Daloy Kayumanggi January

Page 1

Inspiring Global Filipinos in Japan

Vol.5 Issue 71 January 2018

Murang cosmetics all made in Japan www.dk6868.net

TRAVEL BLOG SPECIAL EDITION

BALITANG SPORTS

BALITANG SHOWBIZ

Glenn Porras, wagi sa boxing title match sa Tagum City

Awesome Australia

It is quite unfortunate that I finally get to the first country on my list of places to go to since I was a kid, and they no longer stamp your passport.

Ellen at John, nakitang magkasama sa ospital para sa checkup

Nasungkit ni Glenn Porras ang bakanteng WBC Asia Boxing Council super bantamweight title sa laban na ginanap kamakailan sa UM Gym sa Tagum City.

Sundan sa Pahina 14 at 15

Usap-usapan sa social media ang isang larawan na nagpapakitang magkasama sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa isang ospital.

Sundan sa Pahina 19

Sundan sa Pahina 23

BI, gumagamit na ng biometrics sa Int'l Airport sa 'Pinas

S

a layuning mapigilan ang ilegal na pagpasok sa Pilipinas, gumagamit na ng biometrics-based system ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng international airports sa buong bansa. Tinatawag na border control information system (BCIS), ginagamit ito para iproseso ang lahat ng international passengers na pumapasok at lumalabas ng bansa. Ang sistema ay binubuo ng computers na may mga camera at finger-scanning device. Sundan sa Pahina 5

KONTRIBUSYON

USAPANG OFW ni KUYA ERWIN

Ang Bagong Taon ay Ay Bagong Simula ng Buhay

Makulay at masaya palagi ang pagpasok ng bagong taon. Kasi, ang bagong taon ay simbolo ng bagong simula. sundan sa Pahina 8

China, Japan at Singapore, tutulong sa renewable energy projects ng bansa

Nangako ang mga tiger economies ng Asya gaya ng China, Singapore at Japan na tutulong sila sa mga renewable energy projects ng Pilipinas. Ito ay matapos makita ng tatlong bansang ito ang patuloy na paglakas ng ekonomiya ng bansa na tiyak ay nangangailangan ng mas malaking demand para sa kuryente. Sundan sa Pahina 5

Marawi, bumabawi na -- AFP

TAMPOK

Adulting: 7 Issues Matured People Can Handle

Isa sa bagong termino na nauuso sa henerasyon ko ngayon o ng mga millenials ay ang “adulting.”

sundan sa Pahina 16

TOKYO BOY PRO

5 Important skills to develop this 2018 Madalas sa pagsisimula ng bagong taon, lahat ay punongpuno ng pag-asa at motibasyon. Pag-asa para sa pamilya at bayan, at motibasyon para sa trabaho o pag-aaral.

sundan sa Pahina 17

Kumpiyansa si Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Major General Restituto Padilla, Jr. na babalik na sa dating sigla ang Marawi City sa pag-usad ng rehabilitasyon at mga clearing operations nito. Idinagdag pa ng spokesperson na siyam na barangay na ang pwede nang balikan ng mga lumikas na residente. Sundan sa Pahina 3

KA-DALOY OF THE MONTH Estudyanteng mula Leyte, kampeon sa Global Science Competition

Isang Pinay student na mula sa Leyte ang nanalo ng third annual Breakthrough Junior Challenge (BC) Prize na nilahukan ng 11,000 mga mag-aaral mula pa sa 178 na mga bansa. Si Hillary Diane Andales, 18 taong-gulang mula sa Philippine Science High School (PSHS) Eastern Visayas Campus sa Palo, Leyte, ay nagkamit ng Php 20 million para sa kanya at sa kanyang guro at eskwelahan.

Sundan sa Pahina 7

BALITANG LOCAL

Pangulong Duterte, Malaki ang suporta sa DOST at 'Balik Scientist' program Malaki ang suporta ang nakukuha ng Department of Science and Technology (DOST) mula sa pamamahala ng Pangulong Rodrigo Duterte hindi lang dahil sa mas malaking budget, kundi sa suporta ng Pangulo para sa programang "Balik Scientist." Nais ng pangulo na magkaroon ng "Balik Scientist Law" na may layuning palakasin ang teknolohiya at agham ng bansa, sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga scientists at sa mga pangangailangan nila. Sundan sa Pahina 2

BALITANG GLOBAL

Turismo, magiging malaking parte ng ekonomiya ng Pilipinas

Suportahan ang Pagbangon ng Marawi Hindi maikakailang malaki ang naging epekto ng pagsiklab ng bakbakan sa Marawi -- hindi lamang sa pisikal nakaayusan ng lugar kundi mas lalo na sa mga sikolohikal na aspeto ng mga mamamayang direktang naapektuhan. Dahil dito, sadyang nangangailangan ng buong-pusong pagsuporta ang Marawi.

Sundan sa Pahina 6

BALITANG SHOWBIZ

Rachel Peters, malaki ang pasasalamat sa mga Pilipino Bagaman natalo, labis pa rin naman ang pasasalamat ng pambato ng Pilipinas sa nakaraang Miss Universe 2017 sa mga Pilipino nang siya ay sumabak sa nasabing kumpetisyon sa Las Vegas. Sundan sa Pahina 21

Ayon kay Guenter Taus, presidente ng European Chamber of Commerce of the Philippines, magiging malaking parte ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ang turismo. Pinuri niya ang Pilipinas dahil sa likas na yaman nito na natatagpuan mula sa tuktok ng mga bundok hanggang sa kaibuturan ng karagatan. Sabi niya, ito marahil ang dahilan kung bakit sikat ang bansa sa European business community dahil ito ay isang “tourism haven.” Hinimok niya rin ang pamahalaan na i-develop ang ibang mga destinasyon sa bansa lalo pa at masyadong focused ang mga tourism campaign sa mga karaniwang destinasyon gaya ng

Wedding video ni Anne at Erwan Heussaff, inilabas na

Ilang linggo matapos ang kanilang kasal sa New Zealand, nailabas na ang wedding video ni Anne Curtis at Erwan Heussaff. Nag-trend ang video sa social media dahil sa magagandang tanawin sa outdoor setting nito. Sundan sa Pahina 22 FB FAN PAGE

DIGITAL VERSION

ORDER WEBSITE

Sundan sa Pahina 4

D&K Co., Ltd. 〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

EDITORIAL

sundan sa Pahina 7

TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 URL: www.dk6868.net E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp or daloyjapan@gmail.com


Daloy Kayumanggi

JANUARY 2018

2

BALITANG LOCAL

Impormasyon ng Pilipino

LRT-1, magkakaroon ng mga bagong bagon

NILAGDAAN ang isang kasunduan para sa pagbili ng mga bagong bagon ng tren para sa LRT Line 1, na sa kasalukuyan ay tumatakbo mula Baclaran hanggang sa Roosevelt, sa Quezon City. Pinangunahan ito ng kalihim ng Department of Transportation (DOTr) na si Arthur Tugade at ng Mitsubishi Corporation Senior Vice President na si Tetsuji Nakagawa ang paglalagda. Sinaksihan din ito ng mga opisyales ng DOTr,

BFAR, ibinibida ang mga bagong barkong gawang 'Pinas

GAWA SA NAVOTAS at gawang Pinoy ang bagong mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ipineresenta kamakailan lang. Dalawang Multi-Mission Offshore Vessels (MMOV) ang binuo ng Josefa Slipway shipbuilders sa Navotas. Pinangalanang MMOV Lapu-Lapu at MMOV Francisco Dagohoy ang nasabing mga barko. Aprubado ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbigay ng pangalan ng mga bayaning nabanggit sa mga bagong barko. Ginabayan ng mga international monitors ang paggawa ng mga bagong barko upang sumunod sa mga nakatakdang pamantayan sa paggawa ng mga barko na kinikilala sa buong mundo. Nakatipid ang gobyerno dahil nasa halagang 250 milyong piso lang ang bawat isa nito, kung ikukumpara sa mga barkong gawa sa ibang bansa, na umaabot sa 750 milyong piso bawat isa. Isasabak agad ang mga bagong barko sa operasyon ng BFAR laban sa illegal fishing, pati na rin sa pagbantay ng mga karagatan ng Pilipinas.

Japan International Cooperation Agency (JICA), at mga kinatawan ng embahada ng Espanya at Japan. Inaasahang 12 bagon ng tren ang darating kasabay ng 12 kilometrong pagpapalawig ng daang bakal hanggang Bacoor, Cavite. Apat na dugtong ang mga bagon na darating at mas matipid patakbuhin. Kaya rin nitong magdala ng halos 1,388 na mananakay. Sa Espanya bubuuin ang mga bagon, sa pamumuno ng Mitsubishi Corp. Construcciones y Auxiliar de Ferrocarile. Ang unang apat na bagon ay inaasahang

darating sa Agosto 31, 2020, at ang kabuuan ay idedeliver bago matapos ang taong 2021. Sa susunod na taon inaasahang magsisimula ang konstruksyon para sa Cavite Extension ng LRT Line 1, at tinatarget na matapos ito sa loob ng termino ng Pangulong Duterte.

Construction ng Manila-Clark Railway, sisimulan na PORMAL NANG NILAGDAAN ang kontrata para sa construction supervision at tender assistance consultant ng PNR Clark Phase 1, ang TutubanMalolos line, sa Department of Transportation (DOTr) Central Office sa Clark, Pampanga. Sa paglagda ng kontrata, masisimulan na sa wakas ang konstruksyon sa unang 38 kilometro na daang-bakal ng Tutuban-Malolos segment na kalaunan ay mag-uugnay sa Maynila at New Clark City. Pangungunahan ang proyekto ng NSTren Consortium, ang inatasang tagapangasiwa ng konstruksyon ng daang-bakal. Inaasahang magsisimula na ang konstruksyon

Pangulong Duterte, malaki ang suporta sa DOST at 'Balik Scientist' program

Mula Pahina 1

Unang naging ganap na programa ang "Balik Scientist" noong 1975 upang akitin ang mga Pilipinong scientists na bumalik sa bansa at tulungang palakasin ang mga pambansang programa hinggil sa teknolohiya. May mga insentibong binibigay ang ahensya sa mga balik scientists, tulad ng daily allowance, honorarium at pamasahe sa eroplano na papunta at pabalik. Muli itong binuhay noong 2007.

Mga bagong doktor, engineer, guro produkto ng Negros Occidental Scholarship Program

MGA BAGONG HENERASYON ng mga doctor, engineer, at mga guro ang nakapagtapos dahil sa scholarship program ng Negros Occidental, ang Negros Occidental Scholarship Program (NOSP). Ayon sa pagpupulong ng Negros Association of Government Information Officers (NAGIOL), apat na doctor, base sa ulat ng pia.gov.ph, 10 inhinyero at 17 na guro ang nakapagtapos dahil sa scholarship. Tinatayang 200 na bagong iskolar ang tinatanggap ng programa bawat taon, na nagseserbisyo sa mga mararalita, kadalasan mga anak ng mga magsasaka, mangingisda at ibang mga manggagawa. Sa ngayon, nasa 455 ang bilang ng mga iskolar sa ilalim ng naturang programa. PHP 500,000 ang halaga ang nakalaang scholarship bawat taon sa bawat iskolar, na siyang binabayaran naman ng mga nakapagtapos kapag sila’y may sahod na. May mga pinapadala ding mga iskolar sa ibang bansa tulad ng Australia at Japan bilang paghahanda sa magiging trabaho nila.

ngayong Disyembre o Enero ng susunod na taon. Sa panayam sa kalihim ng DOTr na si Arthur Tugade, sinabi niya na desidido ang administrasyon na aksyunan at tapusin ang proyektong noon pa plinano, ngunit hindi nasimulan. Inaasahang matatapos ang bahagi ng Tutuban-Malolos sa 2020, at buong makukumpleto hanggang New Clark City sa taong 2022. Noong 2015 pa naaprubahan ang Manila-Clark Railway, o ang North-South Commuter Railway Project (NSCR) ng NEDA, at sa taong ding iyon, naaprubahan ang ODA funding na nagmumula sa bansang Japan.

Kamag-anak ni Andres Bonifacio, nanawagan ng pagkakaisa ng mga Pilipino

KAMAKAILAN sa paggunita ng Bonifacio Day, araw ng kapanganakan ng bayaning si Andres Bonifacio, nanawagan ang mga kamag-anak ng bayani at ng kanyang asawang si Gregoria de Jesus ng pagkakaisa ng mga Pilipino. Sa Bonifacio Shrine sa Taft Avenue nagtalumpati si Dominic Faustino, isang kamag-anak ni de Jesus, at si Susan Eslabon Distrito, kamag-anak naman ni Bonifacio, pagkatapos mag-alay ng bulaklak at magbigay-pugay sa watawat. Unang nanawagan ng pagkakaisa si Manila City Administrator Erickson Alcovendaz, na nagbahagi ng mensahe ni Manila Mayor Joseph Estrada, na hindi nakadalo dahil sa karamdaman. “Ang pagmamahal sa bayang sinilangan, pagiging tapat sa mga kasamahan at kaibigan, pagtaguyod sa mga tungkulin, at kahandaan sa pagsikap upang mabuo ang mga pangarap sa ating bansa. Ang lahat ng ito ay pamana ni Gat. Andres sa ating lahat. Sana’y wag nating kalimutan ang mga aral na kanyang iniwan sa atin.” Tila sumang-ayon ang mga kamag-anak ng bayani sa sinabi ni Estrada. “Katulad doon sa speech kanina, sana magkaroon ng unity ang (mga) Pilipino, huwag watakwatak para umunlad ang ating bansa," ika ni Faustino. “Ngayon marahil ang magandang pagkakataon na makita natin yung kasaysayan at magsilbing aral sa atin upang sa gayon magkaisa na tayo bilang isang bansa,” dagdag nito. Ganon din ang panawagan ni Distrito sa mga dumalo. “Dapat ganoon ang mangyari para gumanda ang ating bansa. Magsama-sama, magtulungan.”


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JANUARY 2018

BALITANG BALITANG GLOBAL GLOBAL PINOY PINOY

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

3

3

Pangulong Duterte, naglunsad ng 'pro-poor program' sa Davao NAGLUNSAD si Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan ng isang programang naglalayong tugunan ang kahirapan ng Pilipino, ang "Biyaya ng Pagbabago Tungo sa Masagana at Matiwasay na Buhay Pilipino." Ginanap ang paglulunsad sa Davao Freedom Park sa Davao City nitong Disyembre 9, ayon kay Office of Participatory Governance (OPG) Undersecretary oselito Libres. Si Leoncio Evasco, Jr. na cabinet secretary ang may-akda ng programa. Kaisa ang programang ito ng Philippine

Filipina star ng NBA Clippers Spirit Dance Crew NASUNGKIT ni Kyla Fajardo ang attensyon ng lifestyle headlines at filipino communities sa America ng sumayaw sya sa unahan ng LA Clippers Spirit Dance Team sa NBA Halftime presentation kamakailan. Buong Social Media Accounts ng Clippers Spirit Dance Team ay pinaulanan ng salamat at saya, tubong Carson City si Kyla at sya ang pina-kabata sa Dance Team.

Pinaglubugan ng WW2 Japanese warship Yamashiro, natagpuan

MATAPOS ANG ILANG DEKADANG paghahanap, natagpuan na rin sa ilalim ng Surigao Strait ang pinaglubugan at labi ng Japanese warship na Yamashiro. Natunton ang kinaroroonan ng pinaglubugan sa pamamagitan ng RV Petrel, isang research ship na pinondohan ni Paul Allen. Ang pinaglubugan ay may lalim na humigit-kumulang na 200 metro. Matatandaan na si Allen din ang nagpondo sa isang research ship, ang M/Y Octopus, na siya ring nakatuklas sa pinaglubugan ng isa pang Japanese warship, ang tanyag na barkong Musashi noong

Bagong limang piso, ilalabas na MASISILAYAN NA si Andres Bonifacio sa bagong limang pisong barya na ilalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ngayong Disyembre. Papalitan nito ang bayaning matagal nang nasa disenyo ng nasabing barya, si Emilio Aguinaldo, mula nang papel pa ang limang piso. Ayon sa BSP, pagbibigay-pugay umano ito sa bayani. Sa harap ng barya makikita ang anyo ni Andres Bonifacio. Sa likuran naman, ay ang Tayabak, isang uri ng halaman na endemic sa Pilipinas. Makikita din dito ang bagong logo ng BSP na nakikita na rin sa bagong mga salapi ng Pilipinas. Ang mga ibang barya ng Pilipinas ay inaasahang babaguhin din sa Enero sa susunod na taon.

Development Plan 2017-2022 na naglalayong mabawasan ang antas ng kahirapan mula 21.6% hanggang 14%. Layunin din nito ang himukin ang mga tao sa pagiging aktibo sa paglutas ng mga problema sa bansa.

Nagpasalamat naman si Kyla sa mga suporta ng Pinoy sa kanya sa America at hinding hindi nya makakalimutan ang kanyang heritage ayun sa kanyang facebook post. Marso ng taong 2015. Kasalukuyang pinag-aaralan pa ng research ship gamit ng kanilang umanned exploration units ang barkong lumubog, na ayon sa nakuhang video, ay tumaob nang ito’y lumubog. Isa ang barkong Yamashiro sa pitong barko ng bansang Hapon noong ikalawang digmaang pangdaigdig na pinangunahan ni Vice Admiral Shoji Nishimura, na naglayong lusubin ang pwersa ng Estados Unidos na noon ay tumutulong sa Pilipinas na labanan ang mga Hapones. Ang labanang ito ay binansagang Battle of Surigao Strait na ginugunita sa Surigao City tuwing ika-25 ng Oktubre.

Cacao na gawa sa Pilipinas, naaayon sa ASEAN standards

IBINIDA KAMAKAILAN ng Industrial Technology Development Institute (ITDI) ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga makabagong teknolohiya at kagamitan upang umayon sa ASEAN standards ang mga ginagawang cacao products sa Pilipinas sa ginanap na DOST-ITDI Technology Offering Series sa tanggapan ng DOST sa Taguig City. Layunin ng mga bagong teknolohiya ang tulungan ang mga negosyante sa bansa na pagandahin at itaas ang antas ng kalidad ng kanilang produktong mula sa cacao, gaya ng tsokolate, tablea at iba pa, at maibenta ang mga produkto sa mas murang halaga. Ayon sa DOST-ITDI’s Food Processing Division supervisor na si Ma. Dolor L. Villaseñor, kayang bawasan ang acidity ng cacao ng kanilang makabagong teknolohiya, at pababain ang production costs ng mga kumpanya dahil sa teknolohiyang ito. Mayroon ding cacao bean roaster ang DOST na mas mura at mas maraming features, kung ikukumpara sa mga imported na roaster. Kayang buuin ang roaster sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga lisensyadong manufacturers ng ahensya. Maaaring makipag-ugnayan sa DOST-ITDI ang sinumang interesado sa teknolohiyang ito.

Marawi, bumabawi na -- AFP KUMPIYANSA si Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Major General Restituto Padilla, Jr. na babalik na sa dating sigla ang Marawi City sa pag-usad ng rehabilitasyon at mga clearing operations nito. Idinagdag pa ng spokesperson na siyam na barangay na ang pwede nang balikan ng mga lumikas na residente. Sampung karagdagang barangay ang inaasahang mababalikan na rin ng mga residente, habang sinusulat ang balitang ito. Bukod sa AFP, ayon sa pia.gov. ph, magkatuwang ang lokal na pamahalaan ng Marawi City at ng Joint Task Force Bangon Marawi sa mga clearing operations na naglalayong naglalayong maalis ang lahat ng nakaambang panganib sa lugar, tulad ng mga pampasabog, mga patibong, at iba pa. May mga programa at aktibidad din na ginagawa ang lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga naapektuhan na residente. Inaasahan din ang karagdagang tulong sa mamayanan ng Marawi City sa gagawing Post-Conflict Needs Assessment (PCNA) at ang Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan (CRRP) ng Marawi City. Bukod ito sa tulong na ibinigay ng mga ibang bansa, tulad ng Japan, China, Estados Unidos, Australia, at ang mga lokal na pamahalaan ng Davao City at Taguig.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

JANUARY 2018

4 4

BALITANG GLOBAL

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Paglaki ng Exports ng bansa, aabot ng 7.5 percent INAASAHANG LALAGPAS sa 6.5 hanggang 7.5 percent ang kabuuang halaga ng exports papunta sa ibang bansa ngayong taon. Ayon sa Export Marketing Bureau ng Department of Trade and Industry, ang total export output ng Pilipinas para sa taon ay nasa $79.2 bilyon hanggang $80.1 bilyon para sa mga produkto at serbisyo. Isa sa mga dahilan kung bakit malakas ang export earnings ng bansa sa 2017 ay dahil sa magandang economic condition sa mga markets sa Estados Unidos at Europe. Nakatulong din ang pag-depreciate ng piso laban sa dolyar na nagdulot ng mas malaking bonus para sa atin. Lumalakas din ang trade sa pagitan ng Pilipinas at ibang bansa gaya ng China at Australia. Sa products sector, malakas ang mga produkto mula sa electronics at agrikultura sa mga bansa gaya ng Estados Unidos, Russia at Japan. Malakas pa rin ang kontribusyon ng IT-BPM sector sa export services na nagagawa ng bansa.

Babaeng Japanese na 81 Turismo, magiging malaking parte ng ekonomiya ng Pilipinas years old, gumawa ng Hinimok niya rin ang pamahalaan na i-deve- Batangas at naging parte ng kampanya upang itigil lop ang ibang mga destinasyon sa bansa lalo pa at ang mga mapaminsalang practice sa pangingisda App para sa mga Senior focused ang mga tourism campaign sa gaya ng cyanide fishing at dinamita. Citizens na kagaya niya masyadong mga karaniwang destinasyon gaya ng Boracay at Palawan. Base ito sa kanyang karanasan nang siya ay mahumaling sa dagat at dalampasigan ng bansa sa una niyang pagpunta rito sa Pilipinas noong dekada ’80. Naging aktibo siya sa komunidad ng Anilao sa

Gina Lopez, ginawaran ng 2017 Seacology Prize

SIYA SI MASAKAO WAKAMIYA ang 81 years old na babaeng taga Japan na naglabas ng kanyang first smartphone application. Ang game na na kayang ginawa ay ang Hinadan, ang iOS game na base sa tradisyonal na festival Hinamatsuri o Doll's Day na bginaganap tuwing Marso. Ayon kay Masako isang retired banker, nagtanong tanong sya at nakiusap sa mga tao na gumawa sila sa game para sa mga senior nitezens here sa Japan, ngunit walang nag-entertain sa kanyang request kaya siya ang gumawa kaya sya ang kaunaunahang babaeng makagawa ng ganitong bagay. Ayon kay Masako nagsimula siyang gumamit ng computer sa edad 60 kung saan hindi pa ganoong user friendly ang computers. Sumali siya sa isang "silver club" kung saan maaari siyang matuto mag internet. Para sa kanya tinatawag nya ang kanyang sarili na parang "technology evangelist" sumulat din sya ng kanyang sariling PC textbooks sa dahilan ang ibang mga naituro sa kanya ang sadyang boring at walang kinalaman. Hindi mo kailang maging proffessional kailangan mo lang maging creative para ma-achive mo ang gusto mong ma-achive. Sa ngayon si Masako ay nagtuturo ng computer classes at may sariling blogs both Japanese and English. Ang kanyang app ay nakuha ang attensyon ni Tim Cook CEO ng Apple at inimbitahan pa sya sa conference kamakailan lang.

Naging matagumpay si Gina Lopez na makuha ang 2017 Seacology Prize na ibinigay sa Berkeley, California. Si Lopez ang unang Pilipinong nakatanggap ng prestihiyosong parangal para sa mga kampeon ng mga island ecosystems at marine life. Ayon sa organisasyon na nagbigay ng parangal, kay Lopez ibinigay ang parangal dahil sa kanyang passion sa paglaban para sa kalikasan kahit may oposisyon ng mga pulitiko at malalaking kumpanya. Ito ay dahil sa kanyang polisiya na huwag pahintulutan ang open-pit mining na ginagawa ng maraming mga mining companies sa iba’t ibang parte ng bansa. Si Gina Lopez, na miyembro ng makapangyarihang angkan ng mga Lopez na may-ari ng ABS-CBN at MERALCO, ay naitalagang Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources ni Pangulong Rodrigo Duterte. Subalit, hindi siya nakapasa sa Commission on Appointments na binubuo ng mga miyembro ng Senado at Kongreso. Naging lider din siya ng Save Palawan Island movement bago siya naging DENR secretary.

Kalahating milyong turista, inaasahan sa Hundred Islands

Inaasahan na dodoble ang bilang ng mga turista na pupunta sa Hundred Islands National Park sa Pangasinan. Ito ay ayon sa estimate na ginawa ng Alaminos City Tourism Office dahil sa laging pag-feature sa tourist spot sa mga social media posts. Ayon sa tourism office, tinatayang aabot ng kalahating milyong turista ang estimated arrivals sa Hundred Islands National Park ngayong kasalukuyang taon. Ito ay lalo na sa Christmas dahil sa mataas na bakasyon ng mga turista mula sa ibang bansa gaya ng Estados Unidos, Japan at South Korea. Isa sa mga dahilan kung bakit binabalik-balikan ang Hundred Islands National Park ay dahil sa strategic na lokasyon nito sa Pangasinan. Ipinangako ng tourism office na ang mga bagong facilities na kanilang ginagawa sa national park ay hindi makakaapekto sa natural na kagandahan ng Hundred Islands. Mag-i-implement din sila ng boat rotation para sa mga boatmen upang maging epektibo ang paglinya ng mga turista.

Pelikulang "The Bomb," nag-uwi ng parangal mula sa Warsaw Film Festival

Matagumpay ang pelikulang “Bomba” na maiuwi ang isang major na tropeo sa Warsaw International Film Festival sa Poland. Nakuha ng “Bomba” ang Special Jury Award dahil sa pagganap nina Allen Dizon at Angellie Sanoy sa pelikula. Isa itong malaking achievement lalo na para kay Sanoy dahil kakapasok lang niya sa industriya. Si Dizon naman ay beterano na sa pagtanggap ng mga awards sa mga international film festivals. Ang ibang mga major prizes sa Warsaw International Film Festival ay naiuwi ng mga pelikula mula sa China at France. Una nang naging kontrobersyal ang “Bomba” nang ito ay gawaran ng X na rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Buti na lang at ibinaba ito sa R-13 sa pangalawang review ng MTRCB. Ang “Bomba” ay ginawa ng director na si Ralston Jover. Ang pelikula ay tungkol sa isang hearing impaired na manggagawa na ginampanan ni Dizon.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JANUARY 2018

BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY LOCAL

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

5

5

BI, gumagamit na ng biometrics sa Int'l Airport sa 'Pinas SA LAYUNING mapigilan ang ilegal na pagpasok sa Pilipinas, gumagamit na ng biometrics-based system ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng international airports sa buong bansa. Tinatawag na border control information system (BCIS), ginagamit ito para iproseso ang lahat ng international passengers na pumapasok at lumalabas ng bansa. Ang sistema ay binubuo ng computers na may mga camera at finger-scanning device. “Each time a passenger’s face is captured

by camera and his fingers scanned, the results are automatically cross-matched with the passport image and images in the BI database where personal details of persons with derogatory records are stored," ika ni BI Commissioner Jaime Morente. “A major feature of this new system is that aside from speeding up the processing time for passengers, it is also capable of detecting attempts by undesirable aliens, such as wanted fugitives and terrorists, to enter the country even if they come in as impostors or in dis-

guise,” dagdag niya, ayon sa ulat ng pna.gov. ph. Dagdag pa ng BI, sa pamamagitan ng sistemang ito, maiiwasan ang paggamit ng mga tinatawag na "fraudulent travel documents."

China, Japan at Singapore, tutulong sa renewable projects ng bansa Mula pahina 1

Nangako, halimbawa, ang Singapore na gagawa ng mga initiatives upang ma-develop ang backbone para sa renewable energy proects sa lahat ng panig ng bansa. Marami nang naiisip ang dalawang bansa kung paano ang magiging mukha ng mga initiatives na ito, gaya ng e-vehicles, waste-to-energy, at solar energy production. Nakikita din na posibleng pagkunan ng energy ang natural gas reserves ng bansa gaya ng Malampaya. Puwede din na mag-import ng liquified

Metro ng tricycle na katulad ng taxi, naimbento

ISANG ESTUDYANTE ng Western Mindanao State University (WMSU) ang nakaimbento ng isang metro na pwedeng ilagay sa mga tricycle upang tugunan ang madalas na problema ng labis na pagsingil ng pamasahe nito. Ang nakaimbento ng metro ay si Florentino Aguilar, isang Computer Engineering student ng naturang pamantasan. Hinango niya ang disenyo

Palasyo, Christmas gift ang Tax Reform Package Law sa mga Pinoy

natural gas mula sa ibang katabing bansa. Sa kasalukuyan, nasa tantiya ng Department of Energy na may apat na milyong kabahayan sa Pilipinas ang wala pang kuryente.

ng metro sa ginagamit ng mga taxi. May kakayahang sukatin ng metro na sukatin ang distansiya na binyahe ng tricycle na siya namang ikakalkula base sa fare matrix ng tricycles. Layunin ng metro na ayusin ang sistema ng singilan ng pamasahe sa tricycle na madalas ireklamo ng mga sumasakay dahil sa overpricing. Nagustuhan ng mga kasapi ng city council ng Zamboanga City ang imbensyon ni Aguilar at nagbigay naman ng mungkahi ang mga ito para mas lalo pang mapaganda ang imbensiyon.

“This is the administration’s biggest Christmas gift to the Filipino people, as 99 percent of the taxpayers would benefit on the simpler, clearer and more efficient tax system." Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino. Hinggil ito sa bagong pirmang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN). Ito umano ang pinakamalaking pamasko ng administrasyong Duterte sa mga Pilipino.

Bukod sa mas efficient at malinaw ang tax system na ito, tinatayang 99 percent umano ang makikinabang dito. Isa sa pinakamahalagang probisyon ng TRAIN ay ang pagkakalibre sa pagbabayad ng buwis simula Enero 2018 ng mga manggagawang may sahod na hindi tataas sa P250,000 kada taon.

ANIM NA MGA KUMPANYANG PINOY ang napabilang sa listahan ng pinakagagandang employers sa buong mundo. Nanguna sa anim na Filipino na kumpanya sa listahan ng World’s Best Employers ang Ayala Corporation. Ang kumpanya ng impluwensiyal na pamilyang Zobel de Ayala ay nasa ika-18 ranko. Ang iba pang mga Pilipino na kumpanya na napabilang sa listahan ay ang BDO Unibank (#117), Metropolitan Bank & Trust o Metrobank (#184), Aboitiz Equity Ventures (#320), Manila Electric (#321) at SM Investments (#448).

Ang lahat ng mga kumpanya na nakasali sa listahan ay may kabuuang halaga ng revenue na aabot sa US$ 35.3 trillion. Humigi’t kumulang 36,000 na global recommendations ang ibinilang upang mabuo ang listahan. Ang World’s Best Employers ay isa sa mga listahan na ginagawa ng Forbes Magazine kada taon. Ito ay base sa rating ng mga employee kung ang kumpanya ay kanila bang imumungkahi sa isang kaibigan o kapamilya. Binigyan din sila ng option na magmungkahi ng iba pang kumpanya sa kanilang mga bansa na puwedeng pagtrabahuan.

Anim na Pilipinong kumpanya, napasali sa listahan ng mga best employers

Rebolto ng mga elepanteng itinayo ng Thailand sa Baguio, ipinakita na sa publiko

KAMAKAILAN lang ipinakita na sa publiko ang limang rebolto ng "life size" na elepante sa Botanical Garden, Baguio City. Kasabay ito ng pagdiriwang sa ika-70 anibesaryo ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Thailand. Ang mga rebolto ay may taas na limang talampakan na nagsisimbolo sa magagandang samahan ng dalawang bansa.

Ayon sa mga opisiyal ng lungsod ng Baguio, ang mga rebolto ay ginawa ng mga Thai sculptors sa loob ng apat na buwan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng isang kompanya ng semento sa Thailand. Sinaad ng Thailand Ambasador ng Pilipinas na si Thanatip Upatising na naghanda sila sa loob ng 22 buwan para sa pagtatayo sa mga nasabing rebolto ng elepante. Aniya, ang bawat elepante ay sumisimbolo sa mga katangian ng lunsod ng Baguio. Ipinaliwanag niya na limang elepante ang itinayo ng Thailand sa Baguio City dahil itinuturing ang lima bilang "lucky number" sa Thailand.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

JANUARY 2018

6

6

EDITORIAL

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

CLICK HERE TO WATCH VIDEOS REGARDING THIS EDITORIAL

Daloy Kayumanggi

Inspiring Global Filipinos in Japan

Publisher: D&K Company Ltd Editor: Jagger Aziz Art Editor and Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@gmail.com 0906-511-8111 090-6025-6962 Sales and Marketing: Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists & Contributors: Aries Lucea (arieslucia@daloykayumanggi.com) Hoshi Laurence Gonzales (Hitokirihoshi@gmail.com) Erwin Brunio (ebrunio@gmail.com) Mario Rico Florendo (Facebook: mario.florendo) Martin Paul Sabinet Henderson (hendersonmartinpaul@yahoo.com) Melbert Tizon (mbtizon@gmail.com) Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.dk6868.net  www.facebook.com/daloykayumanggi

editor`s note LOREEN DAVE CALPITO

Suportahan ang Pagbangon ng

H

MARAWI

indi maikakailang malaki ang naging epekto ng pagsiklab ng bakbakan sa Marawi -- hindi lamang sa pisikal na kaayusan ng lugar kundi mas lalo na sa mga sikolohikal na aspeto ng mga mamamayang direktang naapektuhan. Dahil dito, sadyang nangangailangan ng buong-pusong pagsuporta ang Marawi. Naririto ang ilang mga pamamaraan para maalalayan ang mga mamamayan ng Marawi tungo sa mas mapayapa at matiwasay na pamumuhay. Pagiging "volunteer workers" Maraming mga Non-Government Organizations ang nakabase ngayon sa nasabing lugar nang sa gayon ay makapaghatid ng tulong sa mga tao roon. Isa sa mga paraan para makatulong sa nasabing mga organisasyon ay ang boluntaryong pagtulong sa iba't ibang mga aktibidad ng NGOs. Ilan sa mga ito ay ang pagre-repack ng mga pagkaing ipapamudmod sa mga residenteng naapektuhan. Pagbibigay ng mga donasyon Siyempre pa, lubhang nakatutulong din para sa mga mamamayan ng Marawi ang pagbibigay ng sari-saring donasyon -- mapa-pera man o iba pang mga bagay na makatutulong para bumalik

sa normal ang kanilang mga pamumuhay. Sa panahon ng pagbangon, bawat tulong ay napakahalaga -- walang maliit, walang malaki. Pagiging vigilante Hindi malayong manggugulong-muli ang mga teroristang umokupa ng matagal-tagal na panahon sa nasabing lugar. Kaya naman, mainam kung maging malay, lalung-lalo na ang mga mamamayang naapektuhan, hinggil sa mga senyales ng muli na namang pagsakop ng mga ito sa lugar. Ilan lamang ang mga nabanggit sa itaas sa mga pamamaraan para makatulong sa muling pagbangon ng Marawi.

Sa pamamagitan ng pakikiisa at pagsuporta sa mga organisasyong tumutulong sa pagbalik sa normal na buhay ng mga mamamayan ng naturang lugar, pihadong magiging tahimik at maaliwalas ang Marawi sa lalong madaling panahon.


Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JANUARY 2018

BALITANG KA-DALOY GLOBAL PINOY OF THE MONTH 7

Impormasyon ng Pilipino

ka-daloy of the month LOREEN DAVE CALPITO | DAVECALPITO529@GMAIL.COM

Estudyante mula Leyte, kampeon sa

Global Science Competition

I

sang Pinay student na mula sa Leyte ang nanalo ng third annual Breakthrough Junior Challenge (BC) Prize na nilahukan ng 11,000 mga mag-aaral mula pa sa 178 na mga bansa. Si Hillary Diane Andales, 18 taonggulang mula sa Philippine Science High School (PSHS) Eastern Visayas Campus sa Palo, Leyte, ay nagkamit ng Php 20 million para sa kanya at sa kanyang guro at eskwelahan. Personal na tinanggap ni Andales ang nasabing premyo at award sa Ames Research Center sa NASA sa California. Gumawa si Andales ng isang video na nagpapaliwanag sa Relativity and Equivalence of Reference Frames sa paraang mas naiintindihan ng karaniwang tao, bagay na nagdulot sa kanya ng tagumpay. Ayon sa ulat ng pna.gov.ph, nakatanggap siya ng USD250,000 post-secondary scholarship. Nakatanggap naman ang kanyang gurong si Xacier Francis delos Reyes

ng USD50,000 at ang kanyang eskwelahan ay nabigyan ng USD100,000 Breakthrough Science Lab.

"I've always looked up to two kind of stars, those who shine at night, enchanting my mind about the universe, and those that shine before me now- these amazing scientists inspiring me with their genius and tenacity to pursue the truth," ika ni Andales.

Ang pagpili sa nanalo sa kumpetisyon ay base sa ilang criteria: Creativity, Difficulty, Engagement, at Illumination. Ito na umano ang ikalawang beses ni Andales na sumali sa nasabing kumpetisyon. Tunay ngang isa siyang "pride" ng ating bansa.

Tunay nga, si Hillary Diane Andales ay isang modelo para sa nakararami. Siya ang ating Ka-Daloy of the Month.


Daloy Kayumanggi

JANUARY 2018

8 8

KONTRIBUSYON

Impormasyon ng Pilipino

Ang Bagong Taon ay simula ng Bagong Buhay

M pinapangarap.

akulay at masaya palagi ang pagpasok ng bagong taon. Kasi, ang bagong taon ay simbolo ng bagong simula. Ang simula ng pagbabagong inaasamasam, ang muling pagbuo ng mga plano sa buhay, ang muling pag-tingin at pag-abot sa bituing iyong

usapang ofw ni kuya erwin

ERWIN BRUNIO #090-7428-5744 EMAIL: EBRUNIO@GMAIL.COM

“Insanity is doing the same thing over and over again but expecting different results.” Ang paulit ulit na paggawa ng parehong bagay, subalit naghahangad ng ibang resulta, ay isang kabaliwan. Ibig sabihin, kung ang isang plano ay paulit ulit na sa iyong New Year’s Resolution, baguhin ang estratehiya. Marahil hindi angkop ang iyong estratehiya para dito. Sumubok ng bago. Magtanong sa iba, magpatulong. Humanap ng mentor o coach. O kaya palitan na ang plano mismo. Baka naman kasi hindi nga bagay ito sa iyo. Baka panahon na para ito ay kalimutan, at magsimula ng bago. Mag-ranking sa mga plano at unahin ang mas higit na magkakaroon ng malaking resulta sa iyong buhay.

Ngayong bagong taon, bagong ikaw, bagong simula. At sana, itong simula ay bunga ng iyong masusing pag-aaral sa iyong nakaraan. Yoi otoshi wo omukae kudasai!

Subalit bago ka muling mangarap at magplano, kinakailangan mong balikan ang nakaraang taon. Kamusta naman ang iyong 2017? Kamusta din ang iyong New Year’s Resolution, o kaya ang iyong planong gawing pagbabago sa 2017? Ito ba ay naging mailap o masungit? O kaya naman ay puno ng tagumpay at kaligayahan? O wala lang, normal o regular na trabaho-bahay na kayod sa buhay? Ang taong di daw marunong lumingon sa pinanggalingan ay di makakarating sa paroroonan. Ganyan din ang pag-abot sa ating pangarap. Ang laging unang hakbang ay ang pagsusuri sa nakaraan. Alamin mo kung ano-ano ang mga plano na gumana. Ano ang hindi nagawa?At higit sa lahat, bakit hindi ito nagawa? Bago pa gumuhit ng panibagong plano, suriing mabuti ang mga dahilan dito. Maglaan talaga ng isang araw upang masusi ng mabuti. Tingnan ang mga plano na paulit ulit na lang na nagiging plano at hindi nagagawan ng aksyon. Kung may ginawa ka man na aksyon, ay wala namang resulta. Bakit ito patuloy na nagiging plano lamang? Ano ano ang ginawa mo subalit hindi nagresulta sa gusto mo?


Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JANUARY 2018

BALITANG GLOBAL PINOY TIPS

Impormasyon ng Pilipino

3 Mungkahi para gumaan ang pagkaitim ng mga labi ISA SA MGA NAKAKAINIS na parte ng pagpapaganda ay iyong nakikita mong ang itim ng labi mo kahit wala ka namang ginagawa. Bagama’t may ibang mga tao na ganito ang sitwasyon dahil sa paninigarilyo, karamihan sa may maiitim na labi ay natural lamang. Ang mga sumusunod na tips ay puwedeng gawin upang masolusyonan ito: Pahiran ng olive oil Isa sa mga pinakaimportanteng dapat gawin upang hindi masyadong maitim ang iyong labi ay exfoliation. Lagyan ng maliit na olive oil ang iyong lips para rito.

3 Paraan para maiwasan ang pamumuti ng buhok

HABANG IKAW AY TUMATANDA, normal lamang na magkaroon ng mga puting buhok. Pero minsan, nagsisimula nang lumabas ang mga puting buhok na ito kahit ikaw ay hindi pa lagpas ng 40 taong gulang. Ang mga sumusunod ay mga epektibong tips upang maiwasan ang pamumuti ng iyong buhok nang 'di oras: Matulog nang maaga Isa ang 'di pagtulog nang maaga sa mga dahilan ng pagdami ng puting buhok. Upang maiwasan ito, tiyakin na nakakatulog ng anim hanggang walong oras sa isang araw.

Ikuskos ang asukal Isa pang paraan upang mag-exfoliate ay ang pagkuskos ng asukal na may konting tubig sa labi. Iwasan ang maramihang pag-inom ng kape at alak Nakakatuyo ang kape at alak kapag palaging iniinom. Iwasan ang ito kung maaari.

Nakakatulong ang mga tips na ito lalo na tuwing tag-init kung saan mas exposed ang mga labi sa mga agents na puwedeng makapagpaitim dito.

Magpahid ng black tea sa buhok Ang mantsa ng black tea ay makakatulong upang maibalik ang pagkaitim ng buhok. Mag-mix ng coconut oil at lemon juice I-mix ang coconut oil at lemon juice at ipahid sa buhok upang maibalik nito ang sigla. Maraming paraan ang puwede mong pagpilian para maiwasan ang pamumuti ng buhok. Hindi mo kailangang gumastos nang malaki para magawa ito.

3 Paraan para maiwasan ang Cancer

Ang cancer na marahil ang isa sa mga Contains High Concentration, pinakakaraniwang sakit ng mga taong High purity, low molecular namamatay sa mga pelikula at palabas collagen 160,000mg sa telebisyon. Ito ay repleksyon lang 410ml, Made in Japan, din ng tumataas na bilang ng mga ta15ml per day ong nagkakaroon ng sakit na ito. Ang about 1 month usage mga sumusunod na paraan ay puwedeng gawin upang hindi magkaroon ng cancer: Huwag manigarilyo Sabi nga sa kasabihan, kada hithit mo ng sigarilyo ay isang hakbang palapit sa iyong hukay. Ang paninigarilyo ay isa sa mga sanhi ng iba’t ibang uri ng cancer, lalo na sa baga.

Ugaliin ang pagkain ng mga prutas Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang palaging pagkain ng prutas at gulay ay isang malaking tulong sa pag-iwas sa cancer. Mag-exercise kada araw Ang pag-e-exercise kada araw ay isa sa mga paraan upang mawala ang toxins sa katawan. Maiiwasan lamang ang cancer kung may malusog na pamumuhay ang isang tao. Kung hindi, may panganib palagi na magkaroon ka ng sakit na ito.

Call us for PRice!

090-6025-6962

9

TOP 10 Benefits ng Natto Kinase NATTOKINASE IS A HEALTH supplement that is derived from a fermented soy product. Nattokinase is used as a natural remedy for a variety of circulatory conditions, fertility issues, and problems caused by inflammation. What Can Nattokinase Do for Me? 1. Lower Blood Pressure -- Nattokinase thins the blood and dissolves accumulated solids in it. Consequently blood pressure is lowered. 2. Reduce Pain -- Because of its anti-inflammatory effects, nattokinase has been used to help with pain from arthritis, including that of rheumatoid arthritis. Women with painful periods, especially if the pain is caused by fibroids or endometriosis, may find that their pain is reduced with a nattokinase supplement. 3. Dissolve Clots -- Because nattokinase is an enzyme, it can dissolve proteins like fibrin, which are a cause of clots and blockages in the blood in the first place. 4. Facilitate Brain Function -- Because nattokinase thins and cleans up the blood the resulting improved circulation improves oxygenation to the brain. This can reduce brain fog and may lower the risk of Alzheimer's disease. 5. Assist Vision -- Nattokinase have been used to treat cataracts and eye floaters because of its ability to dissolve proteins and fibers that are the cause of these eye issues. 6. Increase Fertility -- Fibroids and endometriosis are both chronic and painful conditions that can cause infertility. Nattokinase can be used in these conditions to help dissolve the fibroids and endometriosis. 7. Improve Libido -- Because nattokinase improves circulation as it thins bloods and breaks up congestion, it is helpful for low libido in men, especially when the low libido is caused by poor circulation. 8. Eliminate Migraines -- Migraines can have many causes. For those whose migraines are caused by thick blood and poor circulation, regular use of nattokinase can solve the root cause of migraines. 9. Relieve Edema -- A common theme edema is poor circulation. Because nattokinase improves circulation, a benefit of nattokinase is a reduction in edema. Clots in the legs (deep vein thrombosis) can also cause edema. Nattokinase addresses this cause of edema as well. 10. Heal Varicose Veins -- The blood thinning and oxygenating properties of nattokinase make it an appropriate remedy for varicose veins. Hemorrhoid sufferers will be glad to know that nattokinse works for hemorrhoids as well since hemorrhoids are a type of varicose vein.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

JANUARY 2018

10

10

PINOY KA BA?

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

It`s Joke Time!

****************************** Tanong: Anong isda ang dalawang ulit ang pangalan? Sagot: Ano pa eh di hasa-hasa, lapulapu, sapsap. Tanong: Eh isdang tatlong ulit ang pangalan? Sagot: Ano pa eh di 555!

****************************** Maraming uri ng tao sa mundo: may cute, maganda, mabait, matalino. Gayunpaman, talagang napakasuwerte ko dahil nakatagpo ako ng tulad mo. Mabait, mabait at higit sa lahat, mabait pa rin. ****************************** Pasyent: Okay ba ang services sa ospital na ito? Dok: Oo naman. Sigurado yun. Pasyente: Panu kung hindi ako satisfied? Dok: Ibabalik namin ang sakit mo.

****************************** Juan: Pare, ang bilis kong nabuo 'tong puzzle. Pedro Talaga? Gaano kabilis? Juan: 5 months! Pedro: Tagal naman! Juan Tagal ba 'yun? Nakalagay nga rito: "For 3 years and up." ****************************** Tatay: Kumusta ang pag-aaral mo? Anak: Nag-lesson at test po kami tungkol sa mga manok.

Tatay:: Madali lang ba? Anak: Chicken na chicken! Katunayan, itlog po nakuha ko! ****************************** Driver: Boy, iaatras ko itong dyip. Tingnan mo kung babangga. Boy: Sige, atras pa... atras pa... BLAG! OK, bangga na! ****************************** Juan: Sobrang tabatsoy ang misis ko kaya gusto niyang magbawas ng timbang. Nag-horseback riding siya. Pedro: Ano ang resulta? Juan: Nabawasan ng 10 kilos yung kabayo.

****************************** Boy: Nay! Muntik na akong maging top one sa klase! Nanay Ba't mo naman nasabi? Boy: Ini-announce kasi kanina yung top one sa klase. Ang tinuro yung katabi ko kaya muntik na ako! ****************************** Secretary: Sir, ano po ba ang ginagawa mong sticker na "Latang Pinoy? Boss: Ah, 'yan ba? Tinagalog ko lang yung dating slogan na "The Filipino can." ****************************** Mister: Kung gagawa ako ng pelikula, gusto ko ako si Zorro. Misis Eh, sino ako? Mister: Si Dacos!

Misis: Sino yun?? Mister: Dacos of all my zorro!

****************************** Juan: Araw-araw akong pinagsasabihan sa bahay na tamad daw ako. Kaya araw-araw ko ring pina-planong maglayas. Pedro: Oh, e bakit nandon ka pa rin? Juan: Tinatamad kasi ako e!

****************************** (Habang nananalamin si Misis) Misis: Mahal, ang tanda ko na, mataba at puro na kulubot ang balat. Mister: Hayaan mo na mahal, at least, malinaw pa ang mga mata mo!

****************************** Hindi ba may kasabihan na bawal isuot ang wedding gown bago ikasal dahil baka hindi ito matuloy? Eh kung subukan mo kaya ang school uniform? Baka hindi din matuloy ang klase! ****************************** Juan: Doktor, tulungan niyo ho ako, hindi ko naaalala ang mga sinasabi ko. Doktor: Kailan pa nagsimula ang problemang ito? Juan: Ano hong problema?

****************************** Pedro: Nawawala ang misis ko, ma'am! Teller: Sir, bangko ho ito at hindi police station! Pedro: Pasensiya na ho, sa sobrang tuwa ko ‘di ko alam kung kanino ko unang ike-kwento!

****************************** Use "bampira" in a sentence. “Pare, pautang nga! Meron ka bampira?�

****************************** Host: Anong "S" ang ginagamit para hindi ka malunod. Contestant: Sirena? Host: Hindi babae. Contestant: Syokoy? Host: Hindi lalaki! Contestant: Ah alam ko na... Syoke? ****************************** Pogi: Miss, may BF ka na ba? Babae: (Kinilig) Wala pa. Bakit? Pogi: Eh kasi gurl, daig pa kita. Ako meron na!

****************************** Mister: Pramis hon, hihiwalayan ko na lahat ng mga babae ko. Misis: Oh talaga hon? Mabuti naman. Ako rin, pramis din. Ang susunod na ipagbubuntis ko, ikaw na ang magiging ama.

******************************

TEACHER: (pointing to a deer in the zoo) Juan, what do you call that? JUAN: Ewan ko po, mam. TEACHER: What does your mom call your dad? JUAN: TARANTADO ba tawag diyan Ma'am? mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp

www.tumawa.com


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JANUARY 2018

Impormasyon ng Pilipino

Mga Kwentong

Makabuluhan

ni

MARTIN PAUL S. HENDERSON HENDERSONMARTINPAUL@YAHOO.COM

T

o k s a P SA LIKOD

NG REHAS

uwing araw ng kapaskuhan ay atin ng nakaugalian na tayong mga Pilipino ay mas gustong buo ang bawat miyembro ng ating tahanan maski pa ito ay isang bahay kubo,

nakapatay na? o ipagpalagay na nating ang karamihan sa kanila ay biktima lang ng bulok na sistema, kung saan ay umiikot lamang ang batas sa mga taong may pera, at ang walang pera? sila naman ang mga biktima,

Isang bilanggo na wala ng ibang dinarasal kundi makasama at mabuo ang pamilya tuwing araw ng pasko? Oo nagkasala ang ilan sa mga ito, pero wag sana nating kalilimutan na di lahat ng bilanggo ay nagkasalang totoo, Ang iba pumerma lang nakulong na, ang iba nadaanan lang ang isang taong patay

Masakit isipin at tanggapin na ang buhay ng isang tao ika nga ng iba ay malas malas lang, pero sana naman, ngayong darating na kapaskuhan ay hindi na madagdagan, ang mga taong magpapasko na walang kasalanan

Pero alam ba ninyo ang pakiramdam ng isang bilanggo na nagdiriwang ng araw ng pasko sa likod ng rehas? na tila nakalimutan na ng kanyang pamilya at tila isang masamang tao na wala ng karapatang magbago?

11

KONTRIBUSYON / ANUNSYO

Impormasyon ng Pilipino

Sa likod ng rehas ay sila sila ang nagbibigayan ng kanilang mapagsasaluhan, sila sila ang tila magkakapatid na nagyayakapan sa loob ng kanilang munting selda o tahanan, sila sila rin tuwing pasko ang sabay sabay na nananalangin at walang sawang tumatawag kay "Jesu Kristo."

11

sa loob ng bilangguan o ang mga taong kabilang sa malas ng lipunan, Kung minsan tuloy naisip ko, na hindi nagtatapos sa loob ng bilangguan ang pagbabayad ng kasalanan, dahil para kasi sa ilang bilanggo, ang bilangguan daw ay isang lugar na tila libingan ng mga taong buhay na minalas lamang sa buhay at hindi rin kailangang magbagong buhay.

TAWAG NA SA 090-6025-6962


JULY 2017

12

ANUNSYO

Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"



Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

JANUARY 2018

14 14

KOLUMN

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Slice of Mango. Slice of Life ARIES LUCEA

ARIESLUCEA@DALOYKAYUMANGGI.COM

I

CLICK HERE TO FOLLOW MY BLOG WWW.MYTB.ORG/ARIES-AND-RINKA

t is quite unfortunate that I finally get to the first country on my list of places to go to since I was a kid, and they no longer stamp your passport. I wanted that stamp, I wanted to go back to the immigration guy and tell him please give me a stamp, but then I also wanted to be pretend that I am seasoned traveler, which I am unfortunately not.

Well I was at Australia for work. Arrived on a Sunday in Melbourne, immediately rushed out of the city to the suburbs, went to the supermarket, Coles, which I believed should be on all tourism materials of this country, since I immensely enjoyed all my visits there. Then I checked in to my apartment hotel, and by apartment I mean, a detached, stand alone room in sprawling property surrounded by trees, chirping birds, strange bugs, a pond, a gazebo, wow so much space, sure am not in Japan anymore.

I was on a 5 day work training, primarily to observe our partner organization in Victoria. I was told that I have to start working at 10:00 and end my shift at 5:00. I usually get picked up past 10:00 am and sent home at 4:30. Which gets earlier as the days gone by, and on my last day was told to just enjoy the nearby fair around 3:30 and then go to the office party in the evening. Oh Australia, laid back attitude, amazing work ethic, very open society, after the first two days I already wanted to move there.

On the week that I was there, the Australian people took a poll on marriage equality. The Australian people with a huge astounding majority of 61 % ensured that this will become a law before the year ends. Such openness speaks highly of the accepting Australian culture. The big cities such as Melbourne was definitely in festive mood. On the night when the vote was announced I was lucky to get into the city to meet a colleague when I was working in the Philippines, I caught a glimpse of the beautiful city hall in rainbow lights.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

JANUARY 2018

15

BALITANG GLOBAL PINOY KOLUMN

Impormasyon ng Pilipino

15

I finished work on Friday, so that means I only have the evening until Monday to enjoy the sights, since I have to fly back to Japan on Tuesday. But then I have to attend an office party in the evening which I was not happy about, until I saw how grand the venue was. The party was held at Melbourne's Cricket Stadium. It was a dance party with an amazing view of an empty hundred thousand seat stadium, awesome is an understatement.

Dragging my huge suitcase, drunk and happy as I checked in late in the evening at my Melbourne hotel, which I will only be staying for a few hours. My auntie who is now an Australian citizen insisted that I visit Brisbane and even paid for my flight there, just two days ahead. Not wanting to miss the sights of Melbourne I have to drag my drunk self at 6 in the morning to see the city and catch my afternoon flight to Brisbane. Melbourne was such a charming city, filled with beautiful Victorian architecture, modern street arts and quaint English gardens. Never been to Europe, but it seems a lot of people say it look and feels like it. They also say it's like New York, which to some extent I would have to agree. I was such on a high when the last song the DJ played at the party was New York, New York.

Arrived on a rainy day in Brisbane and met by my lovely aunt and her son. Went to Mt Cootah to view the city, which was not a bright idea, as all we saw were rain clouds. Went on an evening tour of the city, enjoyed the view of the skyline and went to a food park, and celebrated my arrival the best way we Filipinos know how, with food, excessive amounts of it.

The next morning we drove to the Gold Coast. I was beyond ecstatic to see the famous Surfer's Paradise beach which I never even planned on going nor expected to see on this trip. Coming from the tropics, I thought I have seen nice beaches, but then this one is by far the most beautiful I have seen. We had a lovely cruise which included a buffet and eat all you can prawns. Sinful indulgence at its finest. Was able to enjoy some Australian meat pies and heavenly pavlova on our trip back to Brisbane.

The next day I had a full day to see the city of Brisbane before my flight back to Melbourne. Then again, I reached my hotel past midnight, slept a bit then off the bus station to meet a university friend of mine, who is now doing some good civic deeds as solicitor in Melbourne. Then head back to the airport for my flight back home. I had such a lovely time in Australia. The chocolates taste better. The laid back attitude is contagious. The sights are amazing and I didn't even get to scratch the surface. The people, as I only knew them before in pop culture, such as Crocodile Dundee, Steve Irwin, Hugh Jackman, are indeed awesome!!!


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

JANUARY 2018

16

16

ANUNSYO

Impormasyon ng Pilipino

"Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

tampok

HOSHI LAURENCE HITOKIRIHOSHI@GMAIL.COM FB/TWITTER/INSTAGRAM/ LINKEDIN: @HITOKIRIHOSHI

s e u s s i 7 : g adultin e l d n a h n a c e l p o e p matured

website: www.hoshilandia.com motivation, o sign. Mapagtatanto mo na lang na walang himala, ikaw ang aaksyon kung gusto mong may mangyari sa buhay mo. Ikaw ang gagawa para may fairy tales, fantaserye, superhero, at anime elements sa buhay mo. Pero maniwala ka na kapag marunong kang manampalataya at maniwala sa iyong sariling kakayahan ay may magaganap (law of attraction) sa buhay mo.

I

sa sa bagong termino na nauuso ko sa henerasyon ngayon o ng mga millenials ay ang “adulting.” Ang salitang ito ay may kinalaman sa makagawa ng mga bagay na dapat ginagawa na ng mga taong nasa hustong gulang. May ilan naman na nagsasabi na ang adulting ay kapag sa wakas ay may naabot na sila bilang matanda. So paano naman ang katagang maturity? Ang “maturity” ay may kinalaman sa pang-unawa sa bagay-bagay na nakakatulong sa aksyon at pagdedesisyon ng isang tao. Iyan ay kahit ano pa ang edad kasi may mga teenagers na matured na mag-isip at may matatanda rin na parang bata pa rin mag-isip. Narito an gang ilang usapin noon na maaaring magawa o maintindihan mo na kapag adulting o matured ka na:

Choose Your Battles. Case to case ang bawat gusot sa pagitan ng mga tao lalo na if they don’t know how to choose their bottles este battles. May alam ako na nagkahamunan at halos mauwi sa patayan dahil lang sa masamang tinginan. May ilan din kasi na aakalain mo na may attitude problem o anger management issue na konting kibot ay beast mode na agad. Pero kung matured ay mapupulsuhan mo kung kinakailangan ngang ilaban ang dapat ipinaglaban at kung ano ang ipaparaya mo na lamang.

Straightforwardness. Ang tingin ng iba sa mga prangka ay matataray, maseselan, at

mapagmataas. Noong bata ako ganoon din ang tingin ko. Pero kapag dumating ka na pala sa point na ikaw na ang kailangan manindigan para sa pangarap, kapakanan, at karapantan mo o ng mga taong mahalaga sa iyo ay malalaman mo ang essence of straightforwardness. Dahil may taong nakakasakit, nakakaabuso, o nakakadehado pero unaware o patay-malisya. If you can’t please everyone, then you can’t also expect that everyone can sympathize. You have to be direct to the point and clear about your side.

Territorial. Alam mo bang sa mga langgam ka puwedeng matututo ang halaga ng pagiging territorial? Sila na ang basta na lang darating para manguha ng kanilang pagkain sa puwesto mo ay sila pa itong may ganang mangagat kapag nahawakan at maapakan mo. Ang totoo ay may ganyang mga tao at baka mas malala pa ang pag-uugali. Kaya hindi masama ang maging “territorial.” Hindi ito pag-aangkin o pagdadamot ng pwesto na hindi sa iyo. Ito ay pagprotekta lamang sa kung ano man o sinoman na pinapahalagahan mo.

Distinguish goals over wishes and realities over fantasies. Kapag nasubukan mong mabato ( burn out/ bored) o madehado, hindi mo na kailangan ng inspirasyon,

Embarrassment. Naranasan mo na ba matapilok, mapautot, sigaw-sigawan, o mapahiya nang bongga sa gitna ng maraming tao? Siguro gusto mo na sana lamunin ka na ng lupa matapos lang ang lahat? Pero wait, ikaw lang ba ang natapilok, napautot, natae, natalakan at napahiya? Kung adulting ka na, alam mo na tao ka lang at nagkakamali, sorry is not the hardest word to say, at experience lang ‘yan. Hindi mo dapat ika-depress.

Criticism. Sa tingin ko ang dalawa ang primerong kalaban para ‘di makita ang good side ng criticism, at yun ang pride at pagse- selfpity (pa-victim mentality). Ang mga mapapapride ay ayaw tumanggap ng puna dahil naniniwala sila na they don’t need correction and additional input mula sa ibang tao. Ang mga pa-victim/ paawa/over sensitive naman ay inuuna ang emosyon na baka minamaliit sila kaysa logic ba’t may criticism. ‘Pag matured ka na ay malalaman mo na okay ang kritisismo para maitama ang mali. Makilala mo rin kung alin na ang bashing, kaplastikan, at power trip.

Love and Relationship are two different interconnected matters. Lahat ay deserved na mahalin at magmahal. Pero bakit may mga laging sawi sa pag-ibig? D’yan papasok kung paano ka ba o sino ka ba kung makipagrelasyon? Ang may mga relasyon ay hindi lang nagmamahalan, kundi commitment sa isa’t isa kahit may parteng boring, nakakagalit, nakakairita o ano pa man. Dahil relasyon ay partnership at teamwork din lalong-lalo na sa usaping pagpapamilya.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!

*Ang artikulo na ito ay bahagyang in-edit at orihinal na lumabas sa hoshilandia.com


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JANUARY 2018

17

TIPS

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

17

5 Important Skills to Develop this 2018 M adalas sa pagsisimula ng bagong taon, lahat ay punong-puno ng pag-asa at motibasyon. Pag-asa para sa pamilya at bayan, at motibasyon para sa trabaho o pag-aaral. Naniniwala akong kapag ginamit nang mabuti ang ganitong klase ng positive thinking at motibasyon, hindi lang ito makakatulong sa iyong pamilya kundi maging sa iyong trabaho at propesyunal na karera. Kaugnay nito, naisipan kong maglista ng limang bagay na tingin ko maaaring paggamitan ng motibasyong ito. Inuna ko ang mga bagay na maaaring i-develop sa pang-araw-araw na pamumuhay hanggang sa skills na kailangang paglaanan ng oras at effort.

Practice Transdiciplinarity

Ang “transdiciplinarity” ay bagong salita na ang ibig sabihin ay ang kakayahang maunawaan ang mga bagong konsepto kahit hindi ito ang linya ng iyong trabaho o pro-pesyon. Sa mga naging matunog na usapin noong 2017 tulad ng Bitcoin, Uber, Influencer, Petmalu, atbp, ilan ba talaga ang naiintidihan mo sa mga ito? Kahit ako ay aminado na hindi ako eksperto sa lahat ng mga salita/konseptong nabanggit. Gayunpaman, naniniwala akong makakatulong pa rin ang kaunting kaalaman sa mga salitang ito lalo sa mga networking parties, lunch o dinner meetings kasama ng mga kliyente, o kahit sa pakikipag-chat sa mga katrabaho sa opisina. Naalala ko noong ako nagtatrabaho bilang isang guro ng Filipino, hindi lang ako dapat nagbabasa ng tungkol sa panitikan ng Pilipinas kundi dapat ay updated rin ako sa mga current events. Sa ibang mga araw, nagagamit ko ang kaalaman ko sa pulitika at kahit maging sa showbiz para maipakita ang kaugnayan nito sa leksyon namin sa klase. How to Develop This Skill? Nakakatulong ang pagbabasa sa Wikipedia o panonood sa YouTube ng mga tutorial videos para sa lahat halos ng bagay.

Develop Cross-cultural Competency

Learn a Coding Language

TOKYO BOY PRO MARIO RICO FLORENDO FACEBOOK: MARIO.FLORENDO

Si Tokyo Boy ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang project manager sa isang Japanese company sa Tokyo. Nagtapos siya ng kaniyang masters sa University of Tokyo habang naging officer ng Association of Filipino Students in Japan (AFSJ) ng dalawang taon. Nilalayon ng kolum na ito na makatulong sa mga estudyante, housewife, at propesyunal dito sa Japan. Para sa mga katanungan, magpadala lamang ng mensahe sa mrico.03@gmail.com.

kanino sa buong mundo, naging madali na rin ang dumiskonek sa kahit kanino (unfollow at block). Ibig sabihin, maaari na nating piliin at salain ang mga taong gusto nating maging koneksyon. At tayong mga Pinoy, madalas nakatutok lang ang atensyon natin sa Facebook, Instagram at Twitter. Dahil dito, marami ang nag-iisip na ang SNS ay pampalipas oras lamang. Pero ang SNS ay higit pa rito. Kung narinig mo na ang professional SNS website tulad ng LinkedIn o Meetup, mag-iiba ang pagtingin mo sa pakikipag-konek online. Gamit ang LinkedIn, hindi ka lamang maaaring mag-apply ng trabaho gamit ang iyong propesyunal na profile online kundi maaari ka ring maka-network sa mga propesyunal na may katulad na trabaho o interes. Sa Meetup naman, maaari kang makagawa ng network batay sa mga hilig mo: isports, wika, pagsulat, karera, atbp. How to Develop This Skill? Subukan mong i-download ang kanilang app o pumunta sa website at mag-sign-up. Noong ako ay nagtatrabaho bilang sales agent sa isang travel company, inabuso ko ang search button ng LinkedIn para makapaghanap ng mga potensyal kong customer. Ginagamit ko naman ang Meetup noong nasa Osaka ako hindi lamang sa paglalaro ng isports kundi para dumami ang kakilala at kaibigan ko sa Kansai.

Master Nihongo

Marami siguro ang mapapakunot ang ulo sa payo kong ito. Lalo sa mga hindi sanay sa kompyuter o hindi naman techie. Pero para sa mga may sapat na kakayahan pagdating sa kompyuter o internet, tingin ko magandang investment ang ganitong klase ng skill hindi lang sa hinaharap kundi maging sa kasalukuyan. Pamilyar tayo na halos lahat ngayon ay digitized na. Kung kaya’t hindi nakakapagtaka na halos karamihan ng mga bago at matataas ang sahod na mga trabaho ay may kinalaman sa IT, programming, at developing. Aaminin kong sa lima, ito ang pinakawala akong kaalaman kung kaya’t ang payong ito ay personal rin para sa akin. Naengganyo ako na mag-aral dahil ngayon ko napagtanto na konektado ito sa marketing at promosyon lalo kung bago ang isang kumpanya o proyekto. Ayon sa aking pagsasaliksik, ang pinakamahalagang kailangang pagaralan bilang base ay maaaring: Java, Ruby on Rails, o Python. How to Develop This Skill? Base na rin sa rekomendasyon ng mga malalapit na kaibigan na ganito ang klase ng trabaho, malaking tulong ang pag-enrol sa online courses sa Coursera, MOOC o edX. Karamihan sa mga ito ay libre at dahil ito ay online, flexible ang oras kung kailan ito pwedeng kunin. Syempre, hindi pa rin mawawala ang paghahanap sa google o di kaya naman ay sa YouTube ng mga self-help videos para lalong maging visual ang iyong pagkatuto.

What’s Next? Marahil ngayon, nag-iisip ka na, ano ang magandang maidudulot ng skills na ito kapag nakamit mo na ito? Syempre, ang resulta ay depende sa kung ano ang status mo ngayon. Kung ikaw ay estudyante, magandang pundasyon ito ng magiging karera mo sa hinaharap lalo kung iniisip mong magtrabaho dito sa Japan. Kung ikaw naman ay isang housewife, ang kakayahang ito ang magbibigay sa iyo ng ‘edge’ sa paghahanap ng ‘part-time.’ At kung ikaw naman ay isa nang propesyunal dito sa Japan, ang pagkakaroon ng karagdagang skills ay magbibigay sa iyo nang mas maraming oportunidad para makausad ng posisyon sa trabaho o di naman ay makahanap nang mas magandang oportunidad sa ibang kumpanya. Salamat sa inyong patuloy na pagsuporta at Maligayang Bagong Taon sa ating lahat! Sources: https://www.japantimes.co.jp/news/2015/06/10/national/international-students-face-jobhunting-hurdles-japan/#.WjDefd9l_IU https://www.devsaran.com/blog/10-best-programming-languages-2015-you-should-know For a full report, see the work done by the Institute for the Future with Apollo Group looking at the Skills Needed by 2020 (also available on the IFTF website)

Kaugnay ng naunang skill ang tinatawag nating “cross-cultural competency.” Kung sa una ay kailangan ng kaalaman, ang pangalawang skill naman ay mas nakatuon sa kakayahang umunawa. Naramdaman ko ang kahalagahan ng ganitong kaalaman nang ako ay naghahanap ng trabaho dito sa Japan dalawang taon na ang nakararaan. Napansin ko ang ganitong klase ng pagkiling sa mga malalaking kumpanya na ang pamamalakad ay tradisyunal at makaluma. Hindi lang mahalaga sa isang kumpanya halimbawa ang professional skill sa engineering kundi mahalaga rin kung nagtapos ka sa isang unibersidad dito sa Japan dahil malamang ikaw ay exposed na sa konsepto ng sempai-kohai, sensei-student at iba pang kaugaliang Hapon. How to Develop This Skill? Bagama’t nakakatulong ang pagbabasa ng libro o sa internet ng tungkol sa Japanese work culture, mas mainam na makipagkuwentuhan sa kaibigan o katrabahong Hapon o ibang dayuhan tungkol sa isang paksa para mas mapalawak ang iyong pagtingin.

Make New Media Connections Katulad nga ng kasabihan, ‘It’s not what you know but who you know,’ naniniwala akong mahalaga ang bawat taong nakikilala natin. Hindi dahil magagamit natin sila sa pagsulong ng sariling karera o pagpasok sa trabaho, kundi sa mas marami pang bagay. Sa panahon ngayon ng social networking sites kung saan mas madali na ang kumonek sa kahit

Ayon sa Foreign Service Institute (FSI) isa ang Nihongo sa pinaka-

mahirap na wikang pag-aralan dahil aabot sa 88 na linggo o 2200 na oras ang kailangan mong ilaan kumpara sa 23-24 na linggo o 575-600 na oras na pag-aaral ng Espanyol, French, Italian, atbp. Madalas pinakaepektibong mag-aral ng Nihongo kung ikaw ay kadarating pa lamang dito sa Japan. Dahil habang tumatagal ang pagtira mo dito at nakakaraos kahit walang Nihongo, mas lalo ring mawawala ang motibasyon mo na magaral pa ng wika dito. Siguro saka mo na lang ulit malalaman ang kahalagahan ng pag-aaral ng Nihongo kapag ikaw ay maghahanap na ng internship o trabaho. Kahit gaano pa ka-global ang isang kumpanya, pipiliin pa rin ng kahit anong kumpanya ang isang dayuhan na nakakaunawa ng Japanese. Patunay rito ang lumabas na survey noong 2012 kung saan 84.5% ng mga kumpanyang kasama sa survey ang nagsabi na kailangan ng minimum N2 level para tanggapin sa kanilang kumpanya. Kahit may mga eksepsyon pa rin sa bawat kumpanya, mas magandang isipin na ito pa rin ang umiiral na polisiya ng karamihan. How to Develop This Skill? Dahil alam kong kakailanganin ng oras at pagpupursige para ma-debelop ang kakayahang ito, sinimulan ko ang pag-aaral ng Nihongo pagdating na pagdating ko dito sa Japan. Dahil ako mas natututo sa loob ng klase, nagenrol ako ng Nihongo classes sa aking unibersidad kasabay ng pakikipagkaibigan sa mga Hapon para mapraktis ang anumang natutunan ko sa klase. Para naman sa mga dumating dito para sa trabaho, maaari niyong magamit ang marmaing online resources sa internet o di kaya ang language classes na pinapatakbo ng mga NPO o volunteers sa bawat siyudad sa Japan.


JANUARY 2018

18

18

KONTRIBUSYON / ANUNSYO

Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JANUARY 2018

19

BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY SPORTS

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

19

Glenn Porras, wagi sa boxing title match sa Tagum City

NASUNGKIT NI GLENN “The Rock” Porras ang bakanteng WBC Asia Boxing Council super bantamweight title sa laban na ginanap kamakailan sa UM Gym sa Tagum City. Kinalaban ni Porras ang Indonesian boxer na si Noldi Manakane na isa ring dating world-title contender. Natalo ni Porras ang kanyang kalaban sa unang round

pa lang. Tinatayang 2:36 pa lang sa unang round nang nanghina na si Manakane sa malakas na uppercut ni Porras. Aminado ang Indonesian boxer at ang team niya na nagulat sila sa lakas na ipinakita ni Porras. Umakyat sa 31 na panalo at 19 knockouts laban sa 6 na talo ang record ni Porras,

Edward Camposano, lilipat Conor McGregor, itinanging si Manny sa NU mula UE Pacquiao ang susunod MALALAGASAN ng isang magaling na niyang makakalaban manlalaro ang University of the East (UE)

TUMUGON ang mixed martial arts superstar na si Conor McGregor sa mga usap-usapan na may negosasyon sa pagitan ng kanyang kampo at ni Manny Pacquiao upang sila ay magkalaban sa susunod na taon. Ayon kay Conor, mas gusto niya munang mag-concentrate sa paglaban sa palaro na una siyang sumikat, ang MMA. “Real fight” daw ang hinahanap niya sa ngayon. Itinanggi din ni Conor na may plano siyang pumasok sa isang laban sa professional wrestling gaya ng WWE. Matatandaang hindi naman umayaw si Pacquiao sa ideya na makipaglaban kay McGregor. Ayon sa kanya, kung gustong makipag-negotiate ng kampo ni McGregor ay wala naman siyang problema para rito. May mga inisyal na rin daw na mga usapan sa pagitan nila at ng management ni McGregor. Kung matutuloy man ang laban, maaaring may advantage si Pacquiao sa boxing ring lalo pa’t natalo si McGregor sa nauna niyang boxing match kay Floyd Mayweather Jr.

Red Warriors sa susunod na season ng University Athletics Association of the Philippines (UAAP). Ito ay matapos nakumpirmang lilipat ang dating Rookie of the Year na si Edward Camposano sa National University (NU) Bulldogs. Napakita at napakilala na raw si Camposano bilang bagong miyembro ng NU Bulldogs sa Kidlat Cup, isang fundraising tournament para

Pinay, binigyang pagkilala ng World Olympians Association

ITINURING ni Ian “Yan-Yan” Lariba Olympian at table tennis player na maagang Christmas gift ang pagkilala na kanyang natanggap nitong taon. Ito ay matapos binigyan ng siya ng World Olympians Association ng certificate of recognition dahil sa pagsilbing tapat at pagsusulong ng pagiging Olympian sa buong mundo. Hindi nito inaasahan na bigyang pagkilala ng asosasyon ang kanyang pagiging Olympian kaya itinuring niya ito na isang malaking parangal. Nagpaabot si Lariba ang pagpasalamat sa Panginoon na nagbigay pa nito ng lakas para labanan ang sakit na leukemia at sa lahat na mga tao na nagmamahal sa kanya. Si Lariba na produkto ng Palarong Pambansa at multi-awarded UAAP player ay ang pinakaunang Pinay na kumakatawan sa Pilipinas sa larong table tennis noong 2015 Rio Olympics sa bansang Brazil.

habang 23 na ang talo ni Manakane sa kanyang record. Mula sa M’ang, North Cotobato si Porras, at nakabase siya ngayon sa Panabo City. Siya ay dating interim WBO Asia Pacific Youth and Philippine bantamweight champion, at ngayon ay Mindanao Professional Boxing Association (MinProBA) super bantamweight champion.

makatulong sa dating coach at mentor ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws na si Kid Santos. Si Camposano ay isa sana sa mga up and coming superstars ng UAAP. Matatandaang nanalo siyang Rookie of the Year kahit na natalo pa ang UE sa lahat ng mga laro nito sa 77th season ng UAAP. Hangarin ng NU Bulldogs na maibalik sa kanila ang kampeonato ng UAAP matapos masungkit ito ng Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Falcons. Ang pagkakasali ni Camposano sa grupo ay mas makapagpapalapit sa kanila sa hangarin na ito.

Amir Khan, excited sa pagbalik sa loob ng ring

EXCITED NA UMANO si Amir Khan, ang dating world champion, sa pagbabalik sa boxing ring. Tinatayang sa Marso 2018 umano ang muli niyang pagsabak sa bakbakan. Ito'y matapos ang pagbabalik niya sa kanyang tahanan pagkatpos niyang sumali sa isang reality show sa United Kingdom. “I am going to fight in March, I was training in the jungle every day it and I’m glad I went, it was a detox, I came back and I was in shape, " ika niya, base sa ulat ng Bombo May 2016 pa nang huling Radyo. nakipaglaban sa loob ng ring si Khan, kung saan tinalo niya si Saul "Canelo" Alvarez, isang Mexican boxer.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

JANUARY 2018

20

20

HOROSCOPE / ANUNSYO

Aries Mar 21 - Abr. 20 Hawakan mo lang ang pangarap mo. Bagama't mayroong mga pagsubok, 'wag susuko. Masuwerteng mga numero at kulay: 19, 13, 20, at Asul. Taurus Abr. 21 - May. 21 Kusa ring mawawala ang kinakaharap mong problema sa kasalukuyan. Masuwerteng mga numero at kulay: 1, 18, 23, at Maroon. Gemini May. 22 - Hun. 21 Masuwerte ka ngayong buwang ito. 'Wag sayangin sa walang kabuluhang bagay ang biyayang ibinigay na ito ng panginoon sa'yo. Masuwerteng mga numero at kulay: 16, 25, 3, at Puti.

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Cancer Hun. 22 - Hul. 22 Ito ang tamang panahong kailangan mong baguhin ang iyong pag-uugali. Kung hindi ay lalayuan ka pati ng mga malalapit sa'yo. Masuwerteng mga numero at kulay: 11, 19, 28, at Green. Leo Hul. 23 - Ago. 22 Layuan ang mga taong hindi mo gaano gusto ang pag-uugali. Manipis ngayon ang iyong pasensiya. Masuwerteng mga numero at kulay: 17, 21, 27, at Brown. Virgo Ago. 23 - Set. 23 Hindi totoong mabigat ang iyong buhay. Ikaw lang ang nagiisip niyan. Masuwerteng mga numero at kulay: 16, 14, 25, at Gray.

Libra Set. 24 - Okt. 23 Mag-ingat sa mga taong mapagsamantala. Gusto nilang samantalahin ang iyong kabaitan. Masuwerteng mga numero at kulay: 33, 30, 32, at Beige. Scorpio Okt. 24 - Nob. 22 Kailangan mong mag-ipon ng lakas ngayong buwan. Masyado mong ini-stress at pinapagod ang iyong sarili. Hinay-hinay lang. Masuwerteng mga numero at kulay: 11, 19, 28, at Yellow. Sagittarius Nob. 23 - Dis. 21 Walang halaga ang malaki mong kita kung magkakasakit lang din. Kaya, ngayon pa lang, matuto nang maghinayhinay. Masuwerteng mga numero at kulay: 28,9, 39, at Red.

Capricorn Dis. 22 - Ene. 19 'Wag paloloko sa matatamis na mga salita. Hindi lahat ng tao ay busilak ang loob. Masuwerteng mga numero at kulay: 25, 24, 33, at Pink. Aquarius Ene. 20 - Feb. 19 Masuwerte ka ngayon sa negosyo. Maaaring magsimula ng isang negosyo, kahit maliit lang. Masuwerteng mga numero at kulay: 16, 5, 7, at Peach. Pisces Peb. 20 - Mar. 20 Mag-ingat sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Alaming mabuti ang kanilang pag-uugali. Masuwerteng mga numero at kulay: 8, 18, 2, at Orange.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JANUARY 2018

BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ

Impormasyon ng Pilipino

21

Impormasyon ng Pilipino

Rachel Peters, malaki ang pasasalamat sa mga Pilipino BAGAMAN NATALO, labis pa rin naman ang pasasalamat ng pambato ng Pilipinas sa nakaraang Miss Universe 2017 sa mga Pilipino nang siya ay sumabak sa nasabing kumpetisyon sa Las Vegas. Humingi siya ng paumanhin sa kanyang mga tagasuporta dahil sa kanyang pagkabigo na masungkit ang korona ng Miss Universe.

Mural na may imahe ni Liza Soberano, nasa isang suhsi bar sa Australia

HINDI LANG sa mga billboards at mga TV commercials makikita ang imahe ni Liza Soberano, kundi pati rin sa isang sushi bar sa Australia. Matatagpuan sa Shinzo Sushi Bar sa Australia ang isang black and white na mural na taglay ang kanyang imahe na nagpapakita sa kanyang kabuuang mukha. Ang imahe ay kuha ni Mark Nicdao. Ibinida rin ito sa Instagram account ng naturang sushi bar. Ayon sa isang fan na nagtanong sa mga staff

Gayumpaman, nag-enjoy si Peters sa beauty pageant at nakasalamuha nya ang naging bagong Miss Universe na si Demi-Leigh Nel-Peters ng South Africa. Nagkataong halos magkapareho ang apelyido nila na ikinatuwa ng South African. Magka-vibes din umano ang dalawa.

member ng naturang sushi bar, hindi daw nila kilala ang actress. Hindi rin nila alam ang pangalan ng naturang aktress. Si Liza Soberano ay talent sa ABS-CBN at makikita muli sa upcoming na series, "Bagani," kasama ang kanyang long-time on-screen partner na si Enrique Gil. Siya rin ang magiging super hero "Darna" sa gagawing pelikula ng Star Cinema.

Jasmine Curtis Smith, umiwas sa tanong kung lilipat na ba siya sa ABS-CBN

HINDI KINUMPIRMA ni Jasmine Curtis Smith ang mga bali-balitang iiwan na niya ang kanyang home network na TV5 para sa ABS-CBN upang maging magkabakod na sila ng kapatid niyang si Anne Curtis. Wala pa raw opisyal na pag-uusap sa pagitan ng ABS-CBN at ng kanyang management hinggil sa mga proyekto sa network. Nagpapasalamat si Jasmine na may oportunidad siyang bumisita sa ABS-CBN kapag may movie siya na ipapalabas. Ito ay lalo pa’t matagal na siyang walang malaking proyekto sa TV5 at matagal nang bulungbulungan na nililigawan siya ng GMA na maging isa sa mga contract artists nito.

Ang balita ay kumalat matapos mamataan si Jasmine sa building ng ABS-CBN nang maraming beses sa mga nakaraang linggo. Ngunit, ang mga pagbisita na ito ay para lamang sa pag-promote ng kanyang pelikulang “Siargao,” na isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon. Kasama ni Jasmine Curtis Smith sa “Siargao” sina Erich Gonzales at Jericho Rosales.

Jobert Sucaldito, kinasuhan ng cyber libel ni Erik Santos at ng kanyang manager

KINASUHAN ng mang-aawit na si Erik Santos at ng kanyang manager na si Erickson Raymundo ang presidente ng Cornerstone Talent Management, ang manunulat at radio host na si Jobert Sucaldito. Ang kaso ay may 37 counts ng cyber libel dahil sa di-umano’y pag-post ni Sucaldito ng mapanirang komento tungkol sa dalawa. Ayon sa mga abogado nina Erik at Erickson, ang mga post ni Sucaldito ay malisyoso at maaaring makaapekto sa reputasyon ng kanilang mga kliyente at ng talent management company. Ang mga post ni Sucaldito na kinukuwestiyon ay patungkol sa blind item na pinalabas ng tabloid writer na nagsasabing may isang mang-aawit na nanalo sa isang kumpetisyon

sa telebisyon na may relasyon sa kaniyang talent manager. Pinangalanan ito ni Sucaldito makalipas ng ilang araw. Hindi ito ang unang beses na nakasuhan si Sucaldito ng libel o slander. Nakapag-file na rin ng kaso laban sa kanya sa nakaraan sina John Lapuz at Garrie Concepcion.

Charo Santos-Concio balik-pelikula kasama si Bea Alonzo

MAGBABALIK na ulit sa pelikula si Charo Santos sa pamamagitan ng isang horror movie na pinamagatang “Eerie.” Kasama niya sa proyektong ito si Bea Alonzo, habang ang magiging direktor ng pelikula ay ang gumawa ng Oscar entry ng Pilipinas para sa Best Foreign Language Film ngayong taon na si Mikhail Red.

Ang unang horror film na nagawa ni Charo ay ang “Itim” na ginawa ng sikat na direktor na si Mike de Leon. Kasalukuyang Chief Content Officer si Charo Santos-Concio ng ABS-CBN Corporation. Naging presidente at CEO din si Charo ng kumpanya. Dalawampung taon na rin siyang host ng “Maalaala Mo Kaya.”

Ang huling pelikula na pinagbidahan ni Charo Santos-Concio ay ang indie film na “Ang Babaeng Humayo” ng batikang direktor na si Lav Diaz. Naiuwi ng pelikula ang Golden Lion Award sa Venice International Film Festival noong 2016. May isa pa siyang pelikula na iso-shoot kasama si Lav sa susunod na mga buwan.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

JANUARY 2018

22

22

BALITANG SHOWBIZ

Wedding video ni Anne Curtis at Erwan Heussaff, inilabas na

ILANG LINGGO matapos ang kanilang kasal sa New Zealand, nailabas na ang wedding video ni Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Nag-trend ang video sa social media dahil sa magagandang tanawin sa outdoor setting nito. Ilang oras pa lang matapos ma-post ang video sa YoutTube, umabot na sa pang-siyam sa top trending video sa Pilipinas ang nasabing video.

Ilan sa mga nakapaloob sa video ay ang pag-strip tease ni Erwan kay Anne sa reception na naging viral sa Twitter. Nakita rin sa video ang mga kapamilya at kaibigan ni Anne at Erwan na pumunta sa kasal gaya nina Jasmine Curtis Smith, Vice Ganda, Karylle, Marc Nelson, Teddy Cruz, at Gerald Anderson.

Ginawa ng videographer na si Jason Magbanua ang wedding video sa bagong kasal. Si Magbanua rin ang gumawa ng wedding video ng kapatid ni Erwan na si Solenn Heusaff at ng asawa nitong si Nico Bolzico.

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Joshua Garcia, nilinaw ang sinasabing issue nila ni Loisa Andalio

IGINIIT NI JOSHUA GARCIA na wala talagang issue na namamagitan sa kanila ng katambal sa “The Good Son” na si Loisa Andalio. Ito ay matapos tumaas ang kilay ng ilang mga netizens at fans ng love team niya at ni Julia Barretto. Matatandaang unang nagkakilala si Loisa at Joshua dahil magka-batch sila sa “Pinoy Big Brother” tatlong taon na ang nakakaraan. Ayon kay Joshua, hindi niya naramdaman ang issue at hindi na daw mapipigilan ang mga tao kung may masasabi sila patungkol kina Loisa.

Hindi na raw kontrolado ng mga artista kung ano ang masasabi ng mga fans. Naugnay ang dalawa nang sila ay lumabas sa Bahay ni Kuya dahil parati silang magkasama. Si Joshua ay sikat na ngayon dahil sa JoshLia na love team nina Julia, habang si Loisa naman ay itinambal kay Jameson Blake.

IPINAGSAWALANG-BAHALA na ni Binibining Pilipinas-International Mariel Del Leon ang mga negatibong komento tungkol sa kanya. Ayon sa anak ng mga actors na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong, isang “roller-coaster ride” ang mga naganap sa kanya ngayong taon. Wala raw pakialam si Mariel sa mga pinagsasabi ng mga trolls at bashers sa kanya sa social media. Hindi na raw ito mababago kahit itago niya pa ang mga saloobin niya sa mga bagaybagay. 'Di na raw niya problema kung ayaw ng ilang tao ang kanyang mga opinion sa iba’t ibang

issue sa lipunan. Nagpapasalamat si Mariel sa mga naranasan niya sa taong ito dahil hinubog ng mga experiences na ito kung sino siya ngayon. Mas confident na raw si Mariel sa buhay niya. Nabigo si Mariel na maiuwi ang Miss International crown noong nakaraang Nobyembre. Ang korona ay napanalunan ni Kevin Lilliana ng Indonesia. Nakapasok din sa top 5 ang Japan, Curacao, Australia at New Zealand.

DAHIL SILANG DALAWA ang pinakasikat na mga miyembro ng Hashtags ng “Showtime” sa ABSCBN, hindi maiiwasang maikumpara si Jameson Blake kay Ronnie Alonte. Subalit, hindi pa raw ito valid na comparison dahil konti pa lang ang kanyang mga pelikula at palabas sa telebisyon na nilabasan. Ayon kay Jameson, timing lamang ang naging dahilan kung bakit halos magkasabay ang pag-angat ng karera nilang dalawa ni Ronnie. Sinabi niya rin na ipinagmamalaki niya at ng ibang Hashtags members ang pagsikat ni Ronnie sa labas ng boy group nila. Matatandaang napanalunan ni Jameson ang Best Supporting Actor trophy sa Cinema One

Originals Festival noong nakaraang taon dahil sa kanyang role sa pelikulang “2 Cool 2 Be 4gotten.” Si Ronnie naman ay naging ka-love triangle nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa pelikulang romatic comedy “Vince and Kath and James” sa nakaraang MMFF. Isa si Jameson sa mga bida ng MMFF entry na “Haunted Forest.”

Mariel De Leon, `di pinapansin ang mga negatibong komento

Jameson Blake, itinanging puwede na siyang ikumpira kay Ronnie Alonte

Pelikulang, `Unexpectedly Yours`, umani na ng Php 218 Million MATAGUMPAY ang pelikulang “Unexpectedly Yours” sa takilya matapos iulat ng Star Cinema na nakakuha na ito ng Php 218 million sa box office. Isa sa mga dahilan kung bakit malakas ang hatak ng “Unexpectedly Yours” ay ang timeless na appeal ng love team ng mga bida na sina Sharon Cuneta at Robin Padilla. Nang tinanong si Sharon tungkol dito ay sinabi niya na ang love team nilang dalawa ni Robin “transcends generations.” Ang “Unexpectedly Yours” din ang pangatlong pelikula na pinagsamahan ng love team na JoshLia. Si Joshua Garcia at Julia Barretto ay isa sa mga pinakasikat na mga teen stars sa kasalukuyan. Ito ay matapos maging matagumpay ang

kanilang tambalan sa mga pelikula gaya ng “Love You to the Stars and Back” at “Vince and Kath and James.” Inaasahang ipapalabas ang “Unexpectedly Yours” sa iilang cinemas sa labas ng bansa upang makuha ang market ng mga OFWs na miss na ang bansa.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JANUARY 2018

23

BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Tweet ni Idol

Ellen Adarna at John llyod Cruz, nakitang magkasama sa ospital para sa checkup USAP-USAPAN sa social media ang isang larawan na nagpapakitang magkasama sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa isang ospital. Kasalakuyang ipinagbubuntis umano ni Ellen ang unang anak ng sikat na aktor. Ayon sa mga ulat, si Ellen ay tumungo sa isang ospital upang magkaroon siya ng prenatal checkup. Sumama lamang si John Lloyd sa kaniyang nobya upang sumuporta rito. Nakita daw si Ellen na lumabas sa isang elevator na nakasakay sa isang wheelechair sa St. Luke’s Hospital.

Vice Ganda, ibinunyag na nag-suicide attempt siya sa kanyang kabataan

INIHAYAG NI VICE GANDA na muntik na siyang mag-suicide noong siya ay nasa kanyang kabataan pa. Nasorpresa ang mga nasa audience ng “Showtime” nang inamin ni Vice ang sensitibong parte ng kanyang nakaraan. Nabanggit niya ito nang ibinahagi ng isang contestant na isang OFW sa Japan ang mataas na suicide rate sa bansa na kanyang pinagtatrabahuan. Ayon kay Vice, nagawa niya ang pagtatangka dahil sa nasawi siya sa pag-ibig. Nangyari raw ito nang siya ay sixteen years old pa lamang at nagpapasalamat siya na hindi ito natuloy at walang nangyaring masama sa kanya. Sinabi pa nga niya na ang puntong ito ng kanyang buhay ay napasali sa “Maalaala Mo Kaya” (MMK) episode na hango sa kanyang buhay. Pinayuhan niya rin ang mga nasa audience na maging matatag sa kabila ng mga hamon at maging matalino sa kanilang mga desisyon na ginagawa sa buhay, dahil baka may ibang plano pa ang Diyos.

Vice Ganda, iginiit na walang away sa kanila ni Coco Martin

Sa edisyong ito ng Tweet ni Idol, tatlong local celebrities na naman ang susundan natin, sa pamamagitan ng kanilang tweets: Sina Barbie Forteza, Richard Gomez, at Lea Salonga.

Nasorpresa ang mga netizens ilang buwan na ang nakakalipas nang unang maiulat na maaaring may relasyon sa pagitan ni Ellen at John Lloyd dahil palagi silang magkasama sa mga picture. Unang naiugnay si Ellen Adarna sa anak ni Presidente Rodrigo Duterte na si Baste habang si John Lloyd ay dalawang taon nang hiwalay kay Angelica Panganiban. Hindi pa opisyal na kinukumpirma ni Ellen at John Lloyd ang pagbubuntis ni Ellen at ang kanilang relasyon.

Xander Ford at Maxine Medina, most searched personalities ngayong taon

Tara!

( CLICK PHOTO TO FOLLOW THEM ON INSTAGRAM )

Lea Salonga (@MsLeaSalonga) "No, you cannot cut ahead of people in line, idot!!!!!! Sneaky pa si gago. Inching his way to the front of the line, ahead of a few older ladies. Matisod ka sana."

Barbie Forteza (@barbaraforteza) "Congratulations, Friendship @msaiaidelasalas & Kuya Gerald! #YouandAItoGEtherforever"

Richard Gomez (@richardgomezinstagram)

ITINANGHAL ang social media personality na si Xander Ford bilang most searched personality ng Pilipinas sa taong ito. Ang artista na dating pinangalanang Marlou Arizala ay naging trending sa taong ito matapos siyang magparetoke at magpalit ng kanyang pangalan. Ayon sa mga balita, gumastos ng halos kalahating milyong piso si Xander Ford upang mapaayos ang kanyang mukha. Lima sa mga top ten male personalities ay mga Korean celebrities na gaya ni Park Bo Gum, Park Hyung Sik, Gong Yoo, Nam Joo Hyuk at Kim Joo Hyuk. Sa mga kababaihan naman, apat na beauty queens ang naging parte ng top 10 most searched female personalities. Nanguna sa listahan si Binibining Pilipinas-Universe Maxine Medina. Nasa pangwalo hanggang pangsampung ranko naman sina Mariel de Leon, Dayanara Torres at Rachel Peters. Nasa listahan din ang “Wonder Woman” actress na si Gal Gadot, na nagrepresenta sa Israel sa Miss Universe 2004 sa Ecuador.

Aicelle Santos, magiging bida sa 'Himala: Isang Musikal'

ITINANGGI NI VICE GANDA na hindi maganda ang relasyon nilang dalawa ng kaibigan na si Coco Martin ngayon. Ayon sa Unkabogable Star, wala namang dahilan upang mag-away silang dalawa. Ilang buwan na raw nila itong sinasabi at sinagot sa press at media pero wala talagang awayan na nagaganap sa pagitan ng magkaibigan. Iginiit din ni Vice na walang propesyonal na aspeto ang mga chismis na nag-aaway sila. Ito ay matapos hindi natuloy ang plano na ang ipasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon ay ang pangatlong pelikula nilang dalawa. Mangyayari pa rin daw ito pero hindi pa panahon para ito ay ipalabas. Unang nagtambal sina Vice Ganda at Coco Martin sa “Beauty and the Bestie” at “The Super Parental Guardians.” Ngayong taon, kasama naman ni Vice sina Daniel Padilla at Miss Universe Pia Wurtzbach sa “Gandarrapiddo: The Revenger Squad.” Si Coco naman ay bida ng bagong bersyon ng “Ang Panday.”

23

INANUNSYONG si Aicelle Santos ang gaganap na bida sa “Himala: Isang Musikal,” ang musical adaptation ng sikat na pelikula ni Nora Aunor. Siya ang gaganap na Elsa, ang karakter na ginampanan ni Aunor sa nabanggit na pelikula. Nagpasalamat si Aicelle sa kanyang Instagram dahil sa kanyang pagkakasali sa cast ng musical. Unang sumikat si Aicelle nang siya ya naging runner-up sa unang season ng Pinoy Pop Superstar noong 2005. Napasali na rin siya sa mga musical play na “Katy!” at “Rak of Aegis.” Parte rin si Aicelle ng MMFF entry na “Ang Larawan.” Ang orihinal na “Ang Himala” ay isa sa mga pinakamagandang pelikula na nagawa ng Pilipinas. Ito ay ginawa ng direkto na si Ishmael Bernal at manunulat na si Ricky Lee. Pumatok ito sa takilya at nakakuha ng major awards sa 1982 Metro Manila Film Festival. Ang “Himala: Isang Musikal” ay isasaentablado ng The Sandbox Collectives at magsisimulang ipalabas sa teatro sa Pebrero 2018.

"Happy birthday, honey! Thank you for the joy you bring to us, your family and to so many people. You are one of the most industrious persons I have ever known, compassionate, bearer of happiness and hope. May you continue to be a blessing to people. I wish you the best of health and I wish that all of your wishes may come true. Iloveyou!!!"

Kita-Kita at 100 Tula kay stella pasok sa most searched movies KAMAKAILAN lang naglabas ang Google ng kanilang annual "Year in Search" kung saan makikita ang Top 10 na laging hinahanap ng mga pinoy sa Google. Walo sa Sampung Most Searched Movies in 2017 ay puro Hollywood Film at ang dalawa ay ang Philippine movie na "Kita-Kita" at "100 Tula Para Kay Stella." Narito ang Most Searched movies of 2017:

1. Beauty and the Beast 2. Wonder Woman 3. Justice League 4. Fast 8

5. Fifty Shades Darker 6. Logan 7. It 8. Moana

9. 100 Tula Para Kay Stella Pinagbibidahan nina Bela Padilla at JC Santos, tungkol ito sa isang College student na nagsulat ng 100 na love poems para kay stella habang si stella naman ay pilit inaabot ang pangarap maging recording artist. 10. Kita-Kita Itong Romantic Dramedy ay pinagbibidahan ito nina Alesandra Rossi at Empoy, tungkol ito sa isang babae na nagkaroon ng temporary blindness dahil sa stress habang si Empoy naman ay tumutulong sa pagrecover nito habang nililibot nila ang Hokkaido Japan.


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.