PINOY NA PINOY: WEEKLY HOROSCOPE Daloy Kayumanggi
THE PINOY Impormasyon ng Pilipino
CHRONICLE News. Link. Life
FREE DELIVERY EVERY M,T,W,FRI AND SAT
SIMULA 10:00 AM UNTIL 2:00 PM KAYA TAWAG NA SA ASIA YAOSHO YOUR ONE STOP FILIPINO SHOP
TEL # 03-4431-3500 FREE DIAL 0120-344-233
GILAS CADETS WINS GOLD
PINOY LOCAL P.2
PINOY GLOBAL P.3 FOOD TRIP AT HOME P.4 TARA LET'S P.5
WEEKLY HOROSCOPE P.6
S
PINOY SHOWBIZ P.7
gilas cadets panalo sa sea games men's basketball a pangunguna ni Mac Belo at Kiefer Ravena ay nasungkit ng Gilas Cadets ang Gold Medal laban sa koponan ng bansang Indonesia. Naging madikit ang laban sa pagitan ng Gilas Cadets at Indonesia kung kaya’t ng magkaroon ng pagkakataon ng koponan ng Pilipinas ay di nagpatumpik-tumpik pa at tinapos na ang laban sa iskor na 72-64 na ginanap sa OCBC Arena, Singapore. CONTINUE ON PAGE 2
SEE PAGE 4 FOR MORE DETAILS
pinoy-bizz story CONTINUE ON PAGE 7
toni gonzaga at paul soriano say i do finally
royal babies: cuteness oveload
-- SPECIAL FEATURE --
WHO'S YOUR FATDADDY'S NOW?
BALIK ESKUWELA, BALIK UST AT UP
When you say Hole in the Wall it means a small and simple establishment that is not so fancy and expensive. That is why, when I had a chance to visit Marikina City, I didn’t pass up the chance to visit this very intriguing... CONTINUE ON PAGE 3
Balik eskwelahan na ulit ang mga estudyante sa halos lahat ng antas at tiyak na kanya-kanya na naman ng kwento ang mga ito na kahit madalas may nasasabing hindi maganda sa paaralan ay naroon pa rin ang kanilang loyalty. CONTINUE ON PAGE 5
Sa unang pagkakataon, mula nang maiuwi ang bunsong anak nina Duke & Dutchess of Cambridge (William & Katherine) ay inilabas sa publiko ang kauna-unahang larawan ng magkapatid na Prince George at Princess Charlotte. Ipinananganak si Princess Charlotte noong May 2, 2015 sa oras na 8:34 ng umaga sa St. Mary’s Hospital sa Paddington, London na may timbang na 8lb, bilang pangalawang anak ng Duke at Dutchess, siya ang pang-apat na naka-linya para sa trono. Dumagsa sa palasyo ang samu’t saring mga regalo para sa bunsong anak nina William at Katherine mayroon mga booties, baby blankets at mga knitted na laruan. Inulan rin ang royal family ng mga greeting cards at congratulatory cards mula ng ibalita nila ang matiwasay na panganganak ng dukesa.
DID YOU KNOW? FOOD TRIP AT HOME: BRAISED BEEF RECIPE
June 2015 Second Issue
Free Newspaper
Pinoy-local 2
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JUNE 2015 I SECOND ISSUE
page 2
cover story
Sa pangunguna ni Mac Belo at Kiefer Ravena ay nasungkit ng Gilas Cadets ang Gold Medal laban sa koponan ng bansang Indonesia. Naging madikit ang laban sa pagitan ng Gilas Cadets at Indonesia kung kaya’t ng nagkaroon ng pagkakataon ng koponan ng Pilipinas ay di nagpatumpik-tumpik pa at tinapos na ang laban sa iskor na 72-64 na ginanap sa OCBC Arena, Singapore. Nagtala si Mac Belo ng 22 points kasama ang apat na crucial
SONA BAGO BBL Umaasa si Communication Secretary Herminio Colomo Jr na maaprubahan na ng kongreso ang BBL sa huli at ikatlong regular session sa darating na Hulyo. Ito ay bunsod sa pagpapaliban ng Kongreso ang pag-apruba sa Bangsamoro Basic Law (BBL) para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III. Ani ni Coloma “Sa pagtaya po ng liderato ng Kamara ay talagang marami pang dapat pagusapan at kinakailangan pang marinig ang maraming tinig para maging ganap iyong pagtalakay ng panukalang batas, at mainam naman po na magkaroon din ng ganap na talakayan dahil napakahalaga ‘nong binabalangkas nilang batas.” Binuo ang BBL bilang bahagi ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Moro Islamic
SAMPUNG PISO BAWAS SA TAXI FARE IPINAPABASURA
free throws para sa kanyang koponan. Samantala nabigo naman ang Perlas Pilipinas (Women’s Basketball team) na makapag-uwi ng medalya at nagtapos sa bilang pang-apat sa talaan, bagama’t natalo nila ang Singapore sa kanilang huli laro para sa 2015 SEA Games Women’s Basketball.
TRAVEL BAN SA KOREA HINDI KAILANGAN -- DOH
Liberation Front at ng pamahalaan. Nauna nang naantala ang pagtalakay sa BBL matapos ang insidente sa Mamasapano noong Enero.
Dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng halaga ng krudo, ipinababasura ng isang transport group ang P10 bawas sa pasahe sa taxi na ipinatupad ng Land Transpor tation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Naghain ng petisyon ang Drivers Unite for Mass Progress Equality and Reality (DUMPER)
Philippines na ibalik na sa P40 ang flagdown ng mga taxi dahil mataas nang muli ang halaga ng krudo. Sinabi ni DUMPER President Fermin Oktubre na hindi naman bumaba ang binabayaran nilang boundary matapos ipatupad ang P10 rollback kaya naman sila rin ang nahihirapan. Ipinatupad ang P10 kaltas sa pamasahe noong Marso 9 matapos ang malaking pagbaba ng halaga ng krudo. Samantala, nagpaalala ang LTFRB sa pamamagitan ng kanilang Twitter account na ipinatutupad pa rin ang P10 bawas pasahe sa taxi.
TAMBALANG MARCOS AT DUTERTE SA 2016
Nagbigay ng bagong babala ang Department of Health kaugnay sa patuloy na pagtaas ng Middle East Respiratory SyndromeCorona Virus (MERS-CoV) outbreak na mas maging tapat sa pagsagot ng health declaration form sa mga publikong pabalik ng bansa para ilahad ang ilang impormasyon kaugnay sa naging biyahe nito at bansang pinanggalingan nito. Mayroon din mga thermal scanners upang malaman kung sino ang may lagnat. Hinimok din nila na ang sinuman na kakitaan ng sintomas ng MERS-CoV ay ideklara ito upang mabigyan ng tamang atensyon sa naturang virus. “If they took medicine, it can be missed during the area where thermal scanners are placed during the passage. However if they declare it.... then we have a means of communicating with them for the next 14 days,” pahayag ni DOH Health Secretary Janette Garin. “If somebody turns out to be positive in the plane, then we can immediately do contact tracing, refer them to the hospitals in their area in their region and then have this texting mechanism that we do,” dagdag pa ng kalihim. Ilan sa mga sintomas ng MERS-CoV ay lagnat, ubo, sipon, kahirapan sa paghinga, diarrhea at kidney failure. Samantala, tiniyak ng Department of Labor and Employment na walang Filipino sa South Korea ang tinamaan ng MERS-CoV.
Umugong ang espekulasyon sa posibleng tambalan sa 2016 nina Sen. Bongbong Marcos at Davao City Mayor Rodr igo Duterte matapos lumabas sa isang radio show sa lalawigan ang senador. Ibinahagi ni Marcos sa programang “Gikan sa Masa, Para sa Masa” ng ABS CBN ang malaking paghanga niya kay Duterte dahil kapwa anya sila tagasuporta ng pederalismo. “Sumusunod lang ako kay Mayor Duterte… He is my mentor when it comes to politics. Ako’y tagahanga lang niya,” sabi ni Marcos na unang national politician na nakapanayam ng naturang radio program. “Hindi ko tuloy malaman dito kung ako ba ang presidente o siya,” pabiro namang sagot ni Duterte na hanggang ngayon ay hindi pa rin nililinaw ang kanyang mga plano para sa 2016. Inihayag naman ni Marcos na bukas siya sa anumang posibilidad para sa darating na halalan. Nang tanungin naman si Duterte sa
posibleng tambalan kay Panfilo Lacson, sinabi ng alkalde na kakayanin ng dating senador na bitbitin ang sariling bandera kahit pa wala itong ideklarang running mate. “He is a class by himself, meaning he can run carrying the issues of the day. Hindi na ako kailangan diyan. Ngayon, kung magsama kami [at] masusunog, well mahirap yan, baka ako pa ang mapaso dyan... I said wala naman akong ambition talaga ... He is a class by himself,” ani Duterte. Una nang sinabi ni Lacson na hindi siya bukas sa posibleng tandem kay Duterte dahil na rin anya sa magkahalintulad nila ng linya ng pamamalakad na nakatuon sa kapayapaan at kaayusan. “[Una] baka umusok kaming dalawa... Pangalawa, eh parang isa lang ang dimension, ang core competence namin, parang nalilinya sa iisang aspeto lamang – ito ay sa larangan ng peace and order,” wika ni Lacson.
pinoy-global 3
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JUNE 2015 I second ISSUE
page 3
300 YEARS OLD MAP TO BOOST PH CASE OVER THE CHINA'S TERRITORIAL CLAIM
JAPAN TO FILIPINO VISITORS: OBEY THE LAW Filipinos traveling to Japan are reminded to observe the laws and regulations at all times. “The public is advised to refrain from engaging in any illegal and criminal activities such as vandalism, theft / robbery, and especially drug possession, drug smuggling and drug use,” the Philippine embassy in Tokyo said in an advisory. The embassy said foreign nationals with tourist visas may be sentenced to imprisonment or given a grave penalty if proven guilty of engaging in any illegal or criminal activities in Japan. According to the statistics released by the Ministry of
According to Malacañang spokesperson Edwin Lacierda, with the sumbmission of a 300-year-old map to the international tribunal will boost it's case of the Philippine questioning China's territorial claim over the South China Sea. Despite this maritime dispute, the Palace is looking forward to better ralationship with China. “Just to be clear, we have no conflict with the Chinese people. Our conflict, for instance, our differences are with the approach of the leadership in dealing with the South China Sea. But on the whole, with respect to the Chinese people, we continue to establish good relations with them. And we certainly look forward to a better relations with China,” Lacierda said. Lacierda emphasized that the country only differs with how the Chinese leadership is dealing with the issue, but has no quarrel with the Chinese people. On the Other hand President Aquino attended the Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc.’s commemoration of the Friendship Day, as well as the anniversary of the establishment of diplomatic relations between the two countries, and the country’s 117th Independence Day. Lacierda added that the event is an apt reminder of “the friendship between the Filipino and Chinese” and “the long history of relations that we have with them.” He also added that as someone who has Chinese ancestry, Aquino can relate easily with Chinese-Filipinos. “A number of our Filipinos here also have traced themselves to China and I could very well say that I am one of them. And, certainly, I would encourage this… to continue to enhance a warm relationship between China and the Philippines,” he said. He added the country’s relations with China should not be viewed solely on the basis of the maritime row. Lacierda cited the country’s “multi-level relationship with China” including people-to-people exchanges, Trade and, culture.
Justice of Japan, there were 3,517 Filipinos who entered Japan with tourist visas in 2013 compared to 1,753 in 2012. From January to June 2014, 1,109 Filipino tourists traveled to this country.
2 PINAYS HONORED FOR POST-YOLANDA WORK BY QUEEN ELIZABETH II
Two Filipino staff members of the consular section at the British embassy in Manila was honored by the Britain's Queen Elizabeth II for their exemplary work in the aftermath of the super typhoon Yolanda in 2013. Victoria Buenaventura and Joanna Teh were among those who will be conferred Members of the Order of the British Empire (MBE), an honor given to individuals “for a significant achievement or outstanding service to the community” or those who have performed “local ‘handson’ service which stands out as an example to other people.” According to Brendan Gill, HM Consul at the British Embassy Manila “Without their vital work, in this most difficult and extreme of environments, we would never have had the same level of success in finding and helping British nationals in the affected area.” The honors were given as a part of the 89th birthday celebration of Queen Elizabeth II. According to British Ambassador Asif Ahmad, Buenaventura and Teh's immediate response and dedication helped account for those reported missing in
Yolanda's aftermath. He also added that their "courage and resilience and proffesionalism" and willingness to fly to Leyte and Samar for work alleviated the "uncertainty and difficulty" faced by Filipinos during that time, their work has been recognized by her Majesty the Queen and it is a source of great pride to us all. According to Buenaventura, she and Teh worked 16-hours when they were deployed three times with Rapid Deployment Teams in calamity-hit areas due to difficulties in coordination and transportation. While they knew their teams did good work, the commendation came as an unexpected reward. “The implication of belonging to an 'elite' company, as I was told it was, is just beginning to sink in,” Buenaventura said. “It is indeed a great source of pride which I would like to share with my family, to the consular and crisis team who have worked very hard during Typhoon Haiyan and of course to the Filipino people but all praises and honour only belong to our God,” Teh said.
WHO'S YOUR FAT DADDY'S NOW? When you say Hole in the Wall it means a small and simple establishment that is not so fancy and expensive. That is why, when I had a chance to visit Marikina City, I didn’t pass up the chance to visit this very intriguing restaurant, the Fatdaddy’s.
This smoker is the main secret of Fatdaddy’s best selling smoked-brisket. Did you know that Beef Brisket is the toughest and leanest meat part of the cow?
This best-selling smoked brisket comes with bread or mashed potato or rice; your choice. Another best-seller is their original recipe of smoked sausage that is crunchy outside but very tender inside. Fatdaddy’s started their marketing through paid ads for a week (Facebook) and on Instagram and have reached 70,000 likes in a span of two weeks and is now the most visited, including celebrities, restaurant from north to south.
To achieve the exact tenderness of brisket and smoke-grill taste, Texas style, Fatdaddy’s prepare their brisket by slowsmoke for 16 hours.
Located in Marikina Heights, Fatdaddy’s is literally a “holein-the-wall” restaurant because it is actually the garage area of the house. Fatdaddy’s is a pet project of the Versoza siblings after the eldest son Chef Jasper and wife went to the States for a vacation. They were driven to bring an authentic smoke-grill , Texas style barbeque in the Philippines. It took them eight months to research and taste recipes to achieve the authentic smoke-grill taste of barbeque. And because the traditional smokers are no longer available in the market, they have to create their own.
Smoked Beef Brisket - Php320/100grams “The savory layer of fat actually melts in your mouth that will surely satisfy your authentic smoke-grill barbeque craving”.
Soon, Fatdaddys will have a BGC branch along Burgos Circle to cater adventurous foodie looking for authentic smoke barbeque or meat.
pinoy community 4
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JUNE 2015 I second ISSUE
page 4
Distributer: Publisher:
Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT
jaggeraziz@gmail.com
The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.
Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com
beef braised recipe Braising is a method wherein meat such as beef is simmered with enough liquid or moisture for a long time. This cooking technique does not only make the meat tender, it also lets the meat release its maximum flavor. Braised Beef is a very tasty dish that requires minimum effort. All you need are the ingredients and some extra time and patience. I’m sure that your family and friends will be impressed with what you’ll be serving them. So, when your friends say “This dish was really awesome, we have no idea that you can cook”. Tell them “Me neither, I was surprised too. All I did was to imagine that I am a good cook. That book I read about self development and positive thinking really works!” Then give them a wink.
INGREDIENTS: 2 lbs beef chuck or brisket, cubed 4 tablespoons extra virgin olive oil 1 medium Spanish onion, diced 1 stalk celery, chopped 1 medium carrot, peeled and chopped 3 cups beef STOCK 1 cup red wine 1/2 teaspoon dried thyme Salt and ground black pepper to taste PROCEDURES: 1. Heat a cooking pot and pour-in olive oil. 2. Sauté onion until soft and add dried thyme then put-in beef and cook for 5 minutes. 3. Pour-in red wine and bring to a boil. 4. Pour-in the beef STOCK and simmer until the beef becomes tender. This can be done using the following methods: Slow cook for 4 to 5 hours using a Crockpot; Cooking in low heat using stovetop or burner; note that 2 to 2 1/2 hours is the average time to tenderize the meat and try to add water as needed; If you don’t have the time, you may pressure cook the meat for 40 minutes. 5. Add the carrots and celery then cook until the vegetables are tender. 6. Transfer to a serving plate then serve.
tara-let's 5
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JUNE 2015 I 2014 second ISSUEissue SEPTEMBER SECOND
page 5
balik eskuwela, balik ust at up
B
alik eskwelahan na ulit ang mga estudyante sa halos lahat ng antas. Tiyak na kanya-kanya na naman ng kwento ang mga ito na kahit madalas may nasasabing hindi maganda sa paaralan ay naroon pa rin ang kanilang loyalty. Hindi nga ba’t kapag may event gaya ng University Athletic Association in the Philippines (UAAP) cheering or basketball competition kung saan kabilang ang University of Sto. Tomas at University Philippines ay buhay na buhay ito? Subalit pagdating kaya sa history, pasilidad at iba pa, anu-ano kaya ang mayroon sa dalawang nabanggit na pamantasan? Arch of the Centuries
UST: isa sa Pinakamatandang pamantasan sa Pilipinas at Asia May ilang makabagong gusali na sa loob ng University ng Sto. Tomas at hindi ito magpapatalo pagdating sa teknolohiya at pasilidad. Subalit, pagdating sa kasaysayan hindi na mapapasubalian ang makulay na istorya ng UST na makikita sa kahabaan ng Espanya boulevard, Manila.
Ayon sa kasaysayan ng UST, ang unang pangalan nito ay Colegio de Nuestra Señora del Santisimo Rosario na naging Colegio de Santo Tomas kinaluanan sunod kay St. Thomas Aquinas. Noon namang Nobyembre 1645 ay ginawang unibersidad ito sa utos na ni Pope Innocent X. Subalit alam n’yo bang Hulyo 24, 1605 pa lamang ay naisakatuparan na ang ideya nito nang magpaluwal si Archbishop of Manila Miguel de Benavides ng 1,500 pesos at kasama na rito ang pagsaalang-alang niya sa kanyang sariling aklatan? Unang naitayo ang pamantasan sa loob ng Intramuros Manila pero inilipat ito sa kasalukuyang lokasyon nito noong 1927. Samantala, isa sa pamosong istraktura na makikita pa rin sa campus ay ang Ach of Centuries na reconstruction ng orihinal na entrada noon ng UST sa Intramuros (1611 -1941) at itinanghal na National Cultural Treasure noong 2011. Sa di kalayuan at halos tapat ng arko ay makikita ang UST main building na dinisenyo ni Engineer at Dominican priest Fr. Roque Ruañ O.P. Sinasabing ang UST main building na naitayo noong 1920 ang kauna-unahang gusali sa Pinas na “earthquake-shock resistant.” May mga istoryang si Fr. Ruano rin ay siyang arikitekto ng isang Catholic Church sa
Kuha at teksto ni Jane Gonzales UST Main Building
Kobe Japan, subalit ang sigurado ay naimpluwensyahan ang kanyang disenyo sa UST ng Great Kanto Earthquake noong 1923. Sa ibang banda ang mga istatwa sa tuktok ng ikaapat na palapag nito ay likha ng Italyanong si Francesco Riccarddo Monti na nag-disenyo rin ng Metropolitan Theater, head office ng Meralco sa Manila, at ilang eskultura sa Sto. Domingo Church. Siyempre, hindi mawawala ang simbahan sa loob ng tinaguriang Catholic University of the Philippines at ito na nga ang Santisimo Rosario Parish. Naitayo ang simbahan sa atas nang noong ay Archbishop of Manila na si Rev. Michael O’ Dougherty D.D. at ay may lagpas pitong dekada na ito ngayon. Ilang sa mga kilalang personalidad na nagtapos sa UST ay sina Dr. Jose Rizal, Emilio Jacinto, Antonio Luna, Sen. Claro M. Recto, Pres. Manuel L Quezon, Chief Justice Jose Abad Santos, National Artist for Literay Nick Joaquin, Aiza Seguerra, Arnold Clavio, Charlene Gonzalez, Iza Calzado, Eula Valdes, Nonoy Zuniga, Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Lucio Tan, at Toni Caktiong ( founder of Jollibee).
at Bahay ng Alumni. Ang UP Film Center ay sikat na dausan din ng mga awards night, graduation ceremony at seminars or workshop. Ang simple pero buhay na buhay na Palma Hall (Roxas Avenue, UP Oval ) naman ay isa sa kauna-unahang gusali na naitayo sa bahagi ng pamantasan. Ipinangalan ito kay Rafael Palma na dating president ng UP mula 1923 at 1933.
Loob ng Parish of Holy Sacrifice
UP Oblation
UP Diliman: The Largest Constituents University May iba't ibang sangay ang University of the Philippines ( UP) gaya ng UP Los Baños, UP Visayas, UP Manila, UP Mindanao, UP Bagio at UP Cebu at ito rin ang “largest Constituent University.” Mayroon na ring tinatawag na UP Open University kung saan maaaring mag-enroll ang mga estudyante sa loob at labas ng bansa nang hindi kailangan palaging pumasok sa ekwelahan. Ilan na nga sa mga artistang naging estudyante rito ay sina Sharon Cuneta, Sarah Geronimo at kamakailan ay pati na si Kim Chiu. Ang UP ay naitatag noong 1908 at ang UP Diliman sa Quezon City ang ikaapat na sangay nito. Ang nabanggit na pamantasan ay nagbukas noong 1949 at ang itinuturing na may pinakamalaking campus na unibersidad sa bansa. Katunayan ay inokopahan ng UP Diliman ang 493 hectares sa Quezon City. Ito pa lang din ang alam kong pamantasan na kinakailangan pa minsan na sumakay ng Jeep (UP Ikot) para makarating sa isang partikular na gusali. Sa lawak at dami ng puno sa paligid ng UP ay ginagawa na rin itong running field ng ilang mahilig mag-ehersisyo at minsan ay dausan nang malalaking pagtitipon. Samantala, ilan sa kilalang lugar dito ay unang-una ang UP Oblation na nasa unahan naman ng UP Sunken Garden
Dalawa uri ng simbahan ang mapupuntahan sa UP Diliman, ito ang Parish of Holy Sacrifice (Catholic) na kauna-kaunahang “circular design at may “thin shell concrete dome” sa bansa at Church of the Risen Lord (Protestant). Food hub din para sa mga foodies ang UP Dilliman dahil sa iba’t ibang kainan rito gaya ng Mang Larry’s Isawan, Beach House Canteen, R.O.C (Restaurant of Choice), at The Chocolate Kiss Café. Isa na rin itong job and technology site dahil sa UP-Ayala Techno Hub na kung saan nakatayo ang opisina ng mga naglalakihang BPO companies. Maliban dito ay nasa bahagi rin ng campus ang opisina ng Commission on Higher Education (CHED), Philippine Nuclear Research Institute, at National Computer Center Commission on Information & Communications Technology. Ilan sa sikat na graduate ng UP ay sina Atom Araullo, Sen. Miriam Santiago, President Gloria Macapagal-Arroyo, Christian Bautista, Agot Isidro, Giselle Sanchez, Atty. Francis Pangilinan, mag-amang Randy at Kara David, Ryan Cayabyab, Luchi Cruz-Valdez, at Lino Brocka.
Sources: Wikipedia, ust.edu.ph, Philippine Daily Inquirer, at upd.edu.ph
pinoy na pinoy 6 page 6
Gemini - May. 22 - June. 21 Ito na ang panahon na ikaw na dapat ang gumagawa ng sarili mong oportunidad. Simulan na ang magtanong sa mga kakilala at magpadala ng resume sa kumpanyang nais pasukan. Kaligtaan mo na ang mga panahon na parati ka na lamang naghihintay sa kung ano lamang ang darating. Isa pa’y ang paglabas sa iyong tinatawag na ‘comfort zone’ at pagkakaroon ng lakas ng loob ay nakapagbibigay kulay sa iyong social life. Subukan mo muna ang isang bagay, bago ka mag-isip na baka hindi mo kayanin at tiyak na sa huli ay hindi ka rin naman magsisi.
Cancer - June. 22 - July. 22
Ika nga walang makapagbabawal sa iyo kung talagang gusto mo lalo na pagdating sa pagbili ng gamit. Subalit puwede ka naman magpakapraktikal pa rin kung magiging wais ka at handa. Isang halimbawa na rito ang pagsasaliksik muna sa Internet para malaman mo kung saan magandang tindahan, mura at eksaktong mabibili ang iyong ibig. Gaya rin naman ito ng pagharap mo sa suliranin, sa halip na magmaang-maangan ka sa solusyon ay humingi ka na ng tulong kung kinakailangan lalo na sa iyong mga kaibigan.
Leo - July. 23 - August. 22
Puwede ka naman matawag na responsable nang hindi kinakailangan na sobrang pahirapan ang iyong sarili. Ang pagtuturo sa iba kung ano ang dapat nilang gawin at mga obligasyon ay hindi masasabing pagpapasa ng pasanin. Sa halip ito pa nga ang magbibigay daan para sa sama-sama ninyong pag-angat sa buhay at hindi lamang ikaw ang naghihirap. Pamilya man o isang samahan kayo, mabuti na ang may team work para mas matatag at magaan ang pagtugon sa problema.
Virgo - Aug. 23 - Sept. 23
Balansehin ang takbo ng iyong linggo at buwan sa pamamagitan nang pagdedesisyon kung alin tama at hindi para sa iyo. Bagaman maganda na humingi ng payo at maging bukas sa kritisismo, dapat alam mo rin sa sarili mo kung alin sa mga sinasabi nila ang puwede at di angkop sa iyo. Turuan mo ang iyong sarili na umunlad pero hindi mo naman kailangan na magmadali at magpumilit. Ang mahalaga ay natututo ka at masaya sa takbo ng iyong buhay.
Libra - Sep. 24 - Oct. 23 Para makaakyat ka sa itaas ay kailangan magkaroon ka ng hagdan na iyong matuntungan. Ganito ang isipin mo para makamit mo ang iyong pangarap gaya ng paglalakbay at pagnenegosyo. Kung nais mo na magkaroon ka ng pagkakataon makapunta sa iba’t ibang lugar kailangan mong mag-ipon ng pera. Para makapagtabi ka ng pera kailangan mo naman na magtrabaho nang mabuti at maging matipid sa paggastos. Para naman mapabuti ang iyong pagtatrabaho ay kailangan ay pagyamanin mo rin ang iyong kakayahan. Mag-aral ka pa.
Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22 Kapag may ginagawa kang proyekto ay dapat ay pinagtutuunan mo rin ang mahahalagang detalye nito. Nakakatamad at maaaring hindi ka mahilig sa pagbusisi pero kung matutuhan mo ito ay malaki ang maitutulong nito. Kapag nakikita mo kung saan ka mahina at malakas o kaya naman ay kung nasaan ang sobra at kulang ay nakakatipid ka hindi lamang sa pera kundi oras. Tandaan na nasa kalidad ng iyong trabaho ngayon ang uri ng takbo ng iyong kinabukasan. Magsikap ka!
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JUNE 2015 I second ISSUE
Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21
Kung pinagpapala ang mga naghihintay, pinagpapala rin naman iyong marunong magpahalaga at matapat sa minamahal. Ang iyong relasyon sa iyong pamilya kahit hindi perpekto ay pinagkukunan mo pa rin ng inspirasyon at kapahingahan. Ang iyong mga minamahal ang nagsisilbing dahilan kaya ka bumabangon sa umaga. Bakit nga minsan ay nakakaligtaan mo ito? Sa trabaho ay mainam din na maging matapat ka sa iyong tungkulin at tantanan ang palaging pagdadalawang-isip dahil nakagulo lamang ito sa iyo ngayon.
Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20
Maaaring sinusuwerte ka ngayon o kaya naman ay puwedeng suwertehin ka kung pupursigihin mong lumikha ng sariling oportunidad. Kung magiging masigasig ka sa iyong pamumuhay at dodoblehin ang sipag sa iyong karera ay tiyak na hindi malayong lapitan ka nang magagandang oportunidad. Nakakadagdag din sa iyong suwerte ay kakayahan mong makibagay sa iba’t ibang klase ng tao. Dahil naman dito ay madali na sa iyo ang magkaroon ng koneksyon na nakakatulong sa iyong mga hangarin sa buhay.
Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19 Maganda na kapag wala kang pasok o trabaho ay ini-enjoy mo ang iba’t ibang aspeto ng iyong buhay. Sumama ka sa bakasyon ng inyong pamilya, makipag-bonding sa mga kaibigan o makipag-date sa iyong kasintahan. Isama mo na rin dito ang pagbigyan na magawa ang iyong mga kinahihiligan na sining at palakasan. Okay lamang na gawin ang mga ito pero dapat ay huwag ka rin naman mawawala sa focus. Kapag pagdating ng trabaho ay hindi dapat lumilipad ang isip mo.
Pisces - Feb. 20 - March. 20 Sesentro ang iyong atensyon sa inyong tahanan at pamilya. Kasama na rito ang pagdedekorasyon, paglilinis nang mabuti, at pagpapaayos ng inyong bahay base sa iyong naisin. Gaya iyan ng pagsasaayos ng iyong buhay, kailangan mong itapon ang kalat at ilagay sa tama ang bawat aspeto para maging mahayahay ka. Hindi ito madali sa umpisa pero kapag sinimulan mo na ay mapupuno ka ng inspirasyon at pagpupursige para idisenyo ang iyong hinaharap. Kailangan mo lang talagang unahan ang iyong katamaran.
Aries - March. 21 - April. 20 Makakasagap ka ng positibong enerhiya kung pipiliin mo kung sino ang iyong sasamahan. Makipag –bonding sa iyong mga totoong kaibigan na mapagmahal, malambing at marunong mangarap. Magkakaiba o magkakapareho man kayo ng ambisyon, ang mahalaga nito ay inyong usapan na nakakagaan sa iyong pakiramdam at nakakapaglawak ng iyong pananaw. Makakatulong ito sa pagtutok mo sa estado ng iyong pananalapi dahil ang mga kaibigan na may malasakit, hindi ka paggagastusin nang ganun-ganun na lamang.
Taurus - April. 21 - May. 21
Madaling maubos ang iyong pera dahil madali ka ring matuksong bumili ng kung anu-ano. Kailangan mo rin naman ang karamihan sa mga ito kaya hindi nakakapanghinayang. Kung ganoon din lang naman na malaki na ang iyong gastos kahit tanggalin mo na ang iba mong kapritso ay maiging dagdagan mo ang pinagkukunan mo ng pera. Bagay sa iyo ang sideline na business na gaya ng buy and sell at direct selling.
pinoy-BiZz JUNE 2015 I second ISSUE
ni phoebe doroth
page 7
y estelle
Impress: Boyet matindi ang fighting Spirit Kung iba-iba lang si Christopher De Leon ay baka maapektuhan na ang kanyang pananamplataya dahil sa matinding pinagdaanan ng kanyang pamilya. Matapos dumaan sa medication para sa testicular cancer ang kanyang anak na si Juan Carlo Miguel ay kinailangan naman na sumailalim sa kidney transplant ang kanyang misis, ang aktres na si Sandy Andolong. Subalit sa kanyang panayam sa Startalk ay sinabi nitong sa lahat ng pinagdadaanan ng kanyang pamilya ay sa Panginoon sila humuhugot ng lakas. “Very hard, it was almost like… there are days na you would shake na hindi mo alam kung ano, out of stress or nervousness. But you know, I just kneeled and thanked God,” saad pa ng multi-awarded actor. Base rin sa kanyang kuwento sa programa ay dumating ang punto na mula sa hospital sa San Francisco, kung saan naroon si Juan Carlos ay diretso kaagad din siya sa piling ni Sandy na nasa hospital sa Pinas para sa kanyang kidney transplant. Magkagayon pa man ay sinabi niyang talagang ipinapaubaya na lang niya ang lahat sa Diyos. Sa ngayon nasuklian ang katatagan, pakikipaglaban at panamampalataya ng kanilng pamilya. Nito lamang ay naibalita ni Christopher o Boyet na cancer-free na ang kanyang anak, habang naging matagumpay naman ang transplant ng kanyang asawa. Nakaka-inspire ang De Leon family dahil sa kanilang positibong paglaban sa pagsubok lalo na kay Boyet na pati totoong drama sa buhay ay napagwagian. Kapit lang talaga kay Lord.
Express: Pangako Sa Iyo nag-boundary sa MTRCB Ipinatawag ang production group ng top rated at remake show na Pangako Sa Iyo ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa maselang dialogue na naisa-ere noong May 29 sa Pilipinas. Ang linyang “Kung pampalipaslibog lang iyan, that’s okay. Go ahead” na sinabi ni Benita Buenavista na ginampanan ni Pilar Pilapil ang eksaktong pinatutungkulan ng isyu. Dahil sa nasabing dialogue ay isinailalim sa probationary ang programa na pinagbibidahan ng love team nina Daniel Padilla at Kathryn Bernado na ginampanan ang iconic role noon nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Ayon sa inilabas na pahayag ng MTRCB chairman Toto Villlareal para bagang ang kahulugan ng linya ay puwedeng makipagtalik sa ibang babae ( Amor na ginagampanan ni Jodi Sta. Maria) kahit may karelasyon ng iba ( Claudia ni Angelica Panganiban). “It will also include, as determined today, three months period of close collaboration and monitoring, exercise of self-regulation; and consult with MTRCB, if needed,” sabi pa ni Villareal tungkol sa report ng PSY sa kanilang hakbang para sa programa na ipapasa sa Hunyo 17. Kaagad naman tumalima ang pamunuan ng PSY na pinangungunahan nina ABS-CBN TV Production Entertainment head Laurenti Dyogi, Business Unit Head Malou Santos, direk Dado Lumibao, at direk Rory Quintos sa panawagan ng MTRCB. “ABS-CBN apologizes for the strong language used in the May 29 episode of ‘Pangako Sa ‘Yo,’” pahayag ni Head of ABSCBN Integrated Corporate Communications Kane Errol Choa. “We
TONI GONZAGA AT PAUL SORIANO SAY I DO FINALLY Bibihira pero isa sina Toni Gonzaga at Paul Soriano sa nagtagal bilang magkasintahan. Nito ngang Hunyo 12 naman ay itinuloy na ng dalawa ang kanilang relasyon bilang magnobyo sa pagiging mag-asawa. Ang kanilang kasalan na saktong idinaos sa Philippine Independence Day at sa kanilang ika-8 anibersaryo ay ginanap sa United Methodist Church sa Taytay, Rizal at ang reception naman ay sa Rockwell Tent, Makati City. Hinangaan ng madla ang kasalan ng TV Host-actress at young director dahil sa hindi magarbong kasal pero talagang kaabang-abang. Dumalo sa kasalan ang naglalakihang pangalan sa industriya sa pangunguna na ni Kris Aquino, kasama ang kanyang anak na si Bimby Yap na naging proxy naman ni Boy Abunda. Naroon din ang president ng ABS-CBN na si Charo Santos –Concio, Broadway star Lea Salonga, at ang Pambangsang Kamao Manny Pacquiao na kabilang sa mga ninong at ninang. Samantala, ilan sa highlight ng kasal ay ang glamorosang wedding gown ni Toni na ready to wear creation ng international fashion designer na si Vera Wang. Gayon din ang pag-iyak ni Direk Paul sa wedding vow ni Toni para sa kanya at ang bilin ng maid of honor na si Alex, kapatid ng singer, sa kanyang bayaw na “Be Better Me to Ate.” “Every time I would ask you, ‘Why are you choosing to stay with me?’ You would simply answer, ‘Because I love you.’ For eight years, you have fought for your position in my life, and there were times when I would see you get tired. But there was never a time you gave up,” ang mensahe ni Toni sa kanyang groom. Ilan namang namataang artista sa okasyon ay sina Iza Calzado, KC Concepcion, Mariel Rodriguez-Padilla, Miles Ocampo, Vice Ganda, celebrity stylist Liz Uy, Bianca Gonzalez at asawa niyang basketball player na JC Intal, Dr. Vicky Belo, Charlene Gonzales-Muhlach at Gary Valenciano. Kilalang istrikto ang mga magulang nina Toni at Alex na sina Mr. Carlito at Mrs. Crisanta “ Pinty” Gonzaga sa kanilang mga anak. Kaya naman hindi kaila ang matinding tiyaga at pagmamahal na inilaan ng director ng Kid Kulafu at Thelma para mapaibig ang buong pamilya ng main host ng Pinoy Big Brother. “I love you so much. I’m all yours. I’m going to protect you, and I’m going to do my best to give you that love that your parents gave you. I know your parents love you so much... I will do my best to love you like they did for 31 years."
recognize our responsibility to our viewers and we will work closely with the MTRCB to prevent it from happening again.” Bagaman may bahid naman ng pagka-realistiko ang linya at siyempre pa ay magaling ang acting nina Pilar at Ian Veneracion ( gumaganap na Eduardo Buenavista) ay tila nagkulang ang PSY prod sa pag-analisa ng linya. Ayon nga sa MTRCB ay PG (Parental Guidance)-Rated ang serye na ibig sabihin ay maaaring makapanood nito ang mga edad 13-anyos pababa. Naku dami pa naman fans ng KathNiel na mga teenagers kaya nga ‘di ba tinaguriamg Teen King and Queen. Sana nga hindi na maulit. Impress: Chika Minute Goodbye Pia, Hello Iya Matapos ang 11 taon bilang segment host ng Chika Minute ay nag-resign na ang batikang TV host na si Pia Guanio. Ayon sa kanya ay gusto naman niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang anak. Pero ano naman kaya ang mayroon kay Iya Villania at s’ya ang napiling ipalit rito. “We went out to look for somebody na wala sa mold ni Pia para iba na ‘yung direction ng Chika Minute. Nahanap nga namin is somebody fun, somebody active, somebody na different para magkaroon ng ibang spin ang Chika Minute and we found it in Iya,” saad ni program manager John Ray Arrabe sa panayam niya sa 24 Oras din. Nitong Hunyo 15 na ang simula ni Iya sa 24 Oras kung saan nakapaloob ang Chika Minute at makakasama niya ang mga veteran news anchors na sina Mike Enriquez, Vicky Morales at Mel Tiangco. Ayon pa nga sa mga naglabasang balita ang ilang nag-audition para kapalit ni Pia ay sina Julie Ann San Jose, Miss Universe 2010 4th runner up Venus Raj, Luanne Dy, at Miss World 2013 Megan Young. Hindi naman malabong magampanan ni Iya ang pagho-host dahil sa experiences at mga shows na nahawakan niya dati pa. Isa na nga roon ay ang pagiging Video Jockey niya ng MYX at baka madala pa niya ang pagkacountdown nang lively sa mga tsikahan. Congrats!
ANGELICA AT JOHN LLYOD, DI NAGKIKIBUAN? Bulungan-bulungan na nagkakalabuan na umano ang power couple na sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz. Ayon pa sa balita ay may tatlong linggong hindi rin naguusap ang dalawang Kapamilya stars. Sa pitak ni Ricky Lo ng Philippine Star unang naulat ang tungkol sa dalawa at sa base pa sa kanyang source ay halos ganito rin ang nangyari sa magnobyo noong nakaraang taon. Dagdag ng source na nagawan naman ng paraan nila Angelica at John Lloyd ang kanilang di pagkakaunawaan bago pa ito lumala. “John Lloyd and Angelica haven’t been talking to each other for three weeks now,” saad ng insider ni Lo na tinawag niyang ‘Very Deep Penetration Agent.’ “The same thing happened last year but they were able to patch things up before they got worse. This time, feel ko tuluyan na silang maghihiwalay.” Sa kabila ng espekulasyon na ito ay patuloy naman ang pag-post ni Angelica ng pictures sa Instagram tungkol sa kanila ni Lloydie. Kasama na rito ay larawan niya ng Pansit at
ANDREA TORRES: BAGONG PANTASYA NG BAYAN? Sa huling tala ng For Him Magazine o FHM para sa kanilang Sexiest Woman in the World 2015 Poll ay nangunguna na ang aktres na si Andrea Torres. Ang Kapuso star ay unang nakilala sa kanyang wholesome image pero kamakailan lang ay untiunti na rin nagiging open sa pagpapaseksi ito. Isa pa nga sa botong-boto sa kanyang kagandahan ay si Marian Rivera. Sa huling check noong Hunyo 10 ay naungusan na nga ng perennial on screen partner ni Mikael Daez ang mga datihan nang laman ng FHM. Ang mga ito ay ang Passion de Amor star na si Ellen Adarna, TV host- actress Jennlyn Mercado, model turned actress Sam Pinto at two-time Darna actress Angel Locsin na pasok lahat sa Top 5. Si Andrea na may hawig sa Hollywood star na si Eva Mendes ay nagsimula sa teen star sa ilang Kapamilya shows bago lumipat sa GMA. Sa GMA ay napasabak siya sa hosting hanggang sa mga drama shows. Subalit lalong tumingkad ang kanyang popularidad nang itambal siya kay Mikael para sa remake ng Sana Ikaw Na Nga na pinagbibidahan noon nina Tanya Garcia at Dingdong Dantes. Nasundan na ito nang With a Smile kasama si Christian Bautista at Ang Lihim
Bistek na naka-tag naman sa nobyo niya simula noong 2012. Bago si John Lloyd ay naging kasintahan ni Angelica ang aktor na si Derek Ramsay na matagal rin niyang nakarelasyon. Tila hindi naging maganda ang paghihiwalay nang dalawa noon at nasangkot pa si Angelica sa kasong isinampa ng nakahiwalayang asawa ni Derek. Samantala, isang dating child actress din ang huling nakarelasyon ni John Lloyd sa katauhan ni Shaina Magdayao.
ni Annasandra. Sila rin ang magkasama para sa Blood in Dispute na kinunan ang mga eksena sa Cambodia. Sa ngayon ay napapanood ang dalawa sa gag show na Bubble Gang at kung saan isa siya sa Bubble Shaker. Ang all natural beauty ni Andrea at ang kanyang vital statistics ay 36-25-36. Sa panayam sa kanya ng GMA News inilahad nitong dahil sa kanyang pagwo-workout nakukuha ang pananatili ng kanyang magandang katawan lalo na’t ‘di naman siya nagdadiet sa pagkain.