Pinoy Chronicle February 2016

Page 1

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

FIRST ISSUE February 2016

Pinoy na Pinoy your weekly horoscope

Food Trip at Home

Tara Let's

PLACES TO GO FOR YOUR

Pinoy Showbiz

Pinoy Global

Pinoy Local

VALENTINE’S DATE

See page 5

Photo credit: www.womenintesol.org

Filipina named as Asia's Best Female Chef

The publication’s citation for Margarita Forés reads, “the hugely popular chef has impressed local and international diners for her primarily Italian cuisine, despite never undergoing any formal training.” Forés’ exploration of the Italian cuisine began in 1986 with a crash course in cooking and the language. The former certified public accountant thereafter turned her expertise to cooking and brought forth a chain of successful Italian restaurants including Cibo, Lusso, Grace Park, and Alta. Her catering company Cibo di Mi has catered to both local and foreign dignitaries visiting the Philippines. Forés was also selected to help prepare the welcome dinner for the heads of state at last year’s APEC meetings in Manila. See page 3

EXCLUSIVE!!

Bradley-Pacquiao part 3 malapit na! Malakas ang kumpyansa ni Freddie Roach na mapapabagsak na ni Manny Pacquiao si Timothy Bradley sa ikatlong beses nilang paghaharap sa Abril. Ani Roach na hindi na niya inaalala ang paghahanda ni Pacquiao tulad ng pagbabanta ni Bradley dahil sa kaniyang bagong trainer na si Teddy Atlas. Dagdag niya na likas na mas magaling talaga si Pacquiao kay Bradley. Matatandaan na si Bradley ang nagwagi sa una nilang sagupaan ni Pacquiao ngunit nahaluan ito ng kontrobersya kaya naman sa ikalawang pagkikita nila ay tiniyak ng Pambansang Kamao na siya ang mananalo. Sa kabila nito ay matagal nang hindi nakakapanalo si Pacquiao via knockout at sa tingin ni Roach ay mangyayari na ito sa Abril 10 sa Las Vegas. Ito na ang magiging huling laban ni Pacquiao dahil pagtutuunan niya ng pansin ang kandidatura niya sa pagkasenador ngayong Mayo.

MISS UNIVERSE 2015 PIA WURTZBACH BALIK PINAS NA

JERICHO CELEBRATES 20TH SHOWBIZ ANNIVERSARY THIS FEBRUARY KUHA AT TEKSTO NI JANE GONZALES

Fresh from the success ng Walang Forever kung saan nanalo siyang Best Actor sa Metro Manila Film Festival ay magdiriwang din ng kanyang 20th anniversary si Jericho Rosales. Kumusta na nga ba ang aktor? Ano ang kanyang mga pinagkakaabalahan, saloobin sa kanyang mga pinagdaanan at pangarap na gawin pa sa kanyang karera? Kung matatandaan ay taong 1996 nang manalong Mr. Pogi sa Eat Bulaga si Jericho. Dahil sa kanyang potensyal bilang artista ay napabilang s’ya sa talents ng ABS-CBN.. Napasama siya sa iba’t ibang love teams pero ang pinakasumikat ay ang tambalan nila ni Kristine Hermosa na kasama niya sa original version ng teleseryeng Pangako Sa Iyo. See page 7

See page 7

Balik Pinas na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach noong nakaraang Enero 23 para sa kanyang grand homecoming. Sa Facebook post ng pamunuan ng Binibining Pilipinas ay inanunsyo na magkakaroon ng isang press conference at grand parade. Magkakaroon din ng courtesy call sa Malacañang, Senado at House of Representatives ang 26-year-old beauty queen.

February 2016 First Issue

Free Newspaper


Pinoy-local 2

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

FEBRUARY 2016 I FIRTS ISSUE

page 2

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach balik Pinas na

Sa paglipas ng taon, ang parehong kapulungan ng Kongreso ay pinupuri ang mga Filipina beauty queen na nanalo sa international pageants. Noong 2013, Miss World Megan Young ay ipinagkaloob ang Congressional Medal of Distinction ng House of Representatives para sa pagkapanalo nito sa Ms World. Samantala,tumaas ang moral, nabuhayan ng pag-asa at higit pang naging inspirado ang mga na-star struck na mga sugatang sundalo sa pagbisita kahapon ni 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach sa Heroes Ward ng AFP Medical Center sa V. Luna, Quezon City. Ito ay bilang bahagi ng kanyang charity events. Isa si AFP vice chief Lt. Gen. Edgar Fallorina at iba pang opisyal ang sumalubong sa beauty queen. Ginawaran naman si Pia ng patch, name plate at ng bandila ng Pilipinas. Labis ang kagalakan ng mga sugatang sundalo na naka-confince sa Heroes Ward 3 A matapos na paunlakan ni Wurtzbach ang ilang request na siya ay maka-selfie at nakipagbiruan rin sa mga ito. Dumalaw din si Wurtzbach sa HIV Charity Section na kapwa nasa V. Luna Hospital. Matatandaang isa sa advocacy nito ay makatulong sa pagpapalaganap ng HIV/AIDS awareness campaign.

Engkwentro sa Mamasapano sino nga ba ang dapat managot?

Hanggang ngayon ay nagtuturuan at nagsisihan pa rin ang mga pulisya at militar sa nangyaring engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF). Sa pagbubukas muli ng imbestigasyon ng Senado ay iginiit ni da­ting SAF chief Getulio Napeñas na umaga pa lang ay humingi na sila ng artillery support dahil hindi makapasok ang mga sundalong rumesponde, ngunit hindi umano ito pinayagan ni Army 6th Infantry Division commander M/Gen. Edmundo Pangilinan. Kaya tumawag daw si Napeñas kay Western Mindanao Command commander Lt/Gen. Rustico Guerrero at pagkalipas umano ng 30 minuto ay nagpakawala na ng artillery ngunit huli na ang lahat dahil nasawi na ang 44 na SAF troopers. Sagot naman ni Pa­ngilinan, hindi siya agad makapag-utos na magpa­kawala ng artillery fire dahil hindi pa tukoy ang kalaban dahil mali-mali ang impormasyon na ibinibigay ni Napeñas. Nagpakawala lamang daw sila ng kanyon nang matukoy na ang lokasyon ng kalaban. Dahil dito sinermunan ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ang tila hindi maayos na aksyon ng mga pinuno ng militar at pulisya sa crisis situation. Partikular na sinabon ni Enrile si Pangilinan dahil hindi kaagad nagbigay ng artillery support sa SAF habang nakikipaglaban ang mga ito. Nainis si Enrile sa na­ging sagot ni Pangilinan kay Napeñas na hindi siya bastabasta ma kakalusob at makakapag-bomba kung hindi sapat ang ibinigay sa kanilang impormasyon mula sa ground. “If we only know kung ang area of operation, kung sino ang target, we could provide the support na kayang ibigay,” ani Pa­ngilinanan. Hindi nagustuhan ni Enrile ang nasabing sagot dahil kung ginigiyera na umano ang bansa, ay dapat maging flexible at hindi doctrinal ang kumander ng militar. Sinabi rin ni Enrile na magsisilbing wake up call para sa bansa ang naging palpak na operasyon dahil lumalabas na walang lider na humahawak sa buong sistema. Idiniin din ni Enrile si Pangulong Aquino na res­p onsable sa palpak na operasyon ng SAF sa Mamasapano. Sa pagsisimula pa lamang ng pagdinig, sinabi ni Enrile na may direktang partisipasyon si Aquino sa nasabing insidente sa Mamasapano at nacompartmentalized o nilimitahan lamang niya sa kanyang sarili at kay Deputy Director General Alan Purisima ang nasabing misyon na tinawag na Oplan Exodus. Tahasan ding sinabi ni Enrile na nagtago si Aquino sa likod ng kanyang kaibigan na si Purisima upang makaligtas sa anumang pananagutan sa pagkamatay ng SAF 44. Sinabi rin ni Enrile na ang Pangulo ang “approving authority” at tahasan din umano nitong isi­nantabi ang command system sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at ng PNP. Matatandaan na sa mga nauna ng pagdinig ng komite inamin ni Napeñas na sinadya nilang hindi ipaalam kaagad sa AFP ang operasyon at gawin na lamang itong “time on target” o ipaalam sa mismong oras dahil ang mga nauna nilang misyon ay nabulilyaso o hindi natutuloy kapag nakikipag-coordinate sa militar. Pero iginiit naman ni Purisima na iprinisinta lamang sa Pangulo ang plano ng SAF sa pamamagitan ni Napeñas at ito rin ang nagbigay ng suhestiyon kung kailan gagawin ang Oplan Exodus. Lumabas din sa pagdinig na hindi pa nakukuha ang reward money na P7 milyon sa panig ng Pilipinas at $5 milyon mula sa Amerika dahil pinoproseso pa ito.

Schedule ng GILAS PILIPINAS sa FIBA Olympic Qualifying Tournament 2016 N a s a G ro u p A a n g P i l i p i n a s ku n g s a a n kailangan nilang pabagsakin ang France at New Zealand upang umabante sa knockout semifinals na inaasahan namang makukuha alin man sa Canada at Turkey. Bibida sa world no. 5 ranked France sina San Antonio Spurs veteran guard Tony Parker at Boris Diaw at iba pang NBA players na sina Nicolas Batum, Rudy Gobert, at Evan Fournier. Matatangkad na manlalaro naman ang armas ng New Zealand na dating hinawakan ng ngayo’y Gilas coach Tab Baldwin noong 2002 kung saan umabot sila sa semis ng FIBA World Championships. Isa ang Pilipinas sa tatlong napiling maghost ng qualifying tournament patungong Olympics. Hindi na sana kailangan pang dumaan dito ng Gilas ngunit natalo sila sa China sa finals ng FIBA Asia nitong nakaraang taon.

Listahan ng Presidential at VP candidates inilabas na ng COMELEC Naglabas na ng initial list ang Commission on Elections (Comelec) ng mga kandidato sa pagkapangulo at pagkabise presidente sa darating na eleksyon sa Mayo. Nilinaw ng Comelec na hindi pa ito pinal dahil may mga hindi pa nadedesisyunan na mga petisyon upang madiskwalipika ang ilang kandidato. Walong kandidato sa pagkapangulo ang nasa initial list ng Comelec, habang anim sa pagkabise presidente.

Para sa pagka-pangulo:

Para sa pagka bise-president:

PBA Legend Caloy Loyzaga pumanaw na Pumanaw na ang Philippine basketball legend Carlos “Caloy” Loyzaga na mas kilala sa monicker na “The Big Difference” sa edad na 85. Cardiac arrest ang dahilan ng pagpanaw ni Loyzaga na binawian ng buhay bandang alas-7 ng umaga sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City. Dalawang beses nakapaglaro sa Olympics ang 6-foot-3 all-around player, habang nadala rin niya ang Pilipinas sa Asian Games at FIBA Asia championships noong 50s at 60s. Nakabilang din sa Mythical team ng 1954 FIBA World Championships matapos masungkit ng Pinas ang bronze medal. Hinawakan din niya ang University of Santo Tomas men’s basketball sa collegiate league, U-Tex at Tanduay sa Philippine Basketball Association. Tinaggap ni Loyzaga ang Philippine Sportswriters’ Association Lifetime Achievement Award nitong 2014 at kinilala naman siyang miyembro ng Philippine National Basketball Hall of Fame noong 1999.


pinoy-global 3

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

FEBRUARY 2016 I FIRTS ISSUE

page 3

Pinoy-made "Diwarta" satellite Dumaguete is Ranked #1 for Asian ready to launch in April 2016 travelers according to Agoda.com

The Philippines handed over its first Philippine Satellite on January 13 to the Japan Aerospace Exploration Agency (JAXA), which will facilitate the launch of 50-kilogram microsatellite. JAXA made final test on the Diwata before it turned over to the National Aeronautics and Space Administration (NASA) in the United States for the space station deployment. Diwata is expected to be used to improve the country's weather detection technology, disaster management, forest protection, detection of agricultural growth patterns, and the monitoring of the Philippine territorial borders. It will carry 3 main payloads used for the measurement and detection: a High-Precision Telescope, a Spaceborne Multispectral Imager, and a Wide Field Camera. It is expected to pass 4 times a day over the country once up in the earth's atmosphere. Each pass will last around 6 minutes allowing it to capture up to 3,600 images a day. The Diwata, one of the two-designed developed and assembled satellites by Filipino scientists, is seen to be a step towards the Philippine dream to have its own Space Agency. The second Philippine microsatellite is expected to launched by 2017. The local space technology is the product of the thesis studies of young Filipino scientist studying for their Master program at Tohoku and Hokkaido universities in Japan. The nine young Filipino scientists who built Diwata include UP Diliman’s engineering students Juan Paolo Espiritu, Ariston Gonzalez, John Leur Labrador, Menjamin Jonah Magallon, Delburg Mitchao, Julian Marvick Oliveros, and Kaye Kristin Vergel.

Dumaguete, home to the Apo i s l a n d m a r i n e s a n c t u a r y, ra n ke d f i r s t i n t h e s t u dy conducted by Agoda.com, a Nasdaq-listed Priceline Group (Nasdaq:PCLN). Ranking #1 in the most preferred destinations by Chinese travelers, the seaside capital city of Negros Oriental province was cited for its “diving excursions, whalewatching cruises, and riveting cultural sites.”

The Agoda study on the most significant increase in bookings between 2014 and 2015 marked an 805 percent increase in bookings for Dumaguete, ranked in 2014 as one of the world’s best places to retire. According to Andy Edwards, Global Director of Brand and Communications at Agoda, “It is wonderful that more Chinese travelers are planning their own trips and exploring

so many new places in Asia.” One of the world’s leading online hotel platforms listing hundreds of thousands of hotels and providing services in 38 different languages. The Agoda release also quoted Edwards saying, “We

believe in empowering i n d e p e n d e n t t rave l e r s by h av i n g t h e b e s t d e a l s o n everything from beach bungalows to luxury hotels overseas, so we’re obviously thrilled to see this growing trend.”

Filipina named as best Asian female chef

Filipino American Jordan Norwood goes to NFL Super Bowl Championship

The region’s food and beverage industry leaders also noted the Filipina chef's Margarita Fores advocating the farm-to-table market and helping Filipino farmers by the use of homegrown ingredients in her restaurants. Her expertise in Italian cuisine has also made Forés a proud advocate of Filipino dishes. She has co-authored Kulinarya, a selection of popular regional dishes. “Studying Italian cuisine has given me a high respect for ingredients, which has influenced the cooking that I do,” Asia’s Best Female Chef shares with media. “Through the years, a lot of Italian technique has guided my work, and this has reawakened an appreciation for my own Philippine cuisine.” William Drew of Asia’s 50 Best Restaurants told media, “Margarita Forés is … a true leader in her country’s restaurant sector. Her dedication, culinary skills and pioneering efforts have elevated the dining scene in the Philippines and set a new benchmark for other chefs and restaurateurs to follow.” Forés and her colleagues in the industry have been making efforts to get international attention to Filipino cuisine. Last year, Antonio’s in Tagaytay became the first Filipino restaurant to be listed in the Asia’s 50 Best Restaurants list. “I think what’s great about it is it validates this whole effort. We’ve been sort of pushing in the industry to bring our cuisine forward,” Forés told ANC in an interview after the announcement of her award. “And what surprises me is that we were in the radar as far as the region and people in the industry is concerned.” Forés has recently opened Casa Artusi Philippines, the first Asian campus of the Italian culinary school. Forés will receive the Asia’s Best Female Chef 2016 award at the 4th annual Asia’s Best 50 Best Restaurants awards ceremonies to be held on February 29 in Thailand.

The world’s biggest sporting event is two weeks away and a Filipino American will be vying for the NFL’s Super Bowl championship. The Denver Broncos and the Carolina Panthers have advanced and will face off on Super Bowl Sunday. Suiting up for the Broncos is Fil-Am wide receiver Jordan Norwood, who is now in his fifth season as a professional football player. Sports runs in the Hawaiian-born 29-year-old’s family. His older brother is none other than PBA star and Philippine national team member Gabe Norwood. The 50th Super Bowl and all the festivities will take place in the Bay Area in Santa Clara.

NEW HAVEN FOR FOODIES AT MAGINHAWA STREET


pinoy community 4

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

FEBRUARY 2016 I FIRST ISSUE

page 4

Prep time: 10 mins Cook time: 45 mins Total time: 55 mins Serves: 4

Distributer: Publisher:

Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT

jaggeraziz@gmail.com

The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.

Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com

Halang Chicken Recipe halang

Ingredients • 2 lbs. chicken, cut into serving pieces • 1 can (2 cups) coconut milk • 1 medium yellow onion, diced • 1 teaspoon minced garlic • 1 thumb ginger, julienne • 2 teaspoons chili flakes • 6 to 8 lemongrass blades • 1 small green papaya, wedged • ¾ to 1 cup hot pepper leaves (or malunggay) • 2 tablespoons fish sauce • ¼ teaspoon ground black pepper • 3 tablespoons cooking oil InSTRUCTIONS • Heat the oil in a cooking pot. • When the oil gets hot, saute the onion, garlic, and ginger until the onion becomes soft. • Add the chicken pieces. Cook until light to medium brown. Turn over to cook the other side. • Pour-in coconut milk. Let boil. Add chili flakes, lemongrass, and papaya. stir. Cover and the heat to medium. Cook for 18 to 20 minutes or until the chicken is fully cooked. • Remove the cover. Add ground black pepper, fish sauce, and more chili flakes (if desired). • Add the hot pepper leaves. Stir and cook for 2 minutes. • Transfer to a serving plate. Serve.

Chicken Halang-halang is a Filipino chicken dish similar to ginataang manok. This dish has a hint of lemongrass, which makes it smell and taste fresh. This dish is guaranteed to tempt you to increase your rice intake. If you plan to stick with just a cup of rice, make sure that you condition yourself beforehand because chances are that you can give-in to your craving later-on. You will not have a hard time cooking Chicken Halang-halang becaue this is really a simple dish. Start by heating the cooking oil in a cooking pot. Once the oil gets hot, it is time to saute our three commonly used ingredients: garlic, onion, and ginger. You will know that the chicken is ready to be added once the onion starts to soften. Gently add the chicken pieces and then continue to cook one side until it turns brown. You can use tongs to check on these. Turn the chicken over to cook the other side and then pour the coconut milk. Let it boil and add the lemongrass, papaya, and chili. At this point, cover the cooking pot and set your heat to medium. We will need to cook the chicken further while extracting the flavor from the papaya and lemongrass. Once the chicken is done, add ground black pepper, fish sauce (you may use Share and enjoy! salt as an alternative), and more chili, if preferred. Lastly, put the hot pepper leaves Nutrition Information Serving size: 4 in. You can use malunggay leaves or even spinach as alternative ingredients.


tara-let's 5

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

FEBRUARY I FIRST ISSUE SEPTEMBER2016 2014 SECOND issue

Kapag pumatak na ang buwan ng Pebrero, otomatiko na ang papasok sa isipan ay ang Valentine’s Day sa Pebrero 14. Pero saan nga ba masarap magdate ang mga magsising-irog o sino mang nagmamahalan para naman maging espesyal ang araw o buwan ng mga Puso?

page 5

CONCERT DATE

Kung dati ay Araneta Coliseum (Cubao) lang dream concert venue ng mga singers, ngayon ay mayroon na rin iba pang venue gaya ng SM Mall of Asia Arena (Pasay), Philippine Arena ( Bulacan), Music Museum (Greenhills San Juan), Resorts World Manila ( tapat ng Ninoy Aquino International Airport) at Kia Theaters (Cubao) Sa February 13 ay may concert sina Martin Nievera, Erik Santos, Angeline Quinto, at Regine Velasquez sa MOA Arena na pinamagatang Royals. Sa Pebrero 24 naman gaganapin dito ang inaabangang pagtatanghal ni Pop Icon Madonna ang Rebel Heart Tour. Sa Araneta naman ay magkakasunod na ipapalabas ang Panahon Ng May Tama #Comikilig nina nina Boobsie at Chuchay (Gladys Guevarra), Papa Jack at Ate Gay sa February 13, Boyce Avenue in Manila sa February 16 at ang Jadine Love nina James Reid at Nadine Lustre sa February 20. Sa Resorts World ay magko-concert ang Canadian singer-songwriter na si Dan Hill. Ang Dan Hill, King of Romance ng mang-aawit na nagpasikat na “Sometimes When We Touch" at "Can't We Try" ay gaganapin sa February 10. Samantala, dalawang araw naman na itatanghal dito ang LOVE CATCHER: The Nightingale’s Valentine Concert si Asia’s Nightingale Lani Misalucha sa February 14 at 15.

VALENTINE’S DATE

PLACES TO GO

FOR YOUR OUT-OFTOWN GETAWAY DATE

Siyempre maraming mapupuntahan na magagandang lugar para sa paglalakbay gaya sa Baguio na may Blooming Hearts Day tuwing February 14. Subalit kung gusto mo nang ‘di malayong lugar mula sa Maynila, maaaring magpunta sa Tagaytay, Laguna, Bulacan, Antipolo at Pampanga. Kung mahilig ka sa kapistahan, mabuting bumisita sa Pampanga dahil sunod-sunod ang ganap dito kapag Pebrero. Ilan sa mga ito ay Caragan Festival (Mabalacat), Ibon-Ebon Festival (Candaba), at ang sikat na Credit: Hitokirihoshi Philippine International Hot-Air Balloon Festival (Clark).

Chiba Ken Funabashi Shi Honcho 2-6-1 K-Mall Nibankan 3F

DINNER/ FOOD TRIP DATE

Gusto mo ba ay dinner date pero level up naman sa mga simpleng kainan? Rekomendado ng mga foodies ang mga bars at resto sa Bonifacio Global City (Taguig), Tomas Morato ( Quezon City), Kapitolyo (Pasig), Binondo (Manila) at marami pang iba. Samantala, para naman sa mahilig sa matatamis na panghimagas ay maaaring i-enjoy ang Love Desserts Buffet na mayroong branch sa Banawe at Fairview Quezon City. Mayroon din na para sa mga chocolate lovers, ang Chocolate Fire sa Bel-Air Makati. Kung nais mo naman ay tipong nakaka-relax na garden restaurant, ilan sa sikat ay ang Rustic Mornings By Isabelo, Basil Thai Restaurant sa White Plains, at Greg & Sally Tree Garden Café sa Marikina. Credit: (concert) Hitokirhoshi and Facebook pages.


pinoy na pinoy 6 page 6

Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19 Ang numero ay bilang lamang kung walang dahilan at kahulugan. Kaya naman bago ka tumanggap ng panibagong proyekto ay isipin mo muna ang kalidad ng iyong trabaho. Oo nga’t masasabing mahirap naman pakawalan ang oportunidad dahil minsan lang dumarating ang mga ito. Pero alin ba ang mas mahalaga, ang tuloy-tuloy na trabaho dahil nagagawa mong tama o makakuha ka ng marami pero mahirap naman gampanan? Minsan ang pagsasabi ng “hindi” ay mas makapangyarihan at makabuluhan kaysa sa salitang ‘oo.’

Pisces - Feb. 20 - March. 20 Maraming pagkakataon na masusubok ang iyong pasensya. Minsan pa nga ay sabay-sabay ang dating at sa hindi mo pa inaasahan na pagkakataon. Kung magpapadala ka sa iyong emosyon ay nasa iyo naman iyan. Sino nga naman ba ang hindi mapipilitan na magpakatotoo sa kanyang nararamdaman lalo na kapag under pressure. Subalit, kung talagang gusto mong magpakatotoo ay dapat hindi ka lamang sa emosyon bumabaling kundi sa pag-amin ng iyong saloobin. Diplomatiko mong sabihin kung nahihirapan ka kung nahihirapan ka o kung nasasaktan ka kung nasasaktan ka.

Aries - March. 21 - April. 20

Maaaring malaking bagay sa iyo na sundin ang nilalaman ng iyong puso, ito man ay mapangahas o hindi. Katunayan, minsan ay kinakabahan ang ibang tao sa paraan mo ng paghahanap ng solusyon o pagkamit mo ng iyong ambisyon. Sadya rin kasing mahirap na hulaan para sa iba kung ano ang susunod mong hakbang. Sa ibang banda, hindi ibig sabihin na naintindihan o iniintindi ang iyong desisyon ay kailangan ka nilang sundin. Sa panahon na ganito ang sitwasyon, kung nararamdaman mo na kailangan mo nang panindigan ang laman ng iyong puso ay ipaglaban mo na nga ito.

Taurus - April. 21 - May. 21

Maging bukas ka sa pagsubok na ibinibigay sa iyo ng pagkakataon. Kung palagi mo na lamang tinatanggihan ang mga bagay dahil ganoon ka talaga, dapat bawasan mo na rin na umasa na palagi kang may tiyansa. Alam mo bang maraming tiyansa na dumarating kung ikaw ang mismong naghahanap nito? Gayon din ang pag-asenso sa buhay, hindi lamang nakadepende sa mga bagay gaya ng tadhana o tiyansa, kundi sa lakas ng loob at pagbabago. Huwag mong hayaan na nakasalalay lamang sa iyong palagay ang iyong mga desisyon. Tandaan na may pagkakaiba ang noon sa ngayon.

Gemini - May. 22 - June. 21

Mainam na pinapagana mo ang iyong isipan partikular na sa iyong karera at pakikipagsosyalan. Subalit, huwag naman sana na umabot ka sa punto na halos wala ka ng pinapakinggan kundi ang iyong magagandang opinyon lamang. Kalma, hindi lahat ng punto ng usapan ay kung sino ang mas may mainam at magaling na ideya. Hindi mo naman kailangan na makipagdebate para lang mapatunayan kung ano ang mayroon ka. Kusang lalabas na ang iyong kumpiyansa, talino at kabaitan sa gawa at pakikisama.

Cancer - June. 22 - July. 22

Bago ka magsalita ay pag-isipan mo muna ang iyong sasabihin. Hindi mo alam ay masasakit na wika na ang iyong sinasambit at tumatatak sa isipan ng iyong kausap ang inyong engkwentro. Ang masakit noon ay wala lang naman sa iyo ang nangyari pero malaki pala ang naging epekto noon sa iba at maging sa inyong relasyon sa hinaharap. Wala namang masama sa pagiging prangka at direkta, basta ba alam mong panghawakan at pangatawanan. Tatlong bagay ang masakit na mapakinggan – bintang, paninisi at sumbat.

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

FEB RUARY 2016 I FIRST ISSUE

Leo - July. 23 - August. 22

Sa halip na magpadala sa stress dala ng bigla-biglaan na problema ay pag-aralan mo kung paano magiging kalmado kapag may hinaharap kang pagsubok. Una ay alam mong ang pagpa-panic ay hindi nakakatulong sa iyo. Pangalawa at higit sa lahat, lagi ka naman nahaharap sa problema sa ayaw at sa gusto mo. Kaya kung iisipin ay hindi lang sa sitwasyon ka lamang dapat makibagay, kundi kailangan mo ring pag-aralan kung paano maging matatag at epektibo lalo na kapag may pressure. Kapag nagkaganun ay baka pati salitang “stress” ay hindi mo na alam.

Virgo - Aug. 23 - Sept. 23

Malakas makataboy at magbigay ng maling impresyon sa iba ang tapat mong katangian na itama ang nakikita mong mali. Kung tutuusin ay wala naman masama at puwedeng hindi malaking bagay sa iyo kung sino ang nagkamali. Sa kasawiang palad ay hindi lahat ay kayang umintindi sa ganitong ugali. Sa halip na tulong, ang malamang na nararamdaman nila ay pagkapahiya at iritasyon sa iyong ginawa. Kaya naman subukan mong magpayo at maging sensitibo sa pagkatao ng iyong kausap. Madalas kahit tama ang iyong intensyon ay nagiging masama dahil sa mali mong pamamaraan.

Libra - Sep. 24 - Oct. 23

Ang pinakamainam na paraan para hindi ka mahirapan sa anumang pagbabago ay ang maging flexible ka. Mahirap salubungin ang rumaragasang alon, kaya magpadala ka na lamang o sakyan ang sayang dulot nito. Isipin mo kung paanong na-e-enjoy ng mga surfer ang mga naglalakihang alon kaysa matakot sa mga ito. Ang pansinin mo ay kung nasaan ka at kung paanong taktika ang iyong gagawin. Bagaman walang makapagsasabi kung ano ang mayroon bukas, pero puwede rin naman na ikaw na mismo ang gumawa ng posibilidad.

Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22 Kung “may tyaga ay may nilaga” ay mayroon din na “kung maraming ihahasik ay maraming aanihin.” Ibig sabihin lamang ay bago ka umasa sa suwerte ay dapat ay kumakayod ka rin. Kailangan na gumagawa ka ng paraan para makahanap ng oportunidad at maniwala sa iyong kakayahan kahit na ba puno ka ng kaba. Ganoon naman ang talaga ang buhay, kailangan mong sumugal kahit na alam mong may nakasalalay na puwedeng mawawala. Ganoon pa man, nakatuon pa rin ang iyong isipan sa positibong bagay na iyong makakamit. Kaya lakasan mo lamang ang iyong loob at tiyak malayo ang iyong mararating.

Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21

May pagkakataon na kailangan mong maging praktikal at mayroon din naman na kailangan mong pairalin ang iyong pagiging mapangahas. Sa puntong ito, kailangan mong maging matapang para isakatuparan ang iyong mga plano. Katunayan, ang pagtupad sa iyong isang ideya ay hindi naman nangangahulugan na malaki ang kailangan mong itataya. Bagkus ay dapat mo lang kalabanin ay ang iyong sarili. Kailangan pagtibayin ang iyong sariling disiplina at pag-ibayuhin ang iyong determinasyon para ikaw mismo ang makapagpabago sa iyong sariling limitasyon at kahinaan.

Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20

Subukan mong sarilinin muna ang iyong mga ambisyon at plano habang kinikilala at pinauunlad ang iyong sariling mga kakayahan. Kung kailangan mo naman ng payo ay maiging lumapit ka na sa mga eksperto. Bakit mo kailangan maglihim? Hindi ka naman maglilihim, kundi mas maiging sa ngayon ay huwag kang magsasabi ng mga bagay na mahirap para sa iyo kapag may nagkomento o sumaling ibang tao. Madali kang maapektuhan sa mga kuro-kuro na hindi rin naman nakakatulong sa iyo. Kaya saka ka na magbalita, kung buong-buo na ang iyong loob at kung halos makamit mo na ang iyong gusto.


pinoy-BiZz FEB RUARY 2016 I FIRST ISSUE

Karugtong mula P1

Pero maliban sa pagpapakilig, napatunayan din ni Echo ang kanyang husay sa pag-arte sa iba’t ibang magagandang pelikula gaya ng Alagwa, SantaSantita, Bagong Buwan, Tanging Yaman, Forevermore, Nasaan Ka Man at marami pang iba. Siyempre pa ay nag-top sa ratings ang kanyang dalawang huling series kasama ang The Legal Wife kasama si Angel Locsin at Maja Salvador; at Bridges of Love kasama si Maja at Paulo Avelino. An answered prayer sa Walang Forever Nasa Australia si Echo noong MMFF Awards Night kaya hindi niya personal na nakuha ang kanyang trophy. Anya ay malaki ang pasasalamat n’ya sa pagkakasama sa pelikukang ito at sa director nila na si Dan Villegas. Matatandaan na hindi siya ang orihinal na katambal sana rito ni Jennlyn Mercado kundi si JM De Guzman. Sa pagkawala ni JM ay s’ya namang pagpasok ni Echo, na umamin na ipinapanalangin talaga na makatanggap ng pelikulang light lang ang story dahil puro heavy drama ang kanyang mga TV series.

page 7

Sa tanong ko na ano ang reaksyon ng kanyang British-Australian model wife na si Kim Jones sa Walang Forever, sinabi ni Echo na namumula raw ito sa kakaiyak. Inamin din niyang numero uno niyang kritiko ito, kaya naman nang pinuri siya ni Kim ay napakasaya niya. “Sinabi niya sa akin na ‘you deserved the award,’ parang domoble ang trophy,” kwento ni Echo. “Iba kasi ‘pag galing sa kanya [kasi] pinakamalaking kritiko ko iyon. One time may ginawa ako, sabi niya ‘anong ginawa mong bago?’” On evolving from a star from a Love Team to finest actor Mainit ang iba’t ibang tambalan ngayon gaya ng LizQuen, AlDub, JaDine at KathNiel kaya naman hiningan din ng komento rito si Echo. Pag-amin niya na gusto niya ang tambalang KathNiel at dati Kimerald( Kim Chiu and Gerald Anderson). Samantala, dahil kilalang nai-in love siya sa noon sa kanyang mga naging kapareha gaya nina Kristine at Heart Evangelista, hiningan din ng komento ng press si Echo tungkol dito. Anya ang magkaka-love team ay ginagawa para talaga na pang –TV. Pero dahil hindi maiiwasan na may nade-develop, suhestyon n’ya na i-enjoy na lang ang moment at tingnan din ng magkasintahan na magka-love team iyong anggulo ng kanilang pagiging aktor. Kung mapupunta naman daw sa malalim na level, mabuti na magpakasal at dumaan muna sa counseling. Dapat klaro na ang kanilang pagsasama ay totoo at hindi para sa kasiyahan ng mga tao sa

ni phoebe dorothy estelle PAULEEN, ANG IPINAGLABANG MRS. VIC SOTTO Enero 30 sa St. James the Great Church sa Ayala Alabang ang ikinasal ang Eat Bulaga Dabarkads na sina Vic Sotto at Pauleen Luna. Pero bago ang makulay na selebrasyon na ito sa buhay ng dalawa ay naging special feature sa kanilang programa ang kwento ng kanilang pagiibigan. “Hindi naman naging madali ‘yung relationship namin. So noong nakita ko na halos naman lahat ng pagsubok ay nakaya ko, nakaya namin together, at nakita ko rin po na pinaglaban niya talaga ko, doon ko talaga na-realize na parang kami na nga,” ani Pauleen sa Pre-Wedding Special interview niya sa EB. “Hindi niya talaga ako iniwan. Pinaglaban niya talaga ako all the way… “Hindi ko naramdaman na hindi kami magkakampi. Naramdaman ko talaga [na] kahit ano mang mangyari, pagtatanggol niya ko and he will always be with me kung ano man ang kailangang pagdaanan.” Masasabi rin na wala ngang magiging problema sa kanilang pagsasama, partikular na sa mga anak ni Vic na sina Danica at Oyo. Kamakailan nga umano ay kumain si Pauleen kasama ang mga ito, pati na ang mga asawa nila at iba pang anak ni Vic. Congrats at mabuhay sa inyong pagsasama Pauleen at Bossing! EXPRESS: JOHN LLOYD- BEA TANDEM FOR REAL NA?

Inamin ng boyfriend ni Bea Alonzo na si Zanjoe Marudo na hiwalay na sila ng aktres sa Tonight with Boy Abunda kamakailan. Maliban sa kanila ay may bulong-bulungan din na nagkakalabuan na sina John Lloyd Cruz at ang kasintahan nitong si Angelica Panganiban. Bunsod sa magkasunod na pangyayari na ito ay iniintriga na baka ang nagkakamabutihan na ngayon ay sina Bea at John Lloyd.

kanilang paligid at fans. Samantala tinanong ko naman si Echo kung mas naramdaman ng isang aktor na mas gumagaling o napapamahal sa kaysa ang pagarte kapag wala na siya sa love team. “I think Kristine would agree with me about this, we wanted to display yung abilities namin kahit noong magka-love team pa lang kami. Hindi namin pwedeng i-dismiss ‘yong fact na... hindi may natutuhan kami roon. Part ng career namin iyon as a love team, iyon ang ensayo namin kung baga on the job training. Parang ganun naman, hindi ka naman puwedeng (magaling na)actor kaagad,” sagot ni Echo sa akin. “Hindi ko puwedeng sabihin na hindi ako naggrow sa love team. Kasi sa very first day ng career ko I was a giant sponge, may natutuhan na talaga ako. But then, humiwalay lang ako sa love team kasi I wanted to explore different characters. Being with a love team would limit me to certain roles kaya I started to work with different leading ladies. Iyon ang request ko na I want to work with different actresses pero hindi overnight nangyari iyon. Kaya thankful ako kasi t’yaga iyon, tyaga talaga. “ Ayon kay Echo ay may parating siyang bagong

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan ang matagumpay na love team nina John Lloyd at Bea. Kahit na hindi naging magnobyo ang dalawa ay tinutukan ng kanilang mga fans ang kanilang proyekto at naging top rating shows ang kanilang mga palabas gaya ng It Might be You, Maging Sino Ka Man at I Love Betty La Fea. Gayon din naman ay naging box office hit films ang kanilang One More Chance, The Mistress at nito ngang huli ay A Second Chance.

programa sa primetime. Sa tanong ko naman kung sino-sino ang gusto niyang makatrabahong aktres binanggit niya sina Jessy Mendiola, Iza Calzado, Anne Curtis, Jennylyn Mercado at Kathryn Bernardo. “I want to work with Kathryn,” sabi ni Echo. “Not yung typical love team kami like parang ako ang bodyguard something like that. I just feel na nandoon iyong potential ni Kathryn to explore different characters.” Sundan ang Part 2 sa susunod na isyu...

EAT BULAGA MANANATILING KAPUSO

Sa ngayon ay hindi pa nagsasalita sina John Lloyd at Angelica sa kanilang hiwalayan isyu na unang ibinalita ng komedyante at radio personality na si Ogie Diaz. Kaugnay nito, wala ring kumpirmasyon kung may kinalaman si Bea sa relasyon ng dalawa. Naku kung totoo ito ay mabubuhayan ang nga fans nina Lloydie at Bea, pero magmumukha itong kwentong teleserye. EXPRESS: RELASYON NINA ANGEL AT LUIS ON THE ROCKS

Magkasama sina Angel Locsin (bilang isa sa judge) at Luis Manzano (host) sa bagong edisyon ng Pilipinas Got Talent. Bukod pa rito ay palabas na rin ang Everything About Her kung saan magkasama sina Angel at ang ina ni Luis na si Vilma Santos. Kaya naman ikinagulat ng madla ang balitang may pinagdadaanan ang dalawa. Sa panayam kay Luis ng Bandila reporter MJ Felipe ay inamin ni Luis na may problema sa relasyon nila ng Kapamilya aktres. Aniya ay malaking pagtatalo ang kanilang naranasan kamakailan mula ng sila ay nagkabalikan. Matatandaan na minsan ng nagkahiwalay ang dalawa at taong 2014 nang makumpirma ang kanilang pagiging mag-on ulit. Samantala, may magkakasalungat na report kung nagkakalabuan o nauwi na nga sa hiwalayan ang dalawa. Sa ulat naman ng Philippine Star editor and TV personality na si Ricky Lo ay hiwalay na sina Luis at Angel mula ng manggaling sila sa States. Magkasama na nagbakasyon ang magnobyo nagbakasyon nung Pasko at nang magpa-opera si Angel para sa kanyang disc bulge sa spine. Sana naman hindi sila tuluyang magkahiwalay ang dalawa, kung may second chance ay mayroon din namang third chance. All Photos Credit: Instagram

Certified na sa Kapuso Network pa rin mapapanood ang longestrunning noon time show na Eat Bulaga. Ang balitang ito ay selyado ng panibagong kontrata sa pangunguna nina Atty. Felipe Gozon, GMA network Chairman and CEO, at Mr. Antonio P. Tuviera, T.A.P.E. President and CEO na pinirmahan noong Enero 28. Halos kumpleto ang Dabarkads sa contract signing kasama na ang AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza), TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon), Pia Guanio, Ruby Rodriguez, Jimmy Santos, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Anjo Yllana, Allan K, at Patricia Tumulak. “Gusto ko lang sabihin na exactly 21 years ago binigyan kami ng GMA ng isang tahanan at ‘yun ang naging dahilan para maipagpatuloy namin ang pagbibigay ng tuwa at saya sa aming mga manonood,” saad ni Tuviera, via gmanetwork.com. “Maraming salamat GMA sa inyong pagtitiwala at mula sa lahat ng Dabarkads, thank you very much. Talagang nag-uumapaw ang aming puso sa pasasalamat.” Samantala, sinabi ni Gozon na natutuwa siya na muli ay GMA ang piniling tahanan pa rin ng EB. Dagdag pa niya na sa loob ng 15 taon na Kapuso ang programa ay wala silang naging problema. Kaya naman umano sa panibagong kasunduan na ito ay nangangahulugan ng mas marami pang tagumpay, ratings, pagkakaibigan, at pagsasamahan sa kanila.



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.