The Pinoy Chronicle Feb Second Issue 2014

Page 1

ASIA YAOSHO NEW EXCITING PROMOS! P4

Daloy Kayumanggi

YOUR WEEKLY HOROSCOPE & RECIPE. P6

PINOY - BIZZ. P7 FREE NEWSPAPER

Impormasyon ng Pilipino

GILAS PILIPINAS PASOK SA GROUP B P2

February 2014 Second Issue

I TADO AT MANG GERRY PUMANAW NA P7

I YOKI'S FARM P5

DUTERTE, HANDANG PUMATAY PASA SA BANSA P2 4

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. 5 It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. 6 Love does not delight in evil but rejoices with the truth. 7 It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. -1 Corinthians 13:4-13

TUASON HUMARAP NA SA SENADO

H

T

uwing sasapit ang buwan ng Pebrero mapapansin na hindi na magkamayaw ang mga malls, restaurants, hotels at iba’t iba pang mga establishments kung anong pakulo ang ihahanda nila para sa pagsapit ng araw ng mga Puso o ang Valentine’s Day.

Sundan sa pahina 2

AIZA SEGUERA, GUSTO NG MAG-ASAWA

H

indi rin nagpaaawat ang acoustic singer and TV personality na si Aiza Seguerra na nag-propose na ng kasal sa kanyang nobyang si Liza Diño. Naganap ang proposal sa gitna ng stage play na kanilang kinabibilangan – Kung Paano Magkahiwalay na ginanap ng February 7 sa Teatro Hermogenes Ylagan ng University of The Philippines Diliman. Sa kwento ni Aiza sa panayam nila ni Liza sa Buzz ng Bayan, Nobyembre 2013 pa niya konkretong naiplano ang kanyang paghingi ng kamay ng kanyang nobya. Sa tulong ng playwright na si George de Jesus ay may binago sila na bahagi ng stage play para maipasok ang kanyang proposal. Noong nagpo-propose an si Aiza ay hindi naman daw makapaniwala si Liza na totoong nangyayari ito pero sa huli ay sinagot din niya

ito ng yes. Wala rin masasabing tutol sa pagiibigan ng dalawa, katunayan ay dumalo rin sa nasabing event ang parehong mga magulang ng magkasintahan. “Dati na tayong nagkahiwalay,” panimulang linya daw ni Aiza sa kanyang proposal. “Siguro, kung meron man magandang nadulot yun sa atin, mas lalo nating na-appreciate ang isa’t isa. Mas lalo nating nalaman na we can’t be without each other. And after thirteen years of not being together, and now you’re back, ‘I cannot let you go.’” Nagsimula bilang magkaibigan sina Aiza at Liza na naputol ang kumunikasyon mula ng mangibang bansa ang Beauty queen-actress. Si Liza na dati ng nag-aartista ay permanent resident sa Los Angeles, California kung saan legal ang same-sex marriage.

the sixth ani ng dangal awards P5

umarap na sa senado ang pinakahuling whistleblower para sa isyu ng PDAF scam na si Ruby Tuason. Bumalik ng bansa si Tuason upang tumestigo laban kina Sens Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile hinggil sa mga komisyon na kanilang natanggap kaakibat ng PDAF. Sa panimulang pananalita ni Tuason sinabi niyang, mas pinili niyang ibuwis ang kanyang buhay para sa bayan. At kung ipagkait man sa kanya ang witness protection program mas nananiisin niyang kunin na lamang siya ng Poong Maykapal. Si Ruby Tuason ang dating Social Secretary ni Manila Mayor Joseph Estrada, ama ng isa sa mga sangkot sa PDAF scam na si Jinggoy Estrada. Ayon kay Tuason nakilala niya si PDAF scam queen Janet Napoles mula sa kanyang yumaong asawa. Ipinakilala si Napoles bilang buyer ng bahay na kanyang

ibinebenta taong 2004. Dagdag pa ni Tuason, pilit daw siyang kinukulit ni Napoles upang ipakilala kay Jinggoy Estrada na unang tinanggihan ni Estrada ngunit giit ni Napoles na nagbibigay siya ng 40% na komisyon. Sa isinumiteng affidavit ni Ruby Tu a s o n s a N a t i o n a l B u r e a u o f Investigation (NBI),inamin niyang personal niyang dinadala ang mga kickbacks kina Sen Jinggoy Estrada at Gigi Reyes; dating chief-of-staff ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile. Nauna nang iginiit nina Senador Jinggoy at Enrile na wala silang kinalaman sa PDAF scam.

SANMIG COFFEE MIXERS TINULDUKAN ANG PAGASA NG BARANGAY GINEBRA

H

indi na nagpaawat pa ang koponan ng SanMig Coffee Mixers nang tapusin nila ang serye para sa semis ng PBA Philippine Cup. Bagama’t naitabla ng Barangay Gin Kings sa 3-3 hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang koponan ni Grand Slam Champion Coach Tim Cone. Tinatayang 24,883 ang kabuuan ng mga basketball fanatics ang nagpunta sa Araneta Coliseum para masaksihan ang Do-or-Die game7sa pagitan ng SanMig Mixers at Gin Kings. Sa simula palang ng laro ay naungusan na ng Mixers ang Gin Kings nang magpaulan ng kanyakanyang puntos sina Marc Barocca,

Peter June Simon at James Yap. Habang hindi naman matawaran ang dipensang ibinibigay ng kanilang Power Forward, Marc “Pinoy Sakuragi” Pingris. Nagtapos ang serye sa iskor na 110-87, tinanghal na best player of the game si James Yap na may 30 pts 6 rebounds at 7/10 3pts. Haharapin ng SanMig Coffee Mixers ang Rain or Shine Elasto Painters para sa PBA Philippine Cup Finals.

DATE destination sa pinas ngayong valentines P3


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.