o pagsisimula ng negosyo dahil anu`t-ano man ang iyong mga pangarap o plano ay magiging matagumpay. May isa nga lang negatibong pag-uugali ang pinanganak sa daga ito ay unstable dahil naturalesa sa daga ang pagkakaroon ng pangamba mabuting humingi ng supporta sa mahal sa buhay upang maging buo ang anumang desisyon na gagawin sa taong ito. Magiging attractive din ang pinanganak sa daga kaya magiging attractive ito sa opposite sex kaya asahan mo ang mga kilig moments bukod sa iyong kapareha o kapag singles naman mas may tsansa pumasok ka sa bagong relasyon asahan mo rin ang pagkokonekta ng lost love o the one who got away sa iyong buhay. Saiyong kalusugan naman magkakaranas ka ng pagod dala ng sobra kang abala sa taong ito kinakailang bigyang oras ang ehersisyo at balanseng pagkain.

Year of the Ox Ang pinanganak sa taon ng baka ay may paninindigan m a g i n g t a m a m a n i to o mali. Sila ang taong may istabilidad ipaglaban ang kapareha, kapamilya o kaibigan kaya minsan ikinapapahamak nila ang ugaling ito kaya itong taong mabuting piliin maiigi ang mga taong dapat mong pagalayan ng iyong loyalidad kung hindi mararanasan mo ang pang-iiwan sa ere na taong lubos kang magtiwala bagama`t sa kalahati ng taon ay magiging mabagal ang mga kaganapan ay asahan mo naman ang magandang kapalaran lalo na sa pagpasok ng tag-init dahil sa di inaasahan ang iyong abilidad ay magiging paraan mo para kumita ng higit pa sa iyong inaasahan kaya habang nasasaiyo ang swerte ng salapi huwag itong abusuhin at pagugulan sa mga walang kwenta bagay o gamitin ito para lamang ipagyabang para tumuloy tuloy ang iyong swerte siguraduhin nakaimbak ito o di kaya paikutin ang capital. Sa usaping pag-ibig naman kung ikaw ay may

kapareha magiging malamig ka sa panahon ito dahil mas magpopokus ka sa ibang aspeto ng iyong buhay lalo na ang trabaho huwag hayaan na ikalamig din ito ng kapareha kinakailangang bigyan sya ng oras at pag-aalaga. Sa singles naman ang panahon ay mas magiging realistiko ka kaya magiging seryoso ka sa pagtanggap ng bagong pag-ibig kaya kung sa tingin mo na din pangseryosohan ang taong nanunuyo saiyo ay di mo ito bibigyan ng pansin. Sa buong taong ito ay magiging maganda ang iyong kalusugan kaya mabuting huwag abusuhin ito lalo na magiging abala ka sa pagpasok ng Ber Month. Siguraduhin may maintenance ang iyong bitamin particular na sa Bitaminang C.

Year of the tiger Ang pinanganak sa taong ng tiger ay persistente ang pag-uugali ibig sabihin di sumusuko at dahil kadalasan sa mga pinanganak na ito ay madrama ang buhay ay nagiging matibay at matapang sila sa anumang hamon ng buhay kaya confianza ka sa iyong sarili at kinikitaan mo magiging taon mo ang 2016 kahit na makakarinig ka nang di magandang hula o prediksyon ay mabuti huwag itong pansinin dahil espesyal ang uri ng Unggoy sa taong ito hindi katulad sa nagdaang taong ng mga unggoy ang elementong apoy na ang kasarian ay babae na mag-aayuda sa iyong karera bagama`t ang iyong pang araw-araw ay madadagdagan ng gastos dala ng pagbabago ng pang-ekonomiya ay mabuting pagaralan muna ang pagbubudget kung sa mga nagdaang mga taon ay giri-giri ang iyong sistema kinakailangan munang maging matalino sa taong ito para maiwasan ang anumang uri ng multa kahit ito may ay maliit o Malaki ay naiipon din. Ito rin ang taon mabuting pag-arala mo ang iyong kahinaan upang mapabuti mo ang iyong sarili ipagpatuloy mo lamang ang iyong pagmamahal sa trabaho, karera o negosyo ay magiging mapayapa o maayos ang daloy ng salapi para sayo. At dahil mainit ang taong ito maaapektuhan ka magiging madalas ang pag-iinit ng iyong ulo huwag na huwag mo ibalin sa iyong kapareha ang stress dahil makakaapekto ito sa kanyang kalusugan. Mabuti bigyan ng oras na magkaroon kayo ng bonding moments para maiwasan ang anumang argumento. Kung ikaw naman ay singles, kadalasan ikakaturn-off ng opposite ang iyong pagiging agresibo kaya mabuti na maging mapagkumbaba upang di ma-misunderstood. Ito rin ang taong na kinakailangang maging maingat lalo pa na nakataon saiyo ang Grand Duke Jupiter o mas kilala sa salitang instik na Tai Sui dahil magiging lapitin ka sa disgrasya, sakit o anumang kapahamakan upang maiwasan ito mag-suot ng piyao. Year of the Rabbit Ayun sa alamat ng mga s i n a u n a n g Ts i n o a n g kuneho ay pinangaralang makasama ang Dyosa nang buwan na si Chang’e ng

mga Dioses inmortales dahil sa kaya nitong ialay ang sarili na walang pag-aaalangan. Bagamat sa totoong individual namana ng bawat pinanganak sa taong ito ang ganitong natatanging katangian ang kayang isakrispisyo ang sarili para sa mga taong minamahal at pinapahalagahan. Ito ang taon na bibiyayaan ni Lao Tien Yeh (Emperador Jade) ang iyong mga nagdaang pagpapaubaya ito ang taon na makakapagsimula ka nang mag-istable sa buhay at magiging malinaw din saiyo ang iyong layunin at dahil dito mo mararanasana ang inaasam mo totoong kaligayahan. Malaki ang posibilidad ng pagkakaroon ng increase sa sweldo, pagkakataon Manalo ng jackpot o anumang magandang kaganapan kaya siguraduhin maging mapagmasid upang di mo mapakawalan ang swerte. Isa sa kahinaan ng kuneho ang pag-asam sa atensyon o popularidad ito ang panahon na magiging kabigha-bighani ka sa karamihan kaya asahan mo rin na may mga tao sa paligid ang mga pangingimbulo ng mga tao inseguro sa sarili dapat habang maaga ay sila ay iwasan upang makaiwas ka sa anumang masamang balak nila. Magiging emotional ka sa taong ito ay makakaapekto ito sa iyong partner kaya siguraduhin na magiging open ka sa kanya sa iyong mga dinadalang problema minumungkahi ko rin na magkaroon ng exclusive trip kasama ang kapareha. Para naman sa mga singles, magiging exciting ang lovelife mo ngayong taon makakaranas ka ng mga kilig moments tulad ng iyong kabataan basta ienjoy mo lamang ang mga kaganapan at hayaan maging masaya ang sarili ika nga sa isang kanta “Let it go�. Year of the dragon Ang pinanganak sa taon ng Dragon ay may dominante at may integridad at sila ang tipong tao na mas pinahahalagahan ang dangal keysa sa kapangyarihan at salapi karamihan din sa mga pinanganak sa sign na ito ay loner dahil mas gugustuhin nilang mapag-isa keysa makisalamuha sa mga taong plastic. Kinakailangan nilang matutunan ang salitang pakikisama sa taong ito kahit ito ay labag sa kanila kalooban bagamat labag sa kalooban nila ang maling systema lalo na sa trabaho ay hayaan na lamang ito dahil ang pagpapakatotoo ay dapat ay nasa tama ka rin. Ang tamang timing sa pagsabi ng opinion na nakakabuti sa nakakarami ay magiging pabor sayo upang mabigyan ka pagkilala. Asahan mo rin sa taon na ito ang mga bagong karanasan at opurtunidad na ipagkakaloob sa iyon ng taon ng Unggoy. Ito rin ang tamang panahon para mag-invest sa isang negosyo, pag time deposit o pagbubukas ng negosyo dahil dodouble ang income mo kumpara last year. Para sa kasado na Dragon kahit ikaw ay nakatali na magiging kahali-halina ka kaya ito ang panahon na maaari kang ma-engage sa extramarital na relasyon at madadala sa tukso dahil na rin maghahangad ang iyong ispiritual na pangangailangan ng excitement sa mga taong maghahandog ng pag-ibig kinakailangan na pagtibayin ang iyong rectitude at delikadesa ang huwag hayaan na magpadala dahil magiging dahilan

ito ng komplikasyon sa matiwasay mong relasyon. At para naman sa mga singles, magkakaranasa ka ng depression dala ng mga past failed relationship mo ito ang panahon na kailangan pagpahingain ang puso at hayaan na lamang ang tadhana na magtakda sa iyong bagong aalalayan ng pagmamahal. Para sa iyong kalusugan huwag magpapaapekto sa stress na dulot ng mga tao sa paligid ibalin ang iyong pansin sa trabaho at magbibingi-bingihan sa anumang tsimis na maririnig kung hindi magdudulot lamang saiyo ito ng matinding papananakit ng ulo.

Year of the snake Ang pinanganak sa taon n g A ha s ay ka d a l a s a n ay left-brained ibig sabihin ay sila ay labis na analitiko, de numero ang kilos at may deadlines sa kanilang mga schedules at pinapahalagahan ang regulasyon sa madaling salita silang ang klase ng tao na lubos iniisip ang gagawin bago gumawa ng desisyon o umaksyon. Likas sa kanila ang pagiging mapanghinala at hindi basta basta nagbibigay ng tiwala ito ang nagiging dahilan upang sila ay madisgusto ng mga tao na sa kanilang paligid. Naglalagay sila ng pader upang protektahan ang kanilang sarili dahil pinahahalagahan nila ang kanilang pribadong buhay. Ngunit sa taon ito ay magkakaroon ng pagbabago sa iyong pagkatao na makakabuti rin naman sayo kung noon ay nagagawa mo namang mabuhay na walang taong pinapapasok saiyong buhay ito ang panahon na kikilalanin ka ng iyong mga katrabaho, kaklase o kapitbahay. Ito ay isang responsibilidad mo sa iyong sarili na maging malaya kang magmahal sa iyong kapwa na walang pag-aalinglangan. Ito ang panahon na makakaramdam ka ng saya dulot ng mga bagong mga kaibigan. Mapapansin din na halos sa pinanganak sa taong ito ay may mataas na uri ng memorya bagama`t may iilan sa pinanganak sa sign na ito ay impulsibo ay magiging mas responsable naman sa taong ito. I-manage ang iyong salapi ng mabuti dahil di mo maiiwasan sa taon na ito ang kagipitan bagama`t kalaunan magiging ok naman kinakailangan mo pa rin pag-aralan mabuti kung ipagpapatuloy mo ang plano mong mag-travel, o magloan o bumili ng lupa mas mabuti pag-isipan mabuti mas makakabuti kung ipagpaliban muna ito. Nasa loob ng isang relasyon ay makakaranas nang panlalamig sa kapareha magiging dahilan nang matinding alitan ang sexual na pagnanasa sa iba ay magdudulot lamang ng pagkalito sa totong ibig sabihin ng pagmamahal walang kasaysayan ang pagsasakripisyo sa iba sa totoong nagmamahal saiyo. Sa singles naman may mga short time relationship sa taong ito. Year of the Horse Ang pinanganak sa taon ng kabayo ay halintulad sa western sign na Gemini na ibig sabihin tulad na kambal na sign na ito ay


11

January 2016

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

ay kaya mong itago ang iyong totoong nararamdaman. Ikaw ay isang uri ng tao na malawak ang pag-iisip kaya nagagawa mong pigilan ang iyong galit at sama ng loob. Ang palagiang pag-aadjust ng kabayo sa perspektibo opinion ng iba at openmindness nito ay magiging layunin upang maging role model ka ng iba. Kung sa unang bahagi nang taong 2015 naranasan ang bigat ng responsibilidad mo sa iyong pamilya naging magaan naman sayo ang kalaunan ng taon na ito dala rin na rin ng naganap na “Blood moon” kinontra nito ang negatibong enerhiya ng planetang Mercury. Ipagpapatuloy ang swerte sa taong 2016 ang positibong pag-uugali ng mga pinanganak sa taon ng kabayo ay magdadala sa kanyang mga paa para matupad ang kanyang pangarap. Ang responsibilidad mo sa iyong workload ay madadagdagan pero huwag mag-aalala magiging dahilan din ito ng salary up. Magaan din ang pasok ng income sa taong ito dala ng iyong koneksyon sa mga tao mas mapapadali saiyo ang pag-iipon ito rin ang swerteng taon na bigyang gantimpala ang sarili. Hayaan mo ang iyong natural na charisma para ikandado ang iyong karelasyon huwag syang i-pressure ang pagiging mabuti mo sa kanya ang magiging dahilan upang tuluyan ka na nyang pakasalan. Sa mayasawa naman magiging maganda ang buong taon na ito saiyong maswerteng taon din ito para pagplanohan ang pagrerenew ng vows o di kaya ang pagsosolong honey moon ninyong dalawa. Para sa singles naman ito ang panahon na makakatagpo muna ang iyong soulmate. Bagamat maganda ang iyong kalusugan sa buong taon na ito pagkaingatan mo naman ang iyong timbang maging maingat sa pagkain ng matatamis.

Year of the Sheep Ang pinanganak sa taon ng kambing ay may mataas na Artistic personality ibig sabihin sila ang uri ng mga nilalang na espesyal ang pagtingin sa anumang uri ng sining kaya sila ay sensitibo sa kanilang emosyon, sa kulay ng paligid, musika, sayaw gayundin sa pagaanalisa sa tao, hayop o kalikasan. Ito ang taon na kailangang mong palayain ang artistic expression dahil sa kaibuturan ng iyong damdamin ito ay lubos na nagpapaligaya saiyo kung noong hinahayaan mo unahin ang pinansyal na pangangailangan ito ang taong na kikita ka saiyong aking sining. Kinakailangan mong kapitan ang iyong passion at pagbutihin ang sarili ito ang taon na kinakailangan mong hasain ang iyong talento. Hindi ko ibig sabihin na magbibitiw ka na sa iyong kasalukuyang trabaho ang ibig kong sabihin hasain mo ang iyong kakayahan upang mapaunlad iyong sarili. Bagama`t makakaranas ka ng kakapusan sa taong ito magiging mapalad ka naman taglagas hanggang taglamig. Mas mainam din gamitin mo ang iyong creatividad sa pagrerecycle iwasan ang pagbibili ng mamahalin nawala naman talaga saiyong budget. Para naman nasa isang relasyon kinakailangan mong pag-aralan ang iyong sarili gayundin ang iyong kapareha ang pagiging dalas ng iyong pagtatalo magiging resulta ito ng paghihiwalayan. Mahalaga sa isang relasyon nabinubuo ng respeto, tiwala, at unawa hindi lamang ang personal na interest ng bawat isa. Para naman sa mga singles, maging maingat sa pinoportray na ugali ang pagpapakita ng pagiging selosa/seloso at paghihigpit sa simula ng relasyon ay ikakaturn off ng posible maging partner ipakita ang iyong maturity. Bagama`t sa buong taon na ito ay di ka kakapitan ng malubhang karamdaman pag-ingatan mo naman ang

Personal Tips

pangbe­hikulong aksidente siguraduhin pagsunod sa regulasyon ng kinauukulan upang maiwasan ito.

Year of the Monkey Sa mga pinanganak sa taon ng Unggoy ay matatalinong nilalang magaling silang magresolba sa kanilang mga problema bagama`t halos sa pinanganak sa uggoy ay hinahila pababa ng kanilang mismong pamilya. Ang mga mahahalagang tao sa iyo na nagbigay ng pasakit sa matagal na panahon ay kinakailangan mo nang magpatawad dahil kung ano ang nakaraan ay hindi ka patatahimikin hanggang ngayon sa kasalukuyan. Ito ang taon na kinakailangan mong tanggalin ang galit saiyong mahal sa buhay at gayundin sa iyong sarili gawa nang mga maling desisyon mong nagawa sa nakaraan. Magiging ganap na matagumpay ka at masaya lamang kapag nasimulan mong pagbuksan ang iyong puso lalo na sa mga pinanganak sa pinanganak ng sign na `Earth Monkey`. Para naman sa pinanganak na “Gold at Water monkey” halos ganundin ang magiging kapalaran mo magiging pabor lamang ang taon na ito para saiyo pagnagawa mong tagalin ang dilemma at maging optimistiko. Ayun sa mga instik ang uri ng unggoy sa taon na ito ay maihahalintulad sa Golden lion tamarin ibig sabihin hindi porke`t pinanganak ka sa taon ng Unggoy ay magiging swerte ka rin sa taong ito dahil ito ay uri na highly territorial na mga unggoy mas pabor lamang ito sa mga pinanganak sa “Wood Monkey at Fire”. Kinakailangan kontrahin mo ang Tai sui sa pamamagitan ng pagsusuot ng piyao at powerstone na citrine. Ito ang taon na kritikal ang magiging mga desisyon mo dahil ito ang climax ng iyong buhay ang anumang magiging desisyon mo ay magiging kapalaran mo sa mga susunod na taon lalo na sa usapin legalidad. Sa pinansyal na usapin naman nasasaiyo ang #8 Prosperity Star ibig sabihin may biglaang pera na mapapasayo. Sa iyong lovelife naman huwag hayaan ang iyong ego magdikta ng iyong relasyon ang patuloy na panlalamig ng iyong relasyon dahil na rin nagkakaroon ng pagkakasawaan at dalas ng hindi pagkakaintindihan. Minumungkahi ko ang roadtrip upang maresolba ang mga pagkakaiba. Para naman sa mga singles, mas makakabuti na magsisimula ang relasyon sa pagiging magkaibigan lalo na sa mga pinanganak sa sign nang Daga, Dragon at Kuneho magpokus muna sa pageenjoy bago pumasok sa seryosohan relasyon. Sa pangkalusugan lapitin ka sa ubo at sipon sa taong ito kaya palagian gumamit ng health mask. Year of the Rooster Ayon sa Chinese zodiacs ang tandang ay pakitanggilas dahil sila ay matatalino at malalakas ang loob. Sa trabaho sila ang mga ninanais ng isang kompanya dahil sila ay quick learner, at fast thinker sa anumang larangan ng gawain ay ginagamitan nila ito ang diskarte at abilidad ngunit taliwas naman ito sa pakikisama dahil ang halos sa pinanganak sa taong ito ay walang takot ihayag ang kanilang sasaloobin sa madaling salita wala silang pakialam sa nararamdaman ng iba basta masabi nila ang kanilang opinion ito ang dahilan ng pagkakadisgusto sa kanya nga mga tao sa kanyang paligid. Bagama`t may iilang malalawak mag-isip na pinanganak sa Tadyang ang may simpatiya sa nararamdaman ng iba mas nakakarami pa rin ang pinanganak na prangka.

Ito ang taong na susubukin ang iyong pakikisama sa kapwa dahil mailalagay ka na naman sa isang sitwasyon na makikitaan mo ang maling sistema, panlalamang at higit sa lahat ayaw mo ang pagbobobobohan. Huwag mong sukuan at maging dahilan ito ng iyong pagbibitiw sa trabaho pigilan mo ang iyong emosyon at pag-aralan ang pakikisama ang weakness mo na ito ay di kalaunan ay magiging dahilan ng iyong tagumpay. Usapin pinansyal magiging stable naman ang pera sa taong ito pero pagkaingatan sa paggastos nang di tama o di kaya pagpapautang sa maling tao maaari ikawala mo ang malaking halaga. Sa maykapareha mas magpopokus ka sa trabaho pero magiging maganda ang taon na ito para sa iyong mag-asawa posible rin madagdagan ng bagong miyembro ng pamilya. Sa singles, mas magiging focus mo ang iyong career at trabaho may mga makilala ka pero di mo ito siseryosohin. Sa usapin pangkalusugan pag-ingatan moa ng iyong kalusugan lalo na sa sistemang respiratoryo magmumog ng tubig na may asin ay mabisang paraan para patayin ang mikrobyo. Year of the Dog Ang pinanganak sa taon ng Aso ay isang uri ng p e r p e k to n g ka i b i ga n dahil sila ang klase ng tao na hindi ka iiwan sa hirap man o ginhawa bagama`t kalimitan sa mga sign na ito ay anti-social ibig sabihin mas gugustuhin nila ang pagbibigay ng oras sa pamilya keysa sa pagpaparty. Ang paglabas at pamamasyal ay kadalasan oblisgasyon para sa kanila kaya kadalasan namimis-interpret ng kanilang katrabaho o kaibigan ang ganitong ugali. Ang maliit na portion naman sa chart na ito ang di mapirme sa bahay at hilig mamamasyal sila ang mga pinanganak sa aso na ninanamnam ang buhay. Sa trabaho naman magiging pangkaraniwan itong taong ito gayundin ang pagpasok ng salapi ngunit pagkaingat ang #3 Ying Duo (Quarrelsome Star) dahil may mga tao sa paligid mo na gusto kang pabagsakin ngunit huwag mo itong ikabahala dahil pabor naman saiyo ang lung ta (windhorse) para di ka hamakin nang masasamang layunin ng mga taong ito. Ito rin ang panahon na ang mga taong pinagkakatiwalaan mo ay siya pang magtatraidor sayo lulutang ang mga plastik mas mabuting iwasan sila dahil hindi sila kawalan. At dahil nakaupo ang sign mo sa Ying Duo apektado rin ang relasyon sa iyong kapareha makakaranas ka nang pressure manggagaling sa kanya kinakailangan nyo pag-usapan lalo na ang iyong responsibilidad pangpinansyal sa iyong pamilya huwag hayaan ito

maging mantsa na iyong relasyon. Sa singles, magiging exciting ang taon na ito sa bagong pag-ibig at itigil na rin ang pagtsu-stalk sa facebook ng Ex mas magiging magiging maganda ang simula ng bagong karelasyon pagtuluyan ka nang nakamove-on. Maganda ang kalusugan ng mga pinanganak sa edad na 10, 34 at 70 na Aso. Ang iba naman pagkaingatan ang kanilang kalusugan pagmaynararamdaman huwag ito ipagwalang-bahala. Year of the Pig Ang pinanganak sa sign na Baboy ay masisipag kaya sila ang mga taong kadalasan naii-enjoy kalaunan ang mga pinaghihirapan dahil magaling sila mag-impok para sa kinabukasan ng kanilang pamilya. At dahil ang taon na ito ang taon ng Unggoy na kaaway naman nang Tigre at ikaw naman ay Secret Allies nito ibig sabihin indirectamente may galit sayo ang Unggoy. Lie-low ang tema mo sa taong ito kinakailangan neutral ang mga magiging desisyon mo para makontra mo ang malas. Mararanasan mo pagkakaisahan ka ng mga tao makikitid ng pag-iisip bagkos magalit at patulan mas makakabuti deadmahin mo na lamang sila. Kung anoman ang mga plano at gagawin mo sa taong ito sa susunod na taon mo na lamang gawin ito. Ang pagbubukas ng negosyo, paglilipatbahay, pagpapakasal, o anumang engrandeng gawain ay di makakabuti dahil mainit sa mga mata ng Unggoy ito upang di ka nya pagbalingan ng galit. Ito ang panahon nabigyan ng oras ang pamilya lalo na ang kapareha dahil nakakaramdam ito ng kalungkutan. Pagnapatili mong iyong mahinahon at maingat na pag-uugali bago magtapos ang taong 2016 mabibiyayaan ka ng limpak lipak na salapi kaya siguraduhin na huwag magbibitiw nang masamang salita (sumpa) sa kapwa upang pumabor saiyo ang Unggoy. Sa lovelife naman mag-isip ng mga surprise romantic escapeds para sa partner ireward sa kanya ito sa pagiging mabuti nyang kapareha. Para naman sa singles, ito ang taon na makakaranas ka ng maraming suitors kaya siguraduhin na di magpapadala suhol siguraduhin na ang pagpipili ng taong mamahalin ay hindi sa pinansyal na estado kundi sa kabutihan ng puso. Ingatan ang kalusugan lalo na sa sistemang panunaw o sistemang dihestibo hanggat maari iwasan ang alcohol na may malaking tsansa ang pagkakaroon ng ulcer. Kumain ng wasto at siguraduhin may laman ang sikmura bago uminom ng alcohol.


12

Ads

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"


Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

13


14

August 2015

Global Filipino

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino


15

January 2016

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Slice of Mango, Slice of Life Aries Lucea Email: arieslucea@daloykayumnaggi.com www.daloykayumanggi.com

T

Travel

Touring

anda ko pa nung bata ako, hilig kong kantahin ang awiting may pamagat na "New York, Rio, Tokyo". At ang tatlong syudad na ito ay namalagi ng matagal na panahon sa aking bucket list. Ngunit sa loob ng halos siyam na taong pamamalagi sa bansang Hapon, ngayon lang namin tinuloy ang plano na magpunta dito. Ito ay sa dahilang mapilit na kahilingan ng aking anak na babae na dalhin sya sa Disneyland, para sa selebrasyon ng kanyang ika-7 kaarawan. Pikit mata kami ay nagbook ng medyo may kamahalanag airplane at Tokyo Disney Resort tickets. Sa unang pagkakataon kami ay naglakbay kasama ang aking kapatid at nanay na ngayon ay wheelchair bound na. Wala naman kaming masyadong malaking problema sa pagikot sa Osaka at maging sa Kyoto, tulak tulak, bitbit ang wheelchair, pataas pababa at paikot-ikot sa mga popular Kansai tourist spots. Sa madaming panahon nga tinatanggihan namin ang mga alay na tulong ng mga train officials, at madalas ang mga tao ay binibigyan kami na espasyo,na malaking tulong sa pag maniobra ng wheelchaair ng aking nanay. Tokyo Day 1, "We are not in Kansai anymore". Para kaming si Dorothy, sa Alice in Wonderland, na medyo nabigla sa medyo agresibong customer service at parang kakulangan sa paliwanag at konsiderasyon kahit tila napapansin nila ang hirap maglakbay with a wheelchair. Nainitindihan naman naming marahil napakadami talagang tao sa Tokyo.Kaya naman nagdesisyun na kami na iwan na lang sa rented apartment namin ang aking nanay sa ilang pagkakataon. Pagkatapos magbayad ng mataas na pamasahe mula airport, para pang walang humpay naman kaming naglakad sa abalang train station ng Tokyo, matiwasay naman kaming nakarating sa aming apartment na matatagpuang malapit sa Shinjuku. Sabik naman kaming mag-explore ng bagong lugar na ito. Nakamangha naman talaga ang city planning ng Tokyo, tila ang daming naggagandahan at naglalakihang park, at napakadaming mga puno kahit kabi kabila ang mga business centers. Una kaming nagtungo sa Tokyo Tower, na sa aking observation ay nagsilbing magandang backdrop ng Zozoji Temple. Syempre tinungo namin ang mga usual tourist spots na tulad ng Sky Tower at Asakusa Sensoji temple. Nalibang kami sa pagbaybay ng around 200 meters na shopping alley mula sa pagkapasok mo sa Kaminarimon (thunder gate) patungo sa temple. At syempre pa bilang isang malaking fan ni Hayao Miyazaki at ng Ghibli production, we have to book tickets ahead of time, makasigurado lamang na kami ay makakapasok dito. Pero that trip deserves a seperate feature. At ang pinakaimpurtante sa lahat ang Disney trip. Mapalad kami na kahit madaming tao, marahil dahil Lunes kaming nagpunta dito, nakasakay naman kami sa lahat attraction and shows na nilista ng aking mga anak at mahigit pa. Naging masaya ang aming Tokyo trip, lagpas pa sa aming inaasahan. Marahil sa loob ulit ng halos isang dekada, kami ay babalik at magsasaya ulit sa magandang syudad na ito. Pero sa ngayon home is where the heart is, and its lovely to be back in Osaka. Salamat sa pagbasa ng Daloy Kayumanggi. Happy New Year!!!


16

January 2016

Global Pinoy

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

FREE DELIVERY

when you register at the

WWW.DK6868.COM

1

Tignan ang sample sa kanan Name: Birthday: Sex: Male Tel#: Postal Code: Address:

Email: Password: Terms of Use:

Female

2 Agree

Gayahin at sulatan ang form. Picturan at ipadala sa: Line: 090-6025-6962

Viber: 090-1760-0599


17

December 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Community Event

Website: www.hanamidori.net FUKUOKA NAKASU BRANCH

FREE Wi-Fi

A taste of Hakata A taste of Japan

Nakasu Main Branch Tel# 092-263-0322 Fukuoka, Hakata-ku, Nakasu 5-4-24 Torizen Building 1F~5F Nishi Nakasu Branch Tel# 092-737-9696 Fukuoka, Chuo-ku, Nishi Nakasu 12-11 Nishi Nakasu Dai2 Biru 1F Gion Branch Tel# 092-273-1219 Fukuoka, Hakata-ku, 1F-2F, IS Bldg, 3-6 Gionmachi 3-6 IS Building 1F/2F Hakata Eki Mae Branch Tel# 092-432-1801 Fukuoka, Hakata-ku, Hakata Ekimae 3-23-17 Hakata Eki Branch Tel# 092-477-3812 Fukuoka, Hakata-ku, Hakata Ekimae 3-3-12 Dai6 Daiyoshi Biru 1F Hakata Eki Chikushiguchi Branch Tel# 092-432-8737 Fukuoka, Hakata-ku, Hakataeki-higashi 1-13-31 Eki Higashi Suncity Bldg 1F Chikushiguchi Branch Nanogawa Tel# 092-523-6622 Fukuoka, Minami-ku Okusu 2-8-31-1 Tenjin Branch Tel# 092-738-5583 Fukuoka, Chuo-ku, Imaizumi, 1-20-2 Tenjin MENT Bldg B1F Tenjin West Street Tel# 092-724-0502 Fukuoka, Chuo-ku, Tenjin 2-7-9 Tenjin 27 Bldg 2F

OSAKA KITA SARACHI BRANCH

COMMENTS FROM THE CUSTOMERS:

Very interesting chicken it was the best chicken broth i have ever tasted. Service was very good with our server explaining to us the cooking process and how we should eat Mizutaki. Cozy atmosphere, delicious meal, and tea was excellent too. Will return for dinner upon our next visit. PRESENT * FREE GIFT is for every person THIS COUPON * Valid for ONE-TIME use only GET FREE * FREE GIFT is different for every branch

GIFT

Valid until 2016.1.1 ~2016.2.28

ENGLISH OK Shinsaibashi Branch Osaka, Chuo-ku, Nishi-Shinsaibashi 1-3-3 O -M - Hotel Nikko Bldg B2F Kitashinchi Branch Osaka Kita-ku, Sonezakishinchi 2-3-21 AX Bldg 10F Umeda Branch Osaka, Kita-ku, Umeda 1-8-16 The Hilton Plaza east B2F Umeda Nishi Kan Osaka, Kita-ku, Umeda 2-2-2 The Hilton Plaza west 5F Branch

06-6252-5536 06-6346-0625 06-6456-2054 06-4799-3223

NAGOYA SAKAE BRANCH

Hiroshima Ebisuchou Branch Hiroshima, Naka-ku, Ebisuchou 3-27 Daigo Uenoya Bldg 2F Branch Nagoya Sakae Branch Hiroshima, Naka-ku, Sakae 3-27-24 World Flag Sakae B1F

082-504-8177

052-249-8135

TOKYO UENO BRANCH

Ueno-Hirkoji Branch Tokyo, Bunkyo-ku, Uenohirokoji 3F,3-38-11, Yushima, Bunkyo-ku, Tokyo Ginza 4 Chome Branch Tokyo, Chuo-ku, Ginza 4−9−13, Ginza 4Chome Tower B1 Ginza 2 Chome Branch Tokyo, Chuo-ku, Ginza 2-4-6 Ginza Velvia 7F Shibuya Branch Tokyo, Shibuya-ku, Udagawa-cho 35-4 Shibuya Oak Village 2F Shinjuku Branch Tokyo, Shinjuku-ku, Nishi Shinjuku 2-1-1 Shinjuku Mitsui Bldg. B1F

03-5816-8077 03-3547-3211 03-3562-9725 03-5784-3787 03-6302-3877


18

January 2016

Announcements

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"


19

January 2016

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

WALANG BAD WORDS Teacher: Juan, ano'ng sinabi ng mga magulang mo nang makita ang grades mo? Juan: Lahat po ba o tatanggalin ko yung mga bad words? Teacher: Tanggalin mo yung bad words. Juan: Wala naman po. PINATAWAG Galit na umuwi ng bahay ang anak… Anak: Nay, pinapatawag kayo sa school! N ay : B a k i t ? M ay g i n awa ka n a n a m a n g kalokohan? Anak: Hala, bakit ako? Baka kayo. Kayo pinapatawag, diba?

BUDDHA A fat lady asked her bf what she looked like. The boy replied: "You look like a GOD." The fat lady smiled, giggled and blushed, then asked “Sinong GOD? Aphrodite? Venus? Who?" The boy looked deeply in her eyes, touched her belly and said: "Buddha". TAWAG NG PASAHERO Lumulubog ang barko... Pari: San Pedro! San Jose! San Juan! Madre: Sta Maria! Sta Clara! Sta. Lucia! Chinese: Anu ba yan! Lubok na nga barko tawak tawak pa kayo ng pasahero!

HISTORICAL Man1: Away kami ni misis, nag-Historical siya. Man2: Pare baka ang ibig mo'ng sabihin ay nagHysterical. Man1: Hindi, historical kasi inungkat lahat ng

CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20 Gusto mong subukan ang maraming bagay lalo na iyong mga bagay na hindi mo pa nagagawa. Sa lovelife: lahat ng bagay ay naaayon sa nais mo at ng iyong partner. Power numbers: 17, 36, 41. Lucky colors: gray at black. AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19 Kung meron kang special someone ngayon, sulitin mo ang mga panahon para muling buhayin ang iyong pag-ibig. Kung single naman, ayos lang dahil payapa ka at walang dapat alalahanin. Power numbers: 1, 13, at 17. Lucky colors: royal blue at sky blue. PISCES Peb. 20 - Mar. 20

Isang magandang oportunidad ang kakatok sa iyong pintuan. Magandang isipin n g m a ra m i n g b e s e s a n g iyo n g desisyon bago magbitiw ng anumang salita. Power numbers: 14, 27, 38. Lucky colors: aqua at blue.

kasalanan ko!

itik diyan kanina eh.

PAKISILIP NGA Namatay ang isang mister na babaero. Sa requiem mass, ito ang sinabi ng pari: "An honest man, a good man, a family man," et cetera. Binulungan ng biyuda ang panganay na anak, "Pakisilip nga ang kabaong kung ang daddy mo nga ang nasa loob!"

HINDI TAGARITO LASING 1: Pare, ang bilog ng buwan! LASING 2: Di 'yan buwan, araw yan! Tanungin natin sa ale. Miss, araw ba 'yan o buwan? GIRL: Di po ako tagarito!

Exchange Places Employee: Boss pwede bang ako na lang ang papalit dun sa pwesto ng manager natin na kamamatay lang? Boss: OK lang sa akin na ikaw ang pumalit sa kanya, ewan ko lang kung papayag ang punerarya.

MABABAW NA ILOG Tinanong ng lalaki ang isang bata sa tabi ng ilog. Lalaki: Boy wala bang tulay para makatawid sa kabila? Bata: Wala po eh. Lalaki: Ganun ba? Eh kung tawirin ko yang ilog, pwede kaya?! Bata: Opo, mababaw lang 'yan eh. Lalaki: O sige, salamat ha. Bata: OK lang po. TUMAWID ANG LALAKI PERO MUNTIK NANG MALUNOD. Lalaki: Boy, akala ko ba mababaw lang yang ilog? Bata: Oo nga po mababaw. Lalaki: E muntik na nga akong malunod. Bata: Mababaw po yan. Tumawid nga po yung

ARIES Mar. 21 - Abr. 20 Bigyan ng ‘spice’ ang lahat ng aspeto ng iyong buhay. ''Wag kang magpatumpik-tumpik, muling buhayin ang init ng iyong pagibig. Wag ka ring mahihiyang baguhin ang direksyon ng iyong trabaho kung kailangan. Power numbers: 11, 17, at 32. Lucky colors: red. TAURUS Abr. 21 - May. 21

ANNIVERSARY GIFT Misis: Dear, anong gift mo sa 25th wedding anniversary natin? Mister: Dadalhin kita sa Africa. Misis: Wow! Ang sweet mo naman. Eh sa 50th anniversary natin? Mister: Susunduin na kita!

BIRTHDAY Pedro: Pre, kelan birthday mo? Juan: August 30. Pedro: Anong taon? Juan: Siyempre taun-taon! Alangan namang sometimes di ba? ‘GENTLEMAN’ JUAN: Alam mo, ayaw na ayaw kong makakita ng nakatayong babae sa bus habang ako eh nakaupo! PEDRO: Kaya pinapaupo mo? JUAN: Hindi, natutulog ako!

PWEDE NA JUAN: Dok, ako po yung pasyente niyo LAST YEAR! DOC: Oo naaalala ko! May problema ba? JUAN: Itatanong ko lang po sana kung pwede na akong maligo. NAHIHIYA Inay: Anak, hindi ka ba nahihiya? Linis ako nang

CANCER Hun. 22 - Hul. 22

Panahon na upang muling kausapin ang kaibigang matagal mo nang hindi nakikita at nakakausap. 'Wag kang mag-alala, hindi ka pa niya nakakalimutan. Power numbers: 8, 15, at 36. Lucky colors: green at silver. LEO

Hul. 23 - Ago. 22

Maraming magagandang bagay ang naghihintay ngayon sa iyong buhay. 'Wag kang magtataka kung maraming taong tatawag sa'yo upang humingi ng tulong dahil ang pagtulong sa kanila ang magiging dahilan ng iyong kasiyahan. Power numbers: 3, 6, at 19. Lucky colors: green, pink, at blue.

Nais mong manalo sa isang kompetisyon o magkaroon n g p ro m o t i o n . ' Wa g k a n g m a g atubiling gawin ang dapat mong gawin upang makamit ito. Sa ngayon, wala ka pang sapat na panahon para bigyan ng buong atensiyon ang iyong partner pero 'wag kang mag-alala, naiintindihan ka niya. Power numbers: 12, 20, at 25. Lucky colors: red, gold, orange.

Nais mong imbitahin ang lahat para mag-celebrate. Magkakaroon ka nang maayos na relasyon tungo sa ibang tao. Sa ngayon, 'wag ka munang magmadali sa iyong buhay pag-ibig. Power numbers: 31, 36, at 42. Lucky colors: yellow.

Ago. 22 - Set. 23 Gusto mong sulitin ang panahong ito sa pamamagitan ng pakikipag-bonding sa iyong mga kaibigan. Pagdating naman sa iyong relasyon, dapat mong bigyang-tuon ang iyong pamilya. Power numbers: 5,13, at 21. Lucky colors: violet at indigo.

GEMINI May. 22 - Hun. 21

VIRGO

linis dito tapos ikaw naman laro ka nang laro diyan. Anak: Inay, 'di ba mas nakakahiya kung ako ang naglilinis diyan tapos kayo ang naglalaro dito? HULI SA BALITA Misis: Walang hiya ka! Ano yung nabalitaan kong may kabit ka daw na 18 years old? Mister: Naku, huli ka na sa balita, 23 na siya ngayon! MAY DALANG FLASHLIGHT Tatay: ‘Nak, ang daming lamok. Patayin mo yung ilaw para hindi tayo makita. Pagkapatay ng ilaw, lumitaw naman ang mga alitaptap. Anak: Naku ‘Tay! Bumalik yung mga lamok, may dala nang flashlight! COMMON SENSE Isang bata ang nagpasa ng blank paper sa art teacher... Teacher: Bakit blank ang work mo? Bata: Nagdrawing po ako ng baka at damo. Teacher: (tinignan ulit ang papel) San ang damo? Bata: Ubos na po, kinain ng baka. Teacher: (kamot sa ulo) Eh nasaan yong baka? Bata: Ano pa gagawin ng baka dyan, eh wala ng damo? Siyempre umalis na po.

MATAPANG Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo, tumalon sa eroplano nang walang parachute Juan: Ohh, totoo? Saan mo naman nabalitaan yan? Pedro: Dun sa burol niya!

mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp

www.tumawa.com

LIBRA Set. 24 - Okt. 23 Malakas at maganda ang iyong kalusugan dahil hindi ka basta-basta dinadapuan ng sakit. Isa ka rin sa mga taong mapagmahal at mapag-aruga lalo na sa mga bata. Iyon nga lang, iwasan ang hindi magandang kompetisyon o sobrang pagtatrabaho. Power numbers: 5, 6, at 18. Lucky colors: yellow at indigo.

SCORPIO Okt. 24 - Nob. 22 'Wag mong isipin ang dami ng kailangan mong pera para magenjoy. Makuntento ka sa kung anong meron ka at mas mae-enjoy mo ang holiday season. Ito na rin ang panahon ng katuparan ng iyong mga pangarap. Lahat ay posible kaya 'wag kang matakot mangarap. Power numbers: 1,6, at 13. Lucky colors: maroon, crimson at red.

SAGITTARUIS Nob. 23 - Dis. 21 Ito na ang panahon para mapagtagumpayan mo ang mga balakid at hamon ng buhay. 'Wag kang matakot na sumubok ng mga bagong bagay. Malaki rin ang tyansa mong matupad ang iyong mga pangarap, lalo na sa aspeto ng iyong lovelife. Power numbers: 8, 13, at 19. Lucky colors: lavender, violet, at purple.


20

January 2016

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

T

Winning streak ng Golden State Warriors, binali ng Milwaukee Bucks ila isang malaking feat para sa Milwaukee Bucks nang mawakasan nila nang tuluyan ang isa sa mga recordbreaking at undefeated winning streak ng Golden State Warriors para sa Season 70 ng NBA. Nagmistulang masaklap ang naging pagkatalo ng Warriors laban sa Bucks na nagtapos sa score na 95-108. Tuluyan na ring dinungisan ng Bucks ang naturang record ng Warriors dahilan para mawalan ang huli ng pagkakataon para mahigitan sana ang 33 winning streak record na nangyari noong 1971-1972 NBA games ng Los

Angeles Lakers. Kung babalikan ang kasaysayan, matatandaang ang Milwaukee Bucks din ang nagbigay tuldok sa sunudsunod na pagkapanalo ng LA Lakers noong 1972. Kung sakali, meron na sanang 28 wins ang undefeated Warriors kasama na ang naging panalo nila noong nakaraang season sa final four games. Dahil dito, meron nang isang talo ang defending team champion. Sa buong durasyon ng laro, talagang nahirapan ang Warriors laban sa Bucks dahil sa dikitang laban, dahilan upang mahirapang makausad ang Warriors, ayon sa ulat ng bomboradyo.com.

LARONG KALYE

SPORTS UPDATE Ama ni Donaire, kinabahan daw sa laban ng anak kay Juarez

Melbert Tizon Email: mbtizon@gmail.com

Small-Ball Gilas: Papaano makakapaglaro ang Gilas kahit dehado sa tangkad Sa pagpasok ng mga bigmen na sina Japeth Aguilar (6’10”), Junemar Fajardo (6’11”) at Greg Slaughter (7’0”) sa roster ng national team, hindi maipagkakaila na malaki ang itinangkad ng line-up ng Gilas. Maraming nagsasabi na mas malaki ang tsansa ng bansa kapag makakasabay tayo sa mga dambuhalang kalaban. Ngunit, totoo kaya ito? Malaking bagay ang tangkad at lakas sa basketball. Nakita na natin ito sa loob ng ilang dekada. Sa kabilang banda, may mga limitasyon din itong ibinibigay. Minsan, dahil malaki at malakas sa ilalim ang isang koponan, nagiging mahina naman ito pagdating sa liksi at spacing: mga bagay na mas importante ngayon sa modernong basketbol. Tignan ang sitwasyong ito kung saan dalawang bigmen na nonshooters ang nasa court ng Gilas.

Sa sitwasyong ito, papa-atake sana si Castro sa ilalim. Kaso, ang mga bantay nila Pingris at Thoss ay nakaabang na rin sa kanya. Bakit? Kasi alam nilang hindi makakatira sila Ping at The Boss sa labas. Hindi nakatulong na nag-cut pa sa ilalim si Abueva. Napilitan na rin tuloy si Castro na umatras sa sikip ng depensa sa ilalim.

Kahit sa mga malalakas na team, nagiging problema din ang pangit

ng spacing sa court kapag ipinokus ang opensa sa mga malalaki. Tignan ang China sa sitwasyong ito: Alam na alam ng Gilas na susubukan ng China na umiskor sa ilalim. Tignan kung ilang manlalaro natin ang umokupa ng espasyo para hindi matuloy ang planong ito. Kung titignan, lahat ng bigmen ng China ay walang tsansang umiskor dito. Ano ang magsasalba sa kanila? Iyong shooter na number 10 sa kabilang panig ng court (hindi nila ito nakita sa pagkakataong ito kaya hindi sila nakaiskor). Sa mga nakaraang performance ng Gilas, pinakaepektibo sila kapag naka 1-4 out ang kanilang spacing. Ibig sabihin, may isang umaatake sa ilalim at apat na nakaabang sa labas para sa outside shot. Imbes na magkaroon ng dalawang bigmen sa court, mas maganda kung may isang sentro lang at apat na maliliksing (guwardya at wing) Sa ganitong paraan, maluwag na maluwag ang ilalim ng ring. Tignan ang mga sitwasyong ito: Dahil may apat na shooter na nakaabang sa labas. Hindi magawa ng China sa na magconverge sa ilalaim para pigilan ang atake ni Castro. Tignan kung gaano kaluwag ang ilalim ng court. Takam na takam si The Blur niyan. Nomnomnom.

Sa pagkakataong ito, si Romeo naman ang susugod. Tutok na naman kasi ang mga kalaban sa pagdepensa sa shooters natin (dapat lumayo pa si Blatche ng kaunti para mas malaki ang espasyo ni Terrence).

Mahirap depensahan ito. Dahil kapag nagdesisyon ang depensa na pagtulungan ang slasher natin, maraming shooters ang malilibre at maaaring pasahan katulad nito. Sa play na ito, nagpasya ang kalaban (Iran) na magconverge kay Romeo. Tignan kung ilan ang open shooters natin. Maaaring sabihin na magkakaproblema sa rebound kung mag small-ball ang Gilas. Subalit, sa datos na nakalap ng SportsVU sa NBA, halos lahat ng rebound ay nakukuha sa taas na 8 feet, kung saan may tsansa ang mga manlalaro kahit maliliit sila. Basta marami silang kukuha ng rebound.

Base sa mga puntong nabanggit, mas maganda kung hindi sasabay ang Gilas sa patangkaran. Mabilis at maliksi tayong mga Pinoy. Paano kaya kung gamitin natin ng todo ang bentaheng ito? Imbis na maglagay ng malalaki ngunit mababagal na non-shooters sa court, dapat mas magdagdag tayon ng maliliit ngunit maliliksi at magagaling tumira sa labas. Maaari nating ilagay sina Norwood, Clarkson o Ganuelas sa power forward at takbuhan ang mga matatangkad ngunit mas mababagal na kalaban. Tignan natin sa mga susunod na buwan kung susubukan ito ng Gilas.

I

namin ng ama ng boxing athlete na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang kanyang pangamba matapos ang naging dikitang laban ng anak sa contender nitong si Cesar Juarez na isang Mexican. Ayon kay Dodong Donaire, kinabahan man siya sa naging laban ng anak, kumpiyansa naman siya dahil sa naging paghahanda ng huli para makuha ang titulong minsan na ring nakamit ng The Filipino Flash. Dagdag pa nga ng ama ni Donaire, base sa ulat ng bomboradyo.com, posible raw na na-knockout na ni Juarez si Nonito kung pasang-awa at petiks lang ang naging training sessions nito. Ayon na rin kay Dodong, maigi rin ang ginawa nilang matinding sparring practices dahil nakatulong ito upang ma-sustain ni Nonito ang kanyang game plan at counter strategy na ginawa rin niya kasama ang ama. Maganda rin daw na inasahan nila ang pagpapaulan ng suntok ni Juarez, dahil nakapaghanda sila. Bagama’t naging dikitan ang laban ng dalawa, matagumpay namang naiuwi ng The Filipino Flash ang titulo para sa WBO junior featherweight matapos rin ang sunud-sunod na pagkatalo sa kanyang mga huling laban.

Kobe Bryant, may pakulo sa mga fans

I

nanunsiyo ni basketball superstar Kobe Bryant sa kaniyang social media account na magkakaroon siya ng palaro sa kanyang mga fans sa buong mundo. Ayon sa NBA superstar, magtatago umano siya ng 20 Nike Kobe 11 na kanyang huling signature shoes sa loob ng 20 taong pagiging aktibo sa larangan ng basketball. Ilalagay umano ang mga pares ng sapatos sa iba’t ibang panig ng mundo ang mga sapatos na ito at magbibigay siya ng mga clues para sa paghahanap ng mga nakatagong sapatos. Magsisimula umano ang nasabing palaro, Disyembre 22.

One Heavyweight Champ Brandon Vera, magtatayo ng gym sa Pinas

M

agtatayo umano ng sariling MMA gym sa Pilipinas ang ONE heavyweight champ na si Brandon Vera. Layunin umano ni Vera na maturuan ang maraming mga Pinoy na interesado sa nasabing sports kaya nito naisipang maglunsad ng isang MMA gym. Dahil sa init umano ng pagtanggap ng mga Pinoy sa kanya noong siya ay manalo laban kay Paul Cheng sa ONE UFC kamakailan. Unang nagtayo si Vera ng kanyang gym sa California, taong 2007.


21

January 2016

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Pambato ng Pilipinas na si Angelia Ong, tinanghal na Miss Earth 2015

G

umawa na naman ng bagong kasaysayan ang Pilipinas matapos ang naging sunud-sunod nitong pagkakapanalo sa Miss Earth pageant. Kamakailan lamang, isang Pinay beauty queen muli ang kinoronahan bilang Miss Earth 2015 na isinagawa sa Marx Halle sa Vienna, Austria. Ang nasabing beauty queen ay si Angelia Ong, 25 years old at dating marketing management student ng De La Salle-College of St. Benilde. Dahil sa pagkakapanalo ni Ong, nagkaroon tuloy ng bagong tatak ang Pilipinas sa kasaysayan ng mga beauty pageants. Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 15 taon ng Miss Earth pageant ay dalawang beses nang naiuwi ng Pilipinas ang korona. Si Ong din ang ikatlong Filpina na

nakasungkit ng Miss Earth title matapos ang Miss Earth 2014 na si Jamie Herrell. Taong 2008 naman noong unang napalunan ni Karla Henry ang Miss Earth. Sa 80 kandidato na lumahok sa pageant, ang naging sagot ni Ong na “We will, because we can” sa question-and-

answer portion ang kanyang naging winning factor. Itinanghal naman bilang Miss Earth – Air Si Dayanna Grageda ng Australia, Miss Earth – Water naman si Brittany Payne ng USA, at Miss Earth – Fire si Thiessa Sickert ng Brazil, base sa ulat ng goodnewspilipinas.com.

Asawa ni Ian, hindi umano nagseselos sa tambalan nila ni Jodi

S

ikat na sikat ngayon ang tambalang Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria bilang loveteam. Kaya naman, may posibilidad na mag-selos ang kanikanilang mga partner.

Pero ayon kay Ian Veneracion, hindi umano

nagseselos ang kaniyang asawa sa kaniyang katambal sa teleserye na si Jodi.

Naiintindihan umano ng kaniyang kabiyak, na isang li-

censed engineer, ang kanyang trabaho bilang isang artista.

Gayundin, alam din umano ito ng kanyang mga anak na

parte lamang ito ng kaniyang trabaho bilang isang artista.

Ayon pa sa aktor, propesyunal na artista umano si Jodi,

kung kaya walang dahilan ang kanyang asawa na mag-selos sa aktres.

Bahagi ang dalawa ng sikat na teleserye sa Dos: “Pangako

Sa’yo.”

Concert ng Kamikazee na 'Huling Sayaw,' naging emosyonal

N

aging emosyonal para

beat song nilang “Chicksilog” habang

embro ng banda na sina Jason Astete,

mikaze ang kanilang

yan” na bumasag sa katahimikan ng

Maging sa social media ay ramdam

sa libu-libong solid

fans ng bandang Kanaging farewell con-

cert na ginanap noong December 10, sa Araneta Coliseum.

Dumagsa ang mga fans sa nasabing

full packed at all-out rock and roll performance ng banda na inialay nila para sa masugid nilang mga tagasuporta.

Una ngang kinanta ng banda ang up-

sumisigaw ang kanilang mga fans ng

“iiyak na yan… iiyak na yan… iiyak na buong coliseum. Ito ay matapos kantahin ng lead vocalist ng Kamikazee na

si Jay Contreras ang “Huling Sayaw” na nagsilbing record breaking hit ng banda.

Ito rin ang naging dahilan kung bakit naging emosyonal hindi lamang ang

mga fans kundi na rin ang mga miy-

Allan Bordeos, Jomar Linao at Led Tunay.

din ang kalungkutan ng mga fans sa

pamamaalam ng grupo. Matatandaang unang nabuo ang banda noong 2000 at nagiging kilala dahil sa mga sumikat nilang awitin gaya nga ng “Huling

Sayaw,” “Halik,” “Narda” at iba pa, ayon sa ulat ng bomboradyo.com.

Nicki Minaj, na-impress sa 'Chandlier' performance ni Darren

S

a ganda ng naging performance ni Darren Espanto sa kantang ‘Chandelier’ ni Sia sa isang radio interview, hindi lang niya nakuha ang atensyon ng kanyang fans, na-impress din niya ang international recording artist na si Nicki Minaj. Si Nicki Minaj mismo ang nag-post ng Youtube video ng local radio interview ni Darren mula sa Wish 107.5 sa kanyang Facebook page at nag-comment pa ng “So effortless. Incredible voice!” Siyempre pa, hindi rin nagpahuli ang young singer at sinagot ang Facebook page ni Nicki Minaj sa pamamagitan ng pagpo-post sa Instagram ng kanyang pasasalamat. “WOOOOAAAAH! BRUUUUUUUUHHH! THANK YOU SO MUCH QUEEN @NICKIMINAJ!” Matatandaang unang nakilala si Darren matapos niyang makuha ang second place sa first season ng The Voice Kids Philippines. Siya rin ang may hawak ngayon ng record bilang pinakabatang artist na nagsagawa ng kanyang major solo concert at makagawa ng sarili niyang original solo album. Siya rin ang world’s youngest artist na nagkaroon ng dalawang kanta na nanguna sa iTunes Chart Single category sa loob lamang ng ilang oras. Sa ngayon, kinikilala na si Darren bilang isa sa mga pinakamagagaling na performers sa bansa.

Angelica, binati sina Bea at John Lloyd sa matagumpay na pelikula

H

indi maitatangging sadyang tumabo sa takilya ang pelikulang “A Second Chance” nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Dahil dito, binati ng kasintahan ni John Lloyd na si Angelica Panganiban ang dalawa sa matagumpay nilang pelikula. Nag-post ito sa kaniyang social media account ng pagbati sa dalawa kasabay ng pagpo-post ng isang eksena sa kanilang pelikula. Bida sa nasabing pelikulang ang mga karakter nina Popoy at Basha na ginampanan ng dalawang magagaling na artista sa kasalukuyang henerasyon. Sequel ang pelikula ng pelikulang “One More Chance.” Habang sinusulat ang balitang ito, nakalikom na ng mahigit 400 milyong piso ang nasabing pelikula.


22

January 2016

Kasikatan ni Christian Bautista, umabot na rin hanggang sa UK

T

alaga namang karapat-dapat lang na tawaging multi-awarded artist ang singer na si Christian Bautista. Bukod kasi sa Pilipinas at Asya, kilala at sikat na rin si Christian sa UK. Tinagurian si Christian bilang Asia’s Premier Romantic Balladeer dahil sa nakaka-in-love niyang boses sa nagpaibig at nagpahanga sa kanyang mga fans sa Southeast Asia. Ngayon naman, nakatakdang maglabas si Christian ng bagong single album na may pamagat na “Who Is She To Me” na inaasahang ilalabas sa UK. Hindi na nga mapipigilan ang pagsikat ni Christian Bautista, dahil ito ang magsisilbi niyang single debut album na nakatakda ring eere sa iba’t ibang radio stations doon, gaya ng BBC radio station 1 at BBC radio station 2. Sa ngayon, pasok na sa Top 100 ng UK vocal iTunes charts ang nasabing album, na nasa ika-44 na pwesto. Bukod sa pagre-release ng kanyang single album sa UK, bukas din si Christian na makatrabaho at makasama ang ilang international at legendary music artists ng producer na si Christian de Walden at mga singer na sina Anne Murray at Engelbert Humperdinck.

Kung future baby kay Pauleen ang paguusapan, Vic Sotto: "In God's Time"

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Annabelle Rama, naglunsad ng bagong libro

I

nilunsad kamakailan ni talent manager Anabelle Rama ang kanuang kaunaunahang libro – ang “Day, Hard.” Ayon sa aktres, matagal na umano niyang pangarap ang pagkakaroon ng isang libro at ngayon nga ay natupad na niya ang pangarap na ito. Nilinaw ng aktres, base sa ulat ng bomboradyo.com, na katotohanan umano ang laman ng kanyang nasabing libro. Pagtitiyak niya, panigurado

librong ito ang kuwento ng pagibig nila ni Eddie Guttierez.

Pelikula ni Alodia Gosiengfiao na"Crossroads" ipinapalabas na sa Japan at Fresh Hearts Productions. Ang

P

inapalabas na ngayon ang Japanese film na “Crossroads” na p i n a gb i b i d a h a n n i Alodia Gosiengfiao. Iniulat ng The Philippine Star na nakuha ni Gosiengfiao ang role matapos siyang makita ng isang Japanese producer sa cosplay event sa Japan. Tinanong siya ng producer kung gusto niyang gumawa ng Japanese film, na hindi naman niya tinanggihan. Ang pelikula ay na-produce ng Toei Company, LTD., isa sa mga nangungunang kumpanya na gumagawa ng pelikula sa Japan,

Jun Lana, pinarangalan sa Indian Film Festival

P

inarangalan si director Jun Lana ng

Rajatha Chakoram Award (Silver

“In God’s time.” 'Yan ang naging sagot ni Bossing Vic Sotto matapos tanungin tungkol sa maaaring maging future baby niya sa fiancé na si Pauleen Luna. Idinagdag din ng actor/comedian na isang magandang blessing ang baby para sa kanilang dalawa pero looking forward pa rin sila sa pagdating nito. Ayon kay Bossing, wala naman silang pressure na nararamdaman para magkababy kaagad pagkatapos ng nalalapit nilang kasal ni Pauleen sa January 2016. Umamin pa nga si Bossing na hindi talaga hands-on si Pauleen sa pag-aasikaso ng kanilang kasal pero sinisiguro ng huli na maayos ang bawat detalye. Ika pa ng 61-year old actor/comedian, hindi man daw hands-on ay nananatili pa ring punong abala ang kanyang bride-to-be sa kanilang wedding preparations. H a n g ga n g n gayo n , wa l a p a r i n g ga a n o n g d e t a lye ukol sa kasal ng dalawa dahil nanatili pa ring private ang bawat detalye. Sa ngayon, ang tanging konkretong detalye pa lamang ng kasal ay ang gagawa ng wedding gown na si Francis Libiran na isang internationally renowned fashion designer. Siya umano ang choice ng 27year old actress na si Pauleen.

umanong maraming mapupulot na mga aral sa librong ito. Samantala, kasama umano sa

Crow Pheasant

Award) bilang Best Director.

Ayon sa ulat ng The Philippine

Star, nakamit ni Lana ang parangal

para sa pelikulang Anino sa Likod ng

Buwan o Shadow Behind the Moon sa Ingles na title. Tinanggap ni Lana

naging direktor ng pelikula ay si Junichi Suzuki. Ang naging role ni Gosiengfiao ay isang Filipina na nanggaling sa isang depressed area sa Pilipinas. Unang sumikat si Gosiengfiao bilang isang cosplayer (costume player). Naimbitahan siya upang mag-judge at mag-perform sa ilang cosplay events sa buong mundo. Kabilang sa mga bansang ito ay Norway, Nordic countries, Iceland, Japan at iba pang lugar. Nakasama rin siya ng ilang mga Japanese actor sa ilang events gaya nila Dai Watanabe, anak ng sikat na artistang si Ken Watanabe. ang parangal sa 20th International

regalo para sa pasko. Hinihintay

nung Disyembre 11.

ngayong Enero.

Film Festival of Kerala na ginanap

sa Nishagandhi Auditorium sa India Nanguna si Lana sa labing-

tatlong director na nakasali sa

naman niya ang pagpapalabas ng kanyang pelikula sa Pilipinas

film festival. Ang mga direktor ay nanggaling mula sa bansang Turkey,

Argentina, Brazil, India, Kazakhstan at iba pa.

Ayon kay Kamaluddin

Mohammed Majeed, isang kilalang Malayalam cinema director at

producer, humanga umano siya sa galing ni Lana sa kanyang narrative para sa nasabing pelikula.

Ayon naman kay Lana, hindi

makapaniwala at labis na

nagpapasalamat siya sa maagang

Denise Laurel, wagi sa Your Face Sounds Familiar

N

atapos ang ikalawang season ng “Your Face Sounds Fa m i l i a r ” k u n g saan itinanghal si Denise Laurel bilang champion. Nanguna si Laurel sa pito pang contestants sa kompetisyon na natapos nitong Linggo. Ang celebrity na in-impersonate ni Laurel ay si Beyonce at kumanta ng “Love on Top” at “Crazy in Love”. Nakakuha si Laurel ng mahigit 27 porsiyento mula sa text votes na siyang nagpanalo sa kanya sa

nasabing reality show. Sumunod kay Laurel ay si Michael Pangilinan na nagkamit ng mahigit 23 porsiyento. Pumangatlo si Sam Concepcion at sinundan ni KZ Tandingan sa ikaapat na puwesto. Sa loob ng labing-tatlong linggo ng pagpapalabas ng reality show, si Laurel lang ang hindi nakakuha ng unang puwesto sa weekly competitions pero madalas siyang pumapangalawa. Nakamit ni Laurel ang premyong P2 milyon at tropeo.


23

January 2016

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Twit ni Idol

Ximena Naverette (@ximenaNR)

Maria Ozawa, tuawang-tuwa nakita nang personal si Angelica Panganiban

M

asaya umano ang Japanese star na si Maria Ozawa sa naging pagkikita nila ni Angelica Panganiban na kamukha umano nito. Katunayan, gusto umano niyang makasama si Angelica sa isang pelikula. Kung magkakasama man umano silang dalawa, gusto raw niyang magkapatid ang roles nilang dalawa. Hangang-hanga rin si Ozawa sa taglay na kabaitan ni Angelica, kaya kung sakali umanong magkakasama man silang dalawa sa isang pelikula, wala umanong magiging problema. Bibida si Ozawa sa pelikulang pagbibidahan nila ni Cesar Montano, ang “Nilalang.”

Hindi lang maganda, talented din ang Miss Universe candidate ng Pilipinas para sa taong 2015 na si Pia Alonzo-Wurtzbach. Sa katunayan, isa sa Pia sa top list ng former Miss Universe 2010 na si Ximena Naverette sa kanyang 64th Miss Universe top picks. Bilang patunay, nag-tweet ang former beauty quuen ng kanyang Top 12 Miss Universe candidates. Makikitang una sa listahan ng Mexican beauty queen ang contender ng Pilipinas.

Alden Richards (@aldenrichards2)

Ngayong sikat na sikat na ang tambalang AlDub, tila lagi ring nakaabang ang AlDub Nation sa sunod na kahihinatnan ng kwento ng dalawa. Kaya naman, kamakailan, ganun na lang ang naging violent reaction ng AlDub Nation nang sumagot ng “yes” ang Kapuso actor and TV host na si Rich Ilustre sa kanyang Twitter post matapos tanungin ng isang Twitter follower niya kung totoo nga bang magka-relasyon si Alden at Julie Anne San Jose sa tunay na buhay. Hindi pa man nagtatagal ay kumalat na ang maiksing tweet ni Direk Rich na naging dahilan para umalma ang AlDub fans. Not true… Maiksi pero naging makahulugan naman ang naging Twitter post ni Pambansang Bae Alden Richards noong December 7 matapos ang nasabing isyu. Ang tanong tuloy, patungkol ba ito sa tanong kung talaga nga bang may relasyon sila ng kapwa Kapuso star na si Julie Anne San Jose?

Renz Michael Valeria (@RenzValerio)

Ilang netizens kabilang na ang ilang Kapuso stars ang nakiisa at nakibati kay Pope Francis ng ‘Happy Birthday’. Si Pope Francis, o si Jorge Mario Bergoglio na ipinanganak noong December 17,1936 sa Buenos Aires sa Argentina, na siyang kasalukuyang leader ngayon ng simbahang Katoliko ay nag-celebrate ng kanyang ika-79 kaarawan nito lamang Huwebes. Siyempre pa, bumuhos ang pagbati para sa Santo Papa sa social media lalong-lalo na sa Twitter. Maraming Pinoy din ang nagbalik tanaw sa naging pagbisita ni Pope Francis noon lamang January sa Pilipinas. Simpleng “Happy Birthday Pope Francis” lang kasama na rin ang ilang emoticon ang naging pagbati ng Kapuso star na si Renz Michael Valerio sa Twitter.

Mga anak at apo ni Vic, ano kayang magiging bahagi sa nalalapit na kasal

N

alalapit na ang kasalang Vic Sotto at Pauleen Luna. Ano kaya ang magiging bahagi ng mga anak at apo ni Vic? Ika ni Bossing, espesyal umano ang magiging bahagi ng kanyang mga apo at anak sa kanyang kasal. Pagdating naman sa mga dating nakarelasyon ni Vic, hindi umano sila magiging imbitado. Pagbibiro pa ng actor at TV host, base sa ulat ng bomboradyo.com, baka raw umano tugtugin pa nila ang kantang "Dessert" na madalas ipinapakanta sa "Eat Bulaga" habang siya ay naglalakad patungong altar. Samantala, pribado umano ang kanilang magiging kasal sa pamilya at mga kaibigan ng dalawa.

Albert Maritnez, pipiliting maging masaya ang Pasko

P

ara sa batikang aktor na si Albert Martinez, ito na umano ang pinakamalungkot niyang pasko. Ito'y matapos na sumakabilang-buhay ang kanyang asawang si Liezl dahil sa matagal na laban nito sa sakit na cancer. Ayon sa aktor, sisikapin umano niya at ng kaniyang tatlong mga anak na maging masaya ngayong Pasko. Ayon pa sa kanya, ito umano ang "worst thing" na nangyari sa kanyang buhay -- ang mawala ang kanyang asawa. Samantala, na-stroke naman ang mother-inlaw ng aktor na si Amalia Fuentes habang siya ay nagbabakasyon sa South Korea, ayon sa ulat ng bomboradyo.com.

John Lloyd, tumangging hiwalay kay Angelica

M

ariing itinanggi ni John Lloyd Cruz ang usap-usapang hiwalay na umano sila ni Angelica Panganiban. Ika ng aktor, parehas lang daw silang busy sa mga kani-kaniyang mga proyekto. Pagtatapat ng aktor, mayroon daw siyang bagong pelikulang ginagawa samantalang si Angelica naman ay may bago na namang soap opera. Samantala, hindi pa rin naman umano nila napag-uusapang dalawa ang plano ng pagpapakasal. Ika ni John Lloyd, darating din ang tamang panahon para sa kasalan.


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.