Inspiring Global Filipinos in Japan
〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.net
D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611
Vol.5 Issue 60 February 2017
www.daloykayumanggi.com
05
BALITANG LOCAL 'Leni Leaks' malisyoso, ayon sa kampo ni Robredo
08
10
TIPS
19
EMOSIANS
Iwasan ang Selos, Inggit, at Galit
22
SPORTS
(Extended) kapalaran sa taon ng Tandang 2017
BALITANG SHOWBIZ
Donaire, makakaharap muli si magdelano para sa rematch
Janet jackson, nanganak sa edad 50 anyos
Binatilyo, pinarangalan ni First Lady Michelle Obama
PANGULONG
ISANG ILOKANONG BINATILYO ang nakatanggap ng award para sa filmmaking mula kay First Lady Michelle Obama sa mismong White House sa Washington D.C. Ang 16 na taong gulang na si Rafael Bitanga, isang Grade 10 student sa Kodiak High School in Alaska, ay tumanggap ng award sa ngalan ng Baranov Museum mula sa National Arts and Humanities Youth Program.
DUTERTE
'VERY GOOD'
AYON SA SWS SURVEY
sundan sa Pahina 4
Ang Pamamaalam ng mga Sikat nitong 2016
Nasa “very good” pa rin ang natanggap na satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang survey para sa last quarter ng 2016
sundan sa Pahina 5
Japan, tutulungan ang Pilipinas sa pagsugpo sa Droga NAGKASUNDO UMANO SINA PRIME MINISTER SHINZO ABE AT PANGULONG RODRIGO DUTERTE SA PAGSUGPO SA PAGLAGANAP NG ILEGAL NA DROGA SA PILIPINAS.
Ayon sa pangulo, base sa ulat ng bom-
boradyo.com, magsusulong umano ang dalawang bansa ng mas komprehensibong approach sa anti-drug war.
Partikular na tutulong umano ang
Japan sa rehabilitasyon ng mga drug dependents.
sundan sa Pahina 5
KA-DALOY OF THE MONTH Kilalanin ang tinaguriang "The Boy Who Loves to Study"
Naaalala niyo pa ba ang isang larawan ng batang nag-aaral sa labas ng isang sikat na fast-food chain outlet gamit ang ilaw ng restaurant? Siya si Daniel Cabrera -- ang pumukaw sa damdamin ng maraming mga tao at ang tinaguriang "The Boy Who Loves to Study," base sa titulo ng commercial na inilabas ng McDonald's nitong huling bahagi ng nakaraang taon. sundan sa Pahina 7
BALITANG LOCAL
Terno Fashion Show ng Miss Universe, idinaos sa Vigan City sundan sa Pahina 2
NITONG NAKARAANG 2016, ilang malalaking artista, mapa-Hollywood o local artists man, ang pumanaw at namaalam sa pinilakang-tabing. Sa katunayan, itinuturing itong taon na ito na worst year of the stars dahil ilan sa mga pinakasikat at mga alamat na sa industriya ang mga pumanaw. Nagulat ang buong mundo nang mabalitang yumao na ang sikat na mang-aawit na si David Bowie noong Enero 10 na sinundan ng sikat na artista ng Harry Potter na si Alan Rickman noong Enero 14. sundan sa Pahina 21
Daloy Kayumanggi
FEBRUARY 2017
2
BALITANG LOCAL
Impormasyon ng Pilipino
Terno Fashion Show ng Miss U, idinaos sa Vigan City ANG VIGAN CITY ang napiling lugar na pinagdausan ng Terno Fashion Show ng Miss Universe nitong Enero 16. Tampok sa nasabing event ang 20 sa mga opisyal na kandidata ng Miss Universe. Ilan sa mga suot ng mga kandidata ay gawa umano ng local designers ng Ilocos Sur, ayon sa ulat ng bomboradyo.com. Kabilang sa mga nagsuot ng mga idinesenyong terno ng local designers ay sina Miss Switzerland, Miss Great Britain,
'Lenileaks' malisyoso, ayon sa kampo ni Robredo
NAGING usap-usapan kamakailan ng tinaguriang “Lenileaks” na may layunin umanong patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte. Nanindigan ang kampo ni Vice President Leni Robredo na malisyoso at walang kinalaman dito ang Bise Presidente. Katunayan, hindi umano miyembro ng Yahoo! Group si VP Robredo, ayon sa spokesperson ng OVP na si Georgina Hernandez. Dagdag pa ni Hernandez, hindi naman umano sikreto ang nasabing online group dahil ito’y isang public Yahoo! Group account. Wala rin umanong katotohanan na nakaikipag-meet si VP Robredo kay Filipino-American philanthropis Loida Nicolas-Lewis na kilalang supporter ng Bise Presidente at sinasabing may planong pababain sa puwesto ang kasalukuyang pangulo.
Miss Sierra Leone, Miss USA, Miss Nicaragua, at Miss Slovak Republic. Si Luke Mejares ang nangharana sa mga kandidata. Napili namang emcees sina Bb. Pilipinas – Universe 2000 Nina Ricci Alagao at Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles – Estrada. Dinaluhan ang nasabing event ng libulibong fans.
Mga anak ni dating US President Bush, may payo sa mga anak ni Obama NAGBIGAY NG PAYO ang dalawang mga anak ni dating US President George W. Bush sa mga anak ni outgoing President Barack Obama. Ika nina Jenna at Barbara, pagkatapos umano ng termino ni Obama, dapat umanong ipagpatuloy ng mga ito ang pagtuklas sa mga bagay-bagay. Dagdag pa nila, maigi rin umanong makipagkaibigan ang mga ito na siyang magpoprotekta sa kanila. Dapan din daw nilang e-enjoy ang kanilang buhay sa kolehiyo. Sa ngayon, 15 anyos pa lang si Sasha Obama na nasa High School pa lang at mag-eenrol naman sa Harvard College ang 18 anyos na si Malia.
QC Police at Muslim Community, may peace covenant
Dating US President Obama, may sweet b-day message kay Michelle
ISANG PEACE COVENANT ang nilagdaan sa pagitan ng mga opisyal ng Quezon City Police at ng Muslim community sa Brgy. Culiat sa lungsod na naglalayong gawing magkatuwang ang dalawang kampo sa pagpapanatili sa kaayusan sa QC. Sa ilalim ng covenant, maglalagay umano ng 10 mga unipormadong pulis na magbabantay sa police detachment sa lugar, samantalang tinitiyak naman ng muslim community doon na sapat ang seguridad sa Salaam Compound. Sa nasabing peace covenant, ayon sa ulat ng Pilipino Star Ngayon, napagkasunduan din na isusuko ng mga residenteng muslim ang mga armas at bala na walang lisensiya at magbibigay ng identification cards sa mga muslim sa Salaam compound.
IPINAGDIWANG KAMAKAILAN ni da-ting First Lady ng US na si Michelle Obama ang kanyang ika53 kaarawan. Siyempre, hindi nagpahuli sa pagbibigay-mensahe ang kanyang kabiyak na si dating pangulong Barack Obama. "To the girl from the South Side who took on a role she didn't ask for and made it her own: Happy Birthday Michelle," ika ng tweet ni Obama. "I love you." Kalakip pa niyon ang isang larawang nagpapakita ng sweet moment nila ng asawa. Samantala, ayon kay Obama, masaya ang kanilang pagbaba sa spotlight at paglisan mula sa White House.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
FEBRUARY 2017
BALITANG BALITANG GLOBAL GLOBAL PINOY PINOY
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
3
3
Palawan, isa sa 21 Best Budget Travel Destination sa mundo, ayon sa Forbes magazine
ISA ANG PALAWAN sa 21 Best Budget Travel Destinations para sa 2017 na inilista ng popular na Forbes magazine. Ika ng tweet ng Forbes: “The Philippines is heating up as a destination for 2017.” Ayon pa rito, base sa ulat ng goodnewspilipinas.com, ang Palawan daw ay lugar kung saan nananatili ang magic nito na “a little more untouched and quiet” kumpara sa Boracay. Dito matatagpuan ang Tubbataha Reefs National Park at Puerto Princesa Subterranean river na itinuturing na isa sa mga bagong Seven Wonders of the World. Ang Palawan din ay ibinotong 2016 top Best Islands in the World. Palawan, isa sa 21 Best Budget Travel Destinations sa mundo, ayon sa Forbes magazine.
Cabugao Gamay Island sa Iloilo, kasama sa Most Beautiful Places in the World
Malapit ang nasabing island sa popular na Boracay sa Western Visayas.
ISA ANG CABUGAO GAMAY ISLAND sa Iloilo sa pingalanan ng popular magazine na Forbes bilang Most Beautiful Places in the World. “Cabugao Gamay is a small island located two kilometers off the coast of Isla de Gigantes Sur in Carles, Iloilo. The island’s shape is unique because it features rock formations,a gorgeous white sandbar and emerald waters,” ika ng artikulo ng Forbes na isinulat ng travel writer na si Laura Bigley Bloom.
BAGO TULUYANG UMALIS sa Pilipinas ang mag-asawang sina Japan Prime Minister Shinzo Abe at Madame Akie Abe, naghandog ng regalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang dalawa.
Batang Pinoy Artist, nabigyan ng 7-Star Artist Award mula sa int`l art competition
ISANG PITONG ANYOS na pintor ang nakakuha ng 7-Star Artist Award mula sa Picasso Art Contest -isang international online art contest para sa mga batang may edad na 6-19 anyos. Kinilala ang young artist na si Worth Lodriga. Kabilang siya sa kategoryang mula dalawa hanggang walong anyos, kung saan 23 ang mga kasali. Tinatayang nasa kabuuang 63 na mga bansa ang nakipag-particapate sa nasabing kumpetisyon, kabilang na ang ilang mga delegado mula sa US at UK.
Ayon sa ulat ng bomboradyo. com, isang barong na idinesenyo nina Aris Esacnilla at Bonnie Adaza ng Chardin ang ibinigay na regalo kay PM Abe. Samantala, isang shawl naman na kulay dilaw na handpainted at may gold thread embroidery ang kay Madame Akie. Isang simpleng almusal naman ang inihanda ng pangulo sa pagbisita ng dalawa sa Davao.
6 na mga Pinoy, napiling delegado sa Young Southeast Asian Leaders
ANIM NA MGA KABATAANG PINOY ang napiling Young Southeast Asian Leaders Initiative (YSEALI) delegates para sa isasagawang YSEALI Generation: GR3EN Workshop. Isasagawa ito sa Pebrero 25-28, 2017 sa Brunei Darussalam. Ang mga delegado ay sasali sa apat na araw na eco-entrepreneurship workshops na may pokus sa eco-tourism, ayon sa ulat ng goodnewspilipinas.com. Layunin nito na makapag-develop ng eco-entrepreneurs na inaasahang bubuo ng masasabing environmentally-friendly businesses.
PM Abe at Madame Akie, niregaluhan ng barong at shawl ni Pangulong Duterte
Ang mga napiling mga kabataang Pinoy ay sina: Jeahan Anao Haron, Sarah Marie Gemanil, Mark Harris Lim, Miguel Paulo Mendoza, Paul Andrew Orpiada, at King Jehu Radaza II.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
FEBRUARY 2017
4 4
BALITANG GLOBAL
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Binatilyo, pinarangalan ni First Lady Michelle Obama ISANG ILOKANONG BINATILYO ang nakatanggap ng award para sa filmmaking mula kay First Lady Michelle Obama sa mismong White House sa Washington D.C. Ang 16 na taong gulang na si Rafael Bitanga, isang Grade 10 student sa Kodiak High School in Alaska, ay tumanggap ng award sa ngalan ng Baranov Museum mula sa National Arts and Humanities Youth Program. Habang ginaganap ang patimpalak, espesyal na nabanggit ni First Lady Obama si Bitanga. Ipinagmamalaking sinabi ng kabiyak ni President Barack Obama na sila’y sinamahan ng binata na nagmula pa sa malayong lugar ng Alaska. Ang pamilya ni Bitanga ay nag-migrate mula sa Pilipinas patungong United States at sa pagsusumikap ng tinedyer, nagging isa siyang lider at role model sa nakararami. Sa tulong ng Baranov Museum and Film Intensive, nagawa ni Bitanga na maging isang filmmaker at photographer. Sa katunayan, nakapagpatayo na siya ng kanyang sariling photography business na siya ngayong tumutulong sa kanyang pamilya.
Paghahanap sa misteryosong MH370, itinigil na muna
MATAPOS ANG ILANG TAONG paghahanap sa Malaysian Airlines Flight MH370, itinigil na ng mga bansang Australia, China, at Malaysia ang kanilang paghahanap. “To date, no new information has been discovered to determine the specific location of the aircraft. Accordingly, the underwater search for MH370 has been suspended,” ika ng statement ng tatlong mga bansa. Gayunpaman, umaasa ang mga bansa na matatagpuan din ang nasabing eroplano pagdating ng panahon. Matatandaang Marso 8, 2014 pa nang misteryosong nawala ang eroplano lulan ang 239 katao papuntang Beijing, China mula Kuala Lumpur, Malaysia. Dismayado naman ang mga pamilya ng mga biktima sa nasabing desisyon ng tatlong bansa.
Manugang ni Trump, isa sa mga gabinete sa bagong administrasyon sa US TATAYONG SENIOR ADVISER ng bagong pangulo ng US na si Donald Trump ang kanya mismong manugang. Pormal nang inanunsiyo ang pangalan ni Jared Kushner na asawa ng anak ni Trump na si Ivanka Trump na kabilang sa gabinete ng bagong president ng US. Malaki kasi umano ang naging role ni Kushner sa kampanya noon ni Trump. Naging political strategist kasi umano si Kushner noon ni Trump.
2016 ang may pinakamainiit na temperatura, ayon sa NASA
INIULAT KAMAKAILAN NG NASA na ang taong 2016 ang naitalang pinakamainit na taon mula noong 1880. Sa ulat naman ng National Oceanic Atmospheric Administration (NOAA), ang mga bansang Kuwait at Iran ang may pinakamainit na temperatura noong nakaraang taon. "The globally averaged temperature over land and ocean surfaces for 2016 was the highest among all years since record keeping began in 1880," ika ng report ng NOAA. "During the final month, the December combined global land and ocean average surface temperature was the third highest for December in the 137-year record."
Kontrobersyal na opisyal China, payag makipagtrabaho sa Trump admin sa Tsina na tinatawag na `devil` si Mao Zedong sinibak na BUNSOD NG KONTROBERSIYAL na pahayag ng isang opisyal sa Northern China -- na demonyo si Mao Zedong (ang founder ng Modern China) -- sinibak na siya sa kanyang puwesto. Kinilala ang nasabing opisyal na si Zuo Chunhe, ang pinsot ng Shijiazhuang Bureau of Culture, Radio, Film, TV, Press at Publication deputy director. Nasabi niya ito sa Weibo, isang microblogging site. Bukod doon, tinawag niya ring cult activity ang kaarawan ni Mao. Bagama’t binura rin niya ang post, nakunan naman ito ng larawan ng mga netizens, ayon sa ulat ng Reuters.
NAGPAHAYAG NG "WILLINGNESS" ang bansang Tsina na makipagtrabaho sa administrasyong Donald Trump. Ang nasabing statement ay mula sa Commerce Ministry ng China. Ito umano ay para mas mapalawig ang magandang relasyon ng dalawang bansa. Gayundin, naniniwala ang China na maaayos ang problema sa pagitan ng dalawang bansa, partikular na sa kalakalan, sa pamamagitan ng dialogue at kooperasyon, base sa ulat ng bomboradyo.com.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
FEBRUARY 2017
BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY LOCAL
Impormasyon ng Pilipino
5
5
Japan, tutulungan ang Pilipinas sa pagsugpo sa droga NAGKASUNDO UMANO SINA Prime Minister Shinzo Abe at Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsugpo sa paglaganap ng ilegal na droga sa Pilipinas. Ayon sa pangulo, base sa ulat ng bomboradyo.com, magsusulong umano ang dalawang bansa ng mas komprehensibong approach sa anti-drug war. Partikular na tutulong umano ang Japan
Pangulong Duterte, 'very good' ayon sa SWS survey
NASA “VERY GOOD” pa rin ang natanggap na satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang survey para sa last quarter ng 2016 ng Social Weather Station. Sa may 1,500 adult respondents sa buong bansa, 73 percent sa mga ito ang satisfied sa pamumuno ng pangulo; 12 percent ang hindi satisfied; at 15 percent naman ang hindi dicided. Samantala, +61 percent naman ang naging net satisfaction rating ni Pangulong Digong. Isinagawa ang nasabing survey noong Disyembre 3 hanggang 6. Ayon sa Malakanyang, ang nasabing survey umano ay nagpapakita lamang na satisfied ang mga mamamayan sa kampanya ng kasalukuyang administrasyon kontra droga.
House foundation, ilulunsad umano para sa mga batang langsangan
KASALUKUYAN UMANONG pinaplano ng Kongreso ang pagpapatayo ng isang foundation na naglalayong kalingain ang mga street children. Ito ang ibinunyag kamakailan ni House Speaker Pantaleon Alvarez matapos bisitahin ang Tuloy Foundation na itinatag ni Fr. Marciano “Rocky” G. Evangelista. Ang nasabing foundation ay makikita sa Alabang, Muntinlupa City. Layon umano ng ipapatayong foundation na ilayo ang mga bata sa ilegal na droga at pati na rin sa paggawa ng mga krimen. Dagdag pa ni Alvarez, base sa ulat ng Pilipino Star Ngayon, ikakalat umano ang nasabing foundation sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
sa rehabilitasyon ng mga drug dependents. “As the Philippines pursues its campaign to destroy illegal drugs trade apparatus, we welcome the expressed interest of Japan to support measures to address the tremendous social cause of drug addiction, this includes rehabilitation,” ika ni Pangulong Duterte.
European Union, pinag-aaralan ang pagbibigay ng donasyon sa drug rehab ng Pilipinas
KINUMPIRMA KAMAKAILAN ng European Ambassador to Manila na si Franz Jessen na kasalukuyang pinag-aaralan ng organisasyon ang pagbibigay ng donasyon sa Pilipinas para sa anti-drug campaign nito. Ito’y partikular na tutulong sa pagpopondo sa drug rehabilitation ng mga drug dependents. Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyan umanong nakikipag-ugnayan ang EU sa Department of Health. Kung matatandaan, isa ang EU sa mga pumuna noon sa kampanya ng gobyerno ng
Pilipinas laban sa ilegal na droga bunsod ng mga kaso ng extra judicial killings sa ibaibang panig ng bansa.
MMDA, binabalak palawigin ang 'No Weekend Sale' at 'No Window Hours' Policy BINABALAK NGAYON NG METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY na palawigin pa ang pagpapatupad ng “No Window Hours Policy” at “No Weekend Sales” naman sa shopping malls. Ika ni MMDA Officer-in-Charge (OIC) at General Manager Tim Orbos, base sa ulat ng Pilipino Star Ngayon, nasa proseso na ang nasabing ahensiya ng pakikipag-ugnayan sa Metro Manila Council (MMC) tungo sa pagpapalawig ng mga nasabing programa. Dagdag pa niya, sakaling maaprubahan ang nasabing proposal, palalawigin umano ng MMDA ang implementasyon ng mga ito sa Metro Manila.
Oktubre pa noong nakaraang taon nang simulan ng MMDA ang mga nasabing polisiya nito na may layuning mabawasan ang bigat ng trapiko sa Metro Manila.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
FEBRUARY 2017
6
6
EDITORIAL
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Daloy Kayumanggi
Inspiring Global Filipinos in Japan
D&K Company Ltd Jagger Aziz jaggeraziz@gmail.com Art Editor and Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@gmail.com 0906-511-8111 090-6025-6962 Sales and Marketing: Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists: Aries Lucea (arieslucia@daloykayumanggi.com) Avic Tatlonghari (avictatlonghari@yahoo.com) Melbert Tizon (mbtizon@gmail.com) Hoshi Laurence Gonzales (Hitokirihoshi@gmail.com) Irene tria (irene@heartshaper.asia) Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo Publisher: Editor:
The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611
Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.dk6868.net  www.facebook.com/daloykayumanggi
editor`s note LOREEN DAVE CALPITO
P1,000 pension hike ng SSS, laking-tulong sa mga pensiyonado
K
amakailan, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P1,000 increase para sa pensiyon ng Social Security System (SSS). Inaasahan namang sa 2019 pa mabubuo ang P2,000 increase sa pension ng mga SSS pensionaires. Siyempre, marami ang mga natuwa sa nasabing magandang balita, sapagkat matagal na itong hinihingi ng mga pensiyonado. Oo't minimal lang kung iisipin ang P1,000 hike, lalo na para sa mga nakakaluwag sa buhay. Gayunpaman, para sa isang ordinaryong mamamayan na mayroong mga binibiling mga gamot bilang lunas sa kanilang mga sakit, malaking tulong na ito mula sa gobyerno. Malaking kabawasan na ito sa kanilang
buwan-buwang paghihirap at alalahanin na pinapasan.
Sana nga lamang ay mas mapaaga din ang pagbibigay sa second P1,000 tranche ng nasabing increase. Sana rin ay tuluy-tuloy ang mga repormang naipatutupad 'di lamang sa SSS kundi pati na rin sa iba pang mga ahensiya ng ating gobyerno.
Kapag nangyari ito, siguradong mas maliwanag na kinabuasan ang aasahan ng maraming mga Pilipino, lalo na ang susunod na henerasyon. Sana.
Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
FEBRUARY 2017
BALITANG GLOBAL PINOY KOLUMN
7
ka-daloy of the month LOREEN DAVE CALPITO | DAVECALPITO529@GMAIL.COM
Kilalanin ang tinaguriang
``The Boy Who Loves to Study`` Sadyang nakaka-inspire ang nasabing bata -- 'di lamang sa mga taong kasalukuyang nag-aaral kundi pati na rin sa mga taong may gustong marating sa buhay. Siya ang isang magandang halimbawa na hindi hadlang ang kahirapan para maabot ang pa-ngarap sa buhay. Base sa nasabing commercial, mula umano nang naging viral ang larawang naipost sa social media, sunud-sunod na ang tulong na ibinigay sa kanya ng mga tao, kabilang aaalala niyo pa ba ang na ang allowance na handog sa kanya ng isang larawan ng batang McDonald's. nag-aaral sa labas ng Sa ngayon, nasa Grade 3 na si Cabrera at isang sikat na fast-food kasalukuyang kasama sa top 10 ng kanyang chain outlet gamit ang klase. ilaw ng restaurant? Siya Samantala, ang babaeng kumuha naman si Daniel Cabrera -- ang pumukaw sa dam- ng nasabing larawan, si Joyce Torrefrancia, damin ng maraming mga tao at ang tinagu- ay nakatapos na rin ng kolehiyo at kasaluriang "The Boy Who Loves to Study," base kuyang naninirahan sa Leyte. Salamat sa sa titulo ng commercial na inilabas ng Mc- inspirasyong ibinigay sa kanya ng batang Donald's nitong huling bahagi ng nakara- mahilig mag-aral, si Daniel. ang taon.
N
Walang duda: si Daniel Cabrera ang ating Ka-Daloy of the Month.
Daloy Kayumanggi
FEBRUARY 2017
Impormasyon ng Pilipino
BASAHIN ANG SINASABI SA PROVERBS 14:30: “A calm and undisturbed mind and heart are the life and health of the body, but envy, jealousy, and wrath are like rottenness of the bones.” Maiuugnay rin ito sa literal na pagkasira ng ating mga buto sa katawan. At kung masira ang ating mga buto kapag tayo’y nagagalit, nagseselos, o naiinggit, nasisira ang paggawa nito ng mga cells sa ating immune system, ayon kay Dr. Don Verhulst, ang awtor ng “30 Quick Tips For Better Health.” Mahalagang palakasin natin ang ating immune system para panlaban sa mga virus, bacteria, fungi, o parasites na sumisira sa ating katawan.
Paano mo maiiwasan ang Cancer? Hindi maitatangging maraming mga tao ang takot sa cancer o ayaw magkaroon nito. Bukod sa magastos ang pagpapagamot nito, maaari pa nitong maapektuhan ang ilang mga bahagi ng katawan. Upang maiwasan ang nakamamatay na sakit na ito, naririto ang ilang mga paraang maaari mong isaisip: Mag-detoxify. Uminom ng walo hanggang 10 baso ng fresh at purified na tubig araw-araw. Siguruhin ding magbawas arawaraw.
Kumain ng mga berdeng pagkain at iyong mga pagkaing mayroong high-fiber content. Nalalabanan din nito ang acidity sa katawan na siyang nagdudulot ng cancer. Palakasin ang immune system. Bukod sa pag-eehersisyo at pagkain ng masusustansiyang mga pagkain, maigi ring uminom ng vitamin-mineral supplement.
Isa pa, ayon sa pag-aaral ng Harvard Medical School, 80 percent din ng mga sakit ang dulot ng matinding stress na dala ng negatibong mga emosyon sa ating katawan.
Paano maiiwasan ang Depresyon? Isang nakababahalang sakit ang depresyon. Ito’y lubos na nakakaapekto sa pagkain, pagtulog, at kung paano mag-react ang isang tao sa mga bagay sa paligid. Naririto ang ilang mabisang mga paraan para maiwasan ito, ayon sa aklat na “30 Quick Tips for Better Health” ni Dr. Don Verhulst. Kumain ng mga pagkain na panlaban sa sakit na ito, kagaya na lang ng gulay, prutas, at whole grains. Ang nuts at seeds
din ay nakatutulong bilang proteksyon sa sakit na ito. Mag-ehersisyo. Inaayos nito ang sirkulasyon sa loob ng ating utak, kaya napapaganda ang ating mood. Manalangin. Ipaalam sa panginoon ang iyong naising makawala o maiwasan ang depresyon.
PINOY KA BA?
ACROSS • 1A. The Queen of All Season • 2A. ALter Ego ni Darna • 3A. Almusal na tinapay puwedeng isawsaw sa kape • 4A. Paboritong kainin tuwing simbang gabi • 5A. Maskot sa Anti-Smoking • 6A. Marami nito sa Quiapo • 7A. Walang matigas na tinapay sa mainit na _____ • 8A. Hari ng mga Ahas • 9A. Kakanin na nkabalot sa papel malimit na tinda sa fieldtrip • 10A. Pinakamataas na bundok sa Pinas • 11A. Gawa sa Harina ng bigas puwedeng lagyan ng itlog na maalat sa ibabaw • 12A. The king of Philippine Cinema DOWN • 1D. Isang malaking palengke lahat ng hina hanap mo makikita dito • 2D. Anak ni Baby Ama • 3D. De padyak na sasakyan marrami nito sa palengke • 4D. Pumalit sa Kalesa • 5D. Isdang maalat masarap isama sa champorado • 6D. Dakilang Lumpo • 7D. Pambansang Bulaklak • 8D. Pinoy Icon • 9D. Naghihintay sa bayabas na malaglag sa bibig nya • 10D. Da King of Comedy
SAGOT ACROSS = Vilmasantos, Narda, Pandesal, Putobumbong, Yosikadiri, Agimat, Kape, Suma, Espasol, MtApo, Puto, FPJ
Iwasan ang Selos, Inggit, at Galit
DOWN = Divisoria, JuanDelaCruz, Pedicab, Jeepney, Tuyo, Mabini, Sampaguita, CesarMontano, JuanTamad, Dolphy
8 8
TIPS
Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
FEBRUARY 2017
BALITANG GLOBAL PINOY TIPS
Impormasyon ng Pilipino
Mga sakit dulot ng stress, alamin Maraming mga pag-aaral ang nagsasabing maraming mga sakit ang idinudulot ng matinding stress sa ating katawan. Kaya naman, mula ngayon, siguruhing alam mo nang kontrolin ang iyong stress sa iyong buhay. Kung hindi, naririto ang mga sakit na maaari mong danasin: Ulcer Sex Problems Heart Disease High Blood Pressure / Stroke Insomnia
Skin Diseases Migraines Diabetes Depression Rheumatism Fatigue Asthma
Bawasan ang stress sa pamamagitan ng mga paraang ito
Matinding kalaban ng ating katawan ang stress. Sinasabi ng mga eksperto na ang stress umano ang nangungunang dahilan ng pagkakasakit at pagkamatay ng maraming mga tao. Naririto ang ilang mga mabisang paraan para magbawas ng stress:
Kidney Disorders Breathing Problems Allergies Collitis Irritability
Bakit kailangang uminom ng tubig
Alamin ang mga pagkaing pang-agahan
Madalas, nakakaligtaan ng mga tao ang uminom ng tubig. Alam mo ba na lubhang napakahalaga ng tubig sa katawan ng tao para hindi magkasakit at para mamuhay nang masaya at matiwasay Naririto ang ilang mga ispesipikong dahilan kung bakit mahalaga ang pag-inom ng walo hanggang 10 baso ng tubig arawaraw: • Para mapanatiling hydrated ang ating katawan – Ito’y sapagkat 70 hanggang 90 percent ng ating vital organs ay
Mahalaga ang pagkain ng agahan. Ito’y sapagkat dito mo nakukuha ang gagamitin mong enerhiya sa buong maghapon. Ito rin ay para magkaroon ng magandang metabolism ang katawan para iwassakit.
tubig at 83 percent din sa ating dugo ay tubig • Nakakatulong din ito sa pagbabawas ng timbang • Tinutulungan din tayo ng tubig para maalis ang toxins sa ating katawan • Nakababata rin ito dahil naiiwasan ang pagiging dry at brittle ng ating kutis
9
Naririto ang mga mainam na kainin sa iyong bawat agahan:
1. Kumain ng prutas, gulay, at whole grains. Halimbawa, kumain ng orange, apple, o grapes na may whole-grain bread. Maganda ring kumain ng oatmeal at multi-grain cereal.
1. Matulog nang maaga. 2. Mag-brisk walking araw-araw. 3. Sumayaw. 4. Mag-deep breathing. 5. Mag-focus sa mga magagandang emosyon at alaala. 6.Humingi ng yakap mula sa mga mahal sa buhay. 7. Ngumiti.
2. Maghanda ng protein shake, pero iwasan lang ang maraming asukal. 3. Maganda rin sa katawan ang pagkain ng whole grain bread na may kasamang itlog. 4. Maigi ring uminom ng dalawang baso ng pagkain bago kumain para maiwasan ang mag-overeating.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
FEBRUARY 2017
10
10
YEAR OF THE ROOSTER
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
emosians
Kapalaran sa taon ng
INSTAGRAM: EMOSIANS
2017
Tandang
Facebook: emostians framboise
Like my page: emosians
YEAR OF THE RAT
02/18/1912-02/05/1913 02/05/1924-01/23/1925 01/24/1936-02/10/1937 02/10/1948-01/28/1949 01/28/1960-02/14/1961 02/15/1972-02/02/1973 02/02/1984-02/19/1985 02/19/1996-02/06/1997 02/06/2008-01/25/2009
Ang pinanganak sa taon ng Daga ay masisipag sila ang taong hindi mapakali kung di matatapos ang anumang gawain or proyekto kadalasan sa kanila ay ala “rags to riches” ang tema ng buhay hindi sila ang timpong cinderalla na nakapag-asawa ng prinsipe tumira sa palasyo. Sila ang tipong tao na napinagpapaguran ang anumang ginhawa sa buhay. Wala bokabularyo nila ang pag-aanalisa bago gawin ang isang bagay go big or go home kung ika nga halintulad sa aktuwal na hayop na daga ayun sa pag-aaral ang mga daga ay may kapasidad na mabuhay ng tatlong araw pagkatapos i-flush sa inidoro at kayang bumalik sa mismong establishmento na nagflush dito. La cosa incompatible naman sa ugali ng zodiac na Tandang na ina-analisis o pinag-aaral ang isang bagay bago pumasok o sumugal dito kaya sa taong 2017 ito kinakailangan ng daga makiayun double o triple pag-iingat anumang major decision na gagawin sa buhay lalo na may kinalaman sa usaping pinansyal. Sa umpisa ng taon magiging nakakabagot para saiyo pero kinakailangan gamitin mo rin ang panahon na ito upang pag-isipan mabuti ang iyong kinabukasan bagama`t may mga bagay na usual or normal na sayo, sipyo man magtiyaga ka lamang at sa kalagitnaan ng taon mapapabuti ang sitwasyon mo. Sa panahon din ito magiging alwan sa iyo ang salapi ngunit binabalaan na maging masinop gamitin ang salapi sa tama at wag ilaan ang malaking bahagi sa bakasyon, recreational, material na bagay at gayundin madalas na pag-gaishoku (pagkain sa labas ng bahay tulad ng restaurant etc.) ito ang tamang panahon na mag-impok sa banko. Sa mag-asawa usual na taon ito para sayo gawing makabuluhan ang taong ito. May dalawang auspicious stars na nakikitaan sa lovelife para sa mga singles ito ang panahon na makikilala mo ang taong mamahalin ka higit sa pagmamahal na kaya mong ibigay at para naman sa kasal na ito ang panahon makakakuha ka ng atensyon, oras at pagmamahal na higit mong kailangan overall di naman magiging malas ang taon na ito sayo kinakailangan mo lamang precauciones sa mga bagay bagay para umayon ang 2017 sayo. Sa usapin pangkalusugan hanggat maaari umiwas ka sa alak at alcohol o anumang bagay na adictivos sapagkat magiging dependente ka lalo stressful situaciónes dapat mo rin bigyan oras ang iyong mahal sa buhay ang simpleng sabay pagsalo sa hapagkainan ay nakakabuti para sayo. Ang pag-inom ng Chamomile tea o green tea bago matulog ay makakatulong sa inyo insomnia at dahil sa taong ito maiimpluwesiyahan ka ng tandang sa pagiging overthinker at mahihirap makatulog.
YEAR OF THE OX
02/06/1913-01/25/1914 01/24/1925-02/12/1926 02/11/1937-01/30/1938 01/29/1949-02/16/1950 02/15/1961-02/04/1962 02/03/1973-01/22/1974 02/20/1985-02/08/1986 02/07/1997-01/27/1998 01/26/2009-02/13/2010 02/11/2021-01/31/2022
Ang pinanganak sa taon ng baka ay masisipag at dedikado sa kanilang pamilya, trabaho at gayundin sa bayan sila ang mga taong buhay na bayani dahil hangga`t kaya nilang magsakripisyo at tumulong ay gagawin nila. Sinaunang panahon ang mga tsino ang tumuro satin mga Pilipino ang paggamit ng kalabaw sa pagtatanim ng ani at kalaunan itinuturing na
pambansang simbolo ng Pilipinas ang tamaraw dahil ito ang katulong ng magsasaka sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Pinaniniwalain din ng mga sinaunang instik nama`y kapangyarihan ang mga baka para malaman kung mamatay na ang naghihingalong tao tulad na lamang sa pag-utos sa baka na kargahin ang taong ito kapag ito ay sumunod ay may pag-asa pang mabuhay ngunit kapag ito ay hindi ininakay ang maysakit nangangahulugan na malapit na ang kamatayan ng taong ito. Kaya ang mga pinanganak sa taong baka ay may malakas intuwisyon at may kakayahan hulaan ang maaaring maganap bagama`t kadalasan binabalewala nila ang kanilang kakayahan mas pinangungunahan ng katigasan ng ulo keysa mag-ingat sa kanilang desisyon. Sa taon 2017 ang lahat ng plano at pangarap mo ay matutupad. Napakaswerte ang taong ito sayo dahil dadalawin ka ng mga auspicious stars tulad ng Hua Gai Xing, Tangfu Charm at Santai ang kombinasyon ng bituin na ito ay magbibigay sayo ng masayang taon hindi ka rin mauubusan ng swerte unli-luck ngunit hindi ibig sabihin tumuya ka ng lotto o mag-pachinko. Mas magiging maswerte ka dahil palilibutan ka ng tamang kaibigan at katrabaho sa panahon na ito. Para sa nga singles magiging kahali-halina ka sumuot ng authentic rose quartz upang maging uma-active ang yung love luck magiging swerte ang kulay na pula at pink sa kababaihan, at itim at blue naman sa kalalakihan. Umiwas sa anumang negativity kung nakakaramdam ka ng kapahamakan sa pakikisama umiwas di maapektuhan ang iyong swerte gayundin umiwas ang pagmumura at siguraduhin positibong bagay lamang ang lalabas saiyong bibig. Sa married naman kinakailangan maging aktibo sa sex life general sa mga baka ay may sadyang katamaran sa gantong gawaib at laging hinayaan ang kanilang partner ang kumilos ito ang panahon na kailangan nila bumawi at maging wild sa kama. Sa kalusugan naman ay pangkaraniwang sakit lamang.
YEAR OF THE TIGER 01/26/1914-02/13/1915 02/13/1926-02/01/1927 01/31/1938-02/18/1939 02/17/1950-02/05/1951 02/05/1962-01/24/1963 01/23/1974-02/10/1975 02/09/1986-01/28/1987 01/28/1998-02/15/1999 02/14/2010-02/02/2011
Ang pinanganak sa taong ng tiger ay pinagtibay ng pagsubok at panahon kaya sila ang mga taong never give up at never say die ang motto sa buhay. Ang tiger ay ang pinakamalaking mga uri ng hayop ng Felidae (grupo o pamilya ng pusa) kaya meron silang aktuwal na katangian ng pusa. Sila ang mga taong loner o introvert bagama`t sociable sila sa panlabas na anyo mas gugustuhin pa rin nila pagkakaroon ng espasyo sa sarili. Sila ang taong independent kayang mag-travel mag-isa at kumain mag-isa na walang kasama na hindi makakaramdam ng anumang kalungkutan. Naging mediocre ang 2016 sayo kaya magiging mas masaya naman ang 2017 bagama`t in and out parin ang pasok ng pera kinakailangan mo ng alternatibong source of income. Ito rin ang panahon na magtabi ng salapi pang-emergency funds dahil kadalasan sa tigre ay galante sa pamilya/kaibigan at gastador. Magkakaroon ng malaking pagbabago sa iyong buhay upang makayanan mo ito kinakailangan mo magsuot ng bracelet na charoite ito ay ‘stone of transformation’ kakayahan gawin swerte ang kamalasan. Mag-ingat rin sa pagbibigay ng opinion sa anumang sensitibong issue umiwas sa anumang takaw-away na kakilala. Dahil matulungin kang tao bibiyaan ka ng bituin Yue de at magiging progresibo at mahahasa ang iyong abilidad at kaaalaman ito ang tamang panahon mag-aral at kumuha ng anumang eksaminasyon. Ang Tigre ay may kakayahan magpakasta sa Lion resulta ay mix breed ibig sabihin mayroon silang abilidad makipag-asosasyon sa anumang uri ng tao ang gantong abilidad ay magagamit nila upang magbukas ang maga-
gandang opurtunidad na ihahain sa kanilang sa taong ito. Kinakailangan nila maglagay ng wu Lou sa salitang instik o hyoutan sa nihonggo sa loob ng kanilang higaan o salas sabagat ito ang taon dadalawin ka desastrosas na bituin Si fu kaya kinakailangan mong bigyan pansin ang iyong kalusugan tamang tulog at ehersisyo i-cut down mo ang pagkain processed foods/canned goods, matamis, asin, at nakakatabang pagkain. Magiging matatag naman ang marriage life sa kapareha at manunumbalik ang tamis ng pag-iibigan. At para sa mga singles na tigre sila ay magkakaroon ng kiligmoments pero wag masyadong assuming baka ma-friend zone mag-ingat lalo na sa mga kababaihan dahil lapitin sila sa mga lalaking sex lang ang habol.
YEAR OF THE RABBIT 02/14/1915-02/02/1916 02/02/1927-01/22/1928 02/19/1939-02/08/1940 02/06/1951-01/26/1952 01/25/1963-02/12/1964 02/11/1975-01/30/1976 01/29/1987-02/16/1988 02/16/1999-02/04/2000 02/03/2011-01/22/2012
Sa taong 600 B.C. naniniwala ang mga Celtics ang mga kuneho ay may dalang swerte sapagkat ang kanilang lungga nila ay nasa ibaba ng lupa nama`y direktang komunikasyon sa Immortals. Noong ika-16 siglo pinahayag ni Reginald Scot ang pagbitbit ng paa ng kuneho ay remedyo sa sakit na arthritis at mula noon pinaniwalaan na ito ay swerte. Bagama`t naiiba ito sa paniniwala ng mga instik ang mga pinanganak sa taong kuneho ay may kakambal na swerte simula ng sila ay isilang. Ang swerte na ito ay isang beses lamang ipagkakaloob sa kanilang buhay nasa kanila kung payayabungin nila o hindi pahahalagahan. Sila ang uri ng mga tao na hindi kayang mabuhay kung di napapaligiran ng pamilya at kaibigan. Sa loob ng wheel ng mga zodiac katapat ng tandang ang kuneho nangangahulugan itong taon ay nasa kuneho nakatapat ang Tai Sui(parusa ng haring hupiter). Sila ay tubig at langis sa mga paniniwala at pagkatao kaya itong taon na ito muli susubukin ang iyong pagkatao ng mga suliranin. Iwasan ang mga taong naghahamon ng away huwag silang papatulunan kinakailangan mong habaan ang pasensya. Ang anumang patama saiyo sa social media lalo na sa facebook, pagdadabog o anumang bagay na masama lalo na chismis hayaan lamang ito dahil lilipas din. Kung ikaw nama`y negosyante kinakailangan mong pag-aralan muna ang pag-eexpand ng iyong negosyo gayundin ang pagpasok ng iba pang negosyo di ko inirerekomenda sa taong ito ang paggawa ng mga “bold moves”. Upang mapaglabanan ang tai sui umiwas na nasa tapat ng iyong tulugan ang kanluran 270° at upang lumihis ang anumang malas. Ang pagsama o pagkakaroon ng kaibigan sa pinanganak sa taong Baboy, Kambing at Aso ay makakatulong. Minumungkahi ko rin ang anumang okane ga kakaru na events, bakasyon o shopping dapat mong iwasan ang labis na paggamit ng salapi na di ka nagtitira posibleng kasing itong taon kundi saiyo nasa pamilya mo magiging rason kaya ka gagastos ng malaki upang makaiwas sa utang mas mainam na may naitabi kang pera. Sa lovelife labis maibubuntong mo sa partner mo ang mga frustrations mo sa buhay at toxic ito sa iyong relasyon mainam mag-open up sa kanya ang iyong pinagdadaanan. Para sa singles taasan ang standards hindi ibig sabihin single ka pa required na makiuso ka sa in-relationship status ang relasyon dapat sineseryoso. Sa iyong kalusugan prone ka ngayon sa sakit lalo na saiyong sikmura kailangan pagkaingatan mo ang iyong kalusugan wag ka mag-overthink sa mga problema. Hayaan mo ang problema ang mamoblema sayo.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
FEBRUARY 2017
11
YEAR OF THE ROOSTER
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
YEAR OF THE DRAGON 02/03/1916-01/22/1917 01/23/1928-02/09/1929 02/09/1940-01/26/1941 01/27/1952-02/13/1953 02/13/1964-02/01/1965 01/31/1976-02/17/1977 02/17/1988-02/05/1989 02/05/2000-01/23/2001 01/23/2012-02/09/2013
Ang pinanganak sa taong ng Dragon ay bukod tangi sa lahat ng Chinese Zodiac sila ang uri ng nilalang na nirerespeto at sumisimbolismo sa kapangyarihan, lakas at swerte. Sila ang aventurero at maka-kalikasan sila ang tipong tao na kuntento at maligaya nang umupo at panuorin ang paglubog ng araw. Sila ang taong di namimili ng kaibigan kahit anong lahi, estado sa buhay o kultura kaya nilang pakisamahan. Kung ang 2016 sinubok ang pasensya mo lalo na sa mga taong may utang o di kaya naninira sayo itong 2017 naman ay marereward ka ng magagandang kaganapan sa iyo buhay. Lalawak ang iyong koneksyon magiging resulta na magbibigay sa iyo ng magandang opurtunidad lalo nasa usaping pera dahil naiyo ang auspicious stars na Longde (Dragon`s Honor) at Ziwei Dou Shu o mas kilala sa Emperor star o North Pole star dahil nabigasyon na sistema ito tulad ng GPS na ituturo saiyo ang tamang desisyon upang makamit mo ang iyong mga nais sa taong ito. Bagamat maswerte sa aspetong salapi ngayong taon na ito mag-ingat ka dahil mayroon kang Pòsuì Star ito ay negatibong bituin dahil palilibutan ka na ng mga taong may crab mentality na gusto ka nilang hilain pababa double ingat ka limitahan ang pagbabahagi ng iyong personal problema maaaring gamitin ito sayo magsuot ka ng “evil eye” ito ay mula sa bansang turko kontrahin ang taong may inggit at gusto kang sirain at maari rin magsuot ng Piyao ay makakatulong para iiwas ka sa negatibong kaganapan. Usually ang pinanganak sa taong dragon ay sumasalamin ang kasalukuyan buhay sa kanya past life karma sila ang pinakakaranas hanggang sa pangkalukuyan ang kanilang balat, nunal o sakit ay resulta ng kanilang kamatayan sa unang buhay kaya itong taon na ito madalas ka makakakita ng pangitain huwag baliwalain ito. Sa in-relationship naman ang lovelife kinakailangan bigyan reward ang kapareha dahil sya ang iyong backbone hindi klaro sa kanya kung mahal mo pa ba sya kaya hindi lang sa salita kinakailangin din sa gawa ang formalidad sa inyong relasyon ay nakakaalarma pa sa kanya. Para naman sa singles maswerte ang taon na ito sayo palong-palo ang lovelife mo dahil matutupad na ang nasa bucket list mo sa tipo mong jowa may tendency din na makilala muna ang iyong forever. Bagamat healthy ka sa buong taon na ito may destructive star ka na Tiane kaya mag-ingat ka potential car accidents higit na iwasan ang pagdrive na lasing o paggamit ng cellphone habang nagmamaneho sumunod ka sa batas.
YEAR OF THE SNAKE 01/23/1917-02/10/1918 02/10/1929-01/29/1930 01/27/1941-02/14/1942 02/14/1953-02/02/1954 02/02/1965-01/20/1966 02/18/1977-02/06/1978 02/06/1989-01/26/1990 01/24/2001-02/11/2002 02/10/2013-01/30/2014
Ang pinanganak sa taon ng ahas ay matatalino, magaling humawak ng salapi, kadalasan organisado sa kanilang sistema sa buhay at realistiko mag-isip pinaniniwalaan din ng hapon ang pinanganak sa taong ito ay madaling pumasok ang salapi dahil may abilidad daw ito na parang unagi kaya kadalasan lalo na ang mga kalalakihang hapon ay gawa sa balat ng Ahas ang kanilang pitaka. Ang hayop na babaeng ahas ay may kakayahang mag-reproduce sa kanyang sarili kahit walang semilya ng lalaking ahas sa madaling salita magaling ang pinanganak sa taong ng ahas mag-reproduce ng kanilang salapi ibig din sabihin sa usaping pinansyal sobrang ganda ang pagpasok ng salapi ngunit 2017 kaso transición na magaganap may mga pagbabago sa ibang aspeto ng iyong buhay na kailangan mong harapin bagama`t sa una di mo makakasanayan pero di kalaunan mapapaayus ka rin. Para ma-activate ang wealth luck kinakailangan mo ng 3 legged frog na ilalagay sa tagong parte ng iyong bahay. May Tiāntáng chúfáng (heavenly kitchen star) ka sa iyong chart ibig sabihin madalas ka makikipagsosyalan at pag-attend sa anumang okasyon kinakailangan mo lumahok para maiwaksi mo ang malas dahil wala kang auspicious stars sa taong ito pero maambutan ka parin ng swerte dahil kakampi mo naman si Tandang. May presencia ng White Tiger Star
sa iyong zodiac kaya kinakailangan mong mag-ingat dahil lubos kang kakainisan. Ang hayop na ahas ay wala silang pinipiling kakainin kaya madalas silang napapahamak minsan pa nga may nakakain sila ng alupihan na mas higit ang kalakihan sa kanila nagiging resulta ito ng kanilang kamatayan kaya inaabiso ko rin ang mga pinanganak sa taon ng ahas isarili na lamang nila ang kanilang opinion o anumang chismis narinig sa iba upang hindi sila mapahamak pangontra dito ay pagsuot ng evil eye at Kalachakra proteksyon upang makaiwas ka sa maling intenyon. Ang pinanganak sa tao ng ahas ay kadalasan di nila binibigyan pansin ang kanilang lovelife dahil abala sila sa kanilang trabaho ito ang panahon na may tsansa ang may kapareha at singles na bigyan naman pansin ang kanilang emosyal at pisikal na pangangailangan. Ito rin ang panahon na higit mong kailangan ng kasangga at masasabihan ng iyong problema. Sa pangkalusugan naman umiwas sa mga inumin at pagkakain nakaka-alpresyon gayundin magpahinga sa tamang oras na pagtulog.
YEAR OF THE HORSE 02/11/1918-01/31/1919 01/30/1930-02/16/1931 02/15/1942-02/04/1943 02/03/1954-01/23/1955 01/21/1966-02/08/1967 02/07/1978-01/27/1979 01/27/1990-02/14/1991 02/12/2002-01/31/2003
Ang pinanganak sa taong ng kabayo ay masisipag, palakaibigan at laging positibo sa buhay sila ang klaseng tao na sobrang maawain kahit ilang beses na silang lokohin nagagawa pa rin nilang magpatawad. Mahalaga sa kanila camaraderie at naturalesa sa kanila ang pagiging lider at hindi boss sila ang tipong bibigyan ng motibasyon na kasamahan o sinumang nanghihina ang loob kaya`t kung minsan na-oout of focus sila sa kanila higit na pangangailan “isusubo na lang ibibigay pa”. Ito ay masuwerteng taon na ibabalik saiyo ng mga taong may utang na loob at iyong natulungan ito ang panahon makikita mo kahit may iilan kang plastic na kaibigan higit naman nakakarami ang mga taong sumusuporta at nagmamahal saiyo. Iwasan mo maaari bigyan responsibilidad at tiwala ang mga taong ningas kugon dahil maari kanilang pahamakin ikaw pa naman ang pinakaayaw sa lahat ay pagiging tamad dahil nasa presensya mo rin ang Wu Gui (Five Ghost) ibig sabihin lapitin ka sa taong ito ng mga taong irresposable na maaari kang bigyan sakit ng ulo. Sa pinansyal na aspeto naman sa ang presyo ng tagumpay sa taong ito ay pagiging sigasig wag kang hihinto dahil magaan na magaan ang pasok ng pera ngunit muli kung paaalalahanin may inauspicious star ka kaya double ingat ka sa pagtitiwala. Mabisang pangontra ang three celestial guardians sila piyao, Fu Dog at Chi Li. Sa iyong love life ang may kapartner nirerekomenda ko mula sa kalagitnaan ng taon ito ang magandang panahon dagdagan ang miyembro pamilya dahil ang 2018 mula sa pebrero ay year of the dog ito ang panahon na higit ka pahahalagahan ng kapartner ibalik ang tamis ng pagmamahal at para naman sa singles dahil malakas ang enerhiya ng Peach Blossom star sobra kang attractive sa taong ito suluotin mo ang mga damit na klasiko, sopistikado at huwag kakalimutan ang nakakahalina mong ngiti dahil marami kang mabibighani ang ugaling mong sincero at mapagkumbaba ay nakakaakit sa opposite sex. Maganda naman ang kabuang kalusugan mo sa taong ito ngunit kinakailangan mong alamin ang family health history maaari makaranas ka ng sintomas hangga`t maaga alamin mo ang prevention para dito.
YEAR OF THE SHEEP 02/01/1919-02/19/1920 02/17/1931-02/05/1932 02/05/1943-01/24/1944 01/24/1955-02/11/1956 02/09/1967-01/29/1968 01/28/1979-02/15/1980 02/15/1991-02/03/1992 02/01/2003-01/21/2004
Ang pinanganak sa taon ng kambing ay tila may lie detector na nakakabit sa kanila kaya nilang tukuyin ang taong sinungaling, mapagpanggap at manloloko pero lagi naman itong naka-switch off dahil mas inuuna pa rin ng ang pagbibigay ng tiwala kaya kung minsan sila pa ang ang madalas maloko. Itong buong taon kailangan pairalin ang lohikal na pag-iisip at huwag magpapadala sa pambobola hanapin mo ang iyong boses at matutong humindi. Mas magiging madalas ang iyong pagdaday-dreaming lalo hindi ka magiging focus sa iyong gawain dala na rin ng iyong mga dinadamdam.
11
Kinakailangan munang tumayo para sarili at hindi ka human doormat para apak-apakan lalo mas alam mo na ikaw ay nasa tama. Sa usapin pinansyal naman kung gaano kadali pumasok ang pera ganun din kadalas ang exit kaya ito ang panahon kinakailangan mo ma-imotor ang mga gastusin at ang bagay wala sa pangunahing pangangailangan at walang katuturan ay huwag gumastos dito. May tatlong negatibong bituin sa iyong konstelasyon una ang Yáng rèn (chaos star) magiging accident prone ka kaya tripling ingat lalo na sa trabaho kung delikado ang iyong hanap-buhay siguraduhin seguransa at huwag magapura parating siguraduhin ang kaligtasan. Ang kombinasyon ng Tiāngǒu (Mountain Red Guardian&Punisher) at Diào kè (Bad luck Visitor) Stars ay magbibigay saiyo ng lubos na negatibong pag-iisip may tendency ka mag-break down. May mga totoong tao sa paligid ay naghihintay lamang na hingahan mo ng iyong problema kaya wag mong solohin minsan kinakailangan mo rin ipakita na nasasaktan ka para maintindihan ang iyong pinang-gagalingan. Maganda magkaroon ng pag-aaari ng Quan Yin o di kaya anumang mang pigurina na nakangiti at makulay na pintura na gawa mo upang makontra ang tatlong negatibong bituin. Ma-ala-roller-coaster ride naman ang love life mo sa taong ito may mga tempting indecent proposal kang matatanggap hangga`t maaari isipin mo ang maaari maging resulta ng anumang aksyon mo. Sa married naman matuto mag-adjust sa pagiging inconsistent ng kapareha bigyan sya ng suporta dahil sa huli sya lang ang iyong kakampi. Sa singles naman ligawin ka sa panahon ito mapababae man o lalaki iwasan magbigay ng personal information lalo na sa social media. Ang pagiging malungkutin ang nakakabahala maaari ito maging resulta ng anumang mental illness tulad ng melancholy o depression gawing aktibo sa anumang hobbies at educational activies upang mapaglabanan ito.
YEAR OF THE MONKEY 02/20/1920-02/07/1921 02/06/1932-01/25/1933 01/25/1944-02/12/1945 02/12/1956-01/30/1957 01/30/1968-02/16/1969 02/16/1980-02/04/1981 02/04/1992-01/22/1993 01/22/2004-02/08/2005
Sa mga pinanganak sa taon ng Unggoy ay hindi basta quick learner sila ang klase ng taon minuto lang ang inaral ang isang bagay maya`t maya halos parang beterana na ito pagka`t ang unggoy ay halos halintulad sa tao kaya ang abilidad neto at talino neto ay di matatawaran sa ibang zodiac sign. Sila ang mga taong lagi may cause&effect scenario iniisip sa bawat desisyon na gagawin nila di sila basta-basta nagpapadala sa damdamin more on practical side sila ngunit may iilang unggoy naman ay sadyang pinanganak na happy-go-lucky at enjoy the present ang motto sa buhay. Bagama`t average pa rin ang taon ito ay madalas ka naman magkakaroon ng happy moments, overall, taon mo pa rin ito. Ito ang taon na ibubuhos mo ang atensyon mo saiyong passion saiyong hobbies, activities at artistry dahil mas maba-value mo ang kung anong meron ka. Konstante rin ang pasok ng salapi hindi ka makakaranas ng anumang kagipitan bagama`t may iilang pagkakataon ng kinakailangan mong tumulong pinansyal para saiyong pamily lalo pa`t pang emergency reason ito. Nakakaramdam ka ng kainipan sa iyong trabaho hindi maganda taon ito para magresign tiyagaan mo lang at habang ang iyong pasensya. May Hong Luan Tao Hua (Super luck &Peach Blossom) Star ka ibig sabihin magiging lubos kang masaya kasama ang mga pamilya at kaibigan na magpaparamdam sayo ng iyong kahalagahan sa kanila gayundin sa iyong kapareha. Sa kasado na makakaranas ka ng muling panunuyo ng partner bigyan pansin ang kayang todomax na effort bigyang ng tsansa at muling iplanchaduhin ang nagusot na relasyon. Para sa singles, Malaki ang posibilidad na makilala mo ang iyong true love o bosom buddy for life sila ang taong magbibigay ng galak at magpapakumpleto sa iyong buhay. Sa usaping pangkalusugan may Bìng fú (illness&disease) at wáng shén (death) star ka maaari wala kang nararamdaman anumang sintomas sa ngayon itong taon magsisimula ang anumang lifetime disease/illness kaya para di mangyari ito kinakailangan mong seryosohin ang tamang pagkain, pagtulog at gayundin ang life style. Higit na pagkaingatan moa ng sistemang reproductibo at anumang nakakahawang sakit. Makakabuti magsagawa ng over-all body check-up kasama ang MRI at masusing pagsisiyasat sa iyong kalusugan. Mabuti kumuha ng omamori (Japanese blessed amulets from shrine) pangontra para dito.
Sundan sa Pahina 17
FEBRUARY 2017
12
12
ANUNSYO
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
Impormasyon ng Pilipino
FEBRUARY 2017
13
13
BALITANG GLOBAL PINOY ANUNSYO
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
FEBRUARY 2017
14 14
KOLUMN
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
tampok
o p a i u Q Doon po sa
HOSHI LAURENCE HITOKIRIHOSHI@GMAIL.COM FB/TWITTER/INSTAGRAM/ LINKEDIN: @HITOKIRIHOSHI
website: www.hoshilandia.com
I
nabot ng halos isang araw ang Traslacion ng Black Nazarene ng Quiapo Church nitong nakaraang Enero 9. Patunay ito ng daluyong ng mga deboto na walang maliw sa kanilang pananampalataya bilang mga Katoliko. Subalit sa karaniwang panahon, para sa mga taga-Maynila ang Biyernes ay ang tinatawag na Quiapo Day. Sa araw na kasi ito ay isinasagawa ang pagnonobena sa Poong Itim na Nazareno. Kumusta ang Quiapo sa mga ordinaryong araw? Kilala pa rin ba ito na pugad ng mga kawatan at magnanakaw? Sa dami ng tao araw-araw sa paligid ng Quiapo Church o Minor Basilica of the Black Nazarene, sa pormal nitong pangalan, ay maipapayong mag-ingat ang mga taong mapapadako rito. Kung magiging maingat naman at sana’y sa pampublikong lugar ay ikakasiya mo ang lumibot dito. Katunayan, halos ang bawat sulok dito ay nagtatampok ng espesyal na bagay at kwento.
Kwento ng Tagumpay sa Quiapo
Kasama sa makulay na mundo ng Quiapo ay ang magandang istorya ng mga bigating negosyante ngayon sa ‘Pinas. Sa Quaipo nagsimula at unang nagtayo ng tindahan nina Henry Sy ng SM, Tony Tan Caktiong ng Jollibee, at Socorro Ramos ng National Bookstore. Gaya ng ibang maliliit na negosyante ay nagsimula sa payak at simpleng negosyo ang tatlo. Sa kasalukuyan ay matatagpuan pa rin ang SM Quiapo at dumadami pa ang branches ng Jollibee sa lugar.
Iba na ang Lacson Underpass
Hindi puwedeng makalibot ka sa Quaipo nang hindi ka patawid-tawid gamit ang Arsenio Lacson Underpass. Isa ito sa para bang espesyal na proyekto ng sinumang uupong alkalde ng Maynila. Ang nasabing underpass ay ang kauna-unahang tawirang pang-ilalim sa Pinas. Noong panahon ni Mayor Lito Atienza ay nilinis ang lugar at ginawang mas maluwag para sa mga dumadaan. Ngayong si Mayor Joseph “Erap” Estrada na ang nakaupo ay ginawa itong pribado, nilagyan ng air condition at may mga guwardya na sa iba’t iba nitong pintuan papasok at palabas.
Ang dinadayong Raon at Hidalgo
Ilang kalye mula lamang sa Quaipo Church ang Hidalgo street na kilala ngayon na puntahan ng mga makabago at naggagandahang kamera. Napatunayan ko ito dahil tatlong kaibigan ko na professional o hobbyist photographer dito bumibili ng kanilang mga lente, at iba pang abubot para sa kanilang photography. Halos buong kalye Hidalgo ay puno ng mga tindahan ng kamera at maging ng mga photo studio. Kaya kung nagbabalak kang ipursige ang larangan ng photography, hindi mo dapat kaligtaan na pumunta rito na nagbibigay ng mas sulit na presyo kumpara sa mall. Kung babagtasin mo naman ang makasaysayang Plaza Miranda, na nasa gilid lamang ng Quiapo Church ay makikita mo ang pamosong kalye ng Raon. Kilala itong bilihan ng mga kagamitang may kinalaman sa electronics na mas mura ang mga halaga. Isa sa naaala kong pagbili rito ay nang unang lumabas ang microphone na pang-videoke o magic sing noong 2003. Noong nag-ikot kami sa mall ay nasa Php11,000 ang nasabing mikropono pero sa Raon ay lagpas Php 9,500 lamang at lehitimo ang tindahan. Samantala, para sa mga nagbabalik-bayan at mga foreigner na naghahanap ng pasalubong mula Pilipinas ay maiging pumunta sa bandang ilalim ng Quezon Bridge. Doon ay marami mabibilhang souvenir items mula key chains, magnets hanggang banga o istatwa. Samantala, hindi rin nalalayo sa Quiapo Church ang iba pang kilalang simbahang Katoliko gaya ng San Sebastian Church at Sta. Cruz, gayon din ng Golden Mosque ng mga Muslim. Mabuti ring diskubrehin rito ang mga makalumang mansion gaya ng Bahay Nakpil-Bautista at Boix House.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
FEBRUARY 2017
15
BALITANG GLOBAL PINOY KOLUMN
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
15
Slice of Mango. Slice of Life
Team Lab Jungle: Music Festival for Families A body immersive art installation experience, with artistic lights moving in all direction,
pumping techno music, dramatic show, floating balls, confetti storm which will make kids and adults alike to jump up and down for joy, tossing balls up in the air, catching lights or just sat down amazed while being blanketed by sea of lights.
The corridor leading to the hall was designed to look like a jungle with trees on both side
of the path, where animal sounds can also be heard. The show started with bright laser lights
beaming all across the hall, pulsating at times to the sound of club music. The music and lights
then mellowed down a bit, to bring the crowd's attention to a big white ball being ushered in by four masked, lab-coat wearing people. They soon toss the white ball in the air, and once again the music rises and the lights created a lovely illusion. Soon kids and adults alike were
chasing shapes of different colors, trying to touch huge rubber balls floating everywhere, jumping up and down trampolines and playing music with light beams. The 50-minute spectacle provided so much energy and fun not only for kids but also for their parents, you seldom see on events geared toward families.
teamLab is a collective, interdisciplinary creative group that brings together professionals
from various fields of practice in the digital society: artists, programmers, engineers, CG ani-
L
iving in one of the top urban cities in the world, raising kids is fun and very dynamic with all the unique events taking place, theme parks, restaurants, sprawling parks, shopping places, aquarium, you name it; and probably the city has it. But it also has its downside, it seems like children tend to be jaded in terms of what is amusing for them. So as parents we are in constant mission to find something new and interesting for our family to enjoy. The last winter break we were able to do so many firsts in the city that was interesting and fun for our whole family.
ARIES LUCEA
ARIESLUCEA@DALOYKAYUMANGGI.COM
mators, mathematicians, architects, web and print graphic designers and editors. Referring to themselves as "ultratechnologists," the group aims to go beyond the boundaries between art, science, technology and creativity, through co-creative activities. Our family will definitely be on the watch out for other teamLab initiatives that we can experience in the future.
Daikichi at Sakai Fish Market Walking out of your home at 6 in a cold winter morning may not be everyone's idea of a great
dining experience. But that's what we did to experience Daikichi restaurant located at the
Sakai Fish Market. This restaurant opens an hour before midnight and closes at 9am. And people line up to get into the place even at this unholy dining hours. It's a steady feature on Japan's top must go to dining places. It's amazing that being a Sakai resident for 10 years we
only made an effort to go to this place just recently. Can't be bothered to eat at midnight nor to have fried tempura or tendon for breakfast. But then there's always a first for everything.
We started our meal with their famous "azari" clam soup, its a custom in this restaurant to
just toss the clam shell on the ground after you eat the meat. It was delicious and really nice way to warm yourself specially being seated outside the main restaurant, which is relatively small to hold a lot of its patrons. Then plates of its famous tempura were served, plus tuna and salmon sashimi, which prices vary on the season. It was an amazing meal and yes this place is definitely worth all the hype it gets.
FEBRUARY 2017
16
16
ANUNSYO
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
"Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
FEBRUARY 2017
17
BALITANG GLOBAL PINOY YEAR OF THE ROOSTER
Impormasyon ng Pilipino
YEAR OF THE ROOSTER 02/08/1921-01/27/1922 01/26/1933-02/13/1934 02/13/1945-02/01/1946 01/31/1957-02/17/1958 02/17/1969-02/05/1970 02/05/1981-01/24/1982 01/23/1993-02/09/1994 02/09/2005-01/28/2006
Sa mga pinanganak sa taon ng Tandang ay trendsetter, fashionista, pormal at laging malinis sa pananamit napahalaga sa kanila ang kanilang panlabas na anyo gayundin ang sinumang malapit sa kanila pinipili nila ang kanilang kakaibiganin ayaw nila sa taong burara kahit salungat naman ito sa ugali nila eksaherado sa kanilang opinyo at pananaw. Sila ang taong walang paliguyligoy kungd disgusto nila ang isang tao di sila makikisama ipapakita nilang ayaw nila rito si DU30 ang pinakamagandang halimbawa para dito dahil pinanganak sya sa taong ng tandang ang kanyang elemento ay apoy kaya mapapansin din mauyam, patuya at pa-sarkasmo sya maghayag ng kanyang layunin. Ang Tandang ang taong may ultimatum sa mga gawain gayundin ang pagbibigay oblisgasyon sa kanilang anak o mas nakakababa sa kanila ayaw nila sa taong di binibigay ang 100% nila. Sila ang Mabuting Kaibigan, Masamang Kaaway! Sa annual na fying star ay nasa gitna ang victory star ibig sabihin centro ng buong taon mo ang tagumpay ngunit tandaan pag-champion ka kailangan mong idepensa ang iyong titulo tulad ng boxing laging may contender na maghahamon sayo asahan mo na paliligiran ng mga taong gusto kang pabagsakin o makitang miserable ka dahil kasama sa hamon ngayon ang Tai Sui (Grand Duke Jupiter) pero minimal lang ang tama at di sila makapuntos saiyo nasa pa rin ang panalo at knockdown pa rin sila sa huli kaya huwag na huwag kang panghihinaan ng loob, kung alam mo nasa tama ka ipaglaban mo. Maliwanag na tila nakakasilaw tulad ng sikat ng araw ang iyon Jin Kui (Wealth Star) ibig sabihin ganap ka nang donya/don sa taong ito. Ito ang panahon mag-ipon gayundin matututong paikutin ang pera ang pag-aralan ang cash flow huwag umutang sa taong ito baka mawala ang swerte tandaan pag nagawang mong paikutin ang pera bubuhos ang swerte at salapi para sayo. Sa panahon ito huwag magyabang panatilihin parin ang masinop na paggamit ng salapi. Para ma-activate kaagad ang wealth luck mag-display ng alin mga sa tatlo: 1) arowana- nagmamagnet ng swerte, 2) manekineko (japan lucky cat)- nag-iimbita ng opurtunidad 3) wealth ship-para naman sa negosyante pang long term money maker at pag-boost ng sales. Sa usaping lovelife naman, sunod sunod ang mga raket mo taong ito at halos mawawalan ka na ng oras sa kapareha pasalamat ka at napaka-maunawain bigyan pa rin sya ng oras higit sa regalo o pangangailang mas higit mahalaga sa isang relasyon ang oras. Sa singles, asahan mo solo ka parin ayun sa tala ang pinanganak sa tandang ang may mataas na porsiyento na matatandang dalaga/binata dahil sobrang taas ang kanilang standard. Sa kalusugan naman hinay hinay lang tandaan tao ka parin kaya kinakailangan mo pa rin bigyan ang oras ang iyong katawan magpahinga. Tandaan din ang shop-a-holic ay kinokonsidera pa rin mental illness dahil tuwing nakakaramdam ng stress ay di sila mapigilan gumastos ng pera matutong disiplinahin ang sarili at huwag dumepende sa sa kasiyahan ng dulot ng pag-sho-shopping. YEAR OF THE DOG 01/28/1922-02/15/1923 02/14/1934-02/03/1935 02/02/1946-01/21/1947 02/18/1958-02/07/1959 02/06/1970-01/26/1971 01/25/1982-02/12/1983 02/10/1994-01/30/1995 01/29/2006-02/17/2007
Sa mga pinanganak sa taon ng Aso ay sincero magmahal sa kanyang pamilya`t kaibigan sila ang taong all of me ang tema sa buhay. Kadalasan sa mga pinanganak na ito ay
gifted sa pagluluto dahil ang hayop na aso ay may matalas na pang-amoy at panlasa sila ang da` best homecooks na self study lang natutunan ang kagaling. Hobby nila ang pagkain ngunit may pagkakuripot sila sa tag price ng gamit pero pagdating sa dinner out/take out siguradong labas ang kanilang salapi “basta masarap forget na ang mag-ipon”. Nakakabahala rin ang “bahala na si batman mentality” nila ito 2017 ay makakaranas ka ng ups&down sa budget dala na rin ng sunod-sunod na gastusin ng pamilya. Ito ang panahon unahing ang KAILANGAN hindi ang kagustuhan. Kinakailangan na nila simulan maglaan ng pera para sa kanila retirement funds at magbayad ng buo hindi panay swipe sa credit card higit sa lahat umiwas magpautang at mangutang. May Tai sui (Grand duke Jupiter) ka rin kaya mag-ingat sa anumang samahan na maaari kang ma-framed-up kaya hangga`t maaari huwag ibuhos ang lahat ng tiwala tandaan ang totoong kaibigan kailanman hindi ka papahamakin. Ito ang panahon ma-re-realize mo ang higit na kailangan mo ang sense of maturity keysa sa material na bagay. Ang dating out there na ikaw may magiging solemn kahit magiging neutral ang taon na ito sayo magsisimula ka naman makilala ang iyong sarili maganda ito dahil mas magiging praktikal ka at matututo ka nang maghanda para saiyong kinabukusan. Sa usaping lovelife naman ng may partner makakaramdam ka ng sobrang panlalamig maaari ikabahala ng iyong partner kinakailangan mong i-open up ang iyong pinaghuhugutan. Ang love life ng aso ay parang aldub ang kakiligan kaya kailangan ng partner namakukuha ang kiliti neto at makipagsabayan at mabusog ang sexual appetites neto or else madali silang magsawa. Sa singles, naman pagmay nararamdaman ka ng especial para saiyong platonic friend na wala naman feelings sayo it is very to let go elseway it will a best recipe for disaster. Kung nag-iisip kang akitin sya tigilan mo baka masira lamang ang inyong friendship hayaan na lamang ang panahon magtakda kung para kayo sa isa`t isa. Para sa iyong kalusugan kinakailangan kumain ka ng pagkain may mataas na fiber dahil mahina ang pantunaw mo madalas ka makakaranas ng problema sa pagdumi. Tigilan ang iyong bad habits sa paninigarilyo, labis na pag-inom ng alin man sa tatlo processed juice, soda, kape o alcohol. YEAR OF THE PIG 02/16/1923-02/04/1924 02/04/1935-01/23/1936 01/22/1947-02/09/1948 02/08/1959-01/27/1960 01/27/1971-02/24/1972 02/13/1983-02/01/1984 01/31/1995-02/18/1996 02/18/2007-02/06/2008
Ang pinanganak sa sign na Baboy ay pinakamasigasig sa lahat ng zodiac sign sila ay goalsetter ala mike enriquez sa imbestigador “hindi kita tatantanan” hanggang makamit nila ang kanila haghikain sila ang taong walang hindi nakukuha lahat ng ninanais nila ay nakakamit nila. Kaya sobra silang matigas ang ulo pero kinakailangang nila maging open minded at matutong makinig sa suhesyon ng iba. Ang tandang at ang baboy ay parehong farm animals halimbawa sa eskwelahan sila ay batchmate pero hindi sila magkaklase kaya sa panahon na ito madalas ka ma-mi-misunderstood ng mga tao sa paligid mo madalas ka mapag-iinitan matutong bagayan ang kausap lalo`t ang pinanganak sa taon ng baboy ay awtoritaryan ang pananalita lagian bantayan ang pagtaas ng boses at gumamit ng salita naaakop sa estado ng kausap. Kung taon 2016 ay naging mediocre sayo dahilan secret allies mo si tigre at kaaway naman 2016 na unggoy ngayong taong 2017 babawi ka dahil magiging memorable year para saiyo ito gayun pa man mag-ingat ang sinuman sa mahal mo sa buhay dahil ang swerte mo ay may dalang kamalasan naman sa iyo paligid tandaan may karmatic year ang 2016 kaya kung may nagawa kang masama sa ibang tao dadalhin ng 2017 ang masamang kaganapan na ito maging resulta ng pagkakasakit, aksidente o mas masama kamatayan sa mahal sa buhay siguraduhin lamang na wala kang panlala-
17
mang na ginawa sa iyong kapwa. Ang Lungta (windhorse) ang magreregalo saiyo ng swerte sa anumang aspeto ng buhay ngayong taon mararanasan mon a pag-aagawan ka ng iyong employer o di kaya hindi ka magkanda-ugaga sa iyong customer. Ito ang panahon malabagyo ang pasok ng salapi kaya siguraduhin gising at alerto ka sa panahon na ito laging dilat ang mga mata mo sa mga opurtunidad sa paligid lumayo ka sa mga networking o pyramiding dahil hindi manggagaling dito ang iyong swerte. Anumang negosyo na balak mong gawin sa taong ito ay magki-click siguraduhin lamang na-passionate ka sa papasukang negosyo. Maswerte din ang panahon na ito kaya upang tuloy-tuloy ang iyong swerte siguraduhin magpasimula ng magarbong okasyon at umiwas muna sa Yin spots katulad ng ospital at sementeryo. Sa lovelife maswerte mag-vow renewal sa maykabiyak. Ito ang panahon na punong puno ka ng kagalakan at enerhiya ibahagi ito sa iyong kapareha lalo may Yima (travel star) ka magdadala ng magandang kapalaran ang paglalakbay sa taong ito. Sa singles naman scale 1 to 10 ay panalo ang lovelife mo sobra kang kaibig-ibig sa opposite sex makakabuti din sayo mag-unwind at out-of-town may posibilidad mo makilala ang iyong destiny sa panahong ito. Sa pangkalusugan may inauspicious star #2 ka madali kang mahawain sa sakit ngayong taon lalo na sa ubo at sipon. Mag-ingat ka rin sa anumang food contamination icheck mabuti ang expiration at hygiene ng pagkain lalo na sa tag-init.
SARAP MAGLUTO! SEARED SCALLOPS IN HERBED BUTTER SAUCE
Preparation time: 5mins Cooking time: 20 mins Total time: 25mins Serving: 2 persons
The first thing to do when cooking seared scallops in herbed butter sauce is to sear the jumbo scallops. Seared it in a combination of butter and olive oil. Add some virgin olive oil in melted butter to increase the smoking point. This will prevent the butter from burning quickly. Butter has a smoke point of around 350F, while virgin olive oil is around +/- 420F (note that “extra” virgin olive oil has lower smoke point, this is the reason why I used virgin olive oil). Once the scallops are seared, Made the herbed butter sauce. This is composed of butter, onion, white wine, some fat leaf parsley, and clam juice. It is the perfect sauce to pair with seared scallops.
SEARED SCALLOPS IN HERBED BUTTER SAUCE The scallops will need to be added back in the pan with the sauce and cooked for a minute before serving. Try this simple and yummy Seared Scallops in Herbed Butter Sauce Recipe. Let me know what you think. Seared Scallops in Herbed Butter Sauce Recipe
INGREDIENTS • • • • • • • • •
1 lb. jumbo scallops 4 tablespoons butter 3 tablespoons olive oil ½ cup white wine 2 teaspoons chopped flat leaf parsley 1 small yellow onion, minced 2 teaspoons lemon juice ¼ cup clam juice Salt and ground black pepper to taste
INSTRUCTIONS • Heat oil in a pan. • Melt 1-tablespoon butter in a pan. Add 2 tablespoons olive oil. • Once the butter and oil gets hot, sear both sides of the scallops until it turns light brown in color. Remove the seared scallops from the pan. Set aside. • Prepare the herbed sauce by melting the remaining butter in the same pan and add the remaining olive oil. • Saute the onion until soft. • Pour the white wine and clam juice. Let boil. • Add the parsley and lemon juice. Continue to cook in medium heat until the liquid reduces to half. • Add the seared scallops back into the pan. Sprinkle salt and ground black pepper. Stir. Cook for 1 minute. • Transfer to a serving plate. • Serve. Share and enjoy!
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
FEBRUARY 2017
18
18
KOLUMN
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
TIRA SA LABAS:
UMUUSBONG NA BA ANG THREE POINT REVOLUTION SA PBA Larong Kalye
MELBERT TIZON | MBTIZON@GMAIL.COM
Kitang kita sa NBA ngayon ang paglago ng three point shooting sa mga laro. Sa katunayan, sa isa sa mga laro ng Houston Rockets, umabot sa 60 three point attempts ang binitiwan nila. Dahil sa maraming pagkakapareho ng laro ng PBA sa nabanggit na liga, hindi maiiwasang isipin kung dito na rin papunta ang estilo ng paglalaro sa Pilipinas.
N
oong 1991, 10% lang ng tira ng mga NBA teams ang nanggagaling sa tres. Noong 2002, umabot ito sa 20%. Sa ngayon, nasa 30% na ito. Magandang makita kung mayroon ding ganitong datos ang PBA. Sa kabila nito, hindi ka man tumingin sa datos ay hindi maikakaila ang paglago ng tres sa atin. Nitong unang linggo ng Enero lang, kumamada ng 47 three point attempts ang Mahindra. At nanalo sila. Kung titignan mo rin ang laro ng San Miguel, pansin na pinalilibutan nila ng mga three point shooters si JuneMar Fajardo. Sa katunayan, maging ang mga bigman natin katulad nina Hugnatan, Espinas at Quinahan ay tumitira na din sa labas. Hindi maikakaila ang bentahe ng three point shooting. Sa isang simpleng tingin, mas
mataas ang three sa two. Ang tatlong two point shots ay katumbas lamang ng dalawang tres. Ika nga nila, pareho lang ang puntos na makukuha ng 50% shooter sa dos kumpara sa 33% shooter sa labas. Isa pa, nakakatulong sa spacing ang pagkakaroon ng three point shooting. Tignan mo na lang kung gaano kaluwag para kay Junemar ang espasyo dahil napapalibutan siya ng shooters. Magandang antabayanan kung saan papunta ang paglago ng outside shooting sa PBA. Interesante ding tignan kung papaano magaadjust ang mga teams upang bantayan ang ganitong klaseng sistema. Isa pa, hintayin rin natin kung papaano magrereact ang liga upang hindi maging isang three point shooting contest lang ang liga.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
FEBRUARY 2017
19
BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY SPORTS
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
19
Donaire, makakaharap muli si Magdelano para sa rematch SINIGURO KAMAKAILAN NI TOP RANK EXECUTIVE BOB ARUM na muling makakaharap ni Nonito Donaire si WBO super bantamweight champion Jessie Magdaleno. Ito’y matapos talunin ni Magdaleno, na isang Mexican boxer, si Donaire nitong Nobyembre 2016. Matatandaan kasing humingi ng rematch si Donaire sa kampo ni Magdaleno dahil naniniwala ang kanyang kampo na mali umano ang naging desisyon ng mga hurado sa kanilang naging laban. Gayunman, kailangan muna raw makaharap ni Donaire si WBO featherweight champion Oscar Valdez bago ang laban nila ni Magdaleno. Inaasahang sa Marso isasagawa ang nasabing bakbakan nila ni Valdez. Sa ngayon, may rekord si Donaire na 37-4, 24 KOs.
Clarkson ng Lakers, nagmulta ng $15,000
MATAPOS UMANONG SIKUHIN ang Miami Heat Guard na si Goran Dragic sa kanilang laro kamakailan, nagmulta ang Los Angeles Lakers Guard na si Jordan Clarkson ng $15,000. Ito ay base mismo sa statement ng NBA. Ayon sa nasabing statement, siniko umano ni Clarkson sa balikat si Dragic. Sa nasabing laro, parehong naeject sina Clarkson at Dragic, ngunit nanalo ang Lakers sa iskor na 127100 sa nasabing laro. “It’s really shameful, disgraceful that Goran Dragic got thrown out of that game,” ika naman ni Heat Coach Eric Spoelstra na uminit ang ulo dahil sa ejection ni Dragic.
Labanang Pacquiao -Horn, sa labas ng US idaraos
SINIGURO KAMAKAILAN NI BOB ARUM, ang Top Rank executive, na sa labas ng Estados Unidos ang pinaplantsang laban nina Australian Boxer Jeff Horn at fighting Senator Manny Pacquiao. Sinasabing sa Brisbane, Australia na hometown ni Horn ang venue ng salpukan nilang dalawa. Ang isa pa umanong option ay sa United Arab Emirates. Ika ni Arum, base sa ulat ng bomboradyo.com, gusto umano niyang libutin ni Manny ang sari-saring mga bansa, kagaya ng ginawa ni Muhammad Ali noong kapanahunan niya. Ang Duco Events ang nakikipag-ugnayan sa mga nabanggit na lugar para maisapinal ang venue na pagdarausan ng bakbakan ng dalawang icons.
Horn, pahihiyain si Pacquiao sa loob ng ring KUNG SAKA-SAKALING matutuloy ang bakbakan sa pagitan nina Australian boxing icon na si Jeff Horn at ni eight-division world champion Sen. Manny Pacquiao, sisiguraduhin umano niya na hihiyain nito si PacMan. Bagama’t aminado umano ang boksingero na marami nang achievements ang fighting senator, sigurado umanong pahihirapan niya ito sa loob ng ring. Katunayan, puspusan na umano ang pag-eensayo ng nasabing boksingero. Samantala, habang sinusulat ang balitang ito, kasalakuyan namang isinasapinal ang deal sa pagitan ng dalawang kampo.
Hidilyn Diaz, isa sa PSA atlhletes of the year ISA ANG OLYMPIC SILVER medalist na si Hidilyn Diaz sa mga tinaguriang Philippine Sportswriters Association athletes of the year. Ito ay bunsod umano sa karangalang nakamit ni Diaz noong 2016 sa Rio Olympics na nagtampok sa galing ng Pinoy sa isports na weightlifting. Makakasama ni Diaz sa listahan ng PSA sina Olympic trackster Eric Shauwn Cray, Marestella Torres at Mary Joy Tabal, table tennis player Ian Lariba, weightlifter Nestor Colonia, taekwondo jin Kirstie Alora at Miguel Tabuena, at boxers Charly Suarez at Roger Ladon.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
FEBRUARY 2017
20
20
HOROSCOPE
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
It`s Joke Time!
PANGIT INAY: Ba’t ka umiiyak? BERTING: Si kuya po sinabihan ako PANGIT! INAY: Totoo ba sumbong ng kapatid mo? JUAN: ‘Wag po kau maniwala sa sinasabi ng pangit na yan! BUSINESSWOMAN Lola: Ineng palimos naman. Girl: Lola bakit po dalawa lata nyo? Lola: Ineng, as a business woman we should think on more ways on how to develop our business. That’s why instead of associating the money I got for my daily expenditures, I invested it by putting up another branch.
IPIS CHALK AMO: Eto yung binili kong chalk na pamatay sa ipis, isulat mo sa pader! INDAY: Yes mam! Nagsulat si Inday sa pader: "EPES, MAMATAY KAYO! LOVE, ENDAY"" NAMUTLA Tindera: Suki, bili na kayo ng pakwan. Mapula at matamis. (Nabitiwan ng tindera ang isang pakwan, bumagsak sa semento at nabiyak.) Mamimili: Sabi mo mapula. Maputla naman pala ang pakwan na tinda mo. Tindera: Aba, kayo man ang bumagsak sa semento, mamumutla rin kayo!
SA LABAS... SA OPISINA... VICE: Ipasok mo nga dito yung mga papeles ko. ASSISTANT: Sa loob po? VICE: Hindi sa labas, ipasok nga ‘di ba? Pwede bang ipasok sa labas.
AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19
Pagkakataon mo na upang ituloy ang matagal mo nang binabalak na pagkakakitaan. Masuwerte ka sa pera sa buwan na ito, Libra. POWER NUMBERS: 23, 13, at 19 LUCKY COLOR: Silver PISCES Peb. 20 - Mar. 20
Kung single, may darating na bagong pag-ibig sa iyong buhay sa mga sumusunod na buwan. Kung may-asawa o may partner, maaring sorpresahin ka niya sa mga sumusunod na araw. POWER NUMBERS: 9, 12, at 5 LUCKY COLOR: Green
ARIES Mar. 21 - Abr. 20 Marami kang problema sa pinansiyal kaya ginagawa mo
ang lahat ng iyong makakaya para huwag kang mabaon sa utang. Ipagpatuloy mo lang ang maganda mong nasimulan. Mas magiging maganda rin ang estado ng iyong relasyon sa mga susunod na araw.
POWER NUMBERS: 12,21 at 30 LUCKY COLOR: Yellow
Sige subukang mong ipasok doon sa labas!
ASAWA Mister: (nagbabasa ng diyaryo) Ayon dito sa survey, ang lalaking may asawa ay mas mahaba ang buhay keasa lalaking walang asawa. Misis: Kaya pasalamat ka at napangasawa mo ako. Mister: Kaya dapat humanap ako ng isa pang asawa para mas humaba ang buhay ko! GOLDEN RULE TAGALOG TRANSLATION English: "Do not do unto others what you don't want other do unto you" Tagalog: "Huwag kang ganyan, kung ganyan ka, huwag naman ganon!" SECRET AGENT PARI: Sali ka sa Army of God this Sunday. JUaN:Kasali na po ako padre. PARI: Eh, bakit lagi kang wala sa misa? JUAN: Secret agent po ako!! Ü
MATALINONG NANAY Mommy: Bagsak ka na naman! Bakit ‘di mo gayahin ang best friend mo? Palaging mataas nakukuha! Anak: Unfair naman kung ikukumpara nyo ako sa kanya! Mommy: Bakit naman? Anak: Matalino kaya nanay non! NAGKOPYAHAN JOSE: Kumusta ang assignment? RICK: Masama. Wala akong nasagutan. Blank paper ang ipinasa ko. JOSE: Naku, ako rin! Paano 'yan? Baka isipin nila, nagkopyahan tayo?!
TAURUS Abr. 21 - May. 21 Iwasan ang pakikipagbangayan sa iyong mga kasama sa trabaho. Maiging ilabas na lang sa kabilang tainga ang iyong mga naririnig na maaaring makasakit sa'yo. Lilipas din iyan.
POWER NUMBERS: 7,22,at 20 LUCKY COLOR: Red at Yellow GEMINI May. 22 - Hun. 21 May parating na balita na hindi mo ikatutuwa at maaring magdulot ng konting problema sa iyong buhay. Huwag magalala, madali mo itongmalulusutan ngunit kailangan mong magsakripisyo ng kaunti. Huwagmaking sa mga bali-balita
POWER NUMBERS: 12, 13, at 7 LUCKY COLOR: Red
CANCER Hun. 22 - Hul. 22 Maraming mga bagay na maaaring mangyari sa iyo ngayong buwan. Magbabago rin ang magiging takbo ng iyong buhay. Maging handa ka sa paggawa ng mga pinakaimportanteng desisyon at piliin lamang ang iyong mga pagkakatiwalaan.
POWER NUMBERS: 1, 4 at 10 LUCKY COLOR: White, Red at Orange
PANGARAP TOTO: Pangarap ko, kumita ng P250,000 monthly gaya ni daddy! JOVY: Wow! Ganyan kalaki ang kinikita ng daddy mo? TOTO: Hindi! 'Yan din ang pangarap niya!
ENGLISH SENTENCE TEACHER: Juan, give me a sentence. JUAN: Ma'am is beautiful, isn't she? TEACHER: Very good! Please translate in tagalog. JUAN: Si ma'am ay maganda, hindi naman di ba?
MILYONARYO GURO: Imagine na kayo ay MILYONARYO. Isulat ang iyong activities. ALL: Yes mam! GURO: Juan ba't 'di ka nagsusulat? JUAN: Intay ko po ang SECRETARY ko!
WALANG PASOK INAY: Anak, may kasama daw si Bagyong Pedring na hurricane at tsunami na kayang palubugin ang Pilipinas! Alam mo ba ibig sabihin nun? JUAN: Wala pong pasok bukas? Yey! PANGARAP PEDRO: Pangarap ko po na KUMITA ng $20,000, tulad ng TATAY ko! TITSER: Wow! $20,000 ang suweldo ng tatay mo? PEDRO: Hindi po! Yun din PANGARAP niya! ‘ULILA’ BITOY: Bakit ang pandak mo? DAGUL: Kasi bata pa lang ako, ulila na'ko.
LEO Hul. 23 - Ago. 22 Mas magiging malinaw ngayong buwan ang nararanasan mong physical attraction para sa isang tao. Maniwala kang mapupunan ang lahat ng bagay na kulang sa iyo at ‘wag kang matakot na isipin ang mga posibilidad na maaaring mangyari sa’yo sa panahong ito.
POWER NUMBERS: 9, 27 at 63 LUCKY COLOR: Red at Blue
VIRGO Ago. 23 - Set. 23 Bigyan ang sarili ng oras para magpahinga. Pihadong pagod na pagod ka na dahil sa mga perwisyo noong mga nakaraang araw. Hayaan mong matulog at magrelax ka na lamang ngayong araw na ito at nang magkaroon ka ng lakas para sa mga susunod na pagsubok.
POWER NUMBERS: 8, 5 at 10 LUCKY COLOR: Brown LIBRA Set. 24 - Okt. 23 Huwag maniwala sa mga naririnig na balita tungkol sa isang kaibigan. Kumpirmahin muna ang naririnig bago maghusga – maaring may magandang eksplanasyon tungkol sa mga pangyayari. Bigyan mo ang sarili ng oras para makipag-bonding sa mga dating barkada.
POWER NUMBERS: 15, 89, 16 LUCKY COLOR: Blue
BITOY: Anong koneksyon nun? DAGUL: Hello? Wala ngang nagpalaki sa akin!
ANG PSYCHIATRIST Ito ay isang tao na may degree na parang doktor at binabayaran mo ng napakamahal para sabihin sa iyo kung ano ang problem mo. Puwede namang malaman ang problem mo NANG WALANG BAYAD. Tanong mo sa MRS. mo at sasabihin kung ano ang sira sa iyo. ANG ALAK AY MAHUSAY NA IMBENTO Ang alak daw lalo na ang whisky ay mahusay na imbento. Isang “double” lang at feeling mo “single” ka uli. BASAG TRIP Boy: Ang kagandahan mo parang password! Girl: Bakit? Boy: Kasi, ikaw lang ang nakakaalam. Boom!
DEAR LOVE Dear Love, Una sa lahat at hindi sa huli Nagsulat ako dahil may papel at bolpen ako Alam mong crush kita hindi yung crash sa airplane Kundi crush sa puso Hindi puso ng saging kundi puso ng tao Kaligayahan mo, Kaligayahan ko Kalungkutan mo, Kalungkutan ko Kamatayan mo, solohin mo Ano ako tanga na sasama sayo? Kung gusto mo akong sulatan ito ang aking address Bulag St. Di Makita Hanapin City Nagmamahal, na ang bigas ngayon mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp
www.tumawa.com
SCORPIO Okt.24 - Nob. 22 Kailangan mong i-set ang iyong mga priorities sa buhay. Mag-reflect paminsan-minsan kung ano talaga ang mga interes mo sa buhay at mga bagay na kailangan mong pagtuunan ng pansin. Navy blue ang okay na kulay sa iyo.
POWER NUMBERS: 35, 55, at 15 LUCKY COLOR: Blue
SAGITTARIUS Nob. 23 - Dis. 21
Oras na para magbago ng daan. Maaaring napapagod ka na sa kinalalagyan mo ngayon. Kung maganda ang inaalok sa iyo, 'wag nang magpatumpiktumpik at kunin na ito. POWER NUMBERS: 28, 18, at 1 LUCKY COLOR: Grey
CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20 Maglaan ng pera para sa hindi inaasahang pagkakagastusan sa mga susunod na buwan. Kung mag-uumpisa ngayon, siguradong hindi mo masyadong iindahin ang maaring mangyari sa hinaharap. Manatiling mapagmatiyag – may tiyansang maiwasan mo pa ang pagkakagastusan na ito. POWER NUMBERS: 18, 23 at 8 LUCKY COLOR: Yellow
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
FEBRUARY 2017
BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ
Impormasyon ng Pilipino
21
Impormasyon ng Pilipino
Ang Pamamaalam ng mga Sikat Nitong 2016 NITONG NAKARAANG 2016, ILANG MALALAKING ARTISTA, mapa-Hollywood o local artists man, ang pumanaw at namaalam sa pinilakang-tabing. Sa katunayan, itinuturing itong taon na ito na worst year of the stars dahil ilan sa mga pinakasikat at mga alamat na sa industriya ang mga pumanaw. Nagulat ang buong mundo nang mabalitang yumao na ang sikat na mang-aawit na si David Bowie noong Enero 10 na sinundan ng sikat na artista ng Harry Potter na si Alan Rickman noong Enero 14. Noong Pebrero 19, namaalam ang sikat na manunulat na si Harper Lee at muling nagulat ang lahat nang pumutok ang balitang pagkamatay ni Prince noong April 21. Ang sikat na boksingerong si Muhammad Ali ay namaalam din noong June 3 na sinundan ni Gene Wilder na lumabas sa Charlie and the Chocolate Factory. Nitong nakaraang Pasko lamang, nasorpresa ang lahat nang mabalitaang yumao na rin si George Michael na miyembro ng Wham. Namaalam na rin ang Princess Leia ng Star Wars na si Carrie Fisher noong Disyember 27. Sa local industry naman, namaalam ang Master Showman na si German Moreno noong Enero 8 na ikinalungkot ng marami, lalo na ng mga natulungan niya sa showbiz. Ito ay sinundan ng pamamaalam ni director Wenn Deramas noong Pebrero 29, Lilia Cuntapay noong Agusto 20, Joy Viado noong Septyember 10, Dick Israel noong Oktubre 11, at ni Senadora Miriam Defensor Santiago noong Oktubre 2.
Lilia Cuntapay Alan Rickman
David Bowie
Wenn Deramas
Prince
Joy Viado
Gene Wilder
Muhammad Ali Harper Lee German Moreno
Carrie Fisher
Goerge Michael
Dick Israel
Pia Wurtzbach, marami umanong mami-miss pagkatapos ipasa ang korona
KAPAG NAIPASA NA UMANO ni Miss Universe 2016 Pia Wurtzbach ang kanyang korona sa susunod na magiging reyna, siguradong marami umano siyang mga taong mamimiss. Isa umano si “miss Esther (Swan ng Miss Universe Organization)” na nag-i-email sa kanya ng kanyang itinerary araw-araw – pati na ang food trips nila at travels. Hindi rin umano niya makakalimutan ang buong staff ng Miss Universe Organization sa pag-alalay sa kanya sa buong reign nito. Samantala, naikuwento ni Pia na booked na umano ang kanyang buong Pebrero, kaya naman lubos ang kanyang pasasalamat sa mga dumating na trabaho sa kanya.
Pia Wurtzbach, hindi pa raw magaasaawa pagkatapos maipasa ang Miss U crown
NILINAW KAMAKAILAN NI MISS UNIVERSE 2015 PIA WURTZBACH, sa pamamagitan ng isang social media post, na wala pa raw balak mag-asawa ang beauty queen pagkatapos ng kanyang Miss U reign. Dagdag pa nito, hinikayat din ni Pia ang mga supporters na kumalma lang. Kamakailan kasi, ay naging kontrobersiyal ang mga sweet photos nila ng kanyang rumored boyfriend, ang racer na si Marlo Stockinger, habang nasa Hawaii sila para sa holiday. Sa ngayon, focus umano muna uli si Wurtzbach sa nalalapit na pagdaraos ng Miss Universe 2016 sa bansa na isasagawa na sa Jan. 30 sa MOA arena.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
FEBRUARY 2017
22
22
BALITANG SHOWBIZ
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Janet Jackson, nanganak sa edad 50 anyos INILUWAL NI JANET JACKSON ang kauna-unahang baby sa edad na 50 anyos kamakailan. Lalaki ang unang anak ni Janet sa Qatari business magnate husband nito na si Wissam Al Mana. Pinangalanan ng mag-asawa ang kanilang baby boy na Eissa.
Mocha Uson, bagong MTRCB Board Member
“Janet had a stress-free healthy delivery and is resting comfortably,” ika ng tagapagsalita ni Janet. Matatandaang nitong Abril ay kinansela ng nasabing hitmaker ang kanyang “Unbreakable” world tour dahil ninais umano niyang magkapag-focus sa pagbubuo ng pamilya.
MATAPOS ANG KONTROBERSIYAL na pagkakapili sa kanya bilang ambassadress ng 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF), opisyal na ngang itinalaga ang Sexy singer na si Mocha Uson bilang bagong board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Ang MTRCB chair na si Toto Villareal mismo ang nagsabing natanggap na nila umano ang appointment letter na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte. Inanunsiyo rin ang pagkakatalaga kay Uson sa nasabing puwesto ni Executive Secretary Salvador Medialdea. Dahil sa nasabing pagkaka-appoint sa kanya sa nasabing posisyon, kabi-kabila ang mga pambabatikos kay Mocha. Kilala ang nasabing singer bilang mahigpit na taga-suporta ni Pangulong Duterte at isang blogger.
Pink, ibinida sa social media ang bagong anak
MARAMI ANG NAGULAT nang ipinost ni Pink ang larawan ng kanyang ikalawang anak, si Jameson Moon Hart. Ipinost ni Pink ang larawan ng ikalawang anak sa Instagram. Ika ng aktres, noong Disyembre 26, 2016 siya nanganak. “Jameson Moon Hart 12.26.16,” ika ng caption ng larawan na ipinost ni Pink sa kanyang social media account. Matatandaang Nobyembre ng nakaraang taon nang magpost din ng kanyang baby bump si Pink.
Madlang Pipol, naapektuhan sa pagpanaw ni Benny sa FPJ`s Ang Probinsyano NAMATAY NA ANG KARAKTER na ginampanan ni Pepe Herrera sa FPJ’s Ang Probinsiyano sa ABS-CBN na si Benny. Kaya naman, maraming mga manonood ang nalungkot at nanghinayang sa pagkamatay ng nasabing wellloved character sa FPJAP. Nalungkot din ang bidang si Coco Martin na nag-post pa ng isang mensahe ng pamamaalam para kay Benny sa kanyang IG account.
Coco, happy na makatambal si Yassi Pressman ‘DI MAITATANGGING kinakagat ngayon ng masa ang tambalan nina Coco Martin at Yassi Pressman sa FPJ’s Ang Probinsiyano. Ika ng ilan, natural umano ang chemistry ng dalawa. Para kay Coco, happy umano siya na nakatambal niya si Yassi. “”[H]appy ako kay Yas kasi nabibigyan natin ng opportunity. Kasi, from another network, galing siya sa ibang network, and then, after that, nag-PBB. Tapos, after ng PBB, nabigyan siya ng chance na makapagtrabaho sa FPJ’s Ang Probinsiyano,” ika ni Coco sa panayam ng Bulgar. Pinuri rin ng aktor na wala umanong
Nag-post din si Arjo Atayde ng napakahabang mensahe sa kanya ring social media account. “It’s been a journey of love, laughter, drama, comedy, and friendship. Benny has personally been one of my favorite characters on Probinsiyano and will remain to be till the end,” bahagi ng mensahe ni Arjo para kay Pepe or Benny.
ere si Yassi at wala siyang kayabang-yabang sa kanyang katawan. Gustung-gusto rin umano ng aktres na matuto. “Kahit nu’ng nag-abroad kami, nagshow kami, nakikita ko talaga sa kanya na parang masaya siya sa ginagawa niya,” dagdag pa nito.
Mariel, balik-Pinas kasama ang anak nila ni Binoe KAMAKAILAN AY NAKABALIK na ng Pilipinas si Mariel Rodriguez – Padilla kasama ng anak nila ni Robin na si Isabella. Kaya naman, sa wakas, nakita na rin nang personal ni Binoe ang anak. Hindi pa rin kasi nabibigyan ng US Visa si Robin kaya hindi niya nagawang madalaw noon ang kanyang mag-ina. Hindi man umano siya nabigyan ng US
Visa, masaya naman siya na may umaasikaso pa rin sa kanyang asawa at ng kanyang anak.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
FEBRUARY 2017
23
BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
23
Tweet ni Idol
Carla Abellana, Most Favorite Foreign Actress sa Vietnam
T
atlong local female celebs ang susundan natin sa edisyong ito ng ating Tweet ni Idol. Ito’y sina Camille Prats (@camilleprats), Anne Curtis (@ annecurissmith) at Pauleen Luna (@pauleenlunasotto).
ITINANGHAL ANG KAPUSO ACTRESS na si Carla Abellana bilang Most Favorite Foreign Actress sa isinagawang Today TV Face of the Year Award noong Jan. 7 sa Vietnam. Sumikat kasi sa nasabing bansa ang ilang mga serye na kinabibilangan ni Carla sa GMA Network, kagaya ng My Husband’s Lover, Kung Aagawin Mo ang Langit, at My Destiny. Pinasalamatan naman ni Carla ang mga fans pati na ang kanyang manager at ang GMA Network. Samantala, natapos na ang sitcom ni Carla na Ismol Family. Palaisipan pa rin kung ano ang susunod niyang proyekto.
Tara!
Anne Curtis (@annecurtissmith) “Little surprise salubong for the love of my life. Gotcha. Happy 30th brithday Mon Amour. Je t’aiime. @erwanheussaff.”
Lyca Gairanod, bibida sa pelikulang Tatlong Bibe MATAGAL-TAGAL DING HINDI nakita ng mga fans si Lyca Gairanod – ang kaunaunahang The Voice Kids Grand Champion. Sa darating na Marso, ipapapanood na sa mga sinehan ang pelikula niyang Tatlong Bibe kasama sina Marco Masa at Raikko Matteo under Regis Films. Kasama rin sa nasabing pelikula si Mommy Dionisia. Drama umano ang nasabing pelikula na intended sana na mapabilang sa Metro Manila Film Festival 2016, ngunit nabigong makapasok sa Top 8. Samantala, isa naman sa mga batang bumibida sa Your Face Sounds Familiar Kids sa ABS-CBN si Lyca.
Camille Prats (@camilleprats) “Thank you kuya @ogiealcasid for singing our favorite “Pangarap Ko Ay Ibigin Ka” as I walk down the aisle to marry my prince. Thank you for sharing your time and talent on our special day. It is every bride’s wish to have you sing on their wedding day, thank you for making mine come true. #YambaosTakeVows: @ver5e”
Pauleen Luna (@pauleenlunasotto) “She’s always misunderstood but she’s one of the things i’m most grateful for in my life. Her loyalty as a friend comes naturally, she will fight for you (sometimes with you LOL) even when your back is turned. Truly a person with a huge heart. My life would definitely be boring without you! I know i’m a day early there, but it is the 10th here and I want t o celebr at e your life! Happy bir t hda y t o my Mat r on of Honor, @rodriguezruby ! Lucky to have you in my life! I love you.”
Katrina Halili, zero ang love life
Up Dharma Down, Nicki Minaj at Mick tatawagin nang UDD Meel, hiwalay na
WALA PA UMANONG bagong boypren si Katrina Halili. Matagal na umanong zero ang love life ng aktres matapos siyang makipaghiwalay sa singer na si Kris Lawrence. Ayon sa aktres, base sa ulat ng pahayagang Bulgar, ayaw na umano niyang magsayang pa ng oras sa mga lalaking hindi naman totoo. Ngunit, hindi naman niya isinasarado ang kanyang pintuan para sa bagong magpapatibok ng kanyang puso, pero hindi umano kailangan na ngayong 2017 na iyon. Isa sa mga naging casts si Katrina sa Sa Piling ni Nanay na ilang beses na na-extend. Kasama niya rito sina Mark Herras, Jillian Ward, at Yasmien Kurdi.
Mommy Dionisia, nagbabalikpelikula KASABAY NG PAGLILINAW ng bandang Up Dharma Down na hindi pa mauuwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasamahan bilang isang banda, isang rebelasyon ang lumitaw: tatawagin na itong “UDD” simula ngayong 2017. Ito ang ibinunyag ni Armi Millare, ang lead vocalist ng nasabing banda. Iginiit nito sa kanyang social media post na walang katotohanan na magkakawatak-watak na ang Up Dharma Down. Isa pa, naglabas na rin daw sila ng kanilang bagong kanta na may pamagat na “Sigurado.”
MATAPOS ANG DALAWANG TAONG RELASYON, opisyal na ngang hiwalay ang singer na si Nicki Minaj at ang rapper na si Mick Meel. Kinumporma mismo ito ni Minaj. “To confirm, yes I am single. Focusing on my work & looking forward to sharing it with you guys really soon. Have a blessed New Year. Love u,” ika ng singer. Gayunpaman, walang nababanggit si Minaj kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan ng dating kasintahan. Si Minaj ay ang singer sa likod ng hit song na “Super Bass.”
NAGBABALIK NA NAMAN sa pag-arte ang ina ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia. Isa sa mga casts si Mommy D. sa pelikulang Tatlong Bibe. Sa nasabing pelikula, tatayo siyang asawa ni Eddie Garcia at hindi siya magpapatawa kundi magda-drama. Samantala, kuwento ni Director Joven Tan sa pahayagang Bulgar, bibida rin si Mommy D. sa isang comedy film na may working title na Lady D. and the Wonder Bra, kung saan makakatambal niya rito si Derek Ramsay. Siguradong aabangan ito ng maraming fans ni Mommy D.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino