Daloy kayumanggi newspaper February 2015

Page 1

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Inspiring Global Filipinos in Japan

〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com

D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

Vol.4 Issue 44 February 2015

www.daloykayumanggi.com

DEAR KUYA ERWIN Chain Messages

4

KA-DALOY

Sweet Inspiration

SHOWBIZ

Vice at PNoy Nagkulitan

7

22

FREE PUBLIC WI-FI ILULUNSAD Sa layuning magkaroon ng wi-fi hotspots sa Pilipinas, ilulunsad na ng Department of Science and Technology - Information and Communications Technology Office (DOST ICT Office) ang programa nitong Public WiFi Program.

Aprubado na sa Senado ang P3 billion na pondo ng nasabing proyekto para sa taong 2015, mula sa P338 million. Sa nasabing pagtaas ng nakalaang program budget, magkakaroon ng 50,872 wi-fi hotspots sa buong bansa. Sa ulat ng philstar.com, binubuo ang bilang na ito ng public high schools (7,917), public elementary schools (38,694), state colleges (113) at public libraries at public spaces (1,118) sa 1,490 na mga bayan.

Sundan sa Pahina 5

Sa mga kukuha ng exit clearance...

POEA, inabisuhan ang OFWs na gamitin ang online system nito

S

a layuning mabawasan ang pila, gayundin ay mapabilis ang proseso sa pagkuha ng Overseas Employment Certificate (OEC) o ang exit clearance para na rin sa kabutihan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na magbabakasyon, nagpalabas ng abiso ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na gamitin ang online system nito, sa halip na pumila sa mismong POEA office at mga processing centers nito. Sa ulat ng tokyo.philembassy.net, opisyal umanong ilulunsad ang BM Online or the Balik-Manggagawa Online Processing sa Oktubre 16, ngayong taon, ayon kay Administrator Hans Leo J. Cacdac. Sa ulat ng tokyo.philembassy.net, opisyal umanong ilulunsad ang BM Online or the Balik-Manggagawa Online Processing sa Oktubre 16, ngayong taon, ayon kay Administrator Hans Leo J. Cacdac. Sundan sa Pahina 5

GLOBAL PINOY FEATURE STORY

Josie Nistal: Global Chef

A

By Tokyo Boy (Mario Rico Florendo) lam mo bang may isang Pinoy chef na nagtatrabaho sa Embahada ng Luxembourg dito sa Japan? Matagal-tagal ko na ring nakikita si nanay Josie sa mga gawain ng Filipino Community dito sa Kanto area. Unang pagkakataon na ipinakilala siya sa akin, namangha na ako sa trabaho niya dahil siya ang unang Pinoy chef na nakilala kong nagtatrabaho sa isang embahada dito sa Japan. Dahil na rin dito, ginusto kong malaman pa ang kuwento niya. Sundan sa Pahina 5

WANNA WRESTLE?!? Sumo wrestlers perform the dohyō-iri or the ring-entering ceremony, a ritual performed before the bouts of each grade or division start. As a 2000-year-old sport, sumo wrestling continues to be Japan's national pastime. (photo taken by Diego Mejia)

STUDENT CORNER Kouhai Kit

8

TIPS

Mag-date sa Tokyo

11

HOROSCOPE Valentine's Hula Scope

16


2

February 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Jun Cruz Reyes, pinarangalan ng 2014 Southeast Asian Awards

P

inangaralan sa katatapos lamang na 2014 Southeast Asian Award si Jun Cruz Reyes, isang tanyag na manunulat mula sa Pilipinas. Ang parangal ay para sa kanyang tula, ang Bunso. Sa ulat ng dfa.gov.ph, si Royal Highness Sirivannavari Nariratana ang nanguna sa pinaka-prestiyosong parangal para sa literatura. Ang Southeast Asian Awards ay nagsimula noong 1979 upang kilalanin ang mga natatanging talento mula sa mga bansang kasapi ng ASEAN. Ito ay upang hikayatin din ang mga manunulat mula sa rehiyon. Si Jun Cruz Reyes ay kasalukuyang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas at dati ring kilala bilang enfant terrible ng literaturang Pilipino. Isa siya sa mga nagpabago ng takbo ng industriya at isa sa mga unang manunulat na gumamit ng kolokyal at impormal na salita sa kanyang mga likha. Ang naturang parangal ay ginanap noong Disyembre 2014 sa Mandarin, Oriental sa Bangkok.

M

Edukasyon para sa mga undocumented na Pinoys sa Sabah, ibinigay na

atagal nang suliranin ng gobyerno ng Pilipinas ang mga Pilipino sa Sabah, Malaysia na walang kaukulang dokumento. Dahil sa kanilang estado, hindi sila nabibigyan ng sapat na serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan, pabahay, at iba pa. Subalit ngayon, magkakaroon na ng pag-asa ang mga batang naninirahan sa Sabah dahil sa pagtatayo ng isang alternative learning center sa Kota Kinabalu, ayon sa ulat ng rappler.com. Ang alternative learning center na ito ay tinatawag na Stairway to Hope, na itinatag ni Marilou-Salgatar Chin, isang Pilipina na nakapangasawa ng isang taga-Sabah. Si Marilou ay naninirahan na sa Kota Kinabalu sa loob ng maraming taon at nakita niya ang kalagayan ng mga batang anak ng mga Pilipinong walang sapat na dokumento. Ang ambassador ng Pilipinas sa Malaysia na si J. Eduardo Malaya ay sumuporta sa pagpapatayo ng Stairway to Hope simula pa noong 2012, noong ito ay isang ideya pa lamang. Sa ngayon, anim na ALC centers ang nasa Sabah at tumutulong sa mga batang Pilipino. Nitong nakaraang Nobyembre, 2014, naglunsad ang Philippine Embassy, Philippine Department of Education (DepEd) at Commission on Filipinos Overseas (CFO) ng

Isang Fil-Am na personalidad, nagbibigay ng librang gupit sa mga taong walang matirhan

Pinoys sa Sri Lanka, nagsaya sa pagdating ng Santo Papa

isang pagsasanay para sa 65 ALC volunteer teachers para mapahusay ang teaching methods ng mga guro. Layunin umano ng Philippine government na maglunsad ng equivalency program na magbibigay ng pagkakataon sa mga ALC students na makatanggap ng sapat na edukasyon mula sa mga regular na paaralan sa Pilipinas. Pero sa ngayon, layunin umano ng gobyerno na makapagbigay muna ng "basic literacy" sa mga mag-aaral na Pinoy sa Sabah.

T

uwing Linggo, nagbibigay ang Fil-Am na si Mark Bustos ng libreng gupit sa mga taong walang matirahan sa New York. Mula Lunes hanggang Sabado, nagtatrabaho si Mark bilang isang hair stylist sa isang kilalang salon sa New York. Subalit, tuwing kanyang day off, nagtatayo siya ng portable na salon upang gupitan ang mga taong kapus-palad, ayon sa ulat ng goodnewspilipinas.com. “Nais kong gumawa ng isang mabuting bagay ngayong araw,� ani Bustos habang inaayos ang kanyang salon. Ikinuwento niya na ang pagtulong na ito ay bukal sa kanyang loob at itinuturing niyang kaibigan ang lahat ng taong natutulungan. Sa huling dalawang taon, ito ay ginagawa ni Mark upang makatulong sa ibang tao. May mga pagkakataong siya pa ang nag-aalok ng kanyang serbisyo lalo na sa mga taong nahihiyang lumapit at magtanong. Kung tatanggi ang isang tao sa kanyang alok na gupitan siya, bibigyan na lamang ito ni Mark ng isang paketeng naglalaman ng kaunting gamit para sa paglilinis ng katawan. Mayroon rin siyang mga kliyente mula sa Three Squares Studio na nagsasabi sa kanya ng mga taong maaari niyang matulungan. Ayon kay Mark, ang paggupit ay hindi lamang nakakatulong sa pisikal na anyo, isa itong paraan upang maibalik ang lakas ng loob ng mga tao.

Embahada ng Pilipinas sa Tokyo, nakisalo sa mga Pilipino sa paggunita sa anibersaryo ng pagkamatay ni Jose Rizal

H

indi lang sa Pilipinas dumating ang Santo Papa -binisita rin niya ang bansang Sri Lanka, kung saan nagbunyi ang ilang mga Pinoy na naninirahan ngayon sa Sri Lanka. Sa ulat ng Bombo Radyo Philippines, sadyang nakagugulat umano ang bilang ng mga dumalong mga tao sa isinagawang misa roon ni Pope Francis -- sa 21 milyong populasyon ng Sri Lanka, kung saan kokonti laman ang mga Katoliko, mahigit isang milyong katao umano ang mga dumalo sa nasabing pagtitipon. Isang highlight umano ng pagbisita ni Pope Francis doon ay ang canonization ni 16th century cleric, Blessed Joseph Vaz, na sa kabila ng persecution ng Dutch Calvinists, naging matibay pa rin ang kanyang pananamplataya. Binisita rin niya ang mga survivors ng ethnic war sa Marian shrine of Madhu na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng kapital ng Sri Lanka, ang Colombo. Tinatayang isang libong mga Pinoy ang nasa Sri Lanka sa ngayon.

N

akiisa ang embahada ng Pilipinas sa Tokyo sa mga Pilipino sa paggunita ng Araw ng Kamatayan ng Pambansang Bayani na si Gat Jose Rizal. Hindi lamang mga Pilipino sa ating bansa ang gumunita sa araw na ito, ngunit ang mga embahada rin natin sa iba’t ibang sulok ng mundo kabilang na ang nasa Tokyo. Ayon sa tokyo.philembassy,net, ito ay pinangunahan ni Marian Jocelyn-Tirol kasama ng mga empleyado ng embahada at ilang opisyal. Pinarangalan ang Pambansang Bay-

ani sa pamamagitan ng wreath-laying ceremony sa opisina ng Embahada sa Tokyo noong Disyembre 30, 2014. Pagkatapos ng pagkanta ng Pambansang Awit, nagkaroon ng pag-aalay ng mga bulalak sa istatwa ng pambansang bayani. Sa kanyang maikling talumpati, isinaad ni Minister and Consul General Ignacio na siya, bilang Pilipino ay nagpapasalamat sa mga sakripisyo ng pambansang bayani tungo sa kabuuan ng ating bansa. Isang maliit na salu-salo ang isinagawa pagkatapos ng seremonya, ayon sa ulat.


3

February 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Arsobispo, kinundena ang marangyang pamumuhay ng mga kapwa pari

M

arami ang natuwa nang kumalat ang balita tungkol sa mga komento ng Arsobispo ng Lingayen-Dagupan na si Socrates Villegas. Sa gitna ng marangyang pamumuhay ng ilang kaparian, ipinaalala ng Arsobispo na hindi dapat sa materyal na bagay naka-sentro ang buhay ng isang pari. “Isang iskandalo kung mamatay ang isang pari na siya ay mayaman,” ani Villegas sa isang liham na kanyang sinulat para sa mga kaparian ng Lingayen-Dagupan. Ayon sa kanya, ang taong 2015 ay tinaguriang Taon ng Mahihirap at ang buong Simbahang Katolika ay mamumuhay ng payak at simple sa taong ito. Pinayuhan ni Villegas na umiwas muna ang mga kaparian sa mga mamahaling paglalalakbay, pagkain, inumin, damit, sasakyan, at iba pa. Ang kanyang 7-point warning para sa mga pari, ayon sa ulat ng rappler.com, ay ang mga sumusunod: 1) Avoid as much as you can foreign travels and fre-

IFAD, nagbigay ng P84 milyon para sa Yolanda Rehabilitation Program

quent recreation in expensive tourist destinations. 2) High-end cars and expensive vehicles smack of vainglory and luxury especially in a province like ours where there are so many who are poor who cannot afford a tricycle ride. 3) We need to return to the clerical attire or clerical cross in public places as a form of witnessing to the poverty of Christ. 4) It is a serious sin of omission for a priest not to have a regular poor person to help whether for education, health, or livelihood. 5) We must be honest in reporting to the Curia the true financial condition of the parish or school. 6) We need to re-examine what we keep in our bedrooms. 7) Always give alms to the poor who come to you. Si Villegas ang siya ring pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Phiilippines (CBCP).

T

umaas ng 30% ang pagbili ng sasakyan sa Pilipinas noong 2014 at posibleng tumaas pa ng 16% para sa taong 2015. Ito ay ayon sa ulat ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA). Sa isang pahayag na inilabas ng dalawang grupo, base sa ulat ng mb.com.ph, mayroong 237,747 na bagong sasakyan na nabili noong 2014 kumpara sa 181,283 sasakyan noong 2013. Para sa taong 2015, inaasahan ng CAMPI-TMA na maaabot ang target na 272,000 sasakyan o karagdagang 37,000 na mga sasakyan upang makuha ang growth rate na 16%. Ang mga sasakyang pampasahero ang isa sa mga sasakyang pinakamabenta at nagtala ng 48% na growth rate ngayong 2014. Ang mga pribadong sasakyan naman ay nagtala ng 20% growth rate.

Mga panuntunan sa paggamit ng Confidential and Intelligence Fund, pinirmahan na

Para tipunin ang mga hiling at panalangin...

Running priest, binisita ang Tacloban bago dumating ang Santo Papa

N

agbigay ang International Fund for Agricultural Development (IFAD), sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA), ng Php 84 milyon bilang pondo ng mga sektor ng agrikultura na naapektuhan ng bagyong Yolanda noong nakaraang taon. Ayon sa pia.gov.ph, ilalaan ang pondo para sa mga programang makakatulong sa mga nasalanta sa Gitnang Bisayas. Sinabi ni Rene B. Famoso, direktor ng rehiyon, na nakabili na ng 32,984 na sako ng mga binhi gamit ang Php 44,858,240 na nakuha mula sa pondo. Iginiit din ni Famoso na nakatanggap na ang probinsiya ng Iloilo ng 14,768 na sako ng mga binhi, 13,003 sako para sa Capiz, 2,900 na sako para sa Negors Occidental, 1,616 na sako para sa Antique, 549 na sako para sa Aklan, at 135 na sako para sa Guimaras. Ayon pa kay Famoso, naipamahagi na ang mga binhi sa Aklan, Negros Occidental at Guimaras noong Mayo at Hulyo upang magamit sa unang buwan ng pagtatanim, gayundin sa Antique, Capiz at Iloilo noong Oktubre at Disyembre. Ayon din kay Famoso, ang nalalabing pondo ay ipambibili ng pataba.

Pagbili ng sasakyan sa Pilipinas, tumaas ng 30% noong 2014

P B

ago ang pagdating ni Pope Francis noong Enero, nagkaroon muna ng paglilibot ang tinaguriang running priest, Father Robert Reyes, sa Tacloban City upang tipunin ang mga hiling ng mga survivors ng superbagyong Yolanda. Bukod sa kanyang dala-dalang tungkod ni Kiko, ayon sa ulat ng bomboradyo.com, na may inukit na imahen ng Santo Papa sa dulo na ipinahawak ng pari sa mga survivors, tinipon din niya ang ilang mga sulit na nagtataglay ng mga hiling at panalangin ng mga tao roon para mabigay sa Santo Papa. Hiling ng ilan: nawa ay mailayo na ang kanilang lugar sa mga kalamidad kagaya ng bagyong Yolanda.

inirmahan na ang Joint Circular on Confidential and Intelligence Funds (IF) upang magamit ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Ito ay para pagsiglahin ang pagbabantay ng magandang pamamalakad ng iba’t ibang kawani ng pamahalaan. Nakasaad sa sirkular ang mga panuntunan na susundin ng Department of Budget and Management (DBM), Department of interior and Local Government (DILG), Department of National Defense (DND), Governance Commission for GOCC (GCG), at Commission on Audit . Ayon kay DBM Secretary Florencio Abad, base sa ulat ng pia.gov. ph, tama lamang na ipatupad na ang sirkular dahil naghahanap na ang mga tao ng accountability mula sa gobyerno. Aniya, ang sirkular ay magbibigay ng kaukulang pondo sa pangangalap ng impormasyon at pagsasagawa ng naayong aksyon base sa mga ulat ng mga ahensya. Idinagdag din ni Abad na tuwing gagamit ang gobyerno ng pondo tulad ng IF, kailangang makita ng mga tao kung saan napupunta ang pera at ito ay ginagamit para rin sa kanila. Sa pamamagitan ng reporma sa paggamit ng mga pondo, maaaring mapabilis ng kasalukuyang administrasyon ang kanilang mga gawain na mapreserba ang seguridad, matiyak ang maayos na pamamalakad, at masiguro ang tamang paggasta ng mga pondo ng pamahalaan.


4

February 2015

chain messages: Basahin mo ito ng 10 beses at ipasa ng 10 beses, o kung hindi...

S

imula ng umpisa ng pagsasara ng taon, halos araw-araw ako nakakakuha ng chain letter. Ang chain letter ayon sa wikipedia ay isang uri ng mensahe, sulat o liham na kumukumbinse sa pinadalhan na ipadala ito sa mas marami pang tao. Nagsimula ito sa liham at postcard. Sa ngayon, mayroon na rin ito sa SMS o text, Facebook chat, messages sa Facebook page, LINE, Viber, TANGO at iba pa kung saan pwede maglagay ng mensahe. Noong una, di ko ito pinapansin. Kung papansinin ko man, ang ginagawa ko ay gaya ng ginagawa ng isa kong kaibigan. Dudugtungan ko at higit na papahirapin ang laman ng chain letter at ibabalik ito sa nagpadala. Halimbawa ang orihinal na chain letter ay ipadala mo ito sa 10 tao, ang gagawin ko ay babaguhin ko ito: “ipadala mo ito sa 100 na tao." Isang araw, hindi ko natiis at sinagot ko ang isa sa nagpadala. “Malapit ng mag 2015, naniniwala ka pa rin dito. Magbagong buhay ka na parang awa.” Pinagprint screen ko itong message at inilagay sa Facebook. Ganito ang reaksyon ng iba. “ I feel you sir erwin… Wala akong guts mambasag. “ “Sana masabi ko din yan sa mga nagsesend sakin baka makasakit ako eh kay pigil pigil muna” “mga paumang gid...gaawat sa oras.. (puro kalokohan lang, sayang lang sa oras)...dapat yung gumawa niyan, lu-

Daloy Kayumanggi

Global Filipino

muhod na lang sa kwarto niya at magdasal ng tahimik. Siguradong dinig na dinig ni Lord mga hiling niya!” “Maraming problemang darating daw bro! Naku tinakot ka pa! Galing kaya ito sa GOOD sender” “Kung sino ang nag sent at laman nung chain letter, nasa kanya tumama. I believe yung nasa taas na sila gumagawa ng ganyan. Alam mo bunso, may sungay yung gumawa.”

Kapag hindi ipinasa Ano nga ba ang mangyayari sa iyo kapag hindi mo ipinasa sa iba ang chain letter. Mamamatay ka ba, maaaksidente, magkakasakit, o magiging malas? Wala. Bagkus, gaya ng mga komento sa itaas, ito ay isang pag-aaksaya ng oras lamang.

Kapag ipinasa Kung ipinasa mo ang chain letter, ano ang mangyayari sa iyo? Magiging swerte ka ba, makakatanggap ng pera o ano pa? Hindi. Malamang ang mas mangyayari sa iyo ay mawawala ang iyong takot na dulot ng chain letter. Ipinadala mo na kaya hindi ka maaksidente etc. Nasunod mo na, kaya ok na. Mali, hindi ok. Baliktarin muna natin ang sitwasyon, kapag ikaw ang pinadalhan ng chain letter, lalo na mula sa ibang tao na hindi mo naman close na kaibigan, ano ang iisipin mo? Posibleng ikaw ay matakot din (at ipasa rin), mamangha, walang paki, o maiinis.

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

DEAR KUYA ERWIN

ni ERWIN BRUNIO

Mobile: 090-6025-6962 Email: erwin@daloykayumanggi.com Facebook: www.facebook.com/ebrunio Twitter: DaloyJapan Line: erwinbrunio Linkedin: erwinbrunio Ganito ang imahe sa iyo kung ikaw ay nagpadala gaya ng mga komento sa taas.

1. Walang muwang Bobo, iyan ang ituturing sa iyo ng taong pinagpasahan mo. Wala kang muwang sa mundo. Sino nga ba naman ang naniniwala sa mga ganito? Na-research mo ba kung totoo nga na nangyari ang sinasabi ng sulat. Nagtanong ka ba sa nagpadala sa iyo? Totoo ba o tunay ang mga tao na nabangit sa sulat? Madali lang mag-research ngayon sa internet, bago i-share, i-search mo muna. 2. Sinauna Primitibo. Mapamahiin. Ang mga makalumang tao na lamang ang halos naniniwala sa mga gani-ganito. 3. Walang malasakit sa ibang tao. Kung tunay kang may pakialam at malasakit sa ibang tao, hindi mo sasayangin ang oras ng iba sa pag-si-share sa mga ganitong bagay. Hindi mo rin sila tatakutin, gaya ng pananakot dahil sa chain letter. Irerespeto mo ang ibang tao.

4. Walang magawa sa buhay At sino naman ang may oras para sa ganito na mag-share share. Sa halip na gumawa ng iba, gaya ng mag-aral ng mga bagong kaalaman na makakatulong sa

iyong trabaho, o magbigay ng mas mahabang panahon sa pamilya, nagawa mo pang basahin at i-share ang chain letter sa iyong 10 o 20 na kaibigan. 5. Walang respeto sa sarili Kung mahal at nirerespeto mo ang iyong sarili, lahat ng iyong mga aksyon ay iyong pag-iisipan bago gawin. Sa pagpapadala mo ng chain letter, pinagmumukha mo sa ibang tao na ikaw ay cheap, walang modobobo at walang respeto sa ibang tao. Kung kaya mas magiging mababaw ang tingin sa iyo ng iba. Mag-isip muna bago i-share Bago mo ipasa ang isang bagay, chain letter man o hindi, mag-isip muna. May maganda bang maidudulot ito sa pagpapasahan mo? Ano ang magiging imahe sa iyo ng taong pinagbigyan mo. Kung ikaw ay totoong may malasakit sa ibang tao, gaya ng kadalasang sinasabi ng mga chain letter, huwag ng maging hassle sa iba. Upang hindi magmukhang makaluma, bobo, walang pinag-aralan, mapamahiiin at walang malasakit sa ibang tao, itigil mo na ang pagpapasa ng walang saysay na chain letter. Tandaan na ang iyong ginagawa sa ibang tao ay repleksyon ng iyong pagkatao.


5

February 2015

Daloy Kayumanggi

Balita

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Mula sa Pahina 1

Josie Nistal: Global Chef

Sa aming muling pagkikita sa taong 2015, sinalubong ako ng ngiti at pagbati ni nanay Josie. Kahit sa kabuuan ng panayam, hindi maitago ang pagiging masiyahin at positibo ni nanay ‘Jo’ (tawag sa kaniya ng marami). Sa dami ng kuwento ni nanay, hindi namin namalayan ang takbo ng oras at haba ng aming kuwentuhan. Mula sa kuwentuhang iyon, narito ang maikling sipi ng buhay ni nanay Josie bilang isang simpleng taga-benta noon sa Greenhills ng mga kakanin hanggang sa tagaluto ng mga VIP at royalty sa kasalukuyan. Tokyo Boy: Paano po kayo nakarating dito sa Japan? Ano po ang kuwento ninyo? Josie: Direct hire ako. Nagpunta ako dito April 18, 1992. May pinsan ako dito tapos noong umabot siya dito ng ilang buwan, yung kaibigan ng boss niya naghanap sila kung mayroon ba siyang kaibigan na pwedeng pumasok [bilang kasama sa bahay]. Yung pinsan ko talagang iyon, nasa singkwenta siguro kami na natulungan niya papunta rito. Puro direct hire. Libreng pamasahe, processing sa POEA. Libre lahat. TB: Paano po kayo nagsimulang mahilig sa pagluluto? J: Sabi nung pinsan ko, mag-aral kang magluto, yan ang must dito. Dahil pag marunong kang magluto, di ka maze-zero dito. So that time nag-aral na rin ako ng cooking, hindi pa iyan in-demand masyado. Ilan kami sa magkapatid na ganito rin ang trabaho. Tatlo kami sa pamilya [ay chef]. Yung bunso kong kapatid, assistant chef sa cruise. Tapos matandaan ko, yung lolo namin may bolo siya na pangkatay ng baka, ng baboy at pinupuntahan siya basta pay fiesta at kasal. Siya ang pinaka-head sa lutuan. Yung lola ko naman siya yung sa kakanin. Pag sabihing luto yan ng lola ko, naku taob lahat. So yun ang naalala ko, nasa genes pala. TB: Kumusta naman po ang karanasan ninyo bilang chef sa Embahada ng Luxembourg? J: Nung nag-apply ako, sinabi ko na I’m not an expert madam pero I’m willing to learn. Eh ganun ang gusto ng amo dahil yung babae kasi teacher sa Paris. Kaya di ba as a teacher gusto nila yung estudyante na matuto sa kanila, yun, yun ang start ko sa embassy. Kung minsan umaabot ako ng madaling araw pero I’m happy. Kasi yung result naman e lahat ng tao, tatawagin ka, papalakpakan ka dahil na-appreciate nila. Kaya sabi ko Lord thank you. Without you I’m nothing. TB: Punta naman po tayo sa pagiging lider niyo ng Fil Com. Bilang isa ring aktibong indibidwal sa mga gawain ng Fil Com dito sa Japan, ano ang pangarap niyo para sa mga Pinoy dito? J: Yung sa PAG, dapat sana mayroon kang makitang, yung masasabi kang [proyekto] ng PAG yan. Kasi noon pa talaga na hinihingi namin kahit sino yung makausap namin na since yung Nampeidai ay binigay na. Sana kung may mga events ay doon na lang sana. Hindi pa ako nakapunta sa iba pero kahit daw sa Singapore ay may Philippine center para hindi na mahirapan ang Filipino community na maghanap ng venue dito sa Japan. Mahirap, mahal, samantalang kung may Philippine center hindi tayo mahihirapan. TB: Ano po sa inyo ang Global Pinoy? Halimbawa po, kayo po ba masasabi po ba natin na Global Pinoy kayo? J: Siguro sa pagkaalam ko yung Global Filipino yung Pilipino na angkop ka sa lahat. Kasi ang Global Pilipino ay yung open ka sa lahat, lahat ng pagbabago, lahat ng pwede mong baguhin na ikakabuti [ng iyong kapwa]. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni nanay Jo, hindi na ako nagtaka kung bakit natatamasa niya ngayon ang sobrang daming biyaya. Sa kanyang matatag na pananampalataya at kagustuhang matuto kahit sa kanyang karanasan, patuloy niyang napapahanga lahat ng Pinoy na nakakasalamuha at nakakatrabaho niya sa Filipino community. Masasabi ngang ang katulad ni nanay Jo na sabay pinagbubuti ang trabaho at paglilingkod sa kapwa ay bibihira. Dagdag pa dito ang kanyang pagiging simple at humble, tunay ngang isang ehemplo si nanay Josie Nistal hindi lang bilang isang Global Chef kundi ng isang Global Pinoy. *minsan nang may nagsabi na kung ilan ang Pinoy sa isang bansa ay ganoon din ang kuwento na maaaring maisulat tungkol sa kanila at para sa kanila. Ang Global Pinoy Special Feature ay sinimulan para ibahagi ang natatanging kuwento ng mga ordinaryong Pinoy na nagsisikap mamuhay sa ibang bayan. Dahil ang kuwento nila, kuwento nating lahat.

Mula sa Pahina 1 Pahayag ni Cardac, “With the new system, a returning OFW can now apply online for the OEC and have the approved OEC printed by him/her anywhere, anytime. With the existing database sharing with the Bureau of Immigration, the updated information of OFWs who have successfully secured their OEC using the system will be automatically shared with the Bureau. This facilitates the validation by the immigration officers at the airport of the OEC being presented by the bearer." Aplikable ang nasabing online system sa mga sumusunod: manggagawang magbabakasyon, mare-rehire o babalik sa parehong employer at may existing record sa database ng POEA. Kung hindi naman kabilang sa mga nabanggit, ire-redirect ng sistema ang isang indibidwal sa BM Appointment page para sa regular na pagpo-proseso ng OEC sa piniling araw, oras at lokasyon ng manggagawa. Sa ulat ng tokyo.philembassy.net, maa-access ang sistema sa bmonline.poea.gov.ph o mismong sa website ng POEA. Isandaang piso ang processing fee at Php 19.50 naman na dagdag para sa e-payment service fee.

Sa New Year's message...

PNoy, tiniyak na magiging permanente ang pagbabago sa gobyerno

N

agbigay ng mensahe ang Pangulong Benigno Aquino III ng kanyang mensahe sa kanyang mga "boss" sa pagpasok ng bagong taon. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng pangulo na sisikapin ng kanyang termino na gawing permanente ang reporma sa pakikipagtulungan na rin ng mga taumbayan. Kayang-kaya aniyang lampasan ng bansa ang lahat ng mga kakaharaping pagsubok kung buo ang suporta ng kanyang mga "boss" sa pamumuno ng kanyang administrasyon. Ibinigay na halimbawa ni PNoy ang mga nalagpasang pagsubok, kagaya ng krisis sa Zamboanga, bagyo, lindol at iba pa.

Pinas, tumaas ang ranggo sa Forbes' Best Countries for Business List

M

ula ika-90 puwesto sa nakaraang tao, umakyat sa ika-82 sa 146 na mga bansa ang ranggo ng Pilipinas sa listahan ng Forbes -- ang Best Countries for Business List for 2014. Batay ang ranggong ito sa mga sumusunod na mga indicators, ayon sa Forbes: trade freedom, monetary freedom, property rights, innovation, technology, red tape, investor protection, corruption, personal freedom, tax burden at stock market performance. Sa listahan, ayon sa ulat ng goodnewspilipinas.com, tinalo ng Pilipinas ang mga bansang Vietnam (111th), Cambodia (121st), Laos (130th) at Myanmar (143rd). Bagama't nasa likod ito ng mga bansang Singapore (8th), Malaysia (37th), Thailand (62nd) at Indonesia (77th). Samantala, ang mga bansang ito naman ang naitalang may pinakamagandang ekonomiya pagdating sa negosyo ng 2014: Denmark, Hong Kong, New Zealand, Ireland, Sweden, Canada, Norway, Singapore, Switzerland at Finland. “Long term challenges include reforming governance and the judicial system, building infrastructure, improving regulatory predictability, and the ease of doing business, attracting higher levels of local and foreign investments,” paliwanag ng Forbes kung bakit nasa ika-82 na pwesto ang Pilipinas.

Mula sa Pahina 1 “I think it is the win-win situation. We set up the access points first. Because right now, teachers, for instance, already own smartphones. Their problem is that they cannot connect to the Internet. Once this is set up, then we bring in the laptops,” ika ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto (sa panayam ng Philstar.com). “The reason behind this is that if you’re a son of an overseas Filipino worker and you would like to Skype with your father who is in the Middle East because a member of the family has been stricken ill, then you can do it within the hospital premises,” dagdag pa ni Recto. Mabebenepisyuhan din umano ng nasabing proyekto ang mga public school students, magsasaka at mangangalakal na nangangailangan ng Internet connection para makuha ang mga impormasyong kailangan nilang malaman. Bukod sa mga nabanggit sa itaas, malalagyan din ng wi-fi hotspots sa mga sumusunod: hospitals at state-run medical centers, Public Employment Service Offices, town halls, transport hubs, airports, seaports at train stations.

Nakabangon aniya ang bansa mula sa mga krisis na ito sa p a m a m a g i t a n n a r i n n g p a g t u t u l u n ga n n g p r i b a d o a t pampublikong sektor sa lipunan. Dagdag pang pangako ng pangulo, ayon sa ulat ng Bulgar: hahanapan niya ng solusyon ang mga problema at hamong kahaharapin ng kanyang pamumuno, gayundin, pakikinggan din umano niya ang hinaing ng kanyang mga boss.

Karamihan sa mga Pinoy, umaasang magiging maganda ang 2015

I

sang sarbey ang nagsasabing siyam sa sampung Pilipino ay umaasang mas magiging maganda ang kanilang Bagong Taon. Inilabas ng Pollster Pulse Asia ang resulta ng kanilang Ulat Bayan na isinagawa noong Nobyembre 2014. Ayon sa datos, 88% ng mga naisali sa sarbey mula sa iba’t ibang antas ng lipunan at lugar sa bansa ay masaya at positibo para sa pagpasok ng 2015. Ang mga respondents ng sarbey ay mula sa National Capital Region (86%), Luzon (91%), Visayas (89%), at Mindanao (84%). Ang sarbey ay isinagawa sa pamamagitan ng direktang pagtatanong, “Paano mo haharapin ang 2015? May Pag-Asa, Marahil Mayroong Pag-Asa, Walang Pag-Asa?” Ang 1,200 na kalahok sa sarbey ay edad 18 taon pataas.

Pope Francis, binisita ang Pilipinas

Milyun-milyong Pilipino, nagbunyi sa pagdating ng Santo Papa Pasado alas singko ng January 15 -- mainit na sinalubong ng milyunmilyong mga Pilipino ang pagdating ni Pope Francis, ang lider ng Simbahang Katolika, sa Villamor Airbase. Paglapag ng sinakyang Sri Lankan Airlines, sinalubong ni Pangulong Noynoy Aquino at ang 12 mga miyembro ng kanyang gabinete ang Santo Papa. Sa pagsalubong, inawit din ang national anthem ng Vatican at ng Pilipinas. Mahigpit din ang naging seguridad ng Santo Papa sa mga lugar na kanyang dinaanan at sa kanyang tinuluyan, sa Apostolic Nunciature sa Maynila. Umaga pa lang, napuno na ng mga nag-aabang na mga tao ang rutang dinaanan ng motorcade ni Pope Francis -- lahat, umaasang masilayan ang Santo Papa. Katatagan at pananampalataya ng mga Pinoy Sa unang talumpati ng Santo Papa sa Malakanyang, pinuri niya ang pananampalataya at katatagan ng mga Pilipino. Ito ay aniya sa kabila ng mga kalamidad na dinaanan ng mga Pilipino nitong mga nagdaang mga panahon. Isa sa mga sentro ng Papal visit ay ang pagbibigay ng pag-asa sa mga survivors ng super typhoon Yolanda sa Tacloban. Hamon sa mga opisyal ng bansa Hinamon din ni Pope Francis sa kanyang naging talumpati ang mga opisyales ng bansa na itaboy ang korapsyon na siya aniyang pumipigil sa pagginhawa ng buhay ng mga mahihirap. Nagpasalamat kay PNoy, mga Pinoy Lubos naman ang pasasalamat ni Pope Francis sa mga Pilipino sa mainit na pagtanggap at pagsiguro sa seguridad, gayundin kay Pangulong Noynoy Aquino. "I thank you, Mr. President, for your kind welcome, words of greeting in the name of the authorities and people of the Philippines," ani Pope

Francis sa kanyang talumpati. Meeting with the Families "You must make time each day prayer." Ito ang iginiit ni Pope Francis sa "meeting with the families" na idinaos sa Mall of Asia Arena sa ikalawang araw ng kanyang pagbisita. "Rest is essential for our spiritual health, so that we can hear God's voice and understand what he asks of us... And for all our acitvity, our busyness, without our prayer, we will accomplish very little," ika ni Pope Francis. Batid ni Pope Francis na ang sitwasyon ng ekonomiya ang nag-uudyok sa ilang pamilya na panandaliang naghihiwa-hiwalay para maghanap ng ikabubuhay sa ibang lugar. "Families will always have trials; be living examples of love, forgiveness, and care," paalala ng Santo Papa. Dalawang batang Pinoy, sumalubong sa Santo Papa Masuwerte namang napili ang dalawang batang Pinoy upang sumalubong sa pagdating ng Santo Papa para mag-alay ng bulaklak. Sila sina mark Angelo Balberos, 10, at Lanie Ortillo -- parehong galing sa Don Bosco Foundation. Tuwang-tuwa ang dalawang bata, dahil sila ang napiling sumalubong kay Pope Francis. Kontra Aborsyon Sa isang talumpati rin ni Pope Francis, pinasaringan niya ang mga nagsusulong ng abortion. Ika niya, marapat lamang na irespeto ang buhay ng tao. Kanyang binigyang-diin na hindi magiging kumpleto ang pamilya kung walang anak. Wala umanong kakayahang magmahal ang isang tao kung hindi siya nangangarap magkaroon ng pamilya. Ang bawat isa, ayon kay Pope Francis, ay kailangang mangarap ng isang pamilya.


6

February 2015

Editoryal

Daloy Kayumanggi

Inspiring Global Filipinos in Japan

Publisher: D&K Company Ltd Editor: Mario Rico Florendo marioflorendo@daloykayumanggi.com 090-1760-0599 Sales and Marketing: Erwin Brunio (English,Tagalog) erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@daloykayumanggi.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnist: Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph

Aries Lucea Pido Tatlonghari Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.daloykayumanggi.com

 www.facebook.com/daloykayumanggi

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Veneration Without Understanding*

P

Hindi ako fan ni Pope Francis.

abihin ko.

ero bago niyo ako kainisan o kamuhian, p a k i n g g a n n iyo muna ang sas-

Aaminin ko, hindi ako Katol i ko . Pe ro h i n d i i to a n g d a hilan kung bakit hindi ako fan ng Santo Papa. Bilang Vicar of Christ , o k i n a t awa n n g D iyo s d i t o s a lupa, malaki ang responsibilidad na nakaatas sa balikat ng Santo Papa. Mula ng mapili si Pope Francis para sa puwest o , i p i n a k i t a n iya s a b u o n g mundo na kaya niyang gampanan ang responsibilidad na ito. Bukod sa pagiging lider ng Simbahang Katolika, nagpakitang gilas din siya bilang isang religious lider. Bukod pa sa mga gawain na inaasahan sa kanyang puwesto, madami siyang napahanga dahil sa pagiging m a p a g ku m b a b a a t m a h a b a gin. Madalas na hindi sumusunod sa security protocol na nakalaan para sa isang mahalagang lider tulad niya, l u m a l a p i t s iya s a m ga o rd i naryong tao at kung minsan pa ay nagpapaunlak ng selfie

kasama siya. Dahil sa kanyang kakaibang karisma, hindi nakakagulat n a s a p a g d a l aw n iya s a P i n a s , pinagkaguluhan at agad siyang minahal ng mga Pilipino-- mahirap o mayaman, bata o matanda, K a t o l i ko o h i n d i . Ku n g k aya’ t bukod sa pagiging lider ng isa sa pinakamalaking relihiyon sa buong mundo, maituturing si Pope Francis bilang isang tulay para muling maging kaangkop-ang kop ang simbahan at ang Santo Papa sa modernong panahon.

Hindi ako fan ni Pope Francis‌ [dahil] marahil totoo ngang progresibo [siya] pero hindi ang lumang simbahan na pinag sisilbihan niya Kung ito lamang ang titignan mo, malamang hahanga ka nga sa mga nagawa ni Pope Francis. Pero katulad nga ng kasabihan, may dalawang mukha sa bawat kuwento. Sa matagal na panahon, palaging kinukuwestiyon ang paninindigan ng simbahan pagdating sa mga maiinit na isyu tulad ng pagtanggap sa mga LGBT, sames e x m a r r i a g e , d e a t h p e n a l t y,

Mario Rico Florendo mrico.03@gmail.com

birth control, celibacy ng mga pari, pagkonsidera sa mga babaeng pari, pangmomolestiya ng mga pari, at iba pa. Sa kaniyang pagdalaw sa Pilipinas, idiniin niya sa kaniyang m ga m i s a a n g ka h a l a ga h a n n g pamilya bilang haligi ng lipunan. Kaugnay pa nito, pinaalalahanan niya ang lahat tungkol sa kahalagahan ng mga batang pinapanganak kung kaya dapat sila ay wine-welcome, minamahal at pino-protektahan. Normal mang mga sermon kung papakinggan, sinasalamin ng mga mensaheng ito ang panig na kinatatayuan ng simbahan--bawal ang same-sex marriage at anumang hindi natural na paraan ng birth control o samakatuwid, konserbatibo pa rin. Marahil totoo ngang progresibo ang bagong Santo Papa pero hindi ang lumang simbahan na pinagsisilbihan niya. *mula kay Renato Constantino


7

February 2015

KA-DALOY

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

KA-DALOY OF THE MONTH Loreen Dave Calpito Email: davecalpito529@gmail.com

Mula sa Pahina 1

Paanong ang Simpleng Hilig ay Naging Susi sa Pagtatagumpay

ng isang sikat at matagumpay na restaurant sa kahabaan ng Katipunan Avenue sa Quezon City, ang “Sweet Inspirations” -- siya ang ating Ka-Daloy of the Month. Mana sa Ina Sa edad na siyam na taong gulang pa lang, nahilig na si Cristy sa pagluluto. Namana umano niya sa ina ang galing at hilig sa pagluluto -- ang kanyang maituturing na "sweet inspiration." Kung kaya, noong siya ay nagkolehiyo, kumuha siya ng kursong BS Foods and Nutrition sa University of Sto. Tomas. Pagkatapos niyang grumadweyt sa UST, kumuha pa siya ng mga kurso sa pagluluto, baking at cake decoration sa Le Cordon Bleu, Ecole de Manille. Passion ang Pagluluto at Pagpapakain ng mga Tao Isang sikreto marahil, ayon kay Cristy, sa pagtatagumpay niya sa kanilang food business ay ang hilig niya sa pagluluto at pagpapakain ng mga tao. "Noong country manager ang aking asawa sa isang Japanese company, madalas kaming mag-entertain ng mga empleyado at mga boss niya sa aming bahay. Kadalasan, nagluluto ako at nagpapakain ng mga 60 - 80 katao," kuwento ni Cristy. "Dito nahasa ang aking kaalaman sa catering." Ang Pagsisimula at Pagyabong ng "Sweet Inspirations" Kagaya ng ibang mga negosyo, isang malaking hamon sa kanilang magasawa ang pagsisimula nila sa negosyo. Taong 1996 nang alukin sila ng isang kaibigan na pasukin ang isang negosyo. Noong mga pagkakataong iyon, nangangailangan ang Sweet Inspirations ng managing partner. "Nakita naming mag-asawa ang potensiyal ng negosyo, kaya pumayag kaming makipag-partner sa negosyong ito," pahayag ni Cristy. Passion at lakas ng loob umano ang nagtulak sa kanila na tanggapin ang panibagong hamong ito sa kanilang buhay. "Hindi namin inaasahan, wala pang isang taon, nagsimula na ang pagpick-up ng negosyo." Katuwang ni Cristy ang kanyang asawa noong una nilang hinawakan ang Sweet Inspirations. Ang kanyang asawa, na nakapagtapos ng Masters in Business Administration (MBA), ang tumutok sa pinansiyal na aspeto ng kanilang negosyo. At, nang matapos din sa kolehiyo ang isa sa kanilang mga anak at nakapagtrabaho na rin sa ibang kumpanya, nagdesisyong tumulong na rin siya sa kanilang negosyo. Mula noon, nagsimula na ang pagbubukas nila ng ibang branch.

Payo sa mga Gustong Mag-Negosyo "Dapat may alam ka sa pinapasukan mong negosyo... Dapat hilig mo ang gusto mong i-negosyo, dahil bubuhusan mo ito ng oras kung talagang gusto mo at mahal mo ang iyong ginagawa." Ito ang paniniwala ni Cristy pagdating sa pagne-negosyo. Ayon sa kaniya, madali mo lamang sukuan ang isang negosyo o, mas malala, maaari ka lang maloko kung hindi mo hilig o wala kang kaalam-alam sa negosyong papasukan mo. "Stressful na Business" Ayon kay Cristy, hindi madali ang pagma-manage ng isang food business. Ito umano ay isa sa pinaka-stressful na negosyo, sapagkat arawaraw mong kakaharapin ang sari-saring problema. Isa umano sa malaking problema ay ang paghahawak ng tao. "Mahirap din humanap ng mga taong may tamang attitude sa kanilang trabaho," ika ni Cristy. Mahigpit din umano ang kumpetisyon, lalo na ngayon na marami na ang mga nagbubukas ng kanilang mga restaurant. "Nagpapasalamat ako at mayroon kaming sariling produkto na wala ang karamihan -- ang aming Mongolian barbecue." Hindi rin mawawala sa listahan ng mga kinakaharap nilang problema ang pagtaas ng mga bilihin, renta at utilities. Sa Ngayon Sa kasalukuyan, mayroon nang dalawang branches ang kanilang negosyo -- ang Sweet Inspirations sa Katipunan Ave. Loyola Heights at ang Mongolian Ricebowls sa Mall of Asia. Sa darating na Disyembre, 25 taon nang nagpapasaya at bumusog sa mga tao ang SI. Pinaghahandaan na rin ng kanilang kumpanya ang planong franchising ng kanilang negosyo. Magandang Halimbawa Walang duda, si Cristy ay isang perpektong halimbawa na kung passion mo ang iyong ginagawa, at kung nagsisikap at determinado kang tao, mas madali na lang ang pagsuong sa mga pagsubok na iyong kinakaharap o kakaharapin pa. Ang kuwento ng tagumpay ni Cristy ay magandang gawing "sweet inspiration" din ng ibang mga indibidwal na gustong sundan ang kanyang mga yapak.

G 1広告で3つ媒体に掲載 aano man kahirap ang trabaho at kabigat ng responsibilidad, mas madali ang pagsuong sa mga hamon kung hilig o malapit sa puso mo ang iyong ginagawa -- ang mahirap na trabaho ay nagiging laro na lamang. Ito ang paniniwala ni Cristy Echevarria, ang may-ari

より多くフィリピン人が閲覧 (Daloy Kayumanggi Photo Contest Winner)

1*Print (印刷): 3,000+ 一意のアドレス

2*ウェブサイト

4,600+毎月のページビュ

3*フェイスボック

2,400+ facebook ファン 5,400人 閲覧の平均

Daloy Kayumanggi Newspaper Job Advertisement Rate (新聞紙ダロイカユマンギーの求人広告)

For details, contact: D&K Corporation

03-5825-0188 / 090-6025-6962 (Erwin)


8

February 2015

STUDENT'S CORNER

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan"

Pahina ng mga Estudyanteng Pinoy: Introducing Kouhal Kit

M

a h a l a g a s a b a wa t

pagsisimula sa kahit

anumang aspeto ng buhay ang pagkakaroon ng gabay. Ang

gabay ay pwedeng magmula sa kapwa, sa mga karanasan ng nauna sa atin o di kaya sa ating natunan sa pagbabasa at maging

sa pagtatanong-tanong. Kapag itong mga

gabay ay pinagbuklod, maging halos perpekto itong gabay.

Dito sa bansang Hapon, kaming mga

mag-aaral ay may natatanging gabay:

Kouhai Kit. Itong gabay ay isang babasa-

hin na hango mismo sa karanasan ng aming mga senpais at patuloy naming na

pinagyaman sa loob ng dalawang taon. Sa

kasalukuyan, ang October 2014 na isyu

ay siyang pangatlong edisyon na. Ito ay

naging isang reyalisasyon sa pamumuno ng dating pangalawang pangulo ng Association of Filipino Students in Japan na si Ginoong Miko Nacino.

ang kumpletong nilalaman ng Kouhai Kit.

pahina mula sa Kouhai Kit ng mga impor-

ninyong mabasa at magabayan sa buhay,

mga bagong salta dito sa bansang Hapon.

sa mas matiwasay na pamumuhay sa

sa AFSJ website. Ito ay matutunghayan sa

Kung mapapansin, ang mga nilalaman

ng Kouhai Kit ay walang ipinagkaiba sa

Kaya naman amin ring inihahandog sa inyong giliw na magbabasa ang ilan sa mga

gabay na kapaki-pakinabang para sa ating mga mamamayang Pilipino.

Gabay sa pagggamit ng rice cooker at

microwave oven Hindi maikakaila na maging matatas

man ang karamihan sa pagsasalita ng

Nihonggo ngunit bihira ang nakapagbasa.

Dahil hindi raw lilipas ang isang araw na hindi nakakakain ng kanin ang isang

Pinoy, mahalagang marunong gumamit

ng rice cooker at makapagsaing. Sa mga

nagmamay-ari ng rice cooker, magandang

pagtuunan ng pansin ang ibig sabihin ng mga kanjing nakalagay sa ating rice cooker. Sakali man na makabili tayo ng mumurahin o di kaya ay second-hand

na rice cooker, hindi tayo mag atubiling

Ang cover page at nilalaman ng Kouhai Kit. bilhin pa rin ang rice cooker kung alam Mga nilalaman ng Kouhai Kit. - Getting Started

- The World Out There - Where to find - Etiquette and How-to’s - Housing in Japan - Contacts to Remember - Important Dates to Remember - Acknowledgements Layunin nito na mabigyan ang mga

baguhang mag-aaral at kahit pa sa hindi

pa nakatungtong ng bansang Hapon na mapag-alaman ang mga bagay-bagay na

dapat gawin bago, sa kasalakuyan at sa

hinaharap. Kung mapapansin, ang mga nilalaman ng Kouhai Kit ay mga pangunahing pangangailangan ng tao. Nariyan ang kung paano magsimula sa halos lahat ng bahay na nasa “Getting Started”, mga

dapat pakatandaan kung makipagsalamu-

ha sa mga Hapon na nasa “Etiquette and

How-to’s”, paghahanap ng matutuluyan na nasa “Housing in Japan” at marami pang

ibang iba. Nasa bandang kanan sa itaas

natin ang mga nakatitik dito. Dahil pa sa

katapat ng kanin ang ulam, nararapat din na malaman ang mga buttons sa paggamit ng isang microwave oven. G a b a y

s a

m g a

N u m e r -

ong Dapat Pakatandaan Sa matinding pangangailangan sa mga

pang-aabuso, prostitusyon, pagkabilanggo, pagkamatay, o sa repatriation, mainam na alam ang mga numerong dapat

tandaan na pwedeng tawagan. Dapat nakasave ag mga numerong ito sa ating cellular phone. Mainam rin ang pagdagdag

ng numero ng embahada sakaling may

mga problema na matutugunan ng embahada ng bansa. Syempre naman, isaalang alang-alang ang mga numerong dapat

tawagan sa sandaling merong sakuna o di

kaya ay may emergency. Higit na naging

mas kapanatag patag ang pamumuhay sa bansang Hapon kung alam natin kung

sino ang matatawagan at masasandalan sa oras ng kagipitan. Nasa ibaba ang mga

taneng numerong dapat pakatandaan.

Sabi nga nila, wala ng mas hihigit pa

bansang Hapon kung nakakaunawa tayo ng kanilang wika. Naging mas madali ang

mga bagay-bagay dahil naipapahayag natin an gating saloobin na walang balakid. Nakukuha rin natin ang respeto ng mga

Hapon kung alam natin ang kanilang wika at ang kanilang kultura. Kaya pinakainam

pa rin ang patuloy nap ag-aaral g wikang

Nihonggo. Nasa Kouhai Kit ang mga ito at ang iba pang mga gabay na hindi na

namin ilagay sa isyung ito. Kung nais po

pwedeng magkaroon ng sipi ng Kouhai

Kit sa pamamagitan ng pagdownload nito

http://www.afsj.jp/new-students. Pindu-

tin lamang ang Kouhai Kit link matapos maupload ang webpage.

Para sa karagdagang kaalaman, at kung

nais makipag-ugnayan sa amin, malugod po naming tatanggapin ang inyong mga mungkahi sa execom.afsj@gmail.com.


9

February 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Tips: Valentine's Day

Mga Dating Ideas para sa unang Date

N

iyaya mo siya sa isang date, at sa wakas ay nag-reply siya ng "YES." Ngayon, paano mo kaya gawing espesyal ang unang date ninyo ng inyong sinusuyo. Naririto ang ilang mga date ideas kung saan, siguradong mag-eenjoy kayo ng iyong ka-date: 1) Local events -- Depende sa kung saan kayo nakatira, magandang ideya kung sa isang event mo siya dadalhin, lalo na kung nasa mismong siyudad ka mismo, kung saan marami-raming mga events na pwede mong pagpilian. Sa pamamagitan nito, mas makikilala niyo pa ang isa't isa, habang nag-eenjoy sa mga musika, laro, pagkain at iba pa -- depende sa event na pinuntahan ninyo. 2) Do-it-yourself picnic -- Isang magandang ideya rin ito, kung saan, maipapakita mo ang iyong husay sa pagluluto at pag-oorganisa ng isang magandang picnic. Maaari niyo itong gawin ano mang oras at ano mang araw. Mas maigi kung pumunta sa isang lugar na makikitang magandang view. I-check mo rin ang weather condition sa oras na iyon. 3) Skating -- Kung walang snow sa inyong lugar, mayroong mga indoor skating rink na pwede ninyong puntahan. Mas maigi kung marunong ka na talagang mag-skate para may pagkakataon pang maturuan mo siya kung hindi siya marunong nito. Pasasalamatan ka niya, sigurado kung magagawa mong maturuan siya. 4) Comedy club -- Kagaya rin ito ng panonood ng pelikula, iyon nga lang, para sa karamihan, mas masaya ang karanasan ng panonood sa isang comedy bar -- lalo na kung kasama mo ang iyong sinisinta. Pansinin mo rin kung alin ang nagpapatawa sa kanya. Maaari mo itong magamit kinalaunan kung walang komedyanteng nagpapatawa at kayo-kayo lang ang magkasama. Maaari mong gamitin ang mga ideyang ito upang mas maging memorable at masaya ang inyong unang date.

Mga regalong maaari mong ibigay sa iyong boyfriend ngayong Valentine

K

adalasan, lalaki ang nagbibigay ng regalo sa babae sa tuwing sasapit ang Valentine's Day. Ngayon, iba na ang panahon. Mas maigi kung babae rin ang gumagawa ng aksyon para maging mas special para sa kasintahang lalaki ang Valentine's Day. Naririto ang maaari mong ibigay sa iyong kasintahan: 1) Game tickets -- Kung mahilig, halimbawa, ang iyong boyfriend o asawa sa basketball, magandang ideya kung bibigyan mo siya nito. Siyempre, mas maigi kung dalawang tickets ang bibilhin para pagsaluhan ninyong dalawa ang panonood. Patunay rin ito na kilala mo siya -- pati na ang kanyang mga interes sa buhay. 2) Chocolates -- Hindi lang mga lalaki ang nagbibigay sa kanilang kasintahang babae ng tsokolate -- maigi rin kung mababaliktad ang sitwasyon. Kapag ibinigay mo ito bilang regalo sa Valentine's Day, siguradong kikiligin ang iyong partner. 3) Paboritong ulam -- Kadalasan, totoo ang kasabihang "The fastest way to a man's heart is through his stomach." Pasayahin siya sa Valentine's Day sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng kanyang paboritong ulam. Kung halimbawang hindi ka marunong magluto, 'wag mag-alala; mas maigi ang sinubukan mo siyang paghandaan ng ulam. 4) Gawa-gawang gift certificates -- Para kakaiba, maganda kung gumawa ng sariling pakulo: Gumawa ng ilang mga Gift Certificates at bubunot siya ng isa. Pero bago mo siya pabubunutin, i-reveal mo muna sa kanya kung ano ang

kanyang mga posibleng pwedeng mabunot -- masahe, bakasyon, at iba pa. I-check ang kanyang mga interes. Sa pamamagitan ng pagbibigay mo ng regalo sa iyong minamahal, mas mapapalalim pa ang pagsasamahan ninyong dalawa.

Room Decoration sa darating na Valentine's Day

M

alapit-lapit na ang Valentine's Day. Magandang ideya, para ma-set ang mood ng bawat isa sa loob ng inyong tahanan, kung maglalagay rin ng dekorasyong naaayon sa pagdiriwang. Naririto ang mga pwede mong gawin, ayon sa eHow.com: 1) Giant hearts -- Gumupit ng malalaking mga puso. Maganda kung red at pink na mga kulay ang iyong gamitin. Maaari ring dekorasyonan ng glitters o stickers ang mismong giant hearts. Ilagay ito sa iba't ibang panig ng inyong bahay. 2) Gumawa ng streamers -- Maganda ring ideya para mas ma-feel ng mga tao sa loob ng tahanan ang paglalagay ng streamers sa mga pintuan o mga gilid-gilid ng inyong tahanan. 3) Lights -- Kung mayroon ka ring makikitang hugis-

puso na mga lights, maaari mo rin itong idagdag sa iyong dekorasyon. 4) Bulaklak -- Ang paglalagay ng mga red roses o carnations sa iba-ibang bahagi ng inyong bahay ay isa ring magandang opsyon. 5) Candles in bowls -- Napaka-romantic din ng "look and feel" ng paglalagay ng mga kandila sa isang bowl na may tubig. 6) Love songs -- At siyempre, walang tatalo kung magpeplay rin ng love songs sa background, nang sa gayon ay mas maramdaman ng mga tao sa loob ng inyong tahanan, lalo na ang iyong kabiyak o ka-partner, ang diwa ng Araw ng mga Puso.

Gusto mo bang mag-work ang inyong long-distance relationship? Alamin ang mga pamamaraan

N

aiwan ba sa Pinas ang iyong sinisinta? O, nasa ibang lugar ba ang iyong iniibig? Long distance relationship ang tawag dito. Sinasabi ng karamihan na mahirap umano ang ganitong set-up, bunsod ng mga sumusunod na dahilan: 1) Hindi kayo madalas nakakapag-usap; 2) Maaaring mawala ang pagtitiwala sa isa't isa; 3) Minimal ang pisikal na pagkikita at paglalambingan; at 4) Magkaiba rin ang inyong timezones. Ngunit, may ilang mga pamamaraan para siguradong magwo-workout ang inyong relasyon, kahit pa ito pang-malayuan. Basahin mo ang mga sumusunod: 1) Siguraduhing may komunikasyon, araw-araw. Sa ngayon, may ilang mga pamamaraan na para magawa ito -- Skype o Viber. Kaya, walang rason para hindi niyo ito magawa. 2) Mag-schedule ng regular na video chat sessions. Kung magkaiba ang timezone, piliin ang oras na maluwag ang bawat isa sa inyo. Pag-usapan ang mga bagay-bagay sa inyong buhay, kahit pa minsan ay maliit na bagay lang. Siguraduhin lang na huwag mag-aaway sa tuwing nagvi-video chat. 3) Surprise visit. Hindi pa rin mawawala sa mga pamamaraan para maging fresh pa rin ang inyong relasyon ay ang surprise visit. Halimbawa, sa mahahalagang okasyon, kagaya ng Valentine, magandang ideya kung magdesisyong uwian siya upang sorpresahin. Siguradong matutuwa ang iyong sinisinta. Oo't mahirap ang long distance relationship, pero maiging mag-pokus sa mga benepisyo at advantages nito kaysa sa mga negatibong aspeto ng inyong relasyon.

Valentine's Day ideas para sa mga busy parents

B

usy ba kayong dalawang mag-asawa sa pag-aalaga sa inyong mga anak at pagtatrabaho? Isa ang Valentine's Day sa inyong magiging excuse para maiba ang routine ninyong dalawa. Naririto ang ilang sa inyong mga opsyon sa mismong araw ng Valentine: 1) Mag-hire ng isang babysitter, o ipagkatiwala muna sa inyong mga kaibigan o kamag-anak at piliing mag-date muna. 2) Manood ng romantic - comedy movie sa sinehan at pagsaluhan ang popcorn at ibang treats. 3) Kung malamig ang panahon, perfect ang pagpunta sa isang cafe -pagsaluhan ang kape at dessert. 4) Bigyan ang bawat isa ng serious massage. Mas maigi kung may kasamang mga scented oils at mga kandila. Gawin ang gustong gawin pagkatapos. Ang Valentine's Day ay panahon para mas mapalalim pa ang pagmamahalan ninyong dalawa. Maigi kung pagsaluhan niyo itong dalawa.


10

February 2015

Daloy Kayumanggi

Tips: Valentine's Day

Paano ang pagsasabi ng 'Happy Valentine's Day'

M

"Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

arami-raming mga pamamaraan para ipahayag ang iyong pagbati sa tuwing sasapit ang 'Araw ng mga Puso,' kagaya na lang ng pagbibigay ng mga bulaklak at candies. Pero mas maganda kung labas sa tradisyunal na mga gawain ang iyong ihahanda para mabanggit sa iyong minamahal ang iyong matamis na 'Happy Valentine's Day, mahal!"

Naririto ang ilang mga pwede mong pagpilian: 1) Kisses -- Hindi ito literal na halik -- ang tinutukoy rito ay ang Hershey's Kisses. Bumili ka ng dalawang supot nito at ikalat ito sa inyong kuwarto o sa inyong bathroom.Maganda rin kung samahan ito ng simpleng note na nagsasabing, "Happy Valentine's Day, mahal! Kisses for you!" 2) Hearts -- Gumawa ng maraming mga hugis-puso. Ikalat ito sa buong kuwarto at samahan ito ng note na, "I gave you a heart attack, my dear. Happy Valentine's Day! I love you!" 3) Trail of Roses -- Bagama't may kamahalan dahil kailangan mong maghanda ng sangkatutak na mga roses, pero sigurado namang maa-appreciate ito ng iyong love. Ikalat ang mga petals nito sa kanyang mga dadaanan, hanggang sa kanyang kotse, halimbawa. Maganda rin kung nakahanda na rin ang delivered flowers pagdating niya sa kanilang opisina. Siyempre, samahan din ito ng note. 4) Dekorasyonan ang kanyang sasakyan -- Maglagay ng mga hugis-puso, bulaklak o ano mang naaayon sa Araw ng mga puso sa loob ng kanyang kotse. Pihado, matutuwa ang iyong partner sa iyong gagawin.

Mga ilang alternatibong regalo sa ating mga anak sa Valentine's

H

indi lang para sa magkasintahan ang Valentine. Ito rin ay para maipahayag natin ang ating pagmamahal sa ibang mga miyembro ng ating pamilya -- sa ating mga anak. Marahil sa ilan, nakagawian na nilang bigyan ng tradisyunal na regalo ang kanilang mga anak, sa tuwing Valentine's Day -- kagaya ng mga heart-shaped na candies o chocolates, at iba pa. Ilan sa mga alternatibong pwedeng iregalo sa ating mga anak ay ang mga sumusunod: 1) Customized gifts -- Marami-raming mga free websites sa Internet na pwede mong bisitahin upang gumawa ng customize na larawan ng ating mga anak. Ilagay ito sa mug, T-shirt, sticker, mouse pad o key-chain at pwede mo itong iregalo sa kanila. Siguradong matutuwa sila sa regalong ito. 2) Alahas -- Mayroong mga kiosks o stalls sa malls na nagbebenta ng mga customized na alahas -- iyon bang pwede kang maglagay ng pangalan o mensahe sa isang alahas. Hindi kinakailangang mahal ang bibilhin mo para sa kanila. Mas maigi, lalo na kung bata pa lang ang iyong mga anak, kung 'wag mamahalin. May tyansa kasing

mawawala ang mga ito ng iyong mga anak. 3) Tickets -- Sa mga kabataan, pasok sa kanilang panlasa ang entertainment -- kagaya ng concert o movie tickets. Mas maigi kung ang inyong panonoorin ay ang kanilang paboritong celebrities o groups. Ang mahalaga, batid ng mga anak mo na naaalala mo sila sa tuwing mahahalagang okasyon. It's the thought that counts, ika nga.

Mga Paboritong bulaklak tuwing araw ng mga puso

H

indi mawawala sa tuwing sasapit ang Valentine's Day ang pagbibigay ng bulaklak sa ating mga minamahal. Anu-ano nga bang mga bulaklak ang mga favorites sa tuwing Araw ng mga Puso?

Alamin: 1) Red Roses -- Alam mo bang ayon sa About Flowers, mga 60% sa mga binibiling bulaklak tuwing Valentine's Day ay red roses? Ang red roses kasi ay sumisimbolo umano ng pagmamahal at kagandahan, kaya paborito itong iregalo ng mga tao sa kanilang minamahal. 2) Carnations -- Kadalasan, pink, red at white carnations ang paborito tuwing Valentine's Day. Mas malayong mura rin ito kaysa sa red roses. 3) Tulips at Lilies -- Isa pang paborito ang mga bulaklak na ito sa tuwing Araw ng mga Puso. Maaaring inihahalo ito sa bouquets. Sumisimbolo ang tulips ng pagmamahal at ang lilies naman ay nangangahulugan din ng elegance.

Mga dapat iwasang regalo sa ating mga minamahal Valentine's Day para sa mga Single

M

insan, iniiwasan nating bigyan ang ating mga minamahal ng tradisyunal na mga regalo -- kagaya ng bulaklak, alak o tsokolate -- sa pagnanais natin na maging unique ang ating mga regalo. Pero, kung minsan, nagiging disaster ang ganitong aksyon. Naririto ang ilang mga dapat mong iwasang iregalo:

1) Pekeng bulaklak -- Siguradong hindi ito magugustuhan ng iyong reregaluhan. Ang gusto ng mga babae sa mga bulaklak ay ang totoong aroma na nanggagaling sa totoong bulaklak. 2) Stuffed Animals -- Sa iba na mahilig sa stuffed animals, okay lang na ganito ang ireregalo sa kanila. Pero, karamihan sa mga "adult women," wala nang masyadong

gamit ang stuffed animals para sa kanila. Hindi ito masyadong maa-appreciate ng iyong pagbibigyan. 3) Pera -- Siguradong mao-offend sa iyo ang iyong pagbibigyan kung pera ang ireregalo mo sa Araw ng mga Puso. 4) Mints -- Oo't hindi tradisyunal ang mints na inireregalo sa Valentine's Day, pero hindi magandang ideyang ibigay ito sa iyong iniirog. Baka ang isipan niya: Mayroon siyang bad breath. Maling piliin ang regalong ito. 5) Porn -- Mali ring regaluhan mo siya ng pornographic material o ng iyong sexy picture, halimbawa. Hindi na ito naaayon pa sa tema ng Valentine -- pagmamahal at respeto. Sa pagpili ng ireregalo sa iyong minamahal, maigi kung pag-isipan itong mabuti bago ibigay sa kanya. Isipin kung ano ang magiging reaksiyon niya pagbukas ng kanyang regalo.

H

indi ibig sabihin na kapag single ka, ma-a-out of place ka na pagdating ng Araw ng mga Puso. May mga paraan para maiwasang malungkot sa darating na holiday: 1) Isipin na hindi lang ikaw ang single. Marami-rami sa buong mundo ang walang partner sa pagkakataong ito. 2) May mga ibang nagmamahal sa iyo. Nandiyan ang iyong mga kapamilya at kaibigan na pwede mong maging kasalo sa araw na ito. 3) Tawagan ang isang "single friend" at pagsaluhan ang araw na ito sa isang bar o sa isang event na siguradong mag-eenjoy kayo. 4) Regaluhan ang sarili -- Ito rin ang tamang pagkakataon para pahalagahan ang iyong sarili. Bilhin ang matagal mo nang craving bilang regalo mo sa iyong sarili. 5) Mag-movie marathon -- Ngunit iwasan ang mga pelikulang magpapalugkot lamang sa iyo o magpapaalala sa iyong ex halimbawa. Piliin ang comedy movies, halimbawa. Maraming mga paraan para maaliw ang sarili sa Araw ng mga Puso, kahit ikaw ay single sa panahong ito. Magkaroon ng positibong pananaw.


11

February 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Tips: Valentine's Day

Mga romantic places sa Tokyo na pwede ninyong pagsaluhan

I

sa sa pinaka-romantic na mga lugar sa Asya ay ang Japan. Perfect ang mga lugar sa Japan, partikular sa Tokyo, para pagsaluhan ang Araw ng mga Puso, kagaya ng mga sumusunod: 1 ) M a g - c r u i s i n g s a To k y o B a y - - I s a n g ' d i malilimutang experience ang pagsaluhan ang isang romantic dinner date na may view ng nagliliwanag na Tokyo Bay at Rainbow Bridge. 2) Mag-date sa Tokyo Tower -- Ang Tokyo Tower ay kahalintulad ng Eiffel Tower sa Paris. Ayon sa website na Tokyo-top-guide.com, ang pagpunta sa Tokyo Tower ay isa sa pinaka-romantic na puntahan sa Tokyo. May viewing decks din ito para makita mo ang buong siyudad sa gabi.

Japanese dating rules -- Anu-ano ang mga kailangan mong malaman

A

n g k a - d a t e m o b a s a d a ra t i n g n a Valentine's Day ay isang Japanese? Kung oo, kailangan mo munang malaman ang iba-ibang mga dating rules ng mga Japanese na bahagyang kakaiba kaysa sa iyong kinagisnan.

1) Magsuot ng presentable -- Medyo cautious pagdating sa pananamit ang mga Japanese. Huwag magsuot ng fitted na mga damit o 'di naman kaya ay mga damit na nagpapakita ng "skin." 2) Maging attentive sa kanyang mga sinasabi -Hayaang maramdaman niya na ang iyong mga tainga at mata ay nakatutok sa kanya. Patapusin muna siya sa kanyang mga kuwento bago ka magsalita. 3) Mag-pokus sa mga interes ng iyong ka-date -Tandaan na mas magugustuhan ka ng kausap mo kung tatanungin mo siya o kung ang pag-uusapan ninyo ay hinggil sa mga bagay na gustung-gusto niyang gawin. 4) Classy restaurants -- Tandaan na kung ito ay first date mo sa kanya, maganda kung ito ay sa isang classy restaurant. Sa isang Japanese man: Gustung-gusto niya kung hahayaan mong siya na ang magbabayad sa inyong bill. Siguradong magsabi ng pasasalamat sa kanya. Gustung-gusto nila ng mga taong marunong magpasalamat.

Pinaka-romantikong mga Restawran sa Tokyo

N

aghahanap ka ba ng romantikong mga restawran na maaari ninyong puntahan ng iyong date kapag nasa Tokyo kayo? Naririto ang ilan lamang sa mga pinakaromantikong restawran sa kapital ng Japan:

Kakaibang pagdiriwang ng Valentine's Day sa Japan

N

apaka-unique ng pagdiriwang ng Valentine's Day sa Japan -- babae ang nagbibigay ng regalo, sa halip na mga lalaki. Tradisyon na ito sa Japan. Dalawang uri ng tsokolate ang ibinibigay -- ang Giri-choco at ang Honmei-choco. Giri-choco -- ibinibigay ito ng mga babae sa kanilang mga kaibigan, katrabaho, bosses at mga kalapit na lalaking kaibigan nang wala malisya. Honmei-choco -- ito naman ang ibinibigay sa mga itinatanging lalaki ng mga babaeng Japanese. Karaniwan, gawa mismo ang tsokolate ng nagreregalo. Simbolo umano kasi ito ng kanilang pagmamahal. White Day Tuwing March 14 naman, lalaki naman ang nagbibigay sa mga babae ng puting kulay ng tsokolate, kaya tinawag ang araw na ito na "White day." Sa darating na Valentine's Day, anong uri kaya ng tsokolate ang matatanggap mo (kung ikaw ay lalaki) o ibibigay mo (kung ikaw naman ay babae).

Mt. Fuji -- Perfect na lugar para mag-propose

2) Fish Bank TOKYO -- May spectacular view ito ng Tokyo Tower. Nasa 41st Floor ito ng Shiodome City Center building.

1) Chateau de Joel Robuchon -- Kapag may budget at gusto mo ng classy at romantic date, pumunta sa Yebisu Garden Place at hanapin ang restawran na ito. Ginawaran itong most "Michelin Guide stars in the world," kaya pihadong thumbs up ang look and feel, gayundin ang mga pagkain dito.

3) Disney Sea & Disneyland -- Napaka-romantikong lugar nito, lalo na sa gabi. Tunghayan ang mga sumusunod sa inyong pamamasyal sa lugar na ito: Cinderella palace, Italian village, Gondolas in the river, Disney Sea’s Volcano erupting in the dark, at marami pang iba. Mag-enjoy sa mga rides dito. 4) Sumakay sa "The Ferris wheel" sa Odaiba -- Tunghayan ang ganda ng buong siyudad habang sakay ng higanteng Ferris wheel. Perfect ang Tokyo na lugar para i-celebrate ang pagmamahalan ninyong dalawa.

3) Ginza Sky Lounge Tokyo -- Mae-enjoy niyo rito ang panorama view ng Tokyo City habang kumakain ng masarap na dinner. Maigi kung i-check niyo rin ang kanilang special dinner plan. Umiikot ito ng 360 degrees.

I

sa na marahil sa pinaka-romantikong lugar sa buong Japan ay ang Mt. Fuji -- saksi kasi ito ng maraming mga proposals. Kung kaya, kung binabalak mong mag-propose sa darating na Valentine's Day, ang mag-propose sa harap ng Mt. Fuji na marahil ang pinaka-nakakakilig para sa iyong sinisinta. Experience ito na hinding-hindi malilimutan ng bawat isa sa inyo. Paano Mapupuntahan ang Mt. Fuji Day Trip mula Tokyo -- pwedeng marating ang Mt. Fuji mula Tokyo sa pamamagitan ng isang day trip. Nasa timog-kanlurang bahagi ito ng lungsod ng Tokyo. Makikita mula sa Tokyo City Skyline Observatories -- maaari niyo itong matunghayan, halimbawa, sa isang observatory sa Mori Hills building sa Roppongi -- sa 52nd floor, ayon sa tokyo-top-guide.com. Mula sa Shinkansen bullet train -- kapag patungo ka ng Kyoto, Nagoya o Osaka, makikita niyo ang Mt. Fuji sa bandang kanang bahagi ninyo, tinatayang mga 40-45 minuto kapag galing sa siyudad.


12

Ads

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"


Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Ads

13


14

February 2015

Global Filipino

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino


15

February 2015

Daloy Kayumanggi

Travel

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Slice of Mango, Slice of Life Aries Lucea Email: arieslucea@daloykayumnaggi.com www.daloykayumanggi.com Madami na din naman akong nasaksihang magagandang tanawin sa Pilipinas, Japan at maging sa ilang parte ng mundo. Mapalad na nasaksihan ko ang kagandahang taglay ng mga natural wonders, like the Niagara Falls in Canada, Lake Tahoe in Nevada, pinamangha din ako ng kagandahang taglay ng Boracay 20 years ago, when the island was way more pristine, no crowds at dikit dikit na mga tourist establishments at ingay ng kasalukuyan. My love for travels also brought me to witness so many amazing man made edifice, una na sa aking listahan ang nakakabighaning New York City Skyline, Great Wall of China, the ruins of ancient Ayutthaya in Thailand at pati na din ng mga nakakaakit na temples and shrines of Kyoto. Pero walang makakapantay sa aking pagkamangha sa kagandahang taglay ng ancient ruins na matatagpuan sa Siem Reap, second largest city ng Cambodia, next to its capital Phnom Pehn.

Spellbound

awe-inspiring feeling you get from all these talks about the wonders of this ancient civilization. Well, all our anxieties were soon put to rest, mapapanganga ka na sa mga statues pa lang lining the entrance of Angkor Archaeological Park. Ang malawak na park na ito na may sukat humigit kumulang 400 km2, ay naglalaman ng mga UNESCO World Heritage. Malalim na ang gabi ng dumating kami ng aking asawa at dalawa pang kaibigan sa aming Guesthouse sa Siem Reap.

Medyo gutom na kami at nakakagalak naman na madami pa ding bukas na mga street side restaurants na makakainan ng masarap at murang local dishes. Local food and its quality marahil ang unang magpapasaya sa mga travelers, walang turista ang gustong magutom or sumama ang panlasa or tyan dulot ng pagkain, kaya naman first meal pa lang we knew that it was the right choice for our travel destination. Nagsimula ang aming umaga with high anticipation, after all the ruins of the ancient Kingdom of Cambodia are swooned over and over again by internet sights, bloggers, prints and from travelers from world over. May feeling na baka isa lamang siyang malaking hype, but in reality lacks the

Sights na tulad ng Ankor Wat, Angkor Thom, Bayon at marami pang ibang ruins ng iba't ibang syudad ng Khmer Empire from early as 9th century. My shoot and point camera failed to capture the awesomeness of these places, but I was lucky my friend made a last minute decision to upgrade her camera. Maganda ganda naman ang kinalabasan ng kanyang mga kuha. Gusto ko pang magkwento na madami about this place, but this is a rare time that I got so enthralled and overwhelmed by such grandiose beauty, that I feel I will just be spurting out superlatives and would fail to get the message across. So just enjoy the photos we took of wonderful Angkor !!! Matagal na sa bucket list ko and pagpunta dito. Ngunit magastos ang pagpunta dito dati, kasi you can only fly to Siem Reap from Bangkok or Kuala Lumpur. Pero hindi na ngayon, Cebu Pacific flies directly to Siem Reap from Manila.

at

Siem Reap


16

February 2015

ni: Emosians

to ang Valentine’s gift ko sa inyo: sikreto ng mga numerologist. Simple pero siksik na imporma-

syon tungkol sa personalidad ng isang tao lalo kung ito ay iyong hinahangaan o minamahal. (>‿ ◠ ) ✌ Huwag masyadong seryosohin kung anu-

man ang ibabahagi ko sa inyo dahil ito ay katuwaan lang.

Maaari kang maniwala o hindi dahil sa huli, ikaw at ikaw pa rin ang nakakaalam kung para ba sa’yo ang kahulugan

sanhi ng pagka-bully ng ilan habang sa ibang pagkakataon naman, dahil sa kanilang kabaitan ay minamahal ng

marami. Kinakailangan nila ng partner mapa-babae man o lalaki, ng “knight and shining armor” na magtatanggol

ARAW NG KAPANGANAKAN: 3, 12, 21 AT 30 Sila naman ang laborers sa mga birth sign kaya kadalamasipag at nagtiwala sa kanyang mga pangarap ay malayo ang kanyang patutunguhan. Kinakailangan makahanap ng partner na may mga pangarap at buo ang tiwala

sa iyo o kung hindi ay babagsak ka sa pangkaraniwan na kung tutuusin ay higit pa diyan ang iyong kakayahan.

questionableng personalidad. Pa-mysterious ang effect.

Dahil sila ang mga taong may malalim na koneksyon sa

idadagdag ko ang mga numerong 2 at 6 kung katya 8 ang

ang 11 naman ay hahatiin mo ulit: 1+1, kung kaya 2 ang iyong birth number.

Ito ang pinaka “day dreamer” sa mga birth number kaya pan. Ang pagiging extrovert nila ay kadalasan nauuwi sa

sa akin, ako ay pinanganak ng ika-26 ng Nobyembre kaya

bawa kapag ikaw ay pinangak sa January 29 (2+9=11) at

ARAW NG KAPANGANAKAN: 7, 16 AT 25 kadalasan sa kanila ay laging nasa himpapawid ang isi-

Ang komputasyon ng birth number ay ang numero sa

ang magiging katumbas ng iyong birth number halim-

min ng iba.

mayan sila pero kapag ang birth sign na ito ay naging

bilang ng araw na ikaw ay pinaganak tulad na lamang ng

ro ay hahatiin mo naman ang dalawang numero at yung

sa kanila dahil hindi nila kayang makapanakit ng damda-

san bumabagsak sa mediocre o pangkaraniwang mama-

o hindi.

aking birth number. Kapag sumobra sa sampu ang nume-

"Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

tusan dahil sa kanilang loner na ugali. Minsan ito ang

Valentine's Hula Scope sa numerology

I

Daloy Kayumanggi

Tips

kanilang spiritual na pagkatao, kadalasan din sa kanila

ARAW NG KAPANGANAKAN: 4, 13, 22 AT 31 Ito naman ang aktibista sa lahat ng birth number kadalasan sa kanila ay mahilig i-express ang sarili sa pama-

magitan ng “vandalism”. Sila din ang klaseng tao na hindi mananahimik kung may nakikitang kamalian. Minsan

ay malalakas ang kutob gayundin ang kanilang intuwi-

syon sa tao. Kinakailangan nila ng partner na gigising sa kanila at ibabalik sila sa mundo ng mga tao. Magiging

matagumpay ang Birth number na ito kapag siya ay magaling makisalamuha sa tao.

ang sobra nilang kagitingan ang kanilang ikinapapahamak kinakailangan nila ng partner na aawat sa kanilang accelerator ng katigasan ng ulo. Magiging matagumpay

lamang sila kapag nakayanan na nilang tanggapin na ang

mundo ay hindi patas at magsisimula lamang umayon sa

ARAW NG KAPANGANAKAN: 1, 10, 19, AT 28 Pinaka-competitive sa lahat ng birth number, laging

kanilang kagustuhan kapag sila rin ay nakiayon sa kasalukuyang sitwasyon.

nangunguna at may katigasan ang ulo ang mga number

sa naturalesa nilang ipahayag ang kanilang mga sarili.

hangga’t maabot mo ang iyong pangarap pero minsan

Kung kaya kadalasan sa kanila ay nami-misinterpret.

kinakailangan mong maging praktikal at realistiko sa

Kinakailangan nila ng partner na may mahabang pasen-

mga bagay-bagay para di mo laging ikakapahamak. Kaya

sya at tagapakinig na hindi iniinda ang kanilang kaham-

ang ilan sa kanila ay bumabagsak gawa ng kanilang “ego” time kumilos ayun sa nararapat.

rin ay masisipag pero minsan sa kanila ay may mataas na

level ng superiority complex o “kayabangan” dahil na rin

1. Ikaw ang klase ng tao na hindi basta-basta susuko

kailangan matutunan nila ang mag-lie-low at the same

ARAW NG KAPANGANAKAN: 8, 17 AT 26 Ito ay pinakadeterminado sa lahat ng birth number. Sila

bugan.

ARAW NG KAPANGANAKAN: 5, 14, AT 23 Ito ang klase ng mga taong may mataas na lebel ng pagiging risk taker. Sila ang mga taong gustong-gustong gumala o mag-ibang bansa. Kaya halos sa mga OFW ay

nasa ganitong birth number kinakailangan lamang maging maingat ang sign na ito sa padalos-dalos na desisyon

ARAW NG KAPANGANAKAN: 2, 11, 20 AT 29 Ikaw ang taong sobrang magmahal sa pamilya, sa kaibigan at lalo sa ka-relasyon kaya minsan naaabuso ng so-

bra kaya kinakailangan mo ng dominanteng partner na

dahil minsan ang ikinapapahamak nila ay ang biglaang

pagtalon sa balon na hindi muna ito sinisilip. Kinakailangan nila ng partner na parang elastic cord sa bungee jumping at maging taga-gabay sa wastong desisyon.

may pagpapahalaga sa iyo. Ang mga babae na may gani-

Itong klase ng birth number ay may paninindigan hanggang kamatayan. Sila rin ang pinaka-flexible sa mga

problema na kanilang kinahaharap o kakaharapin. Ma-

giging lapitin lamang sa swerte ang sign na ito kapag siya ay open-minded. Sila rin ang mga taong lapitin sa mga

tong birth number ay perpektong imahe ng pangtahan

disorder tulad ng “hoarding disorder” dahil na rin sila ay

at kung sa lalaki naman ay responsableng ama pero ang

sobrang sentimental ay di nila maitapon-tapon ang mga

ilan sa mga numerong ito ay mahihina kaya nalululong sa bisyo tulad ng alak, sugal at droga.

ARAW NG KAPANGANAKAN: 9, 18 AT 27

gamit o bagay na may kahalagahan sa kanila. Kinakailan-

ARAW NG KAPANGANAKAN: 6, 15, AT 24 Ito ang birth number na parang sixties ang tema, laging

gan nila ng partner na uunawa sa kanilang ugali tama o baluktot man ito.

at-peace, kumbaga ayaw nila parati ng gulo. Ayaw nila

makipagtalo, ng komprontasyon at lalo na makipagbas-

FREE NEWSPAPER Tawag lamang sa 090-1760-0599


17

February 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Komunidad


18

February 2015

Daloy Kayumanggi

Trabaho

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

URGENT HIRING!

WANTED FILIPINA ~ FILIPINO

R.O CORPORATION DRY CLEANING

Hamura. Hakonegasaki Station 1Hour TIME: 8:00 ~ 17:00, 9:00 ~ 17:00

900

Monday to Saturday

PLACE: Musashi Sunagawa Station Time: 8:00 - 17:00 Compo, Kumitate, Kenga, Mishin Overtime - Kailangan

1Hour GIRL

1Hour BOY

900 1000

PLACE: Sayama Shi (Cleaning) Time: 8:00 ~ 17:00 GIRL

1Hour

900

1Hour

BOY

900

Can Speak Japanese, Tagalog, English LOOK FOR

MORITA

080-6500-1819


19

February 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

ITSURA 'PAG NATUTULOG

pagkatapos ng nangyaring pagsalakay ng mga rebelde? Mayor: Ahhhh... Fish? Marami pa ‘yan dito... Reporter: Ha?! Mayor: At yung order naman... Yun ang problema. Dahil pinalubog ng mga rebelde yung barko eh. BUTLIG Donya: Naku Inday, umiiyak ka na naman! Ano ba’ng problema mo? Inday: Eh ma’am, aalisin daw ng doktor ang butlig ko? Donya: Oh eh, parang yun lang? Inday: Eh ma’am buti ho sana kung right o left lig lang. Eh kayo ho kaya ang maputulan ng butlig. Hindi ka iiyak? BAKIT PURO REDHORSE? Guro: Bakit puro Red horse ang sagot mo Pedro? Pedro: Ma'am ito ANG TAMA! MAINTENANCE PLEASE Misis: Hello, please send a MAINTENANCE personnel, ang mister ko (Bahay Kubo, kahit munti, ang halaman tatalon sa bintana! Bilis! doon...” Administrator: Ma'am, bakit po Juan: Tol, ba’t ka napapaiyak ‘pag maintenance? naririnig mo ‘yang kantang ‘yan? ‘Di Misis: Eh ayaw MABUKSAN ng bintana! naman nakakaiyak ‘yan ah! Pedro: Eh kasi tol, theme song naming ‘yan ng GF kong nang-break sa’kin eh. Hu- UTOT SA JEEP Sumakay ka ng jeep na maraming tao. hu-hu... Gusto mong umutot, buti na lang malakas PEACE AND ORDER Reporter: Mayor, pa-interbyu naman. ang music. Bawat utot mo sabay sa beat. Kumusta na ho ang peace and order dito Pagbaba mo, namangha ka, dahil lahat ng tao nakatingin sa iyo. PEDRO: Pare, bakit kanina ka pa nakaharap dyan sa salamin nang nakapikit?? JUAN: Shhh! Tinitingnan ko kung ano ang hitsura ko kapag natutulog! DOG JOB Pedro: Mag a-aaply po sana akong katulong ninyo. Amo: O sige, unahin mo sa pagpapakain ng alaga naming aso. Ham sa umaga, sausage sa tanghali at steak sa gabi. Pedro: Ah, pwede po bang umapila sa paga-apply. Gusto ko na lang pong maging aso ninyo. NAGTATAKA LANG Pedro: Pare bakit malungkot ka? Juan: Asawa ko nag hire ng driver. Gwapo, bata, macho! Pedro: Nagseselos ka? Juan: Nagtataka lang ako kasi wala naman kaming sasakyan! BAHAY KUBO

AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19 Pangalagaan nang husto ang kalusugan. Iwasan din ang pagiging masyadong matampuhin. Masuwerteng numero ay 25, 7, at 14. Kulay: Yellow.

PISCES Peb. 20 - Mar. 20

'Wag basta-basta maniniwala sa mga naririnig na bali-balita. Maiging himayin muna ang mga bagay-bagay bago gumawa ng isang desisyon para hindi magsisi sa huli. Masuwerteng numero at 22, 15, at 18. Kulay: Gray.

ARIES Mar. 21 - Abr. 20

Masuwerte ngayon pagdating sa pera. Pagisipan nang maraming beses bago ito i-invest sa isang bagay. Kakailanganin mo ng tulong ng malapit na mga kaibigan o kamag-anak pagdating sa bagay na ito. Masuwerteng numero ay 3, 8, at 19. Kulay: Blue.

TAURUS Abr. 21 - May. 21 Muling maibabalik ang isang nasayang na pagkakaibigan. Pangalagaan ito at 'wag pakawalan dahil makakatulong siya sa'yo sa hinaharap. Masuwerteng n u m e ro ay 2 6 , 2 4 , a t 2 . Ku l ay : Maroon.

GEMINI May. 22 - Hun. 21

Magiging masaya sa resulta ng peer evaluation. Pangalagaan ang tingin sa'yo ng ibang tao. Magiging masigla rin ang lovelife. Masuwerteng numero ay 17, 4, at 5. Kulay: Gray.

CANCER Hun. 22 - Hul. 22

Mapapansin ng ibang tao ang kakaibang glow ngayon sa aura mo. Ipagpatuloy ang paggawa ng mabuti dahil maganda ang balik nito sa'yo. Masuwerteng numero ay 28, 14, at 12. Kulay: Pink.

At saka mo lang naalala: nakaheadset ka pala! TIRSO CRUZ III Anak: Dad, pang ilang Tirso Cruz na si Tirso Cruz III? Tatay : (natawa) Trick question ba yan anak? Eh, di pang-lima, kaya nga PIP ang tawag sa kanya, di ba? ANO ANG TAWAG SA... Gumagawa ng tubo? Tubero. Kumukuha ng basura? Basurero. Ang mahilig sa gimik? Gimikero. Ang mahilig sa babae? Babaero. Ah, ano ang tawag sa taong lagi sa kanto? E, 'di, Tambay. Tambay lang! Huwag kang mag-imbento ng kabastusan diyan! MAS MALAKI KITA Q: Question…sino ang mas malaki kita? Intsik o boldstar? A: Syempre boldstar…kasi lahat kita! CHRISTMAS BANAT 1 Boy Banat: Parol ka ba? Girl Banat: Bakit? Boy Banat: Kasi, all these years, ikaw pa rin ang nakasabit sa puso ko.

CHRISTMAS BANAT 2 Boy Banat: Anong gagawin mo this christmas? Girl Banat: Wala naman, party lang. Ikaw? Boy Banat: Ganun pa rin...mamahalin ka. Yihee! MULTONG YAYA Anak: Tay, totoo po bang may multo? Tatay: Anak, walang multo! Bakit mo

LEO Hul. 23 - Ago. 22 'Wag basta-basta magtitiwala sa mga taong nagpapakita sa iyo ng maganda. Kilatising mabuti bago mo ibigay ang buong tiwala mo sa kanya. Masuwerteng numero ay 11, 16, at 19. Kulay: Green.

VIRGO Ago. 22 - Set. 23 Hahangaan ka sa pagiging mapagkumbaba mo, Virgo. Iwasan mo lang ngayon ang tukso, dahil bahagyang magiging marupok pagdating sa bagay na ito. Masuwerteng numero ay 21, 27, at 29. Kulay: Aqua Blue.

LIBRA Set. 24 - Okt. 23

Hayaan lang ang pagdating ng problema. 'Wag itong masyadong dibdibin. Kakailanganin mo ng payo ng iyong mga kaibigan o kamag-anak. Masuwerteng numero ay 16, 24, at 3. Kulay: Beige.

naitanong? Anak: Sabi kasi ni yaya, merong multo! Tatay: Anak naman, wala tayong yaya! SAKIT NG BABOY Pedro: Pare, ano ba tawag sa sakit ng baboy? Juan: Foot and mouth disease? Pedro: Hindi pare. Juan: Ano? Pedro: Eh, di…PIG-sa. TRANSLATE Teacher: Juan translate the following: Lets help one another. Juan: Tayo’y magtulungan. Teacher: Let’s strive together. Juan: Tayo’y magsikap. Teacher: Because in union there is strength. Juan: Dahil sa sibuyas may titigas! BUSOG NA Anak: `Nay, busog na ako. Nanay: Ano ka ba? Ubusin mo yan! Hindi mo ba alam? Napakaraming nagugutom sa buong mundo? Anak: O, ano ngayon? Kapag inubos ko ba ito, mabubusog sila? LANGAW Cholo: Ah, waiter, bakit may langaw itong lomi ko? Waiter: E, kasi po sir, sa sobrang sarap ng lomi namin, pati langaw gustong makatikim. mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp

www.tumawa.com

SCORPIO Okt. 24 - Nob. 22 Makatatanggap ng magandang papuri nang hindi inaasahan. Ipagpatuloy mo lang ang pagiging pokus at determinado -hahangaan ka ng ibang tao. Masuwerteng numero ay 10, 5, at 18. Kulay: Orange.

SAGITTARUIS Nob. 23 - Dis. 21

Good news ang hatid ng isang malapit na kamag-anak o kaibigan. Maibabalik din ang sigla ng iyong lovelife. Masuwerteng numero ay 20, 16, at 1. Kulay: Red.

CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20

Iwasan ang paggawa ng kuwentong maaring makasira sa kapwa. Masama ang balik nito 'pag nagkataon. Masuwerteng numero ay 11, 8, at 6. Kulay: White.


20

February 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

T

Nietes, pinataob ang rekord ni Elorde

GM Wesly So, tagumpay sa Chess Competition sa Las Vegas

P

agumpay na nasungkit ni Grandmaster (GM) Wesley So ang titulo sa Open Section ng 24th Annual North American Open sa Bally's Casino Resort, Las Vegas, Nevada bago matapos ang taon. Ayon sa pahayagang Bulgar, tinalo ni So si GM Tsegme Batchuluun ng Mongolia sa final round -- bagay na nagbigay sa kanya ng pagkakataong maiuwi ang $9,713 na papremyo. Nagkamit si So ng walong puntos na nalikom niya mula sa pitong panalo at dalawang draw. Samantala, pare-parehong 6.5 points naman ang nalikom nina GM Bu Xiangzhi ng China, GM Julio Becerra ng United States, Alex Yermolinsky ng US at GM Vladimir Georgiev ng US. Ito ang ikaapat na panalo ni So sa taong 2014 -- una, sa Capeblanca Memorial sa Cuba noong Mayo; ikalawa, sa ACP Golden Classic Bergamo, Italy; at, ikatlo, sa Millionaire Chess Cup sa Las Vegas noong Oktubre naman.

ormal nang nakapagtala ng "world champion" title si Donnie Nietes, 25, nitong Enero 1 -ito'y matapos ang pitong taon, tatlong buwan at isang araw na kanyang pag-aantay para mapasakamay ang titulo. Dahil sa naitalang tagumpay, nabuwag na ni Nietes ang rekord ni Gabriel "Flash" Elorde, ayon sa ulat ng lokal na pahayagan (Bulgar). Pitong taon at tatlong buwan ang rekord ni Elorde nang magingworld junior lightweight champ siya noong Hunyo 15, 1967. Nagsimula ang boxing career ni Nietes noong Setyembre 30, 2007 nang masungkit niya ang bakanteng WBO minimumweight title laban kay Pornsawan Propramook ng Thailand sa Waterfront Hotel and Casino, Cebu City. Hawa-hawak din ni Nietes ang Ring light flyweight lineal title -- kung saan, siya na ang ika-10 Pinoy na nakasungkit ng lineal title at best sa weight class. Isa sa mga Pinoy na ito si Manny Pacquiao.

LARONG KALYE Melbert Tizon Email: mbtizon@gmail.com

Isang Pagtanaw sa Poster Boy ng Philippine Basketball

N

agpasya agad ako na palitan ang ipapasa kong article nang marinig ang balita na magreretiro na si Jimmy Alapag. Walang problema sa akin kung magsimula uli sa umpisa. Hindi lang talaga ako makakatulog sa gabi kung palalampasin ko ang pagkakataon na ito para hindi bigyan ng tribute ang isa sa mga pinakamalaking PBA superstar ng aking panahon na si Mighty Mouse. Isa si Jimmy Alapag sa mga may pinakamatagumpay na karera sa PBA. Sa pagpasok pa lang, nagpasiklab na siya agad at nakuha ang AllFilipino Title. Ang 10th overall draft pick ng 2003 ay tinanghal na rookie of the year. Ibig sabihin noon, mas maganda ang ipinakita niya kumpara sa siyam na player na naunang natanggap kaysa sa kanya. Siyam na beses siyang naging all-star. Dalawang beses na nag-finals MVP at naging MVP noong 2011. Tinapos niya ang karera niya bilang pangalawa sa may pinakamaraming nagawang 3-pointers sa kasaysayan ng liga. Ang pinakamalupit pa rito, anim na beses siyang naging kampeon. Kung ipinapasa si Jimmy ng resume ni Manny Pangilinan para sa kanyang bagong trabaho bilang team manager ng Talk N’ Text at assistant coach ng National Team, tiyak mahihirapan na gawin itong maikli at simple. Ngunit siyempre, isa nang basketball icon si Jimmy hindi lang sa Pinas, kundi sa buong Asya. Hindi na niya kailangan ilitanya ang kanyang mga nakamit para manatili sa mundo ng basketbol. Hindi lang naman kasi nasusukat sa mga nakamit ang naging kontribusyon ni Jimmy Alapag sa Philippine Basketball. Nang inilabas nang FIBA ang isa sa mga facebook cover picture nila para ilarawan ang naging takbo ng basketball ngayong taon, andoon si Jimmy Alapag, katabi ng iba pang mga magagaling na basketbolista sa buong mundo. Posturang humihiyaw at katatapos lang tumira ng sunod-sunod na tres. Kalimutan mo na ang lahat ng kampeonato at MVP dahil iyon naman talaga ang inuukit niya sa kasaysayan ng isport sa Pilipinas. Sa pinakamalaking entablado nang world basketball kung saan nakatutok ang buong daigdig, ipinakilala ni Jimmy ang pusong Pilipino. Binalewala ang lahat ng limitasyon upang makipagsabayan sa kahit kanino. Dahil dito, nakuha natin ang respeto at paghanga ng buong mundo. Nang magretiro si Alapag, tinanong ko sa sarili ko kung mayroon pang susunod sa kanya. Sigurado akong oo. Sa Pilipinas man o abroad, hangga’t may bilog na bakal na nakakabit sa plywood, hindi matatapos ang kuwentong Jimmy Alapag at Philippine basketball.

N

SPORTS UPDATE UP Lady Maroons, nagiging maganda ang laro sa UAAP Women's Volleyball; Ateneo Lady Eagles, nanaig pa rin

N

agitla ang lahat nang mapanood ang magandang laro ng UP laban sa Ateneo Lady Eagles sa Season 77 ng UAAP Women’s Volleyball tournament. Nagawa ng Lady Maroons na itulak hanggang fifth set ang laban sa mga iskor na 25-18, 22-25, 25-20, 15-25, at 15-11. Sa ulat ng rappler.com, naging masigla ang paglalaro ni Alyssa Valdez ng Lady Eagles, kung saan nakagawa siya ng 25 na puntos, habang si Bea de Leon ay may 12 puntos at 11 puntos naman para kay Amy Ahomiro. Sa koponan naman ng UP, nanguna sa paggawa ng puntos sina Nicole Tiamzon na may 22 puntos at Kathy Bersola na may 12 puntos. Nanalo ang Lady Eagles noong unang set, samantalang nanalo naman ang UP Maroons sa pangalawang set. Sa pangatlong set ng laro, nanalong muli ang Lady Eagles. Noong pang-apat na set, naipanalo ito ng UP Maroons sa iskor na 25-15. Sa huling set ng laro, naging mainit ang laban at ito ay nagtagal sa 11-10 na puntos. Sa dakong huli, nakuha ng Lady Eagles ang apat sa huling limang puntos ng laro at naipanalo ang huling set.

Sports writers, manlalaro sa US bilib sa husay ni Kobe Paras

apabilib umano ni Kobe Paras ang ilang mga sports writers, kapwa manlalaro at mga kapwa Pinoy sa Los Angeles, California, matapos siyang magpasikat sa ilang mga invitational tournament bago magsimula ang mismong ligang sasalihan ng kanyang high school team -- ang Los Angeles Cathedral. Habang sinusulat ang balitang ito, wala pa umanong talo, ayon sa ulat ng TV Patrol, ang koponan ni Kobe; gayundin ay nag-a-average na raw ang manlalaro ng 17 points na siyang nagpapanalo sa kanyang koponan. Maganda ang feedback ng ilang sportswriters mula sa Los Angeles Times at ESPN Sports para kay Kobe. Buo naman ang suporta ng mga Pinoy roon kay Kobe. "He's a Filipino. We will support him," ika ng isang Pinoy na nakapanayam doon ni TV Patrol Reporter TJ Manotoc.

Sa Amatuer World Boxing rankings... Patecio, umangat sa ikalawang puwesto

M

ula ika-13 pwesto, umangat sa ikalawang puwesto si World Championships silver medalist Nesty Petecio sa Women's World ranking ng International Boxing Association

(AIBA). Magandang balita ang makalikom si Petecio, ayon sa pahayagang Bulgar, ng 987.5 puntos sa 57-kilogram category. Isang nagpaangat ng kanyang puntos ay ang pagiging silver-medalist niya sa AIBA Women's World Championships na isinagawa sa Jeju Island, South Korea. Dinomina ni World Champion Zinaida Dobrynina ng Russia ang pinakamataas na puwesto (1,700 points) at tinalo naman ni Petecio si Italian Alessia Mesiano (950 points) na nasa ikatlong puwesto ngayon.


21

February 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

MJ Lastimosa, determinadong magwawagi sa Miss Universe 2014

H

andang-handa nang makipagpatalbugan si Mary Jean Lastimosa, ang Miss Universe-Philippines, sa kanyang mga kapwa kandidata sa Miss Universe 2014. January 3 nang lumuwas si MJ patungong Miami, Florida kung saan isasagawa ang naturang prestihiyosong pageant. Buo ang suporta ng kanyang mga fans sa nasabing send off na siya namang nagpapalakas pang lalo ng loob ng beauty queen. "I'm just very happy and excited," ika ni MJ sa panayam ng TV Patrol. Samantala, masuwerte namang napiling online backstage host si Ariella Arida, ang pambato ng Pilipinas noong 2013 at nag-uwi ng Miss Universe 2013 Third Runner-up na titulo. Matatandaang, noong 2012, napili rin si Shamsey Supsup at noong 2013, si Janine Tugonon, bilang online backstage hosts ng nasabing kumpetisyon. January 25 (January 26 sa Pinas) ang petsa ng kumpetisyon.

Royal Showbiz Couples, Dingding at Marian, kasal na

Pinoy Celebs, nag-spend ng holidays sa iba't ibang bansa

S

aan kaya nag-spend ng holidays ang ilan sa ating mga paboritong Pinoy celebrities? Alamin. Angeline Quinto, sa HK Napabalitang mag-isang nagpunta sa Hong Kong si Angge to celebrate the holidays. Angelica Panganiban, solo flight din sa HK Ayon din sa isang balita sa diyaryo, magisa rin umanong pumunta sa HK si Angelica at hindi raw umano kasama si John Lloyd Cruz. Bea Alonzo, sa Taiwan naman; Vhong Navarro, pamilya sa China pumunta Nag-solo rin umanong nagbakasyon sa

Taiwan si Bea. Samantala, sa China ang destination nina Vhong at ng kanyang pamilya. Kim Chiu at Kris Aquino, sa Japan Wala namang balita kung nagkita-kita sa Japan sina Kim at Kris during the holidays. Billy Crawford at Coleen Garcia, nagbonding sa Maldives Sexy posts ang ibinalandra sa mga Instagram accounts nina Billy at Coleen na nagpapakita sa kanilang masayang bakasyon sa Maldives. Jericho Rosales at Kim Jones, sa Australia pumunta Australia naman ang destination ng magasawang Echo at Kim to enjoy their Christmas vacation.

W

Walang dahilan para pagsungitan ang kasintahan ng ama...

Danica, maayos ang relasyon kay Pauleen

W

ala umanong dahilan para hindi irespeto ni Danica Sotto ang kasintahan ng kanyang amang si Bossing Vic na si Pauleen Luna. Katunayan, ani Danica, base sa ulat ng bomboradyo.com, maayos nga raw ang relasyon nila ni Pauleen -- civil sa isa't isa at nag-uusap. Isa pang dahilan kung bakit boto rin si Danica kay Pauleen ay dahil inaalagaan daw niya ang kanyang ama. Bagama't hindi ideyal ang relasyong VicPauleen, ang pagkamaasikaso umano ni Pauleen ang dahilan kung bakit nirerespeto siya ni Danica.

alang duda, isa sa pinakamahalagang events sa mundo ng showbiz nitong nakaraang 2014 ang kasalang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Isinagawa ang bonggang Royal Wedding noong Disyembre 30, 2014 sa Immaculate Conception Church sa Cubao, samantalang sa Mall of Asia Arena naman idinaos ang reception ng dalawa. Bigating artista-celebs Bigating artista-celebrities ang pumuno sa simbahan, na nagsilbing mga sponsors ng dalawa, kagaya nina: Helen Gamboa, Kris Aquino, Gov. Vilma Santos-Recto, Dra. Vicki Belo, Regine Velasquez, Vic Sotto, Mother Lily Monteverde, Ogie Alcasid, Mr. Antonio Tuviera ng APT Entertainment at Eat... Bulaga! at si Mike Enriquez. Bigatin din ang ilan sa mga abay ng dalawa: sina KC Concepcion at Ai Ai delas Alas. Present din ang Pangulong Noynoy Aquino, bagama't hindi na siya sumunod pa sa reception ng kasalan. Red at Black Red at black colors ang pumuno sa simbahan at sa reception. Naka-red dress ang mga babae, samantalang black suit o barong naman sa mga lalaki. Red roses din ang pumuno sa mga lamesa sa reception. First dance, giant cake

Bongga rin ang cake ng dalawa - giant cake na may presentation pa bago ito hiniwa. Samantala, cute na cute naman ang dalawa sa kanilang first dance as husband and wife. Short film Samantala, naghanda naman ang kanilang ninang Direk Bb. Joyce Bernal ng isang short film na nagkuwento sa love story nina Dingdong at Marian. Isa sa mga rebelasyon sa naturang short film ay ang kanilang first off screen kiss -- sa kotse. Ako ang Nagwagi! Naging rebelasyon din na ang kanta raw ni Marian para sa lalaki ay "Ako ang Nagwagi!" ayon sa host sa reception, si Gabby Eigenmann. Co-host sa naturang event si Bettina Carlos.


22

February 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

PNoy, pinanuod ang movie ni Bimby

H

indi pinalampas ni Pangulong Noynoy Aquino ang panonood sa pelikula ng pamangking si Bimby Aquino-Yap sa mismong araw ng pagbubukas ng Metro Manila Film Festival 2014. Kasama ang tatlong mga kapatid, tumungo si PNoy sa SM Megamall upang panoorin ang 'The Amazing Praybeyt Benjamin 2' na pinagbibidahan ni Vice Ganda. Present sa naturang block screening, ayon sa ulat ng dzmm.abscbnnews.com, sina: Vice Ganda, Pooh at Pokwang, Coco Martin, Richard Yap at misis, news anchor Anthony Taberna at Erich Gonzales. Samantala, humabol naman sa nasabing screening sina James Yap at ang girlfriend na si Michella Cazzola.

Ara Mina, sobrang happy sa baby

Vice, na-interview si PNoy sa show

T

op trending topic kamakailan sa social media ang pakikipagkulitan ni Vice Ganda kay Pangulong Noynoy Aquino, through a one-one-one interview sa kanyang Sunday show -- ang "Gandang Gabi Vice." Maraming mga rebelasyon ang nasabing interview, kagaya ng mga sumusunod: 1) Naging professor umano ni PNOY si dating

N

Ai-Ai at Kris, nagkabati na? aging viral kamakailan sa social media ang larawang nagpapatunay ng muling pagtatagpo nina Kris Aquino at Ai ai delas Alas, kasabay ng kasalang Dingdong Dantes at Marian Rivera bago magtapos ang taon. Sa larawan, makikitang nagbeso ang dalawa.

S

obrang happy. Ito umano ang nararamdaman ngayon ni Ara Mina sa pagdating ng kanyang bagong inspirasyon sa buhay -- si Amanda Gabrielle (anak nila ni Bulacan Mayor Patrick Meneses). Kakaibang happiness umano ang dulot ng kanilang baby, ayon sa panayam ng DZMM sa aktres. "Siyempre, medyo bago sa buhay ko ito, parang nakaka-amaze lang, kasi for nine months, dala-dala ko siya sa tiyan ko. Tapos ayan na siya, 'di ba?" ika ni Ara. Ayon pa sa aktres, nagdesisyon umano siyang huminto muna sa pagiging artista at gustong maging hands-on sa kanyang anak. Sobrang protective at maalaga naman umano ang kanyang partner na si Patrick.

Dennis Trillo, panalo ng acting award sa Asian TV Awards

P

analo si Dennis Trillo bilang 2nd Place sa kategoryang Highly Comm e n d e d Aw a r d for Best Actor sa nakaraang seremonya ng Asian TV Awards na isinagawa sa Singapore. Napanalunan ni Trillo ang nasabing award dahil sa kanyang pagganap bilang homosexual sa isang teleserye sa GMA Network, ang "My Husband's Lover." Si Trillo lang ang tanging Pilipino na nominado sa nasabing acting award. Ito na ang pangalawang beses na ma-nominate si Trillo sa nasabing award-giving body -napasali rin siya noong 2007 sa kategoryang Best Actor sa kan-

yang pagganap sa "Unico Hijo." Ang mga sumusunod ay ang mga nakalaban ng aktor sa nasabing award, ayon sa ulat ng bomboradyo.com: He Shengming ng "Love of OB & GYNS" (China), Ban Tieh-Hsiang ng "My Super Dad" (Taiwan), Zhai Tianlin (China) at Pierre Png para sa "Zero Calling" at "The Journey: A Voyage" (Singapore).

MMDA: MMFF 2014, pinakamataas na box office record sa loob ng 40 taon

I

sang patunay na naging successful ang nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2014 ay ang anunsiyo kamakailan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ang box office record nitong nakaraang taon ang pinakamataas sa loob ng 40 taon ng nasabing festival. Sa ulat ng dzmm.abs-cbnnews.com, tinatayang Php 949 na milyon umano ang kinita ng kumpetisyon sa loob lamang ng 12 araw mula nang opisyal na ipinapanood sa publiko ang mga kasaling pelikula, base sa pahayag ni MMFF Chair Francis Tolentino. Nahigitan nito ang rekord noong nakaraang taon na nagtala naman ng Php 936 na milyon. Ang mga top films na pinilahan ng manonood ay ang mga sumusunod: 1) The Amazing Praybeyt Benjamin 2) Feng Shui 3) My Big Bossing 4) English Only, Please 5) Kubot: The Amazing Chronicles Extended din ang screening ng mga kasaling pelikula sa mga sinehan.

pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Ateneo de Manila University. Ang grade niya? “Naalala ko B+ eh." 2) Hindi pa rin natatanggal ang bala sa kanyang leeg hanggang ngayon. Ito ay dulot umano ng pag-atake ng mga rebeldeng sundalo noong taong 1987 sa Malakanyang. 3) Siya ay single. Inamin ng pangulo na wala siyang girlfriend sa ngayon. Inamin din niyang naging sila ni Grace Lee. 4) Mahilig siyang kumanta, lalo na umano 'pag siya ay mag-isa. Ipinarinig niya sa show ang kanyang bersyon ng "Estudyante Blues." 5) Fan siya ng UAAP. Pero, ayon sa kanya, kailangan niyang maging neutral, kaya saka lang siya nanonood kapag siya ay nasa kanilang bahay. Nang matanong kung ipinagdarasal ba niyang matalo ang La Salle (na mahigpit na karibal ng Ateneo sa sports): Sagot ng pangulo, "Manalo ang Ateneo." Reaksyon ng isang Facebook User (Ramil Ygot): "Though serious when it comes to work, this just proves that being a president doesn't mean you have always to be up there. He is a very approachable and cool human being."

Ayon sa ulat ng The Buzz, nangyari ang muling pagtatagpo sa harap ng simbahan. Sa balita, si Kris umano ang unang lumapit kay Ai-Ai, na noon ay kasalukuyang nakikipag-usap kay Governor Vilma Santos. Sinasabing una umanong nilapitan ni Kris si Ryza Mae Dizon bago siya dumiretso kay Ai-ai. Base sa kuwento ni Ogie Diaz sa panayam ng nasabing show, nagbigay umano ng regalong isang set ng necklace si Kris, kung saan may imahen nina Mama Mary at Jesus Christ. Si Ai-Ai ay isang Marian devotee. Kuwento pa ni Diaz, may kalakip pa umano itong liham na may mga katagang, "Friendship forever na tayo ha?" Aminado umano si Kris na planado niya ang nasabing pakikipagbati, alinsunod na rin umano sa payo ng kanyang mga ate. Matatandaang, nagsimula ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa noong yumao ang ina ni Ai-Ai.

Sarah at Kim, tinaguriang Disney Channel Asia's Princesses

T

ampok ang dalawang Kapamilya stars as Disney Princesses sa posters ng Disney Channel Asia na ipinalabas kamakailan lang. Featured si Sarah Geronimo as "Fearless Princess" na si Rapunzel. Ang poster ay halaw sa isang eksena ng 2010 animated film na "Tangled," kung saan makikita si Sarah na nakadungaw sa may bintana na blonde na buhok. Samantala, nag-astang "Determined Princess" na si Mulan naman si Kim Chiu sa isa pang poster. Ang Mulan ay ang 1998 animated film na tumatak din sa mga tao. Hindi pa inaanunsiyo ng Disney Channel Asia, ayon sa ulat ng dzmm.abs-cbnnews.com, kung para saan ang mga nasabing posters.


23

February 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

I

Twit ni Idol

sang lalaki at dalawang babaeng celebs sa Pilipinas ang susundan natin sa isyung ito -- ang isa ay isang sikat na singer (na malapit nang ikasal), ang dalawa naman ay parehong magagaling na hosts, artista at modelo (ngunit sa magkaibang networks). Tara, silipin natin ang kanilang mga latest tweets:

Celebrity 1: Yeng Constantino (@YengPLUGGEDin)

Isa sa mga patunay na malakas ang karisma ni Pope Francis ay ang tweet kamakailan ni Yeng Constantino, kung saan nabanggit niya na bagama't hindi siya miyembro ng Simbahang Katolika, gustung-gusto pa rin umano niya ang aura ng Sto. Papa. Ito ang kanyang tweet:

Celebrity 2: Luis Manzano (@luckymanzano)

Negatibong komento, ipinupukol sa pagkakapanalo ng Best Actress...

Jennylyn, walang paki sa mga bashers

Hayaan na natin sila." Ito ang pahayag ni Jennylyn Mercado sa kanyang mga bashers. Reaksyon ito ng aktres sa mga naglalabasang negatibong komento sa kanya hinggil sa pagkakapanalo niya ng Best Actress award sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2014. Bumida kasi si Jen, kasama si Derek Ramsay (na nanalo namang Best Actor) sa "English Only, Please" na entry sa nasabing Festival. “Ganito talaga ang kalakaran sa industriyang ito, eh. Sabi nga nila, maasar-talo pag pumatol ka pa. Kaya kahit medyo nakakapikon na minsan, hinahayaan ko na lang,” ika ng Kapuso Actress sa panayam ng bandera.inquirer.net. Samantala, lead actress naman ngayon si Jen sa Kapuso teleserye na Second Chances na tampok sa GMA Telebabad. Kasama niya rito sina Camille Prats, Raymart Santiago, Rafael Rosell at marami pang iba. “Lahat naman tayo ay nakaranas na siguro somehow na magkaroon ng second chance sa buhay, maliit o malaking bagay man, desisyon man o simpleng wish at ginusto nating magawa ng tama at mahusay,” pahayag ng seksing aktres.

Teleseryeng 'Be Careful With My Heart,' wagi sa Vietnam Green Star Awards

G

Sobra naman ang tuwa ni Luis Manzano bunsod ng pagiging host niya ng bagong season ng patok na game show sa dos -- ang "Deal or No Deal." Bagama't wala pang detalye siyang ini-reveal sa kanyang post, siguradong pakaaabangan ito ng kanyang mga fans.

Celebrity 3: Solenn Heussaff (@solennheussaff)

Sa isa sa kanyang posts, nakikiisa rin si Solenn sa pag-welcome kay Papa Francisco. Sa dalawang posts naman niya, ini-reveal ni Solenn na endorser siya na kagagaling niya sa isang shoot ng isang endorsement para sa isang sikat na cosmetic brand sa Pilipinas.

Sundan sila sa Twitter at maging updated sa kanilang mga latest tweets hinggil sa kung ano ang latest sa kanilang mga buhay-buhay.

ood news sa mga fans ng 'Be Careful With My Heart,' na bagama't tapos na sa Pinas ay ipinapanood pa rin sa iba't ibang panig ng Asya: Panalo ang teleserye sa nakaraang Vietnam Green Star Awards. Isinagawa ang awarding sa Ho Chi Minh City. Bukod sa award na favorite foreign drama series, nakamit din ng mga artista ng teleserye ang favorite foreign actress at favorite foreign actor awards -- na tinanggap nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap. Ayon naman sa ABS-CBN News, mainit ang pagsalubong sa dalawang bigating artista ng kanilang mga fans at viewers doon.

Kris, willing sa pagkakabalikan nila ni Mayor Bistek pero 'di raw siya ang magde-decide

H

indi pa rin sarado sa pagbabalikan nila ng ex nas si Quezon City Mayor Herbert Bautista si Kris Aquino. Pero aniya, base sa ulat ng bomboradyo.net, hindi umano siya ang magdedesisyon. Sa tanong na tutol ba ang mga kapatid at anak ni Kris sakaling sila'y muling magkakabalikan: Aniya, wala raw itong problema sa kanila.

Ngunit, sa panig ni Mayor Bistek, tutol umano ang kanyang mga anak sa kanilang pagmamabutihan ni Kris. Samantala, napabalita kamakailan ang pagdalaw ni Bistek sa Presidential sister. Ayon kay Kris, wala raw ibang kahulugan iyon. Hindi rin daw ito kaugnay ng nalalapit na 2016 elections. Idinenay din ni Mayor Bistek sa media ang pagkakabalikan nila ni Aquino.


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.