Daloy Kayumanggi March 2017

Page 1

Inspiring Global Filipinos in Japan

〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.net

D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

Vol.5 Issue 61 March 2017

www.daloykayumanggi.com

02

BALITANG LOCAL Gowns na gawa ng Pinoy designers, dadalhin sa Germany

08

14

TIPS

19

TAMPOK

Paano maiiwasan ang sakit sa puso?

21

SPORTS

7 Reasons why you should visit Puerto Princesa City

BALITANG SHOWBIZ

Laban nina Mayweather at McGregor, pinaplano na

Miss Bulgaria, ibinigay ang kanyang gown sa isang Pilipina

Gown na gawa ng Filipino designer Monique Lhuillier, napansin sa Golden Globe Awards Nasa spotlight na naman ang galing ng Pinoy sa nakaraang Golden Globe Awards sa Hollywood. Napansin ang gown na suot ng kilalang aktres na si Drew Barrymore at BBC fashion presenter na si Louise Roe na gawa ng sikat na Filipino designer na si Monique Lhuillier. Sa tweet ng The Golden Globes, hinahangaan ng organisasyon ang gown na suot ni Barrymore. sundan sa Pahina 4

Pagdaraos ng Miss Universe 2016 sa Pilipinas maituturing na tagumpay

Matapos bisitahin ang Pilipinas upang mag-shoot ng ilang episodes para sa kanyang T.V. show, sinabi ng kilalang chef na si Anthony Bourdain

sundan sa Pahina 4

KONGRESO, APRUBADO NA ANG BATAS NA MAGPAPALAWIG SA PASSPORT VALIDITY APRUBADO NA NITONG PEBRERO 13 NG HOUSE OF REPRESENTATIVES ANG BATAS NA MAGPAPAHABA SA VALIDITY NG PHILIPPINE PASSPORT, MULA LIMA HANGGANG 10 TAON.

Ipinasa ang nasabing batas sa ikatlo at huling reading. Ayon sa Philippine News Agency, nakakuha ang House Bill No. 4767 ng 216 ang affirmative votes, zero ang negative votes, at zero abstention. sundan sa Pahina 5

KA-DALOY OF THE MONTH Cab Driver sa Baguio, nakatanggap ng reward dahil sa katapatan Sinasabing kung nagtanim ka ng kabutihan sa iyong kapwa, mayroon ding mabuting balik sa iyo. Ito ang nangyari kay Reggie Cabututan, isang cab driver sa Baguio, nang isinauli niya ang bag ng kaniyang Australian passenger na naglalaman ng isang milyong piso, gadgets, at iba pang importanteng dokumento. sundan sa Pahina 7

BALITANG GLOBAL

Fil-Am, itinalagang Assistant Press Secretary ni Trump sundan sa Pahina 3

Matagumpay na naidaos na Miss Universe 2016 sa Pilipinas. Maraming mga pagbabago ang natunghayan ng mga manunood sa iba’t ibang parte ng mundo, ngunit ang pinakamagandang pagbabago ay ang pagpapakilala at pag-welcome sa iba’t ibang kahulugan ng kagandahan. Tapos na ang mga panahon kung saan ang kahulugan ng beauty queen ay nakasentro lamang sa balingkinitan na katawan at maputing kutis. Sa katatapos lang na Miss Universe pageant, pinatunayan ng mga kandidata na maaaring maging beauty queen ang kahit na sinong babae, ano man ang kanilang kutis at hubog. sundan sa Pahina 21


Daloy Kayumanggi

MARCH 2017

2

BALITANG LOCAL

Impormasyon ng Pilipino

Gowns na gawa ng Pinoy designers, dadalhin sa Germany WORLD-CLASS TALAGA ang galing ng mga Pinoy designers. Matatandaang mga Pilipino ang nag-disenyo ng mga gowns na isinuot ng Ms. Universe candidates sa isang fashion show sa Davao. Ngayon, pinaplano nang dalhin ang mga gawangPinoy na ito sa isang nangungunang travel trade show sa Germany, na

Malls sa Iloilo, gumagamit na rin ng Solar Energy

UPANG MAKATULONG SA KAMPANYA ng Iloilo na pababain ang konsumo ng kuryente, marami nang establisyemento sa lungsod ang gumagamit na ng solar energy. Kabilang sa mga ito ay ang Robinson’s Place at Gaisano Mall. Sa kabila ng pagbaba ng konsumo ng kuryente mula P13.50 per kilowatt hour (kWh) noong 2010 hanggang P10.26 per (kWh) sa 2016, ayon sa ulat ng rappler.com, nananatiling ang Iloilo pa rin ang may pinakamagastos na electric consumption sa bansa. Ang itinuturong dahilan ay ang dumaraming economic activities sa bayan dahil kilala ang Iloilo bilang isa sa mga “fastest-growing business capital” sa Visayas. Bukas-loob itong tinanggap ng mga opisyal ng lungsod, sa pangu-nguna ni Mayor Jed Patrick Mabilog, ang mga nasabing hakbangin ng mga establisyemento. Ito ay magiging bahagi ng kanilang programa tungo sa mas makakalikasan na lungsod.

kilala rin na Internationale Tourismus Boerse (ITB) Berlin. Ito ay inanunsyo ni Tourism Secretary Wanda Teo sa isang press conference. Idinagdag ni Teo na lubos na nagustuhan ni Miss Universe Organization (MUO) President Paula Shugart ang naganap na fashion show sa Davao kaya nais niyang dalhin ito sa Germany. Pinangunahan ng sikat na designer na si Renee Salud ang fashion show, kasama ang sampu pang Mindanaoan designers. Ayon kay Teo, makatutulong ang fashion show na ito upang makilala ang galing ng Pinoy designers sa ibang bansa.

SM Aura, binigyan ng LEED Gold rating

BINIGYAN NG LEADERSHIP IN ENERGY AND ENVIRONMENTAL DESIGN (LEED) Gold rating ang SM Aura Premiere para sa kanilang environmental structural design. Ang upscale mall ang kauna-unahang nakatanggap ng pagkilalang ito sa buong bansa. Ang pagbibigay ng LEED Gold rating ay batay sa gross square feet na itinalaga ng U.S. Green Building Council (USGBC) na nagpapatupad ng practical at measurable green building solutions. Ipinaliwanag ni LEED Consultant Raymond Andrew Sih kung bakit ibinigay sa SM Aura ang naturang rating: “SM Aura Premier was built with the environment in mind. Almost a third of the cost of construction materials were locally sourced, over twenty percent of the cost of construction materials were from recycled materials, and over ninety-five percent of the construction waste was recycled.”

Indie Films, ipapalabas na sa mga SM Cinemas

SA MGA MASUSUGID NA TAGATANGKILIK ng independently-produced Filipino films, magandang balita ang naganap na kasunduan sa pagitan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at SM Lifestyle Entertainment Inc. (SMLEI). Pumirma ang dalawang partido ng three-year partnership pact upang maipakilala pa sa mga manunood ang Indie films. Ito ay matapos maging matagumpay ang Manila Film Festival (MMFF) noong nakaraang Disyembre. Nakasulat sa kasunduan na magtatalaga ng walong sinehan sa buong bansa na magpapalabas ng Indie films. Ang mga branches na makikiisa ay ang mga sumusunod: SM Megamall, SM North EDSA, SM Fairview, SM Iloilo, SM Cebu, SM Bacoor, at SM Mall of Asia. Ayon kay FDCP Chairman at CEO Liza Dino-Seguerra, kailangang suportahan ang mga Indie filmmakers sa pamamagitan ng pagbibigay ng marami pang exposure. “This partnership with SM will not only fulfill our continuous pursuit of developing the audience into watching a variety of films but it will also give the independent producers a platform to learn how to market, to promote, and to distribute their films to [a] wider audience.” Ang mga sinehang nabanggit ay magsisimulang magpalabas ng Indie films sa unang bahagi ng 2017.

Idinagdag niya na bukod sa makakalikasan nitong katangian, nagbibigay rin ng good indoor air quality ang mall para sa mga taong pumupunta rito. Ang mall ay nakatayo rin sa isang lokasyon kung saan ang mga tao ay malayang makakapaglakad, makakapag-bisikleta patungo sa iba’t ibang establisyimento.

Theo & Phili artisan chocolates: Gawang Pinoy

ANG KILALANG TSOKOLATENG Theo & Philo artisan chocolates ay gawang Pinoy. Ang nagsimula ng negosyong ito ay mga Pilipino, ang mga sangkap nito ay galing sa mga magsasakang Pilipino, at ang factory na gumagawa nito ay binubuo rin ng mga manggagawang Pinoy. Ang mga sangkap na ginagamit sa paggawa ng Theo & Philo artisan chocolates ay ang cacao na galing sa Davao, at ang asukal naman ay galing Bacolod. Matagal na nanirahan sa ibang bansa ang founder ng kumpanya na si Philo Chua, ngunit piniling umuwi sa Pilipinas upang itayo ang isang chocolate business. Ipinagmamalaki ni Chua na ang production ng kanilang chocolates ay mahigpit na binabantayan ng mga tao, at ‘di nila ito ipinauubaya sa mga makina lamang. Malayo na talaga ang narating ng Theo & Philo artisan chocolates simula nang maitayo ito noong 2010 dahil mabibili na ito sa mga kilalang supermarkets, cafes, at specialty stores. At noong 2016, nakapasok na rin ito sa Osaka, Japan market.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

MARCH 2017

BALITANG BALITANG GLOBAL GLOBAL PINOY PINOY

Impormasyon ng Pilipino

3

3

Chef Tatung, wagi sa Gourmand Cookbook Awards NAGWAGI SI CHEF MYKE TATUNG SARTHOU ng national award sa 2017 Gourmand World Cookbook Awards. Kinilala ang kanyang kauna-unahang cookbook, “Philippine Cookery: From Heart to Platter” bilang National Winner sa awards category ng TV Outside Europe/First Cookbook, ayon sa ulat ng goodnewspilipinas.com. Unang inanunsyo ni Chef Tatung ang karangalang natanggap sa isang Facebook post, kung saan i-pinost niya ang sinabi ng jury president Edouard Cointreau. “This is the first book, and certainly not the last. It is really good, interesting, useful and practical.” Mababasa rin sa website ng celebrity chef

Isang grupo sa Tacloban, gumawa ng emergency back-packs BUHAY NA BUHAY pa rin ang diwa ng bayanihan tatlong taon matapos manalanta ang Supertyphoon Yolanda sa Tacloban. Isang grupo sa Tacloban ang nagsimula nang gumawa ng floating backpacks na makatutulong sakaling may malakas na namang bagyong dumating. Ito ay ang Taclob, isang Tacloban-based social enterprise. Kamakailan lamang ay nakipagpartner sila sa YesPinoy, isang non-government organization na itinayo ng kilalang aktor na si Dingdong Dantes. Bukod sa emergency backpacks, gumagawa

ang kabuuang paglalarawan sa kanyang librong “Philippine Cookery”. Ito ang nilalaman: “takes readers on a historical journey of Philippine cuisine by exploring the local development of cooking methods. It not only aims to deepen the Filipino people’s understanding of their culinary heritage but also their cultural identity.”

rin sila ng emergency kits at educational materials na ipapamahagi sa mga estudyante sa public schools na nakatira sa flood-prone areas. Tinawag din itong “Go Bags Challenge: An Emergency Kit for Every Filipino.” Ang mga emergency bags ay gawa sa water-proof materials.

Pagkaing Pinoy, isa sa mga Food Trendsetter sa 2017 KINILALA NA NAMAN ANG PAGKAING PINOY sa “Official Megalisticle of All 2017 Food Trend Listicles” ng Eater magazine, kung saan nasa ika28 itong puwesto ito mula sa 81 na food trendsetters sa buong mundo. Kasama sa listahan ng Eater magazine, ayon sa ulat ng goodnewspilipinas.com, ang Filipino cuisine bilang isa sa mga food items na maaaring maging legitimate trendsetter sa 2017. Samantala, nasa trend list din ng Bloomberg at Food Network ang pagkaing Pinoy. “Asian cuisine to get excited about,” pahayag ng Bloomberg.

Ang Food Network Kitchen naman ay nag-publish ng sarili nitong Food Trends in 2017, kung saan inanyayahan nila ang mga foodies na tikman ang adobo, lumpia, longganisa, calamansi at kinilaw.

Pilipinas, mananatiling growth leader sa Asya

ANG PILIPINAS AY MANANATILING Asia’s growth leader sa mga darating pang panahon. Ito ay ayon sa mga nangungunang banking and finance institutions World Bank (WB), Hong Kong and Shanghai Banking Corp. (HSBC), at S&P Global Ratings sa magkakahiwalay nilang reports forecast. Ayon sa ulat ng Business World, inaasahang mauungusan ng Pilipinas ang China. Nakasaad sa report ng World Bank na magkakaroon ng pagtaas sa gross domestic product ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga sumusunod na statistics: 6.9%, 7.0% and 6.7% para 2017, 2018 at 2019.

Ayon naman sa HSBC, mananatili ang Pilipinas bilang nangungunang ekonomiya sa buong Asya. Ang report ay inilabas matapos ang Presidential elections noong 2016. Ayon naman sa pinakabagong Asia-Pacific Sovereign Rating Trends report ng S&P Global Ratings, magkakaroon ng growth rate ang Pilipinas, at mag-eexpand ang ekonomiya ng bansa ng higit sa 6% hanggang 2019.

Fil-Am, itinalagang assistant press secretary ni Trump

SI NINIO FETALVO, isang Filipino-American, ay itinalaga bilang assistant press secretary ni U.S. President Donald Trump. Ayon sa Asian Journal, ang imbitasyon na magtrabaho sa White House ay ipinahayag ni Press Secretary Sean Spicer matapos ang inagurasyon ni Trump. Makikita na rin sa LinkedIn profile ni Fetalvo ang bago niyang katungkulan sa White House, ayon sa ulat ng goodnewspilipinas.com. Bago ma-appoint si Fetalvo bilang assistant press secretary, tumayo muna siyang Deputy Director of Strategic Media para sa 58th Presidential Inaugural Committee. Hindi nakakagulat na napili ang 23-year-old Fil-Am professional dahil sa kaniyang mga kahangahangang credentials. Si Fetalvo ay naging Florida Communication Director for the Republican National Committee at napabilang din siya sa Asian Fortune’s 50 Young Asian American Stars in Politics noong 2016. Natapos rin niya ang Political Communication sa George Washington University dahil sa isang Presidential Academic Scholarship.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

MARCH 2017

4 4

BALITANG GLOBAL

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Mga Pilipino, binansagang "Most Giving People on the Planet" MATAPOS BISITAHIN ANG PILIPINAS upang mag-shoot ng ilang episodes para sa kanyang T.V. show, sinabi ng kilalang chef na si Anthony Bourdain ang mga katagang ito: “Filipinos are probably the most giving people on the planet.” Naranasan ni Bourdain ang pagiging generous at hospitable ng mga Pilipino sa kabila ng kahirapan. Isa pang inspirational speaker na si Tom Graham ang nakaranas ng magandang pakikitungo ng isang Gawad Kalinga community sa Bantayan Island. Nangyari ito ilang linggo lang matapos manalanta ang Super Typhoon Yolanda. Sa kabila ng trahedya, hindi nag-atubili ang isang pamilya sa komunidad na patuluyin siya. Ayon sa kanya, bukod sa pagpapatuloy sa kanya sa kanilang bahay, binigyan pa siya ng kamang mahihigaan habang sila’y nakahiga sa lapag. Naging malaki ang epekto ng karanasang ito kay Tom kaya hindi naglao’y sinulat niya ang librong “The Genius of the Poor: An Englishman’s Life-Changing Journey in the Philippines.”

Pagdaraos ng Miss Google at Interanational SOS, Universe 2016 sa palalawakin ang operasyon sa Pilipinas, nagtampok Pilipinas sa magagandang PLANO NG GOOGLE AT INTERNATIONAL SOS tanawin sa bansa na palalawakin pa nila ang kanilang operasyon

sa Pilipinas. Isa nang full-scale headquarters ang local sales office ng Google sa Taguig na una nilang itinayo apat na taon na ang nakararaan. Ang country manager ng Google na si Ken Lingan ang nag-anunsyo ng expansion sa isang press conference. “We recognize the massive growth opportunity in the Philippines particularly in the digital economy,” pahayag ni Lingan. Ang International SOS na isang medical and travel security risk services company ay nagpa-

BIDANG-BIDA ANG IBA’T IBANG MAGAGANDANG LUGAR SA PILIPINAS sa pagdaraos ng nakaraang Miss Universe 2016 sa Pilipinas. Ang isla ng Boracay na minsang pinangalanang “Best Island in the World” ay ang nagsilbing atraksyon sa photoshoot ng 86 na kandidata. Ang Vigan naman na kinilala bilang isa sa New 7 Wonders Cities ay ang nagsilbing host sa fashion show ng mga Miss Universe candidates habang suot ang Philippine ternos. Sa Cebu naman ginanap ang swimsuit presentation ng mga binibini. Nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga kandidata na pumitas ng strawberries, at makadalo sa flower festival sa Baguio, kung saan nakasama nila si Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach, Pinanuod ng bilyun-bilyong tao sa buong mundo ang Miss Universe pageant na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay. Nakatulong sa pagpapakilala ng mga magagandang lugar sa Pilipinas ang mga photos at videos na i-pinost ng mga kandidata sa social media. Umaasa ang gobyerno na magiging magandang simula ito upang mapalago muli ang turismo sa bansa.

Gown na gawa ng Filipino designer Monique Lhuillier, napansin sa Golden Globe Awards

NASA SPOTLIGHT NA NAMAN ang galing ng Pinoy sa nakaraang Golden Globe Awards sa Hollywood. Napansin ang gown na suot ng kilalang aktres na si Drew Barrymore at BBC fashion presenter na si Louise Roe na gawa ng sikat na Filipino designer na si Monique Lhuillier. Sa tweet ng The Golden Globes, hinahangaan ng organisasyon ang gown na suot ni Barrymore. “Drew Barrymore shines as she arrives on the Golden Globes Red Carpet as the popular actress wore a Monique Lhuillier silver and white sequined cape sleeve sheath gown,” ika nito. Pinuri rin ng stylist ni Barrymore ang gown ng aktres. “We were both drawn to what we saw as a vintage art deco quality in the gown, and the special detailing of the bare shoulder and pleated sleeve,” ika nito. Samantala, inilarawan naman ng Entertainment Weekly kung paano nag-shine ang sikat na personality sa red carpet: “turned heads on the red carpet when she wore a shimmering Monique Lhuillier gown. Her metallic number featured cold shoulders, a deep V-neck, and delicate embellishment.”

hayag din na dadagdagan ang mga empleyadong bibigyan nila ng trabaho. Kilala ang kumpanya sa kanilang vision na protektahan at isalba ang maraming buhay sa humigit-kumulang isang libong lokasyon sa 90 bansa. Kinumpirma ni International SOS managing director Laurent Sabourin ang plano nilang expansion sa bansa.

Leyte Dance Theater, nakakuha ng mataas na rating sa ABU dancefest

ISANG GRUPO NG MANANAYAW sa Leyte ang nagbigay ng panibagong karangalan sa bansa. Mataas ang rating na nakuha ng Leyte Dance Theater sa Asia-Pacific Broadcasting Union (ABU) International Dance Festival na ginanap sa India. Ang naturang grupo na nagmula sa Tacloban ang naging kinatawan ng Pilipinas sa kaunaunahang ABU dancefest. Isa sa mga nag-organisa ng festival ay si Prasar Bharati, isang Public Service Broadcaster sa India. Ang kanilang contemporary dance entry ay Sarimanok, habang Singkil naman ang kanilang ibinida sa traditional dance competition. Siyam na bansa ang nag-perform sa harap ng libu-libong live audience. Ipinahayag ni Jess de Paz, artistic director ng Leyte Dance Theater ang pagkagalak sa karangalang natanggap. “The dream to excel, to bring LDT’s art to the highest level, to make people happy and to fulfill God’s will! The accolades, the heartwarming feedbacks, the generous and pleasant support of ABU and CTC are answers to overcome the pressing realities of artistic pursuits.”


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

MARCH 2017

BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY LOCAL

Impormasyon ng Pilipino

5

5

Fama Francisco, kauna-unahang babae at Asian President ng Proctor & Gamble ANG FILIPINO BUSINESS LEADER na si Fama Francisco ay ang kauna-unahang babae at Asian na naging Presidente ng multinational company Procter & Gamble (P&G) na kumakatawan sa $4BN sales sa humigit-kumulang 115 na bansa. Una niyang inokupa ang posisyon noong 2015. Nagsimula siya bilang sales manager ng kumpanya pagkatapos niyang grumadweyt sa University of the Philippines noong 1989.

Ang iba pa niyang naging trabaho bago maging presidente ng Procter and Gamble ay bilang Vice President ng Global Feminine Care and North America Baby Care, na kinilala bilang “fastest-growing operation in North America region through mastery in innovation, brand equity leadership, and end-to- end productivity.” Nakatanggap rin si Francisco ng iba’t ibang pagkilala at parangal sa Pilipinas.

Kongreso, aprubado na ang DOH Secretary, tiniyak na healthy si President Digong batas na magpapalawig sa SINIGURO NI DOH SECRETARY “That’s the picture of our president’s passport validity DR. PAULYN UBIAL nitong Pebrero 13 na health. He is really very healthy. He has maganda ang kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The President is healthy, but he has problems with migraine, Buerger’s disease, which is a result of smoking. I’m telling reporteres that the President has health concerns, they are bothersome, but not critical,” ika ng DOH chief, base sa

ulat ng Philippine News Agency. Dagdag pa niya, bilib umano siya sa APRUBADO NA NITONG PEBRERO 13 stamina at pagiging alerto ng pangulo. Kang House of Representatives ang batas tunayan, kaya umano ni Pangulong Digong na magpapahaba sa validity ng Philippine ang apat hanggang anim na oras na cabinet meetings. passport, mula lima hanggang 10 taon. Ipinasa ang nasabing batas sa ikatlo at Napolcom, naglunsad ng huling reading. public assistance unit Ayon sa Philippine News Agency, nakakuha ang House Bill No. 4767 ng 216 ang affirmative votes, zero ang negative votes, at zero abstention. Inaamyendahan nito ang Section 10 ng Republic Act No. 8239 o ang Philippine Passport Law. Sa ilalim ng probisyong ito ng nasabing batas, ang validity ng passport ay limang taon lamang. Matatandaang sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, INILUNSAD KAMAKAILAN NG NATIONAL hinimok nito ang mga mambabatas na pa- POLICE COMMISSION (NAPOLCOM) ang public assistance unit (PAU). Ang PAU ay lawigin ang passport validity. nasa ilalim ng Inspection, Monitoring and Investigation Service (IMIS) na may layuning tumanggap at mag-respond ng mga tawag hinggil sa emergencies o ‘di naman kaya ay mga report hinggil sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP). Sa ulat ng Philippine News Agency, ang nasabing unit umano ay mag-o-operate nang 24 hours a day at seven days a week. Inilunsad ito ng Komisyon nitong Pebrero 3. “The PAU was created to monitor and investigate police anomalies/irregularities in line with the Commission’s thrust to attend more promptly and act expeditiously on all complaints emanating from all multimedia platforms,” ika ni Napolcom Vice Chairman and Executive Officer Rogelio Casurao. Iimbestigahan din umano ang mga report sa loob ng 24 oras.

good stamina and level of energy. We are really very supportive of his over-all health and ability to lead the country,” ika pa niya.

Filipino optimism ngayong 2017, mataas - SWS survey

BASE SA INILUNSAD NA SOCIAL WEATHER STATION (SWS) survey, mataas umano ang optimism ng karamihan sa mga Pilipino hinggil sa kalidad ng kanilang pamumuhay anim na buwan makalipas ng pagkakahalal ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang SWS 2016 Fourth Quarter ay idinaos nitong Disyembre 3 hanggang 6, 2016. Sa nasabing survey, 48 percent sa 1,500 na mga respondents ang naniniwala na mapapabuti ang kalidad ng kanilang pamumuha sa susunod na 12 buwan. Samantala, 3 percent naman ang naniniwalang mas mahirap ang kalidad ng kanilang buhay. Ayon din sa survey, 51 percent ng mga Pilipino ang naniniwala na lalago ang ekonomiya ng bansa ngayong 2017 kumpara sa 8 percent na nagsasabing mas babagsak ang ekonomiya. Samantala, 37 percent umano sa mga Pinoy ang nagsasabing bumuti ang kanilang pamumuhay sa huling 12 buwan kumpara sa 21 percent na nagsasabing mas humirap sila.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

MARCH 2017

6

6

EDITORIAL

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Daloy Kayumanggi

Inspiring Global Filipinos in Japan

D&K Company Ltd Jagger Aziz jaggeraziz@gmail.com Art Editor and Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@gmail.com 0906-511-8111 090-6025-6962 Sales and Marketing: Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists: Aries Lucea (arieslucia@daloykayumanggi.com) Avic Tatlonghari (avictatlonghari@yahoo.com) Melbert Tizon (mbtizon@gmail.com) Hoshi Laurence Gonzales (Hitokirihoshi@gmail.com) Irene tria (irene@heartshaper.asia) Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo Publisher: Editor:

The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.dk6868.net www.facebook.com/daloykayumanggi

editor`s note LOREEN DAVE CALPITO

Pagpapalawig sa passport validity, laking tulong sa mga Pilipino

K

amakailan ay ipinasa na ng House of Representatives, sa ikatlo at huling reading, ang House Bill No. 4767.

Ang batas na ito ay naglalayong amyendahan ang Section 10 ng Republic Act No. 8239 o ang tinatawag na Philippine Passport Law. Sa orihinal na batas, isinasaad na ang validity ng Philippine passports ay hanggang limang taon lamang. Sa HB No. 4767, magiging 10 taon na, sa halip na lima, ang validity ng passports. Kung matatandaan, hinimok ng bagong pangulo, si President Rodrigo Duterte, ang mga mambabatas sa kanyang kaunaunahang State of the Nation Address na palawigin ang passport validity. Marami ang natuwa sa nasabing balita. Ika ng karamihan, “Change has really arrived.” Isa nga ito sa mga magandang pagbabago sa ilalim ng bagong administrasyon – isang pagbabagong malaki ang epekto sa

maraming mga Pilipino saanmang sulok ng mundo. Kung tutuusin, napakalaking tulong nito sa mga OFW, dahil mababawasan ang kanilang mga gastusin, lalo na at mahal ang pagpoproseso ng renewal ng passports. Isa pa, laking abala rin para sa karamihang mga Pinoy ang napakahabang pila at ang matagal na appointment para maproseso ito.

Nawa ay mas marami pang mga “good news” ang mangyayari sa ilalim ng bagong administrasyon. Kapag nagkataon, ‘di hamak na mas makapagbibigay ng katiwasayan ang mga pagbabagong ito sa napakaraming mga Pilipino sa iba-ibang panig ng mundo.


Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MARCH 2017

BALITANG KA-DALOY GLOBAL OF THE PINOY MONTH

Impormasyon ng Pilipino

7

ka-daloy of the month LOREEN DAVE CALPITO | DAVECALPITO529@GMAIL.COM

Cab Driver sa Baguio, nakatanggap ng reward dahil sa katapatan

S

inasabing kung nagtanim ka ng kabutihan sa iyong kapwa, mayroon ding mabuting balik sa iyo. Ito ang nangyari kay Reggie Cabututan, isang cab driver sa Baguio, nang isinauli niya ang bag ng kaniyang Australian passenger na naglalaman ng isang milyong piso, gadgets, at iba pang importanteng dokumento. Nang mapansin ng Australyanong businessman na si Trent Shields na naiwan niya ang kaniyang bag sa taxi ay nagmamadali siyang pumunta sa police station para mag-

file ng police report. Ngunit laking gulat na lamang niya umano nang kusang isinauli ng driver ang kaniyang bag, ayon sa ulat ng ABS-CBN. Dahil sa kaniyang katapatan, i-pinost ni Ace Estrada II, business partner ni Shields, ang naturang kuwento sa Facebook na agad namang naging viral. Bilang sukli sa kabaitan ni Cabututan, binigyan nina Estrada at Shields si Cabututan ng 6-month Coding Boot Camp scholarship na nagkakahalaga ng P220k. Ang scholarship ay magbibigay-daan upang magkaroon ng internship ang tapat na driver sa isang Australian company, kung saan maaari siyang makatanggap ng suweldo na di bababa sa P1.7 million. Sa La Union nakatira si Cabututan kasama ang kaniyang asawa at apat na anak. Nagtatrabaho umano siya sa Baguio upang suportahan ang kaniyang pamilya, ayon sa ulat ng Good News Pilipinas.

Walang duda: si Reggie Cabututan ang ating Ka-Daloy of the Month.


Daloy Kayumanggi

MARCH 2017

8 8

TIPS

Impormasyon ng Pilipino

Paano mahusay na makiharap sa ibang tao?

HINDI LAHAT NG TAO AY BINIYAYAAN ng kagalingan sa pakikiharap sa iba. Pero, kinakailangan nating matutuhan kung paano makiharap at makipag-usap sa ibang tao, dahil magagamit natin ito sa pang araw-araw na pamumuhay, lalo na sa ating napiling propesyon. Ito ang mga paraan upang mapaunlad pa natin ang ating pakikisalamuha at pakikipag-usap sa ibang tao:

Paano ipepresenta ang sarili sa iba?

Mahalaga ang presentasyon ng ating sarili sa tuwing makikiharap tayo sa ibang tao, lalo na sa ating mga katrabaho. Dapat nating tandaan na ang pananamit nang maayos ay importante upang pagkatiwalaan tayo ng ating mga kasama sa trabaho o sa komunidad. Nakapagpapadagdag din ito ng kumpyansa sa ating sarili. Sundin ang mga sumusunod na tips: • Magsuot ng akmang kasuotan. Kung ikaw ay may meeting sa iyong boss at sa mahahalagang kliyente, nararapat lamang na magsuot ka ng pormal na kasuotan. Maaari kang makakuha ng ideya sa mga fashion magazine kung anong kasuotan ang nababagay sa iyong trabaho, edad, at personality. • Manood ng basic make-up

• Magtiwala sa sarili. Sabi nga nila, kung ‘di ka magtitiwala sa iyong sarili, hindi rin magtitiwala sa’yo ang ibang tao. • Tingnan sa mata ang kausap. Mahalagang ituon ang mga mata sa iyong kausap upang maiparating sa kanya na alam mo ang sinasabi mo at para maiparamdam mo ang iyong sinseridad. • Sanayin ang sarili sa pakikisalamuha. Kung dati’y nag-aalangan kang makisalamuha sa ibang tao, panahon na para sumali ka sa iba’t ibang organisasyon na makapagpapaunlad ng iyong kakayahang makiharap at makisalamuha sa ibang tao.

tutorials. Sa pamamagitan ng panonood ng mga makeup tutorials, siguradong matututo kang magmake-up sa iyong sarili. Piliin ang akmang shades of color na babagay sa iyong kutis. • Siguraduhing tama ang iyong postura. Importanteng alam mo ang tamang paraan ng pagtayo at pag-upo. I-praktis ang mga ehersisyo na makapagpapaunlad ng iyong postura at projection. • Sa pamamagitan ng mga nabanggit na pamamaraan, siguradong lilitaw ang iyong kagandahan at kahusayan sa pakikitungo sa ibang tao.

Sa pamamagitan ng mga nabanggit na mga paraan, mapapaunlad natin ang ating pakikiharap sa ibang tao.

Mga pamamaraan upang madagdagan ang ating kaalaman

MAPAPAUNLAD NATIN ang ating pakikitungo at pakikisalamuha sa ibang tao kung marami tayong kaalaman sa mga bagay-bagay. Kapag marami tayong alam, marami tayong maikukuwento at maibabahagi sa ating mga katrabaho o kapitbahay. Ito ang mga paraan upang madagdagan pa ang ating mga kaalaman sa iba’t ibang usapin sa lipunan at iba’t ibang asignatura: • Magbasa ng libro, dyaryo, at magazine. Malaki ang naitutulong ng pagbabasa upang mapaunlad natin ang ating kaalaman sa iba’t ibang usapin. Kung may pagkakataon, ‘wag palagpasin na makapagbasa. Maglaan ng trenta minutos hanggang isang oras kada araw upang makapagbasa at

madagdagan ang kaalaman. • Makipag-usap sa iba’t ibang uri ng tao. Makakatulong ang pakikipag-usap sa maraming klase ng tao upang malaman natin ang iba’t ibang karanasan at opinyon nila. • Maraming paraan upang mapaunlad ang ating kaalaman. Nasa ating mga kamay kung magiging bukas sa mga posibilidad.

Paano makikilala pa ang iyong sarili? Paano maiiwasan ang sakit sa puso?

KUNG NAIS NATING MAPAUNLAD ANG ATING PERSONALIDAD, ang una nating dapat gawin ay kilalaning mabuti ang ating mga sarili. Dahil kung hindi natin lubos na kilala ang ating mga sarili, mahihirapan tayong mapaunlad pa ang ibang aspeto ng ating pagkatao. Hindi naman mahirap na proseso ang pagkilala sa ating sarili, dapat lang ay maging tapat at bukas tayong alamin ang mga bagaybagay. Heto ang mga paraan kung paano pa natin makikilala ang ating sarili: • Alamin ang iyong mga kahinaan. Kadalasan, maraming mga tao ang nahihirapang aminin ang kanilang mga kahinaan, dahil nahihiya sila sa ibang tao, o kahit sa kanilang pamilya. Ngunit, dapat nating malaman na sa pamamagitan ng pagkilala sa ating mga kahinaan, nag-uumpisa ang pagkilala natin sa ating mga kalakasan. • Paunlarin ang iyong kalakasan. Pagkatapos mong malaman ang iyong mga kahinaan, panahon naman na pagtuunan mo ng pansin ang iyong mga kalakasan, o mga katangiang ipinagmamalaki mo. Kung mahusay ka sa larangan ng pagsusulat, maaari mong gamitin ito upang ipahayag ang iyong sarili sa ibang tao. • Totoong nagsisimula sa ating mga sarili ang tagumpay. Kaya naman kung gusto mong mapaunlad ang iyong personality, kilalanin mong mabuti ang iyong sarili.

MARAMING MGA INDIBIDWAL ang may sakit sa puso. Mahirap magkaroon ng sakit na ito, sapagkat nagagawa nitong maapektuhan ang pang-araw-araw nating aktibidad. Naririto ang mabisang mga paraan para makaiwas sa sakit sa puso: 1. Regular na i-check ang cholesterol levels. 2. Iwasang uminom ng alak at manigarilyo. 3. I-control ang iyong hypertension. 4. I-manage ang iyong diabetes. 5. Ugaliing mag-ehersisyo araw-araw. 6. I-control ang iyong diet.

Mahilig kumain ng mamantika at high cholesterol na pagkain


Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MARCH 2017

BALITANG GLOBAL PINOY TIPS

Impormasyon ng Pilipino

9

Mga pamamaraan para maging masayahin MADALAS NATING MARINIG NA MAGANDA ang personality ng taong masayahin. Sino ba naman ang hindi matutuwa sa isang taong kayang pangitiin ang kanyang kausap? Lahat tayo’y naghahangad na makadaupang-palad ang isang taong magbibigay-aliw sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Kaya naman, kung nais mo ring maging ilaw ng bawat

usapan, basahin mo ang mga sumusunod na hakbang: LAGING NGUMITI. Tila napakadali ng hakbang na ito, ngunit sa katotohana’y hindi ito madaling gawin sa harap ng mga suliraning kinakaharap natin sa araw-araw. Ngunit, kung gugustuhin nating sumaya ang ating araw gayundin ang araw ng ating mga kasama sa trabaho man o bahay, piliin mong gawin

NAKATAGPO KA NA BA ng tao na magandang manamit at magaling magsalita, ngunit hindi marunong gumalang? Ano ang iyong naramdaman tungo sa taong ito? Nagustuhan mo ba siya? Malamang, pinili mo na lang umiwas sa taong ito kahit ano pa ang ganda ng kanyang itsura. Ikinagaganda ng personality ng isang tao ang pagiging magalang, kaya kung sa tingin mo ay dapat mo pang paunlarin ang aspetong ito ng iyong sarili. Naririto ang mga payong makakatulong sa iyo: MAGING MAPAGKUMBABA. Kinaiinisan ng marami ang isang

taong nagbubuhat ng sariling bangko. Kaya naman, iwasan mong ipagyabang ang iyong mga narating sa buhay kung hindi naman hinihingi ng sitwasyon. GUMAWA NG KABUTIHAN SA KAPWA. Ang pagiging magalang ay tumutukoy rin sa paggawa ng mabuti sa kapwa. Kung may nangangailangan ng iyong tulong sa trabaho man o komunidad, ‘wag mag-atubiling tumulong kahit na sa tingin mo’y makakaabala ito sa iyo. Bukod sa pag-unlad ng iyong personality, ang pagiging magalang ay magdudulot rin sa’yo ng ibayong kaligayahan.

Paano maging magalang sa Kapwa

ito.

PAGTAWANAN LANG ANG MGA PROBLEMA. Totoong kailangang solusyunan ang mga problema, ngunit hindi naman natin kailangang magmukmok lang sa isang sulok hanggang hindi ito natatapos. Mas mabuting daanin na lamang ito sa tawa upang gumaan ang iyong nararamdaman at pati na rin ang pakiramdam ng iyong mga

3 mga gawain para maging healthy

ISANG MAGANDANG desisyon ang maging healthy. Ito’y para mas mae-enjoy mo pa ang mga bagay na iyong pinaghirapan sa matagal na panahon. Naririto ang tatlong mga magagandang mga gawain para masiguro na ikaw ay malayo sa sakit: 1. Matutong mag-relax. Dapat mong malaman na stress ang numero unong nagbibigay ng sakit sa mga tao. 2. Matulog sa wastong oras. Sinasabing ang isang adult ay kinakailangang matulog mula pito hanggang siyam na oras

kasama. Kung gusto mong makapagpasaya ng iyong kapwa, piliing maging masaya.

para maging healthy at produktibo. 3. Lumabas tuwing umaga at magpa-araw. Ang moderate na init ng araw ay nakapagbibigay ng vitamin D sa ating katawan. Ito’y nakapagpapatibay sa ating mga buto.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

MARCH 2017

10

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

It`s Joke Time!

KLASE SA FILIPINO Guro: Juan, magbigay ka nga ng pangungusap na may tayutay. Juan: Ahem... “ Ang tatay ay nadapa... Tayo tay! tayo tay!” PANGARAP MO TUTUPARIN KO Kung pangarap mong mahalin ka ng isang tao ng totoo at tunay at hindi ka lolokohin...I-text mo si Prospero Pichay! Pangarap niyang tuparin ang pangarap mo! EKSENA SA CLASSY BAR German: Waiter, Remy Martin. Single! French: Waiter, Carlo Rossi. Double! Pinoy: Waiter, Popoy Dimaunat! Married! KAYAMANAN Boy: Kayamanan ka ba? Girl: Bakit? Boy: Ang sarap mo kasing ibaon sa lupa eh. MAINTENANCE PERSONNEL Misis: Hello, please send a MAINTENANCE personnel, ang mister ko tatalon sa bintana! Bilis! Administrator: Ma’am bakit po maintenance? Misis: Eh ayaw MABUKSAN ng bintana!

I’M SERIOUS! Erap went to emergency room... Erap: Doctor! Doctor! I swallowed a bone Doctor: Are you choking? Erap: No, I’m serious!

‘WAG MAKIALAM! Isang babae ang nasa gilid ng rooftop... PULIS: Miss huwag! May solusyon ang lahat ng problema! BABAE: Huwag kang makialam! Di ako maka-SEND!

ANNIVERSARY Misis: Hon, anong gift mo sa akin sa silver anniversary natin? Mister: Dadalhin kita sa China. Misis: Wow, ang sweet naman. E, sa golden anniversary natin? Mister: Susunduin na kita.

ISANG LITRONG COKE Amo: Inday, ilang liter meron sa isang litrong coke? Inday: 4 liters po. Amo: Sigurado ka? Inday: Upo, ati, Liter C, liter O, liter K, liter E. Di ba 4 liters yun? TUBIG-ILOG Sosyal, nakiinom sa baryo... GIRL: Where galing your water? LOLA: Sa ilog iha! GIRL: Eeww, NAIINOM ba yan? LOLA: Nasa iyo iha kung gusto mo NGUYAIN! BAMPIRA Use “bampira” in a sentence. “Pare, pautang nga! Meron ka bampira?”

USAPANG SABON Promoter: Misis, kapag pinaghalo ang Surf at Tide, bubula kaya? Misis: Aba, siyempre!

Promoter: Mali! Misis: Bakit naman? Promoter: Eh wala pa kayang tubig! Excited?!

USAPANG “F” Tatay: Anak! Ano itong F sa card mo ha? Anak: (Nag-iisip) Tatay, fasado po ibig sabihin niyan. Tatay: Ahhh... Akala ko naman ferfect.

CRUSH AT SIPON—ANONG KONEK? Tanong: ‘Pag nakita ng crush mo na tumutulo ang sipon mo, anong sasabihin mo? Sagot: Ano ba naman ‘yan! Pati ba naman ang sipon ko, nahuhulog na sa iyo! NAWAWALA Tatay: Sir, tulungan niyo po ako. Guard: Bakit? Tatay: Eh kasi yung anak ko nawawala ho eh. Feeling ko pumunta ho yun sa may mga laruan. Guard: Eh bakit ‘di mo ba hinanap dun? Tatay: Ano ka ba? Ayoko kong pumunta dun no?! Guard: Aba, eh bakit? Tatay: Eh kasi may pulis dun. Ako kasi yung hinahanap na nag-shop lift ng laruan eh. ‘Wag mo akong isusumbong ha? ERAP SA KORTE Abogado: So, pakipaliwanag nga kung anong nangyari. Erap: (Hindi nagsasalita)

Abogado: Sumagot ka sa tanong! Erap: Ah... Eh... Akala ko ba hearing lang ‘to, eh ba’t may speaking? AYAW BUMULA Juan: Lintik na shampoo ‘to, ayaw bumula! Inday: Paano po bubula ‘yan, ‘di naman basa ang buhok niyo? Juan: T*ng$! For dry hair ‘to. B*b& ka ba?

ANONG ISDA ANG... Tanong: Anong isda ang dalawang ulit ang pangalan? Sagot: Ano pa eh ‘di hasa-hasa, lapulapu, sapsap. Tanong: Eh, isdang tatlong ulit ang pangalan? Sagot: Ano pa, eh ‘di 555! ALAM KO KUNG SAAN ILULUGAR ANG SARILI KO... Ako, alam ko kung saan ko illugar ang sarili ko. Alam kong ‘di ako kaguwapuhan. ‘Di ako mayaman. Alam kong ‘di ako cute. Pero isa lang talaga ang laban ko: “Delicious” ako! Period!

WALANG TAO SA BAHAY NGAYON Si GF, tumawag kay BF at may halong lambing na sinabing: “Pwede kang pumunta sa bahay ngayon kasi alang tao?” (Nagmamadaling pumunta si BF sa bahay ni GF. Pagdating niya roon... wala ngang tao.) mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp

www.tumawa.com

PINOY KA BA? ACROSS • 1A. Philippines National Flower • 2A. Greatest and Famous Filipino painter • 3A. The Capital of the Philippines • 4A. Mythical Heroic princess who ruled a kingdom where Pangasinan is located • 5A. The Prince of tagalog Poets • 6A. The weather in the Philippines • 7A. The Philippines National Tree • 8A. The Composer of the Philippine national Anthem • 9A. The great plebian and father of the katipunan DOWN • 1D. The last Rajah of Manila • 2D. A town in which the first monument of Rizal is located • 3D. The first Filipino President • 4D. The first woman fighter in Panay visayan Joan of Arc • 5D. Martyred Priest of 1872 • 6D. Chief of Tondo friendly to the spaniards • 7D. The brain of Katipunan • 8D. The Philippines national hero • 9D. Chieftain of mactan who killed Magellan

SAGOT ACROSS = Sampaguita, Luna, Manila, Urduja, Baltazar, Tropical, Narra, Felipe, Bonifacio DOWN = Soliman, Daet, Aguinaldo, Magbanua, Gomburza, Lakandula, Jacinto, Rizal, Lapulapu

10

PINOY KA BA?


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MARCH 2017

11

SARAP MAGLUTO

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

SARAP MAGLUTO!

PORK ADOBO WITH SITAW

11

Pork adobo with sitaw is a good dish that you can prepare for your family during ordinary days. It is delicious, easy to cook, and perfect when paired with a warm cup of rice. It is simply regular pork adobo with sitaw added towards the end. There is a small difference between this recipe and regular adobong sitaw. This is tastier, probably because of the fat from the liempo. It is also a bit sweet (in a good way) because of the brown sugar.

INGREDIENTS

• 1 ½ lb pork belly, cut into serving pieces • 10 pieces snake beans (sitaw), cut into 2 inch length pieces • 1 medium onion • 5 tablespoons soy sauce • 2 ½ tablespoons vinegar • 5 cloves garlic, crushed • 1 ½ tablespoons brown sugar • ½ teaspoon ground black pepper • 2 cups beef broth • 3 Morea Elea's Olive Oil

PROCEDURE

Preparation time: 15mins Cooking time: 60 mins Total time: 1hr 15mins Serving: 4 persons

• Combine pork, soy sauce, ground black pepper, and garlic. Mix well. Let it stay for 15 minutes. • Heat oil in a cooking pot. • Sauté the onion until it gets soft. • Add the marinated pork including the remaining soy sauce and garlic. Cook for 5 minutes in medium heat. • Pour the beef broth in the pot. Let boil. Cook in low heat for 45 minutes or until the pork gets tender. Note: add more beef

broth or water if the liquid starts to dry out. • Add the vinegar. Allow the liquid to reboil. Stir. • Put the string beans in the pot. Cook for 3 minutes. • Add brown sugar. Stir. Continue to cook for 5 to 8 minutes. • Transfer to a serving bowl. Serve! • Share and enjoy!


MARCH 2017

12

12

ANUNSYO

Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Easy to make your Visa Application form

SAKURA GATE@entry-japan

This application is easy to make your Visa application form to Japan. The sign of application is Samurai Cat. You can search “JapanVisa” to find this application in Google play.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Impormasyon ng Pilipino

MARCH 2017

13

13

BALITANG GLOBAL PINOY ANUNSYO


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

MARCH 2017

14 14

KOLUMN

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

tampok

HOSHI LAURENCE HITOKIRIHOSHI@GMAIL.COM FB/TWITTER/INSTAGRAM/ LINKEDIN: @HITOKIRIHOSHI

website: www.hoshilandia.com

M

7 reasons WHY YOU SHOULD VISIT

Puerto y t i C a s e c n Pri

araming magagandang alaala ang ipinabaon sa akin ng Puerto Princesa Palawan nang naglakbay ako rito. Dito ko rin kasi na-explore ang iba’t ibang adventure na karamihan ay first time kong naranasan. Kaya kasabay ng ika-145 selebrasyon ng pagkakatatag ng Puerto Princesa ngayong Marso, ibabahagi ko ang pitong bagay na masaya at magandang dahilan kung bakit ito dapat dayuhin .

Snorkeling

U n d e r g r o u n d R i ve r

Dahil sa magagandang views sa buong tanan ng tour kahit medyo walang alam sa photography at mumurahing digital cam ang dala, feeling mo perfect lalabas ang kuha mo. Magandang views na puntahan na libre ay sa Karst Mountain Elephant Cave at Mitra’s Ranch. Okay din na bisitahin ang Crocodile Farm. Food trip

Hindi ako magaling mag-swimming at sawsawan ko lang ang asin kaya hindi ako gaanong nagtatampisaw sa dagat. Pero salamat sa snorkeling activity sa Pambato Reef, Honda Bay, I had a fantastic underwater experience for the first time (that time). Doon kasi ay hindi ka lang lalangoy basta, makakasisid ka rin sa tulong ng mga gears at guide na hindi ka pababayaan. Tutulungan ka nilang makalapit (kahit papaano) at siyempre makuhaan ng litrato ang panalong moment mo under the sea. Basta huwag mo lang kalimutan na bumili ng matibay na waterproof bag para sa iyong kamera para tuloy-tuloy ang ligaya. Sa ibang banda, hindi naman kamahalan at sulit ang iyong bayad at pagsubok sa safe water adventure na ito. Buhay na buhay ang coral reef, superb ang biodiversity sa Pambato Reef, at mababait ang mga isdang lumalangoy. Kumpleto naman ang katawan namin nung umaahon kami.

Mawawala ba sa listahan ng Palawan trip ang isa sa “7 New Wonders of Nature,” ang Underground River o Puerto Princesa Subterranean River National Park. Lahat ng foreigners na nakausap ko ay talagang itong Underground River ang puntiryang puntahan. Hindi naman dahil sa uso lang kaya dapat itong puntahan, mayroon sa loob nito na magandang maranasan ng personal at malapitan. “Magnificent” din kasi ang pagkakatuklas dito ng mga katutubo at syentipiko lalo na’t nalikha ang kuweba na ito nang natural with entertaining rock formation. Closer Look sa Spr atly I slands

Interesting People/S tories

Spelunking

Isa pang first time ko na naranasan ko sa Puerto Princesa ay ang “caving” o “spelunking.” Ito ang sikat na activity sa Ugong Rock Adventures (Brgy. Tagabinet) na medyo mahirap pero kung susunod ka naman sa mga guides ay magiging okay ang experience. Mararanasan mo rito ang mag-harness at hilain gamit ang makakapal na lubid para maakyat mo ang matatarik na bato. Samantala, sa tuktok ng Karst Mountain Elephant Cave ay puwede mo ring subukan na mag-zip line para bongga at mahangin ang iyong pagbaba. Kung gusto mo naman ng souvenir ng iyong achievement sa pagiging caveman for few hours, may ibinibigay din silang certificate.

Maraming makakainan sa Puwerto Princesa at mayroon din mga pagkain dito na kakaiba gaya ng Tamilok. Ilang kainan na pinupuntahan ng mga dayo ay Balinsasayaw, Kalui, at Bilao at Palayok. Siyempre pa hindi rin mawawala ang iba’t ibang seafood na baka doon mo lang matiktikman.

Laging laman ng news ang Spratly island ‘di ba? Lalo ba sa Buenavsita View Deck ay matatanaw mo na ito at doon pa lang ay para bang nakakahalina nga itong marating balang araw. Ayon sa aming tour guide ay may mga nagpupunta naman na doong mangingisda para mag-relax –relax din. Cool views for photography

Sa Puerto Princesa, hindi mga nakakurbata ang mga guides kundi mga taong puno ng kaalaman at pagmamahal sa kanilang kalikasan. Naging buhay ang iba’t ibang tour namin dahil sa mga trivia at side comments ng aming nakasamang tour guide, matutuwa ka rin sa pagbabagong-buhay ng mga nangangalaga ng Ugong Rock Cave (may iba na dating nagkakaingin), ang mga boatman na hindi lang sa pagbabangka magaling, kundi sa photography rin, at sa mga business-minded na residente dahil sa ganda ng takbo ng turismo ng Palawan. Ang maganda rin sa Puerto Princesa ay ang disiplina ng mga tao. Wala kang makikitang kalat sa daan at payapang kang makakagala araw man o gabi.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MARCH 2017

15

BALITANG GLOBAL PINOY KOLUMN

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Slice of Mango. Slice of Life

15

K

abi-kabila ang kaninan at mga food spaces na naguusbungan sa syudad ng Maynila. Mapa international food, food fads, fusion, Korean, Japanese at syempre restaurants serving local dishes ay napakadami mong pagpipilian. Pero sa dalwang taong hindi ko pag uwi sa Pilipinas, syempre ang nais ko ay magpakasawa sa mga pagkaing Pinoy. Nakakatuwa na para bang ni-reinvent ng mga restaurants na aking dinayo king hindi man ang presentasyon ng pagkain ay ang ambiance o kung paano ginawang mas lalong kaiga igaya ang pagkanin Pilipino.

B

rainchild ng apo ni Carlos P. Romulo ang heritage restaurant na ito. Very homey and dating ng restaurant na ito. Napakaganda ng interiors ng lugar na ito. It also brings you back to a time when an esteemed Filipino gentleman was the highest esteemed diplomat of the world. Photos of Carlos P. Romulo`s illustrious career and eventual position as United Nations Chief adorned the walls of these grand but lovely restaurant. Ang lugar na ito ay perfect for a nice dinner with family or even a fancy date night. Not to be missed ay ang Kare kare, very smooth at silky ang consistency ng sauce. Cheese and Vigan Longganisa Dumplings, Pomelo Salad at Crispy Pork Binagoongan ay ilang lamang sa mga dishes dito na talaga naman babalik balikan mo. Nasa must to do list ko na nga ulit ang restaruant na ito sa aing pag uwi muli sa Agosto.

Ristorante delle Mitre

K

ung may Hello Kitty at toilet theme restaurants and mga bansa ng East Asia o Planet Hollywood at Hard Rock Cafe ang America, para sa aking ang Mitre ay ang ultimate theme restaurant that speaks to our unabashedly Filipino religious culture. Ang mitre ay isang traditional at ceremonial headdress na isinusuot ng mga obispo. Located ang theme restaurant na ito sa Intramuros, the cradle of our Spanish colonial Catholicism. Ang Mitre ay pag-aari ng Catholic Bishops Conference of the Philippines. Matagal na din and restaurant na ito. Ang mga pagkain dito ay pinangalan sa iba`t ibang obispo ng ating bansa. Wala akong kilala sa mga paring ito bukod sa Silvanas na ipinangalan kay Archbishop Luis Tagle, na hindi naman gaanong kasarapan. Para sa akin ang crispy pata at ang humba ay ang highlight ng aking meal sa simbahang tema na restaurant na ito. Is it worth the visit? Nice place for simple Pinoy meal, maayos na serbisyo at nakaka-aliw kumain habang may estatwa ng pare na nakatingin sa iyo at napapaligiran ka ng mga cherubim at mga litrato ng iba`t ibang obispo at mga imahen.

H

indi ko na patatagalin pa. Napakasarap at napaka reasonable pa ng presyo. Located sa Greenhills, Pinoy food with a twist talaga. Ang deep fried pinakbet na kung saan lahat ng gulay at maging ang sahog na pork belly ay breaded at deep fried served on the side with a peanut flavored coconut sauce ay talaga naman sobra sa sarap. Ang chicken barbecue din with unlimited rice ay talagan namang mouth-watering. Huwag din kalimutan subukan ang mga truly Filipino ice cream flavors like salted eggs at haw flakes.

ARIES LUCEA

ARIESLUCEA@DALOYKAYUMANGGI.COM


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

MARCH 2017

16

16

ANUNSYO/ TIPS

Impormasyon ng Pilipino

"Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Gusto mong mapaunlad ang iyong sarili? Mag-aral ‘DI MAITATANGGING maraming mga indibidwal ang pinipiling kumuha ng Masteral Degrees upang lalo pang mapagyaman ang kanilang sarili. Kung ang dating nito sa’yo ay mahirap dahil sa iba’t ibang prayoridad, katulad ng responsibilidad sa mga magulang at sa iyong sariling pamilya, naririto ang mga paraan kung paano mo mapagsasabay ang pag-aaral sa

Pagpapaunlad ng personalidad sa pamamagitan ng kasanayan sa pagluluto

TOTOO ANG KASABIHAN NA “the way to a woman’s heart is through her stomach.” Kaya naman, kapag mahusay magluto ang isang lalaki’y sinasabi ng mga babae na maganda ang personality nito. Dagdag points kumbaga. Marami sa mga kalalakihan ang magaling magluto. Kung sa tingin mo’y mahirap itong maabot, nagkakamali ka. Basahin mo ang mga sumusunod na pamamaraan kung paano ka matututong magluto: • Magbasa ng mga cookbooks. Mukhang simple lang ang paraan na ito, ngunit kung hindi mo isasapuso, magiging mahirap ito

iyong iba pang tungkulin: • Kumuha lang ng mga klase tuwing Sabado o Linggo. Para sa mga may sariling pamilya na, mahalagang hindi kumuha ng full load upang matutukan pa rin ang pangangailangan ng pamilya. May mga Saturday at Sunday classes na pwedeng pwede sa’yo. • Bawasan ang panonood ng T.V. at paggamit ng social me-

para sa’yo. Kaya naman, kailangan mong intindihing mabuti at isagawa ang mga nababasa mong recipes. • Manood ng mga live cooking shows. Maraming mga live cooking demos na maaari mong panoorin. Mas maganda kung panonoorin mo ito mula umpisa hanggang dulo upang makita mo ang buong proseso. Maaari ka ring magtanong sa chef kung may mga hakbang kang ‘di masyado maintindihan. • Magluto nang madalas. Ang pagluluto nang madalas ay makatutulong upang masanay kang tumantya ng lasa, maghalo ng mga rekado, at mag-eksperimento ng iba’t ibang klase ng putahe. Sundin mo lang ang mga nabanggit na hakbang, siguradong tagumpay na ang nakaabang.

dia. Kung ipagpapatuloy mo ang iyong pag-aaral, dapat mong isakripisyo ang ibang gawain na nakasanayan mo na upang magamit mo ito upang makapag-aral ng iyong mga leksyon. Laging may paraan kung mayroon lang tayong determinasyon. Kung gusto mong mapaunlad pa ang iyong sarili, mag-aral.

4 na epektibong mga paraan para magkaroon ng positibong pananaw sa buhay

SA DINAMI-DAMI ng masasamang nangyayari sa mundo, hindi makatutulong na mag-isip pa tayo ng mga negatibong bagay. Kung gusto mong mapaunlad ang iyong personality, nararapat lang na maging positibo tayo sa pagharap sa mga suliranin at hamon sa buhay. Kung sa tingin mo’y hindi madali ang magkaroon ng positibong pananaw, basahin mo ang mga sumusunod: Kung maaari’y iwasang manood ng mga masasamang balita. Manood ng mga palabas na magbibigay sa iyo ng ibayong pag-asa at inspirasyon.

• Makipag-usap sa mga taong may positibong pananaw sa buhay. Makakatulong kung makikipagkaibigan ka sa mga taong maganda ang pananaw sa buhay, sila yung mga taong may taglay na ngiti sa kanilang mga labi. • Magbasa ng mga inspirational books. Maraming mga books na nagbibigay sa atin ng pag-asa gaano man kahirap at kabigat ang ating sitwasyon. • Laging mag-iwan ng mga ngiti sa mga labi. Ang palagiang pagngiti ay hindi lang makakatulong sa’yo, ngunit sa mga tao ring nakapaligid sa iyo. Siguradong mapapagaan nito ang kanilang mga dinadalang problema. Nanaising maging kaibigan ng marami ang isang taong may positibong pananaw sa buhay, kaya piliin mo laging maging masaya sa kabila ng kalungkutan.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MARCH 2017

17

BALITANG GLOBAL PINOY/ TIPS KOLUMN

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Matutong makinig nang mabuti sa kinakausap

NAIS MO BANG MAGUSTUHAN KA NG IBANG TAO? Isa sa mga dapat mong gawin ay matutong makinig sa kapwa kung hinihingi ng sitwasyon. Wala nang mas gaganda pa sa personalidad ng isang taong marunong makinig sa kinakausap. Makapagbibigay rin ito ng impresyon sa iyong kausap na interesado kang makatulong sa kanya. Kaya’t kung nais mong kawilihan din ng ibang tao, sundin mo lang ang mga sumusunod na hakbang:

• Makinig nang mabuti. Tila madali lang ang hakbang na ito, ngunit marami pa rin ang nahihirapang gawin ito. Ang pakikinig nang mabuti ay nangangailangan ng matimtimang konsentrasyon. Kaya naman, dapat ilaan mo ang kaunting panahon na iyon upang intindihing mabuti ang sinasabi ng iyong kausap.

• Makiramdam din kung kinakailangan mo bang magbigay ng opinyon sa iyong kausap. Dahil madalas, mas gusto niya na makinig ka na lang at maramdaman na may nagmamalasakit sa kanya.

• ‘Wag sisingit kung hindi pa tapos magsalita ang iyong kausap. Ang maayos na pakikinig ay nangangailangan din ng paggalang sa nagsasalita. Kung hindi pa tapos ang nagsasalita, ‘Wag kang sisingit upang hindi siya maabala.

Paano makakasalamuha ng iba't ibang uri ng tao

MALAWAK ANG MUNDO kaya naman marami kang makikilalang iba’t ibang uri ng tao. Dapat lamang ay maging bukas ka sa posibilidad na makadaupangpalad ang iba’t ibang klase ng tao sa buong mundo. Makakatulong ito upang mapaunlad mo ang iyong pakikipagkapwa-tao at madagdagan ang iyong kaalaman. Kung interesado kang makasalamuha ng iba’t ibang uri ng tao, naririto ang mga dapat mong gawin: • Pumunta sa iba’t ibang lugar. Ang pagbisita sa iba’t ibang lugar ay hindi lang pagbabakasyon. Makakatulong rin ito upang makakilala ka ng iba’t ibang klase ng tao, kultura, at pananaw.

• Dumalo sa mga pagtitipon. ‘Wag mong limitahan ang iyong sarili sa pakikipagkaibigan. Dumalo sa iba’t ibang klaseng pagtitipon upang malaman mo rin ang mga opinyon ng mga taong hindi mo madalas makasalamuha.

NAKAKADAGDAG SA MAAYOS NA PERSONALITY kung marunong tayong tumingin nang maayos sa ating kinakausap. Ang tinatawag nilang eye contact ay mahalaga upang makapag-establish tayo ng rapport sa ating kinakausap at mas maipararating ang nais nating sabihin. Heto ang mga pamamaraan kung paano makapag-establish ng magandang eye contact sa kausap: • Magtiwala sa sarili. Kung may kumpyansa ka sa iyong sarili, madali lang sa iyo na tumingin sa mata ng iyong kausap. Kaya naman, sa tuwing makikipag-usap tayo ay isipin nating kaya nating sabihin nang maayos ang ating dapat sabihin upang magkaroon tayo ng magandang eye contact sa ating kausap.

• Magpraktis sa salamin. Kung hindi ka talaga sanay na makipagtitigan, isang magandang ehersisyo ay ang pagkausap sa sarili sa salamin. Makipag-usap ka lang nang makipag-usap sa sarili sa salamin hanggang sa masanay ka. Ang pag-e-establish ng eye contact ay ang sinasabing isa sa pinakamahirap gawin ng mga tao, ngunit kung may sapat na praktis at kumpyansa sa sarili magagawa rin ito nang mabuti.

17

Paano magiging totoo sa sarili?

HINDI NAMAN MALI na kumuha ka ng inspirasyon sa mga taong kahanga-hanga at may narating na sa buhay. Ngunit, makatutulong din sa pagpapaunlad ng iyong personality kung magiging totoo ka sa iyong sarili at ipapakita mo ito sa ibang tao. Kung nais mong mas maging totoo pa sa iyong sarili, naririto ang mga makakatulong na hakbang: • Kumilos nang natural. Mapapaunlad mo ang iyong personality kung magiging natural ka lamang. Ipakita mo kung sino ka talaga sa pamamagitan ng pagsasalita, pananamit, paglalakad at pakikitungo sa ibang tao.

• ‘Wag magpanggap. Hindi makakatulong sa pagpapaunlad ng iyong personality ang pagbabalat-kayo. Sa halip na magpanggap, ipakita mo sa ibang tao kung sino ka talaga at kung ano ang kaya mong gawin. Sa pamamagitan ng pagiging totoo sa iyong sarili, makasisiguro kang magiging totoo rin ang ibang tao sa iyo.

Pagpapaunlad ng personalidad sa Paano magkaroon ng "Eye Contact" pamamagitan ng kasanayan sa pagluluto sa ibang tao? TOTOO ANG KASABIHAN NA “THE WAY TO A WOMAN’S HEART IS THROUGH HER STOMACH.” Kaya naman, kapag mahusay magluto ang isang lalaki’y sinasabi ng mga babae na maganda ang personality nito. Dagdag points kumbaga. Marami sa mga kalalakihan ang magaling magluto. Kung sa tingin mo’y mahirap itong maabot, nagkakamali ka. Basahin mo ang mga sumusunod na pamamaraan kung paano ka matututong magluto: • Magbasa ng mga cookbooks. Mukhang simple lang ang paraan na ito, ngunit kung hindi mo isasapuso, magiging mahirap ito para sa’yo. Kaya naman, kailangan mong intindihing mabuti at isagawa ang mga nababasa mong recipes. • Manood ng mga live cooking shows. Maraming mga live cooking demos na maaari mong panoorin. Mas maganda kung panonoorin mo ito mula umpisa hanggang dulo upang makita mo ang buong proseso. Maaari ka ring magtanong sa chef kung may mga hakbang kang ‘di masyado maintindihan. • Magluto nang madalas. Ang pagluluto nang madalas ay makatutulong upang masanay kang tumantya ng lasa, maghalo ng mga rekado, at mag-eksperimento ng iba’t ibang klase ng putahe. • Sundin mo lang ang mga nabanggit na hakbang, siguradong tagumpay na ang nakaabang.


MARCH 2017

18

18

ANUNSYO

Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MARCH 2017

19

BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY SPORTS

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

19

Yao Ming, binigyan ng parangal sa isang retirement ceremony

Manny Pacquiao, nominado bilang BWAA Fighter of the Year

ISA NA NAMANG NOMINASYON ang natanggap ng Filipino boxing champ Manny Pacquiao. Siya ay nominado bilang Sugar Ray Robinson Fighter of the Year na iginagawad ng Boxing Writers Association of America (BWAA). Sa nominasyong natamo ni Pacquiao, inaasahang mapapantayan niya ang award na natanggap ni Floyd Mayweather noong isang taon. Ayon sa Inside Manila, ang nominasyon ni Pacquiao ay dulot ng kanyang mga achievements noong 2016. Maaalalang tinalo niya si Timothy Bradley noong April 9, 2016 via unanimous decision, at napanalunan niya ang WBO Welterweight crown laban kay Jessie Vargas noong November 5, 2016. Pinarangalan si Pacquiao bilang 2015 Asia Game Changer of the Year dahil sa kanyang mga naiambag upang mapabuti ang buhay ng mga taong nasasakupan niya bilang isang pulitiko. Kasalukuyang senador ng Pilipinas si Pacquiao at makailang-ulit na ring ipinahayag ang kanyang kagustuhang magretiro sa pag-boboxing.

BINIGYAN NG PARANGAL ng National Basketball Association (NBA) ang Houston Rockets’ superstar at Hall of Famer na si Yao Ming. Nangyari ang official retirement ceremony sa halftime ng laban ng Houston Rockets at Chicago Bulls kung saan pormal nang iniretiro ang jersey number 11. Hindi napigilang maluha ng giant superstar. “I hope people see the jersey there and remember the story, not only about myself, but also my teammates, my opponents. We created the story together, just like the other jerseys created the story for us,” pahayag ni Ming.

Kahanay na niya ang mga legends na sina Clyde Drexler (22), Moses Malone (24), Calvin Murphy (23), Hakeem Olajuwon (34) at coach Rudy Tomjanovich. Itinanghal rin siyang global ambassador ng NBA.

Khan, nanguna sa survey bilang sunod na kalaban ni Pacquiao

Jeff Horn, 'di nagustuhan ang survey na ginawa ni Pacquiao para sa sunod niyang makakalaban

ANG BRITISH BOXER NA SI AMIR KHAN ang pinulsuhan ng mga fans ni Pacquiao upang sunod niyang makaharap sa boxing ring. Nakakuha ng 47 percent si Khan na sinundan ng US boxer Terence Crawford na may 25 percent. Si Kell Brook naman ay nakakuha ng 23 percent habang si Jeff Horn naman ay nagkamit lamang ng five percent. Hindi naman nagustuhan ni Horn ang survey na ginawa ng boxer-senator dahil ang kanyang pangalan na ang unang inanunsyo ni Top Rank big boss Bob Arum na susunod na makalaban ni Pacquiao. Ang Filipino boxing champion mismo ang nagpagawa ng survey upang malaman ang pulso ng kanyang milyun-milyong mga fans.

HINDI NAGUSTUHAN NG AUSTRALIAN BOXER na si Jeff Horn ang survey na ipinagawa ng Filipino boxing icon Manny Pacquiao. Ipinahayag niyang nakakalito at nakakadismaya ang hakbang na ito ni Pacquiao. Idinagdag niya na hindi niya nagustuhan na ginamit ni Pacquiao ang kanyang Twitter upang alamin kung sino ang nais ng kanyang mga fans upang makalaban niya. Matatandaang sumang-ayon na si Pacquiao na kalabanin si Horn sa April 23. Pinagdudahan rin niya kung si Pacquiao ba mismo ang nagsagawa ng survey o merong ibang taong nagmanipula ng kanyang naturang social media account. Itinuring rin ni Horn na istratehiya ito ng kampo ni Pacquiao upang magdulot ng lito sa kanya. Mahigit 44,000 ang lumahok sa survey, kung saan nakuha ni Amir Khan ang pinakamaraming boto na sinundan nina Kell Brook at Terence Crawford. Nasa huling puwesto si Horn.

Laban nina Mayweather at McGregor, pinaplano na IPINAHAYAG NG SIKAT NA US-BASED BOXER NA SI FLOYD MAYWEATHER JR. na pinaplano na nila ang pag-aayos ng laban kay UFC star Conor McGregor. Ayon sa kanyang panayam sa ESPN, may mga dapat lang silang asikasuhin tungkol sa nalalapit na laban. Kinumpirma rin ito ni Nevada Athletic Commission chairman Anthony Marnell, kung saan ipinahayag niya na napag-uusapan na ang inaabangang laban. Hindi naman sumang-ayon si UFC President Dana White sa sinabi ni Mayweather dahil wala pa raw siyang natatanggap na mensahe mula sa dalawang kampo. Matatandaang nagkaroon ng mainit na paguusap sa pagitan nina McGregor at Floyd na naging daan upang mabuo ang plano nilang laban.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

MARCH 2017

20

20

HOROSCOPE

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

PISCES Peb. 20 - Mar. 20

GEMINI May. 22 - Hun. 21

Magiging dahilan ka Alagaan ang iyong ngayon ng kasiyahan ng minamahal. May teniba. Piliing tumulong sa densiyang magkakalabuhan kayo ng kapwa. iyong minamahal, ngunit gawin ang POWER NUMBERS: 50,22,38,49,15, makakaya para hindi matuloy ang at 19 paghihiwalay. LUCKY COLOR: Brown Power Numbers: 44,29,25,46,19 at 17 Lucky Color: Peach ARIES Mar. 21 - Abr. 20

Simulan na ang bagong proyekto. Mas powerful ka ngayon sa iyong business. Power Numbers: 44,41,31,11,33 at 22 Lucky Color: Red TAURUS Abr. 21 - May. 21

CANCER Hun. 22 - Hul. 22

Huwag kang paapekto sa mga distractions. Gawin lang ang lahat ng makakaya para siguradong makakamit ang tagumpay. Power Numbers: 27,11,33,32,18 at 16 Lucky Color: Pink LEO Hul. 23 - Ago. 22

Sawa ka na sa paulit-ulit na gawain. Ngunit, ‘wag Huwag makisali sa tsispadalus-dalos sa pagpamis dahil maaari kang palit ng iyong trabaho. masangkot sa eskanPower Numbers: 47,50,16,28,46 at 44 dalo. Lucky Color: Blue Power Numbers: 33,47,31,44,19 at 42 Lucky Color: Sapphire Blue

SAGITTARIUS Nob. 23 - Dis. 21

VIRGO Ago. 23 - Set. 23

Iwasang ma-stress ang iyong sarili. Piliing irelax ang iyong katawan para hindi kapitan ng sakit.Power Numbers: 21,32,46,11,24 at 33 Lucky Color: Ruby Red

Kailangang habaan mo ang iyong pasensiya sa iyong mga kasama. Baka ikaw pa ang mapapasama kung papatulan mo sila. Power Numbers: 14,21,24,26,28 at 39 Lucky Color: Gold

LIBRA Set. 24 - Okt. 23

Huwag agad-agad magtitiwala sa ibang tao. May tiyansang may isang taong malapit sa’yo na magtatampo sa iyo. Power Numbers: 16,28,19,17,38 at 15 Lucky Color: Orange SCORPIO Okt.24 - Nob. 22

Masuwerte ka sa negosyo ngayon. Ngunit, piliin mo pa ring mabuti ang mga produkto ibebenta mo. Power Numbers: 30,40,11,16,19 at 22 Lucky Color: Kayumanggi

CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20

Nagi-guilty ka dahil hindi mo masabi-sabi sa taong malapit sa iyo ang nalaman mong sikreto. Mag-isip nang maraming beses bago magdesisyon. Power Numbers: 15,21,38,19,14 at 40 Lucky Color: Coffee Brown AQUARIUS

Ene. 21 - Peb. 19

Ihanda ang sarili sa puspusang pagtatrabaho. ‘Wag masyadong pagurin ang iyong katawan baka magkasakit. Power Numbers: 18,25,14,44,33 at 11 Lucky Color: Silver


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MARCH 2017

BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ

Impormasyon ng Pilipino

21

Impormasyon ng Pilipino

Sarah Geronimo, itinanghal na Asian Artist of the Year SA PANGALAWANG PAGKAKATAON, napanalunan ni Sarah Geronimo ang Asian Artist of the Year Award sa katatapos na 4th Annual Hello Asia! Awards. Nakakuha ng humigit-kumulang 400,000 votes ang Pop Star Princess para maiuwi ang nasabing karangalan. Isa lang ang parangal na ito sa mga karangalang naiuwi ni Geronimo para sa bansa. Nagsimulang umarangkada ang karera ni Geronimo nang manalo siya sa sa reality singing contest na “Star for a Night”. Sa kasalukuyan ay isa siya sa mga pinakamahusay na mang-aawit sa bansa. Isa ring aktres si Geronimo. Marami sa kanyang mga pelikula ay certified blockbuster hits. Kamakailan ay bali-balitang magtatambal silang muli ni John Lloyd Cruz. Samantala, nag-record din ang mang-aawit ng isang kanta para sa pelikulang “Tangled.”

Rachelle Ann, gaganap sa West End`s Hamilton Musical

PATULOY NA PINATUTUNAYAN ni Rachelle Ann Go na world-class ang galing ng Pinoy sa larangan ng teatro at musika. Kamakailan, napili siyang gumanap sa lead role ng West End’s Tony Awards Best Musical and Pulitzer-prize winning musical, Hamilton. Gaganap siya bilang Eliza, asawa ni Alexander Hamilton. Sa pamamagitan ng isang tweet, nagpasalamat ang Pinay singer sa pambihirang pagkakataong ibinigay sa kanya.

Miss Bulgaria, ibinigay ang kanyang gown sa isang Pilipina

HINDI MAN PINALAD SI MISS BULGARIA VIOLINA Ancheva na makuha ang Miss Universe 2016 title, pinili naman niyang panaluhin ang isang teenager na anak ng isang single mom – si Issay Gallano – sa pamamagitan ng pagbibigay rito ng kanyang Miss Universe gown upang may maisuot ito sa kanyang J u n i o r -S e n i o r ( J S ) prom. Matatandaang nag-viral ang post ni Miss Bulgaria na nagaanunsyo na ibibigay niya ang kanyang gown sa isang Pilipina na hindi

Inilarawan ng Broadway.com si Go bilang isa sa mga favored artists ng U.K. na magbabalik sa London matapos ang matagumpay na pagganap bilang Gigi sa Broadway revival ng Miss Saigon. Sa kanyang mga panayam, binalikan ni Go kung paano niya napagtagumpayan ang mga auditions sa harap ng direktor na si Tommy Kail, at mga producers na sina Cameron Mackintosh at Jeffrey Seller. kayang bumili ng gown para sa kanyang JS prom. Marami ang nagpadala ng mensahe kay Miss Bulgaria, ngunit ang anak ng single mom ang kanyang napili. Masayang-masayang ibinahagi ng ina ng teenager ang kanyang pagkagalak sa pagkakapili sa kanyang anak upang pagkalooban ng gown. Ayon sa kanya, magiging memorable ang JS prom ng anak dahil susuutin nito ang gown na nagamit na sa Miss Universe pageant. Upang bigyan ang dalaga ng total makeover look, nagprisinta rin ang Pinoy makeup artist na nag-makeup sa mga Miss Universe candidates na gawin ang kanyang make-up para sa nasabing okasyon. Ang gown na ipinagkaloob ni Miss Bulgaria sa dalagita ay isang navy blue, two-piece top at tulle skirt set na gawa ng American fashion designer na si Sherri Hill.

Mindanawon docu, wagi sa Filmfest sa Korea NAGWAGI ANG MINDANAWON documentary “The Crescent Rising” ng filmmaker na si Sheron Dayoc sa katatapos lang na 21st Busan International Film Festival (BIFF) sa Korea. Sa pagkakahirang na Best Asian Documentary, nakatanggap ang grupo ng USD10,000 bilang tulong sa susunod na film production ni Dayoc. Ang 78-minute film ni Dayoc ay tumatalakay sa buhay ng mga Pilipinong Muslim. Matatandaang naging matunog ang usaping kalayaan ng mga Muslim bago pa man sila pumayag na magkaroon ng peace talks sa gobyerno noong 2012. Ginawa ang documentary noong panahong pinag-aaralan pa lamang mapabilang ang Bangsamoro Basic Law sa Philippine parliament. Unang ipinalabas ang “The Crescent Rising” sa Pilipinas noong October 25, 2015. Nakatanggap ito ng NETPAC Prize for Best Documentary sa QCinema International Film Festival. Nanalo rin ito ng Best Documentary sa Gawad Urian 2016.

Pinay Actresses, nominated sa Kid`s Choice Awards ng Nickledeon

NOMINATED ANG MGA SIKAT NA FEMALE STARS SA KIDS’ CHOICE AWARDS NG NICKELODEON. Kabilang rito sina Janine Gutierrez, Janella Salvador, Liza Soberano at Nadine Lustre. Inamin ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez na nabigla siya nang mapabilang siya sa listahan. Kasalukuyan siyang gumaganap sa isang teleserye sa GMA-7, at isa na rin siya sa mga ipinagmamalaking talent ng network. Samantala, si Janella Salvador naman ay unang napansin nang gumanap ito sa matagumpay na daytime show sa ABS-CBN na “Please Be Careful With My Heart” na pinagbidahan nina Jodi Sta Maria at Richard Yap. Mula noon ay sunud-sunod na ang kanyang pagganap sa iba’t ibang programa sa nasabing network. Bumida na rin siya sa isang programang may titulong “OMG.” Sina Liza Soberano at Nadine Lustre naman ang dalawa sa pinakasikat na stars ng ABS-CBN sa ngayon. Ang nagwagi ng nasabing titulo noong nakaraang taon ay si Maine Mendoza. Dinidetermina ang nanalo sa kumpetisyon sa pamamagitan ng online voting.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

MARCH 2017

22

22

BALITANG SHOWBIZ

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Anak ni Michael Bublé, Lady Gaga, nagpasiklab sa Halftime show ng Super Bowl bumubuti na ang lagay

NAGULAT ANG MGA FANS ng Canadian-based singer na si Michael Bublé nang lumabas ang balitang may liver cancer ang kaniyang tatlong taong gulang na anak na si Noah. Ngunit ngayon, may magandang balita na, dahil ayon kay Bublé, mas mabuti na ang lagay ng kanilang anak na kasalukuyang sumasailalim sa treatment. Lubos ang pasasalamat ng 41-yearold na singer at ng kanyang Argentine model-actress wife na si Luisana Lopilato. “We are so grateful to report that our son Noah has been progressing well during his treatment,” saad ni Bublé sa kanyang Facebook account. Nagpasalamat ang mag-asawa sa Panginoon at sa kanilang mga tagasuporta na patuloy na sumasama sa kanila sa pagdarasal sa mabilis na paggaling ng kanilang anak. “We thank God for the strength he has given all of us. Our gratitude to his doctors and caretakers cannot be put into words,” pahayag ni Buble. “We’d like to thank the thousands of people that have sent their prayers and good wishes to us. As we continue this journey we are greatly comforted by your support and love,” dagdag niya.

Justin Bieber, balikInstagram na

MAGANDANG BALITA para sa mga tagahanga ng Canadian pop superstar na si Justin Bieber. Nagbabalik na siya sa Instagram matapos niyang ipahayag na tatalikuran na niya ito. Para sa paunang patikim sa kanyang mga fans, ibinahagi ng 22-yearold singer ang bago niyang Super Bowl commercial para sa T-Mobile. “Let me see your #unlimitedmoves,” caption ng kanyang bago niyang video. Kasama rin niya sa nasabing commercial ang mga kilalang football players na sina Rob Gronkowski at Terrell Owens. Matatandaang iniwan ni Bieber ang Instagram matapos i-bully ng kanyang mga tagahanga ang girlfriend na si Sofia Richie. Sinabi niya noon na hinding-hindi na siya babalik sa kanyang Instagram account dahil ayon sa kanya ay bagay lang ito sa mga diablo. Sa kanyang pagbabalik, siguradong milyun-milyong fans na naman ang matutuwa at magiging updated sa kontrobersyal na singer. Isa si Bieber sa mga international stars na may pinakamaraming followers sa Instagram at iba pang social media platforms.

ANG KANYANG PAGTATANGHAL ay nagtagal ng 13 minuto, at talaga namang ginamit niya ang oras na ito upang maipakita kung bakit siya Grammy winning singer sa loob ng anim na taon. Pumasok si Lady Gaga sa pamamagitan ng flying acrobatic stunt habang nakasuot ng Bowie-inspired eye make-up na sinamahan niya ng silver sleeved Versace bodysuit. Lalo pang pinabongga ang kanyang performance nang paliwanagin ng mga drones ang stage na nagsilbing mga bituin sa American flag. Kabilang sa kanyang mga inawit ay ang mash up ng patriotic song na “God Bless America” at “This Land Is Your Land”. Nagbigay ng papuri sa kanya si Tony Bennett na kilalang matalik na kaibigan at collaborator ng sikat na pop singer. “@ladygaga Lady...the most super thing about

YouTube Sensation, ganap nang singing champion

TALAGA NAMANG NAKAKA-INSPIRE ang kuwento ng mang-aawit na si Roland “Bunot” Abante. Una siyang nakilala nang mag-viral ang kanyang video na kinakanta ang Michael Bolton’s version ng “To Love Somebody” noong 2014. Sa kasalukuyan, mayroon na itong mahigit 4 million views at siguradong patuloy itong dadami matapos niyang manalo sa singing contest sa ABS-CBN na “Tawag ng Tanghalan.” “Sumali ako sa Tawag ng Tanghalan dahil naniniwala ako na hindi nagtatapos sa pagiging viral ang pangarap ko. Gusto ko pang ipagpatuloy ang pag-unlad ng career ko sa pag-awit,” saad ni Abante sa panayam ng ABS-CBN. Hindi biro ang mga nakaharap niyang mangaawit, ngunit pinatunayan niyang matibay ang kanyang determinasyon na pataubin ang kanyang mga kalaban.

the Super Bowl was you....just amazing,” pahayag ni Tony sa social media Binigyan naman ng “Bravo” remarks ni Katy Perry ang performance ni Lady Gaga. Nagustuhan naman ni Ariana Grande ang vocals at energy ng “Born This Way” singer. Ilan pa sa nagbigay ng papuri kay Lady Gaga ay ang TV host na si Ellen DeGeneres at ang asawa nito na si Portia DeRossi.

Tinalo niya ang defending champion na si Adelene Rabulan sa kanyang own rendition ng popular Bolton song “Said I Love You... But I Lied,” na nagbigay sa kanya ng iskor na 93.8%. Minsan na rin siyang naimbitahan ng sikat na TV host na si Ellen De Generes sa kanyang show matapos mapanood ang kanyang viral YouTube video.

Pagdaraos ng Miss Universe 2016 sa Pilipinas, maituturing na tagumpay

MATAGUMPAY NA NAIDAOS ANG MISS UNIVERSE 2016 SA PILIPINAS. Maraming mga pagbabago ang natunghayan ng mga manunood sa iba’t ibang parte ng mundo, ngunit ang pinakamagandang pagbabago ay ang pagpapakilala at pagwelcome sa iba’t ibang kahulugan ng kagandahan. Tapos na ang mga panahon kung saan ang kahulugan ng beauty queen ay nakasentro lamang sa balingkinitan na katawan at maputing kutis. Sa katatapos lang na Miss Universe pageant, pinatunayan ng mga kandidata na maaaring maging beauty queen ang kahit na sinong babae, ano man ang kanilang kutis at hubog. Matatandaang pumasok sa Top 13 si Miss Kenya

via online voting. Ibinoto siya ng mga netizens sa kabila ng kulay ng kanyang kutis. Ito rin ang unang pagkakataon na naging finalist ang beauty queen mula Kenya kaya naman lubos ang pagkagalak ng kanilang pambato. Nakuha rin ni Miss Canada ang atensyon ng Miss Universe fans nang rumampa siya ng buong kumpyansa sa Miss Universe stage. Marami ang nagduda sa kanyang tyansa sa naturang kumpetisyon dahil sa kanyang mabilog na pangangatawan, ngunitpinatahimik niya ang kanyang mga bashers nang pumasok siya sa Top 13.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MARCH 2017

23

BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Ilang Pelikulang Pilipino, nahanay sa pinakamahusay na pelikula sa buong mundo HINDI PAHUHULI ANG MGA PELIKULANG GAWANG-PINOY kahit na ihanay pa sa mga pelikulang gawa ng ibang bansa. Napatunayan ito nang mapili ang ilan sa mga pelikulang Pilipino sa isang forum na ginawa ng British Film Institute’s Sight and Sound magazine na binubuo ng 163 critics at curators sa buong mundo. Tatlo sa mga pelikulang Pilipino na napabilang sa listahan ay gawa ng premyadong direktor na si Lav Diaz. Ang mga ito ay “Ang Babaeng Humayo,” “Hele sa Hiwagang Hapis,” at “Ang Araw Bago ang Wakas.”

Pumasok ang “Humayo” at “Hele” sa listahan ng beteranong critic na si Noel Vera, habang pinili naman ng US critic at programmer Jordan Cronk ang “Hele” bilang “ honorable mention.” Napabilang din sa listahan ang “Ma’ Rosa” ng award-winning director na si Brillante Mendoza. Samantala, nanguna naman sa listahan ng writer, blogger at teacher na si Jonathan Rosenbaum mula sa United States ang “Ang Araw Bago ang Wakas.”

PATULOY NA DINARAYO ng mga foreign singers ang Pilipinas dahil na rin sa mainit na pagtanggap ng mga Pilipino. Kamakailan, ang Grammy-winning singersongwriter na si Patti Austin na nasa likod ng kantang “All Behind Us Now” ay

nagpakitang-gilas sa mga Filipino fans. Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-concert si Austin sa bansa. Nagpunta na rin siya sa bansa noong 2013, kung saan naka-duet pa niya ang isa pang world-class Filipino singer na si Lea Salonga. Ang 66-year-old singer ay ang nagpasikat sa mga kantang “Say You Love Me,” “How Do You Keep the Music Playing?” “All Behind Us Now,” at “In My Life”. Dalawa ang naging venue ng concert ni Austin. Una ay sa Cebu, at ang pangalawa ay sa Manila.

23

Tweet ni Idol

S

a edisyong ito ng Tweet ni Idol, susundan natin ang tweets ng ilang mga local celebrities hinggil sa nakaraang Miss Universe 2016 na isinagawa sa Pilipinas. Ang tatlong celebrities ay sina Solenn Heussaff, Erwan Heussaf, at si Vice Ganda:

Tara!

Patti Austin, bumalik sa Pilipinas para mag concert

Gown na gawa ni Lhuillier, isinuot ni Dakota Johnson sa "Fifty Shades Darker"

SENTRO NA NAMAN NG ATENSYON ang gown na gawa ng kilalang Filipino designer na si Monique Lhuillier. Kasabay ng usap-usapan tungkol sa hit movie na “Fifty Shades Darker,” napansin rin ang gown na gawa ni Lhuilier na sinuot ng karakter na si Anastasia Steele na ginampanan ni Dakota Johnson sa isang eksena sa pelikula. Ang pinag-uusapang gown ay isang cowl-neck silver satin sheath gown na may draped neckline na isinuot ni Johnson sa isa sa mga pinag-usapang eksena sa pelikula. Sa eksena ring ito ay pinuri ng isa pang karakter ang gown na suot ng karakter ni

Miss Germany Johanna Acs, nabighani sa ganda ng Pilipinas

NABIGHANI SI MISS GERMANY Johanna Acs sa ganda ng Pilipinas. Kahit tapos na ang Miss Universe 2016 ay nanatili pa rin siya sa bansa. Nakasaad sa social media accounts ni Acs na mahal na niya ang Pilipinas at natutuhan na rin niyang bigkasin ang ilang Filipino words. Nakarating na rin siya sa Palawan upang magbakasyon kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay. At ‘di niya napigilang mapahanga sa ganda ng Palawan na kabilang sa “New Wonders of Nature.” “Feeling like in a fairy tale ???? Enjoyed

Johnson, at binanggit din ang pangalan ni Lhuilier. “Fifty Shades Darker” costume designer Shay Cunliffe talked about how the gown was crafted by Lhuillier to evoke old Hollywood saying, “…she and her team took the inspiration from there—crafting this stunning confection… Monique also beautifully resolved our need to create a gown which can effortlessly slip to the ground… another feat of engineering,” ayon sa report ng Cosmo. Ipinareha ni Lhuilier ang gown sa isang ostrich feather capelet na kinailangang tahiin gamit ang kamay para sa isang kontrobersyal na eksena sa hit na pelikula. the Underground River Tour with my Family in Puerto Princesa! I can see why UNESCO decided to award that place as the “7th New Wonder of the Natural World”. Just WOW,” pahayag niya sa kanyang Instagram post. Nasiyahan siya sa kanyang bakasyon, dahil bukod sa magandang tanawin at beach, natikman rin niya ang masasarap na pagkain, tulad ng tropical fruits na hindi raw matatagpuan sa Germany.

Solenn Heussaff (@solenheussaff) “French translator said: when i missed my first casting. But she really said 1st year of Medicine school” Hinggil ito sa maling pagkaka-translate sa sagot sa final round ni Miss Universe 2016 Miss France. Erwan Heussaff (@erwanheussaff) “Since ever yone is asking for the translation. #missfrance #MissUniverse” Nag-post naman si Erwan ng kanyang sariling translation sa kontrobersiyal na sagot ni Miss Universe 2016. Vice Ganda (@viceganda) “Thanks so much Maxine Medina!!! You still made us proud! #MissUniverse #Philippines” Bagama’t hindi nagtagumpay si Maxine Medina na masungkit ang korona sa nakaraang Miss Universe 2016, proud pa rin naman ang maraming mga Pilipino sa top 6-finish ng kandidata. Kabilang na nga rito si Vice Ganda.

The Sound of Music at West Side Story, magtatanghal sa Manila

Magandang balita para sa mga tagahanga ng musicals na “The West Side Story” at “The Sound of Music,” dahil mapapanood na ang mga ito sa Manila ngayong 2017. Inanunsyo ito ni Lunchbox Theatrical Productions Chief Executive James Cundall sa isang press conference para sa musical na “Wicked” na una nang nagtanghal sa Pilipinas. Mapapanood ang American production ng “West Side Story” sa August 10 sa The Theatre at Solaire. Ito ay hango sa masterpiece ni Shakespeare na “Romeo and Juliet,” na tumatalakay sa buhay ng dalawang teenage gangs noong 1950s sa New York. Kilala ang musical sa mga kantang “Maria,” “Tonight,” at “I Feel Pretty” na ngayon ay isa nang award-winning Oscar movie. Sa mga nag-aabang naman sa “The Sound of Music,” maaari na itong mapanood sa October 3, ayon sa ulat ng Rappler. Ang sikat na London West End production ay tungkol kay Maria, isang guro na nagpabago sa buhay ng Von Trapp family sa pamamagitan ng musika. Isinapelikula rin ang 1959 Broadway play na pinangunahan ni Julie Andrews. Ang mga kantang pinasikat ng musical ay ang “Do-Re-Mi” at “My Favorite Things.”


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.