PNOY: PORK BARREL KING
FREE NEWSPAPER
October 2013 Second Issue
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
P2
FILIPINOS 2013 MISS
WARMLY WELCOME WORLD MEGAN YOUNG RUSSIAN MISSILE PINANGANGAMBAHAN NG U.S.
A
ng pagbuo ng bagong "missile defense radar" ang inaatupag ngayon ng Russian military sa katimugang bahagi ng Russia. Malapit ang lugar sa himpilan ng mga military officials ng U.S. at pinangangambahan na ang Moscow ay nagbubuo ng pang-depensa at pang-opensa na sa huli ay gagamitin para maparalisa ang buong hukbong-sandatahan ng Amerika. Ayon sa isang U.S. official “the large radar station near Amavir, located near the Black Sea and designed to detect missiles launched from Europe and Iran is nearly complete”. “The radar deployment comes as Russia is seeking legal restrictions on U.S. and NATO missile defenses in Europe that are designed to protect the continent and the United States from long-range Iraninan missiles” dagdag pa niya. Bali-balita rin na sinimulan ng ipagbawal ng Russia ang paglalathala ng mga larawan ng kontrobersyal na Yars-M missle pati na rin ang pinakabagong missile ngunit nailathala ito noong nakaraang taon.
PANAWAGAN NI ROBIN, MASS RESIGNATION SA SENADO
H
IKA NGA NI KONSUL
indi na mapigilan na maglabas ng kanyang saloobin ang aktor na si Robin Padilla hinggil sa isyu ng Disbursement Acceleration Program o DAP kung saan tumanggap 'di umano ng milyung-milyong pondo ang mga kawani ng gobyerno kabilang na rito si Senate President Fanklin Drilon. Nauna nang ipinihayag ni Padilla ang kanyang himutok na pababain sa nasabing pwesto ang senador at sumunod na rin ang mga nasasangkot sa maanomalyang pork barrel scam. Ayon pa sa tinaguriang “Bad Boy of the Philippine Cinema”, dapat magkaroon ng delicadeza at maging ehemplo ang mga mambabatas, mapa-senador man o ang mga nasa mababang kapulungan sa sambayanang Pilipino. Iginiit pa niya na dapat magbitiw sa kanikanilang puwesto ang lahat (mga nadawit man o hindi ang pangalan) sa kontrobersya.
Aniya : “Dahil nasa iisang bahay, kapag marumi at mabaho ‘yan, tayong lahat maglilinis ng bahay. At karangalan ito sa mga walang kasalanan”.
TARA-LET's
Pinoy-BIZZ
P5
PAHINA 3
P7
TARA SA MT. TARAK
DEREK AT CRISTINE SPLIT AGAD!
Pinoy-local 2
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 2
OCTOBER 2013 SECOND iSSUE
B
MULA P1...
alik ‘Pinas na ang kauna-unahang “title holder” ng Miss World mula nang sumali ang Pilipinas sa patimpalak 63 taon na ang nakalipas, na si Megan Young. Sa airport pa lamang ay naging mainit na ang pagtanggap ng kanyang mga proud kababayan. “I’m very happy to see people…this victory is not just for me. This is a victory for the Filipino as well”. Sampung araw mula nang manalo bilang Miss World 2013 ang actress/host-turned beauty queen ay nagtungo siya sa London, England kung saan nakabase ang Miss World pageant. Tinalo ni Megan ang 126 aspiring Miss World contestants na ginanap noong Setyembre 28 sa Bali, Indonesia. Inaasahan na magbabase nang isang taon habang siya pa ang reyna, sa London si Megan para sa mga obligasyon niya bilang Miss World. Kasama
M PNOY... mula P1
ula nang magmatigas si Pangulong Noynoy Aquino hinggil sa tuluyang pagtatanggal ng maanomalyang pondo, tinagurian na itong Pork Barrel King ng militanteng grupo na Bayan. Ayon kay Renato Reyes Jr, Bayan secretary general, karapat-dapat lamang tawaging Pork Barrel King si PNoy dahil tumanggi ito na tuluyang iabolisa ang nasabing pondo na walang pinag-iba sa mga nakaraang rehimen kung saan nagkamal din ng milyun mula sa buwis na binabayaran ng taong bayan na kung 'di sana’y para sa mga proyektong ang mamamayan
sa kanyang listahan ang pagdalaw sa iba’t ibang bansa kung saan may mga charity ang Miss World Organization. “We’re actually going to a fundraising event in New York. And then we’re going to Haiti after that. We’ll stay there for six days”. Tiyak na magiging busy si Megan sa mga darating na araw kung kaya’t hindi niya sasayangin ang pagkakataon habang nandito pa siya sa ating bansa na makapiling at mayakap ang kanyang mga kapuso, kapamilya at mga kapatid sa loob at labas ng industriya. “I wish you will see that Miss World is not just about the crown. It’s about the big heart that it is showing to all the world.” Ta l a g a n g h i n d i m a t a t a w a r a n a n g a n g k i n g kagandahan ng ating Miss World panloob man o panlabas. dapat ang makinabang. Hinikayat din ni Reyes ang publiko na nakiisa sa Million People March noong nakarang Oktubre 4 na ginanap sa kahabaan ng Ayala Avenue, na huwag tumigil sa paghahanap ng katotohanan at panagutin ang mga may sala sa kontrobersyal na pork barrel scam. Sa kabilang banda, iginiit ni PNoy na ang Disbursement Acceleration Program ay naaayon sa saligang batas. Ayon pa sa palasyo, kasama nang tinanggal sa sistema ng gobyerno ang DAP mula nang ibasura ang PDAF noong nakaraang Agosto.
JEANE NAPOLES KINASUHAN ng tax evasion
N
aghain na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) noong nakaraang Oktubre 10 ng kasong “tax evasion” laban sa anak ng tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles. Aabot sa halos P32 milyon ang kabuuan ng kailangang bayarang tax and liabilities ni Jeane Napoles sa BIR. Ayon kay BIR Commisioner Kim Henares, ang nasabing tax ni Jeane ay mula sa mga kumpirmadong properties na pagmamay-ari ng huli. Ang isa rito ay unit sa pamosong Ritz-Carlton Condominium sa Los Angeles, California na nagkakahalaga ng P54.75 million at isang farm sa Bayambang, Pangasinan na
P1.49 milyon ang presyo. Iginiit ni Henares na hindi nagawang ideklara ni Jeane ang kanyang income tax para sa taong 20112012 kung saan magpapatunay na may kakayahan siyang mabili ang mga ari-arian na ito o maideklara na ito’y regalo sa kanya. Gayunpaman, kung ang mga ito’y regalo sa kanya, nararapat pa rin na magbayad ni Jeane ng kaukulang buwis para rito. Sa kabilang banda, nauna nang makundina si Jeane nang kumalat sa kanyang instagram account ang di umano’y larawan niya na nasa isang bathtub na puno ng pera. Ngunit ayon na rin sa pag-iimbestiga ang babae sa nasabing larawan ay hindi si Jeane.
De La Salle Green Archers is UAAP Season 76 Champion
N
DAP LEGAL NGA BA O HINDI?
M
ainit pa rin ang usapin hinggil sa isyu ng Disbursement Acceleration Program o DAP kung ito nga ba ay legal o hindi. Iginiit na noong una ni Pangulong Noynoy Aquino na ang nasabing pondo ay naaayon sa Saligang Batas. Ito ang pondong inilalaan na ibinibigay sa mga mambabatas para matulungan ang ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga proyekto ng gobyerno. Ngunit para kay Senator Mirriam Defensor-Santiago, ang nasabing paglalabas ng DAP ay illegal sapagkat hindi ito kabilang sa idineklarang budget ng 2011 o 2012. Ayon pa sa senadora, ang pondong ito ay kinuha mismo sa mga hindi pa natatapos na mga proyekto ng gobyerno na hindi pa
rin kumikita. “Maaari lamang maglipat ng pondo o fund transfer kung mayroong mga ‘savings’ mula sa mga natapos na proyekto ng gobyerno” dagdag pa ng senadora. Sinang-ayunan naman siya ng dating senador na si Joker Arroyo, ayon sa kanya “this is their (DBM) own creation and I got involved in this because of the 47 million pesos requested”. “Being a creation of the department, that (DAP) is illegal. And disbursements of that would also mean illegal”, dagdag pa niya. Ngunit ayon kay Deputy Presidential S p o k e s p e r s o n A b i g a i l Va l t e , a n g paglalabas ng DAP ay may basehan at ito ay ayon sa Article VI, Section 25 (5) ng Saligang Batas at Chapter 5, Book VI, Sections 39 at 49 ng Administrative Code.
asungkit ng De La Salle Green Archers sa pamumuno ni Coach Juno Suller ang kanilang ika-19 na kampyonato laban sa UST Growling Tigers na pinamumunuan naman ni Coach Pido Jarencio, noong Oktubre 12, 2013 sa MOA Arena. Simula palang ng laro ay naging mainit na ang bawat koponan. Sa sobrang dikit ng laban ay halos walang pumupuntos sa magkabilang team dahil na rin sa higpit ng depensa ng bawat isa. Naging makasaysayan ang laban sa pagitan ng archers at tigers dahil na rin sa magkapatid na Jeric (UST) at Jeron (DLSU) Teng, anak ng PBA legend na si Alvin Teng. Mas lalong uminit ang labanan nang ma-foul ni Jeric Teng ang nakababatang kapatid na si Jeron at tuluyan mamilipit dahil nagsimula na itong pulikatin. Hindi naman maiaalis ang lukso ng dugo sa pagitan ng magkapatid dahil pansin sa mukha ng mas matandang Teng ang pag-aalala sa kapatid nang bumagsak ito. Halos hindi makahinga ang bawat manonood nang magsara ang 2nd half sa 65 all na nagdala para magovertime ang laro. Inabot ng dalawang minuto bago unang naka-score ang De La Salle na naging hudyat para tanghalin sila na UAAP 2013 Champion. Bagama’t luhaan si Jeric Teng dahil ito na ang kanyang huling paglalaro sa amateur basketball, agad naman siyang niyakap ng nakakababatang kapatid na si Jeron. Nagtapos ang serye sa 71-69 at tinanghal na Finals MVP si Jeron Teng.
pinoy-global 3
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 3
OCTOBER 2013 SECOND iSSUE
myanmar president is the next asean chairman
I
tinalaga si Myanmar President Thein Sein bilang susunod na chairman ng ASEAN Summit noong nakaraang October 10 para sa pagtatapos ng 23 rd ASEAN Summit na ginanap sa Bandar Seri Begawan, Brunei. Sa pagtatapos ng naturang pagpupulong ay inilipat ni Brunei Sultan Hassanal Bolkiah ang pangangasiwa ng susunod na Asean Summit. Sa nasasabing pagpupulong ng mga bansa sa TimogSilangang Asya ay tinalakay nila ang mga pangunahing suliranin ng bawat bansa kung saan ang kakulangan ng trabaho ang nangunguna rito.
I
Ang 23rd ASEAN ay dinaluhan ng mga sumusunod: Benigno Aquino – Philippine President Lee Hsien Loong – Singapore Prime Minister Yingluck Shinawatra – Thailand Prime Minister Nguyen Tan Dung – Vietnam Prime Minister Ban Kimoon – United Nation’s Secretary General Hassanal Bolkia – Brunei Sultan Thein Sein – Myanmar President Hun Sen – Cambodia Prime Minister Susilo Bambang Yudhoyono – Indonesia President Thongsing Thammavong – Laos Prime Minister Najib Razal – Malaysia Prie Minister Manmohan Singh – India Prime Minister Li Keqiang – China Premier Shinzo Abe – Japan Prime Minister Park Geun-hye – South Korea President John Kerry – U.S. Secretary of State
TEENAGER PINATAY NG SARILING STALKER
sang 18 years old na babae ang walang awang pinagsasaksak noong Oktubre 9, Martes ng gabi sa Mitaka, Tokyo. Sinasabing humingi ng tulong ang dalaga umaga ng araw na iyon sa mga kapulisan hinggil sa kanyang stalker, na pina ngangambahan na papatay sa kanya. Ayon sa mga pulis, si Saaya Suzuki, ay inatake bandang ala-singko ng hapon sa kalsada ng Inokashira na halos harap lamang ng bahay ng biktima. Bagama't narinig ng mga kapitbahay ang sigaw ng dalaga ay natagpuan na itong naliligo sa sarili niyang dugo habang suot pa ang kanyang uniporme. Agad naman siyang dinala sa ospital ngunit bunga ng tinamong saksak sa tiyan at leeg ay agad itong binawian ng buhay. Ang naturang suspek sa karumal-dumal na krimen at pinaghihinalaang stalker ng dalaga ay walang iba kundi ang dati nitong kasintahan na si Charles Thomas Ikenaga na 21
years old lamang. Inamin naman ng binata na mula nang maghiwalay sila ni Suzuki, anim na buwan na ang nakalipas ay lagi na itong may dalang kutsilyo at intensyon na patayin ang dating kasintahan. Ika-9 ng umaga, araw ng Martes ng sinamahan ng mga magulang niya sa pulisya si Suzuki. Dahil na rin sa ginagawang pagmamatyag ni Ikenaga sa kaniya. Humingi rin ng tulong ang dalaga sa principal ng kanilang paaralan dahil na rin sa mga emails at death threats na natatanggap niya mula sa dating kasintahan. Bagama’t pinayuhan ang dalaga ng kapulisan na dalhin ang kopya ng mga emails at death threats sa kanilang tanggapan upang pormal na maghain ng kaso ay huli na ang lahat dahil kinagabihan ng araw na iyon na napatay na si Suzuki nang dating minamahal.
MIZUHO NAGPAUTANG SA YAKUZA
ika nga ni konsul
ni Consul- General Marian Jocelyn R. Tirol-Ignacio
K
ayo po ba ito? Marami ho ang nagtatanong sa Pasuguan ng Pilipinas: “Kailangan po nga ba naming magparehistro ng kapanganakan, pagpapakasal o di kaya’y pagkamatay ng isang Pilipino kahit naninirahan na sa ibang bansa?” Ang kasagutan: “Opo! Ito ay naaayon sa batas ng Pilipinas at para din sa kapakanan ng ating mga kababayang Pilipino, naninirahan man sila sa Pilipinas o sa ibang bansa. Noong 26 ng Nobyembre 1930 ay naipasa ng Pamahalaan ng Pilipinas ang Civil Registry Law (Act No. 3753). Alinsunod sa batas na ito, lahat ng Pilipino ay obligadong magparehistro sa Palistahang Sibil (Civil Registration) ng mga mahahalagang kaganapan sa kani-kanilang buhay, mula sa pagsilang hangang sa pagkamatay. Kabilang sa mga mahahalagang mga kaganapang ito ay ang pagsilang, pagpapakasal, pagkamatay, paghihiwalay, pag-aampon atbp. Kung ang mga mahahalagang pangyayaring ito ay naganap sa ibang bansa, nangangailangang magbigay-ulat sa Pasuguan o Konsulado ng Pilipinas na may-saklaw sa mga lugar kung saan ang mga pangyayaring ito ay naganap. Ang pagpapatala ng mga ito sa Palistahang Sibil ay mahalaga sapagkat ito ay maitatala sa dokumentong pampubliko at magsisilbing opisyal na patunay sa mga kaganapang nakaulat dito, pati na sa kalagayang sibil o “civil status” ng isang tao. Sa Ulat ng Pagsilang nakabatay ang pagkakakilanlan ng isang tao. Ito ay patunay ng kaangkanan at gulang, at siyang batayan ng pagkamamamayang Pilipino at pagkakaloob ng pasaporte. Ang Ulat ng Pagkasal naman ay patunay na legal ang isang kasal at sa mga legal na pananagutan ng mag-asawa. Samantala, ang Ulat ng Pagkamatay naman ay mahalaga para sa mga usaping may kinalaman sa mga tagapagmana, o di kaya ay sa mga balo na ibig magpakasal muli balang araw. Lahat ng mga Ulat sa Palistahang Sibil ay bukas sa publiko, maliban lamang sa Ulat ng Pagsilang. Ang Ulat ng Pagsilang ay kompidensyal at maaari lamang hingin ng magulang, asawa, anak o kaya ay legal ng kinatawan at iba pang taong kinikilalalang may kaukulang karapatan na pagkalooban nito. Lahat ng Pilipino ay inaanyayahang magparehistro sa Palistahang Sibil ng Pasuguan ng Pilipinas. Huwag ho nating ipagwalang-bahala o ipagpaliban ito, ng tayo’y maka-iwas sa mas malaking suliranin. Ang kagyat na pagpaparehistro ay sa ikapapanatag din ho ng inyong isip at buhay at ng ng inyong mga mahal sa buhay, habang kayo’y naninirahan sa ibang bansa. Tandaan - kapag ayon sa batas, lutas!
MISS universe kinasuhan sa india
I
namin ng pinuno ng Mizuho Financial Group na kanilang nababatid na sa nakaraang tatlong taon ay nagawa nilang magpautang sa mga tinaguriang gangster ng Japan. Umabot nang halos 200 million yen ang naipautang sa mga “anti-social forces” na karaniwang tawag sa mga Yakuza o gangs sa Japan. Itinanggi noon ni Satoru Nishibori, one-time president ng Mizuno na may ganitong transaksyon na nangyayari. Ngunit noong nakaraang Oktubre 9, 2013 ay inamin ni Yasuhiro Sato, Mizuno Financial Group president na siya at ang iba pa ay nag-appraise ng kahina-hinalang transakyon sa bangko ng mga miyembro ng “Japan underworld”. Dahil dito isang namumula at nahihiyang Nishibori ang humarap sa media at inaming may naganap na pagpapautang sa mga Yakuza simula pa noong taong 2010. Aniya “I was also in a position to be aware of this problem.” Ngunit para kay Sato hindi niya maiiwasang sabihin na ang antas ng kanilang pagkilala at pagkamapagdamdam ay napakababa kung kaya’t hindi niya maaring sabihin na hindi siya responsable sa mga ito. Dagdag pa niya, hindi siya aalis sa kanyang puwesto bilang bahagi ng financial group na ito kundi bababa siya sa puwesto niya sa gobyerno bilang “council for industrial competitiveness”. Sa kabilang banda, ang Financial Services Agency ay nagpauna nang gumawa ng hakbang para maresolba ang nasabing isyu.
N
ahaharap ngayon si Miss Universe Olivia Culpo sa isang kaso pagkatapos niyang mag-photoshoot sa tinaguriang “monument to love” sa buong mundo ang Taj Mahal. Sinasabing isang pang-iinsulto sa nasabing monumento ang nasabing footwear fashion shoot na ginawa para sa 10 araw na pananatili nila sa bansa. Mahigpit kasing ipinapatupad ang pag-aalis ng kasuotang panyapak sa tuwing bibisita rito. Itinayo noong 1648 ang Islamic mausoleum na ito sa pangunguna ni Mughal pinuno ng Shah Jahan Jahan para sa kanyang nasirang asawang si Mumtaz Mahal. Ayon sa tagapagbantay ng Taj na si Munazzar Ali, ang ginawang photo shoot ng grupo ni Culpo ay
isang kalapastanganan at pag-iinsulto sa isa sa mga sagradong lugar sa India. “There are strict guidelines against any sort of branding and promotion at Taj Mahal and the photo shoot conducted was without prior permission” giit ni N.K. Pathak ng Agra unit of Archaeological Survey of India (ASI). Kasama rin sa kinasuhan ang Indian-born fashion designer na si Sanjana Jon na siyang umalalay kay Miss Universe sa lugar. Lingid sa kaalaman ni Culpo, nagawa pa nitong mag-post ng kanyang larawan sa kanyang Instagram account pagkatapos ng kanyang Agra visit na naging hudyat ng batikos at reklamo mula sa India.
pinoy community 4
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 4
OCTOBER 2013 SECOND iSSUE
"SELEBRASYON" ni oyee barro
Distributer: Publisher:
Chief Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 hioyee_mla@yahoo.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Phoebe Dorothy Estelle JM Hoshi
K
atatapos lang ng isa sa pinakamalaki at napakasayang piyesta ng mga Pilipino rito Japan. Ito ay ang Philippine Barrio Fiesta na ginanap noong Setyembre 28-29, 2013 sa Yamashita Park, Yokohama. Dalawang araw na nagkasama-sama, nagdiwang at nagkita-kita ang ating mga kababayan sa isang nakapakalaking "Selebrasyon."
FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT
jaggeraziz@gmail.com
The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.
Telephone: 03-5611-8044 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com
Ang selebrasyon na ito ay dinaluhan nang mahigit sa 50,000 bisita na galing pa sa iba’t ibang parte ng Japan. Hindi lamang mga kababayang Pilipino, kundi marami rin ang pumuntang taga-ibang bansa gaya ng mga Amerikano, Tsino, atbp. Sinasabing ang Philippine Festival na ito ang isa sa pinakamalaki at matagumpay na proyekto ng Filipino Community na sinuportahan ng Embahada ng Pilipinas. Para sa mga hindi pa nakakaalam ang siyudad ng Maynila at Yokohama ay sinasabing “Sister Cities” o magkapatid na siyudad. Ang dalawang araw na pagdiriwang na ito ay ginanap upang ipakita at ipakilala ang kultura, Sining, Musika,
dekalibreng produktong, iba’t ibang lutuin at kaugaling Pilipino gaya ng mahusay na pakikitungo o pakikipagkapwatao. Ito ay dinaluhan ng mga katangi-tanging mga Pilipino na may talent sa pag-awit, pagsayaw at pagmomodelo na pawang mga naninirahan dito sa Japan. Ang mga kasuotan ay gawa ng dalawang mahuhusay na mananahi na galing pa sa Maynila na sina Philip Torres at Frederic Policarpio. Ipinakilala rin ang kauna-unahang Mutya ng Phil Barrio Fiesta. May mga artista o celebrities din na lumipad pa galing sa Pilipinas upang dumalo at magbigay kasiyahan gaya ni Martin Nievera na dala ng pangunahing sponsor nito ang Metrobank. Naroon din sina Gabby Concepcion na dala naman ng Western Union na isa sa mga minor sponsor, Doris at Sabel ng TFC Japan, Andrew E at si Joshua Disederio. Ang isa sa mga highlight ng selebrasyon, ay ang pagsama ng Mayor ng Yokohama na si Madam Fumiko Hayashi at ang Mayor ng Maynila, ang dating Presidente ng Pilipinas, si Honorable Mayor Joseph Ejercito Estrada. Marami ang nagtanong kung bakit si Mayor Erap pa ang inimbitahan na kung saan ito ay nagkaroon nang malalaking kaso hinggil sa pagkamkam ng kaban ng ating bayan na hanggang ngayon ay hindi pa nalulutas. Ayon sa isang tao na aming nakapanayam, simple lang ang naging sagot niya, “Si Mayor Erap ang kasalukuyang nakaupo bilang Mayor ng Maynila kaya irespeto natin ang desisyon ng mismong mga tagaMaynila. Sa ngayon, abangan natin ang mga kaganapan sa Maynila sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Erap Estrada.
TARA-LET'S 5
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 5
OCTOBER 2013 SECOND iSSUE
TARA LET'S SA TARIK NG
MT. TARAK
ni IRENE B. TRIA ahil extreme sports ang hanap namin, nangunguna sa aming listahan ang pagsubok sa climbing o hiking. Sa umpisa ay simpleng yayaan lamang sa aming grupo ito pero dala ng aming kagustuhan na subukan ang extreme sport na ito ay sineryoso namin. Dahil na sa aakyatin namin ay ang Mt. Tarak, Level 4 Climb para sa mga professional mountainer, ay naging maingat kami lalo na't kalahati sa aming pangkat ay baguhan.
D
Isang linggo bago ang nasabing mountain hiking sa napakatarik na Mt. Tarak na matatagpuan sa Alasasin, Mariveles Bataan napagpasyahan ng grupo na magkaroon muna ng “day hike” sa 'di kalayuang probinsya ng Bulacan para sanayin ang kani-kaniyang mga binti sa matagalang lakaran at akyatan na haharapin namin para marating ang tuktok ng Mt. Tarak. Maagang umalis ang grupo dala ang kani-kaniyang baong mga pagkain at tent. Pinakaimportante na makapagdala ng kahit dalawang litrong tubig dahil may madadaanan namang ilog paakyat ng bundok na pwede mong pagkunan ng inuming tubig dahil galing ito sa bukal na nagmumula sa tuktok ng bundok. Mainam din na magdala ng mga matatamis (chocolates o candies) para sa sugar rush na malaki ang maitutulong para magkaroon ng lakas at hindi gutumin. Tinatayang apat na oras mahigit pa ang ginawa naming pagha-haking, hindi pa kasama rito ang oras ng pagpapahinga. Sa simula ng aming pag-akyat ay patag ang aming nilakaran, nagsimula lang ang hamon ng hiking nang nadaanan na namin ang mga matataas na talahib na lagpas tao kaya naman pinapayong ang mga aakyat na magsuot ng damit na may mahabang manggas bilang proteksyon na rin sa init at sa mga damo. Dahil sa tarik ng Mt. Tarak ang tanging makakapitan lamang pag-akyat ay mga ugat at sanga ng mga naglalakihang puno. Bago makarating sa galugod ng Tarak ay mahihirapan ang pag-akyat sa mga madulas at mabatong lupa na kakailangin nang matinding pagbabalanse dahil bangin ang mahuhulugan sa oras na magkamali ng apak at madulas. Pagdating ng galugod, doon palang napawi ang aming pagod dahil naranasan na namin ang “cloud seeding” kung saan kapantay na ang kaulapan sa taas ng aming kinatatayuan. Ang akala namin noo’y makukutento na kami sa ganda ng aming nakikita. Higit pa pala ang aming mararamdaman sa pagakyat namin sa pinaka-tuktok o “summit” ng Mt. Tarak.
Talagang namangha kami sa likas na yaman ng ating bansa, dahil bago makarating sa summit ay inakyat namin muna ang isang kagubatan o ang tinatawag na “rain forrest”. Madulas ang mga tatapakan na puno at bato rito epekto ng hamog na talaga naman napakasarap sa pakiramdam ang lamig na naidudulot nito. Pagdating sa itaas, bumulaga sa amin ang napakagandang tanawin na aming ipinagpapasalamat dahil may natitira pang ganitong biyaya ang ating May Kapal para sa ating lahat. Kung ang “My Sassy Girl” ng Korea ay may “Sassy Girl Tree” nakakagulat na ang Mt. Tarak ay may sariling bersyon nito. Walang sinuman ang umakyat na hindi nagpakuha ng litrato sa punong ito. Kaya kapag nakakita ka ng litrato ng “Sassy Girl Tree” nakatatak na ito sa tarik ng Mt. Tarak. Ang gagastusin sa extreme adventure na ito ay halos nasa Php2000 lang. Php 1000 para sa pamasahe sa bus at registration fee at ang natitirang Php 1000 naman ay para sa pagkain na babaunin mo sa buong pag-akyat.
MAG-DUNE BASHING SA
LA PAZ, LAOAG TEXT AND PHOTOS BY JANE GONZALES
K
B
alwarte ng angkan ni dating Presidente Ferdinand Marcos at lugar kung saan na sikat na sikat ang Bagnet, ito ang mga katagang maikakabit sa maunlad na bayan ng Laoag, Ilocos Norte. Pero ang isa
pang hindi dapat palagpasin sa pagbisita rito ay pagpunta sa La Paz Sand Dunes, ang perpektong setting para makapag-sand boarding, kite flying at s'yempre ang dune bashing. Lalo na sa mga mahihilig sa extreme sports, amusement ride o makapigil-hiningang aktibidad, hindi mababalewala ang pagdayo sa bahaging ito ng Paoay,Laoag. Sa malaparaisong baybayin nito kasi ay aakalain mong nasa disyerto ka ng Dubai, UAE (United Arab Emirates) pero may kay lapit-lapit na mapangakit na dagat. Upang mag-enjoy dito, s’yempre unahin na ang pagsubok sa dune bashing gamit ang 4 x4 truck. Sa subok na karanasan ng driver at kondisyon ng mga narerentahang truck sa lugar na may Php2500 – Php3000 kada anim na tao (base noong 2012) ay puwede nang danasin ang patalon-talon at taas-babang “joyride” na ito na talaga namang sinusubok ang natural na katangian ng buhangin. Bakit mas masaya ito sa pagsakay sa Ferris wheel o roller-coaster? Iba ang dampi ng sariwang hangin na iyong malalanghap. Naroon din ang kaisipang talagang tumatawid kayo sa nakakatakot na pakurba-kurbang buhanginan. Kung may snowboarding at wakeboarding, mayroon din namang sandboarding na puwedeng –puwedeng gawin sa La Paz Sand Dunes. Kasama na ito sa package ng pagrenta ng 4x4 truck at talagang may pook dito na mainam na mag-isang balansehin ang sarili habang nagpapadulas sa buhanginan gamit ang board. Maliban sa mga nabanggit na aktibidad, maaari ring gawin ang kite flying, stargazing, windboarding at iba pa sa La Paz Sand Dunes. Tiyak na magandang paksa rin ang lugar para sa photography at travel journal lalo pa nga’t sikat din itong setting ng mga pelikula. Katunayan, matutuwa ang mga Noranians ni Superstar Nora Aunor at fans ni Da King Fernando Poe Jr. dahil sa paligid din nito kinuha ang mga pelikulang Himala at Ang Panday.
OCTOBER, "INDIGENOUS PEOPLES MONTH"
ahit may naidagdag, naihalo, at pagbabagong naganap, ika nga ay lalabas at lalabas pa rin ang katutubong katangian ng mga Pilipino. Ngayong Oktubre ay muling kikilalanin at ipagdidiwang ang sari-sari at natatanging katutubong Pinoy dahil ito ang buwan na kung tawagin din ay “Indigenous Peoples Month. Batay sa Presidential Proclamation 1906, noong 2009, ang Oktubre ay “the month of people’s participation in the celebration and preservation of Indigenous Cultural Communities as part of the Life of the Nation.” Bilang tugon sa batas na ito kaya nagkaroon ng taunang “Dayaw Festival” na pinangungunahan ng Subcommission on Cultural Communities and Traditional Arts (SCCTA) ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA) sa liderato ni Gng. Joycie Dorado-Alegre. Ang Dayaw 2013 ay magtatampok ng palabas, pelikula, fashion show ng authentic indigenous wear, pista ng pagkain at cooking demo. Mayroon ding exhibit ng vernacular architecture, ritwal, talakayan, palaro, arts and crafts exhibit, cultural tours at marami pang iba. Idadaos ito sa Tacloban, Leyte, mula Nobyembre 27 hanggang 30, 2013 sa pakiki-
pagtulungan kina Governor Dominic Petilla at ng Leyte-Samar Heritage Society, Inc. Kung nais mong alamin ang iba’t ibang katutubo sa bansa, ang Dayaw Festival sa Leyte ay magandang pagkakataon upang mas ma ging kapana-panabik at makulay ang iyong paglalakbay. Matutunghayan dito ang mga Gaddang, Isinay, Tinggian, Itneg, Ibanag, Yogad, Itawit, Malaweg, Ivatan, Bugkalot, Isnag, Kalinga, Ifugao, Ibaloi, Kankanaey, Balangao, Bontok, Applai, Ayta, Mangyan, Palawani, Molbog, Jama Mapun, Tagbanua, Pala’wan, Batak, Cuyunon, Agta, Ati, Panay Bukidnon, Waray, Abaknon, Yakan, Subanen, Manobo, Higaonon, Bagobo, Mandaya, Mansaka, B’laan, Sangir, Ata Manobo, T’boli, Teduray, Arumanen, Mamanwa, Maranao, Magindanao, Iranun at Tausug. Isang naiibang uri ng kapistahan ng kultura, ang pagsama sa Dayaw Festival ay malaki at makulay na pagdiriwang na nanghahalina sa lahat na makadaupang palad ang mga katutubo, alamin ang kanilang tradisyunal na kultura at magkaroon ng kamalayan sa sariling pagkakakilanlan.
pinoy na pinoy 6
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 6
OCTOBER 2013 SECOND iSSUE
Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22
Sa puso nanggagaling ang iyong inspirasyon para maging masaya at magpasaya. Bigyan ito ng pagkakataon na makapagpahinga sa Taurus - April. 21 - May. 21 stress na dala ng poot, selos, at inggit. Iwaksi ang negative Oras ang kailangan mo para sa iyong sarili vibes na iyong nararamdaman sa simpleng paraan- lumayo upang manatili ang iyong gana. Hindi ito madali ka at humanap ng makakausap na magbibigay sa iyo ng sa ngayon dahil sa dami ng iyong inaatupag. patas na payo. Puwedeng ito ay ang nami-miss na kaibigan Pero sa tamang pag-oorganisa ng bawat aspeto ng buhay gaya sa ibang bansa o isang batang paslit na sadyang bibong sa trabaho, relasyon, pamilya at kabuhayan ay mahahanap mo mag-isip talaga. rin ang tamang oras para maibalik ang iyong balanse.
Sagittaruis - Nov. 23 - Dec. 21
Gemini - May. 22 - June. 21
CRISPY PATA (DEEP-FRIED ka nga “guilt-pleasure” ng mga Pinoy ang masasarap na pagkain LEG PORK )
I
Okay lang na paminsan-minsan ay magpakita Pasukin ang mundo ng realidad at iwan na ka ng kahinaan at kalungkutan. Iba ito sa imahe ang imahinasyon na masaya ka sa hindi na gusto mong ipakita sa lahat pero tao ka rin na mo naman talaga gusto. Relasyon man o kahit na ito ay mayaman sa taba at cholesterol. Nangunguna sa ganitong dinadatnan nang matinding pagsubok. Hindi ka isang bisyo ito, hindi mo kailangan magtiis kung lalo ka lang naliligaw ng landas. Mahirap ito sa umpisa bullet proof sa lungkot at takot. Maiintindihan ka naman nila kung klase ng pagkain ang Crispy Pata o Deep Fried Pork Leg na kung may tamang pero masasanay ka rin kapag naglaon. Sa huli ikaw rin ang may oras na wala ka sa sarili at hihintayin nila ang pagbabalik ng pagkakaluto, lambot ng laman at lutong ng balat ay talaga namang kay makikinabang sa pagbabagong iyong sisimulan. Be positive iyong pagiging masiyahin. hirap tanggihan. Pagbigyan ang hanap ng bibig na nananakam at lutuin ang then be happy.
Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20
Laging problema ang pera kung hindi ito bibigyan ng solusyon. I-budget ang iyong mga gastusin at maghanap ng iba pang mapagkakakitaan lalo na kung kulang ang iyong sweldong panustos sa iyong mga babayarin. Imbes na umutang ng pera, humugot ka ng lakas loob at magbanat ng buto. Alam mo na kung paano gawin ang kasunod…aksyon na ngayon!
Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19
May hangganan ang pagpaparaya at pakikinig sa mga taong past time na ang magreklamo sa bawat bagay na hindi nila gusto. Iwasan sila hanggang maaari, masyado ka ng maraming inaatupag para magpanggap na okay lang na laging ikaw ang hingahan ng inis na kay babaw. Kapag ikaw naman ang sinabihan nang ‘di maganda, diretsuhin mo na para malaman niya kung ano ba talaga ang problema.
Pisces - Feb. 20 - March. 20
Huwag kang gagawa ng aksyon hanggang ‘di mo napag-iisipan nang husto at napag-aaralan nang tama ang isang mabigat na bagay. Kung papadala ka basta sa magagandang nakikita ng iyong mga mata o matatamis na salita, marami kang makukuhang ‘di mo naman pala kailangan sa buhay. Hinayhinay lang at ‘di kailangan na laging magmadali.
Cancer - June. 22 - July. 22
masarap na Crispy pata sa pamamagitan ng recipe na ito. Paalala lamang na ang paghahanda sa Pata ay nangangailangan ng oras at dagdag na paraan upang mas maging madali ang pagluluto nito. Samantala ang paggamit ng baking soda ay nakapagpapabilis ng paglambot ng balat ng pata.
Magpakawala nang bugkos-bugkos na pasensya at paldo-paldong t’yaga. Tiyak sa ganitong katinding pagtatantya ay hahayaan mo na lang ang punto na bakit maraming nakakainis na tao sa paligid mo. Walang taong perpekto pero may taong marunong umintindi. Kaya mong mang-impluwensya sa lahat kahit walang isang MGA REKADO: buong pangungusap na lumalabas sa iyong bibig. 3 libra o lagpas 1 ½ kilogramo ng pata
Leo - July. 23 - August. 22
12 ounces ng lemon lime soda gaya ng 7 up at Sprite ½ kutsarita ng baking soda 1 ½ tasang tubig 1 kutsara ng asin 2 kutsara ng patis 2 kutsara ng arina
Virgo - Aug. 23 - Sept. 23
PARAAN NG PAGLULUTO:
Piliin ang laban na iyong gustong harapin dahil hindi lahat ay dapat na pinapatulan. Timbangin ang halaga ng bawat panig. Kung sakaling bang manalo ka ay magiging masaya ka? Kung matatalo ka mawawala ba ang iyong pagkatao? Kung ang kapalit ng iyong maliit na panalo ay malalim na relasyon mabuting isuko muna ito. Dagdag sa peace of mind mo rin ‘yan. Maging susi ng kasiyahan ano mang klase, paraan at antas nito. Walang pangakong kapalit ang ganitong gawain pero ano mang akyson na ginagawa mo ay s’ya ring babalik sa iyo. Kung gusto mong maging masungit, automatic may maiinis sa iyo ‘di ba? Kung magiging palabati ka naman ay puwedeng asahan na maraming t'yansa na lagi kang nakangiti.
Aries - March. 21 - April. 20 Once and for all, mabuting ilabas na ang lihim na galit at inis. Kung gagawin ito, sa isang bagsakan ay magkakausap kayo nang dibdiban na isang daan para mapanatag na ang iyong puso’t isipan kung paano pa s’ya pakikisamahan. Tanggapin man n’ya o hindi ang iyong mga isyu at least maluwag na ang dibdib mo dahil nasabi mo na lahat. S’ya na ang bahalang mag-isip kung anong reaksyon niya sa iyong sinabi.
Libra - Sep. 24 - Oct. 23
‘Di masama ang mangarap at lalong ‘di problema ang detalyadong mga plano. Kapag mayroon ka ng dalawang bagay na ito, hindi nasasayang ang oras na naghihintay ka sa tamang pagkakataon para maiba naman ang takbo ng pamumuhay mo. Kung ano nasa isipan , ‘yon ang mangyayari kung gugustuhin mo kahit gaano pa ito katagal o anong klaseng paraaan.
1 kutsara ng betsin (msg) 1 o tamang budbod ng mantika 3/4 tasa ng suka 1/4 tasa ng toyo 1 katamtamang laking sibuyas 2 pilas ng bawang 1 maliit na siling labuyo 1 budbod ng asin at paminta
1. Linisin ang pata at pilasin ang balat (tatlo hanggang apat na pilas sa magkabilang bahagi) nang hindi pinuputol ang buto Ilagay ito sa isang malalim na kawali na may takip 2. Ibuhos ang tubig, lemon lime soda at asin sa kawali at saka takpan. Pakuluan sa loob nang 15 minuto. 3. Idagdag ang baking soda. Ipagpatuloy ang pagpapakulo nang may isang oras o hanggang sa lumambot ang pata. Maaaring magdagdag ng tubig kung natuyuan ito at kung ‘di pa luto ang pata. 4. Isabit o ilagay sa muna sa refrigerator sa loob nang isang araw ang pata para matuyo ang balat nito. 5. Kapag handa na ang pata, pahiran ito ng patis at budburang maigi ng arina 6. Ipritong mabuti (deep fried) hanggang sa maging golden brown ang pata. 7. Tanggalin sa apoy ito at buhusan ng ¼ tasa ng tubig para maging mas malutong ang balat.
pinoy-BiZz PAge 7
OCTOBER 2013 SECOND iSSUE
hiwalayang cesar at sunshine sa korte rin natuloy Gabriela: AWe-INSPIRING biopic for revolutionaries
T
ni jane gonzales
P
ara sa isang babae, napakalaking hakbang ang panindigan ang kanyang pinaglalaban anuman ang maging kapalit nito. Sa kasaysayan, isang inspiras yon ang bayani ng Ilocos na si Gabriela, ang may-bahay ng bayani ring si Diego Silang, na ipinagpatuloy ang himagsikan ng kanyang kabiyak kahit ito pa ang maging dahilan ng kanyang kamatayan. May 250 na ang nakakaraan nang kitlan ng buhay si Gabriela pero magpahanggang sa ngayon ay patuloy pa ring kinikilala ang kanyang laban na mapapanood pa nga bilang istorya sa pelikula. Kamakailan ay binuksan sa sinehan ang film na Gabriela na pinagbibidahan si Christine Patrimonio, dating Pinoy Big Brother housemate, tennis player at anak ng basketbolistang si Alvin Patrimonio. Ang independent film na ito, na sinulat ni Frank Rivera at co-produced din ni Gng. Sonia Roco, ay ang unang pelikula ni Tin. Ginanap sa The Block, SM North ang screening ng Gabriela na pinilahan ng mga moviegoers. Naroon din ang fans ng mag-amang Tin at Alvin na panay ang tili sa tuwing may malalalim na eksena si Tin. Ang nasabing premier night ay pinangunahan din ng director at producer nito na si Carlo Maceda. Matutunghayan sa movie ang mahusay na pagganap ng mga batikang aktor na sina Carlo Aquino, (bilang Diego), Ricky Davao, Jeffrey Santos, Archie Adamos, at Bon Vibar. Narito rin ang mga baguhang artista gaya nila Iris Lapid, Mara Lopez, Arthur Solinap, Nene Tamayo at nagbabalik na si BJ “Tolits” Forbes. Ang pelikulang ito ay may layunin na maipakita ang makulay na pakikipaglaban ng mga Pinoy noong panahon ng mga Kastila, partikular na sa Ilocos kung saan pinapatawan ng ‘di patas na buwis ang mga mamamayan at talamak na pang-aabuso sa pamamahala. Naipakita rin dito ang tatag ng loob ng mag-asawang Silang at ang tagumpay nilang maipamalas na mayroong boses ang maliliit na kayang gumimbal sa mga makapangyarihan. Samantala, inamin ni Tin na nung una ay kabado at naiintimidate s'ya kay Carlo lalo’t alam naman n’yang isa itong kilala at premyadong artista. Pero dahil supportive naman ang binata ay unti-unti na ring nawala ang kanyang hiya at naitawid naman nila ang kanilang pagtatambal sa pelikula. Samantala, nakatulong din sa pag-arte ni Tin ang kanyang pagiging atleta at makikita ito sa kanyang mga maaaksyong eksena. “It’s an advocacy I share with Carlo, who’s also an educator,” pahayag ni Gng. Roco sa kanilang layunin sa paggawa ng Gabriela. “We hope to create a library of movies like these and inspire a whole generation of young people into following the example set by these heroes, whose love for the country is unparalleled.” – email: jane.chronicles@gmail.com
M
ila uso ngayon ang hiwalayang humahantong sa korte. Ito na rin ang kinahinatnan ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz na magarbong nagpakasal noong 2000 at nagkaroon ng tatlong anak na babae. Ang huling isyu nga na ibinato kay Sunshine ay malaking financial support na hinihingi nito mula kay Cesar na kanya namang itinanggi. Dinemanda ni Sunshine si Cesar dahil nilabag umano nito ang Republic Act 9262 or Anti-Violence Against Women and their Children. Dagdag pa rito ay ang paghahabol n’ya ng kustodiya sa kanilang mga anak na may tatlong linggong hindi niya nakikita. Ayon pa sa kanyang salaysay, ginahasa umano s’ya ng kanyang asawa noong May 12 sa panahong hiwalay na sila. Matatandaang buwan ng Enero nang lisanin ni Sunshine ang conjugal house nila sa Tivoli Royale sa Quezon City. Hindi na umano niya matiis ang pambabae ng asawa na naiugnay sa sexy actress na si Krista Miller, artistang dinirek ni Cesar sa isa niyang pelikula. Kaugnay din nito ay ang napabalitang Instagram war nila Sunshine at Krista. Napika umano ang una sa pagpopost ng picture ni Krista ng regalo sa kanya ni Cesar. Sunshine Cruz Sa panayam niya sa press,
sinabi rin ni Sunshine na isang araw ay nabawasan, kung hindi man ay nawalan na s’ya ng gana sa pagsasama nila ni Cesar. Bagay na hindi niya inakalang mangyayari noon lalo’t first love niya si Cesar. Sa ngayon ay hinihiling din niya ang mapawalang-bisa ang kasal nila at magtuloy-tuloy ang pagiging aktibo niya sa showbiz. Si Sunshine ay bahagi ng cast ng Galema, isang afternoon drama sa CESAR MONTANO ABS-CBN na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann. Samantala,maaliwalas din ang takbo ng karera ni Cesar na tumatangging magbigay ng panayam laban kay Sunshine. Saad pa ni Cesar sa press, masaya s’ya kung saan masaya si Sunshine at hindi n’ya sisiraan ito dahil s’ya ang ina ng kanyang mga anak. Si Cesar ay isa sa leading man ni Lovi Poe sa primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas ng GMA 7. Bagaman patuloy pa rin ang mga kaso nila Sunshine at Cesar, may napagkasunduan na silang isang isyu at ito ay ang shared custody ng kanilang tatlong anak.
ka-freddie, bidang-bida sa 5th star awards for music photo and text by phoebe dorothy estelle
K
umpara sa ibang nominado sa iba’t ibang kategorya ay panalong-panalo na sa simula pa lamang ang country singer na si Freddie Aguilar sa 5th PMPC Star Awards, siya lang naman ang makakatanggap ng Lifetime Achievement Award dahil sa kanyang kontribusyon sa music industry. Hindi ito ang unang award ni Freddie sa nasabing award-giving body, dahil isa rin s'ya sa pinarangalan ng Music Icons ng Original Pilipino Music dito noong 2011. Ngayon 2013 ang iba namang bibigyan ng ganitong pagkilala ay mga JukeBox at novelty singers na sila Dulce, Imelda Papin, Rey Valera, Rico J. Puno, Sampaguita, at Vic Sotto. Wala pa ring nakakapantay sa naitalang record ng kanyang awiting Anak na naisalin sa may higit na 26 lengguwahe at natatanging Tagalog song na naging hit sa Japan at Europe. Bukod sa madamdaming kanta na ito na makailang beses na ginamit na theme song sa pelikula at telebisyon, ay marami pang nagawang orihinal na kanta si Ka-Freddie na may tema ng pagmama-
hal, tipikal na buhay, at pagkamakabayan. S’ya ang nasa likod ng makabagbag damdaming Bayan ko na paboritong tugtugin sa mga rally, gayon din sa mga classic songs na Bulag , Pipi , Bingi ; Ipaglalaban ko; Estudyante Blues, Magdalena, Sari ling Atin, Sa Kuko ng Agila, Sa Kabukiran at marami pang iba. Sa ganda ng kanyang mga awitin at pagiging magiting na haligi ng OPM, karapat-dapat na ngang matanggap ni Ka-Freddie ang Lifetime Achievement Award. Ang Star Awards ay itinanghal sa Ballroom of Solaire Resort at Casino sa Pasay City at nagbigay ng 30 parangal para sa iba’t ibang natatanging awitin at musikero.
Si Freddie Aguilar kasama ang kanyang anak sa 3rd PMPC Star Awards noong 2011
derek at cristine, hiwalay kaagad after 1 month
T
inapos na ni Derek Ramsay ang kanyang isang buwang relasyon sa young actress na si Cristine Reyes. Base sa mga naglalabasang balita ay may kinalaman umano ito sa video scandal ni Cristine at ng dati niyang nobyo na si Rayver Cruz. Pinabulaanan naman ni Derek ang anggulo na kaya niya hinawalayan si Cristine dahil sa nasabing isyu. Binigyang linaw rin niya na hindi sila magkaaway ni Cristine at itinutu ring pa rin niyang kaibigan ito. Bagaman walang eksaktong punto kung ano ang naging mitsa ng kanilang pagbi-break, isa sa sinabing dahilan na lamang ni Derek ay ang pagbibigay nila sa isa’t isa ng space. Wala rin umanong may kasalanan o mali alin man
sa kanilang dalawa. Samantala, kung gaano kabukas sa pagbabandera ng kanilang relasyon si Derek ay s’ya namang tipid magbigay ng pahayag ni Cristine simula nang mabalitang magon na sila ng aktor. Nagkasama sa pinag-usapan at premyadong movie na No Other Woman sina Cristine at Derek kung saan ka-love triangle nila si Anne Curtis. Mula noon daw ay naging maganda na ang samahan ng dalawa kahit may kanyakanya silang relasyon noon. Si Derek ay may anim na taon na nakarelasyon si Angelica Panganiban na siya namang nobya ngayon ni John Lloyd Cruz. Nagkasama sa pelikulang One More Chance ni Derek si John Lloyd.
3 remarkable young actresses with famous surnames ni JM hoshi
ay mahirap at madaling paraan para makapasok sa showbiz. May sumasali sa reality shows, nagpo-post ng video sa Youtube o kaya naman ay nadi-discover sa pamamagitan ng commercials. Pero may isa pang hindi dapat kalimutan, iyon ay pagkakaroon ng sikat na apelyido. Pero hindi lahat ng may kamag-anak na sikat na artista ay nagtatagal sa showbiz. May ilang nawawalang parang bula at hindi makaalis-alis sa anino ng kanilang mga kamag-anak. Ang tatlong actress na ito ay patunay na puwedeng makilala at gumawa ng sariling marka ang mga kagaya nila. Lovi Poe. Bilang anak ng yumaong The King of the Philip pine Cinema Fernando Poe Jr., madaling nakapasok si Lovi Poe sa showbiz. Nag-umpisa s’ya bilang teen star, kalove team ni Cogie Domingo at naglabas ng recording album under BMG records. Pero sa kasalukuyan isa na s’yang premyadong actress at may kabikabila mga proyekto. Una s’yang nanalong best actress para sa pelikulang Sagrada Familia na sinundan ng My Neighbor’s Wife at TV series na Legacy. Nakakuha na rin s’ya ng Best Supporting Actress award na ang pinakahuli ay para sa movie na Thy Womb kung saan nakasama niya si Nora Aunor. Ngayon s’ya na ang solong bumibida sa isang soap opera, ang Akin Pa rin Ang Bukas sa direksyon ng award-winning filmmaker na si Laurice Guillen.
Maja Salvador. Magaling sumayaw at umarte, ilan lamang ito sa puhunan ni Maja Salvador. Pero malamang hindi rin s'ya mabibigyan ng pagkakataon kung hindi s'ya nakilala bilang pamangkin ni Philip Salvador. Sa dami ng kanyang papel na ginanampanan ay naipamalas ng aktres ang kanyang husay sa pag-arte gaya ni Philip. Una s'yang nakatikim ng best actress award para sa film na Thelma at hinangaan s'ya bilang si Margaux sa hit series na Ina, Anak, Kapatid kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Ang kanyang pinakabagong proyekto ay ang series nila ni Jericho Rosales at JC de Vera, ang Hanggang Kailan Kita Mamahalin.
Andi Eigenmann. Anak nina Mark Gil at Jaclyn Jose, paunti-unti ay nakakasungkit ng meaty roles si Andi na ang pinakamarkado ay ang kanyang lead role sa Agua Bendita. Pero naiba ang takbo ng lahat nang mabuntis s’ya at hindi panagutan ng ama ng kanyang anak na umano’y ang young actor na si Albie Casino. Ang pinakabagong nagawang pelikula ni Andi ay Momzilla kung saan nakatambal niya si Billy Crawford at s'ya ang bida sa TV adaptation ng Galema. Ang tatlo ay ilan lamang sa sikat na actress na mula sa angkan ng mga artista. Masundan kaya sila nila Janine Gutierrez (anak nila Lotlot de leon at Ramon “Monching” Christopher Gutierrez), Julia Barretto (anak nina Marjorie Barreto at Dennis Padilla) at Jasmine Smith (kapatid ni Anne Curtis)? -hitokirihoshi@gmail.com