ika nga ni konsul
MS. oyee barro 's SIMBANG GABI page 4
page 3
Daloy Kayumanggi
tara let's sa DIVISORIA page 5
horoscope and weekly recipe page 6
free newspaper december second issue
Impormasyon ng Pilipino
PNOY to filipinos in japan page 2
"HEAVEN HAS GAINED A NEW ANGEL" SUNDAN SA PAHINA 3
GMA 7 BINGO NA SA MTRCB
M
atatandaan na una nang ipinatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pamunuan ng GMA morning show “Unang Hirit” hinggil sa bastos na pakikipanayam
ni Kapuso anchor Arnold Clavio sa abugado ni PDAF scam queen Janet Napoles, na si Atty. Alfredo Villamor. Sa isang resolusyong inilabas ng MTRCB, pinagbabayad ang ‘Unang Hirit” ng P20,000 para sa “indecorous language and behavior” at iniutos na sumailalim sa “a period of close collaboration of one month”. Inatasan din ang buong GMA 7 Network executives na sumailalim sa isang mandatory seminar sa pangunguna ni MTRCB chair Eugenio “Toto” Villareal patungkol sa law and media ethics. Bagama’t nauna nang nagpahayag ng paumanhin si
TULOY NA TULOY PA RIN ANG PASKO N iyanig man ng iba’t ibang kontrobersya, sakuna at kalamidad ang Pilipinas ngunit hindi ito magiging hadlang upang hayaang dumaan na lamang ang Kapaskuhan. Kilala ang Pilipinas sa may pinakamahabang Pasko sa buong mundo. Kapag pumatak na ang buwan ng Setyembre hudyat na ito upang maghanda sa nalalapit na Kapaskuhan. Ngunit hindi rin maikakaila na ang bansa ay dumanas ng mga trahedyang gumimbal sa bawat Pilipino. Nauna na rito pasabog patungkol sa PDAF scam at iba’t ibang anumalya sa pangwawaldas ng pera ng bayan ng gobyerno. Kabilang pa rito ang mga iskandalo ng mga personalidad na inakalang modelo hindi lamang ng mga bata kundi pati ng mga matatanda. Nariyan ang Parokya ni Edgar front man Chito Miranda-Neri Naig sex scandal at Eat Bulaga comedian Wally-EB Babe Yosh sex scandal. SUNDAN SA PAHINA 2
Ni Irene Tria
manny pacquiao
may $18M utang sa irs
K
augnay ng kasong kinahaharap ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa Bureau of Internal Revenue BIR tila maaayudahan ito ng Internal Revenue Service ng Amerika. Lumalabas kasi sa kanilang datos na mula 2006 hanggang 2010 ay hindi nagawang magbayad ni Pacman ng tax na aabot ng $18M. Ang halaga na dapat bayaran ni Pacman mula 2006-2010: 2006 - $160,324.30 2007 - $2,035,992.50 2008 - $2,862,437.11
2009 - $8,022,915.87 2010 - $4,231,991.01
Lumalabas na $18,313,668.79 ang halaga ng dapat bayaran ni Pacman sa IRS. Sa mga taong nabanggit ay ang tinaguriang “career high” ni Pacman. Dito niya napatumba sina Erik Morales, Oscar Larios, Jorge Solis, Marco Antonio Barrera, Juan Manuel Marquez, David Diaz, Oscar dele Hoya, Ricky Hatton, Miguel Cotto, Joshua Clottey at Antonio Margarito na nagdala sa kanya upang tanghaling “Pound for Pound King”. Sa kabilang banda, itinanggi naman ni Tranquil Salvador, abugado ni Pacman ang mga nasabing paratang.
christmas package ng asia yaosho WEDDING BELLS SA page 7 SHOWBIZLANDIA mas lalong mura at pinarami pa!! page 6
NELSON MANDELA page 4 PUMANAW NA
Clavio at inamin ang kanyang pagkakamali, hindi pa rin nito mababago ang desisyon ng MTRCB hinggil sa isyu. Sa kabilang banda, tila nasa hot seat ulit ng MTRCB ang GMA Network dahil muli na naman ipinapatawag ang mga excutives ng network para pulungin hinggil sa isang hindi kaaya-ayang segment ng GMA gag show na Bubble Gang. Sa isang tweet ng MTRCB sa kanilang Twiiter ac-
count noong nakaraang Disyembre 7; ang nasabing segment diumano sa Bubble Gang na “D’ Adventures of Susie Luwalhati” ay lantarang ipinakita ang makamundong pagnanasa at pambabastos ng mga kalalakihan sa isang babae. Si Rufa Mae Quinto bilang Susie na nakasuot ng isang hapit na hapit na pang itaas na may malalim na kwelyo ay nag-apply sa isang tindahan ng puto bungbong na pagmamay-ari ni Michel V., sa nasabing segment ay marahang tinuturuan ni Michael V., si Susie (Rufa Mae) kung paano ang tamang paghawak at paggawa ng puto bungbong. Dahil na rin sa suot ni Susie ay nagtayuan ang mga parokyano ng tindahan at pinagmasdan na lamang ng may pagnanasa si Susie. Ani ni MTRCB chair Villareal: “that segment projected women as an object of rather frivolous, albeit carnal delight and that such commodified depiction of a woman in Bubble Gang is demeaning in the context of the Magna Carta for Women”.