Daloy Kayumanggi November

Page 1

NANGUNGUNANG BALITA

Inspiring Global Filipinos in Japan

PILIPINAS POWERHOUSE NG ASYA

Pilipina, nanalo sa raffle draw sa Abu Dhabi Naging isang instant mllionaire ang isang overseas Filipino worker (OFW) nang manalo siya sa isa sa mga pinakamalaking raffle draw sa Abu Dhabi. sundan sa Pahina 3

Boxing Champ Bernard Hopkins binigyang ng parangal

Ginawaran ang Boxing legend na si Bernard Hopkins ng special recognition upang kilalanin siya sa kanyang pagreretiro noong 2016.

Vol.5 Issue 69 November 2017

sundan sa Pahina 19

Iza Calzado, naiyak sa suprise engagement ng British BF

Matapos ang limang taong relasyon sa British boyfriend na si Ben Wintle, officially engaged na ang aktres na si Iza Calzado matapos ibigay ang matamis niyang “oo”

SUSUNOD NA ECONOMIC

Sundan sa Pahina 21

'Kuntento na ako sa pagmumukha ko' - Empoy

Matapos ang kontrobersiyal na pagpapalit ng mukha ni Marlou Arizala, o mas kilala na ngayon bilang Xander Ford, may balak naman kayang magparetoke ang aktor na si Empoy?

sundan sa Pahina 22

KONTRIBUSYON

TAMPOK: #KeepGoing: 11 bagay na puwedeng gawin kapag malungkot

Kamakailan lamang ay dalawang isyu ang naging usap-usapan na may kinalaman sa “depression.” Una ay ang komento ni Joey de Leon na tila ito ay “gawa-gawa lamang” ng tao.

sundan sa Pahina 14

SLICE OF MANGO, SLICE OF LIFE A Day at Mt. Kongo

The day started with a drizzle, which is always a good sign for my family to go on our planned adventure for the day.

sundan sa Pahina 15

LARONG KALYE

NBA Season Prediction

Masayang ipinahayag ng mga opisyales ng Pilipinas sa ekonomiya ang pagtaas ng oportunidad para sa investment sa Pilipinas.

sundan sa Pahina 5

NATIONAL MUSEUM OF NATURAL HISTORY, BINUKSAN Malaking bagay sa mga kabataan ang kaalaman sa kasaysayan ng Pilipinas, kaya hindi nanakapagtataka ang matinding suporta ng Department of Education sa pagpapatayo ng marami pang lokal na museo sa bansa.

Inside The National Museum of Natural History

sundan sa Pahina 2

In the Third Philippines-Japan Joint Committee Meeting on Infrastructure Development and Economic Cooperation, Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar

Ayon sa DepEd Secretary na si Leonor Magtolis Briones, marapat lamang na maging

proyekto ng mga LGU o Local Government Units ang pagpapatayo ng sariling museo sa kanilang nasasakupan. Ipinahayag ni Briones ang kaisipang ito sa pagbubukas ng National Museum of Natural History sa Pasig City. Isa si Briones sa mga bisita ng naturang Museum kasama na rin ang dating Presidente Fidel Ramos.

PH AT JAPAN, NAGTUTULUNGAN PARA SA BANGSANG MORO ROAD DEVELOPMENT PROJECT Lalong pinagtibay ang relasyon ng Pilipinas at Japan sa ikatlong selebrasyon ng the PhilippineJapan Joint Committee Meeting on Infrastructure Development and Economic Cooperation.

sundan sa Pahina 4

Sa nasabing pagpupulong, napagkasunduan ng dalawang bansa ang paglulunsad ng Bangsagmoro Road Network Development Project. Katuwang and Department of Public Works and Highways, ang nasabing proyekto ay naghahangad na mabuo.

D&K Co., Ltd. 〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

sundan sa Pahina 7

The day started with a drizzle, which is always a good sign for my family to go on our planned adventure for the day.

sundan sa Pahina 18

KA-DALOY OF THE MONTH

HK Sisters ng Aklan, Pride ng Pilipinas Nasa itaas na naman ng pedestal ang Pilipinas pagdating sa performing arts. Salamat sa dalawang babaeng magkapatid na binansagang HK Sisters ng Aklan. Sila ay sina Hannah Korin at Harrah Kay Dimaano-Castillo. Sila ay nagkampeon sa nakaraang World Championships of Performing Arts (WCOPA) 2017. Sundan sa Pahina 7

FB FAN PAGE

DIGITAL VERSION

ORDER WEBSITE

TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 URL: www.dk6868.net E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp or daloyjapan@gmail.com


Daloy Kayumanggi

NOVEMBER 2017

2

BALITANG LOCAL

Impormasyon ng Pilipino

Cambodians, nag-eenjoy sa pamamasyal sa Pilipinas ayon sa isang pahayagang sa Cambodia SA ISANG ARTIKULO, inilarawan ng Khmer Times sa Cambodia ang 10 dahilan kung bakit nag-e-enjoy ang mga Cambodians sa Pilipinas. Ang artikulong may titulong “Ten reasons why ‘It’s more fun in the Philippines’” ay humihikayat sa mga turista na bisitahin ang Pilipinas at idagdag ito sa kanilang bucket list. Kabilang sa mga dahilan kung bakit nag-enjoy ang mga Cambodians sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:

Bagong Chocolate House sa Bohol, suportado ang lokal na mga magsasaka

ISANG MALAKING BIYAYA ang pagbubukas ng Chocolate House sa Bohol nitong Setyembre ng taon, hindi lamang para sa mga mahihilig sa tsokolate kundi para na rin sa mga magsasaka ng cacao. Tinatayang higit pang lalaki ang kita ng mga cacao farmers dahil sa Chocolate House na magbebenta ng iba’t ibang uri ng tsokolate para sa mga Boholano. Bago pa man itinayo ang naturang Chocolate House ay nakakaubos na ang Bohol ng halos anim na libong kilo ng cacao beans. Inaasahang dahil sa Chocolate House ay madaragdagan ang pangangailangang ito, kaya naman inaanyayahan ang mga magsasaka na maging produktibo sa kanilang produksyon ng cacao. Ayon sa may-ari, prayoridad nila ang lokal na suppliers ngunit sadyang hindi kaya ng supply and demand. Bago pa man maitayo ang naturang factory ay kapos na ang bilang ng cacao producers sa Bohol kung kaya’t napilitan ang mag-asawang Polot, may-ari ng Chocolate House, na kumalap ng produkto mula sa ibang parte ng bansa. Inaasahang magtutugunan na ngayon ng Bohol producers ang malaking parte ng pangangailangan na cacao para sa Chocolate House. Hindi naman malulugi ang ibang parte ng Pilipinas, sapagkat inaasahang maipapamahagi ang mga produkto ng Chocolate House at maipapatikim ito sa ibang lugar.

* Bilang ng isla- 7,641—nangibabaw dito ang Boracay Beach. * Madaming bilang ng mga Pilipinong marunong magsalita ng Ingles. * Natural wonders ng Pilipinas * Masasarap na pagkain * Masaya at kakaibang shopping experience * Philippine festivalsSport and nature adventures * Madaming bilang ng health and wellness medical professionals * Mataas na kalidad na tourism facilities * Hospitality ng mga Pilipino * Nabanggit din sa nasabing artikulo ang mga sikat na personalities na may dugong Pinoy tulad nina Bruno Mars at Manny Pacquiao. Ipinagmalaki din na ang Pilipinas ang “Selfie Capital of the World.”

Libreng gamot para sa masa, makakatulong sa maraming Pinoy

ANG PROYEKTONG Libreng Gamot Para sa Masa o Lingap Para sa Masa ay inaasahang magiging malaking tulong para sa mga mamamayan na nangangailangan ng tulong sa gamot. Binigyan ang naturang proyekto ng budget na P1 billion pesos alinsunod sa alituntunin nito na mabigyan ng medical assistance ang mga mamamayang Pilipino na kabilang sa tinatawag na “indigent." Ang naturang proyekto ay parte ng Comprehensive Social Benefits Program na inilunsad ng administrasyon ni Duterte. Ang naturang batas ay nasa ilalim ng Protective Services Program ng DSWD. Ilan sa mga nakasaad sa naturang batas ay maaari lamang makamit ang tulong ng Lingap minsan sa loob ng tatlong buwan, maliban

2 pinay pasok sa Asia Society Summit Class of 2017

NAMUKUDTANGI na naman ang mga Pilipino sa pandaigdigang entablado nang mapabilang ang dalawang Pinay sa Asia 21 Young Leaders Summit Class of 2017 ng Asia Society na gaganapin sa Australia ngayong taon. Sina Cherrie Atilano, founder at president/CEO ng Agricultural Systems International Inc. (AGREA), at si Eleanor Rosa Pinugu, president/CEO ng Mano Amiga Academy, ang mga magiging kinatawan ng Pilipinas sa Asia 21 core group na binubuo ng mga matatagumpay na mga batang lider. Isang agri-social enterprise si Atilano na naglalayong tulungan ang mga pamilya ng mga magsasaka at mangingisda sa Marinduque. Nagtrabaho rin siya bilang consultant sa Department of Agrarian Reform. Habang si Pinugu naman ay nagtayo ng Mano Amiga Academy, isang nonprofit school na nagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga mahihirap na komunidad.

na lamang kung may magandang dahilan ini-endorso ng isang social worker ng DSWD. Sinasabi rin sa batas na ang maaari lamang kumalap ng naturang tulong ng gobyerno ay ang mga taong naka-confine o kasalukuyang ginagamot sa ospital kung saan mayroong serbisyo ng Lingap. Ang DSWD ay naatasang magbababa ng iba pang rules and regulations patungkol sa tamang pamamalakad ng Lingap.

National Museum of Natural History, binuksan MALAKING BAGAY SA MGA KABATAAN ang kaalaman sa kasaysayan ng Pilipinas, kaya hindi nanakapagtataka ang matinding suporta ng Department of Education sa pagpapatayo ng marami pang lokal na museo sa bansa. Ayon sa DepEd Secretary na si Leonor Magtolis Briones, marapat lamang na maging proyekto ng mga LGU o Local Government Units ang pagpapatayo ng sariling museo sa kanilang nasasakupan. Ipinahayag ni Briones ang kaisipang ito sa pagbubukas ng National Museum of Natural History sa Pasig City. Isa si Briones sa mga bisita ng naturang Museum kasama na rin ang dating Presidente Fidel Ramos. Sa ngayon, ang National Museum of Natural History ay bukas na para sa lahat na gustong matuto at makita ang iba’t ibang display sa naturang lugar. Ang museo ay naglalaman ng mga larawan, pelikulang natatanging Pilipino at isang replica ni Lolong na kinumpirma bilang pinakamalaking crocodile sa mundo, ayon sa Guiness World Records. Inaasahang maraming paaralan sa Metro Manila ang bibisita sa museo bilang parte ng non-formal schooling ng mga kabataan katuwang na rin ng K12 Basic Education Program ng DepEd.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

NOVEMBER 2017

BALITANG BALITANG GLOBAL GLOBAL PINOY PINOY

Impormasyon ng Pilipino

3

3

Pilipinang manunulat, nanalo ng isang science fiction contest

Mga Pinoy, nakamit ang Asian records sa isang Rubik's Cube competition DALAWANG PINOY na Rubik’s Cube athletes ang nakapag-set ng mga bagong Asian records sa katatapos lang na Philippine Championship 2017 ng nasabing laro. Sa ulat, 231 Rubik’s Cube players mula sa Pilipinas, Tsina at Singapore ang dumalo. Si Edgar Elevado, Jr., na taga-Davao, ay nagkamit ng record para sa Rubik’s Cube 3x3x3 With Feet matapos niyang makapag-average ng 30.23 seconds sa tatlong rounds sa paglutas ng Rubik’s Cube gamit ang mga paa. Ang dating record sa Asya ay hawak ni Xiaojie Jiang ng China na may 31.78 seconds. Ang kanyang Asian record ay kasalukuyang nasa 3rd place sa pandaigdigang standard.

NAKAMIT NI VIDA CRUZ ang first place sa prestihiyosong 2nd Quarter 2017 Writers of the Future. Nakakuha si Cruz ng $1,000 bilang cash prize at magiging parte rin siya ng isang masterclass workshop sa Hollywood. Maaari rin siyang manalo ng $5,000 sa isa pang paparating na writers’ event sa susunod na taon. Hindi raw in-expect ni Cruz na mananalo siya sa contest dahil ang pagkakaroon ng karera sa pagsusulat ay mahirap. Ang paligsahan ay isa sa mga pinaka-

sikat sa larangan ng fantasy at science fiction writing. Ilang taon matapos manalo sa patimpalak ay nagiging international bestsellers at Hugo or Nebula winners ang mga nasasali. Libu-libong manunulat mula sa iba’t ibang parte ng mundo ang nag-submit ng kanilang mga akda sa contest na ito. Ang Pilipinang manunulat ay isang Creative Writing graduate sa Ateneo de Manila University at dating manunulat sa isa sa mga pinakamalaking online news platforms sa bansa.

Si Mharr Justhinne Ampong, isang engineering student sa University of the Philippines Diliman, ay nakapagtala rin ng Asian record sa Skewb event matapos niya matapos ito sa loob ng 1.63 seconds. Dati na niyang hawak ang world record sa kategoryang ito noong 2014. Nanalo rin siyang second place sa Final Event ng patimpalak.

Globe, suportado ang 21st century learning sa QC public schools

SUPORTADO NG GLOBE TELECOM ang 21st century learning ng Quezon City high schoolers sa pamamagitan ng pagdo-donate ng information and communications technology tools. Idinagdag ng programang Global Filipino School (GFS) ng Globe sa kanilang lumalaking listahan ng mga sinusuportahang eskwelahan ang Masambong High School (MHS), ang kauna-unahang public school sa QC na magbe-benefit sa nasabing program. Makaka-access na ang 1,300 students at 65 teaching at non-teaching staff ng Masambong High School sa GFS e-library na naglalaman ng infrastructure support at ICT equipment tulad ng Globe Digital Learning Lab – isang mobile cart ng ICT gadgets na naglalaman ng Globe

Prepaid Supersticks, charging station, netbooks, tablets, at projectors. Ang GFS Lab ay maaaring gamitin upang makapagturo ng iba’t ibang subject matters sa loob o labas man ng klasrum upang hasain ang creativity, communication, collaboration, at critical thinking ng mga estudyante.

Pilipina, nanalo sa isang raffle draw sa Abu Dhabi

NAGING INSTANT MLLIONAIRE ang isang overseas Filipino worker (OFW) nang manalo siya sa isa sa mga pinakamalaking raffle draw na ginawa sa United Arab Emirates. Ang nurse na nagngangalang Leilani Quijano del Rosario ay magkakaroon ng Dh1 million o mahigi’t kumulang Php 14 million dahil sa Big 10 Millionaires Series 184 na ginagawa ng Big Ticket sa Abu Dhabi Internationa Airport Arrivals.

Sikat na Bigg's Diner mula Naga, magbubukas ng store sa Manila

MATITIKMAN NA RIN ng mga taga-Metro Manila ang mga all-time favorite burgers at Filipino rice meals ng Bigg’s Diner sa Naga matapos i-anunsyo ng management nito na magbubukas sila ng store sa Manila sa 2018. Sa isang panayam sa ABS-CBN News at iba pang miyembro ng media, ipinahayag ni business development head Ronaldo Linao na may tatlo silang pinagpipiliang lokasyon. “One is in Mindanao Avenue [in Quezon City]… if ever

things push through, this will be the first franchise in Manila,” ika niya. “One is Megamall, and also Robinsons, either Ermita or Galleria. Why Ermita? Iyong crowd ng Ermita… mostly from Bicol ‘yung students. We want to tap that market. There is actually a market study right now to see how viable it would be in Manila. The competition there is very fierce,” pagkukwento ni Linao. Sa kasalukuyan, may 17 restaurants ang Bigg’s Diner sa Bicol region, kasama ang 7 franchises at isang branch sa Batangas. Nagsimula lang bilang isang donut shop ang Bigg’s Diner noong 1983 hanggang unti-unti itong lumago at naging restaurant.

Ayon kay del Rosario, isang kapat ng premyo ay para lang sa kanya. Ang ibang parte ng Php 14 million na kanyang na napanalunan ay ipapamigay niya sa kanyang mga kaibigan at sa panggastos sa pag-aaral ng kanyang tatlong anak. Magbabayad din siya sa mga utang na kanyang nagawa sa 14 na taon niyang pagtatrabaho sa Abu Dhabi. Isa lang si del Rosario sa 10 nanalo sa raffle draw na sikat na sa Abu Dhabi. Dalawampu’t limpang taon nang namimigay ng pera ang Big Ticket sa pamamagitan ng draw na ito.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

NOVEMBER 2017

4 4

BALITANG GLOBAL

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

PH at Japan. nagtutulungan para sa Bangsang Moro Road Netword Development Project LALONG PINAGTIBAY ang relasyon ng Pilipinas at Japan sa ikatlong selebrasyon ng the Philippine-Japan Joint Committee Meeting on Infrastructure Development and Economic Cooperation. Sa nasabing pagpupulong, napagkasunduan ng dalawang bansa ang paglulunsad ng Bangsagmoro Road Network Development Project. Katuwang and Department of Public Works and Highways, ang nasabing proyekto ay naghahangad na mabuo ang humigit-kumulang 200 kilometrong daan sa ARMM at iba pang parte ng Mindanao. Ang naturang daan-

an ay maysisilbing koneksyon sa iba’t ibang parte ng siyudad sa Mindanao upang mapadali ang transportasyon para sa mga mamayan ng nasasakupang lugar. Inaasahang ang naturang proyekto ay matatapos bago matapos ang taong 2022. Tinatayang aabot sa 19.8 Billion Pesos ang magagastos para sa nasabing proyekto. Kapag natapos, maaaring mabawasan ang biyahe sa iba’t ibang lugar, gaya na lamang ng biyahe mula Digos hanggang Panabo. Noon ay halos dalawang oras ang biyahe, ngunit kapag napatupad na ang proyekto, aabot na lamang sa isang oras ang biyahe.

‘Goblin,’ kinatatakutan Fine Arts Student ng Bulacan State University, naguwi ng ng mga kabataan sa ASEAN Award Argentina

TUCUMAN, ARGENTINA balitang balita ngayon na kinatatakutan ngmga kabataan ang elementong “goblin.” Una rito, kumalat ang isang video ng mga babaeng teenager, na nagsisisigaw at tumatakbo, sa Taco Palta y Marta, dahil hinahabol sila umano ng elementong "goblin". Napaulat na isang maliit na pigura ang naglalakad patungo sa kanila, kaya raw sila biglang nagmadaling tumakbo. Iba-iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito.

ISANG THIRD YEAR FINE ARTS STUDENT ng Bulacan State University ang nag-uwi ng pinakamataas na karangalan para sa ASEAN On-the-Spot Poster Making Contest na ginanap noong September 25 sa Malolos City. Si John Rowell Correa ay nakipagtagisan sa 26 na kalahok at nag-uwi ng premyong nagkakalahalga ng Php 5,000. Ang kaniyang entry ay pinamagatang “Pagbabago sa Iisang Mukha." Isa namang 4th year Industrial Technology Student ang nagkamit ng ikalawang parangal, kung saan siya ay nakatanggap ng Php 3000 habang Php 2000 naman ang natanggap ng ikatlong parangal.

Taxi Driver sa Davao, isinauli ang 900k cash sa may-ari nitong OFW

DINALA NG TAXI DRIVER na si Reymond Gonzaga ng Davao City ang naiwang perang nagkakahala-gang Php900,000 sa backseat ng kanyang taxi sa ABS-CBN TV station. Sinabi ni Gonzaga na nais niyang matunton ang may-ari ng nasabing pera kaya niya naisipang ihatid ito sa naturang TV station. Ayon sa report ng ABS-CBN ay nakuha na ng may-ari na si Ruth Muntag Koitabashi, isang overseas Filipino worker sa Japan, ang kanyang bag na may laman ding alahas, cellphone at ibang pang mahahalagang dokumento. Pinasalamatan ni Koitabashi si Gonzaga para sa kanyang katapatan.

Taiwan, ipapatupad ang ang visa free travel para sa mga Pilipino

Noong Pebrero lamang sa nasabing bansa, sa katabing lugar ng Taco Palta y Marta, na Santiago del Estero, isang grupo ng kabataan ang takot na umanong maglaro ng football doon matapos sila makakita ang isang “goblin” na nakamanman sa kanila. Nabatid na ang mga “goblin” ay mga halimaw na mythical creatures na unang nakuwento sa European folklore noong Middle Ages. Madalas silang ilarawan na maliit, tuso, masama at sakim, lalo sa ginto at alahas, at may kapangyarihan.

Ang naturang patimpalak ay parte lamang ng proyekto ng Philippine Chairmanship of the Association of Southeast Asian Nations o ASEAN. Kasama sa mga proyekto ng ASEAN ang pagpapataigting ng suporta para sa mga kabataan at sa kanilang mga natatagong talent.

NAGHAHANAP ka ba ng mapupuntahang bansa, ngunit wala ka pang visa? Kung gayon ay maaari mo nang isama sa listahan mo ang Taiwan. Kamakailan lamang ay inanunsyo ng naturang bansa na papayagan na nila ang mga turistang galing sa Pilipinas na makapasok sa kanilang bansa na walang visa, bilang bahagi ng kanilang “New Southbound Policy.” Inaprubahan na ni Taiwanese Premier Lai Ching-te ang visa-free plan para sa mga Pilipino, ngunit inaayos pa ang mga partikular na detalye, gaya ng petsa kung kailan ito ipatutupad. Ayon sa report ng Focus Taiwan, maaaring maipatupad ang visa-free travel sa Oktubre o Nobyembre ng 2017. Kapag naaprubahan na ang nasabing polisiya ay maaari nang lumagi ang mga Pilipino sa Taiwan hanggang 14 na araw na walang visa. Ang mga bansa kung saan may visa-free arrangements na ang Taiwan ay ang mga sumusunod: Singapore, Australia, New Zealand at Malaysia.

Pilipinas, sasanib sa Japan, Singapore, at China sa papapalawig ng renewal energy projects sa bansa UPANG PAIGTINGIN PA ang pag-usad ng mga proyekto ukol sa renewable energy, sasanib ang Pilipinas sa mga malalakas na bansa sa Asya gaya ng Japan, Singapore at China. Ang pagsasanib ay bunsod na rin ng pagtaas ng demand ng elektrisidad sa bansa. Isinagawa ang mga bilateral talks sa katatapos lamang na 35th ASEAN Ministers on Energy Meeting, kung saan idinaos din ang US-ASEAN Business Council na tumalakay kung paano pa mapapabilis ang pag-usad ng mga proyekto ukol sa clean energy. Ayon sa report ng Bloomberg TV PH, nakahanda ang Singapore na tulungan ang Pilipinas na maipagpatuloy ang mga proyektong magbibigay ng karagdagang renewable energy initiatives sa buong bansa. “Singapore very kindly opened their doors to us. There will be a lot of collaboration we will be doing, from micro-grid to e-vehicles, to waste-to-energy, to solar, on top of water. Thank you, Singapore,” pahayag ni Energy Sec. Alfonso Cusi. Idinagdag ni Cusi na inaayos na nila ang mga mahahalagang polisiya ukol sa natural gas at maaari na ring magkaroon ng pinal na kasunduan sa Japan, Singapore at China bago matapos ang buwan ng Oktubre.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

NOVEMBER 2017

BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY LOCAL

Impormasyon ng Pilipino

5

5

Impormasyon ng Pilipino

Pilipinas, susunod na Economic Power house ng Asya MASAYANG IPINAHAYAG ng mga opisyales ng Pilipinas sa ekonomiya ang pagtaas ng oportunidad para sa investment sa Pilipinas. Sa isang pagpupulong kasama ang ilan sa mga businessman mula sa Estados Unidos, ipinakita ng Pilipinas ang kakayanan nito bilang susunod na “economic powerhouse” sa Asya. Ilan sa mga parte ng industriya kung saan maaring mag-invest ang Estados Unidos ay medisina, turismo, edukasyon, telecommunications, manufacturing, at pabahay. Ayon pa kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, ang Pilipinas ay isa sa mga pinaka-“promising” na bansa sa Asya dahil sa mga infrastruc-

ture at pinagtitibay na human resource na maaring mapakinabangan ng mga investors na nais pumasok at magtayo ng business sa bansa. Idinagdag naman ni Deputy Governor Diwa Guinigundo ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang “stable” na pricing ng Pilipinas na nanatilining pasok sa target range. Lalo pang pinaigting ang kapasidad ng Pilipinas dahil sa budget program ng gobyerno hanggang taong 2022. Isa sa mga nakatakdang proyekto sa mga susunod na taon ay ang “Build Build Build” program kung saan darami pa at titibay ang mga imprastaktura sa Pilipinas na maaaring mapakinabangan ng mga

Curfew, ipinatupad sa East Africa dahil sa sinasabing mga bampira

Kalat ngayon ang balita sa Malawi, East Africa na may mga gumagalang bampira sa kanilang lugar. Marami na umanong mga indibwal sa lugar ang nabiktima. Kaya naman, ipinatutupad ngayon sa nasabing lugar ang curfew mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng umaga. Ayon sa mga ulat, iniinom din umano ng mga ito ang dugo ng kanilang mga nabibiktima bilang bahagi ng ritwal ng isang salamangka. Sa ngayon, nagsasagawa ang gobyerno ng Malawi

Pagyoyosi sa mga sikat na beach sa Thailand, bawal

IPINAGBABAWAL na ngayon ng gobyerno ng Thailand ang pagyoyosi sa mga sikat na beach sa Thailand, kagaya na lamang ng Patong Beach sa Phuket.

Ayon sa ulat ng Department of Marine and Coastal Resources (DMCR), libu-libong upos ng sigarilyo ang na-retrieve nila sa buhangin ng mga beach sa bansa. Kung kaya, naisipan ng departamento na ipagbawal na ang paninigarilyo sa mga lugar na ito. Kung sakali mang lalabag sa patakarang ito, magmumulat ng aabot sa $3000 ang isang tao at papatawan pa ng isang taong pagkakabilanggo.

businessman na nais mag-invest sa bansa.

ng imbestigasyon hinggil sa mga nasabing insidente ng pagpatay. Gayundin, pinullout na rin umano ng U.N. ang kanilang mga staff sa ilang distrito sa nasabing lugar kaugnay ng nasabing balita.

China, Nagbigay ng Heavy Equipment bilang tulong sa Marawi BILANG TULONG sa napipintong pagbangon ng Marawi, nagpadala ang China ng 47 heavy equipment sa Pilipinas. Ang heavy equipment ay nasa pag-aalaga ngayon ng Department of Public Works and Highways 10 mula sa Emergency Humanitarian Assistance Program ng Tsina. Ang naturang heavy equipment ay gagamitin ng DPWH 10 para sa muling pagsasaayos ng Marawi matapos ang mahabang engkuwentro laban sa mga terorista. Kabilang sa 47 na heavy equipment ay tractors, bulldozers, dump trucks, cement mixers, at container van. Inaasahang inisyal na magagamit ang mga ito sa pagbubuo ng transitional shelters o pansamantalang tahanan ng mga mamamayan ng Marawi. Ayon sa DPWH, naumpisahan na rin nila ang muling pagbubuo ng Marawi, partikular na sa Barangay Sagonsongan. Inaasahang matatapos na ang ilan sa mga daan bago matapos ang buwan ng Nobyembre. Sa ngayon, patuloy ang DPWH sa pagbibigay ng tulong sa mga mamamayan ng Marawi na napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa engkuwentro.

Governor Miranda Bridge, maaari nang gamitin

TAPOS AT OPERASYONAL na ang Governor Miranda bridge sa Davao Del Norte. Kamakailan lamang ay inilimita ang pagdaan sa naturang bridge upang maisagawa ng Department of Public Works and Highways ang pagpapalawig ng naturang tulay upang gumaan ang daloy ng trapiko sa lugar. Ang tulay ang nagkokonekta sa munisipyo ng Carmen at ang siyudad ng Tagum ng Davao del Norte. Ayon kay Mark Villar na Secretary ng DPWH, ang pagpapaayos ng tulay ay parte lamang ng Build Build Build Program ng administrasyong Duterte. Mula sa isang 2-lane na daan, ang Governor Miranda bridge ngayon ay 4-lanes na at mas lalong pinagtibay upang hindi basta-bastang bibigay dahil sa bagyo, lindol, o baha. Ang bagong disenyo ay mas angkop na rin sa malalaking trak at sasakyan na ginagamit ang tulay araw-araw. Itinuturing na malaking bahagi ng ekonomiya ang tulay dahil sa 26,000 na trapik na dumadaan dito kada araw. Ito ang pinaka-access ng mga motorista papuntang mainland ng Davao, kung kaya naman ang pagpapaayos ng naturang lugar ay makakatulong sa pagpapalawig ng tursimo, investment, trabaho, at ekonomiya sa malaking parte ng Mindanao.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

NOVEMBER 2017

6

6

EDITORIAL

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

CLICK HERE TO WATCH VIDEOS REGARDING RIDING-IN-TANDEM

Daloy Kayumanggi

Inspiring Global Filipinos in Japan

Publisher: D&K Company Ltd Editor: Jagger Aziz Art Editor and Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@gmail.com 0906-511-8111 090-6025-6962 Sales and Marketing: Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists & Contributors: Aries Lucea (arieslucia@daloykayumanggi.com) Hoshi Laurence Gonzales (Hitokirihoshi@gmail.com) Erwin Brunio (ebrunio@gmail.com) Mario Rico Florendo (Facebook: mario.florendo) Martin Paul Sabinet Henderson (hendersonmartinpaul@yahoo.com) Melbert Tizon (mbtizon@gmail.com) Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.dk6868.net  www.facebook.com/daloykayumanggi

editor`s note LOREEN DAVE CALPITO

Riding-in-Tandem, kailangan ding tutukan ng PNP

H

indi maitatangging sa kasalukuyan, m a ra m i- ra m i na ang mga insidente ng pagpatay. Karamihan sa mga biktima ay napapatay ng mga riding-in-tandem na tinatawag. Kapag nanonood ka ng news programs, makikita mong karumal-dumal ang mga nangyaya-ring pagpatay ng mga tinatawag na riding-in-tandem. Harapharapan, binabaril ng mga ito ang kanila biktima saka na lamang humaharurot na parang wala lang nangyari. Katunayan, may mga ilan pa ngang insidente na ginagawa malapit lang sa mga istasyon ng mga pulisya.

Kaya naman, ngayong ini-assign na ni Pres. Rodrigo Duterte sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagresolba sa droga sa bansa, panahon naman na ituon ng PNP ang kanilang

pansin sa pagsawata sa mga ridingin-tandem. Kailangan din namang pagtibayin pa ng gobyerno ang polisiya nito hinggil sa mga sumasakay ng motorsiklo, nang sa gayon ay mapigilan ang mga insidenteng ito ng pagpatay.

Ngayon, kailangang gamitin ng PNP ang kamay na bakal nito sa mga suspek na ito na walang awang pumapatay sa mga tao sakay ng kanilang mga motorsiklo.


Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

NOVEMBER 2017

BALITANG KA-DALOY GLOBAL PINOY OF THE MONTH 7

ka-daloy of the month LOREEN DAVE CALPITO | DAVECALPITO529@GMAIL.COM

N

HK Sisters ng Aklan, Pride ng Pilipinas

asa itaas na naman ng pedestal ang Pilipinas pagdating sa performing arts. Salamat sa dalawang babaeng magkapatid na binansagang HK Sisters ng Aklan.

Sila ay sina Hannah Korin at Harrah Kay Dimaano-Castillo. Sila ay nagkampeon sa nakaraang World Championships of Performing Arts (WCOPA) 2017. Kaya naman, kamakailan ay pinarangalan ang HK Sisters ng Sangguniang Panalalawigan ng probinsiya, sa pamamagitan ng isang resolusyon.

Ang magkapatid ay mula sa Makato, Aklan. Sa ngayon ay naninirahan ang dalawa sa Maynila.

Nakuha ni Hannah Korin ang Junior Grand Champion-Vocalist of the World. Samantala, ang kanya namang kapatid na si Harrah Kay ay Junior Grand Finalist-Vocal Duo. Ika ng dalawa sa panayam ng bomboradyo.com, sa mga kabataan umanong gustong sumunod sa kanilang mga yapak, kailangan lang daw umanong magpatuloy sa pangarap at huwag na huwag sumuko sa mga pagsubok sa buhay. Pangarap umano ng dalawa na matulad kina Jonalyn Viray at Jed Madela na mga kampeon din sa WCOPA.

Mabuhay kayo, Hanna at Harrah - ang magkapatid na Ka-Daloy of the Month.


Daloy Kayumanggi

NOVEMBER 2017

8 8

KONTRIBUSYON

Impormasyon ng Pilipino

usapang ofw ni kuya erwin

PAGDIRIWANG NG PAGKAKAIBIGAN NG PILIPINO

N

ERWIN BRUNIO #090-7428-5744 EMAIL: EBRUNIO@GMAIL.COM

gayong

taon

na

yata

ang pinaka relaxing na

Philippine Festival na na-

salihan ko. Kahit volunteer

ako sa Peace and Security Committee,

hindi

nag-

ing busy ang schedule ko kung kaya’t nakapag concentrate ako na makipag-usap sa aking mga kaibigan at kakilala. May ilan pa nga na isang

beses lang kami nagkikita sa isang taon, dito pa sa Philippine Festival muling nakasalamuha.

Ang Philippine Festival 2017 ay ginanap

nuong Setyember 30 at October 1 sa Hibiya Park, Tokyo. Ito ay dinaluhan ng libong libong Filipino sa iba’t ibang lugar sa Japan, lalo na mula sa Kanto area. Sari-saring pakulo mula

sa sayawan, awitan, beauty contest at iba

pa. Syempre hindi mawawala ang kainan at

iba’t ibang kasiyahan hatid ng mga Filipino companies at ng organizers.

Relaxing itong Philippine Festival kasi

naging reunion ito ng mga kaibigan ko na

matagal ko ng hindi nakikita. Naging parang

fiesta ito na para lang ikaw ay nasa Pinas kasi bawat sulok ay may mga Pinoy na nagkukwentuhan at nagkakainan. Feel na feel ko na nasa barangay fiesta ako sa amin sa Bohol.

Laking gulat ng kasama kong Hapon ng

makita niya ang dami ng mga Filipino. Aniya,

regular siyang kumakain sa Hibiya Park kada mierkules para mapanood ang mga ibat-

ibang live band. Subalit ngayon lang daw siya nakakita ng ganito karaming tao sa pagtitipon.

Nagustuhan niya ang inumin at pagkaing Filipino. Nag-uwi pa nga siya ng lechon kawali

para sa kanyang pamilya. Ang isa ko pang kasamang Hapon ay lubos ding nag-enjoy. Naalala nya daw ang mga musikang pinoy nuong siya ay nasa Pinas pa.

Tunay nga na ang Philippine Festival 2017 ay

isang pagdiriwang ng pagkakaibigan at pagkakaisa ng mga Filipino dito sa Japan.


Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

NOVEMBER 2017

BALITANG GLOBAL PINOY TIPS

Impormasyon ng Pilipino

3 Tips para sa mag maputing ngipin

ANG ATING MGA NGIPIN ang isa sa mga unang napapansin ng mga tao kapag sila ay tumitingin sa atin. Dapat presentable ang ating mga ngipin lalo na kung tayo ay ngingiti sa harap ng kamera. Dahil dito, importante na gawin natin ang ating makakaya upang maging maputi ang ating mga ngipin. Ang mga sumusunod ay mga gawain na pwedeng makapagputi sa mga ito: 1) Magsipilyo pagkatapos kumain Ang regular na pagsisipilyo ay nakakatulong sa pagtanggal ng mga natirang parte ng mga kinain. Ang mga mantsa ng mga pagkain at inumin ay natatanggal din.

Ang paninigarilyo ay nagreresulta sa paninilaw ng mga ngipin. Nakakabaho din ito ng hininga.

3) Gumamit ng apple cider vinegar. Ang apple cider vinegar ay may antiseptic at antibacterial properties. Ito ay nangangahulugan na nililinis nito ang buong bibig. Madali lang naman gawing mas maputi ang ating mga ngipin. Kailangan lang na ugaliing gawin ang mga suhestiyon na nabasa sa itaas.

2) Huwag manigarilyo

3 Paraan para hindi masira ang Paningin ANG ATING MGA MATA ay ang natatanging parte ng ating katawan na nakakapagbigay sa atin ng abilidad na makakita. Dahil dito, kailangang gawing priority ng mga tao ang pag-aalaga sa kanilang mga mata. Ang mga sumusunod na suhestiyon ay makakatulong upang maalagaan ang iyong paningin:

Pumunta sa eyecare clinic nang regular Madaling maagapan ang pagkasira ng paningin kung makikita ito agad ng doktor o specialist sa eyecare. Magsuot ng UV protective na sunglasses Ang mga UV protective sunglasses ay may abilidad na i-block ang mga ultraviolet rays

na galing sa araw. Ang mga ito ay kailangang gamitin kapag lalabas mula 10 am hanggang 3 pm, habang tirik ang araw. Alisin ang contacts bago matulog Hindi magandang magsuot ng contacts nang mas matagal sa 19 oras. Mas lalong hindi ito pwedeng gawin habang natutulog dahil baka magresulta ito sa permanent vision damage. Mahirap mabuhay nang wala ang ating paningin. Hindi dapat maliitin ang kahalagahan ng pag-iingat at pag-aalaga sa paningin.

9

3 Tips para mas madaling matuto ng Wikang French ANG FRENCH ang isa sa mga pinakasikat na mga foreign languages sa mundo. Dahil dito, marami ang naghahangad na matutunan ang lengguahe na ito. Ang mga susunod na tips ay makakatulong upang mas mapadali ang pag-aaral ng French: Manood ng mga pelikulang French Ang panonood ng mga pelikulang French ay magandang medium upang matuto ng French. Ito ay dahil sa masasanay ka sa pakikinig ng intonation at malalaman mo ang mga katumbas ng mga subtitle.

Huwag masyadong umasa sa translations Makakatulong man ang mga translation sa pag-aaral ng ibang lengguwahe, hindi ito maganda na palaging gamitin dahil masasanay ka. Iba rin ang structure ng mga pangungusap sa French. Huwag magmadali Hindi parang magic ang pag-aaral ng French. Kailangan itong paghirapan at maaaring umabot ng ilang taon. Hindi man madali ang pag-aaral ng French, ang mga tips na nasa taas ay makakatulong para mas maging magaling ka sa lalong madaling panahon.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

NOVEMBER 2017

10

10

PINOY KA BA?

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

It`s Joke Time!

Pinaiikot mo lang ako! Nagsasawa na ako. Mabuti pa patayin mo na lang ako! electric fan *** Ginawa ko ang lahat para sumaya ka. Mahirap ba talagang makuntento sa isa? TV *** Sawang-sawa na ako. Lagi na lang akong pinagpasa-pasahan. Ayoko na! - Bola *** Karpintero 1: Pare, amoy tinapay ka ah? Karpintero 2: Ah, talaga? Anong tinapay? Karpintero 2: Putok, pare! *** AT A FUNERAL... Tatay: Tara na, alis na tayo! Anak: Kararating lang natin ah! Tatay: Naku, mahirap maiwan. Basahin mo, o: "Remains will be cremated" *** Kinukuha ako sa komersyal ng MILO, kaso 'di natuloy. Kasi, nung tanungin ako kung anong meaning ng MILO, sabi ko Masarap Inumin Lasang Ovaltine. *** Sexy: Ano yang nakabuko sa shorts mo? Pogi: Antena ng CP ko. Sexy: Eh, bakit lumalaki? Pogi: Ssshhh, 'wag kang maingay. Malapit kasi sa cell site! *** Juan: Lintek na shampoo ito, ayaw bumula! Inday: Paano po bubula iyan eh hindi naman basa ang buhok niyo? Juan: Tanga! For dry hair ito. Bobo ka ba? *** TANONG: ANONG ISDA ANG DALAWANG ULIT ANG PANGALAN? Sagot: Ano pa, eh 'di hasa-hasa, lapu-lapo, sapsap. Tanong: Anong isda naman ang tatlong ulit ang pangalan? Sagot: Ano pa, eh 'di 555! *** Tanong: Bakita ang tao, kapag ipinapanganak madalas ulo ang lumalabas? Sagot: Kasi ang tao, kapag ginawa, ulo rin ang unang ipinapasok. First in, first out

policy ang tawag dun. *** BASAG TRIP Boy: Ang kagandahan mo parang password! Girl: Bakit? Boy: Kasi, ikaw lang ang nakakaalam. Boom! *** DEAR LOVE Dear Love, Una sa lahat at hindi sa huli Nagsulat ako dahil may papel at bolpen ako Alam mong crush kita hindi yung crash sa airplane Kundi crush sa puso Hindi puso ng saging kundi puso ng tao Kaligayahan mo, Kaligayahan ko Kalungkutan mo, Kalungkutan ko Kamatayan mo, solohin mo Ano ako tanga na sasama sayo? Kung gusto mo akong sulatan ito ang aking address Bulag St. Di Makita Hanapin City Nagmamahal, na ang bigas ngayon *** NALOKO! AKO? Magkumare: Mare 1: Alam mo naloko ko yung tindera. Mare 2: Talaga mare, paano? Mare 1: Kasi nagload ako sa kanya, eh wala naman akong cellphone. Hahaha! *** TAE KA BA? Girl: Tae ka ba? Boy: Bakit? Girl: Hindi kasi kita kayang paglaruan eh. *** SORPRESA Si Edison galing trabaho… balak nyang sorpresahin ang kanyang asawa. “Nges hu?” “Tado ka! Pa nges hu nges hu ka pa, eh kaw lang naman ang ngongo dito!" *** UMAAMBON Boy: Sagutin mo na kasi ako, kung ako ang iyong maging BF isang tawag mo lang nandyan na agad ako sa harap mo

kahit umulan man, bumagyo, lumindol at gumuho man ang mundo. Girl: Talaga? ang sweet mo naman, eh bakit kahapon 'di ka bumisita? Boy: Ah kahapon? Ano kasi eh, umaambon kasi. *** SON TO DYING FATHER Son to dying father: Itay, ano po ang gusto nyo, magpalibing ba o magpa-cremate? Ama: Ikaw na ang bahala, anak. I-surprise mo na lang ako. *** TAKOT SA UOD BRIDE: Honey, kinakabahan ako. Baka di ko makaya.. Parang natatakot ako. GROOM: Kaya mo ito. 'Di ba dati may alaga kang ahas? BRIDE: Oo nga, pero takot talaga ako sa UOD! *** BOY TIGAS! Juan: (nabangga si boy) Ay sorry! May masakit ba sa'yo? Boy: 'Di mo ba ako kilala!?! Ako si boy tigas, may tuklaw ng ahas, may kagat ng agila, hawak ko ang mundo. Ano papalag ka? Juan:Hindi po! Hindi po! Boy: Mabuti. Tindera: Hoy! Bakit sinisigawan mo ang anak kong si Juan?! Boy:Hindi mo ba ako kilala?! Ako si boy tigas, may tuklaw ng ahas, may kagat ng agila, hawak ko ang mundo. Ano papalag ka? Tindera: (tumawag sa pulis) Mayroon po ditong siga. Tulungan niyo po ako. Pulis:O sige. Pulis:Ikaw ba yung siga? Boy: Oo. Ako si boy tigas, may tuklaw ng ahas, may kagat ng agila, hawak ko ang mundo. Ano papalag ka? Pulis: (loads shotgun) Boy: (nataranta) Ako si boy lambot may tuklaw ng uod, may kagat ng sisiw, hawak ko balot, ano bibili ka ba? ***

PRESYO NG LIBRO Mga 12:00 ng gabi, may isang lola na nakaupo sa tabi ng balete tapos nakita siya ng binata. Sabi ng lola, "Apo bilhin mo na itong libro na hawak ko." Sabi ng binata, "Magkano po?" Sabi ng lola, "P500." Sabi ng lola, "'ag mong titignan sa likod ha baka magsisi ka." Pag-uwi ng binata, tiningnan niya ang likod ng libro, ang nakalagay ay P1.00. *** BLOOD TYPE JOKES Vampire 1: Namumutla ka lalo a, may sakit ka ba? Vampire 2: Oo, iyong nasipsip ko may severe anemia pala kaya nahawaan tuloy ako. Vampire 1: E, papano iyan? Vampire 2: Punta ako sa hospital, magpapaabono ako ng dugo. Vampire 1: Ano ba iyong type ng dugo mo, A, B , O? Vampire 2: Di ako sure, basta nasa A up to Z iyon. *** CAR FOR SALE Pinagbibili ni Pedro ang kanyang oto pero walang may gusto dahil luma na at ang ‘Odometer’ ay mahigit nang 500,000 KM. Kinabukasan, nakita niya ang kumparing Mario, may-ari ng Auto Shop. Sinabi niya ang problema. Mario: Pare, ayusin natin nang konti ang engine para madaling mabili at saka pinturahan natin. Bukas, pupunta rito si Paring Caloy na expert diyan para ibalik ang Odometer sa 50,000. Makaraan ang isang buwan, nagkita uli ang magkumpare. Mario: Pare, naipagbili mo na ba ang kotse? Pedro: Siyempre hindi na pre. Bakit pa? Bukod sa bagong pintura ang kotse, ang baba pa ng mileage ngayon! mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp

www.tumawa.com


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

NOVEMBER 2017

11 Mga Kwentong Makabuluhan ni

KONTRIBUSYON

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

11

MARTIN PAUL S. HENDERSON HENDERSONMARTINPAUL@YAHOO.COM

M

adalas tuwing araw ng undas o araw ng mga patay ay may mga kwentong kababalaghan tayong nadidinig, nakikita at napapanuod, pero ang storyang ito na nag mula sa Palawan ay isang maituturing na kakaiba sa lahat ng nadinig kong kwentong kababalaghan. May tatlong magkakapatid mula sa Brgy. Liwanag sa lungsod ng Puerto princesa sa Palawan ang namatay sa iisang petsa subalit sa magkakaibang taon, oh hindi bat kakaiba talaga? ang nakakatakot pa dito ay kambal ang dalawa at kuya ang huling namatay.

Unang namatay ay si Ramil Dagaraga Calalin taong 1995 November 1 matapos umano itong atakihin sa puso habang natutulog. Ayon pa sa mga kaanak nito ay tumaya umano si Ramil ng ending o pustahan sa basketball noong Oktober 31, 1995 at nanalo ito ng halagang 300 pesos, uminom ito ng alak natulog at bagu ito namatay ng madaling araw November 1. Makalipas ang dalawang taon ay namatay din ang kanyang kakambal na si Rico Dagaraga Calalin, taong 1997 November 1, at ito ang talagang isa sa mga nakakapangilabot dahil tumaya din umano ito ng Ending Oktober 31 at nanalo rin ng halagang 300 pesos at uminom din ng

alak natulog at saka naman natagpuang patay madaling araw din ng November 1, Pareho ang halaga ng pera na kanilang itinaya, Pareho ang numerong tinamaan, Pareho din ang halagang tinamaan, parehong uminom ng iisang brand ng alak ang kambal, pareho ding natulog bagu ito parehong namatay sa atake sa puso habang natutulog at sa pareho ring petsa pero magkaibang taon. Makalipas pa ang siyam na taon, November 1, 2006 ay namatay ang kanilang nakatatandang kapatid na si Ruben Dagaraga Calalin sa bayan ng Aborlan sa Palawan din sa pamamagitan naman ng isang aksidente sa kalsada, aksidente umano itong nasagasaan ng isang

humaharurot na Sasakyan habang siya ay papatawid, batay sa asawa nito ay nagparamdam daw kay Ruben ang kambal na kapatid na sina Ramil at Rico Oktober 31, 2006 bago ito Nasagasaan at namatay noong november 1, 2006 sa kanilang lugar.

Sa ngayon ay Gumanda ang buhay ng asawa ni Rico at mayroon ng mga ari-arian sa kamaynilaan kasama ang kanilang mga anak, doon narin nanirahan at nag-aaral ang kanilang mga anak, nakaugalian nadin ng ilang membro ng kanilang pamilya

na hindi matulog pagdating ng Bespiras ng undas at hindi lumabas ng bahay tuwing November 1, dumadalaw sila sa tuwing natatapos na ang selebrasyon o araw ng mga patay.

TAWAG NA SA 090-6025-6962


JULY 2017

12

12

ANUNSYO

Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

OO IKAW! MAY GIFT KANA BA SA MGA IYONG MINAMAHAL NGAYONG DARATING NA PASKO?



Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

NOVEMBER 2017

14 14

KOLUMN / TAMPOK

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

tampok

HOSHI LAURENCE HITOKIRIHOSHI@GMAIL.COM FB/TWITTER/INSTAGRAM/ LINKEDIN: @HITOKIRIHOSHI

#KeepGoing 11 BAGAY NA PUWEDENG GAWIN KAPAG NALULUNGKOT

website: www.hoshilandia.com

K

amakailan lang ay dalawang isyu ang naging usap-usapan na may kinalaman sa “depression.” Una ay ang komento ni Joey de Leon na tila ito ay “gawa-gawa lamang” ng tao sa programang Eat Bulaga. Ang ikalawa naman ay kumpirmadong pagpapakamatay ng 16-taong gulang na kapatid na lalaki ni Nadine Lustre na umano’y may kinalaman din sa depression. Pero ano nga ba ang depression at ano ang puwedeng gawin kapag nalulungkot? Ang salitang depression ay nagiging palasak na termino sa ngayon at naipagkakamaling simpleng kalungkutan (sadness). Bagaman may mga kalungkutan na dala lamang ng negatibong komento, stress, at kabiguan( frustration) ay may klase na hindi na normal at nakakaapekto na nang matindi sa isang tao. Ayon sa WebMD.com, ang pagiging walang lakas o gana; pakiramdam na wala kang kwenta, hirap matulog o sobra sa tulog; wala kang interes sa ibang aktibidad na ginagawa mo; at palagiang pag-iisip ng pagpapakamatay ay ilan lamang sa sintomas ng “clinical depression.” Bunsod na rin ng usapin sa “depression” ay nauso ang slogan na #KeepGoing at paggamit ng simbolong semicolon “;” na may kinalaman din sa Mental Awareness Day. Ipinaparating nito na kapag nalulungkot o may depression ka na ay kailangan mong isipin na magpatuloy sa buhay kaysa magpakamatay. Mga puwedeng gawin kapag nalulungkot

1. Avoid Negative People. Mainam na iwasan na magmukmok sa isang sulok, pero kung lalabas man ay mabuti rin na iwasan ang mga negatibong tao. Imbes na makatulong ay baka sila pa ang magpalala ng iyong kalungkutan nang hindi nila sinasadya. Iwasan ang mga taong mareklamo sa buhay, mapanglait o mapangmata, at makasarili lalong-lalo na kapag malungkot ka. Puno ka na ng negatibong pakiramdam kaya mainam na huwag mo ng dagdagan. Sa halip, sumama ka sa mga taong may positibong pananaw, makapagpapagaan ng iyong loon, at higit sa lahat ay makapagbibigay sa iyo ng maiinam na payo. 2. Mag- Sound trip. May mga paborito tayong kanta na tipong pakikinggan natin kapag nalulungkot tayo ay nakapagpapataas ng ating enerhiya. Makakatulong ang musika na mailabas ang iyong uhog este mga pinipigilang luha. Gayon din, ang mag-rock and roll para mawala ang iyong kabatuhan at magsayaw-sayaw para muling mag-circulate ang iyong lamang-loob at kadugaan.

3. Watch Films – DVD o sa sine man, ang panonood ng pelikula ay ang magdadala sa iyo sa ibang dimension. Better of course na manood ng feel good movie kapag sad ka. Alangan naman sad ka na ay tungkol sa tragedy pa ang panonoorin mo. Ang importante rito ay masisiyahan at makakakuha ka ng inspirasyon.

4. Play computer games o sa arcade – Hindi mo na kailangang umiyak kung puwede mong ipalo na lamang sa mga palaka o buwaya, ipang-sipit na makukuha mong stuff toys, o ipang-shoot ng bola sa mga arcade games. Medyo magastos lang ang aktibidad na ganito, pero posibleng mailalabas mo ang galit mo.

5. Read motivational and inspirational articles – Puwede libro, blog, o magazines depende sa trip mo pero ang mahalaga ay ay mapalawak ang iyong pananaw at bumuti ang iyong pakiramdam. Kapag malungkot ako ay mas nagbabasa ako ng magazines dahil binibigyan ako ng mga ito ng ideya sa paraang makulay at interesanteng pagkakalahad.

6. Write-write – Kahit sa blog, diary o letter pa ‘yan, mainam na mailabas ang iyong saloobin para mabawasan ang sakit. Puwede rin namang magpinta, mag-ukit, at kumatha ng musika gamit ang gitara.

7. Travel – Pasyal ka roon sa mga lugar kasama ang iyong kamera at mga kaibigan. Huwag ka na roon sa lugar na ikaw lang at iyon at iyon lang ang iyong nakikita. 8. Sing-along /videoke – Sige ilabas mo iyang lungkot o galit mo to the highest notes or the deepest of your soulful voice. 9. Find something you like to do – Kung gusto mo maggitara, go! Kung gusto mo ng mag- photography class, take it! Kung gusto mo mag-dance, shake it! Huwag ka lang magda-drugs o gumawa ng bisyo na lalo mo lang ikakasadlak sa kalungkutan kapag naglaon.

10. Read Our Daily Journey/ Our Daily Bread and Bible – Of course kahit Bible pa lang ay okay na basahin. Pero kung gusto mo ng dagdag na bagay to power up your spirit and mind, mabuting magbasa rin ng mga devotional books gaya ng Our Daily Journey o Our Daily Bread. Hindi ako relihiyosang tao at aaminin ko na nahihirapan akong magbasa ng mga ito araw-araw. Pero once na magbasa na ako ng sunod-sunod,

hindi puwedeng hindi ako mapapaisip o matamaan. Iba yung “Wisdom” (karunungan) sa “Knowledge” (kaalaman) na nakukuha sa ibang babasahin.

11. Visit any church –Hindi ito usapin kung anong relihiyon mo o kung relihiyosa ka. Magsimba ka para mapapatatag ang iyong pananampalataya. Kahit feeling mo wala kang pag-asa, pero ‘pag dumaan ka ng simbahan kahit papaano ay mapapanatag ang loob mo. Nagkakaroon ka rin ng thought na “malay mo?!” “manawari” o “sana nga!”

* Ang artikulong ito na ilang dinagdagan na teksto at pagbabago ay unang lumabas sa Hoshilandia.com.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

NOVEMBER 2017

15

BALITANG GLOBAL PINOY KOLUMN

Impormasyon ng Pilipino

Slice of Mango. Slice of Life

15

A Day at Mt. Kongo

ARIES LUCEA

ARIESLUCEA@DALOYKAYUMANGGI.COM

T

he day started with a drizzle, which is always a good sign for my family to go on our planned adventure for the day. A little bit of rain means there will be no weekend crowd. Better yet, Kongo San was completely serene and almost desolate of tourist when we went there. We even had the cable car or the rope way completely to ourselves.

Mt. Kongo is Osaka prefecture's highest peak at 1,125 meters. It is an amazing place to go hiking all year round, with different routes and alternatives even for families. You can reach it by taking the Nankai Koya line, exit at Kawachinagano and take the bus at stop # 3. The last stop is around 300 meters upward climb to the rope way station. The rope way takes you closer to the peak, about 30-45 minutes hike. You can also get off at Kongo Tozan Guchi station and make the 2 - 3 hour climb to the peak, depending on your pace. There are nice pathways and shrines along the way that is worth seeing.

It was decided that we will hike up all the way from Kongo Tozan Guchi and go down using the rope way, however, my daughter pleaded us to reverse our plan. So we took the ropeway up and hike our way down the mountain. Unfortunately, the view from the peak was less than ideal, it was foggy and we could not see anything. But, Kongo offers so much things for the family to enjoy. First our kids, enjoyed a Japanese mountain climbing tradition of eating noodles once you get to the top, which in their case was cup ramen. Our kids enjoyed playing at the jungle gym which is tougher than most, which features

ropes to climb inclined and vertical platforms. My kids run wild and free as there were very few people around.

We also went to Chihaya Natural and Astronomy Museum, since there were only few visitors, my kids were very lucky to have personalized science demonstration from the museum staff. The museum has nature trivia questions posted everywhere that the whole family can take part answering. I personally enjoy the part where you are surrounded by massive tree trunks and roots, the sounds of insects and birds, and a speaker that amplifies the sound of tree vibrations and water as it runs through and absorb by these huge forest trees. The best part of the day was going to the Konan So 香楠荘onsen. I love to sooth my tired muscles in an onsen, but unless you are willing to shell out extra bucks for privacy then you should be comfortable being buck naked in front of other customers. But on this lucky day, our family is the only clientele of the onsen.

We get to enjoy the onsen completely to ourselves. Plus an onsen with a sauna is always a good thing in my book. The Konan So onsen is a lovely place to relax and maybe even stay for a night. Staying overnight at this place is something we are really keen on doing in the future.

Finally, the rope way ride is an amazing experience, with the awesome view of Mt. Kongo's lush greenery. I saw pictures of it that looks even more stunning during winter when its covered with snow. Japan is a mountainous land, it will be unfortunate not to devote one's time in seeing these magnificent mountain sites.


NOVEMBER 2017

16

16

ANUNSYO / TIPS

Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

"Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

NOVEMBER 2017

17

TIPS

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

TOKYO BOY PRO

4 STEPS SA paghahanap ng trabaho sa japan TIP #1

MARIO RICO FLORENDO FACEBOOK: MARIO.FLORENDO

Panimula Para sa mga matagal nang naninirahan dito sa Japan, siguro na-realize niyo na na lahat halos ng gawain ng mga Hapon ay naka-base sa season o sa panahon. Halimbawa, patok ngayong aki o fall ang kaki (persimmon) o matsutake mushroom soup; at marami naman ang nagpupunta sa snow resorts tuwing fuyu o winter. Gayundin, ang pagdalaw sa Okinawa o sa Hokkaido tuwing summer para mag-enjoy sa beach o kaya naman ay magpalamig. Katulad ng mga nabanggit, ang paghahanap din ng trabaho o shuukatsu dito sa Japan ay may sinusunod na panahon. Madalas, nagsisimula ang aplikasyon sa Marso, interbyu ng Hunyo, pagpapadala ng job offer ng Hulyo, at pagpasok sa kumpanya ng Abril sa susunod na taon. Karamihan ng mga kumpanya ay sinusunod ang ganitong sistema kaya ito rin ang sinusunod na iskedyul ng mga estudyante katulad ko noon. Katulad ng maraming dayuhan na nagtatrabaho ngayon dito sa Japan, hindi naging madali ang pinagdaanan ng bawat isa bago matanggap sa trabaho. Setyembre 2015 ako nagtapos ng aking masteral sa University of Tokyo, ngunit Marso pa lang ng parehong taon nagsimula na akong maghanap ng trabaho. Kung kaya’t bago ako nagtapos, nakatanggap na ako ng offer letters sa tatlong kumpanya at nakapili na rin ako ng kumpanyang papasukan. Bago ako dumating sa punto ng pagpili, hindi naging madali ang aking karanasan. Sabi nga nila, kung ang mga Hapon ay nahihirapan sa job hunting, mas lalo na ang hirap nating mga gaikokujin. Sa tulong na rin ng mga kaibigang Hapon, pag-search sa Internet, at pagkonsulta sa mga agents na nagtatrabaho sa mga job hunting websites, nagtagumpay akong makahanap ng trabaho. Dahil naranasan ko mismo ang parehong hirap (paghahanap ng trabaho) at sarap (pagkatanggap sa job offer), gusto kong ibahagi ang job hunting experience ko dito sa Japan. Sana ay makatulong ito sa mga kasalukuyang naghahanap ng trabaho, may mga anak o kamag-anak na magsisimulang maghanap ng trabaho sa susunod na taon, o sa mga may mga kapamilya na iniisip magtrabaho rito sa Japan.

17

Step 1 Pagkalap ng Impormasyon

Isa sa mga unang dapat pagdesisyunan sa paghahanap ng trabaho ay kung anong industriya at trabaho ang target mo. Sa rami ng pwedeng pag-aplayan na kumpanya sa buong Japan, minsan ay mahirap pumili at kung hindi ka makakapamili agad, baka dito pa lang ay mauubos na ang oras mo. Mainam na Kung kaya bago pa man sumabak sa giyera, mahalagang maging handa sa susunod na mga kilos. simulan ang Bahagi ng pagiging handa ay ang pagkalap ng sapat na impormasyon. Ako man ay nahirapan din sa prosesong una, kaya ang ginawa ko ay nagtanung-tanong ako sa mga kaibigan kong Hapon tungkol sa mga sikat ito simula na kumpanya at pati na rin yung mga tinatawag nilang black company o mga kumpanyang kilala sa pa lang ng Enero pagkakaroon ng maraming overtime. Dito ko nalaman ang tungkol sa insidente sa isang malaking hanggang advertising company sa bansa, kung Marso saan may empleyado silang namatay dahil sa karoshi o overwork. Isa pang pinagbasehan ko ng trabahong pag-a-aplayan ay ang tinatawag nilang kuchikomi o mga rebyu sa mga kumpanya galing sa mga dating aplikante o sa mga Para malaman ang rebyu sa kumpanya, sahod, kasalukuyang empleyado. Dito mo malalaman kung ano ang ambience ng kumpa- at maging sample na interbyu, mainam na bisitanya, kung marami bang overtime, kung malaki ba ang bonus, o maganda ba ang hin ang www.glassdoor.com at i-search dito ang kumpanya na binabalak mong pasukan. palakad ng administrasyon.

TIP #2

TIP #3

Simula Marso hanggang Mayo ay may lingguhang job fair na nagaganap pero mas mainam na ituon lang ang atensyon sa mga job fairs para sa mga foreigners o mas ispesipiko, para sa mga ASEAN

Step 2 Pagpunta sa Job Fair o Setsumeikai (job information seminar) Bilang aplikante, ikaw ang pangunahing target ng mga job hunting agents ng iba’t ibang kumpanya. Tatawagan ka nila at aalukin na mag-sign-up sa kanilang website o kaya naman ay sumali sa kanilang job fairs. Maraming job fairs ang ginaganap bawat linggo, pero karamihan sa mga ito, ang target ay mga Hapon. Kung kaya’t mahirap mapansin sa mga ganitong job fairs. Sumali rin ako sa mga ito pero mas pinagtuunan ko ng pansin ang mga job fairs na pokus lamang ang mga dayuhan o bilingual speakers (Nihongo at Ingles). Kahit papaano, mababawasan ang iyong magiging kakumpetensiya at lalakas ang iyong tsansa, lalo na para sa ating mga Pilipino dahil angat na kaagad tayo pagdating sa Ingles. Kaugnay rin nito, sinalihan ko rin ang mga setsumeikai na ginagawa sa wikang Ingles. Marahil, 95% ng mga pinuntahan kong setsumeikai ay Nihongo at baka 50% lang sa mga pinaliwanag nila ang naintidihan ko. Kung kaya, hindi ko pinalampas ang pagkakataon kapag nababalitaan ko na may setsumeikai ang isang kumpanya

sa wikang Ingles. Hindi lang mas malaki ang tsansa nating mga dayuhan sa mga ganitong job fairs at setsumeikai dahil na rin sa ating bilingwal na kapabilidad, kundi dahil na rin sa interes mismo ng mga kumpanya na kumuha ng dayuhang empleyado. Isa itong paraan para ipakita nila na gusto talaga nilang kumuha ng mga dayuhan at ipaalam sa lahat na ang kanilang kumpanya ay global at welcome para sa mga dayuhan.

TIP #4

Kapag katulad kong hindi maganda ang sulat kahit pa sa Filipino o Ingles, mas mainam na i-type na lang sa Microsoft Word ang entry sheet. Mas makaka-save ka sa oras na pwede mo pang magamit sa pagsagot ng iba pang entry sheet.

Step 3 Pagsagot sa Entry Sheet at Exam Pagkatapos mong dumalo sa job fair ng isang araw o kaya naman ay makinig ng mahigit isang oras para sa setsumeikai, ang susunod na proseso ay ang pagpapakita ng intensyon na interesado ka sa isang kumpanya. Para malaman nila ito, ikaw ay papasulatin ng tinatawag nilang entry sheet na kailangan mong ipasa sa loob ng isa o dalawang linggo. Dito titignan ng mga kumpanya ang kakayahan ng isang aplikante na i-PR ang kanyang sarili. Dahil sa dami ng mga aplikante, ginagamit ito ng mga kumpanya para makita kung sino ang papasa sa kanilang unang screening. Kung kaya’t, napakahalaga na maayos mong masagot ang mga tanong rito. Madalas na tanong ay ang mga sumusunod: • Self-introduction (自己PR) • Bakit mo gustong mag-apply sa trabaho (志望動機) • Ano ang isang bagay na pinagsikapan mong trabahuhin noong estudyante ka pa lamang (一番頑張ったこと)

Dahil hindi pa ako gaanong ka-confident sa aking Nihongo noon, nakiusap ako sa ilang kaibigang Hapon na pumayag naman tumulong sa akin. Nagbigay rin sila ng mga dagdag kaalaman kung ano ang dapat isulat at kung ano ang mga salitang mas mainam na gamitin. Gayundin sa mga exam tulad ng SPI o ibang pang online-based exam na ipapa-take sa iyo ng mga kumpanya, ginagawa ito para masala lalo ang mga kandidato. Lalo kapag hindi naman kailangan sa testing center mismo kumuha ng pagsusulit, madalas ay kinakausap ko ang mga kaibigan kong Hapon para tulungan akong kunin ang eksam. Inamin rin mismo ng kaibigan kong Hapon na kahit sila mismo, nagpapatulong rin sa iba sa mga ganitong exam.

TIP #5

Step 4 Interbyu

Kapag nakalusot ang entry sheet mo o kaya naman ay nakapasa ka sa exam, malamang ay makatatanggap ka ng email mula sa kumpanya pagkatapos ng isang linggo para sa iskedyul ng interbyu mo. Kung hindi naman, isipin mo na lang na magandang practice yung pagsulat Para mas mo ng entry sheet para sa kanila at mag-move on ka na agad sa susunod na kumpanya. lalo akong maging Kung ikaw naman ang isa sa mga pinalad, ang isa sa kailangan mong paghandaan ay panatagsa ang iyong kakayahang magsalita ng Nihongo. Dahil hindi naman ako ganoon katatas sa interbyu, pagsasalita, isa sa mga ginawa ko ay isulat ang mga sagot ko at sauluhin ito na parang kinausap ko ang ilan sa mga kaibigan ko na iskrip. Kung ano ang tinatanong sa entry sheet, madalas ay mauulit ito sa unang interbyu. tumayong taga-interbyu para lalo akong masanay sumagot nang mas mabilis at klaro. Nakatulong ang pagsaulo ko sa iskrip para maging kalmado ako sa interbyu at hindi magmukhang tensyonado. Dagdag pa nito, sinanay ko ang sarili ko na matulog nang maaga bago ang interbyu para magising rin ako nang maaga. Madalas, nakaplano na rin ang masarap na agahan na kakainin ko para lalo akong ma-motivate sa araw na iyon. Panghuli, ugaliin na dumating sa istasyon kung saan malapit ang interbyu nang maaga sa 30 minuto. Ito ay para mabigyan ka ng sapat na oras para mahanap ang tamang lugar, building at kuwarto para sa iyong interbyu. Depende sa kumpanya, maaari ka pang ipatawag sa pangalawa, pangatlo o pang-apat (o pang-lima) na interbyu. Sa bawat proseso, mas mahalaga na maipakita mo ang iyong karakter sa halip na magpanggap na alam mo lahat ng tanong o lahat ng tinutukoy ng mag-i-interbyu sa iyo. Dito sa Japan, mas binibigyang-halaga ng mga kumpanya kung ang isang aplikante ay babagay ba sa kultura ng kumpanya kaysa sa galing nito, dahil lahat naman ay dadaan sa training. Pagkatapos ng bawat interbyu ay kailangan mo na lang maniwala at magdasal na sana ay nakapasa ka at nagustuhan ka ng nag-interbyu sa iyo.

Pagtatapos Dahil sa tagal at hirap ng karanasan kong ito, natutunan kong maging disiplinado at maging mapagkumbaba. Kailangan mo ng disiplina sa oras, para mapamahalaan mo nang maayos ang oras sa pag-aaral, pag-gimik, at pag-a-apply sa trabaho. Natutunan kong tanggapin ang mga kahinaan ko bilang isang aplikante na nagbigay-daan sa akin para humingi ng tulong at advice sa maraming tao. Dahil dito, lagi akong tumatanaw ng utang na loob sa mga kaibigan kong tumulong sa akin dito sa Japan at sa pamilya ko sa Pilipinas sa kanilang moral support at inspirasyon. Sana, nakatulong ang karanasan kong ito para sa mga maghahanap ng trabaho dito sa Japan. At, patuloy na sumubaybay para sa iba pang propesyunal na tips tungkol sa pagtatrabaho rito.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

NOVEMBER 2017

18

18

KONTRIBUSYON

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

S

imula na naman ang NBA. Sinulat ko ito pagkatapos makita ang karimarimarim ng injury ni Gordon Hayward. Nakakapanghinayang bilang isang basketball fan dahil mukhang exciting pa naman ang Boston ngayon. Ngunit, sa mga ganitong bagay, mas importante na isiping makabalik si G sa NBA. Sana ay makabalik siya sa dati niyang laro gaya nang nangyari kay PG13. Narito ang ilan sa mga inaasahan kong mangyayari a NBA Season na ito.

SEASON

PREDICTIONS Larong Kalye MELBERT TIZON | MBTIZON@GMAIL.COM

1. Si Lebron ang magiging MVP

Si Kawhi at Lebron lang ang nakikita kong maaring manalo ng MVP. Maliban na lang kung bumulusok bigla ang Minnesota dahil kay Jimmy Butler. Mas may bentahe si Lebron dahil mukhang may injury si Kawhi sa simula nang season. Isa pa, magmumukhang bowling pins lang ang mga koponan sa East sa rumaragasang Cavs ngayong taon.

2. San Antonio vs. Golden State sa Western Conference Finals

Lumakas man ang Houston at OKC, sa tingin ko ay Spurs pa rin ang pinakamalaking hadlang sa Dubs para makarating sa Finals. Pakiramdam ko sila lang ang kayang maglagay ng kalawang sa madulas na gears ng Warriors Offense. May tatlo o apat nang dominant performances ang Spurs laban sa Dubs. Sapat na para maniwala ako na kaya nilang sumabay.

3. Hindi na si Kidd ang coach ng Bucks bago matapos ang season Sa tingin ko, malayo ang mararating ng Bucks. May potential sina Brogdon, Maker at Snell bilang competent supporting casts. Kailangan pa nila ng isang ball handler at maaring makuha nila ito sa trades. Ngunit sa tingin ko, kailangan nila ng sistema sa opensa upang mas gumaling pa. Nasan na uli si coach David Blatt?

4. Ang Chicago Bulls ang magiging kulelat ngayong taon Quick question: Sino ang kilala mong players ng Bulls ngayon? Sa pagkawala ni Butler at Wade, nakakapanglumo tignan ang roster ng Chicago. May mga promising players sila tulad ni Markannen at Dunn. Pero sa tingin ko, kulang na kulang sa firepower ang Bulls para maka 25 na panalo ngayong season. Maganda ito dahil balak naman talaga nila magpalakas sa draft sa susunod na taon.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

NOVEMBER 2017

19

BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY SPORTS

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

19

Boxing Champ Bernard Hopkins, binigyan ng parangal GINAWARAN si Boxing Champion Bernard Hopkins ng special recognition upang kilalanin siya sa kanyang pagreretiro nitong 2016. Natanggap niya sa Xfinity Live sa South Philadelphia ang Honorary Briscoe Medal. Nakapagtala si Hopkins ng ilang mahahalagang world titles sa ilaling ng Light Heavyweight at Middleweight divisions. "We could not let his retirement pass without special recognition of everything he's accomplished, the memories he gave those of us who love boxing, and the history that he made. Bernard Hoplings is boxing history in the flesh," ika ni John DiSanto ng Philly Boxing History, Inc.

LeBron James, tiniyak na magbabago pa ang kanilang laro sa mga susunod na Laban

BINIGYANG-DIIN ni NBA great LeBron James na magkakaroon pa sila ng mga pagbabago sa kanilang performance ng kanilang team na Cleveland Cavaliers sa mga susunod pa nilang mga laro sa NBA. Wala pa kasing nalalasap na panalo ang Cavs sa naging mga laban nila sa preseason games. Pahayag ni James, hindi lamang isang linggo kundi buong season pa umano ng NBA ang dadaan bago nila makamit ang inaasam nila para sa Cavs. “It’s going to be for the whole season. We’re going to have changes, we’re going to make changes, we’re going to become a better team as the games go on. So, the team opening night will not be the team that we know we can be,” pahayag ni James. Sa kabilang dako, inamin naman ng Cavs superstar na wala umano siya sa wisyo sa naging tapatan nila ng Chicago Bulls. Ngayon lang kasi nakabalik ang 32-anyos na si James sa laro matapos nitong magkaroon ng left ankle injury. Nabatid na pinaluhod sila sa naging tapatan nila ng Chicago Bulls sa score na 94-108.

Kaya 'di tuloy ang rematch kay Horn dahil may bagong show si Manny Pacquiao? MUKHANG MAKIKITA nang muli ng mga fans si Manny "PacMan" Pacquiao sa telebisyon. Ito'y dahil sa sisimulang bagong show sa GMA Network na ang boksingero ang magiging host. Ayon sa ulat ng Bulgar, mukhang nagsisimula na umano ang taping sa sariling drama anthology ni PacMan. Magmumukha umano itong "Magpakailanman" ni Mel Tiangco na base sa totoong pangyayari ang mga ipapapanood sa madla. Once a week umano ito ipalalabas.

Pulitika, hadlang sa boxing career ni PacMan - Arum

IPINAHAYAG kamakailan ni Top Rank CEO Bob Arum na hadlang umano ang pulitika sa pagtakbo ng karera ni Manny Pacquiao sa boxing. Ika pa ni Arum, mukhang si Manny kasi ang nakikitang pangulo ng mga Pilipino sa susunod na National election. "He's being groomed by people in the Philippines to be the next president," ika niya. Samantala, ipinahayag din ng promoter na hindi umano nito alam kung ano ang mga susunod

na plano ni Manny pagdating sa boxing. Matatandaang hindi natuloy ang rematch nina PacMan at Horn nitong Nobyembre dahil umano sa problema sa kanyang schedule.

PANALO SA KANYANG LABAN sa Tianjin Open si five-time Grand Slam winner Maria Sharapova. Tinalo nito si Aryna Sabalenka, ang 102nd-ranked na teenager. Bago niya nakamit ang kampeonato, kinailangan muna niya ang apat na points sa tie-breaker bago talunin ang 19-anyos na kalaban. Matatandaang nasuspinde si Sharapova matapos itong magpositibo sa droga sa nakaraang 201 Australian Open. Ito na ang unang napanalunang titulo ni Sharapova matapos ang nasabing ban.

SI MISMONG TOP RANK CEO Bob Arum na mismo ang nagpahayag na si Jeff Horn ang pinakamagaling na boksingero sa 147 pound. Bago pa man umano makalaban ni Manny Pacquiao si Horn ay alam na niya ang kakaibang galing nito. Ika pa niya, ang sumusunod daw na pinakamagaling na boksingero sa panahong ito ay si Terrence Crawford.

Si Jeff Horn parin ang Sharapova, pinabilib ang mga manonood sa 1st title sa pinakamagaling na boksingero sa 147 poun - Arum Tianjin Open


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

NOVEMBER 2017

20

20

HOROSCOPE / ANUNSYO

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

VIRGO Ago. 23 - Set. 23 Sa pag-ibig, upang hindi mapahamak, tigilan na ang pakikipag-relasyon sa isang Leo. Sa pinansyal, kailangan kang mag-ipon upang ikaw ay yumaman. Hindi katulad ngayon na gasta ka lang nang gasta. Power numbers: 3,12,27,33,42 at 48 Lucky colors: Red at Pink

LIBRA Set. 24 - Okt. 23 Sa pinansiyal, ibat-ibang kulay ng bulaklaking halaman ang magbibigay sa iyo ng kakaibang suwerte. Sa pagibig, akitin ang minamahal sa pamamagitan ng paglalambing. Power numbers: 7,16,24,33,40 at 46 Lucky colors: Yellow at Purple

SCORPIO Okt.24 - Nob. 22 Iwasan ang mga taong mainitin ang ulo. Ipapahamak ka lang nila. Sa mga mababait at walang kibong mga nilalang ka makipag-transaksyon. Sa pag-ibig, piliin ang isang taong cute at tahimik. Power numbers: 7,18,26,35,42 at 48 Lucky colors: Red at Blue

Sagittarius Nob. 23 - Dis. 21 Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na pakikipagrelasyon sa isang Gemini. Mapalad ka sa negosyo. Ngunit, pag-isipan mong mabuti ang iyong papasukang larangan . Power numbers: 24, 34, at 24 Lucky colors: Green at Yellow

CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 19 Unti-unting matutupad ang mga pangarap, ngunit maraming kumplikadong bagay ang magaganap. Hindi dapat ubusin ang araw sa labis na pagsasaya, maglaan ng oras sa meditation. Power numbers: 1,10,28,30,40 at 45 Lucky colors: Gold at Maroon

AQUARIUS Ene. 20 - Feb. 19 Matutong ikonsidera ang pananaw ng ibang tao. Makikita mo, higit kang uunlad at mas magiging maligaya. Power numbers: 4,10,19,33,35 at 44 Lucky colors: Yellow at White

PISCES Peb. 20 - Mar. 20 Tanging ikaw ang makapagpapabago ng sariling kapalaran. Sa pag-ibig, tumuklas ng ibang paraan sa romansa, upang hindi mabato at manlamig ang ka-relasyon. Power numbers: 7,18,25,34,41 at 48 Lucky colors: Green at Black

ARIES Mar. 21 - Abr. 20 'Wag maging barumbado at mataray. Sa pinansyal, alalahaning ang lahat ay nadadaan sa magandang usapan. Sa pagibig, kung lagi kang galit at mainit ang ulo, lalo kang papangit. Power numbers: 6,17,26,35,42 at 49 Lucky colors: Pink at Red

TAURUS Abr. 21 - May. 21 Ganyan talaga ang buhay, kung minsan ay madaling maubos ang pera. Gayunpaman, ang salaping nawala ngayon ay maibabalik din. Power numbers: 4,15,28,33,39 at 45 Lucky colors: Blue

GEMINI May. 22 - Hun. 21 Kung alam mong kumikita ka, mag-invest pa nang mag-invest. Sa pag-ibig, pahalagahan ang araw na ito. Sa iyong pag-uwi pasalubungan ng matamis na halik ang minamahal. Power numbers: 5,16,22,39,45 at 47 Lucky color: Silver at Pink

CANCER Hun. 22 - Hul. 22 ‘Wag magdesisyon nang nakabatay sa damdamin. Sa pag-ibig, kapag mayaman ka na mas madali mo nang makakamit ang kaligayahan. Power numbers: 7,11,20,29,45 at 49 Lucky color: Red at Violet

LEO Hul. 23 - Ago. 22 Ituloy lang ang kasalukuyang hanap buhay, darating ang araw na aangat din ang iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, sipagan at dagdagan pang lalo ang pagte-text. Power numbers: 1,19,23,33,40 at 48 Lucky colors: Yellow at Purple


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

NOVEMBER 2017

BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ

Impormasyon ng Pilipino

21

Impormasyon ng Pilipino

Iza Calzado, naiyak sa suprise engagement ng British BF MATAPOS ANG LIMANG TAONG relasyon sa British boyfriend na si Ben Wintle, officially engaged na ang aktres na si Iza Calzado matapos ibigay ang matamis niyang “oo” sa marriage proposal ng kanyang now-fiance. Isang biro na nauwi sa pag-iyak ng aktres ang kinalabasan ng proposal ni Ben kay Iza lalo pa nga at lumabas ang comical side ng dalaga habang nagpo-propose ang una. Akala kasi ni Iza ay biro lang ang lahat. Tumatawa pa ngang kinilatis ng 35-year old aktres ang singsing na ibinigay ni Ben habang nakaluhod at pabirong kinagat pa ito. Pero nang mapatunayang totoo ang nagaganap na proposal ay napaiyak na si Iza.

Dito na isinuot ni Ben ang singsing sa dalaga na na-capture sa video at ini-upload ng isa sa mga saksi na si Rajo Laurel sa kanyang mismong social media account. Matapos kumalat ang video ay bumuhos naman ang pagbati para sa newly-engaged couple. Isa na nga rito si Rajo Laurel at ang kapwa-Sanggre star ni Iza na si Karylle.

ISANG TERROR THREAT ang naging dahilan kung bakit umatras ang bansang Lebanon sa pagho-host ng Miss Tourism Universe 2017 ngayong taon. Dahil dito, sa Pilipinas na gaganapin ang nasabing pageant kung saan kalahok ang itinanghal na Miss Tourism Philippines-Universe 2017 na si Julie Ann Tricia Manalo. Masayang ibinalita ng pambato ng Pilipinas na sa bansa na nga iho-host ang prestihiyosong beauty pageant na gaganapin na simula sa Oktubre 16 hanggang Oktubre 19. Kahit pa nga 12 taon ang naging paghahanda ng Lebanon para sana sa pagho-host ng

nasabing pageant, minabuti ng komite ng pageant na ilipat sa Pilipinas ang venue para na rin siguruhin ang kaligtasan ng mga lalahok na kandidata mula sa iba’t ibang bansa dahil na rin sa banta ng terorismo sa Lebanon. Dagdag pa ng Pinay beauty queen na tubong-Nueva Vizcaya, isang magandang oportunidad din ang pagkakalipat ng venue ng Miss Tourism Universe dahil lalakas ang turismo sa bansa. Bukod pa rito, excited din si Julie Ann na maipakilala sa iba pang mga kandidata ang mga magagandang pasyalan sa bansa, pati na rin ang kulturang Pinoy.

Miss Tourism Universe 2017, sa PHL na gaganapin matapos umatras ang lebanon

Alisah Bonaobra at iba pang Pinoy, standout sa Six Chair Challenge ng X Factor UK

“I’d give you two seats!” Iyan ang tinuran ng X Factor UK judge na si Louis Walsh matapos tanungin tungkol sa performance ng Pinay na si Alisah Bonaobra. Napa-wow din ang isa pang judge na si Nicole Scherzinger na napag-alamang meron ding dugong Pinay. Ani Scherzinger, tamangtama lang ang “All By Myself” ni Celine Dion bilang panlaban ni Bonaobra para makakuha ng pwesto sa Six Chair Challenge. Bukod sa 22-anyos na sidewalk vendor mula sa Paco, Maynila, pasok din ang isa pang Pinay singer na si Elysa Villareal para sa kanyang pag-awit ng “Me Too” ni Meghan Trainor. Ang JBK boy group naman na Pinoy ay pumasok para sa kategoryang hinahawakan ng sikat na X Factor judge na si Simon Cowell. Ang judge na si Sharon Osbourne ang mentor ni Bonaobra at siya ring may hawak ng Girls category, kung saan napabilang si Villareal. Sa pinakahuling ulat, muling nakakuha si Alisah ng isang spot sa Six Chair Challenge matapos mag-rap at awitin ang “Bang Bang” ni Ariana Grande sa isang sing-off kasama si Scarlett at Rai-Elle kung saan natanggal ang una.

John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, magkasamang nagbakasyon sa ibang bansa

MATAPOS IANUNSIYO ang kanyang “indefinite leave of absence” mula sa pinagtatrabahuhang TV network ay muli na namang namataang magkasama ang magkasintahang sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna para sa isang bakasyon. Pero imbes na isa sa mga lugar sa Pilipinas ay napagdesisyunan ng dalawa na tumungo sa ibang bansa para doon magbakasyon.

Jinri Park 2018 calendar, masayang ipinakita ng aktres MASAYANG IPINAKITA NG KOREAN actress-model na si Jinri Park ang mga kanyang larawan para sa darating na 2018 calendar. Sa kaniyang Instagram account, dito makikita ang mga seksing larawan at videos ng actress. Naglagay pa ito ng caption na 2018 calendar coming. Makikita rin dito ang iba’t-ibang mga backgrounds gaya ng mga falls at iba pa. Dito rin makikita ang mga masasayang videos ng kanilang shooting para sa kanyang seksing calendaryo.

Kamakailan, tumulak patungong Casablanca, Morocco si John Lloyd kasama ang girlfriend na si Ellen. Sa kanyang Instagram account, nag-post ang huli ng isang larawan kung saan tila sinisipa niya si John Lloyd para kunin ang atensiyon nito habang busy sa pagkuha ng sunset sa tabi ng dagat. Nito lamang huli ay naging usap-usapan din ang naging bakasyon ni John Lloyd at Ellen matapos ang kanilang Cebu trip kung saan binisita nila ang Bantayan Island at Mactan. Bago pa man kumpirmahin ang kanilang relasyon ay naging kontrobersiyal na ang madalas na pagsasama ng dalawa, pati na rin ang palitan ng kanilang mga posts sa kani-kanyang social media account lalo na sa Instagram.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

NOVEMBER 2017

22

22

BALITANG SHOWBIZ

Zanjoe Marundo, nominado bilang Best Actor sa International Emmy's

NOMINADO si Zanjoe Marudo sa kategoryang Best Actor sa 2017 International Emmy Awards. Ang kanyang performance sa isang episode ng “Maalala Mo Kaya” ang nagdala sa kanya ng nominasyon sa prestihiyosong parangal. Magiging katunggali ni Marudo para sa award si Kenneth Branagh ng United Kingdom, Kad Merad ng France at Julio Andrade ng Brazil. Hindi si Marudo ang unang Pilipinong naging nominado sa isang acting award sa International Emmy's. Una nang napabilang sina Angel Locsin, Sid Lucero at Jodi Sta. Maria sa nomination list sa mga nakaraang taon. Ang “Kweba” episode, kung saan nakakuha si Marudo ng pagbubunyi mula sa mga television critics at mga manonood, ay patungkol sa isang ama na binuhay ang kanyang mga anak sa isang kweba matapos masira ang kanilang bahay dahil sa isang bagyo. Gaganapin ang International Emmy Awards sa New York City sa ika-20 ng Nobyembre. Inaasaahang dadalo si Marudo sa red carpet event at event proper.

Ellen Adarna, hindi buntis

MARIING ITINANGGI ni Ellen Adarna na buntis siya. Ito ay matapos ang bali-balitang nabuntis umano siya ng sikat na aktor na si John Lloyd Cruz. Nagsimula ang ugung-ugong nang mag-post ang newscaster na si Jay Sonza. Ika ni Adarna, hindi umano siya ang tinutukoy sa post ni Sonza. Hindi raw niya kamag-anak ang newscaster. Sa nasabing post kasi, ibinunyag ni Sonza na bunti na nga ang kanyang pamangkin na si "Elena" at ngayon ay nasa ibang bansa na. Magugunitang nagbakasyon sina Ellen at John Lloyd sa ibang bansa matapos ang mga kontrobersiya hinggil sa kanilang dalawa.

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Unang pagkikita nina Xander Ford at Enrique Gil matapos ang pagreretoke, naibahagi sa social media

NAGKITA NA SA WAKAS sina Xander Ford, o Marlou Arizala, at ang isa sa kanyang iniidolo na si Enrique Gil.

Si Enrique mismo ang nagbahagi ng balitang ito sa kanyang Instagram account. Makikita sa larawang ibinahagi ng aktor na nakaakbay siya sa dating Hasht5 member. Naglagay rin ng caption ang aktor na nagsasabing Xander Grade III ang pangalan niya noon sa isang teleserye. Bago nito, maaalalang nabanggit ni Xander na nais niyang makasama sa pelikula sina James Reid, Daniel Padilla, at Gil.

'Kuntento na ako sa pagmumukha ko' - Empoy MATAPOS ANG KONTROBERSIYAL na pagpapalit ng mukha ni Marlou Arizala, o mas kilala na ngayon bilang Xander Ford, may balak naman kayang magparetoke ang aktor na si Empoy? Ayon sa komedyante, wala na umano siyang balak na sumailalim sa cosmetic surgery. Ika ni Empoy, kuntento na umano siya sa kanyang pagmumukha. Nagpapasalamat din umano siya sa kung ano ang ibinigay sa kanya ng Maykapal. Idinagdag pa niya, ni minsan ay hindi raw niya naisip na magparetoke.

Jake Zyrus at Ina, magkaayos na MUKHANG MAS MAAYOS na ang relasyon nina Jake Zyrus at ang kaniyang ina. Pagtatapat niya sa Pilipino Star Ngayon, muli na umano silang nag-uusap ngayon ng ina. "Okay kami ni mommy. Nasa province kasi siya ngayon with my brother. Mas nag-uusap kami ngayon ni nanay (lola ng singer). Kasi siyempre after everything that happened, kumbaga yung stage namin ni mommy, hindi kami gano'n ka-okay na tulad ng kay nanay, na we can see each other, ganyan. Siyepmre, nando'n pa rin yung medyo nahihiya pa sa isa't isa," ika ng singer.

Maxine Medina, may first movie na IPAPALABAS NA SA NOVEMBER 1 sa mga sinehan ang pelikulang kinabibilangan ng beauty queen na si Maxine Medina. Ito ang "Spirit of the Glass 2: The Haunted" under OctoArts Films at T-Rex Entertainment. Puring-puri naman siya ng direktor ng pelikula na si direk Joey Reyes. "I told this to boss Orly (Ilacad), nakakagulat si Maxine for a first timer. She's a bright young woman, she loves what she's doing and she's willing to learn. From the workshop to shooting, gusto niyang maging artista, hindi lang celebrity."

Matatandaang nagkaroon ng tampuhan sina Mommy Racquel at Jake, o dating Charice Pempengco, mula nang inilantad ng huli ang kanyang pagiging lesbian.

Gusto umano ni direk Joey na makatrabahong muli si Maxine.

Cristine Reyes, mabenta ngayon sa mga pelikula MUKHANG MARAMI ngayong mga proyekto si Cristine Reyes, sa kabila ng pagkakaroon na niya ng anak at asawa. Katunayan, kapapalabas lang sa mga sinehan ang kanyang pelikulang "Seven Sundays" at sa November 1 naman ang "Spirit of the Glass 2: The Haunted." Samantala, pumasok na rin sa showbizness ang asawang si Ali Khatibi.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

NOVEMBER 2017

23

BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Buong Pilipinas, nakasuporta kay Winwyn Marquez sa kanyang laban NAKATAKDA NANG LUMABAN sa Reina Hispanoamericano ang beauty queen na si Winwyn Marquez. Bagaman hindi siya nasamahan sa Bolivia ng ilang mga importanteng tao sa kanyang buhay, kagaya nina Alma Moreno, Joey Marquez, at boypren na si Mark Herras, buong Pilipinas naman ang sumusuporta sa kanya. Inaasahang maraming mga Pinoy ang makakasama ni Winwyn sa pagla-like ng kanyang introductory video bilang kinatawan ng bansa sa nasabing beauty pageant. Kinunan ang video na ito sa Intramuros. Samantala, wikang Espanyol naman ang ginamit niya sa introduksiyon.Buong Pilipinas, nakasuporta kay Winwyn Marquez sa kanyang laban Nakatakda nang lumaban sa REina Hispanoamericano ang beauty queen na si Winwyn Marquez. Bagaman hindi siya nasamahan sa Bolivia ng ilang mga importanteng tao sa kanyang buhay, kagaya nina Alma Moreno, Joey Marquez, at boypren na si Mark Herras, buong Pilipinas naman ang sumusuporta sa kanya. Inaasahang maraming mga Pinoy ang makakasama ni Winwyn sa pagla-like ng kanyang introductory video bilang kinatawan ng bansa sa nasabing beauty pageant. Kinunan ang video na ito sa Intramuros. Samantala, wikang Espanyol naman ang ginamit niya sa introduksiyon.

Willie Revillame, tatakbo ba sa 2018 Local Election?

naman ako sa pagiging single," ika niya.

ISA SA MGA NANGUNGUNANG channel sa sports news, muling bumabalik ang ESPN sa mga Pilipinong manonood kaakibat ng TV5 Network. Isang press conference ang isinagawa sa Snaps Sports Bar sa Sofitel ng Pasay City kung saan ipinaalam ni Vincent “Chot” Reyes, Gilas Pilipinas Head Coach, ang napipintong pagbabalik ng ESPN sa Philippine television. Inilatag niya ang maaaring maging schedule para sa network, ngunit hindi pa pinal ang naturang schedule. Internasyonal na live sports ang ipalalabas sa umaga samantalang local sports naman ang mapapanood buong gabi. Inaasahang mas mapapadali sa mga Pilipinong manonood ang pag-aabang sa kanilang mga paboritong laro. Ang ESPN ay magkakaroon din ng SportsCenter Philippines, ang lokal na counterpart ng primerong programa ng ESPN. Samantala, hindi pa alam kung sino ang magiging anchor ng naturang palabas. Maliban sa ESPN 5, inaasahang magkakaroon din ng official website ang channel kung saan mas marami pang makakalap na impormasyon ang mga sports fan. Gamit ang ESPN5. com, ang website ay magpi-feature ng iba’t ibang impormasyon na hindi napapanood sa lokal na telebisyon gaya ng Major League Baseball.

MALIGAYA IN-ANNOUNCE ni Film Academy of the Philippine Secretary General Leo Martinez na kasama ang pelikulang “Birdshot” sa mga ikinokonsidera para sa 2018 Oscars, particular na sa Foreign Language Film Category. Hindi ito ang unang pelikula na inilahok ng Pilipinas sa prestisyosong patimpalak. Ilan sa mga sinubukang ilahok ay ang “Transit," “Heneral Luna” at “Norte: Hangganan ng Kasaysayan.” Gayunpaman, wala pang parangal na natatanggap na award and Pilipinas. Malakas naman ang laban ng Birdshot dahil nanalo na ito ng Best Picture ng the Asian Future Category noong 2016 Tokyo International Film Festival. Sa ngayon, inaasahang magiging maganda ang resulta para sa Birdshot, lalo na at ang ilan pa sa mga pinagpipilian ay big budget films gaya na lamang ng Cambodia ni Angelina Joli o Thelma ng Norway. Pagpatak ng 2018 ay inaasahang mapipili na ang pelikulang magiging official nominee para sa taon.

ESPN, muling mapapanood sa Pilipinas

Tweet ni Idol

K

umusta mga Ka-Daloy? Nandito na naman ang isang edisyon ng Tweet Ni Idol. Tara at sundan natin ang buhay ng ilan sa mga pinakasikat na celebrities sa Pilipinas:

Tara!

( CLICK PHOTO TO FOLLOW THEM ON INSTAGRAM )

Luis Manzano (@luckymanzano)

"Guys... when your girlfriend tells you to wear a Mickey Mouse headband... YOU WEAR THAT MICKEY MOUSE HEADBAND!!! disneyhowhow"

Angelina Quinto (@loveangelquinto) "As you get older, you really just want to be surrounded by good people. People that are good for you, good to you, and good for your soul.""

Matteo Guidicelli (@mateoguidicelli) "A good talk with my manager this afternoon about life and career. Let's do this . #hey #heymat teo #goodvibes #life #positivethinking #starmagic"

Vice Ganda (@vicegandako) " W hen it rains it pours . Thank you my Lord God for the overflowing blessings!!!"

Mga police ng UK at US sinimulan na ang imbestigasyon laban kay Weinstein

"Sorry. Not my cup of tea." Ito ang pahayag ni Willie Revillame nang tanungin siya ng Bulgar kung tatakbo siya sa darating na 2018 local election. Samantala, pinabulaanan din niya ang mga ugung-ugong na kaya umano nanalo si MIss World Philippines 2017 Laura Lehmann ay dahil karelasyon niya ito. "Siguro, darating din ang itinakda ni Lord na magiging kapalaran ko. In the meantime, happy

'Birdshots' sa Oscars Foreign Language Film Category

23

NAGLUNSAD NA ANG MGA KAPULISAN ng US at United Kingdom ng imbestigasyon sa sexual assault laban sa film producer na si Harvey Weinstein. Simula ngayon Hahawakan ng New York Police Department ang alegasyon mula 2004 at dito pinag-aaralan kung may iba pang mga karagdagang mga biktima. Iimbestigahan naman ng London Metropolitan Police ang sexual assault sa London area mula 1980. Susubukang kausapin ng mga kapulisan ang mga celebrities na nagrereklamo sa beteranong film producer. Magugunitang ibinunyag ng mga sikat na actress gaya nina Angelina Jolie, Gwyneth Paltrow at iba pa. Marami rin ibang artista ang naglabas ng kanilang saluobin ukol sa balitang ito. Tulad nalang nila Ben affleck, Chris Hemsworth at marami pang iba. karamihan sa mga nagsabi ng kanilang saluobin at nararapat lamang na magsabi ang mga kababaihan ng kanilang mga naranasan at ito ang tamang panahon. Nauna ng pinabulaanan ni Weinstein ang nasabing alegasyon laban sa kaniya.


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.