CANADA NIYANIG NG FROST QUAKE
DON MARIANO KANSELADO
IKA NGA NI KONSUL
BAGONG TAON
Daloy DRAMA NG MGA SIRENA, BIBIDA SA MGA TELESERYE Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
FREE NEWSPAPER
January 2014 Second Issue
BUSINESSWOMAN TINAMBANGAN PATAY
P
atay si Arlene Garcia, 39 anyos na isang business manager ng Tiger King Trading nang pagbabarilin ang kanyang sinasakyang kotse na may plate number ZJC 887. Dalawang 'di pa nakikilang gunmen na sakay ng isang motorsiklo ang walang-awang nagpaulan ng bala sa kotse ni Gracia sa Calle Industria Barangay Bagumbayan, Libis Quezon City. Na-recover ang mga walang laman na bullet slugs galing sa .45 caliber na baril.
PISTA NG
NAZARENO
NIAGARA FALLS NAG YELO!
A DEBOTO DINUMOG NG MG
I
PINAY CAREGIVER WAGI SA
X-FACTOR ISRAEL
FOOD TRIP AT HOME
N
ilampaso ng 47 a n y o s na si Rose Fostanes, isang caregiver sa Israel ang kanyang mga katungali na sina Eden Ben Zaken (Girls category) at Ori Shakiv (Boys category) nang bumirit siya ng sarili niyang rendition ng kantang “My Way” sa Final Showdown ng X-Factor Israel noong nakaraang Enero 14. Standing ovation ang naging hatol nila mula sa mga judges na sina rock
ARTS & TRAVEL
Pahina 6. Putaheng gulay ng norte Pahina 5. family of visual artists
lang bahagi ng Niagara Falls na nasa pagitan ng US at Canada ang nagyelo bunga ng kasalukuyan nilang nararanasang Arctic Chill sa hilagang bahagi ng Amerika at Canada. Kapag sinabing ang isang lugar ay dumadanas ng arctic chill, ikinukumpara ang lamig nito sa surface ng planetang Mars na may mas mababa pang temperatura. Ang gitnang-kanlurang bahagi ng America kung saan naroon ang Niagara Falls ay nakakaranas na ng nang mas mababa pang temperatura. singer Rami Fortis, singer and composer Moshe Peretz, pop singer Ivri Lider at si Maimon. Nagkaroon din sila ng duet ng kanyang mentor na si Maimon at kinanta ang If I Ain’t Got You ni Alicia Keys. “I really can’t believe I’m really here now. To all the Filipinos and Israelis who supported me, thank you so much” ani Rose pagkatpos ng patimpalak. Hindi inasahan ni Rose na makukuha niya ang boto ng
mga Israeli dahil na-stereotype ang mga Pinoy na nagtratrabaho lang bilang mga katulong at pagiging caregiver. Dumalo sa final ang kapatid ni Rose na si Nancy at kanyang partner na si Mel Adel.
ANG IBA'T IBANG KLASEND "WIFE" SA SHOWBIZ
Ayon sa isang meteorologist na si John Rozbicki ng National Weather Service, hindi tuluyang nagyelo ang Niagara Falls kundi may ilang bahagi lamang nito ang nagkaroon ngunit ang tubig nito ay patuloy pa rin dumadaloy at ang mga sinasabing yelo na naglabasan sa mga social media sites ay mist lamang ng napakalamig na tubig. Dagdag pa niya: “Niagara Falls has too much water to completely freeze over. But it has on several occasions formed an ice bridge over the lake, which is located beneath the waterfalls.”
Pinoy-local 2
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 2
PISTA NG NAZARENO 2014
M
uli na naman dinagsa ng milyun-milyong deboto ang Quiapo Church para sa taunang Pista ng Nazareno. Tinatayang 10M mga deboto ang dumalo rito na kung saan ang lahat ay umaasang makakahawak sa Poon Nazareno upang mabiyayaan sila nang malakas na pangangatawan, ilayo sa mga sakit at mapagaling sa mga iniindang karamdaman. Kilala ang Poon Nazareno na patron na nakakapagpagaling ng anumang karamdaman kapag naihaplos ang kahit anung puting panyo o labakara rito.
JANUARY 2014 SECOND iSSUE
pinakamalamig na temperatura naranasan sa kyusi at baguio
N
aitala noong nakaraang Enero 12 ang pinakamalamig na umaga sa magkaibang lugar ng Quezon City at Baguio City. Umabot ng 19.2 antas sentigrado ang temperatura sa Quezong City at 9.6 antas sentrigrado naman sa tinaguriang summer capital of the Philippines ang Baguio City.Ito na ang pinakamababang temperatura na naitala sa kasaysayan. Ayon kay Mel Duque ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy na mararanasan ang malamig na panahon hanggang unang linggo ng Pebrero, hindi ba’t sakto sa buwan ng pag-ibig. Dagdag pa ng PAGASA mas lalong makakaranas ng malamig na panahon ang kapuluan ng Luzon at Visayas dahil sa hanging amihan na nagmumula sa hilagang silangan.
kahabaan ng commonwealth tinaguriang "killer highway"
M
uli na namang may nakitil na buhay sa tinaguriang "killer highway", ang kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City. Isang empleyado ng Bureau of Customs na nagngangalang Alfonso Mallari ang sa kasawiang palad ay binawian ng buhay nang bumangga ang kanyang sinasakyang Honda Civic sa silangang bahagi ng highway malapit sa Sandiganbayan. Ang kalunos-lunos doon ay nang bumangga ang kotse ni Mallari sa center island ay inararo naman nito ang iba pang mga sasakyan na nagdulot ng matinding trapiko sa kahabaan ng Commonwealth. Agad naman isinugod sa East Avenue Medical Center ngunit binawian din ito agad ng buhay. Ayon sa imbestigasyon, maaaring nakatulog si Mallari habang nagmamaneho na tumatakbo nang mabilis. Ang kahabaan ng Commonwealth Avenue na may 16 lanes o 12.4km highway ay tinawag na “killer highway” sa Metro Manila dahil sa dami ng mga naaksidente rito kung saan ang 60 kph na bilis ng takbo ay pinaabot na hanggang Doña Carmen Avenue noong nakaraang Pebrero.
Ito ang ika-anim na taon mula nang ilipat ang translasyon ng Poon Nazareno sa Quirino Grandstand upang mas maraming tao ang magkaroon ng pagkakataon na makalapit at makahaplos dito. Kung dati’y sinisimulan ang prusisyon sa Quiapo Church at dumadaan lamang ito sa paligid ng Quiapo ngayong taon ay idinaan ito sa Jones Bridge na may layong 6.75km ang haba. Taong 2012 naman nang maitala ang pinakamahabang oras ng prusisyon na umabot nang 22 oras nang masira ang isa sa mga gulong ng andas.
Sinimulan ang Pista ng isang misa sa Quirino Grandstand na pinangungunahan ni Manila Archibishop Luis Cardinal Tagle bago ang prusisyon pabalik sa Basilica Minore ng Quiapo. Sa homilya ni Tagle hinikayat niya ang lahat ng Katoliko na iwasan na ang korupsyon kung saan ang bansa ay patuloy na nasasadlak sa mga pang-aabuso ng kapangyarihan ng bawat isa mapa-gobyerno man o pribadong sektor. Pagtatapos ni Tagle, may tatlong payo siya sa mga deboto ang magdasal, sumunod at maging saksi sa mga aral ni Hesukristo.
don mariano transit kanselado na ang prangkisa
K
inansela na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng Don Mariano Transit bunsod ng naganap na aksidente noong nakara-
ang Disyembre sa Skyway na ikinasawi ng 21 katao. Ayon kay LTFRB chairman Winston Ginez ay pinawalang bisa na o ni-revoke na ang Certificate of Public Convenience ng Don Mariano Transit. “With all the pieces of evidence submitted, gathered and discussed, there is no doubt that Don Mariano Transit Bus Corporation has repeatedly failed to comply with the terms and conditions of the CPCs granted to it” ani Ginez. Umalma naman ang iba pang bus drivers, conductors, mechanics at lahat ng empleyado ng Don Mariano na mawawalan na ng trabaho dahil sa pagkansela ng prangkisa nito.Samantala, bagaman humihingi ng motion for reconsideration ang legal counsel ng Don Mariano, tila hindi na mababago ang desisyon ng LTFRB board. Mukhang kamay na bakal na ang ipapatupad ng LTFRB at nagbabala pa sa iba pang mga bus company na lalabag sa mga patakaran nito.
Bantang pagsakop ng China sa Pag-asa Islands pinangangambahan
I
KINABABAHALA ni Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon, chairman ng House Defense Committee ang mga hakbang ng China na humahamon sa soberanya ng Pilipinas. Kasunod ito ng ulat na balak na ng China na sakupin ang Pag-asa Island na bahagi ng pinag-aagawang Spratly Islands bukod sa naunang pagtatakda ng naturang bansa ng air defense identification zone (ADIZ) at
bagong fishing laws sa West Philippine Sea. Mungkahi ni Biazon na kailangang magpatulong na ang Pilipinas sa international community upang kumpirmahin ang mga balitang balak ng China na sakupin ang Pagasa Island sa loob ng taong ito. “We have to verify the reports. Verification is a responsibility not only of the Philippines but also of the international community. China, if this is true, is now challenging the credibility of United Nations to impose international laws. Lumalabas din aniya na hinahamon ng
China ang alyansa ng mga bansa sa Asya, Southeast Asia at maging sa super power na Estados Unidos. Kung makumpirma ito, kailangan anyang agad na magprotesta ang Pilipinas sa United Nations laban sa China. Marapat din aniyang gamitin ng Pilipinas ang mga pinasok na treaty nito gaya ng Mutual Defense Treaty sa Estados Unidos upang mabatid kung saan makahihingi ng tulong ang Pilipinas sa oras na atakehin ito ng dayuhang pwersa.
pinoy-global 3
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 3
JANUARY 2014 SECOND iSSUE
canada niyanig ng frost quakes
ika nga ni konsul
G
inising mula sa mahimbing na pagkakatulog ang mga residente ng Ontario, Canada nang pagyanig at mga pagbagsak ng yelo noong Enero 3. Ang kundisyong ito ay tinatawag na ‘frost quakes”. Kalimitan ang “frost quakes" ay nagaganap lamang kapag biglang bumababa ang temperatura na kung saan mabilis na nagyeyelo ang kapaligiran at lumalaki na nagdudulot ng pagyanig dito. Bagaman ang “frost shakes” ay nagdudulot ng paggalaw ng kapaligiran ay hindi ito madaling makuha gamit ang monitor na pang-lindol. “With frost quake, almost all energy, almost all energy is on the surface , so if you’re close to it, you feel it quite strongly, but not enough energy gets into the ground” ani Allison Benr, isang seismologist.
ni Consul- General Marian Jocelyn R. Tirol-Ignacio
Kayo po ba ito? Marami ho ang nagtatanong sa Pasuguan ng Pilipinas: Ano nga ba ang "Red Ribbon" at kailan kailangan ito?
A
D
H
Movie Review:
47 Ronin ni Irene Tria
na ginagawa ng Pasuguan ng Pilipinas sa Tokyo Ito ay ang “authentication”
at ang isang uri ng pagnotaryo, ang “acknowledgement”. Ang pagnotaryo ay naipaliwanag na noong mga nakaraang isyu sa lathalaing ito. Maraming Pilipino ang nangangailangang gumamit sa Pilipinas ng mga dokumentong nagmula sa bansang
alawang katao ang malubhang nasaktan nang magsalpukan ang isang bangka na gamit sa pangingisda at Japan naval vessels. Nagsalpukan ang dalawang sasakyang pandagat dakong alas otso nang umaga ng Martes, Enero 14 sa Seto Inland Sea, Hiroshima. Ayon sa coastguard apat na crew na ang naialis sa tubig, dalawa ang gising subalit ang dalawa naman ay walang malay, kabilang na ang kapitan ng barko na pinaghihinalaan na na-cardiac arrest. Ayon kay Defense Minister Itsunori Onodera, gagawin nila ang lahat upang imbestigahan ang pangyayari at matukoy ang sanhi nito. Kilala ang Seto Inland Sea na isa sa may malalaking daungan at pangisdaan.
alos isang taon na ang nakalipas nang may mabiktima ng gang rape sa India, muli na naman nagkaron ng bagong biktima , ngayon ay isa namang turista. Noong nakaraang martes, Enero 13, isang Danish national ang nabiktima ng gang rape sa New Delhi, I n d i a . A n g n a s a b i n g t u r i s t a ay kagagaling lamang noon sa isang city museum sa Paharganj nang
magkaibang uri ng pagproseso ng dokumento
at ng Konsulado sa Osaka.
dalawa katao kritikal dahil sa banggaan sa karagatan
Gang rape talamak sa india
ng “red ribbon” ay sumasaklaw sa dalawang
Hapon. Ilan dito ay mga sertipiko, mga iba’t ibang kasulatang pangkomersyo, o mga kontratang dapat ipakita o gamitin sa Pilipinas.
Dahil sa pagkakaiba ng mga
batas ng dalawang nasabing bansa, nangangailangan ng isang proseso kung saan ang mga dokumentong nabanggit ay mabigyang bisa sa Pilipinas bagaman ang naglathala o nag-“issue” nito ay mula sa bansang Hapon. Ang prosesong ito ang tinatawag na “authentication of documents”. Ang “authentication” ay paraan upang ang isang dokumentong legal na nagmula sa bansang Hapon ay maaaring gamitin sa Pilipinas. Sa paraang ito, ipinaha-
magtanong siya ng direksyon pabalik ng kanyang hotel. Sa kasamaang palad ay kinuha siya ng anim na lalaki at dinala sa isang liblib na lugar malapit sa riles upang nakawan at gahasahin. Ayon sa frontdesk ng hotel, bandang alas otso y medya ng gabi nang makabalik ang biktima at humingi ng 200 Rupees pambayad sa taxi na kanyang sinakyan pabalik dahil nanakawan daw ito. Agad naman daw nagkwento ang biktima sa iba pang t u r i s t a k u n g a n o a n g t u n ay n a nangyari sa kanya.
Agad naman nahuli ang dalawa sa m g a s u s p e k . A n g i s a ay i s a n g migrante galing Uttar Pradesh na namamalagi sa rile ng tren. Nakitaan sila ng mga gamit ng biktima tulad ng iPod at spectacles case. Sa kasalukuyan pinaghahanap pa din ang apat sa mga suspek.
o “lord” pagkatapos itong mamatay. Sa pelikulang ito ipinakita kung gaano kayaman ang kultura ng mga Hapon pagdating sa pagsunod ng batas mula sa emperador. Bagaman si Reeves ang bida rito, ang ikinaganda ng pelikulang ito ay ang pantay-pantay na exposure ng bawat karakter. Bago pa man ipalabas ang 47 Ronin ay umani na ito ng mga komentong, masyadong mahal ang pagkakagawa ngunit ang istorya naman ay hindi; may nagsabi rin na ang kwento ay iikot lamang sa karakter ni Reeves. Hindi man ako batikan pagdating sa computer graphics ngunit masasabi ko na masusi nilang ginawa ang bawat graphics ng pelikula. Masasabi kong “flawless” ang pagkakagawa nito. Sakto ang mga video graphic effects at hindi mo mapapansin na ang lahat ng ito'y
Chroma lamang. Pagdating naman sa paglalahad ng kuwento maging ang script, masasabi kong sinuring mabuti ng mga manunulat bagaman may mga ilang ibinawas at idinagdag na sa tunay na pangyayari ng 47 ronin noong ika-18 siglo. Nagustuhan ko rin ang pantay na exposure ng bawat karakter ng kwento. Bagama’t si Keanu Reeves ang bida sa pelikulang ito, hindi siya ang naging focus ng movie kundi ang istor ya sa likod ng pagbuo ng 47 Ronin kung kaya’t maganda ang naging exposure ng iba pang aktor na Hapon. Kung susumahin maganda ang pelikulang ito, maaaring panoorin ng buong pamilya. Hindi ka lamang nag-enjoy kundi may mga matututunan ka pa sa kultura ng bansang Hapon.
hayag ng Pasuguan ng Pilipinas na ang isang dokumento ay nanggaling o dumaan sa Ministry of Foreign Affairs (Gaimusho) upang magkaroon ito ng bisa at magamit sa ating bansa.
Ilan sa mga dokumentong kadalasang
pinapa-“authenticate” sa Pasuguan ang mga desisyon ng mga korteng Hapon (shimpan-sho), “police certification”
(muhanzai shomeisho), “family registry” (koseki
tohon), at iba pang katulad ng mga ito. Maaari ring ipa-“authenticate” ang mga “affidavit” na gawa sa bansang Hapon na gagamitin sa Pilipinas kung ito ay dumaan sa tamang prosesong nakasaad sa baba. Upang mapa-“authenticate” ang isang dokumento, kailangan itong dumaan sa isang “notary public” na Hapon (koshonin yakuba). Kung ang dokumento ay nanggaling sa isang ahensya ng pamahalaang Hapon, maaari na itong ipa-proseso sa Gaimusho at hindi na padadaanin sa isang “notary public”. Matapos ang pagpapanotaryo ng dokumento o ang pagkuha nito mula sa isang ahensyang Hapon, dadalhin ang dokumento sa Gaimusho Shomeihan (Ministry of Foreign Affairs Certification Section), sa 2-2-1 Kasumigaseki, Chiyoda-ku, Tokyo na may telepono bilang 03-3580-3311. Ang Pasuguan ng Pilipinas sa Tokyo o ang Konsulado ng Pilipinas sa Osaka lamang ang may kapangyarihang mag-“authenticate” ng lagda ng mga napipiling opisyales ng Gaimusho. Ang pinatutunayan ng Pasuguan o ng Konsulado sa “authentication” ay ang tamang pirma ng opisyal ng Gaimusho at hindi ang katotohanan ng dokumento o ang mga nilalaman nito. Ang nilalaman ng dokumento ay responsibilidad ng taong may gawa nito. Iba ang “authentication” sa “acknowledgement” bagaman pareho ang mga itong nilalagyan ng “red ribbon” ng Pasuguan. Sa “acknowl-
I
pinalabas nung nakaraang Enero 8 ang pelikulang 47 Ronin na pinagbibidahan ni Keanu Reeves. Ito ang kauna-unahang pelikula ni Reeves sa taong 2014. Ang pelikulang 47 Ronin ay hango sa pambansang alamat ng Japan. Ang salitang ronin ay nagmula sa mga samurai na nawalan na ng isang “master”
edgement”, nagpapatunay ang Pasuguan na ang pagpirma sa dokumento ay nasaksihan alinsunod sa batas ng Pilipinas tungkol sa pagnonotaryo (2004 Rules on Notarial Practice) tulad ng nailahad sa nakaraang lathalain. Ang “authentication” at “acknowledgement” o paglalagay ng “red ribbon” ay ginagawa lamang para sa mga dokumentong gagamitin sa Pilipinas. Kapag ayon sa batas, lutas!
pinoy community 4
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 4
JANUARY 2014 SECOND ISSUE
Pagbabago
Distributer: Publisher:
Chief Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 hioyee_mla@yahoo.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com JM Hoshi Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT
jaggeraziz@gmail.com
The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.
Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com
ni oyee barro
B
agong taon, Bagong buhay, Bagong pagasa. Maraming mga bagay na gusto nating baguhin, palitan o iayos. Lalo na para sa mga taong hindi naging maganda ang nakaraan sa taong 2013. Napakaraming dahilan para magbago masama man o mabuti, kailangan ng pagbabago kapag nagpalit ang taon. At sa pagbabagong ito, tayo ay umaasang makamit ang gusto, matupad ang hiling at makita ang minimithing katuwang sa buhay. Ngunit ano nga ba ang dapat gawin ? Saan ba dapat magsimula o sino ang dapat mag-ayos o gumawa ng pagbabago? “Magbabago na ako”. Ito ang salitang laging sinasabi t u w i n g B a g o n g Ta o n . Masyadong gamit na gamit ang salitang “New Year ’s Resolution” para sa pag babago lalo na para sa pang sarili at sa pamilya. Ikaw ano ang New Years Resolution
mo? Sa ilang tao na naka usap ko, ito ang sinasabi nila para sa Gobyerno ng Pilipinas : Sana mag-resign na ang mga corrupt na pulitiko, sana makonsensya na sila at kusang magresign, sana mapatalsik na ang lahat ng magnanakaw sa administrasyong Aquino o sana palitan na ang administrasyong Aquino. Para sa mga OFW, nagtatrabaho sila para sa pamilya at sa pansariling kabutihan ngunit dahil sa sobrang dami ng problema sa Pilipinas, damay ang mga pamilya nila kaya mabagal ang pag-usad nila kasing bagal ng gobyerno ng Pilipinas. Pero hindi sila titigil sa pagsusumikap nila kaya naman heto ang mga pagbabago na gusto nila para sa Pamilyang sinusuportahan: sana they get to learn how to stand on their own dahil hindi sa lahat ng panahon ay may tutulong sa kanila. Sana mabigyan ng pagkakataon na makakuha ng trabaho para hindi tuloytuloy na umaasa sa padala ng isang OFW gaya ng nakausap ko rito sa bansang Hapon na sa edad na 45 ay nagpapadala pa rin ng tulong sa Pamilya. Para sa pansarili pagbabago, ay magsisipag nang doble para makaipon nang sapat para sa sariling pamilya, bawasan ang bisyo at magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga pangyayari
sa Pilipinas. Meron ding nagsasabi na babawasan ang bisyo o mag-iingat sa kinakain para maiwasan magkasakit atbp … Napakasarap pakinggan ang mga salitang ito, “magbabago na ako” lalo na kung ito ay talagang mangyayari ngunit kadalasan ay “ningas kugon” lang o sa simula lang at pag laon ay babalik din sa dati. Mga pangako na napapako at mga salitang parang isinusulat sa tubig. Para sa pansariling pangako walang apektado kung hindi ang sarili at ang mga malalapit na tao rito, ngunit sa mga mambabatas na nagbibitaw ng pangako at hindi matutupad o magagawa ito ay isang malaking usapin sa madlang Pilipino. May mga tao rin na iniaasa ang pagbabago sa mang-huhula o mga fortune tellers kaya marami sa mga kababayan natin gaya ng mga poiliticians, mga celebrities, mga popular personalities at maging mga ordinaryong mamamayan ang kumukunsulta sa Shui readers (Feng is Wind and Shui is Water in Chinese which is also known as an ancient art that deals with good and bad energies), sa mga Astrologers o nagbabasa ng bituin, o mga manghuhula na gumagamit ng iba’t ibang gamit gaya ng (Tarot) cards o iba’t ibang enerhiya upang magkaroon
ng idea at malaman ang kasalukuyan. Narito ang mga ilan sa mga sikat na Feng Shui Masters : Ms. Maritess Allen is the premier choice Feng Shui Consultant of top executives and prominent media, entertainment and political personalities in the Philippines and abroad. She also has 6 chain of Feng Shui shops all over Metro Manila. Mr. Willy Go is a Feng Shui expert that offers “Ang Gapuz Feng Shui" that’s willing to help to “impove your life and eliminate bad luck. It also covers Palm and Face reading that helps to find out your future in order to check your best and worst direction. Sila ang dalawa sa pinakasikat na Feng Shui consultant in the Philippines na nilalapitan ng mga sikat na personalidad. Please check their websites kung kayo man po ay interesado. Para sa Pagbabago, maraming pwedeng gawin o lapitan ... Pero ang lahat ng ito ay isang paalala o gabay lamang. At ikaw pa rin ang magdedesisyon kung ito ay gagawin mo o hindi. Ang importante ay malaman mo kung ano talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo, ano ba talaga ang kailangan mo at ano ba ang maaari mong maitulong sa pamilya mo at sa kapwa mo. Ikaw lamang ang maaaring magbago sa sarili mo. God Bless Us ALL!
ARTS & TRAVEL 5
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 5
JANUARY 2014 SECOND iSSUE
Pamilya blanco, pamilyang yaman ng angono Kuha at teksto ni Jane Gonzales
T
inaguriang Art Capital of the Philippines ang Angono, Rizal sa rami ng music and visual artists na nagmula rito. Isa na rito ang pamilya Blanco na mula sa padre de pamilya na si Jose “Pitok “ Blanco at sa may-bahay n’yang si Loreto “Loring” Perez Blanco hanggang sa pito nilang anak na sila Glenn, Noel, Michael, Joy, Jan, Gay at Paul ay lahat ay magagaling na magpinta. Sila ang kauna-unahang pamilyang pintor na nakapag-exhibit sa National Museum noong 1978.
1981 nang s’ya ay syam na taong gulang pa lamang. Si Joy naman ay mahilig sa pagpinta ng isang lola, bulaklak at mga mangingisda. Samantala si Michael ay magaling sa mga larawan na nagpapakita ng isang senaryong nangungusap gaya ng kanyang “The Peasant” at “Beginning of a New Day. Ilan naman sa mga obra ni Noel ay tila nagpapadama ng mga pinagdadaanan ng mga tao sa araw-araw at sa kanilang hanapbuhay. Ang panganay na si Glen ay mahilig sa mga paksa na maaaring maghati ng atensyon. Ang iba ay maraming tauhan at may ilan naman na iisa lamang pero buhay na buhay ang background. Mga Pinta ni Gay
Mga Pinta ni Michael Blanco
sabay-sabay at mabyahe para magkaroon ng art exhibit. Ang mga pinta ni Pitok ay aakalain mong kuha ng kamera dahil detalyado at parang totoo ang tama ng ilaw. Kung susuriin mabuti ay nilalagyan niya rin ng ilang twist ang mga ito gaya na lamang nandoon rin pala ang kanyang larawan o kaya isa sa kanyang mga anak. Isa ring muralist si Mr. Blanco na namatay noong 2008 dahil sa atake sa puso. Abril 25, 2001 nang nilooban ang Blanco Family Musuem nang hindi kilalang mga kalalakihan at kinuha ang mga unang naipinta ni Pitok, gaya ng ng kanyang nagawa noong 1952. Ang mga ito ay maaaring may malaking halaga na hanggang ngayon ay ‘di pa nakikita. Sa kabila nito, naging matatag ang pamilya Blanco at patuloy na nagtataguyod sa mga proyektong may kinalaman sa arts at nakapagtayo ng Blanco Art School.
Bonding time ng Pamilya Blanco Taong 1980 nang unang buksan at Marso 19, 1990 naman i-renovate ang Blanco Family Museum sa 312 Ibañez St., Angono, Rizal. Mayroon itong mahigit na 400 artworks ng pamilya na naitabi sa loob ng limang dekada. Sa pagpasok sa maaliwalas at malaking family museum na ito, na may entrance fee na P70 at bukas araw-araw hanggang 5pm, ay unang mabubungaran ang naipinta ng bunsong si Peter Paul. Karamihan dito ay mga nagawa niya nung s’ya ay musmos pa lamang. Kaya naman maaaring masabi na bata pa lamang ay kinakitaan na s’ya ng potensyal sa visual arts. Sunod sa exhibit ni Paul ay ang kay Gay na karamihan ay makulay at nagsasalarawan ng masayang simpleng buhay. Si Jan naman ay magaling sa detalye na kahit ang nakadapong langaw ay malinis n’yang naipakita sa kanyang mga pinta. Sa museum naipakita rin ang progreso ng kanyang pagiging pintor gaya na lamang ng muli niyang ipinta ang “Tagabundok” (Mountain Dweller) noong 1985. Una niya itong ginawa noong August
Kabilib-bilib din ang simula ng karera ng BS Education graduate na si Mrs. Blanco dahil nagsimula lang s’yang magpinta sa edad na 48. Kahit medyo huli na nang magsimula, ay masining n’yang naipapakita sa kanyang mga obra ang kanyang pagiging ina at ang pagpapahalaga sa mga kababaihan. Hindi naman nakapagtataka kung manalaytay, maipamana o maipasa ni Pitok ang kanyang galing at maging ang istilo niyang folk realism sa kanyang pamilya. Mountain Dweller ni Jan
Ito ay dahil sa ang bonding pamilya ang magpinta nang Pinta ni nilang Joy Blanco
mga pinta ni Jose "Pitok" Blanco
pinoy na pinoy 6
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 6
Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20
Marami kang hinihiling sa panahon na ito na talaga namang pinagsisikapan mong matapos. Sige gawin mo lang lahat ng makakaya mo nang hindi naman inaabuso ang iyong katawan. Kailangan mong magkaroon ng kumpletong atensyon sa ngayon sa iyong gawain para sa susunod ay buo rin ang iyong oras at kasiyahan sa iyong pagliliwaliw. Hindi makakabuti ang paghaluin ang trabaho at ibang bagay dahil kung ganito rin lang lalo kang walang matatapos.
Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19
Sadyang blooming ka nitong mga nakaraan na tila ba marami ang umaaligid at humahanga sa iyo. Hayaan mo sila na mabighani sa iyo at maging ikaw sa kanila. Maging bukas sa pakikipagsosyalan lalo na’t ito rin naman ang iyong hinahanap kapag ikaw ay nag-iisa at nalulumbay. Bigyan ng pagkakataon na makilala ang taong nais na magpakilala sa iyo nang lubos. Malay mo siya na pala ang sunod na magiging malaking bahagi ng iyong buhay.
Pisces - Feb. 20 - March. 20
Kahit na magkaroon ka ng kapangyarihan na makita ang hinaharap, hindi rin ito advisable sa iyo. Nawawalan ng kulay at challenge ang buhay kung lahat ay alam mo ang puwedeng mangyari. Huwag kang matakot na magkamali at sumubok kung ito ang pinangangambahan mo para sa iyong kinabukasan. Tanggap ka ng iyong mga kaibigan kung ano ka at kung ano ang iyong magiging hakbang. Enjoy mo lang kung ano ang ngayon at ang surpresa ng bukas na sa iyo’y naghihintay.
Aries - March. 21 - April. 20
Kating-kati ka na subukan na makipagsapalaran at mangibang-lugar. Iyon nga lang kailangan mong harapin ang iyong mga responsibilidad. Sa huli mananaig sa iyo ang iyong pagiging responsable na kung tutuusin ay may bentahe rin sa iyo, mas makakapagplano, makakapag-ipon at makakahanap ka ng mas magandang puntahan. Sa ngayon tingnan mo ang iyong katabi at magpakasaya sa inyong lugar. Malay mo ipasyal ka rin niya sa isang pook na kamangha-magha at hindi mo pa natutuklasan.
Taurus - April. 21 - May. 21
Kung madalas parang hindi magkasundo ang iyong pamilya at iyong mahal. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Puwedeng nasa right timing at okasyon lang ang pagtutugma ng kanilang emosyon. Iyong saktong nakakapag-usap sila nang kalmado at walang isyu kundi maging masaya sa piling ng isa’t isa. Pero gawin mo rin ang iyong parte baka naman ikaw itong walang paki o kaya ay kwento nang kuwento nang negatibo.
JANUARY 2014 SECOND iSSUE
G
aya ng Chopsuey, ang Pinakbet ay isang klase ng ulam na maraming sahog na gulay. Ang putahe na ito ay mula sa Norte partikular na sa bahagi ng Ilocos . Sinasabing nagmula ito sa wikang Ilocano na "pinakbet" na ang ibig sabihin ay umiikli o tuyo. Puwedeng ang pampalasa nito ay alin man sa bagoong alamang o bagoong isda. Pero noon pa man ang mas sikat na ginagamit sa dalawa ay ang bagoong isda.
Mga Sangkap: • • • • • • • •
Cancer - June. 22 - July. 22
Ito na ang pagkakataon para damhin ang bunga ng iyong pinagpaguran. Gusto mo magpahilot, kumanta sa videoke o mamasyal sa sikat na parke? Gawin mo! Ang walang tigil na pagtatrabaho ay hindi sa lahat ng panahon ay maganda ang naidudulot. Iniisip mo ang kapakanan ng ibang tao? Isipin mo rin ang iyong sarili hindi ka lang nabubuhay at nagtatrabaho para sa iba kundi higit sa lahat ay para sa iyong sarili.
Leo - July. 23 - August. 22
Sanay na sanay ka sa routine ng iyong pang-araw araw na buhay kaya naman kahit simpleng pagpupuyat o mahaba-habang oras nang panonood ng TV ay tila kakaiba para sa iyo. Kung nagagawa o magagawa mo ito, enjoy the moment. Huwag kang magplano ng kung anu-ano o subukang alalahanin ang susunod. Minsan lang ito, hahayaan mo bang mawala sa iyo? Kung sino man ang sisira sa simpleng kasiyahan na ito, dapat ‘di ikaw ‘yon.
Virgo - Aug. 23 - Sept. 23
Plano ka ng plano pero parang hindi naman natutuloy. Bago ka maghinanakit, isipin mo na may mga bagay na dumarating at nawawala. Imbes na maging malungkot tingnan mo ito bilang tsansa na mas malaman mo ang iyong kakayahan sa mga pambihirang pagkakataon. Masusupresa ka na marami ka pa lang puwedeng ibang gawin na higit sa iyong inaakala at suporta na hindi mo lang napapansin dati.
Libra - Sep. 24 - Oct. 23
Iba ang mood ng iyong mahal, parang hindi ka pinapansin ng iyong kapitbahay o parang hindi gaanong nagpaparamdam ang iyong best friend. Kalma ka lang, wala naman sigurong problema. Baka nasanay ka lang na lagi silang nandyan para iyong batiin. Para rin ‘yang solar eclipse, nagkakataon na pare-parehong silang nawawala pero paunti-unti rin naman nagbabalik. Ikaw din naman ay nagkakaganito kundi minsan ay baka napakadalas pa.
Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22
Isa ka sa mga tipo ng tao na hindi sanay sa mga madalian, gulatan at supresa. Iyon nga lang mas marami ang may ibig ng ganito at madalas ay nasasali ka sa kanilang mga pakulo. Sali ka lang at patulan ang kanilang mga gusto. Dito mo mapagtatanto na sa simpleng mga bagay pala ay marami ang napapangiti at napapasaya. Kung hindi ito epektibo sa iyo, gamitin mo ito para mapasaya ang ibang tao. Paminsan–minsan din ay magandang wala kang kontrol at hayaan kung ano ang puwedeng mangyari.
Sagittaruis - Nov. 23 - Dec. 21
Ang pagpapaliwanag ay kinakailangan para sa mga taong nagtatanong at hindi pa nakakakilala sa iyo. Pero hindi mo obligasyon ito sa lahat ng tao lalo na roon sa nang-iintriga lamang. Magpakatotoo ka lang sa iyong sarili. Kung gusto mong magpakitang-gilas sa isang tao na iyong natitipuhan , ipagpatuloy mo lang . Walang masama kung wala kang talagang ginagawang masama at naaapakang kapakanan. Tandaan, hindi mo kailangang palaging intindihin o kontrolado ang sasabihin ng ibang tao sa iyo .
4 na pilas ng bawang, hiwain nang maliliit ½ kilo ng karne ng baboy 1 piraso ng hiniwang sibuyas 1 piraso ng luya, gayatin at dikdikin 3 hiniwang kamatis 4 hanggang 5 okra 1 nakahiwang talong 2 tasa ng kalabasa na nakahiwa ng pacube
• • • • • •
1 piraso ng amplaya, hiwain sa katamtamang laki 1 tali ng sitaw , putulin sa tig - 2 ½ haba 2 tasa ng tubig Asin Bagoong isda o bagoong alamang Mantika
Paraan ng Pagluluto: 1 2
Gemini - May. 22 - June. 21
Manatili ka sa iyong kinalalagyan kung iyan ang iyong ibig. Nasa loob mo kung kailan ka dapat lumabas, kumilos at gumala. Iyang mga imbitasyon ay maaaring nakaka-pressure na sukat para mapilitan ka na lang pagbigyan sila. Kaysa nakasimangot ka sa ayaw mong gawin mabuti na ngang sabihin mo na kaagad. Baka nga ito pa ang mitsa ng tampuhan ninyo ‘di ba? Nagpakatotoo ka lang naman.
Pinakbet
3 4
Sa isang malalim na kawali, igisa ang bawang at sibuyas. Idagdag ang kalahating kilo ng karne ng baboy sa kawali at budburan ng asin Igisa hanggang sa maluto ang karne o ang dulo nito ay maging kulay brown . Maaari mo nang idagdag ang kamatis at durog na luya.
5 6 7 8
Haluin nang tama at ilang minuto ang mga rekado saka ibuhos ang tubig at hayaang pakuluan. Ihalo ang okra, talong, amplaya, sitaw at kalabasa. Timplahin ang lasa ng karne at gulay sa pamamagitan bagoong. Haluin nang mabuti at hayaang kumulo hanggang sa lahat ng gulay ay maluto.
pinoy-BiZz PAge 7
JANUARY 2014 SECOND iSSUE
DRAMA NG MGA SIRENA, BIBIDA SA MGA TELESERYE
MAS PINALOKAL PANG MTV PINOY, EERE NA ULIT
B
ago pa umarangkada ang Youtube at pagsulpot ng video camera sa mga mobile phone, napapanood na noon pa sa MTV ang mga music videos ng mga sikat na kanta. At pagkatapos nang ilang taon na pamamahinga ay muli na namang mapapanood ng madla ang pagbubukas ng MTV Pinoy kung saan kikiliti sa hilig sa musika at video ng mga Pinoy.
M
alayo pa ang summer pero sa local showbiz marami ang mapapa-swimming sa dalawang bagong programa na magbubukas sa 2014, ito ang Kambal Sirena ng GMA 7 at remake ng Dyesebel ng ABS-CBN. Hindi na nga pinatagal ng ABS-CBN ang pananabik ng publiko sa kanilang bersyon ng Dyesebel nang inihayag nilang si Anne Curtis ang gaganap sa nasabing pamosong karakter. Gayon din, isinabay na sa pagpapakilala sa sikat na aktres ang kanyang magiging love interest na sina Gerald Anderson at Sam Milby. Ayon kay Anne, dream come true ang kanyang bagong role na matagal na niyang inaasam. Sinabi rin ng in-demand product endorser na lahat ng Dyesebel ay kanyang pinanood mula kay Vilma Santos, Alice Dixon, Charlene Gonzalez hanggang sa huling gumanap nito na si Marian Rivera. Matatandaan na hindi ito ang unang beses na gumanap na sirena si Anne. Nagkaroon na rin siya ng fantaserye
noon, ang Dyosa. Pero sa seryeng ito ay tatlo ang kanyang naging anyo-- sirena, taong-ibon at taong-kabayo (tikbalang). Samantala, ito na rin ang balik-tambalan nila ni Sam Milby na nakasama n'ya rin sa Dyosa at Maging Sino Ka Man. Pero first time naman niyang maging leading man si Gerald. Bago naman ang istorya ng Kambal Sirena na pagbibidahan ni Louise Reyes at Aljur Abrenica. Dito masusubok ang star power ni Louise Delos Reyes lalo na't haharap s'ya sa hamon na dalawang karakter ang kanyang gagampanan bukod pa sa pagiging sirena.
Unang pagkakataon din ito na pagsamahin sila sa isang proyekto ni Aljur na huling napanood sa mga teleserye kung saan katambal niya ang kanyang sikat na ka-love team na si Kris Bernal.
Matatandaan na naging tulay ang MTV upang magkaroon ng pagkakataon noon ang mga local artists gaya ng Rivermaya at Parokya ni Edgar para makilala sa mga karatig bansa ng Pilipinas. Isa rin umano ito sa bubuhayin at tutukan ng MTV na ngayon ay ka-partner na rin ang Viva Communications, Inc. ni Vic del Rosario Jr. Ika nga nila ay ito naman ang panahon ng pag-usbong ng PPop na maikumpara sa kasikatan ng K-Pop ng South Korea at J-Pop ng Japan. Samantala, pamilyar pero masasabing bago pa rin sa paningin ang mga tampok na video jockeys ng nagbabalik na music chan-
nel. Kasama rito si Josh Padilla, ang anak ni Benjie Paras at Jackie Forster na si Andre Paras, Starstruck alumnus Yassi Pressman, at ang 2012 FHM Sexiest Women – Sam Pinto. Ano nga ba ang mga aasahan at dapat abangan sa MTV Pinoy na magsisimula nang mag-sign on nitong Enero 31. Sabi ni Rene Esguerra, Country Manager for the Philippines ito ay may mga shows na kinonseptong local pero may appeal din namang pang – international. Isa na sa kanyang nabanggit ay ang MTV Senti na nagtatampok sa mga Filipino Love Songs na patok na patok sa puso ng lahat. Maliban din naman sa pagsu-
nod sa gusto ng henerasyon ngayon ay nais din umano ng MTV Pinoy na magbigay daan para iparating sa mga kabataan ang halaga ng pagkakaroon social responsibility.
DAHIL AYAW NG SUMAGOT ABOUT SA LOVE LIFE: KIM NAGMALDITA NGA BA SA PRESS?
“We don’t owe you any of our personal lives siguro. You can think whatever you want to think as long as you’re happy when you watch us on TV, nakikita n’yo kung paano kami ma-in love, ganyan. And ‘yun na ‘yon.” Ito ang direktang pahayag ni Kim Chiu sa veteran showbiz columnist na si Aster Amoyo nang nagtanong ito sa kanya kung ano na ba ang estado ng kanilang relasyon ngayon ng kanyang screen partner na si Xian Lim. Naganap ang insidente sa mismong press conference ng bago nilang pelikula na pinamagatang Bride for Rent under Star Cinema. Dahil sa hindi nagustuhang sagot ng dalaga ay nag-walk umano sa event ang kolumnista. Subalit sa isang pahayag ng Kapamilya actress pinabulaanan nito na may nangyaring walk out pero agad naman umanong humingi ng tawad ito kay Amoyo. Samantala, kung iwas na may halong pagkairita ang dating ng sagot ni Kim, umiwas din si Xian na diretsuhing sagutin ito pero sa malumanay na paraan. Ayon sa binata, hindi sila madamot pero ang hinihingi nila ay pangunawa at panahon kung kailan sila handang magsalita. Sinang-ayunan din ng binata ang pahayag ni Kim na ang mahalaga ay napapasaya nila ang kanilang mga manonood bilang magkapareha. “We won’t be selfish about it naman. Sasabihin naman namin ‘yun. Pero this time, it’s better to leave things unsaid muna. Pag-usapan po muna natin ngayon ang tungkol sa aming pelikula,” saad ng binata. “What you see is what you get. As long as we are making you guys happy and our supporters happy. As long as they are happy, we are happy also.” Samantala, angt Bride for Rent ay ikalawang tambalan sa big screen ni Kim at Xian matapos ang Bakit Di Ka Crush ng Crush, ang movie adaptation ng Filipino best seller book ni Ramon Bautista. Sa telebisyon, una silang nagtambal sa My Binondo Girl na sinundan ng Ina, Kapatid, Anak.
ANG IBA'T IBANG KLASENG "WIFE" SA SHOWBIZ TEKSTO NI PHOEBE DOROTHY ESTELLE
K
ung patapos na ang pamamayagpag ng mga istorya na may temang may kinalaman sa pagiging mistress at homosexual, hindi pa ang pagiging kung anu-anong klaseng misis. Nito lang Enero ay tatlong bagong drama series pa nga ang magsisimula na may “wife” sa kani-kanilang pamagat – The Borrowed Wife ( GMA 7), The Legal Wife (ABS-CBN) at The Replacement Wife ( TV5). Dahil nauuso na rin ito, balikan naman natin ang mga actress na naging makulay, kung ‘di man ay naging kontrobersyal bilang may-bahay. The Wife of the Prince Bago pa man makilala bilang musical play actress-producer at Mrs. Franco Laurel ay naging isa sa asawa noon ni Prinsipe Jefri Bolkiah ng Brunei si Ayen Munji. Ang actress at ang Prinsipe ay pitong taon lang nagsama (mula 1995 hanggang 2002) at nagkaroon ng isang anak na nagngangalang Kiko. The Beauty Queen Wife – Sa mga hindi pa nakakaalam, hindi lamang mga dalaga ang puwedeng maging beauty queen dahil mayroong Mrs. World. Noong 2005 sumabak dito si 1979 Miss International at kilalang supermodel na si Melanie Marquez. Sa edad na 41 noong panahon na iyon at may anim ng anak ay naging darling of the crowd ito at nakapasok pa sa top 6 ng semi-final round sa competition. The Unsettled Wife Matagal na hindi nagpakita sa telebisyon si Alma Moreno pero nitong nakaraan na nagpaunlak siya ng interview na may kinalaman ito sa kanyang failed
relationship kay Marawi Mayor Sultan Fahad “Pre” Salic. May ilang buwan na rin pa lang magkahiwalay ang dalawa at walang komunikasyon. At sa pahiwatig ng kanyang panayam ay desidido na nga siyang makipaghiwalay dito. Matatandaan na isa si Alma sa kontrobersyal na artista dahil sa kanyang love life. Una s'yang nagkaroon ng relasyon kina Rudy Fernandez (SLN), Dolphy (SLN), Joey Marquez, at Gerald Madrid. The Not Other Wife – Isa sa mga unang nakatikim ng pagpapawalang-bisa ng kasal ay si Sharon Cuneta. Matapos ang engrandeng kasal nila ni Gabby Concepcion sa Manila Cathedral noong 1985 ay naghiwalay din sila noong 1987. Ang dahilan sa loob pala ng tatlong taong solidong pagiging Mrs. Concepcion ay hindi pala ito legal dahil si Gabby ay kasal pa sa iba noong nagpakasal sila. Ang tawag dito ay bigamy at mas pinapaboran ng korte ang naunang pinakasalan na mas legal. Taong 1993 maayos na napawalang bisa ang kanilang kasal. The Fabulous Wife - Kung anong kulay at pagka-high profile ng kanyang mister na si President Ferdinand Marcos, ganun din kakulay at kaingay ang pangalan ng kanyang first lady na si Imelda Romualdez-Marcos. Naging imahe ng kagandahan at karangyaan ang dating unang ginang na sikat sa dami ng kanyang sapatos (tinatayang higit 3000) at magagarbong alahas.