January 2013 Issue of Daloy Kayumanggi

Page 1

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Inspiring Global Filipinos in Japan

〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com

D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

Vol.2 Issue 19 January 2013

www.daloykayumanggi.com

LIFE / TRAVEL YOI OTOSHI WO!

15

SHOWBIZ Pinas Galit kay Bieber

21

SPORTS

PACMAN, KAYA PA!

20

EKONOMIYA NG PILIPINAS LUMALAGO Sundan sa Pahina 7

HAPPY NEW YEAR! Magkasabay na sinalubong ng mga Pinoy at Hapon ang pagdiriwang ng bagong taon sa isang magarbong fireworks sa Manila at pagbisita sa shrines sa Tokyo. kuha nina Arianne Dumayas at Michael Mariano (Photographer / Multimedia Designer)

Opportunity sa Free Trade Agreement:

Negosyanteng Pilipino Hinikayat Mag-Export

D

apat samantalahin ng mga lokal na negosyante at mangangalakal ang mga bukas na oportunidad sa mga umiiral na Free Trade Agreements (FTA) sa Pilipinas at sa mga bansang kasosyo nito. Ayon kay Trade and Industry Undersecretary for Regional Operations Merly Cruz, malaki ang pagkakataon para mapalawak ang merkado dahil basta nag-export ang isang Pilipinong negosyante sa mga bansang may FTA ang Pilipinas, unlimited export at walang buwis dahil zero tariff. Matatandaan na sari-saring FTA ang pinasok ng Pilipinas upang mapalakas ang kita ng mga lokal na negosyo at industriya. Pinakamalaki rito ang CAFTA o ang China-ASEAN (Association of South East Asian Nations) Free Trade Agreement na nagsimulang umiral noong 2010. Kasabay din nito ang Australia-ASEAN FTA, New Zealand-ASEAN FTA, India-ASEAN FTA, South Korea-ASEAN FTA at Japan-ASEAN FTA. Bukod sa pag-aangkat ng Japan ng mga duty-free na produkto mula sa Pilipinas, nakasaad rin sa JapanPhilippine Economic Partnership Agreement (JPEPA) ang pagbubukas ng pinto para sa mga Pilipinong nars at caregivers na nais magtrabaho sa Japan.

"For I Know the plans I have for you," says the LORD. "They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope. -- Jeremiah 29:11

Chinese Investment Dadagsa sa PHL

H

indi maaantala ng usaping pangteritoryo ng West Philippine Sea sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ang mga nakatakdang pagdagsa ng mga mamumuhunang Tsino sa bansa. Ito ang tiniyak ni Chinese Ambassador sa Pilipinas na si Ma Keqing nang bumisita siya sa Confucius Institute na nakabase sa Bulacan State University. Ang deklarasyon ay naunang sinabi ni Pangulong Aquino matapos sa pagpupulong sa Asia-Pacific Economic Summit.

Sundan sa Pahina 7


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.