Daloy kayumanggi newspaper 2015 08 august ダロイカユマンギー タガログ語 フィリピン新聞

Page 1

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

TH YEAR ANNIVERSARY


2

September 2015

Congressman Manny Paquiao, nakipag-dialogue sa mga Pinoy sa Japan

D

i n a l aw n i C o n g re s s m a n a t Wo rl d B ox i n g C h a m p i o n M a n ny Pa c q u i a o a n g F i l i p i n o Community sa Tokyo, sa pamamagitan ng isang forum na inilunsad sa Philippine Embassy. Sa nasabing forum, ayon sa tokyo.philembassy. net, pinaalalahanan ni Pacquiao ang mga Pinoy na ibahagi sa bansa at sa mga tao rito ang kanilang mga benepisyong natatanggap sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa Japan. Pormal na tinanggap si Pacquiao, kasama ang asawang si Jinkee, sa embahada nina Ambassador Manuel M. Lopez at Madame Maria Teresa Lopez. Ipinakilala rin sa dalawa ang mga staff ng embahada. Isa sa mga nabanggit ni Pacquiao sa kanyang talumpati ay ang kanyang mahirap na karanasan sa Bukidnon, kasama ang kanyang ina at anim na mga kapatid bago pa man siya nakarating sa kinaroroonan niya ngayon. Kasunod ng nasabing dialogue, dumiretso si Pacquiao sa presentasyon ng bid para sa FIBA Basketball World Cup, kasama ang buong delegasyon ng Pilipinas. Ilan lamang sa mga kasama sa delegasyon na mga personalidad ay sina businessman Manuel Pangilinan, Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, Tourism Secretary Ramon Jimenez, Jr., Senator Juad Edgardo Angara, at iba pa.

STARBOOKS ng DOST, kinilala sa isang US Citation

I

sa ang Department of Science and Technology o DOST sa Pilipinas sa mga nanguna sa paggamit ng digital science library na STARBOOKS. Ang STARBOOKS na acronym para sa Science and Technology Academic and Research-Based Openly-Operated Kiosks ay kinilala ng isang pretishiyosong organisasyon sa Amerika, base sa pahayag ni DOST Assistant Secretary Raymund Liboro, na siya ring head ng Science and Technology Information Institute (STII) ng DOST. Sa sulat na ipinadala ng chair of the Reception Committee of the International Relations Round Table (IRRT) na si Athena S. Michael, base sa ulat ng Manila Bulletin, isa ang STARBOOKS sa limang proyektong napili upang tumanggap ng 2015 American Library Association (ALA) Presidential Citation for Innovative International Library Projects. Iginawad ang nasabing citation award sa STARBOOKS noong June 29, 2015 sa San Francisco Library sa U.S. sa pangunguna ng ALA president na si Courtney Young. Ang STARBOOKS ay isang offline library na pinamamahalaan ng STII at ipinamamahagi ng DOST sa mga eskwelahan at local government units o LGU sa buong bansa na naglalaman ng iba’t ibang learning resources gaya ng textbooks, information and research materials, mga livelihood videos at Encyclopedia Brittanica.

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Pagkatapos ng 2011 Tsunami... Japan, nagbukas ng nuclear reactor

P

agkatapos ng apat na taon mula nang maranasan ng Japan ang itinuturing na pinakamalalang nuclear crisis ng henerasyon bunsod ng nanalasang tsunami, binuksan na ng bansa ang isang nuclear reactor nito. Binuksan ng Kyushu Electric Power ang Fukushima Daiichi Nuclear Plant nitong Agosto 11, at nagsimulang mag-produce ang nasabing nuclear reactor ng enerhiya noong Agosto 14. Ayon sa ulat, bago binuksan ang nuclear reactor, hinigpitan umano ng Tokyo ang kanilang regulasyon sa nuclear plants nang sa gayon ay maalis ang pangamba ng mga mamamayan. Ang mga nuclear plants ay ang pangunahing pinagkukunan ng suplay ng koryente sa Japan.

Pilipinas at Japan, strategic partners -- Malakanyang

S

a kabila ng pagbatikos ng Beijing at ulat ng diu m a n o' y p a g l a b a n s a C h i n a , i n i u l a t n g Malakanyang ang patuloy na pagtutulungan ng Japan at Pilipinas upang mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon. Base sa ulat ng Philippine Star, sinabi ni Herminio Coloma, Jr., kasaluyang secretary ng Presidential Communications Operations Office, na ang dalawang bansa ay matagal nang magkaalyado dahil sa ilang mga proyekto, kabilang na ang defense at security. Sa huling pagdalaw ni Pangulong Aquino sa Japan ay sumang-ayon si Prime Minister Shinzo Abe ng Japan na

pag-ibayuhin ng dalawang bansa ang strategic partnership sa kabila ng bagong mga pagsubok. Mariing pinabulaanan ni Coloma ang sinabi ng China na ito ay bahagi ng pagsasanib-pwersa ng dalawang bansa upang magplano ng pag-atake sa China bunsod na rin sa gulo sa West Philippine Sea. Gayunpaman, sinabi ni Coloma sa China na tigilan na ang malawakang pag-angkin sa mga lupain, gayundin ang konstruksyon at iba pang agresibong aktibidades sa disputed areas. Bukod sa Pilipinas, nakipagkasundo rin ang Japan na pagbutihin ang seguridad sa ibang mga bansa sa Asya.​

Gintong artifacts mula sa Pilipinas, tampok sa museum exhibit sa New York

S

imula ngayong darating na Setyembre 11, 2015 hanggang Enero 3, 2016, itatampok ang higit sa 120 gold artifacts na natagpuan sa Pilipinas sa Asia Society Museum sa New York. Ang mga nasabing artifacts ay nahukay noong 1960 hanggang 1981 sa siyudad ng Butuan na nasa timog na bahagi ng Pilipinas. Binubuo ng mga palamuti at iba pang alahas ang mga nasabing artifacts, ayon sa goodnewspilipinas.com. Ayon sa ulat, itatanghal ang exhibit bilang “Philippine Gold: Treasures of Forgotten Kingdoms,” upang maipakita umano na bago pa man masakop ang Pilipinas, mayaman na hindi la-

mang ang kultura ng bansa, kundi pati na rin ang pakikipagkalakalan nito. Tampok sa nasabing exhibit ang “Kinnari,” isang mythical creature na kalahating tao at ibon at isang gold ornament na tinatawag na “Upavita” na isinusuot daw noon ng mga matataas na opisyal gaya ng datu. Karamihan sa mga nasabing artifacts ay galing sa Ayala Museum at Central Bank of the Philippines. Binigyan ang mga ito ng 24-hour security ng Asia Society Museum upang masigurong ligtas ang mga artifacts hanggang makabalik ang mga ito sa Pilipinas.


3

September 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Pinoy Children's Book na :Ang kabayong TumbaTumba", bumida sa online exhibit ng Google

S

a online exhibit ng Google, isa ang kilala at sikat na Pinoy children’s book na “Kabayong Tumba-Tumba” o The Rocking Horse ang nakakuha ng pwesto sa nasabing exhbit na pinamamahalaan ng GoogleCultural Institute. Ang nasabing libro ay nasa ilalim ng kategoryang Cultural Center, dahil na rin sa kakaibang presentasyon nito sa publiko, ayon sa ulat ng goodnewspilipinas.com. Ang librong “Ang Kabayong Tumba-Tumba” ay nabuo dahil na rin sa pagtutulungan ng dalawa sa pinakamagagaling na Pilipino na nagpamalas ng kanilang mga talento sa larangan ng pagpipinta at pagsulat. Ito ay sina Elmer Borlongan na siyang nagpinta ng mga larawan at si Becky Bravo na nagbigay buhay sa kuwento sa libro. Ayon pa nga sa paglalarawan ng Google, isa la-

Rice Museum sa Nueva Ecija, isa nang tourist spot ng Pilipinas

I

dineklara ng Department of Tourism ang Rice Science Museum sa Nueva Ecija bilang isang tourist spot. Iniulat ng The Philippine Star na kasama na ang nasabing museo sa listahan ng visitmyphilippines.com na mine-maintain ng DOT. Kabilang sa listahan ng tourist spots sa Pilipinas sa nasabing website ay ang Aquino Center and Museum na siyang matatagpuan sa Tarlac City. Sinabi ni Ronaldo Tiotuico, Central Luzon DOT regional director, na ang museo na nasa ilalim ng Philippine Rice Research Institute ay nagpapakita ng rice culture at tradisyon ng pagtatanim at bigasan sa bansa. Nagkaroon na ng ilang exhibit sa Rice Science Museum gaya ng Colors of Rice, Lovelife with Rice, at Abundant Harvest. Ang kasalukuyang exhibit ay nagpapakita ng kon-

mang ang The Rocking Horse sa ilan sa mga obra ng Pilipino na talaga namang kagigiliwan ng buong mundo at ng sinumang makakabasa nito. Sa katunayan, ang nasabing libro ay orihinal na mga pinta lamang ni Borlongan na siyang nagbigay inspirasyon kay Bravo upang gawan ng kuwento ang mga larawan. Pinalad namang nanalo ang kuwentong nilikha ni Bravo at ngayon nga ay kabilang na ang libro sa milyun-milyong art works na kabilang sa online exhibit collection ng Google mula sa buong mundo.

T tribusyon sa kalusugan ng bigas na magpapatuloy hanggang Pebrero 2016.

P

initingnan ng lokal na IT-BPO industry ang medical coding at billing ICD 10 Code na mahalagang mga elemento na magpapatibay sa Pilipinas bilang global outsourcing hub. Iniulat ng Manila Bulletin ang pahayag ni Jose Mari Mercado, ang kasalukuyang pangulo ng IT-Business Process Outsourcing Association of the Philippines (IT-BPAP), tungkol sa laki ng medical billing at coding market sa Estados Unidos, lalo na sa papalapit na paglipat ng sektor sa ICD 10 Code ngayong taon. Ayon kay Mercado, ang paglipat sa ICD 10 Code ay maihahalintulad sa pagbabagong dinala ng Y2K na siyang nagtulak sa mga kumpanya na baguhin ang kanilang computer codes upang maiwasan ang problemang dala ng malawakang virus na inasahan noong 2000. Iniulat ni Mercado na inaasahan ng IT-BPAP na magkakaroon ng humigit-kumulang 150,000 na mga trabaho para sa industriyang ito ngayong taon. Inaasahan din ang pagdami ng mga kumpanyang pupunta sa Pilipinas para mapunuan ang trabahong magbubukas sa nasabing industriya.

Bagong imbensyon na ice cream, maaaring makatulong sa ekonomiya ng ARMM

Estudyante sa UPLB, nagtapos na Cum Laude sa kabila ng karamdaman

inatunayan ng isang estudyante sa UP Los Baños na hindi hadlang ang karamdaman upang maabot niya ang kanyang mga pangarap. Para sa mga nakakakilala sa kanya, maituturing umanong kahanga-hanga ang pagtatapos ni Carl Adrian “Ady” Castueras na nagtapos bilang Cum Laude sa kanyang kursong Computer Science sa UPLB na may GWA na 1.5, ayon sa artikulo sa goodnewspilipinas.com. Isa si Ady sa mga dinapuan ng Duchenne Muscular Dystrophy (DMD), isang degenerative muscular disease na nagpapahina ng mga kalamnan. Dahil bihira ang ganitong uri ng sakit, wala pa itong lunas.

Paglaki ng medical billing at coding industry, magpapatatag ng IT-BPO Industry

I Walong taon pa lamang si Ady noon nang magsimula siyang mag-wheelchair dala na rin ng karamdaman. Ang ina ni Ady na si Mayette, na graduate din ng UP, ang nagsilbing kasa-kasama ni Ady sa pagpasok sa eskwelahan. Hindi gaya ng ibang ina, todo ang naging suporta sa pag-aaral ng anak sa kabila ng karamdaman ng huli. Dahil sa sakit ni Ady, hindi umano niya kayang maniobrahin ang kanyang wheelchair, subalit kaya niyang magsulat. Para kay Ady, hindi sapat na dahilan ang kanyang karamdaman upang abutin niya ang kanyang mga pangarap.

pinagmamalaking ipinakita ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Agricultural Department ang sample ng marang ice cream na siyang maaaring magpataas ng presyo ng isang murang prutas sa rehiyon. Ayon sa ulat ng The Philippine Star, ang prutas na kilala bilang marang fruit ay malawakang matatagpuan sa ilang probinsiya sa Mindanao, gaya ng Basilan, Tawi-Tawi, Sulu at Lanao del Sur. Dahil sa malawakang pagtubo at maramihang ani, ibinibenta ang prutas na ito sa napakamurang halaga. Ang paggawa ng ice cream mula sa nasabing prutas ay magpapataas sa demand at maaaring magpataas ng kanilang halaga. Nakikita ng departamento na maaari itong makatulong sa paglago ng ekonomiya ng rehiyon. Ipinakilala nitong Agosto 14 ni Makmod Mending, Jr., ang kasalukuyang Department of Agriculture sand Fisheries regional secretary ang kauna-unahang marang ice cream na siyang naimbento ni Nilda Longno. Ibinalita rin ni Mending na bibigyang-parangal si Longno para sa kanyang imbensyon. Plano umanong palaguin ng departamento ang nasabing industriya, sa tulong na rin ng Department of Trade and Industry.


4

September 2015

Global Filipino

Paano ipa-reschedule ang delivery sa Post Office gamit ang automated system

I

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

DEAR KUYA ERWIN

ni ERWIN BRUNIO

Mobile: 090-6025-6962 Email: erwin@daloykayumanggi.com Facebook: www.facebook.com/ebrunio Twitter: DaloyJapan Line: erwinbrunio Linkedin: erwinbrunio

sa sa mga hinahangaan ko sa bansang Japan ay ang efficient na delivery system nito. Dahil dito, madali na lamang mag-order ng mga produkto, mapa-online, Facebook, o telepono. Napakadali at safe ang sistema. Sa sistema naman na cash on delivery o COD, mas madali pang magbayad. Pagdating ng in-order, tsaka mo babayaran. Subalit, sa hindi kagustuhang pagkakataon, minsan hindi magtugma ang iyong schedule at schedule ng taga-deliver. Minsan naman ay may biglaan kang lakad. O minsan naman, ay hindi kayo magkarinigan, gaya na lang na dumating ang taga-deliver minsang ako ay naliligo na. O kaya katutulog ko lang, salamat kay Aldub at Lola ni Dora ng Kalyse Serye ng Eat Bulaga. Tanging isang notice o papel (saihaitatsu hagaki) ang iyong madadatnan sa iyong mailbox. Paano mo ba mapa-deliver ulit ang iyong inorder na produkto o kaya ang iyong bagahe. Mahirap ito dahil ang nakasulat dito ay naka-Japanese, at kakaunti lang sa mga Pinoy sa Japan ang marunong magbasa ng kanji. Higit na pinahirap ito dahil sa maliban na Japanese ang sasagot sa call center, kadalasan ay automated voice o computerized system ang sasagot dito. Mas ok pa sana kung tao ang sasagot, pero kung automatic recording, mas mahirap. Ito ang kadalasang problema ng mga kostumer Daloy Kayumanggi at D&K Co. Paano nga ba mag-pa-reschedule ng iyong delivery sa post office gamit ang automatic recording machine? Narito ang pamamaraan.

Daloy Kayumanggi Infographic: Re-Schedule ng Delivery sa Post Office

1. Gamit ang iyong cellphone, i-dial ang 050-3155-3917. (Kung may landline, i-dial ang 0800-0800-888). Habang tumatawag, piliin ang“speaker”mode at“keypad” para sa pagpili ng numero. 2. Kapag narinig na ang voice recording, i-enter ang iyong zipcode kasama ang 2-digit na numero para sa klase ng iyong package. 3. I-enter ang iyong tracking number (tsuiseki bangou 追跡番号 ) na nakasulat. Ito ay kadalasan na nakadikit sa hagaki o notice. 4. I-enter ang iyong araw kung kelan mo gusto ipa-deliver sa format na month-day. Ang unang 2 numero ay ang buwan, at ang natitirang 2 numero ay ang araw. Halimbawa, kung gusto mo na ipadeliver sa September 15, ang i-type mo ay “0915” 5. Para sa gustong oras na ipa re-deliver, pindutin ang numero na nasa ibaba depende sa iyong oras. Halimbawa, kung gusto mo ang delivery ay sa umaga, pindutin ang“1” 6. Kumpirmahin ang iyong piniling araw at oras sa pamamagitan ng pagpindot ng 1. 7. Pindutin ang 3 kung tapos na. Kung may iba pang bagahe, pindutin ang 1 at sundan ulit ang #2 -7. O ayan, naway maging mas madali pa at convenient sa iyo ang pag-order ng mga produkto sa Daloy Kayumanggi o maging sa iba sa facebook at online shop.

Additional na tips: 1. Maari ding magpa-re-deliver sa online website ng Japan Post Office. I-type ang www.post.japanpost.jp at i-click ang 再配達の申し込み (Application for re-delivery) sa may kanang bahagi. https://trackings.post.japanpost.jp/delivery/deli/?ac=index_07 2. Para ma-check kung saan na ang iyong bagahe, pumunta sa website na ito at i-type ang iyong tracking number. Sa website rin ito makukuha mo ang landline number ng iyong post office para sila ay iyong matawagan para ma-reschedule ang iyong order. https://trackings.post.japanpost.jp/services/srv/search/input?locale=en


5

September 2015

Daloy Kayumanggi

GLOBAL PINOY

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

SPECIAL FEATURE

Editor’s note: Minsan nang may nagsabi na kung ilan ang Pinoy sa isang bansa ay ganoon din ang kuwento na maaaring maisulat tungkol sa kanila at para sa kanila. Ang Global Pinoy Special Feature ay sinimulan ngayong 2015 para ibahagi ang natatanging kuwento ng mga ordinaryong Pinoy na nagsisikap mamuhay sa ibang bayan. Sa pag-

tatapos ng bawat panayam, kinuha namin ang opinyon nila tungkol sa pagiging isang Global Pinoy. Nakakatuwa dahil iba-iba sila ng perspektibo at pagtingin--pero iisa lang ang sigurado, lahat ay naniniwalang sila ay Global Pinoy!

Para sa iyo, ano o sino ang Global Pinoy? Email us and get a chance to be featured next!

Global na Kadete: Mark Garcia Sa tingin ko, ang Global Pinoy ay ang mga Pilipinong may nagagawang maganda at mabuting mga bagay na nakakatulong sa mga tao sa paligid niya at sa lugar na kung nasaan man siya sa mundo. Maituturing ko ang aking sarili bilang isang Global Pinoy dahil tingin ko nakakatulong at nakakagawa ako ng mga mabuting bagay sa mga tao sa paligid ko at para sa Pilipinas sa aking sariling paraan bilang isang foreign cadet. Global na Piloto: Roy Cardenas Maaari, oo. Ang Pinoy talaga global. Ang Pinoy global. Ang pamilya [angkan] ko, every 100 years lumilipat ng lugar. From the Philippines to Australia tapos ako nagtatrabaho ako sa Japan. 120 milyon tayong Pinoy, 10% dun ay overseas. Kung wala ang Global Filipino ang Philippines matagal ng bankrupt.

Global Chef: Josie Nistal Siguro sa pagkakaalam ko yung Global Filipino yung Pilipino na angkop sa lahat. Kasi ang Global Pilipino ay yung open ka sa lahat, lahat ng pagbabago, lahat ng pwede mong baguhin na ikabubuti [ng iyong kapwa].

Global na Iskolar: Aris Larroder Ang Global Pinoy ay isang huwaran ng mga adhikain ng sangkatauhan. Siya ang gumagawa ng mga bagay na nakakatulong upang ipamalas sa buong mundo ang tunay na diwa ng isang Pilipino. Ang taong ito ay hindi kailangang nasa labas

Global na Recruiter: Jo Watanabe Of course, 100%! Kasi ang Global Pinoy isang daan para sa mga kapwa Pinoy dito na maraming insecurities, walang alam. Isa siyang hugutan ng kaalaman at malaking tulong lalo na sa mga first timer. Kaya I’m proud to be a member of the Global Pinoy.

Global na Communicator: Eleanor Fukuda Yes. Kasi ang trabaho ko ay trading, I do business globally, I deal with people globally and I also think global. Maski nasa home country ka, kahit ‘di ka well travelled, basta may global thinking ka, global ka. May media naman, may internet, may telepono ka, kahit wala kang pambili ng tickets. [Dahil dyan] everybody is considered global.

Excelsis Borbon: Global Nurse

By Tokyo Boy (Mario Rico Florendo)

Alam mo bang dumarami na ang mga Pilipinong nurse na nagtatrabaho sa mga ospital dito sa Japan? Isa si Excelsis Borbon o Excel, ang Global Pinoy natin para ngayong buwan, sa iilang mga Pilipino na pinalad at ngayo’y nagtatrabaho bilang nurse sa isang ospital sa Hachioji, Tokyo. Sa aming pagkukuwentuhan, nabanggit niya na siya ang pangalawang lalaking Pinoy na nakapasa ng napakahirap na pagsusulit para lamang maging rehistradong nurse dito sa Japan. Dagdag pa niya, kahit mga native na Hapon, ay nahihirapan pa rin sa pagkuha nito. Biro ko naman sa kanya, hindi masyadong natatandaan ng mga tao kung sino ang pangalawa, madalas iyong una lang ang kilala nila. Ngumiti lang siya. Bukod sa mga biruang ito, hindi ko pa masyadong alam ang kuwento ni Excel. Kung kaya para lalo siyang makilala, narito ang simple kong panayam sa kanya: Tokyo Boy: Bakit mo piniling pumunta dito sa Japan? Excel: Pangarap kong maging nurse sa ibang bansa at kung ano man ang pangarap ko sa buhay, gusto ko siyang abutin kahit gaano pa ito kahirap. At gusto ko ring maging nurse at makapagtrabaho sa ibang bansa na may ibang kultura. Pero

ng bansa bagkus maaaring sa lahat ng dako ng mundo. Ang pagiging Global ay pwedeng pwede na nasa bansang Pilipinas mismo. Hindi ito sa kung saan ang Pinoy, kundi kung saan ang kanyang damdamin ay ipinapamalas sa kanyang gawain saan man mapadpad.

Global na Panaynon: Josel Palma All Filipinos who are doing good, who are doing charities, or whatever na maitulong nila sa kapwa nila, probably for me they will be considered Global Pinoy. For example, in my own case, I am considering myself a Global Pinoy because we can support not only here in Japan. We extend support in the Philippines.

ayaw ko ang Japan, dahil sa language barriers at may[roon itong] di magandang kasaysayan sa Pilipinas. Sa tingin ko nakakatakot sa Japan, iba yung kultura nila at pagkatao. On process yung papers ko noon sa European countries at Saudi, tapos may tumawag sa akin galing POEA, tinanong ako gusto mo ba sumali sa orientation for Japan Candidate Nurse, kaya doon na nagsimula. Hindi ko inaasahan, pagdating ko sa Japan ang galang ng mga Hapon, ang ganda ng ngiti nila tulad ng mga ngiting Filipino at pilit nilang iniintindi ang mga tao sa paligid nila tulad nating mga banyaga. Nag-iba yung tingin ko sa bansang Japan at sa mga tao nito. Ang kanilang kultura at pagkatao ay nakakahanga at pwedeng ipagmalaki. Kaya masaya [ako] at nagpapasalamat na napadpad at nakikita [ko] ang mga katangian ng mga Japanese. Tokyo Boy: Mayroon bang pagkakaiba ang training ng mga nurse dito sa Japan at sa Pilipinas? Ano ang mga natutunan mo sa pagkakaibang ito? Excelsis: Opo meron po, isa sa nakikita ko ang kanilang pagsakripisyo sa trabaho para sa mga taong nakapalibot sa kanila at [para] sa kabutihan ng teamwork. Kung nakikita nila n a m a s m a h i ra p a n g t ra b a h o n g k a s a m a h a n n i l a , tinutulungan nila itong matapos saka tapusin ang trabaho nila. May priority sila sa work, di nila inuuna ang sarili nila, pero ang ikakabuti ng isang team. Di sila umuuwi hanggang di nakakauwi [ang] mga kasamahan nila. [Kung] naghihirap sa trabaho, di nila kayang tingnan yun, ang taas ng konsiderasyon nila sa mga taong nakapalibot sa kanila. Yung mga matatandang nurses, pag-uwi sa bahay nag-aaral pa [rin] para may maituro sa mga nakababatang nurses. Di ko pa narining sa kanila na matanda na ako, nakakalimutan ko na yun. May mga bagay na di nila alam, pero sasabihin nila, “pasensya na po, di ako sigurado sa sagot ko, pero babalikan ko ang tanong mo bukas, pasensya na po” ito yung naririnig ko sa mga senior ko. Tokyo Boy: Maaari mo bang ikuwento kung paano ang nagiging paglalakbay mo para maging rehistradong

nurse dito sa Japan? Excelsis: Ang pagiging nurse ay isa sa mga pangarap ko sa buhay, di siya madali, dahil sa writting system at language barriers ng Japan, nahihirapan akong maipasa ito. Pero gusto kong malampasan ito, di man natin maabot lahat ng bagay, pero di ako natatakot [bumagsak], di ako naniniwala sa mga negatibong advices na imposibleng [ipasa] ang exam. Sa umaga nagtratrabaho ako at sa gabi nag-aaral, nakakapagod. Sa huli napasa ko rin, pagkatapos ng ilang taong paniniwala sa tagumpay. Sa mga bagay na gusto mong maabot, maabot mo siya maniniwala ka lang sa [iyong] sarili. Tokyo Boy: Taun-taon ilang libong Pinoy nurses ang n a k i k i p a g s a p a l a ra n d i to s a J a p a n p a ra m a g i n g rehistradong nurses dito, ano ang payo o mensahe mo sa kanila? Excelsis: Para sa mga nais makipagsapalaran dito sa Japan, ibigay natin ang buong loob para sa pangarap natin. Maniwala tayo sa sarili [natin at] pagsikapan nating pagtagumpayan [ang mga challenges]. Para sa mga pamilya [ng mga nurses], ibigay din po natin ang buong suporta, upang maibsan ang kalungkutan na mawalay sila sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay. Tokyo Boy: Para sa iyo, ano o sino ang Global Pinoy? Maaari mo bang maituring ang sarili mo bilang isang Global Pinoy? Excelsis: Ang pagkakaroon ng lisensya ay hindi nangangahulugang nurse ka na. Sa mga taong may mabigat na responsibilidad, [naghi]hirap, [pero isinasa]kripisyo ng kanilang sarili para sa ikakabuti ng mga taong nakapalibot sa kanila, sila yung Global Pinoy. Pa gka ta p o s n g p a n aya m ko kay Exc e l , m a ra h i l naiintindihan ko na ang ibig sabihin ng ngiting iyon matapos ko siyang biruin na hindi naman naaalala ng marami kung sino ang #2. Para kay Excel, #1, #2, o huli man, mas mahalaga ang mga karanasan na natutunan niya bago siya maging nurse at kahit ngayong nurse na siya.


6

September 2015

Editoryal

Daloy Kayumanggi

Inspiring Global Filipinos in Japan

Publisher: D&K Company Ltd Editor: Mario Rico Florendo (English,Tagalog) marioflorendo@daloykayumanggi.com 090-1760-0599 Sales and Marketing: Erwin Brunio erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@daloykayumanggi.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists: Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph

Aries Lucea Pido Tatlonghari Melbert Tizon Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo

The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.daloykayumanggi.com

 www.facebook.com/daloykayumanggi

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino


7

September 2015

KA-DALOY

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

KA-DALOY OF THE MONTH Loreen Dave Calpito Email: davecalpito529@gmail.com

Larawan ng Koreanong Estudyante kasama ang isang Lolang pulubi habang kaumakain, Viral sa Social Media

I

sang larawan ng isang Koreanong estudyante at isang matandang babae habang magkasalong kumakain sa isang fastfood chain ang naging viral matapos itong mai-post sa isang social media

page. Ipinost ni Hillary Lee Aguada sa kanyang Facebook account nitong Agosto 12, 2015 ang nakunang larawan. Ani Aguada, una niyang napansin ang matandang babae na lumapit sa counter ng isang fastfood chain sa Session Road sa Baguio City upang bumili ng pagkain bagama't mukhang kapos ito sa pera. Gulagulanit ang damit ng matandang babae at tila walang permanenteng tirahan. Dahil sa nakita, ikinagulat ni Aguada nang lumapit ang isang Koreanong lalaki na nagmagandang-loob na binayaran ang pagkain

Ang Ka-Daloy of the Month ay isang column na nilikha para sa Daloy Kayumanggi na may naising mag-insipire ng maraming mga Pinoy na makakabasa nito. Itinatampok rito ang mga natatanging mga indibidwal na nagtataglay ng ekstra-ordinaryong mga katangian at kuwento sa buhay na maaaring gawing huwaran at lunsaran ng sino mang makakabasa nito para magpatuloy sa kanyang buhay at mas lalo pang magpursigi.

Alexander John Cruz

Ariel Camiling

"Walang imposible kung sinasamahan ang isang bagay ng pagsisikap, pagtitiwala sa sarili, motibasyon at inspirasyon."

“Sa gitna ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng ating kapulisan ngayon, nais kong ipaalam at ibahagi sa lahat ng mga Pilipino na totoong mayroon pa pong mga kawani at opisyal ang ating pamahalaan na gumagawa ng mabuting mga bagay, higit pa sa kanilang sinumpaang tungkulin nang walang anumang hinihinging kapalit.” -- Ginang Joann Angeles Delos Santos

Joshua at Jerome Nelmida

Paula Jamie Salvosa

“Kung naghanda ka naman at pinagpaguran mo ang isang bagay, walang dahilan upang hindi mo ito ipagpatuloy.” -- Jerome

"Walang duda, tila nga nagamit ni Paula ang kanyang karanasan, bagama’t mapait, upang magsilbing inspirasyon sa ibang mga tao."

ng matanda. Bukod sa pagbabayad, sinaluhan pa ng Koreanong lalaki ang matandang babae sa pagkain. Nakilala ang Koreanong lalaki bilang si Jeong Tae Gu, isang mag-aaral sa University of Baguio -- ang ating Ka-Daloy of the Month. Ayon kay Jeong, ang aktong panlilibre at pagsalo sa matandang babae ay dala ng alaala ng kanyang pumanaw na lola. Ang naka-post na larawan ay naging viral at umani ng napakaraming likes at shares sa social media. Marami ring mga netizens ang pumuri sa kagandahang-loob ni Jeong sa matandang babae. Bagama't dayuhan, maituturing na inspirasyon si Jeong sa maraming mga Pinoy. Sana.

Kasabay ng anibersaryo ng Daloy Kayumanggi, pinili ang sampung mga Ka-Daloy of the Month na may pinaka-interesanteng kuwento ng buhay mula sa iba't ibang larangan -- sa negosyo, pag-aaral, sports, at marami pang iba. Basahing muli ang mga kuwentong nagpa-antig at kumurot sa ating mga puso. Naririto ang ating mga sampung Ka-Daloy of the Month.

Cristy Echevarria "Dapat may alam ka sa pinapasukan mong negosyo... Dapat hilig mo ang gusto mong i-negosyo, dahil bubuhusan mo ito ng oras kung talagang gusto mo at mahal mo ang iyong ginagawa." -- Cristy Echevarria

Melaniel Vecina "Isang napakalaking karangalan po na i-represent yung blind community. Alisin na po yung perception na hindi lahat ng disabled [ay] sa bahay lang." -Melaniel

Rodora Rodriguez

Maria Christine

"Hindi sagabal ang kahirapan para makakuha ng diploma."

"Bagama’t mahirap, patuloy na naitataguyod ni Maria Christine ang kanilang pamumuhay, bagay na lubos namang ipinagpapasalamat ng kanyang mga anak."

Ricardo Villanueva

Terresita Valdez

"Sa panahon ngayon, hindi maitatangging mahirap magtiwala sa ibang tao. Pero, kamakailan, isang airport taxi driver ang nagpatunay na mayroon pa ring mga taong mas mahalaga ang dangal kaysa pera."

“As a 13-year-old factory worker, I learned as much as I could. [The factory] became some kind of school." -- Teresita


8

September 2015

STUDENT'S CORNER

Ukay-Ukay sa Shimokitazawa By: Moi Torreda

M

arami sa ating mga kababayan ang nagtatanong sa akin kung saan makakakita ng mga mumura hing da mit pero na sa magandang kondisyon pa rin sa kadahilanang ang mamahal ng mga bagay bagay sa Tokyo. Karamihan sa kanila ay mga estudyanteng “under budget” or mga kababayang gosting pumorma ngunit ayaw gumastos ng sobra. Bilang isang “gaijin”, isang exchange student, isang turista, at kahit na ang isang residente dito sa bansang Hapon, ang paghahanap ng mga abot-kayang

STUDENT OF THE MONTH

Chiaki R. Suzuki

mga damit at “trendy” na mga bagay upang manatiling nasa uso ay talagang isang sakit lalo na kung ikaw ay naninirahan sa magulong lungsod ng Tokyo. Sa aking paglalakbay at paghahanap para sa murang damit, natagpuan ko ang isang lugar na hindi gaano kalayuan sa Shinjuku station. Ang lugar na ito ay kilala para sa kanyang reputasyon ng pagiging isang “mecha” para sa mga mag-aaral na nais na ipaalam ang kanilang mga “Fashion statement” sa mura at mababang halaga. Ang lugar na ito ay ang ShimoKitazawa. Mukhang ang lugar na ito ay tulad ng iyong mga karaniwang lugar para sa pagbili ng pang araw-araw na pangangailangan ngunit ito ay isang kanlungan para sa bawas at segunda manong mga bagay nasa malinis na kondisyon pa rin.

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan"

aso. Sila ay nagbebenta ng mga mamahaling bagay na bawas presyo dahil ito ay nagamit na ngunit nasa mabuting kalagayan pa din.

Ang aking “Tipid” payo para sa lahat ay kung ikaw ay pupunta sa katapusan ng buwan ay karaniwang binibigyan nila ng discount ang kanilang mga item at kung pumunta ka sa panahon ng paglipat ng panahon ang nakaraang panahon ng damit ay sa kalahating presyo.

Mayroong maraming mga tindahan upang pumili mula sa, ¥ 500 na tindahan o mga plain recycling na tindahan para sa mga damit. Sa ngayon aking ibabahagi ang paboritong “Tipid” store ng mga estudyante, fashion addicts, at para sa mga taong nais lamang upang bumili ng damit dahil lang sa ito ay mura maaaring talagang makinabang mula sa mga ito. Ang pangalan ng tindahan ay “Treasure factory”. Ang store na ito ay ang aking unang recycling shop dito sa bansang Hapon. Maraming murang damit mula coats at jackets, summer wear and skirts (Ang Stocks ay nag-iiba depende sa kasalukuyang panahon). Aking mga paboritong mga bagay-bagay na binibili dito ang coats at dresses dahil minsan makakakuha ka ng branded na damit tulad ng Zara, Forever21, at H & M na may orihinal nitong presyo at tag pero sa halagang 300 sa 500 yen bawat pir-

ng airport hanggang sa vending machine na makikita saan ka man magpunta. Sa Tokyo pa lang, marami nang pwedeng magawa at mapuntahan. Shinjuku at Shibuya para sa shopping, Ueno para sa zoo at museo, at Akihabara naman para sa mga may interes sa anime at gadgets. Bagama't kadalasan masikip at nakaka-stress tignan, malaking tulong din ang mga tren para madaling makapunta kung saan saan ng hindi nahuhuli sa oras.

Napuna ko sa mga Hapon na tila lahat sila ay abala, may panahon para sa trabaho at naka-schedule kung kelan dapat magsaya. Kapuna-puna rin ang kalidad ng customer service pati ang paggamit ng “arigatou” at “sumimasen” sa halos lahat ng okasyon. Pagdating sa kultura, nakatutuwang isipin na isinasabuhay pa rin ito at ibinabahagi pati sa mga dayuhan. Halimbawa na lang ang pagsusuot ng “yukata” sa tag-init, tea ceremony, bon odori dance at iba pa. 3.) AFSJ experience

How does AFSJ contribute to your life in Japan? 1.) Basic introduction about yourself Major: International Studies major in International Development Research Involvement: Wala pa sa kasalukuyan

Hobbies and Interests: Lumibot sa Japan at kumain ng iba’t ibang uri ng pagkain

2.) Impression about Japan (people, culture, tradition, customs) Hindi na iba sa akin ang Japan dahil simula pagkabata, naririnig ko ang aking ama at ina na nag-uusap sa salitang Hapon at inuuwian kami ng aming ama ng mga pasalubong tulad ng pagkaing Hapon, gamit pang-eskwela, damit at iba pang bagay mula sa Japan. Ngunit nung unang pagkarating ko noong 2011, mas namangha pa ako lalo sa lahat ng bagay na aking nakita, magmula sa lawak

Maraming aktibidad na rin ng AFSJ ang aking nadaluhan. Dahil dito, madami akong nakikilala na mga dalubhasa sa kani-kanilang aralin at sila ay isa sa aking mga nagiging inspirasyon sa pag-aaral. Ang mga tuntunin sa komite, kooperasyon sa mga aktibidad at pagsalo-salo, at paglahok ko sa ASEAN festival, ay halimbawa ng mga bagay na nagdagdag pa lalo ng kasiyahan sa aking pag-aaral dito sa Japan. 4.) Vision for the Philippines, dreams, goals, targets

Sa nalalapit na eleksyon, nais ko na magkaron ng kaalaman ang sambayanang Pilipino kung sino ang karapatdapat ihalal na pangulo at ibang opisyal sa gobyerno. Nangangarap ako na matigil na ang korupsyon at magkaron ng patas na oportunidad na umangat sa buhay ang bawat tao sa pamamagitan ng libreng edukasyon para sa lahat. Kalidad na edukasyon ang siyang magiging susi sa

pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas para sa mahabang panahon. 5.) Message for kouhai

Alamin at unawain ang pagkakaiba ng kultura ng Pilipinas sa Japan. Ayon sa nabasa ko, minsan kung ano ang pinakamagandang katangian ng bansa ang siya ding hindi gaanong kagandahang katangihan nito kung titignan mo sa ibang aspeto. Kung minsan ay makakaramdam ka ng lungkot o homesickness, huwag kalimutan na may AFSJ na handang sumuporta sa iyo. At panghuli, enjoy! Bilang lamang ang mga taon o buwan ng pananatili dito sa Japan kaya dapat lang na sulitin ito, hindi ba? Maging interesado sa Japan at lumahok sa iba’t ibang aktibidad at okasyon, makihalubilo sa Japanese, lumibot sa Japan, subukang kumain ng sushi at higit sa lahat, mag-aral ng Japanese. Gumawa ng mga memorya sa Japan na nanaisin mong balikan pagka-uwi sa Pilipinas!


9

September 2015

Daloy Kayumanggi

Sining at Kultura

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

ÒKING'KONG'AND'THE'PURSUIT'OF'DESIREÓ Roberto Chabet and the Development of Contemporary Art in the Philippines (A Review of MAM Research 002: Who Was Roberto Chabet?) ni Jong Pairez

A photo of Roberto Chabet taken by Artist Soler at U.P. College of Fine Arts

A

beastly ape rampaged through the city of New York, scaled the towering Empire State building and took down a military plane with its bare hands all for the sake of snatching back the woman he desires. Yet the colossal animal that craves nothing else but the foreign woman he met in his native land eventually died from his aspirations. This do-­or-­die desire, depicted in the 1930’s Hollywood classic movie King Kong, best illustrates the beast among us. No wonder Philippine conceptual artist Roberto Chabet (1937-­2013) make a reference on this film in his art practice as shown in his collage works “Kong Ziggurats.” Furthermore, this super human desire that embodies King Kong is the same energy that push Chabet to lay the groundwork of Filipino contemporary art. For the benefit of many who probably know little of Philippine contemporary art, Mori Art Museum (MAM) Research has taken the opportunity to share the work of the late Roberto Chabet with us, guiding the viewer through the historical development of Philippine contemporary art since the 60’s, based on the format of an easily navigable timeline. This is a mapping, which places its signposts along the life of Roberto Chabet who in his later years struggled to expand modernist art practice towards the delivery of Conceptual Art, which according to Filipino art historian Ringo Bunoan, is a form of consciousness rather than style. Although an architect by training, Roberto Chabet’s noteworthy achievements are firmly within

the field of the Visual Arts. After graduating from his studies, he received a John D. Rockefeller Grant and travelled across Europe and North America to observe and study the then prevailing contemporary art practices, coinciding with the height of student uprisings. Upon his return to the country, Chabet had the opportunity to implement his new learning as he was appointed as founding Museum Director of the newlyconstructed Cultural Center of the Philippines, a then controversial project of First Lady Imelda Marcos, who promoted the center as the “Asian Mecca of the Arts”. Despite the critiques of the extravagance of the building and its budget, Chabet excelled in his position and helped spread the development of local contemporary art by initiating a program entitled “Thirteen Artists Awards”, giving support to young artists who challenge the prevalent traditional art practice. This ambition to reconfigure the then mainstream Philippine art scene persisted as he was invited to teach at the University of the Philippines College of Fine Arts under the auspices of late Abstract Expressionist, Jose Joya. Here, over three decades, he was able to directly influence whole generations of Philippineartists in their formative years, fostering their energy and willingness to take new directions as a devoted teacher dedicated to experimentation and the pushing of ideas over form. It was not an easy task to lay the groundwork of local contemporary art practice in a market dominated by traditional art making, remarks Bunoan. However, unlike King Kong, who perished before his

desire, Roberto Chabet was able to achieve otherwise, placing his mark firmly upon the very conception of art in the Philippines before he passed away in 2013. Today Roberto Chabet is remembered by successful local contemporary artists at the helm of the art scene, namely Louie Cordero, Maria Taniguchi, Gary­‐Ross Pastrana, among many others, who mostly sprung from a generation of students he mentored. His role in Philippine contemporary art is indisputable, to such an extent that some of his students have strived to immortalize him by archiving his works and his other related materials as part of the Chabet Archive, at the Asia Art Archive, Hong Kong, preserving his legacy and a vital resource for art historians. However, the MAM Research timeline presentation, at a glance, may appear to represent a narrow perspective upon contemporary art development in the Philippines based merely upon the life of one individual, albeit one who made a major contribution upon the field. Nevertheless, by looking closely at the timeline map from a critical distance there’s a possibility for the viewer to see other subjectivities that have contributed in the field. This may require a different way of looking as suggested by art historian Hal Foster in his concept of Parallax View. This critical way of looking may lead us to a much wide and deeper understanding of contemporary art in the Philippines and its development.

"Ziggurat Painting No. 6" Roberto Chabet “MAM Research 002: Who Was Roberto Chabet?” is viewed from July 25 until 12 October 2015 at the Mori Art Museum, Roppongi. Jong Pairez


10

September 2015

Daloy Kayumanggi

Personal Tips

"Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Ilang mura at magandang pasyalan sa Maynila na pwede mong puntahan

N

a-miss mo ba ang Maynila? Sakaling magbabakasyon ka, naririto ang ilang mga mura at magandang pasyalan at gawain sa Metro Manila: Manila Bay Perfect place ang lugar na ito para sa iyong selfie. Perfect destination din ito ng mga nagmamahalan, dahilan sa taglay na ganda ng sunrise o sunset nito. Quiapo Ito ang destinasyon ng mga taong gustong makabili ng kung anu-anong mga bagay, bilang pasalubong na rin, sapagkat dito makikita ang sari-saring mga murang

paninda. Isa rin ito sa mga lugar na nami-miss ng maraming mga Pilipino sa buong mundo. Maging Live Audience Popular ang mga noon time shows sa mga Pinoy abroad, sapagkat isa ang mga ito sa mga nagbibigay sa kanila ng saya. Kung kaya, 'wag kaligtaang maging bahagi ng audience ng iyong mga paboritong shows sa ABS-CBN o GMA. Tingnan kung paano kinukunan ang bawat eksena sa nasabing mga shows. Rizal Park Walang entrance fee ang pamamasyal sa Rizal Park, kaya naman perfect ito sa buong pamilya. Siguradong

makakalimutan mo nang panandalian ang iyong stress kapag namasyal ka sa Rizal Park.

Beach ba ang hanap mo? Tara na't bisitahin ang ilan sa Bisitahin ang ilan sa mga magagandang island beaches sa Pilipinas pinakamagagandang Kilala ang Caramoan group of Islands dahil dito nagipikal nang pasyalan ang Boracay para sa tourist spots sa 'Pinas shoot ang ilang franchises ng Survivor, kaya naman mga gustong mag-beach. Subalit sa lawak at

T

dami ng mga isla sa Pilipinas, Boracay nga lang ba ang maaari mong bisitahin kapag umuwi ka ng Pilipinas? Kung isa ka sa mga OFW na nais mag-relax habang nasa Pilipinas, maituturing na isa ang Boracay Beach sa Aklan sa isa sa mga pinakamagagandang beaches sa bansa na maaari mong bisitahin. Pero kung ang hanap mo ay pure white at cream sand beaches, matatagpuan mo ito sa White Island sa Camiguin. Maliit lamang ang White Island, kaya naman kung privacy ang hanap mo, tiyak na magugustuhan mo ang white sand island na ito. Kung medyo sikat na beach naman ang hanap mo, pwede ka namang magplano para pumunta sa Caramoan sa Camarines Sur.

talagang isolated at magandang pasyalan ang isla lalo na para sa mga naghahanap ng island hopping experience. Gaya din ng Boracay at White Island, cream sand din ang buhangin sa Caramoan.

as lalong naging popular ang Palawan maging sa mga turista at mga OFWs na nagbabalak na magbakasyon sa bansa dahil na rin sa pagsikat nito matapos na mag-shoot ang The Amazing Race Season 3 sa El Nido. Bakit naman hindi? Talaga namang makapigil-hininga ang mga tanawin sa Palawan, at bukod pa rito, isa rin ang isla sa nagtatampok ng mga naglalakihang rock formations na likha ng kalikasan. Popular ang Coron dahil na rin sa iba’t ibang diving sites nito. Sa katunayan, tinaguriang “Wreck Diving Capital” ito ng bansa. Dito rin matatagpuan ang seven mountain lakes na kilala dahil sa mga limestone cliff formation nito na mula pa noong Jurassic era. Kung nais mo namang mag-aral ng kasaysayan at isabay na rin ang pagbisita sa ilang makapigil-hiningang tanawin, hindi ka manghihinayang na bisitahin ang El Nido sa Palawan. Kagaya ng Coron, may mga limestone rock formations ang lugar na milyong

taon na kabilang na rin ang ilan sa mga historical archeological excavation sites. Ang Puerto Princesa ay masasabing pinakasikat sa Palawan dahil na rin dito matatagpuan ang Subterranean Underground River na naging kabilang sa New Eight Wonders of the World. Dito rin matatagpuan ang sikat na Tubbataha Reef, Sabang Beach, Honda Bay, at iba pang sikat na tourist destination.

ung isa ka sa mga libu-libong OFWs na naghahanap ng panahon para mag-unwind at magbakasyon sa Pilipinas kasama ang iyong pamilya, narito ang ilang lugar na maaari mong bisitahin habang nasa bansa. Batanes. Kung ang hanap mo ay mala-postcard quality na mga tanawin, maaari mong bisitahin ang Marlboro Hills sa isla ng Batanes. Maliit lamang ang islang ito subalit, talaga namang babalik-balikan mo dahil sa payapa at naggagandahan nitong tanawin. Boracay. Sino ba ang hindi pa nakakarinig sa ganda ng Boracay? Sa buong mundo, isa ang Boracay Beach sa mga pinakamagagandang beaches na maaari mong puntahan at siguro, maiintindihan mo kung bakit pabalik-balik dito ang mga turista. Cebu City. Tinaguriang “Queen City of the South,” tampok ang Cebu bilang isa sa mga hottest tourist spots sa Pilipinas dahil na rin sa yaman ng kultura at kasaysayan nito.

Sagada. Kung bundok lang din ang pag-uusapan, isa ang Sagada sa Mountain Province sa maaari mong puntahan bukod sa Baguio para magbakasyon. Siargao Island. Kung isa ka sa mga mahilig mag-dive o nais mong matuto, ang isla ng Siargao ay tamang-tama lamang na iyong bisitahin. Tinaguriang Surfing Capital in the Philippines ang Siargao hindi lamang dahil sa mga katamtamang alon nito kundi dahil na rin sa ganda ng mga beaches na nakapalibot sa isla.

M

Palawan: Isa sa mga pinaka-patok na bakasyunan sa bansa

K

Ilan pa sa mga magagandang lugar-pasyalan sa Pilipinas

B

ilang tropical island, kilala ang Pilipinas dahil na rin sa ganda ng mga beaches nito. Tampok din sa bansa ang ilan sa mga tourist destinations na naging kabilang din sa UNESCO World Heritage Sites gaya ng Vigan, Banaue Terraces, Bulkang Mayon, at iba pa. Kung ang hanap mo ay bakasyon mula sa ilang taong pagtatrabaho mo sa ibang bansa, ito na ang pinakamagandang pagkakataon para mabisita mo ang ilan sa pinakamagagandang tourist spots sa Pilipinas. Umpisahan natin sa Tubbataha Reef. Kung ang hilig mo ay diving at nais mong makakita ng mga exotic na klase ng mga isda, gayundin ng mga corals, ang Tubbataha Reef ay isang magandang destinasyon. Kung ang nais mo naman ay kaunting thrill, subukan mong bisitahin ang Malapascua Island kung saan maaari mong makasabay sa pagda-dive ang mga thresher sharks, hammerheads, at manta rays. Pero siyempre, 'wag mo ring kalimutang bisitahin ang magagandang white sand beaches ng lugar. Kung mas gusto mo naman ng privacy, ang Donsol na matatagpuan sa Sorsogon ay puno ng magagandang beaches, waterfalls, at mga kwebang naghihintay lamang ng bibisita rito. Hindi lamang iyon, maaari ka pang makatagpo ng mga whale sharks sa karagatan ng Donsol lalo na sa mga buwan ng Nobyembre hanggang Hunyo.


11

September 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Personal Tips

Emosians

M

a s a l i m o t a t komplikado ang pagaaral ng astrolohiya b a ga m a’ t m ay m ga p a n i n iwa l a t ayo n g mga Pilipino rito ngunit halos sa mga sa atin ay hindi lubos nakakaunawa dito mas ninanais ng karamihan sa atin ang magbasa sa tabloid ng oroskopyo o di kaya magpahula keysa pagtuunan ng pansin ang astrolohiya. Ngunit sa ibang bansa lalo na ang amerika ay nangunguna sa pagaaral nito at ang mga lehitimong astrologo ay naglalaan ng oras para pag-aralin ang mga bituin, konstelasyon at mga planeta dahil para sa kanila ito ay may kinauugnayan sa siyensa at pangkahalatang hinaharap.

Marami sa mga astrologo ang ikinatuwa ang pagpasok ng planetang hupiter sa konstelasyon virgo dahil isang beses kada dalawang dekada lamang ito nangyayari at bawat panahong ito nagkakaroon n g m a ga n d a n g p a gb a b a g o s a ka b u a n g sangkatauhan ngunit iilan lamang rito ang gising ang diwa upang tingkabin ang swerte. Simula ngayon ika-12 ng Agosto 2015 hanggang ika-9 ng Setyembre ng 2016 ang pagsasanib na ito. Ang planetang Hupiter ay planeta ng Swerte pagka’t ang pagkatao nito ay mismong si Zeus ang Diyos ng mga diyos sa alamat ng romanya at griyego hinantulad ang planeta na ito sa kanyang personalidad na may abstratikong pag-aanalisa ng kaalaman na maghahatong sa sino man ng sa tagumpay, kasikatan, kaligayahan at kayamanan.

Ang zodiac na Virgo naman ay may katangian ng pagiging perfectionismo, intelihente, kalkulado ang sitwasyon at gagawin kaya pagsasama nila ay magreresulta ng walang kasingtulad na obsesión sa layunin ng bawat nilalang. Kung ang mga nakaraang taon ay ang bawat nilalang ay naghahangad lamang ng sapat o surviving mode ngayong tao ay lahat magiging determinado maging matagumpay, yumaman at maging masaya.

At dahil bako bako ang dadaan ng Planetang Hupiter sa kinasasakupan ng Virgo makakaranas ang ilan ng dagok, ang ilang sa mga nilalang ay uurong at susuko pero ang

instagram: emosians facebook: emostians frambroise like my page: emosians iilan naman na kumakapit ay siguradong triple triple ang biyayang matatanggap. Ito ang ilang hapyaw na pagbasa sa mga zodiac:

Aries: Happy-go-luck at parang bata sa kalikutan ka kaya makakaranas ka muna mahigpit na pagpepenitensiya ibigay saiyo ang walang kasingtulad na swerte kaya kinakailangang yakapin ang pagpapahirap saiyo. Maging openminded ka lamang at kusang mapapabuti ang sitwasyon para sayo. Taurus: Karamihan sa mga Taurus ay naghahangad ng masayang lovelife at di gaanon kalaahan ang yaman kaya ngayong taon hayaan ang sarili maging masaya huwag kontrolon ang emosyo dahil maghahatid saiyo ng kaligayahan ang bagong pag-ibig.

Gemini: Magbibigay saiyo ng pundasyon ang iyong pamilya kaya ang planetang Hupiter ay ituturo saiyo ang kahalagahan ng pamilya kung saan ito rin ang magiging dahilan ng magagang opportunidad na magbibiyaya saiyo ng bagong tahanan.

Cancer: Ang Cancer ang klase ng tao na mapagbigay sa mga taong minamahal at minsan nakakaligtaan ang sarili at may determinasyon kahit ganun na lamang kahirap ang pinagdadaanan ito ang panahon na ikaw naman ang pagkakalooban ng biyaya. Leo: Magiging kakampi mo ang kaganapan na ito dahil ipagkakaloob saiyo ang kamay ni Haring Midas lahat ng mahahawak mo ay magiging ginto o salapi bukod dito mapagkakaloob ka ng mga tao sa paligid na tutulong upang matagumpay ka.

Virgo: Marami kang naging pagkakamali sa nakaraan ito ang panahon na kinakailangan mong tanawin ang bukas dahil magsisimula ang mga magagandang kaganapan para ito kinakailangan lamang patawin mo ang iyong sarili at mga taong nakapanakit sayo.

Libra: Sa lahat ng zodiac ang libra ay mas ninanais nasa limelight kaya ang karamihan sa kanila ay binabalewala ang kanilang talent, bilib sa sarili o anumang oppurtunidad dahil mas nininais nilang maging normal ngunit sasalungat ito ilalagay sa “spot light” kung saan palalabasin ang iyong galing.

Scorpio: Ang zodiac na aloof sa lahat dahil may klase itong ugali na di nagpapalabas ng tunay na emosyon ngunit ilalapit ka sa mga taong magpapakita saiyo ng iyong tunay na pagkatao at pagnangyari ito magkakaroon ng mga positibong pagbabago sa buhay mo. Sagittarius: Ayun nga sa kanta ni Daniel Padilla “Nasa iyo na ang lahat” ay maisasakatuparan na ang lahat ng iyong mga pangarap dahil na rin ang nakalagang planeta sa Sagittarius ay Hupiter asahan mo na magkakaroon ka ng engradeng t a g u m p ay. K i n a k a i l a n g a n d i n m a g i n g mapagkumbaba ka habang sa panahon na ito ibibigay saiyo ang lahat ni bathala. Capricorn: Nitong mga nakaraan nakaramdam ka ng panghihina ng kalooban dahil na rin taliwas sa iyong espektasyon ang mga naganap ngunit magiging bahagi lamang ito ng pansamantalang pagkadapa dahil magiging simula ito ng iyong swerte. Aquarius: Kadalasan sa mga Aquarius ay walang pangarap yumaman dahil mas mahalaga sa kanila ang simple at matiwasay na buhay. Ang totoong kaligayahan mo ay ipagkakaloob saiyo di man ito material ay tiyak na magiging masaya ka bukod dito di ka makakaranas ng paghihirap sa mga panahon na ito. Pisces: Ang mailap na Pisces ay magkakaroon nang partner sa buhay o negosyo na gagabay saiyo sa tagumpay. Malaki ang posibilidad na magkaroon ng magandang pagbabago saiyong career ang halimbawa dito ay mapromote ka, tumaas ang iyong sahod o maging malakas ang iyong negosyo.


12

Ads

For inquiries call:

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

OLIVIA C. AKATSU

Member Services Assistant - Japan International Operation Group 3rd Flr. SK Ueno Bldg., 3-18-7 Higashi Ueno Taito-Ku Tokyo 110-0015 Japan

Contact No: (0081) 080-1035-2808 / Mobile No: (0081) 8048361435 E-mail: popjapan@pagibigfund.gov.ph Website: http://www.pagibigfund.gov.ph


Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

13


14

August 2015

Global Filipino

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino


15

September 2015

Daloy Kayumanggi

Travel

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Slice of Mango, Slice of Life Aries Lucea Email: arieslucea@daloykayumnaggi.com www.daloykayumanggi.com

HANDA KA NA BANG BUMILI NG CONDO?

CONDOMINIUM Investment

B

oom ang property sa Pilipinas ngayon. Ang daming nagtataasang na condo na nagsusulputan parang kabute. Maunlad na nga ang Pilipinas. At dahil maraming available na property, syempre marami rin ang ahente na nag-aalok nito. Lalo na sa mga OFW. Kasi alam nila na sila yong may mas kakayahan para makakuha at makapagbayad nito. Para mas maging attractive, syempre maraming payment scheme na pwede kang pagpilian. At ang maganda pa, maliit lang ang downpayment. Tamang tama, sabi naman din kase ng agent, good investment daw ito. Madali daw parentahan pag natapos na. Tsaka tumataas naman daw ang value nito. Ik a w naman, dahil na k it a m o n g posibleng pagkakitaan mo ito in the future, syempre napaisip ka. Nevermind kung paano nila na-compute yon, basta ang nasa isip mo kikita ka at good investment yon. Hindi lang naman ikaw ang kukuha, kasi pati yong kaibigan mo kumuha rin naman. Syempre hindi ka naman familiar kung nasaan yong lugar, pero since kumuha din naman yong kaibigan mo kaya ok lang. May natitira pa naman sa sweldo mo, kaya may pangbayad ka pa buwan buwan. Single ka pa rin naman kaya sabi mo sa sarili mo OK lang. Kakarenew mo lang din ng another 2 years contract sa trabaho mo kaya siguradong may panghulog ka na. Anyway, 10 years to pay lang naman. SCENE 1. Fast forward after 2 years. Medyo humina yong kumpanya nyo, kaya sinabihan ka ng boss mo na hindi na marerenew yung contract mo. Wala ka ng ibang choice kundi umuwi ng Pilipinas. Paano na ngayon yong hinuhulugan mong bahay? Wala ka ng pambayad sa loan mo. Ah di bale, ibebenta mo na lang ng mas mahal para tumubo ka pa. Kaya lang, ang dali lang pala sabihin na magbebenta. Napakahirap pala gawin sa tunay na buhay. Since wala kang trabaho, wala ka ng income. Wala ka na ring maipangbayad sa amortization. Ayun, ang 2 taong pinaghirapan mong bayaran, nailit lang ng bangko. SCENE 2. Fast forward after 2 years. Nakita mo ang taong gusto mong makasama habang-buhay. Syempre, nagpakasal kayo at nagkaroon ng anak after a year. Lumalaki ang gastos mo, pero fixed naman ang income mo. Kung may konti mang dagdag, kinukulang pa rin. Malaking parte kase ng income mo, napupunta sa pagbabayad ng bahay na kinuha mo. Good investment sabi mo sa sarili mo, kaya lang kung papipiliin ka: pagkain ng anak mo o pangbayad sa loan mo sa bangko? Syempre, mas pipiliin mo ang anak mo. In the end, iisipin mong ibenta na lang din ang unit na nabili mo. At dahil wala kang mahanap na buyer, masakit man sa kalooban mo, pinailit mo na lang din sa bangko.

Posibleng mangyari ang mga ito sa atin kung hindi natin aayusing maigi ang ating kaperahan. Wala namang masama kung bumili tayo ng bahay, condo or mag-invest sa real estate. Ang tanong lang dyan, kaya ba natin? Handa ba tayo sa mga gastos na darating? Sa Case 1, marahil kumuha tayo kahit wala tayong stable na trabaho. Yong iba siguro in the initial years ng pagiging OFW, maraming pera. Syempre, gusto naman din natin may masabi tayo sa pag-a-abroad natin. May maipapakita ka ng naipundar agad sa pagtatrabaho mo sa ibang bansa. Kaya lamang, kung hindi natin alam kung paano ayusin ang ating kaperahan, pwedeng mauwi sa wala lahat ng ating pinaghirapan. Sa Case 2 naman, kumuha ng unit ng siya ay single pa lamang. Syempre, konti pa lang ang gastusin. Kaya ng dumating ang pamilya niya, doon na nasira ang kaperahan niya. Hindi niya kase naisip na lalaki ang gastos niya sukdulang hindi na sya makabayad sa monthly amortization nya. Posible ring mauwi sa wala ang kanyang pinaghirapan. Kailangan pag-aralan munang maigi bago pumasok sa ganitong investment. Malaking pera kasi ang involved dito, kaya kung magkamali ka ng decision, maaaring ikasira ng iyong kaperahan. Sundin ang tamang steps ng pag-i-invest. 1. Get out of debt. Bayaran lahat ng kautangan. 2. Have emergency fund. Take note, pag kumuha kayo ng property, tataas din ang inyong emergency fund. Syempre, idadagdag niya ang monthly amortization niya. 3. Get insurance. 4. Invest. Real estate man, business or paper assets. Mag invest lamang ng perang sobra. Ang investment ay risky, kaya dapat handa ka sa ano mang outcome sakaling malugi man ito. Kung susundin lang natin ito nang maayos, hindi masisira ang ating kaperahan. reprinted from Richard Macalintal (trulyrichclub)


16

September 2015

Global Pinoy

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

LINKING PEOPLE AND ENTERPRISE "Bridge" is the word that best advocates the cause of KSTECH. Through its human resources business, KSTECH wants to contribute both to the people and the society. KSTECH's main goal is Takashi Saito t o p u r s u e t h e KSTech President CEO satisfaction of its customers. In doing so, it can work with confidence and bring s m i l e a n d p e a c e to everyone.

LET US CONTINUE GROWING TOGETHER WITH KSTECH


17

September 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Trabaho


18

September 2015

Announcements

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"


19

September 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

AYAW BUMULA Juan: Lintik na shampoo 'to, ayaw bumula! Inday: Paano po bubula 'yan, 'di naman basa ang buhok niyo? Juan: T*ng$! For dry hair 'to. B*b& ka ba? ANONG ISDA ANG... Tanong: Anong isda ang dalawang ulit ang pangalan? Sagot: Ano pa eh 'di hasa-hasa, lapu-lapu, sapsap. Tanong: Eh, isdang tatlong ulit ang pangalan? Sagot: Ano pa, eh 'di 555! ALAM KO KUNG SAAN ILULUGAR ANG SARILI KO Ako, alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Alam kong 'di ako kaguwapuhan. 'Di ako mayaman. Alam kong 'di ako cute. Pe ro i s a l a n g t a l a ga a n g l a b a n ko : "Delicious" ako! Period! WALANG TAO SA BAHAY NGAYON Si GF, tumawag kay BF at may halong l a m b i n g n a s i n a b i n g : " P we d e ka n g pumunta sa bahay ngayon kasi alang tao?" (Nagmamadaling pumunta si BF sa bahay ni GF. Pagdating niya roon... wala ngang tao.) HINALIKAN KO SEATMATE KO Son: Dad, pinagalitan po ako ng titser ko. Dad: Bakit? Son: Hinalikan ko po seatmate ko! Dad: Itong anak ko, manang-mana sa akin. Masarap ba?

LEO Hul. 23 - Ago. 22 Iwasan ang masasakit na mga salita, baka makasakit nang husto sa mga taong nasa paligid sa'yo. Pangalagaan din ang kalusugan. Orange ang okay na mga kulay sa’yo; 15 at 31 naman ang sa numero. VIRGO Ago. 22 - Set. 23 Mahalaga ang ko m u n i ka syo n p a ra lumago ang pagmamahalan niyo ng iyong minamahal. Swak sa’yo ang kulay Blue. Numerong 12, 15, at 23 naman ang okay sa iyo.

LIBRA Set. 24 - Okt. 23 H i n ay- h i n ay l a n g s a iyong mga problema. Mas magandang pagtuunan nang pansin ang mga bagay na mas produktibo kaysa sa masyadong pag-iisip. Masusuwerteng numero: 1, 6 at 8. Masuwerteng kulay: Violet.

Son: Opo, pogi nga po, eh! WHY PEDRO? Teacher: Pedro, why do women wear bra and panty? Pedro: Ma'am, women wear bra to save the mountains and wear panty to protect the forest! USAPAN NG MGA RATS Rat 1: Ako tapang! Kain ako racumin. Rat 2: Mas matapang ako, kain ako cheese with a mouse trap. Rat 3: Ako tapang sa lahat! Rat 1 & 2: Bakit?! Rat 3: Ako, rape pusa! TINUTUKSO AKO Anak: 'Nay, tinutukso ako sa iskul. Ang laki-laki raw ng bunganga ko. Nanay: Huwag mo na lang silang pansinin. Kunin mo na lang yung pala at kumain ka na! KADIRI May dalawang langaw na nag-uusap sa tumpok ng tae. Langaw 1: 'Tol, nauutot ako! Langaw 2: Ano ba naman, 'tol! Walang ganyanan! Kumamakain tayo! Kadirs! FILL IN THE BLANK Who said fill in the blank is very easy? Sige nga, ikaw nga, try natin! Fill this blank with yes or no: _____, I am not a normal person. MAGHIHINTAY AKO Husband: Parati na lang tayong nag-

SCORPIO Okt. 24 - Nob. 22 Maraming grasya ang darating sa’yo. Pero 'wag padalus-dalos sa pagbili ng mga bagay-bagay. Lapitin ka rin kasi ngayon sa mga manloloko. Power numbers at color: 29, 17, at 4; Orange. SAGITTARUIS Nob. 23 - Dis. 21 Magaan ang pasok ng p e ra s a' yo n g ayo n g buwan. Piliing maging masaya kaysa ma-stress sa mga problema sa buhay. Maroon ang swerteng kulay; 11 at 17 naman ang mga suwerteng numero mo. CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20 Malapit sa'yo ngayon ang tukso. Iwasan ito, baka ka pa mauwi sa kapahamakan. Green ang masuwerte sa’yo. Ikonsidera rin naman ang mga numerong 25, 5 at 3.

aaway! Maghiwalay na tayo! Wife: Sige, maghati tayo ng mga anak. Husband: Akin ang mga guwapo at magaganda. Wife: Sus! Pinili pa ang mga hindi kanya! WALANG MAY PERA SA LANGIT Pari: Ang kayamanan at pera ay maiiwan natin kapag tayo ay namatay. Walang may pera sa langit! Bata: 'Nay, narinig mo 'yun? Nasa langit na pala tayo? AKIN LANG... Wife: Maghiwalay na tayo! Husband: OK, akin ang bahay! Wife: Akin ang farm! Husband: Akin ang kotse! Wife: Ah, pero akin ang driver! Husband: Puwes, magkamatayan tayo... Akin siya! LAWSUIT Tanga 1: Ang tanga talaga ng kapitbahay ko. Tanga 2: Bakit, pare? Tanga 1: Ang pagkakakintindi niya sa lawsuit ay uniporme ng pulis! Tanga 2: Ang tanga naman niya. 'Di ba uniporme ng abogado yun? MUSTA ANG MISTER KO? Sa isang ospital... Misis: Dok, musta ho ang mister ko? Dok: He'll be alright! M i s i s : H o ? Pa g k a t a p o s n g g ra b e n g aksidente niya?

AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19 Mag-umpisa nang magipon dahil nagbabadya ang isang problemang pinansiyal sa mga susunod na buwan. Sa tamang paghahanda, madali mong malulutasan ang mga problemang d u m a r a t i n g s a iyo n g b u h ay. Numbers of the month: 7, 16, at 6. Colors of the month: Red at Pink. PISCES Peb. 20 - Mar. 20

Maganda ang posisyon ng buwan para sa pagtatravel. Ang buong taon na ito ay may magandang posisyon para sa Pisces na nais magliwaliw sa iba’t i b a n g l u g a r. S i g u r a d u h i n g nakapaghanda ka para sa mga napipintong paglalakbay. Isang Gemini ang iyong makikilala. Lucky numbers at colors: Gray at White; 15, 5, at 10. ARIES Mar. 21 - Abr. 20

Ngayon ang tamang panahon para planuhin ang iyong kinabukasan. Masuwerte ka sa pagsisimula ng negosyo ngayon. Lucky color: Navy Blue. Masusuwerteng numero: 3, 14 at 24.

Dok: Oo naman! Pinutol na namin ang kanyang left arm at left foot. So, alright na siya! NINENERBIYOS AKO Pasyente: Dok, ninenerbiyos po ako. First time ko pong ma-operahan. Dok: Alam ko ang nararamdaman mo, kasi ikaw din ang una kong pasyente. NAGYAYA SI OFFICEMATE Misis: Ba't gabi ka na? Mister: Sensya na. Nagyaya ang officemate ko ng inuman. Misis: Lasing ka, no? Mister: Hindi! Misis: Eh, paano ka magkaka-office mate, wala ka namang trabaho? MILYONARYO Titser: (Kausap ang klase) Imagine-in ninyo na kayo'y mga milyonaryo, anu-ano ang mga bagay na gagawin niyo? Isulat sa papel. Lahat: Sige po, ma'am! Titser: Oh, Juan, bakit ‘di ka pa gumagalaw at nagsusulat diyan? Juan: Hinihintay ko po secretary ko, ma'am! SPANISH Juan: Pedro, tanungin mo ko ng English, sasagutin kita ng Spanish! Pedro: Talaga? Okay, sige... What is more important, heart or mind? Juan: Spanish!

mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp

www.tumawa.com

TAURUS Abr. 21 - May. 21 May mga taong lalapit sa'yo pero 'wag agadagad ibigay ang iyong tiwala sa kanila. Tandaan: nasa huli ang pagsisisi. Power numbers: 27, 15, 1. Lucky colors: red at brown. GEMINI May. 22 - Hun. 21

I w a s a n a n g pakikipagbangayan sa iyong mga kasama sa trabaho. Maiging ilabas na lang sa kabilang tainga ang iyong mga naririnig na maaaring makasakit sa'yo. Lilipas din iyan. Lucky numbers: 7, 22 at 20. Lucky colors: Red at Yellow.

CANCER Hun. 22 - Hul. 22 Isipin nang maraming beses ang iyong desisyon k u n g g u s t o n g m a g t a g u m p ay. Walang maidudulot na maganda kapag itinuloy ang balakin nang hindi muna nag-iisip sa magiging re s u l t a n i to . L u c k y c o l o r s a t numbers: Brown at Yellow-Green; 14, 18, at 17.


20

September 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

NBA MVP, Stephen Curry, dadalaw sa Pinas

D

adalawin ng Most Valuable Player ng NBA na si Stephen Curry, 27, ang kanyang mga fans sa Pilipinas sa darating na Setyembre 8. Ang nasabing pagdalaw ni Curry ay bahagi umano ng "The Under Armour Roadshow Featuring Stephen Curry." Sa isang opisyal na pahayag ng kampo ni Curry, hangad umano ng MVP na ibahagi ang kanyang kaalaman sa basketball at upang magbigay ng inspirasyon sa kanyang mga kabataang fans. Batid umano niyang sikat na sports sa Pilipinas ang basketball. "Together with Under Armour, I'm looking forward to sharing my energy and commit-

ment to basketball with the fans and basketball players in Asia who will have their mark on the game," ika ni Curry. "This will be unforgettable experience and we have special things planned for some of the best basketball fans in the world." Setyembre 4, nakatakdang dadalaw si Curry sa Tokyo, Japan. China naman ang susunod niyang destinasyon pagkatapos ng kanyang trip sa Pilipinas.

LARONG KALYE Melbert Tizon Email: mbtizon@gmail.com

Libreng tickets, ipinamigay para sa 'Show' mga Filipino youth na nag-aasam na ni Lebron sa Pinas ang maging mga basketball players upang lalo

M

aging sa Pilipinas, hindi maikakaila ang pagiging sikat at tanyag ni LeBron James sa mga Pinoy basketball fans. Nito lamang huli, namahagi ng libreng tickets ang Nike para sa August 20 exhibition game ni LeBron sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Ang one-day online registration para sa ‘LeBron James Rise Tour’ ay binuksan upang mamigay ng mga libreng tickets para sa nasabing ‘show’ ni LeBron. Ang nasabing tour ay nagsilbi ring isang basketball development program kung saan naging mentor si LeBron ng ilang mga players ng Nike Rise. Naging layunin din ng tour ni LeBron na mabigyang-inspirasyon

pang linangin ang kanilang potensyal, base sa ulat ng inquirer.net. Matatandaang unang bumisita si LeBron sa Pilipinas noong July 2013 para sa kanyang promotional tour para sa Nike. Bukod kay LeBron, ilang NBA stars din gaya ng MVP na si Stephen Curry ng Golden State Warriors at Ricky Rubio ng Minnesota Timberwolves ang naka-schedule na bumisita sa Pilipinas.

SPORTS UPDATE

Sharapova, highest paid female athlete ulit -- Forbes

Amir Khan, gustong makalaban si pambansang kamao Manny Pacquiao

Gilas Notes: Mga Puna tungkol sa Gilas 3.0

A

gosto na naman. Isasantabi na naman natin ang mga kinikilingang koponan. Wala munang kabaranggay, katropa, of ka-alas. Lahat tayo nagkakaisa para sa ating pambansang national team, ang Gilas Pilipinas.

Teka, nagkakaisa nga ba? Narito ang ilang sa mga puna ko tungkol sa Gilas 3.0. Malaking bagay ang pagkawala ng mga SMC players.

Bumalik na si Ping. Pero wala pa rin si Kraken at tinyente Tenorio. Sayang nga rin sa Marcio, Japeth at Greg. Hindi ko alam kung talagang may utos mula sa SMC na huwag palaruin ang mga players nila. Gusto kong maniwala na wala. Pero hindi mo rin masisi ang mga tao na mag-isip. Ang importante dito, kahit ano pa man ang isipin natin, hindi na sila maglalaro. Malaking dagok sa Gilas ito. Pero wala na tayong magagawa. Suportahan na lang natin ang mga maglalaro pa rin. Mas Malakas ang Gilas ngayon kumpara sa pinadala natin sa Fiba Asia noon. Nawala si Junemar, pero hindi naman talaga siya naglaro noon ng matindi. Kung iisipin mo, parang sina LA Tenorio, Japeth Aguilar at Larry Fonacier lang ang nawala. Malaking kawalan, pero napalitan naman sila ng Andray Blatche, Calvin Abueva at Terrence Romeo. Hindi na masama. Inaasahan ko pa rin na makakakuha sila ng slot sa Rio 2016. Malaking Isyu ang Kundisyon ni Blatche Ang laki ng ipinagbago ni Blatche. Masarap siguro talaga ang pagkain sa China. Malamang concerned dito si Coach Tab. Pero ayaw niya na magsalita. Tignan natin kung paano ito makakaapekto sa laro ni Andray.

Malaking Misteryo Sina Abueva at Romeo Dalawa sila sa mga pinakapaborito kong player sa PBA. Malaki ang maaaring maitulong ni Abueva sa Gilas kasi maaari siyang maglaro hanggang power forward para sa small-ball line ups natin. Tingin ko rin na magiging magaling na playmaker si Romeo kapag marami siyang pwedeng pasahan sa court. Sa kabila nito, masyado silang unpredictable. May mga pagkakataon na kapag napabayaan mo sila sa court na inaalat, maaari mo itong ikatalo. Tignan natin kung anong uri ng Abueva at Romeo ang makikita natin sa mga laro ng Gilas.

S

a ika-11 na pagkakataon, pinangalanang muli ng Forbes si tennis Russian Superstar Maria Sharapova bilang numero uno sa listahan ng highest paid female athletes sa buong mundo ngayong taon. Sa tumataginting na US$29.2 million, tinalo ng ranked no. 2 tennis player si ranked no. 1, Serena Williams ng Estados Unidos, na kumita naman umano ng $24.6 million sa loob ng isang taon. Samantala, ayon sa ulat ng bomboradyo.com, nasa ikawalong puwesto naman umano si Ronda Rousey, ang UFC Champion at actress. Inaasahang aapak sa Pilipinas sina Williams at Sharapova sa Disyembre para sa isang torneyo.

Taulava, gagawing motibasyon ang pagkatalo ng Pilipinas sa FIBA bidding rights

I

pinahayag ng Briton na si Amir Khan ang kanyang kagustuhan na makaharap sa isang boxing match si Pambansang Kamao Manny Pacquiao saan man naisin ng huli. Paniwala pa ni Khan, malaki ang posibilidad na magkaharap sila ni Pacman, ayon sa kanyang pahayag sa Sports Tonigt show sa Dubai Eye. Nais ng promoter na si Bob Arum na makausap ang representatives ni Khan para na rin mapag-usapan ang nasabing laban. Kung hindi mangyayari ang laban sa Las Vegas, pwede namang ganapin ang laban sa Abu Dhabi. Marahil, hindi pa alam ng karamihan subalit isa si Khan sa mga former training partner ni Pacquiao, dahil na rin iisa ang kanilang trainer na si Freddie Roach. Idinagdag pa nga mga fighting analyst, base sa ulat ng inquirer.net, na dapat abangan ang laban ng dalawa kung saka-sakali, sapagkat mas magiging matindi at maganda ang laban ng dalawa dahil pamilyar ang mga ito sa kanikanyang fighting styles. Kung sakali ngang matutuloy ang laban ng dalawa, inaasahang mangyayari ito sa mga unang buwan ng 2016, ayon sa ilang sources.

Pilipinas, panglima sa ginanap na Asian Junior Wushu Tourney

I

mbes na patuloy na manghinayang sa pagkatalo sa 2019 FIBA World Cup hosting bid, iminungkahi ni Asi Taulava na gamitin ito ng Gilas Pilipinas upang makamit ang ginto sa FIBA-Asia men's championship. Ayon sa ulat ng The Philippine Star, isa si Taulava sa mga interesado at nag-abang ng hosting rights bidding para sa nasabing kompetisyon. Ang delegasyon na namuno sa bidding ay binubuo nina Manny V. Pangilinan, ang kasalukuyang presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, boxing star Manny Pacquiao, Hollywood celebrity Lou Diamond Philips, at ilan pang mga opisyales. Bagama't maganda ang naging presentasyon ng delegasyon, napagdesisyunan ng FIBA Central Board na ibigay sa China ang hosting rights, na siyang nagdulot ng magkakahalong reaksyon sa Twitter. Aminado naman si Taulava na malaki ang resources ng China upang maging karapat-dapat na host ng nasabing kompetisyon. Umaasa naman ang NLEX player na magiging daan ito upang manalo sila ng ginto sa FIBA-Asia.

A

nim na wushu athletes mula sa Cordilllera ang tumungo sa Inner Mongolia sa China upang makibahagi sa ginanap na 8th Asian Junior Wushu Championships. Nais sana ng Team Pilipinas na mas mataas pa ang maabot na ranking matapos maging panglima sa overall ranking noong nakaraang torneo noong 2013 na may anim na gold medals, limang silver at limang bronze medals. Ngayong taon, nananatiling panglima ang Pilipinas na nakapag-uwi ang delegasyon ng apat na gold at apat na bronze medals. Ang 2014 world’s nandao champion na si Alieson Ken Omengan ng Benguet ang nanguna sa laban ng nandao at nanquan at tinaguriang double gold medalist. Sinundan ito ng gold medalist na si Agatha Chrystenzen Wong sa nakaraang 2013 Asian Junior Wushu Championships taijiquan 42 forms na nag-uwi ng bronze medal sa kategorya ng taijiquan, base sa ulat ng inquirer.net. Nag-uwi rin ng bronze medals ang dalawa pang kalahok na sina Faith Liana Andaya para sa jianshu at si Aleca Breana Dumseng para sa qiangshu.


21

September 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Mariel Rodriguez, Kumpiramadong nakunang-muli Mother Lily, ipinagmalaki

P

ang 17 na nagtapos sa Regal Acting Workshop

agkataps napabalitang triplets ang ipinagbubuntis ni Mariel Rodriguez, isang nakakalungkot na balita ang ipinaalam ng mag-

asawang Robin Padilla at Mariel sa publiko

-- ang kumpirmasyong muli na namang

nakunan si Mariel.

"I would like to inform the good public that my wife suf-

fered a miscarriage -- from RP," ika ni Robin sa kanyang text message, na inilathala sa bomboradyo.com.

Maalalang isinakripisyo pa ni Robin ang kanyang role sa

inaabangang pelikulang pagtatambala nila ni Maria Ozawa, ang "Nilalang."

Ika naman ng pamunuan ng nasabing pelikula, hahayaan

muna nilang makapagluksa si Binoy at hahayaan itong mag-

desisyon pansamantala para sa kanyang mga commitments.

Marian, may birthday wish para sa kanyang baby

S

a buwan ng Agosto, nag-celebrate ng birthday sina Marian at Dingdong na parehong magsecelebrate ng kanilang kaarawan ngayong buwan. Sa katunayan, 10 araw lang ang pagitan ng birthday nina Marian at Dingdong. August 2 ang birthday ni Marian habang August 12 naman ang kay Dong. Bigla tuloy natanong ang GMA Primetime Queen sa isang presscon ng bagong Kapuso Sunday show na Sunday PINASaya kung meron ba siyang wish para sa kanyang ika-31 na kaarawan. Sumagot ang aktres na kung para lang sa kanyang sarili, wala na siyang mahihiling pa. Idinagdag pa ng aktres na kung may hihilingin man siya, iyon ay ang lumaking mabuting tao ang magiging baby nila ni Dingdong. Sinabi rin niyang gusto niyang maging magandang inspirasyon ang ginagawang pagsisikap sa trabaho at pagiging commissioner-at-large ni Dong sa National Youth Commission para sa kanilang magiging anak.

Six months na ang pinagbubuntis ni Marian, subalit tuloy pa rin siya sa pagtatrabaho. Aniya, kaya pa naman niya at bukod doon ay lagi namang nakasuporta ang kanyang talent management team lalo na sa pagpapaalala sa kanyang magpahinga. Wika pa nga ni Marian, na inilathala sa bandera.inquirer. net, “As long as nag-iingat ka, walang problema.”

Kris Aquino, klinarong walang nakukuhang pinansyal na suporta mula sa ama ng kanyang mga anak

S

a isang interview, nilinaw ng aktres na si Kris Aquino na bukod sa pinansyal na suporta, wala na siyang komunikasyon sa ama ng kanyang anak na si Josh na si Phillip Salvador. Nag-ugat ang tanong kung aktibo nga ba ang mga ama ng mga anak ni Kris sa kanyang pagpapalaki at pagsuporta sa mga ito matapos siyang mag-post ng isang litrato sa Instagram ng isang excited na Josh habang hawak ang kanyang smartphone matapos ma-grounded. Nabanggit ng ilang fans ng aktres sa comment section ang tanong na tahasan namang sinagot ng aktres. Aniya,

wala na siyang ibang hinihingan ng tulong kundi ang kanyang mga kapatid at ang ina bago ito pumanaw. Binigyang-diin din ni Kris na wala siyang gustong pasaringan dahil may kakayanan naman daw siyang buhayin ang dalawang anak dahil na rin may financial capacity sila, lalo na sa pag-aalaga kay Josh. Aniya, hindi na rin naman niya dapat pang banggitin ang mga taong wala na namang kinalaman sa buhay nilang mag-iina. Dagdag pa ni Kris, hindi lamang pinansyal na suporta ang dapat na iambag ng isang magulang kundi effort sa pagpapalaki ng mga anak.

Ipinagmamalaking ipinakilala nina Mother Lily at Roselle Monteverde ang mga nagsipagtapos sa pinakaunang Regal Acting Workshop. Ang mga nagtapos ay binubuo ng 17 na mga mag-aaral sa workshop na pinili mula sa halos 300 na aplikante. Ang 17 na nagtapos ay isasama sa listahan ng mga aktor na gaganap sa mga bagong proyekto ng Regal Films. Ayon sa Manila Bulletin, ilan sa mga nagtapos ay kasama na sa pelikulang “No Boyfriend Since Birth” na pamunuan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana, sa direksyon ng batikang direktor na si Jose Javier Reyes. Ayon sa batikang direktor, na siya ring namahala sa workshop, karamihan sa mga sumali sa workshop ay mga baguhan, samantalang ang iba ay nanggaling na mula sa iba pang workshop. Sinabi rin ni Reyes na ang workshops ay nakalaan upang pag-ibayuhin ang talento ng mga artista. Ang nasabing workshop ay pinamunuan ng mga batikang aktor gaya nina Leo Martinez, Rez Cortez, Manny Castaneda, at iba pang miyembro ng Actor's Workshop Foundation ng Actor's Guild of the Philippines.

Pagsasama nina Rodin Padilla at Japanese adult Film actress na si Maria Ozawa sa MMFF movie na "Nilalang," naudlot

P

angunahing dahilan umano ng aktor sa pag-atras sa "Nilalang" ay ang pagtuunan ng pansin ang maselang pagbubuntis ng kanyang asawang si Mariel Rodriguez. Ayon kay Betchay Vidanes, manager ni Padilla, na inilathala sa bomboradyo.com: "His withdrawal is due to the fact of needing to attend to his wife Mariel [Rodriguez], as she is experiencing a delicate pregnancy." Nauna rito, napabalitang inaasahang magsisilang si Rodriguez ng triplets.


22

September 2015

Empress Shuck, babae ang magiging anak

E

xcited na ibinalita ng aktres na si Empress Shuck na babae ang kanyang magiging anak sa kanyang boypren. Nabatid mula sa aktres na sa huling bahagi ng Setyembre ang inaasahan niyang due date. Bagama't kinakabahan, inaasahan umano niyang normal ang kanyang panganganak sa panganay na anak sa kasintahang si Vino Guingona -- ang apo ni ex-Vice President Teofisto Guingona. Ika ni Vino sa isang interbyu, na inilathala sa bomboradyo.com, "I think spoiled talaga. Kasi sa family namin, lahat girls. I have three sisters. I'm the only son. Kaya gusto ko sana boy, para magka-boy naman sa family members. Pero it's a girl, magiging spoiled talaga." Matatandaang, Abril nang inamin ni Empress sa midya ang kanyang pagdadalang-tao. Hindi pa umano nila iniisip ang pagpapakasal, bagama't magkakaroon na sila ng anak.

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Video ng performance ni Ella Cruz sa "It's Showtime," viral ngayon sa Internet

V

iral kamakailan ang video ng performance ni Ella Cruz sa "It's Showtime" kung saan siya sumayaw sa saliw ng "Twerk It Like Miley." Pinahanga ng teen actress ang mga audience ng August 12 episode ng nasabing TV program. Marami rin ang mga humangang netizens sa husay sa pag-indak at pagpe-perform ng 18-year old actress. Sa ngayon, kilala si Ella sa bansag na "Teen Dance Princess." Pagkatapos ng nasabing performance, agad nagkamit ang uploaded video ni Ella ng libu-libong hits mula sa YouTube. Nagsilbi ring isa sa mga guest judges si Ella sa seg-

ment na "Papa Pogi." Bago nito, naging viral na rin ang iba pang mga dance videos ni Ella.

Eat Bulaga, patuloy na nangunguna sa noontime rating show dahil sa "Aldub"

D

ahil sikat na sikat na ngayon ang tambalang “AlDub,” hindi na nga katakat a ka n g h u m i h i r i t a n g E a t B u l a ga sa national ratings ng mga pinakainaabangang noontime show sa buong

bansa. Nananatiling mataas at maganda ang naging rating ng Eat Bulaga sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) ratings na nagpapakitang nangunguna ang nasabing noontime show laban sa mga kasabayan nito, ayon sa ulat ng Nielsen TV Audience Measurement. Nito lamang Agosto 8, pumalo ang average percent shares ng Eat Bulaga sa 45.8 at 25.8 percent naman para sa ratings na ‘di hamak na mas mataas sa percent shares ng It’s Showtime ng ABS-CBN na 39.0 percent at rating nitong 21.9 percent.

Masasabing ang pagtaas ng rating ng Eat Bulaga ay dahil na rin sa sikat na sikat na kalye serye kung saan tampok ang mga karakter nina Frankie Arinoli, Alden Richards, at siyempre, si Yaya Dub. Sa Twitter lang, umani ng halos 600,000 Tweets, habang sinusulat ang balitang ito, ang discussion ng Netizens sa #AlDubSaTamangPanahon na naging trending sa social media ng higit sa isang araw.

Aiai Delas Alas, meron nang Louis Tomlinson ng One Direction, inamin ang pagiging ama sariling magasin atapos mapabalitang nakabuntis Bukod kay Tomlinson, ang tanging naiiwan na

M

atapos na maging bahagi ng Kapuso stars, sunud-sunod na nga ang naging paghataw ng Queen of Comedy ng Pilipinas na si AiAi Delas Alas. Kamakailan, ipinasilip ni Aiai sa pamamagitan ng kanyang Instagram ang sneak peek ng cover ng kanyang opisyal na magasin na pinamagatang “Ai Labyu.” Ang mga salitang “AI LABYU MAGAZINE – soon!!!” ang eksaktong caption sa naging post ng Kapuso star, kung saan makikita ang flower power sa suot nitong napapalamutian ng mga bulaklak at makukulay na rosas na hango rin sa karakter nito bilang host ng bagong noontime show sa GMA na Sunday PinaSaya. Sa ulat ng gmanetwork.com, kabilang din sa nasabing noontime show ang ilan sa mga Kapuso stars gaya nina Primetime Queen Marian Rivera-Dantes, Asia’s Pop Sweetheart Julie Ann San Jose, Pambansang Bae Alden Richards, Kapuso Teen Queen Barbie Forteza, Masters of Comedy Jose Manalo at Wally Bayola, at ilan pang Kapuso gaya nina Valeen Montenegro, Joey Paras, at Jerald Napoles. Tampok sa bagong magasin ni Aiai ang kanyang mga experiences sa pakikihalubilo sa mga tao at mga press at ilan sa mga malalaking pasabog sa bagong show na kinabibilangan niya ngayon.

M

ang One Direction member na si Louis Tomlinson, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpahayag na rin siya ng kumpirmasyon na magkakaroon siya ng baby sa isang stylist na nakabase ngayon sa Los Angeles. Ayon sa singer, sa isang interbyu, excited umano siyang magiging ama. Sa ilang mga report, ang nasabing stylist ay kinilalang si Briana Jungwirth. Isa umano sa mga naghikayat sa singer na aminin ang pagiging ama at panindigan ito ay si Simon Cowell. Matatandaang, Marso nang makipaghiwalay si Tomlinson kay Eleanor Calder, ang kanyang longtime girlfriend.

2 batang Fil-Canadian, sikat na dahil sa kanilang galing sa pagsasayaw

D

alawang batang Pinoy-Canadian ang tinaguriang dance prodigy sa California matapos mamangha ang kanilang mga manonood sa katatapos lamang na Annual Hip Hop International Championships sa Southern California. Maliit man daw ngunit may angking galing namang maituturing ang dalawa na tinaguriang “Lucky Aces.” Sa isang ulat ng abs-cbnnews.com, hango ang nasabing pangalan sa mga nicknames ng mga batang sina Reyond "Lucky" Ancheta at si Andree Camille "AC" Bonifacio na parehong 12 taong gulang. Sa isang interview, sinabi ni Lucky na ang pagiging magaling nila sa pagsayaw ay bunga ng palagiang pagpa-practice at pagtitiwala na rin sa kanilang mga sarili. Tatlong taong gulang pa lamang ang dalawa ay magpartner na ang mga ito sa pagsasayaw. Dagdag pa ni AC, ang mga magulang ni Lucky na mga mananayaw rin ang kanyang naging inspirasyon

lang sa grupo ay sina Liam Payne, Harry Styles at Niall Horan, matapos umalis sa grupo si Zayn Malik.

habang ang tita naman ni AC ang naging kanyang inspirasyon kaya nagustuhan niyang sumayaw. Dahil sa galing na ipinamalas ng Lucky Aces, hindi na rin kataka-taka na naging viral sila sa Internet at dalawang beses na ring nag-guest sa Ellen DeGeneres Show. Hindi marahil alam ng karamihan subalit kabilang ang dalawa sa mga sumayaw sa sikat na Hollywood film na Step Up All In at nakasama na rin ni Arianna Grande sa pagpe-perform kamakailan lang. Sa kasalukuyan, patungo ang Lucky Aces sa Germany upang makibahagi sa Super Kids TV Show.


23

September 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Twit ni Idol

Sina Vice Ganda, Xian Lim, at Georgina Wilson ang tampok sa ating “Tweet ni Idol” ngayong buwan. Naririto ang ilan sa mga tweets ng mga ito:

Vice Ganda (@vicegandaako)

"MP Featuring Sports Science," mapapanood na sa GMA

H

indi lamang aksyon kung hindi impormasyon ukol sa sports ang hatid nina Pambansang Kamao Manny Pacquiao at Solenn Heusaff sa kanilang bagong palabas na nagsimulang umere noong Agosto 16, ang "MP featuring Sport Science." Inaalam ng nasabing show kung anu-ano nga ba ang mga elemento ng sports na wala sa kontrol ng mga atleta o “X-Factor.” Sa pamamagitan ng naturang show, malalaman ng mga manonood kung meron bang epekto ang kakulitan ng mga fans, ang mga makukulay na banners, o ang matitinis na hiyawan at asaran habang nasa court ang mga manlalaro gaya ng basketball. Nakatutulong ba o nakasisira ng konsentrasyon ang mga nasabing gawain?

H

Sa tulong ng imbestigasyon at pag-aaral ng mga eksperto, ibabahagi ni Pacman at Solenn kung meron bang epekto ang gravity sa mga laro: Sino ba ang mas epektibo? Ang coach na terror o yung tipo ng coach na mabait at pasensyoso? Tampok din sa nasabing show ang ilang sports na talaga namang nangingibabaw sa Pilipinas at ang 5 Top Pinoy champions na hinirang ng show sa tulong na rin ng mga sports science experts, ayon sa gmanetwork.com.

Derek, masaya na happy si Angelica kay John Lloyd

Isa sa mga tweets ni Vice Ganda ay ang ni-retweet na entry ng ViceGandaGlobal na pinopromote ang Vice Gandang-ganda sa Sarili concert na isasagawa sa Bacolod. Maaalalang unang ginanap ang matagumpay na concert noong Mayo sa Araneta Coliseum kasama ang ilang mga artista. Nag-perform ang sikat na host ng ilang mga pop hits kabilang ang kantang “Beautiful” ni Christina Aguilera na siyang ginamit sa bonggang opening number.

Xian Lim (@XianLimm)

appy umano para sa love life ng dating kasintahan si Derek Ramsay. Sa isang interbyu sa aktor, na inilathala sa bomboradyo. com, ika niya: "When I see her, she seems very, very happy. Minahal ko si Angelica and I'll never forget that. I am so happy that she is happy. She looks like mauunahan niya ako to have that fairytale ending. My wish for her is that makuha niya. It looks like ganun naman ang mangyayari sa kanya." Matatandaang 2012 nang maghiwalay sina Angelica at Derek. Tumagal ang kanilang pagsasamahan nang anim na taon. Samantala, sinabi ng aktor na masaya umano sila ng kanyang kasalukuyang kasintahan. Tanggap umano nilang dalawa na may anak na silang

dalawa sa kani-kanilang mga nakaraang relasyon.

Binyag ng anak ni Melissa Ricks, boyfriend idinaos

Ang isang bagong tweet ni Xian Lim ay pagbibigay-alam para sa kanyang fans na maayos ang kanilang kalagayan sa kabila ng pambobomba na naganap sa Bangkok. Ayon sa artista, malapit lang sa kanilang lugar ang pambobomba pero ligtas naman sila. Pumunta si Lim sa Bangkok para mag-shoot ng isang TVC shoot. Ang pambobomba naman ay naganap malapit sa Erawan shrine, isa sa tourist areas ng siyudad sa Thailand.

Georgina Wilson (@ilovegeorgina)

S

tar-studded ang binyag ng panganay na anak nina Melissa Ricks at kanyang boyfriend na non-showbiz. Bininyagan ang walong buwang si Baby Kiera sa Christ the King Church sa Green Meadows nitong Agosto 16. Dinaluhan ito ng mga kaibigan ng dalawa mula sa showbiz, kagaya nina Tom Taus, Matt Evans, Joem Bascon at Helga Krapft, ayon sa ulat ng bomboradyo.com. Balita rin ng aktres na kasalukuyan umano siyang nagbabawas ng timbang bilang preparasyon ng aktres sa kanyang showbiz comeback.

'On the Wings of Love' ng JaDine, patok sa Fans

N Nag-tweet kamakailan si Georgina Wilson hinggil kanyang injury. Ayon sa tweet, isang buwan na mula nang mabalian ito sa binti na kinailangan na lagyan ng cast. Ibinalita ng GMA ang injury ni Wilson pero wala itong sinabing dahilan ng aksidente. Bagkus ay ipinakita nito ang larawan ni Wilson mula sa Instagram habang nakaupo at nakabenda ang kaliwang binti. Bumuhos naman ang pag-aalala mula sa kanyang fans at sinabi na nawa'y gumaling agad ang Asia's Next Top Model Season 3 host.

agsimula nang umere ang bagong teleserye na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre -- o mas kilala bilang 'JaDine.' Mapapanood ang 'On the Wings of Love' sa ABS-CBN gabi-gabi, Lunes hanggang Biyernes, kasunod ng 'Pangako Sa'yo' nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Gumaganap bilang Lea si Nadine na pumunta sa Amerika para makipagsapalaran. Doon niya matatagpuan si Clark, ang karakter ni James -- at doon magsisimula ang kuwento ng pagmamahalan ng dalawa. Tuwang-tuwa naman ang maraming fans ng tambalan sa muli nilang pagsasama sa isang teleserye.

Kasama ng dalawa sa nasabing teleserye sina Joel Torre, Bianca Manalo, Cherie Pie Picache, ang nagbabalik-showbiz na si Albie Casiño, at marami pang iba.


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.