Pinoy Chronicle Second Issue

Page 1

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

SECOND ISSUE January 2016

Pinoy na Pinoy your weekly horoscope

Food Trip at Home

Tara Let's

Pinoy Showbiz

Pinoy Global

Pinoy Local

PHOTOWALK SA GABI Kwentong Paglalakbay at Photography sa Maynila

Various Filipino Artworks featured in National Gallery Inabot ng 20 oras

Ika-409 na traslacion ng Nazareno

Singapore - The exhibition “Between Declaration and Dreams” traces works by the region’s artists from the 19th century up to contemporary times. The works explore the shared artistic output from the region’s artists which the exhibition describes as “a continuous encounter with the new, inseparably linked to the region’s tumultuous social and political history… See page 3

Pauleen Luna, napika sa report ng ABS-CBN sa kasal n'ya?

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na malapit ng magpakasal ang mag- fiancée na sina Vic Sotto at Pauleen Luna. Pero tila ikinasama ng loob ni Pauleen ang paglalantad ng news report sa ABS-CBN sa petsa at venue ng kanyang kasal. Ayon sa ulat ng TV Patrol, sa Enero 30 na ikakasal ang magkasintahan na parehong host sa top rated noon time show Eat Bulaga. Ayon sa post ni Pauleen ay hindi naman siya galit kundi para nakaapekto sa thrill at sa exclusivity ng kanilang kasal unti-unti nilang nilalahad sa madla. Ayon pa sa dating Kapamilya star ay inilalaan sana nila ang mga bagay na ito para sa Eat Bulaga. See page 7

Idineklara na walang pasok sa lahat ng antas ang mga estudyante sa lungsod ng Maynila noong Enero 9 bilang bahagi ng paghahanda sa pista ng Itim na Nazareno dahil milyung-milyong deboto ang inaasahang daragsa sa Quiapo Church. Isinara rin ang ilang kalsada sa Maynila para sa translacion na magmumula sa Quirino Grandstand pabalik ng simbahan. Pasado alas 2:00 na nang madaling araw kahapon nang tuluyang maipasok sa Minor Basilica Church sa Quiapo ang Poong Itim na Nazareno kahapon na uma­bot ng 20 oras at 41 minuto dahil hindi nasunod

na itinakdang ruta, ayon sa Manila Police District (MPD). Gayunman, pagkalaha­tang naging mapayapa naman ang pagdiriwang na dina­luhan ng may 1.5 mil­ yong deboto na posibleng mas higit pa ang bilang kung isasama ang mga nagtungo sa paha­lik na sinimulan ng Enero 8 alas-6:00 ng hapon sa Lune­ta Grandstand at sa mga nag-aabang lamang sa mga daraanang ruta at pali-gid ng Quiapo. Nabatid na noong nakalipas na taon (Enero 9, 2015) ay umabot lamang sa 19 na oras ang pagtatapos ng prusisyon, taong 2014 ay 10 na oras din at 2013 ay nasa 18 oras at noong taong 2012 ay mahigit 22 oras.

Nagpasalamat naman si MPD Director Chief Supt. Rolando Nana at naging maayos ang pagdaraos bagama't sa kasawiang palad ay dala­wang lalaki ang naitalang namatay kaugnay sa Translacion. Gayundin si Monsignor Hernando Coronel, rector ng Basilica Minore ng Nazareno, sa mga debotong nakiisa sa taunang Traslacion, mga volunteers, iba pang organi­ sasyon at mga awtoridad tumulong para maging maayos ang taunang Translacion. Kinilala ang 27 anyos na deboto na si Alex Fulledo, na nasawi sa tapat ng Bonifacio Shrine, tabi ng Manila City Hall na dinaanang ruta ng prusisyon.

See page 2

GERMAN MORENO REMINISCING, ENCOUNTER WITH

NI JANE GONZALES

Tulad ng inaasahan ay bumuhos ang mga personalidad na nakiramay sa pagpanaw ng tinaguriang Master Showman at Star Maker na si German Moreno. Ang batikang TV and radio personality ay sumakabilang buhay sanhi ng cardiac arrest nitong Enero 8 sa ganap na 3:20 ng umaga sa St. Luke's Medical Center Sa katunayan nagkaroon man ng kaunting kalituhan noong una kung comma o patay na, ay agad na ang pasok ng mensahe ng mga artista, politiko at iba pang celebrity para sa kanya. Subalit sino nga ba si Kuya Germs sa likod ng kamera at ano ang kanyang nais iwang pamana sa Philippine Showbiz industry? Bilang showbiz reporter ay hindi puwedeng hindi mo kilala si Kuya Germs. Mababanggit at mababanggit ang kanyang pangalan sa usapan dahil sa rami ng mga personalidad na kanyang nakasalamuha at personal na kakilala. Matatandaan na bago ang Walang Tulugan with the Master Showman ay naging main host at punong abala siya ng That’s Entertainment at GMA SUPERSHOW. Ito rin ang aming napag-usapan noon sa aking exclusive one-on one interview kanya na naganap sa isang canteen sa loob ng compound ng GMA Network. See page 7

January 2016 Second Issue

Free Newspaper


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.