Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Inspiring Global Filipinos in Japan
〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com
D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611
Vol.2 Issue 27 September 2013
www.daloykayumanggi.com
KULTURA
Kuwento ng Paglalayag
TRAVEL Charming Tagaytay
7
15
SHOWBIZ
Claudine vs Raymart
21
FILIPINOS ARE WATERPROOF M ga Pinoy, hindi natinag sa gitna ng unos
Magkakasunod na hinagupit ng sunud-sunod na bagyo at malakas na ulang dulot ng habagat, ang iba’t ibang mga lalawigan sa Pilipinas, kabilang na ang Metro Manila, nitong Agosto. Ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Agosto 21, tinatayang 223,991 pamilya o 1,060,094 na katao sa 80 bayan at 35 siyudad sa Ilocos, Central at Southern Luzon, Corillera, at Metro Manila ang naapektuhan ng kalamidad. Ngunit, sa gitna ng unos, ramdam pa rin ang ispirito ng pagtutulungan at pagdadamayan sa mga Pilipino. Kaya naman, bansag ng iba’t ibang websites at networking sites sa mga Pinoy: “Filipinos are waterproof.” Sama-sama sa panawagan Iba’t ibang mga organisasyon din ang nagsama-samang manawagan, gamit ang Internet, para sa pagkain, damit, tubig, at kumot para sa relief operations sa mga sinalanta ng malakas na ulan at malawakang pagbaha.
SPECTACLES IN THE SKY. Synonymous with Japanese summers are firework festivals, like this well-attended Tokyo Bay Fireworks Festival last August, that trace a long tradition and history originally celebrated by locals to ward off evil spirits. ( Photo by Ramil Sagum )
Sundan sa Pahina 5
PM Abe, bumisita ng Pinas
Freeze hiring sa Taiwan, nilusaw na
O
pisyal na bumisita nitong Hulyo 26 hanggang 27 sa Pilipinas si Japanese Prime Minister Shinzo Abe. Layunin umano ng naturang pagbisita na palakasin pang lalo ang ugnayan ng Japan at Pilipinas. Kabilang din sa mga rason ng pagbisita ng punong ministro sa bansa ay upang masinsinang mapag-usapan ng dalawang bansa ang mga pangunahing isyung kinahaharap ng rehiyon sa kasalukuyan. Nagkaroon ng seremonya sa Malakanyang noong Hulyo 27 bilang tanda ng mainit na pagtanggap ng gobyerno ng Pilipinas sa bumibisitang prime minister. Matatandaang taong 2006 pa nang huling binisita ni PM Abe ang Pilipinas. Ang Japan ang bansang pangunahing nagbibigay ng mga development assistance sa bansa. Ito rin ang nangungunang trade partner ng Pilipinas nitong nakaraang taon.
KONTRIBUsyon Salamat, Gilas
9
M
uling binuksan ng Taiwan ang kaniyang pinto matapos humingi ng patawad ang Pilipinas sa ‘di umano’y pagkabaril ng coast guard sa isang 65-taong gulang na mangingisdang Taiwanese. Personal na tumungo si Manila Economic and Cultural Office (MECO) chair Amadeo Perez sa Taiwan upang ibigay ang official apology sa ngalan ni Presidente Benigno S. Aquino III. Sundan sa Pahina 5
TIPS
Swimming Exercise
11
KA-DALOY
Galing ng Pinoy
17