DaloyKayumanggi August

Page 1

NANGUNGUNANG BALITA

Inspiring Global Filipinos in Japan

Mga Estudyanteng Pinoy, wagi sa Bulgaria Math Olympiad Apat na medalya mula Bulgaria Math Olympiad ang naiuwi ng mga pambato nating Estudyanteng Pinoy sa katatapos lamang na 21st Junior Balkan Mathematical Olympiad. sundan sa Pahina 2

Phil. Taekwondo Team nagkamit ng mga medalya sa South Korea Namayagpag ang husay ng mga Pinoy sa larangan ng sports matapos magkamit ng mga medalya ang mga miyembro ng Philippine Team.

Vol.5 Issue 66 August 2017

sundan sa Pahina 19

Sarah Geronimo, binabash dahil sa kanyang Top 3 sa "The Voice Teens"

Marami ang nag-react sa mga piniling top 3 ni Sarah Geronimo sa kanyang team sa "The Voice Teens." Para sa iba, 'di hamak na mas marami pang deserving sa top 3 spots.

Sundan sa Pahina 21

Kathryn Bernardo ikinumpara kay Charice Pempengco ng nitezens

Naging kontrobersiyal kamakailan ang boyish look ni Kathryn Bernardo sa kanyang hit teleserye na “La Luna Sangre.” sundan sa Pahina 22

KONTRIBUSYON

USAPANG OFW ni KUYA ERWIN Anong stage ka na sa iyong Financial na Buhay?

Ang Financial Freedom ay ang pagkakaroon ng sapat na kita na kayang suportahan ang iyong pang-araw araw na mga pangangailangan.

sundan sa Pahina 8

TAMPOK Here`s why you should avoid food waste

Isa ako sa mga batang napagsabihan noon na “huwag magsayang ng pagkain, maraming nagugutom na ibang bata.”

sundan sa Pahina 14

KABABAYAN OUTREACH

PHILIPPINE CONSULAR OUTREACH IN GIFU CITY

Sa layuning mapabilis ang paglilitis sa mga heinous crimes sa bansa, muling isusulong ng bagong Executive Vice President ng Integrated Bar of the Philippines.

sundan sa Pahina 5

PILIPINAS, ITINANGHAL NA ISA SA MGA PINAKAMAINAM NA BANSA PARA SA DIVING Matapos tanghalin ang Palawan bilang ‘Best Island in the World” ngayong 2017, lalong pinagbuti ng pamahalaan ng Pilipinas ang paglago ng turismo sa bansa.

A View of the best diving attraction in the Philippines .

sundan sa Pahina 3

MGA BATANG MAY SPECIAL NEEDS, NATUTULUNGAN NG PAGHAHABI Ang paghahabi ay isang lumang tradisyon na kinakailangan ng pasensiya at talento upang makabuo ng magagandang disenyo ng tela.

Kalinga weaver Cecilia Aweng weaving in a traditional Kalinga hut in Awichon, Lubuagan, Kalinga sundan sa Pahina 4

Sa China, ipinakita ng Department of Tourism, sa pamamagitan ng isang exhibit, kung ano ang maaaring matagpuan ng mga turistang Tsino sa bansa. Sa pamamagitan ng exhibit, inaasahang mapaparami pa ang darating na turistang Tsinoy sa bansa.

Ang naturang kakayahan ay maaari ring makatulong sa mga kabataang may special needs upang matuto sila ng hand-eye coordination, ayon sa St.

Francis School – VSA Arts Philippines for special needs students. Kung kaya naman, itinurn-over ang ilang kagamitan sa paghahabi ng Philippine Textile Research Institute (PTRI) katuwang ang Department of Science and Technology-National Capital Region sa naturang paaralan.

D&K Co., Ltd. 〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

sundan sa Pahina 7

Ang Konsulado ng Pilipinas sa Osaka, sa pakiki-pagtulungan ng ASFIL GIFU, ay magsasagawa ng serbisyo konsular sa Lungsod ng Gifu.

sundan sa Pahina 17

KA-DALOY OF THE MONTH

Pinay Model Maureen Wrobwitz, nasungkit ang titulong Asia's Next Top Model

Sa kabila ng maraming panghuhusga, pinatunayan ni Maureen Wroblewitz na ang gandang Pilipinas ay walang kupas. Katunayan, siya na ngayon ang kauna-unahang Pinay na itinanghal na Asia's Next Top Model Season 5 winner. Bago niya makamit ang tagumpay, nakatikim siya mula mismo sa iba pang mga kandidata ng mga hindi magandang mga salita. Sundan sa Pahina 7 FB FAN PAGE

DIGITAL VERSION

ORDER WEBSITE

TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 URL: www.dk6868.net E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp or daloyjapan@gmail.com


Daloy Kayumanggi

AUGUST 2017

2

BALITANG LOCAL

Impormasyon ng Pilipino

Mga Estudyanteng Pinoy, Wagi sa Bulgaria Math Olympiad APAT NA MEDALYA mula sa Bulgaria Math Olympiad ang naiuwi ng mga pambato nating Pinoy sa katatapos lamang na 21st Junior Balkan Mathematical Olympiad (JBMO) na ginanap sa Bulgaria. Ang mga Pinoy Mathletes na mula pa sa iba’t ibang high schools sa bansa ay nag-uwi ng apat na medalya ng tig-dalawang silver at bronze medals. Si Vincent Uy Dela Cruz mula sa Valenzuela City School of Mathematics and Science at Bryce Ainsley Ang Sanchez ng Grace Christian College ay parehong nag-uwi ng silver medal. Si Immanuel Josiah Ang Balete ng St. Joseph Stephen’s High School at Eion Nikolai Siytiu Chua ng International School Manila

Estudyante ng UP, Nagwagi sa isang internasyonal na Photo Contest

SA EDAD NA 21 TAON, nagawa nang manalo si Gabriel Mejia ng internasyonal na parangal para sa kaniyang imahe ng Gabaldon floodplain na matatagpuan sa Nueva Ecija. Ang naturang larawan ay nakuha habang nasa tuktok siya ng Mount Sawi.

Nag-aaral ng engineering sa UP, apat na oras na nagbiyahe si Mejia bago umakyat ng halos isang araw sa Mt. Sawi bago nakuhanan ng larawan ang nasabing lugar. Ang naturang floodplain ay matatagpuan sa gitna ng dalawang komunidad at nagsisilbing tambakan ng tubig na nagagamit ng mga mamamayan sa panahon ng tagtuyot. Ayon kay Mejia, plano niyang maging isang environmental engineer, particular na sa “disaster risk management.” Ang naturang contest ay pinamagatang Global Wetlands Youth Photo Contest. Bilang premyo, maaaring bisitahin ni Mejia ang isa sa mga Wetland of International Importance kung saan ang pinili niya ay ang Parque Provincial El Tromen ng Argentina. Nanalo si Mejia mula sa 700 sumali mula sa iba-ibang bansa.

naman ay nag-uwi ng parehong bronze medals. Bukod sa apat ay kabilang din ang estudyanteng si Aiman Andrei Ututalum Kue ng Zamboanga Chong Hua High School na lumahok sa patimpalak. Ang mga estudyante ay sinamahan ng kanilang mga coaches na sina Hazel Joy Shi at James Kelvin Martin mula sa Mathematics Trainers Guild-Philippines organization na binubuo ng mga math experts na nagpapadala ng mga Pinoy Mathletes para lumaban sa mga international competitions. Mga estudyante mula sa 19 na bansa ang naglaban-laban para sa nasabing Math Olympiad, kung saan naging rank 12 ang Pilipinas sa

Pink Beach ng Zamboanga, Isa sa 'World's Best Beaches' Ayon sa National Geographic

ITINAMPOK NG NATIONAL GEOGRAPHIC ang Pink Beach na matatagpuan sa Great Santa Cruz Island sa Zamboanga bilang isa sa “21 Best Beaches in the World.” Isinama ng Nat Geo ang Pink Beach ng Pilipinas bilang 15th best beach sa kanilang listahan at inaayanyahan ang mga beach lovers na magtungo rito para maramdaman ang ganda at “perfection” ng lugar. Pinuri ng writer ng National Geographic na si Kimberly Lovato ang ganda ng mga beaches sa Pilipinas, pero binigyang-diin niya ang pagkakaroon ng bansa ng natatanging pink beach na sa Zamboanga lamang matatagpuan. Nag-iisa lamang ang Pink Beach ng Great Santa Cruz Island sa Pilipinas na natural na pinkish ang kulay dahil

Bagong Cruise Ship ng Japan Cruise Lines, mas palalakasin pa ang turismo sa Pilipinas

SA DARATING NA 2018, tinatayang mas gaganda pa ang magiging takbo ng cruise tourism sa Pilipinas. Ito ay dahil na rin sa susunod na taon, magsasagawa na ng regular port call ang MS Pacific Venus ng Japan Cruise Lines (JCL) na isang paraan para mas palakasin pa ang turismo sa Pilipinas, sa pamamagitan ng pagdaong ng mga cruise ships sa bansa lulan ang mga turista. Ayon sa Department of Tourism Secretary na si Wanda Tulfo-Teo, base sa ulat ng goodnewspilipinas.com, kumpiyansa sila na mas mapapalakas pa ng pagdaong ng mga cruise ships sa bansa ang turismo sa PIlipinas. Dagdag ni Tulfo-Teo, “We are confident that with JCL resuming its operations in the Philippines, visitor arrivals from Japan will notably increase to enable this top four source market to inevitably rise from its present rank.” Bago pa man ang inaasahang pagdaong ng MS Pacific Venus, dumadaong na ang mga cruise ship ng JCL na isa sa mga kilalang cruise line sa Japan noong pang 2015 sa Manila at Puerto Princesa. Mas dumami pa ang port calls ng JCL pagdating ng 2016 sa iba pang lugar gaya ng Bohol, Boracay at Hundred Islands.

kabuuan.

sa napulburang red organ pipe coral na humalo na sa white sand ng dalampasigan. “Hardly lacking in gorgeous beaches, the Philippines claims a pink-sand variety, too. The blush color comes from billions of pieces of crushed red organ-pipe coral, seen in every handful of sand,” ani Lovato. Payo rin naman ng Nat Geo na regulated lamang ang maaaring bumisita sa Pink Beach at pinaalalahanan ang lahat na dumaan muna sa Zamboanga Tourism Office para sa mga requirements na kailangan bago makabisita sa lugar.

CLICK HERE TO WATCH WORLD FAMOUS PINK BEACH IN THE PHILIPPINES KYLE JENNERMANN

Palawan, Ideneklarang Best Island in the World ayon sa Travel and Leisure Website

WATCH CHANNEL R PALAWAN ISLAND - 2017 TRAVEL+LEISURE BEST ISLAND IN THE WORLD

MULING ITINANGHAL ang Palawan bilang Best Island in the World sa taon ng 2017. Matatandaang inokupa din ng Palawan ang naturang posisyon noong nakaraang taon, kung kaya naman tuwangtuwa ang maraming mga Pinoy sa naturang balita. Ang Palawan ay ang lugar kung saan matatagpuan ang Puerto Princesa Subterranean River o mas kilala bilang Underground River. Dito maaaring masilayan ng mga turista ang mga natatagong stalactites at stalagmites sa loob ng isang mahabang kuweba. Sa Palawan din matatagpuan ang El Nido na sikat sa pagkakaroon ng malinis na dagat, puting buhangin, at sari-saring buhay dagat. Ayon sa Travel and Leisure, ang Palawan ay isa sa mga pinakamagandang lugar na maaaring puntahan sa mundo, hindi lamang dahil sa mga natural nitong yaman ngunit dahil din sa mga taong nakatira rito. Inihayag pa na ang pagbisita sa Palawan ay magaan sa bulsa kumpara sa ibang destinasyon na maaring bisitahin ng mga banyagang turista.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

AUGUST 2017

BALITANG BALITANG GLOBAL GLOBAL PINOY PINOY

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Banaue Rice Terraces, Madali nang mabisita MAS MADALI NA NGAYONG bisitahin ang Banaue Rice Terraces, salamat sa Clark International Airport. Binansagang 8th Wonder of the World, ang Banaue Rice Terraces ay isa sa mga pinakasikat na lugar sa Pilipinas na pinagpaguran ng mga mamamayan ng Ifugao 2,000 taon na ang nakakalipas. Kilala bilang “Hagdan-Hagdang Palayan," ang lugar ay isang matalinong pamamaraan upang makapagpatubo ng bigas sa isang lugar kung saan halos walang patag na lupa. Noon, ang nasabing Rice Terraces ay maaari lamang mapuntahan pagkatapos ng matagal na biyahe. Pupuwedeng gumamit ng bus o van papunta sa lugar kung saan kailangang magbiyahe ng 10 hanggang 12 oras. Kung manggagaling naman

Tulong para sa mga mangingisda s at magsasaka, handog ng Department of Agriculture sa Surigao Del Norte

ANG PROGRAMANG inilunsad ng DA ay pinamagatang PLEA o Production Loan Easy Access para sa mga miyembro ng Malimono Multipurpose Cooperative. Sa pamamagitan ng programang ito, umaasa ang DA na mas mapapadali para sa mga magsasaka at mangingisda ang pangungutang para sa kanilang hanap-buhay at ang kaakibat na pagbabayad para rito. Ang programa ang inumpisahan sa mga lugar sa bansa na may mataas na insidente ng kahirapan. Dahil ang Malimono ay may taon-taong budget lamang na 65 million at may popula-

Pilipinas, Itinanghal na isa sa mga pinakamainam na bansa para sa diving

Sa pamamagitan ng exhibit, inaasahang mapaparami pa ang darating na turistang Tsinoy sa bansa, lalo na sa kadahilanang ang Pilipinas ay maituturing na sentro ng Coral Triangle. Ayon kay Jose Santiago Sta. Romana, Ambassador ng Pilipinas para sa bansang China, ang bansa ay magandang destinasyon para sa diving kahit na anong buwan dahil sa maligamgam na temperatura ng tubig. Ayon pa

Walang fake Rice sa Pilipinas, ayon sa NFA

PINABULAANAN NG NATIONAL FOOD AUTHORITY (NFA) ang kumakalat na balita sa social media na mayroong fake rice sa Pilipinas. Ayon sa administrator ng NFA na si Jason Aquino, idinaan na sa laboratory ang ilang samples ng bigas at wala silang natagpuan na ebidensya ng naturang pekeng bigas. Bagama't walang natagpuan, pinaigting ng NFA ang pagbabantay sa mga pumapasok na bigas mula sa ibang bansa. Idinagdag pa ng mga awtoridad na kailanman ay walang natagpuang pekeng bigas sa bansa. Ayon sa kanila, ang sino mang magkalat ng ganitong balita at mapatunayang nagsisinungaling ay maaaring sampahan ng kaso ng NFA.

3

3

sa Manila, kailangang maghintay ng halos limang oras sakay ng Wakay Air. Ngayon, 30 minutes na lamang ang kailangang hintayin upang marating ang kamangha-manghang lugar na ito. Mula Clark, Pampanga, lalapag ang mga turista sa Bagabag, kung saan maikli na lamang ang biyahe papuntang Banaue Rice Terraces. Inaanyayahan lahat ng turista na bisitahin ang lugar at masilayan ang kulturang Pilipino.

syon ng Php18,000 lamang, minabuti ng DA na tulungan ang mga mamamayan nito na makaahon sa kahirapan. Ang mga makakatanggap ng benepisyo na ito ay maaring umutang ng aabot sa Php50,000 kada tao. Ang pagbabayad ay maaaring gawin sa loob ng 10 taon na may kaakibat na interes na 6 na porsyento lamang.

CLICK HERE TO WATCH PTV DA, INILUNSAD ANG PLEA PROGRAM SA MALIMON, SURIGAO DEL NORTE

kay Romana, ilan sa mga dive spots sa Pilipinas ay nagawaran na ng internasyonal na award gaya ng Puerto Galera na itinakdang Man and Biosphere Reserve ng UNESCO.

CLICK HERE TO WATCHBEST OF DIVING PHILIPPINES - TUBBATAHA REEF

Upang hindi mag-panic ang publiko, inilahad din ng NFA ang plano nilang rice watch committee na mag-iimbestiga sa kahit anong kumakalat na balita tungkol sa pekeng bigas. Umaasa ang NFA na sa pamamagitan nito, matitigil na ang mga walang katotohanang balita tungkol sa pekeng bigas upang hindi masira ang naturang industriya, lalo na sa Pilipinas, kung saan ang bigas ay importanteng parte ng arawaraw na pagkain.

CLICK HERE TO WATCH NATIONAL FOOD AUTHORITY, NANINDIGANG WALANG FAKE RICE SA BANSA

CLICK HERE TO WATCH BIYAHE NI DREW IN BANAUE

Kuryente galing sa hangin, isinusulong sa Aklan

DAHIL SA NAPIPINTONG climate change at sa pamahal na pamahal na presyo ng gasolina sa World Market, minarapat ng Nabas, Aklan ang pagpapatayo ng 18 wind turbines sa kanilang lugar. Maliban sa maganda tignan ang mga ito, malaki din ang naitutulong ng naturang turbine sa pagpapailaw sa napakalaking parte ng Wester Visayas grid. Itinuturing na “green energy," inaasahang makakapag-supply ang naturang wind turbines nang hindi nakakasama sa kalikasan. Proyekto ito ng Petro Green Energy Corporation, EEI Power Corporation, at CapAsia. Naitatayang apat na bilyong piso ang ginastos para maipatayo ang 18 wind turbines at inaasaahang marami pa ang maidaragdag para sa ikalawang phase ng proyekto. Sa kasalukuyan, ang naturang wind farm ay nakaka-produce ng 36 megawatt elektrisidad sa grid. Humigit-kumulang 35,000 na katao ang makikinabang pagkatapos ng proyektong ito. Inaasahan din na ang proyekto ay maghihikayat ng karagdagang turismo sa siyudad. Dahil malapit sa Boracay ang Nabas, malaki ang posibilidad na mahikayat ang mga bisita ng Boracay na bumisita sa Nabas at makita ang mahabang hilera ng wind turbines.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

AUGUST 2017

4 4

BALITANG GLOBAL

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Mga batang may Special Needs, natutulungan ng paghahabi ANG PAGHAHABI ay isang lumang tradisyon na kinakailangan ng pasensiya at talento upang makabuo ng magagandang disenyo ng tela. Ang naturang kakayahan ay maaari ring makatulong sa mga kabataang may special needs upang matuto sila ng hand-eye coordination, ayon sa St. Francis School – VSA Arts Philippines for special needs students. Kung kaya naman, itinurn-over ang ilang kagamitan sa paghahabi ng Philippine Textile Research Institute (PTRI) katuwang ang Department of Science and Technology-National Capital Region sa

Okinoshima Island sa Japan, isa na ngayong "World Heritage" site

CLICK HERE TO WATCH WION JAPAN'S MEN-ONLY ISLAND, OKINOSHIMA GETS UNESCO HERITAGE

BINANSAGAN ng UN cultural body ng UNESCO ang Okinoshima Island o Oki kamakailan bilang "World Heritage." Bukod sa kilala ang lugar kung saan matatagpuan ang Okitsu shrine, popular din ang Oki bilang sagradong isla. Dito, bawal pumunta ang mga babae.

naturang paaralan upang matulungan ang mga estudyante nito sa kanilang pag-aaral. Inaasahang ang pagbibigay ng mga gamit ay makakatulong sa mga estudyante na maging produktibo, kung saan karamihan ng kanilang gagawin ay magiging damit, accessories, at iba pang produktong pangkalakalan. Inaasahang ang naturang proyekto ay magdudulot ng karagdagang kita para sa mga matuturuan nito. Ayon kay PTRI Director Celia Elumba, magiging kaaya-aya kung maisama sa K-12 ang nasabing proyekto upang madagdagan ang kaalaman ng mga bata tungkol dito.

PBA, payag na ipahiram ang ilang players sa Gilas Pilipinas

ang koponan. Hinggil naman sa mga maiiwang koponan, magsasagawa naman umano ng adjustments ang PBA.

PAL, magsasagawa ng dagdag screening sa electronic devices sa mga US-bound passengers

German Player, lumagda sa Dallas Mevericks

PUMAYAG NA ANG PBA na maipahiram sa Gilas Pilipinas ang ilan sa mga players nito. Ayon kay Commissioner Chito Narvasa, base sa ulat ng bomboradyo.com, napagkasunduan umano ng board of governors ng PBA sa isasali sa sasalihang kumpetisyon ng Gilas ang ilan sa mga players nito. Ilan sa mga hihiraming manlalaro ay sina Terrence Romeo, June Mar Fajardo at Calvin Abueva. Sa Agosto na ang FIBA World Cup Qualifying games na isasagawa sa Lebanon kung saan sasali

CLICK PHOTOS OF EACH PLAYER TO WATCH THEIR HIGHLIGHT REELS

CLICK HERE TO WATCH DALLAS MAVERICKS SIGN GERMAN FORWARD MAXI KLEBER!

CLICK HERE TO WATCH UPDATED SECURITY PROTOCOLS ANNOUNCED FOR INTERNATIONAL FLIGHTS

Kada Mayo 27 taun-taon binubuksan ang lugar para sa mga bisitang lalaki. Bago pumunta sa isla, nagsasagawa muna ang mga kalalakihan ang tinatawag na "cleansing ritual." Limitado lamang sa 200 katao ang maaaring makapunta sa lugar.

CLICK HERE TO WATCH HANDCRAFTED: SEAGRASS BASKETS IN THE PHILIPPINES

BILANG PAGSUNOD sa security directives na inilabas ng US Department of Homeland Security, inanunsiyo ng PAL kamakailan na ang mga portable electronic devices (PED) ng mga pasaherong pupunta ng US na mas malaki kaysa regular na smartphone ay dadaan sa karagdagang screening. Ang mga PED ay isu-surrender sa Redundancy Screening Checkpoint para sa nasabing screening. Kapag lusot na sa screening, saka lang pinapayagan ang mga ito na maipasok sa loob ng eroplano. Ilan sa mga maituturing na PED ay laptops, tablets, cameras, portable DVD players, scanners, electronic game units, at printers, ayon sa ulat ng pna.gov.ph. "The directives aim to ensure the integrity of all portable devices brought inside the aircraft," ika ng PAL.

HINDI NA LAMANG si Dirk Nowitzki ang German na kabilang sa Dallas Mavericks. Dagdag sa pwersa ng Mavericks ang 25 anyos na Maxi Kleber ng Wurzburg, Germany, hometown ni Nowitzki. Bago pa mang nirecruit ng Mavericks si Kleber, naglalaro na siya sa nakalipas na walong season ng pro basketball sa Europe. Sa taas na 6'11", inaasahang malaki ang kontribusyon ni Kleber sa nasabing koponan. Samantala, ito na ang ika20 season sa Mavericks ni Nowitzki.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

AUGUST 2017

BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY LOCAL

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

5

5

1-day trial sa heinous crimes, muling bubuhayin - IBP SA LAYUNING MAPABILIS ang paglilitis sa mga heinous crimes sa bansa, muling isusulong ng bagong Executive Vice President ng Integrated Bar of the Philippines ang panukalang "1-day trial." Kilalang human rights lawyer, gusto umano ni Atty. Egon Cayosa na mabago ang imahen ng criminal justice system sa buong bansa. Kuwento ni Cayosa sa panayam ng bomboradyo.com, dati na itong sinuportahan ni Cayosa noong unang inihain ang nasabing panukala sa Supreme Court. Dagdag pa niya, sana ay pakinggan umano ng Supreme Court ang nasabing panukala.

Tañon Strait, 19 taon nang protected area ISANG TAON NA LANG ang hinihintay bago ipagdiwang ang ikalawang dekada ng pagiging protected seascape ng Tañon Strait sa pagitan ng mga isla ng Cebu at Negros. Ang kipot, na tahanan ng maraming species ng marine mammals, corals at isda, ay isa sa mga pinakamalaking protected marine areas ng bansa. Isang ban para sa commercial fishing sa mga municipal and protected areas ng kipot ang ipinatupad ilang taon na ang nakalipas upang mapigilan ang pag-deteriorate ng kalidad ng marine environment dito. Ang provincial government ng Cebu nga ay nagpasa ng isang polisiya na magbibigay ng Php 2,000 na financial incentive para sa mga operatosr ng programang Bantay

CLICK HERE TO WATCH TAÑON STRAIT - BIODIVERSITY MANAGEMENT BUREAU

Dagat sa coastal areas. Maaalalang unang naging protected seascape ang Tañon Strait noong 1998 matapos pirmahan ni dating Pangulong Fidel Ramos ang Proclamation No. 1234 of 1998. Sa ngayon, tulung-tulong ang mga local government units, civil society groups at mga marine advocates para siguraduhin na napoprotektahan ang kipot.

South Korea, Top Tourism market pa rin ng Pilipinas - DOT

AYON SA PREDICTION na inilabas ng Department of Tourism (DOT), malaki ang posibilidad na ang bansang South Korea pa rin ang magiging top tourism market ng bansa ngayong taon. Itinuturing ng DOT ang South Korea bilang isang importanteng partner, ayon sa DOT Undersecretary na si Benito Bengzon, Jr. sa kakatapos lang na Korea World Travel Fair sa Seoul. Plano pa ng ahensiya na i-expand ang presence ng mga travel-related companies ng bansa sa South Korea. Matatandaang umabot ng 5.9 million ang numero ng Korean tourist arrivals noong 2016. Ang bilang na ito ay bumubuo ng 24.72 percent o halos isang kapat ng buong tourist arrival ng taong iyon. Sa unang dalawang buwan ng 2017, 5 percent ng

bilang noong 2016 ay na-achieve na. Ang mga South Korean nationals din ang mga pinakamalaking spenders sa kanilang bakasyon dito sa Pilipinas, na nag-ambag ng Php 5.83 billion noong February 2017.

CLICK HERE TO WATCH 50 THINGS TO DO IN SEOUL, KOREA TRAVEL GUIDE

Planong Mega Manila Subway, ie-extend papuntang NAIA INIHAYAG ni Department of Transportation (DOTr), sa pamamagitan ng opisina ni cabinet secretary Arthur Tugade, na may plano ang departamento na i-extend ang paggawa sa Mega Manila Subway System hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ayon kay Tugade, ang pagkakaroon ng station sa ilang terminals ng paliparan ay makakatulong sa pagpunta at pag-alis ng mga tao sa NAIA, na maituturing na isa sa mga pinakama-traffic na parte ng Metro Manila. Nakasaad sa orihinal na plano para sa Mega Manila Subway System na may 13 stations ang riles, mula sa Mindanao Avenue patungong FTI-Taguig. Matutulungan nito na ma-decongest ang mga kakalsadahan at mas magiging mabilis din ng 31 minuto ang travel time sa pagitan ng dalawang endpoint ng proyekto.

'Junior Picasso' ng Pilipinas, panalo sa Student Mars Art sa Colorado

Katulong ng Department of Transportation ang Japan International Cooperation Agency (JICA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagpopondo ng subway project. Planong makumpleto ang proyekto sa 2022, bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte.

CLICK HERE TO WATCH JIICA MEGA MANILA INFRASTRUCTURE ROADMAP

CLICK HERE TO WATCH MEET WORTH LODRIGA - THE LITTLE PICASSO OF THE PHILIPPINES

ISA NA NAMANG batang Pinoy ang nagbigay-karangalan sa bansa matapos manalo sa Student Mars Art na ginanap sa Colorado, USA. Ang batang pintor na si Worth Lodriga ang nagkamit ng first place, trophy at $1000 na gantimpala para sa katatapos lang na 2017 Student Mars Art (SMArt) Contest na ginanap sa Amerika. Bago pa man ang kanyang laban sa ibang bansa, nauna nang kinilala sa Pilipinas si Lodriga bilang “Little Picasso of the Philippines” at itinanghal bilang Junior Picasso 7-Star Artist Awardee. Si Lodriga ay mula sa La Salle Greenhills na nauna nang nanalo matapos niyang ipinta ang kanyang obra na tinawag niyang “Where No Man Has Gone Before” para sa elementary school category. Tinalo ni Lodriga ang mahigit 140 iba pang mga estudyante mula sa iba’t ibang panig ng mundo s matapos iguhit ang sarili niyang depiction ng magiging future ng tao sa planetang Mars. Bukod sa pagiging first place, itatampok din ang painting ng batang Picasso sa librong ilalathala para sa Mars Art. Maipi-feature din ang painting sa mismong website ng Mars Society. Bukod pa rito, naimbitahan na din si Lodriga sa University of California itong darating na Setyembre para sa darating na 2017 International Mars Society Convention.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

AUGUST 2017

6

6

EDITORIAL

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

CLICK HERE TO WATCH WHY PH IS GIVING MEDICAL STUDENTS FREE TUITION IN 8 SUCS BY ABS-CBN

Daloy Kayumanggi

Inspiring Global Filipinos in Japan

D&K Company Ltd Jagger Aziz jaggeraziz@gmail.com Art Editor and Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@gmail.com 0906-511-8111 090-6025-6962 Sales and Marketing: Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists: Aries Lucea (arieslucia@daloykayumanggi.com) Avic Tatlonghari (avictatlonghari@yahoo.com) Melbert Tizon (mbtizon@gmail.com) Hoshi Laurence Gonzales (Hitokirihoshi@gmail.com) Irene tria (irene@heartshaper.asia) Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo Publisher: Editor:

The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.dk6868.net  www.facebook.com/daloykayumanggi

editor`s note LOREEN DAVE CALPITO

Libreng Matrikula sa Kursong Medisina sa ilang SUCs sa Pilipinas, laking tulong sa maraming mamayang Pilipino

N

ito lamang Hunyo, maraming mga natuwa dahil sa inilabas na joint memorandum circular ng Commission on Higher Education (CHEd) at Department of Budget and Management (DBM) na nagsasaad na hindi na magbabayad ng tuition fee ang mga medical students ng walong state universities and colleges (SUCs) sa buong Pilipinas.

Ayon sa CHEd, tinatayang P40 milyon ang mapupunta sa walong piling unibersidad bilang pondo para sa nasabing libreng tuition fee. Kabilang sa mga unibersidad na ito ang University of Northern Philippines sa Ilocos Sur, Mariano Marcos State University, Cagayan State University, Bicol University, West Visayas State University, University of the Philippines - Leyte, Mindanao State University, at University of the Philippines - Manila. Sa nasabing JMC, bastat regular at nakapasa naman ang lahat ng grado ng mga estudyante ay maaaring makatanggap ng nasabing libreng tuition fee.

Iyon nga lang, kapag natapos na ang mga ito sa pagdo-doktor, kinakailangan umano nilang magsilbi sa iba-ibang ospital base sa kung ilang

taong nakatanggap ng libreng matrikula.

Ika ni CHEd Commissioner Prospero De Vera, layunin umano ng gobyerno na tugunan ang problema sa kakulangan ng mga doktor sa bansa.

Maganda ang proyektong ito ng administrasyong Duterte. Ito ay sapagkat nangangahulugan din ito ng mas maayos na pagtugon sa kalagayang pangkalusugan ng maraming mga Pilipino na sa matagal na panahon ay tila nauhaw sa disenteng programang pangkalusugan ng gobyerno ng Pilipinas.

Tunay nga na "change has arrived." Ang mga ganitong programa o proyekto ang talaga namang may malaking benepisyo sa nakararaming mga Pilipino.

Nawa ay makabuo pa ng mas maraming mga batas na kagaya nito ang kasalukuyang administrasyon tungo sa ikauunlad ng bawat isang Pilipino.


Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

AUGUST 2017

BALITANG KA-DALOY GLOBAL PINOY OF THE MONTH 7

Impormasyon ng Pilipino

ka-daloy of the month LOREEN DAVE CALPITO | DAVECALPITO529@GMAIL.COM

Pinay Model Maureen Wroblewitz, nasungkit ang titulong Asia's Next Top Model

S

a kabila ng maraming panghuhusga, pinatunayan ni Maureen Wroblewitz na ang gandang Pilipinas ay walang kupas. Katunayan, siya na ngayon ang kauna-unahang Pinay na itinanghal na Asia's Next Top Model Season 5 winner.

Bago niya makamit ang tagumpay, nakatikim siya mula mismo sa iba pang mga kandidata ng mga hindi magandang mga salita. Katunayan, sinabihan siya ng ilan na hindi deserving na mapunta sa kumpetisyon. Sa taas na 5'6", tinalo ni Maureen sina Shikin Gomez ng Malaysia at Minh Tu Nguyen naman ng Vietnam sa finale ng nasabing show.

Bunsod ng kanyang pagkakapanalo sa nasabing titulo, hindi lang Subaru Impreza ang kanyang nauwi, kundi modeling contract sa Storm Model Management na isang London-based company. Siya rin ang cover ng Nylon Singapore's online edition at ng iba pang high-profile na mga fashion campaigns.

Ang mga judges sa nasabing timpalak ay sina Cara Mcllroy, Yu Tsai at 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. Kasama niya sa kanyang journey ang dalawa pang mga Pinay models na sina Anjelica Santillan at Jennica Sanchez. Pinatunayan ni Maureen na hindi hadlang ang panghuhusga at panghahamak ng ibang tao para makamit mo ang bituin ng iyong buhay. Minsan pa nga, ang mga ito ang dahilan kung bakit tayo nagtatagumpay at nagsisikap sa buhay.

Good job, Maureen!

CLICK HERE TO WATCH PREVIEW PH HOW TO SPEAK GERMAN WITH MAUREEN WROBLEWITZ

CLICK HERE TO WATCH FILIPINA MAUREEN WROBLEWITZ WINNER OF ASIAS NEXT TOP MODEL 5!

CLICK HERE TO WATCH MAUREEN WROBLEWITZ || INQ TO BE YOU || ASIA'S NEXT TOP MODEL S5

Walang duda na sina Maureen ang ating Ka-Daloy of the Month.


Daloy Kayumanggi

AUGUST 2017

8 8

KONTRIBUSYON

Impormasyon ng Pilipino

usapang ofw Anong stage ka na sa iyong ni kuya erwin

Financial na Buhay?

ERWIN BRUNIO #090-7428-5744

A

ng Financial Freedom ay ang pagkakaroon ng sapat na kita na kayang suportahan ang

iyong pang-araw araw na mga pangangailangan, kahit na ikaw ay hindi na aktibo na nagtratabaho. Ibig sabihin, ang iyong pangtustos sa iyong mga gastos ay 100% na galing sa

passive income. Ang passive income ay kita halimbawa sa mga tubo sa deposito sa bangko, real estate, negosyo, stocks at iba pa.

Ayon sa financial expert na si Vincent “Sir Vince� Rapisura, may 5 baitang o stages ang Buhay-Pinansyal.

Ito ay ang 1) Start-up, 2) Independence, 3) Growth, 4) Stabilization at 5) Freedom

Tingnan ang larawan sa kanan at hanapin ang iyong edad. Tapos, ikumpara ang iyong passive income kung ito ay tumama. Ang pinaka una ay ang Financial Start-Up Stage, kung saan nagsisimula ka ng kumita sa iyong sarili. Ito ang baitang mo kung ang kita mo mula sa passive income ay zero. Ang suggested age sa stage na ito ay 21 to 22 years old. Pero, kahit na ano pa ang edad mo ngayon, kung ang passive income ay mo ay zero, ito ang stage mo ngayon. Ganun din sa natitirang mga baitang, ang age ay suggested age upang ma-check mo kung tama ba ito kumpara sa passive income mo.

Ang pangalawang baitang ay Financial independence. Dito, ikaw ay nagsisimula ng mamuhay ng independent mula sa iyong pamilya, at may sarili ng trabaho. Ang passive income mo ay dapat 1% hanggang 10% na.

Ang pangatlong baitang, Financial Growth Stage, ay maaring mahati sa dalawang age groups. Ang una ay mula 26 - 35 years, na inaasahan na may 11% - 25% ng passive income. Ang pangalawa naman ay mula 36 - 45 years old na may passive income na 26% - 50%.

Ang pang-apat na baitang, Financial Stabilization, ay meron din dalawang age group. Ang 46-55 years old ay inaasahan na 51% - 75% na ng iyong kita ay mula sa passive income. Ang 56 - 65 years old naman ay nasa 76% - 99% ang passive income. Ang panglima at huling baitang ay Financial Freedom kung saan 100% o mahigit pa ng iyong kita ay galing lahat sa passive sources of income. I-kompara kung ang iyong passive income ay naayon sa edad mo. Tsakto ba? Tandaaan na ang age levels ay suhestyon lamang. Maaari naman na mas bata ka pa, subalit mas malaki na ang iyong passive income. Congratulations!

Kung kulang ang porsiento ng passive income mo sa edad mo ngayon, may panahon pa. Mag-aral ng iba’t ibang paraan para mapalaki ang iyong passive income. Magtanong sa mga kakilala na gumagawa na nito. Huwag mahiya na magpaturo, hindi dapat ikahihiya ang ikakaganda ng pinansyal na buhay mo.

Mag-aral, mag-invest sa sariling kaalaman. Kahit may bayad ang seminar, join ka lang ng join. Mahirap sa simula, ganun talaga. Subalit, alin ang pipiliin mo, ang maghirap na mag-aral ngayon para sa iyong financial freedom? O ang tumanda na nagtatrabaho pa rin. O kaya ay umaasa na lang sa sustento ng iyong anak? Tandaan, hindi retirement plan ang iyong anak. Sa iyong pagtanda, huwag i-asa ang iyong pangangailangan sa kanila. Siguruhin na ikaw ay nasa Financial Freedom na bago pa mag retiro.

-end-

Ateneo LSE 54 Tokyo. Ang mga students na kasalukuyang kumukuha ng Leadership and Social Entreprenuership (LSE) Program ng Ateneo University dito sa Tokyo, kung saan ang inyong lingkod ang organizing secretariat at student na rin. Dito pinag-aaralan ang personal finance, leadership at ang pag-gawa ng business plan para sa itatayong negosyo. Kung interesado na sumali sa next batch (tentative Oct 21 at 22), mag text lang sa 090-7428-5744


Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

AUGUST 2017

BALITANG GLOBAL PINOY TIPS

Impormasyon ng Pilipino

9

4 na tips para maiwasan ang Heatstroke ngayong tag-init SA TUWING DARATING ANG TAG-INIT, pinagiingat ang nakararami sa posibleng banta ng heatstroke. Pero paano nga ba maiiwasan ang pag-atake nito? Narito ang ilang tips na dapat mong tandaan. Uminom ng maraming tubig. Dahil dehydration o pagkawala ng sapat na tubig ang dahilan ng heatstroke, siguraduhing uminom lagi ng tubig tuwing tag-init. Kung mabilis kang magpawis, higit pa sa 10 baso ng tubig ang inumin mo para palitan ang nawalang tubig sa iyong katawan. Huwag magsuot ng masikip. Imbes na makatulong, hindi kinakaya ng

katawan na palamigin ang sarili nito kung masikip ang iyong suot na damit. Kung taginit, magsuot ng mga loosefitting o maluluwag na damit na presko sa iyong katawan para tulungan itong mag-cool down. Magpayong o magpandong para iwas init. Kung lalabas ka ng bahay sa gitna ng matinding sikat ng araw, siguraduhing meron kang dalang payong bilang proteksyon sa init ng araw. Kung malapit lang naman ang iyong pupuntahan, maaari ka ring magpandong ng basang bimpo o gumamit ng sombrero. Huwag maglagi sa loob ng sasakyan. Ito ay isang mahalagang paalala lalo na sa

mga magulang. Hindi ligtas na iwan ang sino man, lalo na ang mga bata, sa loob ng sasakyan kapag tag-init. Ito kasi ang pangunahing dahilan kung bakit maraming mga bata ang namamatay sa heatstroke. Mas mabilis kasing tumaas ang temperatura ng mga sasakyan ilang minute lang matapos itong mabilad sa init ng araw. Ang heatstroke ay maaaring maiwasan at malunasan. Sa pamamagitan ng tamang pag-iingat sa iyong sarili, maaari mong maagapan ang pagkakaroon ng heatstroke at iba pang malalang epekto nito.

7 Subok na tips ng mga eksperto para makatulog ng mahimbing sa gabi

HIRAP KA BANG MAKATULOG SA GABI? Maaaring meron kang mga nakagawian na imbes na makatulong ay nagiging dahilan para maudlot ang dapat sana’y masarap mong tulog. Paano nga ba makakatulog nang mahimbing ang isang taong hirap humanap ng tulog sa gabi? Narito ang pitong payo ng mga eksperto na dapat mong tandaan. Gawing ‘sleep-friendly’ ang iyong kwarto. Maituturing na sleep-friendly ang malamig o cool na kwarto kasabay ang dark o dim light para tulungan ang iyong katawan na makatulog nang mahimbing. Nati-trigger kasi ng dilim ang melatonin o sleep-inducing hormone sa utak. Gumawa ng schedule para sa iyong pagtulog at paggising. Mas mabilis makasanayan ng katawan ang paggising at pagtulog kung meron kang sinusundang schedule. Ugaliing matulog at gumising sa parehong oras araw-araw. Iwasan ang panonood ng TV o paggamit ng gadget sa gabi. Ayon sa mga eksperto, dapat dalawang oras bago matulog ay hindi ka na gumamit pa ng anumang gadget o TV na naglalabas ng blue light. Dinadaya kasi nito ang utak sa pag-aakalang hindi pa panahon para ikaw ay matulog. Iwasang magkapeng alanganing oras. Hindi masamang magkape,

subalit dapat mong iwasang uminom ng kape kung lagpas alas-4 ng hapon at ikaw ay hirap makatulog. Tumatagal kasi ang epekto ng kape sa katawan sa loob ng anim o higit pang oras na maaaring makaapekto sa iyong pagtulog. Mag-warm shower bago matulog. Mas mabilis daw lumamig ang temperatura ng katawan na ideal para sa pagtulog kung magha-hot shower ka isang oras bago ka matulog sa gabi. Nakakarelax din ng muscles ang hot shower. Makinig classical music. Ayon sa pag-aaral, ang pakikinig ng mabagal na tugtog kagaya ng classical music ay makatutulong para makatulog ka sa gabi. Ito ay dahil sa relaxing ng slow rhythm music na nakatutulong din para maibsan ang depression. Sumamyo ng lavender oil. Kahit noong una pa, kilala na ang lavender bilang relaxing agent. Ang samyo ng lavender ay nakatutulong para i-relax ang iyong mga nerves at pababain ang iyong blood pressure. Sumamyo ng lavender oil sa loob ng 2-3 minuto kada 10 minuto para makatulog ng mahimbing. Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na tulog para sa malusog na katawan. Sa tamang pagtulog, maiiwasan ang maraming sakit at magiging mas energetic kang harapin ang bawat araw, sa bahay man o trabaho.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

AUGUST 2017

10

10

PINOY KA BA?

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

It`s Joke Time!

TATTOO Juan: Tay, nagpa-tattoo po ako sa dibdib Tatay: Wow! Astig talaga ang anak ko. Agila ba o dragon? Juan: Pusa po! Tatay: Aba, kakaiba yan ah. Anong klaseng pusa naman yan? Juan: Hello Kitty. LUMALAKING ISDA Tanong: Anong isda ang lumalaki pa? Sagot: Siyempre maliliit na isda KNOCK KNOCK JOKE: NAE NAE Knock knock Who’s there? Nae nae Nae nae who? Nae nae tatay gusto ko tinapay Ate kuya, gusto ko kape

TINAPAY NA HINDI KINAKAIN SA GITNA Tanong: Anong tinapay ang hindi kinakain ang gitna? Sagot: E di donut! Try mo kayang kainin yung gitna.

KNOCK KNOCK JOKE: CABALEN Knock knock Who’s there? Cabalen Cabalen who? Cabalen bilinan ng lola, ‘wag uminom ng serbesa ANG PANGALAN Titser: Ang pangit naman ng pangalan mo, hijo. Conrado Domingo, in short “condom” Boy: Okay lang po ‘yun Ma’am. Kesa naman po sa pangalan ng asawa niyo: Supremo Potenciano. In short “supot.” KNOCK KNOCK JOKE: MALING Knock knock Who’s there? Maling Maling who? Start twerking like maling

KNOCK KNOCK NI NAPOLES Napoles: Knock knock P-Noy: Who’s there? Napoles: Pork Barrel P-Noy: Pork Barrel who? Napoles: What does the fox say? Ring-ding-ding-ding-dingeringeding Gering-ding-ding-ding-dingeringeding Gering-ding-ding-ding-dingeringeding P-Noy: Nasaan ang “Pork Barrel” dun? Napoles: Hindi ko po alam! KNOCK KNOCK JOKE: AMOY LUYA Knock knock Who’s there? Amoy luya Amoy luya who? It’s raining meeeen, amoy luya it’s raining meeeen

NASA AMERIKA May isang batang bagong salta sa Amerika na nasa pangangalaga ng kanyang tiyuhin. Isang araw, nakita ng tiyuhin na umiiyak ang bata. Tito: Hijo, bakit ka umiiyak? Pamangkin: (umiiyak) Angkol, Angkol... Tito: Hija, nasa Amerika na tayo. Hindi ‘Angkol’ dapat ‘Angkel’ Pamangkin: Angkel, I rode my Bysikol Tito: Hijo, nasa Amerika na tayo. Hindi ‘Bysikol’ ang tawag dun. ‘Bysikel’ Pamangkin: Angkel, I rode my Bysikel to buy some Papsikol... Tito: Hijo, nasa Amerika na tayo. Hindi ‘Papsikol,’ dapat ‘Papsikel’ Pamangkin: Angkel, I rode my Bysikel to buy some Papsikel en den I pel. Now, I heb a Bukel.... KNOCK KNOCK JOKE: GALUNGGONG Knock knock Who’s there? Galunggong Galunggong who? Oh ang galing galunggong sumayaw, galunggong gumalaw

GIRAFFE KASI Boy: Anong hayop ang laging nakatingala? Girl: Ano? Boy: E di giraffe Girl: Hindi naman tumitingala yun a. Boy: Nakatingala yun kasi GIRAFFE siyang yumuko

KNOCK KNOCK JOKE: PAKSIW Knock knock Who’s there? Paksiw Paksiw who? What does the paksiw? Ding-ding-dingding

BLOOD TYPE Vampire 1: Namutla ka lalo. May sakit ka ba? Vampire 2: Oo, iyong nasipsip kong dugo kanina, may severe anemia pala. Ayun, nahawa ako. Vampire 1: Pa’no yan? Vampire 2: Pupunta ako ng ospital. Magpapalagay ako ng dugo. Vampire 1: Buti pa nga. Ano bang blood type mo, A, B, AB o O? Vampire 2: Hindi ako sure basta nasa A up to Z iyon.

KNOCK KNOCK JOKE: MY THOUGHTS Mayonaise Knock knock Who’s there? My thoughts mayonaise My thoughts mayonaise who? My thoughts... mayonaise... my shoulder... my head... MATAPANG NA LALAKI Juan: Pare, ang tapang talaga ni pareng Jose Pedro: Paano mo naman nasabi? Juan: Akalain mo yun, tumalon si pareng Jose sa eroplano. Walang suot na parachute! Pedro. Matapang nga. Saan mo naman nabalitaan yan? Juan: Doon sa burol niya.

KNOCK KNOCK JOKE: WINNIE THE POOH Knock knock Who’s there? Winnie the Pooh Winnie the Pooh who? Bang bang Winnie the Pooh, I know you want

SAMPUNG PISONG PANALANGIN May isang batang pulubi sa loob ng Quiapo church... Pulubi: Lord, sana bigyan niyo ako ng P10 kasi gutom na gutom na talaga ako. Narinig ng isang pulis ang panalangin ng bata. Kumuha siya ng P5 at iniabot sa pulubi. Pulis: Ito na ang P5, narinig na ng Diyos ang panalangin mo. Bumili ka na ng pagkain. Tumingin ang pulubing bata sa pulis, inabot ang P5 at muling yumuko para manalangin. Pulubi: Lord, salamat po at sinagot niyo yung panalangin ko. Pero sana po sa uliuli, ‘wag na po ninyong ipadaan sa mga pulis, kalahati po kasi ang bawas. KNOCK KNOCK JOKE: DOTA 2 Knock knock Who’s there? DOTA 2 DOTA 2 who? Can I have your DOTA 2 the rest of my life Say ‘yes,’ say ‘yes’ ‘cause I need to know TINDERA NG JUICE Tindera: Hoy! Kahit nagtitinda lang ako ng juice dito, may mga anak din ako na nasa UP, UST, FEU, USC at Ateneo. Estudyante: Wow! Ang galing mo, ate. Ano naman ang mga course nila? Tindera: Wala! Nagtitinda rin sila ng juice. mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp

www.tumawa.com


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

AUGUST 2017

11

ANUNSYO

11


JULY 2017

12

12

ANUNSYO

Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"



Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

AUGUST 2017

14 14

KOLUMN

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

tampok

HERE'S WHY YOU SHOULD AVOID

HOSHI LAURENCE HITOKIRIHOSHI@GMAIL.COM FB/TWITTER/INSTAGRAM/ LINKEDIN: @HITOKIRIHOSHI

website: www.hoshilandia.com

F D WASTE

Isa ako sa mga batang napagsabihan noon na “huwag magsayang ng pagkain, maraming nagugutom na ibang bata.” Maliban sa pagiging sensitibo sa kalagayan ng iba, naniwala rin ako na ikakayaman o ikakabuti rin ng marami “if we avoid wasting our food.”

3 reasons why food waste is no-no

* Food waste hurts our Mother Nature- Ayon sa Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO) sa mga sayang o nasasayang na pagkain sa panahon pa lang ng pagproseso ay isa na agad suliranin. Ito ay dahil may mga naitapon na elemento gaya ng tubig, lupa, at enerhiya. Wala pa rito ang peligro kalikasan gaya ng “green gas emission” at pagtatapon ng basura makapag-manufacture lamang ng pagkain.

“Hunger is still one of the most urgent development challenges, yet the world is producing more than enough food. Recovering just half of what is lost or wasted could feed the world alone,” Food and agriculture Organization (FAO) of the United Nations’ statement. Ayon pa sa 2011-report ng Huffington Post, kapag ang mga tapon na pagkain ay mapunta sa mga kagaya ng smoky mountain ay nagbubuga ito ng methane na mas malakas ng 23 beses kaysa carbon dioxide. Bukod rito ay tinatayang ang mga food waste ay kumunsumo ng mahigit 300 milyong bariles ng langis kada taon, at sangkapat (1/4) lahat-lahat na paggamit ng freshwater.

* It silently eats up your day to day budget. One of the best advice na nakuha ko sa isang mommy ay make it a habit to plan your meals for an entire week. In that way, you have an idea what to buy ONLY in the market. Tandaan natin na may pagkain na perishable at siempre halos lahat ay may expiration. Makakamura ka nga sa maramihan kay suki pero kung hindi mo naman makokunsumo agad ay mabubulok sa wala. In the end, tapon ang pera mo at may peligro pa sa kalusugan. * Wasting food is can be considered as a sin. Kalokohan lang ba yung sinasabi ng mga parents na maraming namamatay sa gutom? Unfortunately, hindi. Totoo na kahit sa mayayaman na bansa ay mayroon nagugutom at namamatay dahil dito. Minsan na nabanggit ni Pope Francis na ang pagsasayang ng pagkain ay animo’y pagnanakaw sa hapag-kainan ng mga mahihirap at nagugutom. “Consumerism has led us to become used to an excess and daily waste of food, to which, at times, we are no longer able to give a just value, which goes well beyond mere economic parameters,” pahayag ng Papa sa World Environment Day sa St. Peter’s Square noong 2013. “We should all remember, however, that throwing food away is like stealing from the tables of the poor, the hungry!” * Is it right to take leftover food for your pet(s) from a party or restaurant? Kung hindi ba nakahihiya, sa iyo ang pagkain, at okay naman sa host ng party –go! Sa totoo lang ay minsan nakakahiya lalo na kung sa mamahalin restaurant gagawin. Subalit, kung iisipin ay ang iuuwing pagkain ay bayad na at ano bang gagawin ng resto sa mga tirang pagkain? *Which is your problem as a party host, not enough or too much food? Kung mag-uuwi ka ng pagkain ay baka makatulong ka pa para maiwasan ang pagsasayang ng pagkain. Of course ang best cue ay alukin ka at ipagbalot ka ng food ng host. Alam naman natin na ilang Pinoy ay

mahilig sa fiesta-style na handaan na tipong pang buong baranggay ang dami. Mas problema ng iba na baka kulangin iyong handa nila kaysa sobra-sobra. * How to avoid food waste in your party. Uso na ‘yong event invitation sa Facebook at through text. Hindi pa rin ‘yan ganun ka-reliable pero not bad to estimate kung ilan man lang ang interesadong pumunta. Masakit na matanggihan pero mabuti na iyon kaysa sa mga umo-o pero nang-i-indyan.

*Ang artikulo na ito ay nirebisa at orihinal na inilathala sa hoshilandia.com


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

AUGUST 2017

15

BALITANG GLOBAL PINOY KOLUMN

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Slice of Mango. Slice of Life ARIES LUCEA

ARIESLUCEA@DALOYKAYUMANGGI.COM

15

Trying New Sports: Bouldering and Canoeing

N

agawa kong magtungo at magehersisyo sa gym, tatlo hanggang apat na beses kada lingo sa halos labing anim na buwan. Sa tulad kong maituturing na "couch potato" for almost most of my adult life, napakalaking accomplishment itong maituturing. Pero medyo nakakaranas na din ako ng gym fatigue or boredom. I am in a rut. I am tired of my song playlist. One of my best buddy and gym partner injured his heel, needs to recuperate and quit the gym. I am not giving up on my gym membership for I know that a ready work out place and equipment at all times is important in keeping a healthy regimen. But at the same time, I know that being tired of the routine can make my gym visits less productive too. Kaya naman, sa nakaraang dalawang buwan I have tried three new sports or exercises to add to my gym routine. In choosing an activity, kelangan kong bigyan ng pansin ang aking tuhod. I needed a low knee impact exercise sa dahilan I am recovering from an injury. Doing a variety of exercises in between my gym visits made me look forward and actually excited for my next gym workout session. Sinubukan ko ang bouldering, canoeing and kick boxing. I will talk about the first two in this article.

Well its a form of rock climbing, pero parang napaka advance at hardcore ko naman yata if I will use that term. Ginagawa ang bouldering ng walang gamit na lubid o harness. Hindi kelangan ng equipment, maliban sa climbing shoes para sa foot hold at chalk para naman mapanatiling tuyo ang kamay. Dito sa Osaka we went to Gravity gym, which has an artificial climbing wall that allows us to train indoors without natural boulders, and falling on a soft cushion is quite a relief for my already injured knees. Mahirap sa umpisa, pero my gym workout helps a lot having a strong upper body strength. Doing it for the first time, I had the advantage of having strong arms, pero sa bigat ko I felt that my arms are getting much of the strain. Then, I learned from an avid climber, that having a strong core and legs are the essential muscle groups required for this sport. Having strong upper body is fine, but relying too much on your arm strength is not good for the shoulders. BENEFITS OF BOULDERING 1. Combines cardio and strength into a single workout. 2. Strengthens and tones muscles. 3. Mental strength. Based on what I experienced problem solving skills is important in this sport. Navigating your way up a climb, requires hand-eye coordination, judge own ability on reach and strength required to complete the next step. 4. Burns calories. Studies showed that around 800 calories in an hour of rock climbing can be burned. 5. Conquer Fears. Fear is among the greatest obstacles which prevents us from enjoying life to the fullest. Since a lot of commonly held fear are heights and the fear of falling down, bouldering or rock climbing is a fantastic way of conquering these fears.

For indoor climbing and bouldering: Gravity Research Umeda 3-1 Ouemoachi Kita ku, Osaka City, Grandfront Osaka Knowledge Capital 6/F TEL#06-6485-7363

It is important to distinguish these two before we go further. Ako rin ay medyo nalito ng tiananong ako ng trainer if I want to ride a kayak or a canoe? This is the distinction between the two as I gather from Wikipedia: Canoeing - a paddle sport in which you kneel or sit facing forward in an open or closed-decked canoe, and propel yourself with a single-bladed paddle. Kayaking - use a boat called a kayak, where the paddler faces forward, legs in front, using a double-bladed paddle. Most kayaks have closed decks. Because of my injured leg I felt going into a closed deck might stress my leg muscles more, kaya I opted to navigate the waters using the canoe. I may have permanently injured my knee due to running kaya naman nagustuhan ko ang canoeing sa dahilan ito ay maituturing na low impact cardio vascular activity without the risk of wear and tear on joints and tissues, since paddling is a low impact activity. It also improves muscle strength, particularly in the back, arm, shoulders and chest from moving the paddle. It also increases the torso and leg strength, as the strength to power the canoe or kayak comes from mainly from rotating the torso and applying pressure with your legs. Where to go kayaking/ canoeing in Kansai? For beginners: YMCA MT. Rokko campsite has an enclosed kayaking and canoeing facility. 078-891-0050 For open water contact: Mont-bell Outdoor Challenge in Gojo, Nara. Have fun kayaking along Yoshino River TEL# 06-6538-5270


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

AUGUST 2017

16

16

ANUNSYO

Impormasyon ng Pilipino

"Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

SHARE YOUR OUTREACH PROGRAM WITH US! WILL PUBLISH YOUR OUTREACH PROGRAM TULAD NITONG PROGRAMA NA ITO!

One Pan Garlic Herb Chicken and Asparagus Prep Time 5 mins

Cook Time 20 mins

Total Time 25 mins

PHILIPPINE CONSULAR OUTREACH IN GIFU CITY Ang Konsulado ng Pilipinas sa Osaka, sa pakikipagtulungan ng ASFIL GIFU, ay magsasagawa ng serbisyo konsular sa Lungsod ng Gifu.

Philippine passport (renewal, firt time application, etc.). Report of Birth, Report of marriage, LCCM, NBI, SPA, Notarization / Authentication

CLICK HERE TO WATCH TIFFANY AZURE

WHEN: AUGUST 26-27, 2017 (SABADO AT LINGGO) 9:30AM~ WHERE: HEARTFUL SQUARE G (GUSALING KARUGTONG NG JR GIFU TRAIN STATION), 2F, DAI KENSHU SHITSU ●TINGNAN AGAD ANG DETALYE SA WEBSITE NG KONSULADO: www.osakapcg.dfa.gov.ph/ ●I-download at i-print ang application form galing website ng Konsulado. Magtanong din sa ASFIL GIFU kung saan maaaring makakuha. 1. Osaka-Kobe Philippine Consulate General: Fax: 06-6910-8734/email: queries.osakapcg@gmail. com 2. ASFIL GIFU: 090-3935-6004 (Edna) Sponsor: Gifu International Center Back up: Gifu City _______________________________________________________________________________________

I

大阪・神戸フィリピン総領事館 出張サービス フィリピン総領事館窓口で行うパスポート申請 ・ 更新などの各種手続きの 出張サービスを岐阜市にて行います。 とき : 2017 年 8 月 26-27 日 (土日) 9 : 30 ~ ところ : ハートフルスクエア G 2 階大研修室 (JR 岐阜駅となり) ●詳しい内容はフィリピン総領事館ホームページ : www.osakapcg.dfa.gov.ph/ で直ぐみて下さい。 ●フィリピンパスポート ・ 出生届け用申請書は総領事館ウェブサイトからダウンロード ・ 印刷するか ASFIL GIFU にお問い合わせください。 ①大阪 ・ 神戸フィリピン総領事館 : Fax: 06-6910-8734 / email: queries.osakapcg@gmail.com ② ASFIL GIFU : 090-3935-6004 ( 大野) 助成 : 岐阜国際交流センター 後援 : 岐阜市

CLICK THIS SECTION TO GET DIRECTIONS TO THE PROGRAM

This is a 25 minute one pan garlic herb chicken and asparagus, which is full of rich, buttery herb flavors with both chicken and asparagus all cooked in a single pan for easy prep and cleanup.

INGREDIENTS • 3-6 chicken thighs or boneless skinless chicken breasts (breasts pounded to even ½ inch thickness) • salt and pepper, to taste • 1 pound asparagus, ends trimmed • 3 tablespoons butter, divided • 1 tablespoon minced garlic • ½ teaspoon dried basil (see note) • ½ teaspoon dried oregano • ½ teaspoon dried thyme • ½ teaspoon onion powder • salt and pepper, to taste • fresh herbs for garnish (optional)

INTRUCTIONS 1. Season chicken with salt and pepper on both sides. Melt 2 tablespoons butter in a large pan/skillet over meidum-high

heat. Stir in garlic and herbs and cook another minute or so until the garlic is fragrant. 2. Reduce heat to medium, add chicken to pan, and cook for 5-7 minutes, then flip and cook another 5-7 minutes. (Chicken should be nearly, but not completely cooked through by this point) 3. Scoot the chicken over the sides and add remaining 1 tablespoon butter to the empty portion of the pan. Once the butter is melted, add asparagus. Season asparagus with salt and pepper, to taste. Cook, rotating throughout, for 4-6 minutes until tender and chicken is completely cooked through. 4. Serve immediately garnished with freshly cracked black pepper and fresh herbs if desired.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

AUGUST 2017

17

TIPS

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

USE COMICA EVERYDAY From Landline

44min 18sec.

From Cellphone

30min 36sec.

BUY 10,000yen GET

21PCS! 4 Tips para sa bakasyong Hassle-Free kasama ang iyong pamilya

Masayang magbakasyon kasama ang iyong pamilya. Gayunpaman, hindi ito madali lalo na’t kailangan mong magplano at maghanda ng sapat na pera para ma-enjoy ang iyong bakasyon. Narito ang ilang tips para gawing stress-free ang plano mong bakasyon lalo na’t kasama ang mga chikiting. I-meeting ang iyong mag-anak. Dapat na alam ng bawat isa – lalo na ng mga bata – kung ano ang pwede at hindi pwede habang kayo ay nasa bakasyon. Huwag kalimutang paalalahanan ang mga bata, lalo na kung hindi pamilyar ang lugar na inyong pupuntahan. Gumawa ng to-do list. Huwag mong hayaang masira ang iyong bakasyon dahil lang may nakalimutan ka. Ugaliing maglista ng mga bagay na gusto mong gawin, bilhin o kailangang dalhin para hindi mo ito makalimutan. Pag-aralan ang lugar na iyong pagbabakasyunan. Kung first time niyong pumunta sa lugar kung saan niyo balak magbakasyon, mas mainam na mag-research ka tungkol sa lugar. Ito ay para malaman mo ang kultura ng mga tao roon pati na rin ang available na mode of transportation para sa inyong mag-anak. Maghanda nang mas maaga. Sa kahit na anong okasyon, mas mainam pa rin ang paghahanda nang maaga. Ito ay para na rin maiwasan ang anumang aberya at makagawa ka ng paraan habang may panahon pa. Sa pamamagitan ng pagpaplano nang maaga, magiging maalwan ang iyong bakasyon kasama ang iyong pamilya. Bukod pa rito, mas mae-enjoy mo pa ang iba’t ibang activities ng walang inaalalang anuman mula sa iyong trabaho.

4 Tips para mapakain ng masustansiyang pagkain ang iyong anak

SA PANAHON NGAYON, mahirap nang pakainin ng masusustansiyang pagkain ang mga bata. Naglipana na kasi ang mga fast foods at processed goods na mas patok sa kanilang panlasa. Bilang magulang, paano nga ba natin mae-encourage ang ating mga anak na kumain ng masustansiyang pagkain, lalo na nng gulay? Narito ang ilang tips na dapat mong malaman. Hainan sila ng masustansiyang pagkain araw-araw. Literal na takot ang mga batang sumubok ng anumang klase ng pagkain. Pero kung araw-araw mo silang hahainan ng gulay, isda at prutas, mas malaki ang tiyansang masanay sila sa pagkain ng mga ito kaysa sa minsanang paghahain lang ng mga nasabing pagkain. Gumamit ng “hero worship” Kung ayaw ng inyong mga anak ng gulay, maaari kayong magbanggit ng kanilang mga idol na kumakain ng gulay gaya ni Michael Jordan na mahilig sa peas. Marami pang artista at iba pang sikat na mas gusto ang gulay, prutas, at isda dahil na rin sa sustansiyang dulot nito. Maaari mo rin itong gamiting encouragement sa iyong anak. Gamitin ang magic ng “sawsawan” Dahil natural na matamis ang panlasa ng mga bata, pwede ka ring gumamit ng mga salad dressing o iba pang sawsawan para maengganyo silang tumikim ng gulay. Simulan ito sa paggayat ng carrots na pwede nilang isawsaw sa mayonnaise. Pwede rin naman ang iba pang sawsawan na papatok sa kanilang panlasa. Mag-shake ng prutas o gulay Kung hindi uubra ang solid food, pwede mo namang gawing juice ang prutas at gulay para ihain sa inyong anak. Simple lang naman ang paghahanda ng mga fruit shake at ang tanging kailangan mo lang ay asukal, gatas, at crushed iced. Siyempre pa, ang pagkain ng masusustansiyang pagkain ay dapat na imino-modelo mismo ng mga magulang. Habang bata pa, mas maigi nang turuan ang inyong mga anak sa pagkain ng masusustansiyang pagkain gaya ng prutas at gulay upang lumaki silang malusog at masigla.

17

Mga Teknik sa pag-alis ng taba sa katawan habang walang muscle buildup

ALAM NA NATING LAHAT na hindi madali ang pag-alis ng taba sa katawan. Kailangang metikoloso ang gagawing ehersisyo ng isang tao upang mawala kahit kalahati man lang ng isang kilogram. Ang iba naman ay gustong maging slim para sa Instagram. Ang focus ng article na ito ay ang mga taong gustong mag-exercise pero ayaw magkaroon ng malalaking katawan. Ang mga sususunod na mga exercises ay magbibigay ng malaking tulong sa inyo sa pagpapayat: Running/jogging Kung gusto mong pumayat, ang pagja-jogging at pagtakbo ay isa sa mga pinakamadaling gawin na exercise. Kahit isang oras na kombinasyon ng running at jogging ay malaking tulong na tungo sa iyong goal. Triangle push ups Ang triangle push ups ay ginagawa na parang push-up. Ang kakaiba lang sa triangular push-ups ay kailangang naka-align ang mga shoulder at naka-gawa ng triangle sa sahig. Light weights Ang light weights ay nakakaganda para sa muscle strength ng arms. Ang maganda rito ay hindi masyadong halata ang epekto nito sa muscles. Kaya kung ayaw mong magka-muscle building, gamitin mo ang method na ito.

Epektibong tips para mapangalagaan ang iyong balat

ISA SA MGA PARAAN para maipakita ng isang indibidwal ang kanyang kagandahan ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng makinis at healthy na balat. Naririto ang ilang tips na maaari mong sundan: Uminom ng maraming tubig. Kung isa ka sa mga taong nag-aakalang sa summer lang nade-dehydrate, diyan ka nagkakamali. Katunayan, ayon sa siyensiya, mas mataas pa nga ang tendensiyang made-hydrate kapag winter. Kaya naman, maganda kung inom tayo ng inom ng maraming tubig para mapanatiling nasa maayos na kalusugan ang ating pangangatawan, partikular na ang ating mga kutis. Iwasan ang mga cream o beauty product na mayroong taglay na petroleum. Ang petroleum ay nakakabara sa ating pores; kaya naman, nahihirapan ang moisture na pumasok sa ating mga balat. Magalagay pa rin ng sunscreen. Isa pang maling nosyon kapag winter ay ang pagiging ligtas sa UV rays ng araw. Puwes, alam mo na ngayon na hindi ito totoo. Kagaya kapag summer, kinakailangan mo pa ring maglagay ng sunscreen bilang pamproteksiyon. Gumamit ng mga oil. Magandang maglagay nito 30 minuto bago maligo. Maaaring maglagay ng olive, coconut, avocado, o almond oil. Kapansin-pansin ang makinis na kutis pagkatapos maligo. Ang mga aromatic oil din ay nakakatulong para maging healthy ang katawan at ang isipan kapag winter season.

Mga Paraan para sa epektibong pagbabawas ng timbang

HINDI NA KAILANGANG GUMASTOS ng malaki sa gym o bumili ng mamahaling gamot upang magbawas ng timbang. Para sa maraming Pilipino, ilang simpleng pagbabago lamang sa pang-araw-araw nilang gawain para makabawas ng ilang kilo sa kanilang katawan. Umpisahan mo sa tamang dami ng inumin. Maraming doktor ang nagsasabi na dapat ay walong baso ng tubig ang inumin araw-araw, ngunit karamihan ng Pinoy ay kulang dito ang iniinom. Madalas ay matamis na inumin kagaya ng softdrinks at juice ang ginagamit na pampatawid-uhaw na siya namang nakakapagpadagdag ng timbang. Maaari ring bawasan ang paggamit ng hagdan imbes na elevator. Para sa mga nagtratrabaho sa siyudad, ang pag gamit ng hagdan papunta at pauwi ng opisina ay magsisilbing ehersisyo para sa araw na iyon upang lalong lumakas ang kanilang resistensya. Ang tamang pagkain ay isa ring magandang paraan. Siguraduhing kumakain ng agahan upang hindi kumain nang sobra pagdating ng tanghali at hapunan.

BOSE

Soundlink Mini II

CALL US NOW 090-6025-6962

FREE DELIVERY EXCEPT OKINAWA

20,000 YEN only


AUGUST 2017

18

18

TIPS

Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

TAWAG NA SA 090-6025-6962

Tips Para Tumagal ang Beterya ng iyong Cellphone

MABILIS BANG MAUBOS ANG BATERYA ng cellphone mo? Madalas, ito ang problema ng mga estudyante at manggagawa ngayon, lalo na kung wala silang dalang charger o powerbank na magagamit. Kung madalas ito mangyari sa iyo, marami kang maaring gawin upang pabagalin ang pagka-lowbat ng iyong selpon. Isang magandang diskarte ay ang pag-off ng koneksyon sa Internet. Ito ay isa sa mga pinakamalakas nagpapababa ng baterya ng iyong selpon. Maaari ring i-off lahat ng applications na hindi mo ginagamit ngunit hindi mo matanggal ng kumpleto sa selpon. Maaari mong i-disable ang mga ito sa pamamagitan ng Settings sa iyong mobile phone. Ang pagtanggal ng screen saver at paglilinis ng iyong junk folder ay maganda ring paraan ng pagpapahaba ng baterya ng iyong selpon. Maaari rin kayong maglagay ng programa na gumagana bilang tagalinis at tagapag-palamig ng baterya upang hindi ito maubos agad-agad. Kung malayo pa sa bahay, siguraduhing hindi muna masyadong ginagamit ang phone at iwasan ang maglaro ng kahit anong application.

Paano maiiwasan ang denge sa panahon ng tag ulan?

BAGAMA'T LUMALAKAS NA ANG DEPENSA ng Pilipinas sa Dengue dahil sa iba't ibang proyekto ng Department of Health laban dito, hindi pa rin maiwasan ang sakit, lalo na pagdating sa mga bata. Sa panahon ng tag-ulan, malaki na naman ang tyansang kumalat ang sakit na dengue dahil sa naipong tubig na maaaring pagbahayan ng lamok. Siguraduhing lahat ng nakaimbak na tubig ay natatakpan

upang hindi dito mangitlog ang lamok. Gumamit ng kulambo tuwing matutulog sa gabi. Epektibo rin ang pagsusuot ng mahahabang damit upang matakpan and ilang parte ng katawan na maaring kagatin ng lamok. Nararapat ding gumamit ng lotion na lumalaban sa lamok. Ang paglilinis ng paligid ay isa ding magandang paraan upang kumonti ang presensya ng lamok sa inyong bahay. Hanggat maari, magtanim ng mga halaman na hindi nagugustuhan ng lamok at mag-spray ng insecticide 3 oras bago matulog.

Protektahan ang sarili tuwing gumagamit ng ATM

MARAMI NA NGAYON ANG NAPAPABALITANG nagkakaproblema sa kanilang ATM card dahil sa mga masasamang loob na naglalagay ng kung anu-anong aparato upang ma-access ang imporasyon ng mga gumagamit ng ATM. Sa paraang ito, nagagawa nilang magwithdraw sa iyong ATM account nang hindi mo namamalayan. Iwasang gumamit ng ATM sa mga tagong lugar. Hangga’t maari, mag-withdraw lamang sa mga ATM kung saan may guwardiyang nakabantay. Suriing mabuti ang ATM machine bago ipasok ang iyong card. Siguraduhing walang kung anu-ano na nakakakabit sa ATM machine, lalo na sa parte kung saan pinapasok ang iyong card. Maging mapagmatyag habang ginagamit ang machine. Siguraduhing walang ibang tao na nakatingin sa iyo habang kinukumpleto mo ang iyong transaksyon. Takpan ng isang kamay ang numero habang ipinapasok mo ang iyon PIN a ATM. Huwag kang papayag na may ibang tao na tutulong sa iyo. Hangga’t maari, humingi lamang ng tulong sa guwardiya ng bangko o sa ibang empleyado ng naturang bangko.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

AUGUST 2017

19

BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY SPORTS

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

19

Boxing Convention, gaganapin sa Palawan sa Nobyembre

I

NANUNSYO ng Games and Amusement Board na sa Pilipinas isasagawa ang Oriental and Pacific Boxing Federation (OPBF) Convention sa taong ito. Inaasahang dadalo ang mga representante ng iba't ibang bansa sa conference sa Puerto Princesa City, Palawan sa Nobyember 9 hanggang 12. Magiging guest of honor ng event ang Pilipinong presidente ng World

Boxing Council (WBC). Maaari ring maging guest si People's Champ Manny Pacquiao. Sa Pilipinas din ginanap ang Oriental and Pacific Boxing Federation noong nakaraang taon, sa Bacolod City. Matatandaang naging co-founder at founding member ang Pilipinas ng OPBF at WBC.

Mga Pinoy, wagi 30 Elite Triathletes, sa Sepak Takraw inaasahan sa Ika-Apat ng Mt. Competition sa France Mayon Asian Cup Triathlon

CLICK HERE TO WATCH LAST YEARS SALUDO SEPAK TAKRAW PHILIPPINES

LIKAS NA SA MGA Pilipino ang pagiging magaling pagdating sa aspeto ng palakasan. Kamakailan, nagwagi ang Pilipinas sa ginanap na sepak takraw competition sa France. Ginanap ang 13th International French Open sa Schiltigheim, France kung saan lumaban ang Sepak Takraw Philippine team na binubuo ng magkahiwalay na men’s at women’s team. Sa huli, nagwagi ang men’s team ng silver medal habang bronze medal naman ang nasungkit ng women’s team. Hindi man nagtagumpay para maging kampeyon, sapat na para sa team manager ng Philippine Amateur Sepak Takraw Association (PASTA) na si Karen Claire Tanchaco-Caballero ang naging performance ng mga manlalarong Pinoy. Ika ng team manager, kuntento na siya sa naging tagumpay ng dalawang team lalo pa nga’t nakapag-uwi ang mga ito ng medalya at nakipag-kompetensiya sa iba pang koponan mula pa sa ibang bansa. Kabilang sa men’s team ng sepak takraw sina John John Bobier, Emmanuel Escote, John Carlo Lee at Regie Reznan Pabriga. Sina Rizzalyn Amoalcion, Mary Ann Lopez, Lhaina Lhiell Mangubat at Jean Marie Sucalit naman ay kabilang sa women’s team.

NGAYONG TAON, TINATAYANG 3,000 mga atleta ang lalahok para sa taunang Asian Cup Triathlon na isasagawa sa Mt. Mayon sa Legazpi, Albay sa ika-apat na pagkakataon. Sa libo-libong triathletes na kalahok, inaasahan din ang pagdalo ng mga elite triathletes na talaga namang aabangan ng mga triathlon fans. Sa Agosto 13 na nakatakdang isagawa ang 2017 Mt. Mayon ASTC Triathlon Asia Cup. Ito na rin ang ikaapat na pagkakataon na gaganapin ang nasabing Asian Cup triathlon series sa Mt. Mayon at Albay Gulf dito sa Pilipinas. Sa pagbubukas ng nasabing karera sa lungsod ng Legazpi, Albay, inaaasahan ang pagdagsa, hindi lamang ng mga mismong triathletes, kundi maging ang mga turistang sumuporta sa kani-kanilang mga idolo. Libo-libong bisita rin ang inaasahang dara-

Estudyante, nakakuha ng bronze medal sa ASEAN Schools Games 2017

NAGKAMIT NG BRONZE medal ang isang estudyanteng Pinay mula sa Cagayan Valley sa katatapos na 9th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Schools Games 2017 sa Singapore. Siya ay si Cherry Mae Banatao na nagtala ng 1.66 meters sa kategoryang long jump. Sa ulat ng bomboradyo.com, tuwang-tuwa ang mga magulang ni Banatao bunsod ng natamo ng anak na unang beses pa lamang maisabak sa isang international sports event. Produkto si Banatao ng Palarong Pambansa.

Mga miyembro ng Phil. Taekwondo Team, nagkamit ng mga medalya sa South Korea

NAMAYAGPAG ang husay ng mga Pinoy sa larangan ng sports matapos magkamit ng mga medalya ang mga miyembro ng Philippine Team sa 11th World Taekwondo Cultural Exposition sa South Korea.

CLICK HERE TO WATCH TOP 25 GREATEST MANNY PACQUIAO FIGHTS IN HD

ting mula sa mahigit 10 bansa sa Asya gaya ng Chinese Taipei, Japan, Australia, Singapore at South Korea na dadalo sa taunang palaro. Meron ding mga triathletes na lalahok mula sa bansang Ireland at Macau. Sa ngayon, tinatayang 30 elite triathletes ang makikipagkarera mula sa iba’t ibang panig ng Asya. Ilan sa mga kilalang triathletes na dapat abangan ng lahat ay sina Julius Constantino, Mark Hosana, Paul Jumamil, Edward Macalalad, Banjo Norte, Leyann Ramo at marami pang iba.

CLICK HERE TO WATCH LAST YEARS MT. MAYON TRIATHLON

Ito ang listahan ng mga nagkamit ng medalya: * Gwyneth Andaya - 2 gold medals sa Kyorugi at Poomsae category * Franzinn Francisco - 2 gold medals sa under 16 division sa parehong kategorya * Nicole Villarina - 1 gold medal sa Kyorugi red belt division; 1 silver medal sa poomsae - red belt division * Amelia Chiu - 2 gold medals sa Kyorugi (under 13 black belt division at Poomsae blue belt division) Isinagawa ang nasabing kumpetisyon mula Hulyo 13 hanggang 18.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

AUGUST 2017

20

20

HOROSCOPE

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

LEO Hul. 23 - Ago. 22

Gusto ka ng mga tao dahil may isa kang salita: kung ano ang sinabi mo, pinaninindigan mo. 'Wag mo

silang biguin. Power numbers: 34, 25, at 7 Lucky colors: Red

VIRGO Ago. 23 - Set. 23

Magpakatatag sa buhay. Talagang dumarating ang oras na kailangang magsakripisyo. Power numbers: 20, 24, at 9. Lucky colors: Brown LIBRA Set. 24 - Okt. 23

Maswerte ka sa pera ngayong buwang ito. Kung balak mong magnegosyo, ito ang tamang panahon. Power numbers: 17, 18 at 3 Lucky colors: Violet SCORPIO Okt.24 - Nob. 22

Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Bigyan din ng oras ang iyong sarili paminsanminsan. Magpahinga kung

kinakailangan. Power numbers: 29, 1 at 11. Lucky colors: White

SAGITTARIUS Nob. 23 - Dis. 21

Sa panahong tingin mo ay tila hindi na umuusad ang takbo ng iyong buhay, may isang taong magbibigay sa iyo ng magandang balita na magpapanumbalik sa iyo. Power numbers: 3, 21 at 53 Lucky colors: Maroon CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 19

Medyo pinanghihinaan ka na ng loob, dahil tila ba nakaasa sila lahat sa iyo. 'Wag magsawa. Malapit na ang panahon na may tutulong sa iyo. Power numbers: 6, 7, 1. Lucky colors: Gray.

AQUARIUS Ene. 20 - Feb. 19 Yung mga taong natulungan mo ay ang siyang aalalay naman sa iyo ngayon. Panatilihin ang pagkakaroon ng mababang loob. Power numbers: 9, 34, at 4 Lucky colors: Black

PISCES Peb. 20 - Mar. 20

Huwag aksayahin ang iyong buhay sa mga bagay na wala namang katuturan. Sa halip, mas pagtuunan ng pansin ang mga bagay na mas makabubuti sa iyo. Power numbers: 6, 7, at 1 Lucky colors: Biege ARIES Mar. 21 - Abr. 20

May oportunidad na nasa iyong harapan. Kailangan mo ng mabilis na pagdedesisyon kung susunggaban mo ito o hindi kasi baka ito mapunta sa iba. Power numbers: 17, 251 at 5 Lucky colors: Yellow TAURUS Abr. 21 - May. 21

Wag kang sumuko sa mga pagsubok sa iyong buhay. Dumarating ang mga ito nang sa gayon ay mas maging matatag ka at magkaroon ka ng paninindigan sa buhay. Power numbers: 10,17 at 9 Lucky colors: Violet

GEMINI May. 22 - Hun. 21

Hayaan mo lang ang mga taong nagpapakita sa iyo ng masama. Iyon ang kaligayahan nila. 'Pag mas lalo mo silang pinapansin ay mas lalo ka rin nilang hahamak-hamakin. Power numbers: 37, 41, at 18 Lucky color: Orange. CANCER Hun. 22 - Hul. 22 Huwag mong gugulin ang lahat ng iyong oras sa bagay na hindi naman ikaw ang talagang dapat may pasan. Sa halip, ituon ang atensiyon sa mas makakabuti sa iyo at ng iyong pamilya. Power numbers ay 2, 38, at 4 Lucky color: Red.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

AUGUST 2017

BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ

Impormasyon ng Pilipino

21

Impormasyon ng Pilipino

Pokwang, Doble ingat dahil sa maselang pagbubuntis

ILANG BUWAN NA ANG IPINAGBUBUNTIS ng actress/comedian na si Marietta Subong o mas kilala ng lahat bilang si Pokwang. Pero dahil sa kanyang maselang pagbubuntis, kinailangang

Ruru Madrid, mukhang gusto ng fans na i-partner sa Pinay winner ng Asia's Next Top Model

MARAMING MGA FANS ni Ruru Madrid ang tila ba may gustong i-partner siya on-screen kay Maureen Wroblewitz, ang kauna-unahang Pinay winner sa Asia's Next Top Model. Katunayan, marami sa kanilang followers ang kasalukuyan nang bumubuo ng fans club. Ang pinakamatunog ay ang MauRu love team. Sa ilang naglabasang ulat, tila genuine din ang paghanga kasi ng aktor sa Pinay model. Katunayan, lagi-lagi raw itong nagco-comment sa Instagram posts ni Maureen. Kung matutuloy ang mga ugung-ugong na mapupunta sa GMA Network si Maureen, baka ma-etsepwera na ang kasalukuyang ka-love team ni Ruru na si Gabbi Garcia, ika ng maraming fans.

isugod ang 44-year old comedian sa ospital at pinayuhang maging maingat dahil sa kanyang kondisyon. Ayon sa kaibigan at kapwa komedyante ni Pokwang na si K Brosas, maayos naman ang kalagayan ng komedyante. Gayunpaman, mas doble ang pag-iingat na dapat gawin ni Pokwang dahil dati na siyang nakunan sa dapat sana ay first baby nila ng American celebrity boyfriend na si Lee O’Brian. Bukod pa rito, malaki rin ang kanyang ipinagbubuntis kahit pa nga two months palang ito. Mas pinili rin ni Pokwang na manatili sa Pilipinas kung saan mas komportable at mas maraming mag-aalaga sa kanya kumpara sa ibang bansa. Sa ngayon, arroz caldo ang napaglilihian ni Pokwang at hiling niyang maging malusog ang kanyang baby pagdating ng kanyang due date sa darating na Pebrero 2018. Baby boy naman daw ang gustong maging panganay ng kanyang boyfriend, pero okay lang sa komedyante maging girl o boy man basta’t malusog ang kanyang baby.

CLICK HERE TO WATCH THE VOICE TEENS PHILIPPINES MEET TEAM SARAH'S TOP 3

MARAMI ANG NAG-REACT sa mga piniling top 3 ni Sarah Geronimo sa kanyang team sa "The Voice Teens." Para sa iba, 'di hamak na mas marami pang deserving sa top 3 spots. Samantala, ipinagtanggol naman ni Coach Lea Salonga ng Team Lea ang choices ni Sarah. "Why is she getting hate? She knew going in that she can't please everyone. Kelangangang panindigan ang mga choice niya. If she wins, hala kayo!" ika ni Lea sa kanyang tweet. Abangan natin kung good choices nga ang mga pinili ni Sarah G. sa kanyang team.

Kiko Estrada, kinakarir ang pagganap sa role sa Mulawin vs. Ravena

CLICK HERE TO WATCH 10 FUN FACTS ABOUT MAUREEN WROBLEWITZ OF #ASNTM5

Pinay Muay Thai Trainer, Champion sa 2017 Fitness Universe

PINATUNAYAN na naman ng isang Pinay na hindi lamang sa ganda at talino kayang makipagsabayan ng mga Pilipino. Maging sa pagiging fit at healthy ay champion din tayo. Kamakailan lang, itinanghal bilang kampeyon si Lou Jen Saldo sa ginanap na 2017 Fitness Universe sa Miami Beach, Florida. Sa nasabing kompetisyon, hindi lamang isa kundi dalawa pang titulo ang naiuwi ng 30-year old fitness model at enthusiast. Bukod sa pagiging 2017 Fitness Universe Champion, itinanghal din bilang Ms. Bikini Universe 2017 si Lou Jen. Bago pa man ang kompetisyon na ginanap sa Florida nito lamang Hunyo 24, nauna nang itinanghal bilang kampeon sa Bodybuilding Bikini Division si Saldo sa Robinsons Parañaque. Noon ding 2016, nanalo na rin si Lou Jen para sa Slimmers World’s Great Bodies 2016. Hindi na rin

Sarah Geronimo, binabash dahil sa kanyang top 3 sa "The Voice Teens"

CLICK HERE TO WATCH GRACEE BONGOLAN KIKO ESTRADA IN MULAWIN VS RAVENA AND HIS CAREER GOALS

nakapagtataka ang pagiging fit ni Lou Jen dahil kabilang siya sa Philippine Lady Volcanoes bilang rugby player noong 2013. Sa kasulukuyan ay kumukuha si Saldo ng kursong Physical Education sa University of Makati. Nagpa-part time din siya bilang Muay Thai at kickboxing trainer.

MUKHANG KINAKARIR ni Kiko Estrada ang pagiging cast ng Mulawin vs. Ravena ng GMA Network. Katunayan, sa layuning maging efficient actor siyan, naglalaan umano siya ng 10 minuto bago ang eksena para makapag-internalize at makapag-focus sa kanyang character. Ito umano'y para hindi maabala ang ibang aktor at para makapag-deliver siya nang husto sa mga eksenang kukunan. Magandang opportunity umano kasi ang nasabing palabas kaya ginagalingan nito ang pagganap sa ibinigay na karakter.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

AUGUST 2017

22

22

BALITANG SHOWBIZ

JC Santos, bagong paborito ng ABS-CBN

CLICK HERE WATCH ABS-CBN ENTERTAINMENS JC SANTOS REVEALS 5 THINGS FANS DON'T KNOW ABOUT JULIA MONTES

TILA BA SI JC SANTOS ang isa sa mga bini-build-up ngayon ng ABS-CBN. Katunayan, siya na ang ipinapartner ngayon kay Julia Montes. Unang napanood bilang magkatambal sina JC at Julia sa “Wansapanataym: Annika Pintasera.” Sila rin ang bibida sa “Victims of Love” na bagong aabangang serye sa Dos. Kasama sa nasabing palabas sina Paolo Avelino, Angelica Panganiban, Cherry Pie Picache, at Lorna Tolentino.

Super tekla, nawala sa Wowowin

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Kathryn Bernardo, ikinukumpara kay Charice Pempengco ng nitezens NAGING KONTROBERSIYAL kamakailan ang boyish look ni Kathryn Bernardo sa kanyang hit teleserye na “La Luna Sangre.” Maraming mga netizens ang nagulat sa kanyang nasabing look na hinihingi ng kanyang role sa nasabing show. Ika ng ilan, tila ba kahawig siya ni Charice Pempengco na ngayon ay may bagong pangalan.

Pelikula ng kapatid ni Coco, pinipilahan

PINIPILAHAN UMANO sa sinehan ang “Pamilya Ordinaryo” – ang pelikulang pinagbibidahan ni Ronwaldo Martin, ang kapatid ni Coco Martin. Ang nasabing pelikula ay bahagi ng Cine Lokal ng Film Development Council of the Philippines FDCP). Bukod kay Ronwaldo, bida rin ditto si Hasmine Killip. Ang “Pamilya Ordinaryo” ay tumatalakay sa isyu ng kahirapan ng maraming mga pamilya sa bansa sa kasalukuyan, kabilang na ang pamilya Ordinaryo.

Tony Labrusca, untiunti nang nakikilala

UNTI-UNTI NANG TUMATATAK ang pangalan ni Tony Labrusca sa Philippine showbizness. Si Tony, para sa mga hindi nakakaalam, ay naging contestant sa Pinoy Band Superstar. Bagama’t hindi pinalad sa nasabing show ang anak ng actor-model na si Boom Labrusca, binigyan naman siya ng break ng Dos sa pamamagitan ng pagsasama sa kanya sa hit teleserye na “La Luna Sangre.” Kasama niya rito sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Malaki na rin daw ang ipinagbago ng kanyang buhay. Katunayan, nakakaya na raw niyang kumain sa mamahaling restawran ngayon.

Direk Erik Matti nagbigay pahayag tungkol sa Pelikulang Darna ni Liza Soberano

CLICK HERE WATCH 24 ORAS: SUPER TEKLA, NAGSALITA NA TUNGKOL SA BIGLAANG PAMAMAALAM NIYA SA 'WOWOWIN'

KUMPIRMADO NA ngang natsugi na sa Wowowin ang komedyanteng si Super Tekla. Dahil dito, marami ang nanghinayang sa career ng nasabing komedyante. Para sa ilan, malaking oportunidad ang nawala sa kamay ni Super Tekla. Mantakin mo ba naman ay Monday to Friday ang exposure niya sa nasabing show ni Willie Revillame. Sa interbyu ng 24 Oras kay Super Tekla, lubos ang pag-iyak niya sa pagkawala niya sa nasabing show.

NAGBIGAY NG PAHAYAG si Direk Erik Matti kung anung klaseng costume ang susuotin ni Liza Soberano sa pinakahihintay na pelikulang Darna. Pahayag ni Direk na ang kanyang custome ay base sa komiks mismo. “I think bottom line is Darna has to be presented, after 23 to 24 years of not having Darna on the screen, I think she should be presented in the best superhero look possible and whatever it is that we love about the Darna costume—how was she envisioned in the comic book—I think that's what we are trying to achieve,” pahayag ni Direk. “Definitely it will be modern, contemporary, progressive kind of costume for our Darna. And I've seen what’s on the net na. I've been tagged by everyone actually. I collected all of those pictures but we are going with a totally new and different [one]. We wanted a costume that is utilitarian,

CLICK HERE TO WATCH KATHRYN'S SHORT HAIR IN LA LUNA SANGRE IDENTICAL TO JAKE ZYRUS'S ACCORDING TO NETIZENS

Sabi naman ng ilan, hindi umano puwedeng ikum-para si Kathryn kay Jake, dahil ‘di hamak daw na mas maganda ang itsura nito kaysa sa singer.

CLICK HERE TO WATCH PAMILYA ORDINARYO OFFICIAL TRAILER

CLICK HERE TO WATCH TRENDZ TODAY GET TO KNOW TONY LABRUSCA AKA "JAKE" OF LA LUNA SANGRE

functional but at the same time can logically come out from Narda to Darna. That’s where we are coming from. It’s more than just aesthetic. It’s more than just cosmetic. It’s more than just trying to be sexy. It really should be the functional characteristic of a costume for a superhero,” pahayag ni Direk. Sinabi rin ni Direk Erik na nagsimula narin sila ni Liza sa workshop para sa role na kanyang gaganapin. “We sat down. We have another schedule this week. I am doing some workshops with her. Last week we sat down, we presented what we want to happen with her,” pahayag ni Direk.

CLICK HERE TO WATCH PEP.PH DIRECTOR ERIK MATTI GIVES HINTS ON WHAT TO EXPECT FROM NEW DARNA COSTUME


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

AUGUST 2017

23

BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Nagwaging Miss Philippines-Earth 2017, nangakong ibibigay ang kanyang "110%"

CLICK HERE TO WATCH TWBA: JOVIT SPEAKS ABOUT HIS BREAK-UP

HIGIT PA SA 100% ang effort na gustong ibigay ni Karen Ibasco na itinanghal bilang Miss Philippines-Earth kamakailan. Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala ang 26-year old beauty queen na sa kanya napunta ang korona. Sa isang larawang i-pinost ni Karen sa social media suot ang kanyang korona,

ipinahayag niya na hindi siya makapaniwala sa pagkakapanalo. Sinabi rin niyang 110% ang kanyang ibibigay para i-represent ang Pilipinas sa international stage. Ayon sa post ng beauty queen: "Rest assured I will give my 110% to best represent the Philippines in the international stage to continue the legacy of what Miss Earth is all about. I can’t wait to shout Karen Ibasco, Philippines!!! To God be ALL the glory!” Sa Pilipinas isasagawa ang Miss Earth 2017 ngayong darating na Nobyembre kaya naman excited na ang Manila beauty para sa darating na kompetisyon. Sa ngayon ay nanatiling matatag ang adbokasiya ni Ibasco para sa renewable energy na siyang nagpanalo sa kanya sa Q&A portion ng Miss Earth-Philippines 2017.

Miss Earth Philippines - Fire, Pagiging positibo ang payo para sa Marawi Evacuees

“Maging positibo pa rin sa buhay.” Iyan ang naging payo ng itinanghal na Miss Earth Philippines-Fire na si Nelza “Ella” Bautista sa mga kababayan niyang Pilipino na nakararanas ngayon ng kahirapan sa gitna ng patuloy na kaguluhan sa Marawi. Naibahagi ng 19-year old beauty queen ang kanyang saloobin matapos umapela ang mga apektadong residente ng Marawi City para makabalik sa kani-kanilang tirahan. Ito ay dahil na rin sa pagiging siksikan ng mga evacuation centers na

Tweet ni Idol

S

a edisyong ito ng Tweet ni Idol, t at long mga local celebrities ang ating itatampok. Tara at simulan na natin ang paglilista.

Tara!

( CLICK PHOTO TO FOLLOW THEM ON INSTAGRAM )

Kim Chiu (@chinitaprincess) "ok just had to post this 'OMG' moment!!! check my stories for more fangirl moments with @ilovekaye haha #BieberFever!!! Hello @justinbieber"

Nadine Lustre (@hellobangsie) "Think I need to really stop talking for a day for my voice to come back:/ Sounds terrible still."

Kiray Celis (@kiraycelis) "nagpost ako na nasa beach. Tapos naka shorts ako pero kita kuyukot ko. Bakit daw kita pwet ko? ANO BA! Nasa beach nga diba? Naka shorts na nga ako! Paano papala kung nagpanty pa ako? OH ETO! MORE PWET PA PARA SA INYO!"

Noven Belleza "Tawag ng Tanghalan" grand champion pinaglagyan sa mga evacuees. winner sinampahan ng kasong rape Hinikayat din ni Ella na mas itodo pa ng mga kababayang Pilipino ang suporta sa Pangulong Rodrigo Duterte na ginagawa ang lahat ng paraan para malutas ang problema at kaguluhan sa Marawi. Ani Bautista, hindi raw dapat mawalan ng pag-asa ang mga taga-Marawi lalo pa nga at desidido rin ang Presidente para maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga bakwit na apektado ng giyera at martial law na nangyayari sa lugar laban sa mga Maute.

Miss Universe 2016 Iris Jake Cuenca, naba-bash dahil Mittenaere, viral ang photo sa sa kanyang controversial Social Media tweet versus magazines

GUMAWA NG INGAY kamakailan ang reigning Miss Universe 201 na si Iris Mittenaere dahil sa bago niyang larawan na may suot na kulay blue na swimsuit. Ipinost ito ng official na Instragram account ng Miss Universe. Ika ng post: "Blue beauty. The ever stunning #MissUniverse in her official photoshoot by @brucesoyezbernard..." Nakalikom ang nasabing post ng napakaraming likes at shares mula sa mga netizens, partikular na ang mga Pinoy. Kagaya nina Dayanara Torres at Suhsmita Sen, malapit din sa puso ng mga Pinoy si Mittenaere dahil dito sa Pilipinas siya kinoronahan.

23

MARAMING MGA NETIZENS ang namba-bash kamakailan kay Jake Cuenca kaugnay ng tweet nito na may pasaring sa mga magazines at mga sikat. "What's happened to magazines here? They just put people who could sell rather than having people who can actually influence fashion. Ano 'to?" ika ni Jake sa kanyang post. Sabi ng iba, tila pasaring ito kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na nasa cover ngayon ng Yes! Magazine at sa tambalang AlDub. Ang magazine kasi umano kung saan nasa cover and AlDub ang itinuturing na highest-selling issue ng MEGA. Gayunman, marami namang sumasangayon sa opinyon ni Jake.

CLICK HERE TO WATCH AVID FAN: NOVEN BELLEZA ARRESTED FOR ALLEGED RAPE

PORMAL NANG SINAMPAHAN ng kasong panggagahasa ang first grand winner champion ng "Tawag ng Tanghalan" na si Noven Belleza. Isinampa ang kasong rape noong July 17, 2017 sa singer sa Cebu City Prosecutor's Office, Ayon sa kay Mabolo Police Station head chief Inspector Jacinto Mandal Jr. Ayon sa panayam mula sa PEP.ph na pahayag ni Chief Inspector Mandal, if there is a probable cause, patuloy siya sa kustodiya ng kapulisan. “Then after that, if there is an information na papunta sa court, either there is a bail or not, iisyuhan siya ng warrant. “Ang mangyari nito, assuming na mayroong probable cause and mayroong information, and there is no bail recommended for that matter, so mangyari, papunta siya doon sa malaking bahay [city jail]. “Pero kung merong bail recommended, so ang gagawin, lalabas siya for his temporary liberty. "And after that, mag-court battle sila." Pumutok noong July 18 naman ang balitang naaresto via "Citizen Arrest" na ang Tawag ng Tanghalan grand champion matapos diumano nitong gahasain ang isang kaibigan sa Barangay Lahug, Cebu City, noong madaling-araw ng Sabado ng July 16, 2017.


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.