Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Inspiring Global Filipinos in Japan
〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com
D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611
Vol.2 Issue 20 February 2013
www.daloykayumanggi.com
LIFE / TRAVEL Discover Gose City
15
SPORTS TNT Kampeon
20
SHOWBIZ
Kim Vs. Maja
23
PAGBISITA NG JAP FM, MATAGUMPAY Tulong sa Maritime Security, Health Workers ipinangako
N
agbunga ang naging pagpupulong nina Philippine Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at ng bumisitang Japanese Foreign Minister (FM) Fumio Kishida nitong Enero 10 sa Malacañang Palace. Mga tulong na ipinangako Ilan sa mga ipinangakong tulong ni Kishida sa mga Pinoy, ayon kay del Rosario, ang pagtulong ng bansang Japan sa paghihigpit sa “maritime security” ng bansa. Magagawa umano ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga sasakyang-dagat ng Philippine Coast Guard (PCG), gamit ang loan grant.
Sundan sa Pahina 7
Pinas Gumanda Ang Credit Rating
M
aluwag na tinanggap ng Administrasyong Aquino ang hakbang ng Standard & Poor’s (S&P) sa pagpapataas ng credit rating outlook ng ekonomiya ng bansa mula stable papuntang positive. Makakatulong ang balitang ito, ayon sa opisyal na tagapagsalita ng Pangulo na si Edwin Lacierda, sa inaasam ng bansa na credit rating upgrade mula rin sa S&P. Dagdag pa ni Lacierda, “Sa rational ng S&P, binigyan pugay nito ang Administrasyong Aquino sa maunlad na kapasidad nito upang bigyang tugon ang reporma. Dahil sa level ng legitimacy, suporta, at tibay na nagpaliit ng mga mali sa politika, ito ang dahilan ng maunlad na legislative efficiency.”
Sundan sa Pahina 7
Ilocos Dinagsa Ng Mga Turistang Ruso LOOKING FOR LOVE: Sa siyudad tulad ng Tokyo na mayroong mahigit 12 milyong tao, tila mas dumaraming lalaki ang pinipiling maging single kaysa mag-asawa ayon na rin sa pinakabagong ulat mula sa Japan Today.
Kidney Transplant Sasagutin Na ng PhilHealth
S
asagutin na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang operasyon para sa kidney transplant ng mga pasyenteng may sakit sa bato dahil isinama na sa Universal Health Care Coverage ang mga gamutang may kinalaman sa Renal Health Care. Kinumpima ito ni Dr. Cecilia Gonzales ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa ginanap na
panayam sa medya na sumentro sa pagtalakay tungkol sa Renal Health Care and Prevention Program ng pamahalaang nasyonal. Ayon kay Gonzales, sobrang mahal aniya ng operasyon ng pagpapalit ng bato na umaabot ng hanggang sa P1.2 milyon kaya marami ang hindi nakakapagpaopera at humahantong na lamang sa dialysis.
I
naasahan ngayon ang pagtaas pa lalo ng bilang ng mga turistang bibisita sa Ilocos Norte dahil sa napipintong pagdagsa ng mga turistang Ruso sa probinsya. Sinabi ni Gov. Imee R. Marcos na target ng kanilang lokal na pamahalaan na gawing “tourism market” ang taga-Russia ngayong taon para mas lalo pang mapalago ang turismo sa nasabing probinsya.
Sundan sa Pahina 7
Sundan sa Pahina 7
Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. 1 Corinthians 13:4-5
Find out how on Page13
2
February 2013
Daloy Kayumanggi
Balitang Global
"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
OFWs Nagpadala ng $19B noong 2012
B
ase sa pinakahuling data na nakuha ng gobyerno, umabot ng $19.4B ang perang ipinadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) mula noong Enero hanggang Nobyembre noong nakaraang 2012. Ibig sabihin nito, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, tumaas ng 6% ang OFW remittances nitong nakalipas na taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2011. Sinabi pa ng BSP officials na noong buwan lang ng Nobyembre ay sumampa na sa halos dalawang bilyong dolyar ang mga ipinadalang pera ng mga OFW. Anila, ito na ang “second highest” record mula noong Oktubre 2012. Umaasa naman ang BSP na sa pamamagitan nito ay mahihikayat ang mga dayuhang mamumuhunan na maglagak pa ng mas maraming puhunan sa bansa. (RMN Radio)
Hindi Nagparehistro:
A
Matagal nang naipasa ang Absentee Voting Act ngunit marami pa rin sa mga OFW ang hindi nagparehistro o kaya pumunta sa embassy para bomoto. Paalala ng Comelec na ang sumusunod ay mga requirements para makasali sa Absentee Voting: 1) All Filipino citizens abroad who are at least 18 years old on 14 May 2013, and who are not otherwise disqualified by law; 2) Those who have reacquired or retained their Philippine citizenship under R.A. 9225 and other Filipino citizens with dual citizenship; and 3) Immigrants or permanent residents of other countries who are recognized as such in their host countries.
Oportunidad na Makatrabaho Sa Embahada ng Pilipinas
blogspot.com
I
worldbank.org
P
c
atuloy na inaanyayahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga magagaling at matalinong Filipino at OFWs na lumahok sa pagkuha ng qualifying test ng Foreign Service Officer Exam na nakatakda sa ika-10 ng Marso. Ito ay magbibigay ng oportunidad na makapagtrabaho sa mga embahada at konsulado ng Pilipinas. Ayon sa DFA, bukas ang pagsusulit sa lahat ng mga natural born na Pilipino na 35 taong gulang pababa na may bachelor’s degree at may hindi bababa sa dalawang taong work experience o graduate studies. Sumasaklaw ang Qualifying test sa a) English grammar and correct usage b) reading comprehension c) logical reasoning d) quantitative reasoning/data interpretation at e) leadership/knowledge of management concepts.
pinoycatholics.org
Ang pagsusulit ay sabay-sabay na idaraos sa may 14 na lugar sa buong kapuluan at sa mga embahada ng Pilipinas sa labas ng bansa. Dapat makakuha ang mga aplikante ng gradong 80 o mas mataas pa upang makapasa at maging kuwalipikado para sa unang interbyu. Matapos ang paunang interbyu, sasailalim pa ang mga aplikante sa Written, Oral at Psychological Tests. S u m a s a k l a w a n g W r i t t e n Te s t s a English; Filipino; Philippine Political, Economic, Social and Cultural Conditions; International Affairs; World History; at Foreign Language. Ang listahan ng mga dapat isumite at maging ang application form ay maaaring ma-download sa www.dfa.gov.ph
POEA Tutulong Sa Nais Magbalik Korea
papatupad sa POEA ang pagpapatala ng mga lehitimo at kwalipikadong mga trabahador na dati nang nanggaling at nagtrabaho sa Korea sa ilalim ng Employment Permit System (EPS) at nagnanais muling makabalik sa bansa sa
c
planetphilippines.com
Libo-Libong OFWs Hindi Makakaboto
abot sa 200,000 Overseas Filipino Workers (OFW) ang hindi makakaboto sa darating na 2013 midterm elections. Sabi ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rene Sarmiento sa interbyu ng midya, hindi kasi nagparamdam o nagpakita man lang ng interes ang mga ito na mag-file ng manifestation para makaboto sa darating na eleksyon ngayong Mayo. Sinabi pa ni Sarmiento na mahabang panahon din ang ibinigay ng Comelec sa mga OFW’s para magsumite ng kanilang manifestation pero hindi naman nila ito pinansin.
c
c
pamamagitan ng pagsailalim sa Computer-Based Test of Proficiency in Korean (CBT-TOPIK). Ayon sa POEA, ang mga dating Overseas Filipino Workers na kusang bumalik o voluntary returnee mula sa Korea simula noong ika-1 ng Enero taong 2010 na hindi pa lampas sa gulang na 38 taon sa umpisa ng CBT Registration (mula sa mga ipinanganak ng Enero 14, 1975) ang sakop ng ganitong programa upang muling makapagtrabaho sa ilalim ng EPS. Ibig sabihin nito na hindi na maaaring magaplay ang mga may edad na lampas na ng 38 taon ngayong Enero 14 at pati na rin yaong mga may Korean record ng overstaying o lampas sa inaasahang tagal ng panunuluyan doon at illegal stay o illegal at di dumaan sa tamang proseso ng panunuluyan sa Korea. Sinabi pa ng POEA na sa pamamagitan ng CBTTOPIK ng Korean Ministry of Employment and Labor (MOEL) na ipapatupad ng ahensiyang HRD Korea, ang makakapasa sa language
test na ito at maging sa kaukulang health qualification ay muling maisasama sa EPS Jobseeker Roster para magkaroon ng pagkakataong mapiling muli ng Korean EPS employers at makabalik sa Korea sa maikling proseso, na dadaan pa rin sa POEA. Ang announcement ng MOEL-HRD Korea para sa kaukulang alituntunin ukol sa CBT-TOPIK ay maaring makita sa POEA website – http://www.poea.gov.ph/. Ang aktuwal na computerized examination ay magsisimula sa Pebrero 19, 2013 sa nag-iisang CBT venue na matatagpuan sa 6th Flr. Ng POEA BFO Building sa lungsod ng Mandaluyong, sang-ayon sa ibibigay na iskedyul o indibidwal na petsa ng pagsusulit ng HRD Korea at iaanunsiyo sa POEA website mula Pebrero 7. Ang CB-TOPIK ay binubuo ng reading o pagbasa na tatagal ng 40 minutos at listening components o pakikinig na aabot ng 30 minutos o kabuuang 70 minutos na tuloy-tuloy. Mayroong test fee na nagkakahalaga ng P996 (US$24) na babayaran sa Landbank branches sang-ayon sa POEA order of payment.
3
February 2013
Daloy Kayumanggi
Balitang Pilipinas
"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
RH Law sa Pinas, Kasado na Bicycle-sharing sa EDSA, inilunsad
S
a pagnanais na mabawasan ang lebel ng polusyon sa Kamaynilaan, ikinasa na nitong Enero 18 ang kauna-unahang Bicycle-sharing Program sa EDSA ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Makati. Inilunsad ang naturang bike-sharing system sa kahabaan ng Magallanes hanggang Ayala Avenue sa pamamagitan ng pagbubukas ng isang kilometrong bicycle lane. Sa pahayag ni MMDA Chairman Francis Tolentino sa isang pahayagan, layunin diumano ng naturang programa na maipakilala ang healthy lifestyle / practice sa mga tao sa pamamagitan ng paggamit ng
bisikleta. Nagsilbi ring magandang balita ang pagtatalaga ng naturang ahensya ng gobyerno ng ilang mga lugar, particular sa Ayala Avenue, Pasay Road, at Magallanes, kung saan makakahiram nang libre ang mga tao ng bisikleta na pwedeng gamitin sa nasabing lane. Naglagay rin ng MMDA ng mga safety features at traffic directional signs upang maiwasan ang anumang aberya o aksidenteng pwedeng mangyari sa daan anumang oras. Maaari rin daw dumaan dito ang mga pedestrian kasabay ng mga magbibisikleta.
P
ormal nang ipinasa ang makasaysayang RH Law nitong ika-17 ng Enero, ngayong taon, na pumutol sa isang dekadang mariing oposisyon ng maimpluwensiyang Simbahang Katoliko. Sa ilalim ng bagong batas, inaatasan ang lahat ng mga health center ng gobyerno na mamimigay sa mga mamamayang Pinoy ng libreng birth control pills at condoms. Nakapaloob din sa naturang batas ang pagtuturo ng mga eskwelahan ng “sex education,”
Pagdadala ng Baril Bawal Na
I
pinagbabawal ang pagdadala ng baril at anumang uri ng armas sa labas ng pamamahay para sa mga sibilyan bilang pagsunod sa Election Gun Ban sa bansa. Maging ang mga tagapagtupad ng batas at security personnel ay bawal na ring magdala ng baril sa labas ng kanilang opisyal na gawain. Ito ang binigyang-diin ng Commission on Elections (Comelec) sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda sa gaganapin na 2013 midterm national election. Paliwanag ng opisyal, limitado lamang ang
otorisadong magdala ng baril habang umiiral ang election gun ban sa mga unipormadong opisyal at miyembro ng PNP, commissioned officers, non-commissioned officers, at enlisted personnel ng Armed Forces of the Philippines; at mga regular na opisyal, miyembro at mga ahente ng mga ahensiya ng pamahalaang nagpapatupad ng batas o security functions. Pinapayagan ding magdala ng armas ang mga miyembro ng pribadong security o protective agencies; mga Mahistrado ng Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, at mga huwes ng regional trial
Bagong Policy ng PHILHEALTH sa 2013:
N
akatakdang ipatupad ng Philippine Health Insurance (PhilHealth) ang pagbibigay ng individual policy contract (IPC) sa lahat ng mga self-employed members sa taong ito. Ang naturang programa, kung s a a n b i b i g ya n n g I P C a n g bawat self-employed member, ay magsasaad ng nilalaman ng kontrata sa PhilHealth gayundin ang mga benepisyong nakapaloob dito, ang panuntunan sa pagbabayad ng membership at kung ang kontrata ay maaaring maging isa, dalawa o
tatlong taon. Ayon sa PhilHealth, simula ngayong Enero ay nakatakdang magtaas ng membership dues para sa mga self-employed kung saan ang dating P100 kada buwan ay magiging P150 o P1,800 na sa isang taon. Dagdag pa niya, karaniwan sa mga miyembro ay nagbabayad ng buwanan o kaya ay quarterly at ang iba naman ay binabayaran na ang buong taon. U p a n g m a g k a ro o n n g I P C ang lahat ng self-employed members ay kinakailangang pumunta sa tanggapan ng
c
biliranisland com
courts, at municipal trial courts, pati na rin ang mga security personnel ng accredited foreign diplomatic corps at establisimyento. Maliban sa baril, ipinagbabawal din ang pagdadala ng aircraft guns at maging mga imitasyon na baril ay ipagbabawal. Ang sinumang nagnanais ma-exempt sa Election Gun Ban, ayon sa Comelec, ay dapat humingi ng pahintulot mula sa Commission on Elections. Maaaring ipasa ang aplikasyon sa exemption sa tanggapan ng provincial election supervisor na siyang mag-eendorso sa tanggapan ng bawat rehiyon ng Comelec.
Individual Policy Contract Para Sa Mga Self-Employed c
gayundin sa mga family planning unit ng mga health center sa bansa. Sa unang pagkakataon, magbibigay na rin ang gobyerno ng post-abortion medical care service. Ayon sa mga proponent ng naturang batas, makatutulong di-umano ang naturang batas sa pagnipis ng bilang ng mga Pinoy na nakararanas ng kahirapan; pagbagal ng paglobo ng populasyon; at, pagliit ng bilang ng mga nanay na namamatay dahil sa panganganak.
headlinegl com
PhilHealth upang magfill-up ng form. Pinadadalahan naman ng notice ang mga miyembrong nagbayad na ng advance para sa kanilang monthly dues upang magsadya sa PhilHealth para sa kaukulang forms at makapag-aplay na rin ng IPC. Sinabi pa ni Maravilla na dapat ay laging updated ang kontribusyon ng lahat ng miyembro lalo na ang mga self-employed upang maging aktibo ang kanilang status sakaling kinakailangan na nilang gamitin sa pagpapaospital ang kanilang membership.
Seguridad at Proteksyon ng Manggagawang Pinoy Pinagtibay
M
uling pumirma sa isang kasunduan ang Social Security System (SSS) at Department of Interior and Local Government (DILG) upang magkatuwang na pagtibayin ang seguridad at proteksyon ng mga manggagawang Pinoy mula sa mga delinkwenteng employer. Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emilio de Quiros Jr, magbabahagi ng impormasyon ang SSS sa mga lokal na pamahalaan na siyang magiging basehan sa pagbibigay ng business permit sa mga may negosyo. Sa naunang kasunduan ng SSS at DILG, kinakailangang magsumite ng Certificate of SSS Coverage and Compliance ang mga kumpanya upang makakuha ng business o mayor’s permit. Sa ilalim ng bagong kasunduan, magbibigay ang sangay ng SSS ng listahan ng mga delinkwenteng employer at business operators kada huling araw ng taon sa mga lokal na pamahalaan. Hindi mabibigyan ng permit ang kumpanyang may kakulangan sa SSS ngunit maaari itong bigyan ng temporaryong permit na may bisang tumatagal hanggang tatlong buwan habang inaayos nito ang pagkakautang sa SSS.
“Ipinapakita ng memorandum of agreement ang layunin ng pamahalaang mapangalagaan ang kapakanan ng ating mga manggagawa sa pamamagitan ng pagsegurong nasusunod ng kanilang mga employer ang obligasyon nila sa ilalim ng batas. Sa pamamagitan ng kasunduan, mas mapapadali na rin ang proseso ng pagkuha at pag-renew ng mga kumpanya ng kanilang business permit. Sa huli, mapabubuti nito ang kalagayan ng pagnenegosyo sa Pilipinas,” paliwanag ni de Quiros. Dagdag pa ni de Quiros, agad nilang maaabisuhan ang mga lokal na pamahalaan tungkol sa mga kumpanyang hindi rehistrado sa SSS sa pamamagitan ng mga account officer na regular na nagsasagawa ng inspeksyon sa bawat nasasakupan nitong lugar. Sa tulong ng mga datos na makakalap mula sa inspeksyon, matitiyak rin ng mga lokal na pamahalaan kung may business permit ang mga nai-report na kumpanya. Samantala, magbibigay naman ang mga lokal na pamahalaan ng listahan ng mga kumpanyang may business permit sa mga sangay ng SSS sa kanilang nasasakupang lugar bago matapos ang Pebrero ng kada taon.
4
February 2013
Promosyon
SEAFOOD CUP NOODLE NISHIN
MAKE YOUR FACE MORE CLEAR AND SMOOTH WITH THIS!
짜500
for 3CASE
ONLY for 10pc
1CA 20CUSE PS
Toll-free:
0032-6308 Fax: 03-5825-0187
"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
FACEMASK
짜10,000
(Tagalog)
Daloy Kayumanggi
s
(Tagalog)
Toll-free:
0032-6308 Fax: 03-5825-0187
5
February 2013
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Kultura at Sining
6
February 2013
Editoryal
Daloy Kayumanggi
Inspiring Global Filipinos in Japan
Publisher: D&K Company Ltd Editor: Erwin Brunio erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Sales: Go On Kyo dk0061@yahoo.com 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@daloykayumanggi.com Philippine Correspondent: Michael Ligalig Japan Correspondents: Aries Lucea Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph Mario Rico Florendo marioflorendo@daloykayumanggi.com Philippine Staff: Rhemy Umotoy Jeanne Sanchez Marie Fe Dela Pena Carlo Aiyo Bugia The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 1010027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611
Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.daloykayumanggi.com
www.facebook.com/daloykayumanggi
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Practicality, Patriotism and the Lack of It
A
friend once narrated in Facebook his eye-opening experience while walking in the streets of Akihabara one Sunday morning. According to his story, he bumped into a Filipina married to a Japanese national living in Tokyo. Upon learning of my friend’s status as a student here in Tokyo, his fellow kababayan advised him to just find a Japanese woman, marry her to extend his visa so they can both have a good life here in Japan. My friend, kept his thoughts on his own, then turned to the famous social networking site to recount his experience and solicit reactions from his friends. Of course, it drew almost negative comments from everyone. But I, wanted to try and contain the experience—not to defensively protect the view of the Filipina kababayan, but to put things in perspective because after all, she is our kababayan. At first, it is pretty depressing to hear stories like this especially coming from a fellow Pinoy abroad. Have we really lost our trust and belief in our country that Filipinos abroad are better off married with foreigners and living in a foreign country than living, studying, or working in our own land? Has practicality— being able escape from the endless floods, horrible traffic, political epals and being able to enjoy transportation convenience, fast internet and high standards of living—won over one’s love for country? In retrospect, the advice is honesty at its finest—a rare thing nowadays. It comes from practical knowledge amassed from years
Global Pinoy By: Tokyo Boy Mario Rico Florendo of experience living in a foreign land. Being young adults, we are filled with imaginations of a bright future ahead of us, of a country that will realize its potential in the years to come. But they too were once young adults, and they too held, if not more than hoped, for a better future for our country. Now look where are they now and the advice they are giving. Oftentimes, when the family experiences financial difficulties, it is the opportunity of the young professional to work in our own country and help our own citizens that is the first to be sacrificed as in the case our the millions of Filipino nurses working abroad. But in a rather good and indirect way, their OFW remittances have helped the country afloat for many years now. However when the choice to love, or even the act of choice itself, is even restricted, then maybe we have to question ourselves—are we sacrificing the right things over our country and personal life? For comments & suggestions please email me at marioflorendo@daloykayumanggi.com
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Pagbisita ng Jap (mula pahina 1)
Pinas Gumanda (mula pahina 1)
Ilocos (mula pahina 1)
7
February 2013
Balita Malaking tulong din daw ang ipinahatid ng Foreign Minister sa health workers ng Pinas, sapagkat nakapaloob sa Philippine-Japan Economic Partnership Agreement o JPEPA ang pagpapabilis sa pagpapadala ng mga ito sa “Land of the Rising Sun.” Papahabain din daw ang Yen Loan na pantustos ng gobyerno ng bansa sa iba’t ibang proyekto nito, kagaya na lang ng pagpapatayo ng mga airport sa bansa at pagpapahaba sa linya ng LRT 1 at 2.
Kidney Transplant (mula pahina 1)
Iba pang tulong Magiging kaagapay rin daw ng Pinas ang gobyerno ng Japan sa pagpapatibay ng Mindanao peace process, turismo, development assistance, at trade investments. Matatandaang mahigit sa US$13-B ang naitalang total trade sa pagitan ng dalawang bansa noong nakaraang taon. Sinabi din ni Lacierda na ang improved outlook ay dahil sa paglalagda ng landmark bill reforming sin taxes na siya ding nagpalakas ng fiscal position ng pamahalaan. “Bukas loob po nating tinatanggap ang positive strides na isinasagawa ng ating bansa sa ilalim ng Administrasyong Aquino at mga pagkilala sa ating mga proyekto, sa katunayan, ang mabuting pamahalaan ay resulta ng mabuting ekonomiya,” aniya. “Binago po namin ang outlook sa pagiging positive upang i-reflect ang ating reappraisal ng politika at ng institutional factors underlying the ratings,” ayon kay analyst Agost Benard.
Ayon sa Gobernadora, may mga Russian tourism delegation inaasahang bibisita sa probinsya para sa napipintong pagpasok ng mga turistang Ruso dito. “Maganda na makapunta dito ang mga Russians kasi that’s a very rich market, ika nga maraming milyonaryo’t bilyonaryong Ruso. Malaking bagay kung madiscover nila ang Ilocos Norte,” ayon kay Marcos.
Binigyang diin ng eksperto ng NKTI na hindi nila palaging mairerekomenda ang dialysis dahil hindi naman napapalitan ang sira nang bato bagkus ay nililinis lamang ang dugo na dumadaloy sa katawan ng pasyente. Kaya naman kapag nagsimula nang maging sakop ng PhilHealth ang kidney transplant, sasagutin ng government financial institution na ito ang P600,000 sa kabuuang halaga ng operasyon. Posibleng magsimula ang nasabing programa sa kalagitnaan ng 2013.
Nasa Top 20 spot ang bansang ito na pangunahing pinanggagalingan ng mga turistang bumibisita sa bansa ayon sa tala ng Department of Tourism o DOT. Noong 2012, tumaas din ang bilang ng mga turistang Ruso na bumibisita sa Pilipinas ng 43 porsyento o humigit 7,000 Ruso. Tinatayang aabot muli sa mahigit kalahating milyon ang dadagsang mga
turista sa Ilocos Norte sa mga darating pang buwan hanggang Abril kung saan ito ang maituturing na peak season ng probinsya. Nakapagtala ng 680,000 na turista ang probinsya noong Hulyo 2012 ayon sa pagtataya ng Ilocos Norte Provincial Tourism Office.
8
February 2013
Daloy Kayumanggi
Global Filipino
Impormasyon ng Pilipino
"Madalas iyan ang maririnig natin tungkol sa tunay na pag-ibig--hindi ito nagbabago, nagkukulang o naghahangad ng anumang kapalit."
P
ara sa mga nabuhay noong panahon kung saan ang panliligaw ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng pag-iigib ng tubig, pagsisibak ng kahoy o pagtatanim ng palay sa bukid, ang pagkuha sa pagmamahal ng isang babae ay hindi madali o sa para sa mga kalalakihan, ang paghahanap ng babaeng makapagpapatigil ng mundo nila ay once-in-a-lifetime. Mas lalong mahirap magmahal noong panahon ng Martial Law, mga patakas na pagkikita ang naging sukatan ng malalim na pag-iibigan ng dalawang magkasintahan. Nang mauso naman ang cellphone, sampung taon na ang nakararaan, unlitext at unli call magdamagan ang naging sandigan ng mga nagmamahalan lalo na pag sila ay magkalayo. Makikita sa mga halimbawang ito na ang paraan ng pamumuhay ng tao noon at ang nangyayari sa kanilang paligid ang nagdikta kung paano nila naipakita ang kanilang pagmamahal. Ganito pa rin kaya ang nangyayari sa kasalukuyan? Sa modernong panahon, ano nga ba ang nangyayari sa ating paligid na nakakaapekto o nagbibigay impluwensiya sa paraan kung paano natin naipapahayag ang ating pag-ibig o pagmamahal sa isang tao?
Internet Culture
M
Fastfood Culture
M
atagal ng naging uso ang konsepto ng fastfood hindi lamang sa Pilipinas kundi maging dito sa Japan. Mag-order ka, magbabayad at pagkatapos ay kakain. Ngunit habang tumatakbo ang panahon, lalo yatang nagiging mainipin ang tao. Halimbawa na lamang dito ay ang 60-second service campaign na simulan ng kumpanyang McDonalds noong Enero. Maaaring isa lang itong kampanya para pagsilbihan ang kanilang customers nang mas mabilis pero pinapakita rin nito kung paano na naging sobrang busy at mainipin ang tao na hindi na sila maaaring makapaghintay nang mas matagal pa sa isang minuto. Katulad ng pagmamahal sa kasalukuyan, mabilis na nangyayari ang lahat. Kung ako noon ay kinailangang umakyat at magbyahe ng 6 na oras sa loob ng tatlong buwan para lamang mapasagot ang nililigawan ko noong taga-Baguio, nagulat na lamang ako na may mga nagiging mag gfbf sa loob ng isang linggo o malala, isang araw! Nang tanungin ko ang estudyante ko dati sa kolehiyo tungkol sa ganitong klase ng ligawan, sagot niya sa akin, “sir, bakit mo pa papatagalin. Kung mahal mo e di sagutin mo na agad.” Nakakagulat para sa ilan pero katulad ng serbisyo ng McDo, kung kaya nang mas mabilis, bakit pa nga ba papatagalin pa? Hindi rin magpapahuli ang Burger King sa ganitong trend pagdating sa makabagong paraan ng serbisyo sa kanilang customers dahil sa kanilang slogan na, “Have it your way!” Kung gusto mo ng dagdag na cheese o burger sa hamburger mo, maaari mo itong i-request. Kung gusto mo ng walang ketchup o mustard sa hotdog mo, maaari mo itong makuha, kasi lahat ito ay ang siyang gusto ng customer. Ganito na rin ang nagiging in para sa ilan. Kung kaya't karamihan ng mga artista kapag tinatanong kung sila ba ni aktres ganito o aktor ganyan, madalas na
sinasabi nila ay we dont want to give a label to our relationship. Dahil dito, nauso ang mga relationship status na Dating, Fling at It's Complicated patunay na hindi na lamang ang mag-bf-gf ang maaaring lumabas, kundi maging ang mga taong ayaw bigyan ng bansag ang kanilang relasyon ay maaaring umasta na parang nasa isang relasyon. Para sa ilan ito ay nagpapakita ng convenience sa parehong panig. Iniiwasan nito ang pagkaramdam ng sakit o pighati dulot ng paghihiwalay o pagkakaroon ng bagong ka-fling ng dating ka-fling. Para naman sa ibang nagtagal sa isang relasyon o hanggang ngayon ay faithful sa minamahal sa matagal ng panahon, nagpapakita ito ng kaduwagan sa pagkakaroon ng commitment lalo na kung totoong mahal mo ang isang tao.
S
H
"No Other Women Phenomenon
indi lingid sa patriyarkal na lipunang Pilipino ang pagkakaroon ng mga “kabit.” Madalas pa nga, nasusukat ang pagka-macho ng isang lalaki sa dami o bilang ng mga babaeng nakasama o naibahay niya bukod sa kanyang asawa. Kung kaya’t hindi na bago ang mga ganitong kuwento sa ating kultura. Mula ng ilabas ang pelikulang No Other Woman na pinagbidahan nina Anne Curtis, Kristine Reyes at Derek Ramsey, nauso na ang mga pelikulang tumatalakay sa extra-marital affairs. Gayunpaman, nauna pa rin ang pelikulang No Other Woman sa pagpapakita ng side ng “other woman” at kanyang pinagdadaanang mga problema sa buhay at bakit niya pinipiling magmahal kahit alam niyang bawal. Ganyan din ang pinagdadaanan ng karamihan sa ating mga kababayan dahil sa pagdami ng OFWs.
ula nang mauso ang internet, naglipana na rin ang internet shops sa bawat kanto sa Pilipinas. Ang dating tradisyunal na paraan ng panliligaw ay naging hightech na. Sa halagang bente pesos sa isang oras, maaari ka ng makapanligaw sa sampung mga babae. Marahil kapag nag-extend ka pa ng oras, makakakuha ka ng ka-EB (eyeball) mo. Dahil pa rin sa impluwensiya ng media at telebisyon, na-inspire na higitan ng bawat lalaki ang proposal ng bawat isa. Andiyan ang hindi malilimutang surprise wedding ng artistang sina Zoren at Carmina. Ang flashmob-style wedding proposals na mostly viewed sa Youtube. Maging ang virtual dates gamit ang Skype at mga internet dating sites ay ang siyang kinahuhumalingan ng mga single ngayon. Tunay ngang kakaiba na ang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal ng bawat isa. Mula sa espasyo ng bahay o simbahan, pinapalawak ng internet ang akses ng bawat isa sa anumang pangyayari. Lumilipat ang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal mula sa pagpapakita ng lakas (pagsisibak ng kahoy,etc. ) papunta sa pagpapakita ng creativity ng bawat isa.
Sa aking madalas na pagdalaw sa mama ko na nagtatrabaho sa Hong Kong, madami na akong narinig at nakitang kuwento ng pagsasama sa dalawang lugar--isa sa Pinas at isa pa ulit sa abroad. Sa panig naman ng unang asawa, ipinaalala nito na hindi masama ang ipaglaban ang iyong pagmamahal kahit pa asawa mo na ito. Hango nga sa pinakasikat na linya mula sa pelikula, “ang mundo ay isang malaking Quiapo, maaagawan ka,” binibigyang pokus nito na hindi na uso ang ordinaryong housewife na nasa bahay lang, dapat siya ay updated pa rin sa kung ano ang uso.
Waiting for the <<Right Time>>
a lahat ng mga impluwensiya ng kulturang popular sa buhay natin ngayon, hindi maiiwasan ang maimpluwensiyahan tayo ng mga napapanood, naririnig at nakikita natin sa loob at labas ng internet. Gayundin, hindi maiiwasan na mabago o mahulma rin nito ang ilang mga pananaw natin sa buhay lalo na pagdating sa pakikipagrelasyon kasama na ang pag-ibig at pagmamahal. Palagi tayong nagrereklamo na hindi pa dumadating ang nakatakda para sa atin. Hindi
natatanong ang ating mga sarili kung tayo rin ba ay karapat-dapat sa taong kaya dahil naghahanap tayo sa maling lugar, o makakakita o naghihintay sa atin? Nasa sa atin kasi naman siguro masyado tayong nagmama- din kaya ang mga katangian ng taong gusto dali o baka naman kinukuha natin o hinihintay niyang makapiling habambuhay? nating mapunta sa atin ang pag-aari na ng Oo totoo ngang “love is timeless” dahil pangibang tao kaya hindi natin mahanap-hanap ang habambuhay ito. Pero sinasabi rin nito na ang “the one” para sa atin. pagmamahal ay walang pinipiling oras o panaHindi kaya, masyado tayong makasarili pag- hon--sa panahon man ng harana, sa birtwal na dating sa ekspektasyon natin sa taong darating mundo man ng internet, o sa ibang bansa man para sa atin kung kaya’t hindi natin kung saan may shinkansen.
Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
P
9
February 2013
Personal Tip: Valentines
apalapit na ang araw ng mga puso. May nahanap ka na bang lugar na magugustuhan ni mister o misis? Narito ang ilang mga lugar sa Tokyo na siguradong mae-enjoy ninyo sa araw ng Valentines at kahit sa ordinaryong araw.
Top 5 Places in Tokyo this Valentines 2. Ginza – isa ang Ginza sa mga pamosong shopping district sa Tokyo. Kilala ito sa mga nakatayong makukulay at grandyosong gusali ng mga sikat na branded na damit at bag. Puno rin ito ng mga mamahaling kainan na magandang regalo para kay mister o misis kahit minsan lamang sa isang taon. Para sa mga kapos sa budget, maaari ring subukan ang mga tabehoudai na kainan sa dulo ng main street para sa Y1000.
1. Odaiba – ang Odaiba ay isang malaking artipisyal na isla sa Tokyo Bay. Mula dito, matatanaw ang kagandahan ng Tokyo mula sa malayo. Dagdag pa rito ang beach front ng isla, mas lalong magiging romantic ang inyong kuwentuhan at date. Puno ang isla ng mga restawran, shopping, game centers, sinehan at mga atraksyon tulad ng 115 metrong taas na ferris wheel. Bagay na bagay ito para sa magka-pares na mahilig sa modernong tanawin.
3. Omotesando – Tulad ng Ginza, kilala rin ang Omotesando na lugar ng mga sikat at mamahaling 4. Ebisu – Hindi naman magpapahuli ang branded na mga gamit. Maaliwalas ang lugar lalo na sa gabi at maihahalintulad ang ganda nito sa Ebisu pagdating sa mga coffee shop at sikat na lugar sa Paris na Champs-Élysées. restawran na maaari niyong kainan. Ang sikat na Ebisu Garden Place ay madalas na puntahan ng mga nagde-date dahil na rin tahimik at nakaka-relax na ambience ng lugar.
5. Kichijoji – ang Kichijoji ay pinapalibutan ng mga unibersidad kaya sikat itong pasyalan ng mga kabataan at kolehiyala. Pamosong pasyalan lalo na sa tag-init ang Inokashira Park na makikita sa lugar. Sikat ang pond sa lugar na ito dahil sinasabing maghihiwalay daw magkapareha na sasakay dito.
Couple Torn Apart by War Reunited Decades Later
By Kathryn Hawkins
T
hree days after their wedding, Anna Koslov kissed her husband Boris goodbye. A soldier in Russia’s Red Army, he was set to rejoin his military unit. The young couple expected that they would be together again soon, ready to begin the joys of married life, and to raise a family together. But when Boris returned home from his military expedition, he found the house cold and empty. When he called his wife’s name, there was only the echo of his own voice. Anna was gone. Under the brutal regime of Joseph Stalin, Anna and her family had been declared enemies of the state. Boris’ new bride was sent into exile in the vast plains of Siberia, with no
chance to contact her husband. He didn’t even know if she was still alive. “I threatened to commit suicide rather than go because I couldn’t live without him,” she told The Telegraph, “but in the end I was forced to go. It was the most miserable time of my life.” Boris spent years searching for his lost love, but never found a trace of her. Over the years, both Boris and Anna remarried other people, and had children. But they never forgot about one another: After Boris became a writer, he dedicated a book to Anna, the woman he had loved and lived with for a mere three nights. As time went by, Boris and Anna’s respective spouses passed away. In 2007, Anna, a lonely widow, went back to visit the old house where she and Boris had spent those precious few
Kuha mula sa: http://www.japan-talk.com/jt/new/5-best-date-neighborhoods-in-Tokyo Sinulat ni: John Spacey Isinalin ni: Mario Rico Florendo
nights. Now an elderly woman, she wanted to pay tribute to the time they’d shared there, knowing that she would never see her husband again. In a remarkable twist of fate, the town received another longlost visitor on that very same day – an 80-year-old man who had come to lay flowers at his parents’ gravestone. But when he caught sight of the woman across the road, he knew something else had drawn him there. “I thought my eyes were playing games with me,” Anna said. “I saw this familiar-looking man approaching me, his eyes gazing at me. My heart jumped. I knew it was him. I was crying with joy.” It was Boris, the man she thought she’d lost for good 60 years ago. “I ran up to her and said: ‘My darling, I’ve been waiting for you for so long. My wife, my life…” he said. “I couldn’t take my eyes off her. Yes, I had
loved other women when we were separated. But she was the true love of my life.” From: http://gimundo.com/news/article/ couple-torn-apart-by-war-reunited-decadeslater/
10
February 2013
Personal Tips: Valentines
Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
Affordable na Paraan sa Pagdiwang ng Araw ng mga Puso
P
arating na naman ang Valentine’s Day at sa kasamaang palad, maaaring gipit ka na naman sa pagkakataong ito. Huwag masyadong mag-alala. Sa halip na maging malungkot at mawalan ng gana, mas mabuting mag-isip ka na lamang ng mga paraan upang maging makabuluhan ang iyong Valentine’s date at affordable lalo na dito sa Japan. Manatili sa loob ng bahay. Magluto para sa iyong minamahal. I-set up ang iyong bahay upang ito’y maging swak para sa Valentine. Maaaring maglagay ng mga dekorasyon, kagaya ng mga bulaklak, upang mai-set ang mood ng lugar. Manood ng romantic movies sa iyong kwarto.
Gawing parang isang maliit na sinehan ang iyong kwarto at ilabas ang popcorn para the best ang ambience habang nanonood ng pelikula. Pumunta sa mga lugar na pwedeng maging romantic, ngunit di naman magastos. Maaaring pumunta sa simbahan at sabay na manalangin. Maaari ring mag-date sa pampublikong parke o ‘di kaya’y mag-window shopping sa mga mall. Mayroong iba’t ibang paraan upang ipagdiwang ang Valentine. Hindi ito kinakailangang mahal. Ang importante sa araw na ito ay ang maipagdiwang ang inyong pagmamahalan at pagsasamahan.
Mga Dapat Iwasan sa Iyong Valentine's Date Gusto mo bang maging perpekto ang iyong Valentine’s date? Marapat alalahanin, na hindi lamang ang lugar na pagdarausan ng inyong date o ang mga regalong ibibigay mo ang mahalaga, mayroon ding ilang mga bagay na nakakaligtaan kung minsan. Resulta nito, sa halip na perpekto ang iyong date, nauuwi ito madalas sa hindi pagkakaintindihan at, mas malala pa nito, labuan. Kaya, kung gusto mong malaman ang mga bagay na kailangang iwasan, tiyakin ang mga sumusunod: • Iwasan ang pagiging sobrang malambing. Hindi ibig sabihin na malalambing ang ibang mga couples sa inyong paligid ay magiging ganoon ka na rin. Mahalaga pa rin ang respeto sa iyong partner. Maaari pa rin namang maging malambing sa ibang paraan. • Alalahanin ang pagkaing ayaw at hindi pwedeng kainin ng iyong minamahal. Sa halip na matamis na ngiti ng pasasalamat at pagmamahal ang matatanggap mo mula sa iyong minamahal, maaaring problema ang kakaharapin mo kung saka-sakaling nakaligtaan mo ang bagay na ito. • Iwasan ang napakaraming surpresa. Ito’y dahil posibleng maaari mong makalimutan ang ilan sa mga ito. Sa halip na magiging perpekto na ang lahat, baka mauwi pa sa wala ang iyong paghahanda. Gayundin, kailangan mo ring maipakita sa iyong kasintahan na kilala mo siya at nirerespeto mo siya, maging ano man ang kanyang mga interes o kagustuhan. Tandaan na ang mahalaga sa lahat ngayong darating na araw ng mga puso ay ang presensya at pagmamahal ng isa’t isa.
3 Mabisang Paraan sa Pagpili ng Bulaklak Ngayong Valentines Paparating na ang Araw ng mga Puso! Sa mga panahong ito, iba’t ibang mga paraan ang naiisip ng mga magsing-irog upang sorpresahin ang bawat isa. Ngunit, sa hinaba-haba man ng panahon, iisang bagay lang ang tila hindi nawawala---ang bulaklak. Sa unang tingin, tila madali lamang pumili ng bulaklak na ibibigay sa iyong mahal; ngunit, ‘pag nasa aktwal ka na ng pamimili, tiyak na mahihirapan ka. Kung gayon, naririto ang ilang mga pamamaraan upang makapamili ng tamang bulaklak na maaari mong ibigay sa iyong minamahal ngayong V-day:
1. Alamin ang kanyang paboritong kulay. Ito’y napakahalaga kung nais mong mapatunayang kilala mo siyang lubusan. 2. Tandaan ang mga uri ng bulaklak na bawal sa kanya o ‘di kaya’y hindi pasok sa kanyang panlasa. Tiyak, masasayang lamang ang iyong pera at oras sa pagbili kung sakaling hindi niya ito magugustuhan. 3. Huwag kalimutan ang paglalagay ng card. Nakapaloob dito ang iyong tunay na nararamdaman para sa kanya—kung gaano siya kahalaga at kung gaano mo siya pinapasalamatan. Malanta man ang bulaklak, ang card na ito ay pihadong mananatiling buhay. Nawa’y makapamili ka ng tamang uri ng bulaklak para sa iyong minamahal. Gambatte!
Tips Para sa Mga Sawi Ngayong Valentine Sawi? Heartbroken? Malamig na Valentine? Sa halip na magmukmok, marahil ay mas mabuti na lamang mag-isip ng iba pang mga gawain nang sa gayon ay mas maging espesyal ang araw na ito. Narito ang ilang mabisang tips: Una, manood ng pelikulang ang tema ay giyera, katatakutan o karahasan. Siguradong maiibsan ang iyong kalungkutan, dahil sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras ay kakaibang pakiramdam ang iyong mararanasan. Ikalawa, maaari ring anyayahan sa iyong bahay ang mga kaibigang may katulad na karanasan / sitwasyon. Gumawa ng sariling gimik, kagaya ng party o videoke session, na maaaring makapagpasaya sa iyo at ng iyong mga kasama. Ikatlo, pumunta sa simbahan at magpasalamat. Kahit masasabi mong ikaw ay sawi ngayong Valentine, marami pa rin namang mga bagay na kaloob sa iyo ng Diyos na dapat mong ipagpasalamat. Dito, maaari mo ring ipanalangin sa panginoon na sana ay makatagpo ka na ng taong tunay na nagmamahal sa iyo at sadyang nakatakda para sa iyo. Tiyak, sa mga hakbanging ito, mairaraos mo ang araw ng mga puso na may ngiti sa iyong labi.
11
February 2013
Daloy Kayumanggi
Personal Tips: Valentines
"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Paano Mawala Ang Sama Ng Loob
K
ung ang pera o pag-kakaiba ng estilo sa pamumuhay ang minsang nagiging dahilan ng awayan sa pamilya o mahal sa buhay, maaaring ang ugat ng problema ay ang kabiguan na magpahayag sa damdamin at pag-iisip. Gawin na ang mga sumusunod na paraan para mawala ang samaan ng loob sa pamilya. 1. Bigyan ang sarili ng oras at panahon para kumalma lalo na kung may nakaraan kayong argumento at sobra kang nagalit noon. 2. Lunukin ang pride at pagpasyahan nang gusto mong magkaayos na kayo. Isipin ang mga bagay na magreresulta sa hindi maganda kung hindi ito agad nalulunasan.
c
happybitchbook com
3. Eksaminin ang sariling papel sa away. May nagawa o nasabi ka bang mga bagay dahil nasaktan ka at nais na tapusin? 4. Sikaping unawain ang naturang tao at kung bakit siya labis na nasaktan. Labanan ang sariling panghuhusga sa ibang tao, bagkus ay magpaka-humble at tumahimik na lamang. 5. Magpatawad at kalimutan na ang lahat. Ang pagtatanim ng sama ng loob ang sisira ng iyong kalooban at maaring sisira sa buong buhay mo. Tandaan ang sinabi ng Diyos na kung hindi ka magpatawad sa pagkakamali sa ibang tao, hindi ka rin mapatawad ng Diyos.
Paraan Para Maging Close sa Mahal sa Buhay 1. Palaging kausapin at kamustahin ang mahal sa buhay. Huwag limitahin ang pakikipag-usap sa mga mahal sa buhay kung kailan may okasyon. Kung imposibleng mabisita siya araw-araw, puwede ka naman sigurong mag-email o mag text sa kanya nang madalas. Isang simpleng “kumusta ka na?” O, kaya ay “kumusta ang iyong weekend” ay mainam nang pampatatag ng inyong relasyon bilang kapamilya. Bigyan siya ng isang bagay na ikakasiya niya tulad ng biglaan mong pagdating nang hindi niya alam lalo na kung sosorpresahin mo siya sa isang event na madalas niyang daluhan. Halimbawa, sa isang church assembly, basketball game o anumang okasyon na palagi niyang pinupuntahan. Kung madalas mo itong gagawin tiyak na dagdag kasiyahan ito sa buhay niya. 2. Tingnan ang mahal sa buhay sa kanyang mga pagbabago. Nagbabago kasi ang tao habang lumalaki. Ang isang
mareklamo at mapanisi ay matured nang kapatid, mahinahon at mabait ng tao ngayon. Maaaring mainis pa ang kapatid mo kapag siya pa rin ang dati mong tinitingnan,dapat ay kalimutan mo na ang dating siya. Kumustahin siya at ang kanyang mga ginagawa sa ngayon o kaya kung may pamilya na ay kumustahin silang mag-asawa at mga anak niya. 3. Kalimutan na ang mga nakaraang alitan. Kalimutan na ang paninira ng mahal mo sa buhay sa iyo para magkahiwalay kayo noon ng mga kaibigan mo. Huwag mo nang isipin na uulitin pa niya ang ganoon. Ang pagtatanim ng sama ng loob ay hindi makatutulong para umibayo ang magandang relasyon sa kapatid. Kalimutan na ang lahat ng negatibo noon at magpatuloy sa buhay. Magkuwentuhan ng masasaya imbes na magsumbatan o mag-ungkatan ng mga sama ng loob at baka may masabi ka na naman na mag papa-bad trip sa kanya.
5 Pagkakamali Na Dapat Iwasan Sa Long Distance Relationship
A
ng pagkakaroon ng isang mahabangdistansyang relasyon ay may dalang sariling built-in na mga problema. Pero may mga ilan nito na hindi kailingang umiiral.Narito ang ilang mga karagdagang pagkakamali na dapat iwasan ng isa’t-isa. 1. Hindi nagpapahintulot ng sapat na espasyo. Hindi pwedeng ikaila na ang pagiging malayo ay may batak sa mabuting relasyon. Ganuon pa man, kailangan bigyan mo ang iyong nobyo ng sapat na puwang gaya nang naninirahan kayong pareho sa isang bayan. Minsan, sumusobra ang pagtumbas sa kalayuan, binabalutan ng sobrang pansin, tawag sa telepono, email, text, atbp. Hindi masama ang ipadama mo ang iyong pagmamahal mo sa ganitong paraan ngunit pag sumobra naman ay maaring hindi makahinga ang iyong nobyo sa umaapaw mo
na pansin. 2. Walang pag-unlad sa relasyon. Oo nga,wala kayong pagkakataon na magkaroon ng maraming kalidad na oras na magkasama dahil sa distansya pero kailangang tustusan ng parehong antas ng pagsusumikap sa relasyon para mapanatili ang pagkakalapit. 3. Paghahanap ng paraan para kumalas. Kung bago pa lang kayong nagkahiwalay ng physical at naghahanap ka na ng rason kung bakit hindi pwedeng umobra ang malayong relasyon, ay itinatago mo lang ang totoo mong nararamdaman. Kung ganito ang iyong kaisipan, mabuti pang sabihin mo ito sa iyong nobyo para makahanap kayo ng solusyon sa inyong mga isyu. 4. Kulang ng pananampalataya. Ang p a n a n a m p a l a t aya o fa i t h ay p we d e n g makalipat ng bundok, ika nga pero kung
kulang nito ay maaaring maging sanhi ng pagsubsob ng isang relasyon. Dapat pareho ang pananampalataya mo sa inyong relasyon gaya ng kayo ay magkalapit sa isang lugar. Dapat pa ngang lumago ito dahil sa dagdag na hamon sa pagiging malayo. 5. Lumipad na solo. No’ng kayo’y magkasama, gumagawa ka na ng desisyon ng iyong sarili. Ngunit ngayong magkahiwalay na kayo, gumagawa ka pa rin ng sarili mong desisyon pero isinasali mo ba ang opinyon ng
iyong nobyo? Kung hindi, dapat na may sapat na rason at layunin ito. Samakatuwid, dapat kilalanin mo ang iyong sarili. Anu-ano ang mga nararamdaman mo sa pagkakaroon ng malayong relasyon? Ito ba ay makakasira sa inyong samahan? Kung mahal mo talaga ang isang tao, kailangan ninyo itong pag-usapan para hindi maging balakid sa paglago ng inyong relasyon. Maging tapat sa isa’t-isa.
AnnVee 080-3754-0325
Sexy mini yukata ¥ 2,980 each
Sexy mini dress ¥ 2,980 each or 4 pcs for ¥ 10,000
Korea No. 1 Hit item
Denim pants Made in Korea
Sexy long dress 1 pc = ¥3980 3 pcs = ¥10,000
Shoes
MORE ITEMS AWAITS HERE AnnVee Fashiontrend
www.facebook.com/#1/annvee.fashiontrend
12
Ads
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
Ads
13
14
Global Filipino
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
15
February 2013
Global Filipino
S
ougetsusai roughly translated as November Festival is held once a year in Gose City, Nara, Japan. I was invited to attend two years ago by a dear Japanese friend, but eventually didn’t make it. But this time around, not even the rain can stop me from going to this festival. There are so many events happening around town in celebration of Sougetsusai. The main attraction of this festival is the showcasing of traditional Japanese houses by its owners. They open their doors to welcome strangers to take a peek of their lovely homes. It was great that some of these houses retained its original design, and some even more fascinating, that materials from the time it was built ages ago still remain intact. Quite noticeably, the opulence of these traditional old houses lie in the subtle beauty of its architecture and minimalist design. Of course, the lovely gardens are the best accents of most houses we have visited.
T
hese houses are not only preserved structures for history's sake but are also homes to its current owners. The trusting nature of the Japanese people is clearly present in this festival. Imagine allowing hundreds of visitors to take a peek, stroll around your house with so many valuables and ornaments neatly on display unprotected. You can enter most houses free of charge. But on one house we paid 100 yen, to which they served us a really nice cup of hot tea and a red bean cake, a traditional Japanese snack, so it is actually a very cheap fee to relax and get a feel of living in a nicely kept traditional Japanese house. Also a lot of Gose artists take this opportunity to open their houses or shops to display their precious artworks. There are also a lot of yattai (food kiosks) scattered around the area selling very cheap festival food. I’m used to paying a minimum of 500yen for food in other Japanese festivals, but here I paid 150yen for a large tonkatsu and 150yen for a hotdog. So I asked my host why is it so cheap. She told me the participants are not doing it for profit but it’s really more to celebrate their community. Coinciding with this festival is also a celebration by Sangaku Shukyo, a religion that traces its roots in Gose. On this day they celebrate their faithful, called a Yamabushi by parading in the streets of Gose, wearing a white cloth and blowing horns. What I heard from some Gose residents is that this religion’s belief system is nature-centric. You can even see pieces of animal fur as part of their traditional clothing. There is also a culminating event in the evening that involves fire, but that would be interesting to write as another story. We also attended a “ohanashi no kai”, traditional Japanese story-telling to listen about the rich history and some interesting folklores about the town of Gose. We then visited Katsuragi Hitokoto Nushi Jinya, roughly translated as one-word-wish-shrine. I did wish for happiness, health and money. It is a very old shrine with an even older tree inside it and is said to be more than 1,200 years old. It was a grand day albeit a very rainy one but the simple beauty of the homes and history of Gose city made me feel at home.
16
February 2013
Komunidad
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
D&K PHILIPPINES CHRISTMAS PARTY 2012
Lunch with Daloy Kayumanggi Philippine Team Leader Mike Ligalig (Bohol Bee Farm Tagbilaran)
Free Interpretation Service
17
February 2013
Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
Komunidad
"Ang NTT card at Daloy Kayumanggi ay nag-su-sponsor ng mga events kagaya nito (Church event, charity, birthday party, group party, etc. para sa mga Pilipino na nasa Japan. Para sa mga detalye, tumawag lang sa 090-6025-6962 at hanapin si Erwin
18
February 2013
Daloy Kayumanggi
Global Filipino
"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
GOOD DAY TO DIE HARD OH WELL HE`S BACK!!! BACK TO DO MORE DAMAGE!!! Pero ngayong time na ito sa Russia naman. Die hard 5 pinagbibidahan nila Bruce Willis (Die Hard Series) Jai Courtney (Jack Reacher) Patrick Stewart ( Star Trek). Si John McClane ay pumunta ng Russia para tulungan ang kanyang anak sa gulong napasukan, ngunit ng pagdating sa Russia nagulat na lamang sya na ang kanyang anak ay isang CIA Operative na nagtratrabaho para matigil ang pagnakaw ng nuclear-weapons. Ngayon kailangan nilang magsama para patumbahin at puksain ng mga masasamang taong ito.
MUST WATCH!
WARM BODIES Sa pagmamahal lahat posible, yan ang istorya ng â&#x20AC;&#x153;WARM BODIESâ&#x20AC;? na pinagbibidahan nila Nicholas Hoult (X-Men: First Class) Teresa Palmer (Drive Angry) at John Malkovich (Red). Ito ay tungkol sa isang zombie na na-involve sa isang babaeng nilalang. Ang pagmamahalan na ito ay magdudulot ng maraming pagbabago sa buhay ng isang zombie at sa mundo ng mga zombie.
MUST WATCH!
BEAUTIFUL CREATURES Did you like Twilight? Magugustohan nyo po rin ito. Ito ay isang supernatural love story ayon sa best-selling novel Series nina Kami Garcia and Margaret Stohl. Tungkol sa dalawang magkaibang mundo na pagmamahalan: Si Ethan ang lalaking walang ibang pinangarap kung hindi maka-alis sa munting lugar nila at si Lena isang mysteryosong babae sa lugar nila. Nagsama sila upang tuklasin ang mysteryong na babalot sa pareho nilang pamilya, at sa munting lugar nila.
MUST WATCH!
STAND UP GUYS Pinagbibidahan nila Al Pacino (Scarface) at Alan Arkin (Die Hard 1) Christopher Walken (Blast From the Past) Tungkol ito sa mga matatandang con men na sinusubukang ibalik ang grupo para sa isang last hurrah! Bago gawin ang huling assignment ng isa sa kanila, ang ay patayin ang isa sa grupo.
MUST WATCH!
SNITCH Isang suspense at aksyon na pelikula na pinagbibidahan ni Dwayne "The Rock" Johnson. Tungkol ito sa isang tatay na kailangan mag-undercover sa isang drug syndicate para mailigtas ang kanyang anak na naset-up sa isang drug deal.
MUST WATCH!
19
February 2013
Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
MASAMANG BALAK
GF: Binabalaan kita, malapit nang dumating ang Daddy ko! BF: Ha, e wala naman akong ginawang masama ah? GF: Oo nga, kaya kung may binabalak ka gawin mo na.
ANONG ULAM?
Mister: Hon, anung ulam natin? Misis: Andyan sa mesa, pumili ka. Mister: Hon, sardinas lang ang andito. Anu bang pagpipilian ko? Misis: Pumili ka kung kakain, o magrereklamo ka!
ASAWA
Juan: Oy, pwede raw magsama ng asawa sa company picnic natin. Tomas: Wala ka namang asawa ah? Juan: E, di isasama ko yung asawa ng kumpare ko.
MAPUTLANG PAKWAN
Tindera: Suki, bili na kayo ng pakwan. Mapula at matamis. (Nabitiwan ng tindera ang isang pakwan, bumagsak sa semento at nabiyak.) Suki: Sabi mo mapula. Maputla naman pala ang pakwan na tinda mo. Tindera: Aba, kayo man ang bumagsak sa semento, mamumutla rin kayo!
DARNA
PAGKAKASALA
MAHABANG BUHAY
WALANG BISYO
Tikbo: Nang girlfriend ko pa lang ang misis ko ang tawag ko sa kanya ay Darna dahil seksi sya. Ngayon ang tawag ko sa kanya ay Dorna. Ambo: Bakit Dorna? Tikbo: Kasing lapad na sya ng DOOR NAmin. Mister: (nagbabasa ng diaryo) Ayon dito sa survey, ang lalaking may asawa ay mas mahaba ang buhay keysa lalaking walang asawa. Misis: Kaya pasalamat ka at napangasawa mo ako. Mister: Kaya dapat humanap ako ng isa pang asawa para mas humaba ang buhay ko!
MALAKING POBLEMA
Mister: Hon, may malaki akong problema... Misis: Ngayong kasal na tayo, ang problema mo ay problema na natin. Mister: Ganun ba yun? Misis: Oo, dahil iisa na tayo ngayon. Ano bang problema natin? Mister: Kase nabuntis natin si Inday at tayo ang ama.
AQUARIUS Ene. 20 Peb. 18
Maria: Baka magbunga ang pagkakasala natin, Padre. Natatakot ako... Padre: Ipaubaya natin ang lahat sa nasa itaas. Di niya tayo pababayaan. Sakristan: Hoy, huwag niyo akong idamay dyan at naglilinis lang ako ng kampana dito sa itaas.
Pulubi: Iho, baka may limang piso ka, palimos naman. Estudyante: Naku, ibibili niyo lang po ng sigarilyo! Pulubi: Hindi ako naninigarilyo. Estudyante: Siguro ibibili niyo po ng alak. Pulubi: Hindi rin ako manginginom. Estudyante: Naku, malamang ibibili niyo ng droga! Pulubi: Wala akong kahit anong bisyo... Estudyante: Ganun po ba? Lika, sumama kayo sa bahay. Pulubi: Bakit? Estudyante: Ipakikita ko kay Inay kung anung mangyayari sa mga taong walang bisyo.
ANSWERED PRAYER
(Nahuli ng titser na may kodigo sa exam ang estudyante.)
TAURUS Abr. 20 - May. 20
PISCES Peb. 19 - Mar. 20
Magbibigay ng galak ang isang matalik na kaibigan. May magandang balitang matatanggap mula sa telepono. Patungo sa pagbuti ang kalagayan ng pananalapi. Mag-ingat sa paglalakad sa mga mataong lansangan. Lucky numbers at color for the day ang 8-11-21-32 at magenta.
ARIES Mar. 20 - Abr 19
Isang makulit na kamag-anak ang mangkukulit sa iyo. Mahalaga ang mga kaibigan ngayon. Maraming sasalungat sa iyong plano. Mapapasakamay ang matagal nang minimithi. Lucky numbers at color for the day ang 1-4-21-39 at red.
Maging maingat sa m ga b a g o n g ka k i l a l a sa araw na ito. May pagkakataong madagdagan ang kinikita. Iwasan ang maglakbay ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 3-5-12-40 at aqua blue.
Magiging makulimlim a n g s i m u l a n g a r a w. Iwasan ang magkaroon ng argumento sa mga kasamahan sa trabaho. Magkakaroon ng pagbabago sa mga nakaraang proyekto. Lucky numbers at color for the day ang 1928-37-42 at yellow.
Ipagpaliban ang anumang balak na pagbabago sa bahay o trabaho. Huwag ipagmadali ang mga hinahangad. Pag-aralang mabuti ang mga gagawin. Mahalaga ang mga kaibigan sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 9-23-35-39 at indigo.
GEMINI May. 21 - Hun. 21
CANCER Hun. 22 - Hul. 22
Gamitin ang matalinong kaisipan sa pagdadala ng problema sa relasyon ng pag-ibig. Mag-ingat sa anumang ginagawa nang malayo sa disgrasya. Taglay ngayon ang kasiglahan ng kaisipan at katawan. Lucky numbers at color for the day ang 9-16-25-33 at cream.
Titser: Ano etong nakatagong papel sa kamay mo? Estudyante: Mam, prayers ko lang po yan. Titser: E, bat may mga sagot dito? Estudyante: Ha? Naku, sinagot na ang prayers ko!
MANGONGOPYA
Jan: Nahuli ako ng titser na nangopya sa history test kanina. Jun: Pa’no nangyari yun? Jan: Sa pagmamadali pati pangalan ng classmate ko, nakopya ko.
HINDI NAKIKINIG
Nanay: Anak, mag-ingat ka sa daan pagpasok sa eskwela. Anak: Opo, Nay! Nanay: Pag may nakita kang sasakyan sa daan, tumabi ka. Anak: Opo, Nay! Nanay: Di ka naman yata nakikinig. Ano nga ba ang bilin ko sa iyo? Anak: Pag may nakita po akong sasakyan sa daan, tatabihan ko po
AB GRADUATE
(Matapos ang dalawang taon na pag-aaral sa Manila ay masayang umuwi ang anak sa kanilang probinsiya) Anak: Itay, sa wakas natapos na rin ako sa pag-aaral.
LEO Hul. 23 - Ago. 22
H u w a g p a g alinlanganan ang minamahal. Iwasan ang pagseselos at gulo lamang ang idudulot nito. Maitatawid sa maayos na paraan ang hindi pagkakaunawaan. Ang kahinahunan sa pagpapasya ay dapat pairalin. Lucky numbers at color for the day ang 6-8-19-37 at electric blue.
VIRGO Ago. 23 - Set. 23
Paborito ka ng lahat sa araw na ito. Nasa iyo ang madaling ikalulutas ng problema. Makatatanggap ng impormasyong makatutulong sa iyong mga binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 2-4-23-46 at old rose.
LIBRA Set. 24 - Okt. 23
Huwag ipagwalang b a h a l a a n g nararamdaman sa katawan. Pabor ang mga pagkakataon na may kinalaman sa pananalapi. Iwasan ang masangkot sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 12-27-38-40 at brown.
Tatay: Magaling anak! Ano bang tinapos mo? Anak: AB, Itay. Tatay: AB lang inabutan ka nang dalawang taon? Ako, isang taon lang, tapos ko ang ABC hanggang XYZ!
MANA SA AMA
Tatay: Musta exams niyo sa eskwela, mga anak? Anak: Mabuti po. Nakakuha kami ni Dina ng 100%. Tatay: Magaling! Nagmana kayo sa talino ko. Anak: 60% po yung sa akin at 40% yung kay Kuya.
NO MORE MONEY
(Palitan ng text messages ng magina) Anak: “no more allowance, send money” Nanay: “no more money, tighten your belt” Anak: “send belt”
BLOOD TEST
Loy: Di ka pa natutulog, hatinggabi na nagbabasa ka pa ng libro. Rap: Sabi kase ni Doc, may blood test ako bukas
mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp
SCORPIO Okt. 24 - Nob. 22
Pangalagaan ang kalusugan. Huwag gumawa ng mahalagang desisyon ngayon. May mahalagang balitang matatanggap na matagal nang hinihintay. Lucky numbers at color for the day ang 20-22-31-41 at emerald green.
SAGITARUIS Nob. 24 - Dis. 21
Lubhang abala sa araw na ito. Magbubunga ang mabuting pakikipag-ugnayan sa mga maimpluwensyang tao. Pangalagaan ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 9-15-19-28 at ruby red.
CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 19
I n s p i r a d o k a n g ayo n g araw. Magiging mahalaga ang isang paglalakbay na may kasama. Inaayunan ang lahat ng pagsisikap at pagtitiyaga sa pansariling kaunlaran. Iwasan ang mayamot o magalit sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 1-8-31-44 at pink.
20
Febraury 2013
Balitang Sports
Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
Orcullo Kakasa sa 2013 Smart Gilas Pilipinas Naghahanap ng Best Players World Games c
c
cuesportnews.com
K
akatawanin ni World champion Dennis Orcullo ang Pilipinas sa prestihiyosong 2013 World Games Billiards Competition na gaganapin sa Hulyo 25 hanggang Agosto 4 sa Cali, Colombia. Si Orcullo ay nagnanais madugtungan ang kanyang dominasyon matapos magkampeon noong 2010 Guangzhou Asian Games at 2011 Palembang Southeast Asian Games. Sasalang ito sa 9-ball at 8-Ball events ng World
Games. Bago sumalang sa World Games, masisilayan si Orcullo sa World 8-Ball Championships sa Abril, World 10Ball Championships sa Hunyo at US Open 10-Ball sa Hulyo. Inaasahang magpapadala rin ng kinatawan ang Philippine Bowling Association, Wushu Federation of the Philippine at Philippine Dancesports Association sa naturang World Meet na dadaluhan ng mahigit 100 bansa.
PAGBABALIK NI NORMAN BLACK SA PBA:
Talk 'n Text Champion sa PBA All-Filipino Cup c
M
blogspot.com
atagumpay na naisakatuparan ng Talk ‘n Text ang matikas na 4-0 pagwalis sa Rain or Shine Elasto Painters sa kanilang Best-of-Seven championships series. Ito ang ikatlong sunod (3-peat) na Philippine Cup title ng Tropang Texters na inalagaan ng bagong coach na si Norman Black. “This championship means a lot to me maybe because I’ve been away for so long. I’ve always wanted to go back to the PBA, the best league in the country. I was just waiting for the right time,“ sabi Black. “I am thankful for being a part of this team, happy to work for them, happy to represent them as their coach. The series against Alaska really helped us a great deal. It happens to be TNT’s a hot team at the right time,“ dagdag ni Black. Itinanghal na Finals Most Valuable Player si Ranidel De Ocampo habang ang katropa nitong si Jason Castro ang ginawaran ng Best Player of the Conference award. “It’s always been my philosophy, defense wins championships. My whole goal was to make it so when you play slow, we’ll beat you slow, when you play fast, we’ll beat you fast. The balance with the team is the key,” sabi pa ni Black.
M
uling iginiit ni Philippine National Team coach Chot Reyes ang pagnanais na makuha ang mga pinakamagagaling na manlalaro para sa kampanya ng bansa sa FIBA Asia Champsionships na idaraos sa Maynila sa Agosto 2013. Kahit nagalak sa desisyon ng pamunuan ng FIBA na ilipat sa bansa ang pagdaraos ng torneo, inamin ng Smart Gilas coach na mas magiging mahirap para sa kanila ang misyon na makuha ang kampeonato. “Much as we’d like to rejoice, I am filled with apprehension because more than ever, it’s a ‘must win’
thekobebeef.com
for us,” pahayag ni Reyes bago umalis patungong Dubai para sa isa pang torneo. Noong 2012 ay nagkampeon ang Smart Gilas sa Jones Cup sa Taipei ngunit tumapos na pang-apat sa FIBA-Asia Cup kung saan kinatawan ang team ng PBA players na hindi pa kumpleto base sa listahan ni Reyes. Nagkaproblema ang Smart Gilas bago umalis paDubai dahil sa hindi pagsipot ng inaasahang PBA players sa ensayo na tuluyan nang hindi sumama sa pag-alis ng team.
PhilHealth Run 2013: Kasali Lahat
M
alapit na ang pagdaraos ng isang sabayang takbuhan sa iba’t ibang lugar sa buong Pilipinas na may layong mabigyan ang lahat ng Pinoy ng de-kalidad na pangangalaga ng kalusugan sa pamamagitan social health insurance. Binansagang PhilHealth Run 2013: Nationwide Run for Mother and Child Protection, ang 4-in-1 na takbuhan ay magkasabay na idaraos sa iba’t ibang lugar sa bansa kabilang na ang Maynila, Baguio, Dagupan, Tuguegarao, Clark, Malolos, Laguna, Batangas, Legaspi, Iloilo, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Cagayan De Oro, Davao, Karonadal, Marawi at Butuan. Ang event ay gaganapin sa ika-17 ng Pebrero kung saan kasabay ito ng selebrasyon ng ika-18 taong pagkakatatag ng PhilHealth. Ang kikitain ay mapupunta sa pondo ng Philippine Children’s Medical Center at iba pang pagamutan para sa pangangalaga ng mga ina at anak. Sinabi ni PhilHealth CEO Dr. Eduardo Banzon na umaasa ang mga organizers na aabot ng 100,000
TUNGO SA PACQUIAO VS MARQUEZ 5:
c
google.com
katao ang lalahok sa takbuhan sa lansangang tampok ang 18-kilometrong ruta na may dagdag na distansiyang 10, lima at tatlong kilometrong haba. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa makasaysayang programang ito, makipag-ugnayan kay PhilHealth deputy spokesperson Delio Aseron II sa teleponong may numerong 0918-4497-464. (E.P.)
Marquez Ayaw Ng Maliit na Premyo
N
agsisimula nang magparandam si Juan Manuel Marquez kay Manny Pacquiao at ipaalam na hindi siya papayag na malalamangan ng
premyo sa oras na magharap sila sa ikalimang pagkakataon sa Setyembre. Unang iniulat na si Marquez ay inalok ng $15 Million sa Dubai para labanan ang isang hindi kilalang boxer ng South Africa. Bagamat, hindi gayun kalaki ang balita, gustong ipahiwatig ng Team
Marquez na ang mensahe ay malinaw na malinaw: na dapat nang sumang-ayon ang Team Pacquiao na bigyan ng malaking hatian si Marquez sa ibabayad sa kanya para matuloy ang blockbuster fight. Nang bumagsak si Pacquiao noong Disyembre, nabayaran lang si Marquez ng halagang $6M habang si Pacquiao ay kumita ng mahigit $23M. Ngayong si Marquez ang bida, naniniwala siya na maaari na siyang humiling ng mas malaking halaga katulad ng ibinabayad kay Pacquiao. c
fcfighter.com
Balitang Showbiz
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Jessica, balik-Pinas para sa V-Day Concert
Jessica Sanchez Singer c
21
February 2013
celebrityhotshotph com
B
unsod ng patuloy na suporta ng mga Filipino fans, muling magpapakitang-gilas si Fil-Mexican singer Jessica Sanchez sa isang major solo concert sa Smart Araneta Coliseum sa ika-14 ng Pebrero. Inaasahang mapapahanga pang lalo ng 17-year-old singer ang libu-libong music enthusiasts sa bansa sa kanyang “Jessica Sanchez Live In Concert” na akma para sa darating na season of love. Matatandaang naging matagumpay ang debut performance ng second-place American Idol Winner sa Manila noong nakaraang taon, kung saan nakasama niya sa naturang concert ang top 10 finalists ng AI. Magsisilbing special guest ni Jessica ang kasamang AI final-
ist at kilabot ng mga kababaihan na si Colton Dixon na napabilang din sa naunang concert noong Setyembre 21 noong nakaraang taon sa Big Dome. Naging popular sa mga Pilipino ang batang-batang singer hindi lamang dahil sa taglay nitong pambihirang talento kundi sa pagiging dugong-Pinoy nito. Tubong Samal, Bataan ang kanyang ina at Mexican-American naman ang kanyang ama. Huling hit ni Sanchez ang music video na “Jump In” kung saan nakasama niya ang kapwa Pinoy International artist na si apl.de.ap ng Grammy Award winner na grupong Black Eyed Peas. Ang bidyo nito ay kinunan sa Pilipinas noong nakaraang taon.
Nora, Eddie pasok sa 2013 Asian Film Awards
M
uli na namang nagniningning ang bituin ng mga Pinoy artists. Ito’y matapos mai-nominate ang tinaguriang “superstar” Nora Aunor bilang Best Actress sa 7th Asian Film Awards sa darating na ika-18 ng Marso, ngayong taon sa Hong Kong. Napansing-muli ang husay ng aktres sa pag-arte, na ngayon ay limang dekada nang tumatakbo ang karera, sa independent film na “Thy Womb” sa kanyang pagganap bilang maybahay sa isang Badjao c o m m u n i t y. I d i n i r e h e i t o n g internationally-acclaimed at award-
winning Filipino director na si Brilliante Mendoza. Kahilera ni Aunor ang mga batikang aktres na sina Cho Min-soo mula sa South Korea (“Pieta”), Golshifteh Farahani mula sa Afghanistan (“The Patience Stone”), Gwei Lun-mei mula sa Taiwan (“GF*BF”), at Hao Lei mula naman sa China (“Mystery”). Matatandaang naitampok na rin ang naturang pelikula na pinagbibidahan ni Ate Guy sa iba’t ibang international film festivals sa Venice, Dubai, at Toronto. Kamakailan, nasungkit na rin ni Nora ang titulong Best Actress sa
katatapos na Metro Manila Film Festival (MMFF) sa pareho ring pelikula. Samantala, inaasahan ding makuha ng isa pang batikang artista, Eddie Garcia, ang Best Actor award sa naturang timpalak. Gumanap bilang matandang bakla si Garcia sa isa uling Indie Film, ang “Bwakaw,” sa ilalim ng direksyon ni Jun Robles Lana. Malaki rin umano ang tyansa ng aktor na manalo sa nasabing kategorya, sapagkat naitanghal na rin siyang Best Actor sa nakaraang 2012 Cinemalaya.
Pelikulang "Thy Womb" Inendorso ng Gobyerno
H Mommy ni Sarah Hindi Kontrabida
D
ahil sa daming isyu na kinakaharap ng kanyang ina, sa wakas ay nagsalita na rin ang Pop Princess na si Sarah Geronimo at ipinagtanggol ang kanyang Mommy Divine sa mga lumalabas na isyu na kontrabida ito sa love life niya. Base na rin sa interview kay Sarah G, “package deal” siya kapang may nagtangkang siya ay ligawan nang seryoso. Sabi ni Sarah, dapat ay tanggap din ng guy ang kanyang nanay, tatay, mga kapatid, kaanak, atbp. Dagdag pa ng Pop Princess, hindi madali na basta na lang niya tatalikuran at susuwayin ang kanyang mga magulang. Ayon pa sa kanya, dapat ay handa din siyang ipaglaban ng lalaking gusto siyang makarelasyon. Kamakailan lamang ay natuklasan ni Sarah G na pinaasa, ginamit at pinasakay lang siya ni Gerald Anderson nang makipaglapit ito
inihikayat ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang mga mamamayan na panoorin ang pelikulang “Thy Womb” ni Brillante Mendoza. Sa isang endorsement letter, sinabi ng Commission na humihiling sa pagsuporta sa naturang pelikula na aniya ay isang matibay na behikulo sa pagpapalaganap ng respeto at pag-unawa sa pananampalataya at paniniwala ng ibang tao. Ipinapakita sa naturang pelikula na taliwas ang paniniwala ng marami hinggil sa mga taga- Mindanao. Tinalakay sa Thy Womb ang paghahanap ng mag-asawang Shalela at Bangas-An ng babaing maaring pumayag na maging pangalawang asawa ni Bangas-An at makapagbigay Sarah Geronimo Actress / Singer / Model / TV Host
c
celebrityhotshotph com
sa kanya ng anak dahil baog si Shalela na nagkataong isang komadrona. Tinalakay din sa naturang pelikula ang pamumuhay sa mga komunidad sa Tawi-Tawi pati na ang kanilang makukulay na mga ritwal at mga seremonya. Ginanampanan ni Nora Aunor ang papel ni Shalela samantalang si Bembol Roco naman ang may dala sa papel ni Bangas-an. Tampok din sa pelikula sina Lovi Poe at Mercedes Cabral. Binigyang diin pa ng NCMF na bagamat nakapalibot sa isang mag-asawang Badjao ang istorya, tinalakay din nito hindi lamang ang isyu ng relihiyon kundi pati na rin ang pagiging Pilipino. Makikita rin aniya sa pelikula ang pagpapa-
halaga sa kultura na isang mahalagang bahagi ng pamana bilang isang bansa. Ang Thy Womb ay isa sa mga pelikulang tampok sa Metro Manila Film Festival kung saan humakot ito ng ilang parangal kabilang na ang Best Director para kay Mendoza, Best Actress para kay Aunor, Best Story, Best Cinematography, Best Production Design, Gatpuno Villegas Cultural Award, at Most Gender Sensitive Film. Bago dito, inilahok din ito sa 69th Venice Internatinal Film Festival kung saan nakatanggap ito ng tatlong special prizes kabilang ang sumusunod: La Navicella Venezia Cinema Award, P. Nazareno Taddei Award - Special Mention, at Bisato d’ Oro Award for Best Actress para kay Aunor.
Judy Acquitted sa Tax Evasion Case
Judy Ann Santos Actress / Singer / Model / TV Host c
sa kanya. Noon pa lang nag-uumpisang pumorma ang actor kay Sarah ay tutol na rito si Mommy Divine. Nalaman kasi nila na may itinatagong real GF si Gerald na taga-Cebu kaya talagang hinarang nila ito na makipaglapit nang husto kay Sarah, kahit lahat ng klaseng panlalait ay naibato na kay Mommy Divine.
phstars.com
Acquitted na sa kasong tax evasion ang aktres na si Judy Ann Santos o mas kilalang Juday. Inabswelto na nina 3rd Division Associate Justices Lovel Bautista at Amelia CotangcoManalastas si Juday dahil under-declaration lamang ang nagawa ng kampo nito at hindi tax evasion. Kaugnay nito, inatasan ng korte si Juday na magbayad ng mahigit P3.4 milyon na kakulangan nito sa ibinayad na buwis noong 2002 at 20% interes sa kada taong tax penalties at delinquency interests.
Matatandaang nag-ugat ang kaso ng aktres sa hindi tamang pagdeklara nito ng kanyang kinita sa movie at product endorsements noong taong 2002. Dahil sa kaso ni Juday, marami sa mga showbiz personalities ang naging maingat sa pagdeklara ng kanilang mga kinikita para hindi masangkot sa court litigation. Nakaraang taon, si Manny Pacquiao ang tinarget ng BIR na hindi raw nagbayad ng sapat na buwis, akusasyon na hindi naman napatunayan ng BIR.
22
February 2013
Balitang Showbiz
TINULUNGAN NI ANNABELLE RAMA:
Sarah Lahbati Nakaalis Na ng Pinas
I
Sarah Lahbati Actress / Model c
blogspot com
namin ng talent manager at ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama na siya ang tumulong sa girlfriend ng anak niyang si Sarah Lahbati at sa ina nito para makaalis ng Pilipinas noong Linggo papuntang Switzerland. Sa isang lumabas na artikulo sa showbiz web portal na PEP.ph, ikinuwento ni Annabelle na inihatid niya ang mag-ina sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at tinulungan ang mga ito sa pagpapa-check-in hanggang sa nakapasok sila sa pre-departure area. Hindi naman kaila sa lahat, lalo na sa kampo ni Sarah Lahbati na may isinampang kaso laban sa Kapuso actress ang kanyang home network na GMA-7 dahil sa breach of contract. Kasama pa rito ang libel case na finile ni GMA Films President Atty. Annette Gozon-Abrogar laban sa young actress, at aminado naman daw ang mag-ina na kinakabahan silang baka hindi sila makalabas ng bansa. Kamakailan lumaki pa ang hidwaan sa pagitan ng GMA-7 at ni Annabelle Rama sa pag-amin ng nanay ni Richard na siya ang tumulong para makaalis si Sarah Lahbati ng bansa at talikuran ang mga kasong isinampa ng GMA laban sa dalaga.
Sunshine Dizon Balik Pag-artista
Sunshine Dizon Actress / Model c
lem estiva photography
K
ahit na may mga nagsasabi na hindi pa “physically-fit” si Sunshine Dizon upang magbalik-showbiz, kahit paano, ikinatutuwa ng mga fans at supporters niya ang muling pagiging aktibo ng magaling na Kapuso Star. Umabot ng apat na taon ding namahinga at nagbakasyon si Sunshine nang magdesisyong mag-settle down at maging isang ganap na ina. Halos magkasunod na taon naisilang ng dalawang healthy kids ni Sun-
shine Dizon. Sobrang saya at fulfilled ang kanyang naramdaman nang maranasan ang maging ganap na ina at maybahay. Hindi nalungkot si Sunsine na isinakripisyo niya ang kanyang showbiz career kapalit ng isang masayang pamilya. Pero, marami naman ang nag-advise na balikan na ni Sunshine ang kanyang pag-aartista. Sayang naman daw ang talent nito kung magpipirmi na lang siyang full-time wife at mommy.
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Aga Muhlach Tuloy Pagtakbo Bilang Kongresista
Aga Muhlach Actor / Model / TV Host c
T
uloy ang kandidatura ng aktor na si Aga Muhlach bilang kongresista ng Ikaapat na Distrito ng Camarines Sur matapos itong katigan ng Court of Appeals (CA) sa kanyang apela. Binigyan ng 60-day Temporary Restraining Order (TRO) ng korte si Aga laban sa pagkakatanggal nito at ng asawa sa listahan ng lehitimong botante ng probinsya. Matatandaang naunang maglabas ng desisyon ang Regional Trial Court ng San Jose, Camarines Sur na alisin ang mag-asawa sa voter’s list. Makakalaban ng aktor si Felix William Fuentebella na nagmula naman sa isang kilalang angkan ng mga pulitiko. Samantala, nakatakdang magconvene ang Election Registration
blogspot.com
Board (ERB) ng San Jose, Camarines Sur sa Lunes upang pag-usapan ang ipinalabas na TRO ng CA na pumipigil na alisin sa listahan ng mga botante ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales. Kaugnay nito, inaasahang mapapasakamay na sa lalong madaling panahon ng Commission on Elections (Comelec) Camarines Sur ang access code ng voter’s list mula sa main office upang masunod na ang desisyon ng korte. Una nang iniutos ni Reg. Dir. Romeo Fortes ng nasabing komisyon na nais muna niyang personal na mabasa at pag-aralan ang TRO kug saan kailangan umanong idaan muna ito sa law department ng Comelec bago maisakatuparan. (RMN Radio)
Balitang Showbiz
Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
Love Triangle nina Gerald, Kim, at Maja Umiinit
Maja Salvador Actress / Singer blogspot comb
c
K
ung pagbabasehan ang mga pictures nina Gerald Anderson at Maja Salvador na lumabas sa Instagram via Twitter, mukhang may relasyon na talaga ang dalawa. Nagsalita na si Kim Chiu na nagkalabuan na ang friendship nila ni Maja dahil lumalabas ngang nagkakabutihan na ngayon ang dating best friend niya at ang kanyang ex-boyfriend. Kaya maraming galit kay Gerald dahil si Kim at Maja ay kilalang “best friends” ngunit naging karelasyon ng lalaki. Samantala sa isang show sa ABS-CBN, sinabi naman ni Sarah Geronimo sa mga babae na dapat iwasan ang mga lalaking “womanizer.” Si Sarah ay napabalitang na-link din kay Gerald noon ngunit hindi natuloy ang panliligaw ng huli dahil tutol daw ang Mommy ni Sarah sa binata. Nang matanong naman kamakailan si Gerald sa show na The Buzz kung talagang nililigawan niya si Maja, ito ang sagot ng binata: “Yeah, I’d love to kung bibigyan ako ng chance.”
Kim Chui Actress / Model / Singer c
blogspot comb
Gerald Anderson Actor / Model c
23
February 2013
blogspot comb
Rayver Cruz Actor / Model c
blogspot.com
Cristine Reyes Actress / Model c
blogspot.com
Derek Dahilan sa Hiwalayang Pops, Martin, Regine at Ogie Magsasama-sama sa isang Cristine-Rayver? Valentine Concert oursome ang title ng Valentine Concert nina Pops Fernandez, a wakas inamin na nina Cristine Reyes at Rayver Cruz
F
Martin Nievera, Regine Velasquez at Ogie Alcasid na gaganapin sa mismong Araw ng mga Puso sa SMX Convention Center, Pasay City. Sa isang presscon, naitanong kung okay lang ba kay Pops na magsama sila ni Martin, ang kanyang ex-husband. Sinabi naman ni Pops na nakamove-on na silang dalawa. Dagdag pa ni Pops na kung trabaho lang ang pinag-usapan, wala siyang problema na magkasama sila ni Martin. Sa kabilang dako, naglabas ng sama ng loob ang singer na si Martin Nieverra sa pamamagitan ng social networking site na Twitter. Sa tweet ni Martin, bakit hindi raw ito maaaring magpromote ng kanyang Valentine concert sa kanyang mother network. Ayon pa kay Martin, naka-book na ang kanyang mga guesting ngunit pinakansela ito dahil sa conflict of interests dahil sa Channel 7 lalabas ang coverage ng kanilang concert.
Vina Morales Nagbalik Teleserye
N
Vina Morales Singer / Actress c
phstars com
o b i g d e a l p a ra kay V i n a Morales na supporting role ang kanyang ginaganapan sa bagong soap opera na May Isang Pangarap na malapit ng mapanood sa ABS-CBN. Tinanong si Vina kung masaya ba siya sa kanyang bagong show, at ito ang kanyang naging sagot: “All of us naman, eh, masaya sa set lalo na ang dalawang bagets na bida. Kailangan nila ang suporta namin. Kagaya rin naman sa akin noon, nu’ng bagong salta pa lang ako sa showbiz, eh, ibinigay din naman sa akin ng mga nakakasama ko, like sina Ate Sharon (Cuneta) ang suporta nila. Kaya, full support ako sa dalawa, mahirap ang ginagawa nila kasi it’s their big break, di ba? “Para sa kanila, ito na ang chance. They have to give their best. Kaya
siguro, sila na stress din kasi parang bagong buhay ito para sa kanila. Kaya nga sabi namin, dapat kayanin nila `yan at sigurado, kami na kayang-kaya nila yan. They are both very good,“ pahayag ni Vina tungkol sa mga batang bida na sina Julia Base at Larah Claire Sabroso. Kasama rin sa teleserye sina Carmina Villaroel, Rico Blanco, Gloria Diaz, Bembo Roco, Valerie Concepcion, Dennis Padilla, at marami pang iba. Una nila itong pagsasama sa trabaho ni Carmina, na noon pa man ay kaibigan na niya. “This is the only chance at nabigyan kami ng opportunity ng ABS. Kaya we are both thankful, actually. Excited kami. Pag magkasama kami, panay ang kuwentuhan namin. Siyempre, kasama ang lovelife sa mga pinag-uusapan namin,” kuwento ni Vilma.
Kris Aquino Pangarap ang 'Stable Relationship Kris Aquino Actress / TV Host / Model c
blogspot com
S
a isang panayam sa media, naitanong kay Kris Aquino kung open pa siya sa isang relasyon, at ito ang naging sagot ni Kris: “Who would not want to be in a stable, loving, committed partnership, ‘di ba? Pero kung wala na sa tadhana ko, okay lang.” Inamin ni Kris na mahirapan ang lalaki na lalapit sa kanya dahil marami ang magtatanong. “I hope that people don’t take this the wrong way. Pero sinabi ng sister kong si Pinky before na they understand how difficult it is to even entertain
anybody, kasi I’ll forever doubt kung bakit. And siguro, I’ve been through enough in my life to realize there’s a price to pay and at this point, I don’t wanna pay the price anymore Naitanong kung naniwala ba si Kris sa true love, at ito naman ang nagi niyang pahayag: “I do, pero siguro, it’s not meant for me. Oo, honestly. Hindi kasi, parang sobra kasi ang naibigay sa akin ng ibang departamento ng buhay na kung ‘yan ang hindi ibibigay, balance na lahat . I believe in balance in everything.”
S
na matagal na silang nagkaliwalay at mutual decision lang daw nila na hindi na ito isapubliko para ‘di na pagusapan pa ng maraming tao. Ayon sa dalawa, nagwakas man ang relasyon, hindi naputol ang pagiging magkaibigan nila, at kitang-kita nga ‘yun sa mga kilos nila sa interview nila sa talk show na The Buzz. Ngayong umamin na nga ang ex-couple sa kanilang hiwalayan, mas tumindi naman ang espekulasyon na may katotohanan ang panliligaw ni Derek Ramsay sa sexy actress. Pero paglilinaw ni Cristine, “Siguro kasi, nakikita nila kami sa labas. Para sa akin naman, walang masama ru’n kasi ever since kahit nu’ng sila pa ni Angelica (Panganiban), pumupunta kami sa bahay nila, nagha-hang-out kami ru’n.” Ayon pa kina Cristine at Rayver, na-realize nilang masyado pa silang bata kaya napag-usapan nilang unahin na lang muna ang kanilang career kaysa ang love life.
Angeline Quinto Walang Pagbabago Angeline Quinto Singer / Actress c
andronico wordpress com
U
nti-unti na ngayong nakikilala si Angeline Quinto hindi lang sa larangan ng pagkanta kundi pinasok na rin niya ang pag-arte. Kasabay sa pagdami ng kanyang mga tagahanga ay ang pagkakagusto rin ng singer na i-improve ang kanyang sarili. Sa isang panayam, naitanong kung may balak ba si Angeline na magpa-nose-lift: “sinabi ko na po dati, gusto ko po talagang ipagawa ‘yung ilong ko, pero hindi ko pa rin ipinapagawa. Huwag po kayong mag-alala kapag nangyari, sasabihin ko po sa inyo.” Ganunpaman, itinanggi ng dalaga na may ipinabago na siya sa kanyang boobs. “Sa boobs po, wala, kahit hawakan n’yo pa. Sa ngayon po, wala pang enhancement na ginawa.” Sinabi ng bagong sikat na actress na hindi naman daw niya idideny kung talagang may ipinabago na siya. “Bakit naman itatago? Ayaw ko sa lahat ‘yung may itatago ka sa ibang tao kung totoo naman tapos idi-deny ko. Kaya kung sakali na may ipapagawa ako sa katawan ko ay talagang hindi ko itatago ‘yun,” paliwanag pa ng dalaga.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino