IEmmensity Newsletter Issue No. 7

Page 18

18

O, Ama ni: Biskonde

Hintay ni Liway Y

Marahan ang naging unang hakbang Takot man magkamali pero ‘di ‘yon naging hadlang Ang pagkamit sa pangarap na nais matupad Kahit saan man ako mapadpad

LITERARY

Huling Pag-upo Ni: Alapaap

Umayon ang pagkakataon Naging makabuluhan ang unang taon Nakatagpo ng iba’t ibang klase ng tao Pero bakit parang napag-iiwanan ako?

O, ama ko na itinuturing Makisig, at matalas ang isip Pananampalataya mo’y malalim Ngunit sa opinyon, bakit kumitid Mahabang panahong mataas ang turing Ngunit nabaon ang mata’t isip sa sabi-sabi Maling impormasyong sa plataporma galing O, ama, salain mo iyong isip Nang magkaroon ng maling batis, Nalunod ang opinyon at hindi nag-isip Kung ito’y totoo ba o mga sinungaling O, Ama, ba’t di ako nakialam at nagsabi Bakit sa taong ito ang iyong pananalig Maraming ebidensya, na siya’y ‘di malinis ‘Di pansin ang talino at galing na atin O, ama, nabigo ang aking damdamin

Patuloy ang pagtahak sa daang malubak Naging mahirap, pilit nilang binabagsak Malayo na rin ang aking tinahak Hindi ngayon susuko at masisindak Hindi man pangkaraniwang ang panahon Sa sitwasyong limang taon ang itinuon Malimutan ko man ang formula sa libro Hindi magbabago ang kurso at pangarap ko Tunay na nakaiinip maghintay Hindi mo alam kung hanggang kailan ka malulumbay Pero heto na, tanaw ko na ang entablado Kung saan masasabi ko na sulit ang pagod ko Taas noo haharap sa madla Nakangiti at puso ay sobrang saya Hawak ang piraso ng papel Habang suot ang toga na itim at kahel Muli, isang marahan at huling paghakbang Salamat sa lugar na tunay akong natuto Nahuli man pero heto ako ay nakatayo Walang kapalit at panalo hinintay ko ‘to!

Pamilya natin ay sa Diyos umiibig Ba’t di sumasalamin sa iyong bilin Ako’y tahimik, ngunit naliligalig O, ama, sana ika’y mapilit Ngayo’y tapos na ang aking iniisip Ngunit nangangamba, at may pagsisisi May nagawa ba sana? O nabago ang isip, O, ama, alam kong boto mo ay nasa maling guhit

KOREKSYON NI GUERRERO

Sa hilera ng mga naghangad Bilang lang sa kanila ang bukod tanging uusad Kung ang tiansa’y sa palad nila sasadsad Oh sa puso ng masa’y hindi mapalad. Mga tao sa ibaba ang sumalo Na dapat hinaharap ng kanilang suportado Kilos at galaw ng taliwas na grupo Bakit kabilan kung sila’y dumuro. Sino bang hindi naghangad ng maganda? Dito sa mga ulopong na umaasta Lahat naman yata may napatunayan sila

Sa kanya noong pagkapanalo, Maraming hindi nagkagusto, Kung magdadala ba siya ng pagbabago, Sa kaniyang haharaping termino? Sa kabila ng mga pagbatikos, Hindi naging hadlang sa pagkilos, Sa bayang kalunos-lunos, Problema kaya’y matatapos? Maraming pagsubok man ang dumating, Ngunit patuloy na naging magiting, Pagpapaunlad sa baya’y mas pinaigting, Hanggang sa pagbabago ay untiunting marating. Kung ating itatala, Ang mga nagawa, Ay hindi maikakaila, Na siya ang nagbigay pag-asa sa madla. Kanyang nagawa ay di matatawaran, Kahit na nino pa man, Atin itong pakatandaan, Mga naiwa’y pahalagahan. Sa pagtatapos ng anim na taon, Tayo’s patuloy na bumangon, Nang sa lumaon, Bansa natin ay tuluyang maiahon.

Mga nagwagi nanlalamang, may ugali bang basura? Natapos na’t ang nakararami ay nakapili Huwag kutsain, yakapin kanilang bisig Bakit kapwa nila kalahi kung mandiri Bigyang pagkakataon silang mamamayan ang nagmungkahi. Mga bagong imahe na humakbang paitaas Mga nasa baba sana’y mabigyan ng padulas Nawa pagasa’y hindi nila itakas Padaluyin hanggang laylayan ang katas. Silang magdidikta ng mga susunod na taon Sasalamin sa nakaraan o magbabago ng direksyon Huwag sanang mauwi na naman sa kariton Ang bayan ni Juan, tama ba ang naging desisyon? Hindi base sa imahe ang estado Kung anong kulay ang iibabaw sa

trianggulo Maling manduhan ang taliwas; tanggapin, rumespeto Sa huli, ikaw at ikaw ang aakay ng iyong kargamento.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.