NANGUNGUNANG BALITA
Inspiring Global Filipinos in Japan
Ad Campaign ng Camigui, Viral sa Social Media Trending na kamakailan sa social media ang Ad Campaign ng probinsiya ng Camiguin. Ang nasabing video ay nagpapakita ng ganda ng nasabing island. sundan sa Pahina 3
Boxing Legend, naniniwalang matatalo uli ni Horn si PacMan sa rematch
Nagpahayag ang boxing legend na kababayan ni Horn hinggil sa kung sino ang magiging kampeon kung sakaling matutuloy ang rematch ng dalawa ulit. sundan sa Pahina 19
Vol.5 Issue 70 December 2017
Bruno Mars, Nanalong 'Artist of the Year' sa American Music Awards
Tinanghal bilang winner ang Grammy Award-winning Fil-Am singer na si Bruno Mars sa ginanap na American Music Awards (AMAs) sa Microsoft Theater sa Los Angeles. sundan sa Pahina 23
KONTRIBUSYON
USAPANG OFW ni KUYA ERWIN Biyaheng Europe
Akala ko ay tama na yung nakapag biyahe ako sa ibang bansa noon. Akala ko ay tama na ang karanasan ko sa pakikisalamuha dito sa Japan.
sundan sa Pahina 8
SLICE OF MANGO, SLICE OF LIFE A Taste of Korea in Manila
Korean pop culture had invaded the Philippines with K-pop music, dramas and celebrities becoming a common feature in our entertainment industry.
sundan sa Pahina 15
TOKYO BOY PRO
Paano maghanap ng baito na angkop para sa iyo? -Top 5 Baito Experience
Simbáng Gabi (Filipino for “Night Mass”) is a devotional Novena of Masses in anticipation of Christmas and to honor the Blessed Virgin Mary. Traditionally the masses are held daily from December 16–24, and occur at different times, even as early as 4:00am. It is a time of great celebration; singing of native carols, adorning your homes with colorful lanterns/decorations, and feasting.
Ayon sa pinakahuling datos ng Organization for Economic Cooperation and Development o OECD, pang-lima ang Japan kung ihahanay sa mga bansa sa Europa.
sundan sa Pahina 5
sundan sa Pahina 17
TURISTANG BUMIBISITA SA TAWI- KA-DALOY OF TAWI, DUMARAMI THE MONTH
Pristine paradise in Tawi-tawi
sundan sa Pahina 2
Tumataas umano ang bilang ng tourist arrivals sa Tawi-tawi, ayon sa Tawi Tawi Provincial Tourism Office. Sa kabila ng pagdedeklara ng martial law sa Mindanao bunsod ng krisis sa Marawi, marami pa rin daw mga local at foreign tourists ang bumibisita sa probinsiya.
40 EUROPEAN COMPANIES, MAGI-INVEST SA BANSANG PILIPINAS Kinumpirma ng isang opisyal na parte ng delegasyon ng European Union (EU) sa Pilipinas na 40 European companies ang naghahanap ng mga oportunidad upang mag-invest dito sa bansa.
Guenter Taus, Chair of the EPBN Steering Committee and President of the European Chamber of Commerce
sundan sa Pahina 4
“In one month, we can expect more than a thousand to about three thousand tourists both from (the country’s other provinces) and from outside the country,” pahayag ni Mobin Gampal ng Provincial Tourism Office. Isa umano sa mga dahilan kung bakit pumupunta ang mga turista sa lugar ay ang peace and order sa nasabing lugar.
Isa sa mga industriya na focus ng mga kumpanyang ito ay ang renewable energy sector na hindi pa masyadong natututukan lalo na sa malalayong lugar sa
Pilipinas kahit mayaman ang bansa sa wind power, solar generation at hydropower sources. Ang mga negosyong ito ay hindi lamang mag-i-invest sa mga power generationcompanies at efforts. Maaari rin silang mag-invest sa pagpapadami ng mga solar vehicles na puwedeng gamitin sa mga kalsada ng Pilipinas.
D&K Co., Ltd. 〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611
sundan sa Pahina 7
Babaeng tumulong sa naaksidente sa MRT-3, Isang Bayani
Isang bayani kung maituturing ang isang babaeng medical intern na hindi nag-atubiling tulungan ang isang taong naaksidente kamakailan habang nasa MRT-3 Ayala Station. Siya si Charleanne Jandic, tubong South Cotabato, at kasalukuyang intern sa Chinese General Hospital and Medical Center. Sundan sa Pahina 7 FB FAN PAGE
DIGITAL VERSION
ORDER WEBSITE
TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 URL: www.dk6868.net E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp or daloyjapan@gmail.com
Daloy Kayumanggi
DECEMBER 2017
2
BALITANG LOCAL
Impormasyon ng Pilipino
Pres. Duterte, may pahayag sa pagsama kay Mocha Uson sa mga tatakbong senador KAMAKAILAN ay mismong si House Speaker Pantaleon Alvarez ang nagpahayag na isasama sa roster ng mga tatakbong senador ng Pilipinas si Assistant Secretary Mocha Uson, bagay na umani ng batikos. Bunsod nito, may pahayag ang pangulo sa nasabing balita:
Turistang bumibisita sa Tawitawi, dumarami
Tumataas umano ang bilang ng tourist arrivals sa Tawi-tawi, ayon sa Tawi Tawi Provincial Tourism Office. Sa kabila ng pagdedeklara ng martial law sa Mindanao bunsod ng krisis sa Marawi, marami pa rin daw mga local at foreign tourists ang bumibisita sa probinsiya. “In one month, we can expect more than a thousand to about three thousand tourists both from (the country’s other provinces) and from outside the country,” pahayag ni Mobin Gampal ng Provincial Tourism Office.
Isa umano sa mga dahilan kung bakit pumupunta ang mga turista sa lugar ay ang peace and order sa nasabing lugar. Katunayan, hindi na umano nagre-request pa ng security personnel and mga turista dahil pakiramdam daw ng mga ito ay secured sila.
Ilan sa mga dinarayong tourist spots ay ang Bongao Peak, Panampangan Island, Sitangkai, Panguan Island, Simunul, at Turtle Island.
“Let the people decide. It’s not a one-month story or critic. Let the people decide. Kung ginusto nila ‘yan, then that’s it. It will be honored by all, including the military and the police." Idinagdag pa niya na kahit pa hindi gusto ng mga tao ang isang tao at kapag nanalo siya sa eleksiyon, dapat lang daw na igalang ang nasabing desisyon ng mas maraming tao. Samantala, nagpahayag naman si Uson na wala siyang balak tumakbo sa nasabing posisyon.
Pambato ng Pilipinas na bigong makamit ang Miss World Crown, may pahayag mga Pinoy
"Don't be sad." Ito ang pahayag ni Laura Lehmann, ang pambato ng Pilipinas sa katatapos na Miss World 2017, matapos itong mabigong makapasok sa top 15 ng timpalak. “I know we didn’t get as far as we wanted to here, but I don’t want anyone to be sad, okay? Remember what Coach Tai said, Happy Happy Heartstrong. What’s important is that we live our lives with a smile & with a heart, because we are so lucky. I want you to know that I had an amazing journey here & that I learned much more than any classroom could teach me,” ika ng dalaga. Samantala, nasungkit ni Miss India Manushi Chhillar ang pinaka-inaasam na korona.
Turista sa Baguio, tumaas ng 12 percent mula Jan. - Sept. 2017
TUMAAS NG 12.81 percent ang bilang ng mga turista sa Baguio mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, ayon sa Tourism Office ng siyudad. Nasa kabuuang 1,013,704 ang mga bumisita sa Baguio sa unang siyam na buwan ng 2017, ayon kay Acting City Tourism Officer Jose Maria Rivera. Higit 100,000 ang itinaas nito kumpara noong parehong period noong 2016. Base umano ang datos sa mga impormasyon mula sa iba-ibang hotels, resorts, pension houses, apartelles, tourism inns, at iba pang mga establisyemento sa siyudad. Naitala ang pinakamataas ng bilang ng mga turista noong Abril, Mayo, Enero at Pebrero ngayong taon. Karamihan sa mga bumisita ay mga lokal na turista, samantalang ang ilang foreigners naman ay mula Korea, China, Japan, Singapore, Canada, Australia, United Kingdom, Saudi Arabia, at United Arab Emirates.pa
Dating Bond Girl na Pinay, balik-Pinas para i-promote ang bansa
Nasa bansa ngayon ang dating Bond girl na napasama sa Hollywood films kagaya ng "Die Another Day" upang tumulong sa pagpopromote sa tourism industry ng bansa. Ipinanganak sa Pilipinas si Rachel Grant o Rachel Louise Grant de Longueuil sa totoong buhay. Layunin daw umano ng aktres na pabulaanan ang negatibong imahe ng bansa na ipinapakita ng midya. "I am a Filipina and I love the Philippines," ika niya, base sa report ng goodnewspilipinas. com. "Abroad, there are reports on the killings in the Philippines because of drugs. I would like to counter it by producing a documentary that will promote the country as a fun destination. It's more fun in the Philippines." Isa sa mga naging destinasyon niya para sa kanyang documentary ay ang Boracay. Tubong Paranaque si Rachel.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
DECEMBER 2017
BALITANG BALITANG GLOBAL GLOBAL PINOY PINOY
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Ad Campaign ng Camiguin, Viral sa Social Media
Pinoy mixed martial arts fighter, talo sa UFC fight
TRENDING kamakailan sa social media ang ad campaign ng probinsiya ng Camiguin. Ang nasabing video ay nagpapakita ng ganda ng nasabing island. Isa sa mga itinampok din ng nasabing ad ay ang Lanzones Festival na idinaraos sa nasabing lugar. Ang storyline ng ad ay umiikot sa isang turista na nagrereklamo sa kanyang kaibigan kung bakit doon siya dinala nito -- maliit at boring. Ngunit, nagbago ang kanyang pananaw sa lugar ng itinour na siya ng isang piping
tour guide sa iba't ibang destinasyon sa lugar. Sa hulihan ng video, ikinikintal nito sa isipan ng mga manonood na ito ay sadyang isang tourist destination na hindi puwedeng palampasin. Iprinodyus ang nasabing video ni James de la Vega at sinulat ito ni Benson Logronio.
BIGONG NASUNGKIT ni Pinoy mixed martial ats fighter Jenel Lausa ang kampeonato mula kay Eric Shelton sa UFC Sydney. Unanimous ang naging desisyon sa nasabing laban pabor kay Shelton. Noong una ay nakipagpalitan muna ng suntok si Lausa sa kalaban. Ngunit, kinalaunan ay hindi rin niya nakayanan ang sipa at suntok ni Sheldon, ayon sa ulat ng bomboradyo.com.
the contents it had. But everything came back and I'm absolutely overoyed by the result of the police operation on this," ika ng businessman. Naiwan umano ni Kim ang kanyang bag sa isang taxi na sinakyan niya mula NAIA Terminal 2 patungo sa isang hotel na pinagdausan ng kanyang meeting.
'Superzoom,' bagong feature ng Bring Home a friend program ng Instagram DOT para sa mga Pinoy Expats
Good news sa mga mahihilig sa app na Instagram. Idinagdag ng Instagram ang feature na "Superzoom" upang hikayatin pang lalo ang mas maraming users. "You can make a Superzoom of anything -- your selfie, your friend's goofy face or even your half-eaten sandwich," ika ng post ng Instagram. Samantala, nagdagdag din ang nasabing kumpanya ng holiday-themed face filters at stickers para mas gawing exciting ang paggamit ng nasabing app. Nasimulan nang na-rollout ang nasabing filters at stickers noon pang November 1 sa mga users nito sa buong mundo. Kahalintulad ito ng filter na makikita sa Facebook Messenger.
Top 3 Best Islands in the World, nasa Pilipinas Traveler magazine
ISANG SIKAT na traveler magazine, ang Conde Nast, ang nagtampok sa tatlong sikat na islands sa Pilipinas sa top 3 sa listahan ng Best Islands sa buong mundo. Ang nasabing mga islands ay ang Boracay, Cebu, at Palawan.
NAIA police officers, kinilala dahil sa pag-recover sa bag ng Korean na may malaking halaga TINATAYANG P500,000 at iba pang mahahalagang mga bagay ang laman ng bag na na-recover sa tulong ng pitong miyembro ng Airport Police Department sa Ninoy Aquino International Airport. Ang nasabing bag ay pagmamay-ari ng Korean businessman na si Mike Kim, 50, na isang South Korean casino poker promoter. Kaya naman, trending ngayon ang kabayanihan ng mga pulis na ito na kinilalang sina: APO2 Aldref Manuel, APO2 Vic Casem, APO2 Vilma Doyon, APO1 Eli Portacion, APO1 Arthur Rosal, APO1 Marvyl Cloyd Abalos, at APO1 Jeffry Mergilla. "Things like this don't happen. Usually, if a bag like this is lost, it will never come back especially with all
3
3
Naglabas kamakailan ang Department of Tourism (DOT) ng programang "Bring a tourist Home", Ito ay para lalong paigtingin ang tourism sa Pilipinas. Sa programang ito ay magbibigay ng magagarang papremyo ang DOT para sa mga Pinoy na magi-invita ng kanilang mga kaibigan mula overseas papuntang Pilipinas. Madali lang mag-rehistro sa programang ito, bumisita lamang sa www.bringhomeafriend.online at sundan ang mga patakaran nito at may chance makasali sa raffle. Ang mga raffle prices ay tulad ng Condominuim unit, Toyota Vios at 200k shopping spree para sa mga qualified entries. Ang programang ito ay nagsimula noong Oktubre 15 at matatapos ito sa Abril ng 2018.
"The aptly named White Beach is Boracay's main draw, with powdery white sand and shallow azure water ideal for swimming and snorkeling," bahagi ng deskripsiyon sa Boracay.
Tinatayang 300,000 travelers ang mga tinanong ng nasabing magazine.
Isinagawa ang online voting mula April 1 hanggang July 1, 2017.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
DECEMBER 2017
4 4
BALITANG GLOBAL
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
40 European companies, mag-i-invest sa bansa KINUMPIRMA ng isang opisyal na parte ng delegasyon ng European Union (EU) sa Pilipinas na 40 European companies ang naghahanap ng mga oportunidad upang mag-invest dito sa bansa. Isa sa mga industriya na focus ng mga kumpanyang ito ay ang renewable energy sector na hindi pa masyadong natututukan lalo na sa malalayong lugar sa Pilipinas kahit mayaman ang bansa sa wind power, solar generation at hydropower sources. Ang mga negosyong ito ay hindi lamang mag-i-invest sa mga power generation companies at efforts. Maaari rin silang mag-invest sa pagpapadami ng mga solar vehicles na puwedeng gamitin sa mga kalsada ng Pilipinas. Ang mga contract na gagawin ay maaaring umabot sa mahigi’t kumulang €11 million. Karamihan sa mga investment na ito ay mapupunta sa Mindanao dahil gustong tulu-ngan ng European Chamber of Commerce in the Philippines (ECCP) ang pag-develop ng pangalawang pinakamalaking isla sa bansa. Ito ay bilang pagsuporta sa Access to Sustainable Energy Programme (ASEP) ng gobyerno.
Painting ni Leonardo da Vinci, naibenta ng mahigit $450 milyon sa US Unang babaeng Supervising Animator NAIBENTA SA ISANG AUCTION sa New York ang isa ng Pixar Animation sa mga paintings ng sikat na painter na si Leonardo da Vinci. Ito ay nagkakahalagang $450.3 milyon. Studios ay Fil-Am
Gina Santos, 31 years old Pixnoy ( Pinoys working at Pixar ) siya ang lead animator ng upcoming Disney Pixar movie na Coco, matagal ng nagwo-work si Gina sa Pixar mula pa noong 1996 sa animation na Toys Story 2, kasama narin sa mga kanyang nagawa at ang Finding Nemo, Monter's Inc., The Incredibles, A Bug's Life, Ratatouille, Up, Lifted at Brave. Sa media breifing sa Pilipinas, isinalaysay ni Gina kung paano siya nakaka-relate ang Coco sa Filipino culture. "I was able to relate because I felt that the dynamic of the family was the same that we had here. And you know, the example of like in the States or in the Western world, your personal space is really big. Whereas here in the Philippines, your personal spaces are really tiny. Like, people stand really close to each other on the streets. And even for family members, that’s also the case.” Nagtapos rin si Gina ng Fine Arts sa University of San Tomas, dito na experience n'ya ang pagiging leader sa male-dominated animation industry. “I think my struggle was just trying to get my voice to be heard. Because it’s such a new thing, and I tended to not actually speak that loud because I’m like, ‘Oh, I’m gonna wait until I say the perfect thing,'” saad ni Gina. Kanya pang dinagdag na ang “Pixar has definitely been very active and just trying to support the diversity that we have now. I’m feeling like hopefully having a woman as a lead will encourage other women to come through the ranks, knowing that there’s a woman in the room with them who could be supportive too.” Ang Coco movie ay ipinalabas ngayong buwan ng Nobyembre at dito sa Japan naman ay ilalabas next year ng Marso.
Sa loob ng 19 na minuto lamang, naibenta ang painting ni Da Vinci na "Salvador Mundi" o "Savior of World," ayon sa Bombo Radyo. Ang nasabing painting ay mayroong imahen ni Jesus Christ. Samantala, hindi naman binaggit ng Christies Auction kung sino ang nakabili ng nasabing painting. Nahigitan ng nasabing painting ang halaga ng painting ni Pablo Picasso na "The Women of Algiers" na naibenta sa isa ring auction dalawang taon ang nakalilipas.
Filipino restaurant sa Los Angeles, nakakatanggap ng positibong reviews UMAANI NG PAPURI sa Los Angeles ang restaurant na Sari Sari Store, isang outlet na nagbebenta ng mga sikat na Filipino food na may foreign twist. Ito ay itinatag ni Chef Margarita kasama ang chef na si Walter Manzke. Pwedeng mag-order ng breakfast meals na Filipino-style sa restaurant na ito. Ang menu ng Sari Sari Store ay nakabase sa mga rice bowls o silog na sikat sa Pilipinas. Ilan pa sa mga sikat na items sa menu ay ang mga panghimagas gaya ng buko pie at halo-halo. May arroz caldo, lechon manok, tortang talong at grilled pork ribs din na binebenta sa restaurant na ito. Ang Sari Sari Store ay matatagpuan sa Grand Central Market sa Downtown Los Angeles, kung saan ito ay nag-o-operate mula pa noong Hulyo. Na-feature na ang all-Pinoy menu ng Sari Sari Store sa mga sikat na pahayagan gaya ng LA Eater, Los Angeles Times at LA Weekly.
Mga Pilipino, puwede nang magvisa free travel patungong Taiwan
MULA NANG INANUNSYO ng pamahalaan ng Taiwan na hindi na kailangang mag-apply ng mga Pilipino ng visa para makapasok sa kanilang bansa, inaabangan na ng mga turista ang opisyal na effectivity ng polisiya na ito. Ang maganda ay kinumpirma na ng Taipei Economic and Cultural Office na epektibo na ito simula ika-1 ng Nobyembre sa taong ito. Ang visa-free policy na ito ay epektibo lamang sa mga bibisita sa Taiwan para sa turismo, business o pagbisita sa mga kamag-anak o functions. Kailangan lang ng regular passport, return ticket, proof ng accommodation o contact information ng magiging sponsor at kawalan ng criminal record sa mga dating pagbisita sa Taiwan. Ang polisiya na ito ay isa sa pagbabagong ginagawa ng Taiwan sa kanilang tourism strategy na tinatawag na “New Southbound Policy.” Ito ay upang mas magiging madali ang pagpunta ng mga galing sa mga bansa ng Southeast Asia, South Asia at Australasia.
Lambhorgini ni Pope Francis, ipapasubasta
PAGKATAPOS REGALUHAN si Pope Francis ng Lambhorgini car ng mismong kumpanya, nakatakda ngayong isubasta ni Pope Francis ang nasabing sasakyan. Layunin umano ng Santo Papa na ibenta ang nasabing sasakyan upang makatulong sa mga mahihirap. Tatlong charities ang nakatakdang tatanggap ng proceeds ng mapagbebentahan ng nasabing sasakyan. Tinatayang 12 milyong piso ang katumbas na halaga nito. Ilan sa mga paglalaanan ay ang pagtatayo ng mga bahay at simbahan sa Iraq at ang pagtulong sa mga biktima ng drug trafficking sa Africa. Nitong 2014 lang, isinubasta ulit ni Pope Francis ang kanyang Harley-Davidson motorcyle sa halagang 15 milyong piso.
DECEMBER 2017 Daloy Daloy BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY LOCAL 5 Kayumanggi Kayumanggi Daloy Kayumanggi Tourist arrivals sa Pinas, aabot ng 7-M bago matapos ang taon - DOT Impormasyon ng Pilipino
5
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
POSITIBO UMANO ang Department of Tourism (DOT) na aabot sa pitong milyon ang tourist arrivals sa Pilipinas bago papasok ang susunod na taon.
Ayon kay DOT spokesperson Frederick Alegre, base sa ulat ng pna.gov.ph, umabot na sa 4.5 million ang bilang ng mga turista noong Agosto 2017. Makakatulong umano sa pag-abot ng target ng DOT ang nakaraang pagho-host ng bansa sa nakaraang Association of Southeast Asian
Nations (ASEAN).
"Malaking tulong sa bilang ng mga turistang dumating ngayon sa Pilipinas yung ASEAN summit, yung hosting ng Philippines. Yung 11 percent increase, constant increase, per month from last year to this year, dala na rin yan ng pagdala ng ASEAN visitors sa Pilipinas," ika niya. Karamihan umano sa mga bumibisita sa bansa ay mga Chinese at South Korean nationals.
DOH: Family Planning Products, ibibigay na sa RHUs
Visa-Free sa South Korea para sa mga Pinoy, aprubado na HINDI NA KAILANGAN pa ng visa para mabisita ng mga Pilipino ang bansang South Korea. Ang nasabing bagong polisiya ng nasabing bansa ay tatagal hanggang Abril 2018. Iyon nga lang ay may kondisyon ang nasabing bansa. Tanging sa Yangyang Airport lamang sa Pyeongchang na malapit sa venue ng 2018 Winter Olympics ang pwedeng pasukan ng mga turista. Samantala, walang direct flight ang Philippine Airlines at Cebu Pacific sa nasabing airport. Bukod sa Pilipinas, binigyan din ng SoKor ang mga bansang Vietnam at Indonesia ng katulad na pribilehiyo.
5 Cruise Ships, bibisita sa Boracay bago matapos ang taon
BAGO MATAPOS ANG 2017, tinatayang limang cruise ships ang dadaong sa Boracay. Ang nasabing ulat ay ayon sa Caticlan Jetty Ports administration.
Internet Speed sa Pilipinas, bumilis BUMILIS ang Long Term Evolution (LTE) wireless Internet speed at 4G availability ng Pilipinas. Ito ay ayon sa isanagawang research ng OpenSignal. Mula 7.27 mbps noong 2016, bumilis sa 8.23 mpbs ang download speeds ng bansa nitong Oktubre 2017. Ang LTE coverage naman nito ay tumaas mula 44.80 percent patungong 58.83 percent. Ngunit, sa kabuuan, ayon sa report, mabagal pa rin umano ang Internet connection sa bansa kumpara sa iba. Nanguna ang Singapore sa nasabing global survey at sumunod naman ang South Korea. Sa LTE availability naman, nanguna ang South Korea sa 96.69 percent at pumangalawa ang Japan na nakakuha ng 94.11 percent.
North Korea kasali na sa Terrorism list
Katunayan, dalawa sa mga cruise ships na ito ang nagkumpirma na ng kanilang pagdating. "The MS Millenium is expected to return to Boracay on November 21. The MS World Dream is also set to dock first time on November 22," ika ni Niven Maquirang, ang Jetty port administrator. Inaasahang magdadala ng 4,000 na mga pasahero at 1,900 crews ang MS World Dream. Inaasahang makakatulong sa lokal na ekonomiya ng lugar ang pagdalaw ng mga turista sa lugar sa pamamagitan ng mga cruise ships na ito.
IDINEKLARA na kamakailan ni US President Donald Trump bilang state sponsor of terrorism ang North Korea. Isinagawa ang deklarasyon bago magsimula ang kanilang cabinet meeting sa White House. Sinabi pa nito na dapat matagal ng nakasali ang North Korea sa terror list. Nauna rito ay pinatawan na ng sanctions ng US at United Nations ang North Korea dahil sa pagmamatigas nito na hindi tigilan ang paggawa ng nuclear missile. “In addition to threatening the world by nuclear devastation, North Korea repeatedly supported acts of international terrorism including assassinations on foreign soil,the Treasury Department will be announcing an additional sanction and a large one on North Korea,� pahayag pa ni Trump.
INAASAHANG makakarating na sa iba-ibang RHUs sa buong bansa ang ilang family planning products, ayon sa Department of Health. Sa ulat ng Philippine News Agency, target umano ng DOH na i-distribute ang nasabing mga family planning commodities sa civil society organizations (CSOs) at iba pang local government units.
Ang nasabing aksyon ay alinsunod sa Responsible Parenthood and Reproductive Health (RHP) Law. Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque, ilan sa mga ipapamudmod sa RHUs ay ang 261,000 units ng subdermal implants na naka-imbak lang sa warehouses noon pang June 2015 dahil sa inilabas ng Supreme Court na temporary restraining order sa paggamit ng Implanon at Implanon NXT matapos ideklara ng Food and Drug Administration na hindi nagiging dahilan ang nasabing mga produkto ng abortion.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
DECEMBER 2017
6
6
EDITORIAL
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
CLICK HERE TO WATCH VIDEOS REGARDING THIS EDITORIAL
Daloy Kayumanggi
Inspiring Global Filipinos in Japan
Publisher: D&K Company Ltd Editor: Jagger Aziz Art Editor and Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@gmail.com 0906-511-8111 090-6025-6962 Sales and Marketing: Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists & Contributors: Aries Lucea (arieslucia@daloykayumanggi.com) Hoshi Laurence Gonzales (Hitokirihoshi@gmail.com) Erwin Brunio (ebrunio@gmail.com) Mario Rico Florendo (Facebook: mario.florendo) Martin Paul Sabinet Henderson (hendersonmartinpaul@yahoo.com) Melbert Tizon (mbtizon@gmail.com) Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611
Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.dk6868.net  www.facebook.com/daloykayumanggi
editor`s note LOREEN DAVE CALPITO
Pinay Beauty Queens, Dangal ng Ating Bansa
K
amakailan, itinanghal na naman ang ilan sa mga Pinay beauty queens bilang kampeon sa kani-kanilang mga sinalihang kumpetisyon. Ilan sa mga ito ay sina Winwyn Marquez na nanalo bilang Reina Hispanoamericana 2017 at Karen Ibasco na nasungkit ang Miss Earth 2017 title.
Dahil sa kanilang pagkakapanalo, nangangahulugan ito ng panibago na namang pagkilala hindi lang sa kagandahan kundi sa katalinuhan ng mga Pilipino. Hindi lang iyan, nangangahulugan din ito na sadyang palaban at hindi umuurong sa ano mang sitwasyon ang mga Pilipino. Bukod diyan, kung iisiping mabuti, marami pang ibang implikasyon ng pagkakapanalo ng ating mga Pinay contestants sa mga katulad na timpalak. Una, maaaring mabawasan ang diskriminasyon ng ibang lahi sa ating mga kababayan sa ibang bansa, sapagkat naipakita ng ating mga representatives ang magagandang katangian ng mga Pilipino. Ikalawa, nangangahulugan din ito ng pagtaas ng bilang ng mga taong gustong bumisita sa
bansa, sapagkat naipo-promote hindi lamang ang kagandahang loob ng mga Pilipino, kundi ang likas na ganda rin ng iba-ibang lugar sa Pilipinas. Nangangahulugan ito ng mas maganda takbo ng turismo sa bansa. Samantala, ilan sa mga representatives ng bansa sa international beauty pageants ay nabigong makakuha ng korona. Ang masaklap nito, kapwa pa mga Pinoy ang nangunguna para hilain sila pababa, sa halip na suportahan at maging proud pa rin sa kanila, sapagkat ginawa naman nila ang kanilang makakaya sa layuning maitampok ang Pilipinas sa international scene. Sana ay maging masaya na lang sana tayo at tanggapin na ganoon talaga sa isang kumpetisyon: minsan nananalo, minsan rin naman ay natatalo.
Sa ating mga Pinay beauty queens, isang saludo para sa inyo! Kayo ay sadyang dangal ng ating bansang Pilipinas.
Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
DECEMBER 2017
BALITANG KA-DALOY GLOBAL PINOY OF THE MONTH 7
Impormasyon ng Pilipino
ka-daloy of the month LOREEN DAVE CALPITO | DAVECALPITO529@GMAIL.COM
Babaeng tumulong sa naaksidente sa MRT-3, Isang Bayani
I
sang bayani kung maituturing ang isang babaeng medical intern na hindi nag-atubiling tulungan ang isang taong naaksidente kamakailan habang nasa MRT-3 Ayala Station.
Siya si Charleanne Jandic, tubong South Cotabato, at kasalukuyang intern sa Chinese General Hospital and Medical Center. Ayon sa ulat ng GMA News, nahilo umano ang babaeng kinilalang si Angeline Fernando. Eksakto noong papaalis ang isang tren ng MRT, kaya naman nahagip ang kanyang kamay at naputol ito.
Noon, nandodoon din si Jandic na saktong papunta umano sa kanyang kamag-anak. Sa pamamagitan ng isang iniabot na cardigan at belt ng iba pang pasahero, nagawang malapatan ni Jandic ng paunang lunas ang biktima.
"Medyo mahirap nang konti kasi duguan siya, so nag-focus ako doon sa pinaka-concern, which is yung naputol na bahagi ng braso niya," ika ni Jandic.
Nagpapasalamat din siya sa mga guwardiya sa MRT na sumunod sa kanyang mga utos na kunin ang naputol na bahagi ng braso ng biktima at tawagan agad ang ambulansiya.
Dinala ang nasabing biktima sa Makati Medical Center. Saka lang umalis si Jandic nang malamang stable na ligtas ang biktima.
"Ginawa ko lang po talaga yung dapat gawin," dagdag niya.
Kaya naman, hindi maitatangging itinuturing ngayong siyang isang bayani na dapat tularan ng marami.
Tunay nga, si Charleanne Jandic ay isang modelo para sa nakararami. Siya ang ating Ka-Daloy of the Month.
Daloy Kayumanggi
DECEMBER 2017
8 8
KONTRIBUSYON
Impormasyon ng Pilipino
usapang ofw ni kuya erwin
A
kala ko ay tama na yung nakapag biyahe ako sa ibang bansa noon. Akala ko ay tama na ang karanasan ko sa pakikisalamuha dito sa Japan para maintindihan ang banyagang lahi at kultura. Subalit, sa bawat lakbay mo pala ay mga bagong kaalaman ka na iyong matututunan.
ERWIN BRUNIO #090-7428-5744 EMAIL: EBRUNIO@GMAIL.COM
Nitong October 26 hanggang Nov 5, naglakbay ang SEELS Teachers Academy kasama ang aming mga estudyante sa United Kingdom, France at Italy. Ang pangunahing layunin ng byaheng ito ay upang sumali sa 2-days na training sa synthetic phonics sa Newbury, England. Pagkatapos nito ay mahaba-habang adventure sa ibat-ibang bahagi ng Europe.
Sa pag-ikot namin sa UK, France, Italy at Vatican, namangha ako iba’t ibang scenic sites sa bawat lugar. Subalit mas naintriga ako na sa bawat syudad pala ay isang melting pot ng halos lahat ng lahi ng tao. Nakakaaliw tingnan ang mga pagmumukha, kilos, pananamit at kultura na dala-dala ng bawat tao. At itong pagkakaiba ang siyang nag-uugnay sa ating lahat. Kasi anuman ang pagkakaiba na nakikita ko, iisang lahi pa rin tayo. Nagkakaiba tayo dahil sa ating kultura, subalit bawat isa sa atin ay nag-abroad upang mapaunlad ang kalagayan sa sarili at ng pamilya. Kung sa ganito mong punto titingnan ang mga taong nakakasalamuha mo, higit na mas kapanapanabik ang iyong interaksyon sa iba. Dahil mistula itong isang proseso ng pag-diskubre sa bawat tao. Magbyahe. Maglakbay upang ma-diskubre kung bakit tayo ay iisa.
Ang misteryoso at nakakabighaning tanawin Ang romantic city of Paris at ang Eiffel Tower ng Stonehenge sa UK. na super ganda lalo na sa gabi.
Ang napakapomosong Thames River sa London, UK kasama ang students ng SEELS Teachers Academy.
Ang mga estudyante ng SEELS Teachers Academy sa Vatican, isa sa mga holiest place sa mundo pagkatapos ng international seminar sa pagtuturo ng (English) phonics.
Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
DECEMBER 2017
BALITANG GLOBAL PINOY TIPS
Impormasyon ng Pilipino
Mga pamamaraan para magkaroon ng maayos na ngipin GUSTO NG MARAMING mga tao ang magkaroon ng maayos at kaiga-igayang nga ngipin. Isa rin kasi ito sa mga nakakapagbigay sa iyo ng dagdag na confidence. Naririto ang ilang mga paraan para ma-achieve ang perfect teeth: Teeth Whitening Isa sa pinaka-karaniwang problema sa ngipin ang discoloration. Magandang balita: Isa rin ito sa pinakamadaling solusyonan. Kumonsulta lamang sa iyong dentista para mabigyan ka ng mga bleaching products na makakatulong sa pagpapaputi ng iyong mga ngipin.
Paano mo maaalis ang takot mo sa Dentista
HINDI MAITATANGGING maraming mga tao ang natatakot sa simpleng pagpunta lang sa isang dental clinic. Kung isa ka sa kanila, 'wag mag-alala. Basahin ang mga tips sa ibaba at siguradong maaalis mo ang takot na ito:
Magdala ng kasama Hindi lang mga bata ang natatakot na pumunta sa dentista nang mag-isa, kundi mayroon ding mga matatanda na na nakararanas nito. Nakakatulong kung magdala ka ng makakasama para mabawasan ang iyong takot o nerbiyos.
2 Epektibong tips para mapaganda ang iyong kuwarto ISA SA PINAKAMAHALAGANG bahagi ng iyong bahay ay ang iyong kuwarto. Ito ay sapagkat dito ka nagpapahinga pagkatapos ng napaka-stressful na araw. Kaya naman, maigi lang na gawin itong kaiga-igaya. Naririto ang ilan sa mga paraang makakatulong sa iyo:
Maglagay ng painting Kung sa tingin mo ay "dull" ang iyong kuwarto, isa sa mga mabisang mga paraan ay ang paglalagay mo ng painting. Nagagawa nitong mas interesante ang itsura ng iyong kuwarto. Hindi mo kailangang bumili ng
Kumain ng tamang pagkain Isa pang sikreto ay ang pagkain ng mga pagkaing talagang makakatulong sa pagkakaroon ng malusog na mga ngipn. Kumain, halimbawa, ng mga pagkaing mayaman sa vitamin D na nagpapatibay sa iyong ngipin. Iwasan naman ang mga pagkaing nagtataglay ng mga asukal. Ilan lamang iyan sa mga pamamaraan para magkaroon ka ng maayos na mga ngipin. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tips sa itaas, siguradong makakamit mo ang iyong nais.
Pumili ng dentista na tingin mo ay kumportableng kausap Malaking bagay kung kumportable ka sa iyong dentista. Pumili ng dentista na marunong mag-handle ng mga sitwasyon na kagaya ng sa iyo. Pumili ng dentista na talagang nagagawa kang pakalmahin. Kumonsulta sa isang psychologist Kung talagang may phobia ka na sa dentista, mangyaring kumonsulta lang sa isang sikolohista na talagang eksperto para matulungan kang alisin ang iyong phobia sa dentista.
Hayan, sundin ang mga tips sa itaas at siguradong maaalis mo rin ang iyong takot na nararamdaman. mahal na painting. Katunayan, pwede ka ngang mag-cutout lang sa isang kalendaryo o magazine at ilagay ito sa frame. Palitang ang iyong mga beddings Mabisang paraan para gawing mas kumportable ang iyong kuwarto ay ang gawing kumportable ang iyong kama. Pumili, halimbawa, ng bed sheet na talaga namang kaiga-igaya sa mata at kumportable sa pakiramdam kapag ikaw ay natutulog. Maglagay rin ng maraming mga unan, sapagkat nakakadagdag din ang mga ito ng comfort. Hayan, sa pamamagitan ng mga tips sa itaas, siguradong mas maganda ang iyong pakiramdam sa tuwing papasok ka sa iyong kuwarto.
9
TOP 10 Benefits ng Natto Kinase NATTOKINASE IS A HEALTH supplement that is derived from a fermented soy product. Nattokinase is used as a natural remedy for a variety of circulatory conditions, fertility issues, and problems caused by inflammation. What Can Nattokinase Do for Me? 1. Lower Blood Pressure -- Nattokinase thins the blood and dissolves accumulated solids in it. Consequently blood pressure is lowered. 2. Reduce Pain -- Because of its anti-inflammatory effects, nattokinase has been used to help with pain from arthritis, including that of rheumatoid arthritis. Women with painful periods, especially if the pain is caused by fibroids or endometriosis, may find that their pain is reduced with a nattokinase supplement. 3. Dissolve Clots -- Because nattokinase is an enzyme, it can dissolve proteins like fibrin, which are a cause of clots and blockages in the blood in the first place. 4. Facilitate Brain Function -- Because nattokinase thins and cleans up the blood the resulting improved circulation improves oxygenation to the brain. This can reduce brain fog and may lower the risk of Alzheimer's disease. 5. Assist Vision -- Nattokinase have been used to treat cataracts and eye floaters because of its ability to dissolve proteins and fibers that are the cause of these eye issues. 6. Increase Fertility -- Fibroids and endometriosis are both chronic and painful conditions that can cause infertility. Nattokinase can be used in these conditions to help dissolve the fibroids and endometriosis. 7. Improve Libido -- Because nattokinase improves circulation as it thins bloods and breaks up congestion, it is helpful for low libido in men, especially when the low libido is caused by poor circulation. 8. Eliminate Migraines -- Migraines can have many causes. For those whose migraines are caused by thick blood and poor circulation, regular use of nattokinase can solve the root cause of migraines. 9. Relieve Edema -- A common theme edema is poor circulation. Because nattokinase improves circulation, a benefit of nattokinase is a reduction in edema. Clots in the legs (deep vein thrombosis) can also cause edema. Nattokinase addresses this cause of edema as well. 10. Heal Varicose Veins -- The blood thinning and oxygenating properties of nattokinase make it an appropriate remedy for varicose veins. Hemorrhoid sufferers will be glad to know that nattokinse works for hemorrhoids as well since hemorrhoids are a type of varicose vein.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
DECEMBER 2017
10
10
PINOY KA BA?
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
It`s Joke Time!
EH ANG FUTURE TENSE? Titser: Ano ang present tense ng luto? Student: Nagluluto po, ma'am! Tiser: Tama! Ano naman ang past tense? Student: Nagluto po! Titser: Eh, ang future tense? Student: Kakain na po, ma'am!
FOR DRY HAIR Juan: Lintik na shampoo ito, ayaw bumula! Inday: Paano po bubula iyan, 'di naman basa ang buhok niyo? Juan: Tanga! For dry hair ito. Bobo ka ba, ha? GOVERNMENT WARNING Too much is bad like love kapag sobra, nakakasakal, nakakatakot, nakakasawa. Kaya government warning: Too much love is dangerous to your health. WALANG TAO Si GF tumawag kay BF at may halong lambing na sinabing: GF: Puwede kang pumunta sa bahay ngayon kasi alang tao? (Nagmamadaling pumunta si BF sa bahay ni GF. Pagdating niya dun... wala ngang tao.)
HUBARIN MO GF: Hubarin mo panty ko ngayon na! BF: Pati bra ko, dalian mo! BF: O 'yan hubad na rin! GF: Sa susunod, huwag mo nang gamitin gamit ko, bakla! HINALIKAN KO SEATMATE KO Son: Dad, pinagalitan ako ng titser ko. Dad: Bakit? Son: Hinalikan ko po seatmate ko! Dad: Itong anak ko manang-mana sa akin, masarap ba? SOn: Opo, pogi nga po, eh!
mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp
www.tumawa.com
MABAIT Maraming uri ng tao sa mundo: may cute, maganda, mabait, matalino. Gayunman, talagang napakasuwerte ko dahil nakatagpo ako ng tulad mo. Mabait, mabait, at higit sa lahat, mabait pa rin. OPERASYON DDok at pasyente sa isang ospital pagkatapos ng operasyon. Pasyente: Dok, bakit ganito ang operasyon sa ulo ko. Halos kita na utak ko. Dok: Okay lang iyan, at least openminded ka na ngayon.
KASALAN Padre: Ikaw lalaki ang haligi ng tahanan, at ikaw naman babae ang ilaw ng tahanan. "Eh padre, ano ako?" "Sino ka ba?" "Biyenan." "Ikaw ang anay ng tahanan!" MAMI-MISS KITA Naglalakad tayo nang biglang may nakasalubong tayong devil. Kukunin daw niya ang isa sa atin. Niyakap kita nang mahigpit sabay sabi, "Handa na po siya. Go! Mami-miss kita, friend!" SARAP TALAGA Ooh ang sarap talaga, lalo na kapag sa kama mo ginawa. Kahit nga sa silya o sa kotse pa! Nasubukan ko na rin sa skul, muntik na akong mahuli. Hay, sarap talagang matulog. 3 BANGKAY 3 bangkay nakangiti sa morgue 1. Nanalo sa lotto, inatake sa puso. 2. Nakipag-sex sa sexy star, patay sa sarap. 3. Natamaan ng kidlat, akala picture picture.
PAYONG Sa buhay natin, maraming mga pagsubok, may ulan at mayroon ding unos. Kaya, tandaan mo kaibigan, payong dalhin mo, 'wag kapote. Ano ka kinder?
NAWAWALA ANG SINGSING Pedro: Love, nawawala yung singsing na ibinigay mo sa akin. Maria: Kung saan-saan mo kasi pinapasok yang daliri mo eh. Ayan o! Nalaglag pag-ihi ko! FAIRYTALE LOLA: Iho, ako ay isinumpa. Isa akong prinsesa. Kung ako ay iyong hahalikan ng 15 minuto babalik ako sa maganda kong anyo at tuluyang mapuputol ang sumpa. (Makaraan ang 15 minutes) LALAKE: ‘Yan, tapos na. Bakit ‘di ka pa rin nagpapalit ng anyo?! LOLA: Ilang taon ka na iho? LALAKE: 30 na ho. LOLA: Yang tanda mong yan naniniwala ka pa sa fairy tale? DISKRIMINASYON (Sa Ospital) NARS: Doktor, bakit niyo tinanggihan yung pasyente kanina? DOKTOR: Saan? sa delivery room? NARS: Hindi, yung nasa receiving room. DOKTOR: Ahhh, yung bakla. NARS: Opo, Baka sabihin may discrimination tayo, porke bakla siya. DOKTOR: Nakuuu! Ano naman ang raraspahin ko sa kanya? DITO BA? Chinese dying in bed. “Akyen panganay dito ba?” “Dito po.” Akyen asawa dito ba? “Dito, honey.” Akyen Jr. dito ba? “Dito po.”
“Mga katulong dito ba?” “Dito sir.” “Punyeta, dito kayo lahat wala tao tindahan!”
SEXUALITY TEACHER: Okay class, our lesson for today is sex education. What is Sexuality? PEDRO: Ako mam! Ako mam! TEACHER: Okay, Pedro, What is Sexuality? PEDRO : Sexuality is our lesson for today.
ISARA ANG PINTO PARI: Halika sa kwarto sister. MADRE: Father, bakit po? PARI: Sara mo pinto, sister. MADRE: Father, huwag po! PARI: Patayin mo ilaw sister. MADRE: Naku, Diyos ko po! PARI: Ipapakita ko lang ang rosary ko oh! Glow in the darK!
IBALIK ANG KAHAPON Lolo: Ano kaya kung ibalik natin ang nakaraan noong bago pa lang tayo magsyota? Lola: Oh sige! Lolo: Sige, bukas dun tayo magkita sa dati nating tagpuan ha! Lola: Oo! Hintayin mo na lang ako dun. (Naghintay si lolo sa may tabing ilog dala ang 3 rosas with tsokolate. Maghapon si lolo na naghintay, ngunit walang dumating. Kaya umuwi na lang siya. Pagdating sa bahay, nadatnan si lola na nakahiga at tumatawa. Lolo: Bakit di mo ko sinipot? Lola: ‘Di ako pinayagan ni Mommy!
UTAK Isang tatlong taong gulang na lalaki was examining his testicles habang naliligo. “Mommy,” he asked, “Ito ba ang utak ko?” “Hindi pa
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
DECEMBER 2017
11
KONTRIBUSYON / ANUNSYO
Impormasyon ng Pilipino
11
Mga Kwentong
Makabuluhan
ni
MARTIN PAUL S. HENDERSON HENDERSONMARTINPAUL@YAHOO.COM
MAKABULUHANG KASAYSAYAN NG MGA HAPON SA BAYAN NG
CORON
Ang Coron ay ang isa sa mga lugar sa Pilipinas na sinugod ng pwersang Amerikano noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kilala ang Coron ngayon bilang isa sa mga dinarayong dive sites hindi lang dahil sa mga mayayamang marine life nito kundi narin maging sa mga kwento ng kasaysayang iginuhit ng digmaan, ilan d2 ay ang mga nagkalat na ship wreck sa ilalim ng karagatan. Ayon kay Bert Lim, 82 taong gulang, taal na taga-Coron kung saan ay nagsilbing espiya ng mga Amerikano, Isang araw iyon nang lumunsad sa Coron Bay ang mga barko ng Hapon na tumatakas sa mga pambobombang ginagawa ng mga Amerikanosa Manila Bay. Ayon pa kay Lim, mahigit sa 30 barkong pandigma ng mga Hapones ang nagtago sa lugar, Ito ay ang mga tanker, destroyer, gunboat at supply ship. Apat na araw ang lumipas matapos ang pambobomba sa mga barkong Hapones ay nagkalat sa dagat ng Coron ang bangkay at kalapit na Sangat Bay. Maraming barko rin umano ang lumubog.
Dagdag pa ni Lim, nagliliyaban ang ilang parte ng karagatan dahil sa kapal ng natapong langis mula sa mga pinalubog na barko. Ang mga barkong ito ngayon ay ang kinagigiliwhang sisirin ng mga dayuhan at dive enthusiasts sa Coron, Tinatayang nasa 10 pataas ang mga shipwreck sites na nasa Soron at Sangat. Ilan sa mga ito ay ang Okinawa, Olympia Maru, East Tangat, Tangat wreck, Irakomaru at Lusong gunboat. Samantala hindi naman malinaw sa kasaysayan ang pinagmulan ng East Tangat, isang gunboat na may habang 40 metro, bigat na tinatayang 500 tonelada na kung saan hanggangtsa ngayon ay nakalubog pa ito sa 15 metro ng tubig-dagat. Isa ang East Tangat sa mga pinalubog ng U.S. Task Force 38 noong Setyembre 24, 1944 sa operasyon laban sa hukbong dagat ng Hapon sa Coron Bay. Naniniwala ang ilang mga dalubhasang lumangoy na sa lugar na maaaring ito ay isang tugboat o anti-submarine craft at posible padin umanong mas madami pang barko ng hapon ang nasa mas
malalalim pang parte ng karagatang nasasakupan ng bayan. Kasunod naman ng East Tangat ay ang Tangat wreck na ayon sa ilang mga dive masters ay isa itong auxilliary at refrigirationship. Tulad ng East Tangat, lumubog rin ito dahil sa operasyon ng Task Force 38. Pangatlo rito ay ang Kogyo-Maru wreck, isang auxiliary supply ship. Ang Kogyo wreck ay may sukat na tinatayang 4129 metro ang haba at may timbang na humigit kumulang sa 6,000 tonelada. Pinakahuli ay ang Lusong gunboat kung saan ay ito ang pinakamababaw dahil nakalubog lamang ito sa 10 metro ng tubig-dagat. Tunay na masasabing bukod sa kakaibang mga isda, kabibe at lamang-dagat, Ang ilalim ng karagatan ng Coron ay isa na ring museo kasaysayan ng Pilipinas kahit pa tila masalimuot ang naging katapusan ng kasaysayan ng mga Hapon sa bayan ng Coron.
TAWAG NA SA 090-6025-6962
JULY 2017
12
12
ANUNSYO
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
OO IKAW! MAY GIFT KANA BA NGAYONG PASKO? KAYA TAWAG NA SA 090-6025-6962
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
DECEMBER 2017
14 14
TIPS / ANUNSYO
Mga epektibong pamamaraan para magkaroon ng Flawless na Kutis
MAHALAGA ANG PAGKAKAROON ng makinis na kutis. Nakakadagdag ito, halimbawa, sa iyong kumpiyansa sa sarili. Ibig sabihin nito, nagagawa ka nitong mas masaya sa iyong buhay. Kaya naman, sundan mo ang tips sa ibaba nang sa gayon ay magkaroon ka ng mas flawless na kutis. Uminom ng maraming tubig Kung gusto mong maging hydrated ang
Tips para maalis o maitago ang wrinkles at blemishes
ILAN SA MGA KARANIWANG problema sa kutis ng maraming mga indibidwal ay ang blemishes at wrinkles. Nakakabawas ang mga ito sa kanilang kumpiyansa sa sarili. Kung isa ka sa kanila, basahin mo ang mga sumusunod na tips para talagang goodbye sa wrinkles at blemishes. Mabisa ang balat ng saging Sinasabi ng mga eksperto na mabisa ang pagpapahid ng balat ng saging sa iyong kutis. Siguradong mababawasan o maaalis ang mga ito sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo. Maglagay ng apple cider vinegar sa iyong kutis Nakakatulong umano ito sa pag-alis ng
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
iyong kutis, uminom ka ng tubig. Iwasan din ang alcoholic drinks at mga matatamis na inumin, sapagkat nasisira nito ang collagen sa iyong kutis. Iwasan ang UV light Iwasang ma-expose ang iyong kutis sa UV light. Hangga't maaari, gumamit ng sunscreen, kahit pa tuwing winter season. Gumamit ng tamang skin products Nakakatulong din ang paggamit ng tamang mga skin products, kagaya ng facial clensers, toners, at creams. Mas makinis na kutis ba ang hanap mo? Pwes, sundin mo ang mga nakalistang tips sa itaas.
Contains High Concentration, High purity, low molecular collagen 160,000mg 410ml, Made in Japan, 15ml per day about 1 month usage
blemishes. Maglagay lang ng apple cider vinegar sa tubig at ipahid ito sa affected na bahagi ng iyong kutis. Pagkatapos ng 10 hanggang 15 minuto, hugasan ito. Gawin ito dalawa hanggang tatlong beses kada araw. Dermal fillers o botox Ngayon, kung gusto mo naman ng mabilisang solusyon, gumamit ng injectable dermal fillers. Kumonsulta sa iyong dermatologist kung ito ay swak sa iyo.
Sundin ang mga tips sa itaas para siguradong goodbye blemishes at wrinkles na talaga.
Call us for PRice!
090-6025-6962
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
DECEMBER 2017
15
BALITANG GLOBAL PINOY KOLUMN
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
15
Slice of Mango. Slice of Life ARIES LUCEA
ARIESLUCEA@DALOYKAYUMANGGI.COM
A Taste of
K
orean pop culture had invaded the Philippines with K-pop music, dramas and celebrities becoming a common feature in our entertainment industry. Even the rich culinary heritage of Korea and its sumptuous dishes already made its way the Pinoy palate with all restaurants sprouting around the city. Me and my wife who spent considerable time in Korea before we got married and made its dishes a regular part of our diet. Thus, we made frequent visits to different Korean restaurants everywhere we are. It is fitting that I write a review on my DK column on the three places we have dined in the Philippines on our recent visit.
Korea in Manila
ramen. I ordered the pork kimchi rice which tasted really good and spicy. I am not to judge a place authenticity. But I noticed a lot of Koreans dining in this place and ordering a lot of dishes and not just the barbecue meals, which is the main draw of Korean restaurants among Pinoy diners. My in-laws who are also a bit zealous about Korean food gave Cafe Chosun two thumbs up. Rightfully so, just now that I was searching the restaurant address for this article that I found out, Cafe Chosun was feature by Anthony Bourdain's culinary cable TV show "Parts Unknown". So there you go, if my in-laws and Anthony Bourdain gave this place their approval, then it must be an awesome place worth your money.
If most Pinoys equate Korean with meat and barbecue , my wife equate their dishes with rich tasting vegetable dishes. She ordered Kimchi jjigae and Dongtae Jjigae stew or soup or I should say spicy soupy stew with loads of vegetables. These two dishes, plus teh Korean spicy fried chicken and all of the dishes we had were very tasty and the service was excellent. It also helps that it is located right at the center of one of Quezon City's most happening places.
Hwaroro 1103, 76 Sct. Tobias St, Diliman, Quezon City,
Cafe Chosun 1555 Pedro Gil St Cor. Adriatico, Ermita, Manila, 1000 Metro Manila, Philippines
O-ga-ne 303 Tomas Morato Avenue, Barangay South Triangle Quezon City
After 3 days of vacationing, partying and hanging out with family and relatives; and dining heavily on Filipino food, my Japanese family and in-laws needed a healthy break. Since it is a national holiday, a lot of Korean restaurants around Makati were closed, so after searching the internet we ventured to the old city, Manila. We found Cafe Chosun, located right smack into the historic, rustic or sometimes dodgy background of old Manila.
This is the second Korean we have visited on our trip. I noticed that for most diners they equate Korean food with barbecue and samgyopsal. Unlike here in Japan there are popular Korean yakiniku palces but there are also a lot of Korean restaurants that do not offer Korean barbecue. Expect that you will smell like a smoked bacon as part of all your dining experience. Since we are the only table that did not order a barbecue meal and ordered a lot of different dishes that maybe few people tend to order. We somehow got special treatment from the Korean manager. He kept replacing our banchan/ side dishes, and told us that other guests can only have single refill. However, he kept asking us to comment on the dishes being served to us. He made sure a waiter is present to attend to all our needs, but he was really keen on knowing how we honestly feel about some of the dishes being served to us.
I divided our group into two, Pinoy family on the other side of the table and my Japanese family on the other. And was I right, my Filipino family ordered Korean barbecue and those mouth-watering and cholesterolinducing looking pork belly slices. And my in-laws ordered, well, spicy soup to cleanse days of heavy food intake. My wife, daughter and son not wanting to eat anything heavy, ate kimchi
Hwaroro is a Korean buffet. It has a wide variety banchan/side dishes to choose from. Some good but mostly just palatable and adjusted to Filipino taste. I wonder if Korea really has pritong lumpia (spring roll) and soup that taste like sinigang. The kimchi and some of the dishes were too salty. But, again most people come here for the Samgyopsal, which is all you can eat too, but the quality of the meat is also not that good. It doesn't have the right texture that it keeps on sticking to the hot plate and not looking good to eat. For the cost of the buffet and the amount of pork belly you can shove in your mouth, well this is a place worth your visit. It is good to host a big family affair or a party. But not quite recommended for someone who wants to enjoy a delectable Korean feast. ------------------------------------------------------
Isang taon na naman po ang lumipas. Salamat sa pagtangkilig nyo sa Daloy Kayumanggi. Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taonsa sa inyong lahat!!!
DECEMBER 2017
16
16
ANUNSYO
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
"Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
DECEMBER 2017
17
TIPS
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
17
TOKYO BOY PRO
MARIO RICO FLORENDO FACEBOOK: MARIO.FLORENDO
A
yon sa pinakahuling datos ng Organization for Economic Cooperation and Development o OECD, pang-lima ang Japan kung ihahanay sa mga bansa sa Europa, US at South America pagdating sa dami ng bilang ng mga part-time workers. Sa loob ng bilang na ito, 20% ay binubuo ng mga estudyanteng pansamantalang nag-aaral sa bansa at bawat taon ay papataas ito nang papataas. Kasabay ng pagdami ng bilang ng mga part-time workers lalo na sa hanay ng mga estudyante, naisip kong ibahagi ang sarili kong karanasan, mga pros and cons, at hindi ko makakalimutang experience kaugnay ng mga baito na nasubukan ko na rito sa Japan. Source: Organization for Economic Cooperation and Development (https://data.oecd.org/)
#1 Factory Worker (¥750/hr) Pro: Long hours = more pay Con: Standing all day; Inside a big refrigerator
Ito ang una kong trabaho nang una akong dumating dito sa Japan. Bente uno anyos lang ako noon at walang experience sa kahit anong trabaho. Pero dahil kulang ang scholarship na nanggagaling mula sa school at libre naman ako ng tatlong araw dahil apat na araw lang sa isang linggo ang pasok namin, kailangan kong maghanap ng mapagkakakitaan. Dahil sa shoukai ng isang kakilala, nakapasok ako sa isang factory isang oras ang layo sa dorm ko kasama ang kaibigan kong Pinoy. Ang factory na napasukan ko ay gumagawa ng bento na binebenta sa mga konbini. Nilagay ako sa dulo ng linya kung saan naatasan kaming maglagay ng bar code kung saan nakalagay yung presyo ng produkto. Dalawang bagay na hindi makalimutan sa una kong trabahong iyon. Una, dahil kailangang manatiling fresh ang mga pagkain pagkatapos itong lagyan ng presyo at bago i-deliver, nakakulong kami sa isang malaking freezer. Kahit anong panahon sa labas, sa loob kami ay kailangang magsuot ng makapal na jacket pangwinter. Pangalawa, dahil kami ay humahawak ng pagkain, mayroong “hair checker” dalawang beses sa isang araw na tumitingin ng buhok o dumi sa aming uniporme. Bawat buhok na makikita sa labas ng aming kasuotan ay sisingilin kami ng Y500. Hindi ko makakalimutan ang baito kong ito dahil dito ako nakabili ng mga gamit na gusto ko nang hindi humihingi sa aking magulang. Dahil din dito, nagkaroon ako ng ekstrang pera para makapagliwaliw sa ibang lugar sa Japan. #2 English Teacher (¥10,000 for three 50 minutes sessions) Pro: High pay; Less stress Con: Less hours = less income; Limited location
Bilang isang guro bago bumalik ulit dito sa Japan, ito marahil ang baito na malapit sa propesyon ko. Kung marami sa mga Pinoy na guro dito ay Assistant Language Teacher (ALT) o nagtratrabaho sa English schools tulad ng GABA, Aeon, at iba pa, pinili kong magtrabaho bilang English Teacher ng isang grupo sa ??? para sa halagang Y10,000 para sa dalawa’t kalahating oras. Malaking improvement ito sa Y750 kada oras na sahod ko dati sa factory. Dahil sa iskedyul ko noon habang nag-aaral ako ng masters, ito ang tingin kong pinaka-angkop na trabaho kahit na maliit ang buwanan kong kita. Marahil, ang isa pang disadvantage ng ganitong trabaho ay hindi ka makakapamili ng lugar kung saan ka magtuturo lalo na kapag hindi malaking kumpanya ang pinagtatrabahuhan mo. Sa aking karanasan, ako ay kinailangang magbyahe ng mahigit isang oras at gumising ng alas-siyete para makahabol sa klase ko. Bukod naman sa malaking bayad per ora, na-realize ko na mababa ang stress at pagod na kailangan para sa trabahong ito. Syempre, kailangan kong maghanda ng paksa at espesyal na gawain para lalong mag-improve ang lahat pero kumpara sa pagtayo ng buong araw at pagkakulong sa isang malaking freezer, hindi bugbog ang katawan ko sa trabahong ito.
#3 Sales (Call Center) / Newspaper Editor (starting from ¥950/hr) Pro: Improve my Nihongo and communication skills; Work based on my interest Con: Desk work, nakaupo ng buong araw
Sa trabahong ito nahasa hindi lang ang aking Japanese kundi pati na rin ang aking communication at service skills. Dahil sales ang aking naging pangunahing trabaho, natutunan ko ang kahalagahan ng pagtitiwala, lalo na kahit hindi ka nakikita ng kausap mo. Dagdag pa nito, nasanay ako sa mga “creme” o tinatawag na complains mula sa mga customer. Syempre kung meron mang pinakanatutunan ko sa trabahong ito, iyon ay ang Nihongo at ang pagiging editor. Dahil hindi Hapon ang boss ko at hindi rin makapagsalita ng Ingles, napilitan akong makipag-usap sa kanya ng Nihongo. Sa kumpanya ring ito nabigyan ako ng laya na maging editor ng pahayagan kung saan ako nagsusulat ngayon. Ang isang bagay na hindi ko malilimutan ay nung tumawag ako sa isang customer na hindi ko alam ang pangalan. Nagalit ang babae at pinagbantaan pa akong idedemanda ako dahil paano ko raw nakuha ang number niya. Pwede raw niya akong i-report sa pulis saka niya ibinagsak ang telepono. Sobra ang takot ko noon dahil ilang linggo pa lang ako sa trabaho pero hindi lang ako maaaring matanggal pero pwede pa akong makulong! Hindi maipaliwanag ang naramdaman ko noon. Buti na lang ay nandoon ang katrabaho at boss ko na nagpakalma sa akin. #4 Interpreter at Tour Guide (¥20,000++/day) Pro: One time big time; Explore new places Con: 2-3 times every year; schedule is not fixed
Ang trabahong ito naman ay sideline ko habang nagtatrabaho ako sa sales/newspaper. Madalas ang trabahong ito ay nanggagaling sa shoukai ng mga kakilala at kaibigan na matagal na rin dito sa Japan. Hindi tulad ng ibang baito, wala itong interbyu o pagsusulit na kailangang pagdaan. Binabase ang pagrekomenda sa iyo base sa pagkakakilala at tiwala bilang kaibigan. Ang maganda rito ay one time big time ang bayad dito. Sa karanasan ko, Y20,000 pataas ang isang araw ko sa pagiging interpreter o tour guide. Ang maganda pa nito, bayad lahat ng biyahe ko, pagkain at maging ang overtime. Sa pagiging tour guide, nakapasyal na ako, nagkaroon pa ako ng extra income. Biruin mo, nakapunta ako sa Edo Ninja Village, Hakone, Nikko, at Fujiten Snow Resort nang libre. Wala atang ganitong baito kahit sa ibang kumpanya. Sa kabilang banda, hindi basta-basta pasyal at pasarap ang ganitong part-time. Dapat ay mayroon kang sapat na kaalaman sa Nihongo, sa Japan at sa mga lugar na pinupuntahan niyo para masabing sulit ang binabayad nila sa iyo. Sa parte ko, dahil hindi naman ako propesyunal na tour guide, madalas kong ibahagi sa loob ng bus ang mga personal kong karanasan at obserbasyon bilang residente ng ilang taon. Ganun din sa pagiging isang interpreter, sa una pa lang sinasabi ko na na hindi pa ako native level kaya mayroong mga salita na maaaring hindi ko alam. Kadalasan naman ay naiiintindihan nila ito at sila rin mismo tumutulong para mas madaling magkaintindihan ang lahat.
#5 Nihongo Teacher (¥1,700/hr) Pro: Rare experience; One-on-one Con: Depends on your student
Isa ito sa hindi ko makakalimutang part-time ko. Sino ba naman ang mag-aakala na ang dating estudyante rin ng Nihongo na katulad ko ay maaaring magturo rin ng Nihongo? Nakita ko ang baito ito sa Internet, nag-apply ako, nag-exam, nag-interview at pinalad namang makapasa. Tinanggap ko ang trabahong ito dahil sa bagong karanasan at challenge na dala nito. Dalawang beses sa isang linggo, pumupunta ako sa eskwelahan ng isang kapapasok na Pinoy na Grade 1 sa isang Japanese public elementary school. Nabanggit sa akin sa interbyu na ang nagpopondo sa ganitong proyekto ay ang Tokyo government mismo para matulungan ang mga batang katulad ng tutee ko na makapag-adjust sa buhay dito sa Japan sa pamamagitan ng pagkatuto ng Nihongo. Sa kabuuan, wala namang naging problema sa role ko mismo pero ang naging mahirap sa akin ay ang pagma-manage sa aking tutee. Noong una ay nakikinig pa siya sa akin pero dumating ang punto na ayaw na niyang mag-aral at gusto na lang niya ay maglaro nang maglaro. Ang pinakahindi ko makalimutan sa baito na ito ay noong hinahabol ko siya sa buong klasrum hanggang sa umakyat siya sa bintana. Ang ginawa ko ay nag-ala-action star ako at tinalon ko talaga yung mesa para mahabol siya bago pa siya makaakyat nang mas mataas. Paano Maghanap ng Baito na Angkop sa Iyo?
Una, mahalaga na interesado ka sa baito na papasukin mo. Normal sa atin na motibasyon ang kita sa pagta-trabaho pero alam naman natin na hindi tayo magtatagal sa trabaho kung ito lang ang motibasyon natin. Kung hilig mo ang makakilala ng maraming tao at makapagsilbi sa kanila, marahil ay para sa iyong ang service industry. Nakakalungkot nga lang at hindi ko nasubukang magtrabaho sa konbini o izakaya dito sa Japan. Pangalawa, dapat kaugnay ng papasukin mong part-time sa pangkalahatang plano mo para sa iyong karera. Kung sa hinaharap ay plano mong pumasok sa industriya ng manufacturing bilang full-time worker, maganda siguro na ang baito mo ay kaugnay rin ng ganitong field. Kung hindi ka pa sigurado kung ano ang iyong gagawin pero desidido ka nang magtrabaho dito sa Japan, marahil ay magpokus ka sa mga trabaho na makakapag-improve ng Nihongo mo. Dito sa Japan, kahit anong trabaho pa ang hanap mo, madalas ay tatanungin at tatanungin ka tungkol sa Japanese level mo. Sana ay nakatulong ang aking karanasan sa mga nasubukan kong baito para sa mga kadarating lang dito sa Japan at planong maghanap ng baito at maging sa mga matagal nang nagba-baito rito. Marahil, ang payo ko lang sa lahat ay kahit ano pa man ang baito mo, kung seseryosohin mo at pagbubutihin mo ang pagtatrabaho mo, hindi ka lang kikita kundi marami ka ring mababaon na kaalaman, aral ng buhay, at bagong kaibigan.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
DECEMBER 2017
18
18
KONTRIBUSYON / ANUNSYO
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
IDE ANG HISPTERoGdUng SA panono
Denver Nuggets
TEAMS: EDITION
N
Larong Kalye
MELBERT TIZON | MBTIZON@GMAIL.COM
oong nakaraang taon, nagsulat ako tungkol sa mga teams na dapat niyong sundan bago magsimula ang taon. Binanggit ko ang mga up and coming teams na marahil ay hindi pa na babanggit sa cooler talks sa mga opisina ninyo. Kumbaga, ito iyong mga NBA teams na hindi sikat, mga hipster lang ang nanonood sa kanila. Narito ang mga teams na susundan ng mga hipsters. Ngayon taon, bigyang pansin rin natin ang mga interesanteng manlalaro sa mga koponan na ito.
Milwaukee bucks giannis. giannis. giannis.
Balang araw, mapupuno ang mga kuwarto sa all male dorms ng mga poster ni Antetokoumpo. Darating din ang panahon na lahat ng lalaki sa mga Christmas parties sa eskuwelahan any nakasuot ng signature shoes niya. Hindi na talaga mapipigilan ang pagangat ni Giannis bilang pinakamagaling na NBA player. Habang tumatagal ay lalo lang siyang gumagaling. Akala natin noon, kailangan nyang matuto tumira sa labas para dumomina. Pero hindi na pala kailangan. Sa haba ng mga biyas niya, kayang kaya niyang idakdak sa ibabaw ng mga manlalaro ang bola kahit gaano pa ito kalayo sa ring. Ito at ang iba pa niyang naghahabaang kakampi na sina Middleton, Snell, at Maker ang magdadala sa Bucks sa Finals baling araw.
Kung hindi mo pa nakikilala si Nikola Jokic, kailangan mo nang panoorin ang highlights niya sa Youtube. Sige. Hihintayin kita. Tapos na? Hindi pa tayo nakakakita ng atletang katulad ni Jokic. Malaking tao pero parang Steve Nash ang kakayahang pumasa. Kailan lang natutong maglaro ng basketball si Jokic at ganito na agad siya kagaling. Hindi malayong maging isa sa pinakamagaling na sentro si Jokic kung magpapalakas pa siya ng katawa.
New York Knicks
Madalas ibinabanggit ang salitang unicorn kapag tinutukoy ang mga players na seven footers pero kasing liksi at galing nga mga gwardya sa liga. Isa na dito si Kristaps Porzingis. 7’3” ang height niya ngunit parang pang shooting guard ang laro. Maliksi siya at magaling sa depensa. Matagal nang walang matinong star player ang New York. Sana naman wag madiskaril ang karera ni KP dahil sa injuries.
NBA Future Rookies Marvin Bagley. Luka Doncic. Mo Bamba. DeAndre Ayton. Michael Porter Jr. Panoorin mo ang highlights nila sa Youtube. Dali.
CLICK HERE TO WATCH HIGHLIGHTS
MO BAMBA
CLICK HERE TO WATCH HIGHLIGHTS
MICHAELPORTERJR.
CLICK HERE TO WATCH HIGHLIGHTS
DEANDRE AYTON
Hindi ka NBA fan kung hindi mo pa nagagamit ang salitang “unicorn” bilang deskripsyon ng isang NBA player. May mga ilan kasing manlalaro na may set of skills na napakabihira para sa isang basketball player. Parang unicorn: rare. Nakakita ka na ba ng unicorn sa totoong buhay.
CLICK HERE TO WATCH HIGHLIGHTS
LUKA DONCIC
CLICK HERE TO WATCH HIGHLIGHTS
MARVIN BAGLEY
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
DECEMBER 2017
19
BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY SPORTS
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
19
Philippine Team sa Muay Thai, 2nd place sa Int'l competition
ITINANGHAL NA SECOND PLACE overall ang Philippine Muay Thai team sa katatapos na 1st World Youth Martial Artis Masterships na isinagawa sa Jincheon, South Korea. Base sa ulat ng goodnewspilipinas.com, nakakuha ng 6 gold, 1 silver, at 2 bronze medals ang Philippine team. Pumangalawa ito sa South Korea na nasungkit ang 58 gold, 45 silver, at 39 bronze medals. Nanguna ang Pilipinas sa mga bansa mula sa Southeast Asia, na sinundan ng bansang Thailand. Tinatayang 600 mga atleta at 30 mga bansa ang naglabanlaban sa nasabing kumpetisyon na nagsimula pa noong unang linggo ng Nobyembre.
Boxing Legend, naniniwalang matatalo uli ni Horn si PacMan sa rematch
NAGPAHAYAG ang isang boxing legend na kababayan ni Jeff Horn hinggil sa kung sino ang magiging kampeon kung sakaling matutuloy ang rematch nina Manny Pacquiao at Horn. Naniniwala si Jeff Fenech na swerte na lamang daw kung matatalo ni Pacquiao si Horn. "Jeff showed him. He (Pacquiao) hit Jeff in the ninth and he was gone and Manny didn't have the energy to get out there and finish it off and Jeff Horn went out there and won the next round after nearly getting stomped," ika ni Fenech. Dagdag pa niya, hindi na raw panahon ni PacMan ngayon. "Although Manny's got the name and Manny's the legend, Manny's time is done and I knew that," ika niya. "When he has to fight the (Terence) Crawford's and so on, it's going to be much more difficult." Matatandaang, natalo ni Horn si Pacquiao, sa pamamagitan ng unanimous decision, sa kanilang huling laban sa isinagawa sa Australia.
Kauna-unahang Pinay Chess GM, layuning ipakilala ang chess sa mga kababaihan
Pinay, kampeon sa bowling World Cup title PANALO sa katatapos na bowling World Cup title ang isa Pilipina na si Krizziah Tabora. Tinalo ni Tabora ang Malaysian bowler na si Siti Satiya, 236-191, sa nasabing kumpetisyon na isinagawa sa Mexico. Ayon sa Pinay bowler, bata pa lang siya nang isinasama na siya ng kanyang ama na mag-bowling. Kuwento pa niya, hindi umano siya nagpokus sa iskor kundi sa tuluy-tuloy lang na paglalaro. Ilan sa mga nanalo sa parehas na kumpetisyon ay sina Paeng Nepomuceno, Bong Coo, Lita del Rosario, at CJ Suarez.
LAYUNIN UMANO ni first Pinay chess grand master Janelle Frayna na pukawin ang interes ng mga kabataang kababaihan sa larong chess. Ito umano ay para mas marami pang mga Pilipina ang susunod sa kanyang yapak sa mundo ng chess. Ayon kasi kay Frayna, base sa ulat ng bomboradyo.com, marami-rami daw ngayong mga kabataan ang nahuhumaling sa computer games sa halip na chess. Dagdag pa niya, mas maigi raw kung magsimula ang mga kabataan sa paglalaro ng chess at gawin nila itong priority dapat. Nalulungkot din umano siya na napapabayaan na ng mga babaeng chess players ang kanilang paglalaro sa nasabing sports bunsod ng kanilang mga trabaho.
Runner mula US, kampeon sa New York Marathon
MATAPOS ANG 40 TAON, muling napasakamay ng runner mula sa Amerika na si Shalane Flanagan ang kampeonato sa nakaraang New York Marathon. Nagawang maagaw ni Flanagan ang gold medal mula sa dating kampeon na si Mary Keitany mula sa Kenya. Siya ay nakapagtala ng unofficial time na 2 hours, 26 minutes at 53 seconds, ayon sa ulat ng bomboradyo.com. sa kabila ng katatapos na Halloween terror attack sa lugar, tinatayang 50,000 runners pa rin ang sumali sa nasabing marathon. Sinasabing dalawang milyon naman ang mga nanood sa nasabing kumpetisyon. "It takes a village to make a dream a reality. Thank you to my @bowermantc teammates and coaches," ika niya.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
DECEMBER 2017
20
20
HOROSCOPE / ANUNSYO
Aries Mar 21 - Abr. 20 Mayroong taong didikit sa iyo ngayong buwan na magdudulot sa iyo ng mga oportunidad. Lucky numbers at color: 7, 12, 29, at Blue. Taurus Abr. 21 - May. 21 Ang pagtitiwala mo sa sarili mo ang iyong susi para mas lalong magtagumpay. Lucky numbers and color: 14, 12, 2, at Brown. Gemini May. 22 - Hun. 21 Mukhang parang bulalakaw na darating sa iyo ang suwerte ngayong buwan. Huwag kalimutang i-share ito sa iba. Lucky numbers and color: 17, 15, 5, at Green.
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Cancer Hun. 22 - Hul. 22 Huwag mag-atubiling tanggapin ang tulong na ibibigay sa iyo ng mga taong gustong tumulong para hindi ka layuan ng swerte. Lucky numbers and color: 12, 14, 27, at Peach.
Libra Set. 24 - Okt. 23 Piliing maging masaya sa kabila ng mga darating na pagsubok, dahil dito ka susuwertehin. Lucky numbers at color: 16, 20, 22, at Violet.
Leo Hul. 23 - Ago. 22 Huwag puro ikaw na lang ang tutulong sa ibang tao. Hayaan mo namang matuto sila sa pagbabanat ng buto. Lucky numbers at color: 25, 27, 36, at Red.
Scorpio Okt. 24 - Nob. 22 Piliing mabuti ang taong pagkakatiwalaan mo, dahil maraming mga huwad na tao. Piliin ang may malinis na intensiyon. Lucky numbers at color: 10, 19, 24, at Pink.
Virgo Ago. 23 - Set. 23 Lumayo-layo ka muna. Isiping mabuti ang iyong desisyon bago umaksyon. Lucky numbers at color: 20, 21, 17, at Maroon.
Sagittarius Nob. 23 - Dis. 21 May taong babalik sa iyo na hindi mo aakalaing darating. Pagisipang mabuti ang iyong desisyon. Lucky numbers at color: 13, 19, 22, at Beige.
Capricorn Dis. 22 - Ene. 19 Sa puntong ito, isip ang pairalin at huwag ang damdamin. Lucky numbers at color: 18, 20, 2, at Green. Aquarius Ene. 20 - Feb. 19 May taong darating sa iyo na tila ba gabay mo sa buhay na hulog ng langit. Pakinggan siyang mabuti. Lucky numbers at color: 20, 21, 33, at Gold. Pisces Peb. 20 - Mar. 20 Mas lalong darating sa iyo ang buwenas kung piliin mong tumulong sa mga taong lumalapit sa iyo. Lucky numbers at color: 8, 6, 1, at White.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
DECEMBER 2017
BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ
21
Impormasyon ng Pilipino
Anim na Pilipinong actor, magiging parte ng cast ng "The Lion King" ANIM NA BATANG ARTISTA ang magiging parte ng pinakaunang international tour ng musical production na “The Lion King.” Si Juan Gabriel Tiongson, Julien Joshua Dolor at Pablo Palacpac ay magsasalitan sa pagganap ng batang Simba. Si Uma Martin, Sheena Bentoy at Felicity Napuli naman ang gaganap sa batang bersyon ni Nala. Ang production na ito ay ang unang sabak ng mga bata sa professional scene. Anim na buwan din na naghanap ang Disney ng mga batang actor na gaganap sa dalawang parte na ito. Gaganapin ang international tour sa ika-20 na anibersaryo ng “The Lion King” musical. Ang unang pagtanghal sa “The Lion King” ay ginanap noong 1998, apat na taon pagkatapos maipalabas ang orihinal na pelikula sa mga cinema. Sa Manila din ang unang stop ng “The Lion King.” Ito ay magaganap sa The Theatre at Solaire sa Manila sa Marso 2018. Bibisita din ang production sa South Africa, Taiwan, Singapore at South Korea.
Pia Wurtzbach, magsisilbing judge sa Miss Universe ISA ANG MISS UNIVERSE 2015 na si Pia Wurtzbach sa napiling magsisilbing host sa darating na 66th edition ng nasabing beauty pageant sa Nobyembre 26 o Nobyembre 27 sa Pilipinas. Bago ang opisyal na anunsiyo ng organisasyon, nabanggit na ng beauty queen na may special participation siya sa bagong edisyon ng Miss Universe. Ngayon, sino ang magiging host nito? Balik sa pagho-host si Steve Harvey. Siya rin ang host noong nanalo si Pia. Pambato sa nasabing timpalak si Rachel Peters na mula sa Bicol.
Magpe-perform din umano si Fergie, ang dating miyembro ng Black Eyed Peas.
Pabango ni Kim Kardashian, kumita ng $10 milyon sa isang araw lang
SA LOOB LANG NG ISANG ARAW, tinatayang $10 milyon na ang kinita ng perfume line ni Kim Kardashian. Ayon sa mga ulat, malaking bilang ng mga customers ni Kim ay ang mga online buyers. Sinasabing si Kim mismo ang namili ng amoy at gumawa ng packaging ng kanyang pabango. Kung sakali mang maubos ang kabuuang 300,000 na bote na ginawa, kikita ang reality star ng $14 milyon.
Coldplay, nakapagtala ng higit $500 milyon sa world Tour
NASA $525 MILYON na ang kinita ng bandang Coldplay sa kanilang paglilibot sa buong mundo upang mag-concert, ayon sa kanilang promoter. Nagsimula ang world tour ng nasabing English band na may pamagat na "A Head Full of Dreams" noong Marso ng nakaraang taon. Ang huli nilang concert ay isinagawa sa Buenos Aires. Laging punung-puno ng mga audience at nagkakaubusan ng tickets ang kanilang concert. Sa ngayon, pangatlo na ang nasabing banda sa may pinakamalaking kinita sa kanilang world tour. Nangunguna ang U2 at pumapangalawa naman ang Rolling Stone.
Mariah Carey, nagkaroon ng respiratory infection kaya kanselado ang show
KINANSELA kamakailan ang show ni Mariah Carey dahil nagkaroon siya ng respiratory infection na nagsimula lamang sa simpleng sipon. Nakansela ang kanyang Christmas show, halimbawa, sa Ontario, California nitong Nobyembre 17 dahil sa kanyang pagkakasakit. "You know there is nothing I love more than celebrating the holidays with my festive Christmas show, but I have to take my doctor's orders and rest until he says I can sing on stage," ika niya. Sa ngayon, 47 years old na ang nasabing pop artist na nagpasikat ng kantang "All I Want for Christmas Is You."
Joey de Leon binatikos ng nitezen dahil kanyang throwback photo
KAMAKALIAN, hindi nakaligtas sa mga netizens ang post ni Joey de Leon kung saan inilagay niya sa caption ang salitang "nalunod." Nagkataon kasing ipinost ito ni Joey sa araw na binigyan ng tribute ng It's Showtime hosts ang yumao nilang kasamahan na si Franco Hernandez. Namatay ang Hashtags member noong November 11, dahil sa pagkalunod. Sa naturang larawan ay makikita ang Eat Bulaga! host habang nakalutang sa Dead Sea. Caption ni Joey sa larawang ito: “Nuknukan ka na ng katangahan pag sa DEAD SEA nalunod ka pa!” Ilang netizens ang pumuna at bumatikos sa post na ito, tila hindi raw tama ang timing ng pagpu-post ng throwback photo ni Joey. Nagkataon din ay nagbigay ng tribute ang katapat na programa ng Eat Bulaga!, ang It's Showtime ng ABS-CBN, para sa namayapang Hashtags member na si Franco Hernandez. Namatay si Franco matapos malunod sa isang resort sa Davao Occidental noong November 11. Ayon sa ibang netizens na nakabasa ng post ni Joey, naging insensitibo ito dahil diumano sa paggamit ng salitang “nalunod” sa caption ng kanyang post. Sabi ng iba sana raw ay hindi itinaon ni Joey sa araw na iyon ang pag-post ng kanyang throwback photo. Maging ang ilang taga-It's Showtime ay nag-react dito,wala namang direktang pangalang binanggit, tila may sagot si Teddy Corpuz tungkol sa post ni Joey. Sabi ni Teddy sa kanyang tweet kahapon: “Sana binigay mo na lng muna sa amin ang maipagluksa ang kaibigan at kapatid namin, kahit isang araw lang. Kahit ngayon lang. "Nakakalungkot ka po. Ipapag pray po kita na gabayan ka ng puong Maykapal."
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
DECEMBER 2017
22
22
BALITANG SHOWBIZ
Pia, masaya sa tagumpay ng Pinay beauty queens sa int'l beauty pageants
TUWANG-TUWA umano si Pia Wurtzbach hinggil sa pagkakasungkit ng ilang mga Pinay beauty queens sa korona ng iba-ibang international beauty pageants. Matatandaang nakamit ni Wynwyn Marquez ang korona sa Reina Hispanoamericana 2017 sa Bolivia, samantalang nakoronahan din bilang Miss Earth 2017 si Karen Ibasco. Katunayan, talagang inabangan pa raw ni Pia si Wynwyn sa live streaming ng nasabing timpalak. Ayon pa kay Pia, patunay raw ito matatalino at magaganda ang mga Pilipina.
Winwyn Marquez, may mensahe para kay Mariel De Leon
KAMAKAILAN, naging kontrobersiyal ang hindi pagkakasama sa pangalan ni Miss International Philippines 2017 na si Mariel de Leon sa top 15 ng Miss International beauty pageant ngayon taon. Bagama't maraming mga nam-bash sa beauty queen, marami namang iba na proud pa rin sa kanya. Isa nga nga rito ang tinaguriang Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez. "You gave it your best, Mariel! We're proud of you," ika niya. "I know you enjoyed and learned so much in Japan. Congrats pa rin, my dear," dagdag pa niya.
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Angelika dela Cruz, cast sa isang horror-comedy movie TILA TULUY-TULOY ang swerte ni Angelika dela Cruz sa mundo ng showbiz. Ito'y sapagkat kasama siya sa mga casts ng APT Entertainment / M-Zet Productions film na Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies na isang horrorcomedy film. Samantala, base sa ulat ng pahayagang Bulgar, wala umano siyang balak na tumakbo sa mas mataas pang posisyon sa pulitika. Aktibo kasi ang aktres sa public service sa Malabon City. Samantala, isa rin siya sa mga casts ng hit teleserye sa hapon ng GMA News, ang "Ika-6 na Utos."
Ilang bagong stars, pasok sa teleseryeng 'Ang Probinsyano'
MAY MGA BAGONG ARTISTA na naman na ipinasok sa hit teleserye sa ABS-CBN, ang "Ang Probinsiyano." Ilan sa mga ito ay sina Janno Gibbs, Angeline Quinto, Rico J. Puno, at Irma Adlawan. Mukhang positibo naman ang feedback sa kanila ng mga manonood. Ito'y sapagkat kakaiba ang dulot na saya ng mga nasabing artista, malayo sa palaging seryosong mga aktingan sa nasabing serye. Katunayan, ilang netizens ang mga nagbabanggit na inaabangan nila ang mga punchlines ng nasabing mga artista, lalo na sina Janno Gibbs at Rico J. Puno. Paniguradong maraming mga viewers na naman ang mahahatak ng nasabing show sa Dos.
Piolo Pascual, pansamantalang humahalili kay Lloydie sa 'Home Sweetie Home' HABANG WALA PA UMANO si John Lloyd Cruz, mukhang si Piolo Pascual muna ang kahalili ng aktor sa weekly show na "Home Sweetie Home" kasama si Toni Gonzaga. Nag-guest din kamakailan ang sexy komedyanteng si Rufa Mae Quinto. Tanong tuloy ng marami, kelan kaya babalik sa show si JL? Samantala, naging usap-usapan naman ang Instagram post ng aktres na si Roxanne Barcelo, kung saan kasama niya sa larawan ang aktor na si John Lloyd. Tanong ng netizens: Nakauwi na ba si John Lloyd sa bansa? Nasaan si Ellen? "Hindi ko napigilan magpapik kay lodi... nagblush nga akez... #lp" ika ng post ni Roxanne.
Pilita Corrales, may rebelesyon hinggil sa kanyang nakaraan
MARAMI ANG NAGULANTANG sa rebelasyon kamakailan ng tinaguriang Asia's Queen of Songs na si Pilita Corales sa show na "Tonight With Boy Abunda." Ika niya, dumaan siya sa isang abusive na relasyon nang pinili niyang sumama sa taong minahal niya. Ngunit, aniya, isa raw itong malaking pagkakamali ng kanyang nakaraan. "That's when the suffering started," ika niya, at mahirap daw niya itong tinakasan. Saka lang daw umano siya nagising sa katotohanan nang mabasa niya ang sulat ng asawa ng dati niyang kinakasama na pinauuwi na ang kanyang partner sa Pilipinas. Samantala, marami namang mga netizens ang bumilib sa nasabing singer.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
DECEMBER 2017
23
BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Rachel Peters, nangunguna sa Facebook Poll para sa Miss Universe 2017
NANGUNGUNA NGAYON sa isinagawang Facebook poll ng Miss Universe 2017 ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters. Habang sinusulat ang balitang ito, halos 300,000 na ang likes ng larawan ni Peters na nakapost sa Miss Universe Facebook page kasama ng larawan ng iba pang mga contestants. Mukhang isa rin sa mga paborito ng netizens sina Miss Thailand Maria Poonlertlarp, Miss Mexico Denisse Franco, at Miss Colombia Laura Gonzalez. Isasagawa ang nasabing beauty pageant sa The Axis auditorium sa Planet Hollywood, Nevada, United States. Samantala, isa naman sa mga magiging judges sa nasabing pageant si Pia Wurtzbach, ang Miss Universe 2015.
Mariel de Leon, may mensahe sa mga taong namba-bash sa kanya
ISA SI MARIEL DE LEON, naging pambato ng Pilipinas sa Miss International 2017, sa mga paborito ngayong i-bash ng maraming netizens, partikular na ng mga Duterte supporters. Ito'y dahil sa mga maaanghang na mga salitang binitawan ng beauty queen nitong mga nakaraang buwan kontra sa administrasyon, partikular na sa "war on drugs" ni Pangulong Duterte. Kaya naman, noong hindi siya napasama sa top 15 ng nasabing beauty pageant, marami ang nam-bash sa kanya. Ito naman ang sagot ng beauty queen sa mga natutuwa sa kanya umanong pagkatalo: "If another person's 'misfortune' pleases you, it just shows how insecure and unhappy you are with your life. It's okay, maybe one day you'll be truly happy? I'm sending you good vibes and prayers!"
Miss Indonesia, bagong Miss International 2017
BAGAMA'T HINDI NANALO ang pambato ng Pilipinas na si Mariel de Leon, itinanghal namang Miss International 2017 ang isa pang pambato ng Asia na si Miss IndonesiaKevin Lilliana. Samantala, nasungkit naman ni Miss Curacao ang first runner-up, Miss Venezuela ang second runner-up, Miss Australia ang third runner-up, at Japan naman ang fourth runner-up. Naririto naman ang ilang nagkamit ng special awards sa nasabing beauty pageant: Japan (bilang Miss National Costume) Australia (bilang Miss Perfect Body) Indonesia (bilang Miss Best Dresser)
Sylvester Stallone, inakusahang nang-rape INAKUSAHAN KAMAKAILAN ang aktor na si Sylvester Stallone ng pangmo-molestiya sa isang tinedyer. Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, base sa police report, inaakusahan si Stallone ng pangmo-molestiya sa isang 16 years old na babae. Naganap umano ito noon pang 1986 sa Las Vegas, kung saan pinilit umanong makipagtalik ng aktor sa babae sa isang kuwarto. Pilit din umanong ipinasubo ng bodyguard ng aktor ang ari nito sa babae. Base naman sa kampo ni Stallone, wala umanong katotohanan at imposible umano ang nasabing akusasyon.
23
Tweet ni Idol Kumusta mga Ka-Daloy? Narito na naman tayo sa panibagong edisyon ng ating paboritong "Tweet ni Idol" para silipin ang kapiraso ng mga buhay-buhay ng ating mga "lodi" sa showbizness. Naririto ang mga tweets ng ating mga paboritong stars:
Tara!
( CLICK PHOTO TO FOLLOW THEM ON INSTAGRAM )
Donna Cruz (@donnacruzyl)
"Rest in Peace dear Isab! My heartfelt condolences to Isabel's family."
Gelli de Belen (@gellidebelen) "Dona @super_anice, Happy Birthday Sister! When you were a kid you wanted to be a Princess, you said one day when you are older you want to become a Doña, but in reality, ikaw ang naiisang #FlordeLuna. Love you Unnie!"
Chynna Ortaleza (@chynsortaleza) "Thank you Lord for Love, Family & Friends. Our first glimpse of what the Lord has prepared for us."
Ai Ai delas Alas (@msaiaidelasalas) "Teleserye ... soon ... TO GOD BE THE GLORY FOREVER"
Bruno Mars, Nanalong 'Artist of the Year' sa American Music Awards KAMAKAILAN tinanghal bilang big winner ang Grammy Award-winning Fil-Am singer na si Bruno Mars sa ginanap na American Music Awards (AMAs) sa Microsoft Theater sa Los Angeles. Ito’y matapos makuha ng “Just The Way You Are” hitmaker ang top prize na Artist of the Year award kung saan tinalo niya ang iba pang bigatin sa music industry gaya nina Ed Sheeran, Kendrick Lamar, Drake, at The Chainsmokers. Kabilang pa sa hit songs nito ang “Billionaire,” “The Lazy Song,” “When I Was Your Man,” “Uptown Funk”,” at iba pa. Pinay ang ina ni Bruno na si Bernadette San Pedro Bayot na nag-migrate sa Hawaii kung saan nakilala ang napang-asawang half Puerto Rican na si Pedrito Hernandez. Taong 2013 nang pumanaw si Bayot sa edad na 55 dahil sa brain aneurysm. Sa susunod na taon ay may dalawang araw na comeback concert niya sa Pilipinas ang 31-year-old half Pinoy singer. Taong 2014 nang huling beses magperform sa bansa si Bruno Mars o Peter Gene Hernandez sa tunay na buhay.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino