Daloy Kayumanggi January 2014

Page 1

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Inspiring Global Filipinos in Japan

〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com

D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

Vol.3 Issue 31 January 2014

www.daloykayumanggi.com

DK CONTRIBUTION

Thoughts of Deportation

7

TRAVEL

Sakai ASEAN Week

SHOWBIZ Ang Pinaka sa 2013

15

21

REHABILITASYON, SINIMULAN NA

N

FIREWORKS OVER THE RAINBOW. Colorful fireworks illuminate the holiday celebrations in Tokyo around the Rainbow Bridge connecting Shibaura Pier and Odaiba. (Photo by Eman Guiruela)

aniniwala ang gobyerno ng Pilipinas na matatapos ang rehabilitasyon sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Yolanda bago matapos ang termino ni Pangulong Aquino sa taong 2016.

2013 YEAR-END SPECIAL REPORT:

M

asaya. Positibo. Masalimuot. Malungkot. Nakagagalit. Inspiring. Ganito ilarawan ang mga pangunahing balitang bumandera sa mga pahayagan at napanood ng marami nitong nakaraang taon. Ngunit, sa kabila ng mala-roller coaster na takbo ng mga pangyayari sa bansa, litaw na litaw pa rin ang katatagan o resiliency at bayanihan spirit ng mga Pinoy, saanmang sulok ng mundo.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma, Jr. sa pahayagang Manila Bulletin na may kakayahan administrasyon na maibalik sa dati ang mga komunidad sa Visayas. Sinabi rin ng gobyerno na gagawin nila Naririto ang ilan sa mga pangunahing balita ng nakaraang lahat upang mapabuti ang Disaster Manage- ang taon: ment and Response ng gobyerno, sa kabila ng mga Bayanihan Spirit, namayani sa gitna ng delubyo Isang matinding trahedya ang idinulot ng bagyong Yolanda negatibong kritisismo na kanilang nakukuha. Sundan sa Pahina 5

TIPS

2014 Year of the Horse

Region. Ngunit, sa kabila ng matinding epekto nito, litaw na litaw pa rin ang “waterproof Filipino spirit” ng mga Pilipino. Iba-ibang mga indibidwal, personalidad, organisasyon at bansa ang nagkapit-bisig tungo sa pagbangon ng mga Pilipinong nasalanta ng super bagyo. Sundan sa Pahina 5 Sundan sa Pahina 5

sa mga Pilipino, partikular sa mga kababayang nasa Visayas

10 - 11

KA-DALOY

D&K in Kumamoto

NTT CARD 1110

17

30MINS NA!!


2

January 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

PNoy, pinuri ang katatagan at pagiging positibo ng mga Pinoy sa Japan

T

umulak patungong Japan nitong Disyembre 12 si Pangulong Aquino, kasama ang may 57 miyembro ng delegasyon mula sa Pilipinas, para dumalo sa ASEAN-Japan Commemorative Summit. Sa isang panayam kay Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., ang pagdalo umano ng pangulo sa naturang summit ay inaasahang makakapagpalalim pa sa ugnayang sinimulan ng bansang Pilipinas sa Japan na isang “long-time ally and strategic partner in trade, tourism and labor.” Sa isang talumpati ng pangulo, binigyang-pugay niya ang “resiliency” at “positive attitude” ng mga Pilipino na napatunayan noon pa mang nakaranas ng trahedya ang Japan bunsod ng tsunami na kumitil ng libu-libong mga tao hanggang sa nakaraang unos na dinanas ng Pilipinas, bunsod ng bagyong Yolanda. “At ‘di po ba, noon pa man, sadyang ganyan na tayong mga Pilipino? Hindi nagpapatinag, anumang pagsubok ang iharap mo; bukal ng lakas at pag-asa, kahit saan pa mang sulok ng mundo,” ika ng pangulo. Inaasahan pa ring patuloy na tutulong ang Japan sa rehabilitasyon ng Pilipinas kaugnay ng super bagyo na tumama sa bansa.

$287 milyong pautang handog ng Japan kay PNoy sa kanyang Japan trip

Russia, tinanggal na ang travel ban sa Pilipinas

T

inanggal na ng Russian Federation ang travel ban para sa mga Russian citizens na nagnanais pumunta sa Pilipinas, maliban na lang sa mga lugar na higit na nasalanta ng bagyong Yolanda. Inanunsiyo ito ng Minister of Foreign Affairs ng Russia sa pamamagitan ng isang press release nitong Disyembre. Ayon pa rin sa anunsyo, ang sitwasyon ng Pilipinas sa Kabisayaan ay untiunti nang naaayos. Dahil dito, inabisuhan na ang mga turista na pwede na silang pumunta sa Pilipinas, partikular sa mga lugar ng Boracay, Cebu, Palawan at Bohol. Sinasabi naman ng Department of Foreign Affairs, batay sa ulat ng Manila Bulletin, na inaasahang dadami pa ang mga turista ng Russia sa Pilipinas, lalung-lalo na sa winter months. Ang pagtanggal ng travel ban ng Russia sa Pilipinas ay magdudulot umano ng positibong epekto sa bansa. Inaasahang darami pa ang mga turistang dadayo sa bansa sa pagsasara ng taon. Matatandaang iprinoklama ng naturang bansa ang ban noong Nobyembre 13, makaraang salantahin ng super bagyo ang Visayas region ng Pinas.

Nelson Mandela, namayapa na

I

tinuturing na positibo ang naging trip ni Pres. Benigno Aquino III sa bansang Japan. Isang dahilan ang pagpapautang ng bansang Japan sa Pilipinas ng may $287 million sa pamamagitan ng isang bilateral meeting sa pagitan ni PNOY at ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa mismong Official Residence sa Japan ng punong ministro. Base sa pahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, naririto ang laman ng “Exchange of Notes” ng dalawang pinuno: Post Disaster Stand-by Loan ($100 million); MultiResponse Vessels for the Philippine Coast Guard ($187 million); at Revised Route Schedule on the Philippines-Japan Air Services Agreement. Dumalo rin ang pangulo, kasama ng kanyang delegasyon, sa Japan-ASEAN Commemorative Summit sa Tokyo.

PNoy, nakiharap sa Filipino Community sa Japan

A

ma ng demokrasya. Ito ang taguring ng mga tao kay Nelson Mandela, ang unang itim na presidente ng bansang South Africa na namayapa na nitong Disyembre 6 sa kanyang tahanan sa Johannesburg. Sa edad na 95, namatay umano ang dating presidente dahilan sa lung infection, ayon sa kasalukuyang presidente ng bansa na si Pres. Jacob Zuma. Matatandaang si Mandela ang sinasabing pumutol sa white rule sa bansa matapos siyang ideklarang presidente sa 1994 first fully democratic elections. Bago nito, 27 taong ikinulong ang South African leader. Taong 1999 nang matapos ang kanyang termino at tuluyan na nga niyang iwanan ang mundo ng pulitika.

Mga Pinoy teachers, lecturers kakailanganin sa bansang Papua New Guinea

D

isyembre 2013 Tokyo, Japan--Naging matagumpay ang apat na araw na opisyal na pagbisita ng Pangulong Aquino sa Tokyo bilang bahagi ng ika-40 na anibersaryo ng samahang ASEAN-Japan. Bukod sa pagpupulong kasama ang iba pang lider ng iba't ibang nasyon sa Timog-Silangang Asya, nauna ng kinaharap ng pangulo ang Filipino Community na dinaluhan ng lider ng mga Pilipinong komunidad sa buong Japan na ginanap sa Olympic Youth Center, Yoyogi, Tokyo. Isa mga naging highlight ng pakikiharap ng pangulo sa Fil Com ay ang pagtanggap niya ng Y1M donasyon mula sa kinita noong nakaraang Barrio Fiesta 2013 na ginanap sa Yamashita Park, Yokohama. Ilan pa sa mga naging gawain ng pangulo ay ang pagtanggap niya ng honorary Doctor of Laws ng Sophia University kung saan pagkatapos ay nakipagkita siya kay Prime Minister Shinzo Abe ng Japan para sa isang working lunch. Ginamit rin ng pangulo ang kanyang pagbisita sa bansa para makapanayam ang business leaders ng Japan para hikayatin silang mamuhunan sa Pilipinas. (ulat ni Mario Rico Florendo, litrato kuha mula Official Gazette of the Republic of the Philippines FB Page)

P844,144 hanggang P758,224 kada taon. Ito ang taunang kikitain umano ng mga Pinoy teachers at lecturers na madedeploy sa bansang Papua New Guinea sa ilalim ng pinirmahang bilateral agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng PNG. Inihayag ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na pangunahing hinahanap ng bansa ang mga guro sa Physics, Biology, Architecture, Civil at Electrical Engineering, Management, Economics at marami pang iba. Mismong mga representatives umano ng PNG Department of Education ang pupunta sa bansa para mainterbyu ang mga aplikante. Tutulong ang naturang bansa sa pagpoproseso ng mga working visas sa mga papalaring gurong makakapasa sa interbyu. Tinatayang 81 guro umano ang maide-deploy sa bansa.


3

January 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Jordanian Journalist, nakalaya na mula sa kamay ng Abu Sayyaf

H

umigit-kumulang isa at kalahating taon din ang binuyo ng Jordanian journalist na si Baker Atyani bago siya nakalaya sa kamay ng mg Abu Sayyaf. Ayon sa ulat ng Al Arabia News Network, sinasabing pinalaya ang Jordanian journalist. Ngunit, pinabulaanan naman ito ng journalist. Ayon sa kanya, nakatakas umano siya mula sa mga rebelde. Si Atyani ay nakilala dahil sa kanyang interbyu kay Osama Bin Laden, ilang buwan bago ang karumaldumal na pag-atake sa Twin Towers sa Amerika ng Setyembre 11, 2001. Batay sa mga ulat, nabihag umano si Atyani ng mga Abu Sayyaf noong Hulyo 2012, kasama ang dalawang mga Pilipino, habang sila ay nagsu-shoot ng isang dokumentraryo hinggil sa bandidong grupo. Nauna nang nakatakas ang dalawang Pilipino. Sa mga naunang panayam sa dalawa, iginiit nilang walang bayarang naganap. Napaiba lamang umano sila ng landas limang araw matapos silang gawing bihag ng mga bandido. Binigyan ng stress de-briefing at medical checkup si Atyani sa Patikul, Sulu.

#RELIEFPH Bagyong Yolanda Updates Sun at Smart, naibalik na ang network services sa mga probinsyang sinalanta ni Yolanda

N Sa kabila ng paghina ng piso... BSP, hindi natatakot E xternal development ng bansa ang itinuturing na dahilan ng paghina ng piso sa mga nakaraang araw. Ngunit, ayon sa central bank chief, hindi umano ito senyales para sa mga investors na humihina na ang ekonomiya ng Pilipinas. Ayon sa Gobernador ng Banko Sentral ng Pilipinas, si Amado M. Tetangco, sa panayam ng Inquirer: “The peso weakness over the past couple of days is partly due to real demand for specific import requirements and partly due to some portfolio adjustment of funds in reaction to US Fed tapering concerns.” Iginiit pa ni Tetangco na hindi umano makikialam ang mga monetary officials sa paggalaw ng piso sa merkado. Makikialam lang umano sila kung kinakailangan. “We are closely monitoring developments and, as is our policy, will maintain a strategic presence in the market as needed to curb excessive volatility in the foreign exchange movements,” dagdag pa ni Tetangco. Sa mga nakaraang araw, umabot pa sa P44 kada $1 sa unang pagkakataon ang palitan sa loob ng tatlong buwan.

aibalik na ang serbisyo ng Smart Communications, Inc. at Digital Mobile Philippines o Digitel sa mga lugar na nasalanta ng super typhoon Yolanda sa Visayas. Hindi maikakaila na sobrang daming establisyemento ang nasira dahil sa lakas ng nakaraang bagyo, na naitala bilang isa sa limang pinakamalalakas na bagyo sa buong mundo. Kasama sa mga nasira ay ang mga network service facilities na nagresulta sa kawalan ng telephone at cellphone signals sa mga lugar na dinaanan ng bagyo. Ayon sa ulat na isinumite ng National Telecommunications Commission, nakumpleto na ng dalawang kumpanyang nabanggit na ang pag-aayos ng serbisyo. Kabilang sa mga probinsiya at siyudad na naibalik na ang network services ay ang Aklan, Bohol, Biliran, Cebu, Capiz, Guimaras, Eastern Samar, Leyte, Negros Oriental, Negros Occidental, Iloilo, Western Samar, Northern Samar at Southern Leyte. Tumulong umano ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa pagaayos ng kanilang mga pasilidad, ayon sa pamunuan ng dalawang kumpanya.

Climate Executive: Kailangan paghandaan ang Global Warming

Gag Order; ipinag-utos ng Tax Court sa kampo nina Pacquiao at BIR Chief Henares

N

aghain ang Court of Tax Appeals (CTA) ng isang gag order sa kampo nina Manny Pacquiao at Bureau of Internal Revenur (BIR) Chief Kim Henares. Ito’y naglalayong matigil na ang patuloy na bangayan sa pagitan ng dalawang kampo. Nag-ugat ang naturang palitan ng mga salita sa pamamagitan ng midya matapos umanong ipag-utos ng BIR na i-garnish ang mga bank accounts ng boksingero bunsod ng hindi umano nito pagbabayad ng karampatang buwis mula sa kanyang mga kinita pagboboksing mula 2008 hanggang 2009. Depensa ng boksingero na nagbayad umano siya ng buwis sa Estados Unidos. Ayon naman sa BIR, hindi nakasumite ng mga tamang dokumento si Pacquiao kaya sila naghain ng garnishment sa kanyang mga ari-arian. Dahil sa iringang ito, iniutos ni CTA First Division judge Roman del Rosario na itigil na ng bawat kampo ang pagsasalita hinggil sa kaso sa midya, sa pamamagitan ng isang pag-i-isyu ng gag order.

N

anawagan kamakailan si Climate Executive Commissioner Naderev Saño na kinakailangan na ng Pilipinas na paghandaan ang Global Warming. Ito’y sa pamamagitan umano ng paglulunsad ng ligtas, mayaman at hindi natitinag na mga komunidad gamit ang Comprehensive Land Use Policy. Kasama ng iba pang mga advocates, isinusulong ni Saño ang pagpapasa sa isang batas na nagtatakda sa paggamit ng nationwide land use plan na magkakategorya sa iba’t ibang erya sa apat: protection, production, settlements at infrastructure. Matatandaang sinisi ni Saño ang global warming sa paghagupit ng bagyong Yolanda sa bansa. Marami ang naantig sa kanyang talumpati. Ito rin ang naging dahilan para masimulan ang isang mekanismo tungo sa paglikom ng $100 bilyong loss-and-damage na pondo para matulungan ang mga bansang hinagupit ng matinding kalamidad, kagaya ng Pilipinas kamakailan. Layunin ng panukala ng Commissioner na maging lider ang Pilipinas sa mga bansang handang labanan ang Global Warming upang makaiwas sa mga matitinding kalamidad.


4

January 2014

Global Filipino

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

mas makakaya din ng iba. Marami rin naman ang tumuligsa sa litratong ito dahil sa umanoy ito'y isang bullying o pang-aapi sa mga kababaihan na nahihipang pumayat. Inakusahan din ito na isang uri ng fat-shaming kung saan ikinahihiya ang pagiging mataba. Sa aking tingin, ang reaksyon ng nakakakita sa litrato ay repleksyon ng sariling asal at pananaw sa buhay, hindi ng kung ano ang tama o mali ayon sa lipunan. Kung ang iyong etika ay mas higit sa pagkakaroon ng freedom sa pagpili kung ano ang gusto sa katawan, ang larawan ay simbolo na kung ano ang iyong gusto, ito ay magagawa. Kung ang iyong pananaw naman ay naka sentro kung papaano maging malusog ang pangangatawan, ang litrato ay nakaka-inspire na gawin ang iyong mga plano. Ah bagong taon na pala, panahon na sa paggawa ng New Year’s Resolution. Teka teka, bago ka gumawa ng iyong 2014 New Year’s Resolution, kamusta ang iyong dating resolution? Kopya lang ba ang iyong 2013 resolution mula sa 2012? Na kopya din sa 2011? Aba sana naman hindi rin kopya ang 2014. Kung sakaling paulit ulit lang ito, ang higit na mas mahalaga ngayon, ka-Daloy ay masuri ng masinsinan kung bakit hindi mo pa rin nagagawa ang iyong mga plano. Busy ba kamo? Busy sa ano? Lahat ng tao patas kung ang pag-uusapan ay oras. Lahat ng tao, maging presidente man ng isang bansa,

o kaya manggagawa sa pabrika, pareho at pantay sa larangan ng oras. Mayaman o mahirap man, lahat tayo ay may 24 oras lamang. Samakatuwid, kung ang presidente ay kayang ipasok sa schedule ang dami ng mga appointment, magagawa din natin ito. Kung iisiping mabuti, kapag sinabihan ka ng isang tao na hindi siya makapagkita sa iyo dahil busy siya ay nangangahulugan na may mas mahalaga itong gagawin. Kung kaya wag sabihin na busy, sabihin ang tunay na dahilan gaya ng may nauna ng appointment, may naka schedule na trabaho. Hindi dahil sa rason na ikaw ay busy, hindi lang naman ikaw ang busy, lahat tayo ay busy. Ang bagong taon ay hindi lamang pagpapalit ng taon, mula sa 2013 sa 2014. Ang bagong taon ay simbolo rin ng panibagong buhay. Kalimutan ang mga nakaraan, magsimula ulit ng bago. Iyan ang tunay na mithiin ng selebrasyon ng bagong taon. Ang ipasalamat ang mga naging tagumpay natin sa nagdaang taon at kalimutan ang mga nagdaang pagsubok. Higit sa lahat, ito ay ang panahon upang maevaluate kung bakit ang mga ninanais natin, o pangarap natin, ay patuloy na pangarap lamang. Bagong taon na naman ka-Daloy, ano ang excuse mo? ########

nirerecognize ang ibang batas at desisyon ng korte ng ibang bansa. Kung hindi napatunayan o napresenta sa korte ang English Translation at authenticated divorce law ng Ni Atty. Marlon P. Valderama bansa ng foreigner o ang testimoniya mula Email: attyvalderama@gmail.com sa Embassy ng bansa ng foreigner upang Facebook Page: https://www.facebook.com/E.Lawyers.Online magbigay ng evidence sa mga nasabing divorce, ang doctrine of processual presumption ay mag-apply kung saan ang korte ng Pilipinas ay magpresume na ang batas sa bansa ng foreigner ay katulad ng batas sa Pilipinas. Kung kaya ang hindi pagpresenta ng nasabing divorce law o expert witness sa proseso ng judicial recognition of forng Judicial recognition of of foreign divorce ay required under NSO eign divorce ang nagdudulot ng pagkadisf o r e i g n d ivo r c e ay i s a n g Circular No. 4, series of 1982, and Departmiss nito. proseso sa korte ng Pilipinas ment of Justice Opinion No. 181, Series kung saan pinapatunayan na of 1982 at kung wala nito ay considered ang Foreigner ay kumuha ng divorce na valid pa rin ang marriage ng Filipino sa bansa niya at ito ay valid ayon sa spouse at hindi siya pwede magpakasal. National Law ng Foreigner at ito ay Ang pagrerehistro ng copy ng divorce nagbibigay ng karapatan sa Foreigner decree sa Philippine Local Civil Registrar at sa naiwang asawa na Filipino na magay hindi sapat para mawalan ng bisa ang asawa muli. nasabing kasal dahil kailangan patunayan Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers sa korte, sa prosesong judicial recognition Online kung paano ba magagamit muli ng of foreign divorce, na valid ang divorce na isang Filipino ang kanyang apelyido sa pag- kinuha ng foreigner in accordance with his kadalaga pagkatapos niya na ma-divorce national law. ng asawang foreigner. Sapat na ba ang Ang judicial recognition of foreign dipagrereport ng divorce sa National Statisvorce ay isang proseso sa korte kung saan tics Office (NSO) upang makapag-asawang patutunayan ng asawang Filipino na siya ay muli ang asawang Filipino? kasal sa isang foreigner, na ang foreigner Ano ba ang proseso ng judicial recogni- ay kumuha ng divorce sa kanyang bansa at tion of foreign divorce? Ano ang pinapa- ang nasabing divorce ay valid under the natunayan dito? tional law ng nasabing foreigner. Kung kaya isa sa mga evidence na pinepresenta sa Nasa Article 26 ng Family Code na kung korte ay ang English Translation at authenang kasal ay naganap sa pagitan ng foreignticated divorce law ng bansa ng foreigner o er at Filipino at ang foreigner ay kumuha ang testimoniya mula sa Embassy ng bansa ng divorce sa bansa niya na nagbibigay ng ng foreigner upang magbigay ng evidence karapatan na mag-asawa muli, ang Filipino sa mga nasabing divorce dahil ang batas ay may karapatan na mag-asawang muli sa ibang bansa (foreign law) at ang mga ngunit kailangan muna niya na magfile ng decision ng korte sa ibang bansa (foreign judicial recognition of foreign divorce sa judgment) ay kailangan patunayan bilang korte sa Pilipinas. Ang judicial recognition facts dahil ang korte sa Pilipinas ay hindi

Sa kasong nadesisyonan ng Korte Suprema sa Corpuz vs. Sto. Tomas, [G.R. No. 186571, August 11, 2010], sinabi dito na ang karapatan na magsampa ng judicial recognition of foreign divorce ay nasa Filipino spouse at walang right ang foreigner spouse na magsampa nito.

DEAR KUYA ERWIN

NI ERWIN BRUNIO

Mobile: 090-6025-6962 Email: erwin@daloykayumanggi.com Facebook: www.facebook.com/ebrunio Twitter: DaloyJapan Line: erwinbrunio Linkedin: erwinbrunio

ANO ANG EXCUSE MO?

S

a nagdaang taong 2013, naging mainit na usapin sa Facebook ang isang litrato. Sa litratro nakasulat ang katagang “what’s your excuse” (ano ang iyong rason) habang pinapakita ang isang naka bikini in red na super hot mama, at ang kanyang tatlong mga anak. Sa huling bilang, may 5136 likes, 1369 shares at 1347 shares na ito. Marami sa mga nag-like at nagkomento ay nagpahayag ng paghanga sa hot mama, at naging inspirasyon sa iba na gawin ang nais gusto nila at huwag humanap ng palusot. Naging isa itong halimbawa upang bigyan ng panahon ang sarili, lalo na ang kahalagahan ng pang-iingat sa kalusugan, kahit pa ano pa ang sitwasyon o kundisyon sa buhay. Kung nakaya nga naman ng isang mama na may buhayin ang tatlong anak at asawa (na hindi makapagtrabaho dahil sa isang aksidente),

LEGALLY YOURS

J UDICI A L R E C O G NI T IO N OF FOREIGN DIVORCE, ANO BA ITO?

A

Ang larawan ay mula sa www.facebook.. com/MariaMKang at kuha ni Mike Byerly

Ang kasal sa Foreigner ay mananatiling may bisa hanggang walang desisyon ang korte sa Pilipinas sa judicial recognition of Foreign divorce dahil ang pagrerehistro sa Philippine Local Civil Registrar ng divorce na kinuha ng Foreigner spouse sa kanyang bansa ay hindi sapat upang mawala ang bisa ng kasal niya sa Filipino spouse.


Daloy Kayumanggi

Balita

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Mula sa Pahina 1

Pork Barrel scam, nabuking ng publiko Isa rin sa mga pinakamatunog na kontrobersiyang bumalot sa mundo ng pulitika sa bansa ay ang pagkakadawit ng ilang mga malalaking personalidad hinggil sa multi-billion peso Pork Barrel Scam. Ito’y matapos idiin ng kanyang mga dating kasamahan ang mayamang businesswoman at itinuturing nga na “Pork Barrel Queen” na si Janet LimNapoles. Nadawit sa naturang scam umano ang malalaking pangalan, kagaya nina Senador Bong Revilla, Senator Jinggoy Estrada at Senator Juan Ponce Enrile. Supreme Court, idineklarang unconstitutional ang PDAF Labing-apat na mga hurado ng Supreme Court ang bumoto laban sa legalidad ng kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF). Ito’y bunsod na rin ng pagputok ng kontrobersiya hinggil sa maling paggamit umano ng naturang pondo ng gobyerno ng ilang mga lawmakers. “This decision is immediately executory but prospective in effect,” ang pahayag ng SC sa pamamagitan ni Associate Justice Estela Perlas-Bernabe. Election 2013, generally peaceful Sa kabila ng ibinatong kritisismo, ipinagmalaki pa rin ng Commission on Elections (COMELEC), sa pamumuno ng chairman nitong si Sixto Brillantes, ang nakaraang midterm election nitong Mayo 13. Sa termino ni Brillantes, “generally peaceful” umano ang pagdaraos ng nakaraang halalan kumpara sa Halalan 2010. Ito ay ayon sa mga natanggap na iba’t ibang report ng COMELEC mula sa iba-ibang panig ng bansa. Ganda at Galing ng mga Pinay, kinilala sa buong mundo Maganda rin ang 2012 para sa mga Pinay beauty queens, dahil dalawang beses na nakasungkit ang Pilipinas ng korona pagdating sa mga timpalak sa pagandahan. Itinanghal ngang Miss Supranational si Mutya Datul at Miss World naman si Megan Young. Samantala, 3rd Runner-up naman sa Miss Universe si Ariella Arida. Inaasahang mauulit muli ng bansa ang performance nito sa mga international beauty contests sa susunod pang mga taon.

5

January 2014

Investments mula sa Japan, inaasahan sa hinaharap

I

niulat ni Manuel Lopez, Philippine Ambassador para sa Japan, ang posibilidad ng pag-invest ng Japan sa Pilipinas sa hinaharap matapos sumunod ang huli sa pamantayan sa paggawa ng digital television. Ayon sa ulat sa Philippine Star, nakikinita ni Lopez na ilang kumpanya sa Japan ang maaaring magtayo ng pasilidad dito sa Pilipinas para sa paggawa ng ilang kagamitan na madalas ginagamit sa makabagong telebisyon. Dahil dito, inaasahang magkakaroon ng dagdag na trabaho para sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa industriyang ito. Ilang buwan na ang nakalipas nang ibalita ni Herminio Coloma ,Jr. ng Presidential Communications Operations Office na inumpisahan na ng Pilipinas ang paggamit ng standard na Integrated Service Digital Broadcasting Terrestrial (ISDB-T) mula sa Japan. Ang standard na ito ay gagamitin din sa paggawa ng iba’t ibang electronic devices gaya ng portable devices at iba pa.

Bilateral Agreement, nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Myanmar

K

asabay ng tatlong araw na pagbisita ni Myanmar President Thein Sein sa Pilipinas nitong Disyembre, nilagdaan ni President Benigno Aquino III ang ilang bilateral agreements sa pagitan ng Pilipinas at Myanmar. Ayon kay Pangulong Aquino, tutulong umano ang bansa upang mabuksan ang isipan ng mga mamamayan ng Myanmar tungo sa demokrasya. Ang karanasan umano ng Pilipinas noong 1980s, kung saan dumaan ito sa transisyon mula sa authoritarian rule patungong demokrasya, ay maaari umanong makatulong sa bansang Myanmar. Gayundin, nag-alok ng tulong si Aquino sa Myanmar para mapagtibay ang human rights commission ng bansa at para mabigyan ng training sa

pagnenegosyo, agrikultura, pangingisda at turismo ang mga mamamayan ng Myanmar. Ilan pa sa mga napagkasunduan ng dalawang pangulo ay ang maaaring pagpunta ng mga turistang Pinoy sa Myanmar nang walang Visa, usapin hinggil sa renewable energy at usapin hinggil sa peace efforts sa mga rebeldedeng grupo sa kani-kanilang pinamumunuang bansa. Pinuri rin ng pangulo ang iba’t ibang democratic reforms na nangyayari sa Myanmar sa kasalukuyan. Ito ang unang beses na pagbisista ng Myanmar President sa Pilipinas. Isa pang naging layunin ni Thein Sein ay ang tumulong sa mga naapektuhan ng hagupit ni Yolanda sa parteng Kabisayaan.

Mula sa Pahina 1

Itinalaga ng gobyerno si dating senador Panfilo Lacson bilang tagapangasiwa sa rehabilitasyon sa mga nasalanta ng bagyo, dahil tiwala umano ang gobyerno sa kanyang kakayahang matapos ang trabaho. Ang gobyerno ay nagsabi na kakailanganin ng halos P40 billion na bankroll para sa pagggawa ng mga proyekto sa mga lugar na dinaanan ng bagyo. Ang pondo ay gagamitin sa paggawa ng mga daanan, tulay at mga pampublikong imprastraktura. Layon din ng pondo na mabigyan ang mga tao ng mga panghanap-buhay, mga lokal na pasilidad at serbisyong pampubliko.

FREE NEWSPAPER Tawag lamang sa 090-1760-0599


6

January 2014

Editoryal

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Lessons from 2013, Daloy Kayumanggi Wisdom of 2014 Inspiring Global Filipinos in Japan

Publisher: D&K Company Ltd Editor: Mario Rico Florendo marioflorendo@daloykayumanggi.com 090-1760-0599 Sales and Marketing: Erwin Brunio (English,Tagalog) erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@daloykayumanggi.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnist: Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph

Aries Lucea Pido Tatlonghari Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.daloykayumanggi.com

www.facebook.com/daloykayumanggi

“Learn from yesterday, live for today, hope for tomorrow” - Albert Einstein

M

araming iba’t ibang bagay ang nangyari sa taong 2013 na naitala hindi lamang sa pahina ng kasaysayan kundi tumatak sa isipan at alaala ng lahat ng mga Pilipino. Mula sa gulo sa Sabah hanggang sa pagkakalagda ng Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB) at muli sa sigalot sa Zamboanga; sa sunod-sunod na positibong credit rating upgrades na natanggap ng Pilipinas mula sa Fitch Ratings, Moody’s at S&P, hanggang sa halos magkakasunod ring panalo ng Pilipinas sa mga international beauty pageants na pinangunahan ng pagkaka-korona kay Megan Young bilang bagong Ms. World, at sinabayan pa ng runner-up finish ng Team Gilas Pilipinas para muling ibalik ang bansa sa mapa ng world basketball; at siyempre, hindi matatapos ang taon kung hindi babalikan ang hindi magagandang balita na

gumimbal sa bansa mula sa kontrobersya ng PDAF kung saan naging bukambibig ng lahat ang pangalang Napoles hanggang sa mga natural na kalamidad tulad ng lindol na tumama sa Bohol at Cebu at sa super typhoon na nagdulot ng malaking pagkasira ng mga ari-arian at pagkawala ng buhay sa Leyte, Samar at iba pang bahagi ng Kabisayaan.

Sa mga pangyayaring ito at sa pagharap ng bansa sa panibago na namang taon, hindi maiaalis sa mga Pilipino ang magtanong kung kailan nga ba talaga matatapos ang gulo sa Mindanao; gayundin, marami ang umuusisa kung kayang masustina o mapantayan ng bansa sa taong 2014 ang mga tagumpay na natamo ng Pilipinas; at huli, ang taong bayan ay umaasa kung kailan masusulusyunan ang problema ng korupsyon sa bansa maging ang akusasyon ng mabagal na pagtugon lalo na sa panahon ng mga sakuna at kalamidad. Mula sa mga ito, ano nga ba ang maaaring matutunan ng

Tokyo Boy By: Mario Rico Florendo mrico.03@gmail.com

ating mga lider sa mga nangyari noong 2013 na pwede nilang magamit sa pagpapatakbo ng bansa sa 2014? Anong mga aral ang maaaring magamit nating mga Pilipino sa pagharap ng bagong taon? Bukod sa mga tanong na ito, isa pang mahalagang dapat isapuso ay ang patuloy na pag-asa na ang bawat bagong taon ay ang taon kung saan maaaring makapagsimula ng magandang pagbabago tungo sa pagresolba ng mga problema ng bansa; na ang 2014 ay maging senyales ng bagong buhay para sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo, lindol at super typhoon; at ang taon ng kabayo ay tuluyang makapagbibigay ng kapayapaan sa buong bansa. Maligayang Bagong Taon sa lahat at mabuhay ang Pilipinas!


Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

M

DK CONTRIBUTION

ni Joseph C. Pangket (Gifu-ken, Kani-shi )

y entry to Japan as long term resident was met with a big surprise after 15 minutes of weird thoughts while experiencing strange feelings because of the thought of being deported right there and then at the Airport of Nagoya. Unaware that while waiting, reminiscing the past travels and sometimes tormenting, it was the residence card that was being processed. On September 1, 2013, four days before my visa expires, I entered Japan through the Nagoya International Airport. Around 10 minutes after disembarking from the plane, I submitted my travel documents to the Immigration Inspector in one of the inspection booth for foreigners. The inspector took my finger print through the biometric system then made some notes after which he called the attention of another officer who just finished assisting another traveller. He handed my travel documents plus the form which he filled up. The two officers conversed in Nihongo for about half minute after which I was guided to the waiting lounge in front of their office. Right there, I began worrying. Since I could not speak nor can I understand Nihongo, neither could they speak English so I just followed the sign languages supported by some English words of the attending officer. I was asked to take my seat and wait for some minutes. As soon as I took my seat, my mind run wild while worried that there might be problem with my travel documents, my visa perhaps or my certificate of eligibility. But it is very clear in my visa that I will enter as long term resident and the expiry date of the visa is September 4. So, would it be my checked-in luggage that contains some preserved food such as the 5 kilograms smoked pork (etag in the Igorot language) that is problematic? Would I be deported because of that? It is possible that deportation may occur at any moment. It would be a worst and definitely the saddest and worst overseas travel experience I may undergo but it could be the most unforgettable. Ahhh, just relax Jo. Whatever! I suddenly uttered with a little loudness that caught the attention of a group of male Filipinos seated 3 meters away and who were busy filling up forms. I realized that it was a deafening silence across the lounge. My mind continued thinking and singing the tune of that popular song Que sera sera, “whatever will be will be the future is not ours to see … to overcome the self-pity that was about to engulf my inner feelings because of the thought of the possibility of my mission to find greener pasture in the land of the rising sun (Nippon) being shuttered by deportation. And the possibility of being charged of smuggling 5 kilos of oishii (delicious) etag – a delicious porky foodstuff of the people from the Mountainous region of the Northern Philippines. Hai, should it happen, it would be an unforgettable and very shameful involvement? Iie, it is not, it would be far better than being charged in court or imprisoned because of trafficking just a gram of illegal drug for example. The charge would be very funny and it would be a joke if ever it happens that I would be deported because of traveling across borders with luggage filled with real harmless pork. It is definitely unlike the shameful pork barrel system attached to Philippine politics in which shameless politicians particularly the congressmen and senators that are engaged in can qualify as crime against the people!

7

January 2014

In an effort to stop thinking creepy things, “look around Jo” I whispered, and “see the modern superstructures of the building, the orderliness all across the hallway and the airport lobby as well as the airport personnel in uniform bowing their heads and smiling at every traveller coming in. It was an awe-inspiring sight. While Filipinos are known for their hospitality, I could hardly recall any splendid smiles or polite gestures from any NAIA personnel during my previous arrivals and departures. Every airport personnel that passed in front of me bowed, some with polite words like “konbanwa.” At least I understood what it means, good afternoon. Pleasant gestures that helped eased the negative thoughts agitating my weary mind. While such amusing spectacle momentarily hide my fear of being turned back to the Philippines, it made me recollect some of my unforgettable experiences as well as the unpleasant observations in some international airports in Southeast Asia that includes NAIA, the behemoth and sprawling Suvarnabhumi International Airport in Bangkok, Thailand and the two small international airports of Cambodia (in Siem Reap and in Phnom Penh). It also brought me back to my brief romantic farewell at the Narita International Airport in Tokyo 22 years ago. I vividly reminisced that moment when I was surprisingly astonished by the last minute farewell gesture of the pretty Japanese girl, an interpreter I befriended during the last days of the 18th SSEAYP (Ship for Southeast Asian Youth Program –1991) that I participated. She removed her right earing made from genuine pearl and handed it to me as remembrance. I was very much amazed at that time. With that romantic scene in the past on my mind, my worries on the possibilities of turning back was totally erased especially when it continued pondering on the ensuing event like the sweet farewell kiss and tight embraces on that send-off hour at the departure area of the famed Narita Airport. Exactly 15 minutes in waiting, travelling down memory lane ended as well as the tormenting feelings when two immigration officers with reassuring smiles came out of the immigration office, one holding a passport and an ID. Hai! A residence card with my photo! The officer immediately tendered the passport and the ID while speaking in Nihongo which I could hardly understood. “HAI! Arigato, Arigatou, doomo arigatou, thank you so much” were the only parting words that I could utter as the feeling of jubilation and excitement supplanted the worries. The only phrase or words from the Japanese handing the card and passport that was clear to me were “kore wa,” “paspote” which I understood as passport and kaliwa. ”Hai, oo nga daan ako sa kaliwa, tama! Left side yung direction na itinuturo nong isa,” I thought - as the other simultaneously extended his left hand at the direction where I will take an exit from the Nagoya airport to finally enter Japan. Hai, its definite, no turning back! I was just admitted as resident of Japan! Those 15 minutes of waiting for the production of a residence card filled with personal profile and a photo was astonishingly surprising. It was my biggest surprise from the land of the rising sun which I never had in my native home – pearl of the orient seas. How I wish the agencies of our government back in the Philippines will also have that quickness and swiftness in producing our IDs – the SSS ID, Postal ID, licenses, etc. so as to avoid tormenting their clients up to more than a year in waiting.


8

January 2014

Global Filipino

ahon Nung ako ay bata pa, pan Disyembre para sa akin. ang a dal na h magrus 'y line ako ay ibang adrena at ninang. Nung regalo mula sa mga ninong a mg ng p gga hiyo, tan ole pag at g-k ito ng karoling barkada. Nung ma as party at mga lakad ng sm kri a mg ng ko. ito Pas n ng aho highschool, pan videoke sa pagsapit n at walang humpay na ma inu a mg ng ang ito an an panregalo nam sinalubong ko nam malls para makakuha ng ang pakikipagsiksikan sa na, ad aed kak nag dyo as. me pin Ngayong diriwang ng Pasko sa Pili ang nakagisnan kong pag naging kaugalian ko. Ito g ng mga illuminations sa ng Disyembre ng liwana n aho pan ang ay ong lub asa brations, o di kaya naman Dito naman sa Japan, sin kai o end of the year cele nen bou g bin i-ga gab ko, a ng mg ang kikitain naisip bawat sikat na pasyalan, ko sa baito!). Oo sayang itanong niyo pa sa boss , (oo o bah tra sa iyon ang w ing ara normal na n noong mga gab hindi ang lamig ng panaho na ko ili sar sa rin nag-iisa o kasama t, ko k gko pero itinata ngin ang Pasko ng malun ubu sal at ng wa gdi ipa a hindi makakapigil sa akin par b ng tumatakbong tren. loo sa ro ghe ran ng mga est alese, Chinese a barkada kong Pinoy, Nep g mga regalo mula sa mg kon gap ang dorm nat sity ang ver a, uni Kung kay meeting room ng sa pagsapit ng Pasko sa an tah kan at n bre ana yem taw Dis ng at Fijian; ang alas-siyete ng ika-24 pagkatapos ng baito ng ng ppi sho Disyembre sa atin, te g inu kon t-m an las namin; at katulad ito ng nakasanay g gin ma g kon ilit Pin h ko. ang naging December rus . ang kul y ma pero parang

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan"

M

tion, sa a ako sa kinang ng illumina sko, tuw ma na aw ar g an g tin ma Pa "hanggang sa du o ay agtatrabaho sa araw ng nit ihin sab ibig pa it kah od nenkai, uuwi ako prospect ng mataas na sah araw-araw na pag-inom sa bou sa ko er liv g an ay san ma na o sa araw -krismas" ng Pilipinas, at doon ako magki

a at pambubulabog ng mg nap-hanap ko ang katok aha Hin o. pin Pili na ng y bila bre ko n ng kapitbaha Iba pa rin ito sa Disyem ntay ko ang imbitasyo na nagkakaroling. Hinihi a!) and tat ma sandamakmak na a ang mg ko ng yan bata (lalo na ti at tinapay. Inaantaba age isp ng nila ay big kaya ang at iisa lang naman ang makisalo sa kanila o di g mensahe na paulit-ulit pon nai a mg sa il dah ko o ng inbox pagbati sa texts at pagpun . ing gustong iparat g illuminations pa tulad man makikita kahit ilan lan kai ko di hin na ko -hanap inam ang sintunado at Marahil, ito ang hinahanap tahan ko. Siguro, mas ma pun ma ang e Kob l sa o Doitsu Mura sa sa mga instrumenta ng sa Roppongi, Tokyo yu a meri krismas" kay wis i "w ng a bat a a mg mg kanta ng pagbati mula sa hindi sabay-sabay na pag stores. Kahit ilan pang sa cafe at department tog tug apa pin ma tut um bas an ang na o gs nit christmas son tan gga p ko, hin di ma ang oy Pin a mg g kah it ma gin akapin ako ng mahigpit kai big ang day uh an at angkin ko o sa tuwing yay pam a mg ang n aki sa nagbe-bless pakiramdam ko tuwing ng mama ko. wi, kahit maraming it pa mahal ang ticket pau kah a, kay n tao ang ara noong nak ili kong umuwi para Na-miss at na-miss ko ito kaipon pansamantala, pin ma di hin it kah in, gaw kailangang ma ko na impraktikal nakabinbing research na raming tao lalo na ng ma ma ng hin abi sas g kon atin. Alam tama na siguro ang salubungin ang Pasko sa ang nandito ako sa Japan, hab aon n-t tao ito in ng balak gaw ako, pero wala naman ako taon. g ong tatl o a minsan sa dalaw on , hin di ko ala m kun 20 15 at pag kat apo s no ng re tub Ok sa ng ko ala r's ant ste n ako ng pan sam Ma tat apo s ko ang ma sa Jap an para ma pil ita gan dan g tra bah o dito ma ng ako nap gha ma kakapa w na ggang sa dumating ang ara manirahan dito. Pero han ng ct spe pro illumination, sa matuwa ako sa kinang ng ibig sabihin nito ay pa it kah od mataas na sah ay Pasko, o sa araw na masan pagtatrabaho sa araw ng nenkai, bou sa m -ino pag na ang liver ko sa araw-araw doon ako magki-krismas. uuwi ako ng Pilipinas, at kilik ng kolum na ito, [Sa lahat po ng taga-tang at ang sulating ito. Para iniaalay ko sa inyong lah hinay-hinay lang po sa na, i uw aka sa mga uuwi/n Para sa mga da. mga ma-kolesterol na han kaunting tiis an, Jap sa ig lam sa nanginginig . Gumamit na rin ka i lang ka-Daloy, makakauw long tat ng una g (an ds car T lang ng NT ento sa email kom ng n aki makakapagpadala sa ma oykayu nggi ay kong marioflorendo@dal Mga pa NTT na pamasko eng libr mangk makakatangap ng in at m Bolinao n ang iyong pamilya ahi ust kam a par n) ama k aki , Panga sa mula o sa pe. sky sinan ( o er vib ng nal sig ang P a s kung nagloloko k at o, 2011 ko Pas g yan liga Ma oy, Dal ) Hanggang sa muli mga kaManigong Bagong Taon!]

Con-G en Jo y and a par ty for Consu the s l Jose day ( tuden l host Pasko ts on ed , 201 Chris 2) tmas

a hib a C s i ko epal ji, N Pas i F g n with as per itory o, 2012) m r Bis o ask ty d ds (P ersi n v i e i n U y fr Pino and


Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

9

January 2014

Personal Tip: Bagong Taon

Mga Ideya sa Pagpapaunlad sa Sarili Ngayong Proseso ng Paggawa ng Mabisang Goal Bagong Taon

I

sa sa mga pinakaaabangang pagkakataon ang Bagong Taon. Gasgas man, pero ginagawa pa rin ng halos lahat ang pagse-set ng kani-kanilang resolutions. Pero, maganda sana kung ang pokus ng ating mga gagawing resolutions ngayong taon ay nakatuon sa pagpapaunlad sa iyong sarili o “self-improvement.” Kung wala ka pang ideya hinggil sa mga resolutions na ito, naririto ang mga pwede mong pagkuhanan:  Iwasan ang tinatawag na “negative self-talk.” Iwasan ang mga salitang nakakapagpa-discourage lang sa iyo. Halimbawa, iwasang sambitin ang mga katagang “Hindi ko kaya.” Maging aware sa bawat salitang bibitawan.  M a g - s e t n g m g a i s p e s i p i k o n g g o a l s . N a p a k a makapangyarihan ng ating isipan. Kung kaya, ‘pag sinabi mong “Magbabawas ako ng 15 pounds sa loob ng susunod na tatlong buwan,” susunod ang iyong buong sistema sa naising ito.  Magbihis nang maayos. Isang mabisang stress-buster ang pagbibihis nang maayos. Gawing resolution ang palagiang pagpapagupit at pagsusuot ng mga damit na mas lalong makakapagpa-unlad sa iyo.  Gawin ding resolution ang pagpo-post ng iyong mga goals sa mga lugar na lagi mong nakikita. Ito’y para mas lalo

Paano Magkaroon ng Kagandahang Panloob

K

ung self-improvement ang pag-uusapan, isa sa mga kailangang pagtuunan ng pansin ng isang indibidwal, maliban sa kanyang panlabas na kaanyuan, ay ang kagandahang panloob. Nagagawa nating pagandahin ang ating loob sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan. May payo sina Doc Willie Ong at Doc Liza Ong sa kanilang librong “High Blood, Cholesterol at Pag-iwas sa Sakit” hinggil sa kung paano magkaroon ng kagandahang loob. Tingnan natin ang ilan sa mga ito: Magkaroon ng Malasakit sa Ibang Tao Kapag nagiging matulungin ka sa iyong kapwa, bukod sa gagaan ang iyong pakiramdam, gaganda pa ang pagtingin sa iyo ng ibang mga tao. Magkaroon ng Tamang Asal Ang pagkakaroon ng tamang asal ay nagagawa sa pamamagitan ng pagbibigay-respeto sa ibang tao, lalo na sa mga nakatatanda. Maging Malinis sa Katawan Nakakadagdag ng puntos sa iyong panlabas na kaanyuan kung malinis ka sa katawan. Hindi rin kumpleto kung maganda o gwapo ka nga sa panlabas pero hindi ka naman malinis sa katawan. Maging Mapagpasensya Maging mahinahon lang. Kung wala ka namang kasalanan, maigi na lang na tumahimik. Mas mabibilib pa sa iyo ang ibang tao sa pag-uugaling ito. Ang mga ito ay kailangan mong isasaalang-alang kung gusto mong gumanda o gumwapo sa labas at maging sa loob.

kang mahikayat na ipagpatuloy ang iyong sinimulang goal.  Ibahagi ang iyong goals o resolutions. Kung may asawa ka na, maigi kung ise-share mo ito sa iyong partner. Malaki ang tulong ng suporta at pag-iintindi ng iyong kapartner para matupad mo ang iyong mga naisin ngayong bagong taon. Isa pa, nadadagdagan ang pagmamahalan at pagtitiwala ninyong dalawa. Muli, hindi masamang magkaroon ng mga resolution. Katunayan, nakakapagbigay nga ito ng panibagong pag-asa at saya para harapin ang susunod na yugto ng ating mga buhay. At para matupad ang mga ito, kailangan ng isang sakong disiplina at pagtitiwala sa sarili. Kaya mo ito, Ka-Daloy!

I-enjoy ang Kasalukuyan

S

adyang maraming distractions ang mga tao sa kasalukuyan. Isa sa mga ito ay ang masyadong pagaalala sa kinabukasan. Ang pag-aalalang ito sa kinabukasan, bagama't talagang nakakapagdulot ng stress, ay mahirap talagang takasan. Ngunit, may mga magagawa ka, nang sa gayon ay mas mapapaunlad mo ang iyong sarili. Ang artikulong ito ay magbibigay ng ilang mga pamamaraan kung papaano mae-enjoy ang kasalukuyan: Focus Kailangan mo ng disiplina. Kailangan mong matutunang ipokus ang iyong atensyon sa kasalukuyan at sa mga tao mong kasalukuyan mong nakakahalubilo o kasama. Challenging man pero kayang-kaya itong gawin. I-manage ang Iyong Oras Ugaliing ilaan ang iyong oras sa iisang bagay lang. Gamitin ang iyong kalendaryo, halimbawa sa cellphone, at i-block-off ang oras ng lahat ng iyong meetings. Sa pamamagitan nito, naiiwasan ang pag-aalala sa iba-ibang bagay, dahil concentrated ka sa naka-block off sa iyong kalendaryo. Iresolba ang Ibang mga Isyu sa Ibang Pagkakataon ‘Wag ipagsabay-sabay ang iyong mga alalahanin sa buhay. May tamang oras para sa lahat. Panghuling payo: “Be in-charge!” ‘Pag may malinaw kang plano sa buhay, mas nagagawa mong maging pokus at mas naeenjoy mo pa ang kasalukuyan.

Paano Mapapaunlad ang Self-esteem Napakalaking issue ng self-esteem, lalung-lalo na sa mga kababaihan. Kung mababa ang iyong self-esteem, siguradong maaapektuhan rin ang iba’t ibang aspeto ng iyong buhay-partikular na ang pakikitungo mo sa ibang tao. Kaya naman, ngayong bagong taon tutuntong ka na naman sa panibagong pahina ng iyong buhay, maiging matutunan mo rin kung paano mo mai-improve ang iyong self-esteem. Naririto ang ilang mga mabibisang tips:

I-visualize mo ang iyong mas improved na sarili.  Halimbawa, ano kaya ang magiging itsura mo kung mas confident ka? Paano kaya ang iyong magiging itsura ‘pag naayos mo ang iyong looks? Paano kaya ang itsura mo kung natutunan mong maglakad o gumalaw na may oozing confidence? Upang talagang mapasama sa iyong sistema,

maiging gawin mo ang routine na ito araw-araw. Gumawa ka ng iyong Plan of Action. Tandaan:  Hindi rin magiging pangmatagalan ang iyong resolution kung wala kang nailalatag na maayos na plano. Gamit ang isang notepad / notebook, ilista mo ang iyong mga ispesipikong plano na may kinalaman sa pagpapa-unlad ng iyong selfesteem. Halimbawa, isama mo sa iyong listahan o plano ang pagbabasa ng ilang mga motivational guide books o articles para magkaroon ng self-confidence.

Ang mga tips na ito ay mabisa. Ang kailangan na lang ay kung papaano mo ito ngayon isasama sa iyong pang-arawaraw na pamumuhay. Pero, kagaya ng nabanggit na, kung magagawa mong paunlarin ang iyong self-esteem, marami ang mababago sa iyong buhay.

M

ahalagang magkaroon ng goal. Ito ang nagsisilbing motivation natin nang sa gayon ay mag-move on sa buhay.

Ngunit, ang isang mahalagang pagtuunan ng pansin, nang sa gayon ay hindi masasayang ang oras natin sa pagse-set ng ating mga panibagong goals sa buhay, ay ang proseso kung paano gumawa ng isang goal na talagang tatagal--yung tipong hindi mo agad mabibitawan nang basta-basta o nang panandalian lamang. Tuturuan ka ng artikulong ito kung paano gumawa ng mabisang goal sa buhay, lalo na ngayong bagong taon:

Magsagawa ng Self-examination Sa isang tahimik na lugar, at gamit ang isang notepad, pag-aralang mabuti ang iyong sarili. Isulat sa iyong notepad ang mga bagay na makakapagpasaya sa iyo. Tanungin ang iyong sarili: “Anu-ano nga ba ang aking mga gustong gawin sa buhay?” Isulat ang lahat ng mga naiisip mong sagot. Saka mo na lamang bubusisiin ang mga ito sa susunod na hakbangin. Mag-reflect Ito na ang tamang pagkakataon para pag-aralang mabuti ang iyong mga isinulat na mga sagot. Pero, hindi lamang ito ginagawa sa iisang upuan. Madalas, tumatagal ng ilang araw ang pagsipat sa bawat mga entry sa iyong notepad. I-highlight ang mga aytem na may impact sa iyo.

I-define ang Iyong Goals Sa puntong ito, kinakailangang maging ispesipiko sa pagsusulat ng iyong mga napiling goals sa buhay na sa tingin mo ay talagang makatutulong sa iyo nang pangmatagalan. Halimbawa, ang isang ispesipikong goal ay ganito: “Mag-gygym ako, dalawang beses kada linggo ngayong taon.”

I-review ang Iyong Goals Siyempre, kinakailangan mo ring i-review kung nagagawa mo o realistic ang iyong mga inilistang goals. Kung hindi, kailangan mo itong pinuhin para maging mas makatotohanan. Sa tulong ng mga hakbanging ito, nawa ay makagawa ka ng iyong mga goals na magpapabago sa iyong buhay.


10

January 2014

Personal Tips: Bagong Taon

ANG IYONG KAPALARAN SA

TAON NG KABAYO: 2014 NI: EMOSIANS

Year of the Rat Ang pinanganak sa taon ng DAGA ay charming at agresibo. Sila ang mga taong expressive at minsan sobra ang pagiging talkative. Mahilig silang lumabas para mag-party at ang ilan naman sa kanila kuntento na lang sa mahabang oras na pakikipag-usap or bonding. Pero sobrang bihira sa pinanganak na sign na ito ang tahimik. Kaya sa taong 2014 ay maraming pagsabok sa iyong pagkatao lalo na sa pakikisama pero dahil ikaw ay experyensyado na sa mga ganitong pagsubok makakayanan mo rin ito. Sa mga naghahanap ng bagong trabaho ito ang pinaka-swerteng taon na makakakita ka ng “dream job” mo pero sa bagong trabaho na ito magkakaroon ka ng bagong pakikisama na mahihirapan ka kasi nasanay ka na kahit bago mong kakilala ay nakakagaanan mo ng loob. Kaya sa 2014 wag na kang mawalan ng kumpiyansa at maniwala sa inyong kakayahan. Sa usaping pangkalusugan naman, kailangang pagtuunan ng pansin ang sariling katawan pag may iniinda ka ng sakit dapat wag balewalain at agarang magpatingin. At dahil maraming trabaho na darating sa taong 2014 wag masyadong abusuhin ang katawan sa trabaho at bigyan ang oras ang sariling magpahinga. Sa taong 2014, ang usapang pinansyal ay makakaroon na rin ng panimulang ipon, siguraduhin mo lang na ‘di mo na ito magagastos pa para sa darating na mga taon. Sa taong ito umiwas muna sa paglabas labas, sobrang pamimili at iba pang bagay na di naman importante. Ang sobrang pakikisama ay iwasan. Mag-ingat na isang matagal ng kakilala na maaring umutang sayo at di bayaran.

Year of the Ox Ang mga pinanganak sa taon ng mga BAKA ay kinakonsiderang hard-working at pursigido sa trabaho sila ang mga taong tumatagal sa kumpanya at di matawaran ang loyalidad. Sa taong 2014, dito ka makakaranas ng tinatawag na work politics kaya mag-ingat sa opinyon na maaaring ikasangkot mo sa isang away. Magingat sa mga taong double face ang pag-uugali dahil pwede ka nitong baliktarin. Mag-isip munang mabuti sa mga desisyon at wag ibase sa emosyon. Sa usapang lovelife, magkakaroon kayo ng “trust issues” ng iyong partner at dahil very vocal ang mga pinanganak sa taon ng BAKA kinakailangan mong magpakumbaba at iwasang makapagbitiw ng masasakit na salita sa iyong partner. Para naman sa mga single, ito din ang swerteng taon para sa love life di gaanong seryoso pero magiging parte ng pagbabago sa iyong pagkatao at pananaw sa buhay. Mas may improvement rin ang usapan pinansyal sa taong 2014 pero umiwas sa sobrang kagarbuhan dahil ito lagi ang nagiging rason ng pagkawala ng pera. Huwag hayaang magpatalo sa stress sa taong ito isipin na lamang na wala ito sa mga napagdaanan mo. Year of the Tiger Pinanganak na mga liders ang mga taong pinanganak sa taong TIGRE. Sa taong 2014 ay napakaswerte sa iyo pero kinakailangan mong tanggapin yun mga pagbabago at buksan ang pag-iisip mo sa mga suggestion ng ilan. May ugali ka kasing ayaw mo sumunod at gusto mo ikaw lagi ang manguna dapat sa taong ito matutunan mo naman ang maging tagasunod at kapag natutunan mo yan maibabalanse mo na ang mga bagay bagay at diyan magsisimula ang swerte mo. Sa 2014, financially secure ka rin. Sa taong ito makakaranas ka ng recognition at promosyon. Nakikitaan ko rin ang magandang tagumpay sa taong ito at dahil dito panatilihin ang pagiging mapagkumbaba dahil minsan nagiging dahilan ito ng pagkalaki ng ulo at pagkairita ng ilan mong kasama. Sa mag-asawang tapat ay susuwertehin pero kapag ikaw ay may sikreto lalabas at maaaring sumira

sa relasyon at tiwala sa taong ito. Usapang pangkalusugan naman, minor na sakit lamang tulad ng lagnat, sipon at iba pa na di naman nakakabahala. Sa taong ito ang pinakaswerte ay maglakbay sa malalayong lugar upang magtrabaho o di kaya naman magbakasyon.

Year of the Rabbit Sa taong 2013 ay di gaanong naging kaayaaya sayo dahil sa mga stressful na sitwasyon na naranasan mo at asahan mo naman ang taong 2014 ay simula ng iyong pagbangon o simula ng magandang buhay para sa iyo. Sa mga zodiac sign ang KUNEHO ay ang pinaka-entertainer sa lahat, madalas sila ay kapansin-pansin at ugali na rin nila humingi ng atensyon at dahil dito magingat sa kilos na maaaring ikasama o di kaya magkaroon ng maaaring maling interpretasyon sa iyo. Maraming trabaho para sa iyo sa taong ito kaya mawawalan ka ng oras sa iyong mahal sa buhay kaya siguraduhin mong maging balanse ka sa bagay na ito. Sa taon ding ito makikitaan mo ang mga kaaway na nagbabalat kayong kaibigan, mag-ingat magbahagi ng iyong sikreto. Sa 2014 ay marami ka ring nakikitaan ng magagandang karanasan sa paglalakbay. Sa lovelife naman, ay makikitaan ng kaunting pagkabagot sa iyo at iyong partner kaya gawing masaya ang relasyon sa pamamagitan ng bagong activities na di niyo pa pareho nagagawa. Sa mga singles naman, medyo di swerte kasi hindi pa darating yun “the one.” Sa usapang kalusugan maging maingat at mapanuri sa pagkain Year of the Dragon Ang mga pinanganak sa year of the DRAGON ay kinokonsiderang dugong bughaw sila sa lahat ng sign at pinapangarap na maging anak ng mga Instik dahil may swerte daw silang hatid. Sa taong ito ay normal naman at walang gaanong pagbabago. Pero may darating na di halatang oportunidad na dapat pag-isipan mabuti hangga’t maari maging mapanuri at ibase sa iyong intuition kung ano dapat ang gawin para di ito pagsisihan. Ang tamang pagdedesisyon ang magiging dahilan sa magandang buhay na hinahangad mo. Magkakaroon ka rin ng mga problema sa kasamahan sa trabaho/kapitbahay/ kaibigan na kokontra sa iyong mga opinyon na maaaring maging worst enemy mo. Sa 2014 medyo magiging tagilid ka sa pinansyal at kapag ang gawain mo ay sangkot sa illegal na gawain, di magiging maayon ang taong ito sa’yo. Maging maingat sa mga offer na sobrang mura o di kaya sa negosyong nanganganako ng pagyaman dahil sa taong ito malapitin ka sa mga manloloko kaya maging maingat. Sa lovelife naman walang pagbabago isang normal na taon ito sa inyong magasawa. Sa usaping kalusugan ay di naman magiging problema sa taong it

Year of the Snake Ito ang taong ng pagbabalat ng ahas kaya magkakaroon ka ng magandang pagbabago. Sa mga nagtatatrabaho naman dito mo madidiskubre ang panibagong talent at mas malalaman mo na ang direksyon na gusto mong patunguhan at higit sa lahat mas makilala mo na ang iyong sarili. Ugaliin lamang magpokus at iwasan ang ugali mong ningas kugon kinakailangan pag nasimulan ang isang bagay ay tapusin ito. Ang taong ay napakaswerte mo sa usaping pinansyal kaya ilagay sa ayos ang ipon pero take note may mga pinanganak sa taong ahas ang di susuwertehin sa pera sa kadahilanang may malaki silang pagkakagastusan sa taong ito. Sa mga ahas ito ay magandang taon sa relasyon para magbonding at sa mga singles naman goodbye na sa status na ito. Sa usaping pangkalusugan, magiging masayahin ka kaya wala kang magiging problema. Magandang taon ito para pumasok sa mga activities tulad ng gym, dance school, etc. Year of the Horse Sa mga pinanganak sa taon ng KABAYO napaka-importante sa kanila ang salitang freedom at independence dahil sa taong ito ay medyo magiging mabagal at pangkaraniwan sa’yo ang pang-araw-araw pero mas magiging masaya kapag natanggap mo at natutunan mo ang salitang responsibilidad. Sa 2014 magkakaroon ka rin ng biglang kayamanan kaya maging maingat sa paligid na maaaring ikapahamak mo o di kaya ng malapit sa’yo o di kaya umiwas ka na sa

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

sugal kundi dadaan lang sa palad ang magandang swerteng ito. Sa usapin ng lovelife mas makikilala mo ang partner mo kaya may makikitang pagbabago sa kanya at mabuting magadjust at tanggapin ito. Sa usaping pangkalusugan, perfectly fit ka pero mabuting pagtuunan ng pansin ang baga kung nakakaramdam ka ng hirap sa paghinga dapat itigil ang bisyo o maling diet. Year of the Sheep Sa lahat ng mga sign ang taong pinanganak sa KAMBING ay pinakainsecure ibig sabihin gusto nila makaramdam ng pagmamahal at proteksyon sa taong nakapaligid sa kanila kundi sila ay nagiging maiwasin sa taong ito. Ituturo sa’yo na ang salitang pagmamahal ay nagsisimula sa sarili, pag nagawa mo itong matutunan mas magiging masaya ka sa buong taon ng 2014. At dahil emosyonal din ang mga kambing minsan nababalewala niya ang talino kapag emosyon ang pinairal kinakailangan maging matigas ang dibdib mo sa mga desisyon at wag umayon lamang parati sa sinasabi ng iba. Sa mga may partner na kambing wag ka maging demanding this year kundi magiging dahilan ito ang laging pag-aaway ng kapareha, sa mga singles makakaroon ka ng mga karelasyon pero di nangangako ng seryosong pagmamahal kaya siguraduhin wag ibigay lahat at ibuhos ang pagmamahal. Sa taong ito may magiging smooth ang pasok ng pera wag ipasok sa maling gawain o negosyong walang kasiguraduhan. Sa pangkalusugan magkakaroon ng kaunting problema sa balat kaya maging maingat sa mga pinapahid o iniinom.

Year of the Monkey Sa pinanganak sa taon ng UNGGOY, sa taong ito ay nahahati sa dalawa: 6 na buwan ng kamalasan at 6 na buwan na swerte kaya maging maingat sa mga maling desisyon lalo sa biglang pag-alis sa trabaho, paglipat ng bahay at iba pang kinakailangan ng malakihang desisyon. Napakaimportante sa taong itong ang commitment sa trabaho wag mong hayaang kontrolin ka ng galit dahil yan ang makikitang kahinaan sa’yo ng kaaway. Sa taong itong magiging swerte ka sa usapin ng pera pero wag pairalin ang ugaling makasarili kasi gulong ang buhay maaari nasa itaas ka ngayon at pano ang pagbaba mo sino ang tutulong sa’yo kaya isiping mabuti ang tamang pagmamahal sa kapwa kaya hangga’t maari wag kang gumawa ng bagay na panglalamang sa kapwa. Sa usapin ng lovelife, medyo lie low ka muna dito pagtuunan mo ng pansin ang mas importanteng mga bagay tulad ng kinabukasan at wag masyadong bigyan ng luho ang kapareha. Sa mga singles naman walang garantisadong maayos na karelasyon kaya i-enjoy na lang ang karanasan at wag masyadong seryosohin. Sa usaping pangkalusugan, wag masyado maging emosyonal baka magkaroon ka ng sakit sa puso or nervous breakdown panatilihing malakas ang loob ito ang magandang oras para sa touch therapy tulad ng pagyakap sa mahal sa buhay dahil ito ay magbibigay sa iyo ng lakas ng loob para harapin ang mga hamon sa buhay. Year of the Rooster Ito ang taon ng pagbabago sa’yo at kinakailangan mong tanggapin iyon at dahil maluho ka sa magagandang damit at pamumuhay, ang taong ito para sa ROOSTER ay panahon para matutunan mong makiayon at maging ordinaryo. Ang pinanganak sa taong ito ay kilala sa kanilang talino kaya hangga’t maaari hayaan mo ang kapwa mo makapansin nito pagnatutunan mo sa 2014 ang salitang karungunan mapapasayo ang hinahangad mo na buhay minsan kailangan mangyari sa’yo ang mga paghihirap na naranasan mo para matutunan mo ang mas malalalim na ibig sabihin ng talino. Ito rin ang tamang panahon para gamitin ito kaya sa usapin ng pera dapat this time natuto ka na isipin mo ang kinabukasan hindi ang temporary na kasiyahan dulot sa’yo ng panglabas na katayuan sa buhay. At dahil natural sa tadyang ang pagiging mabuti sa pamilya ito ang panahon na isipin muna ang sariling pangangailangan at siguraduhin ang iyong kinabukasan. Sa mga may kapareha, makikitaan ko ng madalas na pagtatalo sa isa’t isa kaya mabuting sarilinin na lamang ang hinanakit at wag magdamay ng iba para di na lumaki pa ang isyu. Sa mga singles malungkot ang lovelife pero ito ang time i-enjoy ang mga importanteng tao sa paligid. Sa kalusugan ang madalas na pag-ubo ay kinakailangan ng ipasuri.


Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

11

January 2014

Personal Tips: Bagong Taon

Year of the Dog sa kanilang kapwa. Kung sa taong 2013 ikaw ay sinuswerte ibig sabihin hangang 2014 magpapatuloy ang iyong swerte ito ay isang handog sa asong walang hanggang ang kabaitan isang reward at isa naman sumpa sa lahat ng nakaaway at umabuso sa mga aso. Kung naging good karmatic year sa’yo ang 2013 mas magiging mas maganda ang pagbabago sa buhay ng 2014 wag lamang magbabago at panatilihin ang pagiging mabuti sa kapwa. Sa 2014 nakikitaan ko lang ang madalas na paglabas-labas at pag-attend sa mga okasyon kaya kinakailangang isiping mabuti di lahat ng bagay ay mananatiling pareho kaya isipin rin ang kinabukasan. May ugali ang aso na binibili nito ang pagmamahal sa materyal na bagay kaya baguhin ang iyong istratehiya at hayaan mo tanggapin ka at mahalin ka kung ano at sino ka pa man. Sa 2014 di mo pa rin maiiwasan ang mga inggit na nakapaligid kaya maging mapanuri ka sa taong pakikisamahan mo baka gamitin ka lamang. Sa 2014 dodoble ang iyong timbang dahil kung busog ang pera sobrang kabusugan din ang tiyan kaya isipin mabuti ang diet. Ilagay sa tama ang pagkain

Year of the Pig Kung di nakiayon sa’yo ang 2014 kung saan marami kang naging nakaalitan o madami kang naging pagsubok, sa taong ito ka babangon at may makikilala kang tutulungan kang bumangon. Nakikitaan ko rin magkakaroon ka ng mga tapat na kaibigan bagama’t bago mong kakilala sigurado soulmate mo di ibig sabihin magiging kasintahan mo pero isa o marami tao na andyan at dadamay sa’yo at nasayo ang suporta. Sa usaping pinansyal naman, ang BABOY ang pinakaswerte pero ang madalas na nagiging problema nila ay di nila alam kung paano i-activate ang wealth luck nila. Simple lamang ito kung magimbak at mag-iipon sa maliit na bagay, makikita mo ang swerte at kusang darating pag may laman ang iyong ipon at siguraduhing laging may kaban ng bigas ang bahay. Sa mag-asawa swerte ngayong taon marami kayong magagandang alaala na maaari ninyong balikan at ito ang tamang panahong puntahan ang mga lugar na may espesyal na pangyayari sa inyong buhay dahil makakakuha kayo ng kakaibang enerhiya mula doon. Sa mga single naman magiging malakas ang appeal mo kaya siguraduhing tapat ka sa magiging partner or else magkakaroon ka ng sanga-sangang problema. Sa mga pinanganak sa taon ng baboy lalo na ang laging umiinom ng alak ngayon ang taon na dapat iwasan ito dahil bago magtapos ang 2014 nakikitaan ko ng mga kumplikasyon sa bandang sikmura o tiyan.

Zodiac Signs at Taon Year of the Rat 02/18/1912 - 02/05/1913 02/05/1924 - 01/23/1925 01/24/1936 - 02/10/1937 02/10/1948 - 01/28/1949 01/28/1960 - 02/14/1961 02/15/1972 - 02/02/1973 02/02/1984 - 02/19/1985 02/19/1996 - 02/06/1997 02/06/2008 - 01/25/2009

Year of the Horse 02/11/1918-01/31/1919 01/30/1930-02/16/1931 02/15/1942-02/04/1943 02/03/1954-01/23/1955 01/21/1966-02/08/1967 02/07/1978-01/27/1979 01/27/1990-02/14/1991 02/12/2002-01/31/2003

Year of the Ox

Year of the Tiger

Year of the Rabbit

Year of the Dragon

Year of the Snake

02/06/1913-01/25/1914 01/24/1925-02/12/1926 02/11/1937-01/30/1938 01/29/1949-02/16/1950 02/15/1961-02/04/1962 02/03/1973-01/22/1974 02/20/1985-02/08/1986 02/07/1997-01/27/1998 01/26/2009-02/13/2010 02/11/2021-01/31/2022

01/26/1914-02/13/1915 02/13/1926-02/01/1927 01/31/1938-02/18/1939 02/17/1950-02/05/1951 02/05/1962-01/24/1963 01/23/1974-02/10/1975 02/09/1986-01/28/1987 01/28/1998-02/15/1999 02/14/2010-02/02/2011

02/14/1915-02/02/1916 02/02/1927-01/22/1928 02/19/1939-02/08/1940 02/06/1951-01/26/1952 01/25/1963-02/12/1964 02/11/1975-01/30/1976 01/29/1987-02/16/1988 02/16/1999-02/04/2000 02/03/2011-01/22/2012

02/03/1916-01/22/1917 01/23/1928-02/09/1929 02/09/1940-01/26/1941 01/27/1952-02/13/1953 02/13/1964-02/01/1965 01/31/1976-02/17/1977 02/17/1988-02/05/1989 02/05/2000-01/23/2001 01/23/2012-02/09/2013

01/23/1917-02/10/1918 02/10/1929-01/29/1930 01/27/1941-02/14/1942 02/14/1953-02/02/1954 02/02/1965-01/20/1966 02/18/1977-02/06/1978 02/06/1989-01/26/1990 01/24/2001-02/11/2002 02/10/2013-01/30/2014

Year of the Sheep

Year of the Monkey

Year of the Rooster

Year of the Dog

Year of the Pig

02/01/1919-02/19/1920 02/17/1931-02/05/1932 02/05/1943-01/24/1944 01/24/1955-02/11/1956 02/09/1967-01/29/1968 01/28/1979-02/15/1980 02/15/1991-02/03/1992 02/01/2003-01/21/2004

02/20/1920-02/07/1921 02/06/1932-01/25/1933 01/25/1944-02/12/1945 02/12/1956-01/30/1957 01/30/1968-02/16/1969 02/16/1980-02/04/1981 02/04/1992-01/22/1993 01/22/2004-02/08/2005

02/08/1921-01/27/1922 01/26/1933-02/13/1934 02/13/1945-02/01/1946 01/31/1957-02/17/1958 02/17/1969-02/05/1970 02/05/1981-01/24/1982 01/23/1993-02/09/1994 02/09/2005-01/28/2006

01/28/1922-02/15/1923 02/14/1934-02/03/1935 02/02/1946-01/21/1947 02/18/1958-02/07/1959 02/06/1970-01/26/1971 01/25/1982-02/12/1983 02/10/1994-01/30/1995 01/29/2006-02/17/2007

02/16/1923-02/04/1924 02/04/1935-01/23/1936 01/22/1947-02/09/1948 02/08/1959-01/27/1960 01/27/1971-02/24/1972 02/13/1983-02/01/1984 01/31/1995-02/18/1996 02/18/2007-02/06/2008

Mga Teknik Kung Paano Maging Masaya sa Buhay

A

ng pagiging malungkot ay hindi nakatutulong sa iyo, bagkus ay nakakasira pa nga ito ng iyong buhay. Kung kaya, magdesisyong maging masaya, partikular na ngayong isa na namang panibagong yugto ng iyong buhay ang dumating. Heto ang mga epektibong payo nang sa gayon ay maging mas masaya ka pa ngayong bagong taon: Tumulong sa iba. May siyentipikong eksplanasyon din ang pagtulong sa kapwa bilang nakakapagpasaya sa isang tao. Ito’y dahilan sa endorphins na ipinapalabas ng katawan sa tuwing ika’y tumutulong. Pinapalakas din umano nito ang iyong katawan. Makipaglaro sa bata. Epektibo rin umano ito. Napababata nito ang iyong katawan. Makipaglaro ng anumang isports sa iyong anak, halimbawa. Makipag-usap sa isang taong malapit sa iyo. Katumbas umano ng pain reliever ang pakikipag-usap sa isang kaibigan o kapamilya. Nakakatanggal umano ito ng problema, gayundin ng sakit sa katawan. Makisama sa mga positibong tao. Isa rin umano ito sa pinakamabisang pamamaraan kung paano sumaya. Kung maganda ang pananaw sa buhay ng mga taong kasama mo, siguradong maiimpluwensiyahan ka rin ng mga ito. Sundin ang mga teknik sa itaas nang sa gayon ay maging masaya sa buhay.

Kung Gusto Mong Mapabuti ang Iyong Buhay, Magbasa

I

sa pa sa mga teknik na nakakapagpabuti sa buhay ng isang indibidwal: pagbabasa. Tama poi to. Sapagkat, kung nagbabasa ka, siguradong napapagana ang iyong isipan. Isa pa, natututo ka rin ng panibagong mga impormasyon at bokabularyo na maaari mong magamit kapag ikaw ay nakikipag-usap sa ibang mga tao. Tatalas pa ang iyong isipan. Dahilan sa nabubuhay tayo sa panahon ng Internet, maigi na ring i-maximize ito. Katunayan, ika nga ni Dr. Gary Small ng Semel Institute for Neuroscience and Human Behavior na nakabase sa University of California, nakatutulong umano ang Internet para ikaw ay maging matalino, sapagkat napipilit nito ang isang tao na magdesisyon at mag-isip. Piliin lamang ang mga artikulo o aklat na iyong babasahin. Maigi kung ang iyong babasahin ay may kinalaman sa iyong mga interes sa buhay para siguradong ikaw ay mag-eenjoy habang pinapatalas ang iyong isipan.

Bilangin Mo ang Iyong mga Biyaya sa Buhay

M

arahil, tila ba roller coaster ang mga kaganapan sa iyong buhay nitong nakaraang taon. Mayroong masasaya, mayroon ding malulungkot na mga pang-

yayari. Pero, hindi ito ang dapat pumigil sa iyo para magpatuloy. Marapat lamang na magpokus sa mga bagay na makakapagbigay sa iyo ng dagdag motibasyon. Kailangan mong pasalamatan ang Diyos sa lahat ng Kanyang mga ibinigay na biyaya nitong nakaraang taon. Kahit maliliit lang na biyayang Kanyang ibinigay ay okay na okay na. Ang mga biyayang ito ay sapat na para maging masaya sa buhay. Tandaan: Lahat ay dumaraan sa mga pagsubok na siguradong magbibigay sa iyo ng kalungkutan o kawalan ng pagasa. Ngunit, piliin pa ring maging masaya sa buhay. Maigi rin kung ilista mo ang lahat ng mga positibong pangyayari sa buhay mo at pagnilayan.


12

Ads

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"


Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Ads

13


14

January 2014

Global Filipino

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino


15

January 2014

Daloy Kayumanggi

Travel

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Sakai ASEAN Week Slice of Mango, Slice of Life. By: Aries Lucea

M

adaming bansa ang nagbuo ng economic alliances and interational co-operation based on perceived economic advantages na tulad ng European Union EU or commonality of cultural heritage and common interests tulad ng UNASUR or Union of South America Nations, or coming out as newly advanced economic powers like the BRIC countries na kinabibilangan ng Brazil, Russia, India and China, which recently added South Africa as new member.

Ngayon higit kailanman, dapat paigtingin ng ASEAN or Association of South East Asian Nation and samahang sinimulan pa ng mga bansang kasali dito noong 1967. Kumpara sa mga alyansang ngayon pa lang sumisibol matagal ng nailunsad ang ASEAN. Sa panahon ng emerging power ng Tsina and show of might among its Asian neighbors, malaki ang pangamba sa pagiging agresibo nito in claiming territorial rights inside South East Asian territorial waters. ASEAN should have a unified policy to address this issue. Nandyan pa ang internal conflicts na naganap sa mga miyembrong bansa nito na tumawag pansin sa international community, tulad na lamang ng madugong aksyon ng military junta ng Myanmar sa mga Buddhist monks na nag-protesta laban sa kanila. Umani ng batikos ang ASEAN sa non-interference stand nito sa mga kaalyadong bansa kahit na may pangyayaring talamak na paglabag sa human rights.

Now more than ever strengthening of ties among ASEAN members are of paramount importance. Marahil maraming pang hadlang para marating ng alayansang ito ang magkaroon ng unified stand sa mga issue na kanilang kinahaharap and to go beyond MOUs (Memorandum of Understanding) na kulang sa ipin at implementasyon. Umaasa tayong mga members ng ASEAN na sa darating na panahon maituturing ang samahang ito na force to reckon with. At this time one of its aim which focuses on cultural co-operation and pride in our South East Asian heritage is better than nothing. Kaya naman I’m a staunch supporter of anything ASEAN. Sakai is a place in Osaka I feel is very welcoming to its South East Asian neighbors. The Sakai-ASEAN Week is an annual festival that is among the most popular in this city. I attended the culminating event last November 10, despite the gloomy weather, and it was worth it.

Paglabas pa lamang sa train station ay humahalimuyak na ang amoy ng nam pla or patis sa Tagalog. Busog na busog ako sa pagkain ng iba’t ibang dishes from participating countries. Pho from Vietnam, grilled chicken from Thailand, nasi goreng from Indonesia at ang masrap na kaldereta ni Ate with extra rice sa Filipino kiosk. Visual treat naman ang dulot ng cultural presentations from different countries with emphasis on traditional dances. Napanood ko din ang magandang performance ng isang elementary brass brand na gumamit pa ng musical instrument indigenous to a South East Asian nation. Sa mga toursism booths naman makikita talaga ang angking kagandahan ng South East Asia.

Come and visit South East Asia to experience the richness of our culture, taste the distinct flavors of our cuisine and be enthralled by the sights and sounds of our remarkable region.


16

January 2014

Daloy Kayumanggi

Komunidad

"Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

para sa iyong taong 2014. Ang paggawa ng tema ay maihahalintulad sa paglalagay ng mga gabay sa iyong magiging hakbang sa darating na taon. Lahat tayong mga Pinoy na pumunta dito sa Japan ay may kanya-kanyang layunin, kahit pa sabihin nating hindi natin sinasadyang mapunta dito o wala tayong klarong desisyon Pido Tatlonghari sa pamamalagi dito. Ang pag-iisip ng tema ay maihahalintulad natin sa pamimili sa Email: buhaygaijin@gmail.com kung saan natin gustong magbakasyon. no nga kaya ang mangyayari para sa Hindi ba’t tuwing nagpaplano tayo ng ating bawa’t isa sa ating ngayong 2014? bakasyon, ang una nating iniisip ay ang ating Mas magiging masaya kaya ito? destinasyon? Hindi naman tayo napunta sa Higit kayang magiging mayabong ang ating airport, dala ang lahat ng ating kagamitan at pamumuhay dito sa Japan? saka tayo mamimili kung saan natin gustong Maraming tanong. Maraming possibilidad. pumunta. Bagkus, ang ating unang iniisip Ang ilan ay maaaring hindi gaanong kaayaaya ay kung ano ang gusto nating destinasyon, at ang ilan naman ay maaaring positibo. upang maitawid ang isang gawain. Alam pagkatapos ay alamin kung ano-ano ang Subalit, maaari rin namang lumipas na lang nating lahat ito, dahil ito din naman ang isa sa pupwede nating gawin sa lugar na ito. ito ng hindi natin namamalayan o parang maraming dahilan kung bakit patuloy tayong wala lang nangyari. At sa aking palagay, naninirahan sa bansang ito. Paano ba bumuo ng tema para sa 2014? Buo at malinaw na mensahe. Layunin. Gabay • Maglaan ng oras para pag-isipan ito. ito ang pinaka-malungkot na pupwedeng mangyari para sa ating taon, sa ating buhay. na tema. Mahalaga nga ba ito? Bigyan mo ang iyong sarili ng pagkakatong Kung ating babalikan ang ating 2013, may Kung kaya’t ano nga ba ang pupwede nating pagmunihan ang gusto mong mangyari naging paulit-ulit bang mensahe tayong gawin ukol dito? para sa taong 2014. Mahalagang sabayan Makailan lamang ay nagdiwang ang buong naging gabay? Naging positibo ba ang mo din ito ng pagdadasal, pagtatanong sa bansang Japan ng mapili ang Tokyo bilang mensaheng ito sa ating pamumuhay? Kung Diyos kung ano ang direksyong nais niyang host city para sa gaganaping Summer hindi, maaari kaya nating gawing kaayaaya tahakin mo. Olympics sa 2020. Halos lahat ay natuwa sa ang temang ito ngayong 2014? • Ilista ang imahe o impresyon na mabubuo Kung ang iba ay nahihilig sa paggawa ng balitang ito. At kung babalikan natin ang mga sa iyong isip. Ano-ano ba ang mga bagay na naglabasang balita nuon, ang paulit-ulit na tinatawag na New Year’s resolution, mga ito? Maaaring may ipinapahiwatig ang mga dahilan kung bakit napili ang Tokyo ay dahil bagay na gusto nating baguhin sa ating buhay, ideyang ito sa kung ano ba ang gusto mong sa pagbigay nito ng isang buo at malinaw na ang pagbuo ng tema ay isang matatawag na maging larawan ng iyong 2014. Isulat mo mensahe sa komiteng nagdesisyon – “Ang positibong hakbang sa pagdideklara ng isang ito. Tingnan kung may nauulit na tema sa pagpili sa Tokyo, ay ang pagplili sa isang produktibong taon para sa 2014. Hindi ito mga ideya at larawang ito. n a k a t u o n s a k u n g • Buuin ang tema at sikaping gawing gabay maaasahang pares ng kamay.” ano ang kulang kundi Naging malinaw ang mensaheng ito dahil ito sa pagbuo ng iyong plano sa 2014. Sa sa kung ano ang na din sa reputasyon ng Tokyo, ng Japan sa tulong nito, sikaping bumuo ng mga plano pupuwedeng gawin kapasidad nitong gawin ang kinakailangan na magpapatibay ng temang ito.

BUHAY GAIJIN

ANG TEMA NG 2014 MANIGONG BAGONG TAON

A

Kung ako ang inyong tatanungin, ang aking naging 2013 ay punong-puno ng trabaho, pagbiyahe sa labas ng bansa sa halos bawat buwan. Nakakapagod subalit puno ng pagkakataon para mas lalong matuto. At para sa taong 2014, mas higit pa sa mga kaganapang ito ang aking ninanais. Kung kaya’t ang tema ng aking 2014 ay “Higit na Malalaking Pangarap.” At bilang suporta sa temang ito, nagnanais akong lalong mapabuti ang aking trabaho, mag-isip ng mga bagay na patuloy na magpapayabong ng aking kakayahan at patuloy na mangarap na maaari pa lalong bumuti ang buhay sa tulong ng Diyos at ng aking pagsusumikap. Ikaw, Ka-Daloy, ano ba ang inyong tema para sa 2014?

Ang ating pagkikita isang beses kada buwan sa inyong tuwing pagbabasa sa kolum na ito ay napakalaking karangalan. At upang magkaroon tayo ng mas higit na pagkakataong magkasalamuha, naisipan ng inyong lingkod na gumawa ng isang website kung saan maaari kayong mag-iwan ng inyong komento, patuloy na magbasa ng iba pang mga naisulat tungkol sa ating tema na gawing produktibo at kaiga-igaya ang ating pamumuhay sa Japan. Kung kaya’t kung inyong mararapatin, nais ko sana kayong anyayahang bisitahin ang website na ito: www. buhaygaijin.weebly.com. Ito ay ginawa para sa inyo, para sa atin. Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: nguni’t ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang. Proverbs 16:9 Hanggang sa muli!

URGENT HIRING!

WANTED FILIPINA ~ FILIPINO

R.O CORPORATION

PLACE: Hamura, Hakonegasaki 1Hour Monday to Saturday

900 900 1000

TIME: 8:00 ~ 17:00, 9:00 ~ 17:00

Monthly Transportation Fee 5000yen LOOK FOR

PLACE: Musashi Sunagawa Station

TIME: 8:00 ~ 17:00, KAILANGAN PWEDENG OVERTIME until 7:00PM ~ 9:00PM

MORITA ANA

Can Speak Japanese, Tagalog, English

1Hour GIRL

1Hour BOY

Compo, Kumitate, Kenga, Mishin

OFFICE - 042-9377-443


17

January 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Komunidad

! s y o l a d a k h t i w y o n i p g n o Pask


18

January 2014

Daloy Kayumanggi

Global Filipino JACK RYAN

THAT AWKWARD MOMENT

I, FRANKENSTEIN Fra n ke n s t e i n' s c re a ture from the past finds himself caught in an allout, centuries old war b e t we e n M o n s te ro u s two immortal clans. Starring Aaron Eackhart, Bill Nighly and Miranda Otto.

Action / Drama / Thriller

Three best friends find themselves where we've all been - at that confusing moment in every dating relationship when you have to decide "So...where is this going?"

RIDE ALONG

THE MARKED ONES

Jack Ryan, as a young covert CIA analyst, uncovers a Russian plot to crash the U.S. economy with a terrorist attack. Starring Kevin Costner and Chris Pine and Directed by Kevin Branagh

Fast-talking security guard Ben joins his cop brother-in-law James on a 24-hour patrol of Atlanta in order to prove himself worthy of marrying Angela, James' sister. Action / Comedy

ONE CHANCE The true story of Paul Potts, a shy, bullied shop assistant by day and an amateur opera singer by night who became a p h e n o m e n o n a f te r being chosen for -- and ultimately winning -"Britain's Got Talent". Biography / Drama / Comedy

FOR SALE & OTHER

PROMOS

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Comedy / Romance

After being "marked," Jesse begins to be purs u e d by mys t e r i o u s forces while his family and friends try to save him.

Horror / Thriller

Action / Fantasy / Sci-Fi

DEVIL'S DUE

After a mysterious, lost honeymoon, the couples finds themselves dealing with pregnancy. The husband begins to notice odd behavior in his wife but, as the months pass, it becomes evident that the dark changes wifes body & mind have a much more sinister origin. Horror

LABOR DAY

THE NUT JOB

Drama

Surly, a curmudgeon, independent squirrel is banished from his park and forced to survive in the city. Lucky for him, he stumbles on the one thing that may be able to save his life, and the rest of park community, as they gear up for winter Maury's Nut Store. Animation / Adventure / Comedy / Family

Depressed single mom Adele and her son Henry offer a wounded, fearsome man a ride. As police search town for the escaped convict, the mother and son gradually learn his true story as their options become increasingly limited.

LIKE US ON FACEBOOK

www.facebook.com/daloykayumanggi


19

January 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

SI CONFUCIUS

JBoy: Pareng Nognog, alam mo ba kung ano Teacher: Mali ka pa rin. Mas maraming letra. ang pangalan ng sakit ng baboy? Juan: Lot-lot and Friends? Nognog: Foot and mouth disease? BAHAY KUBO Boy: Mali ka! (Bahay Kubo, kahit munti, ang halaman Nognog: Oh eh ano? doon...” Boy: Eh di PIG-SA! Juan: Tol, ba’t ka napapaiyak ‘pag naririnig mo ‘yang kantang ‘yan? ‘Di naman nakakaiyak ‘yan CRUSH SA HOLLYWOOD TRANSALTE IN TAGALOG Boy 1: Tol, sinong crush mo sa Hollywood? Teacher: Sige nga Juan, masubukan nga kita sa ah! Boy 2: Eh si Angelina Jolie. translation. Pedro: Eh kasi tol, theme song naming ‘yan ng Boy 1: Bakit naman si Angelina? Juan: Aba, game ma’am! GF kong nang-break sa’kin eh. Hu-hu-hu... Teacher: Ano sa Tagalog ang “Let’s help one Boy 2: Eh kasi siya lang ang kilala ko eh. MUKHA KANG... another.” Eksena: Disco house NASIBAK Pedro: Uy Juan, nasibak ka na naman sa traJuan: Easy. Tayo’y magtulungan. Boy: Miss, sayaw naman tayo oh! baho? Bakit naman? Teacher: Very good. Eh ang “In union there is Girl: Bakit, marunong ka bang mag-swing? Juan: Eh kasi inuutus-utusan ba naman ako ng strength.” Boy: Hindi eh! Hindi naman kasi ‘yan ang tipo boss ko. kong sayaw eh. Saka, mukha ba akong Dance Juan: Madali lang... Sa sibuyas, may titigas. Pedro: Oh eh, siyempre boss mo yun eh. Instructor? UBUSIN MO 'YAN Juan: Eh nanay ko nga hindi ako magawang Nanay: Anak, ubusin mo lahat ‘yan! Girl: Hindi! Mukha kang monkey! Anak: Eh ‘nay, busog na busog na ho ako tautusan eh! Siya pa kaya! GIVE ME A NOUN laga. ANO KAYANG IKAKASO? Teacher: Totoy, give me a noun. Nognog: Tuknoy, alam mo ba kung nahuli kang Nanay: Naku, nag-iinarte ka lang. Alam mo Totoy: Monkey ma’am! nagnanakaw... bang maraming nagugutom? Teacher: Okay, good. Ikaw naman Tuknoy, give Tuknoy: Ng ano naman? Anak: Oh ngayon kung nabusog ako, mabubu- me another noun. Nognog: ...ng tapas sa palengke? sog din ba sila? Tuknoy: Ah... Eh... Another monkey?! Tuknoy: Eh ano? SINO ANG PUMATAY KAY PEACE AND ORDER Nognog: Ano pa eh ‘di ES-TAPA! Hehe... MAGELLAN Reporter: Mayor, pa-interbyu naman. Kumusta Nanay: Anak, lagi mong tandaan ang sinabi ni Confucius: “’Wag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.” Anak: Nay, marunong po palang mag-Tagalog si Confucius?

'YAN ANG BANAT

Boy: Mahal, parol ka ba? Girl: Bakit naman? Boy: Eh kasi... lagi kang nakasabit sa puso ko eh!

ANO ANG SAKIT NG BABOY

AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19 Huwag palalampasin ang mga oportunidad na darating. Minsan lang darating ang mga ito sa buhay mo. Power numbers at color: 31, 24 at 28; White.

PISCES Peb. 20 - Mar. 20

Ugaliin ang pagiging masiyahin. Ito ang magsisilbing charm mo para mapalapit sa iyo ang mga taong nasa paligid mo at makikilala mo. Numbers of the month: 16, 12 at 2. Color of the month: Maroon.

ARIES Mar. 21 - Abr. 20

Kung kinakailangan mong humingi ng paumanhin sa mga kasama mo sa trabaho o sa bahay, gawin mo. Makabubuti ito sa iyo. Huwag namang pairalin ang pagiging masumpungin mo. Lalayuan ka lang ng mga tao. Power numbers: 21, 23 at 11. Lucky color: Red.

TAURUS Abr. 21 - May. 21

Pagdating sa pag-ibig, mapupuno ng kilig ang

Teacher: Okay Class, alam niyo ba kung sino ang pumatay kay Magellan? Clue: Ang initials ay LL. Juan: Alam ko ‘yan teacher, Lito Lapid? Teacher: Mali ka, Juan. Juan: Ah, Lot-lot?

iyong unang buwan ng taon. Pagdating naman sa pinansiyal, kailangan mong alagaang mabuti ang iyong trabaho o negosyo, nang sa gayon ay patuloy na umangat ang kita. Ang mga numero at kulay na suwerte sa’yo ay: 17, 1 at 6; Asul.

GEMINI May. 22 - Hun. 21

Ang pagtulong sa kapwa ang magiging daan para ikaw ay maging masaya at lalo pang umunlad sa buhay. Tandaan lang na huwag ipagkait ang tulong sa iba. Ang iyong color of the month ay Green. Numero mo naman ngayon ang 12, 14 at 4.

CANCER Hun. 22 - Hul. 22

Pa g d a t i n g s a p a g - i b i g , kailangan mo munang ifocus ang iyong atensyon sa career o sa negosyo. Saka na muna isipin ang estado ng iyong lovelife ‘pag ready ka na. Darating at darating din ang tunay na para sa’yo. Kilos lang nang kilos nang sa gayon ay magtagumpay. Swerte para sa’yo ang mga numbers na 8, 5 at 24. Pink ang suwerte mong kulay ngayong buwan.

barko eh.

ANNULMENT

Judge: Misis, bakit naman gusto niyong makipaghiwalay sa asawa mo? Misis: Eh kasi, lagi na lang ‘pag nagla-lovemaking kami eh tinatakpan niya ang mukha ko. Judge: Eh mister, ikaw, bakit naman gusto niyong hiwalayan ang inyong asawa. Mister: Naku, see it for yourself na lang. (Pagkatingin ng Judge sa misis...) Mister: (Napalunok) Ikaw Mister, ba’t ngayon ka lang nag-file ng annulment? Dapat noon pa!

LANGAW

Lalaki: Waiter, ba’t may langaw ang lugaw ninyo? Ano ba naman ‘tong restawran na ito. Waiter: Eh kasi sir, sa sobrang sarap ng lugaw namin, pati langaw eh gustong makatikim nito. Kitams!

PIMPLES

Donya: Oh Inday, iyak ka ng iyak diyan. Bakit? Inday: Eh kasi ma’am, andami-dami ko nang pimples. Donya: Eh ba’t marami kang pimples? Inday: Eh siguro po sa kapupuyat. Donya: Eh ba’t ka napupuyat? na ho ang peace and order dito pagkatapos ng Inday: Eh kasi po namomroblema ako. Donya: Eh ano namang problema mo? nangyaring pagsalakay ng mga rebelde? Inday: Pimples ko ho. Mayor: Ahhhh... Fish? Marami pa ‘yan dito... Reporter: Ha?! Mayor: At yung order naman... Yun ang probmula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp lema. Dahil pinalubog ng mga rebelled yung

www.tumawa.com

LEO Hul. 23 - Ago. 22 Hindi kailangang magapura. Kahit maliit lang ang kita, siguradong makakaipon ka rin ng malaking halaga. Disiplina lang ang kailangan. Ika nga, tulduk-tuldok ay nagiging bundok, patak-patak ay nagiging dagat. Brown ang okay na kulay sa’yo; 3, 17 at 10 naman ang sa numero.

VIRGO Ago. 22 - Set. 23

Kailangan mong ma-realize na ang panalangin ay isang mabisang sandata laban sa kalungkutan at kabiguan. Kaya, kung nasa estado ka ngayon ng buhay mo na nawawalan ka na ng pag-asa, ugaliin lamang tumawag sa Kanya. Lucky color at numbers: Orange; 8, 3 at 9.

LIBRA Set. 24 - Okt. 23

Kung hindi ka pa nagsisimulang mag-ipon, panahon na para magawa mo ito. Huwag sayangin ang oras sa mga bagay na wala namang kabuluhan. Masusuwerteng numero: 30, 16 at 12. Masuwerteng kulay: Yellow.

SCORPIO Okt. 24 - Nob. 22 Huwag ibinbin ang iyong mga gawain. Mas maraming halaga ang iyong kikitain kung ikaw ay focused sa iyong mga proyekto o gawain. Yellow-Green ang swerteng kulay sa’yo; 6, 15 at 19 naman ang mga numero mo.

SAGITTARUIS Nob. 23 - Dis. 21 Pamilya ang kinakailangang maging pokus mo ngayong buwan. Wala ring silbi ang iyong kinikita kung mapapabayaan mo ang iyong pamilya. Swak sa’yo ang kulay Violet. Numerong 26, 21 at 20 naman ang okay sa iyo.

CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20

Positibismo ang kailangan mong pairalin. Iwasan ang mga taong negatibo dahil nakakahawa ang pagiging laging malungkot at masungit. Ito ang magsisilbi mong susi para sa mas ikatatagumpay mo pa sa buhay. Ang Navy ay masuwerte sa’yo. Ikonsidera rin naman ang mga numerong 30, 8 at 18.


20

January 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Team Pilipinas sa Wushu, nakasungkit ng ginto sa SEA Games

Panalo para sa pagbalik ni Cabagnot

H

indi pinalampas ng koponan ng Pilipinas para sa larong Wushu ang pagkakataong muling makasungkit ng ginto sa 27th South East Asian Games (SEA Games). Itinuturing na pangatlong Pinoy na nagkamit ng ginto sa isports na ito sa SEA Games si Daniel Parantac. Ito’y matapos niyang matalo ang mga pambato naman ng Myanmar at Singapore. Bukod sa gintong medalya ay nakakuha rin ng tig-iisang bronze medals sina Kariza Kris Chan at Natasha Enriqueze mula sa Wushu Women’s Duilian. Bronze medal din ang nakuha ni Hemi Macaranas sa Canoeing Men’s C1 pagkatapos niyang maitala ang rekord na mahigit sa apat na minuto. Sa kasaysayan ng SEA Games, ang dalawa pang Pilipinong nakakuha ng gintong medalya para sa parehong isports ay sina Dembert Arcita at Jessie Aligaga.

27TH SEA GAMES

M

inarkahan ni Alex Cabagnot ang kanyang pagbabalik sa pamamagitan ng isang panalo para sa Petron Blaze laban sa Air21 nitong Disyembre 12. Natapos ang laban sa 90-88 na puntos pabor sa Petron. Ang guard ng Petron ay pansamantalang nagpahinga pagkatapos masaktan ang kanyang kanang paa sa nakaraang laro. Sa tulong ng pasa ni Junmar Fajardo, itinira ni Cabagnot ang bola halos apat na segundo bago matapos ang laro at tuluyan na ngang iniwan ang Air21. Ayon sa panayam kay Gee Abanilla, coach ng Petron, ng Philippine Star, ang magandang kinalabasan ng ginawa ni Cabagnot ay makakatulong para maibalik ng basket bolista ang kanyang tiwala sa sarili pagkatapos. Bukod sa puntos na ginawa ng manlalarong Fil-Am, hindi rin maikakaila na nakatulong ang matataas na puntos na nakuha ng mga kasama niyang manlalaro gaya nina Chris Lutz, na nagtala ng 25 puntos sa laro, 14 puntos ni Arwind Santos at 12 puntos para kay Marcio Lassiter. Ang labang ito ay ang pang-anim na panalo para sa Petron Blaze.

SPORTS UPDATES Amir Khan: Si Bradley ang dapat na makasagupa ni PacMan

MEDAL TALLY as of December 19, 2013

M

araming mga ispekulasyon hinggil sa kung sino ang makakalaban ni Manny Pacquiao sa susunod na taon. Kabilang sa mga pinagpipilian ay sina Juan Manuel Marquez, Timothy Bradley at si Floyd Mayweather, Jr. Ngunit, ayon sa dating sparring partner ni Pacquiao na si Amir Khan, ang rematch kay Bradley ang dapat na sumunod na laban ng pambansang kamao. Ayon pa kay Khan, si Bradley ay isa sa mga malalakas na boxer ngayon kaya dapat lang na siya ang susunod na kakalabanin ni Pacquiao. Matatandaang nanalo na si Bradley kay Pacquiao noong 2012 sa pamamagitan ng isang kontrobersyal na split decision. Nasilayan umano ni Khan ang muling pagbangon ni Pacquiao galing sa isang matinding pagkatalo kay Marquez. Nakikita rin umano ni Khan ang matinding pagkauhaw ni PacMan sa pagkakapanalo.

Reaksyon ito ng boksingero matapos iproklama ng World Boxing Council na si PacMan na ang numero unong contender ni Mayweather. Dagdag pa ni Mayweather, wala raw puwang ang boxer-congressman sa ring. Matatandaang, na-knockout si Pacquiao ni Juan Manuel Marquez at kontrobersyal naman na split decision ang resulta ng labang Timothy Bradley-Manny Pacquiao (kung saan idineklarang panalo si Bradley). Kamakailan, tinalo ni PacMan si Brandon Rios sa kanilang laban sa Macau.

Buenavista at Tabal, kakatawan sa Pilipinas sa 2014 Paris Marathon

Mayweather: Walang puwang si PacMan sa ring

S

a isang radio show interview sa Amerika ng host na si Kelly Mac, minaliit ni Floyd Mayweather ang kakayahan ni Manny Pacquiao kung saka-sakaling maghaharap sila sa ring. Ika ni Mayweather: “Where we stand is this: Pacquiao is 1-2 [win-loss] in his last three fights. My last 45 fights, I was 45-0.”

Excited na akong makabalik sa Paris.” Ito ang naging pahayag ni Eduardo “Vertek” Buenavista, isang twotime Olympic Games campaigner, sa pahayagang Pilipino Star Ngayon matapos niyang ma-qualify para sa 27th Paris Marathon na isasagawa sa Oktubre 2014. Nanguna si Vertek sa 42-kilometer Division ng 37th MILO Marathon National Finals na isinagawa sa SM Mall of Asia Grounds sa Pasay City noong Disyembre 8. Nakapagtala siya ng 2:27:14 na oras. Ang 4’11” na runner ay nagkamit ng P150,000 papremyo. Samantala, makakasama naman niya sa Paris ang isang first-timer sa lugar na si Mary Joy Tabal na kampeyon sa Open Division sa oras na 2:48:00.


21

January 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

2013 YEAR-END SPECIAL SHOWBIZ REPORT

Hiwalayan, Aminan at Kasalan sa Taong 2013

Sa Pinoy showbiz, marami-raming mga news items din ang nagsilabasan nitong nakaraang buwan hinggil sa relasyon. Mayroong nag-aminan, mayroon din namang naghiwalay. At siyempre pa, mayroon ding nakagugulat. Naririto’t balikan natin ang ilan: Hiwalayang Phil Younghusband at Angel Locsin

Marami ang nalungkot at nadismayang naghiwalay na sina Angel at Phil. Noong namatay din kasi ang ina ng football player ay saksi si Angel. Hula ng iba, third party umano o walang oras sa isa’t isa ang dahilan ng hiwalayan. Hiwalayang Jennylyn Mercado at Luis Manzano

lang ang aminan sa hiwalayang Phil at Angel. Knowing na dating mag-on sina Luis at Angel, tanong ng marami, hindi kaya dahil nagkabalikan na ang dalawa? Relasyong Charice Pempengco at Alyssa Quijano

Napabalita rin kamakailan ang nakagugulat na relasyon ni Keanna Reeves sa 19 taong-gulang na si Kevin Mercado. Love at first sight umano ang naramdaman ng bawat isa sa una nilang pagkikita sa isang party. Kasalukuyan umanong nakatira ang dalawa sa isang condo unit sa Mandaluyong. Sinasabing mas matanda pa ang panganay na anak ni Keanna kaysa sa kanyang BF, pero age doesn’t matter daw talaga pagdating sa pag-ibig. Kasalang Melai at Jason

Marami ang na-shock at nadismaya pa nga sa pag-amin ni Charice sa kanyang tunay na pagkatao. Gayunpaman, nagpatuloy si Charice sa kanyang buhay. At, buong tapang niyang inamin na sila na nga ni Alyssa Quijano, ang AKA Jam member at nakakalaban na sa mga amateur contests sa ABS-CBN, kagaya ng Little Big Star. Going strong pa rin daw ang relasyon ng dalawa hanggang sa kasalukuyan. Relasyong Keanna Reeves at 19 years old Boyfriend Nasundan ng publiko ang pag-iibigang Jason Francisco at Melai Cantiveros mula sa loob ng bahay ni kuya hanggang sa kanilang pagsikat. At nitong Disyembre nga ay ikinasal na ang dalawa sa General Santos City, kung saan ilang mga sikat na personalidad, kagaya nina Manny Pacquiao at Mommy D, ang kanilang naging ninong at ninang. Buntis na si Melai sa kanilang unang magiging supling.

Naging kontrobersyal din ang hiwalayang ito, sapagkat halos magkasunod

Ang Pinaka sa Showbiz sa Taong 2013

Maraming mga tumatak at naging kontrobersiyal na mga pangyayari, personalidad maging linya sa mundo ng showbizness sa nagdaang taon. Pasadahan natin ang mga pinaka: Megan Young, unang Pilipinang Ms. World

Marami-raming Pinoy sa buong mundo ang proud-na-proud sa tinamong tagumpay ng ating pambato sa Ms. World at celebrity rin na si Megan Young. Sa mga preliminary rounds pa lang ng naturang timpalak pagandahan, early favorite na si Megan. At sinelyuhan na nga nito ang korona, matapos niyang sagutin nang maayos at may confidence ang Q and A portion ng kumpetisyon. “Latinas can’t even speak a complete sentence in English.”

Ito naman ang naging sagot ni Ms. ang sinasabing isa sa mga nasampal Universe-Philippines at Ms. Universe at napagbalingan ni Anne ng kanyang 2013 3rd Runner-up, Ariella Arida, sa galit ng araw na iyon. kanyang interbyu sa Headstart ni Karen Miley Cyrus, nagpalit-anyo Davila. Marami ang nag-react sa linyang ito ng beauty queen. Gayunpaman, ika ni Ara, hindi umano nito intensyon ang mang-offend ng sino man. Nag-sorry rin agad si Ara. Sa kumpetisyon, puro Latina beauties ang kasabay ni Aras a top five. “I can buy you, your friends, and this club!”

Ito naman ang kontrobersiyal na linyang binanggit ni Anne Curtis sa kanyang pagwawala umano sa isang bar sa Taguig noong Nobyembre 22. Ito ang linyang nabanggit umano ni Anne kay Phoemela Barranda na pinabulaanan naman ng huli sa isang interbyu sa TV Patrol. Agad namang inamin ng aktres ang naturang pangyayari, ngunit ito umano’y may dahilan na hindi na niya idinetalye pa. Tao lang daw siya na nagkakamali rin. Si John Lloyd Cruz

Mula sa pa-tweetums image na nakasanayan ng mga tao, partikular ng mga kabataan, tuluyan na ngang nagibang anyo ang sikat na Hollywood star at singer na si Miley Cyrus. Marami mang naging kritisismo ang pagpapalit na ito ng kanyang imahe, nanguna naman sa music charts sa iba’t ibang radio stations ang kanyang “Wrecking Ball” at milyon pa nga ang views ng Music TV nito sa YouTube. Sumikat si Miley dahil sa pelikulang Hannah Montana at sa kantang “It’s the Climb.”

Anak TV, binigyang-parangal ang ilang mga programa at personalidad

B

ilang pagbibigay-pugay sa ilang mga programa at personalidad sa telebisyon bunsod ng pagiging “worthy of emulation by children,” binigyang-parangal ng Anak TV ang ilan sa mga ito. Isinagawa ang awarding ceremony sa SGI Auditorium sa Quezon City nitong Disyembre. Sa isinagawang survey, kasama sa ilang personalidad sina Charo-Santos Concio, Sarah Geronimo, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Vic Sotto, Anthony Taberna, Coco Martin, Kim Atienza, Noli De Castro, Richard Yap, Kara David, Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Vicky Morales, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Jodi Sta. Maria at marami pang iba. Kabilang pa sa mga pinarangalan sina Bernadette Sembrano, kasama ang batikang news anchor na si Jessica Soho. Ang Hall of Fame awards ay ipinirisinta nina Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson Eugenio Villareal at ng beteranong actress na si Nora Aunor, kasami si ang director na si Brilliante Mendoza.

Listahan ng mga top earners sa Hollywood's music industry, inilabas ng Forbes

S

ino kaya sa mga Hollywood women music icons ang may pinakamalaking nalikom na kita mula sa industriya? Kamakailan ay nagpalabas ang Forbes magazine ng listahan ng mga music’s top earning women. Nanguna sa listahan ang 55 year-old singer at ngayon ay businesswoman na si Madonna. Ang kita ng singer mula June 2012 hanggang June 2013 ang naging basehan ng Forbes para hirangin si Madonna na pinakamayamang singer. Sa kanyang kita pa lang sa kanyang worldwide MDNA Tour, tinatayang $305 million na ang kanyang kinita. Iba pa ang kanyang mismong kita sa kanyang mga personal na negosyo. Mula pang-siyam na puwesto noong nakaraang taon, siya na ngayon ang nasa unang puwesto. Pumangalawa si Lady Gaga na may $80 million na kita; pangatlo si Taylor Swift na may $55 million; at pumang-apat si Beyonce na may $53 million. Si Madonna rin umano, ayon sa magasin, ang itinuturing na overall highest-earning celebrity.


22

Janaury 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Bagong Kimmy Dora film, kasali sa MMFF

SINO ba naman ang makalilimot sa mga roles

na Alwina, Lyka at Darna? Malayo na nga ang nararating ni Angelica Colmenares, ang pangalan sa tunay na buhay ni Angel Locsin—isang commercial model, film producer at film actress.

N

agsimula si Locsin bilang isang contract artist ng GMA Network hanggang taong 2007. Dito, nagawa niya ang mga proyektong tumatak sa isipan ng maraming mga Pinoy viewers, kagaya ng Darna, isang TV adaptation ng Mars Ravelo Comics, at ang Mulawin, isang fantasy-themed television series noong taong 2004. Ito na nga ang naging simula ng mabilis na paglago ng karera ng aktres bunsod na rin sa kanyang husay sa pag-arte. Sa kanyang paglipat sa ABS-CBN, nagtuluy-tuloy ang kanyang mga tinamasang swerte pagdating sa mga proyekto. Isang International Emmy Award nomination agad para sa best performance ang kanyang nakuha sa kanyang pagganap naman sa role na Lyka sa TV series na Lobo. Naging blockbuster din ang kanyang mga ginawang pelikula sa ilalim ng Star Cinema, kagaya na lang ng One More Try at In the Name of Love. Sa mga pelikulang ito, walang dudang nagkamit siya ng mga parangal: Box-Office Entertainment Award for Film Actress of the Year, Star Award for Movies for Movie Actress of the Year, Film Academy of the Philippines Award at FAMAS Award bilang best actress.

Ilan sa kanyang mga nakatambal sa telebisyon at pelikula ay sina Richard Gutierrez, Dennis Trillo, Robin Padilla, Piolo Pascual, Aga Muhlach, John Lloyd Cruz at marami pang iba. Pagdating sa love life, naging open book ang aktres hinggil sa kanyang mga naging relasyon. Kamakailan nga ay natunghayan ng publiko ang kanyang pakikipaghiwalay sa Azkals player at commercial model na si Phil Younghusband. Taong 2002 nang unang masilayan si Angel sa telebisyon, sa pamamagitan ng programang Click ng GMA Network. Sa mga hindi nakakaalam, si Angelica ay ipinanganak noong Abril 23, 1985.

Robin, kahanga-hanga ang personalidad

K

ahanga-hanga talaga ang personalidad ng aktor na si Robin Padilla. Sa isa kasing artikulo sa dyaryo, ini-reveal ng kanyang manager na si Betchay Vidanes na hindi umano ang laki ng talent fee na kikitain ang focus ng aktor, kundi kung saan siya masaya. Ugali rin daw ng aktor, ayon kay Vidanes, ang piliin ang trabaho na talagang

paghihirapan niya. Dagdag pa ng manager, tapos na umano siya sa mga panahon na ang kanyang focus ay kung saan may malaki siyang kikitain. Ipinagtapat din ng manager ni Binoe na TV5 at ABS-CBN ang pinagpipilian ng aktor. Kung saan siya pipirma, abangan na lang natin.

B

unsod ng success na tinamasa ng dalawang naunang Kimmy Dora films, mapapanood muli bilang bahagi ng 2013 Metro Manila Film Festival si Eugene Domingo sa ikatlo, at panghuli na raw, na ‘Kimmy Dora’ prequel: ang “Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel.” At kahit pa umano magiging blockbuster pa ang nasabing pelikula, hindi na raw umano magkakaroon ng fourth installment pa ang naturang pelikula. Pinasikat ni Eugene ang mga karakter na Kimmy, isang sobrang talino ngunit bato ang puso, at Dora, isang mentally challenged ngunit may busilak na puso. Ang parehong mga karakter ay ginampanan ng aktres. Ayon kay Eugene, “trying very hard” na raw kung magkakaroon pa ng ikaapat na installment ang pelikula. Dagdag pa ng magaling na aktres, kailangan na raw maghanap ng ibang mga istorya. Si Sam Milby naman ngayon ang magiging katambal ni Eugene.


23

January 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Rachelle Ann, nakuhang cast ng Miss Saigon Mga sikat na mang-aawit,

P

roud-na-proud ngayon ang mga Pilipino kay Rachelle Ann Go, dahil pasado siya sa audition para sa Miss Saigon na itatanghal sa London. Isa na sa mga proud “friend” ng singer ay si Christian Bautista. Bilang kaibigan, tuwang-tuwa umano si Bautista sa tinatamasang tagumpay ng dating girlfriend. Pero, malulungkot umano siya, sapagkat isang taong aalis ang singer.

At kung may tyansa umano siya, dadalaw siya sa London para panoorin ang kanyang kaibigan. Bukod kay Rachelle Ann, may dugong Pinoy din ang gaganap na Kim na si Eva Noblezada, 17 years old, at Jon Jon Briones na gaganap namang The Engineer. Gagampanan ni Rachelle Ann ang role ni Gigi. Ipapalabas ito ngayong taong 2014.

nagsama-samang kumanta para sa muling pagbangon

Paul Soriano, umaasang makapapasok ang Transit sa Oscars

U

maasa ang producer ng “Transit,” pambato ng PiliMaraming mga hurado ang dadalo para sa screening ng pinas sa 86th Academy Awards, si Direk Paul Sori- mga pelikula. ano, na makakapasok ang kanyang pelikula sa Best “You know, a win for Transit is a win for the Philippines. Foreign Language Film category sa naturang kumpetisyon. So, we’re hoping for the best, ika ng director / producer sa Sa ngayon, batay sa ulat ng pinoystop.com, ang kanyang panayam ng pinoystop.com. pelikula ay nasa pang-22 pwesto. Ang nasabing kategorya ay sinalihan ng 77 pelikula na nirereview ng committee. Ang layunin ay makapasok ang pelikula sa top five para makasali sa mga magiging nominado. Ang Transit ay isang pelikula tungkol sa mga OFW na nahihirapan sa immigration law sa Israel at may posibilidad na i-deport. Ito rin ay tungkol sa mga anak ng mga OFW na ipinanganak sa Israel na hindi alam ang kultura sa Pilipinas.

Bagong Taon, ipagdiriwang ni Jessica Sanchez sa Pilipinas

K

amakailan ay umuwi sa Pilipinas ang mang-aawit na si Jessica Sanchez para sa kanyang charity activity para sa Starkey Hearing Foundation. Naging kilala ang pangalan ni Sanchez sa Estados Unidos matapos siyang makapasok at maging runner-up pa nga sa American Idol. Nakilala rin siya bilang isa sa ilang contestants sa AI na may dugong Pilipino. Ayon sa panayam kay Sanchez, itinuturing niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Humanga rin umano sa mga Pilipino ang naturang singer. Nabanggit din niya na mayroon siyang lolo at lola sa bansa, na siyang mas nagpaigting

sa kanyang pakiramdam na ang Pilipinas ay ang kanyang pangalawang tahanan. Nabanggit din sa panayam na ikinalungkot ng mang-aawit ang nangyari dahil sa super typhoon Yolanda. Nakasama si Sanchez sa proyekto, na kanyang ikinatuwa, dahil ito umano ang kanyang naging unang charity mission. Ang lahat ng malilikom mula sa “Lead Me Home,” isa sa mga kanta sa kanyang abum na “Me, You and the Music,” ay mapupunta sa mga nabiktima ng nakaraang bagyo. Babalik muna ang mang-aawit sa Estados Unidos bago magpasko, pagkatapos ay muling uuwi sa Pilipinas para sa bagong taon.

Chef Boy Logro, nagpatayo ng isang unibersidad “This is my way of giving back the glory. Advocacy namin kasi talaga ang tumulong.” Ito ang malamang linya na binitawan ni Chef Boy Logro sa isang artikulo sa pahayagang Bandera, matapos kumpirmahin kung totoong siya ay nagpapatayo ng unibersidad na may resort at simbahan. Sinisimulan na raw ngayon ang development ng 50-hectare na lawak na property ni Chef Boy Logro.

Dito umano ipatatayo ang kanyang University for the Chefs with amenities sa Compostela Valley. Dating OFW ang sikat na cooking show host. Talaga namang from rags-to-riches ang buhay ni Chef—bagay na dapat tularan ng nakararami.

Charice: Hindi ako naghihirap

M

atapos ang ilang buwang pananahimik, binasag na rin ni Charice Pempengco ang kanyang kasagutan sa bali-balita noon na siya ay naghihirap na. Sa artikulo ni Cristy Fermin sa Bandera, mariin umanong pinabulaanan ng sikat na singer ang naturang bali-balita. Dagdag pa ni Charice, malayo raw mangyari iyon dahil nagsisipag siya sa kanyang trabaho. Gayundin, pinabulaanan din niya ang naikuwento noon ng kanyang Nanay Tess Relucio, lola ng singer, na siya ay nagtangkang mag-suicide. Mahal daw niya ang kanyang buhay, kaya, giit ng aktres, malayong mangyari iyon. Bagamat may tampuhan pa rin umano sila ng kanyang ina, mahal pa rin daw niya ito at ng kapatid niyang si Carl.

A

ng pag-awit ng Loboc Children’s Choir ng “The Prayer” ay naging inspirasyon para sa ibang mga Pilipino para tumulong pagkatapos ng mga nangyaring krisis sa

bansa. Ang mga miyembro ng kilalang grupo ay naging biktima ng malakas na lindol na tumama sa bansa. At para mas maging maugong ang kanilang mga boses at mas makapagbigay ng inspirasyon sa mas maraming Pilipino, nagtipun-tipon ang iba pang sikat na mang-aawit para kumanta at magkaisa para sa isang panalangin upang unti-unting maibalik ang lahat sa ayos. Sa pamumuno ni Ryan Cayabyab, pinuno ng Philipop MusicFest Foundation, ang produksyon ng “The Prayer” ay naisagawa kasama ang mga kilalang pangalan sa industriya ng musika. Tumulong din ang ibang mga kumpanya at ahensiya para maganap ang produksiyon. Sa pamamagitan ng Smart, Talk ‘N Text, at Sun Cellular, puwedeng maka-register at mabili ang kanta. Mapupunta ang proceeds sa Help PH na kampanya ng Philippine Disaster Recovery Foundation, Inc.

Pelikulang Nuwebe, nagwagi sa Brazil

N

agwagi ng Youth Jury’s Mention of Honor ang pelikulang “Nuwebe” sa nakaraang Lume International Film Festival sa Brazil. Sa direksyon ni Joseph Israel Laban, unang ipinalabas ang “Nuwebe” bilang isa sa mga pelikulang kasali sa Cinemalaya 2013. Ayon kay Laban, ang kanyang dokumentaryo na isinulat para sa “Front Row,” isang programa sa GMA News TV, na pinamagatang “Ang Pinakabata” ang naging inspirasyon niya para sa paggawa ng pelikulang ito. Ang “Nuwebe” ay tungkol sa isa sa pinakabatang ina sa Pilipinas. Nabanggit din ni Laban na kahanga-hanga ang kanyang kagustuhang mabuhay sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan. Pinagbibidahan ito ni Barbara Miguel kasama si Nadine Samonte at iba pang mga artista. Lumaban din ang “Nuwebe” sa Harlem International Film Festival sa New York, kung saan nanalo ang batang artista ng Best Actress award. Ayon sa ulat, ang pelikula ang tanging pelikulang Pilipino na nakasali sa film festival na ito. Bukod dito, ipinalabas din ang pelikula sa iba’t ibang film fest na ginanap sa ibayong lugar.


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.