sarah at matteo sila na nga ba?
page 7
Daloy Kayumanggi
sundan ang yapak ng nakalipas sa intramuros manila
page 5
horoscope and weekly recipe page 6
free newspaper November 2013 second issue
Impormasyon ng Pilipino
BAGSIK NG HAGUPIT NI
YOLANDA ISTORYA SA PAGE 2
PINAS ISINAILALIM SA STATE OF NAT'L CALAMITY I
dineklara ni Pangulong Noynoy Aquino noong nakaraang Lunes, Nobyembre 11 na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng State of National Calamity matapos hagupitin ng super typhoon Yolanda ang bansa lalo ang mga probinsya sa Visayas. Ayon na tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nag-iwan si Yolanda ng 1,774 patay, 2,487 nasugatan at 82 pa ang nawawala. “Idineklara natin ang State of National Calamity upang mapabilis ang mga pagkilos ng pamahalaan para sa pagsagip, paghahatid ng tulong at rehabilitasyon ng mga probinsyang sinalanta ni Yolanda”. Idinagdag pa ni PNoy na naaprubahan na ang P1.1 billion para sa relief and rehabilation efforts.
Ang pag-aanunsyo ng State of National Calamity ay isa ring hakbang upang makontrol ang presyo ng mga bilihin at maiwasan ang pagtatago nito kapag tumaas ang demand. Sinigurado naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang mangyayaring pagtataas ng presyo sa mga bilihin sa lalawigan ng Iloilo, Antique, Capiz, Coron sa Palawan, Negros Oriental, Ormoc at Tacloban Vity sa Leyte. Sa kasalukuyan, tinatayang 2 milyon pamilya ang apektado sa kalamidad na ito na naninirahan sa 8 probinsyang hinagupit ng bagyong Yolanda. Ang super typhoon Yolanda sa kasaysayan ang ititnuturing na pinakamalakas sa buong mundo.
pagkatapos ni yolanda, si zoraida naman
H
indi pa man natutukoy kung ilan ang mga nasawi sa hagupit ni bagyong Yo l a n d a , i s a n a n a m a n g t r o p i c a l depression ang namataan sa katimugang bahagi ng Mindanao. Ang nasabing tropical depression na pinangalanang Zoraida na kumikilos patungong hilagangkanluran 30 kph na tatama sa Hinatuan, Surigao Del Sur. Bagama’t mas mahina ito kaysa sa super typhoon Yolanda, hindi pa rin maiiwasan na mangamba ang mga mamamayan sa mga naturang lalawigan. Inaasahang labing-pitong lugar sa Visayas at Mindanao ang tatamaan ng bagyong Zoraida kabilang na rito at may storm warning ay ang mga sumusunod: (Signal no.1) Dinagat Province, Siargao Island, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental, Davao del Norte, Samal Island, Bukidnon, Misamis Oriental,
Camiguin Island, Siquior, Southern Cebu, Bohol, Negros Oriental at Southern Negros Occidental.
napoles sa senado
page 2
JAPAN'S OFFICIAL DROP-OFF POINTS & DONATIONS FOR THE VICTIMS OF SUPER TYPHOON "YOLANDA" ( INTERNATIONAL NAME "HAIYAN" ) Pwede nyo pong ipadala sa TRANSTECH 1-7-18 Shinkiba, Koto-ku, Tokyo 136-0082 Tel.no. 03-3522-8108 * Paki ayos lang po ang pag kalagay nyo sa Box or Plastic Bag at sulatan nyo "Donation for Typhoon Yolanda Victims" NOTE: Kayo po ang mag babayad sa Mailing (takyubin) from your house/residence to Transtech office. At Transtech na po ang bahala sa pag padala sa Pilipinas.
* Make sure lang po na walang item na babasagin at yung mga padala nyo ay talagang magagamit at malinis. For more details, please call TransTech office @ 0120-988-890 or 03-3522-8108
SENDING DONATIONS
WWW.REDCROSS.ORG.PH WWW.NDRRMC.GOV.PH WWW.DSWD.GOV.PH
PLEASE VISIT THIS WEBSITES FOR FURTHER INQUIRIES
truly a pinoy pride page 3
ika nga ni konsul
page 3
YOUR SUPPORT BRINGS HOPE TO THE FAMILIES AFFECTED BY THE SUPER TYPHOON "YOLANDA" for more information please see page 3 "ika nga ni konsul column"
Pinoy-local 2
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 2
NOVEMBER 2013 SECOND iSSUE
bagsik ng hagupit ni yolanda napoles sa senado
N
H
alos burahin na sa mapa ang Visayas partikular na ang Samar, Leyte at Capiz nang hagupitin ito nang matinding hangin at pagbuhos ng ulan ng super typhoon Yolanda na may international name na Haiyan. Ang pinakamalakas na bagyong ito ngayong 2013 ay tinatayang kumitil nang may 1500 hanggang 2000 katao at dahilan ngayon nang malubhang krisis lalo na sa Visayas. Bago ang pagtama ni Yolanda sa Visayas ay nag-anunsyo na ang PAG-ASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) na isa itong super typhoon na sa tala ay rumaragasa nang may 315 kilometro kada oras bago pa tumama sa lupa. Bunsod nito ay nagdeklara ng signal no.4 sa Masbate, Ticao Island, Southern Sorsogon, Romblon, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Leyte, Southern Leyte, Biliran province, Northern Cebu, Cebu City, Bantayan at Camotes Islands, Northern Negros Occidental, Capiz, Aklan, Antique, Iloilo, at Guimaras. Sa huling tala ay nasa mahigit 1200 ang binawian ng buhay sa Leyte, 200 sa Western Samar at 162 sa Eastern Samar. Kahit na nga may maaga-agang banta ay tila hindi pa rin naiwasan ang kalunos-lunos na resulta ng bagyo na nagparalisa rin ng komunikasyon at transportasyon sa Visayas. Magpahanggang sa ngayon ay marami pa rin ang nawawala at nag-aala na hindi ma-contact ng kani-kanilang mga kamag-anak. May iba na sa media na rin nakikiusap na magpadala ng mensahe gamit ang anumang masusulatang papel. Sinisikap na umano ng telecommunication companies na mapanumbalik ang kanilang mga linya pero ayon sa pamunuan ng Department of Energy maaaring umabot ito ng ilang buwan o isang taon. Laganap na rin ang nakawan sa Tacloban na kung saan nilolooban kahit ang malalaking establisiyemento gaya ng Gaisano Mall. Bunsod nito ay nagtalaga ng 10pm hanggang 6am na curfew hour ang local government sa Leyte. Nagdeklara na rin ng State of National Calamity si Pres. Aquino nitong Nobyembre 11. Naantig naman ang mundo sa kalunos-lunos na sinapit nang Pilipinas. As of press time, ibinalita ni Pres. Noynoy Aquino na may mahigit na 31 bansa na ang nagpapabot ng tulong at umaabot na ito sa 3.8 bilyong Piso. Ang aircraft at warship ng Estados Unidos at Britanya ay pumalaot na rin sa lugar para mapabilis ang pag-abot ng donasyon. Maliban sa mga bansa, umaksyon na rin ang malalaking organisasyon tulad ng International Rescue Committee, American Red Cross, NBA Associations, mGive Foundation, team Rubicon, World Food Program USA, Care, Habitat for Humanity, UNICEF, Doctors Without Borders, Oxfam, United Nations World Food Program at World Vision. “On behalf of the Filipino people, I thank the governments and peoples of so many nations as well as the donor organizations, who have pledged or already provided assistance, whether technical, financial, or in kind, for the relief and rebuilding efforts that we are undertaking in Leyte, Samar, and other provinces devastated by Haiyan,” pahayag ni Aquino. Sa unti-unting pagpapanumbalik ng transportasyon at pagdating ng iba’t ibang rescuers, tinatayang dadami pa ang bilang ng hinihinalang patay, nasugatan at napinsala ng super typhoon. Sa ilang ulat pa ay marami pa rin ang hindi naaabutan ng tulong hindi lamang sa pagkain at damit kundi maging gamot, tubig, at kagamitang panlamig. “The Almighty has granted us the resilience to withstand such tragedies, secure in our belief that God will continue to guide us as we provide care for our countrymen, rebuild our nation, and prepare for the future,” saad pa ng pangulo. Tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang pagtulong ng mga ahensya ng gobyerno gaya ng Philippine Red Cross, at DSWD (Department of Social Welfare Development), gayon din ng mga local foundations na tumatanggap pa rin ng donasyon at pagkalap ng impormasyon sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda.
aging kaaabang-abang ang pagharap ni PDAF scam queen Janet Lim Napoles noong nakaraang Nobyembre 7. Ngunit sa simula pa lamang ng sesyon ay humingi ang kampo ni Napoles ng 30 minuto recess at nagpadagdag pa ng 15 minuto upang makausap at maging pamilyar sa kaso ni Napoles ang mga Public Attorney na tatayo niyang abugado sa araw na iyon. Hiniling ni Howard Areza PAO tumatayong abugado ni Napoles na gawing executive session na lamang ang pagdinig. Ngunit ayon sa Senate rules: “The executive sessions of the Senate shall be held always behind closed doors. In such sessions, only the Secretary, the Sergeant-at-Arms and/or such other persons as may be authorized by the Senate may be admitted to the session hall”. Subalit, iginiit ni Majority floor leader Senator Allan Peter Cayetano na tulad ng 100 Pinoy, gusto rin nila malaman kung ano ang sasabihin ni Napoles. “Whether we do it now in public or tayo-tayo lang, lalabas din ang totoo, best to do it openly and in public”. Sa kinalaunan, ipinagpaliban ni Blue Ribbon Committee chair TG Guingona ang request nila Napoles. Mula 10:57 nang umaga hanggang 12:10 nang tanghali, ay pilit na iginisa ni Blue Ribbon Committee chair TG Guingona si Napoles, maging ang paghaharap nila ng mga whistleblowers na sina Benhur Luy, at Merlina Sunas ngunit sa huli ito lamang ang mga salitang binitawan ni Napoles: “Hindi ko po alam”. Nabuhayan lamang ang sambayanang Pilipino sa pagpasok ni Sen. Mirriam Defensor-Santiago na nauna nang nakiusap kay
Sen. Cayetano na paunahin na siya dahil sa masama ang kanyang pakiramdam. Unang niratsadahan ni Santiago si Napoles at si Areza kung ano ang ginagawa ng isang Public Attorney sa pagdinig ng PDAF scam. Ipinaliwanag ni Santiago na ang PAO ay para lamang sa mga mahihirap. Nagpatutsada rin siya sa paghingi ng “right against self-incrimination” ni Napoles. Iginiit niya na ang “right against self-incrimination” ay para lamang sa kasong criminal. Ang dinidinig nila ay isang Administrative case at hindi Criminal Case. Hirit pa ni Sen. Miriam “ang akusado hindi dapat mawalan ng sala maliban na lang kung siya ang maging susi para maakusahan ang tunay na may kasalanan. "I will be discussing legal concepts before I interpolate, these ate the right against self-incrimination" ang isasagot ni Napoles and right to a public attorney”. Iginiit niya na hindi pwede na puro “right against self-incrimination” dahil sumumpa ito na magsabi ng katotohanan.
ng Sandigan Bayan First Division ang piyansa para kay PGMA binasura request to post bail ni former President Gloria Macapagal-Arroyo para sa kanyang plunder case ibinasura ng sandigan kaungnay sa pagkamal ng pondo ng Philippine Charity bayan Sweepstakes Office (PCSO).
I
Matatandaan na kinasuhan ang 66-year-old former president sa paggamit ng P366 milyon na pondo ng PCSO mula nang tumakbo siyang presidente sa kanyang ikalawang termino. Sa kasalukuyan naka-hospital arrest si Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center. Isa si Arroyo sa 24 na kinasuhan ng plunder ng Justice department sa Ombudsman para sa Malampaya fund na tulad ng PDAF ay ginamitan din ng mga bogus NGO’s para sa mga ghost projects.
Korina sanchez umalma sa cnn reporter
T
ila hindi nagustuhan ni ABSCBN anchor Korina Sanchez ang report na ginawa ni CNN reporter Anderson Cooper tungkol sa kalagayan ng mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban. Si Cooper na kilalang bihasa sa mga ganitong pag-uulat ay dumating sa bansa upang magcover ng kasalukayang kaganapan sa Tacloban para sa CNN. Sa kanyang morning radio show sa DZMM na ‘Rated Korina’ bagama’t naka-blind item, tahasang pinuna ni Sanchez ang pagrereport ni Cooper na “mali-mali” at “mukhang hindi niya alam ang sinasabi niya”. Bukod kasi sa report ni Cooper ay nag-post din ito ng kanyang mga tweets para ilarawan ang kanyang mga nasaksihan sa Tacloban. Sa kanyang mga tweets sinabi niya na “no real evidence of organized recovery in the area” at “the people in Tacloban deserve better than what they have gotten”. Mukha namang masyadong naapektuhan si Sanchez kaya ganun na lamang ang pagpuna niya sa banyagang reporter. Si Sanchez na maybahay ni DILG Secretary Mar Roxas ang mga
punong-abala sa rescue operation sa Tacloban. Dahil dito maraming umalmang netizens at tahasang binatikos sa Twitter si Sanchez. “Somebody slap Korina Sanchez. Because of her reaction, Anderson had to explain himself for those tweets. He only reported what he saw”! --@khettie “Ewan ko pero mas naniniwala ako kay Anderson Cooper kesa sa depensa ng gobyerno”. --@vansflores “Anderson Cooper is with the people of Tacloban while Korina Sanchez is in comfy studio in QC. Who do we believe?” ---@J_omer_B Sa kabilang banda sumagot naman via Twitter si Anderson Cooper tungkol sa batikos ni Sanchez sa kanya, ayon kay Cooper, inilalarawan lamang niya na “disorganize” ang relief operation at hindi niya sinabing “there’s no relief operations for the victims”. Nagpahayag naman ng kanyang saloobin sa isyu ang isa pang renowned ABS-CBN anchor na si Karen Davila via Twitter “I believe, Anderson Cooper was reporting exactly what he saw and got news first hand from those waiting for relief”.
YOUR SUPPORT BRINGS HOPE TO THE FAMILIES AFFECTED BY THE SUPER TYPHOON "YOLANDA" for more information please see page 3 "ika nga ni konsul column"
pinoy-global 3
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 3
NOVEMBER 2013 SECOND iSSUE
truly a pinoy pride
M
atapos ang anim na taon ay nagharap na namang muli sina Nonito “The Filipino Flash” Donaire at American-Aussie Vic “Raging Bull” Darchinyan para kapwa maiuwi ang IBF/IBO Flyweight Champion Belt. Bagama’t sa mga naunang round ay lamang na lamang si Darchinyan, hindi naman pinanghinaan si Nonito para isuko ang laban. Sa tulong na rin ng kanyang coach at amang si Donaire Sr., naniniwala silang kayang mapatumba ni Nonito ang kalaban. Pagdating ng ika-8th round ay nagpaulan na ng suntok si Filipino Flash na nagdala sa kanya upang mapatumba si Darchinyan sa ika-9th round via TKO. Aminado si Nonito na hindi naging maganda ang simula ng kaniyang laban dahil na rin sa iniinda niyang trangkaso, gabi bago ang kanyang laban. Sa kabilang banda, tinanghal naman si Ms. Universe Ariella Arida bilang 3rd runner up sa katatapos lang na Miss Universe competition na ginanap sa Crocus City Hall, Moscow, Russia. Hindi man naiuwi ni Arida ang korona bilang Ms. Universe ay masaya na rin si Arida sa natamong tagumpay. Bagama’t tinuligsa noon si Arida dahil na rin sa isa niyang komento patungkol sa mga Latina na hirap makapagsalita ng Ingles, pinatunayan naman ni Arida na 'di tulad ng huli, hindi na niya kailangan ang interpreter para sagutin ang tanong na nagmula kay Figure Skating Olympic Gold Medalist Tara Lipinski. Nasasadlak man ang Pilipinas sa bagsik ng hagupit ni Yolanda, hindi ito naging hadlang upang hindi patunayan na ang lahing Pinoy ay talagang angat sa lahat.
600 pinoy arestado sa jeddah saudi
U
B
pinas. Sinabi ng The Foreign Ministry na ang pera ay ibibigay nila bilang tulong para sa mga nasalanta ng bagyo na kasalukuyang nangangailangan ng tirahan, pagkain at tubig. Nauna nang nagpadala ang Japan ng kanilang emergency medical team sa apektadong lugar. Ayon kay Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga na may 133 Japanese ang naninirahan sa lalawigan ng Leyte at Samal Island na karamihan ay kasal sa mga Pilipino. Sa kabutihang palad, 27 ang nakumpirma nilang ligtas.
F
ollowing the destruction brought about by the recent super typhoon “YOLANDA” (International codename: Haiyan ) that hit the Philippines last 0809 November 2013, the following assessments have been made by the Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), as of 11 November 2013; Affected Population 9,679,059 persons were affected in 471 municipalities Damage Houses 23,190 houses damage Strandees Four Airports in Busuanga, Roxas, Kalibo, Tacloban, remain non-operational Cost of Damages Estimates P296,629.05 worth of damages to infrastructure and agriculture in Region IV-B, V, VI and CARAGA.
Website: Tel. No:
PHILIPPINE RED CROSS (PRC) http://www.redcross.org.ph (632) 527-0000
Bank Accounts for Donations Phil Embassy Japan official Account Maswerte nga kung tutuusin dahil maayos ang pagbagsak Account Name Embassy of the Philippines ni Megan kundi hindi naman maiiwasan na ma-trauma ang Disaster Donation Account Account No 3430362 beauty queen. Account Type JPY (Ordinary) Bank Name Bank of Tokyo-Mitsubishi-UFJ (Shibuya-Meijidori Branch)
aaksidente si Miss World Megan Young nang mahulog ito mula sa ika-2 palapag nang dumalaw siya sa isang bahay-ampunan sa Port Au Prince, Haiti. Bagama’t hindi nasaktan si Megan, nagtamo naman ng fractures si Miss World chairman Julia Morley sa binti at balakang nang mabagsakan ng debris mula itaas at isa sa mga bata sa ampunan. Agad naman isinugod si Morley sa Miami at inoperahan. Sa kabilang banda, ang bata namang nasaktan ay kasalu kuyan ginagamot sa isa sa mga local ospital ng Haiti. Makikita sa YouTube video na naka-post sa official account ng Miss World Organization, makikitang masaya sina Megan at ang mga bata nang biglang ay narinig silang malakas na pagputok. “It was such a scary situation for me, it makes you realize Kasama ni Megan sa ampunan si Miss World Haiti Ketsia Li- there is so much more that should be done for these kids. it’s oudly Iciena nang dumalaw sila sa ampunan kung saan 78 na not the only orphanage out here in Port au Prince, and I am mga bata ang naninirahan. sure others are in a similar state”.
ilang tulong para sa mga biktima ng Bagyong Haiyan o mas kilala na super typhoon Yolanda, magdo-donate ang Japan ng $10 milyon sa Pili-
DONATIONS FOR THE VICTIMS OF SUPER TYPHOON "YOLANDA" (INTERNATIONAL CODENAME: HAIYAN)
Website: htt://www.ndrrmc.gov.ph Account Name: NDRRMC Donated Funds Account Numbers: 0435-021927-030 (PESO ACCOUNT) 0435-021927-530 (DOLLAR ACCOUNT) SWIFT code: DBPHPHMM Account #36002016 Address: Development Bank of the Philippines 1110 Camp Aguinaldo Branch PVAO Compound Camp Aguinaldo, Quezon City, Philippines 1110 Contact Person: Ms. Rufina A. Pascual, Collecting Officer NDRRMC, Office of Civil Defense, Camp Aguinaldo, Q.C Tel. No: (632) 421-1920; 911-5061-up to 65 local 116 Email: accounting@ocd.gov.ph
miss world megan young naaksidente sa haiti
$10 milyon donasyon ng japan sa 'Pinas
ni Consul- General Marian Jocelyn R. Tirol-Ignacio
NAT I O NA L D I S A S T E R R I S K R E D U C T I O N a n d MANAGEMENT COUNCIL (NDRRMC)
mabot ng 600 Pinoy ang inaresto at dinala sa deportation center sa Shumaisy Makkah matapos mabigong maayos ang kani-kanilang papeles para manatili sa Saudi Arabia. Inaresto ng mga opisyal ng Jeddah ang mga Pinoy na natagpuan sa labas ng Philippine Consulate kabilang na ang mga bata. Umabot hanggang 12 na bus ang ginamit para dalhin ang mga nahuling Pinoy sa deportation center sa Makkah. Ayon naman sa Philippine Consulate, kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng Saudi kabilang na ang Saudi Foreign Ministry. Sinimulan na kasi ng mga opsiyal ng Saudi ang kanilang pagsugpo sa mga ilegal na mga dayuhang naninirahan o nagtratrabaho rito at binigyan ng deadline na hanggang Nobyembre 3 lamang ang pag-aayos ng kanilang mga papeles.
N
ika nga ni konsul
Banco de Oro Peso: 00-453-0018647 Dollar: 10-453-0039482 Swift Code: BNORPHMM Metro Bank Peso: 151-3-041631228
Philippine National Bank Peso: 3752 8350 0034 Dollar: 3752 8350 0042 Swift Code: PNBMPHMM
Union bank of the Philippines Peso: 1015 Dollar: 151-2-15100218-2 4000 0201 Swift Code: MBTCPHMM Dollar: 1315 4000 0090 Swift Code: UBPHPHMM Per PRC website, “For your donations to be properly acknowledged, please fax the bank transaction slip at PRC nos. +63.2.527.0575 or +63.2.404.0979 with your name, address and contact number.” D E P A R T M E N T O F S O C I A L W E L FA R E a n d DEVELOPMENT (DSWD) Website: Account No: Bank Details: Contact Person: Contact Nos.:
http://www.dswd.gov.ph 3124-0055-81 Land Bank of the Philippines, Batasan, Quezon City Philippines Ms. Fe Catalina Ea (Cash Division) (632) 931-8101-local 226 (632) 918-628-1897
The NDRRMC and DSWD has not yet specified what types of in-kind donations are needed, however, donors may send meals-ready-to-eat (MRE’s and other food stuff that can be eaten without cooking), and bottled water. Donation of used clothing is discouraged. Donations in kind may be sent to the DSWD National Resources Operations Center (NROC). Address: DSWD, Chapel Road, Pasay City Philippines. Contact Person: Ms. Francia Fabian (+63) 918-930-2356.
YOUR SUPPORT BRINGS HOPE TO THE FAMILIES AFFECTED BY THE SUPER TYPHOON "YOLANDA" for more information please see page 3 "ika nga ni konsul column"
pinoy community 4
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 4
NOVEMBER 2013 SECOND iSSUE
delubyo ni oyee barro
Distributer: Publisher:
Chief Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 hioyee_mla@yahoo.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com JM Hoshi Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT
jaggeraziz@gmail.com
The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.
Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com
Y
olanda o Haiyan (international name) ang pangalan ng pinakamalakas na bagyo o delubyo na sumalanta sa buong kabisayaan. Ang Tacloban at ng mga katabing lalawigan nito ang siyang may pinakamalaking pinsala. Ang bagyong ito ay may lakas na Signal #4 at may bilis na 315 kilometro bawat oras na sumira ng lahat ng linya o uri ng komunikasyon sa mga bayang ito. Sumira din ng napakaraming bahay, nagpabagsak ng mga malalaking gusali at sumira ng kabundukan. Sinasabing isang “Storm Surge” o pag apaw ng tubig dagat dulot nang malakas na bagyo ang umatake sa bayang ito. Ang “storm surge” ay parang Tsunami, malalaking alon na may kasamang matinding kuryente galing sa nagngangalit na dagat at ito ay paulit-ulit na humahampas at lumalamon sa mga bayan na malapit dito. Sa inisyal na ulat ay sinsabing mahigit na sa 10,000 libo ang bilang ng namatay, at may humigit kumulang P300M na ang halaga ng nasira at nasalantang imprastraktura at agrikultura sa bansa. Hindi pa nga nakakabangon ang Pilipinas sa katatapos lang na lindol na nakasentro naman sa lalawigan ng Bohol at Cebu, ngayon naman ay isang napalakas na bagyo. Matagal-tagal ang bubunuin ng ating mahal na bayang Pilipinas bago makabangon muli sa delubyong ito.
Ngunit ano nga ba ang mas malaking delubyo ? Delubyo na dala ng kalikasan o ang Delubyo na ginawa mismo ng mga kapwa natin Pilipino na nakaupo sa pwesto ng gobyerno, nagmamaniubra ng sistema at syang nakikinabang nang husto sa kaban ng bayan. Sa trahedyang ito, napakaraming pamilya ang naulila at namatayan ng mga kamag anakan,
napakaraming sugatan, nawalan ng matitirahan at pangkabuhayan at napalaking pinsala sa buong kabisayaan na dulot ng delubyong si YOLANDA. Ang mga biktima ng bagyong ito ay may mga sakit, nagugutom at halos mawalan na ng pag asa. Sila ay naghihintay lamang sa iaabot na tulong ng gobyerno at ng mga pribadong organisasyon gaya ng Philippine Red Cross at iba pa. Ngunit ito ay hindi sapat at dahil sa kakulangan ng supply, napipilitang mangupit o kumuha ng walang paalam o tinatawag na “loot” ang mga nagugutom nating kababayan. Sinasabing ito ay katumbas ng pagnanakaw na may karampatang parusa. Ayon sa isang mambabatas ito ay maaaring patawarin kung ang kinuha ay pawang pagkain o mga gamot para sa pamilya upang matagalan ang ganitong sitwasyon. Ngunit kung ito ay makikitaan ng mga gamit gaya ng telebisyon at iba pang kasangkapan, maliwanag na ito ay isang pagnanakaw na kailangan panagutan sa batas. Kung mababawi sana ang bilyong piso na kinurakot o ninakaw ng mga makapangyarihang mambabatas na ito ay mas mapapadali ang pagbangon ng ating bansa. Nasangkot ang mga artistang nasa senado na sina Senador Bong Revilla at si Senador Jinggoy Estrada at ang dating presidente ng senado na si Senador Juan Ponce Enrile sa usaping ito. Sa kasalukuyan ay nakakulong ang UTAK ng maanomalyang Pork Barrel Scam o paglustay sa perang nakalaan sa PDAF (Priority Development Assistance Fund). Sa nakaraan paglilitis na ginawa sa loob mismo ng opisina ng Senado, si Senador Teofisto Guingona Jr. ang s'yang namuno sa pagtatanong sa nasasakdal na si Janet Napoles at ang impormante o mga “Whisleblowers” sa pangunguna ni Benhur Luy. ng kanyang mga kasamahan na karamihan ay kamag anak pa at nagtatrabaho sa kumpanya ng nasasakdal na si Janet Napoles. Lahat ng tanong ay pawang pinatotohanan ng mga impormante ngunit ito ay matigas na itinanggi ng nasasakdal.
Senator Guingona
Janet Napoles
Benhur Luy
Bagaman nasa ilalim ng KALAMIDAD ang parte ng KABISAYAAN ng Pilipinas at kailangan pagtuunan ng kaukulang pansin, ito sana ay huwag gawing dahilan upang mapabagal ang proseso ng paglilitis na ito at malusutan ang kanilang mga KATIWALIAN.
YOUR SUPPORT BRINGS HOPE TO THE FAMILIES AFFECTED BY THE SUPER TYPHOON "YOLANDA" for more information please see page 3 "ika nga ni konsul column"
TARA-LET'S 5
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 5
NOVEMBER 2013 SECOND iSSUE
N
apapaligiran na nang modernong mga imprastraktura ang tinaguriag walled city of Manila o ang Intramuros. Sa kabutihang-palad ay napapangalagaan ang lumang mga gusali rito partikular na ang makasaysayang Fort Santiago. Malawak at medyo sadyain ang loob ng Intramuros. Kung nais mong tumungo rito sa pamamagitan ng bus at jeep ay may dalawa kang pagpipilian. Maaari kang bumaba sa Ma-
nila City hall, Lawton at tumawid sa underpass para lakarin papasok. Pero ang pinakamadali ay sa pamamagitan ng jeep na may rutang Quiapo Pier. Papasok mismo sa loob ng Intramuros ang jeep na ito at maaari ka ng bumaba sa Manila Cathedral o kalyeng papasok ng Fort Santiago. Maraming makikita na jeep na paQuiapo Pier sa tabi ng Quiapo Church at nasa walong piso lamang ang bayad.
Sa palibot ng Intramuros ( "City within walls" ) Walang bayad ang paglibot sa kalakhan ng Walled City na kung saan makikita ang ilang oldest churches sa bansa , ang San Agustin (1607) at Manila Cathedral (1581). Pero kung nais mong pumasok sa San Agustin Museum, ito ay nagkakahalaga ng Php100. May bayad na rin ang pagpasok sa Fort Santiago na nasa Php 15 lamang. Bukas araw-araw ang Fort Santiago mula ika-walo ng umaga. Ilan sa nasa unahang bahagi nito ang Shrine of Our Lady of Guadalupe na itinayo noong 1773 sa bandang Reducto de San Francisco Javier; Almacenes Reales o Royal Storehouses; ruins of American Barracks; Postigo De La Ňuestra Señora Del Soledad; Falsabraga at Falsabraga de media Naranja .
byaheng boni para sa ika- 150 kaarawan ng supremo
N
gayong Nobyembre 30, 2013 ay ipagdidiwang ang anibersaryo ng kapanganakan ng bayaning si Gat. Andres Bonifacio. Pero hindi lamang basta ordinaryong selebrasyon ito ngayong 2013 dahil ito na rin kanyang ika-150 taon. Kaya naman espesyal din ang programa rito ng Department of Tourism at National Historical Commission of the Philippines (NHCP), ginawa itong lakbay-aral challenge kung saan hinihikayat ang lahat na libutin ang mga historical sites na naging bahagi ng buhay ni Bonifacio. Tinawag na Byaheng Bonifacio: Bayani ng Bayan, ang programa na hindi lamang nag-anyaya ng pagtuklas sa buhay ni Bonifacio kundi upang mapukaw din ang kamalayan ng lahat sa makabuluhang buhay niya at ang kanyang pamana sa henerasyon ngayon. Ang programa ay alinsunod na rin sa Administrative Order bilang 27 ng Office of the President na nag-aatas sa NHCP na pangunahan ang programang ito na nagsimula pa noong isang taon. Labin-anim na lugar ang bahagi ng Byaheng Bonifacio na kinabibilangan nang sumusunod 1. Tutuban, Manila (kung saan isinilang si Bonifacio) 2. KKK Foundation Site na matatagpuan sa El Cano St., Tondo, Manila 3. Binondo Church, Manila (dito ikinasal si Andres sa kanyang asawang si Gregoria de Jesus) 4. The Cry of Pugad Lawin (Pinagpunitan ng Cedula) 5. Krus na Ligas, Quezon City (kung saan minsan humimpil sina Bonifacio at ang kanyang mga kasama)
6. Pinaglabanan Shrine, San Juan City (San Juan del Monte) 7. Hagdang Bato, Mandaluyong City ( kung saan namahagi ng armas si Bonifacio sa mga miyembro ng KKK) 8 . P a s i g C a t h o l i c C h u r c h a t Va l e n t i n Cruz Marker, Pasig City (isang lugar na pinagtagpuan nina Bonifacio at mga miyembro ng KKK) 9. Imus Plaza, Imus, Cavite- dito minsang dumadalo ng pagpupulong si Bonifacio 10. Tribunal, Noveleta, Cavite (pinagtatagan ng Magdiwang, KKK Provincial Council ) 11. Tejeros Convention Site, Rosario, Cavite 12. Pinagbarilan, Limbon, Indang, Cavite, (kung saan binaril si Andres Bonifacio ng mga tauhan ni Emilio Aguinaldo) 13. Casa Hacienda de Naic, Naic, Cavite ,lugar kung saan nagkaroon ng Acta de Naic (Naic Military Agreement) at pinagpiitan kina Bonifacio matapos ang insidente sa Indang, Cavite] 14. Trial House, Maragondon, Cavite (lugar kung saan nilitis si Bonifacio at ang kanyang mga kapatid na sina Procopio at Ciriaco) 15. Execution Site, Maragondon, Cavite (dito kinitlan o binitay ng buhay ang magkakapatid na Bonifacio noong May 10, 1897) 16. Pamitinan Caves, Rodriguez, Rizal ( dito isinigawa ang lihim na initiation rites ng mga Katipunero) Matatagpuan dito ang ukit mga katipunero na may katagang “Viva la Independencia!” Upang mas buhay at makulay ang programa ay nagbigay ng hamon ang NHCP. Kanilang bibigyan ng pabuya at sertipikasyon ang unang 100 taong makakaikot at makapagpakuha ng larawan sa 16 sites na bahagi ng Byaheng Bonifacio.
Fort Santiago Proper Nasa pinakadulo ang masasabing pinaka-highlight ng Fort Santiago na ang bubungad sa iyo ay ang pamoso nitong gate. Nakamarka rito ang larawan ng santo kung kanino sinunod ang lugar- si Saint James o Santo Santiago na nakasakay sa kabayo. Maliban dito ay nakaukit din ang simbolo ng monarkiya ng Espanya. Pagkatapos nito ay makikita naman ang mga tansong marka na nilakaran (footsteps) ni Gat. Jose Rizal mula sa kanyang selda sa loob ng Fort Santiago patungo sa kung saan siya binaril. Ilan sa makikita sa loob ay ang Baluarte De Santa Barbara (1600), na ngayon ay pinaglalagakan ng Rizaliana Furniture exhibit na may entrance fee na Php 10; Raja Sulayman Theater, Plaza De Armas, baluarte de San Miguel, at Rizal Shrine. Ang mga bricks sa gusali ng Rizal Shrine ay mula pa noong 1593 pero ang mismong Rizal Shrine ay ginawa noong 1953. Nasa loob nito ang mismong kulungan ng pambansang bayani ng Pilipinas na tinawag na Cuarto de Repuesto (mula Novemver 3 hanggang Disyembre 1986). Sa loob din ng Shrine makikita ang mahusay na pagkakalagak at presentasyon ng kanyang mga kagamitan; mga obra gaya ng Noli Me Tangere, El Filibusterismo at Mi Ultimo Adios; at maging ang mga pintang larawan ng kanyang mga naging kasintahan.
YOUR SUPPORT BRINGS HOPE TO THE FAMILIES AFFECTED BY THE SUPER TYPHOON "YOLANDA" for more information please see page 3 "ika nga ni konsul column"
pinoy na pinoy 6
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 6
NOVEMBER 2013 SECOND iSSUE
Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22
Matagal na rin ang panahon na ginugol mo para maitago ang iyong nararamdaman. Ibahagi ito sa mga taong iyong mapagkakatiwalan para Taurus - April. 21 - May. 21 naman hindi na ito mabigat sa dibdib. Mas magagawan din ng paraan na maisakatuparan ang iyong nais na Hindi maitatanggi na sa sobrang lakas ng persona ng gawin dahil mayroon ka ng suporta. Kung ito ay pag-ibig, mabuti iyong kasama ay nakakaapekto s’ya sa iyong trabaho na ang maging malakas ang iyong loob kaysa mawalan ka ng kahit wala pa s’yang ginagawa. Wala ka naman pagkakataon sa iyong special someone. Mas mahirap dalhin sa loob ang panghihinayang at matagal rin kung mapawi sa iyong magagawa din, maliban na lang kung tawagin ka niya para magusap kayo nang masinsinan. Ang mainam na hakbang ay wag s’yang isipan. pansinin kung hindi naman kailangan. Pagtuunan mo na lang ang Sagittaruis - Nov. 23 - Dec. 21 iyong responsibilidad at baka mas para kaming matapos na trabaho Naroon na ang pagmamahal, pang-unawa at kaysa sa kanya. tulong na kaya mong ibigay. Subalit, hindi mo Gemini - May. 22 - June. 21 naman kailangan na ibuhos ang lahat ng iyong Puwedeng maging maingat alang-alang sa taong oras sa isang kaibigan. Mayroon ka ring sariling puwede mong makabangga pero huwag kang drama sa buhay na hindi mo puwedeng kalimutan alang-alang mawalan ng loob na gawin ang iyong ibig. Kung sa kanya. Hinay-hinay ka lang, hayaan mo rin s’yang tumayo sa pangarap ito na matagal na mo nang nais na gawin, sarili niyang mga paa dahil kaya naman talaga niya. Kusa naman ipagpatuloy mo lang. Sayang din ang oras na naghihintay ka lang s’yang lalapit kung mabigat na mabigat na. dahil sa kakaisip sa mga bagay-bagay na hindi naman talaga malaking balakid kung tutuusin. Baka nga tulungan ka pa niya kung Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20 magiging bukas ka lamang sa kanyang mga payo. Anuman pagtatago ang iyong gawin ay hindi maipagkakaila sa ekspresyon ng iyong mukha Cancer - June. 22 - July. 22 kung ano ang pakiramdam mo. Puwedeng Nagbubunga na rin ang iyong pagiging openhayaan mo na lamang na mawala ang iyong galit na kinikimkim minded and versatile. Ang iyong pag-angkop sa mga o diretsuhin siya. Ang maganda lang din sa ganito mong ugali sitwasyon ay madaling bagay na lamang kaya naman ay hindi ka ang tipo ng taong padalos-dalos na nakikipagtalo. marami ang naniniwala sa iyong tagumpay. Ang Iniisip mo pa rin ang iyong mga pagkakakamali o pagkukulang sa masaya pa nito hindi lamang tungkol sa karera ka inyong sitwasyon. Gawin mo kung alin sa alam mong makakabuti nakakalamang kundi sa larangan din ng pag-ibig. May humahanga sa sa inyong dalawa. iyong personalidad na kanyang gustong-gusto. Huwag kang magulat
Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19
kong makatanggap ka na lang ng love letter.
Kapag gusto mo ang isang bagay kahit kulang ka Leo - July. 23 - August. 22 sa tulog, nalilipasan ng gutom at napapagod ay Pakiramdam mo ay mas mabilis gumana ang iyong parang hindi mo iniinda. Kaya sa totoo lang higit bibig kaysa sa iyong isipan. Mas nagiging madaldal sa reklamo na hindi ka pinagbibigyan sa iyong trabaho, hindi pa ka kasi sa karaniwan na tipong ang bawat salita na rin ito ang pinakadahilan bakit ka nagmamaktol, kundi ang iyong iyong sinasabi ay wala naman sa iyo. Pero huwag kawalang gana. Kapag ito ang nawala sa iyo o kung hinayaaan kang mag-aalala hindi naman ito kakaiba. Katunayan ay baka mas mo na mawala ito sa iyo para ka na lang robot na naghihintay magtaka pa ang ilan kung masyado kang tahimik. Hindi rin lang na mag-low bat. Be passionate, iba magagawa nito sa iyong naman ikaw ang may ganitong pakiramdam na hindi matigil dahil sa performance. kakasalita dahil abalang-abala.
Pisces - Feb. 20 - March. 20
Virgo - Aug. 23 - Sept. 23
May pagka-extreme ka rin na kapag masaya ay May mabuti at masamang epekto sa iyo ang pagiging sobrang masaya na tipong nakakahawa sa ibang sensitibo. Masama ito kung hindi mo mapigilan na tao. Mabuti ito dahil positibong enerhiya ang iyong makaapekto sa iyo nang matindi at hindi mo na ikinakalat pero kung galit ka, na hindi naman maiiwasan, doon maaalis sa iyong isipan. Ang mabuti naman nito ay ka tumigil sandali. Puwede mo namang kausapin o iparamdam kaunti na wala ka sa mood. Huwag kang magalit sa taong wala mas nagiging mas mapagkumbaba ka at handang magbigay suporta. naman kinalaman sa dahilan ng iyong nararamdaman. Ikaw din Pero higit sa ano pa man, mas pinapalakas nito ang iyong kakayahan na magdesisyon base sa iyong napupulsuhan na mangyayari. baka pagsisihan mo rin sa bandang huli. Gamitin sa iyong bentahe ang katangian mo.
Aries - March. 21 - April. 20
Libra - Sep. 24 - Oct. 23 Sa lahat ng aspeto, isa ka sa masasabing nagsasalita lamang kung kinakailangan. Kaya Sa ngayon ay nakatuon ang iyong isipan sa kung naman huwag mairita kung may malapit sa iyo ano lang ang nararapat at wala nang iba. Ito ang na magtatanong kung kumusta ka na o ano ang nagpapalaya sa iyo sa mga bagay na wala naman iyong mga pinagkakaabalahan. Sadyang mahirap ka lang talaga halaga, kung ‘di man ay puro lamang drama. tantyahin sa kanilang pananaw. Malay mo sa ganitong mga Maaaring may nakakasamaan ka ng loob dahil sa iyong mga praktikal pagkakataon ay mas maipahayag mo ang iyong sarili na matagal na katwiran, na hindi naman talaga maiiwasan kahit baliktarin pa ang na ring naglalaro sa iyong isipan. sitwasyon.
S
LECHE FLAN
a hinaba-haba man ng hapag-kainan, sa dulo ay dessert din ang hanap. Ito na siguro puwedeng sawikain para sa mga Filipino foodies na mahilig lalo na sa mga panghimagas na malamig at matamis. Dito naman hindi mawawala ang nakagawiang dessert na Leche Flan na all-time favorite ng lahat. Kung natatakam ka rin dito at gustong ihanda sa Noche Buena (Christmas Eve), ito na ang recipe para sa iyo. MGA KAILANGAN GAMIT MGA SANGKAP: • Aluminum foil 9 na binating egg yolk (dilaw) • Llanera o anumang hulmahan 1 lata ng condensed (malapot) milk na puwede sa mainit at malamig 1 lata ng evaporated (malabnaw) na temparatura milk • Kaldero 1 kutsarita ng vanilla • Steamer Caramel: 1/4 tasa ng brown sugar 2 kutsara ng tubig PARAAN NG PAGLULUTO: 1. Paghaluin ang binating itlog, condensed milk, vanilla at evaporated milk. Itabi muna. 2. Gumawa ng caramel sa pamamagitan ng paghahalo ng brown sugar at tubig sa isang kaldero para pakuluaan sa katamtamang init. 3. Kapag kumapal o lumapot at maging dark brown na ang kulay nito, maaari nang maglagay ng kaunti sa isang llanera. Palamigin ang caramel ng kahit may limang minuto bago naman ibuhos ang mga pinagsama-samang itlog at gatas. 4. Takpan ng aluminum foil ang mga may laman ng llanera at saka ilagay sa isang steamer. 5. I-steam nang may 30 hanggang 45 na minuto. Ang haba nito ay depende na rin sa laki ng llanera o hulmahan na ginamit. 6. Tanggalin sa steamer ang mga luto nang Leche Flan at palamigin muna bago ipasok sa refrigerator. Ang Leche Flan o Crème Custard ay sikat din na panghimagas sa Europe at Amerika. Sa ‘Pinas, bibihira ang restaurant na wala nito gayon din sa mga pista at malalaking okasyon.
YOUR SUPPORT BRINGS HOPE TO THE FAMILIES AFFECTED BY THE SUPER TYPHOON "YOLANDA" for more information please see page 3 "ika nga ni konsul column"
pinoy-BiZz PAge 7
NOVEMBER 2013 SECOND iSSUE
SUporta ng local and foreign sa mga biktima ng super typhoon yolanda, dumadami pa
B
uhos ang suportang natatanggap ngayon ng mga biktima ng super typhoon Yolanda (international name Haiyan) mula sa iba’t ibang personalidad. Ilan na sa mga naunang nagpahayag ng kanilang simpatya sa pamamagitan ng Twitter ay ang mga international stars na nakadalaw na sa bansa gaya na lang ng award-winning RnB princess na si Rihanna, Korean heartthrob Lee Min Ho at bandang One Republic.
“Please keep the people of The Philippines in your prayers!!! I was just there and this truly breaks my heart!!!” tweet ni Rihanna. Humingi rin ng suporta ang may dugong Pinoy na American Idol grand finalist na si Jessica Sanchez. “I am praying for the Philippines and all my Filipino Blujays this morning in the wake of this horrendous storm! Be safe and stay strong! The news from the Philippines this morning is heartbreaking!” “To all our Filipino fans- love u guys, be safe; take cover, God speed... We can’t believe we were there yesterday afternoon. This is crazy… Sending our thoughts and prayers to the victim’s families of the devastating typhoon in the Philippines,” pahayag naman ng One Republic. “I heard that there was great damage done by typhoon Haiyan in the Philippines. I hope everyone is safe now. Please don’t lose faith. We’re thinking of you from Korea,” mensahe ni Lee Min Ho sa kanyang official Facebook page. Humingi rin ng tulong sa pamamagitan ng kanilang Twitter account ang fashion icon na si Victoria Beckam, TV Host Ellen De Generes, at bestselling book author Paulo Coelho na pare-parehong iniendorsong magpaabot ng tulong sa pamamagitan ng Philippine Red Cross. “Our thoughts are with those in the Philippines. Please help support typhoon.” Saad pa ni Victoria na dating miyembro ng Spice Girls. “To the people of the Philippines my heart is with you,” mensahe ni Alicia Keys na nagsabi ring hindi s'ya makapaniwala na may malala pang trahedya sa hurricane Katrina at Sandy na tumama sa US noon. IBA’T IBANG KLASE TULONG AT DONASYON Naging bukal naman sa pagtulong ang Megastar na si Sharon Cuneta sa pamamagitan ng kanyang Twitter account na magbibigay s’ya ng 10 milyong piso sa pamamagitan ng dalawang kumpanyang na kanyang pinagkakatiwalaan. Maliban dito, nakalikom ng 30 milyong piso ang live telethon na ginawa ng kanyang progmang The Mega and the Songwriter kung saan co-host niya si Ogie Alcasid.
Garage sale naman ang naging tugon ng ilang celebrities para makalikom ng salapi para sa mga nasalanta. Gaya na lamang ng ginawa ni Anne Curtis na nakalikom ng P370,000 na ipinaabot niya sa World Vision. Nagbenta rin ng kanilang mga gamit para maging donasyon sina Regine Velasquez at Miriam Quiambao. Pagkakawang-gawa sa pamamagitan ng isang show ang gagawin ng pagsasanib-puwersa ng online radio for OPM artists na Radio Republic at Philippine Red Cross. nagtayo ng relief center sa 19 East in Sucat, Paranaque ang dalawang institusyon na suportado ng mga bandang Imago, Flippin’ Soul Stompers, Sandwich, Kjwan, Stick Figgaz at Pedicab na magsasagawa ng live show. Ganito rin gagawin ni John Ford Coley na ido-donate niya ang lahat ng kanyang talent fee mula sa show niya sa Solaire Resorts and Casino Ball Room nitong Nobyembre 13 sa mga nasalanta ng bagyo. Ilan sa pinasikat ng American singer ang It’s Sad to Belong, I’d Love To See You Tonight, and Love Is The Answer. Transparent naman si Leyte 4th District Congressman Lucy Torres sa kanyang mga natatanggap na donasyon para sa kanyang mga kababayan. Nagbukas pa ito ng isang website kung saan lagging ia-update ang mga mambabasa sa kanilang nalilikom na donasyon. Isa sa inisyal niyang ibinalitang nagbigay ng tulong ay ang kanyang kaibigan na si Kris Aquino n a n ag b a ha g i n g halagang ng Php 400,000. Bukod sa tulong pinansyal ay pisikal na aktibo sa pagbabalot ng relief goods si Angel Locsin. GOOD DEEDS FROM INTERNATIONAL STARS Sa Britannia Awards ay sinabi ng premier Hollywood actor na si George Clooney na nalalaman niya ang pinsala ng bagyong Haiyan o Yolanda na tinagurian niyang “terrible disaster.” Ani pa ng aktor maaaring magkaroon muli ng tulungan gaya ng telethon para sa biktima Hurricane Katrina na rumagasa naman noon sa Haiti at New Orleans. Pangungunahan naman ni NBA Miami Heat head coach Erik Spoelstra ang tulong at kampanya ng NBA para makatulong. Ang sikat na liga ng basketball ay nakipagtambal sa UNICEF para maipaabot ang kanilang donasyon na nagkakahalaga ng 250,000 US dollars. “In praying for all the people of the Philippines, the Holy Father likewise offers encouragement to the civil authorities and emergency personnel as they assist the victims of this storm.” Ito naman ang padalang mensahe ni Pope Francis na nagbigay din ng $150,000.
richard yap joins the list of actors who love to sing ni phoebe dorothy estelle
M
ukhang kabigha-bighani, katawang kaakit-akit at talento na tunay na nakakabilib. Sino ba naman na hindi magiging fan ng isang aktor na may ganitong mga katangian. Pero paano pa kaya kung bukod sa pag-arte sa harapan ng kamera ay marunong pa itong kumanta. Matatandaan na may panahon na sunodsunod ang naglabas ng album ang mga kila lang aktor na gaya nila Gabby Concepcion, Dennis Trillo, Jericho Rosales at Piolo Pascual. Aminado ang ilan sa kanila na nagsimula lamang ang lahat sa hilig sa pag-awit na hindi na nila akalaing mauuwi sa pagiging tunay nilang recording artist. Si Gabby matapos ang ilang dekada ng paggawa pelikula at paglabas sa telebisyon ay nakapaglunsad ng album nang muli s’yang magbalik ng Pilipinas noong 2009. Si Dennis naman ay pinagkatiwalaan nila Ogie Alcasid at Regine Velasquez na maging isa sa pinakaunang contract artist ng kanilang music label na Indi Music. Nag-umpisa naman bilang miyembro ng The Hunks, bumuo ng bandang Jeans at nag-release ng solo album si Echo. Si Piolo ay ilang ulit namang nakapaglunsad ng recording album na nag-hit at umani ng para ngal.
Ngayon may bagong herenasyon naman ng mga aktor ang sumusubok na umawit. Ilan na rito sina Richard Yap, Daniel Padilla, at Kristopher Martin. Sa lahat kakaiba ang takbo ng karera ni Richard Yap na sikat na sikat ngayon bilang si Sir Chief ng Please Be Careful With My Heart. Mas may edad at huli na s'yang nagkaroon ng karera sa telebisyon. Dahil na rin dito ay late rin s'yang nagkaroon ng pagka kataon na makagawa ng debut album under Star Records. “Dream come true para sa akin itong launch ng solo album ko. Mula kasi pagkabata, hilig ko na talagang kumanta,” ani Richard. “At thankful ako sa aming teleserye dahil sa pamamagitan ng aming official soundtrack, na-discover ng tao na marunong din akong kumanta.” Ang album na ito na under Star Records ay mayroong syam na easy listening at revival songs na kinabibilangan ng carrier single nito na Don’t Know What To Do, Don’t Know What To Say at Promise Ain’t Enough, Think I’m In Love Again, Can Find No Reason, You Take My Breath Away, Chasing Cars, High, Afterglow, at the Chinese version of “Oh Babe.” Mayroon din itong bonus tracks, ang Please Be Careful With My Heart at Salamat.
Sina Sarah at matteo na nga ba?
B
agaman wala pang direktang pag-amin sa kanilang mga panig ay maugong ang balitang mag-on na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidecilli. Nagsimula ang usap-usapan na ito nang magkasama ang dalawa sa US shows ni Sarah at tanging ang binata lamang ang artistang bahagi ng isang private birthday party bash ng Popstar Princess ngayong taon. Tila marami naman ang natutuwa sa pagkakamabutihan ng dalawa kahit pa nga mismo ang mga dating na-link kay Sarah ay nagsabing masaya sila para sa award-winning singer. Isa na rito ay ang ‘di umano’y nakarelasyon ni Sarah na si Rayver Cruz. Ayon sa actor-dancer masaya s’ya sa dalawa lalo pa’t alam niyang mabait si Matteo. Hindi rin nakaapekto sa kanilang pagkakaibigan ang isyung ito. Nakapanayam na rin sa balitang ito ang dating nobya ni Matteo na si Maja Salvador na nagsasabing walang masama sa pagkakamababutihan ng dalawa at alam niyang matagal na rin naman na may paghanga si Matteo kay Sarah. Si Maja ay ang nobya ngayon ni Gerald Anderson na na-link din kay Sarah. Bukod sa US Shows at ilang pagkakataon na magkasama sa ASAP ay nagkaroon na rin ng drama projects sina Sarah at Matteo. Isa na rito ang Catch Me, I’m In Love na kung saan katambal ni Sarah si Gerald Anderson at tumatayong third party si Matteo.
next pressure kay miss u 3rd runner up ariella , makatulong sa mga kababayan
I
nalay ni Miss Universe 3rd Runner Up Ariella Arida ang kanyang pagkakapanalo sa kanyang mga kababayan na sinalanta nang matinding bagyo. Si Ariella ay nakipagcompete sa isa sa pinakamalaking beauty pageant sa mundo nitong Nobyembre sa Moscow, Russia. Bago pa man tumulak sa Miss Universe pageant ay dumaan sa mga intriga si Ariella. Ilan na rito ang ‘di umano’y naikukumpara at napi-pressure s’ya dahil may naunang magkasunod na nanalong Filipina sa kanya- sina Miss Supranational Mutya Johanna Datul at Miss World 2013 Megan Young. Dagdag pa rito ang kahinaan niya raw sa wikang Ingles na noong kanyang sagutin ay nabigyan ng ibang interpretasyon. Inihambing niya ang mga Pinoy sa ilang Latina na kinakailangan pa ng interpreter nang makapanayam siya ng Headstart ng ABS-CBN. Nagsanga pa nga ito sa pagbatikos sa kanya ng radio personality na si Mo Twister at pagtatanggol naman sa kanya ni Ervic Vijandre. “This fight, I offer to you guys, to all my Filipino people,” saad ni Ariella sa pamamagitan ng isang video bago ang kanyang pagsalang sa laban. “It’s for the Philippines. Keep safe and keep on praying. Be strong.” Hindi nga nagpadala ang dalaga sa pressure at nakipaglaban sa 85 kandidata mula sa iba’t ibang bansa, kung saan s’ya ang hinirang na third runner up. Kasama niya sa top 5 sina Miss Spain Patricia Rodríguez (1st runner up), Miss Ecuador Constanza Báez (2nd runner up), Miss Brazil Jakelyne Oliveira (4th runner up) at ang itinanghal na Miss Universe na si Miss Venezuela Gabriela Isler. Bago simulan ang coronation night ng Miss Universe ay nagpahayag ang pamunuan nito na inaalay nila ang programa sa Pilipinas at Vietnam na parehong sinalanta ng bagyong Yolanda na may international name na Haiyan. Samantala, ang final question kay Ariella ay nanggaling kay judge Tara Lipinski, isang retired and gold medalist figure skater. “What can be done about the lack of jobs for young people starting their careers around the world?” “For the people who have lack of jobs, I do believe that we people should invest in education and that is my primary advocacy, because we all know that if everyone of us is educated and well aware of what we are doing, we could land into jobs and we could land a good career in the future. Education is the primary source and ticket to a better future,” sagot ng dalaga. Hindi man nakuha ang korona na matagal nang pinapangarap na makamit ng 'Pinas matapos ang 1973 ni Margie Moran (naunang nauwi ito ni Gloria Diaz noong 1969), kontento na nga ang dalaga sa kanyang nakamit na tagumpay. Sa ngayon umano ay nakatuon ang kanyang atensyon upang makatulong sa kanyang mga kababayan. Aniya,isang mas mahalagang pagkakataon ito kaysa mauwi niya ang titulo ng Miss Universe.