FREE NEWSPAPER
November 2013 First Issue
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
san mig coffee mixers champion
page 2
VISAYAS REGION
NIYANIG NG
7.2 NA LINDOL
POEA Employees, naggi-games habang nasa duty
T
ila ang lahat ay nahuhumaling sa larong “ Cand y C r u s h ” at “Plants vs Zombies 2” kung kaya ang dalawang empleyedo ng POEA ay nahaharap na masuspende o kapag minalasmalas ay tuluyan nang tanggalin sa trabaho. Ang dalawang POEA employee na naka-assign sa NAIA Terminal 1 kung saan naatasan na magtatak ng overseas employment certificate sa mga papapaalis na mga OFW ay nakuhaan ng litrato na naglalaro ng online game na 'di tinukoy kung ano habang oras ng trabaho. Unang kumalat sa social
Eugene wagingwagi sa Barber's Tales page 3
IKA NGA NI KONSUL
PAHINA 3
istorya sa page 2
media site na Facebook ang naturang larawan na inulan ng batikos galing sa mga netizens. Ika nga ng isang netizen, isa lamang itong pagpapatunay kung bakit ang NAIA ang tinaguriang “worst airport in the world”. Kinumpirma naman ni POEA Administrator Hans Cacdac na nakilala na nila kung sino ang dalawang empleyado. Ani Cacdac “Although they were not assisting anybody, they cannot tolerate such behavior as a POEA circular issued last May clearly states that employees must only use their computers for business purposes”.
Tax Evasion case isinampa laban sa 2 kapatid ni Gigi Reyes
H
inahabol ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sina Neal Jose Gonzales at Jean Gonzales para sa kasong Tax Evasion. Ang dalawa ay mga kapatid ni Gigi Reyes na napasama ang pangalan sa listahan ng mga naambunan ng kontrobersyal na PDAF. Si Gigi Reyes ang former chief of staff ni Senator Juan Ponce Enrile na kabilang din sa 38 na kakasuhan ng plunder at malversation connection para sa multi-billion peso Pork Barrel Scam. Sa kabilang banda, ang dalawang kapatid ni Reyes ay nahaharap ngayon sa tax evasion case dahil di umano’y bumili ang dalawa ng isang property na nagkakahalaga ng P200 million kung saan sa huli ibinenta din nila nang hindi man lang isinusimite ang kanilang income report at hindi rin nagbabayad ng buwis. May kabuuang P190 million tax liability ang dalawa para sa taong 2009-2011 kasagsagan ng pamumudmod ng PDAF.
hiwalayan blues page 7
Pinoy-local 2
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 2
NOVEMBER 2013 FIRST iSSUE
kapunan nag-resign na!
T
ila maging ang sariling abugado ni Janet-Lim Napoles ay gusto na malaman kung ano ba talaga ang katotohanan sa likod ng maanomalyang Priority Development Assistance Fund(PDAF) scam. Sa isang panayam kay Atty. Lorna Kapunan, legal counsel ni Napoles, tuluyan na niyang pinutol ang ugnayan nila nang magbitiw siya bilang abugado nito. Ito ay dahil na rin sa hindi nila pagkakasundo ng bagong mag-take over na si Atty. Freddie Villamor. Ani Kapunan “hindi pwedeng may difference on opinion, mas mabilis kung isa lang ang handling lawyer”. Dagdag pa niya, hindi lang dahil sa pressure kaya siya napilitan mag-resign kundi sa pagkakaiba rin nila ni Villamor ng estratehiya kung paano maipapanalo ang kaso ni Napoles.
Sa kabilang banda, patuloy pa rin ang pagdinig sa kaso ni Napoles at sa hinain nilang petition for bail. Matatandaan na kinasuhan si Napoles ng illegal detention ng kanyang assistant na si Benhur Luy, whistleblower ng PDAF scam. Bukod kay Napoles kasama rin sina Sens. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Ramon Revilla Jr at 34 iba pa na nahaharap sa plunder chargers na nakinabang sa multi-million peso kickbacks galing sa mga bogus na NGO ni Napoles.
mula P1
N
aiuwi ng koponan ng SanMig Coffee Mixers noong nakaraang Oktubre 25, 2013 ang kampyonato laban sa Petron Blaze Boosters. Inabot hanggang game 7 at itinanghal na PBA Governor's Cup Champion ang Mixers. Unang nakapuntos ang Mixers sa pangunguna ni Marc “Pinoy Sakuragi” Pingris. Nang matapos ang 1st quarter, nagawa ng Blazers na maitabla ang score na 19 all. Pagdating ng 2nd quarter unang umiskor ang Mixers para tuluyan nang ungusan ang Blazers. Tila hindi na papipigil pa ang Mixers nang magpaulan na sila ng tres mula kay Joe Devance at Peter June Simon na lalong nagbigay ng kumpyansa sa bataan ni Coach Tim Cone para tapusin na ang laban sa pagitan ng kanilang sister-company na Petron Blaze Boosters. Tinapos ng Mixers ang serye sa 87-77 final score sa pangunguna ni Best Player of the Game at Finals MVP Marc “Pinoy Sakuragi” Pingris na may 19pts, 17rebs, 5blks at7/8 FTs. Ito na ang ika-15th PBA Championship ni Coach Tim Cone tied up with Baby Dalupan na aminado si Coach Tim na mula pa bata hanggang nagkaron siya ng interes sa basketball ay idolo na niya ito. Nadala na ni Coach Tim ang kanyang koponan sa 2 PBA Championship at 3 Finals Appearance. “We want to be the crown jewel of the San Miguel Corporation.” –Coach Tim Cone
H
indi pa man humuhupa ang baha sa kabuuang Luzon dahil sa mga bagyo pati na rin ang putukan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at MILF sa Mindanao, tila hindi nakaligtas ang gitnang kapuluan ng Plipinas nang niyanig nang malakas na lindol ang kabuuang Visayas. Kasabay ng pagdiriwang ng mga kapatid nating Muslim noong Martes, Oktubre 15, nagulantang naman ang mga kababayan nating Boholano bandang 8:12 ng umaga nang niyanig sila nang napalakas na lindol na umabot sa 7.2 magnitude. Idineklarang non-working holiday ang araw na iyon upang makiisa sa Eid al-Adha na nagligtas sa marami dahil ang lahat ay nasa kani-kaniyang bahay. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, ito na siguro ang pinakamalakas na lindol sa kasaysayan na naitala sa loob ng nang nakalipas na 23 taon, Pebrero 8, 1990 nang huling tamaan ang lalawigan ng Bohol ng lindol. Kalunos-lunos pagmasdan na maraming kalsada ang nabiyak, mga tulay na nabuwag ngunit ang pinakamasakit na
Barangay Election 2013, mas tahimik
K
umpara sa dating takbo ng Barangay Election sa may 42, 028 baranggay sa buong Pilipinas ay naging mabilis ang bilangan at mas maayos umano ito ngayong taon ayon sa pahayag ni Commission on Election (Comelec) chairman Sixto Brillantes Jr. “You will notice that the incidents reported are very isolated cases,” saad pa ni Brillantes sa media. Sa kaugnay na balita sa Baranggay Election ay ang pagpatay ni outgoing Barangay Manapao Chairman Manuel Arcenas sa kanyang tatlong kapatid na sina Ramon, Jennifer Arcenas-Nuyles at Evelyn Arcenas-Espinar. Si Ramon ang nanalong bagong kapitan ng Manapao at s’yang tumalo sa anak ni Manuel na nakalaban nito. Hindi naman nagtapos ang isang araw ay sumuko rin ang suspek sa mga otoridad at ngayon ay nakapiit na sa Camp Martin Delgado sa Iloilo City. Sa Catubig, Northern Samar naman- kahit nasa loob pa ng presinto 65A at 65B (San Antonio Elementary School) ang mga miyembro ng board of election inspectors na pinangungunahan Marife Turla ay nagawa pa ring makuha ang ballot box dito. Naganap ang insidente bandang 11:45 nang gabi, Linggo, isang araw bago ang eleksyon. Tinatayang 318 botante sana ang maghuhulog ng balota sa nasabing box.
makita ay ang mga makasaysayang simbahan na unti-unting gumuho. Kabilang dito ang mga simbahan ng Loay, Clarin, Baclayon at Panglao na talagang dinadayo hindi lang ng mga banyaga pati na ang mga Pilipino. Maging ang mga bagong tayo na mga gusali ay hindi nakaligtas sa lindol. Kasama pa sa naapektuhan ng lindol ay ang sikat na sikat na Chocolate Hills na talaga namang nagpatanyag sa Bohol bukod pa sa mga endangered tarsiers. Ang Cholocolate Hills ay kilala dahil sa pag-angkop ng kulay nito sa panahon. Kapag tag-init kulay kayumanggi at kapag tag-ulan ay berde. Ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang kabuuan ng mga nasawi ay 215, walo ang nawawala at 742 katao naman ang mga nasugatan. Ang lakas ng lindol ay ikinumpara sa pagsabog ng 32 Hiroshima bombs noong panahon ng gyera ng mga Hapon at Amerikano.
Mayor ng bohol pinatIgil ang relief distribution
K
inumpirma ng pamunuan ng Philippine Red Cross ang ginawang pagpapatigil sa kanilang relief distribution sa Maribojoc, Bohol ng mismong Mayor sa lalawigan na ito. Ang Marijoboc ang pinakanapinsala ng lindol noong nakaraang Oktubre 15, kung saan ipinagdidiwang ng ating mga kakabayang Muslim ang Eid al-Adha. Paglalahad ni PRC secretary general Gwendolyn Pang sa isang interbyu, hinarang at pinigilan sila diumano ni Maribojoc Mayor Leoncio Evasco Jr sa kanilang pamimigay ng relief dahil nagbigay na ito ng kautusan na lahat ng mga donasyon at relief ay dapat isusumite sa kanilang tanggapan para sila mismo ang mamahagi sa mga kababayan nilang nasalanta. Giniit ni Pang, na ang Red Cross ay hindi maaaring magendorso ng kahit anong relief goods sa mga pulitiko dahil pinagangambahan nilang magamit pa ito sa mga pam-pulitikal na aktibidad ng mga ito. Sa kabilang banda initasan ni Interior Secretary Manuel Roxas II ang lahat ng mayor sa Bohol na gamitin ang lahat ng kanilang kapangyarihan para siguraduhin na magbubukas ang lahat ng tindahan na nagbebenta ng pagkain, tubig at gasolina dahil na rin sa nagkakaubusan na mapagkukunan ng kanilang mga pangangailangan ang mga nasalanta ng lindol.
pinoy-global 3
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 3
NOVEMBER 2013 FIRST iSSUE
eugene domingo panalo sa barber's tales
W
a g i s a k a t a t a p o s l a m a n g n a 2 6 t h To k y o I n t e r n a t i o n a l F i l m F e s t i v a l a n g T V- H o s t Comedienne na si Eugene Domingo. Ang aktres na host ng Celebrity Bluff ang siyang itinanghal na pinakamahusay na aktres para kanyang pagganap sa pelikulang Barber’s Tales ng filmmaker na si Jun Robles Lana. Ang Barber’s Tales ay kwento ng isang balong babae na ang tanging natitirang kabuhayan ay ang naiwang negosyo ng kanyang asawa, ang paggugupit o pagbabarbero. Dagdag na katangian ng pelikula ay ang setting nito na kung kailan dineklera
ang Martial Law ni Pres. Ferndinand Marcos at ang isyu na noon ang mga lalaki lamang ang kilalang naggugupit ng buhok. Pangalawa sa tatlong istoryang gagawin ni Lana na may kinalaman sa kwento na kadalasang nagaganap sa probinsya ang Barber’s Tales. Una nang nailabas ang premyado ring pelikulang Bwakaw na tungkol sa isang matandang bakla na pinagbibidahan ni Eddie Garcia. Ang mga nanalo sa Tokyo International Film Festival Tokyo Sakura Grand Prix” We Are the Best! by Director Lukas Moodysson; Special Jury Prize: Bending the Rules by Director Behnam Behzadi; Award for Best Director :Benedikt Erlingsson of Of Horses and Men; Award for Best Actress: Eugine Domingo from Barber’s Tales; Award for Best Actor: Wang Jingchun from To Live and Die in Ordos; Award for Best Artistic Contribution: The Empty Hours by Director Aarón Fernández; Audience Award: Red Family by Director Lee Ju-hyoung: Best Asian Future Film Award: Today and Tomorrow by Director Yang Huilong: Asian Future, Special Mention: The Tale of Iya by Director Tetsuichiro Tsuta: at Japanese Film Splash, Best Picture Award Forma by Director Ayumi Sakamoto Tanging Japanese Film festival na kinikilala ng International Federation of Film Producers Associations (FIAPF), Ang Tokyo Tokyo International Film Festival (TIFF) ay nilunsad noong 1985 at naging pinakaprestihiyosong film festival sa Asya. Ito ay naging paborito at daan ng mga young filmmakers mula sa iba’t ibang bansa upang maipakilala ang kanilang mga obra.
izu oshima evacuees nakauwi na c http://www.houseofjapan.com/
S
a wakas ay nakauwi na ang mga residente ng Izu Oshima mula nang hagupitin ng bagyo ang kanilang lugar noong Oktubre 16. Pinangangambahan kasi ng mga residente ang posibleng pagkakaroon ng landslides dahil sa lakas ng bagyo na tumama sa kanila. Bagaman ang iba’y nanatili sa kani-kanilang tahanan at ang mga may edad na residente ay inilikas naman sa Tokyo. Ayon sa opisyal na tala, umabot na sa 38 katao ang mga namatay at siyam pa ang nawawala.
c http://www.timeslive.co.za
The avengers gagawin ANIME TV SERIES
aksidente sa china, isang pinay patay!
ika nga ni konsul
ni Consul- General Marian Jocelyn R. Tirol-Ignacio
“Ano ba ang notary o pagno-notaryo at bakit ba kailangan ito?”
I
sa sa mga serbisyong ibinibigay ng Consular Section ng Embahada ang pagno-notaryo sa mga dokumento ng ating mga kababayan upang ang mga ito ay maaaring kilalanin at magamit sa Pilipinas. Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin kapag ang isang dokumento ay notaryado? Sa dami ng iba’t ibang uri ng mga kasulatang maaaring gawin kahit na ng sinong indibidwal o organisasyon, nangangailangang magkaroon ng batayan upang ang isang dokumento ay maaaring bigyan ng pagtitiwala at katiyakan ng isang tao. Ang pagnonotaryo ang isang paraan upang ang mga dokumento at mga papeles ay maaaring ituring na mapagkakatiwalaan at gamitin sa mga opisyal na transaksyon. Sa pamamagitan rin nito, ang isang pribadong dokumento na ginawa ng isang tao (halimbawa, affidavit), o kasulatang pinagkasunduan ng dalawa o mas maraming tao (tulad ng deed of sale o kontrata), ay nabibigyang bisa bilang pampublikong dokumento. Ang pagnonotaryo ay nagsisilbi ring katibayan na ang pirma o lagdang nasusulat sa dokumento ay tunay, at isinulat ng kusang loob ng may-lagda. Ang “pagnonotaryo” ay may iba’t ibang uri: may jurat para sa mga affidavits o sinumpaang salaysay; acknowledgement para sa mga kontrata, power of attorney, o iba pang kasunduan; at copy certification para sa pagsertipika na tunay na kopya ng orihinal ang dokumento; at iba pa. Ito ang dahilan kung bakit mahigpit na ipinapatupad ng Embahada ang batas para sa pagnonotaryo. Kailangang ang mismong taong lalagda sa dokumento ang pumunta sa Embahada upang masaksihan na siya mismo ang kusang-loob na lalagda sa papeles sa harap ng consular officer. Kailangan ding dalhin at ipakita ang pasaporteng hindi pa paso, o kahit na ano pang valid ID. Ang pangalan at pirmang gagamitin sa kasulatan ay dapat na katulad ang pangalan at ang pirmang nasa inyong pasaporte o valid ID. Para sa acknowledgement ng mga dokumento, nasasabatas na dapat may dalawang saksing nasa sapat na gulang at pagiisip na sasaksi at magpapatunay sa paglagda sa dokumento. Ito ay upang lalong matiyak na ang dokumento ay ginawa ng walang pamimilit, pananakot o pag-aalinlangan sa panig ng lalagda. Ayon rin sa 2004 Rules on Notarial Practice kung saan itinakda ng Korte Suprema ang mga panuntunan para sa pagnonotaryo sa Pilipinas, dapat na kumpleto, walang mga blanko, at walang mga malalaking puwang o espasyo ang dokumentong ino-notaryo. Kung hindi ay maraming maaaring maisingit na talata o salita sa dokumento ang ibang tao bukod sa may-lagda, o sino mang may hindi magandang hangarin. Maaaring maging sanhi ito ng mga mabigat na suliranin, tulad ng pagka-agaw o pagkawala ng salapi o pag-aari. Tungkulin at pananagutan ng gumawa ng dokumento na tiyaking kumpleto at maayos ang dokumento bago ito ipanotaryo. Sinusunod po ng Embahada ang mga panuntunang ito upang matiyak na ang publiko ay protektado sa kanilang mga dokumento at transaksyon. Para sa karagdagang kaalaman, maaari pong tingnan ang website ng Embahada sa http://tokyo.philembassy.net/consular-section/services/notarialservices/.
Kapag ayon sa batas, lutas!
G
ood news Animé fans, ang Marvel Comics na The Avengers ay gagawin TV series sa Japan. Ito ang pinaka-wise move na ginawa ng Walt Disney Japan na mayroon rights sa Marvel Comics para lumikha ng bagong produksyon na magtatanghal sa pinakasikat na superhero group na The Avengers. Ngunit pinangunahan na ng pamunuan ng Walt Disney Japan na bagama't isa itong franchise project, may posibilidad na magkaron ng kaunting pagbabago mula sa kinalakihan nating comic series. Alam naman nating lahat na iba ang pagkakaguhit ng isang Animé character kaya huwag masyadong mabibigla ang mga homegrown Avengers fan at mga
collectors at mga mambabasa ng comic version nito. Ang series na ito ay inaasahan na maipapalabas sa 2014 na pinamagatang “Disk Wars: Avengers” kung saan iikot ang kwento sa panahon na ang lahat ay ginagamitan ng isang portobale capture device. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang Western comic book superheroes ay gagawin Asian version ng Walt Disney Japan. Makakasama ng Walt Disney sa proyekto na ito ang Toei Animation Co at Bandai. Kaya para sa mga kids at young at heart na mga boys and girls abangan niyo na ang Animé version ni Spider Man, Iron Man, Captain America, Thor, the Hulk and the Wasp.
L
imang patay at 38 sugatan nang araruhin ng isang rumaragasang SUV ang mga taong namamasyal lamang sa Beijing Tiananmen Square noong Oktubre 28, Lunes. Ayon sa ulat, tila sinadya ng SUV banggain ang malahiganteng larawan ni Mao Zedong. Sabi pa ng ibang nakasaksi sa pangyayari, may isang kotse raw ang biglang lumiko na dumire-diretso sa bangketa sa labas ng Forbidden City. Masyadong mabilis ang naging pangyayari kung kaya’t di na nagawa ng mga nasagasaan at nakaladkad na makaligtas pa. Agad naglipina ang mga larawan nang nasabing aksidente sa social media site na Facebook na agad naman binura at ipinagbawal ang kahit anung pagpo-post ng insidenteng ito. Pinangangambahan ngayon kung ang nasabing aksidente ay intentional o suicidal o 'di kaya’y isang
gawaing terorismo. Sa kasamaang palad bukod sa isang Pinay na namatay, mayroon pang 3 Pinoy ang nasugatan na pawang mga namamasyal lamang sa makasaysayang lugar ng Beijing. Napag-alamanan na ang nasawi at nasugatang mga Pinoy ay ang pamilya Bunyi na nagbabaksyon sa China. Inaalam pa sa ngayon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Raul Hernandez kung ano ang naging pinsala ni Ginang Bunyi na agad nitong ikinamatay.
pinoy community 4
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 4
NOVEMBER 2013 FIRST iSSUE
kwentong barbero ni oyee barro
Distributer: Publisher:
Chief Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 hioyee_mla@yahoo.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com JM Hoshi FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT
jaggeraziz@gmail.com
The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.
Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com
I
ba’t ibang mga kwento ng pag-ibig, katatawanan, kababalaghan at inspirasyon. Mga Kwentong Barbero o kaya sa Ingles ay “A collection of Short Sories “ Kamakailan naimbitahan ako na manood ng 26 th Tokyo International Film Festival sa TOHO Cinemas sa Roppongi Hills, Roppongi Tokyo. Ipinalabas ang iba’t ibang pelikula na nakapasok sa kompetisyong ito na galing pa sa iba’t ibang bansa. Ipagpaumanhin po ninyo pero ako po ay hindi kumbinsido na may tsansa ang Pelikulang Pilipino na manalo sa ganitong kompetisyon dahil sa baba ng kalidad na ginagamit sa paglikha ng pelikula lalo na kung ito ay isang Indie Film or Independent Film lamang at walang suporta mula sa malalaking Produksyon sa Pilipinas. Ngunit sa aking pagkagulat, ang Pelikulang Pilipino na ito na nagrepresenta sa 26th TIFF ay likha ni Jun Robles Lana na pinamagatang “Mga Kwentong Barbero” na ginanapan na mga dekalidad na mga artista gaya nila Mr. Eddie Garcia; bilang Pari; Ms. Iza Calzado bilang Cecile asawa ng Mayor; Gladys Reyes, Shamaine Buencamino at Sue Prado bilang mga kaibigan; Jess Mendoza at Nico Manalo, mga rebelde; Noni Buencamino bilang abusadong Mayor; Daniel Fernando bilang Barbero, at si Ms. Eugene Domingo na pangunahing karakter na gumanap bilang asawa ng barbero na si Marilou. At para sa isang espesyal na pagganap, Ms. Nora Aunor bilang leader ng NPA o mga rebelde laban sa gobyerno. Ang kwento ay umikot sa buhay ni Marilou na maagang na biyuda ng asawang barbero noong panahon ng Martial Law (1970’s) sa ilalim ng pamumuno ng Diktador na gobyernong Marcos. Dahil
walang ibang paraan para kumita upang mabuhay ginamit ni Marilou ang kanyang natutuhan sa asawang barbero at muling binuksan ang barber shop at siya bilang barbero. Siya ay naging puno ng katatawanan ng kanilang maliit na bayan na dominado ng kalalakihan at walang may gusto o maglakas ng loob na magpagupit sa babaeng barbero. Ngunit isang araw, sa tulong ng mga kaibigan ay nadiskubre ng mga kababayan na s'ya ay isang mahusay na barbero. Para sa inyong kaalaman, ito ay isa sa pinakamaganda na pelikulang Pilipino na nilikha at idinerehe ni Jun Robles Lana na napanood ko. Maaari itong ipagmalaki at ipangalandakan sa buong Mundo dahil sa simple, natural at makatotohanang pagganap ng mga artista. Kagaya ng eksena (Goodbye Kiss) na ito na s'yang tumatak sa puso ko at nagpaiyak sa akin na matapos halikan ang kaibigan ay nagpakamatay. Mararamdaman mo ang lalim ng hinanakit na dala ng isang mapagtiis na babae at dahil sa tindi ng kasamaan ng kanyang asawang mayor ay piniling kitlin ang sariling buhay upang pagtakpan ito. Ang kabuuang istorya ng pelikulang ito ay mayroon paring pakialam sa kasalukuyan na nagsasaad ng mga suliranin ng Gobyerno na nauulit lamang. Mga bagay-bagay na nakikita at nararamdaman mo ngunit dahil wala kang magawa ay pikit-mata na lang itong tinatanggap. Kagaya ng harap-harapang panloloko ng mga opisyal ng Senado at ibang sangay ng gobyerno na walang hiyang ginagamit ang pera ng bayan. B i n a b a t i a t ipinagmamalaki namin si Ms. Eugene Domingo bilang Marilou sa pelikulang “Mga Kwentong Barbero “ na nakakuha ng Best Actress Award sa kompetisyong ito. C O N G R AT U L AT I O N S UGE , thank you for making us proud to be Filipino.
TARA-LET'S 5
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 5
NOVEMBER 2013 FIRST iSSUE
TARA LET'S
CHIBOG ni IRENE B. TRIA
K
ung kainan ang pag-uusapan, hindi papahuli ang mga Pinoy. Hindi naman lingid sa atin na sa bawat lalawigan ay may kanya-kanya itong mga putahe na sadyang tatak Pinoy. At dahil nakahiligan natin ang pagluluto, sa malamang-lamang, paborito rin natin ang kumain, in short, "chumibog". Ang mga Pinoy na ata ang pinakamaganang kumain sa buong mundo, siguro dahil na rin sa positibo nating pananaw sa buhay ay nadadala natin ito habang tayo’y kumakain.
Nauna kong sinubukan ang “ Everthing but the Sink Cone Pizza” ng Amazing Cone na ang tanging branch lang ay sa Robinsons Magnolia sa New Manila. Pinaghalo-halong pepperoni, Italian sausage, beef, mushrooms, pineapple, bell pepper, onions, olives, tomato sauce at mozzarella cheese. Sa napakamurang halaga na P60 ay mapapasayo na ang pizza in a cone na ito. Sumunod naman ang “Shawarma rice plate” na mabibili ng P150 sa Shawarma Bros., ang kaibihan nito sa iba pang shawarma rice plate na mabibili mo ay ang karne ng baka na sobrang malasa at ang garlic sauce na may kick ng spicy na swak na swak na tulad kong hindi nakahiligan ang mga maaanghang.
At dahil chibugan na ang usapan, hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na ma-experience ang “Truck Bun”. May halintulad ito sa mga sikat na banchetto, ang kaibahan nga lang, lulan ng mga truck ang mga pagkaing itinitinda rito. Matatagpuan ang “Truck Bun” sa Capitol Commons bandang Shaw Blvd. bago mag-Ynares Center. Pagpasok palang sa compound ay mapapansin mo na ang dami ng mga kotseng naka-park, ibig sabihin, maraming parokyano. Kung kaya’t hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, sugod na sa chibugan.
K
ung ang hanap mo ay isang adventure na siguradong hindi mo makakalimutan dahil tiyak na hindi ka makakatulog at bibilis ang tibok ng puso mo. Ito ang kauna-unahang scream park sa buong Asya na magbubukas na ngayon Oktubre 31, sakto sa napapanahong Halloween. Ang Scream Park ay matatagpuan sa Diosdado Macapagal Blvd. malapit sa World Trade Center. Ihanda na ang inyong sarili at ilabas na ang lahat ng inyong tapang dahil kapag pumasok ka sa Scream Park Manila siguradong wala nang atrasan. Mayroong 3 terrifying scare maze: *Haunted House (Curse of the White Lady) – pagpasok ng white house ay nakaabang na ang sinumpang white lady kung saan patuloy siyang naghahanap ng mga kaluluwa na makakasama sa loob ng bahay. Kaya kung makikita mo siya isa lang ang ibig sabihin nun, isa ka nang kaluluwa… *The Living Dead (Hungry for your flesh) - dahil patok na patok ang mga zombiethemed series and/ movies gaya na lang hit TV Series ng AMC The Walking Dead at ang box office film ni Brad Pitt,World War Z, siguradong mararamdaman niyo ang zombie fever kapag pumasok na kayo sa maze na ito. Humanda na dahil nag-aabang na sila,
naghihintay ng susunod na mabibiktima. *Asylum of Terror (magbubukas kalagitnaan ng Nobyembre) Ang Scream Park ay magbubukas na ngayon Oktubre 31 hanggang Enero 5 2014. Tandaan… the first scream you make could be your last.
At dahil medyo dumidilim na, nagbabadya ang ulan at lumalamig ang simoy ng hangin, sinubukan ko naman ang ramen ng Chef Broosy. Sa P100 mo ay makakahigop ka na nang mainit na sabaw na talagang papainitin ka sa sarap. S'yempre, bagama’t medyo mahal ang sandwich na ‘to na nagkakahalaga ng P150, sulit na sulit ka naman dahil sa big serving nila. Presenting ang pinakanasarapan ako sa lahat ng mga natikman kong pagkain s a Tr u c k B u n , a n g I t a l i a n Cheesewich. Mojos plus large bun with meatballs topped with melted cheese. Hmmm yum yum! Sa ginawa kong foodtrip na ito, napagastos man ako ay nabusog naman ako ng sobrasobra.
pinoy na pinoy 6
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 6
NOVEMBER 2013 FIRST iSSUE
Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22
Ang totoong pinakamaling hakbang na magagawa ng isang tao ay ang magdesisyong huwag sumubok. Ang manatili sa paulit-ulit na Taurus - April. 21 - May. 21 sitwasyon na ‘di mo naman gusto ay masahol pa sa matalo Magkaroon ng oras para sa mga bagay na tunay ka ng dalawang ulit. Maging mapangahas at lutasin ang iyong na nagpapasaya sa iyo. Bagaman ang trabaho ay problema, magtagumpay man ito o hindi, kahit papaano ay may nagdadala ng fulfillment at kita sa iyong pamilya hindi ginawa ka para sa sarili mo o sa ibang tao. After all experience is lamang natatapos dito ang iyong buhay. Kapag may panahon ka a good teacher. sa mga iba’t ibang bagay gaya nang napagmamasdan mo pa ang Sagittaruis - Nov. 23 - Dec. 21 kislap ng mga bituin , ang init ng haring araw o ang hampas ng alon Kung babawasan mo lamang pagtse-check sa sa dagat ay mas gaganahan ka hindi lamang sa trabaho kundi sa Social Media account ng iba o kakatanong ng iyong buhay. Life is beautiful kung hahanapan mo ng paraan para kanilang mga pinagkakagastusan, mababawasan ma-appreciate ito. ang inggit mo sa katawan. Hindi dahil sa Gemini - May. 22 - June. 21 nakakaungos sila sa iyo ay sila lang ang masaya. Mayroon kang sariling karera at kasiyahan na maaaring mas matindi pa sa Matagal na rin iyong panahon na ganadong-ganado iyong inaakala. Focus ka lang sa direksyon mo, liligaya ang iyong kang dumiskubre ng mga magagandang bagay at buhay at mawawala ang galit mo sa mundo. masasarap na pagkain. Bakit hindi mo ito balikan lalo na kung marami ka namang oras? Iba rin Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20 ang hatid na may nalalaman ka na dala ng hindi mo sinasadya o Buksan ‘di lamang ang iyong puso kundi maging napagkatuwaan lang. Wala man eksaktong dahilan at importansya ito ang iyong isipan. Ang pagtanggap sa tao ay hindi ngayon pero iba rin ang pakiramdam na ikaw naman ang bida at ikaw lang base sa kanyang emosyon kundi maging sa ang creator o discoverer. kanyang kaalaman. Mas magiging maganda ang inyong relasyon Cancer - June. 22 - July. 22 kung alam ninyo ang kakayahan ng bawat isa at nagkakapalitan Masakit din na mapaglihiman ng sekreto lalo na kayo ng ideya. Palawakin ang iyong kamalayan sa tulong ng kung ang pakiramdam ay ikaw na lang ang hindi pang-unawa sa mga taong iyong nakakasalamuha. Libre ‘yan! nakakaalam nito. Mas matindi pa nito ay kung talagang sinasadya nila at nanahimik sa kanilang Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19 usapan kapag dumadaan ka na. Puwede kang M a d a l i n g m a l a m a n a n g m a l i s a t a m a a t maging mas maingat kung ganun pero isipin mo na rin na hindi kaya lamang nagiging mahirap ito ay dahil lahat ng lihim ay kailangan mong malaman. Minsan pa nga ang mga nakakaapekto ang matinding emosyon. Nagdadala naikukuwentong chismis o lihim ang siyang mabigat dalhin sa dibdib. ‘yan ng pagkaaburido o tuliro na kapag hindi makontrol ay mas mahirap mag-isip ng kahit ano. Huminga ng Leo - July. 23 - August. 22 malalim at maupo nang sandali. Unahing solusyunan ang stress, Sana unti lamang ang kailangan mong gawin pagpa-panic at heartbreak – mabawasan lang ng ilang guhit ‘yan kaso hindi. Sa halip na magreklamo sa dami nito papasok na rin ang common sense. bakit ‘di mo tapatan ng pasyon o taktika ang iyong mga dapat tapusin. Kapag inumpisahan mong Pisces - Feb. 20 - March. 20 sipagan, masiyahan at maging ganado sa iyong mga ginagawa ay Lahat ng bago ay maluluma at hindi lahat ng mapagtatanto mo na lang na masarap din pala ang maging abalang malaking hakbang ngayon ay may kasiguraduhan tao. nang kasaganahan bukas. Ang importante ay Virgo - Aug. 23 - Sept. 23 namnamin mo ang bawat ginagawa mo. Para Dahil sa paisa-isang maling desisyon ay lomolobo saan, kanino at ano ba ang iyong nais na gawin? Mag-ingat ka na pala ang mga problema mo. Halimbawa na lang na baka sa mali at sobrang layo ng iyong marating ay malaman ay mga gastos na sana ay ‘di mo ginawa para ‘di ka mo na lamang na hindi ito ang tunay mong nais. Maganda pa rin napapautang. Tiwalang nawala dahil sa mga usapan talaga ang nagtatabi ng journal at planner para mapag-aralan mo na ‘di mo nasisipot dahil palagi kang walang sinusnod na oras. Maging ang iyong progress. maingat sa iyong desisyon at aksyon, ito rin talaga ang ikakapahamak mo. Aries - March. 21 - April. 20
Libra - Sep. 24 - Oct. 23 Nakikita mo na ang kakulangan sa pananaw Kahit na may intensyon ka na magpapansin walang at aksyon ng iyong mga kasama, nasa sa iyo makakapunang ganito ang iyong tunay na ibig mo. kung hahayaan mo sila o itatama ang kanilang Katunayan,walang masama rito lalo na kung positibo mga mali. Huwag matakot na sabihin ang iyong naman ang epekto. Batiin mo s’ya sa kanyang suhestyon na tiyak naman para sa ikabubuti ng lahat. Nasa tamang paggamit lang ‘yan ng salita o paraan upang maluwag magagandandang trabaho, alukin ng biscuit o ngitian kapag biglaan nilang tanggapin ang payo mo. Dito mo na masusubukan ang kayong nagkakatinginan. Simple lamang ang mga ‘yan pero walang masama at napakaepektibo. galing mo sa pagiging lider at pakikisama.
GINISANG MUNGGO WITH SHRIMP
M
araming bata ang ‘di mahilig sa gulay pero pagdating sa munggo ay tila madali naman silang matakam. Bakit nga naman hindi? Ang munggo kasi ay isang tipikal na bean na masarap sa panlasa lalo na kung tama ang pagkakaluto. Sa Pilipinas, maaaring ito ay maging ginataang munggo at maging palaman sa tinapay. Pero wala na sigurong papantay sa lutuing Munggo Guisado o Sauteed Mung Beans. Maraming puwedeng isahog sa Munggo Guisado at pinakasikat na rito ang hipon, tilapia, manok, chicharon at baboy. Narito naman ang paraan ng pagluluto ng Munggo Guisado na may hipon. MGA SANGKAP:
sibuyas
1 tasa ng munggo
1 katamtamang laking hiniwang kamatis
1 pork cube 2 hanggang kutsara ng mantika 1 kutsara ng tinadtad na bawang 1 katamtamang laking hiniwang
1 tasang hipon ½ kutsaritang patis o asin 1 litrong tubig
PARAAN NG PAGLULUTO: 1.
Ilagay sa isang kawali, ang isang basong munggo, isang litrong tubig, at pork cube. Pakuluaan ng nang may 35 minuto o hanggang sa lumambot ang munggo.
2.
Painitin ang mantika sa ibang kawali at dito igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis.
3.
Ihalo na rin dito ang hipon at hayaan itong maluto ng ilang minuto.
4.
Idagdag ang pork broth cube at hayaan matunaw o humalo sa ginigisa.
5.
Kapag luto na ang lahat ng ginisang pansahog, puwede na itong ihalo sa pinakuluuang munggo.
6.
Haluing mabuti ang mga rekado.
7.
Dagdagan ng pampaalat gaya ng kalahating kutsarita ng patis o asin. Puwede rin ayon sa iyong timpla o panlasa.
pinoy-BiZz PAge 7
NOVEMBER 2013 FIRST iSSUE
SHOWBIZ hiwalayan blues
H
abang mainit-init pa ang call it quits sa engagement nina Miley Cyrus at Liam Hemsworth, tila 'di naman papahuli ang local showbiz pagdating sa hiwalayan drama ngayong 2013. Mark Herras & Ynna Asistio – July 9 nang kumpirmahin ni Ynna na break na sila ng kanyang 5year boyfriend Starstruck grand winner Mark Herras. Di umano’y ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang utang na hindi nababayaran ng kanyang ina na si Nadia Montenegro kay Mark. Pinabulaanan naman ito ng dalaga at sinabing ang dahilan para tapusin na niya ang kanilang relasyon ay ang labis na pakikibarkada ni Mark at pagseselos. G i an M agdangal & She re e – halos anim na taon ang pinagsamahan ng mag livein partner na ito biniyayaan ng isang napaka-cute na baby boy na si Haley. Ang itinuturong dahilan ng paghihilaway ng dalawa ay ang hindi pagtupad ni Gian sa ipinangakong kasal kay Sheree. Ayon naman sa dalawa, ito ang mas makabubuti para sa kanilang anak. Billy Crawford & Nikki Gil sino mag-aakalang ang 5 years love made from heaven nina Billy at Nikki ay magtatapos sa isang iglap lamang. Marami ang nagulat nang aminin ni Billy sa The Buzz noong July 28 na hiwalay na sila ng kasintahan niyang si Nikki. Ayon sa international performer, siya ang may problema kung kaya humatong sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Ngunit ayon naman kay Nikki, difference in value ang talagang dahilan kung bakit sila na-fall out of love. Derek Ramsay & Cristine Reyes - ginulat nila ang sambayanang Pilipino nang umamin silang magon. Marami ang bumatikos at nagkibit-balikat lang sa pag-amin ng dalawa. Isa lamang press release ito para sa nalalapit na pelikula ng dalawa na sila ang bida. Ngunit matapos ang isang buwan ng pag-PDA (public display of affection) tila nagbago ang ihip ng hangin sa dalawa at biglaan n a g h i w a l a y. A n g s i n a s a b i n g dahilan ng kanilang break-up, ang napapabalitang sex scandal ni Cristine at ex-boyfriend na si Rayver Cruz. Luis Manzano & Jennylyn Mercado – Oct 18, 2011 nang umamin sa publiko ang mag“mats-mats” na ito. Nagkakilala ang dalawa sa isang Jiu Jitso class kung saan parehas sila naka-enroll. Nagkatingan, nagka-isparingan hanggang sa ma-in love na nga ang panganay ni Star for All Season Gov. Vilma SantosRecto sa Starstruck alumna Jennylyn Mercado. Halos magdadalawang taon din ang naging relasyon ng dalawa hanggang sa kamakailan ay inamin na nga ni Luis na hiwalay na sila. Una nang iginiit na walang third-party na involve pero mainit ang usap-usapan na ikinagalit daw ng sobra ni Luis ang pakikipag-date ni Jennylyn sa kanyang ex na si Dennis Trillo. Tila humahabol pa sa listahan ng taon sina Angel Locsin at Azkals boyfriend na si Phil Younghusband. Marami ang kinilig sa ginagawang pag-aya ni Phil kay Angel para maging date sa Valentines via Twitter. Sa nasabing micro-blogging site rin nagligawan ang dalawa na nauwi sa seryosohan. Bagama’t tumanggi si Angel na lagyan ng label ang kanilang relasyon ni Phil ay halatanghalata naman na in love sa isa’t isa ang dalawa. Ngunit kamakailan, umugong ang balita na tinapos na nang dalawa ang kanilang love affair. Hanggang ngayon tikom pa rin ang bibig ng magkabilang kampo at palaisipan kung ano nga ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila.
THE bling bling is
mine!
N
apapab a l i t a ngayon na hindi raw ibabalik ni Twerking Queen Miley Cyrus ang kanyang bling bling (engagement ring) mula sa kanyang The Hunger Games hunk and ‘lil bro. ni Thor (Chris Hemsworth) ex-boyfriend na si Liam Hemsworth. Ayon sa isang interview kay Miley, tumanggi 'di umano ang pop star na ibalik ang singsing dahil ayaw niyang makitang ibigay ito ni Liam sa kanyang susunod na leading lady ng buhay niya. Dagdag pa ni Miley ay inalok pa niya noon si Liam na bayaran ng kalahati ang nasabing singsing na nagkakahalaga ng tumatanginting na $100,000 na mayroong 3.5-carat cushion cut mula sa pamosong Neil Lane diamond. Matatandaang naging engaged ang dalawa noong Mayo 2012 na humantong sa hiwalayan nitong Setyembre 16 nang
kasalukuyang taon. Sa kabilang banda, pinagpasiyahan na lamang ni Miley na ipa-auction ang engagement ring para sa isang charity na kanyang napili. Isa lang ang ibig sabihin nito, hindi pera ang habol ni Miley kundi pride. Kung sabagay wala sa ¼ ang kita ni Liam na $1.5 million kumpara sa kita ni Miley na $150 million lang naman.
KA freddie aguilar kakasuhan ng seduction ahaharap ngayon si Philippine Folk Singer Ka Freddie Aguilar nang maghain ng kaso si Atty. Fernando Perito, (m'yembro ng Integrated Bar of the Philippines) ng kasong Seduction hinggil sa kanyang pakikipagrelasyon sa isang menor de edad. Noong nakaraang Oktubre 24 (Martes), isinumite ni Perito sa Quezon City Prosecutor’s Office ang kaso laban kay Aguilar. Ang Seduction Charges ay tumutukoy sa sinumang nasaktan
N
pagitan ng 12-18 taon. Sa kanyang dalawang pahina na reklamo, ani ni Perito “Aguilar deserves to be castrated to spare children”. Ayon sa Revised Penal Code, kung sakaling ma-convict ang 60 anyos na award-winning singer, maaari itong makulong nang mula anim na buwan hanggang apat na taon. Sa isang interbyu naman kay Ka Freddie, “Kung meron po, bakit hindi haharapin? Kung hindi ko harapin ‘yan, parang tinanggap ko
o napinsala na ang edad ay nasa
na tama ‘yung ginagawa nila”.
PHoemela baranda ANgelika dela cruz is a single mom nanalong barangay captain
N
akahinga na nang maluwag ang model-actresshost na si Phoemela Baranda nang aminin niya sa The Buzz noong October 27 ang pinakatatago niyang sekreto. Sa isang exclusive interview ay inamin ni Phoem na mayroon na siyang dalagitang anak na 15 anyos na ang edad. Ipinaliwanag pa ni Baranda na itinago niya lamang ito sa publiko upang protektahan ang kanyang career pati na rin ang anak mula sa mapanuring mga mata sa loob ng showbiz. Noong una'y inakala ni Kim (anak ni Phoem) na tiyahin niya lamang ito at ang kanyang kinagisnang ina ay ang lola nito. Ngunit ngayong nasa wastong edad na si Kim at nagdadalaga, napagdesisyunan na ni Phoem na aminin na ang totoo sa bata. Maswerte lang si Phoem dahil magkaganun pa man ay walang sama ng loob sa kanya si Kim at naiintidihan nito ang dahilan kung bakit nagawa ito ng kanyang ina.
B
ukod sa ipinagdiriwang ni Kapuso Actress Angelika Dela Cruz ang kanyang ika-32 years na kaarawan ay kasabay nito ang kanyang pagkapanalo bilang Barangay Captain sa Longos, Malabon. Ito ang unang pagsabak ni Angelika sa pulitika, ipinapangako naman niya sa kanyang mga nasasakupan na gagawin niya ang lahat upang mapagsilbihan ang mga kabarangay na walang sawang sumuporta sa kanya mula simula ng kampanya hanggang maideklara siyang panalo. Bagama’t nalagay sa panganib ang kanyang buhay nang tangkain siyang saksakin habang nangangampanya, ay hindi natinag ang bagong kapitana upang ipaglaban ang kanyang kandidatura upang pagsilbihan ang kanyang mga minamahal na taga-Malabon. Ang katungali ni Angelika sa pagka-kapitan ng Brgy. Longos ay walang iba kundi ang kanyang pinsan. Sa kabilang banda plano ngayon ni Angelika na mag-aral muli upang mas lalong mapalalim ang kanyang kaalaman sa pulitika habang ipinagpapatuloy ang kanyang showbiz career.