Daloy Kayumanggi July Issue 2013

Page 1

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Inspiring Global Filipinos in Japan

〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com www.daloykayumanggi.com

D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

PINOY TOURISTs SA JAPAN TATAAS

Vol.2 Issue 25 July 2013

M ar am in g Sa la ma t mg a ka -D al oy !

Showbiz

Charice nag-out na

Pahina 21

Kultura

I

1 June 2013 - BALIK NAMPEIDAI. Magkakasamang ipinagdiwang ng iba't ibang grupo at organisasyong Pilipino sa pamumuno ng Embahada ng Pilipinas dito sa Japan ang muling paglipad ng bandila ng Pilipinas sa bakuran ng Nampeidai sa Shibuya. Ang Nampeidai ay isa sa mga apat na pag-aari na ipinagkaloob ng bansang Hapon sa Pilipinas bilang bahagi ng Reparations Agreement noong 1956. (Litrato kuha ni Tet Marty Manalastas-Timbol)

naasahang tumaas ang bilang ng mga Pilipinong bibisita sa Japan bunsod ng tinatawag na Visa relaxation policy na nakatakdang ipatupad ng gobyernong Hapon.

Ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasunod ng paganunsyo ng Japan na luluwagan umano nito ang polisiya sa pagkuha ng visa para sa mga mamamayan ng mga bansang nasa Southeast Asia, kagaya ng Pilipinas, sa layuning mapalago umano ng bansa ang industriya ng turismo nito. Sundan sa Pahina 5

eCourt ng Supreme Court, inilunsad

S

c

travelasianplaces.com

Dyani Lao: Tattoo Artist

US, nagbigay ng $5.5 milyon para sa disaster resiLIENCE Pahina 5

Tips

c

c

N

agbigay ng 5.5 milyong dolyar (o P184.3 milyong piso) ang Estados Unidos sa United Nations World Food Program (WFP) para masuportahan ang Pilipinas sa kampanya para sa disaster resilience. Sinuportahan ng grant ang programa ng WFP na Disaster Preparedness and Response / Climate Change Adaptation (DPR/CCA) na target tulungan ang apat na disaster-prone na mga lalawigan – Cagayan, Benguet, Laguna, at Sorsogon. Ilalahok din sa budget na ito ang pagkakaroon ng disaster resilience program sa mga lalawigan ng Batangas, Compostella Valley, Davao Oriental, Iloilo, at Misamis Oriental. Ayon sa WFP, panahon na ng tag-ulan sa Pilipinas at kailangang magkaroon ng kahandaan at kaalaman ang mga residente ng mga target na disaster-prone areas kung paano ang dapat gawin sa panahon ng kalamidad.

harveykeh.com

a layuning mapabilis at maging mas “efficient” ang pagoorganisa ng mga kaso sa mga korte, inilunsad nitong Hunyo 12 ng Supreme Court ang proyekto nitong “electronic Court (eCourt),” isang computer-based system para makontrol ang iba’t ibang kaso, mula sa pagfa-file hanggang sa implementasyon.

Sundan sa Pahina 5

D&K Winners

Congrats sa Winners!

Tipid Tips sa Tokyo

guardian.co.uk

Pahina 9

Sports Taulava!! MVP ng ABL

NTT Events

16

Thank You Party Part 2

17

Pahina 20


2

2nd Anniversary Issue

July 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

c

ika-115 Araw ng Kalayaan, Ginunita sa Tokyo 22 June 2013. Pinangunahan ng mga Opisyales ng Embahada ng Pilipinas ang paggunita sa ika-115 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Roppongi na dinaluhan ng iba't ibang Filipino Communities. Ipinaabot ng Pangulong Aquino ang kanyang pagbati sa mga Pinoy na dumalo sa pamamagitan ng isang mensahe na binasa ni Minister Angelica Escalona. Binasa naman ni Consul General Marian Jocelyn Tirol-Ignacio ang mensahe ng pagbati ni DFA Secretary Albert F. del Rosario para sa lahat ng mga Pinoy sa Japan. Bilang pagtatapos ng unang programa, nagpaabot ang kasalukuyang Ambassador ng Pilipinas sa Japan na si Manuel Lopez ng pasasalamat sa lahat ng dumalo sa gabing iyon at hinikayat ang Filipino Community na suportahan ang mga proyekto ng embahada sa taong ito tulad ng Barrio Fiesta at Simbang Gabi. Sa ikalawang bahagi ng programa ay ipinamalas ng mga Pinoy ang kanilang talento sa pagkanta at pagsayaw sa pamamagitan ng iba't ibang production number. (Balita ni Mario Rico Florendo)

Pinoy student, wagi sa int'l competition

UP Pep Squad, international winner

H

indi lang pang-Pinas, pang-international pa. Ito ngayon ang tingin ng mga tao sa University of the Philippines Pep Squad (UP Pep Squad) matapos nitong maiuwi ang ikalawang pwesto sa Partner Stunts at ikatlong pwesto naman sa Group Stunts Mixed Categories sa nakaraang 7th Cheerleading Asia International Open Championships (CAIOC) na idinaos sa Tokyo, Japan. Sa Partner Stunts, tinalo ang UP Pep Squad ng Thai RSU cheer team ng Thailand. Samantala, sa Group Stunts Mixed category naman, pumangatlo ang pambato ng Pinas sa Thai RSU at ROck Bear ng Chinese Taipei. Mula noong 2007, taunan nang idinaraos ang CAIOC na inoorgansa ng Japan Cheerleading Association (JCA) na baseng Tokyo, Japan. Noong 2012, nakamit ng UP Pep Squad ang ikatlong sunud-sunod na kampeyonato sa UAAP Cheerdance Competition.

5 PH universities, kasama sa 2013 top Asian Universities c

c

gmanetwork.com

glabalnation.inquirer.net

facebook.com

N

amayagpag sa pang-apat na pwesto ang isang 16-year-old na high school student na tubong Davao del Norte sa Intel International Science and Engineering Fair (ISEF) noong Mayo 17, 2013 sa Phoenix, Arizona. Tinalo ni Judel Jay Angela Tabsing ang daan-daang mga kapwa mag-aaral mula sa iba’t ibang panig ng mundo, dahil sa kanyang proyektong iprinesenta na tutugon sa malaking problema ng mga banana farmers hinggil sa tinatawag na “Fusarium banana wilt” o “Panama disease.” Sa tala, 318 ibang mga proyekto mula sa 70 mga bansa ang inungusan ni Tabsing. Isa sa limang mga proyekto ang kay Tabsing na nagsilbing official entry ng Pilipinas sa naturang ISEF 2013. Pero nauna nito, ang proyek to ni Tabsing ang itinanghal na kampeyon sa Regional Science Fair in 2012. Nakatanggap ng $500 si Tabsing na itinanghal na 4th placer sa Plant Science PS009 category. Sa ngayon, nasa unang taon sa kolehiyo na si Tabsing, kumukuha ng BS in Medical Laboratory Science sa San Pedro College sa Davao.

Pinoy, nagtapos nang may parangal sa USAFA

N

c

ph.news.yahoo.com

agtapos kamakailan nang may parangal ang isang dating estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa United States Armed Forces Academy (USAFA). Sa ulat ng Yahoo! Philippines, napasama sa USAFA’s Superintendent’s List si Theodore Karl Quijano na tubong Dipolog City. Siya ay grumadweyt na may mga military, academic, at athletic distinctions sa kanyang batch. Pagkatapos ng graduation, magsisilbi si Quijano bilang second lieutenant sa Philippine Air Force. Ayon sa kanya, malaki umano ang kanyang utang na loob sa gobyerno ng Pilipinas kaya pinili nitong magsilbi sa kanyang bayang pinanggalingan. Bago pumasok ng USAFA, una muna siyang nag-aral sa University of the Philippines-Diliman (UPD) sa kursong Chemical Engineering at pumasok din siya sa Philippine Military Academy (PMA). Mula noong 1956, ika-16 pa lang si Quijano na Pilipinong nakapagtapos sa USAFA. Siya ay nag-iisang Pinoy sa kanyang batch.

L

imang unibersidad sa Pilipinas ang napasama sa listahan ng top 300 Asian universities na ipinalabas ng Quacquarelli Symonds (QS) kamakailan. Kabilang sa mga unibersidad na napasama mula sa bansa ay ang: University of the Philippines (ika-67 mula ika-68); Ateneo de Manila University (ika-109 mula ika-86); University of Santo Tomas (ika-150 mula ika-148); De La Salle Universtiy (na nasa ika 151-160 mula ika142); at University of Southeastern Philippines (na nanatili sa ika 251-300 na pwesto). Nagsimulang magpalabas ng listahan ng top Asian Universities ang QS mula pa noong 2009, kung saan laging naisasama ang UP, Ateneo, La Salle at UST. Nanguna naman sa listahan ang Hong Kong University of Science and Technology, National University of Singapore, University of Hong Kong, Seoul National University at Peking University.


3

2nd Anniversary Issue

July 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Bill vs bullying aprubado

c

article.wn.com

U

pang malabanan ang mga insidente ng pambu-bully sa mga kabataang Pinoy ay inaprubahan na nitong Hunyo 5 ang isang panukalang batas, sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado. Ang nasabing panukalang batas ay may pamagat na “An art requiring all elementary and secondary schools to adopt policies to prevent and address the acts of bullying in their institutions.” Ayon kay Senator Edgardo Angara, ang kasalukuyang Chairman ng Senate Committee on Education, Arts and Culture, ang naturang ipinasang bill ay pinagsanib na House Bill 5496 at ng Senate version nina Senators Mirriam DefensorSantiago at Antonio Trillanes IV. Sa isang pananaliksik, tinatayang may 2.5 milyon ang nakararanas ng pambu-bully sa eskwelahan, sa pamamarang pisikal at verbal. Naniniwala si Angara na walang puwang ang akto ng pambu-bully sa mga eskwelahan, na nagiging sanhi ng pagkatrauma at pagpapakamatay pa nga ng ilang mga kabataan.

Pagtatanim ng mga puno, pinaigting

S

a layuning mabawasan ang lumalalang polusyon sa Kamaynilaan bunsod ng carbon dioxide at ng iba pang mga greenhouse gases, isinusulong ngayon ng Department of Health – National Capital Region (DOH-NCR) ang kampanya sa pagtatanim ng puno. Kabilang sa mga itinatanim na mga puno ay rambutan, calamansi, caballero, sampaguita, McArthur palm, ilangilang, yakal, mahogany at molave. Mithiin umano ng DOH-NCR na magpatubo ng mga puno sa iba’t ibang health facilities sa buong Metro Manila. Ang proyektong ito ay sa pakikipagtulungan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Climate Change Commission at Department of Environment and Natural Resources – National Capital Region (DENR-NCR).

4000 trabahador, pumunta ng Saudi

c

M

interaksyoncom

ahigit 4000 Pilipino ang nabigyan ng trabaho sa Saudi Arabia sa unang apat na buwan ng 2013 ayon sa Philippine Overseas Employment Authority (POEA). Household services workers ang kinailangan ng nasabing bansa at naging in-demand ang mga Pilipino para sa ganitong uri ng trabaho. “The increase in the deployment of household workers to KSA was buoyed by the new agreement between the Philippines and Saudi Arabia government guaranteeing the safeguards and additional benefits of Filipina domestic helpers,” banggit ng POEA media consultant na si Emmanuel Geslani sa pahayagang Manila Standard Today. Bahagi ng pagkakasunduan ng Pilipinas at Saudi Arabia sa standard employment contract ang paglago ng workforce demand sa nasabing bansa. c

mithunonthe.net

DepEd, may dagdag budget

c c

doh.gov.ph

Free dialysis sa lahat ng hospital, plano ni Juan Angara c

philstar.com

I

pinahayag ni Senator-elect Juan Edgardo Angara na magpapasa siya ng bill tungkol sa pagmamandato sa lahat ng ospital at health units sa buong Pilipinas na magkaroon ng hemodialysis ward. Ipinahayag ng senador na dahil sa sobrang taas ng singil sa pagda-dialysis, hindi kayang tustusan ng mga indibidwal at pamilyang may P30,000 annual income pababa ang presyo nito. “The fact remains that sophisticated and advanced hospital and medical equipment and facilities are found in highly urbanized cities, so much so that patients from the rural areas have to travel all the way to these urban cities just to avail themselves of advanced medical treatment,” banggit pa ni Senador Jun Angara sa isang panayam. Ayon pa sa kaniya, dahil humihiling ng regularidad ang pagpapa-dialysis, kinakailangang mailapit ito sa mga mamamayan. Nakadisenyo ang panukalang ito sa kampanya ng pamahalaan na magbigay ng epektibong health services.

guroako.net

I

naprubahan ni Pangulong Noynoy Aquino noong Hunyo 13 ang pagbibigay ng 4.5 bilyong pisong budget para sa Department of Education, ngayong taon. Inilalaan ang budget na ito para sa pagpapaunlad ng sanitation facilities ng mga paaralan at pagsasaayos ng mga silid-aralan. Ayon kay Department of Budget Secretary Butch Abad, kaugnay ito ng plano ng pamahalaan para sa mas maayos at maunlad na kalidad ng pampublikasyong edukasyon. “This latest release will be used to cover the repair and rehabilitation of our classrooms, including the necessary construction of water sanitation facilities in elementary and secondary public schools all over the country,” ani Secretary Abad. Halagang 1.1 bilyong piso ang nakalaan para sa classroom maintenance, samantalang ang natitirang 3.4 bilyong piso ang para sa pagpapaunlad ng sanitation facilities sa paaralan.

c

philstar.com


4

July 2013

2nd Anniversary Issue

Global Filipino

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

K

amusta mga giliw na mambarasa ng Daloy Kayumanggi? Ngayon ay ikalawang taon na ng Daloy Kayumanggi. Salamat sa inyong palaging pagbasa at pagsuporta sa Daloy Kayumanggi! Nagbabalik ang iyong lingkod upang bigyang pansin ang palagi kong naririnig na mga hinaing at katanungan ng ating mga kababayan dito sa Japan. Simula ngayon, magbabalik ang Daluyan sa bagong titulo na “Dear Kuya Erwin”. Sa araw-araw na pakikihalubilo ko sa mga kababayan natin sa Japan, sa telepono, sa mga events, o kaya sa mga train station, tindahan, at iba pa, may mga paksa na palaging nababangit. Dito sa pinabago at nagbabalik na kolumn, magbibigay ako ng sariling pananaw sa mga paksang ito, at magbibigay ng mga tips, giya, kasagutan at iba. Kayong mga mambarasa ay maari ding magpadala ng inyong mga katanungan na nais ng kasagutan, o kaya obserbasyon o kaya sariling opinyon sa mga bagay bagay na nakikita ninyo dito sa Japan. Maari ding magpadala ng iyong mga kumento sa kolumn na ito. Marami-rami sa mga nakakausap ko sa telepono ay baguhan sa pag-gamit ng smartphone. May mangilan-ngilan na hindi ginagamit ang ibang kakayahan ng kani-kanilang mga smartphone maliban sa pag-tawag. May iba pa nga na hindi pa alam kung papaano mag-text o kaya hindi alam na pwede mag text sa ibang network – oo pwede na mag SMS sa ibang network kahit phone number lang ang alam mo. At para sa unang labas ng kolumn na ito, narito ang mga survival apps para sa mga Global Filipino sa Japan.

1. Schedule ng Train: Norikai Annai (by Jorudan Co., Ltd) Dito sa Japan, isa sa pinakamahalagang ugali ay ang dumating sa takdang oras ng tama, hindi late, at hindi rin dapat napakaaga. Alam na natin kung bakit bawal ma-late dito sa Japan, subalit alam nyo rin ba na ayaw din ng mga hapon na maaga ang iyong dating? Bago at matapos ang nakatakdang oras ng inyong pagkikita, ang iyong ikakatagpo na tao ay may ginagawa rin ibang bagay. Kung masyadong maaga naman ang iyong dating, masisira pa rin ang naka-schedule na trabaho ng iyong kausap. Kung kaya’t swak na swak itong apps na Norikai Annai para malaman ang schedule ng train. Isulat lang ang pangalan ng station na sasakyan at pupuntahan at pwesto may mga suhestyon kung anong ruta ang maaring tahakin. Maaring pumili ng ruta na pinakamura, pinakamabilis, o kaya pinaka madali at simpleng sundin. Maari din piliin kung ang oras na gustong i-schedule ay oras ng pag-alis, o kaya oras na nais makarating sa destinasyon. Ang Norikai Annai ay napaka-inam gamitin sa pag schedule kung kelan sasakay at anong ruta ang tatahakin bago ang naitakdang oras ng pagdating. Ang isang isyu lang sa apps na ito ay kailangang may idea ng katakana o kanji para ma-enter ang tamang train station. Subalit maari namang pumunta sa iyong internet browser at itype ang www. jorudan.co/jp/english/norikae para sa web version na naka English.

2. Komunikasyon sa Pamilya at Kaibigan: Viber Syiempre, hind mawawala ang mga libreng apps para pantawag o pang-text para sa ating mga Filipino. Napakahalaga nito lalo na at nais nating maging mas malapit sa ating mga kaibigan, kaanak at kapamilya saang panig man sila sa mundo. Ang Viber ang isa sa pinaka sikat na apps para makatawag, maka-text at makapadala ng mga larawan. Napakadali lang nitong gamitin, subalit ang isa ka pinagkakatahan ko ay kung bakit ang ibang mga Pilipino dito sa Japan ay walang Viber na account.

3. Lagay ng Panahon: Weather apps Nagtambak na ba ang iyong mga hyakuen na payong sa bahay? Marahil ay ito ay dahil palagi mong nakakaligtaan na i-check ang weather at hindi nakapaghanda sa pabigla-biglang pag-ulan. Kung kaya ugaliin na palaging i-check ang iyong weather apps bago umalis ng bahay. 0o, ako rin marami ring payong na nakatambak dahil nakakalimutan din i-check ang apps ko. Maraming weather apps na pwedeng pagpilian mula sa The Weather Channel, Weather Bug, Yahoo! Weather at iba pa. Ku ng iphone user ka, yung weather apps na kasama na sa iphone ay sapat na. Sa iphone weather apps maari ding malaman ang weather sa ibang lugar, maliban sa iyong lokasyon. Halimbawa ay nais mong malaman ang lagay ng panahon ng lugar na iyong pupuntahan. Pindutin ang info na icon (i) sa may pinakadulo sa kanang bahagi at pindutin ang plus sign icon (+) sa itaas sa kaliwang bahagi. I-type ang nais idagdag na lugar at pindotin ang “done” na button. Kung nais i-check ang weather sa bawat lugar, i-scroll lang ang iyong iphone pa-kaliwa o pa-kanan.

4. Komunikasyon sa Hapon: Google Translate

Ang galing talaga ng teknolohiya! Ngayon kahit di ka gaano marunong mag Japanese, mas nagiging madali ang komunikasyon sa mga Hapon lalo na at kung ito ay hindi marunong mag-English. Halimbawa, nais mong bumili at hindi kayo nagkakaintindihan, madali lang iyan. Ilabas ang iyong smartphone at mag-Google Translate. I-type ang gusto mong sabihin at pwesto i-tra-translate na ito sa wikang gusto mo. Hindi mabasa ang translation? Simple, ipakita lang ito sa kausap na tao at kahit maaring ang translation ay hindi perpekto, maiintindihan ng kausap mo ang nais mong sabihin. At para makapag reply sa iyo ang iyong kausap, ipa-type lang ang kanyang nais sabihin mula sa Japanese papuntang English at maiintindihan mo ang sagot. Ganito ang nangyari sa misis ko ng sinundan siya ng isang tao mula school hanggang sa tindahan. Nuong ini-report niya ito sa police, na-interview siya at nakuha ang detalye ng nangyari gamit ang Google Translate (at nalaman na may problema sa pag-iisip pala ang tao na sunod ng sunod sa kanya).

###### Ikaw, ano o ano-anong mga apps ang iyong ginagamit upang mas maging maginhawa ang iyong pamumuhay dito sa Japan? Ibahagi ang iyong kaalaman sa lahat ng mambarasa ng Daloy Kayumanggi sa pamamagitan sa pagpadala ng iyong mga idea o suhestyon sa erwin@ daloykayumanggi.com. Maari ding itong i-text sa 090-6025-6962.


5

July2013

2nd Anniversary Issue

Daloy Kayumanggi

Balita

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

eCourt ng Supreme Court, inilunsad Mula pahina 1

A

ng sistemang ito ay unang ipinatupad sa Quezon City Regional Trial Court, na magsisilbi namang pilot-test para magamit din ng iba’t ibang mga korte sa 12 mga rehiyon sa buong bansa. Pinangunahan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang launching program at nagbigay naman ng mensahe sina Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro at QC Presiding Judge Bernelito Fernandez. Ayon kay Fernandez, ang pagpapatupad ng sistemang ito ay upang matugunan umano ng judiciary ang lumalaking pangangailangan sa pagpoproseso ng mga kaso sa bansa. Ilan lamang sa mga benepisyo sa naturang sistema ay ang mas madaling pagmo-monitor at pagma-manage ng petsang may kinalaman sa mga kaso; pagtatala ng iba’t ibang mga aksyon sa iba’t ibang hearing; pag-a-update sa status ng bawat kaso; at iba pa. The computerized system, launched at an event led by Chief Justice Maria Lourdes Sereno, was being pilot-tested at the QC RTC for eventual use in all courts nationwide.

DFA: PINOY TOURISTS SA JAPAN TATAAS Mula pahina 1

S

a isang press briefing, inihayag ni Foreign Aff a i r s s p o ke s m a n R a u l H e r n a n d e z n a i n a a s a han umano ng gobyerno ng Pilipinas na magsisilbing daan ito para makapagbigay ng iba’t ibang oportunidad sa mga Pilipino. Dagdag pa niya, ikinatutuwa umano ng gobyerno ang naturang pagpapaluwag sa mga tuntunin sa pagkuha ng visa sa nasabing bansa. Sa kasalukuyan, maaari nang makapag-apply ang mga Pinoy tourists ng multiple entry Visa, pati na ng mga galing sa bansang Vietnam. Isasagawa ang pormal na implementasyon ng panibagong polisiya ngayong Hulyo.

e-Government Services P4.5B budget sa ng Pinas, ipinakilala classroom rehab at facilities construction, ipinalabas na c

newsbytes.ph

K

asabay ng pagdiriwang ng Information ang Communications Technology (ICT) Month nitong June 10-14, naglunsad ang Internet Government Philippine (iGovPhil) Project ng National Government ng Pilipinas ng iba’t ibang e-government products at services nito. Layunin ng mga produkto at serbisyong ito na gawing mas mabilis, transparent at epektibo ang paghahatid-serbisyo ng gobyerno sa iba’t ibang mga sektor ng lipunan. Ilan lamang sa mga ipinakilala ay ang Government-wide Email System (GovMail), Government Website Template (GWT), National Archives and Records Management Information System (NARMIS), Government Cloud, Public Key Infrastructure (PKI) at Agency Records Inventory System (AgRIS). Nagsisilbing target umano ng mga serbisyo at produktong ito na mas mapaayos ang sistema ng operasyon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at maihalintulad sa ibang mga bansang gumagamit na rin sa ngayon ng mga katulad na mga “deliverables” sa publiko.

c

gmanetwork.com

S

a layuning mas mapaganda ang public education system sa Pilipinas, nagpalabas kamakailan ang Department of Budget and Management (DBM) ng P4.5 bilyon para matugunan ang pangangailangan sa rehabilitasyon ng mga silid-aralan at pagpapatayon ng mga sanitation facilities sa iba’t ibang eskwelahan sa elementary at sekundarya sa buong bansa. Sa rekord, P1.1. bilyon ang gagamitin para sa pagpapaganda ng mga silid-aralan, samantalang P3.4 bilyon naman ang nakalaan para sa pagpapatayo ng mga sanitation facilities. Samantala, may P14.11 bilyon naman ang alokasyon para sa pagkumpleto sa mga public schools sa mga lugar na nakararanas ng kakulangan sa silid-aralan. Ang pondo ay manggagaling sa alokasyon ng Department of Edication para sa basic education facilities sa ilalim ng 2013 General Appropriations Act.

FREE NEWSPAPER Tawag lamang sa 090-1760-0599


6

July 2013

2nd Anniversary Issue

Editoryal

Daloy Kayumanggi

Inspiring Global Filipinos in Japan

Publisher: D&K Company Ltd Editor: Mario Rico Florendo marioflorendo@daloykayumanggi.com 090-1760-0599 Sales and Marketing: Erwin Brunio (English,Tagalog) erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@daloykayumanggi.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Philippine Correspondent: Dave Calpito Japan Correspondent: Aries Lucea Columnist: Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Carlo Aiyo Bugia The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 1010027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.daloykayumanggi.com

www.facebook.com/daloykayumanggi

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

A Glimpse of the Future

T

hese past few weeks while we were enjoying the usual summer season, a very interesting summer of fun is happening on the other part of the globe. In Turkey, hundreds of thousands of people from different walks of life have come together By: Jong Pairez dancing, singing and celebrating each other’s dmpairez@up.edu.ph presence despite of their differences says libcom.org reporter - Steven. In Taksim Square people with their polyphonic demands that people are united “celebrating in a cop-free is not only limited now to the preservation of central zone for the first time in memory”, he Gezi Park. added. This wonderful “carnival of people” was a response against Turkish Prime Minister Erdogan’s apparent authoritarianism after being responsible for violently dispersing young people who were protecting Gezi Park to be rebuilt into an Ottoman Military Barracks in the guise of a shopping mall. Furthermore, since he stayed in power for three consecutive terms, PM Erdogan turns a blind eye to news blackouts, persecution of journalists and imposing of conservative Islamic values.

Global Pinoy

Analysts are trying to understand how will this deadlock end and or affect the continuity of uprisings in the Arab world. Nonetheless, this unusual convergence of people by any political ideology and secular belief galvanized to defend their freedom is a glimpse of the future.

This may be short lived just as the Paris Commune of 1871 but if we continue to practice the habit of the said movement the ultimate realization of authentic freedom, democracy and justice will prevail. This is how I understand Nietzsche’s “recrudescences of However, with the help of social media the old instincts” contrary to Filipino sociologist unreported protest met by police brutality Randy David’s conservative look of Turkish in Gezi Park morphed into a gigantic mass uprising by using the same quote of Nietzsche demonstration and culminated in occupying in favoring the conservative past. the whole Taksim Square into a commune. st Since June 1 the square is sealed against the authorities and remained at the hands of the


2nd Anniversary Issue

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Kultura at Sining

7

July 2013


8

July 2013

2nd Anniversary Issue

Daloy Kayumanggi

Global Filipino

H

indi ko alam kung maka-ilang beses na akong nawala sa mga istasyon ng tren dito sa Japan at sa mga makikipot at pasikot-sikot na lansangan ng Tokyo. Pero sa lahat ng pagkakataong iyon, nahanap ko ang aking daan at nakarating sa aking pupuntahan.

Kung sabagay, hindi na bago sa akin ang ganitong mga sitwasyon. Naalala ko pa noong ako ay limang taong gulang pa lamang ng una kaming pumunta sa Maynila para sunduin ang Mama ko galing Hong Kong. Matataas na gusali, kumpul-kumpol na sasakyan at malalaking eroplano—ibang iba sa mga tanawin ng bukid, bahay kubo at mga tricycle na madalas sa aming probinsiya. Palibhasa first time, hindi ako mapakali sa aking upuan, tingin sa kaliwa at tingin sa kanan. Pagkatapos naming masundo ang mama ko, nagtungo kami sa SM North. Ibang-ibang pa ang hitsura ng mall na iyon noon, wala pa ang Sky Garden, Sky Dome o ano pang atraksyon sa taas ng mall. Samantalang ang loob ay hindi pa rin masyadong nagbago, punung-puno na noon pa ng mga sari-saring laruan, trak-trak, mga damit at sapatos. Sa mga bagay na iyon napukaw ang aking atensyon, hanggang sa di ko namamalayan, wala na pala akong kasama. Tumingin ako sa kanan, lumingon sa kaliwa, pero hindi ko makita sina Mama. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tinawag ko ang aking mama, pero walang sumagot. Hinanap ko ang mga ate kong pinsan pero hindi ko sila makita. Napaiyak na lang ako. "Mama, mama!!!" Narinig ata ako ng isang security guard at lumapit sa akin, tinanong ako bakit ako umiiyak. Pero hindi ko alam ang isasagot ko. Dinala niya ako sa isang babae na nagsabing tutulungan akong mahanap ang Mama ko. Habang naghihintay, tinanong niya ako, "Anong pangalan mo?" "Ako po si Rico," sagot ko. "Rico ano?" sumbat niya, "Rico J. Puno?" tanong ulit niya. Hindi ko alam isasagot ko, hindi ko pa kabisado noon ang apelyido ko. Pero wala na akong magagawa, hinihintay niya ang sagot ko: "opo, ako po si Rico J. Puno"

Kahit hindi sigurado ang mga kamag-anak ko na ako nga ang batang nawawala dahil sa bago kong pangalan, natagpuan naman nila ako dahil sa deskripsyon ng aking kasuotan. Pagkatapos noon, pinagsabihan nila akong huwag na humiwalay sa kanila kasi baka mawala ulit ako. Pero kahit sa hindi magandang karanasan kong iyon noong bata ako, hindi nito napigilan ang kagustuhan kong maglakbay sa iba pang lugar at mamasyal sa ibang bayan. Minsan na rin akong naligaw sa Mongkok Market ng Hong Kong; nahirapang mahanap ang mga kaibigan sa night market sa Bangkok; at naiba ng sakay ng bus sa Yogyakarta, Indonesia. Pero sa lahat ng pagkakataong iyon, nahanap ko ang daan ko pabalik, nahanap ko ang mga kaibigan ko, at nakarating sa aking destinasyon. Pero bakit nga ba tayo patuloy na naglalakbay kahit alam nating maaari tayong mawala, malampas o mas grabe, hindi makarating sa ating patutunguhan?

Marahil dahil para sa ilan, mas mahalaga ang mismong karanasan ng paglalakbay kaysa sa destinasyon. Sa kaisipan naman ng iba, normal lang ang mawala, ang pagkawala sa isang lugar ay isang malaking adventure—matututo kang maghanap ng mga paraan para maka-survive ka at makarating sa iyong orihinal na destinasyon. Bilang pagtatapos, gusto kong kumuha ng ilang linya sa isa sa mga paborito kong tula na kinatha ni Robert Frost, ang The Road to Less Travelled: Two roads diverged in a wood, and I,
 I took the one less traveled by,
 And that has made all the difference Pinapaliwanag ng tula ang tungkol sa pagpili ng daan na hindi madalas pinipili ng mga tao dahil hindi sila pamilyar dito—o dahil malaki ang posibilidad na maaari silang mawala kapag tinahak nila ito.

Marahil kung babalikan ko ang karanasan kong iyon sa SM halos dalawang dekada na ang nakalilipas, hindi ako nagsisisi na nasilaw ako sa kinang ng mga laruan na nakadisplay doon at naaliw sa mga damit at sapatos na nakita ko. Dahil sa karanasan kong iyon, mas tumibay ang loob kong magbiyahe sa kahit anong bansa, maglakbay ng walang internet o mapa, at magpalipat-lipat sa ibang lugar—dahil alam ko may bagong adventure na naghihintay sa akin. Isa pa, kabisado ko na rin naman ang pangalan ko, hindi po ako si Rico J. Puno, ako po si Mario Rico Florendo.

"Inspiring Global Filipinos in Japan"

"

Ang pagkawala sa isang lugar ay isang malaking adventure matutu kang maghanap ng mga paraan paramaka survive

"


9

2nd Anniversary Issue

July 2013

Daloy Kayumanggi

Personal Tip: Travel

Bakit Ligtas Mamasyal sa Japan

Travel Tips sa Baguhan sa Japan

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

c

iheartjapan.ca

I

sa sa pinakamagandang katangian ng bansang Japan ay ang pagiging safe nito sa mga turista. Sa rekord, bibihira lamang ang mga insidente ng krimen sa mga namamasyal na turista. Ang kagandahan pa nito, kung may maiwan kang gamit mo sa isang partikular na lugar, siguradong mayroong magbibigay nito sa mga lokal na pulis sa lugar. Ang Tokyo subway nito, halimbawa, ay isa sa pinakamalinis, pinakamaganda at pinakamabangong subway systems sa buong mundo. Pero, kagaya rin ng ibang mga istasyon ng tren, mayroon ding tinatawag na rush hour dito. Kailangan mo nga lang alamin kung kailan ito nagaganap. Kailan ang rush hour? Kalimitang dumadagsa ang mga tao sa istasyon ng tren sa tuwing umaga at paglubog ng araw—oras kung kailan nagsisipasukan at naguuwian ang mga tao. At malaking populasyon ng Japan ang umaasa sa subway systems para pumasok sa kani-kanilang mga trabaho. Ngunit, kung sakaling maling tren naman ang sinakyan mo, hindi kailangang mag-panic. Ang bawat sulok ng Tokyo ay ligtas sa bawat turista, bukod na lang siyempre sa mga bahagi ng Red light districts. Isa sa pinakamalinis Dahil isa ito sa pinakamalinis na bansa sa buong mundo, hindi magiging problema ang pagkakaroon ng immunization at medication para magsilbing proteksyon sa anumang sakit. Gayundin, ligtas ang tubig at ang mga pagkain sa Japan. Matulungin Maganda ring mabanggit na sobrang matulungin ang mga tao sa Japan. Magtatanong ka ng direksyon at siguradong ituturo ka nila sa tamang direksyon. Iyon nga lang, pagdating sa pagsasalita ng Ingles, mas magandang pagtanungan ang mga mas bata, dahil mas maalam sila sa naturang wika.

Mga Hakbang Para Iwas Biyahilo

M

c

medclick.co.uk

arahil ay nakaramdam ka na ng tinatawag na “motion sickness,” o sa mga Pinoy, ito ang tinatawag na “Biyahilo.” Ito yung tipong nakakaramdam ka ng pagsusuka at pagkahilo sa tuwing gumagalaw ang inyong sinasakyan, at nagiging sensitibo ka na sa iba’t ibang mga amoy. Sa pananaliksik, naririto ang ilang mga hakbang nang sa gayon ay siguradong iwas-biyahilo ka kapag ikaw ay naglalakbay: • Kumain lamang nang kaunti bago ang biyahe. Iwasan din ang masabaw na pagkain. • Uminom ng mineral water o “glucose drinks.” Ito nama’y para maiwasan ang dehydration. • Ipikit ang mga mata. Maiging iwasan din ang panonood ng dumaraang mga sasakyan. • Buksan din ang bintana ng sasakyan. Lalo na kung lulan kayo ng inyong sariling sasakyan na pwedeng buksan ang bintana, anumang oras. • Maigi ring uminom ng mint tea. Nakatutulong ito para mapakalma ang galaw ng iyong tiyan. • Uminom ng gamot na panlaban sa hilo. Maaari ring gumamit ng mga natural remedies, kagaya ng pag-amoy ng dahon ng kalamansi. Nakatutulong ito. Mangyaring mag-ingat lang din sa tinatawag na potassium loss o dehydration dulot ng matinding pagsusuka, lalo na sa mga bata. Isaisip ang mga hakbanging ito para siguradong mae-enjoy niyo ang inyong paglalakbay.

c

sulehha.com

B

ago ka ba sa Japan? O ‘di naman kaya, turista ka ba dito sa Japan? Kung oo, naririto ang kailangan mong isasa-alang-alang nang sa gayon ay hindi maculture shock o ‘di kaya’y magulat sa pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao rito. Tip # 1 Maigi kung mag-aral ka ng mga simple at komon na ginagamit na mga terminong Japanese, nang sa gayon ay wala kang gaanong magiging problema sa pamamasyal sa Japan. Karamihan kasi sa mga native ng Japan ay hindi pa gaanong nakakapagsalita ng Ingles, bagaman mayroon nang mga English schools sa bansa. Pero, ‘wag mag-alala, mababait sila at matulungin. Tip # 2 May mga restawran at tindahan ay hindi pa gaanong tumatanggap ng credit card bilang pambayad sa mga pinamiling produkto. Ang gawin, ang bill sa hotel, halimbawa, ay bayaran mo na lang sa pamamagitan ng credit card. At, ang iyong cash ay ilaan para sa iyong shopping sprees at pangkain. Tip #3 Kung nais mo ang mas magaang pamamasyal, literal na magdala ng magaang mga gamit o ‘di kaya’y gumamit ng backpack. Ilan kasing mga train station, lalo na iyong mga malalayo sa city areas, ay mayroon lamang escalator na papataas. Para pagbaba, hindi ka na mamomroblema pa kung paano mo bubuhatin ang iyong mga gamit. Tip #4 Kapag galing ka sa airport, ‘wag sumakay ng taxi, bukod na lang kung ikaw ay maykaya. Nagsisimula kasi ang isang taxi ride sa 660 yen. Bago ka pa makarating sa iyong destinasyon, butas na iyong bulsa. Ilan lamang ‘yan sa mga kailangan mong isaalang-alang kapag ikaw ay baguhan pa lamang sa Japan. Muli, ‘wag masyadong mag-alala sa kaligtasan mo rito, bukod sa mababait na, matulungin pa ang mga tao rito. Enjoy!

G

Tipid na Pamamasyal sa Tokyo

usto mong mamasyal sa siyudad ng Tokyo, ngunit ayaw mong gumastos ng malaki. Posible ito. Basahin mo ang mga tips sa ibaba at siguradong mag-eenjoy ka na, tipid pa ang iyong iyong pamamasyal. 100 Yen Stores Pamilyar ka na ba rito? Dito ka makakabili ng iba’t ibang items na murang-mura kumpara sa iba. Pwedeng-pwedeng panregalo. Izekayas c tourist-destinations.com Kung gusto mo ng entertainment, ang Izekayas ang magandang puntahan, nang hindi ka gumagastos nang malaging pera. Idagdag mo pa rito ang pagkakataong maranasan mo ang kulturang Japanese at makatagpo ng mga panibagong kaibigang Japanese, dahil dito sila madalas pumunta para makipag-socialize. Museums Magandang isama mo rin sa iyong itinerary ang mga museum, dahil kumpara sa ibang bansa, mura ang mamasyal sa museum sa Japan. Ang iba pa nga ay libre pa. Mayroong museum para sa sining, history, science, technology at marami pang iba. Noodles at Ramen Karamihan sa mga restawran na nagtitinda ng noodles at ramen ay makikita malapit sa mga istasyon ng tren. Masarap at mura ang isang bowl ng noodles sa Japan. Makakadaupang-palad mo pa ang ibang mga locals na kasabay mong kumakain ng noodles at ramen. Pananghalian Maraming lugar din sa sentro ng Tokyo ang nag-o-offer ng eat-all-you-can na pananghalian sa halagang 1,000 yen lamang, pasok sa budget para sa mga nagtitipid na turista sa Tokyo. Ang Tokyo ang pinaka-exciting at pinakabuhay na siyudad sa buong Japan. Kaya, mag-enjoy at sulitin ang pagkakataong ikaw ay nasa Tokyo.

• Tiket; • Gamit-pangkalusugan; ais mo ba ng peace-of-mind kapag ikaw ay bum• Mga aklat; abiyahe? • Miscellaneous. Minsan kasi, mayroon mga pagkakataong naka- Maaari ka rin namang magdagdag pa ng ibang kategorya, kalimutan ng mga gamit—mga gamit na importanteng kung kinakailangan. At, sa araw mismo ng iyong paglalakdalhin, at ‘pag hindi mo nadala iyon ay siguradong sira bay, kinailangan mong i-double-check (isa-isahin) base sa ang iyong dream vacation. iyong ginawang listahan kung mayroon kang nakaligtaan Kaya naman, para makamit ang sinasabing peace-ofo wala. mind, marapat lamang na magkaroon ng mekanismo para Ika nga, mas maging organisado sa pagbibiyahe. masayang Isang magandang ideya ay ang pagkakaroon ng checklist maglakbay kung isa o dalawang linggo bago ang iyong scheduled trip. wala kang inaaIlista sa papel ang lahat ng mga kailangan, ultimong lala. ‘Di hamak kaliit-liitang bagay, kung kaya mo, ay maiging isama sa na mas maluiyong listahan. wag ang iyong Naririto ang ilang mga kategorya ng mga bagay na kailan- pakiramdam gan mong isasaalang-alang bago ang iyong paglalakbay: at pihadong good vibes ang • Mga damit; mapapasa-iyo. • Pera at importanteng dokumento;

Halaga ng Checklist sa Pagbiyahe

N

c

simplybudgeted.com


10 July 2013

2nd Anniversary Issue

Daloy Kayumanggi

Personal Tips: Travel

"Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Tips Para Ma-enjoy ang Pamamasyal Kasama ang mga Anak

A

ng pamamasyal kasama ang pamilya ay isa sa mga hindi malilimutang karanasan. Sa mga magulang, ito ang pagkakataong makabonding nila ang kanilang mga anak, pagkatapos ng linggo ng pagtatrabaho. Kumbaga, ito ay isang mabisang paraan para matanggal ang stress, gayundin para magkaroon ng update mula sa mga anak. Sa mga anak naman, ito ang tyansang makapunta sa ibang lugar, makakilala ng ibang tao, at mapataas pa ang kumpyansa sa kanilang mga sarili. Sa paglaki, napakahalaga kasing marunong ang inyong mga anak na makipag-socialize at maexpose sa ibang mga lugar (bukod sa inyong lugar na kinalakhan). Naririto ang ilang mga tips na kailangang isaalang-alang para siguradong mag-enjoy ang buong pamilya at ituring ng inyong mga anak na hindi malilimutang karanasan sa kanilang buong buhay ang inyong pamamasyal: 1. Bigyan sila ng freedom. Tandaan na, kaya kayo namasyal para ma-expose sila sa ibang mga tao at ibang kapaligiran, kaya kahit papaano, bigyan sila ng freedom. Gayunpaman, ‘wag

Tips sa mga Mamamasyal Abroad

c

feminspire.com

A

silang masyadong pabayaan. Maging cautious pa rin sa mga ginagawa at sa mga kinakausap ng mga anak para sa kanilang seguridad. 2. ‘Pag lumalabas habang nasa bakasyon, ‘wag ipasama ang mga mamahaling gadget ng inyong mga anak. Kapag nawili na kasi ang anak sa pakikipaglaro, halimbawa, sa mga bagong kakilala, maaari nilang makalimutan na may dala-dala silang mga mamahaling gadget. Maaaring mawala ang mga ito o ‘di kaya manakaw sa kanila. 3. ‘Wag isabay ang pagbabakasyon sa petsa kung kailan papalapit na ang mga pagsusulit ng mga anak. Maaaring hindi makapag-concentrate sa pamamasyal at, siyempre, hindi makapag-enjoy nang husto ang inyong mga anak, kung saka-sakali. O ‘di naman kaya, ang mas malala nito, baka mababa ang makuha nila sa eksaminasyon. 4. ‘Wag pagalitan ang inyong mga anak sa gitna ng maraming tao. Oo’t maaaring nagkasala ang inyong mga anak. Subalit, ‘wag na ‘wag silang pahihiyain sa ibang tao. Maaari nila itong matandaan at dibdibin na maaaring makapagdulot ng gap sa pagitan ninyo ng inyong mga anak.

ng pamamasyal sa ibang bansa o ibang lugar na kaiba sa iyong kinalakhan o nakasanayan ay magkahalong saya at hirap. Masaya, dahil maraming mga bagong karanasan, tao at lugar na naman ang maidadagdag sa iyong listahan. Subalit, mahirap sapagkat pupunta ka sa isang lugar na unang beses mo pa lamang napuntahan na may mga tuntunin at kaugaliang malayo sa iyong kinalakhan. Maraming mga maaaring mangyari sa iyong pagbisita. Kaya, maigi nang maging handa bago pa mangyari ang hindi inaasahan. Naririto ang mga detalyeng kailangang isaisip para siguradong hindi masira ang iyong pinapangarap na bakasyon sa ibang bansa: • Ikonsidera ang wika ng pupuntahang lugar. Bago ang planong bakasyon, siguraduhing mag-aral muna ng mga karaniwang salitang ginagamit ng mga katutubo. Halimbawa, kung pupunta ka sa Hong Kong, dapat mong malaman na Chinese ang karaniwang sinasalitang lenggwahe roon. Ito’y para mas ma-enjoy mo rin ang pakikipag-usap sa mga tao sa lugar na pupuntahan mo.

A

ng pagdadala ng pera ay isang malaking Mga Pamamaraan sa Wais konsiderasyon sa pamamasyal. Kayo’y pupunta sa ibang lugar, malayo sa mga na Pagdadala ng Pera kamag-anak na pwedeng paghingan ng tulong, kapag Nagbabakasyon kaya nararapat lamang na maging alisto at c

flightcentre.co.za

maging handa sa ilang posibilidad. Kung gano’n, naririto ang ilang mga teknik na • maaaring ikonsidera para siguradong safe, masaya at iwas-aberya ang inyong pamamasyal: • Magdala ng money belt. Ang pagdadala ng money belt ay isang mabisang gawain para maitago nang maigi ang inyong pera habang nasa daan. Maaari mo itong itago • sa loob ng iyong damit habang nasa daan at namamasyal. • Paghiwa-hiwalayin ang kinaroroonan ng iyong pera. Bago umalis halimbawa sa inyong kwarto papunta sa inyong destinasyon, siguraduhing maglagay ng pera

Travel Tips sa mga Buntis

c

c

5. Ikonsidera rin ang pagkain. Baka kasi maselan sa pagkain o tubig ang inyong mga anak. Kaya, pwedeng magbaon ng mga homemade na pagkain o ‘di naman kaya ay bilhan sila ng pagkain, halimbawa ay delata, na siguradong nakakain ng inyong mga anak. Gawing kapaki-pakinabang ang pamamasyal kasama ang inyong mga anak, kasama ang inyong pamilya. Sapagkat, sa ganitong pagkakataon lumalalim ang respeto at pagmamahalan sa bawat isa sa pamilya. Gawing hindi malilimutang karanasan ang inyong susunod na pamamasyal!

Saliksikin ang klima ng lugar na pupuntahan at iayon ang iyong mga dadalhing mga damit. Ito’y para mas maging komportable ka sa iyong pamamasyal at hindi masira ang iyong plinanong bakasyon. • Magsaliksik ng mga masayang gawain at atraksyon. Magsaliksik hinggil sa mga tourist spots at mga lokal na aktibidad. At, para sigurado ring mapupuntahan ang lahat ng mga ito, gumawa ng iyong listahan. • Mahalaga ring makipag-usap pa rin sa mga kaibigan o kapamilyang naiwanan sa lugar na pinanggalingan. Ito’y para mabawas-bawasan ang homesickness mo at hindi ito makaapekto sa iyong pamamasyal. I-update sila sa mga nangyayari sa iyo sa pinasyalang lugar. Ang pinakamahalagang isaisip, maging positibo lang sa iyong pamamasyal. Maging masaya dahil isa na namang hindi malilimutang karanasan ang naidagdag sa iyong buhay. •

sa iba’t ibang lalagyan. Ilagay, halimbawa, ang ilan ng inyong pera sa iyong money belt, ang ilan sa iyong wallet, sa bag naman ang ilan. Ito’y para kung saka-sakaling manakawan ka (huwag naman sana), mero’t meron kang reserba. ‘Wag ipakita sa publiko na mayroon kang dala-dalang pera. Kung saka-sakali mang kakailanganin mo ng pera, maaari namang pumunta sa wash room, halimbawa, para doon ilabas ang kakailanganing pera. ‘Wag na ‘wag mag-iwan ng pera sa inyong kwarto sa hotel. Maaaring ugali mo ang mag-iwan ng pera sa inyong bahay, pero ‘wag na ‘wag mo itong gagawin sa inyong pagbabakasyonan. Nililinis ang inyong kwarto ng mga empleyado ng hotel; ibig sabihin nito, mayroong ibang taong

womenhealthcaretopics.com

W

multiplemayhemmamma.com

nakapapasok sa inyong kwarto at maaaring ma-engganyong kumuha ng inyong mga pera / mamahaling gamit. • ‘Wag pumunta sa mga madidilim na lugar. Kung sa tingin mo ay hindi ligtas ang isang partikular na lugar, siguraduhing umalis doon at pumunta agad sa ibang mas ligtas at maliwanag na lugar. ‘Wag ka ring basta-basta maniniwala sa ibang mga tao, dahil mahirap magtiwala sa ibang mga tao, lalo na kung kakikilala mo pa lang. Nabasa mo ang mga mabisang tips para maging maalam kung papaano maitatago nang husto ang iyong pera habang nagbabakasyon. Nagdudulot dapat ng kasiyahan at kaluwagan sa loob ang pagbabakasyon. At, sa pamamagitan ng mga pamamaraang ito, siguradong worryfree ka sa inyong bakasyon!

ag mag-alala. Kahit ganyan ang iyong kalagayan, maaari ka pa rin namang makapamasyal. Iyon nga lang, mayroon siyempreng dapat isaalang-alang, nang sa gayon, masiguro ang iyong kaligtasan kasama ng iyong munting anghel sa sinapupunan. Narito’t basahin mo: 1. Ang pinakamainam na panahon kung kailan pwedeng mag-travel ay kapag nasa second trimester ka. Una, tapos ka na sa estado ng pagbubuntis kung kalian nakararanas ang isang ina ng tinatawag na “morning sickness.” Ikalawa, siyempre malayo ka pa sa iyong mga huling buwan ng pagbubuntis. 2. Maiging gumamit ng safety belts, ang lap at shoulder belts, nang sa gayon ay siguradong protektado kayong dalawa ng iyong anak. 3. Ang stretching at maiksing paglalakad ay nakatutulong din sa sirkulasyon ng

dugo ‘pag bumabiyahe. 4. Kapag naglalakbay sa dagat, ang maaaring kalaban mo ay ang paggalaw ng barko, na maaari namang magresulta sa pagkahilo at pagsusuka. Ang gawin, magtanong kung mayroong health care provider sa loob ng barko. Gayundin, siguruhing aprubado sa mga buntis ang gamot na ibinibigay sa loob ng barko laban sa “seasickness.” 5. Mag-ingat-ingat sa diarrhea. Tandaan na nasa ibang bansa ka. Hindi mo alam kung malinis ang paggawa ng pagkain at safe inumin ang mga tubig doon. Maaari kasi itong magresulta sa dehydration na delikado para sa nagbubuntis. Ang gawin, magdala ng sariling tubig o ‘di naman kaya’y pansamantalang uminom muna ng mga canned juices o softdrinks. Ang paginom ng “pasteurized milk” ay mainam din. Muli, ang pagta-travel ay para sa lahat, kahit sa mga buntis. Ang importante, siguruhin ang kaligtasan mo at ng iyong anak.


11 July 2013

2nd Anniversary Issue

Daloy Kayumanggi

Personal Tips: Travel

"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Gabay Para sa Iwas-Aberyang Airport Departure

Lugar-Pasyalan sa Land of the Rising Sun

c

c

bristolairport.co.uk

P

ara sa mga nagbabalak na magbyahe lulan ang eroplano, maraming kinakailangang isaisip at ikonsidera, nang sa gayon ay iwas-aberya at sakit sa ulo. Sino ba namang may gustong maiwanan ng eroplano, o ‘di kaya’y mawalan ng mga bagahe, at iba pa. Ang mga sumusunod ay mga epektibong pamamaraan para iwas-hassle sa airport: 1. Kumpirmahin ang plane reservation. Maiging gawin ito isa o dalawang araw bago ang mismong petsa ng iyong flight. Siguraduhin ang eksaktong oras ng pagche-check-in. 2. Iwasan ang pagche-check-in nang alanganin sa oras. Ito’y nakatutulong nang sa gayon ay maiwasan ang masyadong stressful na paglalakbay. Mas maigi kung mag-checkin isang oras bago ang mismong flight. Kapag hindi naman masyadong pamilyar sa airport, maglaan ng sapat na oras sa pagco-commute. Maganda rin kung makapagpareserba ka ng sasakyan isa o dalawang araw bago ang iyong travel date, at mariing ipaalala sa rental service company ang mismong oras kung kailan mo sila kailangan. 3. Siguraduhin ding dala-dala ang lahat ng mga kakailanganing travel requirements bago lisanin ang bahay o hotel. Sayang kasi sa oras ‘pag babalikan mo pa ang kailangang dokumento. 4. Kapag may kasama kang matanda o maysakit, maaari rin namang humingi ng assistance sa mga airline personnel. Laking tulong nito sa inyo para hassle-free ang inyong biyahe. 5. Magdala rin ng makakain, halimbawa’y biskwit, sandwich o tsokolate. Ito’y para hindi magutom bago pa man ibigay ang in-flight meals na inihanda ng mga crew ng eroplano. 6. Siguraduhin ding nakaupo ka sa tamang seat number na nakalagay sa tiket. Kaya, laking tulong ‘pag maaga kang nag-check-in. Isa pa, para rin may paglagyan ka ng iyong mga dala-dalang gamit sa isa sa mga overhead bins. Ilan lamang ‘yan sa mga kailangang ikonsidera. Ang mahalaga, maging alerto at magkaroon ng presence-of-mind, para siguradong hassle at stress-free ang iyong paglalakbay.

fitsnew.com

I

sa ang Japan, o “Land of the Rising Sun,” sa may mga pinakamagagandang mga tourist destinations. Sa dinami-dami ng mga atraksiyon, kagaya ng mga historical places pati na ang mga natural views, at isama mo pa ang makulay na kulturang bumubuo sa bansa, talaga namang ang pamamasyal dito ay masasabing sulit na sulit. Kung hindi pa masyadong pamilyar sa mga magagandang pasyalan sa Japan, naririto ang iyong listahan ng mga pagpipilian na maaari mong ikonsidera: • Makisali sa meditation session

sa Buddhist temple; Manood ng Sumo match; Maging bahagi ng tradisyonal na tea ceremony; • Akyatin ang Mount Fuji; • Manood ng iba’t ibang Festivals; • Tikman ang mga natatanging pagkain ng Japan. Kapag malapit ka sa Tokyo, ito ang mga natatanging atraksiyon: Imperial Palace, Tokyo Metropolitan Government Building, Sensoji Temple Asakusa, Shibuya, Meiji Jingu Shrine, the Yashukuni-jinja shrine, Ueno Park, Shinjuku

Gyoen, Tokyo Disneyland at Hama Rikyu Garden. Sa Kyoto naman, maaari kang pumunta sa Kyoto Imperial Palace Park, Nijo Castle, Kinkakuji - Golden Pavilion, The Museum of Kyoto, Ryoanji Temple, Gion at Kiyomizu-dera Temple. Ilan lamang ‘yan sa mga posibleng lugar na magbibigay sa’yo ng ‘di matatawarang karanasan. Maaari ring magtanung-tanong sa iyong mga kakilala kung anu-ano ang mga atraksiyong posibleng bubusog sa iyong mga mata at daragdag sa iyong karanasan sa Japan.

• •

Paano Makaipon ng Pondo Para sa Dream Vacation

M

araming mga benepisyo ang paglalakbay. Sabi ng ilang mga eksperto, mabisa nga raw sa kalusugan ang paglalakbay. Nakakabawas kasi ito ng stress at pagod, na nagiging daan naman sa mas malusog na pangangatawan at pag-iisip. Isa pa, isang magandang mekanismo ang paglalakbay para mas mapalalim pa ng mag-anak ang relasyon sa bawat isa. Pero, paano naman kung wala kang bud- • get na nakalaan para sa ninanais mong dream vacation? ‘Wag mag-alala. May mga paraan para makalikom ka ng pondo para sa iyong dream vacation. Naririto’t basahin mo: • • Piliin muna kung saan ang destinasyon—lokal ba o overseas. Kung kapos sa budget, pwede rin namang ikonsiderang pasyalan ang bansa • / lugar na hindi mataas ang costof-living, ngunit sigurado namang makakapag-enjoy ang iyong pamilya. • Pagtuunan nang pansin ang mga ex-

penses. Masyado ka bang gumagastos sa mga hindi naman kailangang groceries, damit at iba pang gamit. O ‘di naman kaya, baka nahihilig ka masyado sa mga pagkamahal-mahal na kape. Kung gustong makaipon, sikaping maghanap ng mga alternatibo para makaipon nang husto. Malaki ang naiaambag ng anumang akto ng pagtitipid. Pag-aralan din kung magkano ang iyong travel budget. Isulat kung magkano ang kailangan mong malikom na pera mapunan ang budget na ito. Magsimulang magtabi ng pera sa bangko o sa simpleng lalagyanan, kagaya ng piggy bank. Gawing target ang araw-araw na pagtatabi ng pera. Maglagay ng reminders sa inyong bahay. Halimbawa, maglagay ng picture ng iyong dream destination sa inyong refrigerator, para ‘pag gumigising ka sa umaga at nagbubukas ng

ref ay laging naipapaalala sa iyo na kailangan mo munang mamaluktot para makamit ang pinapangarap na bakasyon. A n g m a h a l a g a n g t a g l ay i n s a p u n tong ito ay ang pagiging disiplin a d o . Ku n g m e r o n k a n i t o , p i h a dong makakamit mo ang iyong pinapangarap sa madaling panahon. c

flagship-housing.co.uk


12

Ads

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"


Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Ads

13


14

2nd Anniversary Issue

July 2013

Global Filipino

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino


2nd Anniversary Issue

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

15 July 2013

Travel


16

2nd Anniversary Issue

Komunidad

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino


2nd Anniversary Issue

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Komunidad

17

"Ang NTT card at Daloy Kayumanggi ay nag-su-sponsor ng mga events kagaya nito (Church event, charity, birthday party, group party, etc. para sa mga Pilipino na nasa Japan. Para sa mga detalye, tumawag lang sa 090-6025-6962 at hanapin si Erwin

ANNIVERSARY GREETINGS FROM D&K STAFF MANILA M ar am in g Sa la m at m ga ka -D al oy !

"Ako si Dave Calpito, ang tagapaghatid ng mga mahahalagang balita at makabuluhang tips sa layuning makapag-inspire ng mga Global Pinoys sa Japan at saanmang dako ng mundo. Proud to be ka-Daloy Pinoy Staff"

"Mula dito sa amin sa D&K Manila, nais naming batiin ang lahat ang Daloy Kayumanggi sa Ikalawang Anibersaryo nito. Happy Anniversary hindi lamang sa newspaper kundi lalo na sa mga tagasubaybay at mambabasa ng diyaryo!" -D&K Manila Staff (left to right: Jeanne Sanchez, Remy Umutoy, Aiyo Bugia)


18

2nd Anniversary Issue

July 2013

Daloy Kayumanggi

Global Filipino

THE LONE RANGER It’s a story about a native American warrior Tonto recounts the untold tales of John Reid, a simple law man recruited by his brother to protect their place. But one day they we’re ambushed by outlaws and left for dead. Tonto revived Reid and from there Reid with the help of Tonto aims for revenge and justice. They will turn all upside down, break the law and become a legend of justice. Starring Johnny Depp (Pirates of the Caribbean), Armie Hammer (The Man form U.N.C.L.E), William Fichtner (Elysium), and Barry Pepper (Saving Private Ryan). Directed by Gore Verbinski (Rango).

MUST WATCH!

THE WOLVERINE After the events of X-Men III, Logan blames himself for everything that happened to Jean-grey. Since then he exclude himself from the people he knew. Logan makes a voyage to modern-day japan, where he encounters an enemy from his past that will change an impact on his future. SPOILERS!! Days of Future Past connection recently added. Starring Hugh Jackman (Wolverine), Hiroyuki Shimosawa (47Ronin), Rila Fukushima (Wolverine) and Tao Okamoto (Wolverine). Directed by James Mangold (3:10 to Yuma).

MUST WATCH!

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

PACIFIC RIM

R.I.P.D (Rest In Peace Department)

Get ready for Big Battle between aliens and robots! Directed by Guillermo del Toro (Pinnochio 214). As earths existence starting to fall because of the BIG aliens that surfaced from beneath the earths core. To fight these enormouse monsters they need another kind of monsters, so they created Cayote Tango, Cherno Alpha, and Crimson Typhoon to protect and destroy these alien monsters. Starring Idris Elba (Thor), Charlie Day (Sons of Anarchy), Rinko Kikuchi (47Ronin), and Ron Perlman (Hellboy III).

MIB meets the walking dead, A murdered cop is recruited to work for an afterlife police force R.I.P.D (Rest In Peace Department) that battles spirits not yet ready to depart this world. Directed by Robert Schwentke (R.E.D) starring Ryan Reynolds (Green Lantern), Kevin Beacon (The Following), Jeff Bridges (Iron Man) and Mary Luis Parker (Weed).

MUST WATCH!

MUST WATCH!

Lenny (Adam Sandler), finds out that between old bullies, new bullies, schizo bus drivers, drunk cops on skis, and 400 costumed party crashers sometimes crazy follows you.

MUST WATCH!

Retired black-ops CIA agent Frank Moses reunites his unlikely team of elite operatives for a global quest to track down a missing portable nuclear device.

MUST WATCH!

LIKE US ON FACEBOOK www.facebook.com/daloykayumanggi


19

2nd Anniversary Issue

July 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

KLASE SA FILIPINO

MUMURAHING EROPLANO

Guro: Juan, magbigay ka nga ng pangungusap Stewardess: Sir, would you like some dinner? na may tayutay. Passenger: Ano ba ang choices? Juan: Ahem... “ Ang tatay ay nadapa... Tayo tay! Stewardess: Yes or no lang po, eh. tayo tay!” LIBRARY Girl: Judge, ni-rape po ako doon sa library. PANGARAP MO TUTUPARIN KO Kung pangarap mong mahalin ka ng isang Judge: Aba lintik naman! Daming tao sa tao ng totoo at tunay at hindi ka lolokohin...Ilibrary, ‘di ka sumigaw? text mo si Prospero Pichay! Pangarap niyang Girl: ‘Di po eh, kasi merong sign na “SILENCE tuparin ang pangarap mo! PLEASE.”

EKSENA SA CLASSY BAR

German: Waiter, Remy Martin. Single! French: Waiter, Carlo Rossi. Double! Pinoy: Waiter, Popoy Dimaunat! Married!

KAYAMANAN

Boy: Kayamanan ka ba? Girl: Bakit? Boy: Ang sarap mo kasing ibaon sa lupa eh.

BUTIKI

Nahulog ang butiki sa lamesa... Genius: “Oh reptila scincidae!” Kikay: “Eew lizard!” Astig: “Sh*t butiki!” Mataray: “Shucks, tiki!” Mayaman: “Yuck, lacoste!” Mahirap: “Pare, ulam! Yummy!”

SABI NG...

Sabi ng hangin, mabait ka. Sabi ng dagat, matalino ka. Sabi ng ilog at bundok, cute ka. Hala, ano ba ‘yan? Sirang-sira na talaga ang kalikasan.

LEO Hul. 23 - Ago. 22 Gamitin mo ang iyong taglay na talino sa isang bagay. Ito ang magiging katuwang mo sa pagkamit sa iyong mga pangarap sa buhay. Gamitin ito at sabayan ng lakas ng loob. Siguraduhin lang na hindi ka makasasakit ng damdamin ng iba. Blue ang masuwerteng kulay sa’yo; 15, 19, 22 at 32 naman ang sa numero.

VIRGO Ago. 23 - Set. 23

Maaaring ito na ang p a gka ka t a o n g p i n a ka h i h i n t ay m o . Maaaring mapapasa-iyo ngayon ang iyong matagal nang inaasam-asam. Pa n g a l a g a a n l a n g n a n g h u s t o a n g kalusugan. Lucky color at numbers: Green; 6, 4, 8 at 12.

LIBRA Set. 24 - Okt. 23 Lakas na loob ang kailangan mo ngayong buwan. Isang hindi inaasahang pangyayari ang maaaring susubok sa’yo ngayon. Manalig lang sa panginoon at magtiwalang malalagpasan mo rin ito sa madaling panahon. Salubungin lang ang bawat araw ng ngiti. Masusuwerteng numero: 33, 35, 21 at 17. Masusuwerteng kulay: gray at maroon.

KAIBIGAN

Teacher: Class, ano ang kaibigan para sa inyo? S1: Kasama in good and in bad times. S2: Pinagsasabihan ng mga sikreto po. T: Eh ikaw, Juan? Ano ang kaibigan para sa’yo? Juan : Kaibigan? ‘Yan yung pinaka-nakakainsultong tinawag sa akin ng taong mahal ko.

CHECKPOINT

Driver: Yung mga pangit pwede ng bumaba. May checkpoint kasi sa unahan. Pabor lang. Pasahero: Tapos kuya? Sino na pong magdadrive ngayon?

MAY TITULO KA?

Boy: Miss may titulo ka ba? Girl: Wala bakit? Boy: Tingin ko kasi pag-aari kita. Girl: How sweet! Ilang pages ka ba? Boy: (na-confuse) Bakit? Girl: Ang mo kapal kasi!

I WANT TO BE ALONE

Girl: Huwag mo akong paki-alaman. Ayaw

SCORPIO Okt. 24 - Nob. 22

kong may lumalapit sa’kin. Please lang! Boy: Bakit? Sino bang nagsabing lalapitan kita? Dadaan lang ako no?

PICK-UP LINES

MATABA Wala akong pakialam kung mataba ka, kasi I love you just the WEIGH you are… PEDICAB PEDICAB ka ba? PEDICABang maging girlfriend? MEKANIKO Miss MEKANIKO ka ba? Kasi, ikaw na ang nagpapatakbo ng buhay ko… TAYO Nakakapagod kasing umupo, eh. Pwede bang TAYO na lang? TUBIG TUBIG ka ba? Kasi ikaw ang pinakamalaking bahagi ng mundo ko BOBO Masasabi mo bang BOBO ako, kung ikaw lang ang laman ng utak ko? ALGEBRA Magaling ka ba sa ALGEBRA? Can you substitute my X? MATALINO MATALINO ka ba talaga? Sige nga, sagutin mo ako! KODIGO KODIGO ka ba? Kasi, ikaw ang sagot sa lahat ng tanong ko eh.

AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19

Magiging masigla at m a s aya h i n a n g a u r a m o n gayo n . M a p a p a n u m b a l i k d i n a n g naudlot na komunikasyon mo sa iyong dating kakilala at kaibigan. Maganda rin ang magiging imahen mo sa iyong mga katrabao. Yellow ang swerteng kulay sa’yo; 19, 29, 32 at 48 naman ang mga numero mo.

Alisin ang pagiging sobrang mahiyain. Kinakailangang matutong makipag-usap at makipaghalubilo sa mga tao, sapagkat ito rin ang magiging dahilan ng iyong nalalapit na pag-unlad. Magingat-ingat lang sa paghahawak ng pera. Power numbers at colors: 3, 24, 26 at 29; brown naman ang kulay mo ngayon.

Matututo ka ngayon sa isang partikular na bagay. Magiging sandigan mo ngayon ang iyong mga kaibigan at kapamilya. Piliing maging produktibo araw-araw para walang masabi ang ibang tao sa’yo. Swak sa’yo ang kulay na mint green. Numerong 31, 30, 20 at 11 naman ang okay sa iyo.

Kailangang pag-aralang mabuti ang anumang desisyong bibitawan mo. Huwag agadagad pipirma ng anumang dokumento. Huwag din agad-agad magtitiwala sa ibang tao. Samantala, maganda naman ang lagay ng iyong kalusugan ngayong buwan. Numbers of the month: 9, 1, 7 at 14. Color of the month: violet.

SAGITTARIUS Nob. 23 - Dis. 21

CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20

Kakaibang karisma ang mapapasaiyo ngayon. Ito ang tamang pagkakataong makipagbati sa dating kagalit. Panatilihin ang pagiging propesyonal sa pakikipag-usap sa mga tao para hindi masira ang mataas na respetong iniaalay nila sa’yo. Ang beige ay masuwerte sa’yo. Ikonsidera rin naman ang mga numerong 35, 6, 9, at 31.

PISCES Peb. 20 - Mar. 20

ARIES Mar. 21 - Abr. 20

Nasa tamang direksiyon ka ngayon. Tumatahak ka sa daan patungong kaunlaran. Ipagpatuloy mo lang ang iyong kababaan at kabutihangloob nang sa gayon ay tuluy-tuloy sa’yo ang suwerte. Lucky numbers: 9,10, 4 at 23. Lucky color: Orange.

APOY APOY ka ba? Kasi ‘alab’ you! SIGARILYO Para kang tindera ng SIGARILYO. You give me ‘hope’ and ‘more’ CACTUS CACTUS ka ba? Kasi handa akong masaktan mayakap lang kita! AIRPORT AIRPORT ka ba? Kasi kahit anong lipad ng isip ko, sa iyo pa rin ang landing ko. LETTER ‘T’ Sana ‘T’ na lang ako, para I’m always right next to ‘U’ PANCIT CANTON Mahilig ka ba magluto ng PANCIT CANTON? Kasi kapag kasama kita feeling ko ‘lucky me’ GRAVITY Aanhin pa ang GRAVITY…kung lagi akong mahuhulog sa iyo. SCIENTIST Alam mo ba na SCIENTIST ako?? At ikaw ang lab ko EXAM Tapos na ba ang EXAM mo? Para ako naman sagutin mo. CENTRUM CENTRUM ka ba? Kasi you make my life complete MERALCO MERALCO ka ba? ‘Pag ngumiti ka kasi may mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp spark. www.tumawa.com

TAURUS Abr. 21 - May. 21 Huwag patulan ang anumang sarkastikong pagpaparinig ng mga taong nasa paligid mo. Hayaan mo lang. Palipasin mo lang ito na parang wala kang naririnig. Sa halip, panatilihin ang positibo mong pananaw. Inggit lang ang nagtutulak sa kanilang gawin ‘yan sa’yo. Lucky numbers at color: 7,9,14, white.

GEMINI May. 22 - Hun. 21

Medyo iwasan ang pagiging masyadong madrama. Baka ito kasi ang magiging sagabal sa iyong pagusad. Panatilihin lang ang respeto sa ibang tao para manatili rin ang mataas na antas na pagrespeto rin sa iyo ng mga taong nasa paligid mo. Ang iyong color of the month ay yellow-green. Numero mo naman ngayon ang 5, 2, 3 at 16. Lucky color: red.

CANCER Hun. 22 - Hul. 22

May dadaluhan kang pagdiriwang na magbibigay sa’yo ng panibagong oportunidad na m ay k i n a l a m a n s a p e ra . A l a ga a n m o l a n g a n g t a o n g m a gb i b i gay s a’ yo n g panibagong oportunidad para tuluy-tuloy ang pagtatagumpay. Iwasan ang pagiging magagalitin. Kung binabalak namang tumaya sa lotto, ikonsidera ang mga numerong 19, 14, 10 at 25.


20

2nd Anniversary Issue

July 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

S

c

aseanbasketballleague.com

Taulava, hinirang na MVP ng ABL

a edad na 40, nagawa pa ring kubrahin ng beteranong basketbolistang si Asi Taulava ang Most Valuable Player award sa nakaraang ASEAN Basketball League (ABL). Inungusan ng Fil-Tongan na basketbolista ang kanyang mga kalaban sa naturang award: sina Chris Banchero (na kanyang tropa), Froilan Bauion (ng Rev Sports Thailand Slammers), Jair Reyes (ang Saigon Heat import) at Mario Wuysang (ng Indonesia Warriors). Matatandaang, eksaktong ika-10 taon ngayon matapos ang huling paghirang sa kanya bilang MVP ng Philippine Basketball Association. Samantala, hangang-hanga naman sa basketbolista si Anthony Macri, ang Chief Executive Officer ng ABL, na nagpahayag na deserving umano si Taulava bilang isang “excellent Asean MVP.” Nakapagtala si “The Rock” ng average na 10.9 points at 7.4 rebounds para sa kanyang San Miguel Beermen team.

SCORE UPDATES NBA Finals BOX

Miami Heat

VS

c

B

forbes.com

inansagan ng Forbes kamakailan ang “ Pa m b a n s a n g K a mao” bilang isa sa mga atletang may pinakamalaking kita. Sa ulat, pumang-labing-apat (14) ang Pinoy boxing superstar, katabla ang isa ring boxing star na si Floyd Mayweather. Sa tala ng Forbes, nakalikom ng may $34 milyon si Pacquiao noong taong 2012, sa pareho ring taon kung kailan siya natalo kina Juan Manuel Marquez at Timothy Bradley. Samantala, nanguna naman sa listahan si Tiger Woods sa kitang $78.1 milyon na kanyang naipon mula sa mga appearance fees, prize money, golf course design work at endorsements. Pumangalawa naman si tennis player Roger Federer ($71.5 milyon) at pumangatlo si Los Angeles Lakers star player Kobe Bryant ($61.9 milyon).

SPORTS UPDATES

Pinoy Gobal Runner, nakabalik na sa Pinas

95-88 ( Game 7 )

VS

Forbes: Pacman, ika-14 na pinakamayamang atleta

Rios, nagsimula na sa ensayo vs Pacquiao c

voces.huffingtonpost.com

Miami wins the Finals 4-3

San Antonio Spurs

sports.inquirer.net

PBA Finals VS Alaska Aces

VS

N Alaska Wins the Finals 3-0

c

www.interaskyon.com

kikayrunner.com

aging matagumpay ang pagsabak ng kaunaunahang Filipino at Asian Global Runner, Cesar Guarin, sa kanyang Middle East leg. Layunin ni Guarin na mapasama sa hilera ng mga iilan lamang na mga global runners na kumumpleto sa isang global ultramarathon. Tumagal ang kanyang ME run ng 30 araw, mula Abril 15 hanggang Mayo 17, sa habang 932 kilometro. Sa pagkakataong ito, anim na bansa ang binaybay ni Guarin, kabilang na ang mga bansang Oman, UAE, Saudi Arabia, Qatar, Kuwait at Bahrain. Sa kuwento ni Guarin, naging masalimuot ang pagsuong sa kabundukan ng Oman. Ang UAE naman umano ang pinakamahabang bansang kanyang binaybay. Ito na ang ika-pitong bahagi ng kanyang global run. Samantala, mula Oktubre hanggang Disyembre naman ngayong taon, nakatakdang takbuhin ng Pinoy pride ang 2,500 kilometrong solo run sa North America.

80 - 104 ( Game 3 )

Ginebra San Miguel

c

Hong Kong, bokya sa Philippine Azkals c

pinoystarnews.blogspot.com

N

akatakdang makakasagupa ng tinaguriang “Pacman” ng boxing ring, Manny Pacquiao, si Brandon “Bambam” Rios, sa darating na Nobyembre 23 na idaraos sa The Venetian sa Macau, China para sa isang non-title,welterweight fight. Gayunpaman, inanunsyo ng kanyang kalaban sa kanyang panayam sa On The Ropes Boxing Radio na hindi pa umano niya pinag-aaralan ang mga laban ng worldeight division champion na pambato ng Pinas, bagamat nakapagsimula na umano siya sa pag-eensayo. Nagpahayag pa ang 27-anyos na boxer na kahit pa man mapanood niya ang mga laban ay kampante siyang hindi niya umano babaguhin ang kanyang estilo sa pakikipaglaban sa 34-anyos na boksingerong Pinoy. Nagsasanay si Bambam sa ilalim ng Mexican trainer na si Robert Garcia. Siya rin ang tagapagsanay ni “The Filipino Flash” Nonito Donaire, Jr. Bukod sa paghahanda sa boxing, kasabay namang ginagampanan ni Pacman ang pagiging Congressman ng Sarangani, sa ikalawang pagkakataon.

P

inataob ng Philippine Azkals sa iskor na 1-0 ang Hong Kong sa international friendly game nitong Hunyo 4 sa Mong Kok Stadium sa Hong Kong. Naging susi sa naturang pambobokya sa kop o n a n n g H o n g K o n g s i J a m e s Yo u n g h u s b a n d , matapos nitong balewalain ang depensa ng skipper na si Chan Wai Ho sa ika-33 minuto ng laban. Naging alas din ng Philippine Azkals ang goalie na si Neil Etheridge, na kinayang preserbahin ang unang puntos na kalamangan laban sa katunggaling koponan. I to n a a n g i k a - s iya m n a p a g h a h a ra p n g d a l a wa n g ko p o n a n . I t o r i n a n g u n a n g b e s e s n a n a kaungos ang Pilipinas laban sa Hong Kong. Pero, bukod dito, tumabla na rin naman ang Azk a l s s a H o n g Ko n g n o o n g 2 0 1 1 s a i s ko r n a 3 - 3 . Hudyat umano ito ng muling pagtatagumpay rin ng grupo sa AFC Challenge Cup sa 2014 na idaraos sa Maldives. Samantala, hindi naman maganda ang naging pagtanggap ng mga lokal na manonood ang panalo ng Azkals. May insidente umano ng sigawan at pambabato sa mga manlalarong Pinoy.


21 July 2013

2nd Anniversary Issue

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Charice, nag-out na

Juday, balik soap opera

Anna Karenina, balik sa ere

U

mamin na noong Hunyo 2, Linggo, sa showbiz program na The Buzz ang international singing sensation na si Charice Pempengco. “Opo. Tomboy po ako,” paglaladlad ni Charice bilang kasagutan sa kanyang ilang buwang pananahimik hinggil sa ispekulasyon tungkol sa kaniyang gender preference. Noong nakaraang taon ay nagsimulang paghinalaan ang international singer kaugnay sa pagbabago ng kaniyang gender preference nang magkaroon siya ng major transformation mula sa sweet probinsyana tungo sa malamacho look / image. Nang tinanong siya ng King of Talk na si Boy Abunda tungkol sa kaniyang pagiging intimate sa isa pang singer mula sa talent search program na The X Factor, binanggit niyang “Open my heart and you will know.” Samantala, nabanggit din ni Charice na nakikitira siya sa bahay ng isang kaibigan dahil hindi pa umano matanggap ng kaniyang ina at lola ang pagbabago sa buhay niya.

M

istulang ibinalik ni Ryza Cenon ang katatapos lamang na summer heat dahil sa kaniyang mga hot poses sa May issue ng FHM Magazine. Nag-red alert level sa pagiging phenomenal ng issue na ito featuring her daring poses. Tunay ngang malakas ang ipinasabog ng Starstruck 2 grand champion sa paglalantad ng kaniyang seksing katawan sa men’s magazine at ‘di kataka-takang pagkaguluhan nga ito ng readers. Sa nangyaring autograph signing sa Robinson’s Galleria noong May 17, humigit-kumulang sa 200 ang nakipagparticipate sa event. Banggit nga ng sexy actress, “I’m so overwhelmed that the people loved my cover. I honestly didn’t expect it to turn like this and I’m really grateful for it.” Mula sa pagiging sweet bida hanggang sa fiery hot cover ng magazine, napatunayan ni Ryza Cenon na kayang-kaya niyang gawin itong lahat.

13-yr old Youtube sensation, wagi sa Pilipinas Got Talent Roel Manlangit Singer c

Pilipinas Got Talent

Joyce Ching Actress / Model c

Barbie Forteza Actress / Model c

pinoynetwork.tv

S

pinoynetwork.tv Krystal Reyes Actress / Model c

pinoynetwork.tv

iguradong maiiyak at mapapaibig ang mga manonood ng present generation sa pagbabalik ng 1990s hit teleserye na Anna Karenina sa GMA 7. Dating pinagbibidahan nina Antonette Taus, Kim de los Santos, at Sunshine Dizon ang nasabing TV drama na umere nang anim na taon. Ngayon naman, muling bibigyang-buhay nina Barbie Forteza, Joyce Ching at Krystal Reyes ang mga karakter na minahal at tinangkilik noon ng publiko. Iikot ang kuwento sa paghahanap sa tunay na Anna Karenina Monteclaro at nasa tatlong dalagang ito ang tunay na Anna Karenina. Makakasama nina Barbie, Joyce, at Krystal sina Sandy Andolong, Valerie Concepcion, Neil Ryan Sese, Yul Servo, Kathleen Hermosa, Maureen Larrazabal at Yasmien Kurdi na gaganap bilang Maggie Monteclaro, ang nanay ni Anna Karenina.

Ina ni Bruno Mars, pumanaw na

Ryza Cenon, nagpasexy na

M

atapos ang ilang taong pamamahinga sa paggawa ng teleserye, muling nagbabalik si Judy Ann Santos sa primetime sa upcoming ABS-CBN show niyang Huwag Ka Lang Mawawala. Ginagampanan niya ang bagong role bilang Anissa Panaligan. Co-stars ng primetime queen sina Sam Milby na gaganap bilang Aeros Diomedes at KC Concepcion na gaganap bilang Alexis. Isang dark melodrama na punung-puno ng aksyon at mga paghihiganti ang naturang bagong programa. Pinalitan ng Huwag Ka Lang Mawawala ang isa sa mga top notch programs na Ina,Kapatid, Anak. Pormal na nagsimulang umere ang teleserye nitong Hunyo 17. Kasama rin nina Juday, Sam, at KC sina Tirso Cruz III, Coney Reyes, Matet de Leon, John Estrada, at Mylene Dizon.

H

indi inaasahan ng international singer na si Bruno Mars ang p a g k a m a t ay n g ka n iya n g P i n ay mother na si Bernadette Hernandez sa edad na 55. Isinugod sa Queens Medical Center sa Honolulu, Hawaii noong Mayo 31, Biyernes, ang nanay ni Bruno Mars at pumanaw noong June 2. Brain aneurysm ang naging sanhi ng pagkamatay ni Bernadette Hernandez, taliwas sa inaakalang heart attack. Kinumpirma ito ng isang insider mula sa label ni Bruno Mars na Atlantic Records. Isang malaking impluwensya ang nanay ni Bruno Mars sa kanyang pagmamahal sa musika at pagsuong sa karera ng pagkanta. Noong bata pa siya, inialay niya sa kaniyang ina ang kantang I Love You Mom na sarili niyang komposisyon.

S

a ika-apat na season ng Pilipinas Got Talent, isang mangaawit na naman ang nagwagi. Pero, ano ang kaibahan niya sa mga naunang nanalo na pawang singers din? Siya ang pinakabatang nanalo sa top-rated talent search show – ang tinutukoy ay ang 13-year old na si Roel Manlangit. Nauna siyang naging Youtube sensation noong nakaraang taon sa pagkanta niya ng I Will Always Love You ni Whitney Houston sa isang appliance store. Naging viral ang video ng batang singer at umabot sa dalawang milyon ang views nito. Tubong Valencia City, Bukidnon ang batang kampeon at nabanggit niyang pampagawa ng bahay na nasalanta ng bagyo ang dalawang milyong napanalunan sa contest. Kabilang sa mga nanalo sina Frankendel Fabroa at MP3 Band na nagwagi ng 1st and 2nd Runner-ups, respectively.


22

2nd Anniversary Issue

July 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

11-year old Pinay, pasok sa Mishael Vallar, ready na sa BGT Finals camera Arisxandra Libantino Singer c

unrealitytv.co.uk

I

sa na namang Filipina ang sumisikat internationally. Sa pagbabalik ng Britain’s Got Talent (BGT), naging crowd-catcher na agad ang 11-year old Pinay na si Arisxandra Libantino. Pure Pinay ang batang singer at nag-migrate ang kaniyang pamilya mula Pilipinas patungong UK noong 2004. Naikwento niyang baon sa utang ang kanyang pamilya kaya ipambabayad nila ang perang mapananalunan niya sa contest. Samantala, sa kabila ng kasikatang natatamo ni Arisxandra, umani rin siya ng mga puna mula sa manonood. Ilan dito ay patungkol sa kaniyang edad at ang psychological na epekto ng posibilidad na matalo sa BGT. Sa mga unang bahagi ng contest, binatikos din ang programa sa pagpayag na kantahin ng isang 11-year old ang “One Night Only” dahil hindi ito akma sa edad ng batang singer.

Story of revenge, bagong installment ng TV5 c

Mishael Vallar Model c

interaksyon.com

manilastandardtoday.com

M

atagal na panahon din ang ginugol ni Mareshah Mishael Vallar para magdecide kung sasabak siya sa showbusiness. Siya ang anak ng dating commercial model at matinee actress Monette Rivera at 1970s actor na si Michael Vallar. Hindi siya tulad ng mga anak ng sikat na celebrities na simula pagkabata ay exposed na sa camera. “I was traumatized and couldn’t face the camera. I lost my confidence to talk to people. For a time I became a loner in school. It was only during my high school years that I learned to express my anger towards them. I left home at age 16,” banggit ng 25-year old aspiring actress sa pahayagang Manila Standard Today. Hindi umano niya matanggap ang annulment ng kaniyang mga magulang noong pitong taong gulang pa lang siya. Malaki ang pagpapahalaga ni Mishael sa kanyang kalusugan. Regular siyang nag-gi-gym at nagba-boxing. “I feel that beauty these days can only go so far. Looking good on the outside is nothing compared to becoming healthy and feeling good on the inside,” pagtatapos ni Mishael.

H

indi pa natatapos ang init ng summer para sa TV5. Magpapainit sa mga gabi ng mga manonood ang kuwento ng paghihiganti, drama, at panlilinlang—ang Misibis Bay. Pangalan ng isang exclusive resort sa Bacacay, Albay ang Misibis Bay. Pinagbibidahan ito ni Christopher de Leon na gaganap bilang Anthony Cadiz, isang real estate tycoon na nais itama ang mga pagkakamali sa buhay kaya pinakasalan ang batang-batang si Maita Rivera na gagampanan ni Ritz Azul. Makakasama rin sa cast sina Boots Anson-Roa bilang lola ni Maita, Vin Abrenica bilang Charlie Cadiz, Daniel Matsunaga bilang Andrew Cadiz, Vivian Velez bilang Miranda Cadiz, Megan Young bilang Lara Borromeo, at Victor Silayan bilang Bernard Cadiz. c

interaksyon.com


23

2nd Anniversary Issue

July 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Riza Santos, nadeklarang Miss Universe Canada 2013 Riza Santos Miss Universe Contestant / Model c

c

D

oes the name Riza Santos ring a bell? Naging Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 housemate na siya at lumabas sa ilang pelikula tulad ng Dobol Trobol at When Love Begins. Ngayon, muling ipagmamalaki ng mga Pinoy si Riza Santos sa kaniyang pagkapanalo bilang Miss Universe Canada 2013. Naging kontrobersyal ang pagkapanalo ni Riza matapos ianunsyo ng Beauties of Canada, ang organizer ng Miss Universe Canada pageant, na siya ang Miss Universe Canada sa halip na si Dennis Garrido, ang orihinal na idineklara sa pageant night, na bumaba naman ngayon sa 3rd Runner-up. “During the validation of the computerized scoring results (which occurs the following day), a typo was discovered in the top 5 entries, which significantly impacted the final results of the competition. This is the first instance of this type of error in the 11 years that Beauties of Canada (BOC) has produced the Miss Universe Canada pageant,” banggit sa official statement hinggil sa nangyaring pagkakamali. Makakalaban ni Riza ang ating pambatong si Miss Universe Philippines Ariella Arida.

Journalist, director na ng Indie Film c

Facebook.com

stariraymagazine.com

I

sang malaking blessing para kay Baron Geisler ang maging bahagi ng isang international film. Kasalukuyan siyang nagshu-shoot sa mga exotic beaches ng Cebu at Palawan para sa pelikulang Waves. Personal siyang pinili ng director ng pelikula na si Don Gerardo Frasco. Kuwento ni Baron na napansin umano ng New York-trained Pinoy director si Baron sa mga pelikulang El Presidente, Asiong Salonga at Jay. Makakasama ng mahusay na aktor si Ilona Struzik, isang Polish-American model actress. Ang pelikula ay romantic in nature at maipalalabas internationally. “I’m supposed to play this rich kid who rekindles his friendship with this blonde, blue-eyed, international model who’s supposed to get married soon. The story unravels from there. We’ll be shooting some scenes in Cebu and this secluded island in Palawan called Busuanga. From what I’ve been told, I’m the only Filipino actor in the film,” banggit pa ng aktor.

Ding Dong Dantes Actor/Director/Model c

Facebook.com c

H

Amalia Fuentes, sinubukan ang Muling Buksan ang Puso

Baron Gieser Actor / Model

beautypageantnews.com

Cesar Aplinario Journalist

Baron, bida sa isang international film

indi lamang pala si Dingdong Dantes ang inaabangan ang performance sa pelikulang Dance of the Steel Bars. Maging si Cesar Apolinario, isang news reporter sa GMA News and Public Affairs, ay masusubukan ang husay sa pagdidirek. Karamihan sa mga eksena ng pelikula ay kinuha sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center, ang lugar ng sikat na sikat na dancing prisoners. Co-director si Cesar Apolinario ng nasabing pelikula kasama si Manny Manicad, isang documentarist. Produced ito ng Portfolio Films International kasama ang GMA Films. Nauna nang nagwagi bilang Best Director sa Metro Manila Film Festival si Cesar Apolinario para sa pelikulang Banal at nanalong Best Digital Movie Director para sa pelikulang Puntod noong 2010.

Animation category, dadagdag sa MMFF categories

facebook.com

M

uling madaragdagan ang New Wave Categories ng Metro Manila Film Festival. Bukod sa pagkakaroon nito ng New Wave Full Length, Cinephone, at Student Film categories, idadagdag ang animation category. Ito ang inanunsyo ng Overall Chairman ng MMFF na si Francis Tolentino. “We promised last year that our New Wave Section was going to be bigger, bolder and better. And we were not disappointed. With the Animation Category. we are yet again pushing the envelope and providing a platform for our animators, both young and veterans. We have an incredible pool of talents in the Philippines, and the MMFF believes that we need to showcase their work to the Filipino audience and promote the animation industry locally,” banggit pa niya. Makikipagtulungan ang MMFF sa Animation Council of the Philippines, Inc., ang pangunahing nagsusulong ng animation sa Pilipinas. Maximum ng 12 minuto ang animation film na kailangang isumite ng mga interesado. Hanggang Oktubre 4, 2013 ang deadline nito.

Amalia Fuentes Actress c

balita.com

B

igo ang muling-pagsasama nina Amalia Fuentes at Susan Roses sa primetime teleserye. Ito’y matapos ianunsyo ni Fuentes na hindi niya tatanggapin ang kaniyang role sa bagong primetime teleserye ng ABS-CBN. Nagdesisyong umalis ni Amalia Fuentes sa teleserye dahil umano sa role na kaniyang gagampanan matapos ang unang araw ng filming nito. Hindi nagustuhan ni Amalia ang kaniyang karakter sa teleserye – ang bestfriend ng karakter na gagampanan ni Susan Roces at mang-aagaw sa asawa ng huli. “I was to play a contravida, but I’m so poor. How can I wield all that power when I’m as a poor as a rat throughout the long run?” banggit ng batikang aktres sa artikulong inilathala sa Manila Bulletin. Marami ang nadis-appoint sa pagkaudlot ng muling pagsasama ng 70s hit stars Amalia Fuentes at Susan Roces.

c

Ilang TV personalities, Reader's Digest Most Trusted

lifestylemanila.com

S

a survey na ginawa ng Reader’s Digest Asia para sa Trusted Brands nito, tatlong television and media personalities ang pinili ng mga Pilipino. Kabilang rito si Manny Pacquiao na kilalang-kilala na bilang Pound-for-Pound King. Bukod sa pagbo-boxing, hinahati niya rin ang kaniyang oras sa pagiging TV host, actor, Congressman sa lone district ng Sarangani, businessman, at pagiging ama. Ang isa pang napili ng mga Pilipino ay si Vic Sotto, sa ikalawang pagkakataon. Si Vic Sotto ay kilalang-kilala bilang “Bossing” sa pinakamahabang noontime variety show sa Pilipinas, ang Eat Bulaga. Sa ikatlong pagkakataon naman ay napili rin si Jessica Soho, isa sa mga nangungunang newscaster sa Pilipinas. Anchor/host siya ng ilang news-docu program sa GMA Kapuso Network tulad ng Kapuso Mo, Jessica Soho at State of the Nation with Jessica Soho. Pitong libong respondents ang kabilang upang mapili ang Reader’s Digest Most Trusted Brands mula sa Pilipinas, Malaysia, Taiwan, Hong Kong, Singapore, at Thailand.


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.