NANGUNGUNANG BALITA
Inspiring Global Filipinos in Japan
Horn-Pacquiao rematch, posibleng sa Pilipinas idaraos Posible umano na sa Pilipinas ang rematch ng labanang Manny Pacquiao at Jeff Horn. Ito mismo ang kinumpirma ni PacMan. sundan sa Pahina 3
PHL, Tuloy na sa pagho-host ng SEA Games sa 2019
Tuloy na tuloy na ang paghohost ng Pilipinas sa SEA Games 2019 matapos ang pormal na anunsiyo ng kalihim ng Foreign Affairs na si Alan Peter Cayetano.
Vol.5 Issue 67 September 2017
EKONOMIYA NG PHL,
sundan sa Pahina 19
Pia Wurtzbach, tuloy ang adbokasiya laban sa HIV kahit na busy Proud na ibinida ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang pagsalang nito sa sa live testing bilang pagpapatuloy sa kanyang adbokasiya laban sa HIV. Sundan sa Pahina 21
Piolo Pascaul magbabalik teleserye pagkatapos ng 3 taong pahinga Inanunsyo kamakailan ng ABS-CBN Business unit head na si Deo Endrinal sa pamamagitan ng Instagram picture. sundan sa Pahina 23
KONTRIBUSYON
USAPANG OFW ni KUYA ERWIN Guilty? Ang tatlong pagsisising pinansyal ng mga OFW
Parang nabunutan ako ng tinik ng marinig ko ang lecture ni Romeo Arahan Jr. Siya ang Chief Executive Officer ng SEDPI Development Finance Inc.
sundan sa Pahina 8
Essay: Kahalagahan ng Edukasyon sa Panaginip, Pangarap
I alternately read How I Made My First Million Through Direct Selling by Chinkee Tan and a back issue of Entrepreneur Magazine...
sundan sa Pahina 14
SLICE OF MANGO, SLICE OF LIFE Camping at Suishohama
Tila walang epekto ang krisis na nagaganap sa Marawi sa patuloy na pagtaas ng ekonomiya ng Pilipinas.
Me and my friends were running out of time to make a final decision on where to go for our annual summer boys' vacation.
sundan sa Pahina 5
sundan sa Pahina 15
MALACAÑAN, NAGPAHAYAG NG KA-DALOY OF PAKIKIRAMAY SA MGA BIKTIMA THE MONTH NG BARCELONA TERROR ATTACK Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañan sa mga pamilya ng mga biktimang namatay sa Barcelona, Spain terror attack. Ernesto Abella presidential spokeperson of Malacañan issuing a statement sundan sa Pahina 2
Ayon kay Ernesto Abella, ang presidential
spokesman, nakikiisa umano ang Pilipinas sa pakikiramay at pagkondena na rin sa pag-
atake ng mga terorista na ikinamatay ng 13 katao at pagkasugat ng higit sa 100.
ANCESTRAL HOMES SA PILIPINAS, TAMPOK BILANG HISTORICAL SPOTS SA ESQUIRE MAGAZINE Kung isa ka sa mga taong mahilig sa mga antigong gamit at bahay, 17 ancestral homes na pawang mga historical spots na ang maaari mong bisitahin sa Pilipinas.
La Casita Mercedes is located in the Makati neighborhood in Manila, just 400 m from Power Plant Mall. sundan sa Pahina 4
Kamakailan lang, itinampok ng Esquire magazine ang 17 ancestral homes na nasa iba’t ibang panig ng Pilipinas na iprineserve ng mga may-ari nito para gawing restaurants o museum habang ang ilan ay ginawa pang hotel para pagkakitaan.
D&K Co., Ltd. 〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611
sundan sa Pahina 7
Kilalanin ang Unang Pinay Gold Medalist sa 2017 Sea Games: Mary Joy Tabal
Babae ang unang nakapagbigay ng gold medal para sa Pilipinas sa 2017 Southeast Asian (SEA) Games na isinagawa sa Putrajaya Malaysia. Siya si Mary Joy Tabal. Simula pa lamang ng paligsahan ay naungusan na nito ang kanyang mga kalaban. Pagdating ng ikatlo sa limang loops, hanggang sa siya na nga ang tanghaling kampeon. Sundan sa Pahina 7 FB FAN PAGE
DIGITAL VERSION
ORDER WEBSITE
TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 URL: www.dk6868.net E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp or daloyjapan@gmail.com
Daloy Kayumanggi
SEPTEMBER 2017
2
BALITANG LOCAL
Impormasyon ng Pilipino
Limang Pinoy Street Foods, pasok sa Top 50 list ng 2017 World Street Food Congress NANGUNA NA NAMAN ang mga pagkaing Pilipino sa katatapos na 2017 World Street Food Congress. Pumasok sa Top 50 list ang Pinoy sisig, lechon, pinangat, kansi beef soup, at BBQ. Ang mga nakapasok sa elite list ay ang mga heritage street food na pawang mga culinary icons din. Ang panel of judges para sa WSFC ay binubuo ng mga well-travelled commentators, food celebrities, writers at iba pang mga professionals, ayon sa ulat ng goodnewspili-
British-Filipinos, nanguna sa 5th Dance World Cup Germany
NAGPAMALAS NA NAMAN ng angking galing ang mga BritishFilipino dancers nang masungkit nila ang overall title sa 5th Dance World Cup sa Germany. Napanalunan ni Chantelle Tonolete, isang Brit-Pinoy, ang world title sa 9 Years & Under Acrobatic Modern Solos sa pamamagitan ng kanyang magaling na performance bilang little “Flying Purple People Eater." Naiuwi niya ang 6 gold at 2 silver medals sa iba’t ibang kategorya. Nanalo din ng gold medals sina Ganica Olipas, Nicole Manumbre, Samantha Chan, Angeli Sagala, Melvin Manunbre, Macy Galimpin at Sophia Tejero sa iba’t ibang kategorya. Nagsanay ang mga nasabing mananayaw sa Spotlight Stages School sa United Kingdom. Sa isang panayam sa ABS-CBN, ipinahayag ng mga mananayaw na kahit England ang kanilang nire-representa ay dala pa din nila ang honor ng pagiging Pinoy. "Even if I represent England, I still feel the competitive spirit of a Pinoy," pahayag ni Melvin Manumbre, 13 years old. "I’m a Filipino 100% so even though I’m representing England I have that blood running through my veins as a Filipino. I don’t mind either way, I’m proud to be both," pahayag ni Nicole Manumbre, 14 years old.
pinas.com. Ang mga criteria sa pagpili ng Top 50 Street foods ay ang mga sumusunod: ingredients, food preparation, adaptability, quality and flavor of food, sourcing, consistency, basic hygiene, at confidence. “We also factor in their ability to inspire and create jobs, reputation and opportunities for the populace, even the displaced and disadvantaged,” nabanggit sa WSFC criteria. Narito ang kumpletong listahan ng mga Pinoy Street Foods na kinilala sa WSFC: • No. 4. Aling Lucing Sisig, Pampanga, Philippines Corner G. Valdez and Agipito del Rosario Streets, Angeles City, Luzon, Philippines • No. 7. General’s Lechon, Manila, Philippines Second Floor, Petron Gas Station, EDSA Corner Arnaiz Avenue, Dasmariñas
Village, Makati City, Manila, Philippines • No. 22. Zeny’s Pinangat, Bicol, Philippines PNR Rd, Gapo, Camalig, 4502 Albay, in Bicol, Philippines • No. 32. Sharyn's Kansi Beef Soup, Bacolod, Philippines C58, Narra Ave, Bacolod City, Negros Occidental, Philippines • No. 46. Doods Ihaw and BBQ, Davao City, Philippines, Roxas Extension
CLICK HERE TO WATCH SPOT.PH STANDOUT DISHES AT WORLD STREET FOOD CONGRESS 2017
Bana's Cafe ng Sagada, nakakuha ng critics recognition sa Paris KINILALA NG INTERNATIONAL CRITICS sa Paris ang Bana’s Cafe sa Sagada bilang Médaille Gourmet sa 3rd International Contest of Coffees Roasted in their Countries of Origin na inorganisa ng Agency for the Valorization of Agricultural Products (AVPA), isang Paris-based non-profit organization. Ayon sa SGD Coffee, pumasok ang Bana’s Café sa AVPA 2017 competition using “quality-focused heirloom coffees that the Coffee Heritage Project helped plant and grow” na matatagpuan sa Goad Sibayan’s 100% Arabica coffee farm sa Sagada. Tinanggap ni Consul Rapunzel Acop ng Philippine Embassy sa Paris ang Médaille Gourmet (“Gourmet Award”) noong Hulyo para sa Bana’s Coffee.
UPLB Choral Ensemble, naiuwi ang Grand Prix sa Singapore
NANGUNA ANG University of the Philippines Los Baños Choral Ensemble (UPLBCE) sa 10th Orientale Concentus International Choral Festival na ginanap sa School of the Arts sa Singapore. Tinalo nila ang mga finalists mula sa Hongkong, Taiwan, South Africa, Indonesia, and Czech Republic upang maiuwi ang Grand Prix title. Narito ang mga titles na naiuwi ng UPLB Choral Ensemble: · Grand Prix Champion · Category Winner (Gold II) – Mixed Choir Category A2 · Category Winner (Gold II) – Sacred Music Category · Special Prize for the Most Promising Young Conductor – Roijin Suarez Nakatanggap ng $20,000 cash prize ang 26-member choir matapos masungkit ang title. Binuo ang UPLB Choral Ensemble ng mga dating members ng UP Rural High School Glee C
“We hope that with this recognition, we are able to highlight Philippines Coffee and the great work of Filipino coffee farmers like Goad, growing one of the finest coffees in the world to be the true artisans of the Philippines' coffee industry,” pahayag ni Watanabe ng Bana’s Café sa isang media report.
Malacañan, nagpahayag ng pakikiramay sa mga biktima ng Barcelona terror attack
CLICK HERE TO WATCH CBS NEW YORK BARCELONA ATTACK SEGMENT
NAGPAABOT NG PAKIKIRAMAY ang Malacañan sa mga pamilya ng mga biktimang namatay sa Barcelona, Spain terror attack. Ayon kay Ernesto Abella, ang presidential spokesman, nakikiisa umano ang Pilipinas sa pakikiramay at pagkondena na rin sa pag-atake ng mga terorista na ikinamatay ng 13 katao at pagkasugat ng higit sa 100. "The Department of Foreign Affairs (DFA), through our Philippine Embassy in Madrid and the Honorary Consulate in Barcelona, is closely monitoring the situation and has been in touch with the Filipino community," dagdag pa ni Abella.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
SEPTEMBER 2017
BALITANG BALITANG GLOBAL GLOBAL PINOY PINOY
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Giant Omellette sa Belgium, pinagkakaguluhan DINUMOG NG MGA TAO ang dambuhalang omellette sa Belgium. Ito'y sa kabila ng pangambang may egg contamination sa loob ng bansa. Ang pagluluto ng giant omellette ay parte ng tradisyon ng bansa na tumagal sa loob ng 22 taon na. Sa tradisyong ito, sabay-sabay na niluluto ang 10,000 pirasong mga itlog. Daan-daang mga tao naman ang nakitikim sa nasabing dambuhalang omellete.
Samantala, matatandaang milyun-milyon ang pinull-out ng European market kamakailan. Ito'y dahilan sa pagkakatuklas sa ginamit na insecticide na fipronil na nakasisira umano ng ilang organs ng tao.
CLICK HERE TO WATCH GIANT OMELETTE MADE WITH 10000 EGGS SERVED AT BELGIUM FESTIVAL
Horn-Pacquiao rematch, posibleng sa Pilipinas idaraos POSIBLE UMANO na sa Pilipinas ang rematch ng labanang Manny Pacquiao at Jeff Horn. Ito mismo ang kinumpirma ni PacMan. "We will do our best to bring the fight here in the Philippines as we look also for sponsors. If not here, we are considering to bring the fight to Dubai or possibly in the United States," ika ni Manny. Gustung-gusto umano niyang magkaroon ng rematch ang kanilang laban matapos ang naging laban nila ng Australian boxer na nagresulta sa kontrobersiya. Samantala, ipinangako naman ni Horn na tataluning muli si Manny kung sakaling matuloy ang labang ito.
MalacaĂąan, proud sa panalo ni Mary Joy Tabal
NAGPAHAYAG NG PAGBUBUNYI ang MalacaĂąan sa nakamit na tagumay ng gold medalist na si Mary Joy Tabal sa women's marathon sa 29th Southeast Asian (SEA) Games sa Kuala Lumpur, Malaysia. Si Presidential Spokesman Ernesto Abella mismo ang nagbanggit ng nasabing papuri sa pride ng Pilipinas at sa iba pang mga atleta na nagrepresenta sa Pilipinas. Ika niya, hangad ng kasalukuyang administra-
3
3
2,000 taong mga libingan, natuklasan sa Cairo
CLICK HERE TO WATCH CUTE GIRL 2000 YEARS OLD ANCIENT TOMBS DISCOVERED IN EGYPT
CLICK HERE TO WATCH MANNY PACQUIAO SAYING NO TO JEFF HORN REMATCH IN AUSTRALIA | WANTS LAST FIGHT IN THE PHILIPPINES
syon ang tagumpay ng bawat atletang Pinoy sa kani-kanilang mga lalahukang kompetisyon. Nagpahayag din siya ng buong pagsuporta sa mga ito.
ILANG MGA archaeologists ang nakadiskubre ng tatlong libingan sa bansang Egypt na may tanda nang 2,000 taon.
Ang tatlong mga libingang ito ay nakita sa al-Kamin al-Sahwri sa Minya, Cairo.
Ilocos Sur, makatatanggap ng milyong dolyar na halaga ng Rizal Memorabilias
TIYAK NA MAS MAGIGING KILALA pa ang siyudad ng Vigan sa Ilocos Sur dahil sa mga Rizal memorabilias na nakatakdang tanggapin ng siyudad. Isang aktibong miyembro kasi ng Knights of Rizal na nasa Amerika ang nagnanais mag-donate ng isang milyong dolyar na halaga ng mga koleksyon at memorabilias ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal. Ayon sa dating supreme commander ng Knights of Rizal na si Jerry Singson, personal niyang nakita ang koleksyon ng nasabing miyembro na gustong mag-donate ng mga memorabilia na aabot sa $1 milyon ang halaga. Ayon kay Singson, dalawang baitang ang inookupa ng mga nasabing koleksyon na matatagpuan sa bahay mismo ng miyembro ng Knights of Rizal na nasa Missouri, USA.
Dahil dito, nais ni Singson na mas mapaganda pa ang ginagawang National Museum na siyang paglalagakan ng mga nasabing memorabilia sa Vigan, kaya magdo-donate siya ng PHP2 milyon para dito. Dagdag ni Singson, tiyak na lalo pang dadagsain ang Vigan ng mga historian at mga estudyante sa pagbubukas ng Rizal Museum.
CLICK HERE TO WATCH LIVE LOVE TRAVEL 12 BEST TOURIST ATTRACTIONS IN ILOCOS SUR PHILIPPINES
Sa nasabing mga tombstone, nakita umano ang ilang clay fragments at stone coffins. Pinaniniwalaang ginamit umano ang nasabing lugar na libingan ilang libong taon na ang nakararaan.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
SEPTEMBER 2017
4 4
BALITANG GLOBAL
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Mga batang Pinoy, wagi sa figure skating competition sa Japan MULI NA NAMANG NAGBIGAY ng karangalan ang ilang batang Pinoy sa Pilipinas matapos magwagi sa katatapos lang na figure skating competition na ginanap sa Japan. Sa kabuuan, 12 gold at anim na silver medals ang naiuwi ng mga batang Filipina figure skaters na edad pito hanggang 13 taong gulang sa ika-29 na patimpalak ng Annual Skate 2017 sa Japan. Ang mga pitong taong gulang na si Shaelyn Adrianne Bolos at Ayasofya Vittoria Aguirre ang nag-uwi ng pinakamaraming medals na may tatlong gold para sa kategoryang artistic elements, footwork
Mga Ancestral Homes sa Pilipinas, tampok bilang Historical Spots sa Esquire Magazine
CLICK HERE TO READ AND SEE MORE PICS OF17 HERITAGE HOUSES IN THE PHILIPPINES THAT HAVE BEEN ADAPTED FOR MODERN USE
Ito ay ang Dycaico Ancestral House sa Angeles City, Pampanga na meron ng restaurant, rural bank at tutorial center. Restaurants na rin ang Casa Vallejo sa Baguio, Limbaga 77 ng Quezon City, Cafe Apolonio ng Bulacan, Camalig Restaurant ng Angeles, Pampanga, Sans Rival Bistro ng Dumaguete, at The Mansion at Cafe 1925 ng Silay City, Negros Occidental. Para naman sa bed and breakfast at hotels, nariyan ang La Casita Mercedes sa Makati City, Paradores del Castillo ng Taal, Batangas, The Henry Hotel sa Manila, Halaran Plaza Hotel at Plaza Central Inn sa Roxas City, Capiz, at La Planta Hotel ng Bais City, Negros Occidental. Kung mahilig ka naman sa art at museum, pwede mong bisitahin ang Casa Tesoro sa 1335 Mabini sa Ermita, Manila at Hacienda Don Juan sa Glan, Sarangani, ayon sa ulat ng goodnewspilipinas.com.
elements at technical elements, bukod pa sa tig-isang silver medal. Itinanghal din si Aguirre bilang best overall para sa Artistic Performance at tinalo ang iba pang magagaling na mga figure skaters mula pa sa ibang bansa sa Asya gaya ng China, Japan, Hong Kong, Indonesia, Malaysia at Thailand. Tatlong gintong medalya rin ang naiuwi ng walong taong gulang na si Hossana Immanuela Valdez habang ang teen skaters naman na sina Mishka Bolos, 11, ay nag-uwi ng dalawang gold medals at isang silver medal. Tig-isang gold at silver medal rin ang nasungkit ni
Maegan Ramons, 12, at dalawang silver medal naman kay Yuria Yumoto, 13, ayon sa ulat ng goodnewspilipinas.com.
CLICK HERE TO WATCH THE SCORE: YOUNG FILIPINO FIGURE SKATERS BAG MEDALS IN THE RECENT 29TH ANNUAL SKATE JAPAN 2017
Pinoy Lumpia, isa nang Food Craze sa Amerika ISA NANG FOOD CRAZE NGAYON ang kilalang Pinoy dish na pritong lumpia na laging present kapag may pista o anumang okasyon sa Pilipinas. Ito ay matapos pausuhin ng mag-asawang may-ari ng Parsnipity Café ang LumpiaPalooza food truck na in high demand na hanggang Oktubre. Ayon sa balita ng Wichita Eagle ng Kansas, naunang lumabas ang LumpiaPalooza food truck sa Sedgwick Country Fair. Sa sobrang patok nito sa panlasa ng mga taga-Kansas, halos 1,000 lumpia ang nai-order sa Parsnipity Café noong inilunsad nila ang Pinoy Lumpia sa nasabing county fair. Ayon sa chef ng café na si Cynthia Wilson, hindi nila inasahan ang pagiging patok ng Pinoy Lumpia, subalit natutuwa siya dahil sa naging tagumpay nito sa panlasa ng mga taga-Kansas.
“It was both the best day and the worst day of my life. We had only been in business two months and weren’t even quite on our feet, and the lines were down the street,” ani Wilson nang gunitain ang event. Ang Pinoy Lumpia na isine-serve ng Parsnipity Café ay merong 40 variants na available. Binubuo ito ng sibuyas, carrots, celery, asin at paminta para sa main ingredients na sinamahan ng sweet and sour homemade sauce.
SPED Student ng Tuguegarao, humataw sa Math Competition sa China
ISANG PILAK AT TATLONG GINTONG MEDALYA ang naiuwi ng isang special education (SPED) learner mula sa Tuguegarao sa katatapos lang na Math Olympiad na ginanap sa Zhejiang, China. Ang nasabing SPED student ay kinilalang si Miguel Isidro Cayetano na isang fast-learner/gifted at talented (FL/GT) student mula sa Grade 5. Nasungkit ni Cayetano ang tatlong gintong medalya para sa individual competition at silver medal para naman sa team competition sa katatapos lang na China Primary Math Olympiad. Aprubado na ng provincial board ng Tuguegarao ang resolusyon para bigyang-parangal at kilalanin si Miguel na kasalukuyang nag-aaral sa Tugueg-
Choir Group na Kammerchor Manila, wagi sa mga kompetisyon sa Europa
TATLONG GRAND PRIZES ang naiuwi ng choir group na Kammerchor Manila sa iba’t ibang international chorale competitions na ginanap sa iba’t ibang lugar sa Europe. Naiuwi ng Kammerchor Manila ang first prize para sa 63rd Certamen Internacional de Habaneras y Polifonia na ginanap sa Torrevieja, Spain. Naiuwi naman nila ang Grand Prix award sa 1st Leonardo Da Vinci Choral Festival na ginanap sa Florence, Italy. Sila rin ang tumanggap ng Gold Diplomas para naman sa 8th edition ng Musica Eterna Roma International Choir and Festival Competition na ginanapa sa Church of the Twelve Apostles sa Rome, Italy. Ang Kammerchor Manila ay isang church-based choral group na binubuo ng 35 professional
arao West Central School. Nauna na ring nagpahayag ng kanyang pagiging proud ang secretary ng Department of Education na si Leonor Briones sa pagkaka-panalo ng batang mathematician. “One of my dreams for the Filipino youth is that one day, they are able to conquer the world... Miguel is truly one of the young achievers heeding that call, and we hope that the country will be able to produce more of them,” ani ng DepEd secretary. Bukod sa katatapos lang na kompetisyon, dati na ring nanalo si Miguel sa 2016 International Mathematics Competition ng gintong medalya at isang silver medal naman sa Singapore International Olympiad Challenge noong 2015.
singers. Bukod sa Italy at Spain, nag-perform din ang grupo sa Austria, France, Germany at Netherlands. Umani din ng iba’t ibang parangal ang Kammerchor Manila gaya ng 1st prize sa Habanera at 2nd prize naman sa Polyphony sa Torrevieja. Second placer naman sila sa Florence para sa Sacred Category. Tumanggap din sila ng Gold Diplomas sa mga kategorya para sa Mixed Choir, Modern Contemporary at Folk Gospel Pop. Tumanggap din ng special awards ang Kammerchor Manila na Audience Prize Award at Best Male Soloist award para kay Rey Jhon Regis.
CLICK HERE TO WATCH UMAGANG KAY GANDA SEGMENT FROM KAPAMILYA TRENDING KAMMERCHOR MANILA
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
SEPTEMBER 2017
BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY LOCAL
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
5
5
Ekonomiya ng PHL, Nanatiling matatag sa kabila ng Marawai Crisis TILA WALANG EPEKTO ANG KRISIS na nagaganap sa Marawi sa patuloy na pagtaas ng ekonomiya ng Pilipinas. Sa kabuuan, isa ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na patuloy na gumaganda ang ekonomiya. Ayon sa ulat ng Director General ng National Economic Development Authority (NEDA) na si Ernesto Pernia, lalo pang umangat ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong second quarter. Mula kasi sa 6.4 porsiyento ay nasa 6.5 porsiyento na ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa, ayon sa ulat ng bomboradyo.com. “With our country growing at 6.5 percent in the second quarter of 2017; we remain as one of the best-performing economies in Asia. We are well on track to meeting our full-year target growth of 6.5 to 7.5 percent,” saad ng Director General sa nasabing press conference. Sa naging tala, ang sektor ng manufacturing at minahan ang may pinakamataas na ambag sa GDP ng bansa na sinundan
naman ng agrikultura at serbisyo. Sa ngayon ay angat ang Pilipinas sa Indonesia at Vietnam na pawang may 5.0 at 6.2 porsiyentong growth rate. Ganunpaman, inamin ni Pernia na naging matamlay ang pribadong sektor, subalit madalian namang gumawa ng aksyon ang gobyerno para mas lalo pang maiangat ang ekonomiya ng bansa.
CLICK HERE TO WATCH CNN PH ECONOMY TO REMAIN ROBUST DESPITE MARAWI CRISIS
Grade 12 Pinoy, wagi sa Arts Competition sa Japan
ISA NA NAMANG PARANGAL para sa Pilipinas ang naiuwi ng isang Grade 12 student matapos itong manalo sa isang arts competition sa Japan. Ang STEM senior high school student na si Allan Lloyd Lopez ng Don Euologio De Guzman Memorial National High School ng Bauang, La Union ang nag-uwi ng gintong medalya matapos magwagi ang kanyang obra sa ginanap na 13th International Exhibition for Young Investors 2017 sa Aichi Prefecture sa Nagoya, Japan. Nagwagi ang obra maestra ni Lopez na pinamagatan niyang “Future Visions with a Heart: Coexistence of Science and Nature” laban sa mahigit isang daang mga entries kung saan 15 mga bansa ang lumahok sa patimpalak. Ipinakita ng obra ni Lopez kung makatutulong ang siyensiya at teknolohiya para maalagaan ang kalikasan at mapabuti ang buhay ng tao sa
Bilang ng mga naninigarilyo, bumaba ng 1.4million - DOH
CLICK HERE TO WATCH UNTV NUMBER OF FILIPINO SMOKERS DECLINED BY A MILLION
INANUNSIYO KAMAKAILAN ng Department of Health na bumaba ng 1.4 million ang bilang ng mga naninigarilyo sa bansa. Sa datos ng departamento, mula 29.7 percent noong 2009, 23.8 percent na lang ang kabuuang populasyon ng mga naninigarilyo. Malaking improvement umano ito ayon sa departamento. Ayon naman kay Dr. Angela Pratt ng World Health Organization Western Pacific Region, nangangahulugan umano ito ng higit sa isang milyong kabawasan sa mga nagkakasakit ng lung cancer, heart disease, stroke, at marami pang ibang mga sakit na kaugnay ng paninigarilyo. Ayon naman sa grupong Health Justice, nakatulong umano ang pagtaas ng presyo ng sigarilyo para hindi makabili ang maraming mga kabataan. Umaasa pa rin ang DOH na 20 percent pa ang ibabawas ng bilang ng mga naninigarilyo sa buong bansa.
pamamagitan ng research, robotics at deep space exploration. Ang visual arts teacher ng DEGMNHS na si Rodel R. Rimando ang nagsilbing coach at sumama kay Lopez sa kompetisyon.
Anti-Spitting Ordinance, ipinatutupad na sa Santiago City SA LAYUNING MAIWASAN ang pagdura ng maraming residente ng Santiago City sa iba-ibang panig ng lungsod, ipinatutupad na ngayon ng siyudad ang Anti-Spitting Ordinance nito. Sa pamamagitan ng kautusang ito, ipinagbabawal na ang dumura saanmang lugar sa loob ng lungsod bukod na lang kung sa spitting bin o plastic na bote. Nakagawian na kasi ng ilang residente ng lugar ang pagnguya ng nganga. Sa pamamagitan umano ng ordinansang ito, maiiwasan ng mga mamamayan ang iba't ibang mga sakit na dulot ng pagdudura. Magmumulta ng P1,500 ang sino mang lalabag sa nasabing ordinansa. CLICK HERE TO WATCH UKG UKG: ANTI-SPITTING ORDINANCE SA SANTIAGO CITY, IPAPATUPAD
Solar Electric Vehicles, ipamimigay nang libre ng isang kumpanya
GOOD NEWS para sa maraming transport operators: Namimigay nang libre ang isang kumpanya ng tinatawag na solar electric jeep.
Ang sasakyang ito na gawa ng kumpanyang Star 8 ay mayroong solar panel at may kasama pang battery. Bukod doon, ang bawat pasahero sa loob ng sasakyan ay may nakalaang electric fan at USB ports. Ayon sa kumpanya, kikita lang umano ito sa pamamagitan ng mga advertisements na nakalagay sa sasakyan at ipinanonood sa loob nito. Ang gagawin lang ng transport operators ay bubuo ng fleet management cooperative kung saan nakasaad ang rota nito. Kung aprubado ng kumpanya, libreng maibibigay ang nasabing mga solar electric jeeps. Mayroon ding tinatawag na PUV marshal ang bawat sasakyan na maggagrado sa habit ng driver at ng transport operators at mag-a-assist sa mga pasahero.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
SEPTEMBER 2017
6
6
EDITORIAL
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
CLICK HERE TO WATCH TV PATROL: RANDOM DRUG TEST SA HIGH SCHOOL STUDENTS, ISASAGAWA SA SETYEMBRE
Daloy Kayumanggi
Inspiring Global Filipinos in Japan
D&K Company Ltd Jagger Aziz jaggeraziz@gmail.com Art Editor and Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@gmail.com 0906-511-8111 090-6025-6962 Sales and Marketing: Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists: Aries Lucea (arieslucia@daloykayumanggi.com) Avic Tatlonghari (avictatlonghari@yahoo.com) Melbert Tizon (mbtizon@gmail.com) Hoshi Laurence Gonzales (Hitokirihoshi@gmail.com) Irene tria (irene@heartshaper.asia) Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo Publisher: Editor:
The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611
Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.dk6868.net  www.facebook.com/daloykayumanggi
editor`s note LOREEN DAVE CALPITO
Drug Testing sa mga High school students, dapat lang
N
itong Agosto 8, naglabas ang Department of Education ng isang order para sa random drug testing sa mga high school students, sa pampubliko man o pampribadong eskwelahan. Sa ilalim ng order na ito, layunin daw na maagapan agad na tuluyang maligaw ng landas ang mga kabataan dahil sa droga. Kung sakali raw na mag-positibo, hindi ito magiging ground para mapatalsik ang mag-aaral. Hindi rin daw siya idadaan sa disciplinary action. Mananatili raw confidential ang lahat. Ibig sabihin, igagalang ng departamento ang privacy ng mga mag-aaaral, na sa ating pagtanaw naman ay tama lang.
Kung iisiping mabuti, nasa tamang direksiyon ang departamento. Ito ay sapagkat, marami nang mga kabataan ngayon ang nalululong ng iba't ibang uri ng ilegal na droga. Kabataan na ngayon ang target ng mga sindikato, sapagkat nahihilig sila sa mga gimik at ilan pang kasiyahan. Matatandaang naging laman ng mga balita ang mga namatay na kabataan sa
isang open concert noong nakaraang taon, dahilan sa nasobrahan ng mga ito ang paggamit ng droga.
Kung tutuusin, dapat itong suportahan ng mga magulang, sapagkat isa itong pamamaraan para maagapan nga ang kanilang mga anak. Para ngayon pa lang, alam na nila kung napapasama na sa masamang barkada ang kanilang mga anak -- bago mahuli ang lahat.
Para sa DepEd, magandang aksyon ito para makatulong sa pagpigil sa paglaganap ng ilegal na droga sa buong bansa. Bravo!
Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
SEPTEMBER 2017
BALITANG KA-DALOY GLOBAL PINOY OF THE MONTH 7
ka-daloy of the month LOREEN DAVE CALPITO | DAVECALPITO529@GMAIL.COM
Kilalanin ang Unang Pinay Gold Medalist sa 2017 Sea Games: Mary Joy Tabal
B
abae ang unang nakapagbigay ng gold medal para sa Pilipinas sa 2017 Southeast Asian (SEA) Games na isinagawa sa Putrajaya Malaysia. Siya si Mary Joy Tabal. Simula pa lamang ng paligsahan ay naungusan na nito ang kanyang mga kalaban. Pagdating ng ikatlo sa limang loops, napanatili na niya ang kanyang kalamangan sa kanyang mga kalaban, hanggang sa siya na nga ang tanghaling kampeon. Isang Rio Olympian, tinalo ni Tabal ang kanyang mga katunggali -- si Hoang Thi Thanh ng Vietnam at Natthaya T ng Thailand. "Kinakabahan po ako sa simula," ika ni Tabal, ayon sa ulat ng ABS-CBN. "Pero sa isip ko po, kasi mahirap po ang training ko." "Kailangan ko po talagang ipakita sa lahat na kaya nating mga Pilipino na mag-tagum-pay," dagdag niya. "Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga Pilipino." "Alam ko po na sa bawat hakbang ko kanina, nagdarasal po kayo." Cash Incentive Isang cash incentive ang naghihintay para kay Tabal, dahil sa kanyang tagumpay sa SEA Games. Ang nasabing cash incentive ay naaayon sa Republic Act 10669 o “National Athletes and Coaches Benefits Act.” Sa ilalim ng nasabing batas, tatanggap si Mary Joy ng P300,000. Labis din ang kagalakan hindi lamang ng buong bansa kundi maging ng Malacañang sa naging panalo ni Mary Joy na isang
malaking karangalan para sa Pilipinas. Nakamit ni Mary Joy ang gintong medalya para sa women’s marathon sa loob ng 2 hours 48 minutes at 26 seconds. Naging emosyonal din si Tabal matapos niyang ibahagi na hindi na niya halos maigalaw ang mga paa noong nasa huling loop na siya ng paligsahan. Ganunpaman, na-inspire si Mary Joy dahil na rin sa hiyawan ng mga tao kaya’t nagpursigi siyang makatapos. Matapos makarating sa finish line ay napaluha si Mary Joy. Kinuha rin niya ang watawat ng Pilipinas at proud itong binitbit sa finish line.
Mabuhay ka, Mary Joy - - ang ating Ka-Daloy of the Month.
Daloy Kayumanggi
SEPTEMBER 2017
8 8
KONTRIBUSYON
usapang ofw ni kuya erwin
ERWIN BRUNIO #090-7428-5744
Impormasyon ng Pilipino
Guilty? Ang tatlong pagsisising-pinansyal ng mga Ofw
P
arang nabunutan ako ng tinik ng marinig ko ang lecture ni Romeo Arahan Jr. Siya ang Chief Executive Officer ng SEDPI Development Finance Inc. at lecturer namin sa Leadership and Social Entrepreneurship (LSE) Program ng Ateneo dito sa Tokyo. Ako kasi ay estudyante sa kursong ito na hatid ng Ateneo University at ng SEELS Teachers Academy. Ayon kay Sir Arahan, may tatlong guilty emotions na nararamdaman ang mga OFW patungkol sa pera. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Guilty dahil iniwanan ang pamilya 2. Guilty dahil marangya ka pero mahirap ang kamag-anak 3. Guilty sa kasalanan ng iba
Isa sa mga guilt ng OFW ay ang pag-iwan sa pamilya dahil sa pag-abroad. Naiisip mo na dahil wala ka, walang kasama ang iyong asawa o anak sa panahong kailangan ka niya, gaya ng kanyang birthday o sa mga school events. Nararamdaman din ito sa panahon na sila ay nangangailangan ng iyong pag-aruga, kung maysakit o kaya ay nalulungkot o na-ii-stress. Dito, mainam na malinis ang iyong konsensya sa iyong pag-abroad. Bago pa man mag-abroad, dapat na ito ay napag-usapan ng buong pamilya at ang expectation ng bawat miembro ay naisabi at naipaabot sa isa’t isa. I-remind ang iyong sarili sa iyong tunay na pakay sa pag-aabroad. Ang pangalawang guilt ng OFW ay ang konsensya na ikaw ay mas mayaman keysa sa iyong kamag-anak. Kadalasan, ikaw ay pini-pressure ng iyong mga kamag-anak na sila ay tulungan mo din. At sa panahong ikaw ay hindi makatulong sa kanila, ikaw ay kokonsensyahen na nang kung ano ano. Hindi mo kasalanan kung ang iyong kamag-anak ay mahirap. Ayon sa lecture, ang tanging responsibilidad mo lang ay ang iyong compulsory heirs at wala ng iba. Ang iyong compulsory heirs ay ang iyong anak, asawa o life partner at mga magulang. Ibig sabihin, kahit sarili mong kapatid ay hindi mo responsibilidad kung siya o ang kanyang pamilya ay mahirap. Mas higit na hindi mo responsibilidad ang iyong kamag-anak. Nabunutan ako ng tinik sa kaalaman na hindi mo pala dapat isisi sa iyong sarili kung ang iba ay naghihirap. Hindi natin iyon responsibilidad. At higit pa, natutunan ko ang patakaran kung paano tumulong sa iba. Ito ay “you are not allowed to help financially outside of your compulsory heirs if you are not financially stable.”
Hindi sinasabi na hindi mo tutulungan ang iyong mga kamag-anak. Sa usaping pinansyal, maari mo silang tulungan kung ikaw ay financially stable na. Ikaw ay financially stable kung check lahat ang tatlong ito.
“If you are NOT financially stable, you are NOT allowed to help others financially”
1) may savings o ipon na ang halaga ay kayang tustusan ang 9 months ng iyong expenses. 2) may insurance coverage 3) tama ang financial net worth ayon sa iyong edad. Kung ikaw ay may sapat ng ipon na kayang tustusan ang iyong 9 na buwan na pangangailangan ng hindi nagtatrabaho, maari ka ng tumulong sa iba.
Ang pangatlong guilt naman ay ang pagiging guilty sa pagkakamali ng iba. Ito ay kadalasang nararamdaman ng magulang sa kanyang anak. Sobrang tiis sa hirap at pagod, doble o triple ang trabaho o kaya sobra sa overtime, maipadala lamang ang pera para sa hilig ng anak. Padala dito, padala duon. Subalit, nalihis pa rin ng landas. Nabuntis, nakabuntis, nagbisyo, nawaldas ang perang padala, di nakapagtapos ng pag-aaral etc. Hindi mo kasalanan kung hindi nila sinunod ang iyong payo. Ang iyong responsibilidad ay magbigay lamang ng giya at advice sa iyong anak. Ang iyong anak na ang magdedesisyon kung susundin niya ang iyong payo o hindi. Kung siya ay nabigong sumunod sa payo mo, desisyon niya iyon. Sa panahon na ikaw ay nakakaranas ng pagka-guilty sa usapang pang-pera o pinansyal, alalahanin na ang isang rason ng pagpunta mo dito sa Japan ay upang ikaw ay maging financially stable. Higit sa lahat, hindi mo responsibilidad at hindi mo kasalanan kung mahirap ang iba. (larawan mula sa Ateneo LSE 54 Tokyo)
Ang mga students ng Ateneo LSE Batch 54 Tokyo kasama ang lecturer na si Romeo Arahan Jr, (gitna, naka blue) at katabi si Consul Cassandra Sawadjaan ng Philippine Embassy Tokyo (kaliwa, nakaputi).
Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
SEPTEMBER 2017
BALITANG GLOBAL PINOY TIPS
Impormasyon ng Pilipino
5 Simpleng tips para mas maging matalino
Gusto mo bang maging mas matalino? Narito ang ilang tips na maaari mong sundin: Magbasa at magsagot ng mga word games. Kung gusto mo namang gawing matalas at matatas ang iyong pananalita, ugaliing magbasa ng dyaryo at maglaro ng word games gaya ng crossword puzzles. Mag-engage sa laro o exercise. Kung
gusto mo namang maging graceful at tumatag ang iyong isip, ang pag-e-exercise o pagsali sa anumang sports ay makatutulong sa iyo. Magkalkula sa iyong isip. Para naman sa pagpapatalas ng iyong logical at mathematical skills, mas mainam na magkalkula ng mga numero gamit ang iyong isip at kamay kaysa gumamit ng calculator. Maglaro ng mga brain games. Ayon sa mga eksperto, mas magiging madali sa iyo ang pagmamanipula ng mga bagay gaya ng skills na kailangan sa pagmamaneho kung ikaw ay naglalaro ng chess,
5 Tips para sa mga taong nahihirapan mag-concentrate
HIRAP KA BANG MAG-CONCETRATE? Narito ang ilang tips na maaari mong gawin para mas makapag-concentrate ka araw-araw. Kumain ng almusal. Ayon sa pag-aaral, ang mga taong laging nag-a-almusal ay mas alerto at mas mabilis makapag-concentrate kumpara sa iba na hindi nag-a-almusal. Limitahan ang paggamit ng iyong cellphone. Aminin mo man o hindi, malaking oras ang nawawala sa iyo sa tuwing gumagamit ka ng iyong cellphone o anupamang gadget lalo kung ginagawa mo itong libangan. Mag-take ng B-complex. Isang pag-aaral ang nagpatunay na mas hirap magplano ang mga taong may vitamin B6 deficiency. Matulog nang sapat. Ang pagpupuyat ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nawawala sa konsentrasyon ang isang tao. Uminom ng kape. Bukod sa caffeine, mayaman sa antioxidant ang kape na nakatutulong para ma-improve ang iyong cognitive function.
9
jigsaw puzzles o gumagawa ng origami. Makinig ng musika. Kung nais mo namang i-relax ang iyong isip, advisable na makinig ka sa iba’t ibang klase ng tugtog lalo na ang classical music.
3 Paraan para patatagin ang emosyon ng iyong mga anak
NARITO ANG MGA TIPS PARA TULUNGAN at maihanda ang iyong mga anak sa mga hamon ng buhay. Turuan silang tumulong sa iba. Ang pagtuturo sa iyong mga anak ng pagtulong sa iba habang sila ay bata pa ay nakapagbibigay sa kanila ng self-esteem at kumpiyansa na makihalubilo sa ibang tao. Ang pagtulong sa kapwa ay paraan din para mas mag-mature ang iyong mga anak. Tulungan silang bigyang-solusyon ang kanilang negatibong emosyon. Kung nalulungkot ang iyong anak, imbes na tanungin sila ng “bakit,�tanungin mo sila kung paano nila mabibigyang solusyon ang kanilang kalungkutan. Gayundin naman kung nakararamdam sila ng galit, inis o ano pa mang negatibong emosyon. Sa ganitong paraan, matuturuan mo silang i-handle ang kanilang emosyon nang tama. Hayaan silang mahirapan paminsan-minsan. Bilang training sa mga hamon ng buhay, dapat ay hayaan mo rin na mahirapan ang iyong mga anak paminsan-minsan. Ang bawat hirap na kanilang mararanasan ay may kaakibat na emosyon na dapat nilang mabigyang solusyon at mapagtagumpayan. Kahit pa nahihirapan ang iyong anak, ang pagbibigay mo ng suporta at pagmamahal ay sapat na para matulungan sila. Tandaan, hindi lamang talino ang dapat na meron ang ating mga anak. Kailangan din natin silang turuan na maging malakas pagdating sa kanilang emosyon. Bilang magulang, dapat na tayo ang maging modelo ng ating mga anak
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
SEPTEMBER 2017
10
10
PINOY KA BA?
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
It`s Joke Time!
BAMPIRA RICH VAMPIRE: Oorder ako ng fresh blood. ORDINARY VAMPIRE: Sa akin isang order na dinuguan. POOR VAMPIRE: Hot water na lang sa akin. WAITER: Bakit hot water lang po.? POOR VAMPIRE: Nakapulot kasi ako ng napkin sa kanto. Mag-tsa tsaa na lang ako... Hahaha!
COMMON SENSE Isang bata, nagpasa ng blank paper sa art teacher... Teacher: Bakit blank ang work mo? Bata: Nagdrawing po ako ng baka at damo. Teacher: (tinignan ulit ang papel) San ang damo? Bata: Ubos na po,kinain ng baka. Teacher: (kamot sa ulo) Eh nasaan yong baka? Bata: Ano pa gagawin ng baka dyan, eh wala ng damo? syempre umalis na po. Common sense naman mam! ULAM FEAT. JUAN AT PEDRO Pedro: Alam mo, yung pusa namin, kahit nakalagay sa lamesa at walang takip ang ulam namin, hindi kinakain! Juan: Maniwala ako?! Pedro: Totoo! Juan: Ano ba ang ulam nyo? Pedro: Asin!
ANG UWAK FEAT. JUAN Teacher: Juan i-english mo eto. Juan: Wat mam? Teacher: "Ang uwak ay hinang-hinang nglakad" Juan: "The wak wak weak weak wok wok..." MAKA-DIYOS Dad: Mabait ba ang boyfriend mo? Anak: Yes, Daddy. Daddy: Maka-Diyos?
Anak: Sobra Dad. Daddy: Nasaan siya? Anak: Nandoon sa simbahan, nagmimisa! PANGET Wala naman talagang taong panget, nagkataon lang na ang mukha nila ay di pa uso sa panahon ngayon.
BIRD OF PRIEST Isang araw nawala ang bird ng pari, dahil sa sobrang mahal niya ito nanawagan siya sa kanyang misa. Pari : Anyone got a bird? Lahat ng mga lalaki tumayo. Pari : I mean, anyone seen a bird? Lahat ng babae tumayo. Pari : I mean anyone seen my bird? Lahat ng madre tumayo. QUESTION AND ANSWERS 1. Question : Bait kailangan dahan dahan ang pagbukas ng medicine cabinet? Answer : Kasi magigising ang sleeping pills 2. Question: Ano ang paboritong laro ng mga kidnappers? Answer: Hide Intsik 3. Question: Ano ang tawag sa pagkain ng Hapon na di na pwedeng kainin? Answer: Ja-Panis Food 4. Question: Ano ang tawag sa taong walang baga? Answer: Wala Lung 5. Question: Ano ang pinakasikat na gang sa Pilipinas? Answer: SiniGang 6. Question: Ano ang tawag sa hayop na walang gilagid? Answer: Lang Gum 7. Question: Saan ginagawa ang mga uling? Answer: Coal Center 8. Question: Ano ang magandang itawag sa team ng mga katutubo? Answer: E-Team 9. Question: Anong oras kailangan pumunta sa dentista?
Answer: Tooth Hurty 10. Question: Anong hayop ang mandaraya? Answer: Cheatah
KURIPOT Anak: Nay, phinge po ng 500. Inay: Ano, 400? Ang lki nman ng 300! Anu gagawin mo sa 200? Kala mu ba mdali makahnap ng 100? 50 nga lng mahirap kitain, 20 pa kaya! oh! eto 5........
ENGLISH SENTENCE TEACHER: Juan, give me a sentence. JUAN: Ma'am is beautiful, isn't she? TEACHER: Very good! Please translate in tagalog. JUAN: Si ma'am ay maganda, hindi naman di ba?
MILYONARYO GURO: Imagine na kayo ay MILYONARYO. Isulat ang iyong activities. ALL: Yes mam! GURO: Juan ba't 'di ka nagsusulat? JUAN: Intay ko po ang SECRETARY ko! WALANG PASOK INAY: Anak, may kasama daw si Bagyong Pedring na hurricane at tsunami na kayang palubugin ang Pilipinas! Alam mo ba ibig sabihin nun? JUAN: Wala pong pasok bukas? Yey! PANGARAP PEDRO: Pangarap ko po na KUMITA ng $20,000, tulad ng TATAY ko! TITSER: Wow! $20,000 ang suweldo ng tatay mo? PEDRO: Hindi po! Yun din PANGARAP niya!
‘ULILA’ BITOY: Bakit ang pandak mo? DAGUL: Kasi bata pa lang ako, ulila na'ko. BITOY: Anong koneksyon nun? DAGUL: Hello? Wala ngang nagpalaki sa akin!
SASAYAW KA BA? Sa party,nilapitan ng isang gwapong lalaki ang isang babaeng nakaupo
SA ISANG TABI… BOY: Sasayaw ka ba? (tuwang-tuwa ang babae at tumayo) GIRL: Oo, sasayaw ako! BOY: Hay, salamat! Paupo ako ah? TOTOONG TAPANG Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo, tumalon sa eroplano nang walang parachute! Juan: Ohh, totoo? Saan mo naman nabalitaan yan? Pedro: Dun sa burol nya!
EYE BALL JUAN: May kaeyebol ako mamaya, kamukha daw nya na celebrity ""SH"" simula ng name! FRANK: Wow baka SHARON o SHAINA!.. pagkatapus ng eyebol... FRANK: Bat ka malungkot? JUAN: SHREK!
SIOPAO Bogart: Miss pabili nga ng “siopao na babae!” waitress: Ano po yun? Bogart: Eh di yung may napkin sa ilalim! Behehehe Waitress: Ahhh. Wala na po kami nun eh. Meron po dito “siopao na bading”. Bogart: Aba bago yan ah, ano yan? Waitress: May napkin din sa ilalim pero may ITLOG sa loob! PIP Jinggoy: Dad, pang ilang Tirso Cruz na si Tirso Cruz III? Erap : (natawa) Trick question ba yan anak? Eh, di pang-lima, kaya nga PIP ang tawag sa kanya, di ba? mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp
www.tumawa.com
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
AUGUST 2017
11
ANUNSYO
11
JULY 2017
12
12
ANUNSYO
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
SEPTEMBER 2017
14 14
KOLUMN
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
tampok
HOSHI LAURENCE HITOKIRIHOSHI@GMAIL.COM FB/TWITTER/INSTAGRAM/ LINKEDIN: @HITOKIRIHOSHI
website: www.hoshilandia.com
Essay: Kahalagahan ng Edukasyon sa Panaginip, Pangarap
When I alternately read How I Made My First Million Through Direct Selling by Chinkee Tan and a back issue of Entrepreneur Magazine, I notice that the quote-
“If you think education is expensive, try ignorance”
is mentioned both in these materials. Incidentally, the said line is also related to one of my meaningful dreams about the value of education. Allow me to share that meaningful dream:
Nagising daw ako 6am at ang pasok ko ay 7am. Kahit malapit naman iyong school ay tinamad na ako na maligo at magbihis para pumasok. Naisip ko na mag-half day na lamang. Pero dahil na- realize ko na hindi naman ganun ang kalakaran sa school gaya ng ginagawa ko sa pag-oopisina ay nagpasya ako na huwag nang pumasok. Ang siste ay na-realize ko sa dream ko na nagenroll ako sa grade 6 kahit mayroon na akong degree dahil sa free ito. Doon din sa panaginip ko ay pinagalitan ko ang sarili ko na wala rin kwenta ang pag-enroll at pagiging free nito. Hindi ko rin naman pinapasukan. May sandali rin sa panaginip ko na sinabi ko sa isang guy na ‘siguro puwede akong valedictorian kasi biruin mo nag-take ako ng education na sobrang basic.’ Pero paano ko nga ba maa-attain din ang honor na ‘yun, kung unang-una ay hindi naman ako pumapasok sa klase? This dream gives me the idea that whether you already an expert on something or pursuing a new field, you still have to exert effort to learn and do it. You can’t attain your dream without educating yourself.
Education is a privilege, right or opportunity? Kung babalikan ang kasaysayan, hindi lahat ay pinagkalooban ng karapatang makapag-aral lalo na para sa mga kababaihan at mahihirap. Magkagayon pa man ay hindi naging hadlang ito para ang ilan ay magpaka-dalubhasa sa kanilang napiling larangan. Numero uno na rito ang ating Pambansang Bayani na si Jose Rizal. Naging manunulat, pintor, doktor at iba pa si Rizal dahil sa kanyang pagpapahalaga sa pag-aaral. Ika nga niya sa Noli Me Tangere(Pilosopo Tasyo) ay… “Habang iyang edukasyo’y nakaluklok sa dambana, kabataa’y yumayabong nang mabilis at sagana, kamalia’y sinusugpo sa tibay ng kanyang nasa, nararating pati langit ng magiting niyang diwa; sa siklab ng edukasyon kasamaa’y humihina, alam niyang paamuin iyang bansang walang awa, ang mabangis ay nagiging bayani ng kanyang lupa.” Sa modernong panahon magkakaiba ang pananaw ng marami pagdating sa edukasyon. Puwedeng isa itong karapatan na hindi dapat ipinagkakait at oportunidad para sa magandang kinabukasan. Subalit, tulad ng palaging laman ng
balita noon pa ay mara-ming Pinoy ang napagkakaitan ng karapatan at pagkakataong makapag-aral. Mayroon pa nga na masuwerte na ang makatuntong ng high school. Iyon nga lang, kung sino naman ang pinagpalang may pampaaral ang magulang ay hindi naman nagsusumikap. Napagtatanto na lamang ng mga ito ang kanilang pagkakamali sa bandang huli. Marami akong kakilala na mga ganito na tila nabubuhay na lamang sa ‘what if’ dahil sa pinalagpas na pagkakataon. Miski nga ang awitin ni Nonoy Zuniga na kinanta rin ni Fernando Poe Jr., “Doon lang,” ay nagpabatid ng halaga ng edukasyon. “Kung natapos ko ang aking pag-aaral Disin sana’y mayron na akong dangal Na ihaharap sa’yo at ipagyayabang Sa panaginip lang ako may pagdiriwang
Yaman at katanyagan sa akin ay wala Kakisigan ko ay bunga ng isang sumpa Ang aking ina ang tangi kong tagahanga Sa panaginip lang ako may nagagawa”
Your degree is not a sure key to get good jobs? Naalala ko ‘yong Senior high (High School) teacher ko na si Ma’am Josephine Tayag (kung nasan man s’ya) na nagtanong sa amin kung “bakit gusto namin mag-aral?” Siyempre kanya-kanya kami ng sagot, ang sabi niya ay mag-aral ka para sa sarili at hindi para sa ibang tao. Parang selfish ano? Pero sangayon ako sa kanya dahil ang edukasyon ay para maging mainam at mahusay sa napiling larangan, pamilya, minamahal, pakikipagkalakalan, at miyembro ng lipunan. Bagaman mainam ang pagkakaroon ng magagandang asal gaya ng pagtulong at pagkalinga, mas napapaigi ito ng edukasyon. Kaya naman kontra rin ako sa nag-aaral para lamang makahanap ng magandang trabaho. Hindi nakukuha ang totoong saya at punto ng edukasyon. Samantala ang pagtuturo sa sarili at iba ay mas maigi kaysa basta pagtulong dahil hindi ahat ng klase ng pagtulong ay palaging nakakabuti. Minsan pa nga ikaw na tumulong, ikaw pa ang naaagribyado at baka nangongonsinti sa maling pag-uugali ng iba. Sabi nga… “Give a man a fish and you feed him for a day. Teach a man to fish and you feed him for a lifetime.”
Kung aanalisahin din, kaya marami ang walang trabaho dahil sa misinformed at lack of
knowledge. Hindi na lamang ito usapang may diplomang maipapakita o nagtapos sa isang respetadong eskwelahan. Mas limitado ang kaalaman ng taong hindi rin nagsusumikap na matututo, sa loob at labas man ng eskwelahan. Isa sa naiisip ko ritong halimbawa ay noong nagtapos ako. Ang tindi ng kumpetisyon noon at iilan lang ang kumpanya na puwedeng pasukan. Subalit, para sa mga naghahanap at nagsisikap na matututo ay kaya mong gumawa ng sarili mong oportunidad. Nagpapasalamat ako na kahit na nagsimula sa maliit at para akong weird ay nagkaroon ako ng interes na dumalo sa iba’t ibang seminar and workshop lalo na kapag Php 500 to Php1500 lamang o sakto kapag may pera ako. Sa bandang huli ay nagkalakas ako ng loob na sumubok na mag-side line business at tumanggap ng freelance job. Siguro kung ‘di rin ako naging mapagmasid, palabasa, naghangad na matuto, o sumusubok ng iba’t ibang bagay ay baka yung mentality ko ganun pa rin- “magtitiis na maghintay sa tawag ng sikat na company.”
Build Business according to your gut and ability only? Sabi ni Chinkee Tan “Never invest in something you do not know, no matter how profitable it maybe,” sabi naman noon sa programang Hoy Gising “walang maloloko kung walang magpapaloko.” Paano mo naman malalaman ang isang bagay at hindi ka maloloko kung hindi mo pinag-aaralan? Totoo naman din marami ang pumapasok sa kung anu-anong investment dahil lang sa pangako na magandang kita. Dagdag ko rin na hindi naman lahat nang naluluging pamumuhunan ay dahil sa panloloko o mahinang sistema, kundi dahil sa kakulangan ng kaalaman at diskarte. Bagaman may pinagpala na maging matagumpay sa pagnenegosyo kahit hindi naman nakapagtapos, hindi mapapasubalian na nakatulong ang pagkakaroon ng basic education sa kanila. Dagdag pa rito ay mas napapalago ang negosyo kung may market research, feasibility study, innovation at pag-level up ng kanilang technology. May mga nakausap ako na ganito ang ginawa ng mga anak na sumalo ng family business ng kanilang magulang. Nandoon na iyong business pero mas yumabong at lumawak dahil sa kanilang karagdagang input. Kaya naman better to educate yourself for your own good and dreams.
Ang artikulo ay bahagyang in-edit at orihinal na inilathala sa hoshilandia.com
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
SEPTEMBER 2017
Impormasyon ng Pilipino
Slice of Mango. Slice of Life ARIES LUCEA
ARIESLUCEA@DALOYKAYUMANGGI.COM
Me and my friends were running out of time to make a final decision on where to go for our annual summer boys' vacation. Last year we went on an epic 9-day trip to Cambodia. This year we have decided to take a low key Japanese vacation. That might be the reason why we were dragging our feet in organizing our summer trip. We wanted to go somewhere for a night or two not very far from Osaka. We logged into airbnb but since our target date was the start of Obon week, everything was booked for Shirahama in Wakayama. After searching we chanced upon a tent for rent at Suishohama, Diamond Beach, some referred to it also as "Crystal Beach". Yes, we are staying in a tent. I am not cozy to the idea, but I am always happy to try on new things at least once.
15
BALITANG GLOBAL PINOY KOLUMN
Impormasyon ng Pilipino
Suishohama
15
Camping at
Suishohama is one of the best beaches in Fukui, popular for its white crystal like sand. The beach is perfect for swimming and its fine sand for sun bathing. We traveled by train from Umeda Station in Osaka to Tsuruga. It took us around 2.5 hours to get to Fukui then a 25 minute taxi ride to bring us to the beach. We found our tent, with four military styled beds lined outside it, after a 10 minute walk in the scourging heat. There is no way those four beds can fit inside the tent as told to us by our airbnb host. Also, there is nothing about this set up that indicate its a real airbnb. It really has a feel of a big business, but without the service, disguising as an airbnb to attract clients from the site. There were no blankets, toiletries or towels, not even a tinge of hospitality from our host, which are common features of an airbnb. These being said as an airbnb host myself and who has experienced using the site for most of my travels. But then the beach was beautiful, it has an actual tropical feel to it. Starting a fire for our barbecue proved to be a challenge for us, we forgot to buy lighter fluid. Good Lord, a "kababayan" behind us took pity on four grown men's inability to start a fire, and offered us their precious lit charcoal. We were able to enjoy our sumptuous barbecue soon after. The cool water of Japan Sea is a nice treat under the heat. The waves weren't particularly strong, perfect for families with children. There are places to rent swimming rings, parasols, tents and tables. And if you didn't bring any food, there are also places wherein you can enjoy shaved ice, hamburgers, curry, udon, and so many other treats. We were able to witness a magnificent sunset. After awhile we were also front sit audience to beach goers and local lighting up the sky with firework display. We enjoyed our beers and bottle of rum, way too much. Then the reality of camping sets in. The beds were too uncomfortable to sleep in. Sleeping outside the tent is too cold without a blanket but sleeping inside is too hot. The constant sound of the wind and the waves plus the non stop noises other campers were making weer just too much for middle aged guys to bear. After tossing, turning, being silly, lay down motionless in the hope of sleeping; we have tried everything. By 3 in the morning and still wide awake, we all made a decision that we wouldn't be staying another night like
this, and decided that we will go back to the city in the afternoon. We didn't even care that we have already been charged an additional and over priced 20,000 yen for another night. Also,please be cautious and ask a lot of questions when using airbnb. I have used airbnb in most of my travels in and out of Japan, all of them were amazing except this one. Not only that it was overpriced and lack service but the host lied to us saying four beds can fit inside the tent, which is an important detail so no one ends up freezing outside the cold beach without a blanket. He also tried to milk us more money for breaking a bed which already has a weak structural foundation to begin with. Don't get me wrong Suishohama is the place to go if you're looking for a nice beach side getaway in Fukui. Its' just camping by the beach is an activity that I am happy to try but realized that it just doesn't suit me or my mates. This is my second time in Fukui. The first one was mostly spent in a hotel and a water park. That's why I was really surprised to see so many Filipinos enjoying their summer at Diamond Beach. I figure there is a huge Filipino community in Fukui and hearing Tagalog and Bisaya being spoken by many people in one place, really makes me feel at home.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
SEPTEMBER 2017
16
16
ANUNSYO / TIPS
Paano maiiwasan ang Dengue sa Panahon ng Tag-ulan Bagama't lumalakas na ang depensa ng Pilipinas sa Dengue dahil sa iba't ibang proyekto ng Department of Health laban dito, hindi pa rin maiwasan ang sakit, lalo na pagdating sa mga bata. Sa panahon ng tag-ulan, malaki na naman ang tyansang kumalat ang sakit na dengue dahil sa naipong tubig na maaaring pagbahayan ng lamok. Siguraduhing lahat ng nakaimbak na tubig ay natatakpan upang hindi dito mangitlog ang lamok. Gumamit ng kulambo tuwing matutulog sa gabi. Epektibo rin ang pagsusuot ng mahahabang damit upang matakpan and ilang parte ng katawan na maaring kagatin ng lamok. Nararapat ding gumamit ng lotion na lumalaban sa lamok. Ang paglilinis ng paligid ay isa ding magandang paraan upang kumonti ang presensya ng lamok sa inyong bahay. Hanggat maari, magtanim ng mga halaman na hindi nagugustuhan ng lamok at mag-spray ng insecticide 3 oras bago matulog.
Basahin ang mga sumusunod na tips para iwas sa homesickness
Hindi maitatanggi na isa sa mga matinding kalaban ng mga taong napapalayo sa kanilang pamilya dahil sa trabaho ay ang homesickness. Ngunit, maraming mga epektibong paraan para maiwasan ito. Naririto ang ilan: * Magkaroon ng maraming mga kaibigan. Yayain mo silang mamasyal o 'di kaya ay makipag-bonding sa kanila kahit sa loob lang ng inyong bahay. Ang pagluluto kasama nila ay isang magandang gawain. * Ilabas ang iyong nararamdaman sa mga close friends. Sa pamamagitan nito, mas naaalis mo ang bigat na nararamdaman mo dahil sa homesickness. * Isulat ang iyong nararamdaman sa isang journal. Nagsisilbing outlet ang journal na ito para mabawasan ang homesickness na nararamdaman mo. * Mag-set ng schedule ng pakikipag-chat sa mga mahal sa buhay. Sa pamamagitan ng pakikipag-chat sa mga mahal sa buhay, mas manunumbalik ang iyong lakas at motivation sa pagtatrabaho tungo sa maalwang pamumuhay.
Impormasyon ng Pilipino
"Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
Cranberry Apple Pork Loin Roast Recipe Prep Time 15 mins
Cook Time Total Time 08 hrs 8hr 15min
This cranberry pork loin is easy to fix and cook in the slow cooker. Serve this tasty meal with your favorite rice dish and greens or green beans for a tasty family meal. Whole cranberry sauce and chopped apples flavor the pork loin perfectly. Serve the pork sliced with bread or cornbread dressing or mashed potatoes, along with your family's favorite side vegetables. Corn or green beans would be excellent with the pork.
INGREDIENTS 1 (3 to 4 pounds) boneless pork loin roast 2 cloves garlic, minced 1 can whole cranberry sauce 1/4 cup brown sugar 1/2 cup apple juice 2 apples, cored, peeled and coarsely chopped Salt and pepper to taste 1 1/2 tablespoons cornstarch, optional INTRUCTIONS 1. Place the pork loin roast in the slow cooker and rub all sides with the minced garlic.
2. In a bowl, combine the cranberry sauce, brown sugar, apple juice, and chopped apples. 3. Cover and cook on LOW for 7 to 9 hours. Taste the sauce and add salt and pepper, as needed. 4. To thicken (optional), stir the cornstarch into 2 tablespoons of cold water. Stir until smooth. A 5. Add to the liquids and stir to blend. Increase the setting to HIGH and continue cooking for about 5 to 10 minutes, until thickened. 6. Slice the pork and serve it with rice or potatoes.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
SEPTEMBER 2017
17
TIPS
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
USE COMICA EVERYDAY From Landline
44min 18sec.
From Cellphone
30min 36sec.
BUY 10,000yen GET
21PCS! 4 Simpleng tips para masolusyonan ang nasirang budget SIRANG BUDGET BA ANG PROBLEMA MO? Hindi mo na kailangang mamroblema pang muli. Narito ang apat na simpleng tips na maaari mong gawin para maiwasan ang pagkasira ng budget ng iyong pamilya. Alamin ang ugat ng problema Tanungin ang iyong sarili: ano ba ang dahilan kung bakit nasira ang iyong budget? Gumastos ka ba ng higit sa kailangan? O meron kang nakaligtaang gastusin na dapat ay kasama sa iyong budget? Gawin ang ‘no-spend challenge’ Iwasan ang paggastos sa mga bagay na hindi naman kailangan. Matuto ka ring magtipid kung maaari para hindi masira ang iyong budget. Mag-generate ng dagdag kita Ang pagre-recycle at pagbebenta sa junk shop o iba pang gamit na hindi mo naman kailangan subalit magagamit pa ay isang paraan para mapunan ang iyong nasirang budget. Maging praktikal Imbes na kumain sa labas, mas mainam na ang lutong bahay. Mainam ding bumili ng mga generic kaysa branded dahil siguradong mahal ang mga ito. ‘Wag ipagwalang-bahala ang laging pagkasira ng iyong budget. Ang paggawa ng tamang aksyon ngayon pa lang ang pinakamabisang paraan para ayusin ang iyong budget at hindi na ito maging problema pa sa hinaharap.
5 Benepisyo ng breastfeeding para sa mga nanay
MAINAM DAW ANG GATAS ng ina para sa mga sanggol hangang dalawang taon. Pero alam niyo bang meron din itong benepisyo para sa mga nanay? Alamin kung ano-ano nag mga ito. Mas healthy. Napatunayan na ng mga pag-aaral na nakatutulong ang breastfeeding para maiwasan ang iba’t ibang uri ng sakit gaya ng cancer, diabetes, stroke at heart disease. Matipid. Mas matipid ang pagpapa-breastfeed dahil readily available na ito kumpara sa pagbili ng mahal na baby formula. Nakakapayat. Ang pagbi-breastfeed ay natural na nakakapag-burn ng 500 calories sa isang araw na mabisang paraan para mawala ang iyong “baby weight.” Iwas stress at pagod. Syempre, ang gatas ng ina ang pinakamabisang pagkain ng iyong sanggol. Hindi mo na kailangan pang magpa-init ng bote o maglinis nito pagkatapos para iwas-stress at pagod. Nakatutulong para makapagpahinga. Nabibigyang-pagkakataon ang mga nanay na magpahinga sa tuwing sila ay nagpapa-breastfeed. Isang bagay na kailangang-kailangan ng mga mommies lalo na sa mga unang linggo mula ng sila ay manganak. Ang gatas ng ina rin ang pinakamabisang pagkain ng sanggol para hindi sila agad magkasakit. Kung walang sakit si baby, hindi na rin kailangang ma-stress ni Mommy sa pag-aalaga at pag-alala. Kaya naman, mahalaga ang pagpapa-breastfeed para na rin lumaking malakas at malusog ang ating sanggol.
17
Paano mapapalawak ang iyong kaalaman?
BUKOD SA PAG-AARAL AT PAGTATRABAHO, marami pang mga pamamaraan upang mapalawak ang ating kaalaman. Kailangan lang nating buksan ang ating sarili sa mga posibilidad. Narito ang ilan sa mga puwede nating gawin upang madagdagan pa ang ating kaalaman: Magbasa. Pumili ng mga libro, o kahit anong mga babasahin na nakakapukaw sa iyong interes. Maglaan ng oras upang basahin ang mga ito. Ibukas din ang sarili sa mga babasahing tumatalakay sa mga usaping hindi ka masyadong pamilyar. Maglakbay. Sa pagpunta sa iba’t ibang lugar, natututo tayo sa mga taong nakakasalamuha natin. Nagiging pamilyar tayo sa kanilang kultura at iba pa nilang gawi. Sa pakikipag-usap natin sa iba’t ibang klase ng tao, natututo tayo sa kanilang mga karanasan at mga pananaw sa buhay. Matutong mag-isa paminsan-minsan. Kapag tayo ay nag-iisa, may mga bagay na nagagawa natin kapag hindi natin kasama ang ating pamilya o kaibigan. Tumuklas ng bagong hobby at magmuni-muni. Maraming mga pamamaraan para mapalawak mo ang iyong kaalaman. Kailangan lang na determinado tayong maabot ito.
Paano ang pagpili ng kaalamang dapat pagkatiwalaan?
Sa dinami-dami ng mga kaalamang naglipana sa Internet, radyo at telebisyon, minsan ay napapatanong na lang tayo: “Tama ba silang lahat?” Totoong hindi lahat ng nababasa, naririnig, o napapanuod natin ay dapat paniwalaan. Kaya narito ang ilan sa mga gabay sa pagpili ng mga kaalamang dapat paniwalaan: Alamin kung nagmula ba ang kaaalaman sa mapagkakatiwalaang source. Halimbawa, sa Internet, alamin kung sino ang nagsulat at tingnan kung credible ba ang website na pinagmulan nito. Sa radyo o telebisyon, alamin din kung ang nagsabi ba ng kaalaman ay kuwalipikado upang patunayan ang naturang kaalaman. Magtanung-tanong at magsaliksik. Tanungin ang mga taong nakapaligid sa iyo kung saan nagmula ang impormasyon. Magsaliksik ng hanggang higit sa tatlong sources upang patunayan ang nabalitaang kaalaman. Maraming mga paraan upang mapatunayang totoo ang isang kaalaman, kailangan lamang na matiyaga tayo sa pagtuklas nito.
Mga pamamaraan maibahagi ang kaalaman sa iba
ARAW-ARAW AY MAY MGA BAGONG tao tayong nakakasalamuha. Isa rin itong pagkakataon upang makapagbahagi tayo ng kaalaman sa ating kapwa. Narito ang ilan sa mga pamamaraan: Magbahagi ng karanasan. Kung mayroon kang kilalang may pinagdadaanang problema na iyo nang naranasan, ibahagi ang iyong karanasan at kung paano mo ito nalagpasan. Sa ganitong paraan, nakakatulong kang malutas ang problema ng iba sa pagbabahagi mo ng iyong kaalaman. Ibahagi ang kaalaman tungkol sa partikular na bagay. May mga alam ka na hindi alam ng iba. Halimbawa ay may nabasa kang mabisang paraan upang maiwasang magkaroon ng pimples, ibahagi ito sa kung sino man ang nangangailangan nito. Magturo. Hindi pantay-pantay ang kaalaman ng bawat tao. May magaling sa pakikipagtalastasan at may magaling sa pagnenegosyo. Kung may angkin kang galing sa kung paano mapapalago ang iyong negosyo, ibahagi ito sa mga nangangarap ding magkaroon ng sariling negosyo. Magaan sa pakiramdam kung nakakapagbahagi tayo ng kaalaman sa ating kapwa, kaya ugaliin ito sa pang- araw-araw nating pamumuhay.
BOSE
Soundlink Mini II
CALL US NOW 090-6025-6962
20,000 YEN only
FREE DELIVERY EXCEPT OKINAWA
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
SEPTEMBER 2017
18
18
ANUNSYO / KONTRIBUSYON
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
TAWAG NA SA 090-6025-6962
Larong Kalye
MELBERT TIZON | MBTIZON@GMAIL.COM
European coaches sa PBA: Pabor ba kayo?
P
ara sa napakaimportanteng laro, nakakapanglambot makita ang Gilas na matambakan ng Korea. Nahirapan ang Gilas na sundan ang relentless na ball movement mula sa Korea. Sa loob ng 24 seconds shot clock mahirap sundan ang sunod sunod na pasahan at screens. Isang mali lang at lay-up o open three na agad ang para sa SoKor squad. Madaling sabihin na kailangan lang mag-effort ng mga manlalaro natin sa depensa, ngunit mahirap ito gawin para sa mga PBA players natin. Hindi sila sanay makakakita ng ganoong klaseng opensa kaya hindi sila sanay sa rhythm ng ganoong ball movement.
MARAMING MAGAGALING NA KOPONAN SA SUSUNOD NA FIBA ASIA QUALIFIERS.
Nakita na natin kung paanong ginamit ng New Zealand ang ganitong paraan para talunin tayo nitong nakaraang taon. May malaking kahinaan ang Gilas: hirap itong depensahan ang mga koponan na mabilis magpaikot ng bola at gumamit ng maraming screens.
MADALING SABIHIN NA KAILANGAN LANG MAS MAGPRAKTIS NG GILAS.
Ngunit sa tingin ko, hindi ito kakayanin ng film sessions at team practices. Kailangan makita ng Gilas players natin ang ganitong klaseng opensa kahit sa mga laban nila sa PBA. Kahit ang mga NBA players noon ay hirap bantayan ang mga koponan na may shooting, mahilig gumamit ng screens at mabilis magpaikot ng bola. Kaya naman noong nakaraang dekada, hirap ang team USA laban sa mga elite European teams katulad ng Greece at Spain.
Ang naging coach ni Steve Nash sa Phoenix at ang nagpasimula ng ball movement revolution sa Gilas. Dinala niya ang estilong ito mula sa kanyang koponan sa Italy. Noong una, hirap ang mga manlalaro sa NBA na bantayan ang ganitong ball movement. Sa kinalaunan, halos lahat ng koponan sa NBA ay ganito na rin at mas naging sanay ang mga manlalaro nila sa ganitong klaseng basketball. Kaya naman kitang sanay na sanay na uli ang team USA sa international competition. CLICK HERE TO WATCH NBA COACH OF THE YEAR :: MIKE D'ANTONI EXPLAINS HOW TO RUN BASKETBALL PICK AND ROLL
MABUTI NA LANG AT DUMATING SA NBA SI MIKE D’ANTONI.
Napaisip tuloy ako, panahon na kaya upang hayaang magcoach ng mga PBA teams ang mga European coaches. Marami tayong matutunan sa kanilang estilo. Halatang ginagamit ito ng mga magagaling na teams sa Asia. Sa tingin ko, mapapabuti ng European style of play ang kalidad ng laro sa PBA. Higit sa lahat, kung mag makikita ng Gilas players ang ritmo ng ganitong laro, mas magiging handa sila para sa mga katulad ng Korea at New Zealand.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
SEPTEMBER 2017
19
BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY SPORTS
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
19
Mary Joy Tabal, naiuwi ang kauna-unahang gold medal sa Womens Marathon sa SEA Games ISANG KASAYSAYAN at karangalan ang ibinigay ni Mary Joy Tabal sa bansa nang masungkit niya ang mailap na unang medalya sa women’s marathon sa pagpapatuloy ng 29th Southeast Asian (SEA) Games sa Kuala Lumpur, Malaysia. Ang winning time ni Tabal ay 2:48:26, ayon sa ulat ng bomboradyo.com. Mula sa pag-uwi ng silver medal sa nakaraang 2015 SEA GAMES, pinatunayan ni Tabal na kayang-kayang manguna ng mga Pilipinong atleta sa kasalukuyang SEA Games. Matatandaang naging usap-usapan din si Tabal matapos itong masipa sa national team at makabalik matapos ipasok ang isang kasunduan sa Philippine Athletics Track and Field Association. Nagsilbing magandang buena mano ang gold finish ng Pilipinas sa pagdaraos ng opening ceremony ng 29th edition ng SEA Games. Humigit-kumulang na 500 atleta ang ipinadala ng Pilipinas para sa SEA Games na nilaanan ng P300 million na budget.
PHL, Tuloy na sa pagho-host ng SEA Games sa 2019
CLICK HERE TO WATCH LAST YEARS SALUDO SEPAK TAKRAW PHILIPPINES
TULOY NA TULOY NA ang paghohost ng Pilipinas sa SEA Games 2019 matapos ang pormal na anunsiyo ng kalihim ng Foreign Affairs na si Alan Peter Cayetano. Sa kanyang pahayag, nagpasalamat si Cayetano sa Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) sa naging bahagi nito para matuloy ang pagho-host sa bansa ng 30th Southeast Asian Games sa susunod na taon. “I’d like to thank the PSC and the POC, at lahat ng Pilipino na mahal ang sports, because through all these people’s efforts, tuloy na ang hosting natin ng SEA Games,” pahayag ni Cayetano na siya ring itinalaga para maging SEA Games Organizing Committee chairman. Maaalalang nauna nang mag-backout ang Pilipinas sa pangunguna ng PSC chairman na si Butch Ramirez dahil sa budget constraints. Ayon kay Ramirez, ilalaan sana ang budget para tulungang maka-recover ang Mindanao, lalo na ang siyudad ng Marawi. Bukod kay Ramirez at Cayetano, magiging kaisa rin ang presidente ng POC na si Jose “Peping” Cojuangco sa pag-o-organisa ng pagho-host sa SEA Games 2019.
CLICK HERE TO WATCH PHILIPPINE'S FIRST GOLD MEDAL ON SEA GAMES 2017 NAKAMIT NI MARY JOY TABAL!
MVP, Bilib sa naging pagkakapanalo ng Gilas laban sa China
“Nakakatayo ng balahibo.” Iyan ang tinuran ng business magnate at benefactor ng team Gilas na si Manny V. Pangilinan sa Twitter matapos maiuwi ng Pilipinas ang kampeonato laban sa China. Hindi lamang bilib kundi todo papuri rin si Pangilinan sa grupo matapos nitong maagaw ang tropeo sa defending champion sa FIBA Asia Cup na ginanap sa Beirut, Lebanon. Bukod pa roon, tinawag din ni MVP na “superb win” ang ipinakita ng Gilas matapos magpakita ang mga Pinoy players ng magandang performance sa court. Siyempre pa, hindi nawala ang #PUSO ng nasabing Twitter post na sinang-ayunan din namang ng masang
Pilipinas, Wagi sa Softball World Series laban sa US Team
INILAMPASO NG TEAM PILIPINAS ang mas matatangkad nitong kalaban mula sa Estados Unidos sa katatapos lang na Senior League Softball World Series na ginanap sa Lower Sussex, Delaware sa United States. Wagi ang Philippines Senior League mula sa Negros Occidental laban sa ASOFEM Senior League ng Maunabo, Puerto Rico at District 18 Senior League ng Haverstraw, New York City. Ang tatlong koponan ay naglaban-laban para sa Pool A ng nasabing torneyo kung saan naunang makalaban ng Pilipinas ang kinatawan ng Latin American region na Puerto Rico. Hindi na naka-iskor pa ang ASOFEM Senior League at natapos ang unang serye ng laro sa iskor na 7-0 kung saan nanalo ang Pilipinas. Hindi nagtagal at ang kinatawan naman ng East region mula sa New York City ang hinarap ng mga players mula sa Negros Occidental para sa ikalawang bahagi ng laro. Sa huli, muling nanalo ang Pilipinas sa iskor na 5-0. Ang softball team ng Pilipinas na binubuo ng mga players na may edad 14-16 ang kinatawan ng Asia-Pacific Region sa Senion League Softball World Series.
Pilipino. Nagbunyi naman ang buong Pilipinas lalo pa nga at ito ang unang pagkakataon na nanalo ang bansa sa pag-uumpisa pa lamang ng prestihiyosong torneyo. Ang koponan din kasi ng China ang tumalo sa Pilipinas noong 2015 FIBA Asia Championship Finals na ginanap sa Changsha. Sa nasabing laban, nagawang makalamang ng Pilipinas sa team ng China na tinaguriang powerhouse sa FIBA sa score na 96-87.
CLICK HERE TO WATCH TV5 PHILIPPINE BASKETBALL, NASA TAMANG DIREKSYON
Fil-Am Cyclist wagi sa RideLondon Classique
MULING NAGPAKITA NG GALING ang ating kabababyan, Si Coryn Rivera isang Filipino-American ay nagwagi sa Prudential RideLondon Classique. Nilagpasan ni Coryn ang mga propesyonal na women cyclist sa huling sprint at siya ay nagwagi ng womens richest one-day prize kasama ang 25,000 euros prize money. Inilaan ni Coryn ang kanyang pagkapanalo sa kagandahan ng stratehiya ng kanyang team na base sa Dutch. Dahil sa pagkapanalo na ito, si Coryn ang umangat ng 4th in the World Tour Rankings. “It’s really special to win a race here, But the team is everything to me; that’s what makes this really special.” saad ni Coryn. “We came up with a really good plan at the start of the day and then everybody executed it perfectly.” Dahil sa pagkapanalo na ito muling dinagdagan ni Coryn ang kanyang pag-stay sa team hanggang 2020.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
SEPTEMBER 2017
20
20
HOROSCOPE
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
VIRGO Sagittarius Ago. 23 - Set. 23 Nob. 23 - Dis. 21 Kailangan mo muna Kung ano ang iniaalok ng break sa trabaho. sa iyo na oportunidad, Masyado ka nang nasutanggapin mo. Ito na subsob. ang ibinibigay sa iyo ng nasa itaas. Power numbers: 26, 18 at 8 Power numbers: 14, 12, at 7 Lucky colors: Puti Lucky colors: Black
PISCES Peb. 20 - Mar. 20 Hahanga sa iyo ang maraming tao dahil sa taglay na kahusayan. Iwasan nga lang ang pagmamayabang. Power numbers: 15, 17, at 18 Lucky colors: Yellow
CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 19 Kung ikaw ang mali, tanggapin mo. Hindi kalakasan ang ipinipilit ang mali sa mga taong nakapaligid sa iyo. Bagkus, mas lalayuan ka pa ng mga ito kung ipinagpapatuloy ang ganoong pag-uugali. Power numbers: 10, 11, 1. Lucky colors: Orange
ARIES Mar. 21 - Abr. 20 Bago ka pumasok sa negosyong gustung-gusto mo, magtanung-tanong ka muna. Ito'y para makaiwas ka sa malaking pagkakalugi. Power numbers: 1, 14, 18 Lucky colors: Asul
LIBRA Set. 24 - Okt. 23 Huwag basta-basta nagdedesisyon. Kung kailangan mo ng pahinga, gawin mo, para hindi ka magsisi sa huli. Power numbers: 30, 5 at 6 Lucky colors: Brown
SCORPIO Okt.24 - Nob. 22 AQUARIUS Huwag sarilinin ang Ene. 20 - Feb. 19 problema. Mas makatuYKung may temptation, tulong kung hihingi ka layuan mo. Oo at mahing advice sa mga taong rap iwasan, pero malakpinagkakatiwalaan mo. ing kasiraan ito sa iyong pamilya. PowPower numbers: 24, 20 at 8 er numbers: 8, 9, at 14 Lucky colors: Beige Lucky colors: Red
TAURUS Abr. 21 - May. 21 Huwag mag-aksaya. Kung anong meron ka, iyon ang gamitin at pagkasyahin mo. Power numbers: 27,7 at 17 Lucky colors: Maroon
GEMINI May. 22 - Hun. 21 Huwag kukupad-kupad. Kung gusto mong hindi ka malagpasan ng oportunidad, kailangan mong bilisan ang iyong mga galaw. Power numbers: 12, 4, at 1 Lucky color: Berde CANCER Hun. 22 - Hul. 22 Huwag magmayabang sa ibang tao kung wala ka namang kapasidad. Mas maigi ang natural lang ang kilos, mas marami pang mga taong matutuwa sa iyo. Power numbers ay 23, 21, at 14 Lucky color: Gray LEO Hul. 23 - Ago. 22 Ikaw ang magiging dahilan ng muling pagbangon ng isang tao. Huwag mag-atubiling magbigay ng tulong. Power numbers: 5, 15, at 29 Lucky colors: Sky Blue
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
SEPTEMBER 2017
BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ
21
Impormasyon ng Pilipino
HUMINGI NG PAUMANHIN ang pop singer na si Justin Bieber sa mga fans nito matapos tuluyang kanselahin ang natitira nitong concert
dates na naka-schedule sana para sa kanyang Purpose world tour na inumpisahan niya noon pang Marso 2016. “Sorry for anyone who feels disappointed or betrayed, it’s not in my heart (or) anything, and have a blessed day,” saad ng pop singer matapos itong dumugin ng mga fans sa isang beach sa California. Kinumpirma ng publicist ni Bieber ang nasabing kanselasyon subalit wala itong ibinigay na anumang dahilan kung bakit kinansela ng 23-year old pop singer ang tour. Ganunpaman, sinabi ng Canadian singer na nais muna nitong magpahinga at mag-relax kasama ang mga kaibigan kaya humingi muna ito ng time-out sa dapat sana ay dalawang taong music tour. Wala namang komento ang Pinay actress na si Kim Chiu sa tour cancellation lalo na nga’t mauudlot ang dapat sana ay concert ni Bieber sa Pilipinas sa Setyembre 30 matapos itong mapansin ng pop sensation at sabihan ng “Chinta, I will see you in the Philippines.”
KAMPANTE PA RIN ang Miss Philippines Earth Eco Tourism 2015 na si Jona Ili Sweet ng Iloilo City na siya ang makakasungkit ng Miss World Philippines 2017 title kahit pa nga kasama nito sa laban ang artistang si Wynwym Marquez. Si Sweet ay tubong-Aklan kung saan una na niyang nasungkit ang titulo para sa Miss Philippines Earth Eco Tourism noong 2015. Umamin din ang 22-year old beauty queen na bagaman halos lahat ng 35 kandidatang kalahok ay beterano na sa pagsali sa mga pageant, wala siyang takot na nadarama. Hindi rin siya
nakararamdam ng anumang banta sa pagkuha ng titulo para sa Miss World 2017. Isa nga sa mga nabanggit ni Sweet ang aktres na si Wynwyn Marquez. Ani Sweet, marami mang fans si Wynwyn ay naniniwala siyang meron din siyang sariling kakayahan para manalo sa laban. Para makapag-focus sa Miss World Philippines 2017 ay nag-retire muna ang Aklanon beauty queen bilang General Services Offices sa Sydney, Australia. Sa Setyembre 3 na gaganapin ang coronation night ng Miss World Philippines 2017 sa Mall of Asia Arena.
Justin Bieber, Nag-'Sorry' sa fans dahil sa nakanselang Purpose World Tour
Former Beauty Queen, kumpiyansa sa Miss World PHL Title kahit pa kalaban si Wynwyn Marquez
Bayani Agbayani, 'No Regrets' kahit tinanggihan ang MTRCB appointment
WALANG PAGSISISI o panghihinayang na nararamdaman ang aktor at komedyanteng si Bayani Agbayani matapos ang tanggihan ang sana ay appointment niya bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nitong Nobyembre ng nakaraang taon. Nagpasalamat ang actor-comedian sa naging pagpili sa kanya bilang board member, subalit nauna na siyang tumanggi dahil na rin sa kanyang busy schedule. Sa ngayon kasi ay kontento na si Agbayani sa kanyang mga proyekto sa showbiz lalo pa nga at puno na ang kanyang schedule. Inamin din ng 48-year old comedian na hindi niya maaatim na sumahod bilang board member ng MTRCB pero hindi rin naman niya magagampanan ang kanyang trabaho nang tama. “Ever since naman, sa awa ng Diyos, hindi naman ako nabakante talaga. And natapat naman na nung in-appoint ako sa MTRCB board, e, talagang punung-puno. E, ayoko naman na magtatrabaho na hindi ko naman magagampanan yung trabaho
ko. ‘Di parang niloloko ko naman yung ibinabayad sa akin na mga taxes ng mga tao,” saad ng aktor sa panayam sa kanya.
Pia Wurtzbach, tuloy ang adbokasiya laban sa HIV kahit na busy
CLICK HERE TO WATCH PIA WURTZBACH GETS HERSELF TESTED FOR HIV/AIDS AS PART OF PERSONAL PROJECT
PROUD NA IBINIDA ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang pagsalang nito sa sa live testing bilang pagpapatuloy sa kanyang adbokasiya laban sa HIV. Ang nasabing pagpapa-test ni Pia ay bahagi ng kanyang pagiging Goodwill Ambassador for Asia and the Pacific para sa United Nations Programme on HIV and AIDS (UNAIDS). Bagama’t abala sa trabaho, mas pinili ng 27-year old beauty queen na simulan na ang kanyang adbokasiya sa Pilipinas bilang kinatawan ng Asia Pacific sa pagiging Goodwill Ambassador kontra AIDS. Nauna na ngang sumabak si Pia sa live HIV testing sa harap mismo ng media para na rin mahikayat ang iba pa lalo na ang mga kabataan.
Pia Wurtzbach, excited na sa 'Future Niece' kay Pauleen Luna
“After 72,000 years! She finally meets her future niece!” Iyan ang naging caption ng Instragram post ni Pauleen Luna-Sotto matapos silang muling magkita ng matalik na kaibigan na si Miss Universe 2015 Pia Wurtbach. Masayang ibinahagi ni Pauleen ang ginawang pagbisita ng kanyang best friend na excited na rin sa first baby nila ni Vic “Bossing” Sotto. Sa Instagram post nga ni Poleng, ipinakita niya ang paghawak ng Cagayan de Oro beauty queen sa kanyang baby bump. Dinagdagan pa niya ito ng caption na, sa wakas ay nakilala na rin ni Pia ang kanyang magiging ‘future’ pamangkin. Teenager pa lamang ay matalik nang magkaibigan ang parehong 28-year old actress/ host at former Miss Universe na noon pa man ay naghahanap na ng kanilang big break sa showbiz. Matagal-tagal na rin simula nang huling magkita ang mag-best friend, kaya naman isang exciting get together para sa dalawa ang kanilang pagkikita. Nito lamang Mayo nang inanunsiyo ni Pauleen ang kanyang pagbubuntis sa magiging first baby nila ng asawang si Vic Sotto matapos itong mag-celebrate ng 63rd birthday nito.
“As your UNAIDS Goodwill Ambassador for Asia and the Pacific, I thought it would be more meaningful to start my work here in the Philippines. I did a live HIV testing done (with media around) to show that it is easy, it is for free, it’s confidential and it’s not scary!” ika ng post ng beauty queen matapos i-share sa social media kanyang larawan. Bukod sa pagiging Goodwill Ambassador ng UNAIDS, abala rin ang Pinay beauty queen sa kanyang modelling contract abroad at ilan pang mga charity projects.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
SEPTEMBER 2017
22
22
BALITANG SHOWBIZ
Pia Wurtzbach, tampok sa Amazing Thailand's promotional videos
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Julia Anne Manalo, Pinaghahandaan na ang Miss Tourism Universe Pageant sa Lebanon ILANG BUWAN NA LAMANG at sasabak na ang Miss Tourism PhilippinesUniverse na si Julie Anne Tricia Manalo sa Miss Tourism Universe 2017 pageant na gaganapin sa Lebanon nitong darating na Setyembre. Siyempre pa, magiging busy na ang beauty queen na tubong-Nueva Vizcaya para sa paghahanda sa nasabing pageant. Ayon kay Julie Anne, tinututukan niya ang pag-aayos sa kanyang sarili dahil wala siyang make-up artist na makakasama sa pagsabak niya sa beauty pageant sa Lebanon. Kinakailangan niya rin ng healthy diet at sapat na pahinga bilang paghahanda sa kompetisyon. Bukod pa rito, kailangan din niyang umattend ng mga meetings bilang paghahanda sa laban. Payo ni Manalo sa mga nangangarap na sumunod sa kanyang yapak na maging determinado, magtiwala sa sarili at huwag tumigil sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
CLICK HERE TO WATCH CRACK CHANNEL PIA WURTZBACH DISCOVERS UNIQUE THAI LOCAL EXPERIENCES
ITINAMPOK si 2015 Miss Universe at Pinoy Pride Pia Wurtzbach sa promotional videos ng Amazing Thailand. Sa kanyang four-day stay sa Thailand, ibinahagi ni Pia sa pamamagitan ng social media ang mga magagandang tourist destinations na nakita niya sa nasabing bansa. May kabuuang 3 tourism videos ng Amazing Thailand ang nagtatampok kay Queen Pia, kasama ang Filipino celebrity host na si Tim Yap, habang nag-eenjoy sa Thailand. Ibinahagi din ni Wutrzbach na malaki ang papel na ginampanan ng Thailand sa kanyang Miss Universe journey. Matapos matalo sa ikalawang sunod na taon sa Binibining Pilipinas, pumunta siya sa isang temple sa Thailand at nagdasal. Sa susunod na taon, nasungkit niya sa wakas ang Miss Universe - Philippines title na lumaon ay nagbigay sa kanya ng Miss Universe 2015 crown. Ang naturang videos ay ini-release ng iTravel Channel at i-prinoduce ng Kirby Studios Thailand.
Marian Rivera apektado sa parody account NOONG UMPISA ay pampa-good vibes ang tini-tweet ni ‘@superstarmarian’, ang pinakamatagal na pinoy celebrity parody account sa Twitter. Nagsimula ang nasabing account sa pagpapanggap na siya si Marian Rivera at pinauso ang #Meynteyn base sa commercial na pinasikat ng Marian Rivera noon. Ngayon tila naging political na ito at may mga nasasabi na hindi na tugma sa personality ng totoong Marian Rivera. Sa kanyang official Instagram account ay nakiusap na si Marian Rivera na kung maaari ay tigilan na ng nasabing parody account ang paggamit sa pangalan niya. “FYI: Wala po akong Twitter account, hindi po ako si “superstarmarian” sa twitter at hindi ko rin kilala ang taong nasa likod nito. At sana tumigil na ang ganitong mga account na gumagamit sa pangalan ng ibang tao.” Hindi natin masisisi si Marian sa usaping ito lalo na at matagal din niyang pinalagpas ang parody account. Kapag nagiging seryoso na nga naman ang diskusyon at hindi naman trip ni Marian na makisawsaw sa mga seryosong isyu ay nararapan lang na umalma ito. May mga ilan pa rin sa mga netizens na hindi alam kung ano ang real at fake accounts.
Heroes Welcome, handog ng Nueva Vizcaya para kay 2017 Miss Philippines Universe
HEROES WELCOME ANG GUSTONG IBIGAY ng mga taga-Bayombong, Nueva Vizcaya sa kanilang kababayang beauty queen na si Julie Anne Tricia Manalo matapos itong itanghal bilang Miss Tourism Philippines Universe 2017. Proud na proud ang gobernador ng probinsya na si Gov. Carlos Padilla sa naging pagkapanalo ni Manalo. Si Julie Anne na kasi ang ikalawang beauty queen na nanalo na mula sa Nueva Vizcaya. Ito ay matapos ding manalo ni Hillarie Danielle Parungao na taga-Solano sa Miss World Philippines noong 2015. Bago pa man manalo sa Miss Tourism Philippines Universe, nauna nang sumabak si Julie Anne para sa 2016 search for Miss Bayombong, subalit hindi siya pinalad na manalo.
Angle Locsin, thankful kahit no show sa Cambodia Film Fest ITINANGHAL BILANG Best Supporting Actress ang Kapamilya star na si Angel Locsin sa katatapos lang na 57th Asia-Pacific Film Festival. Ganumpaman, nabigo ang aktres na dumalo sa nasabing film fest na ginanap sa Phnom Pehn, Cambodia para tanggapin ang kanyang award. Bagaman hindi nakadalo, sobrang thankful pa rin ang 32-year old actress na ini-repost pa nga ang Instagram photo ng kanyang trophy. Ang Filipino director na si Direk Will Fredo ang nag-proxy at tumanggap ng nasabing award. “Thank you very, very much for this incredible honor,” ani Locsin ng i-repost ang larawan sa kanyang
Instagram account. Kasama ni Locsin sa nasabing comedy-drama film ang Star for All Seasons na si Vilma Santos at Xian Lim. Naipalabas ang pelikula noong 2016 na nai-produce ng Star Cinema sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal. Nauna na ring nanalo si Locsin ng Best Supporting Actress sa kauna-unahang Entertainment Editors’ Choice Awards for Movies mula sa Society of Philippine Entertainment Editors noong Hulyo 9 sa KIA Theater. Tumanggap din ang leading lady ng pelikula na si Vilma Santos ng Best Actress Award sa parehong event.
MATAPOS LUMABAS ANG BALITANG engaged na sila ng boyfriend ay ibinahagi naman ng aktres na si Sarah Lahbati na gusto niyang maging intimate ang kanilang kasal ng fiancé na si Richard Gutierrez. Ayon sa 23-year old, mas gusto niyang maging simple lamang ang kanilang kasal ng 33-year old fiancé. Dagdag ni Lahbati, nais niyang ang kani-kaniyang pamilya at pawang malalapit na kaibigan lang ang dadalo sa kanilang kasal. Paglilinaw din ni Sarah, ang intimate wedding na gusto niya ang kadalasang ugat ng hindi nila pagkakaunawaan ni Annabelle Rama na ina ni Richard. Mas gusto daw kasi ng kanyang magiging future mother-in-law na bongga ang maging kasal nila ng daddy ni baby Zion. Ganunpaman, marami pa rin silang pinag-uusapan ng kanyang soon-to-be husband, gaya ng lugar kung saan sila ikakasal. Sinabi din ni Sarah na gusto niyang maging simple pero isang “classy” wedding gown ang kanyang isusuot. Sa ngayon ay hindi pa tiyak pero mukhang ang panganay nilang si Zion ang magiging ring bearer sa kanilang kasal.
TODO ANG PASASALAMAT ng 9-year old FilipinoAmerican na si Angelica Hale sa lahat ng bumoto at sumoporta sa kanya para makapasok sa semi-finals ng America’s Got Talent. “Thank you America for voting me into the America’s Got Talent #semifinals!! What an unbelievable night! I am so happy to move on with these amazing and talented acts! #AGT” saad ni Angelica. Bago pa man ang semi-finals ay una nang pinabilib ni Angelica ang mga judges at maging ang buong mundo matapos niyang awitin ang “Girl on Fire” ni Alicia Keys. Nabigyan si Angelica ng Golden Buzzer at standing ovation mula sa mga judges dahil sa kanyang performance. Pagkatapos nito ay makatindig balahibong rendition naman ng “Clarity” ni Zed ang kanyang inawit. Napakaraming papuri na ang tinanggap ni Angelica mula sa mga AGT judges. Nauna na siyang sinabihan ng Spice Girl judge na si Mel B ng “powerful.” Tinawag naman siyang “very, very, very special girl” ni Simon Cowell. Maging si Zed ay tinawag siyang “crazy talented.”
Intimate Wedding na gusto ni Sarah Lahbati, ayaw nga ba ni Annaelle Rama?
Batang Pinay, pasok sa semifinals ng America's Got Talent
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
SEPTEMBER 2017
23
BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Vic Sotto, excited maging daddy uli pagkatapos ng higit 20 taon PAGKATAPOS NG 26 NA TAON, magiging
CLICK HERE TO WATCH UB: VIC SOTTO, EXCITED NA MAGING DADDY ULIT
daddy na uli ang komedyanteng si Vic Sotto. Ika ng 63-anyos na komedyante, excited pa rin umano siyang maging ama ulit kahit pa halos tatlong dekada na nang huli siyang magkaroon ng supling. Sinigurado rin ng aktor na, bagaman kabi-kabila ang kanyang commitments sa showbiz, nasa tabi umao siya ni Pauleen Luna sa oras ng kanyang pagkapanganak. Baby girl ang panganay na anak ng dalawa na isisilang sa Nobyembre o Disyembre.
Marian Rivera, nagseselos ba kay Andrea Torres? NAGBIGAY NA NG PAHAYAG ang aktres na si Marian Rivera hinggil sa isyu ng pagseselos nito sa aktres na si Andrea Torres, na siyang leading lady ni Dingdong Dantes sa "Alyas Robin Hood 2." Ayon sa aktres, base sa ulat ng Bulgar, wala umanong dahilan si Marian para magselos. "Ang alam ko, maayos kami ng asawa ko. Masaya kami at nakakapagtrabaho siya nang maayos na kasama niya si Andrea. So, ru'n pa lang ay makikitang walang problema," ika niya. Dagdag pa niya: At ako naman, for sure, may
Pelikulang "100 Tula para kay Stella," nagpapakilig sa maraming mga manonood
MARAMI ANG NAKIKILIG at nai-inlove sa pelikulang "100 Tula Para Kay stella." Tampok sa pelikulang ito ang aktor na si JC Santos at ang aktres na si Bela Padilla. Nabigyan din ito ng Grade A ng Cinema Evaluation Board. Sa ilalim ito ng direksyon ni Jason Paul Laxamana, under Viva Films, kaya siguradong
Arci Munoz, trending sa Internet dahil sa umano’y ‘failed retoke’
CLICK HERE TO WATCH ARCI MUNOZ MATAPANG NA SINAGOT ANG RETOKE ISSUE: "SO, ANO BA?"
MARAMING MGA NETIZENS ang nagre-react kamakailan sa nag-trending na mga larawan ng aktres na si Arci Muñoz. Sabi ng marami, failed umano ang latest na retoke ng aktres. Katunayan, inihahalintulad pa ang ilong nito sa singer na si Michael Jackson. Marami rin ang mga nanghinayang sa bagong itsura ngayon ng aktres. Anila, hindi na lang sana muling nagpa-cosmetic surgery si Arci, dahil maganda na siya sa kanyang huling itsura. Ika rin ng marami, tila sobra rin umano ang laki ng kanyang lips ngayon. Samantala, wala pang kumpirmasyon ang aktres kung totoo bang nagpagawa siyang muli.
tiwala naman sa akin ang asawa ko at walang dapat problemahin talaga."
23
Tweet ni Idol
S
a edisyong ito ng tweet ni Idol, isang lalaking celebrity at dalawang babaeng celebrities ang ating susundan.
Tara!
( CLICK PHOTO TO FOLLOW THEM ON INSTAGRAM )
JC de Vera (@akosijcdeberat) "Conratulations to everyone. Nadala kame lahat sa emotions. humingi na rin ako ng pasensiya.Sorry Bro @iamdanielpadilla. Good game sa lahat!"
Maine Mendoza (@mainedcm) "I live my life for the stars that shine, people say it's just a waste of time... In my mind my dreams are real. Tonight I'm a rock n roll star!"
Heart Evangelista (@iamhearte) "19 years of hard work baby! Fighting. Maraming salamat GMA sa pag-aalaga. Malaki ang utang na loob ko sa inyo at sa lahat ng nagmahal... I wouldn't be where I am today kung wala kayo. #MyKoreanJagiya"
CLICK HERE TO WATCH! MARIAN RIVERA'S DIRECT TO THE POINT!! STATEMENT ON ANDREA TORRES ISSUE
Piolo Pascual Magbabalik teleserye pagkatapos ng 3 taong pahinga
quality film ito. Isa rin itong entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino.
CLICK HERE TO WATCH! 100 TULA PARA KAY STELLA TRAILER
‘La Luna Sangre’, malaHollywood ang dadating na mga fight scenes
CLICK HERE TO WATCH [FULL] ACTION DIRECTORS DIGITAL CONFERENCE | LA LUNA SANGRE
MATITINDING FIGHT SCENES ang aabangan ng televiewers ng La Luna Sangre. Dahil sa Mala-Hollywood kasi ang dating nito na kakaiba sa mga teleseryeng napapanood sa TV. At para mas lalo pang maging “high-tech” at bongga ang fight scenes nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, nag-hire ang Star Creatives ng mga international fight directors — sina Wang Yang Bin at Lester Pimentel. Tutulong ang dalawa para lalo pang mapaganda sa paningin ng televiewers ang sagupaan ng mga lobo at bampira. Samantala, happy naman ang Star Creatives sa patuloy na pagtutok ng televiewers sa La Luna Sangre na lagi ring hot topic sa social media.
CLICK HERE TO WATCH SHOWBIZ NA SHOWBIZ ARCI MUNOZ AT PIOLO PASCUAL MAGSASAMA SA ISANG TELESERYE KASAMA SI JC DE VERA EMPOY AT ALESSANDRA
INANUNSYO KAMAKAILAN ng ABS-CBN Business unit head na si Deo Endrinal sa pamamagitan ng Instagram picture. Sa picture makikita kasakasama ni Piolo si Arci Munoz bilang kanyang bagong leading lady, dito sa bagong teleserye makakasama rin ni Piolo sina JC de Vera at ang bagong love team ngayong taon na sina Empoy at Alessandra De Rossi. Ayon sa post ni Deo Endrinal hindi parin sila nakakapag-decide kung anung title ng series na ito, pero sure na kikiligin sila dahil ito ay nasa direksyon ni "Hugot" movie director Antoinette Jadaone. Sa ngayon wala pang decided date kung kailan ito ilalabas pero ito ang na ang comeback ni Piolo Pascual sa 3 taon pagkawala sa teleserye. Huli nating nakita si Piolo Pascual sa child-friendly show na Hawak-Kamay noong 2014. Dapat last year pa sya magkakaroon ng teleserye ngunit na hold itong teleseryeng "Written In Our Stars" dahil ang kanyang leading lady na si Toni Gonzaga ay nabuntis. Itong teleseryeng ito ay reunion din para kay Arci Munoz at JC de Vera na nagkatrabaho na sa TV5 teleserye.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino