Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Inspiring Global Filipinos in Japan
〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com
D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611
Vol.4 Issue 48 June 2015
www.daloykayumanggi.com
KA-DALOY
Masikap na Kasambahay
KONTRIBUSYON
Puso ng Isang Bayani
7
SHOWBIZ
Rachelle bibida sa Les Miserables
9
21
PINAS, PATULOY ANG PAG-UNLAD INVESTIGATIVE REPORT
SILAW NG GINTO: SCAM NGA BA ANG EMGOLDEX? ni Erwin Brunio mag-invest sa gold. Una, bago mag-register sa website, kailangang may sponsor ka na upline (2). Hindi pwedeng magregister at bumili lamang ng gold kung wala kang sponsor. Pangalawa, kailangan mo ring bumili ng investment gold sa halagang 7,000 Euro (mahigit ¥95,000, o 352,000 pesos sa rate ngayong May 19, 2015).
“Dati rin akong nag duda.. Pagkakaiba natin.. SINUBUKAN ko.. 182,500 pesos na dagdag income. Dba ang sarap nun”
S
- Facebook post
ino nga ba naman ang hindi maeengganyo kung sa tanang buhay mo, ngayon ka lang nakahawak ng perang 180K? Sino nga ba naman ang hindi magbubuhos pa ng karagdagang puhunan kung sa unang pasok mo ay ganyan agad ang kita. Syiempre, ang mga taong dating nagduda, sumubok ng kunti, nasilaw at naging gahaman sa kinang ng pera at ginto. Parami ng parami ang mga OFW dito sa Japan ang nasisilaw at naging gahaman sa instant pagyaman. Gaya ng nabanggit na Facebook post, marami ang na-engganyo na sumali sa Emgoldex. Ang Emgoldex, ayon sa kanilang website na www.emgoldex.com, ay isang buy and sell company na ang produkto ay investment gold bar (1). Sa kanilang Internet Store, maaaring makabili ang kahit sinuman ng gold bars, subalit kailangang magparegister muna ang lahat bago makabili. Sa rehistrasyon na papasok ang Program Goldex. I t o a n g a dve r t i s i n g - m a r ke t i n g p ro g ra m n g kumpanya kung saan ineengganyo ang mga nais
Pilipinas, ikalawa sa may pinakamabilis na lumalagong ekonomiya ngayong 2015
S
a pag -aaral at survey na isinagawa ng Bloomberg, lumalabas na ang Pilipinas ang pumapangalawa sa may pinakamabilis na lumalagong ekonomiya ngayong 2015.
Sa tingin ng mga ekonomista, sunod ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa bansang China mula sa listahan ng “This Year’s All Stars of the Global Economy." Malaking tulong umano sa ekonomiya ng bansa ang bumababang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Batay sa ulat, tinatayang tataas sa 3.7 porsiyento ang pandaigdigang ekonomiya mula sa 3.2 posiyento noong nakarang taon. Sundan sa Pahina 5
LARONG KALYE
S
Melbert Tizon Email: mbtizon@gmail.com
WHAT'S NEXT FOR PACMAN?
Larawan 1. Investment scheme sa Emgoldex. Ang isang account ay nagkakahala ng 7,000 Euro (solo account na ¥85,000 base sa dating exchange rate). Maari ding magpatak-patak o corpo mula sa ¥10,000 para mabuo ang isang account. Ang larawan ay screengrab mula sa Facebook post ng isang recruiter ng Emgoldex.
Sundan sa Pahina 4
a karera ni Manny, anti-climactic ang naging laban nila ni Mayweather. Sa kabila nito, o siguro dahil dito, hindi pa raw siya tapos sa boksing. Kumbaga sa libro, mayroon pang epilogue. Pero bakit? Ano pa ang nagtutulak sa kanya sa ring? Nang kinuyog ng Barangay Pacquiao si Dela Hoya, alam natin na isa na lang ang natitirang boksingero na kailangan niyang kalabanin: si Mayweather. Hindi dahil sa undefeated siya.
Sundan sa Pahina 20
OFW Summit: Empowering Global Pinoys ni Mario Rico Florendo
Tokyo, Japan -- Matagumpay na
ginanap ang OFW Summit 2015 sa Hachioji, Tokyo kamakailan.
Tinaguriang "Breakthrough,"
dinaluhan ito ng apat sa magagaling
na eksperto sa iba't ibang larangan tulad ni Aileen Santos...
Sundan sa Pahina 5
KONTRIBUSYON Pahina ng Estudyanteng Pinoy
8
TIPS
Wais na Pag-budget ng Sahod
10
HOROSCOPE Superstisyon ng mga Hapon
16
2
June 2015
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Japan kasama sa 10 most Pilipinas, isa sa pinakamagandang mga destinasyon tourism-ready economies sa mundo - NY Daily
I
sa ang Pilipinas sa mga nagiging paborito at popular na destinasyon ng mga turista mula sa iba't ibang panig ng mundo dahil sa kakaibang kasaysayan at natural na ganda nito, ayon sa ulat na inilabas ng New York Daily. Binigyang diin ng ulat ng NY Daily ang ilan sa mga lugar na talaga namang nararapat lamang umanong
bigyang-pansin, gaya na lamang ng Banaue Rice Terraces, Puerto Princesa Underground River at Tubbataha Reef Marine Park. Kabilang din sa mga nabanggit ang Apo Reef, Chocolate Hills ng Bohol, at Taal Volcano ng Batangas. Idinagdag pa sa listahan ang maraming makasaysayang lugar sa Pilipinas gaya ng simbahan ng San Agustin, ang popular na Intramuros at ang isla ng Corregidor. Nabanggit din ang iba't-ibang popular na beach destinations gaya ng Boracay, Bohol at Puerto Galera. Para naman sa mga interesadong mag-shopping, ang Mall of Asia, Megamall at Glorietta ay ilan lamang sa mga malls na maaaring bisitahin. Ayon pa sa ulat, ugaling Pinoy umano ang pinakamalakas na atraksyon sa bansa. Bilang turista, ang pagiging magalang at mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa mga bisita ay tunay umanong kahanga-hanga.
Mga pagkaing Pinoy, nakikilala na sa Amerika
K
asama sa sampung bansang pinangalanang tourismready economy ang bansang Japan ng Travel and Tourism Competitiveness Report ng World Economic Forum 2015. Sa nasabing listahan, ayon sa ulat ng bomboradyo. com, ang bansang Espanya ang number one spot. Sumunod sa listahan ng 10 most tourism-ready economies ang mga sumusunod na bansa: France, Germany, United States, United Kingdom, Switzerland, Australia, Italy, Japan at Canada. Isa sa mga naging batayan sa pagpili sa nasabing mga bansa ay ang mabilis na paglago ng ekonomiya ng mga ito.
Pinay, kauna-unahang Pilipinong councilor sa UK
M
alaking selebrasyon ang inihanda ng mga Pilipino sa United Kingdom. Ang dahilan: ang pagkakapanalo ng isang Pinay bilang kauna-unahang councilor na Pilipino sa nasabing bansa sa katatapos na eleksiyon doon. Sa ulat ng bomboradyo. com, ang nasabing Pinay ay si Cynthia Alcantara-Barker. Natutuwa ang ilang mga Pinoy doon sapagkat kinikilala nila si Cynthia bilang isang magaling na lider. Matulungin din umano si Barker sa mga kapwa Pinoy na may mga problema, kagaya ng mga Pinoy TNTs. Tubong San Pablo City sa Laguna si Barker at tumakbo siya bilang councilor ng Elstree at Borehamwood sa ilalim ng Conservative Party.
T
unay ngang nakikilala na ang mga pagkaing Pinoy sa iba't ibang panig ng mundo -- pati na sa Amerika. Ayon sa ulat ng Washington Post, ang mga pagkaing “turo-turo� kung tawagin na iniaalok sa Los Angeles at New York ay nag-iwan na ng marka at pagkilala mula sa mga Amerikano. Sa ngayon, kabilang na ang mga pagkaing Pinoy sa inihahain ng ilan sa malalaking kainan at restaurants na matatagpuan sa Amerika. Sa ulat ng Seattle Weekly, mga Pilipino chef mismo
ang naghahain ng mga pagkain at binibigyan ang mga ito ng pangalang talaga namang tatatak maging sa mga banyaga, gaya ng Maharlika, Bistro 7107, at Jeepney. Kabilang na rin sa mga pagkaing inihahain ay ang dinuguan, kare-kare, at crispy pata. Ayon sa goodnewspilipinas.com, nag-klik ang pagkaing-Pinoy sa panlasa ng mga Amerikano dahil na rin sa mga kakaiba at talaga namang katakam-takam na lasa ng mga ito na naiiba sa nakasanayan nang kainin ng mga Amerikano.
Liberia, idineklara na ng WHO na 'ebola-free'
B
unsod ng mahigpit na pagbabantay, idineklara na ng World Health Organization ang bansang Liberia bilang "ebolafree." Sa ulat, ang pagkakadeklara sa bansa bilang ebola-free ay bunsod ng zero-record ng nakapitan ng sakit sa loob ng 42 araw. Naging mahigpit ang Liberia, pati na ang mga
katabing-bansa kagaya ng Guinea at Sierra Leone, matapos magkaroon ng outbreak sa mga lugar na ito. Sa tala, umabot na sa 11,000 na katao ang namatay dahil sa epidemya. Mula Agosto hanggang Oktubre noong nakaraang taon, ang tala sa mga nabibiktima sa sakit na ito kada linggo ay umaabot ng 100.
3
June 2015
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Panukalang batas na magpapahaba sa maternity leave, isinusulong
Mga OFWs, maaari nang magparehistro gamit ang internet
I
sang panukalang batas ang isinusulong ngayon sa Kamara na naglalayong palawigin pa ang maternity leave ng mga babaeng empleyado. Sa House Bill 5701 na inihain ni Las Pinas Rep. Mark Villar, isinusulong nito ang pagbibigay ng with pay ang 90-day leave ng mga empleyado. Karagdagan dito ay ang 30-araw na maternity leave. Gayunpaman, sa 30-araw na leave na ito, wala nang bayad ang empleyado. Ang karagdagang araw na ito umano ay para mabigyan ang ina ng sapat na lakas mula sa pagkakapanganak at para maalagaan muna ang kanyang sanggol. Sa kasalukuyang labor code kasi, hanggang anim na linggo lang ang paid leave ng mga empleyado. Nakasaad din sa panukalang batas na ito ang seguridad sa hindi pagkakasibak ng empleyado bunsod ng mahabang leave na ito.
Electric train sa Japan, nagtalang-muli ng panibagong bilis
S
a bilis na 603 kmp/h o 374 mph, dinaig ng Japanese levitation train ang sarili nitong record kamakailan. Gamit ng Maglev trains ang electrically charged magnets para magkaroon ito ng kapasidad na tumakbo nang mabilis sa taas ng rail tracks. Ayon sa ulat ng bomboradyo.com, sa taong 2027 pa
umano gagamitin ang serbisyo ng train mula Tokyo hanggang central city ng Nagoya. Ayon sa Central Japan Railway (JR Central), aabot lamang umano ng 40 minuto ang biyahe sa 280 kilometro. Ayon pa rito, hindi umano mararamdaman ng lulang mga pasahero ang sagad na bilis ng nasabing tren. Ipakikilala rin umano ang nasabing tren sa mga susunod na taon.
M
agandang balita sa mga Pinoy na nasa abroad: Pwede na umanong makapagparehistro sa pamamagitan ng Internet. Kamakailan kasi ay inilunsad ng Department of Foreign Affairs (DFA) Overseas Voting Secretariat (OVS) at Commission on Elections (COmelec) ang programang iREHISTRO. Base sa ulat ng dzmm.abs-cbnnews.com, sakop umano ng nasabing programa ang rehiyong Europe, Amerika, Middle East at Africa. Sa pamamagitan nito, maaari nang makuha ng mga aplikante ang mga kakailanganing form at ifi-fillout na nito sa kanilang bahay. Sa iREHISTRO, makakapag-set na rin umano ang aplikante ng appointment para maproseso ang kaniyang pagpaparehistro. Gayunpaman, kailangan pa rin umanong personal na pumunta ang aplikante sa mga Foreign Service Posts o Mobile / Field registration para sa biometrics at para mag-fill out din ng form. Maaaring mag-log on ang isang aplikante sa mga sumusunod na websites: www.comelec.gov.ph o www.irehistro.com.
Pagho-host ng Pilipinas sa APEC 2015, perfect timing -- APEC spokesperson
MOSES Tablets: Imbensyong Pinoy laban sa sakuna
H
indi kaila na isa ang Pilipinas sa laging dumaranas ng sakuna - bagyo, pagbaha, pagsabog ng bulkan, at lindol. Natural na rin sa Pinoy ang magkaroon ng gadget na hawak saan man magpunta. Kaya naman naisip ng Department of Science and Technology (DOST) na maglabas ng isang tablet na gawang-Pinoy para bigyang-solusyon ang pagiging handa ng ating mga kababayan laban sa mga sakuna - ang MOSES tablet. Ang MOSES tablet - na mas pinaiksing pangalan para sa Monitoring and
Operating System for Emergency Services - ay ginawa upang mabuo ang Project NOAH o Nationwide Operational Assessment of Hazards ng DOST. Sa pamamagitan ng Project NOAH at MOSES tablets, maaari na umanong makatanggap ng napapanahong impormasyon ang madla ukol sa kalagayan ng panahon. Meron ding iba't ibang disaster prevention apps ang MOSES tablet, gaya ng Arko at Flood Patrol. Gaya ng karaniwang tablet, ang MOSES ay may sukat na 8-inches. Dual SIM din ito at maaaring gamitin upang makinig ng radyo o manood ng TV.
M
aganda umano ang timing ng pagho-host ng bansang Pilipinas sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) 2015. Ayon sa APEC spokesperson, Charles Jose, ito umano'y dahil sa magandang economic performance ng Pilipinas. Sa panayam ng Bombo Radyo sa spokesperson, nabatid na malalaking negosyante pala at iba-ibang mga bansa ang mga delegado sa nasabing pagtitipon. Kung kaya, malaki umano ang tiyansang makakakuha ang bansa ng panibagong mga investments mula sa mga ito. Bahagi rin ng kanilang mga naising mai-promote sa mga dumalo ay ang turismo sa mga local communities. Kung Boracay ang venue ng pagtitipon ngayon, sa Agosto naman ay dadalhin ang APEC sa Cebu. Sa kabuuan, maganda umano ang naging feedback ng mga delegado sa APEC ministerial meetings sa Boracay.
4
June 2015
Daloy Kayumanggi
Global Filipino
SILAW NG GINTO mula pahina 1
Ayon sa isang facebook post ng isang recruiter sa Larawan 1, ang isang solo account ay ¥85,000 (o 8.5 lapad : ang presyo ay nagbabago depende sa foreign exchange ng yen at Euro). Dahil sa may kamahalan ang halos 8.5 lapad, marami sa mga recruiter nito ang nagpa-uso ng patak-patak na style o tinatawag nila na corpo. Sa mga nagdududa, maaari silang sumali sa isang grupo, at mag-contribute mula 1 lapad. Kapag nakatapos ng isang cycle ang kanilang grupo, ang investment na 8.5 lapad ay makakatanggap ng mga 42 lapad. Ayon sa isang post sa facebook sa Larawan 1, ang 1 lapad mo sa patak-patak o korpo ay makakatanggap ng 5 lapad. Dito na papasok ang pagkasilaw at paging gahaman sa kita. Totoo nga naman kasi na ang iyong 1 lapad ay naging 5 lapad. Eh kung mag-solo ka, iyong-iyo na yung 42 lapad. 8.5 lapad lang naman kumpara sa 42 lapad na kita, hindi na masama di ba? Ponzi scheme ang tawag sa klase ng panlilinglang kung saan ang naunang customer ay kumikita sa naipundal na kapital mula sa bagong recruit na customer (3). Ayon sa Securities and Exchange Commission ng United States, ini-enganyo ng mga mapagsamantala ang bagong recruit sa mataas na balik ng iyong puhunan. Ang Ponzi scheme ay magtutuloy-tuloy habang may bagong recruit na pumapasok o kaya yung mga dating recruit ay magdadagdag ng puhunan. Babagsak ang Ponzi scheme kung wala na itong ma-re-recruit. Ang nakakabahala sa Emgoldex,dahil sa patak patak na sistema, makakatikim ng paunang kita ang recruit. Mismong makukuha nito ang commission na sobrang laki, na hindi bababa ang tubo sa 500%. “Paano kaya kung imbes 1 lapad, mag-solo ako at maglabas ng 8.5 lapad?”, ito ang maiisip ng recruit. Dito na lalabas ang pagkasilaw sa ginto, at pagiging gahaman. Magdadagdag na ng perang ipapasok. Patunay ng pagkasilaw at temptasyon nito ang paglabas ng isang mas malaki subalit parehong pareho ng estilo, ang Swissgolden na company. Sa halagang ¥155,00 yen, pinapangakuan ang sasali ng kita na ¥120,000 sa unang exit, 1 million yen naman bawat exit sa 2nd, 3rd at 4th tables o may total na 3.12 million yen (tingnan ang Larawan 2).
Larawan 2. Ang Swissgolden kung saan ang mag-i-invest ng ¥155,000 ay maaring kumita ng 3.12 million kapag nakumpleto ang 4 na tables of order. Ang larawan ay mula sa Facebook page ng isang recruiter.
SCAM BA ANG EMGOLDEX / SWISSGOLDEN? Ang Direct Selling Association of the Philippines (DSAP) ay nagdevelopn ng 8-points system upang malaman kung pyramiding o scam ang isang kumpanya (4). Naisulat ko na rin ang test na ito sa “Kailangan bang Iwagayway ang Perang Pinagkitaan” sa Daloy Kayumanggi newspaper (5). Ayon sa 8-point test, kailangang yes ang lahat ng sagot sa walong katanungan upang masabi na hindi ito scam.
"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
DEAR KUYA ERWIN
ni ERWIN BRUNIO
Mobile: 090-6025-6962 Email: erwin@daloykayumanggi.com Facebook: www.facebook.com/ebrunio Twitter: DaloyJapan Line: erwinbrunio Linkedin: erwinbrunio
Kinumpara ko ang Avon, isang kilala at lehitimong networking company at ang Emgoldex ayon sa 8-points test na gawa ng DSAP. Yes ang lahat ng sagot sa Avon company. Ito ay patunay lamang na hindi masasabing scam ang networking operation ng Avon. Ang kumpanyang Emgoldex (at ang kaparehang Swissgolden) naman ay bagsak sa ika 3- 5 na mga katanungan. Sa ika-3 na punto, hindi pumasa ang Emgoldex dahil ang pag-exit o pagtanggap ng commission ay nakadepende sa iyong upline sponsor. Una, hindi pwedeng magpa-member sa website ng Emgoldex kung walang sponsor. Pangalawa, unang makakalabas ang sponsor. Ibig sabihin, hindi sa pagalingan sa pagbenta ng ginto, at kung hindi sa position sa pag-recruit. Kung sino ang sponsor o recruiter, ito ang unang makakakuha ng commission. Sa ika-4 na punto, ang natatanging paraan upang magka-commission ay ang magrecruit. Nakasulat ito mismo sa marketing style na tinatawag nilang 1+2. Bawat recruit ay dapat mag-recruit din ng 2 para makakuha din ng commision. Sa katunayan, sinasabi ng mga recruiter ng lantaran sa mga Facebook post na hindi kailangang magbenta at tanging dalawa lang ang kailangang i-recruit. Sa ika-5 na punto, hindi din pumasa ang Emgoldex. Kung ititigil ang pag-rerecruit, walang pera na matatanggap ang mga naunang sumali. Kung kukwentahin, ang 42 lapad na kita ay maggagaling sa 8 recruits (individual o grupo) na magbibigay ng total na 68 lapad. Sa kapital ng 8 recruit na 68 lapad naggagaling ang 42 lapad na commission. Base sa US Securities and Exchange Commission, itong sistema ay masasabing Ponzi scheme. Ayon sa 8-points system ng DSAP, malinaw na isang scam ang Emgoldex. Dahil na rin dito, nagpalabas na ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng Pilipinas na nagbabawal sa mga recruit na magbenta ng investment na walang lisensya mula sa SEC. Subalit matindi pa rin ang pagtangi ng mga recruiters dito dahil umano, online shop naman ang Emgoldex kaya di kailangan i-rehistro. Ayon sa SEC, kahit na lisensyado ang kumpanya sa ibang bansa, kailangang kumuha ito ng lisensya sa Pilipinas kung ito ay magbebenta ng mga financial instruments gaya ng “investment” gold. Pangalawa, kallangan ding lisensyado ang nagbebenta ng investment o ang recruiter. Ang pagbebenta ng investment gaya ng gold ay pwede lang sa mga lisensyadong tao. Ito man ay sa Pinas, America, Korea o Japan. Sa investigatory report na ito, maituturing na ang pag-recruit ng agents ng Emgoldex at Swissgolden ay isang Ponzi scam. Una, ayon sa 8-points sytem na gawa ng DSAP, hindi nakapasa ito sa tatlong punto, simbolo na ito ay kahina-hinala. Pangalawa, ang babala mismo ng SEC na nagbabawal na mag-recruit ng financial instrument ang mga taong walang lisensya. Lalong nakakabahala ito dahil ang recruiter ng Emgoldex ay siya ring kadalasan na recruiter ng Swissgolden. Pangatlo, ang hindi kapani-paniwalang tubo, gaya ng ang iyong 1 lapad ay magiging 5 lapad, o mas matindi, ang 135 thousand yen ay magiging 3.12 million yen. Bago mag-invest, alamin muna ang papasukin. Kung ito ay hindi kapanipaniwala, ay huwag ng maniwala. Huwag sanang masilaw sa kinang ng ginto na sa Facebook lang nakikita. References 1. Emgoldex. http://www.emgoldex.com Retrieved 19 May 2015. 2. New Buyer Registration. http://www.emgoldex.com/user/registration.php Retrieved 19 May 2015. 3. Ponzi scheme. U.S. Securities and Exchange Commission. http:// www.sec.gov/answers/ponzi.htm Retrieved 20 May 2015. 4. Direct Selling Association of the Philippines. http://www.dsap. ph/the-industry/how-to-differentiate-a-legitimate-direct-sellingcompany-from-pyramiding-using-the-8-point-test.html. Retrieved 19 May 2015. 5. Brunio.E.0 2014. Kailangan Bang Iwagayway ang Perang Pinagkitaan? Daloy Kayumanggi http://www.daloykayumanggi.com/blog/ kailanganbangiwagaywayangperangpinagkakitaan. Retrieved 18 May 2015. 6. Emgoldex Philippines’ Pinoy Style Patak Patak. Securities and Exchange Commission. Posted 13 February 2015 . Retrieved 19 May 2015. http://www.sec.gov.ph/notices/advisory/2015_SEC_Advisory_EMGOLDEX_PHILS.pdf 7. SEC Disclaimer (Emgoldex Philippines). Posted 10 March 2015. Retrieved 19 May 2015. h t t p : / / w w w. s e c . g o v. p h / n o t i c e s / a d v i s o r y / S E C _ DISCLAIMER%28EMGOLDEX%20PHILIPPINES%29.pdf
5
June 2015
Daloy Kayumanggi
Balita
"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Mula sa Pahina 1
Mula sa Pahina 1
Pilipinas, ikalawa sa may pinakamabilis na lumalagong ekonomiya ngayong 2015 Sa tingin ng mga ekonomista, sunod ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa bansang China mula sa listahan ng “This Year’s All Stars of the Global Economy." Malaking tulong umano sa ekonomiya ng bansa ang bumababang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Batay sa ulat, tinatayang tataas sa 3.7 porsiyento ang pandaigdigang ekonomiya mula sa 3.2 posiyento noong nakarang taon. Sa nasabing ulat, kapag pinagsama-sama umano ang Pilipinas, China, Indonesia, Kenya, at India, tinatayang aabot
Na isang relationship coach; Jojo Apolo na nagbahagi tungkol sa "The Healing Mind"; Cheryl Sperling na nagbigay payo sa mga Pinoy sa Japan kung paano magkamit ng pinansyal na tagumpay; at ni Bro. Randy Borromeo na tinalakay ang iba't ibang breakthrough na maaaring mangyari sa buhay ng mga OFWs. Ayon pa kay Nanette Masanque, isang bagong dating na estudyante sa Japan at nanay sa tatlong anak, "marami akong bagong natutuhan tungkol sa relasyon, pag-iipon, at pagplano ng mga mithiin sa buhay. Pinakanagustuhan ko ang tungkol sa NLP (Neuro Lingustic Programming). Nagkaroon ako ng paraan upang hindi na palaging nag-aalala." Ito ang unang OFW Summit na inorganisa ng Plus Factor at Wealth Academy Japan ngayong taon at inaasahan nilang mas marami pa ang makakasali sa susunod nilang event sa Singapore sa November 2015. Sa pamamagitan ng mga ganitong pagtitipon, inaasahan ng grupo na mas marami pang Pinoy na nasa abroad ang ma-empower at makapagbigay tulong sa Pilipinas. Kung ikaw ay naging bahagi ng 1st OFW Summit Japan 2015, maaari mong makita ang iba pang litrato dito: https://www. facebook.com/OFWsummit
sa 16% ang magiging paglago ng kanilang gross domestic product o GDP. Aabot naman sa limang porsiyento pa ang paglago ng bawat isa sa 2015, ayon pa rin sa Bloomberg. Bukod sa Asya, sumasabay na rin ang Africa sa paglago ng ekomiya sa pangunguna na rin ng pag-unlad ng mga bansang Kenya at Nigeria.
Davao City, ika-siyam na 'safest city sa buong mundo -- survey
P
inangalanan ang Davao City bilang isa sa pinakaligtas na lungsod sa buong mundo ng isang website, ang numbeo.com. Sa nasabing website, ipinalabas nito ang isang resulta ng survey na may petsang April 30, 2015, at nakalagay sa survey na pang-siyam ang Davao City sa safest cities sa buong mundo. Sa puntos na 80.69, naungusan ang nasabing siyudad ng mga sumusunod na lugar sa iba't ibang panig ng mundo: Osaka, Japan na mayroong 89.26 safe index; sinundan ito ng Munich, Germany 83.57; Stavanger, Norway 83.14; Singapore 82.93; Bursa, Turkey 82.71; Heidelberg, Germany 82.47; Seoul, South Korea 82.27; Bergen, Norway 80.98. Natalo naman ng Davao City ang Stuttgart, Germany 80.65 sa nasabing listahan.
Ang Numbeo ay itinuturing na world's largest database at user contributed data na may kaugnayan sa mga bansa at lungsod sa buong mundo. (Ilan sa mga detalye ng ulat ay mula sa bomboradyo.com)
Manila, naungusan ang Mumbai bilang Services Outsourcing Magnet
S
a nakalipas na ilang taon, ang Pilipinas ay kabilang na sa mga bansang may pinamabilis na lumalagong ekonomiya sa Timog Silangang Asya. Kasabay ng paglago ng mga kumpanyang business process outsourcing o BPO sa bansa, dumarami rin ang mga banyagang humihingi ng serbisyo mula sa mga call centers at technical support. Ayon nga sa Tholons.com na naglunsad ng isang pag-aaral na may kinalaman sa Top 100 Outsourcing Destinations sa buong daigdig, naungusan na ng Manila ang Mumbai sa ranking bilang outsourcing destination. Kumpara sa ibang bansa, lamang umano ang Pilipinas pagdating sa BPO dahil mas mura ang renta ng mga opisina sa bansa. Higit pa rito, nangunguna rin ang Pilipinas dahil malaking porsiyento ng populasyon nito ay edukado at nagsasalita ng I n g l e s n a m ay n e u t ra l a c c e n t , gay u n d i n , m e ro n d i n g pagkakahawig ang kultura nito sa kanluran kaya’t mas madali para sa mga kliyente ang pagkuha ng serbisyong-Pinoy.
Pilipinas, pasok sa Guiness World Records para sa tree planting
O
pisyal na inanunsyo ng Guiness World Records na ang Pilipinas na ang may hawak ng titulo para sa pinakamaraming punong naitanim nang sabaysabay sa iba't ibang rehiyon sa bansa sa loob lamang ng isang araw. Tinawag na "Treevolution: Greening MindaNOW" ang tree planting project na ginanap sa Mindanao na tumalo sa 1.9 milyong punong naitanim ng India na siyang dating may hawak ng titulo. Batay sa tala ng Guiness, nasa 2,294,629 kabuuan ng mga puno ang naitanim ng 122,168 lumahok sa proyekto sa 29 na iba't ibang lokasyon sa Mindanao. Bukod sa kagustuhang makuha ang titulo, inorganisa ng Mindanao Development Authority or (MinDA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) tree planting project upang muling buhayin ang kagubatan ng Mindanao at makatulong sa lumalaganap na climate change sa bansa maging sa buong mundo.
Japanese Warships, bumisita sa Pinas
B
umisita kamakailan sa Pilipinas ang Japanese Warships, bilang bahagi umano ng pagbibigay sa dalawang puwersa ng bansa ng pagkakataong maiangat ang kapasidad at para makatulong na rin sa professional relations ng dalawang bansa. Bilang tradisyon, nagsagawa ng isang Passing Exercise o PASSEX ang parehong miyembro ng Philippine Navy at Japan Maritime Self Defence Force Escort Division 2. Sa pahayag ni Philippine Navy PIO chief Commander Lued Lincuna, base sa ulat ng bomboradyo.com, bahagi umano ang nasabing pagbisita ng goodwill visit ng Japan Maritime Self Defense Force. Ginamit sa nasabing PASSEX ang Japan ship Harusame, Japan ship Amigiri at BRP Ramon Alcaraz. Isinagawa ang mga sumusunod na aktibidad sa nasabing exercise: tactical maneuvers, visual communications, public exercises kung saan gamit ang Code for Unplanned Encounters at Sea o CUES, Deck Landing Qualifications (DLQ's) at Cross Deck Exercises.
6
June 2015
Editoryal
Daloy Kayumanggi
Inspiring Global Filipinos in Japan
Publisher: D&K Company Ltd Editor: Mario Rico Florendo (English,Tagalog) marioflorendo@daloykayumanggi.com 090-1760-0599 Sales and Marketing: Erwin Brunio erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@daloykayumanggi.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists: Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph
Aries Lucea Pido Tatlonghari Melbert Tizon Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611
Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.daloykayumanggi.com
 www.facebook.com/daloykayumanggi
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Handa ba tayo sa isang Mega Quake?
K
amakailan, nanlumo ang buong mundo sa pagkamatay ng may 8,000 katao bunsod ng magnitude 7.8 na lindol sa bansang Nepal nito lamang Abril. Gayundin, tinamaan ding muli ng 6.8 na lindol ang bansang Japan. Tila kapansin-pansin ang pagdalas ng mga ganitong pangyayari sa iba't ibang panig ng mundo.
Sa Pilipinas, partikular na sa Metro Manila, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), inaasahan umanong makararanas ng magnitude 7.2 na lindol sakali mang gumalaw na ang West Valley Fault o Marikina Fault. Ika ng nasabing institusyon, hinog na ang nasabing fault na tumatagos mula Angat reservoir sa Bulacan patungong Quezon City, Marikina, Pasig, Makati, Taguig, Muntinlupa, Rodriguez, Rizal, Cavite hanggang Calamba sa Laguna.
Babala ni Philvocs Dir. Renato Solidum, sa panayam ng DZMM kamakailan, posible umanong gumalaw ang nasabing fault system "nang mas maaga o mas matagal."
Bagama't hindi maiiwasan ang ganitong kalamidad, dapat umano itong paghandaan -- hindi lamang ng gobyerno, kundi pati na rin ng mga taong nakatira sa ibabaw ng nasabing fault system.
Kailangan ding matuto sa mga 'best practices' ng mga bansang kagaya ng Japan
Isang mahalagang punto ni Solidum sa nasabing panayam ay ang mariing pagsunod sana sa National Building Code sa mga itinatayong gusali. Ang pagco-collapse ng isang building halimbawa, sakaling tumama ang malakas na lindol, ay nakadepende umano sa ganda ng disenyo at ayos ng materyales na ginamit sa paggawa nito.
Kaya naman, dapat maghigpit ang gobyerno sa pagpapatupad ng nasabing Building Code. Kinakailangang kamay na bakal ang ipatupad ng gobyerno para masigurong kakayanin ng mga ipapatayo pang gusali ang intensity 8 hanggang 10 na lindol na gaya ng isinasaad sa Building Code.
Loreen Dave Calpito davecalpito529@gmail.com
Kailangan ding matuto sa mga "best practices" ng mga bansang kagaya ng Japan ang gobyerno ng Pilipinas, na bagama't madalas na tinatamaan ng malalakas na lindol ay wasto at sapat ang kanilang preparasyon.
Sa bahagi naman ng mga taong nakatira sa nasabing fault system, maiging maging malay rin sa mga programang ipinatutupad ng gobyerno. Kailangang matutunan ang mga dapat gawin sakali mang tumama ang nasabing "The Big One" sa Metro Manila. Malawak ang mundo ng Internet para matuto sa ilang mga "best practices" sa tuwing may lindol. Higit sa lahat: ang kooperasyon sa gobyerno ay napakahalaga. Kapag naisaayos ang lahat, maiiwasan ang pagkasawi at pagkasugat ng libu-libong mga indibidwal sakali mang gumalaw na nga ang West Valley Fault.
KA-DALOY
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
KA-DALOY OF THE MONTH Loreen Dave Calpito Email: davecalpito529@gmail.com
Mula sa Pahina 1
Rodora: Kasambahay sa Lucena City na grumadweyt sa edad na 27 Hindi sagabal ang kahirapan para makakuha ng diploma. Marahil, ilang beses na nating narinig ito sa ating tanang buhay. Ngunit totoo -- partikular na sa isang 27-taong gulang na kasambahay na nakakuha ng High School diploma nitong Marso lang at grumaduate pa na may pinakamataas na karangalan sa kanyang klase. Siya si Rodora Rodriguez -- ang ating Ka-Daloy of the Month. "Kasambahay"
S a u l a t n g i n q u i r e r. n e t , n i l i s a n n i R o d o r a ang Camarines Sur para mamasukan bilang "kasambahay." Pang-11 siya sa 16 na magkakapatid. Sa hirap ng kanilang buhay, naging prayoridad ni Rodora na magtrabaho, sa halip na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa High School, para lang matustusan ang pangangailangan ng kanyang mga kapatid. Ini-refer si Rodora ng isang kaibigan kina Jason at Maria Cristina Terrenal na noon ay nagsisimulang
7
June 2015
magpamilya.
Prayoridad na mag-aral Nang malaman niyang posibleng pumasok siya bilang mag-aaral sa Quezon National High School's (QNHS) Open High School (OHS) Program, hindi na nagatubili pang subukan ito ni Rodora. Sa paghihikayat ng kanyang mga employer at pati na ng kanyang mga magulang, ipinagpatuloy ni Rodora ang nasabing oportunidad. Paano napagsabay
Sa nasabing OHS program, nagmi-meet ang mga mag-aaral at ang kanilang mga guro isang beses kada linggo at nabibigyan sila ng modules na pwede nilang gawin habang nasa kani-kanilang mga trabaho. Nagawang pagsabayin ni Rodora ang kanyang pag tatrabaho sa paggawa ng kanyang mga modules, sa tulong na rin ng kanyang mga employers. Kuwento ni Rodora, sadyang mahirap ipagsabay ang pag-aaral sa kanyang trabaho, ngunit nagsikap siyang kayanin ang lahat ng ito. Ang OHS
Ipinatupad ang nasabing programa sa kapanuhan ni Education Secretary Jesli A. Lapus. Nakadisenyo umano ang nasabing programa sa mga kagaya ni Rodora na gustong makapagtapos ng sekundarya, ngunit nakakasagabal ang oras, distansiya, physical impairment , problemang pinansiya, o social / family problems. Isa ang QNHS ng Lucena City sa may 20 pilot
schools para sa nasabing programa na nagsimula pa noong 2006. Pagtatapos
Noong Marso 27, sa edad na 27, tuluyan na ngang nakuha ni Rodora ang pinaka-inaasam na diploma. Siya rin ang nag-top sa may 75 na mga estudyante sa nasabing programa at napasama sa 1,900 na mga grumadweyt sa Class 2015 ng QNHS. Inspirasyon
Si Rodora ay isang patunay na kung talagang nangangarap at nagsisikap, siguradong magtatagumpay ka. Pinatunayan ni Rodora na hindi hadlang ang edad, trabaho o kung ano pa mang problema para makamit ang pinaka-inaasam na liwanag tungo sa magandang kinabukasan. Rodora, bilib kami sa'yo!
8
June 2015
D
Daloy Kayumanggi
STUDENT'S CORNER
Ano'ng Dapat Gawin Kapag Nagkasakit?
alawang card ang hindi dapat mawala sa pitaka: ang residence card at ang National Health Insurance (NHI) card. Tulad ng marami sa mga bilihin, ang pagpapagamot sa Japan ay may kamahalan. Ngunit dahil sa NHI, ang ilan sa mga serbisyong medikal at gamot ay mabibili sa halagang tatlumpung porsyento lamang ng orihinal. Malaking tipid! Magagamit ang NHI card sa karamihan, kung hindi man sa lahat ng pagamutan sa Japan, subalit kailangan ding tandaan na hindi lahat ng serbisyo ay saklaw ng NHI. Dahil kakaunti lamang ang mga pagamutang nakakapag-Ingles, maaaring maging mahirap ang pakikipag-usap sa mga empleyado ng pagamutan. Bago pumunta sa pribado o pampublikong ospital o pagamutan, maaaring pumunta muna sa pagamutan o klinika ng iyong pamantasan. Sakaling hindi matugunan ng klinika sa pamatasan ang kinakailangang serbisyo, maaaring magparekomenda sa ibang pagamutan. Bagaman tumatanggap ng walk-in na pasyente ang mga pagamutan, minsa’y kinakailangan ng letter of referral mula sa ibang institusyon. Sa unang pagbisita sa isang pagamutan ay maaaring kailanganing magbayad para sa pagpapalista bilang bagong pasyente. Mabuti ring alamin muna ang oras ng pagkonsulta bago pumunta sa pagamutan. MGA KARAMDAMANG DULOT NG PANAHON Mayroong mga sakit na pangkaraniwan sa bawat uri ng panahon sa Japan. Tuwing tagsibol, at kung minsa’y tuwing taglagas, ay pangkaraniwan ang kafunsho (hay fever o pollen allergy). Ang ilan sa sintomas nito ay pangangati ng ilong at mata. Ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ito ay ang pagsuot ng maskara upang takpan ang ilong at bibig. Sakaling tamaan pa rin ng karamdamang ito, mabuting kumunsulta sa doktor. Sa tag-init naman ay karaniwan ang summer fatigue o natsubate. Maaaring mawalan ng ganang kumain at kumilos. Mainam na uminom ng maraming tubig. Iwasan din ang mahabang paggamit ng air conditioner. Dahil din sa matinding init, mas mabilis na mapanis ang mga pagkain. Kaya naman, marami rin ang mga kaso ng pagkalason mula sa pagkain tuwing tag-init. Upang maiwasan ito, marapating ilagay sa refrigerator ang pagkain. Pagdating ng taglamig, karaniwan ang trangkaso dala ng pagbaba ng temperatura. Pinakamabisang paraan upang maiwasan ito ay ang pagpapalakas ng resistensya. Makatutulong din ang pagsusuot ng face mask at ng angkop na kasuotang panlaban sa lamig. KARAGDAGANG PAYO Ugaliing alamin ang kanji at pangalan ng mga karaniwang gamot upang mas madaling makabili mula sa mga botika. Sa tuwing bibisita sa pagamutan, mas mainam na magsama ng kaibigan na bihasa sa Nihongo upang mapadali ang pakikipag-usap. Magandang gawain rin ang pagdadala ng gamot mula sa Pilipinas. Sa mga pagkakaroon ng malubha o biglaang pagkakasakit, marapating magsabi sa kahit sinong kaibigan o kinatawan ng AFSJ kung kailanganin. Sa huli, pinakamainam pa rin ang pagpapananatili ng malusog na pangangatawan. Ugaliing kumain ng masusustansyang pagkain, uminom ng maraming tubig, mag-ehersisyo araw-araw, at matulog nang maaga. Ito ma’y parating sinasabi, ito pa rin ang pinakamakatotohanang payo maging mula sa mga alagad pangkalusugan. Bawal magkasakit, mga kapatid!
S
"Inspiring Global Filipinos in Japan"
Alumni of the Month
Caryn Paredes-Santillan at Julius Joseph Santillan
ina Caryn at Julius ay kasalukuyang naninirahan sa Tsukuba, Ibaraki. Sila ay may dalawang anak na lalaki, sina Basti (5) at Indy (2). Sa ngayon, si Caryn ay isang fulltime na ina pero kapag nasa Pilipinas, siya ay kaanib ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining (NCAA) na nagsusulong ng mga proyekto upang protektahan ang mga simbahan na itinayo pa noong panahon ng mga Kastila at nabibilang sa listahan ng National Cultural Treasures. Si Julius naman ay nagsasaliksik ng mga pamamaraan ng paggawa ng mas makabago at mas maliliit na semiconductor circuits / chips. Ito ay naisasagawa sa pamamagitan ng isang larangan ng Agham na ang tawag ay ”Semiconductor Lithography”. Bago ang trabahong ito, isa’t kalahating taon din siyang nagtrabaho sa isang kumpanya na naglalagay at nag-aayos ng mga laser. Bilang arkitekto, si Caryn ay nakapagdisenyo na rin para sa mga eksibit. Isa na rito ang eksibit ukol sa mga payyo (Rice Terraces of the Philippine Cordilleras) na isinagawa sa FAO (Food and Agriculture Organization) sa Rome noong 2013. Noong 2011-2012 naman, bilang consultant ng MANA Architects + Interior Design ay sumali at napabilang ang grupo ni Caryn sa finalists ng Aquino Museum Redesign Competition. NARITO ANG SAGOT NINA CARYN AT JULIUS SA IBA PANG KATANUNGAN: AFSJ: Maliban sa inyong mga larangan, ano-ano pa ang mga hilig ninyong gawin? Caryn: Mahilig akong magluto, kumanta sa karaoke (ngunit hindi kagalingan), at magbasa ng tarot cards. Mahilig din akong magsulat at nakalathala ang aking mga nobela sa Amazon at Buqo. Lately ay nahihilig rin ako sa Wattpad at Twitter. Julius: Mula pa ng highschool, hobby ko na ang lumikha ng sariling kanta. Lalo ko itong nahubog mula pagdating ko rito sa Japan (ang dami kasing oras). Mahilig din ako sa tsismis… ginagamit kong pulutan tuwing gumagawa ng kanta AFSJ: Kailan kayo sumali sa AFSJ? Bakit kayo sumali? Caryn: Napabilang ako sa AFSJ pagdating ko sa Japan noong 2001. Naging aktibong miyembro ako ng AFSJ Execom mula 2001 hanggang 2005. Mula 2005-2009 naman ay nagsilbi akong AFSJ Liaison sa Philippine Assistance Group (PAG). Inakala ko na automatic ang pagiging miyembro. Pero kalaunan ay napagdesisyonan ko na maging aktibo dahil natutuwa akong makisalamuha sa mga sempai at kouhai. Julius: Naging aktibo ako sa AFSJ mula noong 2002, pero hindi na ako estudyante noon dahil nagsimula na akong magtrabaho sa Tokyo (pagkatapos lumipat galing sa Osaka). Pero yun ang magaling sa AFSJ, kahit nagtratrabaho na, naging estudyante ka lang sa Japan, automatic tanggap ka na sa grupo. Hindi ko pinili na maging miyembro. Naanod lang ako. AFSJ: Ano-ano ang mga gawain ng AFSJ na sinalihan ninyo? Caryn: Maliban sa General Assembly at mga party, nakisalo rin ako sa mga sports fest (kahit na hindi ako sporty), bunkasai (kahit hindi ako kagalingan sumayaw), ski trips (kahit sobrang sumakit ang katawan ko pagkatapos), at mga activity kasalo ng FilCom at PE Tokyo. Julius: Nasubukan kong sumali sa lahat ng events ng AFSJ noong mga una kong taon mula pagdating sa Tokyo. Dati ay may mga SportsFest, Kapihan, at sankatutak na party. Nasubukan ko ring maging volunteer sa mga gawain ng Philippine Embassy bilang kasapi ng AFSJ. AFSJ: Ano ang pinaka hindi mo makakalimutang karanasan sa AFSJ? Caryn: Medyo mababaw, pero ang pinaka-memorable para sa akin ay ang pag-host ng Philippine Family Day (Philippine Fiesta ngayon) dahil nakasama ko sa dressing room si Piolo Pascual. Hahaha! Pero sobrang saya ng Bunkasai at ng AFSJ Choir, at lalo na ang mga party pagkatapos. Julius: Dito ko nakilala ang asawa ko. Dito ko rin nabuo ang malalim na pagkakaibigan. At ang lahat ng ito ay dahil ginagawa ng AFSJ ang layunin niya; ang bumuo ng mga party (para masiguradong masaya at memorable ang stay ng mga estudyante rito). Katulad ng maraming dayuhan sa Japan, si Caryn ay namangha rin sa kagandahan ng tanawin dito at napabilib sa disiplina at kagandahang-asal ng mga Hapon. Nabanggit na-
man ni Julius na kahit na matagal na siya rito ay nakakaya pa rin siyang biglain o sorpresahin ng bansang ito. Sinabi rin niya na sana maliban sa pag-do-DOTA, ay matuto at maging matalinong mag-computer ang lahat ng Pilipino. Pinapangarap naman ni Caryn na matuto ang bawat Pilipino na pahalagahan ang kagandahan ng ating sariling bayan. Hinihiling niya na ingatan at bigyang-pansin ang ating mga natatanging kultura, sining, at galing. Sa aming mga minamahal na kouhai at mga kasalukuyang kasapi ng AFSJ, narito ang mesahe nina Caryn at Julius: Caryn: There is more to life than studying. I-challenge ang sarili at huwag matakot na sumubok ng mga bagong bagay. Sana kapag natapos ang inyong pag-aaral sa bansang Hapon ay may maiuwi kayo na higit sa diploma. Julius: Kung may hobby kayo (art, music, photography, travel, etc.), ito na ang pagkakataon para mas lalo ninyo siyang hubugin. Mas marami na kayong oras at (kahit papano) pinansyal na kakayahan para mas lalo pa siyang pursigihin. Mabilis lang ang 3-5 taon. Huwag sayangin.
Ang Pamilyang Santillan: Julius, Basti, Caryn, Indy
Welcome Ceremony ng AFSJ (May 31, 2010); Mga kasapi ng Tampipi mula sa kaliwa: Fernand Fagutao, Julius Santillan, Ivy Celeste DuranteBerry and Jay Pegarido.
Farewell Party (Komaba International Dormitory, Meguro-ku, Tokyo; Feb. 5, 2012)
9
June 2015
Daloy Kayumanggi
Kontribusyon
"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
BUHAY GAIJIN ni Pido Tatlonghari Mobile: 090-9103-8719 Email: buhaygaijin@gmail.com
Ang Puso ng Isang Bayani kanyang pagkakapanalo ng pinakakamimithing pagkila bilang “2009 CNN Hero of the Year.
Efren Peñaflorida, 2009 CNN Hero of the Year (photo credit: pnvsca.gov.ph)
N
UONG simula ng taong 2009, maraming iba’t ibang balita ang ating narinig tungkol sa Pilipinas. Nariyan ang balita tungkol sa isang anak ng cabinet secretary na kinasuhan sa pambubugbog ng isang ordinaryong mamamayan at ng kanyang 14-na taong anak na lalake sa harap mismo ng kalihim. Naging malaking balita din ang pagpa-file ng LOA ng apat na opisyales ng Department of Justice dahil nasangkot sa suhulang naganap upang mapalaya ang tatlong mayamang kalalakihan sangkot sa drug trafficking. Nakawan. Suhulan. Takipan ng mali.
Mga nakakapanlumong balita. Kung hindi matibay ang pananalig mo sa bansang Pilipinas, minsan iisipin mo kung kaya pa kaya nating magbago bilang isang bansa bilang isang nasyon – maging isang ehemplo hindi lamang para sa bawat isa sa atin, kundi pati sa buong mundo. Nuong mga panahong iyon, lingid sa kaalaman ng nakararami, may isang batang guro at social worker ang tahimik na tumutulong sa mga kabataan sa kanyang lugar. Sa ilalim ng init ng araw, buong giliw na itinutulak ang isang kariton (na kadalasang ginagamit sa pangangalap ng basura o pagbabakal) na puno ng libro, gamit sa pag-aaral, silya at blackboard, sa lugar kung saan maraming kabataang hindi na pumapasok ang tumatambay o naghahanap-buhay – sa mga dumpsite o sementeryo sa Cavite.
Patuloy sanang gagawa nang tahimik ang batang gurong ito kung hindi ipinaabot ng kanyang mga kaibigan (kanyang mga kasapi sa itinatag nilang organisasyon, ang “Dynamic Teen Company o DTC”) sa Cable News Network (CNN), isang kilalang cable at TV network sa Amerika, ang kabayanihang kanyang ginagawa.
Nuong Marso 2009, lingid sa kaalaman ng nakararami, naging nominado si Efren Peñaflorida, para sa taunang patimpalak na CNN Hero of the Year. At nuong buwan ng Nobyembre, binigla ang buong Pilipinas sa
Kalakip ng pagkilalang ito ay ang premyong nagkakahalaga ng US$100,000. Napakalaking halaga subalit sa kanyang panayam, walang parte ng perang ito ang napunta sa kanyang bulsa. 30 porsyento ay ibinayad sa buwis, ang halos kalahati ay ibinili nila ng lupa kung saan isang paaralan ang kanilang ipinatayo. Ang natira ay ginamit sa pagpapatakbo ng eskwelahan o pagbibigay ng scholarship sa kolehiyo sa mga natatanging bata na kanilang tinuturuan. Hanggang sa ngayon, ang kanyang ginagawa para sa mga batang nasa kalsada at hindi nag-aaral (mga batang tinatawag nating Children in Crisis), ay patuloy na walang bayad. Upang matugunan ang kanyang mga pansariling panggastos, siya ay kasalukuyang lumalabas bilang isang host sa isang programa sa telebisyon o nagsasalita sa iba’t ibang pagtitipon o okasyon.
Ang grupo ni Efren ang nagpakilala sa mundo ng tinatawag na Kariton Klasrum, isang napaka-epektibong pamamaraan upang magsagawa ng isang alternatibong paaralan sa mga lugar kung saan naruon ang mga batang hindi na pumapasok. Ang konseptong ito ay kinokopya na ngayon sa ibatibang bansa. At ngayong taong ito, ang ating Department of Education ang makiki-partner sa DTC upang abutin ang humigit kumulang sa 8,000 kabataan sa kalye ng Metro Manila – maturuan sila at maihanda upang muling makapasok sa paaralan sa susunod na taon. Ang aming organisasyon, New Life Ministries, ay nabigyan ng pagkakataong maging bahagi nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng Japanese Manga komiks tungkol sa mga kwento sa Bibliya upang maging basehan ng kanilang pag-aaral ng tamang pag-uugali.
Tulong-tulong ang Department of Education, Dynamic Teen Company at New Life Ministries sa pagtulong sa mga Children in Crisis sa Manila.
Ngayong July 5-12, bibisita si Efren dito sa Japan upang i-promote ang proyektong ito, mangalap ng suporta, at makipagkita sa iba’t ibang organisasyon. Ang pagdalaw na ito ni Efren, na tinaguring “Empowering a Hero’s Dream,” ay magkasamang binubuo ng kanyang organisasyon, ang Dynamic Teen Company, ng Social Enterprise English Language School (SEELS) sa pamumuno ni Mr. Cesar Santoyo, and Association of Filipino Students in Japan (AFSJ), na pinangungunahan ng kanilang presidente na si Mr. Angel Bautista VII, at si Mr. Toshikazu Iwaoka, para sa New Life Ministries (NLM). Kasama sa pagbisita ni Efren dito sa Japan ay ang pagsasagawa ng isang training workshop para sa mga English Teachers sa Nagoya (July 5, 9-5 PM) at sa Tokyo (July11, 9-2:30PM). Kasama din dito ang pakikipagusap at pagbibigay ng mensahe sa mga estudyante, guro at ibang propesyonal sa Tokyo sa hapon ng July 11, 3-5PM. Para sa karagdagang impormasyon, sana po ay inyong mabisita ang aming website, https://empoweringdreams.wix.com/official/ o tumawag dito sa Daloy Kayumanggi o mag-email sa buhaygaijin@gmail.com.
Sa ating mga kakilala, bibihira ang kagaya ni Efren, na palaging uunahin ang kapakanan ng iba bago pa ang kanyang sarili. Siya ay naiiba. Kahit na iba’t ibang pagkilala na ang kanyang natanggap, patuloy na mapagkumbaba, naniniwala sa kabutihan ng tao at sa kakayahan nito, anuman ang kanyang estado, sekswalidad, edad o relihiyon, na ang bawat isa ay may kakayahan bilang maging “pagbabago” na minimithi nating lahat. Hindi naging madali ang paglalakbay ni Efren. Lumaki siya sa Cavite malapit sa tambakan ng basura. Salat sa buhay. At sa murang edad, naging biktima ng pangbu-bully ng kanyang mga kaklase dahil sa kanyang anyo, kulay at estado sa buhay. Dahil dito kinatakutan din niyang makisalamuha. Ayaw na niyang pumasok. Ang tanging iniisip lamang niya noon ay kung papaano makakaganti.
Hanggang makilala niya ang kanyang mentor na si “KB,” na nakakita ng potensyal ni Efren. Minsan sa kanilang pag-uusap, tinanong nito si Efren kung gusto nitong gumanti sa mga taong nang-api sa kanya. Dahil sa may kalakihan si KB, naiisip ni Efren na ito na ang kanyang hinihintay na pagkakataon. Subalit iba ang nakatakda para sa kanya. Hinamon ni KB si Efren at mga kasamahan nito na gawing positibo ang kanilang “paghihiganti.” Imbes na labanan ng dahas o pwersa, hinikayat sila ni KB na lapitan ang iba pang mga kabataan sa lugar nila na nasa gaya nilang posisyon at gumawa ng bagay na produktibo – ang mag-aral nang maigi, hasain ang kanilang mga talento at gamitin ang mga talentong ito upang tulungan ang iba pang mga kabataan.
Makilahok sa pagbisitang ito ni Efren sa Japan; bisitahin ang ating official website para sa “Empowering a Hero’s Dream.” Patuloy nating buhayin ang “bayani” sa bawat isa sa atin. Gaya nang sinabi ni Efren, “you are the change that you dream and together, we are the change that this world needs to be.” Hanggang sa muli, mga Ka-Daloy!
10 June 2015
Personal Tips
Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
Paano maging wais sa pagba-budget pagkakuha ng sahod
K
ung walang kinikita, maiisip mo bang magasam ng mga gamit at bagay para sa iyong sarili? Maglalakas-loob ka bang bumili ng mga gamit na inaasam mo at palilipasin ang mga kailangan mo? Para sa mga taong nagtatrabaho, ang sahod ay nangangahulugang gantimpala at pang-udyok para sila'y lalo pang magsikap. Gayunpaman, nararapat lamang na tandaan na may tamang paraan ng paggasta ng kinitang pera sa tuwing payday: 1) Unahing paglaanan ng budget ang mga mahahalagang bagay katulad ng bahay, kuryente, tubig, pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan sa araw araw.
Tips para sa matalinong pamamalengke
2) Siguraduhing mababayaran ang mga nahiram na pera upang hindi ito maipon at lumaki sa katagalan. 3) Sikaping maglaan ng 10-15% ng inyong kinita para sa inyong ipon kada buwan. 4) Mabuti ring mag-ukol ng budget para sa pagpapabuya sa sarili katulad ng pagkain sa labas o pagbili ng mga ninanais na gamit, paminsan-minsan. 5) Maigi rin daw bumili ng librong nakakatulong para madagdagan ang iyong kaalaman, halimbawa, aklat sa financial literacy.
Paano mag-ipon para sa inyong pagre-retiro
B
ilang alam mo na hindi habang buhay ay makakapag-trabaho ka, nararapat lamang na maglaan ng panahon at kayamanan para sa panahong kailangan mo nang magretiro at magpahinga sa pagtatrabaho. Bagama't malaki ang naitutulong ng mga insurance plans na inaalok ng iba't ibang ahensya at institusyon, ilan sa mga praktikal na gawain para sa iyong pagreretiro ay:
4) Ang pagbili ng mga mahahalagang ari-arian, katulad ng bahay o lupa at iba pa, ay isa ring praktikal na desisyon na siyang mapapakinabangan pagdating ng araw
1) Itaas at palakihin ang hinuhulog sa mga insurance plans na sinalihan lalo na kung kaya naman ito ng iyong budget. Mas malaking kontribusyon, mas malaking balik sa iyo pagdating ng araw na kakailanganin mo ito 2) Maaari ring mag-ipon gamit ang iyong mga account sa bangko. 3) 'Di kaya'y mamuhunan sa isang negosyo na pasok sa iyong interes.
H
Paano matuturuan ang inyong mga anak ng responsableng paggastos
G
aano kasarap ang pumunta sa palengke at suyurin isa-isa ang bawat panindang maaaring pagpilian? Gaano kasaya ang pakiramdam na mabibili mo ang lahat ng iyong nais na pagkain at gamit para sa inyong bahay? Panigurado, alam mo ang pakiramdam nito lalo kung ika'y may salapi. Ngunit, alam mo ba na may matalinong paraan ng pamamalengke at paggo-grocery? 1) Iwasang mamili sa mga panahong ika'y gutom at natatakam sa maraming klaseng pagkain. Isa ito sa mga umuubos sa iyong budget. 2) Iwasan din na mamalengke sa araw ng pagkuha n g s a h o d , d a h i l n a ka ka p a g p a t i n d i i to s a iyo n g pagiging impulsive buyer. Sa mga panahong ito, kadalasang nagkakaroon ng tinatawag na one day millionaire. 3) Ugaliing mamili kasama ang inyong listahan na inyong pinag-isipang mabuti. Siguruhing nakasama sa listahang ito ang mga bagay lalo na ang mga kailangan para sa araw-araw na gawain, katulad ng pagluluto, paglalaba, paglilinis ng bahay, mga personal at pang-kalinisan na kasangkapan. 4 ) M a ka ka b u t i r i n ku n g m a g d a d a l a l a m a n g n g eksaktong pera para sa inyong mga nilistang bagay na kailangan at nais bilhin upang mapagkasya ang nakalaan mong budget para rito at para hindi sumobra sa paggasta.
abang bata, nararapat lamang na maturuan ang inyong mga anak sa responsableng paggastos ng pera. Bagama't maaaring hindi nila ito madaling maintindihan, may ilang mga paraan na maaaring gawin ng mga magulang upang masanay ang kanilang mga supling sa mga simpleng kaugalian at kasanayan sa maayos na paggastos ng salapi, kagaya ng mga sumusunod:
kahit maliliit na halaga lamang. 4) Hayaan silang bilhin ang kanilang mga gusto sa pamamagitan ng pag-iipon mula sa kanilang pang araw-araw na allowance.
1) Iwasang sanayin ang mga bata sa mga bagay na hindi nila lubos na kailangan, katulad ng napakaraming laruan, napakaraming damit at sapatos na kadalasa'y hindi naman. nagagamit, mga pagkain na hindi nakakatulong sa kanilang kalusugan at kung anu-ano pa. 2) Ipaalam at ipaliwanag nang mabuti sa kanila kung paano kinikita ang pera at saan-saan ito napupunta. 3) Iparanas sa kanila ang paghawak at pag-budget ng pera
Paano makatipid habang nagliliwaliw
P
ara sa mga magkasintahan, mag-asawa, magkaibigan, o magkatrabaho, ang paglabas at pagliliwaliw ay isa sa mga mahahalagang bagay na kailangang ginagawa ng mga tao paminsan-minsan. Gayunpaman, dahil kaakibat ng paglabas at pagliliwaliw ay ang paggastos, nakakatuwang isipin na may ilang istratehiya na maaaring gawin upang makamura habang nagsasaya. Ilan sa mga ito ay: 1) Sa halip na kumain sa mga mamahaling kainan, maaaring subukan ang pagluluto ng ibang putahe sa bahay. Maaari ring mag-picnic sa labas upang maiba ang inyong paligid. 2) Mabuti ring maging alerto sa mga libreng palabas katulad ng gig ng mga banda, panulaan at marami pang iba. 3) Matutong i-appreciate ang kapaligiran at kalikasan. Piliing pumunta sa parke at pampublikong tanghalan at museo. 4) Kung madalas kayong manood ng sine o kumain sa labas,
bakit hindisubukan ang pagbibisikleta at pagtakbo? Hindi lang ito tipid, makakatulong pa sa inyong kalusugan. 5) Ang paglalaro gamit ang mga board at cards ay masaya ring aktibidad, lalo na kung hindi ninyo ito madalas gawin.
11
June 2015
Daloy Kayumanggi
Personal Tips
"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Ilang tips para magkaroon ng matinong ipon
A
ng seryosong pag-iipon ay nangangailangan ng hindi lamang dedikasyon kundi pati disiplina. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tama at praktikal na kaalaman tungkol sa pag-iipon, ang maayos na pagpapatupad nito ay mas madaling makakamit: • •
Maging matalino sa pagde-desisyon sa kung ano ang mga bagay na gusto at mga bagay na talagang kailangan. Maging istrikto sa pagtatabi ng karampatang ipon kada buwan. Ilaan ang 10-15% ng iyong kita para sa iyong
• •
•
ipon. Iwasang maging impulsive buyer. Matutong magtiis at mag-antay ng tamang panahon para sa pagbili ng mga inaasam na kagamitan. Matutong makuntento sa kung anong mayroon ka, lalo na kung ito'y nakapagbibigay pa rin pakinabang. Maging masipag sa pagsubok ng ibang mga gawain. Halimbawa, kung nasanay kang naka-kotse sa pagpasok sa opisina, ang pagko-commute at paglalakad ay hindi lamang makatutulong sa pagtitipid kundi pati na rin sa pagpapabuti ng iyong kalusugan.
Paano makakatipid sa konsumo sa gasolina
K
ahit ano pa mang klaseng sasakyan ang iyong minamaneho, kailangan mong gumastos sa gasolina. Bagama't malaking kaginhawaan ang naidudulot ng paggamit ng sasakyan patungong kung saan, nangangahulugan naman ito ng paggastos sa gasolina. At kung naghahanap ka ng paraan upang mabawasan ang paggugol para rito, naririto ang ilang tips o paraan na puwedeng gawin:
din upang maiwasan ang 'di makatarungang pagkonsumo ng gasolina ng mga sasakyan.
Tips para sa tipid bagamat masayang biyahe at pamamasyal
• Ang pagmamaneho nang dahan-dahan ay makatutulong sa makina upang mabawasan ang paggamit nito ng gasolina • Ang pagkakaroon ng tamang presyon ng gulong ng inyong sasakyan ay makakatulong rin sa pagsisiguro na tama lamang ang nakokonsumo ng inyong sasakyan sa gasolina. • Ang regular na pagmo-momonitor ng inyong air filter ay nakakadudulot din ng ginhawa sa makina ng kotse na siyang maniniguro sa maayos at matipid na performance nito. • Ang pagpapatulin nang maingat ay isang mabisang paraan
Paano maiiwasan ang mga luho
Pamilyar ka ba sa mga katagang ito: 1) "Ubus-ubos biyaya, pagkatapos ay tunganga;" 2) "Kung maigsi ang kumot, matutong mamaluktot;" o 3) "Ang laki sa layaw, karaniwa'y hubad." Isa lang pinupunto nito -- huwag magiging maluho. Naririto ang ilang mga pamamaraan para maiwasan ang iyong mga luho na nakakaubos ng iyong mga "biyaya:" 1) I-identify ang iyong mga luho. Halimbawa: Mahilig ba kayo sa aircon kahit pwede namang mag-electric fan lang? Bili ka ba ng mamahaling bagay na hindi naman kailangan? 2) Hangga't maaari, gawing simple lang ang iyong mga personal na kagamitan, e.g., gadgets, cellphone, at marami pang iba. 3) Huwag masyado sa mga mamahaling restawran kapag lumalabas. 4) Kung may kotse ka, bawasan ang paggamit nito, lalo na kung malapit lang naman ang iyong paroroonan. 5) Sa halip na pumunta sa sinehan, manghiram na lamang ng mga DVDs na pwede mong panoorin kapag nababagot.
Ilang mga prinsipyo sa matalinong pamimili
T
otoong nakakahikayat na mamili sa tuwing may sale sa mga malls. Pero, ayon sa ilang mga financial experts, kung matalino kang tao, 'wag ka lang basta bili nang bili -- 'wag maging "impulsive buyer."
Naririto ang ilang mga prinsipiyo upang maging matalino sa pamimili sa tuwing may mga sale:
1) Gumawa ng listahan ng mga dapat, hindi ng mga gusto mong bilhin. 2) Tiyakin na talagang bagsak-presyo ang mga gamit na iyong bibilhin. Mayroon kasing ibang mga bagay na nakatatak lang na sale pero ang totoo nito, 'di hamak na mas mura pa sa
B ibang lugar. 3) Burahin mo sa listahan ang lahat ng iyong mga luho. 4) Tiyakin na tama ang sukat ng iyong binili. Baka mamaya, pagdating mo sa inyong bahay ay sobra naman pala itong luwag. Sayang din. 5) Isama mo sa pamimili ang ibang mga miyembro ng iyong pamilya, nang sa gayon ay matuto rin silang maging matalino sa pamimili ng mga bagay-bagay.
ukod sa hindi maiiwasang mga gastusin, ang pamamasyal at pagbibiyahe ay isa sa mga gawaing nangangailangan ng malaking budget. Ngunit, dahil isa ito sa mga mahahalagang aktibidades, mahalagang malaman ang mga praktikal at wais na mga istratehiya sa kung paano makakamit ang isang masayang pamamasyal o pagbibiyahe na hindi huhugot ng malaking bahagi sa inyong ipon o budget.
• Hindi ba't 'pag mas marami ay mas masaya rin? Alam mo ba na isang malaking katipiran kung mas malaking grupo kayong bibiyahe? • Ang pananaliksik tungkol sa lugar na inyong p u p u n t a h a n , ka t u l a d n g m ga p a m p u b l i ko n g sakayan, mga kainan at mga murang matutuluyan ay makakatulong din sa inyong pagtitipid. • Matutong ikonsidera ang mga mas praktikal na pagpipilian kagaya ng mas murang tutulugan, nang sa gayon ay mas matutukan ang pag-e-enjoy sa pamamasyal. • Maaari ding magbaon ng mga delata o iba pang kakanin na hindi agad madaling mapanis upang makatipid sa pagbili-bili ng makakain. Delata, mga biscuit at tubig ay ilan lamang sa mga bagay na maaaring baunin nang sa gayong ay mas makakatipid sa inyong pagbibiyahe.
12
Ads
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
Ads
13
14 June 2015
Global Filipino
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
15
June 2015
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Travel
Slice of Mango, Slice of Life Aries Lucea Email: arieslucea@daloykayumnaggi.com www.daloykayumanggi.com
N
KOYASAN: 1200 YEARS OF KUKAI
othing feeds my deep need for spirituality in Japan more than a trip to Mt. Koya. Kaya naman ng malaman kong bibisita ang aking mga in-laws dito sa Osaka, hindi ako nagdalawang isip, na sila ay dalahin sa Mt. Koya for a day of history, sightseeing, good food and spirituality. Tag-lamig ng huli kong binisita ang Koyasan, katatapos pa lamang ng New Year's holiday noon and there were certain points on our trip, na parang kami lang ng aking asawa ang naglalakad sa nakamamanghang mga snow-covered sights ng lugar na ito. Kaya naman nakakagulat ang dami ng tao sa Koyasan this past Golden Week, pero still far from the uncomfortable crowds na dumadagsa sa mas mga kilalang tourist areas tulad ng Kyoto. Ang Koyasan pilgrimage route and the Cultural Sites that surround it are included in the list of UNESCO World Heritage Sites. I am never religious but deeply spiritual and Koyasan never fails to touch that part of my being. This is the best time to travel to this place. Once in a lifetime as it marks its 1200 foundation, mula ng tinatag ni Kobo Daishi na kilala din sa pangalang Kukai, ang unang monasteryo ng Shingon Buddhism sa lugar na ito. Ang Shingon Buddhism ay nabibilang sa mangilang surviving branch ng Buddhism na may malalim pa ding relasyon sa Buddhism na galing sa India at China, taliwas sa mas popular na Shinto na karamihang sinusundan ng mga Hapon. Kaya naman tinatawag din esoteric Buddhism ang Shingon, understood by only a small number of people. Ang Koyasan ay matatagpuan sa Wakayama Prefecture na may 900 meter elevation. Nais ni Kukai itatag ang Shingon training grounds malayo sa earthly distractions and deep in nature, na kung saan makapagdadasal ang mga Buddhist monks for peace and welfare of the people. Ang pinakanakakamangha sa lugar na ito ay ang interaction ng nature with the different sights; century old trees spreading, with trunks branching into two and threes in a lot of cases, Buddhas of various shapes, forms and sizes all lined up beside cascading stream. You can almost feel these trees breathing history and so much positivity. Idagdag mo ba ang mga bells and chanting ng mga mongha na maririnig sa background. Not to be missed ay ang Konpon Daito or great pagoda bukod sa napakagandang structure na ito ay ang tinaguriang ding monastic center ng Koyasan. Pwede din mag overnight sa mga temples ng Koyasan for a better glimpse at the monastic lifestyle. Sa Okunuin naman makikita ang napakadaming ornately designed and sometimes forgotten mausoleums left with nature to craft an intertwined man-made and natural beauty. Some of these are only cenotaphs, meaning an edifice that commemorate a dead person who is buried in another place. You can see cenotaphs and mounts of so many revered historical figures, the famous and infamous as well, the country's elites, corporate executives, even some really rich people's pet dog being commemorated and hope for eternal liberation. Learn more about the place, the faith and the grand celebration http://www.koyasan.or.jp/en/k1200/.
16
June 2015
Daloy Kayumanggi
Tips
"Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
Emosians
S
uperstisyon o pamahiin ay isang kaugalian na minana natin sa ating mga ninuno. Kadalasan ito ay nasa anyo ng astrolohiya, relihiyon, kulam, propesiya at kasaysayan. Sa modernong panahon naman, tinanggap na ng mga Pilipino ang paniniwalang Feng Shui ng mga Tsino. Bagama’t maraming Pilipino ditto sa bansang Hapon, marami pa rin ang walang kamalay-malay sa mga pamahiin nila. Ang 縁 起 “engi” (buenas) at 迷 信 “meishin” (pamahiin) ng mga Hapon ay kadalasang ginawa ng awtoridad upang magkaroon ng selebrasyon sa isang bayan ngunit ang ilan nama’y impluwensiya ng mga Tsino sa mga Hapon o di kaya kaugalian ng mga mga sinaunang Hapon. 1. Mapapansin kadalasan sa mga umuupa ng apato ay walang numerong 4 at 9 dahil na rin ang 4 o “shi” ay nangangahulugan ng “kamatayan.” Samantala naman ang numerong 9 o “ku” ng 苦 し む (kurushimu) ay may ibig sabihin na pagdurusa. Kung saka-sakaling mayroon man, kadalasan ang mga Hapon na kliyente ay di umuupa rito at mapapansin din ang ganitong numero ng kwarto ay mas mura kaysa sa mga katabing kwarto kahit pareho lamang ang espasyo ng mga ito. Inoobserba rin ang ganitong paniniwala pati sa plate number ng mga sasakyan.
2. Parte ng kultura ng Hapon ang pag-inom ng tsaa kaya kapag nakakita ka ng Chabashira o talungkay ng tsaa na matayog na nakatayo ay kinakonsidera itong goodluck dahil sa salitang Hapon ang “hashira” na nasa pronunsyasyon na “bashira” na ibig sabihin ay haligi kaya nangangahulugan ito na mapapalibutan ka raw ng haligi ng swerte.
Kaya mabuting magkaroon ng positibong damdamin at sabihin ang salitang “Engi ga ii” o pwede na rin “lucky ” para masakatuparan ang swerteng darating. 3. Popular sa Japan ang 招 き 猫 “manekineko”na ibig sabihin ay naeengganyo ng swerte na kadalasan makikita sa mga negosyo. Pinaniniwalaan kasi na nagpapasok ito ng swerte. Mapapansin na kadalasan sa maneki-neko ay isang ka m ay l a n g n g p u s a ang nakataas o di kaya kapag parehong kamay ang nakataas ay mapapansin na mas mataas ito at lagpas sa kanyang mga tainga. Kapag kaliwang kamay daw ang nakataas ay naghihikayat daw ito ng salapi samantalang ang kaliwang kamay naman ay naghihikayat ng pag-unlad at proteksyon sa kayamanan. Kapag parehong nakataas naman ang kamay ay walang kapantay na swerte daw ang ibig sabihin nito. Di kalaunan nagkaroon din ito ng bagong mukha dahil na rin ito ay simbolo ng takarakuji o lottery ng Japan, ang maneki-neko na ito ay may hawak na “koban” o sinaunang salapi ng Hapon kung saan nakaukit ang salitang 千 万 両 (senmanryo) na ibig sabihin malaking halaga
instagram: emosians facebook: emostians frambroise like my page: emosians na salapi. Magiging epektibo lamang ang manekineko kapag nag-alay ka ng 5 円 dama na alkansya dahil ang salitang “5 円”(Go-En) at “ ご縁”(GoEn) ay magkasing tunog na ang ibig sabihin ay mabuting relasyon. 4. Maraming mga regulasyon ang pagdadalaw sa taong may sakit kaya kinakailangang malaman ang mga pamihiiing ito dahil katumbas din nito ang ethics ng mga Hapon. Ito ang mga sumusunod dito:
6. “Reikyusha ga toru toki wa oyayubi kakuse!” na ibig sabihin sa salitang Tagalog ay kapag ang karo ng libing ay pagawi sa iyo kinakailangan mong itago sa iyong mga palad ang hinlalaki dahil sa pamahiin ng Hapon ang oyayubi o hinlalaki ay nagrerepresenta sa mga magulang. Kapag ‘di mo daw ito nagawa ay maghahatid ito ng malas o di kaya kasawian sa pamilya.
A. Huwag magregalo ng halaman nakalagay sa paso dahil ang salitang 根つく (netsuku) “tumagal na ugat” ay kasing tunog ng 寝つく (netsuke o matulog) na ang ibig sabihin ay pangmatagalang karamdaman. B. Huwag magregalo ng bulaklak na Cyclamen persicum (shikuramen) dahil ito ay nagpapaalala ng “mapagdusang kamatayan.” C. Huwag magregalo ng pulang rosas dahil ang kahulugan nito ay”dugo at kamatayan”. D. Huwag magregalo ng mga bulaklak na Camellia sasanqua (saganka) at Camellia japonica (tsubaki) dahil ang mga bulaklak na ito ay may parehong katangian na kapag lumaki ang bulaklak nito ay tila nahuhulog sa kanyang mga sisidlan o di kaya payuko na nangunguhulugan daw ng kasawian at pagluha. E. Huwag magregalo ng kulay na puting bulaklak dahil nagpapaalala daw ito ng libing. F. Huwag magregalo ng bulaklak na Chrysanthemum (Kogiku) dahil ito ay bulaklak ni Buddha at inaalay sa patay lamang. G. Huwag magbigay ng hindi consumable na regalo tulad ng toothbrush, kape, sabon atbp. dahil naghahangad ito ng pangmatagalang pagpirmi sa ospital. H. Huwag magreregalo ng suklay (kushi) dahil kasing tunog nito ang salitang 苦 死 (kushi) na ang ibig sabihin ay “mapait na kamatayan.”
7. Ang pag-aalaga ng isdang koi ay pinagpapala ayun sa kasaysayan mula pa noong 533 B.C. Ang Hari ng Persia na si Haring Shoko ng Ro ang nagregalo ng “Koi” na isda sa Pilosopong si Confucius bilang parangal sa unang anak na lalaki nito. Milya-milya ang layo ng Persia sa Tsina at nakakamangha ang abilidad ng isdang ito dahil nagawa nitong mabuhay sa m a h a b a n g b i ya h e a t n a ga w a n i t o n g lumangoy sa talon ng “Huang He” o mas kilala bilang dilaw na ilog na siyang pangalawang pinakamalaking ilog ng Tsina. Noong panahon na iyon ay iisang kulay lamang ang koi—puti, pula, itim at asul.
5. May kotowaza o kasabihan ang mga Hapon na “Tsuru Sen-nen, Kame Man-nen” o ibig sabihin ay bakaw o tagak na ibon ay mayroon isang libong buhay at ang pagong naman ay may sampung libong buhay. Ang tsuru (bakaw o tagak na ibon) ay klase ng ibon na monogamous sa kanyang kapareha kaya sumisimbolo ito ng katapatan, pagibig at debosyon. Kung kaya sa kasalang Hapon ang mga kapamilya at kaibigan ay gumagawa ng isang libong tsuru na magbibigay ng swerte at panghabangbuhay na kasiyahan sa bagong kasal. Isang impluwensiya ng Feng Shui sa mga Hapon ay ang pagong na kabilang sa four celestial guardians at tinuguriang mandirigma ng karagatan na sumisimbolo sa lakas, tibay at kahabaan ng buhay.
Malaki ang naging impluwensiya ng Tsina sa mga Hapon kaya ng makapasok sa bansang hapon ang mga koi ay nagkaroon ng modernong mukha ang mga isda na ito at tinawag silang “Nishikigoi” na ibig sabihin ay makulay na koi. Naging kaakitakit ang mga halo-halong kulay nito tulad ng dilaw, kahel, puti, itim, atbp. Nangyari iyon noong nagkaroon ng mahabang taglamig sa prefektura ng Niigata kaya walang nagawa ang mga magsasaka kundi gumawa ng lawa sa kanilang palayan at doon ilagi ang mga isda. Doon, napansin nila ang pagbabago ng mga kulay nito at nakakamangha ang katibayan at kakayahan nito sa malamig na panahon kaya mula noon naging simbolo din ito ng katatagan, swerte, kasaganaan, kahabaan ng buhay at sigasig para sa mga Hapon.
Naging parte rin ng selebrasyon ng mga Hapon ang Koinobori na ang ibig sabihin ay pag-angat ng isdang koi para sa mga batang lalaki na tinawag na Tango no Sekku at di kalaunan ay naging pangkalahatang selebrasyon ng mga bata na tinawag na “kodomo no hi” na ginugunita tuwing ika-5 ng Mayo. Ayun sa alamat ng sinaunang Tsino ang koi ang natatanging isda na naging masigasig akyatin sa azul na talon ang tarangkahan ng mga dragon kung kaya natuwa ang Diyos ng Tubig kaya pinarangalan siya nito at naging pinakamagandang dragon. Kaya pinaniniwalaan ng mga Hapon ang paglalagay ng “hiryu fukinagashi” o malaking imahe ng mga koi na windsock na sumisimbolo
ng kasaganaan ng pamilya, mula sa ama, kasunod ang ina at pati ang mga anak. 8. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga pamahiin na katulad ng pamihiin ng mga Pilipino na sinasabi ng ilan na impluwensiya raw ng mga Hapon. A. Huwag maggupit ng kuko kapag gabi dahil ang laging gumagawa nito ay maaaring maunang mamatay kaysa sa mga magulang. Dahil ang kanji ng 夜 に 爪 (yozume) ay katumbas ng “maagang pagkamatay.” B. Kapag tatlong tao ang nagpa-picture ang taong nasa gitna ng larawan ay mamalasin o di kaya mamamatay. C. Kapag nadaanan ng pusang itim ay mamalasin kaya mabuting iwasang masalubong ito at kapag mula naman sa likod at naglagpasan ka ng pusang itim ay hihigupin naman daw nito ang iyong swerte. D. Kapag nilagay sa baba ng unan ang taong iniibig ay mamahalin ka rin nito. E. Kapag pinatayo ang chopsticks sa kanin ay simbolismo ng kamatayan na wangis sa paniniwala ng Tsinoy. 9. Pinaniwalaan ang pagkakaroon ng お 守 り ”omamori” ay isang proteksyon sa anumang klase ng sakit, aksidente, problema, masamang i s p i r i t u at a n u m a n g negatibong bagay at ang ilan naman ay para makapasa sa eksaminasyon o anumang kumpetisyon. Ito ay yari sa seda na nilagyan ng kahoy at may kasamang dasal at bendisyon. Iba iba ang uri at kulay nito at kadalasan mabibili sa jinja o shrine. 10. Ritual ng mga Hapon ang pagpupwesto sa katawan ng namatay na nakatapat ang ulo nito sa Hilaga kaya ang palagian pagtulog raw sa hilaga ay malas at maaaring maagang mamatay ang taong ito.
11. Kapag napanaginipan mo ang Mt. Fuji sa unang araw ng taon ay magiging matagumpay ka at suswertehin dahil ang bundok na ito ay simbolo ng kagandahan at katayugan. 12. Kapag nakakita ka ng gagamba sa umaga ibig sabihin nito ay susuwertihin ka kaya huwag mo itong papatayin at kapag gabi mo naman ito nakita ay mamalasin ka. Ang agiw ng gagamba ay sumisimbolo ng atraksiyon sa kanilang pain kaya kahit wala silang pagpupunyagi ay nagawa nilang makalibre ng hapunan kaya nangangahulugan ito ng salapi. 13. Kinakailangan mag-ingat ang mga taong pinanganak sa 厄 年 “Yakudoshi” dahil maaari silang mapahamak, malasin o mamatay kaya kinakailangan nilang dumaan sa jinja o shrine para mabigyan sila ng omamori para labanan ito gayundin ang paggawa ng rituales para dito. Ang edad na 25, 42, 61 para sa lalaki at ang edad na 19, 33, 37 para naman sa mga babae. 14. Ang kasabihan ng mga nakakatandang Hapon sa mga bata na ang pagtulog ng nakalabas ang tiyan tuwing tag-ulan ay paparusahan ng Diyos ng kulog at kidlat at kukunin ang pusod ng taong ito kaya kadalasan sa mga Hapon ay sinisiguradong nakasuot ng haramaki.
17
June 2015
Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
Global Pinoy
The People of D&K
"Always at your service"
Love is when the other person's happines is that more than your own.
Remy Asis Umotoy Phone: 0032-6308 Viber: 0927-590-4314 Facebook : Remy Umotoy Email: rhemyz19_abc@yahoo.com
"Love isn't something you find. Love is something that finds you."
" Love is magical and it gives you the strength to heal and transform your pain."
Erwin Brunio Phone: 090-6025-6962 Viber: 080-6125-8838 Facebook: Erwin Brunio Email: erwin@daloykayumanggi.com
Ynah Campo Phone : 0032-6308 Viber 0927-5641628 Facebook : Ynah Campo Email : mterrobiascampo@yahoo.com
"Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage."
"The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the heart."
Mario Rico Florendo Phone: 090-1760-0599 Viber: 090-1760-0599 Facebook: Mario Rico Florendo Email: marioflorendo@daloykayumanggi.com
Jeanne Sanchez Phone: 0032-6308 Viber :09173433362 Facebook: Jhin Sanchez Email: jhinsanchez@yahoo.com.ph
18
June 2015
Daloy Kayumanggi
Trabaho
"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
Invitation to the
Book Launch A groundbreaking book on leadership competencies of Filipina women in management positions in countries around the world.
DATE: Sunday, June 21, 2015 TIME: 2:00 pm – 5:00 pm VENUE: Multipurpose Hall Embassy of the Republic of the Philippines 5-15-5, Roppongi, Minato-ku, Tokyo 106-8537
Admission is FREE Keynote Speaker
H.E. Manuel M. Lopez
Philippine Ambassador to Japan
Inspirational Message* Book Readers Minister & Consul General Marian Jocelyn Tirol-Ignacio; Consul Parwana Paikan; Ms. Cherry Piquero-Ballescas; Ms. Maria Carmelita Zulueta Kasuya; Ms. Leith CaselSchuetz; Ms. Anita Aquino Sasaki; Ms. Rowena Gunabe; Ms. Milena InocencioDomingo;Ms. Josefa Aranjuez Nistal; Ms. Olga Gorevaya; Ms. Joanna Joy O. Torreda Chairperson
Isabelita T. Manalastas-Watanabe
A FWN Global 100 – Most Influential Filipina Women in the World awardee (Founder & Pioneer category), October 2013. *Awaiting confirmation from world-renown Japanese author and professor. RSVP, please email or contact: Marty – mariateresa.timbol@smtj.co.jp; 03-6869-8555 local 1007
19
June 2015
Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
GENTLEMAN SI ITAY! JUAN: Nay alam niyo pinatayo ako ni itay sa bus para ibigay ang upuan ko sa babae? INAY: Magandang asal yun, anak. JUAN: Kahit nakakandong po ako kay itay? PANGIT INAY: Bakit ka umiiyak? BERTING: Si kuya po sinabihan akong pangit! INAY: Totoo ba'ng sinasabi ng kapatid mo, Juan? JUAN: 'Wag po kayong maniwala sa sinasabi ng pangit na yan! IPASOK SA LABAS BOSS: Pasok mo nga dito yung mga papeles ko. ASSISTANT: Sa loob po? BOSS: Hinde sa labas, ipasok nga 'di ba? Pwede bang ipasok sa labas? Sige, subukan mong ipasok doon sa labas! HOLDAPER HOLDAPER: Hoy! Holdap 'to! Akin na bente mo! BABAE: Bente lang? Eto naman si kuya! Kuripot mang-holdap! Heto ang singkwenta! MAGBALAK KA NA, PLEASE BABAE: Binabalaan kita, malapit nang dumating ang Daddy ko! LALAKI: Ha, e wala naman akong ginawang masama ah? BABAE: Oo nga, kaya kung may binabalak ka,
gawin mo na. PAHIRAM NG ASAWA PEDRO: Oy, pwede raw magsama ng asawa sa company picnic natin. JUAN: Wala ka namang asawa ah? PEDRO: E, di isasama ko yung asawa ng kumpare ko. MAMILI KA! MISIS: Hon, anong ulam natin? MISTER: Andiyan sa mesa, pumili ka. MISIS: Hon, sardinas lang ang andito. Anu bang pagpipilian ko? MISTER: Pumili ka kung kakain, o magrereklamo ka! MARRIAGE BLUES MISTER: Hon, may malaki akong problema... MISIS: Ngayong kasal na tayo, ang problema mo ay problema na natin. MISTER: Ganun ba yun? MISIS: Oo, dahil iisa na tayo ngayon. Ano bang problema natin? MISTER: Buntis si Inday at tayo ang ama. PAMPAHABA NG BUHAY MISTER: Ayon dito sa survey, mas mahaba ang buhay ng lalaking may asawa kaysa sa wala. MISIS: Kaya pasalamat ka at napangasawa mo ako. MISTER: Kaya dapat humanap ako ng isa pang asawa para mas humaba ang buhay ko! PUPUTLA KA TALAGA!
GEMINI May. 22 - Hun. 21
VIRGO Ago. 22 - Set. 23
Oras na para gawin ang matagal mo nang binabalak. Eksakto lamang ang panahon para sa iyong mga plano. Huwag mag-alala, kung pagtutuunan mo ito ng pansin ay siguradong makukuha mo rin ang gusto mo. Masuwerteng numero ay 11, 4, at 3.
Mahirap ang mga nakaraang araw at masakit mang sabihin, magiging mas mahirap ang mga susunod pa rito. Huwag magalala, malulusutan mo rin ang nakikita mong problema. Huwag masyadong problemahin ang hinaharap at tanggapin lamang ang bawat araw na darating. Masuwerteng numero ay 5, 16, at 19.
CANCER Hun. 22 - Hul. 22
Bigyan ang sarili ng oras para magpahinga. Pihadong pagod na pagod ka na dahil sa mga perwisyo noong mga nakaraang araw. Hayaan mong matulog at mag-relax ka na lamang ngayong araw na ito at nang magkaroon ka ng lakas para sa mga susunod na pagsubok. Masuwerteng numero ay 8, 5, at 10. LEO Hul. 23 - Ago. 22
Hindi ito ang oras para magpatumpik tumpik. Maaring nahihirapan kang magdesisyon ngunit kung hindi ka gagalaw ngayon ay siguradong walang mangyayari. Pag-aralan muli ang sitwasyon at magdesisyon ka na agad bago pa mawala ang oportunidad na ito sa iyong mga kamay. Masuwerteng numero ay 8, 1, at 6.
LIBRA Set. 24 - Okt. 23
Bigyan ng oras ang iyong pamilya ngayong darating na linggo. Masyado kang naging busy noong mga nakaraang araw, pero 'wag mong hahayaang makaligtaan ang mga i m p o r t a n t e n g t a o s a b u h a y. Masuwerteng numero ay 12, 11, at 23. SCORPIO Okt. 24 - Nob. 22 Alagaang mabuti ang kalusugan dahil hindi naayon ang posisyon ng buwan pagdating sa iyong resistensya. Siguraduhing kumakain ka n a n g t a m a a t n a t u t u l o g s a o ra s . Uminom ng vitamins kung kinakailangan. Masuwerteng numero ay 16, 22, at 13.
TINDERA: Suki, bili na kayo ng pakwan. Mapula at matamis. (Nabitiwan ng tindera ang pakwan, bumagsak at nabiyak) SUKI: Sabi mo mapula. Maputla naman pala ang pakwan na tinda mo! TINDERA: Aba, kayo man ang bumagsak sa semento, mamumutla rin kayo! CHOKING! ERAP: Doctor! I swallowed a bone. DOCTOR: Are you choking? ERAP: No, I'm serious! LITERS NG COKE AMO: Inday, ilang liter meron sa isang litrong coke? INDAY: 4 liters po. AMO: Sigurado ka? INDAY: Upo, ati, Liter C, O, K, E. 'Di ba 4 liters yun? SA WAKAS! JUAN: Pedro, sa wakas nagka-GF na rin ako! PEDRO: Bakit?! Ngayon ka lang ba nagka GF? JUAN: Oo pare! Sobrang higpit kasi ni Misis eh! ITIGIL MO NA! MISIS: Hon, nahirapan akong huminga. MISTER: Kung nahirapan ka nang huminga, itigil mo na. SA ISANG JOB INTERVIEW BOSS: Okay! Ano ba alam mo? JUAN: Alam ko kung saan nakatira asawa mo
SAGITTARUIS Nob. 23 - Dis. 21 May isang kapamilya ang kakausap sa iyo upang humingi ng pabor. Hindi naman ito malaking problema at magagawan mo ng paraan ang hinihiling niya nang walang hirap. Masuwerteng numero ay 11, 21, at 8. CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20 Hindi ito ang oras ng pagbabago. Bagama't napakaganda ng mga pangako sa'yo, intindihin mabuti ang sitwasyon bago mag mag-desisyon. Masuwerteng numero ay 24, 19, at 20. AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19 Makakakilala ka ng isang Pisces na malaki ang gagampanang papel sa iyong hinaharap. Huwag pakawalan ang sandali at gawin ang maari mong gawin upang siguradong matuloy ang mga balak. Masuwerteng numero ay 15, 265, at 17.
at alam ko rin saan nakatira ang kabit mo. BOSS: Tanggap ka na! PANGARAP PEDRO: Pangarap ko po na KUMITA ng 20,000, tulad ng TATAY ko! TITSER: Wow! 20,000 suweldo ng tatay mo? PEDRO: Hindi po! yun din PANGARAP niya! SEKYU AIRFORCE: "No guts, No glory!" MARINES: "No retreat, No surrender!" ARMY: "No pain, No gain!" SEKYU: "No I.D, No entry!" PALUSOT JUAN: Ah, waiter, bakit may langaw itong lomi ko? WAITER: Kasi po, sa sobrang sarap ng lomi namin pati langaw gusto makatikim. BREAK NA KAMI DAD: Bakit may pasa ka, Junior? ANAK: Nakipag-away po ako kay Tomas, yung tambay dyan! DAD: Tara reskbakan natin! SON: Wag na, dad. Nakipag-break na ako sa kanya! I hate him so much! AYBOL BABAE: Magsusuot ako ng yellow. LALAKI: Ako green. Sa araw ng kitaan... BABAE: Excuse me, are you my textmate? LALAKI: Naka-green ba ako?
mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp
www.tumawa.com
PISCES Peb. 20 - Mar. 20 Pagtuunan ng pansin ang iyong kapareha ngayong araw na ito. Maaring nagtatampo na siya sa iyo dahil sa hindi mo pagtugon noong mga nakaraang araw. Tandaan na kahit ga a n o ka i m p o r t a n te a n g t ra b a h o , mayroon pa ring mga bagay na mas importante dito. Masuwerteng numero ay 24, 5, at 2. ARIES Mar. 21 - Abr. 20
May napipintong biyahe sa mga susunod na araw. Mag-ingat dahil mas matatagalan pa ang biyahe na ito sa iyong inaakala. Siguraduhing sobra ang dala mong pera upang maiwasan ang problema habang wala ka sa iyong bahay. Masuwerteng numero ay 12, 15, at 7. TAURUS Abr. 21 - May. 21
Isang kaibigan na matagal mo nang hindi nakikita ang magpaparadam sa'yo. Isang kaibigan naman na madalas mong kasama ang biglang aalis. 'Wag m a g - a l a l a , h i n d i p e r m a n e n te a n g paglisan na ito. Bigyan ng pagkakataon ang lumang kaibigan na muling maging malapit sa'yo dahil malaki ang gagampanan niya sa sa mga susunod na taon. Masuwerteng numero ay 2, 9, at 8.
20 June 2015
Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
LARONG KALYE
Sharapova, Djokovic parehas na nagkamit ng bagong panalo
Melbert Tizon Email: mbtizon@gmail.com
Alam natin na matagal nang naiisahan ni Floyd ang larangan. Tawag ko dito, Mayweather’s Theory of Boxing Mockery. Hindi siya sumusuntok, madalas siyang tumakbo at yumayakap, pero nananalo. Si Pacquiao naman, kankarot sa ring. Ikot dito, ikot doon, suntok dito, suntok doon. Parang sugo ng ibang planeta para parusahan si Floyd. Kailangan maglaban sila, para kahit sa isang pagkakataon, boxing naman ang makakaisa. Ito ang mini diary ko ng laban nila: Round 1 Surreal ang pakiramdam na makita silang dalawa loob ng ring. Nagsasayaw ang dalawa, sumugod si Manny, pero umatras si Floyd. Aamba siya ng suntok, pero hindi siya makapasok. Parang doon pa lang, medyo nakakawala na ng loob. Sa bawat unday nang nakakabwisit na balikat ni Mayweather, parang alam na natin ang mangyayari. Round 2 Lumalapit pa rin si Manny, pero umaatras pa rin si Floyd. Akala ko parang round 1 lang. Pero teka… umaatras si Floyd, AT NAKORNER SIYA NI MANNY!. Sumuntok si Manny, sumabay si Floyd. Tapos nakaalis na si Mayweather sa kanto. Pero NAKORNER ULI SIYA!. Sa isip ko sabi ko, teka parang kaya ito ni Manny. Round 4 Naiipit pa rin si Floyd, tapos tinamaan siya sa panga. Hilong talilong si Floyd, pero ayaw pahalata. Andun lang siya, tinatanggap ang suntok ni Pacman. Tapos biglang umatras si Pacman, nakakapagtaka. Iyon pala, sumakit ang balikat niya. Round 5 hanggang 8 Parang patas lang. Pero nakikipagsabayan si Mayweather. Magaling din siya magcounter punch. Pero ang mahalaga, napilitan siyang makipagsuntukan. Hindi pala foolproof ang kanyang teorya. Round 9 hanggang 12 May round 9 ba? Naglalaro pa ba sila nito? Parang hindi na. Panalo si Floyd. Hindi na ako nagduda dito. Pero hindi lang naman siya nanalo kay Manny, naisahan niya uli ang boxing. Kumita na naman at nanalo nang hindi lumalaban. Umakyat siya sa net at tumingin sa mga manonood. Nagpasalamat sa pagpunta nila, pero syempre sarcastic ito. Samantala, nasa kabila ang kampeon natin. Malungkot. Hindi ko alam kung san siya mas nagstruggle, kay Floyd ba o sa interviewer. Hindi sa minamaliit ko ang Ingles ni Manny, pero pakiramdam ko hindi sila nagkakaintindihan ni Kellerman. Hindi na nakakapagtaka. Ikaw kaya sa ring ng 12 rounds, tapos magbibigay ka pa analysis? Para kang nag-exam na alam mong bagsak ka pero in denial ka pa rin. Tapos may magtatanong sa iyo: “Bakit hindi mo ginalingan?”. Sabi ni Pacquiao, kailangan ng surgery. Anim na buwan daw. Tapos lalaban pa rin siya. Pero para saan? Tapos na si Mayweather. Sino naman? Sa akin, iyong injury niya ay senyales na tama na. Wala na siyang dapat patunayan. Maaring natalo siya sa greatest fight niya pero walong weight division pa rin ang napagtagumpayan ni Pacman Isa pa, hindi si Floyd ang pinakamagaling sa henerasyon na ito. Undefeated nga siya, pero para siyang naglaro ng game boy na may cheat code para makuha ang top score. Ang karera ng isang atleta ay hindi nasusukat sa stats o win-loss record. Makakalimutan din natin iyon. Ang uukit sa isip ng tao, iyong moments niya. Ano bang natatandaan natin kay Floyd? Iyong sinapak niya ang kalaban niya habang nag-tatouch gloves sila? Iyong inipit niya ang kamay ni Mosley nang masuntok siya? Samantalang si Pacquiao, kapag maalala mo iyong laban niya kay Marquez, Barrera at Dela Hoya. Mapapangiti ka talaga. Tipong ang sarap balik-balikan sa Youtube. Hindi mo mapipigilan na mag one-two combi sa hangin. Kasi masaya. Kasi magaling. Iyon ang moments. Si Floyd wala noon. Natalo man si Pacman, siya pa rin ang pinakamalupit na boksingero ng henerasyon. Kaya mahirap intindihin kung bakit gusto niya pang tumuloy. Sabi ni Pacman, hindi ito money-trip lang. Pinaniniwalaan ko ito. Kasi kung ganoon lang, hindi na siya lalaban. Hindi na worthy investment ang umapak pa sa ring. Paano kung matsambahan siya ulit katulad kay Marquez? Siguro, hindi niya lang talaga maiwan ang karisma ng boxing. Iyong pakiramdam na maraming nakasuporta sa iyo. Iyong sigawan na “Manny! Manny! Manny!”. Lahat iyon mahirap iwan. Pati si Buboy at Roach sa corner kasama na din. Iyong pinagdiriwang ka ng bayan. Natural lang naman ito sa mga superstar athlete. Sila Jordan, Jawo at kahit si Ali, matagal din bago nagretire. Sabi ni Manny sa interview n’ya kay Karen Davila, tutuloy siya ng laban para sa mga kababayan niya. Iyong makita tayong masaya. Iyong lahat ay nakakalimutan ang problema. Pero sana, isipin din ni Manny ang sarili niya. Hindi lang ang kasiyahan ng tao, hindi lang ang atensyon, hindi lang ang samahan nila ng Team Pacquiao. Lahat iyon ay magtutulak sa kanyang maglaro hanggang singkwenta. Isipin niya rin si Jinkee, ang mga anak niya, pati si Mommy D. Tungkulin niya din sa mga ito na magretire at ibuhos ang oras sa kanila na walang pangamba na baka may mangyari sa ring. Pero kung mapilit siya, siguro isang farewell fight na lang. Dito sa Pilipinas gagawin. Homecoming ng atleta na iniharap natin sa iba’t ibang digmaan. Tapos pipitsugin lang na boksingero, para hindi spoiler. Pagkatapos ng laban, iyong mga tambay sa kanto, mangingilid ang luha. Sasabihin nila, “P’re, mamimiss ko ‘to.” Iyon na lang siguro ang pinakamagandang epilogue na masusulat tungkol sa Pambansang Kamao.
N 7-5, 6-1 .
akamit ni Russian player Maria Sharapova ang kanyang ika-35 WTA Tour tile, labas sa kanyang katunggali, ang Spanish player na si Carla Suarez. Nagtapos ang laro sa iskor na 4-6,
Samantala, wagi rin sa Open final si Serbian tennis player Novak Djokovic, ang world number one, laban kay Roger Federer sa iskor na: 6-4, 6-3. Pang-apat na Rome title na ito ni Djokovic. Si Federer ay ang rank No. 2.
SPORTS UPDATE
Pacman, mainit na sinalubong ng mga kababayan sa GenSan
Iginiit pa ni Alvarez na wala umano siyang pinipiling makaharap na boksingero, basta lamang masunod ang kanyang nabanggit na kondisyon. Matatandaang natalo si Alvarez noong 2013 kay U.S. undefeated boxing champion Floyd Mayweather Jr.
Palarong Pambansa 2015, matagumpay na idinaos; sa NCR, nanguna sa official medal tally
M
ainit ang naging pagsalubong ng mga kababayan ni Manny Pacquiao sa General Santos City kamakailan. Lulan ng PAL flight 453, kasama ni PacMan na bumaba sa eroplano ang kanyang pamilya na kaagad sa sinalubong ng mga lokal na opisyales ng GenSan at Sarangani. Isa ring dance performance mula sa DepEd at special band ang inihandog para sa People's Champ. Sumakay si Manny sa isang inihandang float kasama ang ilang mga lokal na opisyales. T-shirts at CDs naman ang ipinamudmod ni Manny sa mga nakaabang na fans sa kanyang motorcade na tila hindi mahulugang-karayom sa dami ng mga taong nag-abangan sa mga dinaanan ng motorcade.
Junior middleweight champ Alvarez, nais makaharap sa ring si PacMan
N
anguna sa official medal tally sa Palarong Pambansa na idinaos sa Davao del Norte ang National Capital Region (NCR). Sa nasabing tally, nakakuha ng 98 gold, 67 silver at 71 bronze medals ang NCR. Samantala, pumangalawa ang Region 4A na nagtala ng 51 gold, 41 silver at 49 bronze medals. Pumangatlo naman ang Western Visayas na nagkamit ng mga sumusunod na medalya: 42 gold, 48 silver at 41 bronze medals. Sa pahayag naman ng Gobernador ng probinsiya -- si Gov. Rodolfo del Rosario -- naging matagumpay umano ang katatapos na Palarong Pambansa 2015. Ang tangi lang umanong naging aberya, subalit nasolusyonan din, ay ang pag-atake ng black bug sa Tagum City.
Michael Christian Martinez, nagkamit ng gold sa Slovenia
N
ais ni Junior middleweight champ Canelo Alvarez na makabakbakan sa loob ng ring si 8-division boxing champion, Manny Pacquiao. Ito'y matapos niyang ma-knock-out sa isang laban ang katunggaling boxer, si James Kirkland. Gayunpaman, may kondisyon si Alvarez sakaling papayag si Manny sa isang fight: na hindi bababa sa 154 pounds ang catch weight.
N
agkamit na naman ng panalo si Olympic figure skating Michael Christian Martinez na pambato ng Pilipinas. Isang gold medal ang napasakamay ni Martinez sa Triglav Trophy sa bansang Slovenia. Lubos naman ang pasasalamat ni Michael sa kanyang mga tagahanga na nagdasal umano sa kanyang pagkakapanalo sa nasabing kumpetisyon. Matatandaang nagkamit din ng gintong medalya si Martinez sa parehong kumpetisyon noong nakaraang taon.
21 June 2015
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
S
Daniel Padilla, MVP sa Star Magic Games
Backstreet Boys, nag-concert sa Pilipinas
a ikalawang pagkakataon, itinanghal na Most Valuable Player (MVP) ang Teen King na si Daniel Padilla sa inilunsad na Star Magic Games
kamakailan, para sa larong basketball (teen division).
Bagaman walang gaanong ensayo -- minsan lang daw ang
kanilang ensayo, ani Daniel -- nagawa pa rin nilang mag-kam-
peyon sa liga.
Ika ni Daniel, masarap umano sa pakiramdam ang kanilang
pagkakapanalo. Natuwa rin umano siya sa kabuuan ng laban,
N
sapagkat dikit ang kanilang iskor ng kabilang koponan.
Samantala, busy ang KathNiel loveteam sa remake ng 'Pan-
aging matagumpay ang isinagawang concert kamakailan ng Backstreet Boys sa Mall of Asia Arena sa Lungsod ng Pasay kamakailan. Sinalubong ang nasabing American boy band ng maraming fans na tuwang-tuwa sa pagbisita ng '90s boyband sa bansa.
gko Sa'yo' na malapit nang ipalabas sa Dos.
Bangs Garcia, magiging recording star na
N
agiging masigla na naman ang karera ni Bangs Garcia. Katunayan, talent na siya ngayon ng Viva Artists Agency -- kung saan, apat na taon ang kanyang pinirmahang kontrata rito. Ilan sa mga ibibigay na proyekto sa aktres ay ang pagbubuo ng album. Malapit na umanong ilunsad ang nasabing album. Isasagawa na rin umano ang music video nito. Pagsasamahin din sina Anne Curtis at Bangs sa isang pelikula. At, kasama rin ni Bangs si Carla Abellana sa pelikulang 'No Boyfriend Since Birth.'
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng mga miyembro ng boy band -- sina A.J. McLean, Howie Dorough, Kevin Richardson, Nick Carter at Brian Littrell -sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Pinoy fans. Sumikat ang nasabing American boy band bunsod ng mga kantang, "Everybody," "Quit playing games with my heart," As long as you love me," at "I want it that way."
Pakikipag-date ni Sunshine sa ibang lalaki, aprub sa mga anak
M
ismong ang mga anak na umano ni Sunshine Cruz kay Cesar Montano ang nagtutulak sa kanya na makipag-date. Kuwento ng aktres, base sa ulat ng bomboradyo.com, ang dahilan umano ng kanyang mga anak ay para magkaroon naman daw siya ng inspirasyon at mapunan ang kanyang lovelife. Dagdag pa niya, wala pa man daw isang taon nang maghiwalay sila ni Cesar ay ito na umano ang request ng kanyang mga anak. Iyon nga lang, may bilin umano ang mga ito sa kanya: Ang hindi makipag-date sa mga kasing-tanda na ng kanilang ama. Bagay pa naman daw umano siya sa mga mas nakababatang lalaki, sapagkat hindi pa naman daw halata ang kanyang edad.
Maxene Magalona, binuhay ang ama sa Your Face Sounds Familiar
Anne Curtis, personal na naka-meet si Jackie Chan
N
ai-starstruck din pala itong si Anne Curtis. Kamakailan kasi, personal niyang nakita ang Hollywood star na si Jackie Chan sa bansang Italy nang dumalo ang parehong celebs sa isinagawang Far East Film Festival, kung saan napabilang ang kani-kanilang mga pelikula. Nang makita umano ng aktres si Chan, agad umano itong nagpakuha ng picture kasama ang aktor -- na idolo pala ni
Anne. Ika ng aktres sa larawang ipinost sa kanyang social media account: ""Was extremely lucky to have gotten a photo with legendary martial arts hero, Mr. Jackie Chan." Naging trending din ang larawang ipinost ni Piolo Pascual kamakailan kasama si Chan na kinunan naman kasabay ng ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) sa Malaysia.
S
a isang episode ng Your Face Sounds Familiar sa ABS-CBN, muling binuhay ni Maxene Magalona ang amang icon bilang "Master Rapper" -- si Francis Magalona. Sa nasabing show, kinanta ni Maxene ang pinasikat na kanta ng kanyang ama na "Mga Kababayan Ko." Naging positibo naman ang reaksyon ng mga judges na sina Sharon Cuneta, Gary Valenciano at Jed Madela sa ipinakitang performance ng aktres. Katunayan, nag-standing ovation ang mga ito. Sa nasabing episode, itinanghal na kampeyon si Maxene. Tribute umano ang nasabing performance ni Maxene para sa kanyang ama na yumao bunsod sa sakit na leukemia.
22 June 2015
Rachelle Ann Go, bibida naman sa "Les Miserables" Musical sa London
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Dingdong Dantes, tinanggihan ang alok na pagtakbo sa 2016 elections
B
agamat napasama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga senatoriables na ikinokonsidera ng Liberal Party para sa 2016 elections, iginiit ng aktor na hindi umano siya tatakbo sa darating na 2016
elections. Hindi lang umano ang dami ng projects ang dahilan kung bakit hindi niya pauunlakan ang nasabing partido, kundi magpo-pokus umano siya sa pagsisilbi sa mga kabataan. "I'm categorically saying that I'm not running in any electoral post this 2016," ika ni Dingdong. Isa pang dahilan ng aktor: Prayoridad umano niya ang pag-aalaga sa kanyang maybahay, si Marian Rivera, at ang kanyang mga magiging anak sa aktres.
Tampuhang Heart at kanyang ina, natuldukan na
N
amamayagpag ang karera ni Rachelle Ann Go sa London West End bilang theater actor. Katunayan, kamakailan lang ay inanunsiyo sa website ng "Les Miserables" na kabilang sa produksiyon simula nitong June 15 sa London si Rachelle -- ngayon, bilang Fantine. Mababasa ang tuwa ni Rachelle sa kanyang ipinost na tweet sa kanyang Twitter account: "I guess it's official! I will be FANTINE!!! Aaaaaaaahhhhh." Ang 28-year-old actress - singer ay isa sa mga bumida sa Miss Saigon, kung saan nakatanggap siya ng maraming mga papuri mula sa mga manonood, bunsod ng kanyang performance.
M
atapos ang matagal na tampuhan ng mag-ina, sa wakas ay nagkabati na rin, kasabay ng pagdiriwang ng Mother's Day, sina Heart Evangelista at ang kanyang inang si Cecile
Ongpauco. "It's nice to have you back in my life. Na-miss kita,"
pahayag ng aktres sa ina. Kuwento pa ng aktres, para umanong walang nangyari sa pagitan nila ng kanyang ina. Nagpaturo pa nga raw siya kung paano ang paggawa ng polvoron sa kanyang ina. Matatandaang, hindi nakadalo ang ina ni Heart sa mismong araw ng kasal nila ni Sen. Chiz Escudero.
Diana Zubiri, ikinasal na sa modelong kasintahan
N
Maria Ozawa, bumisita sa Pinas
K
asabay ng pagdiriwang ng Mother's Day, nakipagisang-dibdib na ang sexy actress na si Diana Zubiri sa kanyang kasintahang modelo, si Andrew Smith. Isang garden wedding ang kasalang Zubiri - Smith. Dinaluhan ang kasal ng 30-year-old actress ng kanyang mga showbiz friends, kagaya nina Iza Calzado, Karylle, at Francine Prieto. Matatandaang sa Japan ginawa ni Smith ang kanyang wedding proposal kay Zubiri, sa Tokyo Sky Tree. Nito ring nakaraang Marso, grumadweyt na rin si Diana sa kursong Applied Arts major in theater si Diana sa Mirriam College.
aging viral kamakailan ang balitang nasa Pilipinas ang sikat na porn star na si Maria Ozawa. Maging ang mga local celebs ay nakigulo sa pagbisita ng sikat na Japanese adult film star sa bansa. Namataan sa social media ang pakikipag-picture ni Andi Eigenmann at ex na si Bret Jackson kay Maria. Unang nag-guest si Maria sa isang radio show, ang "Boys Night Out." Balita ring gustong pasukin ni Maria ang local showbizness. TV at pelikula umano ang gustong i-career ng nasabing star.
Guji Lorenzana, ikakasal na sa non showbiz girlfriend
I
sa na namang celebrity ang ikakasal sa lalong madaling panahon. Nag-propose kamakailan si Guji Lorenzana, ang actor / singer na dating kasintahan ni Kaye Abad, sa isang nonshowbiz girl na si Cheska Nolasco. Isang interior designer ang fiance ni Lorenzana. Naging trending kamakailan ang isang larawan kung saan makikitang nakaluhod si Guji sa kanyang kasintahan habang iniaabot ang engagement ring kay Cheska. Bago ang nasabing wedding proposal, isang taong naging magkasintahan sina Guji at Cheska.
23
June 2015
Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
Twit ni Idol
'Di maitatangging, pati mga Hollywood celebs ay na-hook sa itinuring na Fight of the Century -- ang bakbakang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. Sundan natin ang tweets ng ilang Hollywood celebs hinggil sa nasabing laban:
Niall Horan (@NiallOfficial)
Sa tweet ng One Direction member, pinuri nito ang punching skills ni PacMan. Tila maka-PacMan si Niall.
Cherie Gil, best actress sa AIFFA sa Malaysia
I
ginawad ang best actress award kay Cherie Gil sa 2nd ASEAN International Festival and Awards (AIFFA) na isinagawa nitong Abril sa Borneo Convention Center sa Kuching, Malaysia. Sa ulat ng bomboradyo.com, personal umanong tinanggap ni Gil ang kanyang award para sa kanyang pagganap sa Sonata. Nominado rin sa nasabing kategorya ang iba pang Pinoy actresses, kagaya nina Kristel Valention ("Purok 7) at Barbara Miguel ("Nuwebe"). Para naman sa best actor award, isa sa mga nominado si Allen Dizon ("Magkakabaung") at para sa best supporting actress award, kasama sa listahan sina Ana Luna ("Bendor") at Nico Antonio ("Red").
Ilan pa sa mga nanalong pelikulang Pinoy ay ang mga sumusunod: • "Red" at "Sonata" -- Best Photography • "Purok 7" at "Bendor" -- Best Editing • "Bendor" at "Sonata" -- Best Screenplay
Gerald: Hindi si Janice ang dahilan ng hiwalayan
Jim Carrey (@JimCarrey)
M
ariing itinanggi ni Gerald Anderson kamakailan na si Janice de Belen ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Maja Salvador. Sa isang panayam sa telebisyon, ipinahayag ni Gerald ang hiyang nararamdaman para kay Janice at sa kanyang pamilya bunsod nga ng nasabing issue. Dagdag pa ng aktor, itinuring na umano niyang ina si Janice, dahilan nga sa nagkasama sila sa isang teleserye noon sa Dos. Pahayag naman ni Gerald sa mga naninira: Siya na lang daw ang i-bash, 'wag nang idamay pa ang ibang tao.
Maja, walang alam sa rason ng hiwalayan nila ni Gerald
Mukhang dismayado naman si Jim sa kanyang napanood. Ikinumpara pa nito ang match sa Dancing With the Stars.
Donald Trump (realDonaldTrump)
I
sang rebelasyon ang nabanggit ni Maja Salvador kamakailan hinggil sa paghihiwalay nila ni Gerald Anderson na dalawang taon niyang naging kasintahan. Wala umano siyang 'clue' kung ano ang naging dahilan ng pakikipaghiwalay ni Gerald Anderson. Itinanggi rin ni Maja na si Paulo Avelino ang naging dahilan ng pakikipaghiwalay ni Gerald. Hindi rin daw umano si Janice de Belen ang third party. Tanggap na rin daw ni Maja ang kanilang hiwalayan.
El Gamma Penumbra, kauna-unahang kampeon sa 'Asia's Got Talent'
Itinuring naman ni Trump na 'waste of time' ang panonood sa labang Pacquiao-Mayweather. Tila pabor din si Trump kay Manny.
Sundan sila sa Twitter at maging updated sa kanilang mga latest tweets hinggil sa kung ano ang latest sa kanilang mga buhay-buhay.
I
prinoklamang kampeon ang El Gamma Penumbra sa katatapos na 'Asia's Got Talent' results night na isinagawa sa Marina Bay Sands sa Singapore. Bago pa man ang naging botohan, nabanggit na ng grupo na iniaalay nila ang kanilang pagkakapanalo sa mga Pilipino. Nakatanggap ang grupo ng $100,000 bilang papremyo. Tumatak sa mga manonood ang kanilang grand finale performance na may temang pan-
gangalaga sa Inang Kalikasan. Tubong Tanauan, Batangas ang nasabing grupo. Ilan pa sa mga naging pambato ng Pilipinas sa grand finals ng AGT ay sina: Gerphil Flores, Gwyneth Dorado at ang hiphop group na Junior New System. Present sa nasabing results night si Charice na kumanta ng "Lay Me Down" ni Sam Smith. Nakatanggap muli ng standing ovation si Charice mula sa mga manonood.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino