Daloy kayumanggi newspaper 2015 may ダロイカユマンギー タガログ語 フィリピン新聞

Page 1

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Inspiring Global Filipinos in Japan

〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com

D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

Vol.4 Issue 47 May 2015

www.daloykayumanggi.com

DEAR KUYA ERWIN Paano kumuha ng OEC

4

KA-DALOY

Tapat na Driver

SHOWBIZ Willie, Balik TV

7

21

PINAS, MOST RESILIENT ECONOMY

N

akuha ng Pilipinas ang titulong Pinay na physicist, nakadiskubre most resilient emerging market ng paraan kung paano pabagalin economy (EME) sa taong 2014, ang light travel ayon sa isang global report. sang alumna ng University of the Sa inilabas na papel ng Center for Philippines, kasama ng kanyang mga Global Development (CGD), ang "Emerging Market kasamahan sa University of Glasgow, ang Macroeconomic Resilience to External Shocks," nakadiskubre kung papaano pabagalin ang nakuha ng Pilipinas ang unang spot sa resilience light travel -- mas mabagal sa speed of indicator mula taong 2007 o ang tinatawag na prelight -- nang hindi ito ginagalaw. global crisis hanggang 2014. Tumalon ang Pilipinas mula ika-pitong puwesto Sa ulat ng goodnewspilipinas.com, ang nasabing physicist ay si Dr. Jacqueline Romero na nagtapos patungo sa unang pwesto. ng undergraduate at graduate studies sa UP.

I

Sundan sa Pahina 5

Sundan sa Pahina 5

GLOBAL PINOY FEATURE STORY

Jo Watanabe: Global na Recruiter

A

By Tokyo Boy (Mario Rico Florendo)

lam mo bang may mga ilang Pilipino dito sa Japan na ang trabaho ay tulungan ang mga kapwa Pinoy para maghanap ng

trabaho? Isa sa kanila si Ate Jo Watanabe mula sa Hachioji, Tokyo. Siya ngayon ay kasalukuyang nagtatrabaho para sa isang kumpanya na tumutulong sa mga foreigners lalo na sa mga Pilipino na naghahanap ng trabaho dito sa Japan.

Sundan sa Pahina 5

AT THE HIGHEST VIEWPOINT: with an elevation of 1,100 meters, the Rice Terraces in Batad, Banaue, Ifugao was built more than 2000 years ago. Because of its beauty and unique history, it was inscribed in 1995 in the UNESCO World Heritage Site list. (photo by Kristianne Aireen Peralta)

KONTRIBUSYON Pahina ng Estudyanteng Pinoy

9

TIPS

Paano Magmukhang Bata

10

HOROSCOPE Alamat ng Zodiac

16


2

May 2015

UP College of Law team, kampeyon sa Price Media Law Moot Court ng Oxford University

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Embahada ng Pilipinas, nakilahok sa Asia Pacific Ladies Charity Bazaar 2015

I

T

agumpay ang team mula sa University of the Philippines College of Law sa nakaraang 2015 International Rounds ng 8th annual Price Media Law Moot Cout Competition na isinagawa sa University of Oxford nitong Marso. Kampeyon ang team na binubuo nina Gil Anthony Aquino, Gemmo George Fernandez, Rachel Miranda, Raphael Pangalangan, Pip Chungalao at Pauline Gairanod. Nakuha rin ni Gairanod ang Best Speaker sa nasabing Oxford competition. Proud naman ang coach ng team na si UP law professor Harry Roque sa kanyang team. Ika niya sa kanyang social media accounts: "We are the champions! This proves UP Law's place in the truly great Universities of the world." Nirepresenta ng UP Law team ang buong Asia Pacific matapos itong manalo sa regional rounds na isinagawa sa Renmin University sa Beijing. Kilala ang Price Media Law Moot Court bilang pinaka-prestihiyosong international annual competition on media law, information and technology at free speech. Ito'y inoorganisa ng Price Media Law Moot Court.

Xavier school, kampeyon sa Harvard innovation competition

sinagawa ang 39th Asia Pacific Ladies Friendship Society (APLFS) and Charity Bazaar nitong Abril 8 sa ANA Intercontinental Hotel sa Tokyo, Japan. Nilahukan ito ng Embahada ng Pilipinas na pinangunahan ni Ginang Maria Theresa Lopez, asawa ni Ambassador Manuel M. Lopez, ayon sa ulat ng tokyo.

philembassy.net. Layunin ng taunang proyektong ito ng APLFS, isang organisasyon na binubuo ng mga asawa ng ambassador ng 25 Asia Pacific countries, na palakasin at palalimin pa ang pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng mga kababaihan ng nasabing kalahok na mga bansa. Ilan sa mga produktong itinampok at ibinenta sa nasabing bazaar ay ang mga produktong bag at basket na gawa sa buri at banig, abaka at coconut shells. Kasama rin sa mga ibinenta sa nasabing event ay ang mga pagkaing-Pinoy, kagaya ng adobo at kaldereta. Napag-alamang ang mga nalikom na pondo sa nasabing bazaar ay ipinamamahagi sa mga institusyong tumutulong sa mga kapus-palad sa mga bansang kalahok. Ilan sa mga benepisyaryo ng embahada noong nakaraang taon ay ang Development Action for Woman Network (DAWN) at ang Lingkod Kapamilya. Tumutulong ang nasabing mga organisasyon sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Mga mangigisdang nailigtas, bumisita sa embahada ng Pilipinas sa Tokyo

N

akipagkita kamakailan kay Ambassador Manuel M. Lopez ang limang mangingisdang pawang residente ng Itbayat, Batanes na nakaligtas mula sa panganib sa karagatan noong Marso 25, 2015. Sa ulat ng tokyo.philembassy.net, ang limang mangingisdang nailigtas ay kinilalang sina Glenford Villa, Jonas Manso, Joseph Castillejos, James Bata at Froilan Libaton. Sila ay nagpalutang-lutang sa karagatan ng apat na araw at tatlong gabi bago sila nakita at nasaklolohan ng barkong pandigma ng Amerika, ang USS Blue Ridge. Nailigtas ang mga mangingisda sa pamamagitan ng kooperasyon ng Hukbong Pandagat ng Amerika, Embahada ng Amerika sa Tokyo, Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng bansang Hapon at ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo.

Ayon sa mga manginigisda, pabalik na sila ng Itbayat, Batanes nang masira ang motor ng kanilang bangka. Sinalubong sila ng malalaking alon, malakas na hangin at naagos sa daloy ng dagat. Namataan sila ng barko ng Amerika, habang winawagayway ang isang damit na puti at antipara. Napag-alaman na ang mga mangingisda ay naubusan ng suplay ng pagkain at nagdusa sa labis na lamig at pagkawala ng nutrisyon at tubig sa katawan. Pagkatapos ng kanilang pagkakaligtas, sila ay inilipat sa pangangalaga ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo, kung saan sila ay inalagaan at binigyan ng atensyongmedikal upang masigurong sila ay nasa tamang kalusugan. Nakauwi na ang mga mangingisda pagkatapos bigyan ng mga kaukulang papeles.

Unang Narita-Cebu Flight, pinasinayanan sa Narita International Airport

T

ila patuloy na nakikilala ang galing ng mga Pinoy sa larangan ng akademya sa buong mundo. Ito'y matapos ideklarang "Harvard Social Innovation Collaborative Global Trailblazers" ang isang team ng mga high school seniors mula sa Xavier School sa Pilipinas para sa kanilang entry na ThePhilApp. Sa ulat ng goodnewspilipinas.com, ang ThePhilApp ay isang website na may layuning pasimplehin ang access sa edukasyon sa pamamagitan ng teknolohiya. Binubuo ang nasabing team ng mga sumusunod na miyembro: Bradley Cua, Keoni Neriel Cruz, King Alandy Dy, Joshua Matthew Lim, Hans Richmond Ong, James Jefferson Tan, at Martin Gomez. Tinalo ng team mula sa Xavier ang ilan pang entries mula sa iba't ibang panig ng mundo sa "It Takes a Village to Raise a Chile" social innovation competition na inorganisa ng Harvard College Social Innovation Collaborative (SIC).

P

inasinayanan nitong Marso 26 ang kaunaunahang Narita-Cebu flight ng Cebu Pacific Air sa Gate 97, Terminal 2 ng Narita International Airport sa Chiba Prefecture sa Tokyo. Sa ulat ng tokyo.philembassy.net, pinangunahan ng Philippine Embassy ang ribbon-cutting ceremonies para sa bagong flight service -- ang 5J 5063. Sa report, lilipad umano ang nasabing eroplano apat na beses kada linggo.

Sinasabing makatutulong umano ang nasabing flight service sa pagpapalago sa turismo hindi lamang sa Cebu kundi pati na sa mga kalapit na mga tourist destinations nito sa Central at Southern Philippines. Naniniwala naman si Deputy Chief of Mission Gilberto G.B. Asuque na ang nasabing service ng Cebu Pacific ay higit na magpapalago sa two-way tourism, gayundin sa pagpapasigla sa mga negosyo na nasa industrial at business centers sa labas ng Luzon, kagaya na lang ng Cebu Export Processing Zone.


3

May 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Restawran sa Tagaytay, isinama sa Asia's 50 Best Restaurants

K

asama ang Antonio's sa Tagaytay sa listahan ng Asia's 50 Best Restaurants ngayong 2015. Mula sa 300, nakuha ng Antonio's ang 48th spot. Ipinalabas ang nasabing elite list ng William Reed Business Media na siyang nagpapalabas din ng listahan ng 50 Best Restaurants sa buong mundo. Sa nasabing edisyon, "idyllic surroundings with a menu to match" ang nakuhang deskripsiyon ng nasabing restawran. Modern European na may Philippine influences ang inihahain ng nasabing restawran. Nasa isang colonialstyle mansion na may sariling farm at gardens ang Antonio's.

CHED, pinaalalahanan ang mga magko-kolehiyo na pumasok lamang sa mga awtorisadong eskuwelahan, courses

Siquijor, ginawaran ng Kalusugan Pangkahalatan Award

G

inawaran kamakailan ang probinsiya ng Siquijor ng first prize para sa 2014 excellence sa Kalusugan Pangkalahatan Award. Ang nasabing award na iginawad sa probinsiya, ayon sa pia.gov.ph, ay ang siyang pinakamataas na award na iginagawad sa isang Local Government Unit (LGU). Iginawad ang nasabing award ni Health Secretary Janette L. Garin at assistant regional director Dr. Laksmi Legasmi kay provincial administrator Peter Samson at Provincial Health Officer Redempta Cortes sa nakaraang Gawad Kalusugan Convention sa SMX COnvention Center sa Mall of Asia Complex. Iginagawad ang nasabing award sa mga LGUs upang i-recognize ang kanilang magandang practices sa pamamagitan ng kanilang health related activities, initiatives at projects. “Enrol only in schools with permit to operate and in programs duly authorized by the commission." Ito ang pahayag ni Commission on Higher Education-6 Supervising Education Specialist Dr. Rex Casiple sa isang ulat ng pia.gov.ph. Ang paalalang ito ng CHED-6 ay bunsod ng mga balibalitang mayroon umanong mga eskwelahang nago-operate kahit walang mga permit at ilang mga academic programs na wala namang authorization mula sa nasabing institusyon. Kailangan umanong maging vigilante ang mga estudyante sa bagay na ito, sapagkat maaari silang hindi maka-graduate dahil hindi naman nabigyan ng author-

ity ang kanilang pinasukang eskuwelahan na magoperate. Ipinaalala rin niya ang ilang kaso ng mga hindi nakakuha ng licensure examination dahil hindi recognized at hindi authorized ang kanilang pinasukang eskwelahan sa kolehiyo. May paalala rin si Casiple sa mga higher educational institutions na i-advertise lamang ang mga programang awtorisado ng CHED, at i-post ang kopya ng mga recognition at authorization sa iba't ibang mga lugar sa mga campuses.

DepEd, DavNor siniguro ang ligtas na pagdaraos ng Palarong Pambansa 2015

Bagong online facility ng Philhealth para sa mga miyembro, inilunsad

I

nilunsad ng Philippine Health Insurnce Corporation (Philhealth) ang isang online facility kung saan pwede nang matingnan ng members ang kanilang data records. Ipinakilala ang nasabing pasilidad kasabay ng ika-20 anibersaryo nito, ayon sa pia.gov.ph. Maa-access ang nasabing pasilidad sa homepage ng Philhealth: ang philhealth.gov.ph. "If they see that there are months or years without posted contributions, they should immediately check

with their employers, or check on their personal files of official receipts of premium payments made, or better yet, call our Action Center at (02) 441-7442 to report any discrepancy in the information that they see on their profiles," ika ni Philhealth President at CEO Alexander A. Padilla sa isang statement. Isa umano itong pamamaraan ng institusyon para mahikayat ang mga miyembro na mag-update ng kanilang records.

S

iniguro ng Department of Education at Davao del Norte ang maayos at safe na pagdaraos ng isasagawang 58th Palarong Pambansasa City of Palms. Ayon kay Tonisito Umali, ang Assistant Secretary at Palarong Pambansa Secretary General, nagsasagawa ang DepEd at provincial host ng ilang mga istratehiya nang sa gayon ay masiguro ang safety ng mga atleta at ang kanilang mga kasamang guro at school administrators. Isa na rito ang pagsiguro sa safety ng mga titirhang billeting quarters ng mga kalahok. Pinaalalahanan naman ni Education Secretary Br. Armin Luistro ang mga coaches at chaperones na makipagtulungan sa pagsiguro sa safety ng mga atleta. Kailangan umanong palagiang may kasama ang mga ito na magsu-supervise sa mga estudyanteng kalahok. Nakahanda na rin umano ang DavNor sa mga sumusunod na aspeto ng Palarong Pambansa: playing venues, billeting quarters, local transportation at medical and security concerns.


4

May 2015

Daloy Kayumanggi

Global Filipino Paano kumuha ng balik manggagawa certificate

U

uw i k a b a n g P i n a s p a ra m a g bakasyon? Kung ikaw ay babalik sa Japan upang magtrabaho, kinakailangan na mayroon kang Balik Manggagawa Certificate. Ang Balik-Manggagawa o Overseas Employment Certificate (OEC) ay layunin na marehistro ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na uuwi ng Pilipinas subalit muling lalabas ng bansa upang magtrabaho. Sa aktwal na gamit, kinakailangan mo ito upang hindi ka ma-hold sa immigration o kaya masayang ang araw mo sa pagpila sa POEA sa iyong pagbalik sa iyong pagtatrabahuhan na bansa. Mas mainam na kumuha ng Balik-Manggagawa o OEC bago pa man bumalik sa Pilipinas. Ito ay upang hindi masayang ang iyong limitadong bakasyon sa Pilipinas sa pagbyahe papunta sa POEA. Maiiwasan mo rin ang mahabang pagpila upang makakuha nito. Kaya habang mas maaga, kumuha na nito dito sa Japan pa lang. Checklist ng mga kinakailangan • passport • residence card o alien card • employment contract na naka-translate sa English • digital photo (para sa iyong online account) Babayarin • P100.00 - processing fee • US$25.00 - OWWA membership fee • P900.00 - Philhealth Kung miyembro ka na ng OWWA at Philhealth, ang 100 pesos lamang ang iyong babayaran. Paano ang pagkuha / proseso Dalawang tipo ang paraan ng pagkuha ng BM

Certificate depende kung ikaw ay babalik sa iyong dating employer o trabaho, o kung ikaw ay lilipat sa iba. A) May record na sa POEA at babalik sa parehong employer 1. Pumunta sa website na https://www.bmonline. ph 2. Ilagay ang mga kailangang detalye gaya ng pangalan, birthday, email address at iba pa sa “New User?” . I-accept ang “Terms of Service” at i-click ang “Sign Me Up”. 3. Sa kabilang tab ng iyong internet browser (gaya ng Internet Explorer, Chrome o Firefox), buksan ang iyong email. Hanapin i-click ang email mula sa POEA upang ma-confirm ang iyong email address. Kinakailangan ito upang magamit ang BM Online. 4. Bumalik sa BM Online na website at ituloy ang rehistrasyon gamit ang iyong email address bilang user name sa “Already Registered?” na portion. Mainam na ihanda ang iyong passport at picture para sa registration. 5. Kung kumpleto na ang iyong mga detalye, maaari mo nang bayaran ang iyong OEC at i-print ito. B) Walang record sa POEA o kaya bago ang employer Kung ikaw naman ay lumipat ng kumpanya o employer o kaya wala pang record sa POEA, sundan ang 1-4 sa itaas (A) at automatic ka na mapupunta sa BM Appointment Online website. 5) Pagkatapos sundan ang 1-4, pumili ng araw kung kailan ka pupunta sa Labor Office ng Philip-

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

DEAR KUYA ERWIN

ni ERWIN BRUNIO

Mobile: 090-6025-6962 Email: erwin@daloykayumanggi.com Facebook: www.facebook.com/ebrunio Twitter: DaloyJapan Line: erwinbrunio Linkedin: erwinbrunio

pine Embassy at kumpletuhin ang mga requirements bago pa man bumisita. Ang mga requirements ay a) passport, 2) employment contract na naka-translate sa English, at iba pa na papeles depende sa tipo ng iyong Japanese visa at trabaho. Ang mga kinakailangang papeles ay nakalista sa iyong appointment registration. 6) Pumunta sa Labor Office ayon sa napili na petsa ng appointment upang ma-interview at makumpleto ang iyong OEC. Habang nasa Labor Office, siguraduhin na magapply ka rin sa OWWA at sa PhilHealth. Hindi man mas maganda ang PhilHealth kumpara sa mga insurance sa Japan, mas mainam pa rin na meron ka nito. Ito ay para proteksyon sa kinabukasan mo at ng iyong pamilya sakaling ikaw ay hindi na makatrabaho o makabalik sa Japan. Maari namang kumuha ng OEC sa Pilipinas, subalit ito ay hindi nirerekomenda. Una, dahil mababawasan ng hindi bababa sa 1 araw ang iyong bakasyon o uwi sa Pinas. Pangalawa, upang maiwasan ang stress dahil sa pagpila-pila samantalang mas mabilis naman kung sa Japan ito gagawin.

************************* Panawagan para tanggalin ang Balik Manggagawa Sa personal na aspeto, ang tingin ko sa Balik Manggagawa na procedure at pagkuha ng certificate ay isang aksaya sa oras at pera ng mga OFW. Subalit dahil requirement ito upang hindi ka mahold sa immigration, kinakailangang gawin mo ito. Aksaya ng oras at pera ito dahil sa pag-kumpleto mo ng requirements gaya ng employment contract o certificate na naka-translate sa English. Karaniwang nasa Japanese ang mga kontrata sa trabaho at kailangan mo pa itong ipa-translate. Sayang din ang 1 araw o higit pa (kung malayo ka sa Philippine embassy) sa pagpunta sa Labor Office para lamang makakuha ng OEC, kasama na ang pagbyahe mula sa iyong bahay papunta sa embassy at pabalik. Wala ding saysay ang sinasabi nitong travel tax exemption na benepisyo, dahil ngayon ang travel tax ay automatic ng kabilang sa presyo

ng iyong ticket sa eroplano. Ibig sabihin, pipila ka na naman upang makuha ang iyong refund sa travel tax. Panawagan ko sa ating mga kaibigan sa Labor Office, OWWA at sa ating mga mambabatas na tanggalin na itong Balik Manggagawa program. Una, ang layunin nito na marehistro ang mga OFW ay nagdodoble lamang sa layunin at trabaho ng OWWA. Higit sanang pagtaunan ng pansin na mapa miyembro ang lahat ng OFW sa OWWA dahil sa mga benepisyo na maibibigay ng OWWA gaya ng accident insurance, scholarship sa pamilya at OFW reintergration na programa nito. Pangalawa, ang pagproseso ng BM Certificate ay dagdag trabaho sa ating mga kasama sa Labor Office at ng embassy dahil sila mismo ay kulang din sa mga staff. Parehong mga datos lang naman ang kailangan, subalit dahil sa BM, kailangang gawin ito. Dagdag trabaho at perwisyo, sayang pa ang oras ng taga-Labor Office. Pangatlo, ay pagkasayang ng oras at pera ng mga OFW. Kada bakasayon mo, kailangan mo ng ganitong certificate. Pila, bayad, punta sa labor office at kailangan mo na namang mag-leave sa trabaho para lang dito. Ang 1 araw na pagpila pila mo ay nasayang, lalo na gahul sa oras sa pamilya ang isang OFW kagaya mo. Isang araw din iyon na muli mo pang makapiling ang iyong pamilya. Pang-apat, ay ang nakapa mendokusai (hirap) na proseso. Sa mga pribadong kumpanya, layunin nila na mas mapababa ang procedure sa mga bagong customer na tinatawag na friction-less customer conversion. Halimbawa sa Amazon, meron itong “1-click to buy”, o kaya sa iba, ipasok mo lang ang iyong email address at naka rehistro ka na. Nabanggit ko ito dahil tayo na OFW ang customer ng OWWA at ang Labor Office. Mas kakaunti na requirements o mas madaling proseso sa pagkuha, mas maka focus tayo sa ating gahul na oras sa ating trabaho o pamilya. Dito sa kasalukuyang sistema ng BM, makikita kung ano ang tunay na trato sa ating mga OFW. Panawagan ko na matanggal na itong Balik Manggagawa na requirements sa mga uuwing OFW.


5

May 2015

Daloy Kayumanggi

Balita

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Mula sa Pahina 1

Jo Watanabe: Global na Recruiter

Mula sa Pahina 1

Pilipinas, most resilient emerging market economy -global report Tumalon ang Pilipinas mula ika-pitong puwesto patungo sa unang pwesto. Ayon sa nasabing report na inilabas sa publiko ng CGD, a n g P i l i p i n a s u m a n o a n g m ay p i n a k a m a l a k a s n a macroeconomic. Nakakuha ng iskor na 0.74 sa resilience indicator ang Pilipinas. Sinundan ito ng South Korea (0.71) at China (0.58). Ang CGD ay isang US-based non-profit research group. (Ilang ulat mula sa goodnewspilipinas.com)

Narito ang panayam ko sa kanya: Tokyo Boy: Paano po kayo kayo napunta dito sa Japan? Jo: Para magpakasal. Nagkakilala kami ng mister ko sa eroplano. Papunta siya ng Europe, ako papunta ng Greece. Nagligawan, tapos ayun nagpakasal, naging plain housewife. Meron siyang (mister) wine shop, dun ako nagtraining, ng kanilang culture, dos and dont’s. Tapos at the same time nagaral din ako ng Japanese language. Natuto akong magsulat at magbasa ng kanji.

Tokyo B: Paano po kayo napasok sa trabaho ninyo ngayon? Jo: Nag-try akong mag-part time job muna. Tapos in-offer akong mag-full time. Nung kumalat na yung name ko sa Hachioji, ako na yung tinatawagan ng mga tao. Sa trabaho wala namang problema. Yung mga aplikante, may housewives, estudyante, matitino naman. Global din yung kaisha (kumpanya) namin, may mga Vietnamese, Nepalese, Portuguese, Peruvian, at Spanish. Nagsimula ako maliit pa lang siya, hanggang lumaki yung kaisha. Ngayon may branches na kami sa Chiba at Kanagawa. Tokyo B: Ano ang na-e-enjoy niyo sa trabaho ninyo ngayon? Jo: Yung makipag-communicate sa mga tao. Parang ikaw yung source nila. Marami sa kanila ang walang alam--yung pagpasok sa trabaho, di nila alam saan sila mag-aapply. Tapos sa ibang trabaho, kadalasan hindi tinatanggap yung mga gaijin. Tapos sa pabrika naman di ka matatanggap kung di ka marunong mag-Japanese. Kaya sa opisina namin, binibigyan namin ng assurance yung kaisha na mag-gagambaru siya, di malelate, papasok palagi. Tapos sa pabrika maraming discrimination, kaya maraming nagrerely sa kaisha namin. Dahil doon, very thankful yung mga tao. Tokyo B: Ano po ang message niyo para sa mga Pinoy na naghahanap ng trabaho? Jo: Isa lang yung message ko sa kanila: bago sila mag-apply, ayusin nila yung schedule nila. Dapat kasi i-devote mo yung sarili mo sa trabaho. Kung di mo naman kayang mag-fulltime, i-limit mo yung working hours mo. Pwede ka naman makipagnegoitiate kung hindi ok sa asawa mo halimbawa. Para hindi ka aawayin sa bahay o maging meiwaku (abala) sa kaisha.

Tokyo B: Para sa iyo, ano o sino ang Global Pinoy? Maaari mo bang maituring ang sarili mo bilang isang Global Pinoy? Jo: Of course, 100%! Kasi ang Global Pinoy isang daan para sa mga kapwa Pinoy dito na maraming insecurities, walang alam. Isa siyang hugutan ng kaalaman at malaking tulong lalo na sa mga first timer. Kaya I’m proud to be a member of the Global Pinoy. Sa pagtatapos ng aming panayam, humanga ako sa karanasan ni ate Jo pagdating sa pagtulong sa mga kapwa natin Pilipino dito sa Japan. Hindi lang yung kagustuhan niyang mahanapan at mabigyan ng trabaho ang mga naghahanap ng panandaliang trabaho kundi ang kagustuhan niyang mabigyan ang mga naghahanap ng trabaho ng permanenteng mapagkakakitaan. (Editor’s note: minsan nang may nagsabi na kung ilan ang Pinoy sa isang bansa ay ganoon din ang kuwento na maaaring maisulat tungkol sa kanila at para sa kanila. Ang Global Pinoy Special Feature ay sinimulan para ibahagi ang natatanging kuwento ng mga ordinaryong Pinoy na nagsisikap mamuhay sa ibang bayan. Dahil ang kuwento nila, kuwento mo rin.)

Mula sa Pahina 1

Pinay na physicist, nakadiskubre ng paraan kung paano pabagalin ang light travel

Sa ngayon, nagsasagawa ng post doctoral fellowship si Romero sa Scotland. Bahagi siya ng team of scientists na nagpatunay, sa pamamagitan ng isang eksperimento, na ang light particles ay maaaring pabagalin. Na-publish ang kanilang paper, "Spatially structured photons that travel in free space slower than the speed of light," sa Science Express Journal. Kasama ni Romero sa pagbubuo ng nasabing papel sina Daniel Giovanni, Václav Potocek, Gergely Ferenczi, Fiona Speirits, Stephen M. Barnett, Daniele Faccio, at Miles J. Padgett mula sa Scottish Universities Physics Alliance.

Pilipinas, pinangunahan ang "regional consultation workshop on developing mechanism" para sa pagsugpo ng karahasan laban sa mga kababaihan

I

norganisa ng ASEAN-Philippines National Secretariat at Office of the Philippine Representative to the ASEAN Intergovernmental Commission on Human Rights (AICHR) ng Department of Foreign Affairs ang "Regional Consultation Workshops on Strengthening AICHR's Protection Mandate through Exploring Mechanisms" at "Strategies to Protect Women and Girls from Violence” sa Marriot Hotel, Manila noong Marso 27 hanggang 29, 2015. Dinaluhan ang nasabing mga workshops ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga sektor, kagaya ng civil society, academe at national human rights institutions ng mga bansang bumubuo sa ASEAN, ayon sa ulat ng pia.gov.ph. Layunin ng nasabing mga workshops na makalikom ng mga posibleng regional strategies at mechanisms para maprotektahan ang mga kababaihan mula sa pang-aabuso. Matatandaang, inanunsiyo ang nasabing mga inorganisang mga workshops ni Pangulong Benigno Aquino III noong nakaraang 25th ASEAN Summit and Related Summits na ginanap sa Nay Pyi Taw, Myanmar noong Nobyembre 12-14,

170,000 na bagong trabaho sa 2015, target ng BPO sector

I

to ang inihayag ni Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) chairman Danilo Reyes kamakailan. Target umano ng industriya na gawing 1.3 million ang mga trabaho sa BPO para maka-generate ng $25 billion na revenues sa susunod na taon -- katumbas ito ng 8 percent ng gross domestic product (GDP). Sa ulat ng goodnewspilipinas.com, ang nasabing bilang ng target na trabaho ay resulta umano ng paglaki ng mobile applications development, gaming, global healthcare, in-house centers at call centers. Sa isang opisyal na ulat, naungusan na ng Pilipinas ang India sa voice call centers nitong 2014. Ibig sabihin nito, mga Pinoy ang karaniwang mga representatives ng mga Western banks at information technology firms na nakikipag-usap sa kanikanilang mga kliyente.

2014.

APEC energy experts, planong doblehin ang renewable energy projects sa taong 2030

P

l a n o n g i b a h a g i n g A s i a - Pa c f i c E c o n o m i c Cooperation (APEC) energy experts ang kanilang matagumpay na karanasan sa larangan ng renewable energy development sa APEC-member economies. Layunin umano APEC energy experts na ma-doble pa ang renewable energy projects bago sumapit ang taong 2030. Sa isang pahayag ni Director Mario Marasigan ng Department of Energy's Renewable Energy Management Bureau at kasalukuyang co-chair ng APEC Expert Group on New Renewable Energy Technology (EGNRET), mahalaga umanong maibahagi ang kanilang renewable energy roadmap sa mga members nang sa gayon ay mayroon silang matutunan mula sa kanilang karanasan. Ang EGNRET 44th Meeting ay inilunsad sa Fort Ilocandia Resort Hotel sa Laoag City, Ilocos Norte upang talakayin ang RE program sa Pilipinas at ipresenta ang planong doblehin ang renewable energy projects sa taong 2030.


6

May 2015

Editoryal

Daloy Kayumanggi

Inspiring Global Filipinos in Japan

Publisher: D&K Company Ltd Editor: Mario Rico Florendo (English,Tagalog) marioflorendo@daloykayumanggi.com 090-1760-0599 Sales and Marketing: Erwin Brunio erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@daloykayumanggi.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists: Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph Aries Lucea Pido Tatlonghari Melbert Tizon Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.daloykayumanggi.com

www.facebook.com/daloykayumanggi

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Food Regulation, Kailangang Paigtingin

M

alamang ay naranasan niyo nang makatikim ng pagkain o inumin na kakaiba ang lasa. Madalas ay inuubos pa rin natin ang binili o kinakalahati man lang dahil ano nga naman ang tsansa na nakakasama talaga ito sa atin? Iyon nga lang, iba ang pagkakataon na ito. Matapos magreklamo nang dalawang magkasintahan tungkol sa lasa ng kanilang nabiling milk tea, tinikman ito nang mayari para patunayan na ligtas ito. Maya-maya, nawalan ng malay ang may-ari at ang babaeng customer. Sinugod din ang lalaking customer sa ospital. Dalawang biktima ang nabawian ng buhay. Sinasabi ng mga awtoridad na isolated case lang ang nangyaring ito. Binibigyang diin ito sa media upang hindi na magtuloy-tuloy ang pagkalugi ng milk tea shops dahil sa insidente. Samantala, hindi napatunayan ng mga pagsusuri na may lason ang nainom ng mga biktima. Hindi pa rin alam kung ano ang laman ng milk tea at kung sino ang responsable dito. Ilang milk tea shops na rin ang napasara mula nang mag-inspeksyon ang Lokal ng Maynila. Hindi malinaw kung ininspeksyon rin ang mga nagtitinda ng ibang palamig at inumin. Mukhang mahirap ibenta ang ganitong mensahe sa publiko: “Ligtas ang mga milk tea sa suki nin-

yong tindahan. Samantala, hindi namin alam ang nangyari sa mga biktima at ilang milk tea shops na ang napasara namin.” Okay. Wala talagang nagsabi niyan. Ngunit sa takbo ng mga balita, ganyan ang dating nito sa publiko. Mukha ngang isolated case ang nangyari. Mula noon, wala nang nabiktima pa ng killer milk tea. Wala ring pag-uulat ukol sa palyadong ingredient na nakalabas sa merkado. Ngunit hindi maikakaila na isa rin itong wakeup call sa estado ng food regulation sa bansa. Dalawang bagay ang nakababahala sa pangyayaring dito. Una, ang nasabing tindihan ay nakakuha ng permit sa lokal na pamahalaan. Ganoon din ang ilan sa mga napasarang tindahan matapos ang insidente. Magtataka ka kung bakit ito nangyari. Paanong papasa sa food and safety regulation ang mga tindahan na ito at bigla na lang babagsak sa isang surprise inspection? Pangalawa, hindi malaman ng sangay ng DOH kung ano talaga ang lumason sa biktima. Dito ka napapaisip kung sapat ba ang mga mekanismo ng gobyerno para panatilihing ligtas ang pagkain. Ibig sabihin ba nito, kung nainspeksyon ng mga awtoridad ang milk tea bago ito inumin nang biktima ay hindi rin nila malalaman na nakalalason ito? Maaari ngang isolated case ang pangyayaring ito at hindi talaga mapipigilan na may mga aksidenteng nangyayari paminsan-minsan. Sa kabila nito, hindi maikakaila na may mga bagay na maaring tignan ng pa-

Melbert Tizon mbtizon@gmail.com

mahalaan para mapatatag ang Food Regulation sa Pilipinas. Maaalala natin na kapapasa lang ng Food Safety Act dalawang taon na ang nakalipas. Layon nitong siguruhin na ligtas ang mga pagkain sa merkado. Nakakalungkot mang isipin, sana ay maging oportunidad ito para sa gobyerno na mas paghusayin pa ang estado ng food regulation sa Pilipinas. Isang magandang hakbang ang planong paghihigpit ng Maynila sa mga regulasyon ukol sa pagkain. Dagdag pahirap man, mas magbibigay naman ito nang kumpyansa sa mga mamimili at mas bibili pa ng maraming produkto. Pero bago ang lahat ng iyan, dapat mabigyan ng closure ang nangyari sa mga biktima. Importanteng malaman kung ano talaga ang nainom nila sa lalong madaling panahon. Ito lang siguro ang makakapagpabalik sa mga tao sa tindahan ng milk tea. Kung hindi, patuloy na hihina ang benta ng milk tea shops at patuloy tayong mauuhaw dahil sa pagkatakot dito. Samantala pupunta muna ako sa kusina at iinom ng isang basong tubig. Teka, ligtas naman iyon diba?


7

May 2015

KA-DALOY

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

KA-DALOY OF THE MONTH Loreen Dave Calpito Email: davecalpito529@gmail.com

Mula sa Pahina 1

Ricardo Villanueva: Tapat na Driver na Nagsauli ng P76,000 na naiwan ng pasahero

S

a panahon ngayon, hindi maitatangging mahirap magtiwala sa ibang tao. Pero, kamakailan, isang airport taxi driver ang nagpatunay na mayroon pa ring mga taong mas mahalaga ang dangal kaysa pera.

Siya si Ricardo Villanueva na nagsauli ng $1,700 o P76,000 na naiwan ng isang pasahero sa kanyang taxi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa ulat ni Corporal Reynon Flores ng Airport Police, sinundo ni Villanueva si Richard Ramirez Pelino na dumating mula sa Hong Kong, lulan ng Cathay Pacific Flight. Nang pumunta sa NAIA Terminal 3 si Villanueva pagkatapos ihatid ang grupo ni Pelina sa isang hotel, napansin ng driver na mayroong naiwang itim na bag

na naglalaman hindi lang ng pera kundi mga gadget, personal na gamit at passport ng pasahero.

Agad umanong bumalik si Villanueva sa NAIA 1 para ipaalam ang naiwang bag. Gayundin, personal ding pinuntahan kinabukasan ng honest driver si Pelino sa kanilang hotel. Sobrang nagpapasalamat si Pelina kay Villanueva sa ginawang kabaitan. Umuwi umano siya mula Hong Kong para sa burol ng kanyang ama at ilalaan sana

ang pera para sa libing.

Tubong San Fernando, Pampanga si Villanueva -ang ating Ka-Daloy of the Month. Nawa ay mas marami pang mga kagaya ni Villanueva na tapat sa kanyang kapwa.

1広告で3つ媒体に掲載 より多くフィリピン人が閲覧 (Daloy Kayumanggi Photo Contest Winner)

1*Print (印刷): 3,000+ 一意のアドレス

2*ウェブサイト

4,600+毎月のページビュ

3*フェイスボック

2,400+ facebook ファン 5,400人 閲覧の平均

Daloy Kayumanggi Newspaper Job Advertisement Rate (新聞紙ダロイカユマンギーの求人広告)

For details, contact: D&K Corporation

03-5825-0188 / 090-6025-6962 (Erwin)


8

May 2015

STUDENT'S CORNER

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan"

PEP - Pahina ng mga Estudyanteng Pinoy

I

ka-11 ng Abril, 2015. Sa kasagsagan ng napakaraming tao sa mga parke na naglalatag ng kanilang mga pansahig upang tingnan ang kabigha-bighaning tanawin ng naggagandahang bulaklak sa panahon ng tagsibol, idinaos ng AFSJ, Association of Filipino Students in Japan, ang kanilang taunang Hanami Welcome Party sa Ueno Park. Ang AFSJ ay isang samahan sa Japan na naglalayong pagbuklurin ang lahat ng mag-aaral at mga nagsipagtapos sa bansang ito. Layunin din ng grupo na gabayan ang mga kasapi nito na maging matagumpay sa kani-kanilang larangan. Tinutulungan din sila ng AFSJ na magkaroon ng makabuluhan at masayang pamamalagi sa Japan sa pamamagitan ng pagdaraos ng iba-ibang gawaing pang-akademiko at pangkultura na nagbibigay ng pagkakataong makahalubilo ang iba pang kasapi. Bilang pagsalubong sa mga bagong mag-aaral, ipinagdiwang ng AFSJ ang Hanami o Cherry Blossom Viewing. Naghanda din sila ng mga pagkaing Pinoy tulad ng lumpiang shanghai, chicharon, at polvoron. Mayroon ding edamame, egg sandwiches, at iba pang merienda. Nagsimula ang programa ng ala-una ng hapon sa pamamagitan ng paglibot sa mga murang pamilihan ng omiyage at produktong Pinoy sa Ueno. Pumasok din sila sa National Museum! Sa kabila ng nakakapagod na paglalakad, mababakas ang saya sa mukha ng mga nagsipagdalong mag-aaral mula sa Ateneo Student Exchange Council (ASEC) ng Ateneo de Manila at mga bagong mag-aaral sa Japan (kouhai), Isang hindi malilimutang larawan ang pagsasalo-salo ng mga Filipino sa Ueno Park! Masasayang pagbati ba naman ang sumalubong sa kanila mula sa mga kasapi at opisyal ng AFSJ!

Isang maiksing pagpapakilala ang sinimulan ni G. Rogie Carandang, VP for Student Welfare, na pangunahing nagpaplano para sa pagsalubong sa mga kouhai. Nagbigay din ng paunang salita ang kasalukuyang pangulo ng organisasyon, si G. Angel Bautista VII. Syempre pa, ang piknik ay hindi kumpleto kung walang palaro! Halos mangawit ang aming mga panga sa kakatawa sa napakasayang palaro na pinanguhanan ni Bb. Jaki Tagubase, VP for Social and Cultural Affairs. Tawanan, kuwentuhan, sabayan mo pa ng magandang musika, at kantahan. Ang Hanami Welcome Party ay dinaluhan hindi lamang ng mga kouhai, kung hindi pati rin ng mga senpai (senior).

May mga ilan pa ngang nagbahagi ng kanilang mga damit at gamit para sa pagsisimula ng buhay sa Japan ng mga bagong mag-aaral. Sa kabuuan, 47 Filipino ang dumalo sa pagdiriwang. Bawat isa ay umuwing masaya! Tulad ng Cherry Blossom, may mga bagong samahan ding sumibol mula rito. Tunay ngang naging matagumpay ang pagdiriwang na ito!

Para sa karagdagang kaalaman, at kung nais makipagugnayan sa amin, malugod po naming tatanggapin ang inyong mga mungkahi sa execom.afsj@gmail.com


9

May 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Mabisang tips para maiwasan ang motion sickness

N

akararanas ka ba ng motion sickness sa tuwing nagbi-biyahe? Karaniwang sintomas nito ay ang pakiramdam na parang nasusuka na pinalalala ng paggalaw ng sasakyan at sensitivity sa mga amoy. May mga pamamaraan para maiwasan mo ito, at nang sa gayon ay iwas aberya sa tuwing nagbibiyahe ka: 1) Kumain nang dry at maliit na meal bago ka bumiyahe. 2) Nakatutulong ang pag-inom ng "glucose drinks" o 'di naman kaya ay mineral water para maiwasan ang

Personal Tips dehydration. 3) Ipikit ang iyong mga mata. O 'di naman kaya, iwasan munang manood ng mga dumadaang mga sasakyan o nadadaanang mga bagay; lalala lang ang iyong mga sintomas. 4) Alam mo bang nakatutulong din ang pag-amoy ng asin para makontra ang iyong pagsusuka? 5) Uminom ng gamot bago ang iyong biyahe. Konsultahin muna ang iyong doktor. 6) Nakatutulong din ang mint tea para mapakalma ang iyong tiyan. 7) Mag-download ng mga relaxation music o videos, nakatutulong ang mga ito. 8) Maiging lumanghap ng preskong hangin at magehersisyo muna bago ang mahabang biyahe. Natutulungan ka rin nitong makatulog habang nasa biyahe.

Ilang mabisang prebensiyon sa high blood pressure

S

inasabing ang pinakamalaking risk factor ng heart attacks at strokes ay ang pagtaas ng blood pressure (BP). Katunayan, sinasabi ng mga eksperto na ito ay silent killer.

Ilan lamang sa mga sintomas nito ay ang mga sumusunod: • pagsakit ng ulo, partikular na kapag bagong gising • pakiramdam na parang lumulutang • pagkahilo • 'blackout' Marami na rin ang mga nabawian ng buhay bunsod ng sakit na ito. Kung kaya, marapat lamang na bigyan ng sapat na atensyon ang sakit na ito -- labanan ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na prebensyon: 1) Magbawas ng sobrang timbang. 2) Mag-ehersisyo nang regular. 3) Iwasang uminom ng sobrang alak. 4) I-maintain ang healthy diet. Iwasan ang mga matataba at maaalat na mga pagkain, sapagkat binabarahan nito ang mga arteries.

5) Magbawas ng stress. Maaari ring mag-download ng mga relaxing music at videos sa Internet. 6) Nakatutulong ang aromatherapy, kagaya ng ylang-ylang essence, sapagkat nakapagpapakalma ang mga ito. 7) Iwasang magalit, magselos at iba pang negatibong pakiramdam. 8) Inumin ang mga gamot na iprinescribe ng iyong doktor. 9) Kapag nakaramdam ng side effects, 'wag basta ihinto ang gamot, konsultahin ang iyong doktor. 10) Regular na magpa-check ng iyong blood pressure.

9) Bumili rin ng ginger snacks o drink, kung meron. 10) Ang accupressure sa itaas na bahagi ng iyong "wrist" ay nakatutulong din sa pag-alis ng mga sintomas ng pagsusuka. Tandaan: Ang madalas na pagsusuka, partikular sa mga bata, ay maaaring magdulot ng "potassium loss" na lubhang delikado. Kung kaya, ugaliing sundin ang mga nasa listahan sa itaas para siguradong stress-free ang inyong biyahe.

Mga natural na pamamaraan para malabanan ang asthma

Epektibong pamamaraan para magbawas ng timbang (bukod sa ehersisyo at pag-diet)

B

ukod sa pag-eehersisyo at pagdi-diyeta, mayroon pa raw mga mabisang mga pamamaraan para magbawas ng timbang. Ayon sa isang artikulo sa website na healthdigezt.com, ang mga ito ay mabisang

tips: Uminom ng malamig na tubig -- Nakatutulong ito para mapuwersa ang iyong katawan na mag-burn ng calories. Mabisa rin ang pag-inom ng maraming tubig -- Kapag marami kang ininom na tubig, pakiramdam mo ay busog ka rin. Sex -- Pasintabi po, pero ayon sa mga eksperto, mabisa sa pagbabawas ng calories sa katawan at pagbu-burn ng fats ang sex. Mabisa raw itong workout. Magpahinga at matulog -- Ayon sa ilang mga eksperto, mabisa umanong panlaban sa paglobo ng katawan ang pamamahinga at pagtulog.

Mga pagkaing dapat kainin tungo sa mas masarap na pagtulog

M

araming mga benepisyo ng wastong oras ng pagtulog. Ngunit dahil maraming mga indibidwal ang nahihirapang matulog, hindi nila nae-enjoy ang mga benepisyong handog nito sa katawan ng tao. Ayon sa mga eksperto, ang mga pagkaing ito ay nakatutulong tungo sa maayos na pagtulog: 1) Saging -- Nakatutulong ito sa produksyon ng melatonin, ang hormone na responsable para makatulog. Magandang source din ito ng Vitamin B at potassium. 2) Manok, turkey at low fat cheese -- Magandang source ang mga ito ng amino acid tryptophan na nakapagpapataas ng serotonin levels para mas mapayapa ang pagtulog. 3) Mani at isda -- Nakapagbibigay ang mga ito ng unsaturated fats para rin sa produksyon ng serotonin. Maganda rin ito sa

I

sa sa pinaka-karaniwang sakit sa ngayon ay ang asthma. Ilan sa mga sintomas nito ay ang mga sumusunod: 1) nahihirapan sa paghinga; 2) wheezing; 3) pag-ubo; at 4) chest tightness.

Tatlong baso ng gatas at tatlong servings ng dairy -Nakakapagpabilis din umano ang mga ito sa pagbu-burn ng taba at calories sa katawan.

puso. 4) Fresh herbs -- May detoxifying at calming effect ito sa katawan. 5) Mainit na gatas -- Ang calcium nito ay nakapagpaparelax ng muscle movements at utak.

Bukod sa mga medications na ibinibigay ng mga doktor, nakatutulong din nang malaki para malabanan ang sakit na ito ang mga sumusunod:

1) Tingnang mabuti ang iyong mga kinakain -- kadalasan, ang mga ito ang nakapagpapa-trigger sa asthma: mani, shellfish, itlog, strawberries at marami pang iba. 2) Iwasan ang mga karaniwang nagti-trigger ng iyong asthma -- Iwasan ang mauusok at maaalikabok na mga lugar. Asthma trigger din ang biglaang pagpapalit ng panahon, kaya i-check ang weather kung lalabas. Iwasan din ang mga aso at pusa, sapagkat maaaring mairita ang iyong ilong. 3) Palakasin ang iyong respiratory system -- Ang yoga classes ay sadyang nakatutulong sa mga may asthma. Iwasan naman ang mga sports activities na maaaring makapag-provoke ng asthma attacks. 4) Herbal remedies -- Ang herbal drinks at essential oils ay nakatutulong din para mabawasan ang risks ng sakit na ito. Ang luya ay mabisa ring anti-inflammatory. Sa pamamagitan ng mga tips na ito, maiiwasan mo ang asthma at mapapalakas mo pa ang sistema ng iyong katawan.


10 May 2015

Personal Tips

Mga healthy activities para sa iyong mga chikiting

S

a kasalukuyan maraming mga bata ang nagiging obese. Ang sobrang taba, kahit sa mga bata, ay hindi healthy. Maaari itong makapagdulot ng sakit kinalaunan sa pagtanda. Kung kaya, magandang ideya na hanapan siya ng ilang mga healthy activities na pwede niyang pagkaabalahan at healthy sa kanya. Naririto ang mga aktibidad: 1) Sports -- Isali siya sa ilang mga sports activities. Mabisa itong ehersisyo para sa iyong anak. Isa pa, nakakadagdagsaya rin ito sa iyong anak. Maaari mong i-enrol ang iyong anak sa ilang mga sports clinics sa iyong komunidad. Mas

Paano magmukhang bata

Epektibong tips para malabanan ang sakit ng ngipin

K

apag masakit ang ngipin ng isang tao, ang hirap na niyang mag-concentrate sa kanyang mga gawain. Kung ito ang karaniwan mong problema, naririto ang ilang home remedies na pwede mong subukan:

1) Iwasang kumain ng sobrang lamig at sobrang init na pagkain at inumin -- Masyadong sensitibo ang ating mga ngipin sa mga pagkaing ito. Iwasan din ang mga kendi at popcorns. 2) Ayon sa healthdigezt.com, mabisa ang pagmamasahe ng kamay ng yelo / ice -- Masahiin ang gitna ng hintuturo at hinlalaki. 3) Uminom ng over-the-counter pain reliever -- Hindi na ito nangangailangan pa ng prescription mula sa doktor. Kung madalas na sumasakit ang iyong ngipin, mag-stock nito sa inyong medicine cabinet sa bahay. Mabisa rin ang ointments

S

a panahon ngayon, mahalaga ang paggising nang maaga, sapagkat marami-raming mga aktibidad ang kailangang gawin.

Kung hanggang ngayon ay hirap ka sa ganitong senaryo, puwes, ang mga tips sa ibaba ay para sa'yo:

K

S a we b s i t e n a e z i n e a r t i c l e s . c o m , naririto ang ilang mga simple ngunit mabisang tips para masolusyonan ang problema mong ito:

1) 'Wag mong isipin ang iyong edad -- Sa halip na magpokus sa iyong edad, mas magandang isipin mo kung ano pa ang iyong goals sa buhay -- kung ano pa ang iyong gustong gawin. 2) Mag-isip ng mga positibo -- Ang mga positive thinkers ay mas nagiging successful at masaya. 3) Ngumiti -- Normal lang ang mga problema. Kung lagi kang nag-aalala at nape-pressure, mas nagmumukha kang matanda. 4) Uminom nang marami -- Mabisa itong pampabata at pangpatalino, ayon sa ilang eksperto. 5) Maglaro -- Kagaya ng ginagawa mo noong ikaw ay bata pa. Ang mga atleta ay mas energetic at mas nagmumukhang bata kaysa sa mga walang pinagkakaabalahang sports. 6) Mag-relax at matulog -- Matulog nang walong oras. Mas nagiging aktibo ka at mas nakakabata ang taong nakakapagpahinga. Sundin ang mga tips na ito para magmukhang bata.

"Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

maganda kung maghanap ng mga libreng sports programs na ini-o-offer ng iyong lokal na komunidad. Magtanungtanong. 2) Lumabas kasama ang iyong mga bata -- Hindi healthy ang palagiang panonood ng telebisyon, paglalaro ng video games at pakikinig lang ng musika para malibang. Mas magandang libangan para sa iyong mga anak ang pagpunta sa labas -- mag-biking kasama sila; mag-camping; maglakad-lakad sa labas; at marami pang iba. 3) Trabaho -- Maraming mga trabahong pwede mong ibigay sa iyong mga anak, kagaya na lang ng ilang mga yard work at house work. Sa pamamagitan ng mga ito, mas nagiging aktibo sila. Marami-raming pang mga ideya na pwede mong ipagawa sa iyong mga anak. Magtanung-tanong sa iyong mga kaibigan. Mag-browse din sa Internet.

Ilang tips para gumising nang maaga

adalasan, lalo na sa mga nagkaka-edad na, ang karaniwang tinatanong ay ito: "Paano ba magmukhang bata uli?"

Daloy Kayumanggi

bilang pain relievers. Tanungin sa inyong pharmacy ang ibuprofen o iba pang mga gamot na anti-inflammatory.

Kung hindi pa humupa ang sakit ng ngipin, maiging magpatingin na sa doktor.

Babawasan nito ang pagpo-prodyus ng sleeping hormones. 3) I-adjust ang alarm clock -- Gawing mas maaga sa inaasahan mong wake up time ang iyong alarm clock. 4) Matulog nang sapat -- Matulog nang maaga. Kung kulang ang iyong tulog, baka maging mas iritable ka pa. 5) Maglaan ng bintana na pwedeng pasukan ng liwanag ng araw -- Sa pamamagitan nito, mas nagiging aware ka sa oras kinabukasan.

1) Ilayo ang alarm clock mula sa iyong tulugan -- Kadalasan kasi, kapag nag-a-alarm ang ating telepono, o ano mang ginagamit nating alarm clock, pinapatay rin natin ito agad hanggang sa hindi na ito muling mag-alarm pa (at late mo nang na-realize na ikaw ay huli na pala sa iyong pupuntahan). 2) Magdesisyong gumising nang maaga -- Ika nga nila, makapangyarihan ang ating utak. Kung halimbawang isinet mo ang iyong sarili bago matulog na kailangan mong gumising nang maaga, susunod ang iyong body clock.

Bakit mo kailangan ihinto ang pag-inom ng alak? Alamin...

M

arahil, paulit-ulit mo nang naririnig na masama ang palagiang pag-inom ng alak, ngunit hindi mo alam eksakto kung bakit.

Na r i r i to a n g mga ra son kun g b a k i t kailangan mo nang mag-quit sa palagiang pag-inom ng alak:

1) Isa ito sa mga responsable sa iyong pimples sa iyong mukha. 2) Nagkakaroon ng imbalance sa iyong testosterone o estrogen levels. 3) Nagreresulta ito sa vitamin deficiency. 4) Nagdudulot ito ng dehydration sa katawan. 5) Nakadudulot ito ng mabilis na pagtanda. 6) Nagiging vulnerable ang katawan sa mga degenerative diseases kagaya ng breast cancer. 7) Nagdudulot din ito ng anxiety attacks.

8) Sinisira nito ang iyong atay. Ilan lamang ang mga ito sa mga masasamang epekto ng alak. Kung kaya, magdesisyong ihinto na ang iyong bisyo, ngayon.


11

May 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Anu-anong mga benipisyo ng pagkakaroon ng pet dog

H

indi lang ang pagiging man's best friend ang benepisyo ng pet dog. Marami rin itong mga iba pang benepisyo sa kalusugan ng tao. Naririto ang ilang mga benepisyo: Nakaka-detect sila ng cancer Alam mo bang may pag-aaral na ginawa na kayang i-detect ng mga aso ang pagkakaroon ng cancer ng isang indibidwal? Naniniwala ang mga eksperto na kaya nitong i-detect ang iba't ibang mga cancer, kagaya ng lung cancer, breast cancer, colon cancer at iba pa. Gayunpaman, misteryo pa rin kung papaano nila ito nagagawa.

Personal Tips Nakababawas sila ng stress I s a n g p a g - a a ra l d i n a n g n a g p a t u n ay n a t a l a ga n g nakakabawas ng stress levels ng dog owners ang mga aso. Mas nagkakaroon din umano ng mas magandang mood ang isang indibidwal. Nakakabawas ng anxiety Nakapagbibigay umano ng comfort ang mga aso sa mga owners. Maganda silang companion. Ginagawa kang mas aktibo Gustung-gusto ng mga aso ng paglalakad-lakad at paglalaro. Dahil doon, mas nagkakaroon ka ng pagkakataong magkaroon ng physical acitivities na beneficial sa iyong kalusugan. Ilan lamang ito sa mga benepisyo ng pagkakaroon ng pet dogs. Iba talaga ang sayang dulot ng mga aso sa mga tao.

Epektibong mga pamamaraan para mapangalagaan ang iyong kutis

N

a gh a h a n a p ka b a n g m ga p a ra a n p a ra mapangalagaan mo ang iyong kutis? Naririto't basahin mo ang ilang mga mabisang tips:

Mga aktibidad na makakatulong sa iyo para magbawas ng timbang

1) Maglagay ng sunscreen -- Kinakailangan mong maglagay ng sunscreen nang sa gayon ay maprotektahan ang iyong kutis mula sa UV rays ng araw. 2) Uminom ng maraming tubig -- Hindi lamang ito nakakapapagpaganda ng iyong kutis, beneficial din ito sa iyong buong kalusugan. 3) 'Wag bumili ng mga produktong may petroleum -- Ayon sa ilang mga eksperto, nakakabara umano ng pores ang petroleum -- ibig sabihin nito, nahihirapan ang moisture na makapasok sa ating mga kutis. 4) Gumamit ng oils -- Nakakapagpakinis umano ito ng kutis, lalo na kapag ini-a-aplay mo ito 30 minuto bago ka maligo.

Mga tips para ma-relax at makapagpahinga

H

indi magandang habit na lagi ka na lang nai-stress -- sa trabaho, sa ibang tao, sa iyong paligid, at marami pang iba. Ayon sa ilang mga eksperto, nakadudulot ang matinding stress at pagod ng ilang mga degenerative diseases, kagaya na lamang ng kanser.

3) Exercise -- Ang taong nag-e-ehersisyo, mas mahirap makapitan ng stress at ng sakit. 4) Mag-break -- Bigyan mo ang iyong isipan ng ilang minutong hindi muna nag-iisip ng mga bagay na negatibo.

Naririto ang ilang mga tips para magtagumpay sa goal na ito:

Naririto ang ilang mga aktibidad na siguradong makatutulong sa sino mang gustong magpapayat:

1) Meditation -- Ang meditation ay nakakapagpanumbalik sa iyong normal na estado ng iyong katawan at isipan. Magenrol sa isang Yoga class. 2) Manood ng mga nakakatawang mga bidyo -- Magbrowse sa YouTube, halimbawa, ng ilang mga relaxing at nakakatawang mga bidyo.

Paano masosolusyonan ang sakit sa likod at balakang

N

akakaramdam ka ba ng sakit sa iyong likod at balakang? Ang kondisyong ito ay normal na sa mga may-edad na. Ngunit, marami-rami na rin ang mga bata-bata pa lang ay nakararanas na ng kondisyong ito sa katawan.

Naririto ang ilang mga pamamaraan para masolusyonan ang problema mong ito:

1) Nakakatanggal ng stress sa muscles ang hot compress. 2) Palakasin mo ang iyong likod. Madalas kasi itong nararanasan ng mga taong walang ehersisyo at laging nakaupo. Ang stretching at ilang mga ehersisyo ay nakatutulong upang masolusyonan ang problemang ito. 3) Mag-pilates o yoga. Panahon na para mag-enroll ka sa mga

I

sa sa pinakamahirap gawin ay ang pagbabawas ng timbang o pagpapapayat. Nangangailangan talaga ito ng sapat na motibasyon at disiplina para tuluyan itong ma-achieve.

Kung kaya, magandang ideya kung matutunan mo ang wastong pagbabawas ng stress.

ganitong klase. 4) I-check ang iba pang sintomas. Kung nahihirapan ka rin sa pag-ihi o 'di kaya ay may dugo sa iyong ihi, mas maiging kumonsulta na ng doktor.

Kumain ng agahan -- Marahil, nagtataka ka: Bakit pagkain agad, eh 'di ba, ang goal ay magpapayat? Ayon sa mga eksperto, nakatutulong umano ang agahan sa metabolismo ng katawan. Kapag wala ring laman ang iyong tiyan at agad pumasok sa trabaho o sa eskwelahan, mas naghahanap din ang iyong katawan ng makakain. Tubig -- Uminom ng tubig para ma-flush-out ang ilang mga waste materials sa ating katawan. Nakatutulong din ang pag-inom ng malamig na tubig para ma-burn ang mga calories sa katawan.

I-enjoy ang pagkain -- Hindi bawal ang kumain. Kailangan mo lang piliin ang iyong kakainin. Sa halip na mga hindi healthy na pagkain ang piliin, bumili ng mga healthy foods na nagbibigay ng mas kakaunting calories sa katawan. Maging pisikal -- Damihan ang iyong physical activities. Kung may budget, mag-enrol sa gym para magkaroon ng heavy workout. Sundin ang mga tips sa itaas at siguradong matutupad mo ang iyong goal na magpapayat.


12

Ads

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"


Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Ads

13


14 May 2015

Global Filipino

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino


15

May 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Slice of Mango, Slice of Life Aries Lucea Email: arieslucea@daloykayumnaggi.com www.daloykayumanggi.com

M

adaming tao ang talaga naman nalululong sa Japanese pop culture. Nandyan ang J-pop, manga, fashion, movies at marami pang iba. I do admire the beauty of both Japanese traditional and pop culture, but I never really paid attention to it before I came to this country nor am I crazy over it, kahit ngayong naninirahan na ako dito. Naalala ko pa ang aking pagkainis sa tuwing makikita kong nanonood ng "Sailor Moon" ang aking mga nakababatang kapatid na babae sa Pilipinas. Naiinitindihan ko na ito ay isang cartoon show, ngunit hindi ko mainitindihan kung bakit sa mga eksenang dapat sana ay nagpapakita ng emosyon ng isang tao, tila yata parang napakalayo nito sa katotohanan. Lalo pa akong nagulat ng first hand kong nasaksihan na napaka reserve pala at tahimik na mga Hapon sa pang- araw-araw nilang pamumuhay.Taliwas sa mga inilalarawan ng mga palabas na ito. Ang nakakarami pa ay puno ng violence, which is interesting considering, Japan is one of the safest countries in the world. Pakiramdam ko tuloy na ang anime, marahil ay exaggerated expression ng repressed psyche ng mga taong naninirahan sa bansang ito. Dito sa Osaka hudyat ng pagdating ng Spring ang "Nipponbashi Street Festival" dinadagsa ng mga libo-libong cosplayers, mga masugid na tagahanga at pati na din ng mga gusto lamang makasaksi ng bagay na medyo kakaiba. "Otaku" center ang Denden Town, Osaka's ultimate destination in terms of manga, anime, video games at electronics. So imagine how this place turns into an "otaku" paradise during this annual festivities.

Travel

Sa pangalawang taon, bitbit ang aking dalawang anak, nakihalubilo na naman kami sa mga festival observers, turista, mga super heroes, movie stars, robots, at iba't iba pang mga nilalang. Nakakatuwang panoorin ang mga makukulay, magagara at napakadetalyadong mga costume ng mga participants ng festival na ito. Sobrang ligaya ng aking mga anak, makita ang mga hinahangaan nilang cartoon at movie characters at syempre pa ang iba't iba pang mga superheroes. Ako naman ay labis na natuwang makita ang mga characters na mula sa mga kahanga-hangang pelikula ni Hayao Miyazaki ng Ghibli.

Nakakalibang ang festival na ito. Many aspects of Japanese culture is really remarkable. Pero may isang fascination ang mga Hapon na hindi ko matatanggap. Sa festival na ito, lutang na lutang ang obssession ng mga kalalakihang Hapon sa mga babaeng na nakadamit na mga school girls. Yes no harm done, kasi they are of legal age. Pero hindi ako naniniwala na ang mga tagahanga ng mga babaeng umaaasta o nagdadamit para mag mukhang underage are just simple kinks na pwede na lang ipagwalang bahala. Hindi malayo na ang mga tagahanga na ito also obsess over or prey on real underage girls. In most parts, cosplay is fun and great way of expressing oneself, but in some aspect it's just plain sleazy....


16

May 2015

Tips

Ang Alamat ng Zodiac ng Tsino

A

ng astrolohiya ng Feng Shui ay nakabase sa kada 12 zodiac. Ang cycle ng bawat zodiac ay nagbabago kada pangalawang lunar moon pagkatapos ng taglamig ng solstice (kalayuan ng araw) pero kadalasan ay nakabase ito sa pagpasok ng tagsibol. Bukod dito ay napaparisan ito ng serye ng sampung tangkay ng kalangitan (na sa salitang Tsino ay tiāngān 天干 ) na mas kilala sa mga elemento ng Kahoy, Apoy, Lupa, Metal, at Tubig at kilala sa kanilang kasariang pwersa na yin-yang ☯ . Halimbawa na lamang para sa taong 2015 ay Ying na kahoy na taon ng kambing.

bilis ang katangian ng daga kumpara sa anumang hayop. Dahil na rin malawak ang pang-unawa ng baka ay hindi nito dinamdam ang pagiging pangalawa. Kinilala naman ang baka bilang maunawain at may malawak na pag-iisip.

Emosians instagram: emosians facebook: emostians frambroise like my page: emosians goy at tandang at ipinaliwanag nito na sila ay nagtulong-tulong upang makarating. May kabigatan sa tatlo ang kambing kaya pinauna nitong bumaba sa kanilang ginawang balsa kaya nakapasok sa pangwalo ang kambing at nakipagpalit sa unggoy hawakan ang balsa upang ito ay makababa dahil ang tadyang ay walang mga kamay para hawakan ang mga ito. Ikinatuwa ng mga nakasaksing hayop ang kabutihan at kababaan ng loob ng kambing.

Pang-apat naman ang kuneho na sumampa sa sanga ng kahoy upang makarating. Ang ugali naman nito ay magaan at madaling makiayos sa sitwasyon.

Pumasok naman sa siyam ang unggoy na siya ang may ideya sa paggawa ng balsa at magtulungan. Tinaguriang maalam at matalino ang unggoy.

At ang sumunod naman ay ang dragon na siyang umihip sa sangay ng kahoy na sinasakyan ng kuneho bagama’t hindi maituturing na hayop ang dragon ay namangha pa rin ang Emperador Jade sa kabutihan nito at tinanghal siyang panglima. Nagalak ang dragon dahil hangarin din niya talagang maisama sa cycle. Kung tutuusin, dapat kanina pa siya nauna dahil nagagawa nitong lumipad pero nahuli ito dahil mas pinili niyang tulungan ang mga tagabaryong nasusunugan. Itinuturing na pinakaswerteng uri ang dragon dahil na rin may bendisyon ito ng kalangitan.

Sumunod naman sa pang-sampu ang tandang na siyang naging boses at maglalayag ng grupo na ang kalakasan nito ay ang pagiging masipag at may kumpyansa sa sarili. Nakarating naman sa pang-labing isa ang aso at tinanong ng Emperador Jade bakit ito ay nahuli gayung ito ang pinakamagaling lumangoy at sinabing nawili daw ito sa paglalangoy at ninanam ang kagandahan ng araw. Bagama’t alam nito ang kanyang kamalian ay nagsabi pa rin ng katotohan kaya hinangaan ang aso sa pagiging tapat at loyal nito. Pinakanahuli sa lahat ay ang baboy na namahinga at kumain muna dahil mas ninanais raw nitong maging masaya at masagana bago maipasok sa cycle. Bagama’t napagtatakhan ang pananaw nito ay naging malinaw sa Emperador Jade na ang baboy ay rasyunal ang pag-iisip at nagiimpok muna ito ng karanasan bago gumawa ng aksyon.

Hindi kalayuan ay paparating na rin ang kabayo pero ginulat siya ng ahas kaya nakapasok ang ahas sa pang-anim na pwesto ito. Kolektibo at kalmante naman ang katangian ng ahas.

At dahil may ilog kung saan naroroon ang kaharian, tumalon ang hindi marunong lumangoy na daga sa likod ng baka upang makiangkas. Bagamat hindi pa nakakalapit sa lupa ang baka, agarang inunahan ng daga ito at siya ang tinanghal na unang hayop ng zodiac. Madiskarte at ma-

"Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Naghihingal sa pagod pero determinadong makarating ang tigre kaya tinanghal siyang pangatlo at kinilalang matapang at hindi basta sumusuko.

Ayon sa alamat nagsimula ito ng magpatawag ng pagpupulong ang Emperador Jade sa kanyang sinasakupan na ang lahat ng hayop ay magkakaroon ng tiyansang parangalan ang kanilang lahi. Mangyayari ito sa pamamagitan ng pagtatalaga sa cycle sa kalendaryo na magtatapos lamang hanggang sa labing dalawang pwesto upang masolusyonan ang problema ng mga tao na hindi magawang tandaan ang kanilang edad at kapanganakan.

At dahil hindi nakarating ang pusa sa pagpupulong ito ay nagtanong sa daga kung anong araw at oras magaganap ang karera ng mga hayop. Walang pagdadalawang isip ay sinabi nito ang maling oras at araw sa kadalahilanan na makakabawas bilang karibal ang pusa. Kinaumagahan habang ang pusa ay mahimbing ang pagkakatulog, nagawa ng daga na umalis na walang pagsisisi at lokohin ang kaibigan.

Daloy Kayumanggi

Hindi ito dinamdam ng kabayo at nginitian lamang ang ahas dahil ang mahalaga para sa kanya ay nakarating siya sa kanyang paroroonan. Hinangaan ng Emperor Jade ang kabayo bagama’t alam nito ang abilidad nito na mabilis na tumakbo at laging nauuna sa karera ay mas ninanais nitong maging optimistiko at laging may dalang pag-asa. Grupo namang dumating ang kambing, ung-

Sa sumunod na araw nakarating ang pusa pero nakapaskil na sa harapan ng kaharian ang listahan ng mga represetante ng hayop sa cycle. Nag-aapoy sa galit ang pusa sa ginawang panloloko ng daga at nagsumpa nito na habangpanahon niyang tutugisin ang daga kaya mula noon ay naging mortal na kaaway ng lahat ng lahi ng pusa ang mga daga.


17

May 2015

Daloy Kayumanggi

D&K Page

"Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

The People of D&K

"Always at your service" "Failure can teach us lesson that success cannot"

Phone: 090-6025-6962 Viber: 080-6125-8838 Facebook: Erwin Brunio Email: erwin@daloykayumanggi.com

"Walang mahirap na gawa 'pag dinaan sa tiyaga"

Phone: 0032-6308 Viber: 0927-590-4314 Facebook : Remy Umotoy Email: rhemyz19_abc@yahoo.com

"Minsan kailangan maghintay para makamit ang tagumpay"

Phone : 0032-6308 Viber 0927-5641628 Facebook : Ynah Campo Email : mterrobiascampo@yahoo.com

"Go after what you want. Or someone else will"

"Hindi lahat ng kumikinang ay ginto minsan din ay tanso"

Phone: 090-1760-0599 Viber: 090-1760-0599 Facebook: Mario Rico Florendo Email: marioflorendo@daloykayumanggi.com

Phone: 0032-6308 Viber :09173433362 Facebook: Jhin Sanchez Email: jhinsanchez@yahoo.com.ph


18

May 2015

Daloy Kayumanggi

Trabaho

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Invitation to the

Book Launch A groundbreaking book on leadership competencies of Filipina women in management positions in countries around the world.

DATE: Sunday, June 21, 2015 TIME: 2:00 pm – 5:00 pm VENUE: Multipurpose Hall Embassy of the Republic of the Philippines 5-15-5, Roppongi, Minato-ku, Tokyo 106-8537

Admission is FREE Keynote Speaker

H.E. Manuel M. Lopez

Philippine Ambassador to Japan

Inspirational Message* Book Readers Minister & Consul General Marian Jocelyn Tirol-Ignacio; Consul Parwana Paikan; Ms. Cherry Piquero-Ballescas; Ms. Maria Carmelita Zulueta Kasuya; Ms. Leith CaselSchuetz; Ms. Anita Aquino Sasaki; Ms. Rowena Gunabe; Ms. Milena InocencioDomingo;Ms. Josefa Aranjuez Nistal; Ms. Olga Gorevaya; Ms. Joanna Joy O. Torreda Chairperson

Isabelita T. Manalastas-Watanabe

A FWN Global 100 – Most Influential Filipina Women in the World awardee (Founder & Pioneer category), October 2013. *Awaiting confirmation from world-renown Japanese author and professor. RSVP, please email or contact: Marty – mariateresa.timbol@smtj.co.jp; 03-6869-8555 local 1007


19

May 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

ANG TSAA

MILYONARYO

TOOTHPICK

RICH VAMPIRE: Oorder ako ng fresh blood. ORDINARY VAMPIRE: Sa akin isang order na dinuguan. POOR VAMPIRE: Hot water na lang sa akin. WAITER: Bakit hot water lang po.? POOR VAMPIRE: Nakapulot kasi ako ng napkin sa kanto. Mag-tsa-tsaa na lang ako. SPANISH FEAT. JUAN AT PEDRO

GURO: Imagine na kayo ay MILYONARYO. Isulat ang iyong activities. ALL: Yes mam! GURO: Juan bakit di ka nagsusulat? JUAN: Intay ko po ang SECRETARY ko! JOB INTERVIEW

Amo: Inday bakit ang bilis maubos ng mga toothpick natin?! I n d ay : H i n d i ko p o a l a m M a’ a m , k a p a g gumagamit naman ako binabalik ko WI-FI

Juan: Tanungin mo ako ng English, sasagutin kita ng Spanish. Pedro: What is more important? Heart or Mind? Juan: Spanish!!! MY PRAYERS Sa isang eksam, huli ang estudyanteng may hawak na kodigo. TEACHER: Ano ‘to? STUDENT: Wish list ko po at prayer, ma’am! TEACHER: At bakit answers ang nakasulat? STUDENT: Naku! Thank you po, Lord. Sinagot ninyo ang prayers ko! PALUSOT Cholo: Ah, waiter, bakit may langaw itong Lomi ko? Waiter: E, kasi po Sir, sa sobrang sarap ng Lomi namin pati langaw gusto makatikim. PANGIT INAY: Bat ka umiiyak? BERTING: Si kuya po sinabihan ako na PANGIT! INAY: Totoo ba ang sumbong ng kapatid mo? JUAN: ‘Wag po kau maniwala sa sinasabi ng pangit na yan!

Sa isang job interview... B0SS: Okay! Ano ba alam mo? JUAN: Alam ko kung saan nakatira asawa mo at alam ko rin saan nakatira ang kabit mo. B0SS: Tanggap ka na hayop ka! SATANAS

Nagbalatkayo si misis para takutin ang asawang lasing... MISTER: Sino ka? MISIS: Ako si satanas! Kukunin na kita! MISTER: ‘Wag mo ko takutin! Asawa ko kapatid mo! SEND TO MANY

PEDRO: Sikat na talaga si Pacquiao. JUAN: Bakit naman? PEDRO: Bumili kasi ako ng bagong fone, may option na send to many. JUAN: Ang tanga nito, matagal na kaya yan. Hindi naman nagre-reply WALANG PASOK

INAY: Anak, may kasama daw si Bagyong Pedring na tsunami na kayang palubugin ang Pilipinas! Alam mo ba ibig sabihin nun? JUAN: Wala pong pasok bukas? Yey!

Sa Jollibee... BUSINESSMAN: Excuse me, may wi-fi ba kayo dito? PNOY: Naku sir ala po! But you can try our apple-fi or mango-fi sir! DRAWING KRIS: Nay, nay, tingnan niyo po ang drawing ko oh! NANAY: Wow!! Ang galing namang magdrawing ng MONKEY ng bunso ko! KRIS: Nay, kayo po yan! TALIPAPA

MAX: Pare bakit may tali ka sa paa? JUAN: MAGBIBIGTI ako! MAX: Eh bakit sa PAA, dapat sa LEEG! JUAN: Sinubukan ko na kanina, hindi ako MAKAHINGA eh! DUGO-DUGO GANG MAN: Si sir mo to, nabangga ako, I need cash! INDAY: Aru! Dugo-dugo gang ka no? MAN: Inday si sir mo to! INDAY: Weh, si sir ang tawag sa akin CUPCAKE! MAG-ASAWANG NAG-AAWAY

Babae: Mabuti pa ata kung nagpakasal na lang ako sa demonyo!! Lalake: Wehh, bawal kaya magpakasal sa

kamag-anak BAGONG PAMILYA

MISIS: Honey, malapit na tayong maging tatlo dito sa bahay! MISTER: Talaga honey? Magiging daddy na ako? MISIS: Hindi pa, dito na titira nanay ko! PAST AND FUTURE ADEK: Payag ka na bang magpakasal sa akin? GRO: Oo pero ok lang ba sa iyo kung meron akong past? ADEK: Ok lang, wala naman akong future eh! NEXT!

Pumasok ang isang pasyente sa klinika... PA S Y E N T E : D o k , t u l u n g a n n y o p o ako...pakiramdam ko, binabalewala ako ng mga tao! DOKTOR: Next! ABSENT

TATAY: Bakit BAGSAK ka sa exam? JUAN:Dahil po sa pag-absent tay! TATAY:Absent ka nung itinuro? JUAN:Hindi po! Absent yung KATABI ko nung exam! REGALO Mario: Pare, Birthday ng asawa ko. Pedro: Ano ang binigay mong regalo? Mario: Tinanong ko kung ano ang gusto niya. Pedro: Ano naman ang sinabi ni Mare? Mario: Kahit ano raw basta may 'Diamond' Pedro: Ano ang binigay mo? Mario: Baraha!

mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp

www.tumawa.com

TAURUS Abr. 21 - May. 21

LEO Hul. 23 - Ago. 22

SCORPIO Okt. 24 - Nob. 22

AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19

Maganda ang magiging takbo ng iyong kalusugan ngayong buwan. L u b u s i n a n g m a t a a s n a e n e r h iya a t magandang kalusugan para matapos ang iyong gawain at makapaglaan ng oras para sa iyo at sa iyong pamilya. Ang iyong masusuwerteng numero ay 6, 8, at 9.

Laging tandaan na lilipas din ang mga bagay-bagay. Mahirap man ang sitwasyon ay may patutunguhan din ang iyong mga ginagawa sa ngayon. Patuloy na maging masipag at wag susuko agad. Maglaan ng panahon para makapagrelax at makita ang mga kaibigan. Ang iyong masusuwerteng numero ay 5, 8 at 18.

Iwasang magmadali at maghintay ng tamang panahon bago isagawa ang iyong plano. Ilaan ang iyong atensiyon sa mga bagay na madaling masolusyunan. ‘Pag naayos na ang mga ito ay maaari mo nang paglaanan ng oras ang iyong mga plano. Ang iyong masusuwerteng numero ay 1, 6 at15.

Ingatan ang iyong kalusugan dahil sa posibleng pagkakaroon ng sakit. Malakas man ang iyong pakiramdam, pero ilaan ang Sabado at Linggo upang mapahinga ang iyong katawan. Ang iyong masusuwerteng numero ay 4, 7, at 13.

VIRGO Ago. 22 - Set. 23

SAGITTARUIS Nob. 23 - Dis. 21

May mabuting balita kang matatanggap na tungkol sa pera. Maging maingat sa paggastos ng matatanggap at maglagak ng ilang halaga sa bangko. Magtipid dahil baka hindi na maulit ang suwerteng ito sa mga susunod na linggo. Ang iyong masusuwerteng numero ay 6, 7, at 18.at 15.

Nagtatampo na ang iyong pamilya dahil sa kawalan mo ng panahon sa kanila. Siguraduhing ilaan ang araw ng Linggo para sa kanila, lalo na sa iyong asawa. Ang iyong masusuwerteng numero ay 13, 14, at 17.

GEMINI May. 22 - Hun. 21

Huwag maniwala basta-basta sa mga balitang maririnig tungkol sa iyong kaibigan. Klaruhin muna ang balita sa kaibigan bago humusga. Maaaring may magandang dahilan sa pangyayari. Maglaan ng panahon para makasama ang mga dating barkada. Ang iyong masusuwerteng numero ay 5, 7, at 8.

CANCER Hun. 22 - Hul. 22

Ngayon ang tamang panahon para isagawa na ang iyong mga balak na iyong isinasantabi. Wag nang magpatumpik-tumpik pa dahil mabilis ang takbo ng panahon at baka hindi mo na magawa ang gusto mong gawin. Ilaan ang iyong panahon sa trabaho at maganda ang sitwasyon ng iyong relasyon sa pamilya at mga kaibigan. Ang iyong masusuwerteng numero ay 11, 12, at 15.

LIBRA Set. 24 - Okt. 23

Iwasan munang magbiyahe hangga’t maaari dahil hindi maganda ang linya ng mga bituin sa iyong lakad. Iwasan hangga’t maaari, pero kung hindi man, mag-ingat habang nasa biyahe. Ang iyong masusuwerteng numero ay 2, 11 at 19.

CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20

Ngayon ang tamang panahon para magbiyahe dahil maganda ang linya ng mga bituin. Magiging maluwag din ang dating pera sakto para sa iyong biyahe. Maglaan ng oras para makapag-relax at isang-tabi ang mga problema nung nakaraang buwan. Ang iyong masusuwerteng numero ay 4, 8 at 14.

PISCES Peb. 20 - Mar. 20 Para sa mga kasal at may kasintahan, may sorpresang inilalaan ang iyong kabiyak. Para sa mga single, malaki ang posibilidad na makakita at makakilala ka ng Libra na babaguhin ang buhay mo. Mag-isip nang mabuti bago magdesisyon. Ang iyong masusuwerteng numero ay 7, 8 at 16.

ARIES Mar. 21 - Abr. 20 Maganda ang linya ng mga bituin sa buong buwan para sa mga Gemini. Mas magiging produktibo ka sa iyong trabaho at mapapansin ng mga nakakataas ang iyong mga ginagawa. Bigyan ng panahon ang iyong pamilya at mga kaibigan. Palakasin din ang iyong katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng vitamins para kayanin ang mga pagod. Ang iyong masusuwerteng numero ay 4, 10, at 13.


20 May 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Sinag Pilipinas, pinangalanan ang 12-man roster

A

ng Sinag Pilipinas, koponan na kumakatawan ng bansa para sa championship ng 2015 Southeast Asia Basketball Association (SEABA) na isasagawa sa Singapore, ay naglabas na ng kanyang 12-man roster noong Abril 13, 2015. Binubuo ito ng sumusunod na manlalaro na galing rin sa iba’t ibang grupo, base sa ulat ng rappler.com: • Marcus Douthit na nangunguna sa lineup at siya ring center • Ang D-League players na sina Tory Rosario at Scottie Thompson • Ray Parks ng Hapee • Norbert Torres at Almond Vosotros ng Cebuana Lhuillier

• Glen Khobuntin ng Jumbo Plastic • Kiefer Ravena ng Ateneo de Manila University • Mac Belo at Russel Escoto ng Far Eastern University • Kevin Ferrer ng University of Sto. Tomas • Jiovanni Jalalon ng Arellano University Hindi naman nagtagumpay sa pagsali sa grupo noong ganapin ang final cut sina Jeron Teng, Arnold Van Opstal at Prince Rivero, kasama rin sina Thirdy Ravena ng Ateneo at Baser Amer ng San Beda College. Tinanggal rin sa listahan ang Gilas Cadet mainstay na si Garvo Lanete, dahil kinakailangan niya pang magpagaling sa kanyang pilay.

LARONG KALYE

SPORTS UPDATE

Melbert Tizon Email: mbtizon@gmail.com

Paano Bumuo ng PBA Team Part1: Purefoods School of Firepower

Mayweather, ipinakita ang husay sa harap ng int'l media

H

indi ito flow chart ng pagfile ng application sa PBA Board. Para ito sa mga coach-wannabe, trade-wish-list-enthusiast o kahit sinong interesado sa PBA. Paano bumuo ng PBA team? May dalawang namamayaning school of thought dito. Para mas makuha natin, gagamitin ko ang Purefoods at Rain or Shine bilang poster team ng dalawang nag-uumpugang ideya. Ito ang una sa dalawang artikulo. Ang unang ideya ay para sa mga franchise na kayang kumuha ng maraming magagaling na player. Ang alam natin, kailangan mo ng marami nito para magchampion sa PBA. Kumbaga sa pagluluto, mas masarap ang pagkain kung mahal ang mga sangkap. Sa pagkain man o sa PBA team, mali ito. Hindi porket kumpleto ka sa mamahaling herbs at spices ay dabest na ang sinigang mo. Parang San Miguel at Ginebra. Kahit star-studded, dalawa lang ang nakuha nilang kampyeonato sa loob ng anim na taon. Hindi ako nagpapaka-devil’s advocate at nagmumungkahi na counterproductive ito. Pwede ka naman magchampion na puno ka ng blue chips (Purefoods at Talk N Text). Hindi lang ito kasiguruhan na tagumpay ka na agad. Paano ‘to gawin? Tignan natin ang Purefoods. Kumuha sila ng mga players na hindi pare-pareho ang skill set. Iba si Pingris kay Devance. Iba si Yap kay Simon at Maliksi. Iba rin si Barroca kay Mallari at Melton. Hindi mo pwedeng piliin lang ang mga pinakamagaling. Dapat, kunin mo ang mga player na magagaling sa iba’t ibang bagay. Hindi lahat magaling umiskor. Meron ding rebounder, passer, defender at kung ano pa. Kakailanganin humarap ang team mo sa iba’t ibang sitwasyon na may iba’t ibang hamon. Dito mo dapat siguraduhin na kaya mong baguhin ang uri ng team na ilalagay mo sa court. Mayroon silang sistema (Triangle). Noon, may Dribble Drive ang Talk N Text. Hindi naman sa susundin ito sa lahat ng pagkakataon. Kung magagaling ang mga players mo, natural na bibigyan mo sila ng pagkakataong dumiskarte. Pero importante na may plan B ang grupo mo kapag inaalat sila. Doon papasok ang sistema para magsettle down ang team. Ang pinakahuli, mayroon silang lider (James Yap at Tim Cone). Kailangan mo ng James Yap na kakausapin ang players mo para hindi sila magwatak-watak. Player lang ang makakakonekta sa kapwa player. Pareho kasi sila ng karanasan sa court. Kailangan rin ng magaling na coach. Kapag puno kayo ng star players, sanay iyan na nabibigyan ng malaking role at playing time. Trabaho ng coach na kumbinsihin ang mga ito na unahin ang team bago ang sarili. Sa kahit saan, ito ang pinakaimportante. Versatility, system at leadership. Ito ang pinakaimportante kapag gusto mong bumuo ng susunod na Purefoods.

N

aglunsad ng huling public appearance si Floyd Mayweather Jr. kamakailan sa Mayweather Boxing Club sa Las Vegas bago ang pinag-uusapang laban nila ni Manny Pacquiao. Sa harap ng international media, nagpakitang-gilas si Mayweather sa pamamagitan ng media work out. Ipinakita ni Mayweather ang kanyang pad work routine. Nagpakawala rin ng body shots si Mayweather sa kanyang sparring partner. Nagsagawa rin siya ng ilan pang mga light exercises. Pangako ni Mayweather sa harap ng media, magiging focus umano siya sa laban nila ni PacMan sa May 2 (US Time). Sa nasabing presscon, pinasalamatan din umano niya ang kanyang team sa pagiging bahagi ng kanyang mga tagumpay sa loob ng 19 na taon.

Marquez ay pasensya. Nag-aalala na ako masyado na maknockout noong nasaktan ko si Marquez nang sobra. Nung narinig ko ang 10-second warning na magtatapos na ang round, naisip ko kaya ko siyang matapos sa isang suntok. Nagkamali ako lalo na noong nag-right counterpunch siya.” Sa Mayo 2, inaabangan ng buong mundo ang tinaguriang “Fight of the Century,” kung saan maghaharap na sina Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao sa MGM Grand Arena para pagkaisahin ang mga titulong WBO, WBC, at WBA Welterweight at para patunayan kung sino nga ba talaga ang pinakadakilang boksingero sa kasaysayan.

UST, overall champion sa UAAP Season 77

Mayweather, magreretiro na sa Setyembre

I

sang laban na lang umano matapos ang laban nila ni Manny Pacquiao, magreretiro na umano si Floyd Mayweather Jr. Ayon sa tinaguriang pound-for-pound king, tuluyan na umano siyang magreretiro sa Setyembre. Tatapusin na lang daw umano niya ang kanyang kontrata sa Showtime / CBS sports. Maghaharap sila ni PacMan sa darating na Mayo 2 (US time), sa tinaguriang fight of the century. Ayon pa sa boksingero, wala umanong kinalaman ang ibang tao kaya siya magreretiro. Si Mayweather ay 38-anyos na.

Pacquiao, naging "better fighter" matapos ang laban kay Marquez

B

ase sa report ng BoxingScene.com, naging “better fighter” si Manny Pacquiao matapos ma-knock down sa laban nito noong 2012 kay Juan Manuel Marquez. Ayon kay Pacquiao, “Mas nagkaroon ako ng mahabang pasensya sa loob ng tatlo kong laban kina Brandon Rios, Tim Bradley at Chris Algieri, kung saan nanalo ako sa halos lahat ng rounds sa lahat ng laban na iyon. Ibinibigay ko sa mga fans ang aksyon na inaasahan nila sa akin.” Binigyang-diin niya rin kung paano niya na-knock down si Algieri ng anim na beses noong 2014 kahit na ang kalabang Amerikano ay isang “runner.” Aniya, “Ang natutunan ko sa laban kay Juan Manuel

N

abawi na ulit ng Unibersidad ng Sto. Tomas ang tropeo ng pagiging 'overall champion' sa University Athletic Association of the Pilippines (UAAP) habang papalapit na ang pagtatapos ng Season 77. Tinalo nito ang defending champion na De La Salle University. Sa ulat ng gmanetwork.com, nagkaroon ng kabuuang 285 na puntos ang Growling Tigers sa tally, samantalang 279 na puntos naman ang Green Archers. Maaari na nilang ipagyabang ang kanilang ika-40 na titulo sa senior’s division. Tinapos ng UST ang season na ito nang may limang championship na pagkakapanalo. Ito ang Women’s Beach Volleyball, Men’s Taekwondo, Men’s and Women’s Judo, at Women’s Athletics. Runners-up rin sila sa limang event, kabilang na ang Men’s Beach Volleyball, Men’s and Women’s Tennis, at Men’s and Women’s Fencing. Sa kabilang banda, nanguna naman ang La Salle sa tatlong titulo-- Men’s and Women’s Table Tennis at Men’s Chess. Nagkaroon rin sila ng runners-up sa siyam na palaro, subalit hindi iyon sapat para mapanatili sa kanila ang kanilang titulo. Pangatlo naman ang Unibersidad ng Pilipinas sa kabuuan na nakakuha ng 236 na puntos. Sumunod ang Ateneo de Manila University na may 216 na puntos.


21 May 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

P

Carla Abellana pumirma na ulit ng kontrata sa Kapuso Network umirma na ulit ng panibagong tatlong taong kontrata si Carla Abellana sa GMA Network. Ayon sa aktres, hindi siya nahirapang pumirma uli ng kontrata sa Kapusao network dahil masaya gayundin ay at home siya rito. Aniya, base sa ulat ng gmanetwork.com, “Happy kasi I don’t see myself anywhere else. Ito talaga ‘yong home. Kumbaga, talagang I belong here. Nakakatuwa na seeing the same faces, laging naka-smile. Sabi ko, ito talaga ang makakatrabaho ko pa rin in the next three years. I’m happy, very happy.” At dahil nag-renew siya ng kontrata, isa na agad na teleserye ang sisimulan niya. Nais na niya itong simulan. Ayon kay Abellana, “Willing to work ako around this summer, mag-i-start na ako for drama pa rin, ‘yan din ang paborito ko.”

I

Melissa Mendez, naglabas na ng public apology

N

aglabas na ng public apology si Melissa Mendez sa businessman na si Rey Pamaran hinggil sa insidente kamakailan kung saan ang nasabing aktres ay pinababa sa eroplano ng Cebu Pacific na may biyaheng Manila-Pagadian. Sa kanyang Instagram page, ipinost ni Mendez ang kanyang public apology. Aniya, “In light of the recent incident that involved me and Mr. Rey Pamaran, I would just like to simply apologize for my untoward actions and move on from this. This incident has caused a lot of pain and trouble to me and my family, as well as the other party involved. "I am owning up to my mistake. No matter what the reason might be, I had no right to physically hurt Mr. Pamaran. Again, my deepest apologies to Mr. Pamaran and everyone else who have been affected by this." Noong nakaraang araw, nag-post ng open letter si Pamaran sa kanyang social media accounts na hindi na siya magsasampa

Pamilya ni Liezl Martinez, ginunita ang kaarawan ng namayapang aktres Marso 27 -- ito ang ika-48 na kaarawan ng namayapang aktres na si Liezl Martinez. Subalit, kahit wala na si Liezl ay hindi pa rin nakalimutan ng kanyang naulilang pamilya na batiin siya sa kanyang kaarawan sa pamamagitan ng pagpo-post ng mensahe sa Instagram. Ayon kay Albert Martinez, “#MyLiezl… happy birthday in heaven Mama.” Ayon naman sa kanyang anak na si Alyanna, “Hi Mama it is 4am on earth and I still cant sleep. Looking over all my collection of scrapbooks and reminiscing on all the good days with you. It would have been your 48th birthday today and I wish you were here to celebrate with us. I found this photo of us, this must have been during my 1st Easter Celebration around this same time 29 years ago. I miss you and love you so much. Please watch over us and protect us always.❤️ #HappyBirthdayMamaLiezl.”

ng kaso laban kay Mendez basta't aminin niya lang kung ano iyong totoo sa pamamagitan ng isang “genuine public apology.” Naulila ng nasabing aktres ang kanyang tatlong anak na sina Alyanna, Alfonso at Alyssa, ang kanyang asawa na si Albert, at ang kanyang mga magulang na sina Amalia Fuentes at Romeo Vasquez. Pumanaw ang nasabing aktres dahil sa sakit na breast at lung cancer.

Sexy actress Diana Zubiri, graduate na sa kolehiyo

B

ukod sa nalalapit na pagpapakasal, isa pang magandang pangyayari ang naganap kay sexy actress Diana Zubiri -- ito ay ang pagtatapos niya ng kursong Applied Arts major in theater sa Mirriam College sa Lungsod Quezon kamakailan. Ipinost ni Zubiri ang kanyang mga graduation pics -- kung saan, hawak-hawak ng 30-year-old na aktres ang kanyang college diploma at nakasuot ng toga. Nito lamang nakaraang buwan nang alukin ng kanyang boyfriend na si Andrew Smith, isang modelo, si Diana ng pagpapakasal. Ito ay kasabay ng kanilang pamamasyal sa Tokyo Sky Tree sa Japan. Mayo 10 nakatakdang mag-iisang-dibdib sina Smith at Zubiri.

Sarah Geronimo, Daniel Padilla, nanalo sa MYX Awards

dinaos nitong Marso 25, 2015 sa SM Aura Samsung Hall sa Taguig ang taunang MYX Music Awards, kung saan kinilala ang mga lokal na artista. Nanguna si Sarah Geronimo sa mga nagwagi na nakatanggap ng apat na tropeyo, kasama na rito ang unang gantimpala na Favorite Music Video sa kantang “Tayo.” Nanalo rin siya bilang Favorite Artist, Favorite Female Artist at Favorite Remake sa “Maybe This Time.” Samantala, nanalo rin ng dalawang parangal si Daniel Padilla. Ito ay ang Favorite Male Artist at Favorite Song para sa kanyang “Simpleng Tulad Mo.” Ang kanyang ka-loveteam na si Kathryn Bernardo ay nag-uwi rin ng Favorite Guest Apperance sa isang music video award. Si Gloc-9, ang nakaraang big winner, ay nakatanggap ng dalawang parangal--- ang Favorite Collaboration at Favorite Urban Video. Para sa kumpletong listahan ng mga nanalo, puntahan ang: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/03/25/15/sarah-g-daniel-padilla-win-big-myxawards

Heart Evangelista, hindi pa pwedeng mag-baby

M

asaya ang Kapuso aktres at maybahay ni Senator Francis Chiz Escudero na si Heart Evangelista sa bagong kabanata ng kanyang buhay. Excited daw siyang maging second mommy ng kambal na anak ng senador. Ibinahagi niya na gusto niya rin ng kambal na anak, subalit sa mga panahon ngayon ay hindi pa siya handa bilang maging isang ina. Aniya sa panayam ng gmanetwork.com, “At this point, I signed few contracts with commercials and I still have to do my part as artista and I want to plan first things but definitely around next year, I’ll give birth, get pregnant, embrace the different chapter of my life. But at this point, tuluy-tuloy ko lang muna ang mga kailangan kong gawin. I also have another soap coming up with Lovi Poe so kelangan ko ring paghandaan.” Kahit na nag-asawa na raw siya ay wala namang malaking pagbabago ang magaganap sa kanyang buhay-artista.


22 May 2015

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, nagkabalikan na nga ba?

M

ay mga usap-usapan na nagkabalikan na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, dahil sa mga larawang ipinost nila sa kanilang mga Instagram accounts. Ayon sa mga haka-haka, magkasama ang dalawa sa ekslusibong resort sa Balesin Island Club sa Polillo, Quezon noong nakaraang Holy Week. Noong Abril 3, nag-post si Jennylyn ng isang landscape picture na nagpapakita ng magandang tanawin sa nasabing resort. Kinabukasan, Abril 4, si Dennis naman ang nag-post ng isang magandang tanawin. At dahil dito, nabuo ang mga espekulasyong magkasama ang dalawa sa iisang lugar. Mas umigting pa ang mga agam-agam nang magpost ang aktor ng isang picture na may nakatalikod na babae na sa paghihinuha ay si Jennylyn Mercado nga. Taong 2010 nang maging magkarelasyon sina Mercado at Trillo, subalit matapos ang isang taon ay masalimuot silang naghiwalay dahil na rin sa pisikal na sakitan.

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Juris, emosyonal na ibinulgar ang pagdadalangtao sa concert

H

indi napigilan ni Juris Fernandez, dating bokalista ng bandang MYMP, na maging emosyonal nang ibulgar niya sa kanyang birthday concert na siya at ang kanyang apat na taong asawa na si Gavin Lim, ay magkakaroon na ng panganay. Naganap ito noong Marso 25, 2015 sa Teatrino Greenhills, San Juan City. Ayon kay Juris, “When I sing, it's not only singing. Somebody else is singing, inside me.” Dagdag pa niya noong magpalakpakan ang mga manonood, “I'm just happy to share to you. I want to take this opportunity to thank everyone who has been praying for us.” Aniya rin sa kanyang Instagram, naramdaman niyang “blessed and loved by everyone” siya ng lahat na dumalo sa kanyang concert. Pinasalamatan niya rin ang kanyang mga guest performer na si Aiza Seguerra at matagal nang kaibigan at talent manager na si Carlo Concio.

Tirso Cruz III, ibinulgar ang takot sa cancer

G

inanap ang ika-63rd na advance birthday party ni Tirso Cruz III noong Marso 28, 2015 sa Valencia Events Place ni Mother Lily sa Monteverde, Valencia St., Quezon City. Lubos ang kanyang pasasalamat noong araw na iyon dahil para sa kanya, iyon ang literal na “celebration of life” sa kadahilanang nagkaroon siya ng health emergency kamakailan lamang. Binasag na niya ang katahimikan hinggil sa pagkakaroon niya ng sakit noong nakaraang taon, kung saan sumailalim siya sa isang operasyon. Ayon sa kanya, base sa ulat ng gmanetwork.com, ayaw niyang nagpapacheck-up sa doktor kasi wala naman siyang nararamdaman. Subalit, suhestiyon ng isa niyang anak na magpatingin kaya pumayag siya. Napag-alaman na nasa stage 2 na ang cancer sa kanyang katawan. Sumailalim siya sa isang operasyon at matinding pagpapagamot. Matagal ang resulta ng ilang lab tests

pero sa wakas ay lumabas din ang mga ito. Ika ng kanyang doktor, “you are now 100 percent cancer-free.” Malaki ang pasasalamat niya sa Maykapal, sa kanyang pamilya at sa lahat ng kaibigan na sumuporta sa kanya noong mga panahong iyon. Balik na ulit sa dati ang buhay ni Tirso kaya nag-iingat na rin siya.

Ilang artista, nagbakasyon sa South Korea Megan Young, balik-

P

Kapuso na ulit

umirma na sa eksklusibong kontrata ang Miss World 2013 at Starstruck alumna na si Megan Young sa Kapuso Network noong Marso 31, 2015. Siya ay isa sa mga magho-host sa Kapuso talent reality show na Starstruck, ang show na siyang naging susi ng kanyang buhay-karera, ayon sa ulat ng gmanetwork.com. Kasama niya sa show na ito ang Kapuso aktor na si Dingdong Dantes. Labinlimang taong gulang noon si Young noong sumali siya sa second season ng show na ito noong 2005.

A

ng Mahal na Araw ay panahon ng pagninilay-nilay para sa mga Kristiyano. Subalit para sa ilan, panahon naman ito ng bakasyon at pahinga tulad ng mga personalidad sa showbiz. Karamihan sa mga ito ay pumupunta sa iba’t ibang lugar upang namnamin ang pahinga sa mga taping at pag-arte. Saan nga ba pumunta ang ilang artista nitong nakaraang Holy Week vacation? Dahil sikat na ang South Korea bilang isang magandang pasyalan, ito ang naging destinasyon ng ilang celebrities tulad ng mag-asawang Primetime King and Queen na sina Marian at Dingdong, Jodi Sta. Maria at LJ Reyes, kasama ang kanilang mga anak. Bukod sa mabilis na ang biyahe pagpunta rito, malamig rin ang klima kung kaya’t pansamantalang maiiwan at makakalimutan ang mainit na klima at buhay sa Pilipinas.

Yeng Constantino, masaya sa buhay may-asawa

I

sa si Yeng Constantino sa mga ikinasal na celebrity ngayong taon. At tulad ng karamihan, aninag pa sa kanya ang saya at excitement ng mga bagong kasal. Sa LinePH Launch party na naganap sa Gramercy 71, nahuli ng PEP.ph ang singer-songwriter at kinausap ito hinggil sa kanyang married life. Ani Yeng sa PEP.ph, “One month long married. Sobra, sobrang fun actually.” Noong tinanong siya ng PEP kung ano ang nakakapagpasaya sa kanyang buhay may-asawa. Sagot niya habang ngumingiti, “Sa akin, mas more of… ang nakita ko lang naman talaga na surprising is akala mo masaya ka na, may mas sasaya pa pala doon!” Dagdag pa niya, “So parang sobrang fun, and I'm really happy na kung sino yung nagiging ako in the process."

Kung dati raw ay sa magkahiwalay na bahay pa sila umuuwi, ngayon ay magkasama na. At tuwing umaga, pagkagising ay mukha ni Victor Asuncion ang nakikita niya. Natuto na rin umano siyang magluto at magligpit ng higaan.


23

May 2015

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Ilang Kapuso stars, Tres marias ang titingnan nati ang kani-kanilang mga Tweets. Naririto ang kani- inenjoy ang cherry kanilang mga top posts: blossoms

Twit ni Idol

Georgina Wilson (@ilovegeorgina)

D

ahil sa nabagong regulasyon ng Japan hinggil sa pagkuha ng visa ng mga Pinoy, naging isa na ito sa mga sikat na destinasyon ng mga bakasyunista -- kabilang sa mga ito ang mga artista na sinamantala rin ang Holy Week upang makapangpahinga. Dahil ang Japan ay karatig-bansa lang ng Pilipinas, mabilis lang ang biyahe papunta rito. Matatagpuan dito ang iba’t ibang magagandang tanawin, tulad ng mga sinaunang templo at mga modernong imprastraktura. At dahil kilala rin ito sa cherry blossom na nagaganap tuwing Marso at Abril ng taon, binisita ito ng mga artista upang i-enjoy ang pagsibol ng mga bulaklak. Kasama na rito sina Tito

Sotto at Helen Gamboa, Ruby Rodriguez at ang kanyang anak, Pauleen Luna at Vic Sotto, Joey De Leon, Anjo Yllana, Heart Evangelista and Chiz Escudero, at Allan K.

Willie Revillame, naghahanda na para sa Wowowin

Patuloy na nagiging laman ng Twitter account ni Georgina Wilson ang pagpo-promote ng Asia’s Next Top Model, kung

saan siya ang kasalukuyang host. Isinasakto ng modelo ang kanyang pagpo-promote sa mismong oras ng palabas. Mapapanood ang Asia’s Next Top Model sa StarWorld

cable channel. Sa palabas na ito, mapapanood si Georgina kasama ang isa pang kilalang modelo na si Joey Mead King at iba pang hurado para sa paghahanap ng bagong top

model sa Asya. Sa pinakahuling episode, natanggal na ang

contestants na sina Loretta Chow ng Hong Kong at Celine Duong ng Vietnam.

Pokwang (@pokwang27)

Ang pagpo-promote naman ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN ang huling tweets ni Pokwang. Ang Nathaniel ay kuwento ng isang anghel na ipinadala sa mundo para sa isang misyon. Ang bagong teleserye na ito ay halos kapareho ng iba pang palabas sa network na nagbigay inspirasyon sa mga manonood gaya ng “100 Days to Heaven,” “May Bukas Pa,” at “Honesto.” Ang palabas na ito ay pangungunahan ng bagong batang aktor na si Marco Masa, na nakasama rin sa cast ng “Honesto.” Bukod kay Pokwang, ang mga artistang mapapanood sa “Nathaniel” ay sina Coney Reyes, Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Jairuz Aquino at Freddie Webb.

B

umalik na sa Kapuso Network ang TV host na si Willie Revillame noong Marso 20, 2015. At dahil dito, magkakaroon na ng bagong tahanan ang game show nitong

Wowowin. Nitong nakaraang linggo lamang, ipinasilip na sa manonood ang studio kung saan ito gaganapin. Sa isang video post sa Instagram, makikita na uber hands-on ang TV host para sa kanyang programa dahil siya mismo ay nakikiisa at nangangasiwa sa pagbubuo ng set at studio. Naroon din sa paghahanda ang direktor na si Randy Santiago at ilang mga personalidad na

nasa likod ng nasabing game show. Hindi lamang studio ang ipinasilip sa mga nag-aabang na viewers, pati na rin ang jacket na ipapamigay ni Willie para sa segment na “Bigyan ng Jacket Yan.” Ayon kay Revillame sa gmanetwork.com, "Sa sampung jacket na 'yon, meron hong nakalagay du'ng cash o kung ano man. Pero, merong isang susi du'n, yung susi na 'yon, 'pag umandar yung sasakyan, iuuwi mo na 'yon.” Masayang dagdag niya, "Magbibigay kami ulit siyempre ng one million, magbibigay ulit kami ng sasakyan, house and lot. Kumpleto na, kumpletong-kumpleto na para sa isang buong pamilya.”

Coco Martin at Angel Loscin, magkakatrabaho na sa unang pagkakataon

Ruffa Gutierrez (@iloveruffag)

Ipinarating naman ni Ruffa Gutierrez ang lubos na pasasalamat sa mga taong sumoporta sa kanyang koleksyon na pinamagatang Love Collection 2. Ito ang pangalawang koleksyon ng mga bagong disenyo ng mga damit na inilabas sa market. Ang bagong koleksyon ay sa pakikipagtulungan ni Rajo Laurel, isa sa pinakakilalang Pilipinong designer. Sa bagong koleksiyon na ito ay isinama rin sa pagpapakilala ng mga damit ang kambal na anak ni Ruffa Gutierrez, Lorin at Venice. Ayon sa blog ng aktres, maraming tumangkilik at bumili ng mga limited edition na mga damit sa koleksyon. Mababasa rin ang ilang balita tungkol sa partnership na ito ni Gutierrez at Laurel.

Sundan sila sa Twitter at maging updated sa kanilang mga latest tweets hinggil sa kung ano ang latest sa kanilang mga buhay-buhay.

G

ustung-gusto ni Coco Martin na makatrabaho si Angel Locsin at sa wakas, ang dalawang awardwinning Kapamilya stars ay magtatambal na sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya. Sa isang interbyu sa ABS-CBN News, inamin ni Martin na matagal na nilang gustong magsama sa trabaho, subalit hindi nagtatagpo ang kanilang mga iskedyul. Aniya, “Sobrang excited ako kasi every time nagkikita kami ni Angel, lagi naming sinasabi na sana magkatrabaho kami kahit sa isang teleserye or sa pelikula. Hindi talaga magkatagpo yung

schedules namin. Sa pagkakataong ito, tinulungan kami ni Tita Malou (Santos) at ng lahat ng production ng ‘MMK’ na pagsamahin kami.” Dagdag pa niya, “Isa sa mga leading ladies natin sa Pilipinas si Angel na gusto ko talagang makatrabaho.” Maliban sa pagsasama nila ni Angel sa MMK, espesyal rin ang episode na iyon dahil ang kwento ay patungkol sa isa sa mga namatay na Special Action Force commandos sa engkwentro sa Mamasapano. Isa raw iyon sa mga hangad niyang kwentong maipalabas. Umaasa ang aktor na sa susunod ay mas malaking project pa ang kanilang gawin ni Locsin.


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.