Daloy Kayumanggi

Page 1

NANGUNGUNANG BALITA

Inspiring Global Filipinos in Japan

Short Film para sa Mother`s Day ng isang fast food chain, viral Trending ngayon sa Internet ang isang short film ng sikat na fastfood chain para ipagdiwang ang Mother's Day. sundan sa Pahina 2

Mga hakbang upang makapagibang bansa para sa Minamahal Marami ang nag-aasam na makapunta sa ibang bansa at makapagtrabaho doon, ngunit hindi naman lahat ay pinapalad na makapunta sa ibang bansa.

Vol.5 Issue 64 June 2017

sundan sa Pahina 9

Romania climber matagumpay na umakyat sa Everest

Tagumpay ang pag-akyat ni Romanian climber Horia Colibasanu sa Mount Everest nitong Mayo 17, Inakyat ni Colibasanu ang bundok na walang bottled oxygen. sundan sa Pahina 19

Billy at Coleen, nagprenup shoot umano sa Ethiopia

Marami ang nagtatanong kung prenup shoot nga ba ang ginawang photoshoot sa Ethiopia ng magkasintahang sina Billy Crawford at Coleen Garcia. Sundan sa Pahina 21

Rachel Peters, kinoronohan bilang Binibining Pilipinas-Universe 2017

Iniuwi ng pambato ng Camarines Sur City na si Rachel Peters ang titulong Binibining Pilipinas-Universe 2017 kamakailan. sundan sa Pahina 23

KONTRIBUSYON

TAMPOK Mainit! Masarap Mag-Pundaquit Asul ang dagat, parang musika sa pandinig ang ingay ng mga alon, pino ang buhanginan na nilalakaran, ang kaulapan ay tila pinaghalong kulay bughaw

sundan sa Pahina 14

SLICE OF MANGO, SLICE OF LIFE Healthy Dining

Sa layuning ma-regulate ang contractualization sa Pilipinas, naglabas na ng Department Order ang Department of Labor and Employment (DOLE) kamakailan.

sundan sa Pahina 5

MITSUBISHI UFJ FINANCIAL GROUP, SUSUPORTAHAN ANG PHL INFRA PROGRAM - DFA Kinumpirma

ng

Department

of

Finance (DOF) ang pagsuporta ng Mitsubish UF Financial Group (MUFG) sa infrastructure spending program Mitsubishi UFJ Financial Group Located in Japan, as 1 of the largest financial groups in Japan.

sundan sa Pahina 3

sundan sa Pahina 4

KA-DALOY OF THE MONTH

Ayon sa DOF, ang pagtulong ng MUFG sa

gobyerno ng Pilipinas ay sa pangunguna ni

Managing Executive Officer at CEO for Asia and Oceania Takayoshi Futae.

Layunin umano ng nasabing aksyon na

ISANG SCIENTIST, TINAGURIANG BILANG MISS USA 2017

Si McCullough ay mula sa District of Columbia at ka-back-to-back winner ng naunang Miss USA 2016 na si Deshauna Barber na mula rin sa parehong distrito.

Isang nuclear chemist ang 25-anyos na

binibini na itinanghal bilang Miss USA 2017

kung saan naging katunggali niya ang 49 pang ibang kandidata mula sa iba’t ibang

states sa America. Ang nasabing coronation

ay ginanap sa Mandalay Bay Convention Center na matatagpuan sa Las Vegas Strip.

D&K Co., Ltd. 〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

sundan sa Pahina 15

mapaigting ang development ng bansa.

ng Pilipinas.

Pormal nang kinoronahan ang scientist na si Kara McCullough bilang Miss USA 2017 sa ginanap na beauty pageant sa Las Vegas.

Kara McCullough held as the Miss USA 2017 at Las Vegas

Masarap talagang kumain ng lutong Pinoy. Pero dahil na din sa napakasarap at malasa ang ating mga lutuin, hindi natin mapigilan na sabayan ng madaming kanin ang ating pagkain.

sundan sa Pahina 7

Magkambal, grumadweyt bilang cum laude sa Bacolod City College

P

ara sa mga magulang, isa sa pinakamahalagang bunga ng kanilang pagsasakripisyo ay ang makitang nagtatagumpay ang kanilang mga anak. Sa mga magulang marahil ng magkakambal na sina Angelou at Angelyn Belocura ng Sipalay City, Negros Occidental, dobledoble ang kanilang kasiyahan.

Sundan sa Pahina 7

TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.net


Daloy Kayumanggi

JUNE 2017

2

BALITANG LOCAL

Impormasyon ng Pilipino

Pinakamanipis na hologram, naimbento ng Australian, Chinese researchers ISANG AUSTRALIAN - Chinese research team ang matagumpay na nakabuo ng pinakamanipis na hologram sa buong mundo. Ang nasabing team ay binubuo ng researchers mula sa Royal Melbourne Institute of Technology (RMIT) university at ng Beijing Institute of Technology (BIT). Dinisenyo ng nasabing grupo, ayon sa Philippine News Agency, ang tinatawag na nano-hologram na makikita kahit pa walang suot na 3D glasses. Sinasabi ring 1,000 mas manipis ito kaysa sa buhok ng tao. Inaasahan ng team na mai-integrate ang 3D holography sa mga electronics. "Our nano-hologram is also fabricated using a simple and fast direct laser writing system, which makes our design suitable for large-scale uses and mass manufacture," ika ni Min Gu, ang research leader ng grupo." Integrating holography into everyday electronics would make screen size irrelevant - a pop-up 3D holo-

gram can display a wealth of data that doesn't neatly fit on a phone or watch. "From medical diagnostics to education, data storage, defence and cyber security, 3D holography has the potential to transform a range of industries and this research brings that revolution one critical step closer," dagdag niya.

Short Film para sa NCR , may pinakamalaking kontribusyon sa turismo ng bansa Mother`s Day ng SA LISTAHAN ang National isang fast food chain, NANGUNGUNA Capital Region sa may pinakamalaking ambag sa viral turismo sa bansa. Samantala, ikalawa naman ang Cebu at Boho, habang ikatlo ang Western Visayas. Ang impormasyon ay ayon kay Atty. Helen Catalbas, ang regional director ng Department of Tourism (DOT - Regional Office VI). Isa umano sa mga nakatulong ayon kay Catalbas ay ang paghihigpit sa seguridad sa nasabing rehiyon. Hindi rin kasama sa "threatened" na mga lugar ang rehiyon. Matatanddang nasa ikaapat lamang na puwesto ang Western Visayas noong nakaraang taon.

TRENDING NGAYON sa Internet ang isang short film ng sikat na fastfood chain para ipagdiwang ang Mother's Day. Ang bagong clip ng Jollibee na may pamagat ng "Parangal" ay nagpapakita ng isang bagong gradweyt na estudyanteng lalaki na nakakuha ng honors. Continuation ang nasabing short film ng naunang video ng Jollibee na "Date" na nagtatampok sa isang batang lalaki kasama ang kanyang ina. Sa speech ng nasabing gradweyt, pinasalamatan nito ang pagsasakripisyo ng kanyang ina para lamang makapag-aral siya. Sa pamamagitan ng video na ito, maraming mga netizens ang naantig. "Isang pagpupugay sa walang katumbas na pagmamahal ng ating mga Nanay! Happy Mother's Day from Jollibee! #KwentongJollibee," ika ng caption ng nasabing viral video.

60 speed boats, dagdag na 1,730 bagong species ng mga bagong asset ng AFP Mindanao halaman, nadiskubre TINATAYANG 60 DAGDAg na speedboats ang ilalahan ng gobyerno para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Mindanao. Ito'y upang masigurong malakas ang pwersa ng pamahalaan kontra sa mga bandidong grupo sa iba't ibang lugar sa Mindanao. Ilalagay umano ang nasabing mga speed boats sa anim na Joint Task Force ng militar, partikular sa Western Mindanao, ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez, Jr., ang kasalukuyang commander ng Western Mindanao Command (WestMonCom). Kasama umano ang nasabing speed boats sa "capability development program" na iprinisinta niya kay House Speaker Napoleon Alvarez kamakailan, ayon sa ulat ng bomboradyo.com. “Yung speed boat ay gamitin natin to counter piracy and at the same time in order to secure yung huge amount of waters. If you will see from above, the WestMinCom aor is being covered by more or less 60 percent covered by waters. And you can see with the limited capability that we had, we rely more on our air assets. So with that we are requesting for additional assets at least for the 6 Joint Task Forces and we are recommending the we will be given 10 speed boat each so we I’ll be requesting for additional 60 speed boats,” ika ni Galvez. Ilan umano sa mga mabebenepisyuhan ay ang oint Task Force Sulu, Basilan, Tawi-Tawi, Zamboanga, ZamPeLan, at ang Joint Task Force Central.

TINATAYANG 1,730 mga bagong species ng halaman ang nadiskubre sa iba't ibang panig ng mundo nitong nakaraang taon. Ito ay ayon sa report ng Royal Botanic Gardens, Kew (RBG Kew). Mahigit sa 100 scientists ang nagsama-sama mula sa 12 bansa para mabuo ang Stete of the World's Plants report ng RBG Kew. Marami sa mga nadiskubreng bagong mga species ay mayroong medicinal at food values, kagaya na lamang ng bagong species ng climbing vine genus Mucuna na nakatutulong para magamot ang Parkinson's disease. Natagpuan ito mula sa Southease Asia at South at Central America. "We've tried to make sure that this year's State of the World's Plants report goes beyond the numbers to look at the natural capital of plants -- how they are relevant and valuable to all aspects of our lives," ika ni Kathy Willis, director of science ng RBG Kew, base sa ulat ng Philippine News Agency.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JUNE 2017

BALITANG BALITANG GLOBAL GLOBAL PINOY PINOY

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

3

3

Pinoy, nagwagi sa Mr. Gay World 2017 SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon, nagwagi ang pambato ng Pilipinas sa Mr. Gay 2017 na isinagawa sa Spain. Hawak ngayon ni John Raspado ang nasabing titulo. Ang nasabing kumpetisyon ay bahagi ng World Pride 2017 sa nasabing bansa. Nagsimula ang nasabing timpalak noon pang taong 2009. Tinalo ni Raspado, na isang businessman at online marketer, ang 20 mga kandidato mula sa limang kontinente. Nakuha rin ni Raspado ang Best in Swimsuit, Best in Evening Dress, Mr. Gay World Closed Door Interview, Mr. Social Media Special Award, at Mr. Online Votes, base sa ulat ng goodnewspilipinas. com. "Itong pagkapanalo ko ay hindi lamang sa aking pamilya ngunit para sa mga baklang katulad ko na may prinsipyo at layunin sa pinaglalaban," ika niya sa Mr. Gay World Philippines Facebook page.

Mitsubishi UFJ Financial Group, susuportahan ang Phl Infra program - DFA

KINUMPIRMA ng Department of Finance (DOF) ang pagsuporta ng Mitsubish UF Financial Group (MUFG) sa infrastructure spending program ng Pilipinas. Ayon sa DOF, ang pagtulong ng MUFG sa gobyerno ng Pilipinas ay sa pangunguna ni Managing Executive Officer at CEO for Asia and Oceania Takayoshi Futae. Layunin umano ng nasabing aksyon na

mapaigting ang development ng bansa. Ayon sa ulat ng bomboradyo.com, tinatayang P8.2 trillion ang balak na pondo ng gobyerno para sa infra projects nito sa susunod na anim na taon.

MAINIT ANG PAGSALUBONG ng Saudi Arabia kay US President Donald Trump sa kanyang kaunaunahang foreign trip bilang pangulo ng Estados Unidos. Ang nasabing bansa ang unang stop ni Trump sa walong araw na trip.

Indonesian retailer Alfamart, magdaragdag ng panibagong stores sa Pinas

PLANO NG ALFAMART chain of convenience stores na mag-expand pa ng business sa Pilipinas. Tinatayang 200 dagdag na stores ang ipatatayo ng nasabing Indonesian retailer. Ito ang kinumpirma kamakailan ng Sumber Alfaria Triaya (SAT), ang Indonesian operator ng Alfamart. Sa kasalukuyan, mayroon nang 210 stores ang Alfamart sa Pilipinas sa pamamagitan ng joint venture sa SM Investments.

"The characteristics of the [Philippines] market are similar [to Indonesia]. The difference is that Kasamang lumpag sa King there are not many minimarkets in the Philippines. So it's like a blue ocean," ika ni SAT Presiden Hans Khalid International Airport si Prawira, ayon sa ulat ng goodnewspilipinas.com. First Lady Melania Trump lulan ng Air Force One. Bukod sa punung-puno ng mga watawat ng Saudi at Amerika ang mga kalsada ng nasabing bansa, mayroon ding mga malalaking billboard nag pangulo. Ilan pa sa mga bansang kasama sa itinerary ng bagong pangulo ay ang Italy, Israel, Vatican City, at Belgium.

Hit serye na `Ang Probinsyano,` may bagong cast members

MAY MGA BAGO nang pakaaabangan ang mga fans ng top rating serye ng ABS-CBN, ang "Ang Probinsiyano." Ito ay ang mga bagong cast members ng nasabing hit serye na kinumpirma kamakailan ng Dreamscape. Ilan lamang sa mga maidaragdag sa listahan ng mga cast ay sina Sid Lucero, Lito Lapid, at John Arcilla. Makakasama rin sa show sina Ejay Falcon, Angel Aquino, Jhong Hilario, Pokwang, at Mitch Valdes, ayon sa ulat ng ABS-CBN News. "Yes, I'm finally doing a teleserye!" ika ni Valdes sa kanyang post sa social media. Extended ang nasabing serye hanggang Enero sa susunod na taon.

US President Trump, mainit na sinalubong sa Saudi Arabai


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

JUNE 2017

4 4

BALITANG GLOBAL

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Pinakamatandang tao sa buong mundo, matatagpuan sa Aklan? SA PANAHON NGAYON, maituturing nang himala ang pagkakaroon ng mahabang buhay ng isang tao. Sa ngayon, tila matatagpuan sa probinsiya ng Aklan sa Pilipinas ang pinakamatandang taong nabubuhay sa Aklan. Nito lamang Abril 15, namatay ang naitalang pinakamatandang tao na si Emma Morano sa edad na 117, mula sa Verbania, Italy. Kung naitala bilang pinakamatandang tao si Morano sa naturang edad, maituturing na din kaya si Radigondes Burnasal ng Kalibo, Aklan na may parehong edad bilang pinakamatan-

Isang scientist, tinagurian bilang Miss USA 2017

dang tao sa mundo ngayon? Hindi pa pormal na naitatala si Lola Radigondes sa Guinness World Records. Pero, ang kanyang birth certificate na mismo ang katunayan na siya na nga marahil ang pinakamatandang tao sa edad na 117. Sa Barangay Janlud, Libacao, Aklan ipinanganak si Lola Radigondes noong Mayo 9, 1900. Mayroon siyang siyam na anak habang ang kanyang asawang si Leodigario Burnasal ay matagal nang namayapa. Kung hilaw na itlog at kasipagan ang

sikreto ni Morano noong siya ay nabubuhay pa, gulay at prutas naman ang kay Burnasal. Aniya, ang pagkain ng mga ito kasabay ng pagiging maalaga sa kanyang katawan at kalusugan ang naging susi para sa kanyang mahabang buhay.

Free Wi-fi sa buong Pilipinas, lusot sa Senado at Kongreso

Apribado na ng Senado at Kongreso ang isang panukalang batas na magbibigay ng free Wi-Fi service sa buong Pilipinas. Ilan lamang sa mga lugar kung saan magkakaroon ng libreng Wi-Fi ay sa public plaza, airport, public hospitals, schools, government offices, port, at iba pang terminal ng mga pampublikong sasakyan. Tinatayang 2 Mbps pataas ang bilis ng Free Wi-Fi. Kapag magiging batas na ito, required ang iba't ibang opisina ng gobyerno na ipatupad ang batas PORMAL NANG kinoronahan ang na ito. scientist na si Kara McCullough bilang Miss USA 2017 sa ginanap Kauna-unahang e-Games school na beauty pageant sa Las Vegas. sa Pilipinas, matatagpuan sa Si McCullough ay mula sa District Cebu of Columbia at ka-back-to-back winner ng naunang Miss USA 2016 na si Deshauna Barber na mula rin sa parehong distrito. Isang nuclear chemist ang 25-anyos na binibini na itinanghal bilang Miss USA 2017 kung saan naging katunggali niya ang 49 pang ibang kandidata mula sa SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, iba’t ibang states sa America. Ang magkakaroon na ng electronic-games school sa nasabing coronation ay ginanap sa Pilipinas. Ito ay ang University of the Visayas New Mandalay Bay Convention Center School of Arts & Design (UNVS) na matatagpuan na matatagpuan sa Las Vegas Strip. sa Cebu. Ang nasabing eskwelahan ang unangSi Kara ay nagtatrabaho unang magbibigay ng electronic games track sa bilang nuclear chemist sa U.S. ilalim ng arts and design para sa senior high. Nuclear Regulatory Commission. Si Bukod sa pagiging una nito, tanging ang UNVS Deshauna naman na lumaban lamang ang magbibigay ng ganitong klase ng para sa 2016 Miss Universe ay track sa senior high school, kung saan hands-on isang United States Army Reserve ang magiging pagtuturo sa mga kabataang nais captain at nag-set ng record bilang mag-enrol, ayon sa ulat ng goodnewspilipinas. unang miyembro ng militar na com. nakasali at nagwagi sa prestihiyoAng e-Sports program na ipapatupad ng UNVS song beauty pageant. ay naglalayong turuan ang mga estudyante na Layunin ni McCullogh na turuan ang mga bata sa games development. Ito hikayatin ang mga kabataan para ay dahil na rin sa dumaraming bilang ng mga subukin ang larangan ng science, kabataaang nahihilig sa paglalaro ng e-Games. Sa engineering, mathematics, at pamamagitan din ng track na ito, mapag-aaralan technology para sa kanilang ng mga bata ang iba’t-ibang istratehiya at iba karera. Makakalaban ni Kara ang pang mechanics at teorya sa paggawa ng laro. pambato ng Pilipinas na si Rachel Bukod pa rito, matututunan din nila ang pagdiPeters na tubong-Bicol sa darating disenyo ng sariling laro na maaari nilang ibenta na Miss Universe 2017 pageant. at pagkakitaan.

"Trashion' ng isang Pinoy designer, tampok sa WEF

BUKOD KAY PRESIDENTE Rodrigo Roa Duterte, isa pang Pinoy ang naging agawpansin sa katatapos lamang na World Economic Forum (WEF) sa ASEAN na ginanap sa Phnom Penh sa Cambodia dahil sa mga gawa niyang gowns gamit ang basura. Ang nasabing designer ay si Francis Sollano, 30, na graduate ng UP Cebu at natatanging Pilipinong nagkaroon ng exhibit sa taunang WEF. Lahat ng gown at damit na ginawa ni Sollano ay gumamit ng recycled na plastic mula sa mga basura na ikinamangha ng 700 dumalo na nagmula pa sa iba’t ibang bansa. Hindi na bago kay Sollano ang pagdalo sa taunang WEF, lalo pa nga at isa siya sa mga napili ng WEF para maging bahagi ng Global Shapers na ginanap sa Davos, Switzerland para sa kanyang “trashion” o fashion gamit ang mga plastic na mga basura. Dahil sa “trashion” ni Sollano, marami na ring fashion brands ang nagbabalak i-recycle at bigyang-buhay ulit ang mga basura na maaring gawin gaya ng bags upang makatulong sa lumalalang problema ng basura sa iba’t ibang panig ng mundo.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JUNE 2017

BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY LOCAL

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Pagpapalawig sa passport validity, lusot na

MAGANDANG BALITA sa maraming mga

Pilipino: lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na nagpapahaba sa validity ng mga passports hanggang 10 taon.

Walang nasaktang Pinoy sa Times Square incident - DFA

KINUMPIRMA KAMAKAILAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy ang nasaktan o namatay sa isang insidente sa Times Square sa New York kamakailan. Matatandaang bumangga ang isang kotse sa maraming tao sa nasabing lugar, kung saan isa ang namatay at 22 ipa pa ang nasugatan. Ayon pa sa DFA, nakikipag-ugnayan ang Consulate General sa New York authorities hinggil sa nasabing insidente. "[It] is ready to prvide consular assistance to affected Filipinos should it be needed," ika ng DFA sa isang statement, ayon sa pna.gov.ph.

5

5

Layunin ng panukalang batas na ito na

bawasan ang mahabang pila sa mga consular

offices ng Department of Foreign Affairs. Layon din nitong mapabilis ang processing ng mga pasaporte.

Tinatayang tatlong milyong aplikante umano

ang naiproseso na ng DFA para sa bagong pasaporte, kasama na ang replacement o renewal ng nawalang passports mula noong isang taon.

Department Order, pirmado na para mawakasan ang `Endo` sa Pilipinas

SA LAYUNING ma-regulate ang contractualization sa Pilipinas, naglabas na ng Department Order ang Department of Labor and Employment (DOLE) kamakailan. Pinirmahan na ni DOLE Secretary Silvestre Bello III ang nasabing kautusan na magiging epektibo pagkatapos nitong mailathala sa loob ng 15 araw. Sinasabing sa pamamagitan ng nasabing kautusan, mas makatitiyak ang isang manggagawa ng kaniyang security of tenure dahil sa pagkakatanggal sa contractualization. “Given the impasse and taking o hindi hihigit sa 60 araw matapos ang pagpirma ng into consideration the social and pangulo sa nasabing EO. economic impact of prolonged policy uncertainties, we think that it will be for the benefit of the greater public if the Department, through the Secretary of Labor, would finally put closure to this issue, and exercise the power and discretion given him under the law,� ika ni Bello, base sa ulat ng bomboradyo.com.

LGUs, maglulunsad ng mga ordinansa sa smoking ban -DOH

INAASAHAN NG DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) na gagawa ang local government units (LGUs) ng bagong ordinansa na magpapatupad sa bagong batas hinggil sa smoking ban, ang Executive Order No. 26. Layon ng mga ordinansang ito na magde-designate ng smoke-free environments sa pampubliko at enclosed places sa buong bansa. Ayon kay Dr. Eric Tayag, ang spokesperson ng DOH, siniguro ni Health Secretary Dr. Paulyn Ubial na aasistihan ng departamento ang mga LGUs sa paggawa ng ordinansa na aayon sa Implementing Rules and Regulations ng nasabing batas. Tinatayang matatapos ang paggawa ng IRR bago

Naririto ang ilang bahagi gn DO No. 174: 1) Reaffirms the Constitutional and statutory right to security of tenure of workers; 2) Applies to all parties in an arrangement where employer-emIlang mga Pinoy ang ginawaran ng awards sa 3rd ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) 2017 ployee relationship exists; na isainagawa sa Kuching, Malaysia nitong Mayo. 3) Absolutely prohibits labor-only contracting, and specifies other Ang mga nagwagi ay kinabibilangan nina: illicit forms of employment arrangements; Ana Capri - Best Supporting Actress sa pelikulang "Laut" 4) Allows only permissible contracting and subcontracting as Ai Ai Delas Alas - Best Actress sa pelikulang "Area" defined; Louie Ignacio - Best Director sa pelikulang "Area" 5) Re-enforces the rights of workRicky Davao - Best Supporting Actor sa "Dayang Asu" ers to labor standards, self-organization, collective bargaining and Lawrence Fajardo - Best Editing sa "Imbisibol" security of tenure; and Lav Diaz - Nagkamit ng special citation para sa pelikulang 6) Requires mandatory registration "Ang Babaeng Humayo" of contractors and subcontractors and provides clear procedures for Unang inilunsan ang nasabing film festival noon pang 2013. cancellation of registration.

Ilang mga Pinoy, wagi sa ASEAN Film Festival


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

JUNE 2017

6

6

EDITORIAL

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Daloy Kayumanggi

Inspiring Global Filipinos in Japan

D&K Company Ltd Jagger Aziz jaggeraziz@gmail.com Art Editor and Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@gmail.com 0906-511-8111 090-6025-6962 Sales and Marketing: Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists: Aries Lucea (arieslucia@daloykayumanggi.com) Avic Tatlonghari (avictatlonghari@yahoo.com) Melbert Tizon (mbtizon@gmail.com) Hoshi Laurence Gonzales (Hitokirihoshi@gmail.com) Irene tria (irene@heartshaper.asia) Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo Publisher: Editor:

The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.dk6868.net  www.facebook.com/daloykayumanggi

editor`s note LOREEN DAVE CALPITO

Pagpasok ng Abu Sayyaf sa Bohol, kasiraan sa Tourismo at Kapayapaan sa lugar

A

bril 10 nang pumutok ang balita na may mga nakapasok na mga miyembro ng Abu Sayyaf sa payapa at napakagandang isla ng Bohol. Ayon sa ilang awtoridad, tangka umano sana ng mga ito na mangidnap.

Kaya naman, agad-agarang nagsagawa ng operasyon ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa ilang bahagi ng nasabing probinsiya para tugisin at ubusin ang mga miyembro ng teroristang grupo sa probinsiya. Kamakailan lang, nagpalabas ng joint statement ang AFP at PNP na nagsasbing wala nang natitira pang mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Bohol.

Kaya naman, laking pasalamat ng Gobernador ng probinsiya na si Edgar Chatto sa mga awtoridad sa pagkakapatay sa dalawa pang natitirang miyembro ng naturang grupo. Umaasa rin aniya si Chatto na hindi na mauulit pa ang insidenteng ito.

Kapuri-puri ang aksyon ng gobyerno kamakailan na magkaroon ng security briefing on terrorism at drug abuse sa nasabing probinsiya, kung saan kasali ang mga mayor at barangay captains, gayundin ang mga representative ng PNP at AFP. Dahil dito, mas nakatitiyak ang mga mamamayan ng probinsi-

ya, pati na ng maraming mga turista na dumadalaw sa napakagandang probinsiya ng Bohol, na mas protektado sila kontra sa mga teroristang grupo.

Marapat lang na pagtuunan ito ng pansin ng gobyerno, sapagkat malaki ang epekto ng balitang ito sa turismo sa lugar na siyang ikinabubuhay ng maraming mga residente rito. Sa mga hindi nakakaalam, isa ang Bohol sa pinakamalakas na humatak ng mga turista sa buong bansa, kahilera ng National Capital Region, Cebu, at Western Visayas. Nawa, sa pamamagitan ng masinsinang aksyon ng gobyerno, hindi na nga maulit pa ang nasabing insidente.


Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JUNE 2017

BALITANG KA-DALOY GLOBAL OF THE PINOY MONTH

Impormasyon ng Pilipino

7

ka-daloy of the month LOREEN DAVE CALPITO | DAVECALPITO529@GMAIL.COM

Magkambal, grumadweyt bilang cum laude sa Bacolod City College

P

ara sa mga magulang, isa sa pinakamahalagang bunga ng kanilang pagsasakripisyo ay ang makitang nagtatagumpay ang kanilang mga anak. Sa mga magulang marahil ng magkakambal na sina Angelou at Angelyn Belocura ng Sipalay City, Negros Occidental, doble-doble ang kanilang kasiyahan. Ito'y sapagkat grumadweyt ang kanilang kambal bilang magna cum laude, at nanguna pa sa kanilang batch, mula sa Bacolod City College. Tampok kamakailan sa ABS-CBN News ang magkakambal na grumadweyt ng kursong Bachelor of Science in Office Administration. Bagama't hindi nila first choice ang kursong tinapos, sapagkat nais sana nilang kumuha ng education, natutunan din umano nilang mahalin ang Office Administration habang tumatagal. Paano sila bilang mag-aaral? Tinitingnan nilang advantage ang kanilang pagiging magkakambal. Tinutulungan umano nila ang isa't isa sa paghahanda ng kanilang quizzes, projects, at long exams. Istratehiya din umano nila na mag-share ng notes. Ang kanilang motibasyon Motibasyon umano nina Angelou at Angelyn na suklian ang pagsasakripisyo ng kanilang kapatid na si Ma. Blezil na napilitang huminto sa kanyang pag-aaral para mag-

trabaho bilang call center agent. Mula nang nawalan ng trabaho sa abroad ang kanilang tatay, si Ma. Blezil na ang sumasagot sa ilang mga gastusin sa kanilang tahanan, bukod pa sa school fees ng kambal na kapatid.

"I am so proud of my twin sisters. All my sacrifices paid off," ika niya. Sa kasalukuyan, plano ng magkakambal na mag-apply ng trabaho sa Hall of Justice sa Bacolod City. Talaga namang kung lalangkapan ng sipag, tiyaga, at inspirasyon ang ano mang naisin mo sa buhay, sa huli'y siguradong ika'y magtatagumpay -- kagaya ng magkapatid na sina Angelou at Angelyn.

Walang duda na sina Angelou at Angelyn ang ating Ka-Daloy of the Month.


Daloy Kayumanggi

JUNE 2017

8 8

TIPS

Impormasyon ng Pilipino

Gabay upang hindi matukso sa iba habang nasa ibang bansa

ANG PAGIGING MALAYO sa mahal sa buhay ay isang napakalaking sakripisyo na ginagawa ng mga OFWs, at ‘di din naman maiiwasan na matukso sa iba habang malayo sa asawa o partner. Ngunit, posibleng makaiwas sa tukso kung susundin lang ang mga sumusunod na gabay: Patibayin ang relasyon sa asawa sa

Pilipinas. Magagawa ito sa pamamagitan ng palagiang pakikipag-usap sa asawa. Importanteng may koneksyon pa rin ang mag-asawa kahit malayo sa isa’t isa. Umiwas sa tukso. Sabi nga nila, madaling sabihin, ngunit mahirap gawin. Ngunit kung matibay ang pagmamahal sa asawa at sa mga anak, kusa nang iiwas sa tukso. Ugaliing sumama sa mga taong magbibigay ng magandang halimbawa.

ang iyong asawa. Hindi dahilan ang pagkakalayo upang mahulog sa tukso, dapat lang isaisip ang magiging kapalit ng mga aksyong iyong gagawin.

Laging isipin ang mga pinagdaanan ninyong magkasamang mag-asawa. Kapag inalala niyo ang mga ito, hindi mo maiisip ang humanap ng iba kahit malayo

Pamamaraan upang makakuha ng 2 Pamamaraan upang mapalipat maraming hanapbuhay sa ibang bansa ang mga OFWs sa pamilya sa

KARAMIHAN SA MGA OFWS ay kumukuha ng maraming hanapbuhay upang matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Hindi man ito madaling gawin, nagagawa pa rin nila ito sa ngalan ng kanilang pagmamahal sa pamilya. Kung nais mo ring magkaroon ng higit sa isang hanapbuhay, heto ang mga dapat mong gawin: ‘Wag maging pihikan sa trabaho. Hindi lahat ng OFWs ay nakakakuha ng trabahong ka-linya ng kanyang tinapos o interes. Kaya, kung nais mong makabingwit ng maraming trabaho sa ibang bansa ay kailangan mong tanggapin ang kahit anong ligal na trabahong dadating sa’yo.

iyong shell at makipagkaibigan sa ibang tao. Sa ganitong paraan ay makakakuha ka ng lead kung saan ka pa makakakuha ng iba pang hanapbuhay.

Pagbutihin ang pangunahing hanapbuhay. Magkakaroon ka ng maraming referrals kung pagbubutihin mo lamang ang iyong kasalukuyang trabaho. Samahan lang ng sipag at tiyaga, siguradong uunlad ang iyong buhay sa ibang bansa.

Lawakan ang iyong koneksyon. Lumabas ka sa

Pamamaraan upang maiparamdam ang pagmamahal sa pamilya kahit nasa ibang bansa

HINDI HADLANG ang pagi-ging malayo sa mahal sa buhay upang ‘di maiparamdam sa kanya ang iyong pagmamahal at pag-alala sa mga mahahalagang okasyon.

Narito ang mga pamamaraan upang maipakita mo ang iyong pag-alala sa iyong mga mahal sa buhay: Magpadala ng liham. Wala pa ring tatalo sa sulat-kamay na liham. Ugaliin itong ipadala sa t’wing may espesyal na okasyon o kahit simpleng araw lang na gusto mong malaman nila ang iyong nararamdaman.

Magpadala ng mga regalo. Hindi masamang gumastos sa regalo paminsan-minsan kung

ito ang paraan kung paano mo maipapahatid ang iyong pagmamahal sa pamilya. Marapating magregalo ng mga bagay na naaayon sa interes ng bibigyan. Ipakita sa kanila na may oras ka sa pakikipag-usap sa kanila. Marami nang mga apps sa ngayon na maaaring gamitin mo at ng iyong pamilya para palagiang nag-uusap.

Maraming pamamaraan kung paano mo maipapakita ang pagmamahal at pag-alala sa iyong pamilya, nasa sa iyo na lamang kung paano mo ito maipaparamdam.

pamamagitan ng modernong teknolohiya

HINDI BIRO ANG MAHIWALAY sa mga mahal sa buhay kaya naman ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay isang malaking sakripisyo na ginagawa ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) upang mapaganda ang buhay ng kanilang pamilya. Ngunit, dahil sa modernong teknolohiya, kahit papaano ay napapalapit ang mga OFWs sa kanilang mga naiwan sa Pilipinas. Heto ang ilan sa mga modernong pamamaraan: Video call - Hindi na lang boses ang maaaring marinig ng mga OFWs galing sa kanilang pamilya, maaari na rin nilang makita habang kinakausap ang kanilang mga mahal sa buhay. May mga apps lang na kailangang i-install upang magawa ang video call na madalas ay libre rin basta may stable Internet connection, kagaya ng Skype, Tango, Messenger, at iba pa. Social media - Lahat yata ng tao ngayon ay mayroon nang social media accounts, gaya ng Facebook, Twitter at Instagram. Higit itong makakatulong sa mga OFWs upang maging updated sa mga nangyayari sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Maaaring makita rito ang mga photos at videos ng mga mahahalagang pangyayari sa kanilang buhay.

Malaki ang naitutulong ng modernong teknolohiya upang mapaglapit ang mga OFWs at ang kanilang mga pamilya, kaya nararapat lang na pag-aralan ang mga pamamaraang ito.

USE COMICA EVERYDAY From Landline

44min 18sec.

From Cellphone

30min 36sec.

BUY 10,000yen GET

21PCS!


Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JUNE 2017

BALITANG GLOBAL PINOY TIPS

Impormasyon ng Pilipino

9

Mga hakbang upang makapangibang-bansa para sa mga mahal sa buhay sa pinas MARAMI ANG NAG-AASAM na makapunta sa ibang bansa at makapagtrabaho doon, ngunit hindi naman lahat ay pinapalad dahil maraming mga hakbang ang dapat pagdaanan. Kaya kung nais mangibang-bansa ng ating mga mahal sa buhay sa Pilipinas, narito ang mga hakbang na dapat nilang sundin: Humanap ng mapagkakatiwalaang agency. Gumawa ng research upang malaman ang mga agencies na legit. Maaari ring magtanong sa mga kakilala kung mayroon silang mairerekomenda. ‘Wag basta-basta magtitiwala sa unang agency na nag-alok ng trabaho abroad.

Magtanung-tanong muna bago pumirma ng kontrata.

Pumili ng trabahong akma sa skills at interests. Upang magtagal sa trabaho, kailangan ay mahal nila ang ginagawa nila, kaya naman marapat na maghanap ng trabahong magbibigay sa iyo ng pagkakataong magamit ang tunay na kakayahan.

Siguraduhing may mapapasukan agad na trabaho pagdating sa ibang bansa. I-check nang mabuti sa agency ang detalye ng employment bago lumipad palabas ng bansa.

Pamamaraan upang mapayaman ang perang kinita

MAHIRAP KUMITA NG PERA SA IBANG BANSA. Hindi napupulot ang pera, bagkus ay dugo’t pawis ang puhunan upang kumita ng sapat para sa pamilya. Kaya naman nararapat lang na maging masinop sa pera. Heto ang mga hakbang kung paano mapapangalagaan ang perang iyong kinikita: Gumastos lang ayon sa kung ano ang kailangan. Malamang mahirap itong tuparin kung nakaharap na sa mga magagandang mga materyal na bagay, ngunit kung marunong mag-budget at mag-set ng priorities, kakayanin mo ito. Mag-open ng savings account. Maghulog dito ng ‘di bababa sa ¼ ng iyong total salary. Maging disiplinado sa hindi paggalaw sa savings account na ito. Magpadala lang nang sapat para sa gastusin ng pamilya sa Pilipinas. I-compute ang total expenses ng iyong pamilya at magdagdag lamang ng sapat para sa mga miscellaneous expenses. Tandaan: uunlad ang buhay kung masinop sa perang kinikita.

Hindi madali ang mga hakbang na kailangang pagdaanan upang makapangibang-bansa, ngunit kung ang kapalit naman nito ay kaginhawahan sa buhay ng iyong pamilya, mas madali na lamang ang pagsasakripisyo.

Tips kung paano mapalago ang kinikita

ANG ISA SA MGA KARANIWANG TANONG NG MGA OFWS ay paano palalaguin ang kanilang kinikita. Hindi na ito kataka-taka dahil hindi naman panghabambuhay ang pangingibang-bansa, kaya naman kailangan talagang umisip ng pamamaraan kung paano mapapalago ang kinikitang pera. Heto ang ilan sa mga paraan:

Magtayo ng negosyo. Ito ang isa sa mga pinakamadalas gawin ng maraming nangingibang-bansa upang mapalago ang kanilang pinaghirapang pera. Maaaring magtayo ng food business, retail business, o kahit anong business na patok. Kinakailangan rin na naroon ang interes ng magnenegosyo upang makasigurong mapapatakbo nang maayos ang negosyo.

Mag-invest sa mga Life Plans. Maraming nag-aalok ng Life Plans sa mga OFWs at kadalasa’y tinatanggap naman ito dahil sa pangakong mapapalago ang kanilang pera. Maraming mga success stories na nag-uugat sa pag-i-invest sa Life Plans, ngunit kailangang maging maingat rin sa pagpili ng kumpanya kung saan i-iinvest ang inipong pera.

Maraming paraan upang mapalago ang pera ng mga OFWs, kailangan lamang ay maging maingat at bukas sa mga pagkakataong dadating.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

JUNE 2017

10

10

PINOY KA BA?

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

It`s Joke Time!

CD PLAYER Q: Ano ang apelyido ni Cedie? A: Player AMBULANCE Teacher: Juan, spell ‘ambulance’ Juan: A...M...B... Teacher: Faster! Juan: Wew wew wew wew wew wew wew wew wew FLASHLIGHT Anak: Tatay, andaming lamok! Tatay: Patayin mo yung ilaw para hindi tayo Makita Pagkapatay ng ilaw, lumitaw ang mga alitaptap Anak: Tatay, bumalik sila! May dalang flashlight! ANSWER IN BRIEF Habang nasa exam si Juan Pedro: Pare, bakit mo hinubad ang damit mo habang sinasagutan yung exam? Juan: Bakit, pare? Hindi mo ba nakita ang nakalagay sa exam na “answer in BRIEF?” KEEP OUR SCHOOL CLEAN Teacher: How do we keep our school clean? Student: By staying at home. RANDOM QUESTION AND ANSWER Q: Bakit kailangan dahan dahan ang pagbukas ng medicine cabinet? A: Kasi magigising ang sleeping pills Q: Ano ang paboritong laro ng mga kidnappers? A: Hide Intsik Q: Ano ang tawag sa pagkain ng Hapon na di na pwedeng kainin? A: Ja-Panis Food Q: Ano ang pinakasikat na gang sa Pilipinas? A: SiniGang Q: Saan ginagawa ang mga uling? A: Coal Center

DUMB TRUCKS Anak: ‘Tay, ingat po kayo ha. Malalaki yung mga DUMB TRUCK Tatay: Anong dumb truck ang sinasabi mo anak? Anak : Yung merong dalang malalaki saka mabibigat na may ten wheels Tatay: Ah, yun ba? Hindi dumb truck ang tawag dun, TEN MILLER. PANAGINIP Pedro: Pre, nanaginip ako kanina. Juan: Ano? Pedro: Naglalaro tayo ng basketball tapos natumba ako. Tapos pagsalo mo sakin, nagkalapit yung mga labi natin tapos.. Juan: STOP! Pedro: Bakit? Juan: Kinikilig ako! POTATO PEDRO: Ma’am ano ang tawag sa puting gulay ? GURO: Ano ? PEDRO: Putito po Ma’am. Eh yung mas maputi sa putito? GURO: Ano naman yan? PEDRO: Mash Putito! GURO: Shut up! PEDRO: Eh Ma’am yung mga boss ng mga putito? GURO: SIT DOWN! PEDRO: Last na poi to... GURO: ANO?! PEDRO: Edi PUTITO CHIEFS! PINOY HENYO WORD: *KUTSILYO* Boy1: Tao? Boy2: Hindi! Boy1: Bagay? Boy2: Oo! Boy1: Sa bahay? Boy2: Oo! Oo! Boy1: Sa kusina ba? Boy2: Oo! Oo!

Boy1: Ginagamit sa pagluluto? Boy2: Hindi! Boy1: Panghiwa? Boy2: Oo! Oo! Boy1: Panghiwa ng sibuyas? Boy2: Oo! Oo! Oo! Boy1: Panghiwa ng karne? Boy2: Oo! Oo! Boy1: PASS! DORA THE EXPLORER Dora the Explorer: C’mon bamonos! Everybody let’s go! Where are we going? Boots: Treasure Island! Dora: Where are we going? Boots: Treasure Island! Dora: Where are we going? Boots: Ano Dora, paulit-ulit? Uwi na lang tayo pag ganyan ng ganyan. RED HORSE During the exam... Teacher: Iho, bakit puro ‘Red Horse’ ang sagot mo? Student: Dahil ‘Ito Ang Tama’ Ma’am! BOCAUE Host: If you had a foreigner friend, where will you bring him to showcase the beauty of the Philippines? Girl Contestant: Bocaue. Host: Bocaue. Why Bocaue? There are so many places in the Philippiness? Why Bocaue? Girl: Because it’s a magnificent place. Host: Which part of Bocaue? Girl:The Bocaue Rice Terraces. FAVORITE MOTTO Host : What is your favorite motto? Contestant : (Napatigil) I don’t have a motto eh. Sumisigaw ang mga tao ng “Time is gold! Time is gold!” para tulungan ang constestant. Contestant: Ah, alam ko na! Host: What is it?

Contestant: Chinese Gold! SHAKESPEARE Teacher: So, paborito mo ang pagbabasa. Sino ang paborito mong author? Pedro: Uhmm, si Shakespeare. Teacher: Anong mga isinulat ni Shakespeare ang paborito mo? Pedro: Hindi ko po alam eh, depende... Teacher: Paano mo siya naging paborito? Pedro : Eh kasi patay na sya eh. NATUTULOG Paano natutulog ang mag astraunauts? Sagot: Syempre, nakapikit. AGE DOESN’T MATTER Sa isang beauty pageant... Q: Mamahalin mo parin ba ang iyong boyfriend kahit malaman mong may AIDS sya? A: Syempre naman… may kasabihan nga tayo, “Eds dasent mater!” ANAK SA LABAS Pedro: Pare, anong gagawin mo kapag nalaman mong may anak ka sa labas? Juan: Ano bang klaseng tanong yan, pare? Siyempre papapasukin ko sa loob ng bahay. ITIM NA UWAK Bakit itim ang kulay ng uwak? Sagot: Kasi kung puti, malamang kalapati yon. HARLEM SHAKE Boy1: Tara pare, harlem shake tayo. Boy2: Ay! Ayoko. Boy1: Bakit naman? Boy2: Mahal yata yun eh. Coke float nalang para mura.

mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp

www.tumawa.com


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

JUNE 2017

11

ANUNSYO

11


JUNE 2017

12

12

ANUNSYO

Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Impormasyon ng Pilipino

JUNE 2017

13

13

BALITANG GLOBAL PINOY ANUNSYO


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

JUNE 2017

14 14

KOLUMN

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

tampok

HOSHI LAURENCE HITOKIRIHOSHI@GMAIL.COM FB/TWITTER/INSTAGRAM/ LINKEDIN: @HITOKIRIHOSHI

website: www.hoshilandia.com

mainit! masarap

mag-pundaquit

A

sul ang dagat, parang musika sa pandinig ang ingay ng mga alon, pino ang buhanginan na nilalakaran, ang kaulapan ay tila pinaghalong kulay bughaw at lila dahil hindi pa gaanong mababanaag ang araw at ang hangin na malamig ay dumadampi sa aking katawan. Totoo nga pala na ang cinematic na ambiance sa dalampasigan ay makapagbibigay ng naiibang enerhiya. Pwedeng -pwede kang mag-meditate o mag-reflect.

Ngayon kainitan ng panahon sa Kalakhang Maynila, halos hindi na kinakaya ng mga lilim ng puno at hangin mula sa electric fan ang matinding epekto ng init ng araw kaya nama hindi kataka-talka na marami ang nagnanais na mag-beach partikular na sa Pundaquit, Zambales Isang public beach ang Pundaquit na matatagpuan sa San Antonio, Zambales. Alam mo ba ang magandang setting ng Marimar ni Marian Rivera, ‘yon ang Caponies island na tanaw lamang mula sa dalampasigan ng Pundaquit. Sa likod na bahagi naman ng bundok sa Pundaquit makikita na ang sikat na ngayong Anwangin Island. Sari-saring programa na rin ang nag-shoot sa mga islang nabanggit gaya ng dating reality show na Extra Challenge, at Maging Sino Ka Man na pinagbibidahan noon nila John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Anne Curtis at Sam Milby.

Ang lugar ay mas tahimik at malinis kumpara sa ibang beach resort at napaka-safe. Dagdag pa rito ang magiliaw at tapat na mga residente na naninirahan sa lugar. May ilan na ring kabahayan o ari-arian rito na pagmamay-ari ng mga foreigners. Gayon din ay nagkaroon na rin ng mba hotels at resort malapit rito. Ang mga ito ay indikasyon na umusbong na ang magandang turismo rito. Mababait din ang mga taga-Pundaquit at isang bagay na kahanga-hanga sa kanila ay tunay silang mapagkakakatiwalaan. Iwan mo nga raw ang gamit mo ay walang mawawala. Isa pinakamagandang kunan ng litrato dito ay ang bahagyang nakatago na ilog (Carayan), papasa itong pang- post card kahit simple lamang. Kasama na siyempre rito ang Caponies, ang bundok na tila may ukit na Puso, ang ilog na may mga kubo, at ang batuhan sa gilid ng bundok. Ganda rin pagmasdan ang pagiging abala ng mga mangingisda, may maagang umaalis at may hapon na kung dumating. Ang may mga bangkero rin na mauupahan para makarating sa ibang isla depende ito sa usapan at dami ng mga pasahero. Pero ang hindi dapat palapasin ay paglangoy sa dagat na tunay pa ring kahali-halina.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JUNE 2017

15

BALITANG GLOBAL PINOY KOLUMN

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

15

HEALTHY DINING Slice of Mango. Slice of Life ARIES LUCEA

ARIESLUCEA@DALOYKAYUMANGGI.COM

M

asarap talagang kumain ng lutong Pinoy. Pero dahil na din sa napakasarap at malasa ang ating mga lutuin, hindi natin mapigilan na sabayan ng madaming kanin ang ating pagkain. Paano mo kaya kakainin ang nagmamantikang adobo o matamis na tocino sa kakaunting kanin? Medically speaking I was considered obese, pero that was a thing in the past. I managed to lose 25 kilogram in a span of one year. Dropped from the obese category to just overweight, and now continuously trying to build a stronger and leaner body. Paano ko ito na-achieve, syempre sa tulong ng exercise, adopting an active lifestyle and course controlling my food portion. Napakadaling sabihing kumain ng konti, pero paano ka kakain ng konti kung kare kare or kaldereta and ulam mo? Napag isip isip ko na kung gustong kong mamayat, kelangan kong bawasan ang alat at tamis na aking mga pagkain, na sya namang sikreto sa mga masasarap na mga lutuing Pinoy. Ginawa kong special treat ang pagkain ng lutuing Pinoy, na naging madali naman dahil ako ay nakatira sa Japan. I tried to cook FIlipino food maybe once in a month or in two months. Again we cannot over emphasize that white rice in heavy doses is not the best way to lose weight. In cutting salt and sugar and laying off super delicious Filipino treats, I then manage to shift to eating brown rice, kasi mas malasa sya. Kaya naman kahit medyo mataba ang mga kinakain ko at least malasa naman ang kanin ko. I eat a lot of protein based food, mostly chicken and lots of raw vegetables too. Planning what to eat is part of adopting a healthier lifestyle. Dining out is a treat but we it has to be done responsibly too. Choosing what to eat and studying the menu before I go to any restaurant is a must. To avoid ending up frustrated dahil ang restaurant ay walang healthy option o kaya naman eh mapadami ang kain ko eating food that I am trying to avoid, I have a list of restaurants me and my family frequently goes too. I even encouraged most meetings with friends to take place in it.

COCO MOCO

Coco Momo and Co Osaka shi, Abeno ku, 3 Chome 6-2 Matsuzakicho 06-6624-8323

The chef is a good friend of mine. He is of Malaysian decent who studied and worked in the UK. The food at this restaurant is simply amazing. He only uses fresh ingredients and even customize food serving for every persons discerning taste bud, which is hard to find in Japan. If you are a customer with certain health fix; be it vegan, gluten free, no dairy, he will accommodate your preference. He used to specialize in vegetarian dishes but his restaurant mostly fuses South East Asian flair and Western cooking. His store is located near my gym, so whenever I need my protein rich but healthy fix, this is where I go to. I specially love his sweet pork spare ribs and poached egg on top barley and brown rice. My wife love his tasty salads, like his fried quinoa and avocado or his lamb kofta pita apple salad. And since this is a chef restaurant, the menu is constantly changing, so there is always something new for you to eat in this place. Also, do not miss out on his heavenly desserts. I celebrated my 40th birthday party in this place and my guests cant stop raving about his food and some even became regular patrons. Healthy food need not be boring and bland, CocoMomo is the place for healthy yet awesome tasting food.

MOKU MOKU

Krungtep THAI restaurant

Moku Moku is an organic buffet restaurant that changes its menu

depending on the seasonal harvest. They have two restaurants Osaka, one located at Harukas in Tennoji and one in Umeda.

Every now and then I would need something very tasty and close to home. Thai food might be the healthier

their own livestock, mainly pigs. They have a green salad bar with

make their dishes flavorful but not too sweet or salty, perfect for anyone who wants to enjoy food without

in

option that is close to Filipino food. Krungtep in Namba along the Dotonborri river serves Thai buffet in the

This restaurant also has its own organic farm located in Mie. The

afternoon and ala carte menu in the evenings. Thai uses a lot of vegetables in their dishes and spices that

farm is where they get their produce and it is also where they raise

the fear of digesting huge amount of sugar and salt.

variety of mild dressings to suit every taste, even their mayonnaise is

They served Thai favorites such as Pad Thai, spicy Tom Yam Kung, green curry, chilly sauteed sea food,

homemade and taste and feel a lot healthier. Healthy food is not all

banana and pumpkin in coconut sauce and many more. Aside from the food, this restaurant eventhough it

salad and greens, Moku Moku had a wide variety of breads, includ-

is located in the touristy Dotonbori area, still manage to create a relaxing ambiance with the tranquil view

ing whole wheat. Ham and sausages are also served, made directly from their farm and without the trans fat associated with packaged

cold cuts. They also have ice cream, and yes the flavors are based on seasonal fruits like, strawberries and tomatoes and of course main fixtures such as milk and green tea.

Green Salad Bar at Moku Moku My son enjoying his healthy fix

of the Dotonbori river. Amazing and cheap dining in the heart of Osaka indeed.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

JUNE 2017

16

16

ANUNSYO/ TIPS

Impormasyon ng Pilipino

"Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Epektibong tips para humaba ang iyong buhay ISA UMANONG pamamaraan para humaba pang lalo ang iyong buhay, ayon sa mga eksperto, ay ang ayusin ang iyong pananaw sa buhay. Naririto pa ang ilang mga mabisang hakbang:

• Huwag kumain ng ma-cholesterol na karne, kagaya

ng steak.

• Maging masaya sa iyong lifetime partner. Maging masaya at in-love. • Gumawa ng charity work. Napapaganda ang pagtulong sa kapwa sa pagpapaganda sa iyong pakiramdam.

Mabisang paraan para magkaroon ng positibong pananaw sa buhay

PARA MAGING MASAYA sa buhay, isa sa mga mabisang paraan ay ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Ngunit, paano mo mapapanatili ang pagkakaroon ng positibong pananaw? Naririto ang ilang mga paraan:

Marunong tumawa at magpatawa Huwag masyadong dibdibin ang iyong mga problema sa buhay. Lilipas din iyan. Sa halip, tumawa, humalakhal, at magpasalamat sa Diyos. Siyempre pa, para mas kagiliwan ka ng ibang tao, dapat mo

ring matutunan ang pagkakaroon ng sense of humor.

I-appreciate ang ibang tao Iwasan ang mainggit. Sa halip, matutong i-appreciate ang ibang tao. Kapag nagtagumpay ang iyong kaibigan, halimbawa, purihin sila at maging masaya para sa kanila. I-motivate mo ang iyong sarili Kailangang matutunang pagpe-pep talk sa sarili. Mag-aral ng coping mechanisms upang mas tumatag sa pagharap sa iyong mga problema.

• Laging magdasal. Mas healthy at happy umano ang taong marunong magdasal.

• Matutong haraping ang mga problema mo sa buhay. Tawanan na lamang ang mga mga ito.Lilipas din iyan.

Naririto ang mga gawaing dapat mong iwasan

HABANG MAAGA PA, magandang alagaan ang iyong buong katawan para hindi sayang ang iyong pinaghirapan: 1. Iwasang manigarilyo, magpaaraw, magpuyat at laging nakasimangot. Nakasisira ito sa iyong balat. 2. Iwasang magpakagutom at kumain ng taba ng karneng baka o baboy. Nakasasama ito sa iyong tiyan o bituka.

3. Iwasang kumain ng madudumi at matataba. Iwasan mo ring

umino mg alak at ng maraming gamot. Atay naman ang maaapektuhan ng mga masasamang gawain. 4. Iwasang magpigil ng ihi at kumain ng maalat. Makasasama ito sa iyong mga bato. 5. Iwasan ang masyadong maliwanag na ilaw, tumitig sa araw, at magbasa nang matagal. Masama ito sa iyong mga mata.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JUNE 2017

17

BALITANG GLOBAL PINOY TIPS

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

17

Pamamaraan upang makapaglibang Paano mapabubuti ang iyong trabaho HINDI NAMAN DAPAT NA PURO TRABAHO NA LANG. Nararapat rin na matuto ka ring maglibang upang maging masaya rin ang buhay. Narito ang ilang pamamaraan kung paano mo mapapasaya ang iyong sarili kahit na malayo ka sa iyong mga mahal sa buhay: Kumonek sa mga kapwa-Pilipino. Mas magiging masaya ang buhay sa ibang bansa kung makakasama ang mga kababayan. Maraming mga activities na maaaring salihan upang maging masaya ang buhay kasama ang ibang mga Pilipino. Mag-shopping paminsan-minsan. Hindi naman masama na i-treat ang sarili bilang reward sa iyong hardwork. ‘Wag lang ngang sosobra sa kung hanggang saan lang ang kaya. Mag-travel. Kung kaya ng budget, planuhin ang pagbisita sa mga karatig-bayan o bansa upang mapalawak ang iyong kaalaman at karanasan sa iba’t ibang lugar. Isang paraan na rin ito upang makapagrelaks. Makakatulong ang paglilibang upang maging matagumpay sa trabaho kahit malayo sa lupang tinubuan.

BOSE

Soundlink Mini II

FREE DELIVERY EXCEPT OKINAWA

KAHIT MALUNGKOT dahil malayo sa pamilya, kailangang mong isaisip na hindi ito rason upang magpabaya sa trabaho. Hindi man madali, narito ang mga paraan upang mas mapagbuti mo pa ang iyong performance sa trabaho: Alisin ang mga distractions. Kapag oras ng trabaho, alisin muna ang mga alalahaning makapagpapalungkot sa’yo, tulad ng pangungulila sa mga mahal sa buhay. Kung maaari ay ilayo rin ang mga gadgets sa iyong tabi upang hindi ka maabala habang nagtatrabaho.

I-motivate ang sarili araw-araw. Maaaring dumaan ang araw na pakiramdam mo ay wala ka nang ganang magtrabaho. Pero nakasalalay pa rin sa’yo kung hahayaan mo ang negatibong pananaw na ito na manalo. Isipin mo ang mga taong nagbibigay sa iyo ng determinasyon upang maging magaling sa trabaho.

Hindi biro ang malayo sa pamilya, ngunit maaari rin itong gawing inspirasyon upang lalo pang mapagbuti ang trabaho.

20,000 YEN only

CALL US NOW 090-6025-6962

Paano ang mabuting pakikisama sa iba't ibang lahi?

IBA’T IBANG LAHI ANG NAKAKASALAMUHA NG MGA OFWS. Hindi ito madali dahil iba-iba rin ang pag-uugali at tradisyon ng bawat isa, ngunit may pamamaraan naman upang makisalamuha ng mabuti sa iba’t ibang lahi.

Igalang ang tradisyon ng bawat lahi. Mahalaga ang tradisyon sa kahit anong lahi kaya naman dapat lang na igalang natin ang pagkakaiba-iba ng mga tradisyon. Alamin kung ano ang maaari at di natin maaaring gawin sa partikular na sitwasyon.

Matutong makibagay sa kultura ng bansang pinagtatrabahuhan. Pag-aralan ang kultura ng bansa kung saan ka nagtatrabaho. Kailangang makibagay ka sa mga tradisyon, pananalita at iba pang mga gawi ng mga taong naroroon.

Likas na pala-kaibigan ang mga Pilipino kaya naman di na mahirap makibagay sa kahit ano pa mang lahi.

Paano mapapalapit ang loob ng mga anak sa mga maglang na OFWs? MARAMI NANG mga kuwentong magulang at anak na nagkakalayo ang loob dahil nasa ibang bansa ang magulang. Ngunit, hindi naman dapat malayo ang loob ng mga anak sa mga magulang kahit nasa parehong sitwasyon. May mga paraan upang sa halip ay mapalapit sila sa isa’t-isa. Narito ang ilan sa kanila: Tumawag nang madalas sa Pilipinas. Marami nang free calls, sa pamamagitan ng apps, na maaaring gamitin upang madalas makausap ang mga anak sa Pinas. Gamitin ang pagkakataong ito upang kamustahin ang kanilang pag-aaral at iba pang aspeto ng kanilang buhay.

Sulitin ang bakasyon kasama ang mga anak. Kahit minsan lang ay dapat magbakasyon kasama ang mga anak upang mabuo ang bond sa pagitan ng magulang at anak. Gamitin ang pagkakataong ito upang makabuo ng magagandang memories na babaunin ng mga anak habang malayo pa ang kanilang magulang.

Hindi dapat maging hadlang ang distansya upang malayo ang loob ng mga anak sa kanilang magulang.

Mga pangunahing sakripisyo ng mga OFWs HINDI LAHAT NG MGA TAO ay kayang mawalay sa kanilang mga mahal sa buhay, ngunit marami talagang nag-aasam ng maginhawang buhay. Kung ikaw ay bago sa Japan, naririto ang ilang mga sakripisyong kailangan mong paghandaan:

matutulog ka na nasa malayong bansa habang ‘di natatanaw ang mga mahahalagang tao sa kanilang buhay.

Matulog at gumising na wala sa tabi ang mga mahal sa buhay. Gigising at

Kung kinaya ng iba ang mga sakripisyong ito, siguradong kaya mo rin.

Pagdiriwang ng mahahalagang okasyon na malayo sa pamilya. Higit na mahirap para sa mga OFWs ang magdiwang ng Pasko, Bagong Taon, kaarawan at iba pang mahahalagang okasyon habang malayo sa kanilang pamilya.

Hindi nasusubaybayan ang paglaki ng mga anak. Napakalaking sakripisyo para sa mga OFWs na magulang na hindi masubaybayan ang pag-aaral ng mga anak. Wala sila upang dumalo ng graduation at iba pang mahahalagang events sa buhay ng kanilang anak.


JUNE 2017

18

18

ANUNSYO

Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

TAWAG NA SA 090-6025-6962


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JUNE 2017

19

BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY SPORTS

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

19

Pilipinas, nananatiling kampeyeon sa SEABA

NASUNGKIT NG GILAS ang ika-walong SEABA Men's Championship title nito. Ito'y matapos talunin ang Indonesia sa Championship games sa iskor na 97-64 sa Smart Araneta Coliseum nitong Mayo 18. Sa unang quarter pa lang, nakapagtala na ng 20-point lead ang Gilas. Sa pamamagitan ng panalong ito, secure na ang spot ng Pilipinas sa FIBA Asia Cup at

Romanian climber, matagumpay na umakyat sa Everest

TAGUMPAY ang pag-akyat ni Romanian climber Horia Colibasanu sa Mount Everest nitong Mayo 17. Inakyat ni Colibasanu ang bundok na walang bottled oxygen o tulong ng Sherpa team.

Kaya naman, malugod na binati siya ni Romanian Prime Minister Sorin Gindeanu. Samantala, nasa magandang kondisyon umano si Colibasanu. Si Colibasanu, 40, ay isang dentista na nakatira sa Timisoara, Western Romania. Nagsimula ang kanyang pagakyat sa mga bundok sa edad na 21.

FIBA World Cup Qualifiers, ayon sa pna.gov. ph.

Pilipinas, napiling mag-host ng 7th Asian Golf Tourism Convention sa 2018

PANIBAGONG TAGUMPAY na naman ang nakamit ng Pilipinas. Ito'y matapos nitong manalo sa bid para mag-host ng 7th Asian Golf Tourism Convention sa Abril sa susunod na taon. Inanunsiyo ito ng Department of Tourism at ng Tourism Promotions Board, ang marketing arm ng departamento, kamakailan. Inanunsiyo ang panalo noong Mayo 7 to 10 sa 6th AGTC na isinagawa sa Da Nang, Vietnam. Nakatakdang isagawa ang 7th AGTC sa darating na Abril 22 hanggang 25, 2018. "The Philippines won because of many golf courses and tourist destinations it has to offer," ika ni DOT Assistant Secretary Frederic Alegre, base sa ulat ng Philippine News Agency.

Phl Gymnast team, bigo sa 7th Asian Seniors Artistic Gymnastics Championships

HINDI PINALAD ang pambato ng Pilipinas sa katatapos lang na 7th Asian Seniors Artistic Gymnastics Championships. Ito'y isinagawa sa Nimi butr Gymnasium sa Bangkok, Thailand. Dahil dito, hindi na makakasama ang Pilipinas sa Southeast Asian Games na isasagawa sa Bangkok, Thailand sa darating na Agosto. Kakailanganin pa umano ng matinding ensayo ang team para makapagtala ng bagong record, ayon sa national coach na si Jasmin Ortega, kagaya ng ginawa ng Pilipinas noong SEA Games sa Singapore.

Sparring sessions ni PacMan, sinimulan na

BILANG BAHAGI NG PAGHAHANDA ni Filipino boxing champ Manny Pacquiao sa laban nila sa Hulyo ni Jeff Horn sa Australia, sinimulan na nito ang sparring sessions nitong Mayo 20. Sa Elorde Gym sa Pasay city ang napiling pinagdausan ng unang sparring session ni Manny. Makakalaban nito ang sinasabing kahalintulad ni Horn na si welterweight Sonny Katiandagho mula sa Cebu. Sa ngayon, may 11 panalo at may dalawang talo ang Cebuano boxer.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

JUNE 2017

20

20

HOROSCOPE

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

GEMINI May. 22 - Hun. 21 Kailangan mong muling paigtingin ang iyong relasyon lalo na kung hindi ka na masaya sa iyong partner. Kung single ka pa, ito na ang panahon na meron kang makikilala. Good news din dahil hindi mo kailangang magpagod nang sobra para matupad ang mga goals mo ngayong buwan. Power numbers: 3, 6, 9. Lucky colors: crimson at yellow.

CANCER Hun. 22 - Hul. 22 Hindi mo priority ang lovelife ngayon. Bagkus, mas binibigyang-pansin ang iyong career at iba pang leisure activities. Huwag mo lang kalimutan ang iyong mga plano at goals sa buhay. Mas magiging pabor ang buwang ito para sa’yo at hindi ka gaanong mai-stress. Power numbers: 1, 4, 7. Lucky colors: silver at magenta.

LEO Hul. 23 - Ago. 22 Mas lalong tatatag ang iyong relasyon sa iyong partner ngayong buwan. Kung single ka naman, ito na ang panahon para makakilala ka ng taong magiging seryoso sa’yo. Mag-ingat lamang dahil baka magulat ka sa mga pangyayaring may kaugnayan sa iyong buhay-pinansyal. Huwag magpadalusdalos sa pagdedesisyon. Power numbers: 3, 8, 9. Lucky colors: orange, purple, at gold.

VIRGO Ago. 23 - Set. 23 Ito ang buwan kung kailan gagawin mo ang lahat para lalo pang painitin ang iyong relasyon kasama ang iyong partner. Magiging maganda rin ang takbo ng lahat ng bagay para sayo. Ang pagpapakita ng iyong kakayahan sa trabaho ang magbibigay ng pabor sa iyo sa iyong boss. Power numbers: 3, 5, 6. Lucky colors: parrot green at violet.

LIBRA Set. 24 - Okt. 23 Panahon na para mag-concentrate ka sa iyong lovelife. Huwag mahiyang magbigay ng iyong opinyon para maunawaan ka ng mga tao sa iyong paligid. Magiging mas maayos at mabilis ang iyong pagpaplano ngayong buwan. Power numbers: 6, 7, 9. Lucky colors: cream at yellow. SCORPIO Okt.24 - Nob. 22 Hindi ito ang panahon para sa iyong lovelife. Pero ito ang panahon para bigyang-pansin mo ang iyong mga hobbies at hilig para tulungan kang maging masaya. Bukod doon, meron ding naghihintay na bagong proyekto sa’yo na maglalabas ng natural mong creativity. Power numbers: 2, 8, 15. Lucky colors: crimson, navy blue, at red.

SAGITTARIUS Nob. 23 - Dis. 21 Magiging daring at adventurous ka ngayong buwan para sayo sa iyong lovelife. Iwasang maging urong-sulong sa iyong mga desisyon. Maganda rin ang takbo ng iyong buhay-pinansiyal sa ngayon. Power numbers: 5, 7, 8. Lucky colors: purple at violet. CAPRICORN

Dis. 22 - Ene. 19 Kung single ka, ito ang panahon kung kailan handa ka nang makipag-relasyon. Kung may partner ka naman, dapat mong bigyang-pansin ang iyong mga kaibigan. Power numbers: 2, 7, 10. Lucky colors: rosy brown at gray.

AQUARIUS

Ene. 20 - Feb. 19

Magiging maganda ang takbo ng buong buwan para sa iyo. Ito ang panahon para ibigay ang lahat ng meron ka. Ito rin ang panahon kung kailan mas magiging lutang ang confidence mo sa pagabot ng iyong mga pangarap. Power numbers: 1, 3, 22. Lucky colors: turquoise at sky blue.

PISCES Peb. 20 - Mar. 20 Nagiging hadlang ang iyong mga problema sa pera at responsibilidad para mabigyang tuon mo ang iyong love life. Gayunpaman, maayos naman ang iyong pamilya at maayos din ang iyong career. Bukod pa rito, ito rin ang buwan para makahanap ka ng bagong pag-ibig o bagong trabaho. Power numbers: 2, 6, 11. Lucky colors: orange at sea green.

ARIES Mar. 21 - Abr. 20 Magiging maganda ang iyong buhay pag-ibig ngayong buwan. Ito na ang panahon na makakakita ka ng kasiyahan dahil matatapos na rin ang iyong problema sa pera. Panahon na para isakatuparan ang mga bagay na matagal nang nakaplano sa iyong buhay. Power numbers: 1, 8, 10. Lucky colors: beige at red.

TAURUS Abr. 21 - May. 21 Kung meron kang karelasyon, nagiging sagabal minsan ang iyong mga responsibilidad at hilig gawin upang magkaroon ng quality time kasama ang iyong partner. Magiging maganda ang takbo ng buwang ito para sa’yong career dahil na rin sa iyong talento. Power numbers: 2, 6, 15. Lucky colors: red at green.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JUNE 2017

BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ

Impormasyon ng Pilipino

21

Impormasyon ng Pilipino

Angel Locsin at producer Neil Arce, nagkakamabutihan umano

TALK OF THE TOWN ngayon ang di-umano’y budding romance sa pagitan ng aktres na si Angel Locsin at TV/film producer na si Neil Arce. Namataan ang dalawa na magkasama sa Hong Kong kamakailan lamang kasama ang mga piling kaibigan. Dumalo rin si Arce sa 32nd birthday party ni Locsin sa Pasig City noong April 23. Marami ang nakapansin na madalas magkatabi ang dalawa lalo na nang mag-blow ng candle si

Angel. May mga naintriga rin sa makahulugang pahayag ni Angel sa video footage ng kanyang party. “So, this is the feeling of being surprised. Thank you to everyone who came & to those behind this beautiful surprise,” pahayag ni Angel. Hindi naman nagpahuli si Arce at nagbigay rin ng mensahe para sa birthday girl. “Happy birthday Gel! Amazing what 7 years of friendship has done to us! Excited to see what’s next :)” Ex-girlfriend ni Arce ang aktres na si Bela Padilla.

Billy at Coleen, nagprenup shoot umano sa Ethiopia

MARAMI ANG NAGTATANONG kung prenup shoot nga ba ang ginawang photoshoot sa Ethiopia ng magkasintahang sina Billy Crawford at Coleen Garcia. Ngunit piniling hindi sagutin nang direkta ni Billy Crawford ang katanungan ng press at sa halip ay sinabi na lang niyang malalaman rin ng kanilang fans kung para saan ang Ethiopia photoshoot. Marami nang bansang nalibot ang dalawa kung saan ibinabahagi nila sa kanilang social media accounts ang mga photos ng kanilang bakasyon, ngunit ang mga photos na lumabas mula sa kanilang bakasyon sa Ethiopia ay

sadyang gumawa ng ingay. Ilang buwan pa lang ang nakakaraan nang magpropose si Billy kay Coleen na siya namang malugod na tinanggap ng dalaga. Nagkakilala at nagkamabutihan ang dalawa nang magkasama sila sa “It’s Showtime.” Itinakda ang kasal ng dalawa ngayong taon.

13-year-old na Pilipina, kasama sa Fast & Furios 8

ISANG MALAKING ACHIEVEMENT ang natamo ng 13-year-old Fil-Am actress na si Eden Estrella nang mapasama siya sa box office film na “Fast & Furious 8.” Sa nasabing pelikula, gumanap si Estrella bilang si “Sam,” anak ni Dwayne “The Rock” Johnson. Kahit unang pelikula lang niya ito ay napahanga pa rin niya ang casting directors sa kanyang ginawang auditions. Ibinahagi ng batang aktres na malaki ang naging kontribusyon ng kanyang Pilipinang ina upang lumakas ang kanyang loob. “My mom was giving me advice to be confident and just go for it, and so I just introduced myself as the character and then two days later I found out that I actually got it,” pahayag ni Estrella.

Unang ipinakilala si Estrella sa Furious 7 at malugod naman siyang tinanggap ni Johnson. Ipinagmalaki pa ng aktor na ang pagsasayaw ng Haka, isang traditional warrior dance, kasama si Estrella, ang isa sa mga dapat abangan na eksena sa pelikula. Mapapanood din si Estrella sa upcoming web series “Lifeline” ng Johnson production.

Pia Wurtzbach, nag- host ng binibining Pilipinas 2017

BAGO ANG CORONATION night ng pinakaprestihiyosong beauty pageant sa bansa, ang Binibining Pilipinas 2017, inanunsiyo na tatayong host ng Binibining Pilipinas 2017 si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. Ang balita ay kinumpirma mismo ng manager ni Wurtzbach na si Jonas Antonio Gaffud. Sa pagbalik niya mula sa kanyang Miss Universe reign, ipinahayag niya ang kanyang interes na bumalik sa pag-aartista. Idinagdag din niya na nais niyang ibahagi ang kanyang nalalaman sa beauty pageant. Matatandaang dumaan ang tatlong Binibining Pilipinas pageants bago nasungkit ni Wurtzbach ang korona na nagbigay sa kanya ng Miss Universe crown noong 2015. Nagpasiklaban ang 40 mga kandidata sa Smart Araneta noong Abril 30.

Miss World Megan Young, tuloy ang audition sa Hollywood

ISA NA NAMANG LANDAS ang tatahakin ni dating Miss World Megan Young nang pinili niyang mag-audition sa Hollywood. Ngunit para sa kanya ay hindi advantage ang Miss World crown niya kapag nag-audition na siya sa Hollywood. “I don’t think it will be an advantage. At the end of the day, titingnan pa rin nila sa profile mo kung sino iyong babagay sa character. I think, it’s better na matanggap on the merit of your acting and not because you’re a beauty title holder, although in some instances, it helps,” pahayag ni Young. Idinagdad ng 27-year-old actressturned-beauty queen na pagdating sa Hollywood audition ay back to zero siya at handa siyang tanggapin kung saan man siya dadalhin ng desisyon niya na ito. Para sa kauna-unahang Filipina Miss World, ang pinakamahalaga ay nasubukan niya ito. Sa Hulyo lilipad patungong Amerika si Young.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

JUNE 2017

22

22

BALITANG SHOWBIZ

Angelina Jolie, kasama ang anak sa pagdiriwang sa Mother's Day

KAIBA SA MGA NAKARAANG selebrasyon ng Mother's Day, tanging ang anak ang kasa-kasama ng aktres na magdiwang ng nasabing okasyon. Nakita ng mga fans ng aktres ang pagkain nila ng dinner sa Hollywood ng kanyang 13-anyos na anak na si Pax. Ito ang unang pagkakataong ipagdiwang ni Jolie ang Mother's Day mula nang opisyal silang maghiwalay ng aktor na si Brad Pitt. Ika tuloy ng marami, tila naka-moveon na nga ang aktres sa nasabing kontrobersiyal na hiwalayan.

Derek ramsey, maraming tinanggihang proyekto para makapaghanda sa World Championships of Beach Ultimate sa France

MARAMING PROJECTS ang ‘di tinanggap ng aktor na si Derek Ramsay upang makapagsanay sa darating na World Championships of Beach Ultimate (WCBU). Kabilang si Ramsay sa mga magigiting na miyembro ng Boracay Dragons Frisbee team na siyang kakatawan sa Pilipinas sa prestihiyosong kumpetisyon na isasagawa sa Plage de la Grande Conche sa Royan, France sa darating na Hunyo 18 hanggang 24. Nais masungkit ng Philippine team ang gold medal upang lampasan ang second place finish nila sa open division noong 2011 sa Italy kung saan tinalo nila ang team USA. Tinaguriang “Beach Kings of Asia,” ang Boracay Dragons ay binubuo ng 60 miyembro na pawang mga nagtatrabaho sa mga resorts sa Boracay. Bago pa man pumasok sa showbiz si Ramsay ay kilala na siya bilang aktibong Frisbee player.

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Bagong episodes ng Star Wars at Indiana Jones, ipapalabas na sa 2019 at 2020 MAGANDANG BALITA para sa mga tagahanga ng sikat na Star Wars sequel. Mapapanood na ang episode 9 nito sa 2019, ayon mismo sa producer ng successful trilogy. Inanunsyo ang balita sa mismong Twitter account ng kumpanya. Itinakda sa Mayo 24, 2019 ang opening day ng pangatlong installment ng Star Wars trilogy na ididirek ni director Colin Trevorrow. Inanunsyo rin na ipapalabas na ang ikalimang chapter ng the Indiana Jones series sa Hulyo 10, 2020 sa ilalim ng direksyon ni Steven Spielberg, kung saan si Harrison Ford ang tatayong lead actor.

Coldplay, sumakay ng jeepney patungo sa kanilang concert NAGING USAP-USAPAN ang pagdating ng sikat na bandang Coldplay sa Pilipinas. Dinumog ang kanilang concert ng libu-libo nilang mga tagahanga. Bukod sa kanilang soldout concert ay napag-usapan din ang pagsakay sa jeepney ng mga miyembro ng banda patungo sa kanilang “A Head Full of Dreams” concert sa Mall of Asia Concert Grounds kamakailan lamang. Nasorpresa ang mga concertgoers nang makita nila

ang frontman ng Coldplay na si Chris Martin, kasama pa ang ibang miyembro ng sikat na banda na nakasakay sa pambansang sasakyan ng mga Pilipino. Ang pagsakay ng jeepney ay isang hakbang ng banda upang mapalapit pa sa kulturang Pilipino.

Kabilang sa mga hit songs ng Coldplay ay ang The Scientist, Fix You, Yellow at Viva La Vida.

Richard Gutierrez, sinampahan ng kaso ng P38.57 million tax evasion case ng BIR

NASASANGKOT SA KASALUKUYAN ang aktor na si Richard Gutierrez sa P38.57 million tax evasion case na isinampa sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kamakailan lamang. Sa isang pahayag, habang sinusulat ang balitang ito, sinabi ng abogado ni Gutierrez na hindi pa natatanggap ng kanyang kliyente ang dokumento kaya hindi pa sila makapagbibigay ng official statement. Sinigurado nilang sa oras na matanggap at mabasa nila ang nasabing dokumento ay magbibigay sila ng kaukulang pahayag. Intense naman ang ina ng aktor na si Annabelle Rama nang malaman ang kasong isinampa sa kanyang anak. Sinabi niyang ginigipit lamang sila ng ahensya. Idinagdag ni Rama na maraming tax evaders na mas malalaki pa ang utang sa gobyerno na ‘di hinahabol ng BIR. Todo suporta naman si Sarah Lahbati sa

kinakaharap ng kanyang partner. Naniniwala siyang maaayos rin ang gusot na ito, ngunit inamin niyang ‘di niya maiwasang mag-alala para kay Gutierrez.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JUNE 2017

23

BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Rachel Peters, kinoronahan bilang Binibining PilipinasUniverse 2017

Lotlot de leon, may espesyal na mensahe para kay Ate Guy

Encantadia, nagtapos na

MATAPOS ANG ISANG TAONG pamamayagpag sa ere ng Encantadia, opisyal nang nagtapos ang isa sa mga top rating shows ng GMA Network nitong Mayo 19. Bago ang pagtatapos ng nasabing fantaserye sa Siyete, todo bonding umano ang mga cast nito. Ilan lamang sa mga cast ng serye ay sina Ruru Madrid, Gabb Garcia, Mikee Quintos, Klea Pineda, Arra San Agustin, Inah de Belen, Kate Valdez, Buboy Villar, at marami pang iba. Samantala, marami namang fans ang nagre-request ng pagkakaroon ng Book 2 ng nasabing serye.

INIUWI NG PAMBATO ng Camarines Sur na si Rachel Peters ang titulong Binibining Pilipinas-Universe 2017 kamakailan. Ibig sabihin nito, siya na ang pambato ng Pilipinas sa darating na 2017 Miss Universe Pageant. Tinalo ni Peters, isang 25-year old Filipina-British beauty, ang 39 na iba pang mga kandidata sa nasabing timpalak. “I believe that one of the problems that our country face today is divisiveness in politics, in religion, and also in culture. And I believe that is something that is the same across the world. And so that is something that I want to address. I believe that when people can learn to tolerate each other’s differences and respect each other’s opinions, then we will just be a stonger nation and world,” ang sagot ni Peters sa Question and Answer portion. Tinanong siya kung ano ang magiging mensahe niya sa mga ASEAN leaders kung isa siya sa mga speakers sa ASEAN Summit. Graduate si Peters ng Bachelor of Business major in Tourism and Events sa La Trobe University sa Australia. ESPESYAL ANG NAGING post kamakailan sa Instagram ni Lotlot de Leon para sa pagdiriwang ng Mother's Day. Ipinost kasi ng aktres ang old photo nila ni Nora Aunor, kung saan makikitang nasa lap siya ni Ate Guy habang tinitingnan si Ate Guy na minemake-upan. Malaman din ang caption ng larawan na: "Forever grateful... I will always love you!" Kaya naman, hula ng maraming netizens, mukhang okay ang relasyon ng mag-inang showbiz personalities.

23

Tweet ni Idol

S

a edisyong ito ng Tweet ni Idol, apat na local celebs ang susundan natin: sina Karla Estrada, Vice Ganda, Julia Barretto, at Kylie Padilla.

Tara!

Kylie Padilla@kylienicolepadilla "Such a happy day today thank you for making it so fun. I've been dragging you everywhere in prep for our baby and you're doing everything to make things easier and funner. always making me laugh. that's more priceless than anything. #happymothersday"

Karla Estrada @karlaestrada1121 "Congrats sa ating Blockbuster King and Queen!!! Deserve na deserve ninyong dalawa ang lahat ng gantimpala at papuri, sapagkat kayo may mga ginintuang puso. Mabuhay kayo Daniel Padilla at Kathryn Bernardo!!"

Vice Ganda @praybeytbenjamin "Ang pangdiinan kong aura last night when i received the Phenomenal Box Office Star Award."

Julia Barretto @juliabarretto "I'm glad to have shared this moment with you (Joshua)."

Alden at Vice, nagsama sa isang showbiz gathering

Daniel matsunaga, na-develope na nga ba kay Arci Munoz?

USAP-USAPANG ngayon ang kakaibang sweetness nina Daniel Matsunaga at Arci Muñoz sa show nila sa ABS-CBN na "I Can Do That." Tanong tuloy ng marami: On-screen sweetness lang ba ito ng dalawa o totohanan na? Pwes, malalaman natin ang sagot kapag natapos na sa Hunyo ang nasabing show. Samantala, ayon kay Daniel, base sa ulat ng pahayagang Bulgar, hindi na raw umano nagkita pang muli si Daniel at ex na si Erich Gonzales after ng show nila sa ibang bansa. Wala na rin daw communication ang dalawa. Kung sakali naman daw mag-krus ang landas nilang dalawa, babatiin pa rin naman daw niya ito.

MEMORABLE ANG 48TH Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards na isinagawa sa Ateneo de Manila University sa Quezon City. Marami kasing big stars ang dumalo sa nasabing event -- kabilang na sina Alden Richards at Vice Ganda na may selfie picture pa. "Ay gwapo Sh*t," ika ng caption ng post ni Vice. Hindi naging dahilan ang pagiging magkatapat ng shows nila sa tanghali upang magisnaban ang dalawa. Tinanggap ni Vice ang Box Office Star Award parasa pelikulang "The Super Parental Guardians." Samantala, itinanghal namang Price of Philippine Movies at Male Recording Artist of the Year ang Pambansang Bae.


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.