Daloy Kayumanggi 2014 july

Page 1

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Inspiring Global Filipinos in Japan

〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com

D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

SAYA NG SUMMER P. 16

CELEBRATING FREEDOM

Vol.4 Issue 37 July 2014

www.daloykayumanggi.com

P. 5

Top Pinoy Delicacies

P. 9

Yaizu Basketball League 2014

BALITA Bilang ng overseas Pinoys na boboto sa 2016 Presidential Elections, tumaas

T

umaas umano ang bilang ng overseas voter registration para sa 2016 presidential elections, ayon sa Department of Foreign Affairs Overseas Voting Secretariat (DFA-OVS). Sa ulat ng abs-cbnnews.com, tinatayang 18,631 ang mga bagong voter registrant applications para sa buwan ng Mayo, ayon sa tala ng Philippine Foreign Services Posts (FSPs).

P. 5

P. 17

Spurs kampeon sa NBA

P. 20

MARIA KA-DALOY OF THE CHRISTINE: ISANG MONTH BABAE, ISANG INA, ISANG INSPIRASYON ni Loreen Dave Calpito E-mail: davecalpito529@ gmail.com

P. 7

Richard Gutierrez Daddy Na

P. 21

NTT CARD


2

Third Year Anniversary July 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Cebu Pacific, nagbabalak ng flights papuntang Canada

P

ara mapalago pang lalo ang turismo sa pagitan ng Canada at Pilipinas, nagkapirmahan ang dalawang bansa ng isang air deal para doblehin ang flights sa pagitan ng dalawang bansa nitong Mayo 29. Bunsod nito, iniulat ng rappler.com na, nagbabalak na rin ang Cebu Pacific ng 7 times a week na

biyahe papuntang Canada. Matatandaang, nauna na ang Philippine Airlines na makapagpalipad sa Vancouver at Toronto 7 beses kada linggo. Sa kasalukuyan, nalagdaan na ang air deals sa pagitan ng Pilipinas at ng mga bansang Myanmar, New Zealand, Singapore at France (bukod sa Canada).

B

Thailand, ibinaba na sa alert crisis Level 1 ng DFA unsod ng pagbalik sa normal ng political situation sa bansang Thailand, ibinaba na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa alert crisis Level 1 ang bansang Thailand. Sa ilalim ng alert level na ito, ayon sa ulat ng bomboradyo.com, inaabisuhan na lamang ang mga Pilipino sa bansang ito na maging handa sa mga precautionary measures sakaling muling titindi ang nararanasang gulo rito. Matatandaang biglaang idineklara ng Thai military ang Martial Law dahil sa political crisis na nararanasan doon, bagay na nagbunsod sa pagkakalagay ng Thailand sa alert level 2. Dahil dito, ibabalik na rin ang pagpaprocess at pagde-deploy ng mga Overseas Filipino Workers (OFWS) patungo sa Thailand.

Sa usapin hinggil sa pinag-aagawang teritoryo...

Vietnam sa Pilipinas: "We're on the same side"

We’ve got to be united, and stand united. We will win.” Ito ang ipinahatid ni Vietnamese Ambassador to the Philippines Truong Trieu Duong, base sa panayam ng rappler.com. Kaugnay ito ng aksyon ng China na pag-aangkin sa West Philippine Sea, kung saan, tila ba nakahanap ng kakampi ang Pilipinas. Nasa parehong “side” umano ng Pilipinas ang bansang Vietnam. Kasama sa aksyon umano na isinasagawa ng Vietnam ang pagko-konsidera sa lahat ng peaceful means at measure para maayos ang gusot sa pagitan nila ng bansang China.

Pulong sa pagitan ng Japan at Australia, isinagawa hinggil sa "submarine deal"

Satellite sa susukat sa C02 emission sa mundo, ilulunsad

I

sang malaking proyekto ngayon ang inihahanda ng NASA – ang maglunsad ng isang satellite na magtatala umano ng kabuuang “global picture” ng “man-made at naturally occurring carbon dioxide emission,” ang Orbiting Carbon Observatory-2 (OCO-2) satellite. Ayon sa mga siyentista, may epekto kasi umano

ang CO2 emission mula sa mga aktibidad ng mga tao sa pagtaas ng temperatura at sa pandaigdigang climate change. Tatagal ang naturang pag-aaral sa loob ng dalawang taon at iikot sa buong mundo kada-99 na minuto.

U

pang paigtingin pang lalo ang relasyon sa pagitan ng bansang Australia at Japan, isang pagpupulong sa pagitan ng key ministers ng dalawang bansa ang isinagawa sa Tokyo nitong Hunyo 11. Isa umano sa mga napag-usapan ang “submarine deal” na maaari nilang lagdaan sa hinaharap, bunsod nga ng tensiyong nagaganap sa rehiyon ng Asya-Pasipiko sa kasalukuyan. Ang “2+2” talks na ito ay sa pagitan nina Japanese Foreign Minister Fumio Kishid at Defense Minister Itsunori Onodera ng Japan at Julie Bishop at David Johnston naman ng bansang Australia.


3

Third Year Anniversary July 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Pagdalaw ng US Commerce Secretary, Warning System sa senyales ng pagiging interesado ng mga mga bagyo at baha sa investor sa Pilipinas Pinas, babaguhin

A

ng pagpunta ng mga delegado mula sa Estados Unidos na pinamunuan ni Commerce Secretary Penny Pritzker ay maaaring patunay ng dumaraming interesadong partido upang mamuhunan sa Pilipinas, ayon sa Philippine Ambassador to the United States. Ani Ambassador Jose L. Cuisia, ang pagdalaw na ito ay senyales umano na ang Pilipinas ay nasa radar ng American investors. Iniulat ng Philippine Daily Inquirer na ang mga delegado ay dumalo sa pagpupulong ng US-ASEAN Business Council kasama ang ilang opisyales ng Pilipinas upang paigtingin ang partnership sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas. Matatandaang, ang pag-unlad ng ekonomiya ay naging tuluy-tuloy sa loob ng dalawang taon at inaasahang magpapatuloy hanggang 2016. Inaasahan din na ang mga reconstruction projects ay tutulong sa pag-unlad ng ekonomiya.

Skip tour system, ipinatupad sa LRT, MRT

U

pang matugunan ang mabigat na pagdagsa ng mga taong sumasakay sa MRT at LRT, lalo na pagdating ng rush hour, ipinatupad nitong pasukan ng mga pamunuan ng MRT at LRT ang skip train system. Sa skip train system, nilalagpasan ang mga istasyon na walang gaanong tao at dumidiretso na ito sa may maraming mga tao. Hindi na rin ito lalagpas pa sa mga susunod na istasyon.

B

unsod ng nakaraang pagtama ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan, kung saan libu-libong katao ang mga namatay, babaguhin na ng gobyerno ang warning system nito sa mga bagyo at baha. Sa bagong sistemang ito ng Department of Science and Technology (DOST), hindi lang kung anong signal number ang itatala nito kundi ang preparasyong isasagawa ng mga tao sa posibleng magiging epekto ng mga kalamidad. Mayroon ding inihahandang sistema ng pagpapalabas ng Storm Surge Advisory ang DOST, kung saan, malalaman mula rito ang: lakas at taas ng alon, kung hanggang saan ito aabot at kung anuanong mga barangay ang mga posibleng tatamaan. Magpapalabas din ito ng mga abiso sa mga lokal na pamahalaan hinggil sa mga dapat na gawin sa pagsapit ng mga kalamidad.

Job Fair, isinabay sa Independence Day Aminado naman ang mga pamunuan ng MRT at LRT na temporaryong solusyon lamang ang skip train. Ang ultimatong solusyon umano ay ang pagdaragdag ng mga tren. Pinipigilan din ang pagdagsa sa platform ng maraming tao bilang isa pang temporaryong solusyon. Mula 5:30 hanggang alas-8 ng umaga, inaasahang mahaba ang pila sa maraming istasyon ng MRT at LRT. Ngunit, pagdating ng alas-8 ay maluwag na ang pila.

Graphic health warning, ilalagay sa mga pakete ng sigarilyo -- batas

P

umasa na kamakailan ang batas sa Bicameral Conference Committee na nag-uutos na maglagay ng graphic health warnings sa mga pakete ng sigarilyo. Inaatasan ng batas na ito ang mga manufacturer ng mga yosi na maglagay ng mga larawan hinggil sa masamang epekto ng yosi sa mga tao sa bawat pakete ng sigarilyo. Sa ulat ng programang “Bandila,” hindi lang ang Pilipinas ang mayroong ganitong batas sa Asya. Nauna nang magpatupad ang mga bansang Malaysia, Hongkong, Thailand, Vietnam at Brunei. Sa tala naman ni dating Health Secretary Jaime Galvez-Tan, 90,000 kada taon umano ang mga namamatay at 240 naman kada araw nang dahil sa paninigarilyo.

B

ukod sa pagsasagawa ng tradisyunal na pag-aalay ng mga bulaklak sa Rizal Park, isang Job Fair ang idinaos ng Department of Labor and E mployment (DOLE) para sa daan-daang mga aplikante. Tinatayang 35,000 trabaho ang pinagpilian ng mga naghahanap ng trabaho, ayon sa report ng “24 Oras.” Kung makakapasa, magtatarabaho ang mga jobseekers sa ilang mga kumpanya at ahensiya ng gobyerno. Layunin naman ng naturang Job Fair na mabawasan ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa.


4

Third Year Anniversary July 2014

Global Filipino DEAR KUYA ERWIN

ni ERWIN BRUNIO

Mobile: 090-6025-6962 Email: erwin@daloykayumanggi.com Facebook: www.facebook.com/ebrunio Twitter: DaloyJapan Line: erwinbrunio Linkedin: erwinbrunio

Ang Talinhaga ng Japanese Unagi at Pacific Salmon

I

sipin ang iyong sarili bilang isang isda. Nakatira ka sa isang maliit na lawa na napapaligiran ng isang malawak subalit tuyo na lupa. Napapaligiran din ang lawa ng mga ibong mandaragit at iba pang hayop na naglalaway sa isda. Aalis ka ba sa iyong maliit na lawa?

May tatlong hamon dito. Una, hindi mo alam kung saan ang ibang lawa (at kung mas malaki ba ito o mas magandang tirhan). Pangalawa, hindi mo alam kung ilang oras o araw ang aabutin. Pangatlo, dahil ikaw ay isang isda, hindi ka makakahinga at makakalakad sa lupa. Ngayon, aalis ka pa rin ba sa iyong lawa at pumunta sa hindi kilalang teritoryo?

Araw-araw, ganito ang hamon sa buhay ng isang Japanese eel o unagi (casili sa atin). Araw-araw, patuloy na naglalakbay ang unagi sa mga mapanganib na lugar at umieskapo sa tao, hayop at maging ibang isda na maaaring siya ay gawing pulutan o ulam. Simula ng ipinanganak na itlog at maging isang sobrang liit na isda sa Sugimo seamount sa isla ng Guam, tumatagal ng 1-5 taon ang paglakbay nito papunta sa baybayin ng Japan. Dito sa dagat ng Japan, sa loob ng 2 taon, makikisalamuha ito at makikikain

upang lumaki ng kaunti (at tawaging elver). Mula 5- 20 taon, ito ay maglalakbay hanggang sa gitna ng kontinente. Babagtasin nito ang mga sapa, aakyatin ang mga konkretong dike o pilapil, tatalunin ang mga talon o waterfalls, at sasakupin ang kabundukan. At himala sa lahat ng himala, pagkatapos na ito ay lumaki at tumaba, at sa kabila ng panibagong sugal sa buhay, ito ay bababa sa kabundukan o kasapaan at uuwi na sa Guam. Duon mangingitlog ito at mamamatay.

Panandalian muna tayong huminto at tukuyin kung ano ang tunay na kahulugan ng tagumpay. Sa kaharian ng mga hayup at isda, ang makapagbigay ng itlog o anak na isdang magpapatuloy ng lahi ang maituturing na tagumpay (evolutionary success sa English). Kinakailangan na maka-anak ang isang isda ng sa gayon ay hindi manganib o malipol ang lahi nito.

Ngayon, kung ang tagumpay o success ay makga-anak upang maipatuloy ang lahi, kung ikaw ang unagi, pipiliin mo pa ba na mangibang lugar. Bakit hindi na lang manatili sa dagat ng Guam, maghanap ng makakain hanggang lumaki at tumaba at manganak ng manganak. Ang tagumpay naman ay nasusukat kung maipagpatuloy mo ang iyong lahi.

Libre! Interpretation Services TELEPHONE CONSULTATIONSERVICE PARA SA HIV / STI (SEXUALLY TRANSMITTED INFECTION)

Tel. NO: 06-6354-5901 • Tuwing 4 P.M. to 8 P.M. ng Huwebes ang konsultasyon sa wikang Filipino • Every 4 P.M. to 8 P.M. Tuesday and Thursday English Consultation Ang serbisyong Libreng Personal Interpretation Service sa mga nais pumunta at magpatingin sa HIV / STI Testing center (Free and Anonymous) sa Nanba Osaka ay hanggang ika 20 ng Marso, 2014 na po lamang. Huwag pong mag-atubiling gamitin ang libreng serbisyong nabanggit sa lalong madaling panahon. Tumawag po lamang sa CHARM Osaka 06-6354-5902 (10:00 – 17:00 Lunes hanggang Huwebes ) http://www.charmjapan.com

Ang udyok ng pakikipagsapalaran ang higit na nagtulak sa unagi na maglakbay ng libo-libong kilometro mula sa dagat papuntang sapa at pabalik. Mas higit ang tawag ng adventure keysa sa tagumpay. Sa tingin ko, ganito din ang tao. Sa buhay ng tao, mas nakakahigit ang tawag ng pakikipagsapalaran kaysa sa tagumpay. Ang mga kwento ng ating pakikipagsapalaran ang siyang nagbibigay ng motibasyon, saya, lungkot, pagmamahal, determinasyon at iba pang emosyon ng buhay. Ang buhay ay isang adventura. Ang buhay ay isang paglalakbay. Muli, isipin na ikaw ay isang isda. Subalit ngayon, ikaw ay isda na ipinaganak sa sapa. Upang masabi na matagumpay, kailangan makapagbigay ka ng anak upang ang iyong lahi ay hindi malipol dito sa mundo. Aalis ka ba sa sapang iyong pinanganakan at magbibiyahe ng libo-libong kilometro papunta sa dagat at muling uuwi pagkatapos? Sa katunayan, ito ang ginagawa ng mga Pacific salmon o sake. Mula sa mga malilit na sapa sa Hokkaido (makikita din ito sa ibang bansa), mananatili itong itlog sa ilalim ng mga malilit na bato at magiging isda sa mga sapa at ilog sa loob ng 1-2 taon. Pagkatapos, ito ay maglalakbay papuntang dagat. Kung ito ay mataba na, muli itong maglalakbay pabalik sa sapa ng kapanganakan. Tatahakin ng salmon ang sari-saring banta sa buhay, mula sa pag-eskapo sa mga malalaking isda, lambat ng mangingisda, o pangil ng uso at iba pang hayop. Tatalunin nito ang mga nagtataasang talon at dike ng dam, upang makabalik sa lugar ng kapanganakan dahil dito lamang siya pwede mangitlog. Pagkaitlog, ito na ay mamamatay. Para sa salmon, ang buhay ay isang pakikipagsapalaran. Subalit ang higit na mas kahanga-hanga dito ay ang katotohanan na sa salmon, ang lugar ng pakikipagsapalaran ay ang dagat, ang dagat na inalisan ng unagi. Ang sapa at ilog, na hindi lugar ng adventure sa salmon ay siyang lugar ng adventure sa Japanese eel. Ang pangalawang aral ng kwento ng buhay ng unagi at salmon ay ang lugar ng

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

adventure.

Ang pakikipagsapalaran ay makikita sa lahat ng dako. Mapa-sapa, ilog, dagat o lawa, ang bawat lugar ay may nakatagong adventure na minsan ay hindi nakikita ng iba. Sa taong naghahanap, ang adventure ay makikita kahit saan. Hindi ko alam sa mga salmon, subalit sa mga Japanese eel, may iba na pinili na makipagsapalaran sa dagat at maging sa gitna lamang ng ilog tabang at dagat. Ayon sa mga mananaliksik sa University of Tokyo o Todai, ang mga Japanese eel na nanitili sa dagat ay tinatawag na “sea eel”. Ang mga nasa bukana ng ilog at dagat naman ay tinatawag na “estuarine eel."

Ikaw na nandirito sa bansang Japan ay parang salmon o eel na nakipagsapalaran sa labas ng bayang sinilangan. Dala ng hamon na maging matagumpay sa buhay (magarang tahanan at sasakyan, mapaaral ang mga anak o makaipon ng pera), nadala ka ng agos ng buhay dito sa bansang Japan. Tandaan na higit sa tagumpay, ang mga kwento ng pakikipagsapalaran sa buhay ang siyang tunay na nakakapagtibok ng ating buhay. Ang kwento mula sa isang mahirap o maliit na buhay subalit may malaking pangarap ang siyang magbibigay lakas sa atin na sumubok sa laro ng buhay. Pangalawa, tandaan na ang pakikipagsapalaran ay mahahanap kahit saan. Handa ka na bang muling makipagsapalaran sa buhay? ~0~0~0~0

Mula sa isang munting pangarap na maging busay ng mga impormasyon upang dumaloy ang lahing kayumanggi, ang pahayagang Daloy Kayumanggi ay patuloy sa pagbibigay inspirasyon at motibasyon sa mga Global Filipino. Salamat sa iyo mga suking mambabasa, ang Daloy Kayumanggi ay nasa ika-apat na taon na ng pakikipagsapalaran. Maligayang ika-tatlong taon anibersayo ng pagkatatag Daloy Kayumanggi!


Daloy Kayumanggi

Balita

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Mula sa Pahina 1

Kung ikukumpara ito sa 2013 senatorial elections, tinatayang 111% umano ang itinaas ng bilang ngayon ng mga bagong registrants; 64% naman ang itinaas kung ikukumpara sa 2010 presidential elections; at 630% naman ang itinaas kumpara noong 2007 senatorial polls. Para sa mga Pilipinong mag-a-abroad mula Abril 9 hanggang Mayo 9, 2016 na 18 taong-gulang pataas sa Mayo 9, 2016, ay maaaring mag-register sa mga sumusunod: sa lahat ng Philippine FSPs, sa tatlong Manila Economic and Cultural Offices (MECO) at ilang mga COMELEC approved registration centers na nakalista sa www.comelec.gov.ph at www.dfa-oavs.gov.ph.

DepEd: Nasa kamay ng LGUs ang pagsususpinde ng klase

5

Third Year Anniversary July 2014

Mula sa Pahina 1

Celebrating Freedom

T

okyo, Japan -- Ginunita ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo at ng buong Filipino Community sa Tokyo ang ika-116 na Selebrasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang Yolanda "Thanksgiving Concert" na ginawa sa Arakawa, Tokyo noong ika-14 ng Hunyo, 2014. Tampok sa nasabing pasasalamat para sa lahat ng tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda ay ang Reo Brothers na tinagurian ding, "Beatles of the Philippines." Naging parte rin ng programa ang iba pang talentadong Pinoy tulad ng half-Pinoy at half-Japanese na dating miyembro ng sikat na grupong AKB48 na si Sayaka Akimoto; ang magaling na Jazz na mang-aawit na si Charito; at ang grupong Filcom Chorale na umawit naman ng mga klasikong Pilipinong awitin.

Nagtapos ang buong araw na kasiyahan sa isang National Day Reception na dinaluhan ng humigit-kumulang na 300 Pinoy at dayuhang bisita na mula pa sa iba't ibang antas ng lipunan sa Japan. (ulat ni Mario Rico Florendo; litrato kuha ni Stephen Labata)

Mga ama, nakatanggap ng Paggunita sa Ika-116 Independence Day, libreng prostate screening naging makulay sa Father's Day inunita ng mga

D

ahilan sa pormal na nagsimula ang panahon ng tag-ulan nitong Hunyo 10, ayon sa PAGASA, pinaalalahanan na ng Department of Education (DepEd) ang mga Local Government Units na sa tuwing may mga kalamidad, kagaya ng malakas na pag-ulan o bagyo, ay agahan ang pagbibigay ng desisyon sa pagsususpinde ng klase. Sa ulat ng Pilipino Star Ngayon, nasa kamay na umano ng LGUs, lalo na kung walang storm signal na ipinapalabas, ang pagsususpinde ng klase sa kanilang mga nasasakupan. Marapat umano, ayon kay DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali, na bago pa lang mag-alas-5 ay nakapagpalabas na ng mga impormasyon ang LGUs hinggil sa suspensiyon ng klase.

B

ilang bahagi ng “National PaDRE and Men’s Health Day” program ng Department of Health (DoH), naglunsad ang naturang ahensya ng gobyerno sa pakikipagtulungan ng mga public at private hospitals sa buong bansa ng programa para mabigyan ng libreng check-up sa prostate ang mga kalalakihan, kasabay ng Araw ng mga Ama. Ayon sa ulat ng Pilipino Star Ngayon, libreng digital rectal examination (DRE) ang inihandog ng pamahalaan sa mga ama, ito’y upang maagang matukoy kung mayroon silang prostate cancer. Karaniwan kasing kinakapitan ng sakit na ito ay ang mga kalalakihang may edad na 40 taong gulang pataas. Ang prostate cancer ay ikinokonsiderang pangapat na pinaka-karaniwang cancer sa mga lalaki.

G

Pilipino, hindi lang sa buong bansa, ang ika-116 na Araw ng Kalayaan, kundi pati na rin sa ibayong dagat. Sa report ng programang “Balitanghali,” naging makulay ang iba’t ibang pagdiriwang sa iba’t ibang panig ng bansa at sa ibang mga bansa. Sa Roxas, Capiz, 116 na mga kalapati ang pinalipad. Sa Olongapo, mga plastic bottles naman ang kinulayan at pinagdikit-dikit para magmukhang watawat ng Pilipinas. Sa Lipa City sa Batangas, 5,000 mga estudyante ang nagtipun-tipon para bumuo ng

hugis-watawat. Samantala, sa ibang bansa, kagaya sa Kuala Lumpur, Malaysia at Hongkong, nagtipun-tipon ang mga Pinoy para sa handaan at parada. Ang ilan pa nga ay suut-suot ang tradisyunal na kasuotan ng bansa at sumayaw habang nagpaparada.

FREE NEWSPAPER Tawag lamang sa 090-1760-0599


6

Third Year Anniversary July 2014

Editoryal

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

THE

Daloy REVILLA Kayumanggi BONGSTORY Inspiring Global Filipinos in Japan

Publisher: D&K Company Ltd Editor: Mario Rico Florendo marioflorendo@daloykayumanggi.com 090-1760-0599 Sales and Marketing: Erwin Brunio (English,Tagalog) erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@daloykayumanggi.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnist: Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph

Aries Lucea Pido Tatlonghari Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.daloykayumanggi.com

 www.facebook.com/daloykayumanggi

N

aka-roll na ang mga

sa pagiging kakaiba nito sa lahat ng

ka-cue na ang direk-

ilang araw, trending na naman at

kamera, naka-set-up

na ang mga ilaw, nator at nakaabang na

ang mga usisero at usisera. Parang normal na tanawin sa shooting ng

isang pelikula ni Bong Revilla. Ang

mga previlege speeches na ginawa

sa Senado. At pagkatapos lang ng pumapalo sa ratings ang bagong adiksyon ng bayan.

Suot ang isang puting damit na

pinagkaiba lang ngayon, walang cut,

may nakasulat na verse sa bibliya,

na paraan at mas mahalaga, walang

lamang daw siya ng pamumulitika.

walang editor na magtatagpi-tagpi

ng mga pangyayari sa mas maayos

direktor na magsasabing cut kapag pangit ang akting.

Nanonood ka man ng balita sa TV,

nagbabasa ng mga reaksyon ng tao sa internet, o nakatutok sa paborito

mong teleserye, ito ang pinakabagong realiserye (seryeng hango sa

realidad) na tiyak tutukan at aabangan ng mga tao.

Nagsimula ito sa Napolist o sa

listahan ng sinasabing PDAF mastermind na si Janet Napoles. Pagkatapos masabit ang pangalan ni Bong

paulit-ulit na nanindigan ang Sena-

dor na siya ay inosente at biktima Pati ang miyembro ng kanyang pamilya ay nanindigan na walang

kinalaman si Bong sa mga akusasyon sa kanya. Sumangayon rin ang kanyang mga taga-suporta na nagtipon

sa compound nila sa Cavite para patotohanan ang kanyang kabaitan at

kagandahan ng loob lalo na sa kanyang mga natulungang kababayan.

Lahat ng mga eksenang ito, hindi pinalampas ng kamera at tuloy-tuloy

na kinunan at brinodcast sa buong Pilipinas.

Tulad ng isang tipikal na telesery-

Revilla, tila awtomatikong umikot

eng Pinoy, hindi tiyak kung kailan

kilik at pinagkaguluhan na episode

Bong o isa sa mga taong malalapit

ang kamera para sundan ang bawat

galaw niya. At isa nga sa mga tinangng realiserye ng bayan ay ang music

video cum privilege speech dahil

ito matatapos--madadagdagan pa ba

ng mga karakter, maa-amnesia ba si

sa kanya, may mangyayari bang kidnapan, etc.. Habang hindi tumitigil

Tokyo Boy By: Mario Rico Florendo mrico.03@gmail.com ang ganitong pag-cover ng media, panonood ng taong-bayan at pag-

arte ng mga taong sangkot, patuloy

na lumalabo ang pagkakaiba ng isang shooting sa pelikula tungkol sa

buhay halimbawa ni Bong Revilla at

ng tunay na nangyayari sa kaso ng

mga pulitikong inaakusahang nagnakaw ng pera ng bayan.

Ang nakakatakot pa dito, masyado

na atang nasanay sa kislap ng showbizness si Bong Revilla kung kaya pati ang Senado ay ginagamit niyang

lunsaran para sa kanyang new sin-

gle, ang coverage niya sa media ang ginagawa niyang pangangampanya

para sa pangarap niyang tumakbo bilang presidente, at ang taumbayan at ang Pilipinas ay ginagawa niyang

manonood para sa bago niyang realiserye.

Now showing: The Bong Revilla Story.


Ka-Daloy

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

7

Third Year Anniversary July 2014

KA-DALOY OF Paraan ng Pagluluto ng Ginisang Toge THE MONTH Loreen Dave Calpito Email: davecalpito529@gmail.com

Mula sa Pahina 1

MARIA CHRISTINE: ISANG BABAE, ISANG INA, ISANG INSPIRASYON

T

ampok sa May 25 episode ng palabas na Rated K, produksyong pinagtulungang buuin ng ABS-CBN sa Pilipinas at ng NHK Japan, ang kuwento ng pagkadakila at sakripisyo ng isang ina, si Maria Christine, isang Pinay na nakipagsapalaran sa Japan, mayroong dalawang anak na “Japinoy,” hiwalay sa asawa at ang ating Ka-Daloy of the Month. Marami ang naantig sa kuwento ni Maria Christine at ng kanyang mga anak. Isa sa kanyang mga anak ay isang sikat na sumo wrestler sa Japan, si Masunoyama Tomoharu. Mga Unos sa Buhay ni Maria Christine Sa naturang palabas, ipinakita ang ilang mga pagsubok na dumaan sa buhay ni Maria Christine at ng kanyang mga anak. Dumaan si Maria Christine sa isang “failed relationship,” sa ama ng kanyang dalawang anak. Isa umano sa mga nagpatibay pang lalo kay Maria Christine ay ang kanyang sakripisyo sa pagtataguyod sa dalawang anak, bagamat isang single mother. Sa panayam kay Maria Christine, naisin umano niyang makatapos ang kanyang mga anak sa kolehiyo at pagsilbihin sila hanggang sa sila ay makapag-asawa. Ngunit, dahil sa kanyang estado, bilang “single mother,” mahirap umanong gampanan ang mga iyon, sapagkat pinagsasabay niya ang kanyang responsibilidad sa kanyang mga anak at sa kanyang trabaho. Bagama’t mahirap, patuloy na naitataguyod ni Maria Christine ang kanilang pamumuhay ng kanyang mga anak, bagay na lubos namang ipinagpapasalamat ng kanyang mga anak. Sa Kasalukuyan Sa ngayon, bukod sa pag-aalaga sa mga anak, nagtatrabaho rin siya sa isang Day Care Center, nag-aalaga ng mga bata. Isa rin siya sa mga naghahanda ng pagkain sa sumo training center kung saan nag-eensayo para maging mas mahusay na sumo wrestler ang anak na si Masunoyama. Ang Kanyang mga Anak itinuturing niyang inspirasyon ang kanyang mga anak. Proud siya na isa sa kanyang mga anak ay pinapalakpakan na ngayon bilang isang sikat at magaling na sumo wrestler sa buong Japan. Isa rin sa kanyang mga anak ay nagtatrabaho, bilang hairdresser ng mga sumo, sa pareho ring training house. Bilib ang dalawang magkapatid sa kanilang ina, sapagkat nakaya niyang palakihin sila nang maayos, bagamat mag-isang nagtataguyod sa kanilang pamumuhay.

Ang “Happy Surprise” Sa naturang episode ng Rated K, ipinakita ang sorpresang inihanda ng kanyang mga anak, sa pakikipagtulungan ng programang Rated K at ng “Happy Surprise” ng NHK Japan, isang programang nagtatampok sa iba’t ibang taong gustong sorpresahin ang mga taong malapit sa kanilang mga puso. Sa naturang bidyo, sinorpresa si Maria Christine ng kanyang mga anak, sa pamamagitan gn “flash mob dance” sa Sensoji temple sa Asakusa, tampok ang mga sumo wrestlers na sabay-sabay na kumanta’t sumayaw. Ito, ayon kay Masunoyama, ay isang pamamaraan ng kanilang pasasalamat sa kanilang ina sa kanyang pagsisikap na buhayin sila ng kanyang kapatid at sa patuloy na pagsasakripisyo hanggang sa kasalukuyan. Walang duda, isa ngang repleksyon si Maria Christine ng isang Pilipina at inang masikap, matiyaga at matibay, anumang unos ang dumating sa kanyang buhay. Si Maria Christine, isang babae, isang ina, isang inspirasyon sa nakararami.

N

ami-miss mo bang kumain ng ginisang toge? Puwes, ito ang iyong gabay sa pagluluto ng masarap na ginisang toge “the Filipino way.”

Ang mga Sangkap na kakailanganin: 2 tasang toge upo na maliliit ang pagkagayat 1 tasang hipon 2 kutsarang mantika 2 kamatis2 butil na bawang 1 sibuyas katamtamang asin

ng balat ng hipong binayo o niligis sa almires. 3) Labinlimang minuto bago hanguin sa apoy ay ilalahok ang upo at titimplahan ng asing katamtaman.

Paraan ng pagluluto: 1) Sa tubig na mainit, ibabad ang munggo sa loob ng tatlong araw hanggang sa maalisan ng balot at bumuka, ngunit huwag kalilimutan ang makadalawang pagpapalit ng tubig sa loob ng maghapon at magdamag. Kapag ang butil ay maputi na ang lahat, samakatuwid ay toge na, aalisin ang bahaging maiitim. 2) Sa isang kawali ay magpapabango muna ng bawang, ihahalo ang mga kamatis, sibuyas at hipon at piniritong isdang hinimay upang gisahin, at sandali pa’y ilalahok ang toge. Ang isasabaw ay isang basong tubig na pinagkatasan

Bicol Express: Isang All-time Favorite na Lutong-Pinoy

I

sa sa mga maaanghang na pagkaing Pinoy, ang Bicol Express ay sikat bilang ulam at pulutan. Ang pagkaing ito ay kilalang madalas hinahain sa Kabikulan, ngunit naging all-time favorite na rin sa iba’t ibang panig ng bansa. Kabilang sa mga sangkap nito ay gata ng niyog at mga pampaanghang. Mga Sangkap:

Ibabad rito ang sili sa loob ng 30 minuto. Banlawan at salain. Sa isang kawali naman ay initin ang mantika at gisahin ang karne sa loob ng ilang minuto hanggang magkulaybrown. Sa isa namang kawali ay igisa ang dinikdik na bawang at sibuyas. Ihalo ang ginisang karne sa bawang at sibuyas. Ibuhos ang gata ng niyog at pakuluin sa loob ng 10 minuto. Ihalo ang sili at Baguio beans hanggang sa matuyo nang bahagya. Ibuhos ang coconut cream at hayaang kumulo hanggang lumapot ang sarsa. Lagyan ng asin para magkalasa.

1/4 kilong karneng baboy, hiniwa nang manipis 1 tasang Baguio beans 1 sibuyas, tinadtad 1 buong bawang, dinikdik 3 tasang sili o Jalapeno peppers 1 tasang gata ng niyog 1 tasang coconut cream 2 kutsarang mantika Asin bilang pampalasa

Paraan ng pagluluto: Maglagay ng tubig sa isang mangkok at haluan ng asin.

Travel Tips sa mga Budget Travelers

A

ng mga sumusunod ay ilan sa mga simple at mahahalagang payo hinggil sa pagbabakasyon, lalo na kung ikaw ay isang budget traveler, nagnanais na makapunta sa iba’t ibang lugar, makatikim ng iba’t bang kultura at makakilala ng iba’t ibang tao:

Bago magbook ng flight, ng hotel o ng vacation package, itsek kung alin ang pinakamura at sulit sa bulsa. Minsan ay mas nakakatipid bumili ng air tickets kapag direkta sa airline company kumpara sa travel agencies. Maging mapanuri sa mga nababasa. Kadalasan kapag naghanap sa Internet ng mga matutuluyan o mapupuntahan, hindi maiiwasang lumabas ang mga leybel t u l a d ng “top picks.” Hindi ito kinakailangang agad paniwalaan, madalas ay mayroong mas maganda pa at mura. Magbasa ng review kung maaari. Mag-aya ng kaibigan o kasama. Kapag grupo ay mas mura ang kinakailangang gastusin dahil meron kang kashare, lalo na sa mga tutuluyan at nirerentahan na mga

sasakyan na hindi mo kinakailangang bayaran nang mag -isa.


8

Third Year Anniversary July 2014

Daloy Kayumanggi

Global Filipino

"Inspiring Global Filipinos in Japan"

2014

ANONG USO NGAYONG

SUMMER Ni Herlyn Alegre

Ngayong papasok na naman ang tag-init, uso na naman ang maninipis at maiikling mga damit na mapreskong isuot lalo na kung mataas ang sikat ng araw. Pero hindi dahil tag-init, ayos na ang magsuot ng basta t-shirt at shorts. Hindi naman kailangang magmukhang nakapang-bahay sa ganitong panahon, maaari pa ring magmukhang fashionista sa simpleng outfit. Heto ang ilan sa mga get-ups na magpapalingon sa mga tao pagnapadaan ka:

PLAIN

Karaniwang nang print tuwing summer ang floral, pero para maiba naman, bakit hindi mo subukan ang plaid. Isang magandang pagkakataon ito para lumayo sa karaniwang summer prints na tiyak ay isusuot ng marami. Maaaring iterno ang plaid na polo sa maong na pantalon o shorts o di kaya naman ay plaid na pencil cut skirt at t-shirt na may magandang tatak.

MATITINGKAD NA KULAY

Iwasan ang madidilim na kulay tulad ng black at gray pag tag-init. Bukod sa mas madali itong mag-absorb ng init, hindi rin ito maaliwalas sa mata. Mas mainam magsuot ng matitingkad na kulay tulad ng dilaw, orange, sky blue at light green.

DENIM MAXI DRESS Sinong may sabing doll dress lang ang pwede pag summer? Nakikiuso na rin ang mga maxi dress o ang mahahabang bestida na umaabot hanggang paa sa ganitong panahon. Pumili ng magandang tela, tulad ng cotton, para kahit mahaba ito ay hindi mainit sa katawan. Mainam din ito sa mga taong ayaw ipakita ang ibang bahagi ng katawan.

CROP TOPS

Nagbabalik na uli sa uso ang mga crop tops o hanging blouses na labas ang kalahati ng tiyan. Hindi lamang ito presko isuot, maganda ring tingnan. Mainam itong ibagay sa mga plaid na palda o denim na shorts. Nagagawa nitong pang-summer ang porma nang hindi masyadong nagiging sexy ang itsura. May konting inilalabas na balat, pero meron pa ring natitirang itinatago.

MALAKING SUNGLASSES AT MATINGKAD NA LIPSTICK

Kung Angelina Jolie look ang gusto mong gayahin, ito na ang summer style na para sa iyo. Pumili ng korte ng sunglasses na babagay sa hugis ng mukha mo. Pumili ng size na mas malaki ng konti sa karaniwan mong binibili. Iterno ito sa isang matingkad na kulay ng lipstick tulad ng bright red o baby pink.

ON

Hindi lamang pang pantalon o shorts ang denim. Bakit hindi subukan ang denim jumper para maiba naman. Magsuot ng t-shirt na may makulay at matingkad na print tulad ng mga cartoon characters sa ilalim ng jumper. Kung gusto mong maging mas adventurous, maaari ring iterno ang denim na polo sa denim na pambaba tulad ng pantalon at shorts. Piliin ang manipis na uri ng denim para hindi ka gaanong pagpawisan

DENIM Gamit ang mga tips na ito, maari mo nang subukan ang isang mas mainit na look ngayong summer. Pwedeng pwede nang rumampa sa Tokyo at magpasikat ngayong taginit!


9

Third Year Anniversary July 2014

Daloy Kayumanggi

Personal Tips: Food Trip

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Paano Magluto ng Chicken Afritada Paano Magluto ng Masarap na Adobo Kaldereta: sikat na

Ulam at Pulutang Pinoy

A

ng chicken afritada ay isa sa kilalang ulam sa hapag-kainang Pilipino na gumagamit ng tomato sauce sa sarsa. Dahil manok ang karneng ginamit, naging paborito ang ulam na ito para sa mga taong hindi kumakain ng baboy. Gayunpaman, may mga taong hinahaluan din ito ng karneng baboy para sa dagdag na ulam at lasa. Mga Sangkap: ● 1 kilong manok o baboy, hiniwa ● 5 pirasong patatas, binalatan at hinati sa dalawa ● 1 red at green bell pepper, hiniwa nang pahaba o strips ● 1 sibuyas, tinadtad ● 1 buong bawang, dinikdik ● 2 tasang chicken o pork broth, depende sa gusto ng magluluto ● 1 tasang tomato sauce ● 2 kutsarang patis ● 3 kutsarang mantika Paraan ng pagluluto: Initin ang mantika sa isang kawali o kaserola. Igisa ang bawang at sibuyas. Idagdag ang karne at hayaang maging brown. Ihalo ang tomato sauce at stock. Hayaang kumulo sa mahinang apoy sa loob ng 20 minuto o hanggang sa medyo maluto o lumambot na ang karne. Ilagay ang patatas at ituloy ang pagluluto sa loob ng 10 minuto hanggang sa maluto ang mga gulay. Ilagay ang red at green bell peppers at hayaan pa itong kumulo sa loob ng 2 minuto. Lagyan ng asin at paminta bilang pampalasa. Ihain kasama ng kanin.

A

ng adobo ay isa sa pinakakilalang pagkaing Pinoy. Bukod sa pagiging masarap ay kilala rin ito bilang isang ulam na maaaring maging ulam kinabukasan o ihalo bilang sinangag. Madali rin itong gawin dahil paghahalu-haluin lang ang mga sangkap. Kung nami-miss mo ang adobo Ka-Daloy, heto ang pamamaraan ng pagluluto ng masarap na adobo, ayon sa website na foodnetwork.com: Mga Sangkap: ● ½ kilong manok o karneng baboy, maaari ring paghaluin ang dalawang uli ng karne ● ½ tasang suka ● ½ tasang toyo ● 1 kutsarang dinikdik na bawang ● 1 kutsaritang pamintang buo ● 3 bay leaves Paraan ng pagluluto: Paghaluin ang lahat ng sangkap sa isang kaserola o malaking kawali. Takpan at hayaang maibabad ng isa hanggang tatlong oras. Hayaang kumulo pagkatapos ay hinaan ang apoy. Muling takpan at hayaang maluto ito sa mahinang apoy sa loob ng 30 minuto. Haluin ito paminsan-minsan. Tanggalin ang takip at hayaan ulit itong kumulo hanggang sa lumapot ang sabaw at lumambot ang karne. Kailangan pa ng 20 minuto para tuluyang lumambot ang karne. Pagkaluto ay maaari na itong ihain nang may kanin.

Menudo: Isa sa Mga Paboritong Putaheng-Pinoy

K

ilalang-kilala ang menudo bilang isa sa mga putaheng inihahain sa hapag-kainang Pilipino. Madalas din itong inihahanda sa mga kapistahan at iba pang mga handaang Pilipino. Isa ito sa mga nagpapakulay sa handaan sa mesa at isa sa malalasang ulam na puwede ring pulutan. Kung nami-miss mo ang ulam na ito, pwedeng-pwede mo na itong ihanda kahit pa nasa ibayong bansa ka. Mga Sangkap: ● 1 kilong karneng baboy, hiniwa nang pa-kuwadrado ● 3 patatas, hiniwa nang pa-kuwadrado ● 2 carrots, hiniwa nang pa-kuwadrado ● ½ tasang pasas ● 1 green bell pepper, diced ● 1 red bell pepper, diced ● 100 g liver spread ● 500 ml tomato sauce ● 2 cloves garlic, dinikdik ● 1 sibuyas, hiniwa ● 50 gram Parmesan cheese Marinade

● 4 kutsarang toyo ● 1 tasang Sprite ● 2 bay leaves ● 2 kutsarang lemon juice ● 1 lemon Paraan ng pagluluto: Naririto ang pamamaraan ng pagluluto nito ayon sa food.com: Hatiin ang mga sangkap na pang-marinade sa dalawang parte. Itabi ang kalahati ng marinade habang ilagay ang hiniwang manok sa isa pa kasama ang bay leaf. Ibabad sa loob ng 30 minuto. Hanguin ang baboy mula sa pagkakababad. Gisahin ang bawang at sibuyas sa lutuan at ilagay ang karne kasama ang naitabing pambabad at bay leaf. Huwag takpan at hayaan lang itong kumulo. Bawasan ang sabaw hanggang sa maging kalahati na lang ito sa lutuan. Maaari ding maglagay ng sariwang atay ng baboy bilang dagdag na sangkap. Takpan at hayaang maluto. Ilagay ang tomato sauce at liver spread, patatas, carrots at pasas. Haluin paminsan-minsan. Lagyan ng asin at paminta para magkalasa. Ilagay ang keso at hayaan itong matunaw.

K

ilala para sa maanghang nitong lasa, ang kaldereta ay hindi lang isa sa mga sikat na ulam kundi bilang pulutan din sa mga inuman. Madalas, karneng baka ang ginagamit sa pagluluto ng ulam na ito, pero may ibang gumagamit din ng karneng manok o karneng baboy. Gaya ng ilang mga ulam, sagana rin ito sa sarsa na gusto ring ulam ng mga Pilipino. Narito ang pamamaraan ng pagluluto nito, ayon sa panlasangpinoy.com: Mga Sangkap: ● 1 kilong karneng baka, baboy o manok, hiniwa ● 3 cloves ng bawang, dinikdik ● 1 sibuyas, tinadtad ● 4 tasang tubig ● 1 tasang red bell pepper ● ½ tasang liver spread (ito ang magiging pampalapot ng sarsa) ● 1 tasang tomato sauce ● 2 tasang carrots, hiniwa ● 3 tasang patatas, hiniwa ● 1 kutsaritang pulang sili, dinikdik ● 3 bay leaves ● 1 tasang mantika ● 2/3 tasang green olives ● Asin at paminta bilang pampalasa Paraan ng pagluluto: Painitin ang mantika at unahing lutuin ang carrots at patatas hanggang sa mag-brown ito nang bahagya. Hanguin ang mga gulay at isantabi. Gisahin ang bawang at sibuyas sa parehong lutuan. Ilagay ang karne at lutuin sa loob ng limang minuto. Idagdag ang tubig at hayaang kumulo hanggang sa lumambot sa loob ng 30 minuto kung gagamit ng pressure cooker at halos 2 oras kung regular na lutuan. Ilagay ang tomato sauce at liver spread. Haluin at hayaang kumulo sa loob ng 10 minutos. Ihalo ang olives, ang mga naunang nilutong gulay, bay leaves, bell pepper, at sili tapos hayaang kumulo sa loob ng 5 hanggang 8 minuto. Lagyan ng asin at paminta upang magkalasa. Hanguin at ihain.

Chicken Tinola: Isa sa Pinakapaborito ng mga Pinoy

A

ng tinola ay isa sa pinakakilalang ulam na may sabaw para sa mga Pilipino. Madalas itong inihahanda tuwing tag-ulan o tuwing malamig ang panahon. Inihahanda rin ito kapag may sakit dahil ang sabaw nito ay mainam para sa mga nilalagnat o iba pang karamdaman dahil sa luya. Mga Sangkap: ● Mga 3 librang manok, nakahiwa na ● 3 clove bawang, dinikdik ● 2 kutsarang mantika ● 1 maliit na sibuyas, hiniwa ● 2 kutsarang bawang, hiniwa ● 2 kutsarang patis

● ●

4 tasang tubig 1 berdeng papaya, binalatan at hiniwa nang pa-kuwadrado ● 1 ½ tasang dahon ng sili Paraan ng pagluluto: Igisa ang bawang, sibuyas at luya sa pinainit na mantika. Ihalo ang manok at lutuin hanggang sa magkulay-brown ito. Ihalo ang patis at tubig. Hayaan itong kumulo. Hinaan ang apoy at hayaan itong kumulo sa mahinang apoy hanggang sa lumambot. Maghintay ng 30 minuto. Ihalo ang papaya at lutuin hanggang sa lumambot. Ilagay ang dahon at takpan. Pakuluan pa ito sa loob ng tatlong minuto. Tanggalin sa kalan at lagyan ng asin para magkalasa.


10

Third Year Anniversary July 2014

Daloy Kayumanggi

Personal Tips: Food Trip

"Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Paghahanda ng Halayang Ube Paano ang gumawa ng Palitaw Leche Flan: Isa sa mga Top Pinoy Desserts Favorites

I

sa rin sa mga kilalang minatamis para sa mga Pilipino, ang halayang ube ay gawa sa ube at hinaluan ng ilang sangkap upang maging mas malasa. Madalas itong mabibili sa mga tindahan bilang panghimagas o pasalubong sa pamilya. Konti lang ang sangkap na kailangan sa pagkaing ito pero medyo kailangan ng maraming preparasyon. Mga Sangkap: 1 kilong ube, mabibili ito sa mga palengke 1 latang gatas na evaporada 2 latang gatas na kondensada 1/2 tasang margarine o butter 1/2 kutsaritang vanilla extract

Paraan ng pagluluto: Naririto ang mga pamamaraan para sa pagluluto ng minatamis na ito, ayon sa filipinofoodrecipes.net: Pakuluan ang ube sa isang malaking kaserola o kaldero

sa loob ng 30 minuto. Hanguin at palamigin ang mga ube. Balatan ang hinangong ube at kudkurin. Magsalang ng isang kawa sa kalan at tunawin ang margarine. Idagdag ang gatas na kondensada at vanilla extract. Panatilihin sa medium ang apoy at haluin nang maigi ang mga nakasalang na sangkap. Ilagay ang isang kilong kinudkod na ube at hinaan ang apoy. Patuloy na haluin ang mga sangkap habang patuloy na niluluto sa loob ng 30 minuto. Maari nang tumigil sa paghahalo kapag naging malagkit na o medyo tuyo na ang mga nakasalang na sangkap. Ibuhos ang gatas na evaporada at patuloy na haluin sa loob ng 15 minuto. Palamigin at ilagay sa isang malaking platter. Kapag malamig na ay maaari na itong ilagay sa ref para patuloy na lumamig bago ihain sa pamilya o mga bisita.

Beef Mechado: Paboritong Ulam at Pulutan ng mga Pinoy

K

abilang sa mga malasang ulam na gamitin ng tomato sauce, ang beef mechado ay isa sa paboritong ulam at pulutan ng mga Pilipino. Ang pagkakaroon nito ng maraming sangkap ang nagbibigay ng linamnam sa mechado. Gaya ng ilang pagkaing Pinoy, may mga taong gumagamit din ng ibang karne bukod sa baka, gaya ng baboy at manok. Mga Sangkap: 1 kilong karneng baka, hiniwa 1/8 kilong taba ng baboy, hiniwa nang pahaba 5 patatas, hinati sa apat at maaari ring prituhin muna bago ihalo sa mechado 1 carrot, hiniwa 2 tasang beef stock o 2 beef cubes na tinunaw sa tubig 4 sibuyas, hiniwa sa apat na bahagi 2 red bell pepper, hiniwa ¼ tasang suka 2 tasang tomato sauce o kalahating tasang tomato paste 1 tasang toyo Asin at paminta bilang pampalasa Paraan ng pagluluto: Hiwain ang beef chunks at singitan ng isang strip ng karne ng baboy, parang gagawa ng mitsa. Sa isang kaserola, pagsama-samahin ang karneng baka na may baboy, toyo, tomato sauce, beef stock at bay leaves. Pakuluin at i-simmer hanggang sa maging halos malambot na ang karne. Ihalo ang suka at hayaan muling kumulo sa loob ng dalawang minuto. Idagdag ang patatas, carrots, sibuyas at bell pepper. Muling pakuluin hanggang sa lumambot ang mga gulay. Haluin paminsan-minsan para lumapot ang sarsa. Hanguin at ihain kasama ang kanin. Mga dagdag na tips sa pagluluto ng mechado, ayon sa filipinofoodrecipes.net: paggamit ng pressure cooker para mas mapadali ang pagpapalambot ng karne at pagprito ng patatas bago ihalo at pakuluan kasama ng karne at ibang sangkap.

I

sa rin sa paboritong meryenda ng mga Pinoy at madalas ay paborito rin itong gawing dessert ng karamihan ay ang palitaw, o sa ibang panig ng bansa, madalas itong tinatawag na “dila-dila.” Siyempre pa, maganda rin itong gawing negosyo mga Ka-Daloy. Tiyak, patok ito sa panlasa ng mga kababayan natin, sapagkat nakagawian na ngang ihanda sa lamesa sa tuwing may okasyon man o wala. Napakagandang ihanda ito sa mga bisita natin. Wika nga eh, “very Pinoy” ang dating ng palitaw. Narito ang mga ingrediente:

1 tasang galapong (sweet rice flour) 1 tasa ng tubig ½ tasa ng niyog 1 ½ tasang asukal ¼ na sesame seeds

Para sa preparasyon nito: Ihalo ang isang tasa ng galapong sa isang tasa rin ng tubig hanggang sa makagawa ng mixture. Mula sa mixture, maghulma ng hugis bilog gamit ang inyong mga palad. Pagkatapos nito, masahin ang bilog hanggang sa maghugisdila ito (o nasa sa inyo kung lalagyan niyo ito ng disenyo, iporma lamang ito sa gustong hugis). Gumawa ng 4-5 piraso nito. Habang ginagawa ang proseso ay magpakulo na ng tubig. Kapag kumukulo na, isa-isang ilalagay ang mga ginawang piraso sa kumukulong tubig. Kapag ito’y luto na, agad-agaran naman lilitaw paibabaw ang mga ito sa kumukulong tubig. Alisin ang mga ito sa kumukulong tubig gamit ang kutsara. Palamigin muna ang mga ito bago pagulungin sa budbod ng niyog at puting asukal. Pagkatapos, ihanda ang sesame seeds. Lutuin ang mga ito sa kawaling walang mantika at saka lamang iaahon ang mga ito kapag kulay brown na. Siguruhin ding malamig ang mga ito bago ibudbod sa palitaw, sapagkat matutunaw ang asukal nito kung agad-agarang ibinubudbod ang mga buto. Ito ay para sa isang serving lamang. At gaya ng nababanggit ko, tantyahin lamang kung gustong pangmaramihan ang serving. Imultiply lamang ang ingredients sa dami ng gustong serving. Hindi ba’t napakasimple lang gawin mga Ka-Daloy? Ang kailangan lamang ay budburan rin natin ang pagluluto ng kaunting tiyaga at pagmamahal.

Paano gumawa ng Atsara

M

asarap ang pagkain kapag may atsara mga Ka-Daloy. Ito ay nakakadagdag sa ganang kumain ng isang tao. Appetizer ika nga. Kapag nagnenegosyo halimbawa ng mga “sizzlers” (sizzling sisig, chicken, etc.) maganda itong gawing side dish, bukod sa appetizer na ay dekorasyon na rin sa pagkain dahilan sa ito’y makulay sa paningin. Mga sangkap: 1 tasang hilaw na papaya (kulay berde) ¾ tasang suka ¾ tasang asukal ¾ kutsarang asin

B

ilang sikat na panghimagas, ang leche flan ay madalas na inihahain sa mga handaan o maski hinahalo sa iba pang Pinoy desserts (kagaya ng halo-halo). Madali lang itong gawin at madali ring mabili ang mga sangkap. At kung balak mo itong gawing negosyo, pwedeng-pwede dahil masarap at walang katulad an ang Leche Flan. Naririto ang pamamaraan kung paano ihanda ang Leche Flan, ayon sa website na filipinofoodrecipes.net: Mga Sangkap: 10 pula ng itlog 1 latang gatas na kondensada 1 latang gatas na evaporada 1 kutsaritang vanilla extract o lemon essence Para sa caramel: 1 tasang asukal 3/4 tasang tubig

Paraan ng pagluluto: Paghaluin ang asukal at tubig sa isang saucepan. Isalang sa apoy hanggang sa kumulo at magcaramelize ito. Ibuhos ang caramelized sugar sa aluminum molds kung saan hahayaang mabuo ang leche flan. Maaari itong pabilog, kuwadrado o bilohaba na hugis. Sa isang malaking mangkok o mixing bowl, paghaluin ang mga gatas, itlog at vanilla extract gamit ang mixer o regular na wire whisk. Ibuhos ang nahalong sangkap sa aluminum molds sa sukat na isang pulgadang taas. Kumuha ng isang malaking pan at lagyan ng tubig na sakto lang para hindi lumubog ang aluminum molds. Ilagay dito ang mga lalagyan na may leche flan at ilagay sa pinainit na oven. Hintaying maluto sa loob ng 45 minuto. Alisin sa oven pagkaluto at palamigin. Tanggalin ang leche flan sa pamamagitan ng pagpapadaan ng manipis na kutsilyo sa paligid ng leche flan. Itaob ito sa ibabaw ng isang plato o flat na lalagyan. Pagkataob ay tanggalin ang mold at makikita ang parte na may caramelized sugar sa ibabaw.

4 na ulo ng bawang, hiniwa nang manipis 1 luya, hiniwa nang kasingnipis ng posporo 1 sibuyas na katamtaman ang laki, tinadtad 1 tasang carrots, tinadtad 1 siling berde (panigang), hiniwa nang manipis at pahaba 1 siling pula, hiniwa nang manipis at pahaba Pamamaraan ng Pagluluto: 1) Hugasan, gayatin at pigain ng apat hanggang limang beses hanggang matuyo ang papaya. 2) Pakuluan ang suka, asukal at asin sa isang maliit na kaserola. 3) Idagdag ang bawang, luya at sibuyas. 4) Pakuluan nang bahagya ang papaya. 5) Ilagay ang carrots at mga sili. 6) Pakuluang muli habang hinahalo ang mga pinagsamang sangkap. 7) Alisin sa kaserola at itabi sa isang malinis na garapon.


Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Personal Tips: Food Trip

Paano magluto ng masarap na Chopsuey

A

ng pagkaing Chopsuey ay ilan lamang sa mga pagkaing minana ng mga Pilipino mula sa mga Tsino. Isa ito sa mga pinakakilalang pagkain na halos puro gulay ang sangkap at madalas inihahain sa mga handaan. Madali rin itong gawin pero maraming sangkap ang kailangan para gawing mas malasa ang pagkaing ito. Kung nami-miss mo nang husto ang Pilipinas, isang pamamaraan para maiwasan ang homesickness ang pagluluto ng pagkaing ito. Tara’t alamin ang pamamaraan ng pagluluto ng masarap na Chopsuey: Mga Sangkap: 1/4 kilong karneng baboy, hiniwa sa maliliit na piraso 1/4 kilong hipon, nilinis at hinati 1/4 kilong atay at balun-balunan ng manok, hiniwa sa maliliit na piraso 1/4 kilong repolyo, hiniwa nang pakuwadrado 1/4 kilong cauliflower, hiniwa nang maliliit 1/4 kilong sitaw 1/4 kilong sitsaro 3 tangkay ng celery, hiniwa sa 2-pulgadang piraso 2 tangkay ng leeks, hiniway sa 2-pulgadang piraso 5 cloves ng bawang, dinikdik 2 sibuyas, tinadtad 1 carrot, hiniwa nang maninipis 1 red bell pepper, hiniwa nang pahaba 1 green bell pepper, hiniwa nang pahaba 2 tasang chicken stock

11

Third Year Anniversary July 2014

Pamamaraan ng pagluluto ng Lumpia Lamang Dagat (Seafood Egg Rolls)

3 kutsarang sesame oil 3 kutsarang patis 2 kutsarang cornstarch na tinunaw sa 1/4 tasang tubig 4 kutsarang mantika Asin bilang pampalasa

Paraan ng pagluluto: Igisa sa isang malaking kawali ang bawang at sibuyas. Ihalo ang mga karne at igisa. Ibuhos ang isang tasang chicken stock, lagyan ng asin, at pakuluan sa loob ng 15 minuto o hanggang sa malambot na ang mga karne. Unang ilagay ang hipon tapos ilagay na ang mga gulay. Ibuhos ang natitirang chicken stock, cornstarch na nakahalo sa tubig at patis. Patuloy na lutuin sa loob ng 10 minuto o hanggang sa naluto na ang mga gulay. Idagdag ang sesame oil para sa dagdag na lasa at mas malinamnam na amoy. Lagyan ng asin at paminta para mas maging malasa ang pagkain. Ihain bilang ulam.

K

akaiba ang resiping “Lumpiang Lamang Dagat.” Ito’y sapagkat lamang dagat ang sangkap ng lumpiang ito, kaiba sa normal na nilulutong lumpia (na madalas ay karne ang nasa loob nito). Sa mga nagbabalak magluto, tamang-tama ito sapagkat magugustuhan ito ng inyong pamilya. Naririto ang mga sangkap: 1 malaking sibuyas (kinakailangang tinadtad ang mga ito) 1 malaking kamatis na tinaadtad din 2 kutsaritang garlic powder 2 tasang alimasag na hinimay-himay 2 tasang hipon 2 tasang lapu-lapu 2 kutsarang toyo ¼ tasang pasas (na pupuwede namang wala) ¼ tasang tuyong silantro 1 itlog na binate Asin Paminta Samantala, ang mga sangkap naman para sa balat (wrapper):

24-30 egg roll wrappers (mabibili sa mga tindahan) 1 itlog na binate Narito naman ang pamamaraan ng pagluto: 1) Igisa ang sibuyas at kamatis. 2) Idagdag ang alimasag, hipon at lapulapu. 3) Timplahan ito ng garlic powder, asin, paminta at toyo. Haluin itong maigi. 4) Idagdag at silantro at pasas. 5) Kapag kumulo na, ihalo ang itlog at alisin sa apoy at itabi. 6) Maglagay ng tig-2 kutsara nang nalutong sangkap sa mga eggroll wrapper. 7) Pahiran ito ng itlog. Kinakailangang binati ang itlog upang magdikit ang dulo ng wrapper 8) Prituhin sa mainit na mantika hanggang sa ito’y maging malutong. 9) Patuluin ang sobrang mantika. 10) Ihain ito kasama ng ketsap o sweet and sour sauce. Ganyan lamang kasimple ang ating resipi mga Ka-Daloy, madaling lutuin at talaga namang napakasarap kung ito’y titikman.

Sinigang na Baboy: maasim at URGENT HIRING! kinatatakaman ng maraming WANTED FILIPINA ~ FILIPINO mga Pinoy R.O CORPORATION Isa ring sikat na ulam tuwing malamig ang panahon, ang pork sinigang ay kilala para sa maasim nitong timpla na dulot ng iba’t ibang sangkap gaya ng sampalok, bayabas at iba pa. Mabibili na rin ngayon ang ilang sinigang mix na magpapaasim at magdadagdag ng lasa sa sinigang kahit walang regular na mga sangkap na nagdudulot ng maasim na lasa. Maaari ring gumamit ng ibang uri ng karne na nais ng magluluto. Madali rin itong gawin dahil paghahalu-haluin lang ang mga sangkap at pakuluan. Mga Sangkap: 3/4 kilong karneng baboy, hiniwa 3 kamatis, hiniwa 100 gramong kangkong 100 gramong string beans o sitaw 3 pirasong gabi, binalatan at hiniwa 2 pirasong labanos, hiniwa 2 siling pansigang 2 gramong sampalok 2 sibuyas, hiniwa 5 cloves ng bawang, dinikdik 3 kutsarang patis 1 litrong tubig o pinaghugasan ng bigas

Paraan ng pagluluto: Pakuluan ang sampalok sa tubig hanggang sa magkaroon ito ng crack. Palamigin at tanggalin ang balat ng sampalok. Salain ang pinaku-

luang tubig na may sampalok. Bahagyang masahin ang sampalok para matanggal ang buto at muling salain. Ito ang magpapaasim sa sinigang.

Sa isang kaldero, igisa ang bawang at sibuyas. Ihalo ang kamatis at hayaan lang na maluto sa loob ng limang minuto. Ihalo ang karneng baboy at patis. Ibuhos ang tubig o pinaghugasan ng bigas at hayaang kumulo sa loob ng 15 minutos. Ilagay ang gabi at iiwan ulit na kumulo sa loob ng 15 minutos o hanggang lumambot ang karne.

DRY CLEANING

Hamura. Hakonegasaki Station 1Hour TIME: 8:00 ~ 17:00, 9:00 ~ 17:00

900

PLACE: Musashi Sunagawa Station Time: 8:00 - 17:00 Compo, Kumitate, Kenga, Mishin Overtime - Kailangan

1Hour GIRL

1Hour BOY

900 1000

Ilagay ang labanos at pakuluan sa 10 minuto. Pinakahuling ilagay ang kangkong, sitaw at sili. Pakuluan ulit sa loob ng 2 minuto. Ang pamamaraang ito ay base sa website na filipinorecipes.net.

Monday to Saturday

PLACE: Sayama Shi (Cleaning) Time: 8:00 ~ 17:00 GIRL

1Hour

900

1Hour

BOY

900

Can Speak Japanese, Tagalog, English LOOK FOR

MORITA

080-6500-1819


12

Ads

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"


Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Ads

13


14

Third Year Anniversary July 2014

Ads

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino


Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

15

Third Year Anniversary July 2014

Travel

Slice of Mango, Slice of Life Aries Lucea Email: arieslucea@daloykayumanggi.com www.daloykayumanggi.com

Toba: Of Divers and the Finest Pearls AMACHAN n the town of Toba, women have been diving the waters for hundreds of years. In celebration of this tradition, and to pay homage to the sea god Susano, the local divers gathered for an event at Kuzaki beach. They are called ama in Japanese and about 100 of them made three dives for red abalone. Ama are a big part of the local culture. But most of them are now old and most of them are grandmothers. There are but a few Ama divers belonging to the younger generation. Sadly, this might be a dying tradition. Dining on the amachan hut is such a great experience. These diving grandmothers have a wealth of stories to tell. Stories plus the freshest seafood you can eat, it’s an experience that shouldn’t be missed. Reservation required, please check their website for more information http://amakoya.com/.

I

MIKIMOTO AND HIS LOVELY PEARLS Well, if there is one thing that Toba is famous for besides ama, it is oysters and pearls. In the past the women would dive for them off the coast. Then in the early 1900s a man by the name of Kokichi Mikimoto succeeded in culturing pearls. Though British biologists originally devised the technique, Mikimoto teamed up with a former dentist and perfected the way of seeding oysters on a commercial scale. The process is actually very complex, and about half the traumatized oysters die before maturing. Of those that survive only a few produce pearls, and the number that can be used in jewelry constitute but a small percentage of the overall yield. The rest are rejected because they are not round enough, or are too small or otherwise flawed, and they end up as crushed pearl powder, an ingredient for many high-end cosmetics. In his lifetime Mikimoto became a very wealthy man. He set up pearl farms in the small bays that line the rugged coastline of Ise-Shima. In addition to producing pearls he also sold the meat of the oysters and ground down the shells to make fertilizer. 50 years have now passed since his death but the legacy of Mikimoto lives on through his business. The harvesting season is in winter because cold water affects the oysters in a way that produces the best quality of pearls. Their meat also becomes widely available at the time. A popular thing to do is visit a local restaurant and partake in an all you can eat feast. I remember how the Mikimoto window display along Manhattan’s 5th Avenue, would made my knees soft and dream about buying those expensive pieces for my then Japanese girlfriend and now wife. Well, 10 years later, I’m still hoping that one day I can buy her those fine Mikimoto pearls.

MORE TOBA ATTRACTIONS Toba is such a wonderful place. There is still so much to see and experience in this lovely town, aside from oysters and pearls. For one, the Toba Aquarium is of great significance for us Filipinos. It houses two dugongs, and is actively involved in its conservation efforts back in the Philippines. My kids also enjoyed the attractions at the Spain Mura, a Spanish theme park and a dolphin show at Irukashima. Well, that and more on my next feature here on Daloy Kayumanggi. Enjoy the Japanese summer. Do not miss the opportunity to explore the wonders of this beautiful country.


16

Third Year Anniversary July 2014

Komunidad

BUHAY GAIJIN ni Pido Tatlonghari Mobile: 090-9103-8719 Email: buhaygaijin@gmail.com

Lahat ng bagay, masaya man o hindi, ay lilipas din. Isa itong paalala na sa buhay, ang mga bagay na importante sa iyo ay hindi palaging andyan at ang masasayang araw ay matatapos rin. Kakaibang Summer sa Japan

ANG SAYA NG SUMMER MO!

I

sa akong probinsyano, lumaki sa napakagandang isla ng Palawan. Kung kaya’t ang tag-araw para sa akin ay larawan ng saya. Kadalasan kami nuon ay bumibisita sa aming mga kamag-anak sa Maynila at Batangas. Masaya kasi nakikita mo ang lahat ng iyong mga pinsan, tito, tita, lolo at lola. Marami kang nakikitang bago, lalo nuon wala pang Jollibee sa bayan namin, walang mall. Kaya tuwing bibisita kami sa Maynila, kakaibang alaala ang nabubuo sa aking isipan. Pero kahit na may ibang pang-akit at ganda ang Maynila at Batangas, may katangitanging larawan sa akin ang tag-araw bilang lumaki sa isang island province.

Underground river, Puerto Princesa City Kung babalikan ko ang aking mga alaala ng tag-araw nuon, may tatlong imaheng palaging paulit-ulit kong nakikita: 1. Masarap itong namnamin kasama ang pamilya. Naaala ko pa nuon, tuwing pupunta kami ng beach, maaga kaming gigising para maghanda. Si tatay ay pupunta sa palengke para mamili ng karne at isdang iihawin. Si nanay naman ay abala sa pagluto ng pansit o spaghetti, adobo o kaya naman ay menudo. Kasama pa dito ang paggawa ng egg sandwhich at pampalamig na pineapple juice bilang baon sa aming family excursion. Kami naman ng mga kapatid ko at mga pinsan ay abala sa pagpapalobo ng salbabidang daldalhin. Kailangan dala ang goggles para hindi mahirap sumisid dahil mahapdi sa mata ang tubig alat. Ang sama-sama naming pagkilos ang nagbibigay ng ibang kulay sa panahong ito. May nabubuong excitement na malalampasan lang ng sayang mararamdaman mo kapag nagtampisaw ka na sa dagat. Dahil paulit ulit namin itong ginagawa, maraming alaala ng beach ay mga alaala rin ng pagmamahal ng aking pamilya na hinubog ng maraming taon. 2. Masarap ang walang intindihin Pagpasok pa lamang sa beach, diretso agad sa dagat. Buong araw kaming

nakababad sa tubig, sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Lagi kaming sinasabihang mga bata na para kaming mga daing na kusang nagpapa-“tuyo” sa araw. Walang tigil na habulan, paglangoy at batuhan ng buhangin. Titigil lamang kapag nagutom na. Minsan pa nga, dala-dala na din ang sandwich sa dagat, para walang masayang na minuto. Kaya naman, pagdating ng dapit-hapon, halos ang maputi na lamang sa aming mga mukha ay ang aming mga mata at ngipin. Sun burn kung sun burn. Ang mahalaga nuon ay magpasasa sa paglalaro sa beach. Hindi alintana ang oras na pinapalampas, ang hapdi ng balat sa pagkakasunog nito o ang pagod sa maghapong paglalaro.

Minsan, madaling malimutan na kailangan natin ang ganitong mga sandali – yung isipin ang ngayon at namnamin ang kasalukuyan at ang dala nitong saya.

Island Hopping sa Honda Bay, Puerto Princesa City 3. Lilipas din ito At gaya ng kasabihan, walang magandang bagay na hindi nagtatapos. Hudyat nuon na malapit ng matapos ang tag-araw kapag umulan na ng Mayo. Kapag nangyari na ito, kaming magpipinsan, magkakalaro, para kaming mga langgam na nawala sa linya, hindi mapakali, laging naghahanap ng ibang pupuwedeng gawin, laruin o puntahan. At dahil mahilig din akong mag-aral nuon, ang pagwawakas ng tag-araw ay hudyat din ng panibagong simula, bagong baitang sa eskwela. Kaya’t kahit malungkot dahil hindi ka na ulit makakapag-babad sa ilalim ng araw, masaya ka rin dahil may panibago kang sisimulan, bagong bagay na pwedeng matutunan at maranasan.

Pagpasok ng summer sa Japan Nuong simula akong manirahan dito sa Japan sampung taon na ang nakararaan, isa sa mga unang bagay na sinabi ko sa sarili ay “goodbye summer.” Kasi nuon, ang iniisip ko walang malapit na beach sa Tokyo, na pwedeng liguan. Pwede kang pumunta ng Odaiba, pero para maamoy lang ang dagat at maglakad sa beach. Hindi pwedeng maligo.

Playing by the Odaiba beach Nalaman ko din na ang pinakamalapit na beach sa Tokyo na pwedeng liguan ay matatagpuan sa Kamakura-shi, Kanagawa. Dahil hindi din naman sya kalapitan, kasama pa ang napakahabang lakaran mula sa Kamakura station, halos katamaran mo na ang pagpunta. Sa loob ng ilang taon, hinayaan ko na lamang palipasin ang tag-araw na para bang isa itong hindi kilalang tao, nakikita mo pero hindi mo naiintindihan, hindi mo kilala. At, dahil dito parang may isang bagay na nagsara sa aking kaloob-looban. Narealize ko na ito ay isang malaking pagkakamali sa aking attitude. Laking pasasalamat ko na sa tulong ng mga tao sa aking paligid, muling nabigyan nang kakaibang buhay ang aking tag-araw dito sa Japan. Summer is not just the beach Ang tag-araw ay higit pa sa pagpunta sa beach. Ito ang isang importanteng leksyon aking natutunan upang muling makita ang tatlong imaheng aking kinagisnan na sumisimbolo sa tag-araw. Imbes na palipasin ito sa pamamagitan ng pagtitiis sa isang air-conditioned room, marami kang pwedeng puntahan sa Tokyo o sa kalapit na prefecture para maging makulay na muli ang tag-araw. Naggagandahang Parks Maraming naggagandahang parke sa Tokyo. Isa sa aking pinakapaborito ay ang Inokashira Park sa Kichijoji. Mayroon sila

ditong isang malaking lake na kung saan pwede kang mag-boating. Kapag napagod ka na sa kaka-paddle o pedal, pwede

kang magpalipas ng oras sa pakikinig at pagmamasid sa iba’t ibang performer na

nakakalat sa parke. Naglipana din ang iba’t ibang kainan na pwede mong tambayan.

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Boating sa Inokashira park sa Kichijoji

Leisure Pool Maraming leisure pools sa Japan. Mayroon in-door at outdoor pools. Isa sa in-door pools na aking nagustuhan para pagbabaran para labanan ang init ng panahon ay ang Spa Resort Hawaiians, www.hawaiians. co.jp, sa Fukushima. Nakabisita kami dito bago naganap ang triple-disaster sa Tohoku. Talaga namang na-enjoy namin ang kanilang mataas at mahabang water slides, kasama pa ang kanilang Polynesian dance shows at masarap na pagkain. Outdoor Pool At ang maituturing kong pinakakahawig ng pagpunta sa beach ay ang pagpunta sa Kawagoe Aquatic Park sa Saitama. 40 minuto mula sa Ikebukuro, ang water park na ito ay may iba’t ibang outdoor pools na pwede mong pagpilian. Kasama na dito ang isa kung saan pwede mong maranasan ang madaanan ng isang 2 metro na taas na alon. At ang pina-sentro ng parke na ito ay ang kanyang iba’t ibang water slides na hindi pwede para sa mga mahina ang loob.

Water slides sa Kawagoe Aquatic Park Sa mga napuntahan kong lugar at naranasan para gawing muling masaya ang aking tag-araw sa Japan, narealize ko na kung wala man ang pamilya mo dito sa Japan, pwede kang gumawa nang bago sa pamamagitan ng pakikihalubilo at pag-gawa ng bagong mga kaibigan. Masarap puntahan ang lahat ng lugar na ito kung may kasama kang pwedeng pagbalik-tanawan sa mga naranasan mo. Kung mabilis man ang buhay sa Tokyo o sa iyong parte ng Japan, hindi naman kailangang araw-araw ay ito ang maging takbo ng buhay mo. Maganda ding magdahan-dahan, lasapin ang bawat experience. At sa lugar kung saan ang lahat ay mabibili na sa convenient store, hindi na halos kailangan ang mahabang preparasyon. Just do it! At minsan, dahil ang init sa Japan tuwing tag-araw ay talaga namang parang hindi mo kakayanin, madalas nating isipin na sana ay panahon na ng taglagas. Masarap isipin pero kailangan nating pagdaanan ang bawat panahon, kung saan ang bawat isa ay may kanyang sariling dalang ganda, saya at alaala. Have fun! *** Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtangkilik sa ating column, lalo na sa Daloy Kayumanggi. At ngayong buwang ito, ipinagdiriwang nating ang ikatlong taon ng Daloy Kayumanggi. Happy Anniversary sa ating lahat, ka-daloy! Sana ay samahan nyo kami sa mga darating pang taon. Hanggang sa muli!


Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Komunidad

"Yaizu Basketball League 2014 Season 4"

" S p o n s o r e d b y We s t e r n U n i o n i n cooperation with family mart and organized under the chairmanship of Mr. Randie L. Almodiel."

17

Third Year Anniversary July 2014


18

Third Year Anniversary July 2014

Global Filipino

EYE CANDY

A romantic comedy about an Englishman brought in to help to unmask a possible swindle. Personal and professional complications ensue. Written and Directed by Woodly Allen and Starring Emma Stone (Amazing Spiderman), Colin Firth (King's Men), Jackie Weaver (Silver Lining Playbooks) and Marcia Gay Harden (Mystic River).

Jagger Aziz Tel: 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com Email: jaggeraziz@daloykayumnaggi.com www.daloykayumanggi.com http://jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz

Having endured his legendary twelve labors, Hercules, the Greek demigod, has his life as a sword-for-hire tested when the King of Thrace and his daughter seek his aid in defeating a tyrannical warlord. Action / Adventure

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

MAGIC IN THE MOONLIGHT

Upcoming Movies for July 2014

HERCULES

Daloy Kayumanggi

Comedy / Drama / Romance

DAWN OF THE PLANET OF THE APES

A growing nation of genetically evolved apes led by Caesar is threatened by a band of human survivors of the devastating virus unleashed a decade earlier. They reach a fragile peace, but it proves short-lived, as both sides are brought to the brink of a war that will determine who will emerge as Earth's dominant species.

Action / Sci-Fi / Drama

DELIVER US FROM EVIL

NY police officer Ralph Sarchie (Eric Bana), investigates a series of crimes. He joins forces with an unconventional priest (Edgar Ramirez), schooled in the rituals of exorcism, to combat the possessions that are terrorizing their city.

Crime / Horror / Thiller

TAMMY

LUCY

SEX TAPE

After losing her job and learning that her husband has been unfaithful, a woman hits the road with her profane, hard-drinking grandmother.

A woman, accidentally caught in a dark deal, turns the tables on her captors and transforms into a merciless warrior evolved beyond human logic.

A married couple wake up to discover that the sex tape they made the evening before has gone missing, leading to a frantic search for its whereabouts.

Comedy

Action / Sci-fi

Comedy


19

Third Year Anniversary July 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

HINDI DAW PWEDE Pedro: Pwede bang magka-cellphone ang mga mahihirap? Juan: Hindi puwede. Pedro: Bakit naman? Juan: Eh kasi nga “the subscriber cannot be rich” ‘di ba?.

SA KASALAN

Padre: Ikaw lalaki, ikaw ang magiging haligi ng tahanan. At ikaw naman babae, ikaw ang magiging ilaw ng tahanan. Biyenan: Eh ako naman padre, ano ako? Padre: Eh... Ikaw ang anay ng tahanan.

HINDI NA TUTUBUAN

Dermatologist: Miss, I have a good news for you. Babae: Ano po yun dok? Dermatologist: Hindi na kayo tutubuan ng tigyawat. Babae: Ah, talaga po? Bakit ho? Dermatologist: Dahil wala nang space.

PAGKATAPOS NG OPERASYON

Pasyente: Dok, bakit naman ho ganito ang resulta ng operasyon ko, halos kita na ang utak ko? Dok: Eh at least, ngayon, open-minded ka na. Ayaw mo pa nun?

MUKHA KANG...

Anak: Tay, ba’t ho ganun, ‘pag nakaharap daw ako kamukha ko si Jose Rizal. ‘Pag nakasideview naman si Manuel Roxas. Ano hong

LEO Hul. 23 - Ago. 22 M a l a m a n g n a magkakaroon ng kaunting tampuhan sa isang taong malapit sa’yo. Matuto lamang magpakumbaba at ‘wag pairalin ang pride para magiging ayos ang lahat. Yellowgreen ang okay na mga kulay sa’yo; 14, 2 at 6 naman ang sa numero.

VIRGO Ago. 22 - Set. 23 Kung may naisip kang magandang gawin, ‘wag nang ipagpabukas pa. Gawin ang lahat ng makakaya nang sa gayon ay m a k a k a m i t a n g i n a a s a m n a tagumpay. Lucky colors at numbers: Violet; 8, 18 at 25.

LIBRA Set. 24 - Okt. 23 Iwasan ang pagiging mainitin ang ulo. Matutong pakalmahin ang iyong sarili at ituon ang atensyon sa ibang makabuluhang mga bagay. Masusuwerteng numero: 23, 19 at 28. Masuwerteng kulay: Pink.

ibig sabihin nun? Tatay: Isa lang ibig sabihin niyan anak... Mana ka sa akin. Mukha kang pera!

at umutot ka, ‘di ba ang tunog ay “fruuuut?”

NAKASABIT

Pasyente: Dok, ano ho ‘yang nasa tenga niyo? Thermometer? Dok: Ah... Oo. Naku! Kaninong pwet ko kaya Juan: Ano ho yang sa kabilang kwarto? San Pedro: Ah... ‘Wag ka diyan, impiyerno ‘yan? naiwan ang bolpen ko? BAKIT MAY ASIN SA DAGAT? Juan: Ah gusto kong lumipat diyan. San Pedro: Bakit? Pedro: Juan, bakit may asin sa dagat? Juan: Magbebenta ako ng ice tubig. Mainit Juan: Eh kasi, sinadya ‘yan ni Lord para hindi diyan ‘di ba? mapanis ang mga isda.

SA LANGIT

WHAT CAN YOU SAY ABOUT THE...?

JReporter: Sir, ano pong masasabi niyo hinggil sa violence sa bansa? Pulitiko: Eh kung maggitara nga hindi ko alam, ‘yan pa kayang violence?

AYAW BUMULA

Juan: Lintek na shampoo ito, ayaw bumula. Pedro: Eh paanong hindi bubula, eh hindi mo naman nilagyan ng tubig. Juan: Ano ka ba? Pang-dry hair daw ‘to no? B*bo ka ba ha?

GUSTONG MAGPAGAWA NG ISA PA ANONG ISDA ANG... Juan: Waiter, isa ngang kape! Waiter: Decaf po ba? Juan: Niloloko mo ba ako? Syempre, alangan namang dePlate!

MALAKAS ANG BUSINESS

Pedro: Juan, anong isda ang dalawang ulit ang pangalan? Juan: Ano pa, eh ‘di hasa-hasa at lapu-lapu. Pedro: Eh ang tatlo? Juan: Ah... Eh... 555?

Prosti: Dok, pwede ho bang magpagawa ng isa ANO'NG FUTURE TENSE NG...? pang vagina? Titser: Ano’ng present tense ng luto? Dok: Eh bakit naman? Student: Nagluluto po ma’am! Prosti: Eh, malakas po business eh. Titser: Tama! Ano naman ang past tense? FRUITS OR VEGETABLE? Student: Nagluto po! Pedro: Juan, ang kamote ba ay fruit o vegetaTitser: Eh, ang future tense? ble? Student: Kakain na po, ma’am! Juan: Ano pa eh ‘di fruit? PAANO KUNG HINDI SATISFIED? Pedro: Ba’t nasabi mong fruit? Pasyente: Okay ba ang services sa ospital na Juan: Eh kasi ‘di ba, ‘pag kinain mo ang kamote

SCORPIO Okt. 24 - Nob. 22 Isang magandang balita ang darating sa’yo ngayon. Magiging maligaya rin ang iyong buhay-pag-ibig. Inaayunan ka rin ng panahon pagdating sa pinansiyal na aspekto ng iyong buhay. Mint green ang swerteng mga kulay; 20, 10 at 6 naman ang mga numero mo.

SAGITTARUIS Nob. 23 - Dis. 21 Maging mapagpakumbaba sa iyong mga kasamahan, sa bahay pati na sa trabaho. Para makaiwas sa gulo, ‘wag nang pansinin pa ang ilang mga kantiyaw o biro pa. Swak sa’yo ang kulay gray. Numerong 2, 23 at 31 naman ang okay sa iyo.

CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20 ‘Wag masyadong pagurin ang iyong sarili pagdating sa pagtatrabaho. Matutong alamin ang limitasyon ng iyong katawan. Matutong huminto paminsan-minsan at huminga. Blue ang masuwerte sa’yo. Ikonsidera rin naman ang mga numerong 15, 2 at 22.

AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19

ito? Dok: Oo naman. Sigurado yun. Pasyente: Paano kung hindi ako satisfied? Dok: Ibabalik namin ang sakit mo.

HINDI MARUNONG SA MATH SI HOLDAPER

Holdaper 1: Yehey! Mayaman na tayo! Holdaper 2: Bilangin mo na! Holdaper 1: Alam mo namang mahina ako sa math. Abangan na lang natin sa balita kung magkano!

HINDI MATAGAL YUN

Juan: Pare, ang bilis kong nabuo itong puzzle. Pedro: Ows, talaga? Gaano naman kabilis? Juan: 5 months! Pedro: Tagal naman! Juan: Tagal bay un? Nakalagay nga rito eh: “For 3 years and up.”

ANONG PAMAGAT?

Misis: Hon, ano ‘yang binabasa mo at pinagpapawisan ka? Mister: Horror! Misis: Anong pamagat? Mister: Mga utang natin!

WALANG PERA SA LANGIT

Pari: Ang kayamanan at pera ay maiiwan natin kapag tayo ay namatay, walang may pera sa langit. Bata: ‘Nay, narinig mo yun? Nasa langit na pala tayo...

mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp www.tumawa.com

TAURUS Abr. 21 - May. 21

M e dyo m a g h i n ay- h i n ay pagdating sa pamimili ng mga bagaybagay. Baka magulat ka, bukasmakalawa ay ubos na ang perang matagal mong pinag-ipunan at pinaghirapan. Numbers of the month: 24, 27 at 29. Color of the month: Indigo.

May tawag na magbibigay sa iyo ng kagalakan. Samantala, iwasan naman ang masangkot sa gulo. Mas maigi na lamang ‘wag makialam upang makaiwas sa gulo. Power numbers: 1, 17 at 3. Lucky colors: red at brown.

PISCES Peb. 20 - Mar. 20

Maisasaayos mo ngayon ang iyong suliranin sa pinansiyal. Ipagpatuloy lang ang pagtitiwala sa panginoon at sa iyong sariling kakayahan. Ang iyong color of the month ay blue. Numero mo naman ngayon ang 16,

P i l i i n g i t a p o n a n g m ga masasamang pag-uugali at palitan ng mga bagay na makakatulong sa’yo para lalo pang irespeto ng iyong kapwa. Power numbers at color: 3, 1 at 17; red.

ARIES Mar. 21 - Abr. 20 M a g a g a m i t n g ayo n a n g iyong kakayahan upang matapos ang isang proyekto. Mag-ingat din sa pagpili ng mga taong pagkakatiwalaan. Ang mga numerong 5, 30 at 23 ay masusuwerte naman sa’yo. Para sa kulay, okay sa’yo ang orange.

GEMINI May. 22 - Hun. 21

CANCER Hun. 22 - Hul. 22

Makakatulong sa pagreresolba ng iyong problema kung matutong makinig sa mga nakatatanda sa inyong tahanan o sa pinapasukan. Samantala, ‘wag ka namang basta-bastang maniniwala sa mga tsismis na naririnig sa paligid. Alamin muna ang totoo bago magdesisyon sa isang bagay. Yellow ang swerte sa’yo ngayong buwan. Kung binabalak namang tumaya sa mga lottery, ikonsidera ang mga numerong 4, 19 at 27.


20

Third Year Anniversary July 2014

World Cup 2014, opisyal na binuksan sa Brazil

I

sang makulay na seremonya ang opisyal na nagbukas sa 2014 World Cup tournament na idinaos sa Arena de Sao Paulo sa bansang Brazil. Ang sinasabing $9 million-worth na opening ceremony ay hinati sa tatlong bahagi. Ang una ay binuo ng naglalakad na mga bulaklak at kahoy bilang pagpapakilala sa Amazon rainforest. Ang ikalawa ay tampok ang sayawan at maracas, bilang pagpapakita sa kultura at tradisyon ng host country. At ang panghuli ay ang pagkanta nina Brazilian singer Claudia Leitte, Pitbull at Jeniffer Lopez ng "We are One," ang official theme song ng

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

World Cup. Punung-puno ng excitement ang mga tao sa pagsisimula ng nasabing tournament, kung saan, nagpaputok at nagpatunog ng mga torotot ang mga tao sa lansangan. Samantala, mayroon namang ilang demonstrasyong nangyari kasabay ng seremonya.

*Unang Matches* Naririto ang ilan sa mga naging resulta ng unang matches sa World Cup 2014: *June 14* - Chile vs. Australia (3-1) *June 15* - Colombia vs.Greece (3-0); Uruguay vs. Costa Rica (1-3); England vs. Italy (1-2); Côte d'Ivoire vs. Japan (2-1) *June 16* - Switzerland vs. Ecuador (2-1); France vs. Honduras (3-0); Argentina vs. Bosnia-Herzegovina (2-1) *June 17* - Germany vs. Potugal (4-0); Iran vs. Nigeria (0-0); Ghana vs. United States (1-2)

Tropang Texters, umariba laban sa Express

P

inatunayan ng Talk N’ Text ang galing ng team sa court matapos nilang talunin ang Air 21 sa score na 102-91. Dahil sa panalong ito, nanguna na ang Tropang Texters para PBA Governors’ Cup. Ayon sa Philippine Daily Inquirer sa ulat nito noong Hunyo 3, pinangunahan ni Ranidel de Ocampo ang Texters matapos maghakot ng 24 puntos kabilang ang apat pang teammates na nakakuha rin ng double-digit scores. Ang mga import na sina Dominique Sutton at Asi Taulava naman ang nanguna sa Air21, subalit hindi naging sapat ang kanilang kontribusyon upang patumbahin ang kalabang koponan. Ayon kay Norman Black, coach ng Tropang Texters, ang mga nanguna sa koponan ay ang mga lokal na mga manlalaro. Inihayag din ng coach ang pagtantiya kung susugal siya sa pagpapalaro kay Carney o kukuha ng ibang import bilang kapalit. Si Carney ang pansamantalang kapalit na import ni Othyus Jeffers na hindi puwedeng maglaro para sa isang laban. Gayunpaman, ito na ang kanilang ikatlong panalo kasama ang kapalit na import. www.otbva.com www.fifa.com

SPORTS UPDATES

Spurs, pinataob ang Heat sa Game 5, 104-87

I

n i uw i n g S a n A n t o n i o Spurs ang kampeyonato sa 2013-2014 season ng National Basketball Association matapos na ungusan nito ang katunggaling Miami Heat sa inabangang Game 5 na idinaos sa homecourt nito sa San Antonio Texas, 104-87. Sa pagtatapos ng unang quarter, iniwan ng Spurs ang Heat sa 7-point lead. Napanatili ng Heat ang lamang nito sa pagpasok ng second quarter, subalit inagaw ng Spurs ang kalamangan sa pamamagitan ng 3-point shot ni Kawhi Leonard ng Spurs sa huling apat na minuto, 47-40. Naging consistent sa kalamangan ang Spurs sa puntos

na 21 at hindi na nakaya pang humabol pa ng Heat hanggang sa hulihan ng laban. Si Leonard ang naging pambato ng San Antonio na nakagawa ng 22 points at 10 rebounds. Si Leonard din ang tinaguriang Finals MVP na siyang nagpanalo sa Spurs mula pa noong Game 3. Bagamat mas marami ang nagawa ni LeBron James, 31 points at 10 rebounds, hindi pa rin ito umepekto para makahabol sa inaasam-asam na panalo. Sa kasalukuyan, ito na ang ika-limang titulo ng Spurs sa NBA. Naging kampeyon ito noong mga taong 1999, 2003, 2005 at 2007.

FIFA WORLD CUP STANDINGS

Philippine team, naiuwi ang silver sa AFCU14 girls championship

N

aiuwi ng Philippine U14 National Girls Team ang ikalawang puwesto sa nakaraang Asian Football Confederation (AFC) U14 girls championship para sa Southeast Asia na idinaos sa bansang Vietnam at nagtapos noong June 15. Tinalo ng koponan mula sa Pilipinas ang pambato ng Vietnam na pumangatlo at Myanmar naman na pumangapat. Ang bansang Thailand naman ang nanguna sa naturang kumpetisyon. Sa ulat ng rappler.com, nagmula sa Pilipinas ang tinaguriang Most Valuable Player, na si Joyce Demacio, isang midfielder. Ang Pilipinas dina ang nakakuha ng Fair Play Award, na ibinibigay sa koponan na may “greatest respect for the game.” Labing-walo ang bumubuo sa Philippine team na napili mula sa mga national tryouts.

(as of June 21, 2014)


21

Third Year Anniversary July 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Brand new house ni Daniel Padilla, ipinasilip sa publiko

I

pinasilip na kamakailan sa publiko, sa pamamagitan ng eksklusibong ulat ng TV Patrol, ang bagong-tayong bahay na iniregalo ng aktor na si Daniel Padilla sa kanyang inang si Karla Estrada at sa kanyang mga kapatid. Hindi umano lubos na makapaniwala si Karla na hindi na sila nakatira sa inuupahang bahay, kundi sa kanilang sariling tahanan. May mga chandelier at modern ang itsura ng kanilang bagong bahay. Samantala, itinanggi naman ng mag-ina na nagkakahalaga ng 40 milyon ang kanilang tahanan. Si Karla umano mismo ang interior decorator ng nasabing bahay. Tampok din sa susunod na StarStudio Magazine ang mga detalye ng bahay ng pamilya ni Daniel.

Bea Alonzo at Paulo Avelino, pasasabikin ang mga manonood sa bagong serye

B

agama’t hindi bed scene, marami namang nadala sa eksena nina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa kanilang bagong drama series na “Sana Bukas Pa ang Kahapon,” na siyang papalit sa “The Legal

Wife.” Ito ang unang pagkakataon ng dalawang bidang actor na magsama sa isang proyekto. Sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Avelino na umattend sila ni Alonzo ng ‘sensuality workshop’ para hindi magkailangan sa set. Iniulat naman ng nasabing pahagayan na nagbunga ang pagsali nila sa workshop dahil pinag-uusapan na ngayon ang nasabing eksena. Bukod sa eksena, iniulat din ang tungkol sa press conference kung saan walang alintanang sumagot ang dalawang artista sa mga tanong na ibinato sa kanila ng mga mamamahayag. Ang “Sana Bukas Pa ang Kahapon” ay produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, na siya ring nasa likod ng mga sikat na palabas gaya ng “Walang Hanggan,” “Ina Kapatid Anat,” at “Ikaw Lamang” na kasalukuyang hamahakot ng matataas na ratings.

Sarah G., wagi ng int'l music award

Best Selling Philippines Artist” – Ito ang pamagat na natanggap ni Pop Princess Sarah Geronimo mula sa prestihiyosong World’s Music Awards sa bansang Monacco. Bunsod nito, nakahilera na ni Sarah G. Ang mga sikat na singers na kagaya nina Michael Buble, Shakira at One Direction. Ang mga singers na ito ay nakatanggap na rin ng kaparehong award mula sa naturang AwardGiving Body. Prestigious Icon Award naman ang napasakamay ni Mariah Carey sa pareho ring gabi ng parangal. Lubos naman ang pasasalamat ng singeractress sa kanyang mga taga-suporta, partikular na ang Popsters.

Pinoy, Hurado sa Asian New Talent sa Shanghai

H

indi maikakailang kayang makipagsabayan ng mga Pilipino sa ibang mga kilalang persona sa ibang bansa matapos ihayag ang pagkakasali ni Adolfo Alix Jr. sa isang kompetisyon sa Shanghai. Ang Pilipinong direktor ay napasali bilang isa sa mga hurado sa Asian New Talent Competition sa Shanghai International Film Festiva (mula Hunyo 14-22, ayon sa ulat ng The Philippine Daily Inquirer). Makakasama si Alix sa listahan ng mga kilalang personalidad mula sa iba’t ibang parte ng bansa at ng mundo gaya nina Yan Bingyan ng China, Lieh Lee ng Taiwan at Vincent Ward ng New Zealand. Ang grupo ng mga hurado ay pamumunuan ni Kang Je-gyu ng Korea.

Ayon din sa Inquirer, ang sikat na Tsinong aktres na si Gong Li ang mamumuno sa mga hurado para sa Main Competition ng nasabing film festival.

Richard Gutierrez, inamin na ang pagkakaroon ng anak nila ni Sarah Lahbati

H

indi matigil-tigil ang mga pasabog sa showbiz industry matapos aminin kamakailan ni Richard Gutierrez ang pagkakaroon nila ni Sarah Lahbati, ang kanyang nobya, ng anak. Sa ulat ng Philippine Star, nagdalang-tao umano si Sarah habang nagbabakasyon sila sa Paris noong kalagitnaan ng 2012. Isinilang si baby Zion, ang anak nina Richard at Sarah, noong nakaraang taon habang nakatira ang huli sa poder ng kanyang mga magulang na nakabase sa Switzerland. Nilinaw ng pamilya Gutierrez na ang dahilan kung bakit hindi nila inihayag sa publiko ang tungkol kay baby Zion sa kabila ng mga ispekulasyon ay dahil sa nakabinbing kaso ni Sarah na inihain ng GMA Network. Ang kaso ay tahimik na naayos ngayong taon. Ngayong umamin na ang dalawang artista, ang kasunod na tanong ng kanilang mga tagahanga ay kung magpapakasal na ba sila. Sinabi ni Annabelle Rama, ina ni Richard, na iyon daw ang susunod na pag-uusapan ng pamilya.


22

Third Year Anniversary July 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Mateo, "mahal" ang tawag kay Sarah

N

aging usap-usapan kamakailan sa social media ang isang screen capture ng direktor na si Wenn Deramas na kanyang ipinost sa kanyang social media

account. Sa naturang screen capture, nakalagay ang usapan nila sa text ng aktor na si Mateo, kung saan, aksidenteng naipadala ni Mateo ang text sa isang tinatawag niyang “mahal.” Para sa karamihan, si

Sarah umano ang tinutukoy ni Mateo. Sa isang panayam sa radyo, tila kinumpirma naman ni Mateo na “mahal” nga ang tawag niya kay Sarah. Naging maugong ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa bunsod ng mga lumalabas na mga larawan na magkasama silang dalawang masaya at tila may kislap sa mga mata.

K

ilala si Elmo Magalona bilang anak ni Francis Magalona. Sa kasalukuyan ay nag-uumpisa na ang batang aktor sa pag-uukit ng kanyang sariling pangalan sa showbiz bilang Isagani sa remake ng “Villa Quintana” at paglabas sa iba pang programa sa GMA 7. Bilang bata pa sa paningin ng karamihan, nais din ni Magalona na gumawa ng isang iconic film, kung saan siya makikilala gaya ng yumaong ama matapos nitong magbida sa pelikulang “Bagets.” Umaasa si Magalona na ang kanyang pelikulang “#Y” na isang independent film ay ang kanyang magiging iconic film. Ayon sa binata, isa itong daring na pelikula at magiging senyales ng kanyang maturity sa industriya. Matamang naghahanda si Magalona para sa “#Y” sa pamamagitan ng panonood ng pelikula ni Gino M. Santos, ang direktor ng pelikula, gaya ng “The Animals” at pagpunta sa gym para mapaganda ang kanyang katawan. Inaaral din niya ang karakter para maging mas kapani-paniwala ang kanyang pag-arte. Ipapalabas ito sa 2014 Cinemalaya.

Bagong album ni Toni G., inilabas na

Kris at Coco, magkakasama sa isang MMFF Movie

P

I

niulat kamakailan ni Master Showman Kuya Germs sa kanyang column sa Pilipino Star Ngayon ang kumpirmadong pagtatambal nina Kris Aquino at Coco Martin sa isang pelikula para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2014. Sa pelikulang ito, papatayin umano ng karakter ni Kris ang karakter ni Coco. Pero, ayon naman kay Kuya Germs, baka ito pa ang magiging dahilan na mananalo si Coco ng bigating awards, kagaya ng nangyari kay Dingdong Dantes sa isang pagtatambal nila ni Kris. Samantala, inihayag din sa column na lalo pang nagkakasundo sina Kris at James Yap, pati na ang

Elmo Magalona, naghahanda na para sa isang daring Indie Film

GF ng basketbolista na isang Italyana. Kasa-kasama raw kasi ni James ang GF nito na bumibisita sa anak na si Bimby, ngunit walang naririnig na anumang reklamo mula kay Kris.

Kiana Valenciano, sasabak Ruffa, may bago nga sa pag-awit bilang Philpop bang ka-relasyon Interpreter

ormal nang ini-launch kamakailang ang bagung-bagong album ni Toni Gonzaga, ang “Celestine” na hango umano sa tunay niyang pangalan. Ito na umano ang pang-limang solo album ng magaling na host, singer, dancer at artista – ika-pito kung isasama pa sa bilang ang kanyang mga duet albums. Ayon kay Toni, last year pa dapat umano ang release ng album na ito, pero mas inuna umano ang kanyang pelikulang “Starting Over Again.” Itinuturing ni Toni na personal na album ang Celestine dahil dalawa sa mga kanta rito ay sarili niyang komposisyon – ang “Awit ni Ginny” at “This Love is Like.” Kasama rin umano ang kaunang bersyon ng “Starting Over Again.” Bukod sa mga record bars sa Pilipinas, mabibili rin ang kanyang mga kanta via iTunes at amazon.com.

I

sa na namang Valenciano ang nag-uumpisang magpakilala sa industriya ng musika bilang Philpop songwriting competition interpreter. Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, inamin ni Kiana Valenciano ang bahagyang pag-aalangan bilang interpreter ng kantang “Dear Heart” na komposisyon ni Mike Villegas. Gayunpaman, ayon sa dalaga na ang kanyang mga magulang ang nagtulak sa kanya na tanguan ang proyekto. Dahil ang estilo ng kanyang pagkanta ay parang pinaghalong Katy Perry at Rihanna, nag-alangan ang dalaga matapos marinig ang “Dear Heart,” dahil hindi raw ito kagaya ng mga kanta na kanyang inaawit. Sa bandang huli naman, ikinagalak ng dalaga ang karanasan bilang interpreter. Aniya, isang magandang karanasan ang makatrabaho ang sikat na kompositor. Maganda raw ang kanta at napakasupportive ni Mike Villegas sa kanya. Ang kanyang ama ang aktibo sa kanyang vocal training, samantalang ang kanyang ina naman ang kanyang tumatayong manager.

I

sang kontrobersiyal na larawan ang pinagpiyestahan sa social media, kung saan, makikitang nasa larawan si Ruffa Gutierrez kasama ang isa umanong French-Israeli na businessman, si Jordan Mouyal. Siya na nga ba ang bagong nagpapatibok sa puso ni Ruffa? Ayon sa column ni Boy Abunda sa Pilipino Star Ngayon, ika ni Ruffa: “I met him in Manila. Mabait naman siya. He’s visiting me here now. So siguro lagi siyang nakikita...He’s so private. He’s in the I.T. business, he has a company...Kain-kain lang ng food kapag may time.” Ayon sa aktres, nasa “getting to know each other” pa lang daw sila ng naturang entrepreneur.

Programa ng mga Gutierrez, ipinalabas na

I

pinalabas na kamakailan ang isa sa mga inaabangang show na “It Takes GUTZ to be a Gutierrez.” Ayon sa artikulo ni Giselle Sanchez sa Manila Bulletin, masaya raw panoorin ang nasabing reality show na pinagbibidahan ng pamilya Gutierrez. Ayon sa nasabing ulat, hindi raw inaasahan ang pagiging kalmado ni Annabelle Rama. Tila mas marami raw ang gustong mapanood si Annabelle, kaysa sa mga pangyayari sa buhay ng mga anak na Gutierrez. Samantala, isang pasabog naman ang pag-uumpisa ng nasabing programa, kung saan, inamin ni Richard ang pagkakaroon ng anak kay Sarah Lahbati, ilang buwan matapos umikot ang mga ispekulasyon hinggil sa kanilang pagkakaroon ng anak. Ayon kay Sanchez, maganda umano ang konsepto ng pagkakagawa ng reality show na ito, lalo na’t may mga pasabog na balita na siyang maaaring babalikbalikan ng mga manonood.


23

Third Year Anniversary July 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Twit ni Idol

SUNDAN NATIN SI @NIKKIGIL:

Maligayang anibersaryo mga ka-Daloy! Kagaya ng mga nakaraang isyu, naririto na naman ang Twit ni Idol upang maghatid sa inyo ng mga latest sa buhay-buhay ng ating mga paboritong Pinoy stars, mula mismo sa kanila. Ito’y sa pamamagitan ng pagtatampok ng kanilang mga tweets sa kanilang mga personal accounts nitong mga nakaraang araw. Naririto ang ilan sa mga napili nating top 3 Pinoy twits ngayong buwan: Upang maging mas informed pa sa mga happenings ng iyong fave stars sa itaas, magandang i-follow mo na sila sa Twitter.

HOW ABOUT KAY @ILOVERUFFAG?

Natatanging mga Pinoy, ginawaran sa Pinoy Pride Ball

G

inawaran kamakailan sa “Pinoy Pride Ball” sa Makati ang ilang mga Pinoy na nagbigay ng karangalan sa bansa sa buong mundo. Ilan lamang sa mga Pinoy Pride ay sina: • International singer Apl de Ap; • Olympian Pinoy skater Michael Christian Martinez;

EH ANG LATEST NAMAN KAY @JASCURTISSMITH?

Pagtatapos ng "The Legal Wife," inabangan ng mga manonood

• Miss Universe 2013 – 3rd Runner-up Ariela Arida; • 2013 Miss International Bea Rose Santiago, at iba pa. Karamihan sa mga dumalo sa naturang gabi ng parangal ay nakasuot ng modern Barong Tagalog at Filipiniana.

Maja, hinangaan sa pagiging "pambansang kabit"

P

ambansang kabit – ito ang taguri ngayon ng marami kay Maja, bunsod ng kanyang role na “Nicole” sa katatapos lamang na “The Legal Wife” sa ABS-CBN. Gayunpaman, hindi umano dapat ipagalala ito ng mga fans ng aktres, dahil ayon sa marami, patunay lamang daw ito ng pagiging magaling na aktres sa telebisyon at maging sa pelikula sa henerasyong ito. Marami kasi ang nadala sa kanyang pagganap bilang “kabit” ni “Adrian” (na ginampanan ni Jericho Rosales). Makatotohanan umano ang pagganap niya sa kanyang role, at ayon sa marami, walang

duda, malayo pa nga ang mararating ni Maja sa mundo ng showbizness.

W

alang dudang “phenomenal” ang anim na buwang pag-ere ng teleseryeng “The Legal Wife” ng DOS. At hanggang sa pagtatapos ng naturang palabas ay talaga namang inabangan ito ng maraming manonood. Subalit, iba-iba ang naging reaksyon ng mga manonood hinggil sa pagtatapos ng TLW. Para sa iba, sakto lang ang ending nitong “open ended,” kung saan hindi ipinakita kung nagkatuluyan ba uli ang mga pangunahing bidang sina “Adrian” (Jericho Rosales) at “Monica” (Angel Locsin). “Realistic” umano ang naturang ending, sapagkat mahirap talagang makipagbalikan umano kung sobrang nasugatan. Para naman sa iba, bitin ang naturang pagtatapos. Kaya naman, hiling ng maraming manonood na sana ay magkakaroon pa ng sequel o part 2 ang naturang teleserye.


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.