Daloy Kayumanggi August

Page 1

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Inspiring Global Filipinos in Japan

〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com

D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

Vol.2 Issue 26 August 2013

www.daloykayumanggi.com

KULTURA

Kultura ng Pagdadasal

7

TRAVEL Pinoy Food Tradition

15

SHOWBIZ

Ai-Ai Nakamove On Na

23

PinoyS sa Japan hinikayat mag-INVEST

JAPANESE PARADISE-- Taken from the Bussena Terrace Hotel in Okinawa, this piece of little paradise is what draws local and foreign tourists into the beautiful islands of Okinawa especially this summer season. (photo by Eman Guiruela)

T

OKYO, Japan – Hinikayat ni Department of Agriculture Sec. Proceso J. Alcala ang mga Pinoy sa Japan na maginvest sa Agribusiness sa kanyang pagbisita sa Tokyo noong ika-3 ng Hulyo.

Sa pamamagitan ng isang Agribusiness Investment Forum na inorganisa sa tulong ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo, inilahad ni Sec. Alcala sa full house crowd na dumating sa gabing iyon na ngayon na ang tamang panahon para mag-invest sa sektor ng agrikultura ng bansa. Iginiit pa ni Sec. Alcala na “kung may agribusiness ka na maaari ka nang magplano kung kelan ka uuwi. Maaari ka nang mag-

TIPS Pera sa Basura

Japanese Agency: Pinoy, pwede nang kumuha ng multiple-entry visa

decide kung mag-aabroad ka pa [uli] o magstay na sa Pinas.” Bahagi ang Agribusiness Investment Forum sa Tokyo sa mga serye ng pagdalaw ni Sec. Alcala at ng kaniyang grupo sa iba’t ibang OFW communities sa buong mundo. Nauna ng nagsagawa ng parehong forum sa Dubai, Hong Kong at Singapore. (ulat nina Mario Rico Florendo at Erwin Brunio)

10

K

inumpirma ng Japanese Embassy sa Maynila na binibigyan ng pagkakataong mag-apply ng multiple-entry visas ang mga Pilipino, sa halip na ili-lift ang visa requirement. Ayon sa Japan Ministry of Foreign Affairs, nagsimula na nitong Hulyo 1 ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa multipleentry visas sa Japan para sa mga Pilipino, sa pamamagitan ng ilang mga accredited agencies. Nakabatay pa rin ang naturang polisiya ng Japan sa layunin nitong mapataas pa ang bilang ng mga turista sa kanilang bansa para ma-

NTT EVENTS Thank You Party III

17

palago pa ang ekonomiya ng Japan. Ayon sa ulat ng Kyodo news agency report, target umano ng Japanese government na mapataas ang bilang ng mga turista mula sa Southeast Asia ng 2.5 na beses kumpara sa kasalukuyang lebel ng bilang ng mga bumibisita rito. Sa panibagong polisiya ng Japan, kasama ng Pilipinas ang Vietnam sa mga pinayagang kumuha ng multiple-entry visas, samantalang naka-waive naman ang visa requirements sa mga bansang Thailand at Malaysia.

SPORTS Paeng, Ginawaran

20


2

August 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Pinoy Students nakilahok sa ASEAN Fest 2013

c

R

c

Kuha ni Arianne Dumayas

OPPONGI, Tokyo – Ipinamalas ng mga estudyante at batang propesyunal na Pinoy mula sa Association of Filipino Students in Japan (AFSJ) ang kulturang Pilipino sa katatapos na 8th ASEAN Fest 2013 noong ika-20 ng Hulyo sa Hollywood University Roppongi, Tokyo. Nauna ng pina-wow ng mga kinatawan ng Pilipinas ang mga manonood mula sa iba’t ibang bansa sa kanilang pagkanta ng kundiman at pagsayaw ng Tinikling. Pinasaya naman at in-entertain ng pinaghalong rampa at sayaw na presentasyon ng team Pilipinas ang mga manonood sa fashion show na bahagi ng event. Ang ASEAN Festival ay ginagawa taun-taon sa pangunguna ng Asean Youth Network in Japan (AYNJ) kasama ang suporta ng iba’t ibang organisasyon ng mga estudyante mula Southeast Asia na nakabase sa Tokyo kung saan kasama na rito ang AFSJ. Ang ASEAN Fest ngayong taon ay may temang “Asean,” at dinaluhan ng humigit-kumulang na isang libong bisita mula sa iba’t ibang bansa. (Ulat ni Mario Rico Florendo)

Fil-Am, inihalal na pangulo ng Jersey City Council sa US

I

facebook.com

Pinoy Children's choir, panalo sa Int'l Competition

M

uling pinatunayan ng isang children’s choir mula sa Cubao, Quezon City na ang talentong Pinoy ay pang-international. Nasungkit ng Hail Mary the Queen Children’s Choir (HMtQCC), ang opisyal at tanging kinatawan ng Pilipinas, ang unang puwesto sa kategoryang children’s folk choir sa 67th Llangollen International Musical Eisteddfod Children’s Choir Festival na ginanap sa North Wales, United Kingdom, Hulyo 9-14. Inungusan ng HMtQCC mula sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao ang mga bansang Germany, Czech Republic, Hong Kong, Canada, England at Estonia sa iskor na 95.0. Bukod sa major award, iginawad din sa grupo ang Children’s Choir of the World Award.

Asawa ng Pinoy Ambassador; naitalagang pangulo ng UNDWC

K

c

rolandolavarro.com

sang Filipino-American Councilman ang inihalal, sa pamamagitan ng unanimous vote, bilang pangulo ng Jersey City Council sa US kasabay ng pagbubukas ng unang sesyon nito noong Hulyo 1. Nanumpa si Rolando R. Lavarro sa harapan ni Mayor Steven Fulop gayundin sa harapan ng mga kamaganakan ng lahat ng mga inihalal na miyembro ng council at ng iba pang mga supporters. Mahalaga ang naturang pagkakahalal ni Lavarro, dahil ito ang kauna-unahang pagkakataong maka-puwesto bilang pangulo ng council ang isang Fil-Am. Ito rin ang pinakahihintay ng may 20,000 Fil-Ams na naninirahan sa Jersey City na makapagluklok ng kanilang representative sa council, makalipas ang 25 taon. Isinagawa ang nasabing eleksyon sa council chamber ng kanilang City Hall.

Gurong Pinay, napasama sa NY's Best Teachers

asabay ng ika-50 anibersaryo ng United Nations Delegations Womens’ Club (UNDWC), naihalal bilang pangulo nito ang isang Pinay at asawa ni Philippine Ambassador Libran Cabactulan. Sa pamamagitan ng unanimous vote, naging una si Remedios Cabactulan na asawa ng isang ambassador na maitalaga sa naturang posisyon. Magsisilbi si Cabactulan sa loob ng susunod na dalawang taon sa nasabing non-profit organization, sa ilalim ng UN, na tumutuon sa human rights na pangunahing adbokasiya nito. Nakapaglunsad na ng iba’t ibang misyon sa iba-ibang mga bansa ang nasabing organisasyon mula pa noong 1963. Paniwala ni Cabactulan, ang teamwork at volunteerism umano ang sikreto ng pagiging matatag ng UNDWC.

Susan Ople, pinarangalan dahil sa kampanya sa Anti-Human Trafficking c

abs-cbnnews.com

M

ula sa angkan ng mga pulitiko sa bansa, ginawaran ng isang parangal si Susan Ople ng US State Department sa Washington, DC, dahil arangalan para sa mga gurong Pinoy ang inihatid ng isang Pilipina na nagsisilbi bilang public school sa kaniyang adbokasiya sa mga karapatan ng mga Overseas Filipino teacher sa New York bunsod ng pagkakasama ng kanyang pangalan kamakailan sa listahan ng Workers (OFWs), partikular na sa Human Trafficking. pinakamahuhusay na guro sa New York. Personal na iniabot kay Ople ang Trafficking in Persons (TIP) Heroes Awards Kasabay ng iba pang 10 guro, tinalo ni Maietta Geraldino ang iba pang 2,000 mga nominadong guro para sa para sa 2013 ni Secretary of State John Kerry. naturang titulo. Bukod sa kampanya laban sa human trafficking, nakatuon ang hinahawakang Sa kasalukuyan, guro si Geraldino ng asignaturang Geometry sa 10th at 11th grades. organisasyon ni Ople sa labor at migration issues ng mga OFWs. Nakuha ni Geraldino ang naturang award bunsod umano ng kakayahan niyang pasimplehin ang mga Sa panayam sa kanya ng GMA News, ito na umano ang pinakamalaking tribkumplikadong mathematical processes. ute niya sa kanyang namayapang ama at dating Senate President ng Pilipinas, si Sa ngayon, tinatayang 24 na taon na siya sa serbisyo. Bago pa siya magsilbi sa US ng may walong taon na sa Blas Ople, na matatandaang nakapag-organisa rin ng mga katulad na programa kasalukuyan, nakapagsilbi muna sa isang private Catholic University sa Pilipinas si Geraldino. noong kapanahunan niya. c

burgessyachts.com

K


3

August 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Cebu nursing grad, Topnotcher Regularisasyon sa mga BPO employees, sa licensure exam isinulong

N

agpalabas na ang Professional Regulations Commission (PRC) kamakailan ng pinaka-huling listahan nito ng mga bagong nurse sa bansa. Sa listahan, nanguna ang isang estudyante ng Velez College sa Cebu, sa katauhan ni Beverly Anne Felicio Balagon, kung saan, nagkamit siya ng 87 percent. Samantala, mula naman sa University of Santo Tomas at West Visayas State University ang pumangalawa, sina Jamila Jane Uy Borlagdan at Mylene Grace Dacula Gonzaga -- na parehong nagkamit ng 86.80 percent.

c

facebook.com

Sa rekord ng PRC, mula sa 37,887 na kabuuang bilang ng mga kumuha ng naturang pagsusulit, tanging 16,219 lamang ang nakapasa. Isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang pagsusulit mula Hunyo 2-3, 2013: sa Manila, Cagayan de Oro, Baguio, Cebu, Iloilo, Dagupan, Davao, Lucena, Laoag, Legazpi, Pagadian, Nueva Ecija, Pampanga, Pagadian, Tuguegarao, Tacloban at Zamboanga. Ngayong taon, ang University of the Philippines-Manila, Cebu Normal University at West Visayas State University-La Paz ang tinaguriang top performing schools na nagtala ng 100 percent na passing rate.

Napolcom: Age, Height at Weight Requirements, wala muna

W

ala na munang age, height at weight requirements. Ito ang inihayag ng National Police Commission (Napolcom) kamakailan, na nagbibigay ng pagkakataon sa ilang may planong magaplay na pumasok sa Philippine National Police. Aprubado na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Napolcom ang memorandum circular 2013-004 ang waiver sa nasabing mga requirements.

B

c

livemint.com

unsod ng pagdami ng mga manggagawa sa mga Business Processing Outsourcing (BPO) companies sa bansa, inihain ang isang panukalang batas na naglalayong gawing regular ang mga empleyadong nakaabot na ng anim na buwan. Pinangalanang “BPO Workers’ Welfare and Protection Act of 2013” ang House Bill (HB) No. 1180 na isinusulong ngayon sa pagbubukas ng 16th Congress ni bagong Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon. Ayon kay Ridon, bukod sa pagbibigay-proteksyon sa mga manggagawa at sa pagbibigay ng katiyakan sa regularisasyon, layunin din umano ng inihaing batas na ito na madagdagan pa ang natatanggap na mga benepisyo ng mga ito. Gayundin, kasama rin sa naturang panukala na matugunan ang mga isyu hinggil sa peligrong kinakaharap ng mga manggagawa sa kanilang kalusugan bunsod ng laging pagpupuyat at isyu hinggil sa kawalan ng katiyakan sa trabaho. Sa rekord na ipinalabas ng International Labor Organization (ILO), ang Pilipinas na umano ang pumapangalawa sa may pinakamaraming bilang ng mga nagtatrabaho sa BPO industry na may bilang na 700,000 nitong 2012.

MMDA, paiigtingin ang number coding system c

c

philstar.com

ph.news.yahoo.com

Subalit, sa naturang memorandum, kinakailangan umanong mataas din ang kwalipikasyon ng isang aplikante. Aplikable rin daw umano ang naturang waiver kung hindi makakaabot sa quota ang bilang ng mga qualified applicants. “In order to have a wider base of applicants whose special qualifications or skills are useful to or needed by the Philippine National Police (PNP), applicants who possess exemplary aptitude but do not meet the required age, height, or weight should be given an opportunity to apply for waiver prior to the official start of the recruitment program,” ang pahayag ni Napolcom Vice Chairman Eduardo Escueta sa pahayagang Manila Bulletin.

Free breakfast programs sa public schools, ipinanukala

I

c

joshweinstein.wordpress.com

pinanukala, sa pamamagitan ng House Bill 364 ni Cebu Rep. Raul del Mar, ang programang libreng almusal sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa. Pangunahing layunin umano ng nasabing panukalang bill na gawing malusog ang pangangatawan at isipan ng mga kabataang mag-aaral ng bansa. Naging basehan kasi ng naturang panukala ang hindi magandang performance sa paaralan ng mga mag-aaral na kulang sa nutrisyon, dahil hindi nakakakain nang sapat kada araw.

S

a halip na isang beses, iminumungkahi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na dalawang beses na kada linggo ang pagpapatupad ng number coding scheme sa mga sasakyan sa Kamaynilaan. Ito’y bilang tugon umano sa malalang trapiko sa ilang mga bahagi ng Metro Manila, kagaya ng kahabaan ng EDSA. Kung sakaling maipasa ang panukalang ito, ayon kay MMDA chairman Francis Tolentino, hindi umano maaaring bumiyahe ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 1,2,3 at 4 kada Lunes; 5,6,7 at 8 kada Martes; 9, 1, 0 at 2 kada Miyerkules; 3,4,5 at 6 kada Huwebes; samantalang 7,8,9 at 0 naman kada Biyernes.


4

August 2013

Global Filipino

Lost in Translation: Ang tamang pagsulat ng address sa Japan

“K

uya, paano ba isulat ang address sa Japan?” message ni Jing sa akin sa Facebook. Nasa America siya at may nais na ipadalang bagahe dito sa Japan. Ang sagot ko, “mali yata yan, iba yung address ko”, isang biro dahil hindi naman talaga sa akin ipapadala kung hindi sa isang kaibigan sa Shizuoka. Isa lamang si Jing sa nalilito sa sistema ng pagsulat ng address dito sa Japan. Subalit ang mas nakakapagtaka at nakakalungkot, marami sa ating mga kababayan na matagal ng naninirahan dito sa Japan ang hindi pa rin alam ang tamang pagsulat ng address. Halimbawa na lang, noong isang linggo, ini-encode ko sa computer ang mga pangalan at address ng mga sumali sa isang event para mapadalhan ng libreng kopya ng Daloy Kayumanggi newspaper. Marami pa rin ang nagkakamali sa pagsulat ng address. May iba na nauna ang room number sa kanilang address, may iba naman na pinakahuli ito. Meron ding parang puzzle kasi pinaghalo-halo ang street number sa room number kaya di tuloy malaman kung ang numerong nakasulat ay house number ba, o room number o street number.

Ang address ang isa sa pinakamahalagang impormasyon na dapat tama ang pagkakasulat. Bilang direksyon o lokasyon ng tirahan natin, mahalaga na hindi mali ang pagkakasulat ng ating mga address dito sa Japan. Una, kung mali ang pagkakasulat, ang mga bagay na ipinapadala sa atin ay hindi makakarating. Lalo na kung ito ay ordinary mail o post card, kapag mali ang pagkasulat nito, ibabalik ito ng post office sa nagpadala. Pangalawa, kapag tayo ay gustong magapply sa kung mga ano-ano, mahalaga na tama ang address na ating isusulat. Halimbawa na lamang ay nag-apply ka ng trabaho subalit mali ang pagkasulat ng address sa resume, tiyak na isa ito sa maging rason sa hindi pagtanggap sa iyo. Ano nga ba ang tama? Dalawa ang sistema sa pagsulat ng address dito sa Japan. Ito ay ang international style, at ang Japanese style. Ang international style ay ginagamit kung magpapadala ng sulat o bagahe pa-abroad. Ito din ang style kung mag-aaply sa mga internet, lalo na kung ang site ay hindi nakabase sa Japan. Ang Japanese style naman ay ginagamit kung ang mga sulat o bagahe ay galing sa Japan at ipapadala sa Japan din. Halimbawa dito yung mga Christmas o New Year post card 1) International style Ayon sa Japan Post,ang tamang pagsulat ng address, gaya ng nakasulat sa kanan ay, 1st row: Pangalan, Apelyido 2nd row: Numero ng kwarto, Pangalan ng Building 3rd row: Numero ng bahay, kalye, nayon o bayan (village/ town) 4th row: City, Prefecture/State/Province 5th row: Postal Number, Country

2) Japanese style (Domestic) Sa Japanese style naman, ang pagsulat ng address ay mula sa pinaka-malaking division papunta sa pinakamaliit, ang room number o kaya house number. Ang tamang pagkasunod-sunod ay 1. Postal number (uuubin bango) 2. Capital o prefecture o metropolis (To, Fu, Do o Ken) 3. Counties (gun) o cities (shi) 4. Smaller areas or neighborhood or ward (ku) 5. Chou o machi (town), mura (village) 6. District (choume) 7. Block number (can) 8. Building number (building name not necessary) 9. Room number

Erwin Brunio 611 Dai-3 Azuma Building Ichibanchi Hirakawa-chou Kanda Chiyuda-ku Tokyo 101-0027 Japan (Tamang address gamit ang International Style)

101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Kanda Hirakawa-chou Ichibanchi Dai-3 Azuma Building 611 (Tamang address gamit ang Japanese Style)

Halimbawa, dahil ang opisina ng Daloy Kayumanggi ay sa room 611 ng Azma building sa Kanda, Chiyuda, ang tamang pagsulat ng address ay gaya ng nakasulat sa itaas.

Madali lang tandaan ito, ang Japanese style na address ay nagsisumula sa prefecture at nagtatatapos sa iyong house or room number. Ibig sabahin, dapat laging numero ang sa dulo ng address. O ayan, sana ay matulungan ninyo yung ating mga kababayan na maiwasto ang pagkakasunod-sunod ng pagsulat ng address. Narito naman ang mga dagdag na tips 1. Di ko alam ang zip code (youbin bangou), paano ito malalaman? Maaring i-check ang inyong tamang zipcode sa link ng post office subalit kailangang nakakabasa ka ng kanji para ma-check ito. http://www.post.japanpost.jp/zipcode/index.html 2. Paano malalaman kung tama yung zipcode sa address? Kung may zipcode ka na at gusto mong i-check kung tama ito, itype ang zip-code sa www.yahoo.co.jp at lalabas ang tamang address nito. Kung hindi mabasa ang kanji, kopyahin ang resulta nito at i-enter sa Google Translate (July 2013 issue ng Dear Kuya Erwin sa Daloy Kayumanggi). ~~~~~ <*))))>} ~~~~~ <*))))>} ~~~~~ <*))))>} ~~~~~ <*))))>} May katanungan ka ba na nais naming mabigyan ng kasagutan sa Daloy Kayumanggi? Sumulat lamang sa email address na erwin@daloykayumanggi.com o kaya mag-message sa ating facebook page sa www.facebook.com/daloykayumanggi. Makikita din tayo sa Google+, Linkedin o Twitter (daloyJapan). Makabuluhang pagbabasa!

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino


Daloy Kayumanggi

Balita

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Freedom Information Bill, Isasalang c

philstar.com

U

pang maiwasan ang korupsyon sa bansa, muling isasalang sa senado ang Freedom of Information (FOI) Bill upang matalakay sa 16th Congress. Tiniyak ni Senator Peter Allan Cayetano na, kapag naipasa ang naturang bill, malaya na ang bawat mamamayan na makakuha ng nanaisin nitong dokumento o transaksiyon mula sa isang ahensya ng gobyerno. Sa pamamagitan din daw ng FOI Bill, mababawasan na ang mga nawawalang bilyong halaga ng pera mula sa kaban ng yaman ng bansa. Matatandaang, sa isinagawang pananaliksik ng World Bank, tinatayang sa bawat piso, 40 sentimo umano ang napupunta lamang sa korupsyon.

4 na araw na pagtatrabaho kada linggo, isinusulong

U

c

solarnews.ph

5

August 2013

pang makatulong umano sa mga manggagawa na makasabay sa tumataas na cost-of-living at lumalalang trapiko sa Metro Manila, muling isinusulong sa Kamara na gawing 10 oras kada araw at apat na araw kada linggo na pasok sa trabaho. Akda ni QC Rep. Winston Castelo ang kanyang House Bill No. 1278 o ang “Four Day Work Week Act of 2013,� na nagsasaaad na gawing Lunes hanggang Huwebes na lamang ang pasok ng mga manggagawa sa loob ng isang linggo. Tinataya namang 20% sa work expenses kada linggo ang natitipid kapag naipatupad na ang 10/4 work week. Ayon pa kay Castelo, naging epektibo na ang ganitong sistema sa Kongreso, kung saan, pumapasok ang mga empleyado nito mula alas-8 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi sa loob ng apat na araw kada linggo.

Pinakamalaking "Solar Power Plant" sa bansa, ipapatayo

c

cepalco.com.ph

U

pang matugunan ang krisis sa emerhiya sa Mindanao, sisimulan na umano sa Setyembre ang itinuturing na pinakamalaking solar power plant sa Pilipinas. Ang naturang solar power plant ay inaasahang magiging operational sa unang buwan ng susunod na taon. Itatayo umano ang nasabing planta sa 20-ektaryang lupain ng Surralla, South Cotabato sa halagang isang bilyong piso. Sa kontratang pinirmahan sa pagitan ng South Cotabato I Electric Cooperative, Inc. (SOCOTECO I) at NV Philippine Solar Energy One, Inc., tinatayang 5MW umano ang kaya nitong iprodyus na enerhiya. Malayo ito sa kayang likhain ng isang solar plant sa Cagayan de Oro na 1MW lamang.

P2.268 - T Budget ng Pinas, aprub

M

atapos ang mabusising deliberasyon sa mga isinumiteng budget ng mga ahensya ng gobyerno, inaprubahan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang budget para sa 2014 na nagkakahalaga ng P2.268 trilyon. Naging mabusisi umano ang pangulo sa naturang proposed budget upang masigurong hindi mapupunta sa wala o ‘di masasayang sa mga maling mga proyekto at programa ang pera ng mga mamamayang Pilipino. Ayon kay Presidential Communications Secretary Ricky Carandang, inilaan umano ang malaking bahagi ng budget sa mga job generating sectors, kagaya ng turism, infrastructure, agriculture, manufacturing at iba pa. Pormal na isinumite ang panukalang budget na ito sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino kasabay ng joint session ng Senado at Kamara nitong Hulyo 22.

FREE NEWSPAPER Tawag lamang sa 090-1760-0599


6

August 2013

Editoryal

Daloy Kayumanggi

Inspiring Global Filipinos in Japan

Publisher: D&K Company Ltd Editor: Mario Rico Florendo marioflorendo@daloykayumanggi.com 090-1760-0599 Sales and Marketing: Erwin Brunio (English,Tagalog) erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@daloykayumanggi.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Philippine Correspondent: Dave Calpito Japan Correspondent: Aries Lucea Columnist: Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Carlo Aiyo Bugia The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 1010027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.daloykayumanggi.com

www.facebook.com/daloykayumanggi

SONA of Every Filipino F

rom start to finish, the President was game face on. Addressing the country on his 4th State of the Nation Address, President Noynoy Aquino was right on as he narrated the accomplishments and successes of the present administration.

Ever since the country started to receive positive outlook and investment upgrades from overseas rating agencies, the buzzword “inclusive growth” has been the new measuring stick to gauge the current government’s effectiveness in bringing the effects of the economic development closer to the people. And while PNoy himself believes that the current administration is on the right track of his matuwid na daan, there are more to be done. True enough, the issues of millions of OFWs abroad and the recent concerns on international diplomacy were not mentioned. However, it paved the way for the SONA of the President to focus more on the local and national issues concerning education, agriculture, and tourism in the country.

On the other hand, what has been a recurring issue on all of the SONA speeches of

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Tokyo Boy By: Mario Rico Florendo mrico.03@gmail.com PNoy are the allusions to the misses and blunders of the past administration. While this style of critiquing has been effective in the past, it is now becoming a part of the excuse on the non-implementation and nonchanges in the status quo. But for the President’s part, this kind of look-back into the history is a way to a brighter future.

A future filled with stories of Filipino people striving for the present—ordinary people working hard to contribute to nation-building. As the longest SONA of PNoy came to a close, the President continued to reiterate the same message, “sa lahat ng gumising sa mga nagtutulug-tulugan, sa mga nagmulat sa mga nagbubulag-bulagan, sa mga kumalampag sa mga nagbibingi-bingihan, SONA po niyo ito.” Until the end, this simple gesture of the President to his “boss” about the achievements of the Filipino people the past few years has been partly an acknowledgement and more of a challenge to all Filipino people to help make the growth of the country, truly inclusive.


Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Kultura at Sining

7

August 2013


8

August 2013

Daloy Kayumanggi

Global Filipino

"Inspiring Global Filipinos in Japan"

S

a isang materyalistikong lipunan tulad ng sa bansang Hapon, may presyo lahat ng bagay. Ang araw-araw na biyahe sa tren mula bahay hanggang eskwelahan o trabaho, ang iyong pagdaan sa kombini para bumili ng malamig na inumin, o maging ang pinapangarap mong bakasyon sa Hokkaido, Okinawa o sa Pinas. Kung kaya't kahit may buwanang pinagkakakitaan, hindi maiiwasang maghanap ng kahit na sino ng dagdag na paraan para kumita. Isa sa pinakamahalagang bahagi sa buhay ng isang Pinoy tulad ko dito sa Japan, ay ang buhay sa baito o part-time work. Ngunit hindi lamang ito patok sa mga estudyanteng katulad ko, ito rin ay hinahanap-hanap ng mga housewives na bored, at ng mga propesyunal na paminsanminsang kapos sa sariling budget dahil naipadala na halos lahat sa Pinas. Dahil dito, hindi maikakaila na bahagi na ng buhay Pinoy dito sa Japan ang paghahanap at pagkakaroon ng iba't ibang baito.

Diskarteng Pinoy

N

atatandaan ko pa noong una akong napadpad dito limang taon na ang nakararaan, isa sa mga unang naging baito ko ay ang magturo ng Ingles sa mga Hapon. Ito na ang karaniwang baito ng mga estudyante dahil bukod sa hindi ito nangangailangan ng galing sa wikang Nihongo, nagiging daan rin ito para makagawa ng mga kaibigan sa maikling panahon na nag-aaral sila dito. Kung tutuusin, sapat na ang kinikita ko noon at ang allowance na bigay ng university. Pero dahil sadya akong gala, ginusto ko rin pasyalan ang iba't ibang lugar dito sa Japan at para matupad ko ito, kinailangan kong maghanap ng isa pang raket. Doon ako napasok sa isang factory ng bento sa Tachikawa, Tokyo. Noong una ay nangangapa pa sa trabaho at hindi alam ang gagawin. Pero dahil sa tulong na rin ng mga kapwa Pinoy na kasamahan sa trabaho, nakapag-adjust din ako pagkalipas ng ilang linggo. Dito nakilala ko ang ilang mga nanay na kahit komportable na ang buhay ay ginugusto pa ring magtrabaho ng part-time. Ito ay dahil sa kaugalian ng mga Hapon na tumutulong lamang sila sa mga kasama nila mismo sa bahay (tinuturing nila itong uchi) at wala silang anumang nararamdamang responsibilidad sa labas ng uchi nila (tinatawag na soto) kahit pa kamag-anak nila ito. Kung kaya't sa aking mga naririnig na kuwento, ang ilan ay napilitang maghanap ng baito para magkaroon ng sariling kita, at mula sa kitang ito ay makakakuha sila ng kaunting pantulong sa mga kamag-anak sa Pinas.

Need or Want?

S

ari-saring kuwento, pero iisa ang nagtutulay sa kanilang karanasan—baito. Para sa ilan ito ay dagdag na kita para may pantustos sa kanilang mga pamilya at kamag-anak sa Pinas; para sa iba naman ito ay panggastos para sa iba pang comfort sa buhay na may kamahalan; at para naman sa iba, ito ang kanilang mismong hanapbuhay at paraan para makaraos sa pang-araw-araw lalo na sa ibang bansa. Sa iba’t ibang kuwento ng pakikipagsapalaran na naririnig ko sa mga kapwa Pinoy at dayuhan, minsan hindi ko maiwasang mapagkumpara ang aking sarili sa iba pang nagba-baito tulad ko. Dahil kung tutuusin, sapat na naman ang nakukuha ko mula sa aking allowance pero nagsisikap pa rin akong kumita ng extra sa ngalan ng ilang bagay na hindi ko mabibili kung nasa Pinas ako. Pero hindi naman ako nagrereklamo dahil alam kong lahat ng pahinga o lahat ng kawalang ng pahinga ay may katumbas. Madalas, ang pamamalagi sa isang bayan ay isang walang katapusang pagtitiis sa ngalan ng mga kailangan natin at gusto natin: papasok sa trabaho o pagyasumi; paglagi lang sa bahay kapag yasumi o paggala sa iba’t ibang lugar; pagpapadala na lamang ng pera kapag Pasko o pag-uwi sa Pinas para makasama ang iyong pamilya at kaanak.

Extra-Extra

P

ara sa ilan, hindi lamang ang mahabang oras ng overtime o malayong biyahe ang sinasakripisyo nila para lamang kumita ng extra. Minsan, kasama diyan ang panganib sa sariling buhay at kalusugan. Sa pareho ring trabaho sa koujo (factory) ko nakasalamuha ang mag-asawang naka-tourist visa pero sa loob ng halos tatlong buwan nilang pamamalagi noon dito ay trabaho lang sa koujo ang inatupag. Mayroon naman isang JFC (Japanese Filipino Children) na katrabaho ko doon sa umaga, at nagtatrabaho pa ulit sa isa pang factory sa gabi. Tinanong ko sila kung hindi ba sila natatakot mahuli o napapagod. Halos pareho ang sagot nila, kanya-kanyang diskarte lang daw yan para kumita ng pera. Ako rin mismo, natutukso akong minsan pasukin ang mga ganitong klase ng trabaho para lamang matupad ang dream vacation ko o mabili ang gadget na inaasam ko. Nakakita ako dati sa isang website na naghahanap sila ng mga pasyente na magiging test patients na tinatawag. Ang mga mapipili ay kailangang sumailalim sa ilang linggong testing ng mga bagong gamot na hindi pa lumalabas sa merkado. Kahit pa sabihing panghihilo, o maliit na epekto lamang ang dulot nito sa katawan sa maikling panahon, hindi sigurado kung ano ang magiging epekto nito sa hinaharap lalo na sa kalusugan ng test patient. Yung isa ko namang kakilala na hindi Pinoy, kaya pala tinatakpan ang mukha nung nagkita kami kasi naging isa siyang test patient. Sa kaso naman niya, sinubukan sa kanilang mga mukha ang iba’t ibang klase ng pampahid, make-up at iba iba pa. Hindi na ako nagtanong pa kung hindi ba siya nahihiya na ganoon ang hitsura o bakit niya pinili ang ganoong klase ng baito. Ang alam ko lang, papauwi na siya noon at alam ko rin na hindi mura ang bayad sa mga ganoong klase ng baito.


Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Personal Tip: Kalikasan Mga Alternatibong Pamamaraan sa Pangangalaga ng Kapaligiran

Turuan ang mga bata sa Pangangalaga sa Kalikasan

I

sang magandang ituro sa mga bata ay ang maging responsable sa anumang bagay. Magandang ideya kung turuan sila ng ilang mga simpleng pamamaraan para maging responsable sa pangangalaga sa kalikasan. Ang maturuan sila ng ilang mga makabuluhang gawain tungo sa preserbasyon ng kapaligiran ay isa nang malaking bagay bilang paghahanda sa kinabukasan. Maganda kung hindi lamang ang iyong mga anak ang maturuan mo ng mga simpleng gawaing ito. Kung mayroon siyang mga kaibigan na maaaring sumali ay mas maigi. Narito ang ilang tips para magawa ito:

c

thesweetestoccasion.com

Naririto ang ilang maaaring lamanin ng diskusyon: 1. Turuan silang magtipid ng tubig, lalo na sa kanilang pang-araw-araw na gawain, kagaya ng pagsesepilyo. Ang paggamit ng baso, halimbawa, habang nagsesepilyo ay iwas-aksaya. 2. Ang pagpatay ng ilaw kapag lumalabas ng kuwarto o ng bahay ay malaking kontribusyon din para makatipid sa enerhiya at makatipid ng monthly electric bill. 3. Matutong maghiwa-hiwalay ng mga lata, papel, plastic at iba pang mga bagay na pwedeng i-recycle. Maaari ring makatulong sa kapaligiran kung alam ng mga bata kung paano ang proseso ng pagre-recycle. 4. ‘Wag hayaang nakabukas ang pintuan ng refrigerator. Ituro sa kanilang hindi lamang ito nag-aaksaya ng lamig na galing sa loob ng refrigerator, kundi nagsasayang din ito ng kuryente. Sa Internet, marami-rami pang mga gawain ang pwedeng-pwede mong ibahagi sa iyong mga anak. Muli, maganda kung nabibigyan ang inyong mga anak ng kaunting oryentasyon hinggil sa kapaligiran. Sa pamamagitan nito, mas nagiging responsable ang mga ito sa kanilang buhay.

Gawing "Green" ang Inyong Tahanan

N

agpaplano ka bang magpatayo ng iyong bahay? Bakit hindi ikonsidera ang tinatawag na “green architecture” ng iyong bahay? Ang ibig sabihin nito, bakit hindi mo gugustuhing maging energy-efficient at environment-friendly ang iyong tahanan? Posible naman ito. Katunayan, isa ito sa konsiderasyon ng karamihang home builders sa kasalukuyan, bunsod nga ng usapin tungkol sa pagkasira ng kapaligiran. Para maging “green” ang iyong bahay, naririto ang ilang mga dapat isasaalang-alang: 1.Sa pagpili ng pintuan at bintana, ikonsidera iyong mga sinasabing “Energy Star labelled.” Kahit kasi sa mismong materyales ng pintuan at bintana ay maaari ka nang maging energy-efficient. Magtanung-tanong lang sa iyong pagbibilhan. Gayundin, maganda kung gawa sa recycled o wooden materials ang mga ito. 2. Sa pagpili ng mga appliances na bibilhin, piliin ang mga may tatak-Energy Star. Ibig sabihin nito, praktikal, tipid at hindi gaanong nakasasama sa kapaligiran ang mga ito. 3. Pagdating sa pagpili ng flooring materials, maigi rin kung ikonsidera ang paggamit ng materyales na gawa sa

Tipid Tips sa Paggamit ng Papel

I

sa sa mga hindi nawawala sa iba’t ibang mga opisina ay ang mga papel. Ngunit, isa rin ito sa mga pinakamalaki ang kontribusyon sa polusyon. Ayon sa pagaaral ng Minnesota Pollution Control Agency, ang isang office worker ay nakakakonsumo sa isang buong taon ng 10,000 pahina ng papel. Kaya naman, isang magandang hakbangin ang kampanyang “less paper.” Naririto ang ilang mga pamamaraan na pwedeng gawin ng ninuman para maresolba ang isang problemang ito: 1. ‘Wag itapon ang scratch o mga papel na hindi naman na mahalaga. Sa halip, gamitin ang kabilang pahina nito para sa anumang balak i-print na dokumento, lalo na kung “draft” mo lang din naman ito. 2. Gumamit na lang ng e-mail sa mga komunikasyon, halimbawa, sa pagsesend ng mga dokumento. I-scan ang iyong dokumento at maaari na itong ipadala sa kausap.

9

August 2013

c

davinong.com

M

c

cityofhenderson.com

arami-rami ka pang mga alternatibong pamamaraan na puwedeng isaalang-alang para ang iyong pang-araw-araw na pamumuhay ay nakabatay sa “Go Green” na kampanya, kagaya

ng iba. Sa transportasyon Pagdating sa transportasyon, sa halip na gamitin ang kotse, maigi kung gumamit na lamang ng bisikleta o ‘di naman kaya ay maglakad na lamang, lalo na kung pupunta ka lang naman sa malapit na convenient store. Tipid na, maganda pa ito sa iyong kalusugan dahil isa sa mga mabisang exercise ang pagbibisikleta at paglalakad. Sa pagkain Alam mo bang, kapag binago mo nang bahagya ang iyong diet ay makakapag-contribute ka na sa pagpe-preserba ng kalikasan? Naririto ang iyong mga alternatibo: 1. Bumili ng mga organic products. 2. Magluto at kumain na lamang sa bahay, sa halip na sa labas (tipid pa). 3. Bumili nang maramihan (para tipid sa packaging). 4. Bumili ng fresh na pagkain, sa halip na mga junk foods na nakapakete. 5. Piliin ang isda at iba pang seafood. 6. Magtanim sa paligid ng mga halaman. Sa iba pang produkto Sa iba pang mga karaniwang binibiling produkto naman: 1. Iwasang bumili ng disposable na mga pinggan at baso. 2. Gumamit ng reusable na tasa o water bottle na pwedeng dalhin kahit saan. 3. Iwasang bumili ng tissue, sa halip, gumamit ng tela. 4. Piliing bilhin ang rechargeable na baterya.

Mamasyal, I-enjoy ang Paligid

kahoy. Bukod sa elegante at komportable na, nakakaganda pa raw ito umano ng air quality sa loob ng tahanan. 4. Gumamit ng low o zero VOC paints. Isa rin itong nakagaganda sa air flow sa loob ng iyong bahay, nang sa gayon ay hindi kayo gaanong gumagastos sa kuryente. 5. Ikonsidera ang arkitektura ng iyong tahanan. Gawing basehan ang lighting at air flow ng iyong planong ipatayong bahay. Tandaan: Ang pagpapagawa ng bahay o pagre-renovate nito ay hindi lang usapin ng perang magagastos. Mas maganda kung isasaalang-alang din ang magiging impact nito sa environmental conservation, kahit man lang sa malilit na bagay.

3. Sa paggawa ng mga form, halimbawa, maganda kung gawin itong half-sized o ‘di naman kaya ay back-to-back. 4. Gamiting-muli ang mga envelope / folder na pwede pang pakinabangan. 5. Ipunin ang mga papel na hindi na nagagamit, halimbawa’y mga lumang magasin / newspaper, at ibenta ito sa junk shop. Dagdag-pondo pa ng iyong opisina. 6. Kapag kinailangan mong mag-print ng isang draft, maiging paliitin ang font size para mas marami ang lalamanin ng papel. Sa pamamagitan ng mga tipid tips na nabanggit, hindi ka lang makakapag-contribute sa pangangalaga sa kalikasan, nakatipid ka pa nang malaki.

M

c

blog.calgarystrathmorerealestate.com

asayang mamasyal, lalo na kung malinis, relaxing at kaayaaya ang paligid. Bukod sa nakakarelax ang pamamasyal sa mga parke o garden, halimbawa, nakatutulong pa ito siyempre para tipid sa pera at sa konsumo sa elektrisidad. Kung mainit sa loob ng inyong bahay, magandang ideya ang lumabas, i-enjoy ang oras sa piling ng iyong mga mahal sa buhay sa lugar na magbibigay sa inyo ng libreng hangin at kaiga-igayang tanawin. Maganda ring ideya ang pagbibisikleta. Sa halip na mag-joyride gamit ang inyong de-gasolinang sasakyan, mas mabuti pa rin, sa kalusugan at kalikas, ang pagbibisikleta. Marami-rami pang mga aktibidad na pwedeng gawin sa parke. Maaari ritong mag-picnic, maglaro at i-enjoy ang mga panahong magkakasama ang iyong mga mahal sa buhay. Maging responsable lamang sa inyong pamamasyal, para hindi makasira ng kapaligiran, sa halip ay makapag-contribute pa nga sana sa pangangalaga nito. Ang simpleng pagtatapon ng pinagkainan sa tamang lagayan ay may malaking epekto sa ganda ng kalikasan.


10

August 2013

Personal Tips: Kalikasan

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Pakinabang sa Araw

Mga Simpleng Gawain sa Pangangalaga ng Kalikasan

S

a panahon ngayon, isang malaking bagay kapag may pakialam ka sa pangangalaga ng kalikasan. Kaya, kahit sa mga maliliit na bagay, magandang piliing maging “environmental advocate.” Isa sa mga pinakamabisang pamamaraan ngayon upang makiisa sa kampanya sa pangangalaga ng kalikasan ay ang paggamit ng mga gadget at device na pinagagana ng enerhiya mula sa araw. Ang solar panel ay isang magandang halimbawa nito, na ngayon ay ginagamit na ng marami sa iba’t ibang panig ng mundo upang magsilbing alternatibong pinagkukunan ng elektrisidad. Ang solar panel ay maaari na ngayong mabili sa ilang malalaking hardware, maging sa Pilipinas. Mayroon din namang warranty ang mga ito at madalas pa nga ay mayroon itong kasamang “free installation.” Sa merkado, mayroon na rin namang mga gadget na pinagagana ng araw. Halimbawa na lang nito ay ang mobile charger na solar powered na rin. Mayroon na ring mga naglalabasang mga appliances na gumagana gamit ang enerhiyang nakukuha mula sa araw. Mangyaring magtanong ito sa “sales officers” para magabayan ka sa iyong pamimili ng naturang mga gadget. Maaari ring tumingintingin sa Internet kung anu-anong mga gadget at devices ang maaari mong bilhin sa merkado. Muli, isang praktikal na bagay kapag gumamit ka ng mga makab a g o n g t e k n o l o h i y a n g “ e n v i r o n m e n t - f r i e n d l y.” S a p a m a m a g i tan ng mga ito, nakatipid ka na, nakatulong ka pa sa kapaligiran.

Epektibong Tips sa Pagtitipid ng Kuryente

S

a dumaraming bilang ng mga tao sa buong mundo na sumusuporta sa “green living movement,” isang praktikal na bagay kapag nagtitipid sa kuryente na nakakatulong sa kapaligiran, pati na sa iyong bulsa. Kaya marapat lamang na matuto kung papaano makakatipid sa kuryente. Naririto’t basahin mo ang mga epektibong tips na ito: Tip #1: Gumamit ng mga energy-efficient na appliances Araw-araw, malaki ang enerhiyang nakokonsumo ng mga appliances. Kaya naman, malaking bagay kung ikonsidera ang paggamit ng mga energy-efficient na mga appliances. Ayon sa organisasyong Greenpeace, tinatayang 2-10 times na mas tipid ang mga energy-efficient appliances kaysa sa iba. Mangyaring tingnan ang mga label ng binibiling appliances o ‘di naman kaya ay magtanung-tanong sa mismong sales officers. Tip #2: Gumamit ng fluorescent bulbs Ayon sa isang pananaliksik, tinatayang 10 taon ang itinatagal ng bulbs na ito. Gayundin, malayong mas tipid ito sa nakokonsumong enerhiya. Kaya naman, malaking tipid kapag pinalitan ang lahat ng mga ilaw ng fluorescent bulbs. Tipid na, nakakatulong ka pa sa kapaligiran. Tip #3: Takpan ang pasukan ng araw Maaaring gumamit ng blinds o kurtina para maiwasan ang pagpasok ng init ng araw sa loob ng tahanan, lalung-lalo na ‘pag panahon ng tag-araw. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang sobra-sobrang paggamit ng air-conditioning system na nagbubunsod sa pagtaas ng bill sa kuryente. Tip #4: Alisin ang saksakan ng mga hindi ginagamit na appliances Ang kalimitang nakakalimutang alising saksakan ay ang sa mga radyo, telebisyon at kompyuter / printer. Ang mga ito ay kumokonsumo pa rin kasi ng koryente, kahit na hindi ginagamit basta iniwanang nakasaksak. Iwas-sunog pa ang gawaing ito. Marami-rami pang mga pamamaraan para maging energy-efficient. Tandaan: malaki ang epekto ng pagtitipid sa kuryente sa iyong bulsa at, siyempre, sa pagsagip sa pagkasira ng kapaligiran.

M

araming mga bagay na karaniwan nating ginagawa o ginagamit ang sinasabing may malaking epekto sa kapaligiran. Madalas pa nga, wala tayong kaalam-alam na mayroon palang kontribusyon ang mga ito sa unti-unting pagkasira ng kalikasan. Kaya naman, para magkaroon ka ng ideya hinggil sa mga bagay / gawaing ito, basahin ang mga sumusunod na tips: Humanap ng alternatibo sa mga aerosol sprays Ang aerosol spray ang karaniwang ginagamit sa pag-alis ng hindi kanais-nais na amoy sa isang bahay. Pero, kagaya ng nabanggit na, huwag masyadong magdepende rito. May mga alternatibo para rito. Una, paghaluin ang lemon juice at tubig at ilagay ito sa isang spray bottle. Ikalawa, maaari kang maglagay ng baking soda sa iyong refrigerator o sa basurahan nang sa gayon ay maaalis ang nakasusulasok na amoy. Plant-based vs. Chemical-based na produkto Sa halip na gumamit ng mga produktong kemikal ang pangunahing sangkap, mas maiging maghanap ng mga alternatibong produktong herbal o galing sa

halaman ang pangunahing sangkap. Isa pa’y dahil organic ang produktong ito, masasabing mas ligtas at, kadalasan, ay mas epektibong gamitin. ‘Wag ilagay ang produkto sa ref ‘pag mainit-init pa Ang pangunahing rason dito ay nakaka-konsumo kasi ang gawaing ito ng mas maraming enerhiya. Kaya, maiging palamigin muna ang pagkain / produkto bago ito ipasok sa loob ng ref. Alisin ang saksakan ng charger ‘pag hindi ginagamit Dahil karaniwang busy ang mga tao ngayon, madalas ay nakakaligtaan nilang alisin ang kanilang cellphone charger. Resulta nito, maraming enerhiya ang nasasayang. Iwasan ang paggamit ng mga disposable na telang panlinis Sa halip na disposable ang bibilhin, mas maiging gumamit na lang ng telang maaaring labhan para magamit nang maraming beses. Isaisip ang mga pamamaraang ito nang sa gayo’y maging isa sa mga taong aktibong tumutulong sa pangangalaga sa kalikasan.

Benepisyo ng Paggamit ng Eco-Friendly Shopping Bags

K

ung maraming mga indibidwal ang walang gaanong pakialam sa kalagayan ng kapaligiran ngayon, marami-rami rin naman ang nakikibahagi sa tinatawag na “go-green mission.” At isa sa mahahalagang kampanya ay ang paggamit ng Eco-Friendly Shopping Bags dahil sa iba’t ibang benepisyong sa paggamit nito. Plastic Bags vs. Eco-Friendly Bags Madalas gamitin sa mga shopping malls, halimbawa, ‘pag tayo’y namimili ay ang mga plastic bags. Pero, alam mo bang 100 taon ang aabutin bago pa matunaw ang isang plastic bag? At kapag natunaw na ito, maaari pa itong magdulot ng toxins sa lupa at sa tubig na maaaring ikamatay ng mga halaman at hayop. Mga rason sa paggamit ng Eco bags Unang malinaw na rason sa paggamit ng Eco bags na ito ay para makabawas sa talamak na paggamit ng plastic, na nagiging dulot ng pagbarado ng mga kanal. Ikalawa ay dahil walang malaking epekto sa kapaligiran ang produksyon nito. Gayundin, gawa rin ang mga ito sa materyales na ligtas at hindi madaling matunaw. At panghuli, marami-rami na ring pwedeng pagpiliang designs na maaaring pasok at babagay sa iyong personalidad.

Pera sa Basura

S

iguro’y narinig mo na ang linyang, “May pera sa basura.” Isang mabisang pamamaraan upang masagip ang kalikasan mula sa pagkasira nito ay matutong magrecycle. Sa ngayon, marami-rami nang mga recyclable materials na ginagawang mga bagay-bagay na maaaring magamit ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Bags, Tsinelas at Belt mula sa basura Alam mo bang ang mga tetra pack juice na karaniwang iniinom ng iyong mga anak ay maaaring gawing mga tsinelas, pitaka, belt at bag? Katunayan, ang mga produktong ito ay maaari pang ibenta sa merkado. Sa ngayon, dahil dumarami na rin ang mga taong “conscious” sa kalagayan ng kapaligiran ngayon, marami na ring mga tumatangkilik ng ganitong mga produkto. Paano ang paggawa Para matutong gumawa ng mga katulad na produkto, maraming mga ino-offer na livelihood seminar ang iba’t ibang mga organisasyon. Mangyari ring magsaliksik sa Internet hinggil sa mga organisasyong nagbibigay ng mura at, kadalasan, libre pa ngang seminar / workshop sa paggawa ng mga ito. At kapag marunong ka nang gumawa, maaari ka na ring magbenta ng mga ito, una sa mga kakilala, kaibigan at kamag-anak, at kalaunan ay maaari na rin naman itong ibenta sa merkado. Sadyang may pera sa basura. Ang kinakailangan lang, sapat na kaalaman na dinagdagan ng kaunting diskarte.


Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

11

August 2013

Community Event


12

Ads

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"


Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Ads

13


14

August 2013

Global Filipino

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino


15

August 2013

Daloy Kayumanggi

Travel

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

O

ff to the province of Pampanga. Its local and cooking is referred to as Kapampangan, one of the most popular regional cuisine in the Philippine islands. An aunt was the host for the overnight affair. We were served hefty variety of grilled food for dinner, chicken ass being my favorite. Then, we ate at a Kapampangan buffet for lunch. The buffet spread was ok but it was the watermelon juice that made my wife very happy. Later that evening we drove to Makati and met some of my cousins for buffet dinner at Dad’s. We already had way too much too eat by this time that we could no longer enjoy the bountiful Japanese and Filipino buffet. But hanging out with my cousins whom I had great memories with growing up is what really counts.

W W

ii

hat a tedious 4 hour flight from Osaka to Manila via Cebu Pacific. The plane was too tight for comfort; the air feels hoarse that our throat became sore and dry. But the airfare was only Y140,000 for 4 passengers, so i'm not really complaining. We didn’t have previous plan to travel back home, but who could resist the cheap airfare. Should we fly Cebu Pacific again?..... absolutely!

e arrived home an hour past midnight. And no matter what time of the day you arrive in the Philippines, there will be a bounty waiting for you. We dined with my parents and sisters on spicy pork sinigang (meat and various veggies cooked in tamarind soup), fried milk fish and chilled fresh mangoes in cream. Philippine food has always taken flack for its simplicity and lack of variety as some people may suggest. In one discussion on Asian food I had in the States, a JapaneseHawaiian guy even said our food is peasant food, and offered a conciliatory tone that he loved peasant food anyway. Quite frankly, I don’t know how to react. I love our dishes, but I understand where he is coming from. Being married to a Japanese wife and having eaten different international foods, I know we lack presentation and healthy options. But I believe our food is one of the best tasting out there. Our food is rich, oily, creamy, sweet, salty, spicy and heavy. The excesses in our food can be compared to that of the Filipino family’s excessive warmth. Filipinos have an eating culture; we love our food as well as we love our family and friends. Family share stories while cooking in the kitchen. Laughter, senseless chit chat and serious conversation are all part of Filipino dining experience. For this trip, I just wanted to eat as much Filipino food as I can, with the people I really cared about. This trip is about being with my parents, sisters and relatives; and them spending as much time with us.

W

e met my cousin Patz, who treated us for lunch at Abe, a well-reviewed Filipino restaurant located at Serendra. I was pleased that it’s not located in a mall, as I’m not a big fan of malls. It was Filipino with a twist on its presentation. We ordered pork adobo (meat cooked in soysauce, vinegar, onions and garlic), the most popular Philippine dish. But this was however different in way that the sauce was served separately from the meat. And the meat, it was heavenly, crispy on the outside yet very tender in the inside. We also ordered bangus (milk fish) in tamarind sour soup (sinigang) and fried plapla with buro (fermented fish sauce) on the side. The entrees’ are definitely a hit, and tamarind juice on the side, it was perfection. Next stop was the house of another cousin, Jen. We told her not to prepare anything, but then that will be against Filipino hospitality, and we knew she’ll have something ready. Voila!!! Amber’s spaghetti delivery. It was spaghetti at its finest. Pinoy spaghetti has these following ingredients you wouldn’t find in an Italian pasta: banana ketchup, sugar and hotdog! The result: sweet sinful pasta concoction! Amber’s Pinoy spaghetti is the best one I’ve tasted.

I

t’s the eve of my birthday and I celebrated it with aunties and cousins on my father side. It was all day of fun at the pool and karaoke. And of course food was the highlight. And for this day, it’s all about my mother’s cooking. We feasted on karekare (beef and veggies cooked in peanut sauce), pork adobo, caldereta (beef stew in red sauce), Bicol express (pork cooked in chilly and coconut milk) and pork belly BBQ. I was very happy that my best friend from high school, who I haven’t seen for the past 15 years came to the party with his wife and my godson.

A

nd everything in between as you guessed it, was all about hanging out with my family and relatives, while dining out or cooking in. The best way to celebrate Filipino family is on the dining table. My kids had a great time hanging out with their grandparents and aunties. Thankfully the cheap cost of flying to Manila now enables us to come home more often. I am glad that my kids can grow up cherishing the beautiful Filipino family and its great food tradition.


16

August 2013

Komunidad

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino


Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

17

August 2013

Komunidad


18

August 2013

Daloy Kayumanggi

Global Filipino

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

KICK-ASS 2

ELYSIUM

MORTAL INSTRUMENT

PERCY JACKSON SEA OF MONSTERS

THE BUTLER

Their back to kick some more ass! The costumed high-school hero Kick-Ass joins with a group of normal citizens who have been inspired by him to fight crime in costumes. Meanwhile, the Red Mist plots an act of revenge that will affect everyone that kick-Ass knows. Starring Chloe Grace Moretz (Carrie), Aaron Taylor-Johnson (Godzilla), christopher Mintz-plasse and Jim Carrey as “Colonel stars and stripes� directed by Jeff Wadlow.

Set in the year 2154, where the very wealthy live on a manmade space station while the rest of the unfortunate population resides on earth, ruined earth. A man takes on a mission that could bring equality to the popularized earth and bring down the man-made space station. Starring Matt Damon (Bourne Identity Series), Jodie Foster (Contact), Alice Braga (I Am Legend) and William Fichner (Ninja Turtles). Directed by Neill Blomkamp (District 9).

After Clary Fray, a seemingly ordinary teenager, witnesses a murder at a club, she finds out that her mother, Jocelyn, was attacked in their home in New York City and kidnapped by a man named Valentine in his search of the Mortal Cup. She calls on a Shadowhunter named Jace and his fellow Shadowhunters, Alec and Isabelle Lightwood, to help her on her quest to rescue her mother and along the way finds out truths about her past and bloodline.

In order to restore their dying safe haven, the son of Poseidon "Percy" and his friends embarks again on a quest to the Sea of Monsters, were they must find the mythical Golden Fleece and to stop an ancient evil from rising again. Starring Logan Legerman (Noah), Alexendra Daddario (texas Chainsaw 3D), Brandon T. Jackson (Beverly Hills Cop TV Series) and directed by Thor freudental

An American historical drama film directed by Lee Daniels (Precious), featuring an ensemble cast. James Mardsen (X-men), John Cusack (Serendipity), Oprah Winfry, Terence H o wa rd ( P r i s o n e r s ) , Cu b a Gooding Jr. (Men of Honor) and Forest Whitaker (The last stand) as Cecil Gaines, AfricanAmerican who served eight presidents as the White House's head butler from 1952 to 1986, and had a unique front-row journey as a political and racial history was made.

MUST WATCH!

MUST WATCH!

MUST WATCH!

MUST WATCH!

MUST WATCH!

LIKE US ON FACEBOOK www.facebook.com/daloykayumanggi


19

August 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

PICK-UP LINE: SUSI KA BA?

BOY: Miss? Susi ka ba? GIRL: Bakit?! BOY: Pa-keys nga! GIRL: Gusto mo pala ng tadyak eh! BOY: Joke lang naman. Masyado ka namang feeling!

ang natira. Tatay: Anak ganito lang ‘yan ha. Hindi ko matarok ‘yang tanong mo. Pangmatalino masyado. Pero, ang kamay ko, abot ‘to hanggang sa ngala-ngala mo! Intiendes?

PILI KA

Pedra: Pedro, anong ulam natin ngayon? Tsibog na sana ako eh. EYEBALL Pedro: Brod, parang ang saya-saya mo ah? Pedro: Andyan, nakasalang na sa may lamesa. Juan: Eh kasi bro, ngayon ang pagkikita namin Pili ka na lang kaya. ng textmate ko. Kamukha niya raw si Sha. Pedra: Sungit mo naman. (Pagkatapos tingnan) Pedro: Wow, bro, swerte mo! Baka si Shaina eh Ha? Isang piraso ng tuyo? Anong pagpipilian no? ko dito? Juan: Sana nga. Pedro: Pili ka na lang kung kakain ka o hindi. (Pagkatapos ng eyeball) Pwede namang hindi. Okay lang yun sa’kin. Pedro: O ba’t parang pinagbagsakan ka ng Pedra: Okay ka ah! langit at lupa? ENCYCLOPEDIA Mario: Maria, encyclopedia ka ba? Juan: Bro, Dionisha! Dionisha, hindi Shaina! Maria: Bakit naman? Pedro: OMG! Mario: Eh kasi, ang kapal mo eh! Hehe... Peace! SI KAMATAYAN Kamatayan: Buknoy, hawakan mo ang kamay PERA O ASAWA Buknoy: Tuknoy, anong pipiliin mo: pera o ko! asawa? Buknoy: Ayoko nga! Ano ako t*nga? ‘Pag hinTuknoy: Aba, eh, wala nang pagdadalawangawakan ko kamay mo tegok na ako no? Kamatayan: Ang galing mo talaga buknoy ah! isip. PERA. Buknoy: Ha? Bakit? Paano mo nalaman yun? Apir nga! Tuknoy: Anong bakit ka diyan? Ang pera, nagBuknoy: Apir! (Patay) iinteres habang tumatagal. Eh ang asawa, MALUPIT NA TANONG Anak: Papsie, may tanong ako. nawawalan ka ng interes! Tatay: Oh, ano yun? Buknoy: Ganun? Hindi ka naman galit niyan? Anak: ‘Pag meron akong 20 sisiw. Tas umalis FOOT O FEET yung aso. Saka dinagdagan mo ng saging. Ilan (Kumakanta si Pedro with a friend)

SAGITTARUIS Nob. 23 - Dis. 21

VIRGO Ago. 22 - Set. 23 Sa mga walang asawa, maswerte ngayong buwan ang pakikipag-relasyon. Maaaring ngayong buwan mo makita ang iyong pinakahihintay na true love. Samantala, sa mga may-asawa naman, iwasan ang extra marital affair, dahil maaari itong magdulot ng malaking gulo. Lucky color at numbers: Yellow Green; 9, 29 at 34.

May kislap ng tagumpay na naghihintay sa iyo sa larangan ng negosyo pati na sa pag-ibig. Iwasan lamang ang masyadong magtitiwala sa mga taong nakakahalubilo mo, dahil maaaring sila pa ang maaaring magpahamak sa’yo. Swak sa’yo ang kulay Red. Numerong 22, 12

Huwag masyadong magmadali sa pakikipag-relasyon. Baka magbubunga lang ito sa hindi maganda. Sa mga nasa relasyon naman, kusang lalapit sa’yo ngayon ang tukso, kaya maging alerto. Sa gabi, lalo kang mag-ingat sa iyong paglalakbay. Masusuwerteng numero: 30, 20 at

‘Wag masyadong ma-depressed at mag-aalala. May posibilidad na lalapit sa’yo ang karamdaman. I-counter ito sa pamamagitan ng pagdarasal at pakikipaghalubilo sa mga kaibigan. Maganda rin kung lumabas paminsan-minsan, kasama ang mga kaibigan, at mag-enjoy. Ang Pink ay masuwerte sa’yo. Ikonsidera rin naman ang mga numerong 2, 4 at 9.

LIBRA Set. 24 - Okt. 23

15. Masuwerteng kulay: Sky Blue.

SCORPIO Okt. 24 - Nob. 22 Walang magiging malaking suliranin sa’yo ngayong buwan—sa trabaho, sa relasyon, sa pamilya. Magiging katamtaman ngayon ang takbo ng iyong buhay. Ito ring buwang ito ay masuwerte para sa pakikipagkaibigan o pakikipag-sosyalan. Violet ang swerteng kulay sa’yo; 25, 27 at 33 naman ang mga numero mo.

at 1 naman ang okay sa iyo.

CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20

AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19

Dadaloy ang suwerte sa pananalapi. Agapan lang ang darating na oportunidad sa’yo. Darating ang tawag ng isang kaibigan na magsasabi sa’yo ng panibagong raket o pagkakakitaan. Maging palakaibigan para makuha ang respeto ng iba. Power numbers at color: 26, 34 at 20; at Gray.

Pedro: “Oh yeah! Put your right feet in. Put your left feet out...” Kumpare: Pare, mali lyrics. Foot kaya yun. Pedro: Ah ganun ba? “Foot your right feet in. Foot your left feet out...” Kumpare: Eh yari tayo diyan! Pedro: Ano pre, okay na? Hehe...

Piolo: Okay, nasa’n ka ba ngayon? Sam: Am here at the swing.

MAESTRO

Pare 1: Pre, si Rico J ka ba? Pare 2: Ha, eh bakit naman? Pare 1: Eh kasi pare, mukha kang puno eh! Hehe. Pare 2: Bangas gusto mo?

WISH NI PETRA

Mommy D: Dung, maestro ka ba? Tindero: Naku nay, tinanong mo pa. Hindi ho. Kaya nga ho ako nagtitinda eh. Mommy D: Hindi, tinatanong ko nga kung maestro ka. Tindero: Wala nga ho. Ang kulit niyo ho pala. Mommy D: Anong makulit ka diyan. Kaya ko tinatanong kung maestro ka kasi, alangan namang ilaklak ko ‘tong Coke mo, eh ‘di nasira red lipstick ko.

SI INDAY SA SEMENTERYO

TENSE

RICO J

Petra: Fairy, totoo ka ba talaga? Fairy: Oo naman. Sige patunayan ko sa’yo. Mag-wish ka, tutuparin ko? Petra: Oh talaga? Parang sa Wish Ko Lang? Fairy: Oo nga! Petra: Sige nga. Gawin mo akong kinababaliwan ng mga kalalakihan. Fairy: Okay. Ngayon din, ginagawa kitang... DOTA!

Inday: Sir, lahat pala dito sa sementeryo rape ang ikinamatay? Amo: Ha? Ba’t mo naman nasabi yun? Inday: Eh kasi tingnan niyo sir oh, puro RIP ang nakalagay sa ibabaw.

PATULAK

Sam: Bro, patulak naman ayaw umandar?

PISCES Peb. 20 - Mar. 20 Parehong positibo at negatibong bagay ang darating sa’yo. Maghanda-handa lamang sa pagsalag sa mga hamon ng buhay ngayong buwan. Pakaingatan din ang pananalita at mga gagawing desisyon, lalo na pagdating sa negosyo o trabaho. Numbers of the month: 15, 10 at 35. Color of the month: Navy Blue.

ARIES Mar. 21 - Abr. 20 Kung sa tingin mo ay kapwa seryoso na kayo ng iyong kasintahan, ito na ang pagkakataong desisyunan kung nararapat bang harapin ang susunod na hakbang. Naaayon sa mga Aries ang pagpaplano ng pagbubuo ng isang pamilya. Medyo magingat-ingat lang sa pagmamaneho. Power numbers: 6, 30 at 11. Lucky color: Orange.

TAURUS Abr. 21 - May. 21 Iwasan ngayong buwan ang mga bagay na maaaring makapagdulot sa iyo ng tensyon. ‘Wag masyadong seryosohin ang mga bagay-bagay. May tendesiya kasing madali kang maging emosyonal. Ang mga numero at kulay na suwerte sa’yo ay: 2, 10, 19 at Blue.

NAME SA CP

Married Man: Mahal, anong name ko sa CP mo? Mistress: McDo mahal, kasi “Love ko ‘to!” Married Man: Oh talaga? Mistress: Eh ako naman, ano’ng name ko sa CP mo? Married Man: BDO, mahal. Mistress: Ba’t naman? Married Man: Kasi, we find ways.

Teacher: What is the tense of this sentence: “I will go to the CR.” Ben: Future Tense po. Teacher: Very good. Eh ang sentence na’to: “I’m beautiful.” Juan: Eh obvious naman ma’am. Past tense na ‘yan. mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp www.tumawa.com

GEMINI May. 22 - Hun. 21 Malaki ang posibilidad na madaragdagan ngayon ang iyong pinagkukunan ng kita. Sa pamamagitan nito, mapupunan mo ang iyong pagkukulang sa iyong mga mahal sa buhay. May tendensiya ring makapaglakbay sa ibang lugar ngayong buwan, maaaring sa pamamagitan ng trabaho o personal. Ang iyong color of the month ay White. Numero mo naman ngayon ang 3, 4 at 15.

CANCER Hun. 22 - Hul. 22

Maging alerto. Mag-ingat sa mga desisyon at pagsasalita. Dahil, nakabatay sa iyong mga aksyong gagawin ang tyansang mawawala ang isang bagay na iyong pinaghirapang makuha sa matagal na panahon. Samantala, kung binabalak mong tumaya sa mga lottery, ikonsidera ang mga numerong 10, 16, at 18. Brown ang suwerte mong kulay ngayong buwan.

LEO Hul. 23 - Ago. 22

Piliin ang ugaling pagiging mapagbigay. Dahil, ito ang maaaring maging daan para suwertehin. Masuwerte ka rin ngayon sa pagnenegosyo. Kaya, kung may naisip kang kaunting pagkakakitaan, ito na ang pagkakataong maaari mong ikonsiderang simulan ito. Yellow ang okay na kulay sa’yo; 7, 21 at 24 naman ang sa numero.


20

August 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Howard, Lumipat na sa Houston Rockets

c

tracking.si.com

M

atapos ang mariing agawan ng limang koponan, nakapagdesisyon na si Dwight Howard na tumawid sa Houston Rockets mula sa dating koponan na Los Angeles Lakers. Kinumpirma naman ito ng seven-time AllStar Center sa midya. Paniwala ng sikat na basketbolista: “I feel it’s the best place for me and I am excited about joining the Rockets and I’m looking forward to a great season. I want to thank the fans in Los Angeles and wish them the best.” Bukod sa LA Lakers at Houston Rockets, nakipag-agawan kay Dwight ang tatlo pang mga koponan: ang Atlanta Hawks, Dallas Mavericks at State Warriors. Samantala, nagpahayag naman ng pagkadismaya ang Lakers, sa pamamagitan ng isang official statement ng general manager nitong si Mitch Kupchak: “We have been informed of Dwight’s decision to not return to the Lakers. Naturally we’re disappointed.”

'Big Three' ng Spurs, buo pa rin

M

atapos ang pag-iisip sa pagreretiro nitong nakaraang season ng NBA playoffs dahil sa mga tinamong injuries, nakapagdesisyon nang mananatili sa Spurs si Manu Ginobili. Ito ang inanunsyo ni Ginobili sa kanyang official Twitter account: “Thrilled to announce that as I always hoped, I’m gonna stay with the Spurs for two years.” Ikinatuwa naman ito ng maraming Spurs fans, dahil muling mabubuo ang tinaguriang “Big Three” kasama sina Tony Parker at Tim Duncan na siyang pambato ng koponan para sa susunod na season. Matatandaang, sa Game 7 bago matalo ang Spurs sa Miami Heat, si Ginobili ang pangunahing tumulong sa koponan sa huling 28 segundo ng laro.

SPORTS UPDATES

STANDINGS Teams W L

3 - 1

UST

VS VS

Bakbakang Pacquiao-Rios, papalapit na

6 - 0

FEU

JULY 21

Paeng Nepomuceno, ginawaran ng Gold Coach status

AdU

3 - 2

UE

3 - 3

NU

3 - 3

DLSU

2 - 3

ADMU

2 - 4

UP

0 - 5

(72 - 64) (77 - 67)

sports.inquirer.net

I

c

abf-online.org

ginawad ng USBC Coaching Certification and Development kamakailan ang pinakamataas na sertipikasyon sa isang bowling coach kay Paeng Nepomuceno sa Arlington, Texas. Si Paeng na ang kauna-unahang Pinoy at Asyanong nagkamit ng Gold level coaching validation. Kabilang siya ngayon sa 25 aktibong coaches na may USBC Gold status sa buong mundo. Layunin umano ng 56-anyos na international ambassador ng Bowling ng USBC na makapag-develop ng marami pang coaches at athletes na sasabak sa Olympics. Matatandaang, bago sumabak sa pagiging coach, nanalo na si Paeng sa iba’t ibang kumpetisyon. Nasungkit niya, halimbawa, ang mga World Cup titles noong 1976, 1980, 1992 at 1996. S i N e p o m u c e n o ay b i n a n s a g a n g “ G re a t e s t International Bowler of All Time.” c

abcnews.go.com

c

P

bleacherreport.com

alapit na nang palapit ang nakatakdang bakbakang Brandon Rios at Manny Pacquiao. Sa Nobyermbre 24 na nga ang pinakaaabangang pagtatagpo ng dalawang boksingero sa ring sa Macau. Welterweight division ang paglalabanan ng dalawa, kung saan bababa sa 147 pounds si Rios. Sa kasalukuyan, puspos ang paghahanda ni Rios laban sa Filipino boxing icon at eight-division champion. Pahayag ni Rios sa isang panayam sa kanya ng The Ring: “I’m going to be ready. Pacquiao is no joke. I’m getting ready for the best Pacquiao ever.” Matatandaang, magkasunod na talo ang tinamo ng pambansang kamao – kay Tim Bradley noong Hunyo at kay Juan Manuel Marquez naman noong Disyembre noong nakaraang taon.

Murray, bagong hari ng Wimbledon

T

inatayang 77 taon din ang hinintay ng Great Britain bago makuhangmuli ang korona ng Wimbledon. Ito’y matapos pataubin ni rank No. 2 Andy Murray ang dating nasa unang puwesto na si Novak Djokovic ng bansang Serbia sa iskor na 6-4, 7-5, 6-4. Tubong Dunblane, Scotland si Murray. Sa ngayon, siya na ang itinuturing na unang Briton na makuha ang Wimbledon mula pa noong taong 1936, kung kailan naging huling kampeyon si Fred Perry para sa bansang Great Britain. Wika ni Murray, ‘’That last game will be the toughest game I’ll play in my career. Ever.” Ito na sana ang ikalawang pagkakataong mapasakamay ni Djokovic ang kampeyonato. Samantala, nagpipiyesta naman ang mga British press kasunod ng natamong panalo ng kanilang pambato.


21

August 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

N

agsimula na ang isa sa hottest primeMisibis Bay, paiinitin ang time teleserye ng TV5 na Misibis Bay. Kahit panahon ng tag-ulan ay ibabalik ating mga gabi tayo sa summer season dahil sa mga maiinit na

Richard Guitteriez Actor / Model / TV Host c

adronico.wordpress.com

tagpo at magandang tanawin. Misibis Bay sa Albay ang setting ng teleserye. Matatagpuan ito sa Cagraray Island na one-hourand-a-half ang layo mula sa Legazpi City. Pagbibidahan nina Ritz Azul at Christopher de Leon ang Misibis Bay. Gumaganap si Ritz bilang si Maita Ramirez, isang dalagang mapapangasawa ni Anthony Cadiz (Christopher de Leon), isang real estate tycoon na inaakalang maitatama niya ang mga pagkakamali sa pamamagitan ng pagpapakasal kay Maita. Kasama rin sa cast sina Vivian Velez, Megan Young, Daniel Matsunaga, Andrea del Rosario, Vin Abrenica, Victor Silayan, at Boots Anson-Roa. Mapapanood ang Misibis Bay alas-otso gabi-gabi sa TV5.

Marian Rivera Actress / Model / TV Host c

adronico.wordpress.com

My Lady Boss, isinalang na sa Big Screen

M

atapos maudlot nang dalawang beses – isa noong Pebrero at noong Mayo – isinalang na sa mga sinehan ang romantic comedy film na My Lady Boss nitong unang linggo ng Hulyo. Muling pinakilig nina Richard Gutierrez at Marian Rivera ang kanilang fans sa ikalawa nilang pagtatambal sa big screen. Matatandaang kakaibang chemistry ang ipinamalas ng dalawa sa una nilang pagtatambal sa My Bestfriend’s Girlfriend. Ginampanan ng tinaguriang sexiest Filipina ngayong taon ang isang masungit na boss ni Richard na unti-unting mahuhulog ang damdamin sa kanyang subordinate. Ikinabusog naman ng fans sa tawanan, iyakan, at kilig na pangunahing sangkap ng naturang pelikula. Directed by Jade Castro ang My Lady Boss at co-produced ng Regal Entertainment, Inc. at GMA Films.

Libel case vs. Annabelle Rama, na-dismiss na

Christopher De Leon Actor / TV Host / Model c

orangermagazinetv.com

Ritz Azul Actress / Model c

orangermagazinetv.com

Pagbisita kay Bimby, napagkasunduan na

Gaganap kay Pedro Calungsod, misteryo pa rin

JM de Guzman Actor / Model

B

inigyan ng Makati Regional Trial Court Branch 140 ng tatlong araw ang PBA Star na si James Yap upang makadalaw sa anak na si Bimby. Ito ang napagkasunduan ng magkabilang kampo sa isang hearing nitong Hulyo 1 sa ilalim ni Judge Cristina Sulit. Dumating si Kris kasama ang anak na si Bimby, at mga kapatid na sina Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada at Viel Aquino-Dee. Samantala, sinamahan naman ng aktor na si Mike Gayoso ang basketbolistang si James Yap. Matapos ang dalawang oras na hearing, lumabas ang dalawang partido na masaya sa naging desisyon. Pinayagan ng korte si James na dumalaw kay Bimby tuwing Miyerkules, Biyernes, at Sabado. Matatandaang una nang nagpasa ng “Urgent Motion for Provisional Award of Visitation Rights” si James Yap.

M

Annabelle Rama Talent Manager / Actress ph.news.yahoo.com

S

a pag-aayos ng dating aktres na si Nadia Montenegro at talent manager na si Annabelle Rama, ibinasura na ng Quezon City Regional Trial Court Branch 83 ang 14 kaso ng libelo laban sa talent manager. Binaggit din ni Nadia Montenegro sa kaniyang affidavit of desistance na lumitaw lamang ang kaso matapos ang hindi pagkakaintindihan ng dalawang panig at sinabi ring hindi na siya interesadong ituloy pa ang kaso. Matatandaang nagkairingan ang dalawa matapos mag-post umano sa Twitter ng mga mapanirang mensahe si Annabelle Rama bilang ganti sa paratang ni Nadia Montenegro na pinagtatrabaho ni Annabelle ng higit sa 40 oras sa isang linggo ang kanyang mga anak.

entervrexworld.wordpress.com

atapos magback-out ng aktor na si JM de Guzman para sa pelikula tungkol kay San Pedro Calungsod, inaabangan ng mga manonood ang magbibigay-buhay sa binatang Pilipinong santo. Binanggit ng tatay ni JM na si Ronnie de Guzman na hindi makakayanan ng kanyang anak ang role bilang Pedro Calungsod dahil sa kondisyon ng kalusugan. “My son is going through something,” banggit pa ng ama. Entry para sa Metro Manila Film Festival ngayong taon ang San Pedro Calungsod: Ang Batang Martir directed by Francis Villacorte. “I suppose, since we’re telling a story of faith, it takes some kind of faith in the material and in the subject for people to really commit to the finish line,” banggit ni Villacorte sa pahayagang The Philippine Star.

Kapuso Network, may sagot na sa CBCP

c

c

D

alawang linggo matapos umere ang hit primetime show ng GMA 7 na My Husband’s Lover ay umani naman ito ng batikos mula sa Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP), sinagot na ng Kapuso Network ang paratang nito tungkol sa homosexual relationship na ipinangangalandakan umano ng nasabing programa. Tinatalakay ng My Husband’s Lover ang pagtataksil ni Vincent Soriano (Tom Rodriguez) sa kanyang asawa na si Lally (Carla Abellana) sa pagbabalik ng kanyang unang pag-ibig na si Eric del Mundo (Dennis Trillo). Ayon sa Kapuso Network, sa pamamagitan ni Butch Raquel: “GMA Network welcomes the scrutiny of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) of our primetime program ‘My Husband’s Lover.’ We believe that our program while tackling sensitive real-life situations is produced with utmost prudence and in good taste. The Movie and Television Review and Classification Board or MTRCB has given the program an SPG (Strong Parental Guidance) rating and GMA is committed to comply with all its standards.” Samantala, umani naman ng good reviews ang programa sa pilot week nito.


22

August 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Pinoy Films, kasali sa NY Film James Yap, may bagong Festival pag-ibig

L

c

showbiz-portal.com

Jake Cuenca Actor / Model c

entertainment.inquirer.net

imang Filipino films ang kalahok ngayong taon sa 36th Asian American International Film Festival sa New York City mula July 24 hanggang August 3. Kabilang dito ang dalawang Cinemalaya movies na REquieme ni Loy Arcenas at ang short film ni Sheron Dayoc na As He Sleeps. Kasama rin sa line-up ng Pinoy films ang documentary ni Benito Bautista na Harana. Bilang pagkilala naman sa yumaong filmmaker na si Marilou DiazAbaya, ipalalabas din sa festival ang kanyang 1983 film na Karnal. Nagwagi si Diaz-Abaya ng Asian American Media Award noong 2002 na iginawad ng Asian CineVision, ang organizer sa nasabing film festival. Tampok din sa film fest ang isang documentary bilang pag-alala sa yumaong filmmaker. Marilou Diaz-Abaya: Filmmaker at Voyage ang pamagat ng docu na dinirehe naman ni Mona Lisa Yuchengco.

Uge, ka-love team si Jake Cuenca

H

Eugene Domingo Actress / Comedian / TV Host c

entertainment.inquirer.net

indi lamang magandang pelikula ang naihain kay award-winning actress comedienne Eugene Domingo ngayong taon kundi ang pagkakataong makatrabaho ang isa sa Kapamilya hunks na si Jake Cuenca. Magka-loveteam ang dalawa sa upcoming movie na Tuhog na kuwento ng tatlong tao – isang middle aged woman na si Fiesta (Eugene Domingo), isang retired father na si Tonio (Leo Martinez), at isang batang lalaki named Caloy (Enchong Dee). Malalagay sa peligro ang buhay ng tatlo dahil sa banggaan ng dalawang bus, kung saan matutusok ng isang steel bar ang tatlo. Ayon kay Uge, sci-fi daw ang pelikula. “Isa yun sa pinagdasal ko. Sana, kapag pinanood nila, sci-fi. Suspension of disbelief. Ipagdarasal ko nga. Sana nga matanggap,” sabi pa ng comedienne sa panayam ng pep.ph. Kumusta naman ang makatrabaho si Jake Cuenca na ang gaganapin ay boyfriend ni Uge? “Si Jake Cuenca, open. Open siya sa lahat ng posibilidad bilang actor. Very passionate. Magtatagal. He’s more than just a handsome hunk.”

James Yap Basketball Player / Model c

entertainment.inquirer.net

M

atapos mag-post ng basketbolistang si James Yap ng kanyang picture sa Instagram hinggil sa kanyang bakasyon sa Europa, nagulat ang publiko sa kasama niyang isang blond na babae sa naturang larawan. Kamakailan ay kinumpirma ng basketbolista na girlfriend nga niya ang kasama sa larawan. Isang Italian beauty na nagngangalang Michaela ang nagpapatibok ng puso ngayon ni James Yap. Hindi na siya ang nagbanggit ng iba pang detalye tungkol sa kanyang kasintahan pero ang tanging binanggit niya ay very supportive siya sa kanya at alam rin umano niya ang kanyang nakaraan at pinagdadaanan. Recently ay napagkasunduan sa Makati Regional Trial Court ang araw ng pagbisita ni James sa anak na si Bimby at masaya naman siya sa naging desisyon ng korte. Samantala, may balak ba siyang ipakilala ang new girlfriend kay Bimby? “Ang iniisip ko muna (ay) kung paano ko (makaka-bonding) ‘yung anak ko. ‘Di ko pa iniisip kung ipakikilala ko siya.”


23

August 2013

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Alesandra, pang-international ang galing

U

maarangkada ngayon ang karera ni Alesandra de Rossi. Katunayan, bukod sa mga local projects ng aktres, busy ang aktres sa ginagawang international film na kanyang pinagbibidahan. Ang Korean film na “The Mango Tree” ay kasalukuyan ngayong tinatrabaho ng award-winning actress with director Lee Soo Sung. Hangang-hanga naman ang aktres sa professionalism ng mga katrabahong Korean nationals. Ani Alex, metikuloso at istrikto sa oras umano ang mga ito. Bukod sa naturang proyekto, may Cinemalaya Entry rin siyang pinagbibidahan – ang “The Liars.” Pumirma rin uli siya ng exclusive contract sa mother network nito, ang GMA Network.

Alessandra De Rossi Actress / Model c

mahalo.com

Ai ai, nakarekober na sa pagsubok

M

alaki umano ang naitulong ng pamamasyal ni Comedy Concert Queen Ai ai delas Alas kasama ang kanyang mga anak sa US para makabangon sa mga pagsubok na pinagdaanan ng aktres. Matatandaang, naging kontrobersiyal ang maagang pakikipaghiwalay ng aktres sa kanyang asawa sa loob lamang ng isang buwan. Di-umano’y sinasaktan daw kasi siya ng kanyang napangasawa, kaya umiiyak na nagpainterbyu ang komedyante sa The Buzz kamakailan. Samantala, napabalita namang walang entry na pelikula si Ai ai sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013, bagay na ikinalungkot ng marami.

Zsa Zsa: "I miss you, Lovely ko"

Ai Ai De las alas Actress / TV Host / Comedian / Singer c

mahalo.com

Marian Rivera, FHM Philippines' Sexiest

H

inirang ng men’s magazine na FHM Philippines si Marian Rivera bilang “Sexiest Woman in the World” ngayong 2013 matapos makakuha ng 890,490 votes. “I’m back!” pabirong deklarasyon ng 28year old actress na bida sa hit romantic comedy film na My Lady Boss. Second time na ng Kapuso primetime queen na makuha ang titulo. “Wala akong inaasahan,” banggit ng sexy actress sa panayam ng Sunday Times Magazine. “Hindi ko naman masasabi kung no. 1 ka at hindi maganda sa babae ang umaasa. Mas maganda ‘pag binigay na siya sa iyo ng kusa, at ang importante ang boto ng mga tao sa iyo,” dagdag pa niya. Rumampa noong July 10 si Marian para sa victory party to celebrate the FHM 100 Sexiest Women in the World.

Marian Rivera Actress / Model / Singer / TV Host c

modelsorg.com

Agot Isidro: Normal magpatingin sa psychiatrist

I

Agot Isidro Singer / Actress c

entertainment.inquirer.net

namin ni Agot Isidro na nagpapatingin siya sa isang psychiatrist. “It’s just like seeing your ENT (ear, nose and throat) doctor or cardiologist,” banggit ng aktres sa isang panayam ng Inquirer. Gagampanan ni Agot ang isang schizophrenic sa pelikulang Anino ng Kahapon, directed by Alvin Yapan. Tungkol ang pelikula sa isang mag-anak na nahaharap sa pagsubok nang maging schizophrenic ang ina na si Irene (Agot Isidro) sa paglipad ng kanyang asawa (TJ Trinidad) patungong Saudi Arabia. The [test] is to portray the character as honestly and as truthfully as possible, without going overboard or appearing like you’re crazy. There’s this really difficult scene … the people around me were worried because I couldn’t stop shaking and sobbing afterwards,” banggit ng mahusay na aktres. Ipalalabas ang Anino ng Kahapon sa Oktubre sa selebrasyon ng Mental Health Month.

G

inunita nitong Hulyo 10 ang isang taong anibersaryo ng pagkamatay ng beteranong komedyante na si Dolphy. Iba-ibang TV shows din ang nagsilbing tribute para sa namapayapang Comedy Film. Ano naman kaya ang mensahe ni Zsa Zsa Padilla para sa kanyang Lovey? Sa kanyang Instagram ng araw na iyon, narito ang mensahe ng singer-actress: “Ngayon ang first death anniversary ni Dolphy. Ang bilis talaga ng panahon. Kindly offer a little prayer for him. We all miss him dearly. Pero ang kanyang alaala ay patuloy na buhay sa ating puso. I miss you, Lovey ko.”

Toto Villareal, bagong MTRCB Chief

N

aunang naging kahalili ni senator-elect Grace PoeLlamanzares sa pamumuno ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) noong Nobyembre 2012, abalang-abala ang bagong MTRCB Chief sa mga programa ng ahensya para sa pagbibigay-kaalaman sa publiko tungkol sa mga layunin at proyekto ng MTRCB. Pinangungunahan ngayon ni MTRCB Chief Eugenio “Toto” Villareal ang information campaign na “Matalinong Panonood para sa Pamilya ni Juan at Juana” upang maipaliwanag ang rating system ng MTRCB sa mga Pilipino. Naging abala rin ang MTRCB Chief sa paglulunsad ng Child Summit nitong Hulyo 17 sa Balay Kalinaw, University of the Philippines Diliman. Quezon City. Workshop ito para sa mga miyembro ng pamilya at mga miyembro ng media. Marami pang balak si Chief Villareal para mas mailapit ang mga layunin ng MTRCB sa publiko. Kilalang abogado at propesor sa Ateneo College of Law ang MTRCB Chief. Ayon pa sa kanya sa pahayagang Inquirer, “I’m more active now than I was as a lawyer. This position is definitely a challenge. I have to walk my talk.”


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.