Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Inspiring Global Filipinos in Japan
〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com
D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611
Vol.2 Issue 23 May 2013
www.daloykayumanggi.com
TIPS
Sikreto sa Negosyo
TRAVEL
Captivating Kyoto
09
15
SHOWBIZ
JLC - Sarah Patok!
21
COMELEC, HINIKAYAT ANG OAVS NA BUMOTO
I
to ang panawagan ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Sixto Brillantes sa mga registered overseas absentee voters (OAV).
Kaugnay ito ng pagpapaigting ng COMELEC sa layunin nitong makakuha ng mataas na turn out ng mga boto mula sa mga OAV, nang sa gayon ay makakuha umano ng mas malaking budgetary support ang poll body. Naka-iskedyul na bumoto ang mga OAVs mula Abril 13 hanggang Mayo 13 (araw mismo ng halalan sa Pilipinas). Kaugnay naman ng ruling sa mga hindi nakaboto sa dalawang nakaraang eleksyon, mare-reactivate umano ang kanilang mga registration sa pamamagitan lang ng pagpapakita para bumoto sa mismong lugar na pagdarausan ng halalan. Taliwas ito sa nauna nang insidente ng pagde-deactivate ng poll body sa may 237,000 na OAVs bunsod ng hindi pagboto sa dalawang nakaraang eleksyon. Inaasahan umanong walang mangyayaring delay ang pagboto ng mga OAVs sa iba’t ibang panig ng mundo.
Proklamasyon ng mga panalo, mas mabilis --COMELEC
I
naasahan umanong mas mabilis na maipoproklama ang mga magwawaging kandidato sa national level ngayong taon. Ito ang mariing ipinahayag ng Commission on Elections kamakailan. Sa loob umano ng 48 oras, malalaman na ng taumbayan ang mga nanalo sa national level ng midterm elections ngayong 2013. Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, naiiba umano ang sistema ng pagbibilang ng boto ngayong taon kaysa noong 2010 elections. Kahit pa kasi hindi pa pumapasok ang lahat ng mga boto, kung nakitang hindi na kakayanin pang makahabol ang ibang mga kandidato para talunin ang mga nangungunang kandidato, maipoproklama na ang mga panalo. Siniguro rin ni Brillantes ang mas mabilisang paglabas din ng resulta ng botohan sa local level.
Kachou fuugetsu ( 花鳥風月 ). Translated literally as flower, bird, wind, and moon, this proverb is very well linked with the season of spring because it reminds us that in experiencing the transient beauty of nature, we also learn about our temporary stay in this world. (kuha ni Joeppette Hermosilla)
Japan, papahiramin ang Pinas ng $570M para sa airport at railroad projects
Find out how on Page12
D&K PROMOS Congrats sa Winners!
16
N
agpalabas kamakailan ng magkahiwalay na statements ang Foreign Affairs Department ng Pilipinas at Japanese Embassy hinggil sa pagpapahiram ng may $570 milyon ng Japan sa
Pilipinas para pantustos sa mga naka-planong proyektong pang-imprastraktura ng bansa. Ito’y ayon sa ipinalabas na ulat ng gmanetwork. com. Tinatayang “three-quarters” uma-
NTT EVENTS D&K with Lucky
17
no ng naturang halaga ay gugulin para sa expansion ng Manila Light Rail Transit sa dalawang katabing probinsiya ng Metro Manila.
Sundan sa Pahina 7
SPORTS HS Student, Kampeon
20
2
May 2013
Daloy Kayumanggi
Balitang Global
"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Brilliante Mendoza pinarangalan ng Czech Republic May-ari ng Uniqlo, pinakamayaman sa Japan
B
M
c
www.glamour.com
uling nasungkit ng CEO at founder ng pinakamalaking apparel company sa Asya, ang Fast Retailing, na si Tadashi Yanai ang titulong pinakamayaman sa buong Japan, na mayroong $15.5 bilyong net worth (ayon sa Forbes Asia). Ang kumpanya ni Yanai ay kilala sa mga Uniqlo casual clothing shops nito at may-ari rin ng Theory at Helmut Lang brands. Samantala, pumangalawa naman sa listahan ang may-ari ng Suntory, isang family drinks business, na si Nobutada Saji na nakalikom naman ng $10.7 bilyong yaman. Ikatlo sa puwesto si Masayoshi Son na may $9.1 bilyong net worth. Siya naman ang founder ng nangungunang internet venture ngayon sa Asya, ang Softbank. Ang iba namang napasali sa top 10 ng pinakamayayamang tao sa bansang Japan ay ang mga sumusunod (nasa kanan ang kanilang kabuuang net worth): Top 4: Hiroshi Mikitani; $6.4 billion Top 5: Kunio Busujima; $5.2 billion Top 6: Akira Mori; $5 billion Top 7: Takemitsu Takizaki; $4.7 billion Top 8: Han Chang-Woo; $3.4 billion Top 9: Keiichiro Takahara & family; $3.3 billion Top 10: Masatoshi Ito; $2.8 billion Ang listahan ay base umano sa mga pinansyal na datos at shareholding mula sa mga stock exchange, EDINET ng Japan, analysts, at iba pang reliable na sources.
Dula ng dugong Pinay na journalist sa US, tampok sa US theater festival
inida ng Department of Foreign Affairs (DFA) kamakailan ang pagkakapanalo ng Pinoy pride na si Director Brillante Mendoza, bunsod ng pagpaparangal sa kanya sa katatapos lang na Prague International Film Festival o FebioFest sa Czech Republic. Patuloy ang pamamayagpag ng naturang direktor sa international scene. Sa nasabing festival, itinampok ang kanyang mga obra maestra na “Thy Womb,” “Tirador,” “Captive,” at “Lola” na tinagurian pang “record-breakers” sa dami ng mga Filipino film na ipinalabas sa naturang FebioFest ngayong taon. Kasama rin kasi ang “Bwakaw” ni Jun Lana sa mga piling pelikula. Kahilera ni Mendoza sa mga binigyan ng tribute ay sina Zdena Studenková (Czech actress), Ulrich Seidl (Austrian director), Richard Lester (British director), Giancarlo Giannini (Italian actor), Aku Louhimies (Finnish director), Jeremy Thomas (British producer), at Jerzy Stuhr (Polish actor-director).
c
indiemension.files.wordpress.com
World Autism Awareness Day, magkasabay na ginunita ng Japan at Pinas
N
agtipun-tipon ang mga sumusuporta sa World Autism Awareness day nitong Abril 2 sa Tokyo Tower sa Japan. Kasabay nito, nagkaroon din ng pagsasama-sama ang mga volunteer at pamilyang may mga anak na nakararanas ng naturang kondisyon sa mga piling mga landmark sa buong Japan. Layunin ng naturang selebrasyon na lalo pang paigtingin ang awareness sa Autism sa bansa. Ayon sa Reuters, ngayong taon ay naging matingkad ang naturang pagdiriwang sa Japan, dahil dinaluhan ito ng iba’t ibang mga malalaking opisyales ng gobyerno ng Japan, na pinangunahan ni Prime Minister Shinzo Abe. Ika ni Abe, layon daw ng pagtitipun-tipong iyon na makabuo ng isang ligtas na lugar para sa mga taong may autism, hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo. Ayon sa Autism Society ng naturang bansa, nangunguna umano ang Japan sa autism research sa loob ng maraming dekada. Gayunpaman, ang nananatiling problema umano ay ang ignorance mula sa mga tao, gayundin ang acceptance naman sa bahagi ng mga pamilyang may miyembrong authistic. Samantala, nakisali naman ang Pilipinas sa naturang pagdiriwang. Kaisa ang Maynila sa mga major cities sa buong mundo na nagdaos ng pagdiriwang na ito. Kung saan, nagkulay-asul ang malaking globe sa harapan ng Mall of Asia sa Manila sa pagsapit ng dilim at sinabayan ito ng pagpaparada
ng may 200 katao. Ito na ang ika-anim na taong ginugunita ang Abril 2 bilang World Autism Awareness Day, na itinalaga ng United Nation. Asul ang pangunahing kulay sa araw na ito bilang simbolo sa pagsuporta sa naturang adbokasiya.
c
www.autismhearts.com
Mambabatas ng US suportado ang mga Pinoy WWWII veterans
P
c
media.nj.com
inatunayan ng isang Fil-Am journalist na namamayagpag sa international scene ang talentong Pinoy. Ito’y matapos na itinampok ang gawang dula ni Summer Dawn Hortillosa, arts at entertainment writer at playwright, sa isang theatre festival na inilunsad sa Estados Unidos. Sa edad na 22, nakapagsulat na ng iba pang mga dula si Hortillosa, bukod sa kanyang “Before, After, and Always” na kakapalabas lang sa New Jersey. Bukod din sa pagiging manunulat, aktres din siya, kung saan, napabilang siya mismo sa mga dulang kanyang ginawa. Ang dula ni Hortillosa na “Before, After, and Always,” ayon sa isang Asian Journal news site, ay bahagi ng STAGEfest 2013 na idinaos sa Landmark Loew’s Jersey Theatre sa nasabing estado. Bukod sa pagiging dugong Ilonggo, siya rin ay may halong Spanish at Chinese genes; ipinanganak sa Colorado at lumaki sa Jersey City, New Jersey. Bukod sa Ilonggo, nakakapagsalita rin siya ng Japanese at Espanyol.
I
sinabay sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan sa Pilipinas ang pagpanukala ng mga lawmaker sa Estados Unidos ng isang lehislasyon na naglalayong magbigay ng “full benefits” sa mga beteranong Pilipinong nakipaglaban noong World War II para sa US. Ayon sa report ng GMA News, nagpalabas ng statement si US Senator Brian Schatz nitong Abril 9 na naglalahad na ang naturang panukalang lehislasyon,
c
na pinamagatang “The Filipino Veterans Fairness Act,” ay ginawa para itama umano ang “unjust wrong” sa kasaysayan ng US. Kasamang nagpanukala ng senador ang isang mambabatas naman mula sa Democratic Party, si Congresswoman Jackie Speier. Inaalis umano ng lehislasyong ito ang “distinction” sa pagitan ng sinasabing Regular o Old Philippine Scouts sa tatlo
naffaar8.com
pang grupo ng mga beteranong Pinoy, ang Recognized Guerilla Forces, Commonwealth Army of the Philippines, at New Philippine Scouts. Sa nasabing statement, binanggit din na ang mga asawa at anak ng mga beterano ay may karapatang makatanggap ng tinatawag na Dependency at Indemnity Compensation.
3
May 2013
Daloy Kayumanggi
Balitang Pilipinas
"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Kakaibang birthday suprise para kay dating Pangulong Cabiling, pinakamatandang Marcos, naungkat ng WikiLeaks Death March Survivor
D
c
alawampung taon matapos ang Martial Law at pagpapalayas sa dating Pangulong Ferdinand Marcos, ibinunyag ng website na WikiLeaks ang isa sa mga kakaibang sorpresa para sa kaarawan ng dating pangulo sa panahon ng kaniyang panunungkulan. Ayon sa ambassador ng Estados Unidos noon na si William Sullivan, hindi tahimik ang naging selebrasyon ni Marcos sa kaniyang kaarawan, gaya ng naiulat sa media. Sa halip umano, inudyukan ni dating First Lady Imelda Marcos ang mga heneral na magpalabas ng fashion show kung saan sila ay nakadamit pang-babae bilang sorpresa para sa pangulo. Nabanggit pa ni Sullivan na, “This whole affair was a saccharine suffusion of sycophancy,” mula sa report na ipinadala niya sa Washington noong Setyembre 12, 1973. Bukod dito, nagkomento rin si Sullivan sa pagiging mala-dugong bughaw ng dating First Lady, samantalang naghihirap ang milyun-milyong Pilipino dahil sa Martial Law.
www.top-destination-choice-the-philippines.com
COMELEC, ireresolba ang nominasyon ng 7 party list candidates
c
newsinfo.inquirer.net
D
esidido ang Commission on Elections (COMELEC) na resolbahin ang kaso ng mahigit pitong party list groups bago ang eleksyon sa Mayo 13. Sa inisyal na pagsusuri ng ahensya, nagkaproblema ang party list groups na ito dahil doble ang listahan ng ipinasa ng kanilang mga nominado. Tinukoy ng COMELEC ang mga sumusunod na party list: Ako Bicol Political Party (AKB), Anak Mindanao Partylist (AMIN), Trade Union Congress Party (TUCP), Adhikaing Tinataguyod ng Kooperatiba (Ating
Koop), Citizen’s Battle Against Corruption (CIBAC), Coalition of Associations of Senior Citizens in the Philippines, Inc. (Senior Citizens), at Abakada-Guro (Abakada). Ayon sa COMELEC, kailangang magpasa ang bawat party list ng isang set ng nominees. Nakasaad sa Partylist System Act at Comelec Resolution 9366 na kailangang magbigay ng humigit sa limang nominees ang bawat partylist para pagpilian ng kinatawan kung sakaling manalo ang grupo sa halalan.
P
c
httpmanilastandardtoday.com
inarangalan si Technical Sergeant Tranquilino Olarte Cabiling, 112 taong gulang, sa Mount Samat National Shrine sa Pilar, Bataan noong Araw ng Kagitingan, Abril 9 bilang pinakamatandang buhay na survivor ng Death March noong 1942. Ayon kay Cabiling, isa siya sa libu-libong Pilipinong pinaglakad ng mga sundalong Hapon ng145 kilometro patungong Camp O’Donell sa Tarlac mula Bataan matapos bumagsak ang Corregidor. Ipinanganak noong Hulyo 6, 1900 si Cabiling, sumali sa army noong Agosto 3, 1922 at naging bahagi ng United States Armed Forces in the Far East. Nagretiro siya noong Hulyo 10, 1952 at nakatanggap ng certificate of gratitude mula sa dating Pangulo ng Estados Unidos na si Harry Truman. Sa kasalukyan, malakas pa rin ang dating sarhento at nakakayang maglakad nang walang alalay maliban sa kaniyang tungkod. Regular siyang nagpapakita sa Camp Aguinaldo sa pagtatapos ng bawat buwan upang tanggapin ang kaniyang pensyon.
Coast Guard irerekober ang lumubog na Chinese vessel
Biazon: "Magreresign ako 'pag sinabi ni PNoy" c
globalnation.inquirer.net
P
inabulaanan ni Customs Commissioner Rufino Biazon ang mga paratang na tinagurian ng Pilipinas na “Smuggling capital of Asia” dahil sa 32 bilyong pisong halaga ng mga produktong karne at sibuyas at 30 bilyong pisong halaga ng produktong petrolyo na ilegal na nakapasok sa bansa noong nakaraang taon. Sa kabila ng pang-uudyok ng ilang mga kritiko na bumaba na siya sa puwesto, mariin niyang idineklara na hindi siya bababa hangga’t si Pangulong Noynoy Aquino na ang mag-uutos sa kaniya. “I don’t see any reason to do that,” banggit pa ng Customs Commissioner matapos ang biyahe niya sa Panama para sa World Customs Organization at Asian Development Bank conference kung saan ay nagsalita siya tungkol sa tagumpay ng kaniyang ahensya laban sa smuggling. “If what they are saying is true, then the World Customs Organization would not have invited me to speak,” dagdag pa niya. Samantala, ayon sa mga ulat, hindi pa rin naabot ng ahensya ni Biazon ang revenue target na itinakda ng Finance Department nang mailuklok siya sa puwesto noong 2011.
c
worldmaritimenews.com
T
utulong na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagrerekober ng lumubog na Chinese fishing vessel na Mon Long Yu sa Tubbataha National Marine Park sa Dagat Sulu noong Abril 8 ng gabi. Ayon kay Rear Admiral Rodolfo Isorena, ihahatid ng BRP Romblon ang nasabing bangka sa Puerto Princesa kapag maaari na itong gumana muli. Idinagdag din ng admiral na hindi nakalipad nang ayon sa iskedyul ang Philippine Navy Islander upang tiyakin ang estado ng Chinese vessel. Mayroong labindalawang tripulante ang sakay ng Min Long Yu. Apatnapu’t walong metro ang haba nito at nakabase sa Fujian, China. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang dahilan kung bakit nangingisda sa Tubbataha Reef, isang world heritage site, ang nasabing bangka. Samantala, sa nasabing bahagi rin ng Tubbataha Reef nauna nang lumubog ang USS Guardian na katatapos lamang marekober.
4
May 2013
Promosyon
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
5
May 2013
Kultura at Sining
6
May 2013
Editoryal
Daloy Kayumanggi
Inspiring Global Filipinos in Japan
Publisher: D&K Company Ltd Editor: Mario Rico Florendo marioflorendo@daloykayumanggi.com 090-1760-0599 Sales and Marketing: Erwin Brunio (English,Tagalog) erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@daloykayumanggi.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Philippine Correspondent: Dave Calpito Japan Correspondent: Aries Lucea Columnist: Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Carlo Aiyo Bugia The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 1010027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611
Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.daloykayumanggi.com
www.facebook.com/daloykayumanggi
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Notes on Politics of Clans and Dynasties
A
moment of truth is about to unfold as you read this. In fact, it has been spread out as of now. It’s the truth that probably most of us are accustomed unless we break its spell. But are you willful enough to steer away from this miserable truth even if it’s already there laughing at our faces? It’s common to know that political dynasties and clans predominantly take advantage of our electoral system. They have corrupted this democratic practice at the expense of our destitute status. As the sociologist, Randy David, explained, “These conditions (persistence of absolute poverty) foster the culture of patronage and dependence that we see in every sphere of our society." In other words, this interdependent relations of the poor and rich continue to advance the culture of corruption that is now ingrained in various facets of our lives. Our poverty is their source of wealth and vice versa. A month ago, the dauntless Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) published a highly informative investigative report on clan politics and culture in Maguindanao. They revealed the authoritarian politics of the clans in the south that is based on backward organizational structures of the datu system.
Global Pinoy By: Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph In the report, it’s shown that the Maguindanao constituency is insignificant and silent. In fact, they are just numbers that “grows exponentially every three years, when local governments hold elections, and every six years, when national leaders cast their nets wide looking for local leaders who can bring in the numbers needed to swing the national vote,” states the PCIJ report. The Ampatuans have the significant numbers of following in the poor province of Maguindanao. These following remain the Ampatuans and its datu system in power not because the clan represents its constituencies but the interdependent relations to them. Yes, this miserable truth is nothing different to drug addiction but once we kick away this habit, for sure there will be a significant change in our society. And I believe we can do this without somebody or someone to represent us.
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
7
May 2013
Balita mula pahina 1
Albay, dadalhin sa ITB Berlin COMELEC, nakiusap (mula pahina 1) sa mga kandidato na itigil ang pamimigay ng campaign giveaways
Sagot umano ang 15.7 kilometrong expansion na ito sa lumalalang problema sa trapiko sa Metro Manila at upang matulungan din ang mga tao sa mas madaling pagko-komyut. Inaasahang matatapos ang naturang proyekto sa taong 2015. Samantala, bahagi rin ng pagpapahiram ang planong pagpapatayo ng airport sa isang tourist destination na katabi ng Bohol island, ang Panglao island. May $190.5 milyon naman ang nakaplanong gagastusin para sa airport na ito. Sagot din umano ito sa lumolobong bilang ng mga turistang dumarayo sa naturang lugar sa bansa. Nitong mga nakaraang taon, tinatayang “one-third” din ng lahat ng official development assistance sa bansa ay mula sa Japan.
'Wag mamigay ng campaign giveaways. Ito ang pakiusap ng Commission on Elections (COMELEC) sa mga tumatakbong kandidato kaugnay ng mga insidente umano ng pamimigay ng mga giveaways ng mga ito bilang bahagi ng kanilang pangangampanya. Ayon kay COMELEC Chairman Sixto Brillantes, maaari umano itong ituring ng poll body na isang anyo ng vote buying. Maglulunsad umano ng fact finding sa mga naitalang kaso ng vote buying bago magkaroon ng preliminary investigation ang COMELEC law department. Kung mapapatunayang lumabag sa mga regulasyon ang mga nahuling kandidato, bahala na umano ang poll body sa gagawin nitong karampatang aksyon. Partikular na tinukoy ni Brillantes ang pamimigay umano ng ilang mga pulitiko ng malalaking botelya ng tubig sa ilang mga supporter. Ayon sa kanya, baka maaari na itong ituring na paglabag. Kaya’t payo ng Chairman, ‘wag na lang sana silang magbigay ng anumang campaign giveaways.
Seguridad ng mga guro siniguro
Pinoys in Japan have until the morning of May 13 to cast and send their votes via snail mail to the Philippine Embassy in Tokyo
T
iniyak ng Department of Education (DepEd) ang kaligtasan ng may 240,000 public school teachers na inaasahang magsisilbing Board of Election Inspectors (BEIs) ngayong 2013 midterm elections sa bansa. Siniguro ni Education Secretary Armin Luistro na secured at insured ang bawat guro sa darating na halalan. Ayon sa kaniya, ang bawat gurong magsisilbing BEI ay mabibigyan ng P3,000 honorarium na didiretso sa kanyang ATM payroll account para sa inilaang serbisyo sa halalan. Gayundin, kapag may natipid umano ang poll body matapos ang halalan, maaari pang madagdagan ang nasabing halaga ng honorarium ng mga guro matapos ang eleksyon. Para naman sa mga hindi inaasahang election-related deaths at injuries, may nakalaan umanong P30 milyon. Kung mayroon naman daw insidente ng pagkasawi sa mga guro sa halalan, pagkakalooban naman daw ang pamilya ng P200,000. Gayunpaman, siniguro naman ng PNP at AFP na sapat ang ibibigay na seguridad sa mga magseserbisyong guro sa darating na Mayo 13.
8
May 2013
Global Filipino
N
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan"
akagawian na sa dati kong pinagtrabahuhan na eskwelahan bago ako tumulak papuntang Japan ang pagsama-samahin ang mga guro ng tatlong magkakalapit at malalaking eskwelahan sa parte ng Greenhills at EDSA. Kasabay nito, isa sa mga nakaugaliang tradisyon ay ang pagsusuot ng t-shirt para gunitain ang pagsasama-samang iyon ng mga guro.
Nakakadismaya man, pero noong taong iyon ay walang bagong t-shirt na inilabas para sa amin. Lalo pa akong nainggit ng makita ko ang t-shirt na ipinamahagi noong nakaraang taon, isang pangkaraniwang itim na damit na may nakasulat na hindi pangkaraniwang mensahe--”from where I come from, everybody’s a hero.” Mga katagang, mula noon, tumatak sa aking isipan saan man ako magpunta.
Iba't Ibang Mukha ng Pilipino
Fast forward pagkatapos ng isang taon ko dito sa Japan. Natapos ang isang taon ng pagaaral ng Nihongo, pamamasyal sa magagandang tanawin dito sa Japan at pagpa-part-time nang kaunti upang makaipon para sa hinaharap at tuluyan kong nakalimutan ang iniwan kong buhay sa Pilipinas.
Sa loob ng isang taong iyon, dahil na rin sa pagiging miyembro ko ng Association of Filipino Students in Japan o AFSJ at pagtatrabaho para sa isang kumpanya na ang customers ay karamihan Pilipino, halos araw-araw ay kapwa Pilipino ang nakakasalamuha ko. Dahil dito, akala ko alam ko na kung ano ang karanasan ng mga Pinoy dito sa Japan, kung ano ang kanilang mga ugali, pinagkakakitaan, o klase ng pamumuhay. Akala ko...
Kamakailan lamang ay naimbitahan ako, kasama ng ibang officers, sa Thanksgiving Party ng isang grupo ng Pinoy organisasyon dito sa Tokyo bilang kinatawan ng AFSJ. Sa pagtitipong ito ay inisip kong pare-parehong klase ng tao ang makikilala at makakausap ko gaya ng mga una kong nakilala. Pero nagkamali ako. Sa mga pagtitipong ganito nakita kong naisasantabi ang mga personal na kagustuhan at mga sariling bias at nangingibabaw ang kaloobang makatulong sa kapwa. Dahil dito, pinatunayan ng mga nakilala kong mga Pinoy dito sa Japan na hindi lang dahil nangibang-bansa sila karapat-dapat silang tawaging mga bagong bayani. Kundi dahil alam nilang may maibibigay pa sila, kaya nila ito ipinapamahagi sa iba pa nilang kababayan. May mga organisasyon na naka-sentro sa migranteng Pinoy sa bansa, mayroon naman nakatuon sa pagbibigay ng scholarships sa mga deserving na estudyante sa Pinas at iba pang kawang-gawa.
May Magagawa Pa
Bilang gradweyt ng UP, akala ko noon ang laki na ng naitutulong ko sa bansa noong magturo ako sa lokal na unibersidad sa probinsya namin; na may utang na loob na ang Pilipinas sa akin kapag naipo-promote ko sa mga kaibigang Hapon at mga dayuhan ang ganda ng Pilipinas, pero wala pa pala ito sa hirap at sakripisyo ng mga kababayan kong andito sa Japan. Bukod sa mga pamilyang kailangan nilang buhayin at palaguin, sila rin ay mga bayaning Pilipinong nagtatrabaho at naghahangad ng kaginhawaan ng kapwa Pilipino at ng kanilang bansang Pilipinas sa pangkalahataan. Ngayong nandito na ako sa Japan, kung babalikan ko ang mga katagang sinasabi ng t-shirt na iyon, hindi ko na kailangan pang mainggit dahil hindi man ako nakatanggap ng t-shirt design na iyon noong taon na iyon, alam ko sa puso at isip ko na walang duda, totoo iyon, hindi dahil pwede ko sanang maisuot iyon ng paulit-ulit, maitago sa aking aparador o mahingi mula sa kaibigan, kundi dahil napatunayan ko siya dito sa Japan. Kung kaya’t wala tayong dapat ikahiya kapag tinanong tayo ng ibang lahi kung taga saan tayo dahil pwede nating itaas ang ating mga noo at isagot sa kanila: “from where I come from, everybody’s a hero!”
*ang artikulong ito ay para sa lahat ng Pinoy dito sa Japan na nagsisikap tulungan ang kapwa Pilipino sa dito man o Pilipinas at nagpupursige na mapabuti ang kalagayan ng kanyang pamilya at ng kapus-palad na Pilipino. Saludo ako sa inyo!
9
May 2013
Daloy Kayumanggi
Personal Tip: Negosyo
"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
Sikreto sa Pagtatagumpay sa Negosyo
S
iguro naman, sasang-ayon ka kung sasabihin kong marami sa mga mayayaman ngayon ay mga negosyante. Oo, kasi ang pera, lalo na kung matiyaga ka, ay talagang nasa negosyo. Pero siyempre, hindi lang basta may negosyo ka. Siyempre may dos and dont’s din na kailangang malaman. Kung magnenegosyo ka, naririto ang mga kinakailangan mong isasaalangalang bago umaksyon: 1. Kung magnenegosyo ka, mabuting i-evaluate mo muna ang sarili mo. Ano ang kapasidad mo? Ano ang mga
interes mo? Magtatagumpay ka sa negosyo kung nasa puso mo ang iyong ginagawa. 2. Maging magalang sa anumang oras. Kung masungit ka sa iyong mga customer, siguradong hindi ka na nila babalikan. Siyempre, gusto ng mga mamimili na sulit ang kanilang pambayad, kahit man lang sa pakikitungo mo sa kanila. 3. Dapat, marunong ka ring mag-alaga ng suki. Ang kalidad ay number one priority pa rin kaysa sa quantity. ‘Wag mo silang bigyan ng substandard na serbisyo o produkto, dahil siyem-
pre gusto nilang sulit ang halaga ng kanilang perang ipinambayad sa’yo. 4. Maging honest ka sa mga customer. ‘Wag na ‘wag kang magtangkang mandaya sa mga customer mo, lalo na sa iyong mga suki. Sa halip, kung kakayanin pa, bigyan mo sila ng bonus o freebie. Mas babalikan ka ‘pag ganoon. Tandaan na sa pagnenegosyo, pinakamahalaga na ikaw ay dedikado sa iyong ginagawa. Normal lang ang mga pagsubok na kakaharapin. Ang mahalaga, kung papaano ka babangon sa bawat problema. Pinoy ka eh, kaya mo yan!
Business Etiquettes na Kailangan Malaman Para Mapangalagaan ang Negosyo
A
ng pagnenegosyo ay hindi parang laro. Ito ay isang bagay na kailangang seryosohin, dahil unanguna, namuhunan ka rito. Dugo’t pawis ang iyong ginugol para lamang masimulan at maipatayo ang iyong negosyo. Kagaya ng pagtatrabaho, meron din itong do’s and don’ts na kailangan mong matutunan para mas lalong mag-prosper ang iyong business venture. Naririto ang ilang mga magagandang business etiquette para mas mapangalagaan pa ang iyong sinimulang negosyo: 1. Magkaroon ng friendly attitude. Ito’y para mas magmukha kang kagiliw-giliw sa iyong mga customer at mga ka-empleyado. ‘Wag maging bastos o masungit para
Paano magagawang sikat ang Negosyo
P
ara mas lalong maipakilala sa mga tao ang iyong serbisyo / produktong ibinebenta, hindi sapat ang “words of mouth” lamang. Ang mga matagumpay na negosyante, ginagastusan din nila ang kanilang “advertisements”—sa TV, radio, magasin, newspaper, at maging sa Internet. Opo, ganyan kadugo ang pagnenegosyo. Pero teka, ‘wag kang matakot; ‘wag mawalan ng interes. Hindi po ‘yan ang ibig kong sabihin. Ang ibig sabihin nito, para mas lalo kang magtagumpay, mas lalong mapo-popularize, kailangan mo ng mga alternatibong tools para makapag-advertise. Basahin ang mga suhestiyong ito: 1. Facebook / Twitter Advertising. Sa dinami-dami ba naman ngayon ng mga taong may FB at Twitter accounts, siguradong epektibo ang marketing strategy na ito. Ang gawin mo, gumawa ka ng FB page ng iyong negosyo at ipa-like ito sa mga tao / target customers mo. ‘Pag ni-like na nila ang page mo, regular na silang makakakuha ng updates sa’yong negosyo.
2. Maglunsad ng website. Mas may kredibilidad kasi ang negosyo mo ‘pag may website. Maglagay ng contact details at address ng iyong negosyo para pandagdag sa kredibilidad ng iyong negosyo. 3. Magpamudmod ng flyers. Maaari namang hindi ikaw ang magpamudmod nito (baka kasi nahihiya ka). Maaari kang magbayad ng tao na gagawa nito para sa’yo. Lagyan ng larawan at iksihan lamang ang teksto para hindi nakababagot basahin. 4. Maglunsad ng promotion. Halimbawa, magpakontes. Kung sinong panalo, maaaring pera one-month supply ng iyong produkto ang papremyo. Marami-rami pang promotional ideas na pwedeng gawin. Mag-research lang sa Internet. Muli, ang negosyo ay nagtatagumpay ‘pag napag-uusapan. Kaya, maglaan ng budget para sa advertisements at sa iba pang marketing strategies. Dito nabubuhay ang iyong negosyo.
K
patuloy kang balik-balikan ng iyong mga suki. 2. Maging mapagbigay. Sabi nga nila, mas nabe-bless ang taong nagse-share ng kanyang mga blessings. Sa iyong sitwasyon, maaari kang maging mapagbigay sa pamamagitan ng pagbibigay ng sobra o freebies sa iyong mga customer (maaari mong dagdagan halimbawa ang kanilang mga binili). Tuwing pasko, ugaliing magbigay ng kaunting token sa’yong mga suki at mga empleyado. 3. ‘Wag dalhin ang personal na problema sa iyong negosyo. Kung masyado kang nagpapaapekto, nararamdaman din ‘yon ng mga suki at mga empleyado mo. Panatilihing hiwalay ang negosyo sa iyong per-
sonal emotions / feelings. 4. Magbigay ng magandang customer service. Kailangan ay masipag kang tumugon sa mga customers’ concerns at inquiries. ‘Pag nakita naman nilang okay ang iyong serbisyo, siguradong tatatak ka sa kanila at hindi na pupunta pa sa iba. 5. Alamin ang pangalan ng iyong mga customer. Oo nga naman, kung ikaw ang customer, at tinawag ka sa iyong pangalan, hindi ba’t parang mas nae-engganyo kang bumili? Ibig sabihin kasi no’n, naaappreciate ng may-ari ang iyong presensya bilang regular na mamimili. Hayan, atat ka na bang magnegosyo? Sundin lang ang mga tips na ito para tuluy-tuloy ang pag-apaw ng swerte!
Mga Patok na Negosyo na Pwedeng Pasukin
agaya ng mga nabanggit na, sa panahon ngayon na pamahal nang pamahal ang mga bilihin, maiging mag-isip ng mga sideline na negosyo na pwedeng pagkakitaan. Naririto ang ilang mga suhestiyon: 1. Autoloading business. Sabi nila, ang mga Pinoy ay mahihilig sa pagte-text. Kaya naman, ang magandang gawing negosyo ay autoloading business. Sa murang kapital, makakapagsimula ka na ng iyong business na talaga namang kumikitang kabuhayan. Ang maganda niyan, makaka-discount ka mismo sa’yong pansariling load nagpapaload pa sa iba. 2. Buy and Sell Online. Uso na ngayon ang online shopping. Yun bang, sa isang click mo lang, nakakabili ka na ng kung anu-ano sa Internet at ide-deliver na lang ito sa bahay niyo. May mga site na pwede kang pagbentahan ng produkto o serbisyo, kagaya ng eBay.com at sulit.com.ph. Sikreto dito: pumili ng kakaiba at mabentang produkto. 3. Guitar trainer. Kung maalam ka naman sa paggigitara, maiging gawin itong negosyo. Marami ang gustong matutong maggitara. Mag-offer ka ng murang per hour na talent fee para siguradong dudumugin ka ng iyong mga estudyante / kliyente. At eventually, ‘pag malaki-laki na ang kita mo, pwede ka nang mag-expand para mas marami rin ang pera. 4. Photobooth rental business. Uso rin ngayon ang photobooth na business. Ito yung nakikita sa mga birthday party at anumang okasyon na booth, kung saan magpo-pose ang mga bisita at instant na lumalabas ang larawang kinunan. Magsearch lang kung magkano ang puhunan sa negosyong ito at sa magkanong halaga mo pwedeng ipa-renta. 5. Vending machine. Hit din ngayon ang coffee vending machine. Ito yung papasukan mo ng barya at agad-agad na itong magtitimpla ng kape, tsokolate, o caramel. Ang maganda pa nito, hindi na kailangan ng tagabantay. Maaaring ikaw na mismo
ang magre-replenish ng tubig at mga mixture nito ‘pag naubos. Tandaan, na para hindi makaranas ng hirap sa buhay, kailangan lang ng diskarte. Gamitin ang abilidad sa pagnenegosyo at siguradong luluwag ang inyong pamumuhay. Siyempre, samahan ‘yan ng pagtitipid at pagdarasal arawaraw sa Maykapal. Goodluck!
10
May 2013
Daloy Kayumanggi
Personal Tips: Trabaho
"Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
Tips Para Maging Masaya at Matagumpay sa Pagtatrabaho
M
Epektibong mga Teknik sa Pagmamanage ng Oras sa Trabaho
M
arahil, narinig mo na ang linyang ito: “Superman ka ba? Pahinga ka naman!” O ‘di kaya, itong line na ito: “Grabe ka ah! Machine ka ba?” Siguro, alam mo na ang tinutukoy ng artikulong ito. Kailangan mong mamahinga. Kailangan mong mag-break. Hindi lang break na 30 minuto. Ang tinutukoy ko, medyo mahaba-habang bakasyon. Oo. Nakakatulong ito para higit na manumbalik ang iyong lakas at interes sa pagta-trabaho. Basahin ang mga sumusunod kung saan pwedeng magbakasyon, kahit panandalian lang. 1. Mag-book ng out-of-the-town trip. Pwede namang pumunta sa ibang lugar nang hindi gumastos nang malaki. Sa ngayon kasi, nagkalat na sa Internet ang mga website (na legitimate
S
araming mga indibidwal ang hindi nae-enjoy ang pagtatrabaho o hindi nasisiyahan sa kanilang mismong trabaho. Isa ka ba sa kanila? Kung ganoon, basahin ang mga sumusunod na mga makabuluhang hakbang para mapanatili ang excitement at moti vation level sa pagtatrabaho: 1. Panatilihing malusog ang katawan. Siyempre, puhunan natin ang ating katawan. Baka naman lagi kang nag-iisip, mayroon kang mga bisyo, hindi nageehersisyo, at hindi natutulog kaya ‘di mo nae-enjoy ngayon ang trabaho mo? Tandaan, ang lahat ng mga nabanggit
tressed? Overwhelmed? Natutuliro na sa dami ng mga ginagawa sa trabaho? Ang sagot: Time Management. Oo. Kailangan mo ngang pag-isipan nang mabuti ang wastong paghahati-hati ng iyong mga gawain sa trabaho, nang sa gayon ay hindi mapuno at hindi bumigay ang iyong katawan nang dahil sa stress. Layunin ng artikulong ito na matulungan kang mahalin pang lalo ang iyong trabaho at hindi mabitawan ang iyong motivation level. Tandaan na, may kinalaman ang iyong performance sa trabaho sa iyong abilidad na mag-manage ng iyong oras sa trabaho. 1. Marunong ka dapat mag-prioritize. Ilista at iranggo ang iyong mga gawain sa buong araw. Siyempre, ang nasa itaas dapat ng
rin naman) na nag-o-offer ng mga big travel package discounts. I-grab mo ang mga iyon. 2. Mag-trekking. Nakakaluwag nang isipan ang mag-trekking. Isama mo ang iyong mga kapamilya o kaibigan at siguradong mag-eenjoy ka at mare-relieve sa dinaranas na stress sa trabaho. 3. Mag-sightseeing. Ito’y lalo na ‘pag may interes ka talaga sa panonood ng magagandang tanawin. Kung meron kang sasakyan, isama mo ang iyong mga mahal sa buhay at mabusog sa mga magagandang tanawin sa inyong lugar o kalapit na bayan. Mag-browse sa internet at sumali sa mga forum. Magtanung-tanong kung saang lugar ang cool puntahan. 4. Maghanap ng night parties. Maganda rin namang “paminsan-minsan” ay mag-party. Kailangan din ng ating katawan ‘yan. Ika nga
ay makasasama sa’yo at makasisira sa’yong katawan. 2. Huwag isipin ang hirap o pagod. Isipin mo na lang, nagtatrabaho ka para sa iyong pamilya, sa mga mahal mo sa buhay. Kailangang mag-pokus. Isaisip na hindi makukuha ang tagumpay na parang magic o ‘di kaya “by some stroke of luck.” 3. Huwag dalhin ang personal na problema sa trabaho. Ihiwalay ang problema sa buhay o bahay sa iyong trabaho. Kung hindi, baka ikaw pa ang mapasama sa iyong employer at mga katrabaho. 4. Huwag dibdibin ang mga negative criticism. Sa halip, ituring ito bilang
iyong listahan ay ang pinaka-importanteng matapos mo. At, ang nasa mga pinakababa sa listahan ay ang mga pwede pa namang gawin sa mga susunod na araw. 2. Iwasan muna ang pagba-browse sa Internet. Marahil nangyari na ito sa’yo: may kailangan kang gawin pero hindi mo natapos kasi online sa FB si bespren na nasa kabilang panig ng mundo. Tama ba ako? Kaya naman, para matapos agad ang trabaho, concentrate. Ang Internet ay magandang device para sa iba’t ibang impormasyon pero malaki rin namang “time waster” lalo na pagdating sa trabaho. 3. Iwasan ang mahabang oras ng pakikipag-usap sa iyong mga katrabaho. Minsan kasi, napapasarap na tayo sa usapan, lalo na ‘pag ito’y tungkol sa iyong mga interes, kagaya ng mga TV show, pelikula, at kung
ng mga doktor, may mga hormones daw na lumalabas sa ating katawan na nakaka-relax at nakaka-relieve ng stress ‘pag ikaw ay nasisiyahan. 5. Mag-shopping. Very good idea ito. Muli, ‘pag nasisiyahan ka sa iyong mga nakikita at ginagawa, siguradong mawawala ang nakamamatay na stress dulot ng maraming ginagawa. Pero siyempre, hinay-hinay lang. Baka naman kasi mamaya, magasgasan naman ang iyong mga bulsa. Mahirap na. Huwag gaanong seryosohin ang pagtatrabaho. Kung minsan, maganda rin ang pilosopiyang taglay ng kantang “Que sera sera” (Alam mo ba itong kantahin?) Ito’y para ma-refresh, marelieve at ma-enjoy rin naman ang buhay sa labas ng apat na pader ng ating lugar na pinagtatrabahuhan.
“challenge” para mas pag-igihan pa ang pagbabanat ng buto. 5. Maging honest ka sa’yong trabaho. Tandaan, ang isang pagkakamali ay mas natatandaan kaysa sa mga mabubuting ginawa mo sa iyong kapwa. Hindi laro ang pagtatrabaho. Isa itong bagay na kailangan mong paghusayan, i-develop, i-master. Kailangan din siyempreng maging ganado palagi sa pagtatrabaho. Tuluy-tuloy na mahalin ang iyong trabaho at ituring ito bilang bahagi ng iyong buhay. At tiyak, makakamit mo ang tagumpay!
anu-ano pa. Isa rin itong malaking time waster, tandaan mo ‘yan. Kaya naman, marunong magsabi ng “NO.” ‘Pag busy ka, sabihin mo lang sa magalang na pamamaraan sa ibang tao na hindi ka pwede sa mahahabang usapan dahil may kailangan ka pang matapos. 4. I-organisa ang iyong mga emails at phone calls. Isa rin itong mabisang paraan para matapos mo nang mabilis ang iyong mga ginagawa. I-note at i-set aside lang muna ang mga kailangan mong balikang emails at tawag sa partikular na oras. Hayan, mukhang ready to go ka na ulit sa trabaho. Isapuso at isa-isip ang mga nabanggit na tips at siguradong sa susunod na araw ng trabaho ay hindi na mawi-windang sa dami ng mga gawain. At siyempre pa, SMILE. Smile!
Take a Break
Mabisang Promotion Tips sa Trabaho
Promotion ba wish mo? Pwedeng-pwedeng matupad ‘yang wish na ‘yan. Ang sabi nga nila, ang mga Pilipino raw ay isa sa mga pinaka-masisipag na mga workers sa buong mundo (kung ‘di man pinakamasipag sa kanilang lahat). Agree o Disagree? Agree, siyempre! Tama ba? Hindi na natin patatagalin pa. Naririto ang mga dapat mong gawin: 1. ‘Wag ma-late sa trabaho. Common sense ba? Baka kasi hindi mo alam na isang nagiging basehan ng mga kumpanya sa promosyon sa trabaho ay ang oras sa pagtatrabaho. Baka naman, huling-huli kang laging nale-late? Ang magandang gawin para masigurong pasok sa oras ang iyong pagpasok sa trabaho ay pumasok nang mas maaga sa 15 minuto. ‘Pag lagi kang nakikita ng iyong boss na maaga sa traba-
ho, siguradong ikaw ang maiisip niya ‘pag promotion sa trabaho ang pinag-uusapan. 2. Magkaroon ng initiative. ‘Wag lang malimitahan sa mga ibibigay sa’yong trabaho. Maganda nga kung nagtatanong pa sa iyong “boss” kung meron pa siyang mga karagdagang trabahong ipagagawa. Pero, siguraduhin munang natapos mo ang iyong mga kasalukuyang ginagawa. Siguradong matutuwa ang iyong boss sa’yo. 3. I-meet ang deadline. Ito’y naaayon sa mga may trabahong nangangailangang matapos ang isang partikular na trabaho sa ispesipikong oras, kagaya halimbawa ‘pag nasa opisina ka. Iwasan kasi muna ang mga hindi mahalagang gawain para siguradong matapos nang on-time ang iyong mga gawain. 4. Magsanay sa “public speaking.” Kung mapapansin mo, ang mga nasa may mata-
as na posisyon ay marurunong din silang magsalita sa harap ng publiko. Muli, common sense lang ‘yan: Paano sila makikiharap sa mga kliyente kung hindi marunong makipag-usap sa mga taong highprofiled? Maaari kang mag-enrol sa isang speech class o ‘di kaya ay mag-browse lang ng mga instructional videos sa YouTube. 5. Magsuot nang kanais-nais. Kaugnay nito ng huling tip. Kailangan mo ring maginvest kahit papaano sa iyong “packaging.” Appealing ka bang makiharap sa ibang tao? Dignified ka bang tingnan ‘pag magpe-present na sa harapan ng mga big-time client? Hayan, nawa ay nakatulong ang mga tips na ito. Pero siyempre, bukod sa mga nasa itaas na tips, siguraduhing ibigay ang lahat ng iyong makakaya sa iyong trabaho. Gambatte!
11
May 2013
Daloy Kayumanggi
Personal Tips: Trabaho
"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Iba't ibang Uri ng mga Katrabaho at Paano Sila Pakikiharapan
I
sa sa pinakamahalagang aspeto ng pagtatrabaho ay ang pakikisama sa mga co-workers. Iba-iba kasi ang pag-uugali ng bawat manggagawa— siyempre, iba-iba rin kasi ang ating mga oryentasyon sa buhay. Gayundin, sa iba’t ibang lugar tayo namulat at lumaki. Anu-ano nga bang klase ang pag-uugali ng ating mga co-worker? Paano natin sila pakikiharapan? 1. Katrabahong mahilig manira. Hindi natin maiiwasan itong ganitong klaseng tao. Pero, kung wala namang katotohanan ang paninira sa’yo, mas maiging huwag na lang itong pansinin. Sa halip na maasar, ipakita mo sa inyong mga katrabaho na hindi ka apektado, dahil wala naman itong katotohanan. Ika nga, pagtawanan mo na lang ang mga paninira sa’yo. Sigurado namang magsasawa din ‘yan. 2. Katrabahong mahilig manghila ng co-worker pababa. Sigurado, naiinggit ‘yan sa’yo. Marahil, ang habol niyan ay promotion sa trabaho; at ikaw ang sa tingin niyang mahigpit niyang katunggali sa posisyon. Maaaring gano’n yun. Basta, ang mahalaga’y gawin mo lang ang lahat ng iyong makakaya sa trabaho. Kung may pagkakataon, mag-aral pa. Mag-attend ng mga seminar at workshop na kaugnay ng iyong trabaho. Sa pamamagitan nito, siguradong wala nang mahahanap na butas ang nanghihila sa’yo. 3. Katrabahong BI o “bad influence.” Siya o sila naman ang may mga bisyong di-kanais-nais—pag-inom, pagsusugal, paggastos nang malaki, at iba pa. Hindi naman masamang makisama sa kanila, pero tandaan na ang “environment” ay malaking factor sa pagbabago ng isang tao. Marunong ka dapat na disiplinahin ang sarili mo. Huwag patangay sa agos na pupunta naman sa daanang liku-liko. 4. Katrabahong “friendly” at maaasahan. Bibihira lang ang mga taong ganyan. Sila naman ang mga taong kailangan mong i-treasure at ‘wag pakawalan. Maging totoo ka lang sa kanila para ganoon din ang magiging balik sa’yo. Kung meron ka, i-treat din sila paminsan-minsan. Dagdag“bonding” din ito kahit papaano. Iba-iba ang mga tao. Iba-ibang kulay, iba-ibang personalidad. Ang mahalaga: marunong ka dapat kumilatis, umiwas, makisama, at magpahalaga.
Halaga ng Experience sa Trabaho
H
alos lahat naman tayo ay talagang nagsisimula sa ibaba. Pati ang mga matatagumpay na tao ngayon sa kanilang karera ay dumaan din diyan. Kung ikaw ay bagong gradweyt at naghahanap ng trabaho, ang sikreto diyan, ‘wag munang mamili. Sa panahon ngayon, maganda rin kung praktikal tayo kung mag-isip. Ang mahalaga kasi muna, makaipon ka ng sapat na experience (mga dalawang taon sa unang trabaho) para mas madaling matanggap sa talagang gustong pasukang trabaho. Kumbaga, ito’y nagsisilbing training ground o lunsaran mo para ma-develop mo ang iyong abilidad sa pagtatrabaho—mapaganda rin ang pakikitungo mo sa’yong mga katrabaho, maexpose ka sa real working scenario. Marami kasi ngayon ang hindi nagtatrabaho kasi hindi related sa kursong tinapos ang available na trabaho. Pero, kung wala talagang choice, kaysa wala kang trabaho na nakikita ng mga tao, doon ka muna sa available na trabaho. Ang mahalaga, nakakatulong ka sa’yong pamilya. Ang mahalaga, nakakapag-contribute ka na sa pagbabayad ng bills buwan-buwan—sa pagbabayad ng tuition fee ng inyong mga nakababatang kapatid. Ang mahalaga rin, nakaipon ka ng sapat na experience—pampataba baga ng iyong resume ‘pag nag-aplay ka na ulit sa iyong gustong trabaho. Isipin mo na lang, bawat karanasang natutunan mo ay malaking bagay upang ika’y maggrow-up bilang tao at sa iyong karera. Hinay-hinay lang, kapatid!
Ang Masama sa Pagiging Workaholic
W
orkaholic ka ba? Ikaw ba yung tipong overtime nang overtime. Arawaraw na lang ay nag-uuwi ka ng trabaho sa inyong bahay. Yung tipo bang, matutulog na sa gabi ang iyong asawa at anak, subsob ka pa rin sa kakasulat o kaka-type ng kung anu-ano. Naku po, workaholic ka nga. Alam mo bang masama ‘yan sa maraming aspeto? O baka naman, alam mo pero ika’y nagmamaang-maangan? Kung gano’n, kailangan mo ng “enlightenment.” Kailangang ipaalala sa’yo ang mga maaaring mangyari Masama sa Pakikitungo sa Iyong Pamilya kung masyado kang workaholic. Baka kasi mapagbintangan kang pabaya sa’yong pamiHindi po ako nananakot, nagpapaalya—sa’yong asawa at sa’yong mga anak. lala lang. Hinay-hinay lang. Nauubos na nga ng trabaho ang kalaMasama sa Kalusugan hating araw mo, pati gabi ba naman at weekends? Sana Kung ang katawan ay napapagod, ‘wag naman na. pati isipan ay napapagod din. Baka Sa halip na mag-uwi ng trabaho, piliing makipag-bondmamaya niyan (‘wag naman sana), ing sa iyong pamilya—para mas lumalim pa ang relasyon dahil sa sobrang stress na dinadala at respeto ninyo sa isa’t isa. mo pati sa inyong tahanan, magOo’t kailangan mong magbanat ng buto. Kailangan mong breakdown ang iyong katawan, pati mapunan ang mga pang-araw-araw na pangangailangan na isipan. ng iyong pamilya—sa panahon ba naman ngayon na mas Ang mga sakit na kaugnay ng malaki pa ang gastusin kaysa sa sinasahod ay kailangan sobrang stress sa katawan ay anxiety talagang kumayod nang kumayod. disorder, depression, hypertension, Pero, alam mo rin dapat na ang sobra ay mali o masama. at iba pa. Alam mo rin dapat ang iyong limitasyon. At, ang sobrang Tandaan, na puhunan natin ang ating katawan, kaya ‘wag nating ma- pagtatrabaho ay hindi na nakabubuti pa sa’yo at sa’yong pamilya. syadong abusuhin.
12
Ads
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
Ads
13
14
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
15 May 2013
Travel
16
May 2013
Komunidad
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Free Interpretation Service
Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
17
May 2013
Komunidad
"Ang NTT card at Daloy Kayumanggi ay nag-su-sponsor ng mga events kagaya nito (Church event, charity, birthday party, group party, etc. para sa mga Pilipino na nasa Japan. Para sa mga detalye, tumawag lang sa 090-6025-6962 at hanapin si Erwin
18
May 2013
Global Filipino
Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
IRONMAN 3 After the event in Manhattan nothing has been the same to this pit brash-but-brilliant industrialist Tony Stark “Iron Man”. This third journey will test his mettle, with his back against the wall against an enemy whose reach knows no bound. Iron Man’s world will be destroyed at his enemy’s hand and will be left to survive. As he fights his way back, Tony Stark discovers the answer to the question that has secretly haunted him, does the man make the suit or does the suit make the man? Starring Robert Downey Jr. (Iron Man), Don Cheadle (Traitor), Ben Kingsley (Gandhi) and Gwyneth Paltrow ( Iron Man ). Directed by Shane Black (Reel Steal).
MUST WATCH!
NOW YOU SEE ME
Four amazing magicians, 3 impossible heist, 1 billion dollars, this is no illusion. Look closely, because the closer you think you are, the less you will actually see. That is the tagline of this movie. It’s about this 4 amazing magicians that will heist 1 billion dollars in different casino and different places during a show to reward their audience with money, while an FBI agent tracks them down. Starring Jesse Eisenberg (Social Network), Isla Fisher (Definely May be), Mark Ruffalo (Avengers), Morgan Freeman (Deep Impact), Woody Harrelson (Money Train), and Michael Cain (Dark Knight).
MUST WATCH!
FAST & FURIOUS 6
They’re all back in action and this time they’re not doing any heist but working for Agent Hobbs. They have to track down a rival gang led by Owen Shaw and Lety, whom we thought died in the fast and furious 4 segment. Dom and the team helped Agent Hobbs in exchange for their freedom, clean slate records. They must put an end to this rival gang no matter how the personal cost. Starring Vin Diesel, Paul Walker, Dwanye Johnson, Luke Evans and SPOILERS! ALERT! Jason Statham.
MUST WATCH!
HANGOVER PART III
It all End’s Here!, Tagline of the part II of the comedy Hangover III. This time there’s no wedding, no bachelor parties. What could possibly go wrong right? But when the “Wolfpack” comes together and hit the road, all bets are off !. Starring Bradley Cooper (Silver lining playbook), Zach Galifianakis (Birdman), Ed helms (The Office) and Justin Bartha (Becoming). Directed by Todd Philipps.
MUST WATCH!
STAR TREK INTO DARKNESS Trekkie fans! It’s back. The part two of the much anticipated star trek film, Bringing you a high action packed out of Earth experience. After the crew of the Enterprise find an unstoppable force of terror from within their own organization, Captain Kirk leads the manhunt to a war-zone planet to capture a one man weapon of mass destruction. Starring Chris Pine (Jack Ryan Reboot), Zachary Quinto (Heores), Zoe Zaldana (Avatar 2) and directed by J.J. Abraham (Star Wars: Episode VII).
MUST WATCH!
FREE NEWSPAPER Tawag lamang sa 090-1760-0599
19
May 2013
Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
ANG PASYENTE
Patient: Dok, malungkot ako dito sa mental, kaya naisipan kong sulatan ang aking sarili. Doktor: Ano naman ang laman ng sulat mo? Patient: Aba, ewan! Next week ko pa matatanggap eh!
ERAP AND THE FOREIGNER
Erap: Sorry! Foreigner: Sorry, too! Erap: I’m sorry 3! Foreigner: What’s your sorry for? Erap: Sorry 5! Foreigner: Sorry, but your sick! Erap: Sorry 7! Kala yata nito hindi ako marunong magbilang ah!
ANG DANK TRAK
Tatay: Anong dan trak? Anak: Yun pong trak na sampu ang gulong na ang karga eh buhangin. Tatay: Hindi dantrak yan…TEN MILLER!
COLORS
Teacher: Give me colors that begin with letter “M.” Pupil: Maroon! Teacher: Anybody else? Ngongo: Mlue, Mrown, mlack, miolet… Teacher: Mery good!
SI PEDRO, SI JUAN AT ANG BINGI Pedro: Galing ako sa doctor, nakabili na ako ng hearing aid. Grabe ang linaw na ng pandinig ko!
GEMINI May. 22 - Hun. 21 Makatatanggap ngayong buwan ng kritisismo mula sa isang kakilala. Pero, maaaring maging daan naman ito para magsilbing realization o point-ofreflection sa iyo para mabago ang ilang mga pananaw sa buhay. Ito rin ang magiging dahilan para mas tataas pa ang pagtitiwala sa iyong sarili. Ang iyong color of the month ay asul. Numero mo naman ngayon ang 17, 5, at 29.
CANCER Hun. 22 - Hul. 22
Magiging paurong-sulong sa pagdedesisyon ngayong buwan. Kung walang katiyakan, mas maiging ‘wag na lang munang ipagpatuloy. Ngayong buwan, kailangan din munang magrelaksrelaks muna para hindi kapitan ng sakit. Blue at orange ang swerte sa’yo ngayong buwan. Kung binabalak namang tumaya sa mga lottery, ikonsidera ang mga numerong 3, 1, at 9.
LEO Hul. 23 - Ago. 22
Kailangang baguhin mo ngayong buwan ang iyong pagkamakasarili. Mas magmumukha ka kasing pabigat sa iyong mga kasama sa trabaho kapag hindi binago ang di-kanais-nais na pag-uugali. Mas ‘di hamak na lalapitan ka ng swerte at ng bagong mga kaibigan sa trabaho ‘pag mapagbigay ka. Gray ang okay na kulay sa’yo; 6 at 12 naman ang sa numero.
Juan: Talaga?! Magkano ang bili mo? Pedro: Kahapon lang.
BAND PEPPER
Anak: Itay, bibili ako ng band peper. Itay: Anak, wag kang b*bo ha. Hindi “band peper” ang tawag dun. Anak: Ano po ba? Itay: Kokongban!
NAGBIBINTA O...
Boy: Nakipag-away ako kanina! Ama: Aba, nagbibinata na anak ko ah! Pero bakit? Boy: Eh, tinawag po kasi akong bakla! Hinampas ko nga ng shoulder bag ko yung mga chuva evers na yun! Hmpft!
ANG NGIPIN
Boy: Ang ganda ng ngipin mo, parang exams! Girl: Bakit mo nasabi yan? Boy: Tingnan mo yung ngipin mo, one seat apart!
KUNG MAYAMAN... KUNG MAHIRAP PART 1
Kung mayaman ka, meron kang “allergy.” Kung mahirap ka, ang tawag diyan ay “galis” o “bakokang.” Sa mayaman, “nervous breakdown” dahil sa “tension and stress.” Sa mahirap, “sira ang ulo.” Kung mayaman ka, “pneumonia” daw ang sakit mo.
VIRGO Ago. 23 - Set. 23 Kailangan mong ibaling sa iyong partner o kapareha ang iyong atensyon. Meron kasi siyang hindi masabi-sabing bagay sa’yo kasi busy ka masyado sa pagpaparami ng pera. Mas makakapagpatibay sa relasyon niyo ngayon ang pagyaya sa kanyang kumain sa labas o ‘di kaya’y pagbibigay sa kanya ng kaunting regalo. Lucky colors at numbers: Navy Blue at Yellow Green; 7, 18, at 22.
LIBRA Set. 24 - Okt. 23
Pahinay-hinay lang muna sa pagtatrabaho. Baka kasi makasama sa iyong kalusugan dahil medyo bababa ang iyong resistensya sa mga sakit. Mas maigi kung mas pagtutuunan ng pansin ngayong buwan ang iyong asawa at mga anak. Bawas-bawasan din ang init ng ulo dahil makasasama sa’yong kalusugan. Masusuwerteng numero: 30, 31, at 21. Masusuwerteng kulay: sky blue at white.
SCORPIO Okt. 24 - Nob. 22
Mukhang susuwertehin ka ngayon sa mga raffle draw. Kaya, kung may pagkakataon, sumali sa mga pakontes baka masungkit mo pa ang grand prize. Para naman mabawasan ang pagiging bugnutin, ugaliing makipagkita sa mga kaibigang napagkakatiwalaan mo. Blue-green ang swerteng kulay sa’yo; 10 at 25 naman ang mga numero mo.
Kung mahirap, “TB” ‘yon. Sa mayaman, “hyperacidity.” Kapag mahirap, “ulcer” dahil walang laman ang tiyan.
KUNG MAYAMAN...KUNG MAHIRAP PART II
Sa mayamang “malikot ang kamay,” ang tawag ay “kleptomaniac.” Sa mahirap, ang tawag ay “magnanakaw” o “kawatan.” Pag mayaman ka, you’re “eccentric.” Kung mahirap ka, “may toyo ka sa ulo” o “may topak” o “may sayad.” Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may “migraine.” Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay “nalipasan ng gutom.” Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is “scoliotic.” Pero kung mahirap ka, ikaw ay “kuba.”
YUN ANG BANAT
Q: Bangin ka ba? A: Nahuhulog kasi ako sayo. Q: Pustiso ka ba? A: Kasi, I can’t smile without you. Q: Pagod na pagod ka na noh? A: Maghapon at magdamag ka na kasing tumatakbo sa isipan ko eh. Q: May butas ba puso mo? A: Kasi natrap na ako sa loob! Can’t find my way out.
SAGITTARIUS Nob. 23 - Dis. 21 Mas papakinggan mo ngayon ang iyong mga kapamilya kaysa sa mga kaibigan. May tyansang makakapagpabago sa iyong pananaw sa buhay ang sasabihin ng isa sa mga kapamilya. Bawas-bawasan din ang pagiging sensitibo, baka ito pa ang makapagpahamak sa’yo at makapagpalayo sa mga taong iyong minamahal. Swak sa’yo ang kulay dilaw at orange. Numerong 15, 16, at 22 naman ang okay sa iyo.
CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20
Sikaping maging busy para maiwasan ang masyadong pag-iisip sa isang problema. Maaaring lumapit sa iyong mga kaibigang pinagkakatiwalaan. Pagdating naman sa relasyon, sikapin ding maging tapat para okay ang pagsasama. Ang red ay masuwerte sa’yo. Ikonsidera rin naman ang mga numerong 21, 29, at 4.
AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19
Alisin muna ang sama ng loob na naidulot sa’yo ng mga tao mula sa’yong nakaraan. Mas maiging maging mapagpatawad. Nakakaluwag iyon sa iyong kalooban at mas nabe-bless ka kasi ‘pag ganoon ang pananaw sa buhay. Magtiwala lang sa’yong sarili at makakaya mo ang lahat ng mga pagsubok sa buhay. Masuwerte ka rin sa mga raffle draw. Power numbers at colors: 2, 34, at 30; aqua blue at dark green.
Q: Anong height mo? A: Pa’no ka nagkasya sa loob ng puso ko?
ANG MANOK
ANAK: Tay, may manok sa kusina. Tinutuka ang bigas mo. TATAY: Paalisin mo! ANAK: Oi, alis ka daw! Ayaw umalis eh! TATAY: Takutin mo! ANAK: Awoooooo manooook! May mumu diyan!
UNFAIR
Tatay: Bagsak k n nmn! Bakit hindi mo gayahin si Pedro? Palaging may honor! Anak: Unfair naman ‘tay kung ikukumpara niyo ako kay Pedro! Tatay: At bakit naman aber? Anak: Matalino kaya tatay nun
TEXT ADDICT
Text Addict 1: Friend, my taning na ang buhay ko! Last nyt ko na to kya txt tau buong gabi Text Addict 2: Heh! Tumigil ka nga, maaga pa gising ko bukas buti ikaw hindi na gigising!
ANG SAKSI
Pulis: Sino ang nakasaksi sa aksidente? Tambay: Ako sir! Kulay itim na van ang nakabangga. Pulis: Nakuha mo ba yung plate number? Tambay: Hindi sir, nakaturnilyo kasi.
mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp
PISCES Peb. 20 - Mar. 20 Mag-ingat-ingat sa pagdedesisyon ngayong buwan. Pag-isipang mabuti ang bawat galaw. Mas ikonsidera mo dapat ang nakararami kaysa sa iyong pansariling interes. Samantala, maswerte naman ang pasok ng pera ngayong buwan sa’yo. Kaya ugaliing maging mapagbigay o huwag madamot. Mas dumarating kasi ang blessing ‘pag nagiging mapagbigay sa kapwa. Numbers of the month: 16, 23, at 4. Colors of the month: pink at white.
ARIES Mar. 21 - Abr. 20
Inaasahang may pagbabagong magaganap sa iyong sarili ngayong buwang ito. Ibayong pag-iingat ang kinakailangan kapag lumalabas ng bahay. ‘Wag basta-basta magtitiwala sa tao. Isiping mabuti ang bawat desisyong bibitawan. Power numbers: 4, 6, at 9. Lucky color: green.
TAURUS Abr. 21 - May. 21
Mare-realize mo na kailangan mo nang pagtuunan ng pansin ang pinansiyal na aspeto ng iyong buhay. Ngayon ang panahon para sundin ang pagnanais na mamuhunan sa isang negosyo. Maaaring ito ang magbubukas muli ng pagkakataon para umangat sa buhay. Palagiing magsuot ng damit na mayroong dilaw na kulay. Ang mga numerong 26, 23, at 3 ay masusuwerte naman sa’yo.
20
May 2013
Balitang Sports
PBA players, dumalo sa tax forum ng BIR
Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
Football Experts ng Argentina, tuturuan ang mga Pinoy ng Football
K
U
pang maiwasan ang issue ng tax evasion, nag-organisa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng dalawang oras na tax forum sa mga Philippine Basketball Association (PBA) players, isang linggo bago matapos ang filing ng tax returns. Pinangunahan ni BIR Commissioner Kim Henares ang forum, samantalang si Deputy Commissioner Nelson Aspe ang nanguna sa pagtuturo ng crash course sa mga manlalaro sa National Training Center. “The forum seeks not only to improve BIR and PBA’s working relationship, but also to increase the players’ tax awareness so they could avoid tax cases,” banggit pa ni Aspe. Samantala, sinabi ng PBA Commissioner na si Chito Salud na tutulungan ng mga manlalaro ang pamahalaan na pataasin ng revenues sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis nang tama. Kabilang sa mga PBA players na dumalo si Jimmy Alapag ng Talk N’Text na nauna nang kinasuhan ng tax evasion, James Yap ng San Mig Coffee Mixers, at Chris Tiu ng Rain or Shine Elasto Painters.
inumpirma ni Philippine Sports Commission Chairman Ricardo “Richie” Garcia na bibisitahin ng ilang football experts mula Argentina ang bansa upang tulungan ang Pilipinas na paunlarin ang soccer program nito para sa mga kabataan. “They can come to the Philippines and help develop kids here,” banggit ni Garcia matapos ang kaniyang serye ng paglalakbay sa Spain, Brazil, Argentina, at Estados Unidos. Dumalaw din si Garcia sa isang football farm sa siyudad ng Rosario kasama si Ambassador Carlos Salinas. Ilang mga opisyal ng Argentina rin ang nagkumpirma sa serbisyo ng mga Argentine na katatapos lamang mag-aral sa mga unibersidad upang matulungan ang mga interesadong kabataan sa Pilipinas.
High School student, pinarangalan
Ph Cuppers, handa na sa mga kalabang taga- New Zealand
K
inilala ng Automobile Association of the Philippines ang husay at galing ni Estefano Rivera bilang 2012 Junior Karter of the Year sa taunang awards night ng grupo sa Philippine Trade and Training Convention Center sa Pasay.
Isang estudyante ng Don Bosco Makati High School, nagtala ang labing-anim na taong gulang na s i R ive ra s a ka s ays aya n b i l a n g pinakaunang karter na nagwagi ng apat na major titles sa iisang season lamang. Hinirang din si Estefano Rivera bilang
2013 International Junior Karter of the Year, 2012 KF3 Champion and the 2012 ROK Junior Champion. S a I n q u i r e r, l u b o s a n g pagpapasalamat ng naturang atleta sa suportang ibinibigay ng kanyang pamilya, gayundin ang kanyang coach na si Edgen Dy-Liaco.
Gonzales, sa Mexico magte-training
M
atibay ang loob ng mga miyembro ng Philippine Davis Cup team laban sa banta ng New Zealand sa pagbabalik nito sa Group 1 ng Asia-Oceania Zone. “Everybody’s pushing themselves,” banggit ng team captain na si Roland Kraut sa PSA Forum sa Shakey’s Malate noong Abril 8, 2013. Ayon pa sa kaniya, solido umano ang kanilang teamwork na siyang pinakamahalaga sa bawat grupo at napaka-competitive na ng kanilang mga miyembro. Kakaharapin ng Pinoy team ang Kiwis sa Setyembre 13 hanggang 15 at kampante si Kraut na masusungkit nila ang kampyonato sa pinagsanib na puwersa ng mga frontliner ng team na sina Ruben Gonzales, Johnny Arcilla, Francis Casey Alcantara, at Treat Huey. Ayon pa sa team captain, target ng grupo na makapasok sa World Group balang araw at ang pagkapanalo laban sa New Zealand ang unang hakbang upang matupad ito.
S
a Mexico mag-eensayo ang pambato ng Pilipinas sa tennis na si Ruben Gonzales bilang bahagi ng kaniyang p a gh a h a n d a a t n g ko p o n a n n iya n g Cebuana Lhuiller-Philippines para sa showdown kalaban ang New Zealand sa Davis Cup. “I want to continue to work hard and keep producing good results,” banggit ni Gonzales na siyang nagpanalo sa koponan ng Pilipinas ng 3-1 laban sa Thailand sa Group 2 Asia-Oceania noong Abril 6 to 7 sa Plantation Bay Spa and Resort, Lapulapu City, Cebu. Dumiretso sa ikatlong round ang Cebuana Lhuiller team dahil sa kaniyang pagkapanalo at makahaharap ang New Zealand sa Setyembre.
21
May 2013
Balitang Showbiz
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Anak ni Dolphy at Zsa-Zsa, kumanta para sa anti- Tambalang John Llyod-Sarah, bullying campaign pumatok muli sa takilya
T
ampok ang anak nina Dolphy at Zsa-zsa Padilla, si Zia Quizon, sa isang kampanya laban sa bullying. Naging katambal ng awardwinning singer-rapper na si Gloc 9 si Zia para sa anti-bullying song na “Katulad ng Iba.” Mismong si Gloc 9 ang nagsulat ng naturang kanta na tampok naman sa kampanyang pinamagatang “Not In Our School.” Magkakasanib-pwersa ang Department of Education, Jesuit Basic Education Commission, at Universal Records sa nasabing proyekto. Ipinalabas sa music channel sa
Zia Quizon Singer c
www.myxph.com
Little Champ, humahataw sa ratings
JB Agustin Actor c
www.abs-cbnnews.com
Harry Styles, magsosolo?
H
MYX ang “Katulad ng Iba” at nirelease online noong April 1. Kahit na sumisikat ang anak ni Comedy King at Zsa Zsa, hindi siya nawawalan ng panahong ialay ang talento sa mga programang katulad ng AntiBullying Campaign na bahagi ng international social campaign na The Bully Project. Samantala, nangako namang susuporta ang ilan pang artista tulad nina Christian Bautista, Bayani Agbayani, ang mga singer na sina Ely Buendia at Yael Yuzon, at ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales.
indi na nga mapigilan ang pamamayagpag ng pinakabagong afternoon family-oriented show ng ABS-CBN na Little Champ. Ayon sa Kantar Media, nagkaroon ng nationwide rating na 17 percent ang palabas kumpara sa katapat nitong drama na Smile Dong Hae na nakakuha lamang ng 10.6 percent. Naging hit sa mga manonood ang kakaibang pagkakaibigan ng batang si Caloy (na ginagampanan ni JB Agustin) at ni Chalk, isang kabayo, habang kasabay nilang kinahaharap ang mga pagsubok na dumarating sa kanilang mga buhay. Pasok din sa cast ang sikat at batikang aktor na si Lito Lapid. Kasama rin sa cast ang beauty queen actress na si Precious Lara Quigaman bilang si Helen, ang nanay ni Caloy at si Jake Roxas bilang si Miguel, isang tatay na isinisisi ang pagkamatay ng kaniyang anak kay Caloy. Ipinapalabas ang buhay nina Caloy at Champ bawat hapon sa ABS-CBN bago ang TV Patrol.
P
atuloy pa ring namamayagpag sa ere at mga music website ang phenomenal British boy band na One Direction. Ngunit ano itong napapabalitang magsosolo na raw ang lead singer nito na si Harry Styles? Mag-aala Justin Timberlake umano ang singer dahil sa mga report na palagi siyang nasa recording studio at pinagkakaabalahan ang kaniyang sariling music. “He loves messing around with some of the new songs he’s been working on,” banggit ng isang anonymous source sa “The Mirror.” Ang One Direction ang pinakasikat na boy band group ngayon sa buong mundo at kasalukuyan silang naghahanda para sa kanilang world tour. Nabuo ang grupo sa “The X Factor” at simula noong 2010 ay nagkaroon na ng dalawang paltinum albums. Kasama ni Harry Styles sa grupo sina Niall Horan, Zayn Malik, Liam Payne, at Louis Tomlinson.
Harry Styles Singer (One Direction )
c
www.fanpop.com
Sarah Geronimo Singer / Actress / Model c
John Llyod Crusz Actor/Model
httpentervrexworld.files.wordpress.com
H
indi na nga mapigilan ang pamamayagpag ng pag-iibigang Laida Magtalas (na ginampanan ni Sarah Geronimo) at Miggy Montenegro (ginampanan naman ni John Lloyd Cruz) ngayong ipinilalabas na ang third installment sa kanilang tambalan na It Takes a Man and a Woman. Mula sa A Very Special Love at You Changed My Life, susundan ng mga manonood ang buhay ng dalawang dating nag-iibigan apat na taon matapos ang kanilang break up. Mas career-oriented na sa ngayon ang dating bubbly na si Laida, samantalang nasa isang successful relationship naman sa ibang babae si Miggy. Ngayong muling nagkita ang dalawa, inaabangan sa ikatlong pelikula kung magkakabalikan muli ang dalawa. Ang It Takes a Man and a Woman ay produced ng VIVA Films at Star Cinema at idinirehe ni Cathy Garcia-Molina. Maliban kay Sarah at John Lloyd, nasa pelikula rin sina Al Tantay, Irma Adlawan, Joross Gamboa at Rowell Santiago. Ipakikilala rin sa ikatlong installment ang model-actress na si Isabelle Daza bilang Belle, ang current girlfriend ni Miggy.
The Graduate, ipoproduce ng Repertory Philippines Cherie Gil Actress c
httpwww.juice.ph
Hollywood actress Halle Berry, magkakaroon ng ikalawang anak
I
namin kamakailan ng kampo ni Hollywood actress Halle Berry ang kanyang pagdadalantao sa kanyang ikalawang anak (na unang bunga naman ng pag-iibigan nila ng kanyang fiancé na si Olivier Martinez). Sa ipinalabas na balita ng isang celebrity news website, ang TMZ, nabanggit ng ilang mga source na malapit umano sa dalawang celebrities, na si Halle ay tatlong buwan nang buntis sa kanyang ikalawang anak (na ayon sa kanila’y lalaki). Simula March 2012, engaged na ang aktres kay French actor at Oscar-winning star ng “Monster’s Ball,” Olivier Martinez, na ngayon ay sinasabing 47 taong-gulang. Samantala, 46 na taong gulang naman si Berry na may limang-taong-gulang na anak, si Nahla, sa kanyang dating kasintahan na isang Canadian model.
N
apapanahon ngayong season ang bagong installment ng Repertory Philippines dahil ipalalabas nila ang hit-novel-turnedfilm-turned-stage-play na The Graduate. Iikot ang kuwento sa affair ni Mrs. Robinson at ng isang university graduate na si Benjamin Braddock at later on ay mai-inlove sa anak ni Mrs. Robinson na si Elaine. Base ang The Graduate sa 1963 novel na may parehong titulo na sinulat ni Charles Webb. Naging hit ang Hollywood film adaptation nito noong 1967 at adapted sa stage ni Terry Johnson. Bahagi sa cast sina Pinky Marquez bilang Mrs. Robinson at Reb Atadero bilang Benjamin Braddock. Magsisimula sa April 5 ang run ng The Graduate sa Onstage Greenbelt.
22
May 2013
Balitang Showbiz
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Ryzza Mae Dizon, tampok sa pinakabagong GMA talk show program
H
indi na lamang makikita ang cute na cute at pinakabatang dabarkads, si Ryzza Mae Dizon, sa regular na programa nito sa tanghali—ang Eat Bulaga. Ito’y dahil nagsimula nang umere noong Abril 8 ang kaniyang pinaka-latest project—ang isang talk show na siya mismo ang host. Pinamagatang The Ryzza Mae Show!!! ang show ng ngayon ay pinakabatang talk show host sa bansa. Sa isang balita ng Chika Minute sa 24 oras,
proud na proud na ipinakita ni Ryza ang regalo umano ni bosing Vic Sotto sa kanya, ang isang pink na mikropono na gamit niya sa mismong show. Sa panayam sa kanya ng naturang programa, sinabi niyang natutuwa siya dahil natupad na naman ang isa niyang pangarap. Bukod sa mga interesanteng kuwento, inaasahan namang patuloy na kakagatin ito ng mga manonood dahil sa likas na kakulitan na tampok sa programang ito ng GMA.
Ryzza Mae Dizon Actress c
ph.omg.yahoo.com
Justin Bieber Singer / Producer c
fashionfreak4u.blogspot.com
Bieber; na-ban sa Alessandra de Rossi, panalo bilang Best Actress sa isang club sa Austria 1st Asean International Film Festival and Awards
P
anibagong pride ng bansa ngayon ang aktres na si Alessandra de Rossi. Ito’y matapos niyang masungkit ang Best Actress, sa kaunaunahang Asean International Film Festival and Awards (Aiffa) na ginanap nitong Abril sa Malaysia. Sa panayam sa aktres ng GMA news program na Saksi, mababakas ang kasiyahan ng aktres mula sa natamong karangalan. Gayundin, ayon sa kanya, isa umano itong malaking sorpresa sa kanya. Nakamit niya ang award na ito dahil sa husay na ipinakita niya sa pelikulang idinerehe ni Emmanuel Quindo Palo,
ang Sta. Niña, na ginawaran din ng Best Film-Drama award sa gabi ng parangal. Kasama rin niyang nagningning sa gabi ng parangal si Anita Linda na nakakuha sa Best Supporting Actress award na gumanap sa pareho ring pelikula. Tinaguriang Best Supporting Actor naman ang batang aktor na si Bugoy Cariño sa kanyang role sa pelikulang Alagwa. Labing-tatlo (13) ang bilang ng mga pelikulang Pinoy na naging kalahok, mula sa 100 na kabuuang bilang ng mga pelikula mula sa iba’t ibang bansang kasapi sa Asya.
Alessandra De Rossi Actress / Model / Host c
www.interaksyon.com
B
unsod ng isang insidente sa isang club sa bansang Austria, banned na ngayon ang tinaguriang teen pop-superstar, Justin Bieber, sa naturang lugar. Sinasabing naganap ang insidente sa Passage Club sa Viena. Kung saan, pinagsisira umano ng mga bodyguard ng naturang singer ang mga kamera ng mga fans na nandoon upang hindi makunan si Bieber na nasa ganoong lugar sa Austria. Kaya raw nandoon ang 19-year-old superstar upang mag-celebrate, dahil katatapos umano ito ng isang matagumpay na concert. Matatandaang nasangkot na rin si Bieber sa iba pang gulo. Isa na nga rito ang paglalakad niya nang walang suot-pang-itaas sa isang airport sa bansang Poland. Gayundin, napalayas din umano siya, kasaya ang kanyang buong entourage, sa isang hotel sa Paris, dahil sa dikanais-nais na pag-uugaling ipinakita niya sa hotel.
Balitang Showbiz
Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
Ethel Booba, nagsalita na tungkol sa Wowowille issue
B
inasag na ng sexy host na si Ethel Booba ang kaniyang katahimikan matapos ang isyu ng pagpapatalsik sa kaniya sa TV5 noontime show na Wowowillie halos isang buwan na ang nakararaan. Pinabulaanan ni Ethel Booba ang mga binanggit ni Willie Revillame na sinigawan umano siya ng sexy star. “Witness ang mga staff at si Ate Gay. Alam nilang walang sigawan na nangyari,” banggit niya. Samantala, naikwento niyang ang kabaligtaran ang naganap nang binanggit niya kay Willie na nagtatampo si Ate Gay dahil si Ana Feliciano ang nanalo sa segment.
Dancing inmates, bibida sa isang Film
H
indi na lamang magiging Youtube sensation ang dancing inmates ng Cebu, dahil magiging bahagi rin sila ng pelikulang Dance of the Steel Bars. Pagbibidahan ang nasabing pelikula ng Irish actor na si Patrick Bergin na matatandaang naging katambal ng Hollywood actress na si Julia Roberts sa pelikulang Sleeping with the Enemy. Magiging co-star ng nasabing banyagang aktor ang heartthrob na si Dingdong Dantes. Susundan ng pelikula ang buhay ni Frank Parish (Patrick Bergin), isang retiradong US firefighter na inakusahan ng pagpaslang sa Pilipinas. Sa kulungan, makikilala niya si Mando (Dingdong Dantes), isang mamamatay-taong itinatago ang kaniyang talentong sumayaw.
23
May 2013
Michelle Madrigal, katambal si Richard Gutierrez sa Love and Lies Ethel Booba Actress / TV Host c
www.pinoyrepublic.net
“Sabi niya, ‘Anong problema?’ Tumaas ang boses niya. Nagmura siya at sinabing, ‘Ang liit na bagay. ‘Yan lang. Kung hindi ninyo gusto ang patakaran, lumayas kayo. Get out!’” Tinanggi niya rin ang napabalitang sinugod umano niya si Willie sa dressing room nito.
Hindi naman umano nagkalamat ang pagkakaibigan nila ni Ate Gay nang pinabalik sa programa ang huli. Samantala, mapapanood si Ethel Booba bilang The Diva sa pinakabagong reality show ng TV5 na Boracay Bodies.
Michelle Madrigal Actress / Model / TV Host c
I
orangemagazinetv.com
sang blessing para sa actress na si Michelle Madrigal ang maging bahagi ng pinakabagong suspenseserye ng GMA 7 na Love and Lies. Gumaganap siya bilang Cathy, ang butihing asawa ni Edward (Richard Gutierrez) na isang masipag na navy officer. Pinalitan ng nasabing serye ang katatapos lamang na Temptation of Wife, kung saan gumanap din siya. “I’m very thankful to GMA for the projects, but I still feel the pressure... Imagine, this series comes after the highly-successful ‘Temptation of Wife!” pahayag ng morena beauty. Kasama rin ni Michelle sa cast ng Love and Lies ang kaniyang ex-boyfriend na si John Hall. Nang tinanong siya kung naiilang pa rin siya, binanggit niyang hindi c realitivityonline.com Ayon sa isa sa mga direktor na kanilang galing sa sabay-sabay siya kinakabahan tuwing nagkikita sila. si Marnie Manicad, hinalaw nila na pagsayaw ng Thriller ni Mi- “No problem. Hindi ko naman siya laging kasama sa eksena. Si Richard ang palagi kong kasama. But Jon and I are civil toward each other,” sa buhay ng mga inmates ang chael Jackson noong 2007. ilan sa mga kuwento sa nasabing “We made this film to tell the banggit pa niya. pelikula. story of redemption, and of the Kasama rin ni Michelle Madrigal sina Bella Padilla, Paolo Contis, Bobby Matatandaang sumikat sa buong human spirit’s ability to change Andrews, at Sid Lucero sa nasabing programa. Nagsimulang umere ang Love and Lies nitong April 8 sa GMA Telebabad. mundo ang dancing inmates ng for the better,” banggit pa niya. Cebu nang ipinakita nila ang
Solenn Heussaff, kinasuhan ng Tax Evasion
N
ag-file ng tax evasion case laban sa sexy host-actress na si Solenn Heusaff ang Bureau of Internal Revenue nitong April 4. Ayon sa complaint na ipinasa sa Department of Justice, hindi umano idineklara ng model actress ang kaniyang buong kita sa taong 2011. Batay sa report, 6.73 milyong piso lamang ang idineklara ni Solenn samantalang P 13.38 milyon ang kabuuang kinita niya sa GMA Network, San Miguel Brewery Incorporated, Ginebra San Miguel, Penshoppe, at Tape Incorporated. Nag-file din ng kaso ang BIR laban sa kaniyang accounting manager na si Teofilo Magno Jr. dahil sa maling pag-aaccount umano ng mga kinita ng kaniyang kliyente. Ayon sa BIR, P3.6 milyon ang tax liability ni Solenn at ang kaniyang under declaration sa kinita ay higit sa 30 porsyento, kaya ito ay magagamit umanong ebidensya laban sa kaniya. Samantala, itinanggi naman ni Solenn ang paratang na hindi niya idinedeklara ang lahat ng kaniyang mga kinita. Sa kaniyang Twitter account, binanggit niyang “I am an honest person. As transparent as it gets. Someone made a mistake and I have to fix it.”
Suot ni Carrie Underwood sa kanyang AI Performance gawa ng Pinoy
T
ampok na naman ang isang gawang-Pinoy sa international scene. Ito’y matapos na isuot ni Carrie Underwood, ang American Idol Season 4 winner, ang isang piña gown na gawa ng isang kilala at Hollywood-based na Pinoy designer, si Oliver Tolentino, sa isang pagtatanghal sa mismong programa ng American Idol. Isang Venus-cut gown na kulay peach na may side slit ang suot ng sikat na AI winner. Matatandaang hindi ito ang unang beses na itinampok ang gawa ni Tolentino sa AI. Binihisan niya rin sa Final 3 showdown ang pambato ng Pinas na si Jesssica Sanchez. Pero, iba ang kay Underwood ngayon, kasi ito ang unang beses na ginamit ang isang telang Pinoy sa isang live US TV show.
Carrie Underwood Singer c
www.justjared.com
Krista Miller, itinangging 3rd party sa relasyong CesarSunshine
Krista Miller Model
N c
cc interaksyon.com
aging emosyonal ang sexy actress na si Krista Miller sa presscon ng pinakabagong TV5 reality show na Boracay Bodies nang binanggit niyang wala siyang kasalanan sa hiwalayang Cesar Montano at Sunshine Cruz. “Basta ako, wala akong ginagawang kasalanan. Alam ni God ‘yon. Alam ng parents ko ‘yon. Binabantayan nila ako sa lahat, sa trabaho ko,” banggit ni Krista. Napabalitang hiniwalayan ni Sunshine Cruz ang asawa nito nang madiskubre umano ng kanilang mga anak ang mga text messages ng sexy actress sa kanilang ama. Mas lumaki ang issue nang nagkomento si Sunshine sa kaniyang Twitter account na ang mga regalong mula kay Cesar na ipinakita ni Krista sa Instagram ay sa kaniya. Nagkasama sa pelikula tungkol sa buhay ni Mayor Alfredo Lim sina Krista Miller at Cesar Montano. Samantala, nagpapakaabala si Krista sa kaniyang bagong proyekto sa TV5. Siya ang Mysterious Girl sa walong celebrity na maglalaban sa Boracay Bodies. Kasama niya sa nasabing reality show sina Ethel Booba, Brent Javier, Victor Silayan, Luke Jickain, Joross Gamboa, Wendy Valdez, at Helga Krapf. Nagsimula na noong April 6, alas-nuwebe ng gabi ang programa.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino