Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
FIRST ISSUE March 2016
Pinoy na Pinoy your weekly horoscope
Food Trip at Home
Tara Let's
Pinoy Showbiz
Pinoy Global
Pinoy Local
SILIPIN ANG MUSEUM AT BANTAYOG PARA SA EDSA PEOPLE
See page 5
Photo credit: www.womenintesol.org
Facebook & Twitter MACTAN ISLAND CEBU’S MÖVENPICK HOTEL HAS EARNED CEOs threatened by ISIS THE AGODA GOLD CIRCLE AWARD, TWICE IN A ROW
Unites States - Facebook and Twitter founders have been threatened by a group that ties to the militant Islamists that call themselves Islamic State or also known as ISIS. A group calling themselves as the "Sons of Caliphate Army" posted a 25-minute video on the social media site Telegram, vows to retailiate against attempts by social media companies to close accounts belonging to supporters of ISIS. The video was discovered by analysts at media and tech company Vocativ in the deep web - the part of the internet not accessible via standard search engines -- and shows images of Facebook CEO Mark Zuckerberg and Jack Dorsey, head of Twitter, covered with bullets holes at one point.
See page 3
JAMES REID AT NADINE LUSTRE, REEL TO REAL SWEETHEARTS
Hindi lamang malaking “push” sa career ng Jadine love team ang kanilang TV series na On The Wings of Love, kundi sa kanila ring personal na buhay. Sa nakaraang JadINne Love (read: Jadine in Love) concert nila sa Araneta na ilang bago ang finale ng OTWOL ay sinabi ni James Reid na mahal n’ya si Nadine Lustre sa entablado. Pagkatapos naman nang nasabing konsyerto ay inamin ng dalawa na sila nga ay “officially Jadine” na dahil mag-on na sila simula pa noong Pebrero 11. Kwento pa ni FilipinoAustralian actor na nagpaalam din s’ya sa ama ni Nadine para maligawan ito sa istilong Pinoy at sa kanya namang nakakagulat na announcement ay wala talagang nakakaalam nito kahit si Nadine.
See page 7
In the Central Philippines, this five-star Mediterranea-inspired beachfront hotel was recognized for its quality accomodation in the online hospitality industry. The 7th Gold Circle Awards are presented by Agoda.com to properties based on aggregate customer reviews, competitiveness of pricing, utilization of Agoda. com’s custom-built Yield Control System (YCS) and a deep understanding of the complexities of the online booking industry. Asia's leading hotel booking site Agoda.com gives the award based on aggregate customer reviews, competitive of pricing, utilization of Agoda.com's custom-built Yield Control System (YSC) and a deep understanding of complexities of the online booking. According to the Movenpick General Manager Harold Rainfroy " Our team is delighted with this latest recognition, and our hotel is committed to keep up with hospitality trends and meet the expectations and essentials of today’s savvy travelers. Aside from customer service, we put our focus on giving each guest a fun, memorable experience, as well as value for money.”
The Movenpick hotel is located in Cebu Island which has been proclaimed as one of the Best Island in the World.
Narito ang naging talumpati ni Pangulong Benigno Aquino III para sa ika-30 annibersayo ng EDSA People Power Revolution na sinumulan sa pagdaan ng dalawang bagong FA-50PH “Fighting Eagle” fighter jets ng Philippine Air Force bago nagsabog ng confetti ang dalawang helicopter. President Fidel Valdez Ramos, Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte and members of the House of Representatives present, Executive Secretary and EDSA People Power Commission Chair Paquito Ochoa Jr, Excellencies of the Diplomatic Corps, other members of the Cabinet present, other members of the EDSA People Power Commission present, the local government officials present, AFP Chief of Staff General Hernando Iriberri and the men and women of the Armed Forces of the Philippines; the PNP Chief Police Director Ricardo Marquez and the men and women of the Philippine National Police, fellow workers in government, honored guests, mga minamahal ko pong kababayan, Talagang maganda po ang araw na ‘to. Magandang araw po sa inyong lahat. Hayaan ninyo pong umpisahan ko ang talumpating ito sa pag-uulit ng ilang linya sa kantang narinig natin kanina—ang “Handog Ng Pilipino Sa Mundo,” na sa tingin ko, kuhang-kuha ang punto ng EDSA: “Ating kalayaan kay tagal natin mithi. ‘Di na papayagang mabawi muli.” [Palakpakan]ko ang talumpating ito sa pag-uulit ng ilang linya sa kantang narinig natin kanina—ang “Handog Ng Pilipino Sa Mundo,” na sa tingin ko, kuhang-kuha ang punto ng EDSA: “Ating kalayaan kay tagal natin mithi. ‘Di na papayagang mabawi muli.” [Palakpakan]
See page 7
KALAYAAN 'DI NA PAPAYAGANG MABAWI MULI
March 2016 First Issue
Free Newspaper
Pinoy-local 2
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
MARCH 2016 I FIRST ISSUE
page 2
Bob Arum suportado ang Nike 2016 Asian Taekwondo Championship sa Pilipinas idaraos
Kaisa sa mga hindi sang-ayon sa naging pahayag ni Manny Pacquiao patungkol sa same-sex marriage, ang mismong kanyang promoter na si Bob Arum. Inihayag ni Arum ang kaniyang pagsuporta sa LGBT (lesbians, gays, bisexuals and transsexuals) community at sinabing kontra siya sa sinabi ni Pacquiao na mas masahol pa sa hayop ang pagsasama ng dalawang lalaki o babae. “What he [Pacquiao]’s saying is diametrically opposed to what I believe,” ani Arum sa Associated Press. “I’m in favor of gay rights and same sex marriage. I’m apologetic personally to the gay movement in the United States,” dagdag ng beteranong promoter. Sa kasagsagan ng isyu ay binitawan ng sports apparel Nike bilang endorser na si Pacquiao at para kay Arum ay tama lamang ito. Nike is in the business of selling its products to as wide of an audience as they can, and Manny’s comments were insulting to a lot of people,” pahayag ni Arum sa hiwalay na panayam ng ESPN.com. “His comments were made to a Filipino audience, where same-sex marriage is not as accepted as it is here, and Manny is a convert of enlightened Christianity, which does not believe in same-sex relationships. But to people in the United States, his words can only be viewed as hate speech. If I was running Nike, I would have to make the same decision they did.” Marami ang nagalit sa pahayag ni Pacquiao, kabilang ang mga celebrities na miyembro ng LGBT community. Tumatakbong senador ang kasalukuyang kongresistang si Pacquiao sa ilalim ng tiket ng United Nationalist Alliance.
Junjun Binay nagpiyansa sa mga kasong kinasasangkutan niya Nagpiyansa sa kasong inihain sa kanya ang nasipang Makati City Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr. para sa graft at falsification of public documents na inihain ng Office of the Ombudsman. Nahaharap sa two counts ng graft at six counts ng falsification of documents si Binay dahil sa maanomalyang P2.28-bilyon Makati City Hall Parking Building. Bukod kay Binay ay may 22 katao pa ang dawit sa kaso, kabilang ang kaniyang ama na si Bise Presidente Jejomar Binay. Inabot ng P204,000 ang ibiniayad ni Junjun Binay para sa kaniyang pansamantalang kalayaan, kung saan 30,000 kada isang count ng graft at P24,000 kada count. Ngunit giit ng nasipang Makati mayor na inosente siya at walang basehan ang mga paratang laban sa kaniya. Nitong Oktubre 2015 ay iniutos ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pagtanggal sa pwesto ni Junjun Binay.
Sa pangunguna ng Philippine Taekwondo Association ang pangangasiwa ang major international competition ang pagdaraos ng 2016 Asian Taekwondo Championships sa Abril 19-20 sa Marriot Convention Center Grand Ballroom sa New Port City Complex, Pasay City. Binubuo ng 40 Asian countries sa pangunguna ng world power na Korea ang makikipag-agawan sa karangalan sa prestihiyosong event na may basbas ng World Taekwondo Federation (WTF) at itinataguyod ng Asian Taekwondo Union (ATU). Ang iba pang bansang nagkumpirma ng kanilang partisipasyon ay ang Iran, Uzbekistan, Thailand, China at Japan. “It is a big honor for PTA to host the biggest taekwondo (senior kyorugi) event in Asia in our country. It is actually the second major competition that we will stage in April -- the first being the Asian qualifying event for the Rio 2016 Olympic Games,” pahayag ni organizing committee chairman Sung Chon Hong. Ang Asian championship ay suportado ng Smart, MVPSF, PLDT, Meralco, Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.
NCPRO naka-full alert status
Inihayag ni NCRPO Chief P/ Director Joel Pagdilao na hindi sila magbababa ng alerto na mananatili hanggang eleksyon s a d a ra t i n g n a M ayo 9 a n g ipinatutupad na full alert status n g N a t i o n a l C a p i t a l Re g i o n Police Office (NCRPO). Unang nagdeklara ng full alert status ang NCRPO kaugnay ng katatapos na pagdiriwang ng ika-30 taong anibersaryo ng EDSA People’s Power 1 Revolution na naganap sa bansa noong Pebrero 25, 1986. Sinabi ni Pagdilao na ito’y upang matiyak na mapayapa at matiwasay ang pagdaraos na halalan.
B i n i g ya n g d i i n p a n i t o , nilalayon rin ng nasabing hakbang na walang makalusot na masasamang elem ento lalo na ngayong election period partikular na sa pangangampanya ng mga kandidato. Gayundin sa mga pagtitipon tulad ng mga meeting de avance ng mga kandidato. Sa ilalim ng full alert status, kanselado muna ang day off at pagbabakasyon ng mga pulis dahilan dapat buong puwersa ng NCRPO ay nasa kanilang mga kampo at laging handa para sa posibleng deployment. Nilinaw naman ng opisyal na umpisa pa sa pagpasok ng election period noong Enero 10 kasabay ng pagpap atupad ng gun ban at muli naman itong p i n a i g t i n g n i to n g H uwe b e s kasabay ng paggunita sa ika30 taong anibersaryo ng EDSA People’s Power Revolution.
-----------------------------------------------------------------------------------
KALAYAAN 'DI NA PAPAYAGANG MABAWI MULI TALUMPATI NI PANGULONG BENIGNO AQUINO
---------------------------------------------------------------------------------- Sa totoo lang po, bagama’t masasabi kong nabiktima ang aming pamilya noong Batas Militar, buwenas pa kami—dahil kahit papaano, nabisita ko ang aking ama habang nakakulong, at nang siya’y pinaslang, may nailibing kami at may puntod kaming mapupuntahan. Ang iba po, hindi kasingpalad namin. Marami sa inyong kaharap ko ngayon ay dumaan sa mas matinding pagdurusa, at wala na akong maikukuwento pa sa inyo. Ang sasabihin ko po ngayong umaga ay hindi lang para sa inyo, kundi para sa kasalukuyang henerasyon, na ngayon ay may tangan ng iba’t ibang uri ng kalayaan. Ngayon, kung bagong graduate ka, makakadiretso ka raw sa Bora o sa ibang bansa nang hindi sinusubaybayan ng awtoridad ang bawat galaw mo. Makakagimik ka nang hindi natatakot sa curfew. Yung pagkakaroon ng kotse o condominium ay hindi parang napakalayong panaginip. Ngayon, isang pindot sa smartphone, maski anong impormasyon mula saanmang panig ng mundo, dumarating sa harap ninyo. Siguro nga, sa sitwasyon n’yo ngayon, hindi madaling unawain na minsan sa kasaysayan natin, hindi naging madaling makakalap ng impormasyon. Noon bukod sa komiks, may movie page sa diyaryo, at ‘yun lang ang masasabi nating totoo ang ulat. Ang natitirang laman ng pahayagan, pawang propaganda na lang. Noon, kung palarin kang makakuha ng kopya ng artikulong ipinagbabawal, nagkakandarapa kang itago ito sa mga elemento ng Batas Militar, dahil kung mahuli ka ay sapat nang dahilan ito para makulong ka nang walang taning at nang walang kasong nakasampa. Noon po, makitang magkakasama lang ang higit sa tatlong magkakaibigan, puwede nang dahilan para makasuhan sila ng illegal assembly. Itong mga kalayaang halos hindi ninyo napapansin sa kasalukuyan, napakalayo sa sitwasyon sa ilalim ng rehimeng Marcos. Noong araw, ang kalayaan lang: Kalayaang purihin ang diktador. Kalayaang tiisin ang pagkuha ng exit permit kung gusto mong lumabas ng bansa. Kalayaang umasa na makukulong ka kapag ipinaglaban mo ang iyong karapatan. May kalayaang mas maniwala sa tsismis kumpara sa sinisiwalat ng radyo at TV—dahil dito, nagpairal ng isang absurdong batas ang gobyerno laban sa rumor mongering. May kalayaan din na kapag nakalaban mo ang Batas Militar at napag-initan ka, wala proseso para mag-apila. Gusto ko nga pong idiin: Hindi kathang-isip ang lahat ng ito. Hindi ito teorya o pananaw ng iilan lang. Totoong naganap ang Martial Law. May isang diktador, kasama ng kanyang pamilya at mga crony, na nagpakasasa sa puwesto, at ang naging kapalit nito, mismong buhay at kalayaan ng Pilipino. Napapailing na nga lang po ako, dahil may mga nagsasabi raw na ang
panahon ni Ginoong Marcos ang siyang golden age ng Pilipinas. Siguro nga, golden days para sa kanya, na matapos na masagad ang dalawang termino bilang Pangulo, na katumbas ng walong taon, gumawa pa siya ng paraan na kumapit sa kapangyarihan. Napaisip nga ako: Pareho naman kaming naging Pangulo—ano kaya ang naging kalagayan natin kung tumotoo lang siya sa kanyang mandato sa panahong naroon siya sa puwesto? Golden age nga po siguro noon para sa mga crony ni Ginoong Marcos, at sa mga dikit sa kanya. Marami nga po akong kuwentong narinig: Noong panahon ng diktador, ang mga negosyante, ayaw magpalaki ng negosyo. Baka raw po kasi mapansin at agawin pa sa kanila ito ng mga nasa puwesto. Golden age din po ng paglaki ng utang ng bansa. Nang magsimula po si Ginoong Marcos sa katungkulan noong taong 1965, nasa P2.4 bilyon ang utang ng pambansang gobyerno; sa pagtatapos ng 1985, dalawang buwan bago siya mapatalsik sa puwesto, nasa P192.2 billion na po ang utang natin. At dahil hindi napunta sa dapat kalagyan ang pera, ang biyaya sa kani-kanila lang; ang pagbabayad naman, kargo natin hanggang sa kasalukuyan. Idiin pa po natin: Golden age ng tinatawag na brain drain. Golden age ng paglisan ng mga OFW papuntang Gitnang Silangan. Ngayon sa atin ay golden age na ng pagbabalik ng mga OFW. Noon, golden age ng mga New People’s Army, na dahil sa pagkadismaya ng taumbayan ay sinasabing lumobo mula sa 60 katao tungo sa 25,000 ang hanay noong pagtapos ng Batas Militar. Umabot nga sa puntong ginagamit na ang Davao bilang urban laboratory ng NPA, bilang paghahanda sa paglusob nila sa iba’t ibang siyudad. Hanggang sa ngayon, batid pa rin natin ang panggugulo nila sa mga pinakaliblib na pamayanan ng bansa. Golden age din nga po noon para sa mga nang-abuso sa mga kapatid nating Moro. Nauso nga po ang land-grabbing sa Mindanao; ang rehimeng Marcos naman, sa halip na pumanig sa mga pinagsamantalahan, ay tila kinunsinti pa ang mga nanggigipit. Imbes na katarungan ang gawing tugon, o gumawa ng batas para isaayos ang sitwasyon, Philippine Constabulary at Sandatahang Lakas ang itinulak na solusyon. Ngayon nga, ‘pag iniisip ko ang mga narating natin sa peace process, kung saan mayroon na tayong Framework Agreement at Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, at kulang na lang ang Bangsamoro Basic Law, talagang nanghihinayang ako, dahil ang tanging batas na maghahatid ng katarungan at kapayapaan, sadya pa po talagang hinarang. At di po ba: Ang BBL, naipit sa Senado sa kumite para sa lokal na gobyerno, na pinamumunuan ni Senador Marcos? Di ba nung pinakahuling araw ng
sesyon, tuloy pa rin ang pag-interpellate ni Senador Enrile? At di po ba, itong dalawang apelyido ding ito ang siyang nagtulak ng military solution para sa mga Moro noong panahon ng diktadurya? Mga Boss, marami nga po sa aming naapi rin ng Batas Militar ay naiintindihan ang pinagdaanan ng mga kapatid nating Moro. Kami mismong mag-anak, humarap sa matinding pang-aabuso ng nasa kapangyarihan. Alam naman po ninyo ang aming pinagdaanan. Ano po ba ang kasalanan ng aking ama, na ginagawa lang naman ang kanyang trabaho? Dinampot siya at dinala sa piitan. Di naglaon, mula Crame at Fort Bonifacio, inilipat siya sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija at doon ikinulong ng solitary confinement. Kinuha ang kanyang reading glasses para malabo ang lahat ng kanyang nakikita. Kinuha ang relo para hindi niya masukat ang paglipas ng oras. Kinuha ang singsing para mawala ang paalalang may asawa at pamilya siyang naghahanap sa kanya. Pininturahan ng puting-puti ang selda para malimot niyang may mundo pa sa labas nito. Sibilyan siyang inihabla sa military tribunal; si Marcos mismo ang nag-akusa, si Marcos ang nagtalaga sa miyembro ng prosecution at defense, si Marcos ang nagtalaga ng husgado sa Military Commission, at si Marcos din ang final reviewing authority. Ang nag-iisang abogadong law member na hindi sang-ayon sa nangyayari sa tribunal, pinasibak pa. Sa mga ganitong kadahilanan nga po nauso ang katagang “Lutong Macoy.” Hindi patas ang laban, at kung hindi man mailap ay talagang walang-wala kang paraang maghabol ng katarungan. Sa aking mga murang mata noon: Paano ko pa iisiping maghanda para sa maayos na kinabukasan? Hindi po tumigil ang diktador sa aking ama. May mga empleado kaming piloto na tinanggalan ng lisensiya kaya di makapagtrabaho. May mga taga-media na sa pakiwari nina Marcos ay kontra sa kanila, kaya pinagbawalang mag-ulat ng balita, at napilitan sila, ang iba, maglako ng karne na kami na lang halos ang bumibili. Mismong ang aming mga kasambahay, tulad ng nag-aruga sa akin, ang aking yaya, at ang kanyang asawa, kahit wala na sa aming empleo, makailang-ulit dinampot upang piliting tumestigo laban sa aking ama. ‘Yung huling beses na inaresto ang aking yaya, anim na buwan siyang buntis. Ang hardinero naman namin po, kinuha rin ng awtoridad at pag-uwi ay bilang bilang na lang ang ipin at magang-maga ang kanyang mukha. Sa halos bawat sulok po ng Pilipinas, may mga kuwento ng mga dinampot nang biglaan, pinahirapan, pinatay, o di kaya’y biglang naglaho lang at hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang mga bangkay.
pinoy-global 3
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
MARCH 2016 I FIRTS ISSUE
page 3
Facebook & Twitter LolaBasyang.com to compete in Prix Jeunesse International CEOs threatened by ISIS
"To Mark and Jack, founders of Twitter and Facebook and to their Crusader government. You announce daily that you suspended many of our accounts and to you we say: Is that all you can do?," the message on the video states, according to Vocativ. In the video message posted it threatened Zuckerberg and Dorsey stating "ou are not in our league. If you close one account we will take 10 in return and soon your names will be erased after we delete you (sic) sites, Allah willing." The Islamis state is well-known for its sophisticated use of social media accounts to disseminate its ideology and making it a key target for authorities looking to combat the group and its influences. Also in the video, they claim that they control more than 10,000 Facebook accounts and 150 Facebook groups with 5,000 Twitter profiles. Earlier this month Twitter said in a blog that it had suspended 125,000 accounts "for threatening or promoting terrorist acts, primarily related to ISIS." Likewise, Vocativ noted that Facebook has said that it works to ensure that terrorists don't use the site and removes content supporting terrorism. Commenting on the video, Twitter told The Guardian newspaper on Wednesday that threats against Dorsey were now so common they wouldn't be releasing any official response. "It just happens all the time," a spokesman said, the paper reported. Facebook has not commented on the video.
Uulitin ko po: Nangyari ang lahat ng ito. Mayroon ba sa inyong matatanggap ang posibilidad na bumalik tayo sa panahon kung saan puwedeng mangyari ito sa inyo o sa mga mahal ninyo sa buhay? Ang gobyernong binigyan ng kapangyarihan ng taumbayan, ginamit ang kapangyarihang iyon para apihin ang sambayanan. Sa mga nagsasabing hindi dapat sisihin si Ginoong Marcos sa lahat ng mga pangyayari sa ilalim ng kanyang rehimen, ang tugon nga po natin: Hindi ba kung sinamsam mo ang lahat ng kapangyarihan, dapat angkinin mo na rin ang lahat ng responsibilidad? [Palakpakan] Totoo nga naman po ang kasabihan: Ang kasalanan ng ama ay hindi dapat ipataw sa anak. Pero ang masakit: ‘Yun pong kadugo ng diktador, sa mahabang panahon ay puwede namang sinabing, “Nagkamali ang aking ama” o “Nagkamali kami; bigyan n’yo kami ng pagkakataong iwasto ito.” Pero isipin na lang po ninyo, ito ang tahasang naging pagsagot niya, “I am ready to say sorry if I knew what I have to be sorry for.” Kung hindi man lang niya makita ang mali sa ginawa ng kanilang pamilya, paano tayo aasang hindi niya ito uulitin? Ang akin nga, thank you na lang, dahil kahit papaano nagpakatotoo ka sa pagpapakitang handa kang tularan ang iyong ama. [Palakpakan] Linawin ko na rin lang po: Hindi ito usapin ng Aquino laban sa Marcos; malinaw na malinaw sa akin na laban ito ng tama at mali. [Palakpakan] Sa paglabas ko nga po ng bansa, mga ilang ulit naitatanong sa akin ng mga dayuhan: “Is it true that the Marcoses are still in power?” Talaga nga pong napakahirap ipaliwanag ito sa kanila. Hanggang ngayon, masakit pa ring isipin na ang isang Pilipino ay nasikmurang apihin ang kapwa Pilipino gaya ng ginawa ni Ginoong Marcos. Tama lang din po sigurong ilapit ko sa inyo ang naiulat sa isang diyaryo kahapon: Nangangamba raw ang mga 1986 COMELEC tabulators. Kinakabahan daw sila kung makakabalik ang mga Marcos sa poder, dahil sila ang nakakita kung paanong tahasang dinaya ang mga numero ng eleksiyon para mapaburan ang diktador. Naalala ko nga po ang linya ang aking napakinggan mula sa isang pelikula: “The greatest trick the Devil ever pulled was convincing the world he didn’t exist.” Di po ba’t totoo: Ang ganitong kasamaan ang mismong binubura ng mga taong pilit na sinasabing golden age daw natin ang rehimeng Marcos. Di ba ito ngayon ang nangyayari? May kaunting tagumpay ang mga nagrerebisa sa ating kasaysayan, at may nabolang iilan sa ating kabataan. Makikita nga po ninyo ang estilo ng mga loyalista sa traditional at social media; pilit nilang idinidikta ang isang kuwento para mamanipula ang opinyon ng taumbayan.
The TV show is led by multi-awarded veteran actress Boots Anson Roa-Rodrigo, who plays the role of techie blogger Lola B, who tells value-laden stories to her grandchildren overseas and in the country with the use of gadgets and digital media. In the TV release, series director Perci Intalan says, “The irony is that, as we move forward with advances in technology, there is a bigger need to look back and be reminded of our traditions and our values.” Celebrated bi-annually and considered as the “Oscars of children’s television”, Prix Jeunesse aims to promote quality television for young audiences, specifically for 2 to 15 year olds, worldwide. LolaBasyang.com competes among 400 entries from 60 countries. A pre-selection committee, which consists of jurors across the globe, chose the finalists by using similar criteria used
in the final competition.
Global Coloring book to feature Hele sa Hiwagang Hapis won Philippines most iconic locations Silver Bear award at the 66th
Berlin Film Festival
Enthusiasts can use markers and colored pencils to color intricate religious structures such as the Manila Cathedral and San Sebastian Church, as well as cultural landmarks of the Cultural Center of the Philippines and Metropolitan Theatre. Impressive edifices from around the Philippine capital are also featured such as the Manila City Hall and Manila Central Post Office. Historical sites like Rizal Park and Fort Santiago, and other magnificent architectural greats of Manila both existing and long-gone are featured in the Philippine-made adult coloring book. “Hue Can Do It: Manila” was illustrated for Summit Books by Architecture – Educator Filipino Artist and Designer Asa Montenejo with research by University of the Philippines Diliman Filipino Architecture Professor and Multi Awarded Author Gerard Lico. “Hue Can Do It: Manila!” joins the worldwide trend of coloring books offered to adult color enthusiasts who use the hobby to relax and flex their creativity. The trend has contributed to the spike in printed books sales in 2015.
Hayagan kong sinasabi ngayon, bilang bahagi ng henerasyong pinagdusa ng diktadurya: Hindi golden age ang panahon ni Ginoong Marcos. [Palakpakan] Isa itong napakasakit na yugto ng ating kasaysayan kaya nga po naglakas-loob ang napakarami sa ating kababayan na magtipon sa EDSA at sa ibang lugar sa labas ng Metro Manila, tangan ang pananampalataya at paninindigan. Nagawa nating magkaisa, at sa biyaya ng Poong Maykapal, ay pinatalsik natin ang diktadurya nang hindi humahantong sa madugong himagsikan. Ngayon po, kung tama ang ilang mga survey na nagsasabing dumarami ang sumusuporta sa anak ng diktador na hindi kayang makita ang pagkakamali ng nakaraan, ang ibig po bang sabihin ay nalimot na natin ang sinabing, “Tama na, sobra na, palitan na”? [Palakpakan] Ibig po bang sabihin, inihahayag na sa ngayon: Puwede na bang bigyang-posibilidad na mangibabaw muli ang Batas Militar at maulit ang lahat ng kamalian nito? Hindi na nga rin po nakakapagtaka na may mga nakinabang sa diktadurya at mga natitirang loyalista na nagsasabing wala tayong narating mula noong EDSA. Gusto nila tayong maniwala na mas maganda ang kalagayan natin sa ilalim ni Ginoong Marcos—tutal iyon kasi ang pangakong pilit ibinenta ng diktador. Pero saan nga ba tayo dinala ng 21 taon ng pamumuno niya? Hindi ba naging “Sick Man of Asia” ang ating bansa? Sadya nga nilang tinatabunan ang mga naabot natin sa Daang Matuwid: Ngayon, may higit 7.7 na milyong Pilipinong naitawid na mula sa kahirapan; nariyan ang higit 4.4 milyong kabahayang suportado ng Pantawid Pamilya, pati na ang 92 percent ng ating populasyon na saklaw na ng Philhealth. Isama rin natin: ang pinakamahirap na 40 porsiyento ng ating bayan, libre nang nakakapagamot sa pampublikong ospital; at nagtala din po tayo ng pinakamababang unemployment rate sa loob ng sampung taon. [Palakpakan] Ang imprastruktura na deka-dekadang hinintay gaya ng Aluling Bridge, ang Lullutan Bridge, ang TernateNasugbu Road, at ang Jalaur River Multi-purpose Project, at napakarami pang iba, ay ginagawa na o natapos na’t napakikinabangan ng ating mga komunidad. Naalala ko nga ang sinabi sa atin nang bumisita tayo sa Apayao: Sa wakas may kalsada na sila, na sa matagal na panahong akala ng mga taga-roon ay di na nila makakamit. Tanong ko po: Tama bang magbulag-bulagan, lalo pa’t ngayon meron na tayong gobyernong kumakalinga sa taumbayan? Ipapaalala ko rin, maraming mukha ang diktadurya; may iba pang personalidad na nais magbalik nito—ang ipagkait ang tamang proseso
From left to right: Piolo Pascual, John Llyod Cruz, Lav Diaz and Paul Soriano
“Hele” won the Alfred Bauer Prize, in memory of the festival head (1951 to 1976), and was cited “for opening new perspectives on cinematic art.” The lone Philippine entry competed against 18 other entries for the top Golden Bear Prize. Diaz’s film was the longest festival entry. The Berlin Festival jury president, Meryl Streep, was quoted as saying, “This film. This guy. He changed the molecule system in my body.” Hele Sa Hiwagang Hapis is a black and white film adaptation of Jose Rizal’s novel El Filibusterismo which follows the events of the 1896 Philippine Revolution. The 8-hour long film tackles the search for the body of Andres Bonifacio, the founder of the Philippine revolutionary movement against Spain. The film stars John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, Assunta De Rossi, Hazel Orencio, and Ronnie Lazaro. at ilagay sa kamay ng iisang tao ang pagsasabi kung ano ang nararapat o hindi, at kung sino ang inosente o maysala. Naaalala ko nga po ang sabi ng manunulat na si George Santayana: “Those who cannot remember the past are condemned to repeat it.” Ako po, naniniwalang hindi natin tadhanang ulitin ang madilim nating kasaysayan; ang tadhana natin ay suma lamang ng mga desisyong ginagawa natin sa ngayon. Naniniwala ako sa kadakilaan ng ating lahi. Naniniwala ako na bagama’t mahaba ang kakayahan nating magtimpi, may sukdulan din, at kung maabot iyon ay talaga naman darating ang daluyong ng pagkakaisang walang makakapigil. Ngayon po, ang hiling ko sa kabataan: Alamin ninyo ang nangyari noong EDSA. Meron tayong museo na bahagi ng ating pagdiriwang: Ang EDSA People Power Experiential Museum, kung saan sa bahagya ninyong mararanasan ang kalupitang ipinatupad noong diktadurya, sulitin sana ninyo ang pagkakataong itong makita kung gaano kahalaga ang kalayaan at demokrasyang nasa sa inyo nang mga kamay. Naniniwala nga akong batid ng kasalukuyang henerasyon na ‘yung tayog na naaabot nila, bunga ng pagtindig nila sa pagsisikap at matinding sakripisyo ng mga nauna sa kanila. Limampu’t anim na taon na po ako, at kung papalarin akong umabot ng 70, may 14 taon na lang ang itatagal ko sa mundo. Pero kayong mas bata sa akin, may ilang dekada pa. Kayo ang aani sa anumang kinabukasang ipupunla natin ngayon. Hayaan nga ninyong ibahagi ko ang sinabi mismo ng aking ina sa akin: “The problems we face are our generation’s making. It is our generation that has to correct them. Your role is to prepare yourselves better to avoid making the same mistakes.” Lumaki kayong tumatamasa ng mga kalayaang ipinagkait sa henerasyong nauna, kung kailan kapag pumalo ka ng 30 taong gulang habang pumapalag sa diktadurya, mapalad ka nang buhay ka pa. Ngayon, ang 30 taong gulang, halos kakasimula pa lang ng inyong buhay-propesyonal. May kalayaan kayong kumita at mag-ipon, magmahal at magtayo ng pamilya—may kalayaang mangarap. Kayo ang pinakamakikinabang kung mapapangalagaan ang ating kalayaan, kaya’t nawa’y maunawaan ninyo ang tangan ninyong responsibilidad. Nawa’y mag-ambagan tayong lahat, upang hindi na kailanman muling manaig ang kadiliman sa Pilipinas. Nawa’y ang kalayaang kay tagal nating minithi ay hinding-hindi na mababawing muli. Magandang araw po. Maraming salamat sa inyong lahat.
pinoy community 4
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
MARCH 2016 I FIRST ISSUE
page 4
TARA LET'S EAT: CAPPING OFF A STRESSFUL WEEK WITH A BOX OF PIZZA
Distributer: Publisher:
Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT
jaggeraziz@gmail.com
The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.
Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com
Do you consider yourself a certified Pizza lover? I do. And I have this one mission in life, that is to find the bestest 4-cheese pizza. But so far, I haven’t found any pizza parlor for my craving. Not until I have tried Pizza World’s brick oven pizza. A brick oven or stone oven is an oven consisting of a baking chamber made of fireproof brick, concrete, stone, clay or cob. In modern brick oven are closely associated with artisanal bread and pizza. It has a very high and stable temperature much higher than what home oven can get. This cooks pizza very quickly, causing the crust to bubble a lot, brown it, crisp it, and cook the toppings. Pizza World offers Charcoal fire, Brick oven Pizza that are hand-stretched with fresh and overloaded toppings. What about the menu? How did you come up with the list of the menu? There are some recipes that are completely ours. But then we did farther studies, we have a chef from Iran who design a menu for us.What we did is we combine the concept. Iran’s pizza is different with Italian pizza. It’s not just that taste but also the style. So most of our specialties look like that, super loaded, cheesy and the pizza crust bread like. We experimented, mix and match. We have variety like we don’t only have the regular. We have two types of sauce – red sauce, white sauce , we have lots of pizza that’s why pizza world. It’s a world full of pizza. WHAT IS YOUR BEST SELLERS? It’s the Persian pizza. Our special. We have a special pizza. And
the vegetarian. We have lots of choices from vegetarian. It’s the style. IS THE PERSIAN PIZZA TOO SPICY? It’s the misconception of people have. It’s not spicy. We only have one spicy and it’s called Sweet and Spicy. THE SPICES ARE MORE DISTINCT WHEN IT COMES TO PERSIAN PIZZA? Yeah HOW DO YOU DEFINE A PERSIAN FOOD? BECAUSE WE ALL THINK IT’S SUPER SPICY. There’s a difference between an Indian and Persian food. With Persian, the spices are over loaded. It has a specific spice so that it will not over power the food. Although it has spice, you can still enjoy the food. Everyone thinks that Shawarma is Persian food. Shawarma is not Persian food. Kebab is. ANY PLANS DOING DELIVERIES? Yes. So far we do deliveries along Chino Roces and Ayala we do, we have regular customers. But we inform them that it might take long because the delivery guy needs to find the area first. WHAT SETS YOU APART FROM OTHER COMMERCIALIZED PIZZA PARLOR ASIDE FROM THE PROCESS OF COOKING? The pizza itself. There’s no pizza like this. ASIDE FROM PIZZA, WHAT ELSE DO YOU HAVE IN THE MENU? Yes we have pasta, rice meals. And for our appetizers, fries and cheese sticks. We also have Buffalo wings that you can munch while waiting for your brick oven pizza. WHY SHOULD WE TRY PIZZA WORLD? Well, like how we invite others we usually ask if you’re looking for better pizza. If someone is a pizza lover and the pizzas here are the answer. When I was still a student I have lots of craving for pizza. But I was not satisfied. If they you want to try other flavors, if they want to try other concepts or checkout other pizzas so you can try us out. Plus most weekends, Saturday nights most of the Ayala events here. So if you want to come by groups, enjoy, hangout, I will invite them by Saturday. And you can tell them that our pizza is different and the texture and how we cook it, it’s from brick oven.
tara-let's 5
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
MARCH 20162014 I FIRST ISSUEissue SEPTEMBER SECOND
page 5
SILIPIN ANG MUSEUM AT BANTAYOG PARA SA EDSA PEOPLE Tatlong dekada na ang nakararaan nang maganap ang EDSA People Power Revolution. Bunsod nito ay nagkaroon ng EDSA Experiential Museum sa Camp Aguinaldo, Quezon City na kung saan matutunghayan ng publiko ang bisyon ng mga makakasaysayang kaganapan noong gitnang bahagi ng dekada 80.
ANG MUSEUM PARA SA PEOPLE POWER
Dalawang araw lang na bukas ang EDSA Museum, mula Pebrero 25 at 26, na kung saan sari-saring pakulo ang mayroon gaya ng theater play, pagpapalabas ng pelikula, programa sa entablado, at pagtatampok ng mga nangungusap na larawan. Sa drama sa entablado, ilan sa itinanghal na istorya ay kwento ng mga itinuturing na martir noong Martial Law na sina Edgar Jopson, Evelio Javier at Dulag. Bukod pa rito ay ilang bulwagan din ang mararaanan na talaga namang magpapadama
Credit: Hitokirihoshi
sa kung paano noong panahon na mabuo at hanggang matapos ang EDSA revolution. Ang ilan sa mga ito ay ang Hall of Restless Sleep, Hall of Hidden Truths, Hall of Orphans, Hall of the Lost, Hall of Pain, Hall of Forgotten Martyrs, Hall of Awakening, at iba pa. Sinasabing museum na ito ay hinahanapn na ng bagong venue kung saan ito magiging permanenteng magiging bukas sa publiko. Noong binuksan ito ay nasa tent lamang. EDSA.
SIMBOLIKONG LUGAR NG EDSA REVOLUTION
Samantala bukod sa museum, ang iba pang makasaysayan na pook noong People Power Revolution ay People Power Monument, Bantayog ng mga Bayani, at EDSA Shrine. Pareho ng iskultura ni Ed Castrillo ang Bantayog ng mga Bayani (Quezon Avenue) at People Power Movement (White Plains, Quezon City) na naitayo noong 1993. Ang simbahan naman ng EDSA Shrine ay base sa arktektura’t disenyo ni Francisco Manosa. Ang iskultor ng higanteng tanso ng Our Lady of Queen of Peace sa taas ng simbahan ay si Vincent Ty Navarro. Sinasabing ang yumaong Archbishop ng Manila na si Cardinal Sin ang nagkonsepto ng EDSA Shrine matapos na umalis ang pamilya ng dating pangulong Ferdinand Marcos. Ang imahe ng Birheng Maria ay pasasalamat sa gabay nito sa mapayapang
Chiba Ken Funabashi Shi Honcho 2-6-1 K-Mall Nibankan 3F
rebolusyon. Sa ibang banda, ang kinakatayuan nito ay ang lokasyon ng mga madre at pare na nakibaka noong rebolusyon. “As part of the generation who suffered under dictatorship, I tell you just as directly : the time we spent under Mr. Marcos was not a golden age. It remains one of the most painful chapters of our history- it was why so many of our countrymen mustered the courage to gather in EDSA and in other places outside Metro Manila, armed only with faith and their principles. We were able to unite as one people, and by the grace of God, we toppled the dictatorship without resorting to a bloody civil revolution,” isang bahagi ng talumpati ni Pres. Beningo “Noynoy” Aquino sa ika-30 anibersaryo ng People Power.
pinoy na pinoy 6 page 6
Pisces - Feb. 20 - March. 20 Maraming bagay ang naglalaro sa iyong isipan na nakakaapekto sa iyong konsentrasyon. Kung sasamahan mo pa ito ng pagiging emosyonal ay baka lalo ka pang mahirapan. Kalma at ayusin mo ang iyong sarili. Sa halip na maging masyado kang sensitibo ay pairalin mo ang pagiging praktikal at malawak mong pang-unawa. Paglaanan mo ng konsentrasyon, oras at pagpapahalaga ang isang bagay para matapos mo ito. Kung lumilipad lagi ang iyong isipan ay wala kang matatapos na gawain, bagkus ay magtatagal ang pagkamit mo ng tagumpay.
Aries - March. 21 - April. 20 Marami ang nagsasabi na dapat sa sarili nanggagaling ang desisyon para umabante at umunlad sa buhay. Puwes sa maraming pagkakataon ay napatunayan mo na ang galing mo sa pakikipagkapwa-tao at negosasyon ay hindi masama. Bagkus pa nga ay mas nakakatulong ang pagbibigay mo ng importansya sa mga payo at opinyon ng iba. Ito ay dahil alam mo kung paano salain at idagdag ang mga ideya na iyong nakukuha sa ibang tao. Mahirap ito para sa iba, pero hindi sa iyo at iyan ay dahil sa iyong mahusay na pagbalanse at malawak na isipan. Ipagpatuloy mo ang sa tingin mo ay mainam sa iyo, hindi kung kadalasang sinusunod ng marami.
Taurus - April. 21 - May. 21
Magpakatotoo ka sa iyong sarili at lalaya ka sa kulungan na ikaw din ang karpintero. Paganahin ang iyong imahinasyon, bigyan daan ang hiling ng iyong puso at tiyak na mahahap mo sa huli kong ano pa ang nararapat. Ito ang panahon na marapat lang na pahalagahan mo ang iba’t ibang elemento sa iyong buhay. Kung iilang bagay ka lang kasi titingin ay iilan din ang pagkukunan mo ng inspirasyon at kasiyahan. Huwag mong hayaan na lagi kang pangungunahan ng takot dahil kung ganun ay para mo na ring ipininid ang iyong sarili sa kawalan.
Gemini - May. 22 - June. 21 Malaki ang maitutulong ng disiplina sa sarili para masolusyunan ang iyong mga suliranin. Ang madalas kasing nangyayari ay nagiging bahagi ng desisyon ng mga tao ang mga bagay na may kinalaman sa kung ano lamang ang nagpapasaya sa kanila. Ito ay kahit na ba ang mga iyon ay hindi importante at nararapat. Kung gusto mong tuluyan na magbago ang iyong buhay o makadama ng pangmatagalang kasiyahan dumaan ka sa tamang proseso. Mangarap, magtyaga, magkaroon ng disiplina at kapag nagbunga ay saka ka magpakasaya. Ang “boring” rin naman kung puro lamang saya at pag-aaliw ang iyong gagawin.
Cancer - June. 22 - July. 22
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pangit ang resulta ng pagsasabi ng iyong kahinaan. Ito ay nakakatulong din sa ibang aspeto lalo na sa pagbabawas ng sama ng loob, pagpapakumbaba at pakikipagkaibigan. Katunayan ay nakapagbibigay ito ng lalim sa pag-uusap ng dalawang taong sinsero sa isa’t isa. Kaya, matututo kang magpahayag ng iyong saloobin pero hindi ng mga lihim na dapat kinikimkim lamang. Sa bandang dulo naman nito ay kapag hinaharap mo ang iyong kahinaan ay nahahanap mo ang paraan kung paano ka lalakas.
Leo - July. 23 - August. 22
Nagiging kumplikado ang mga usapan dahil bago ang lohika ay napapangunahan ito ng emosyon. May mga bagay na kailangan na maging sensitibo sa damdamin pero madalas na mas mainam na maging praktikal lamang. Sa ibang banda, mahusay din kung alam mong ipahayag ang iyong saloobin nang sa gayon ay alam ng iba kung saan ka nanggaling at ano ang iyong nararamdaman.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
march 2016 I FIRST ISSUE
Virgo - Aug. 23 - Sept. 23
Kahit iwasan mo at kahit manahimik ka lamang, hangga’t di mo hinaharap ang problema ay mananatili itong agam-agam. Mabuti kung ganoon lamang iyon, pero madalas ang tumatagal na suliranin ay lumalala at lumalaki. Ang isa sa mabisang solusyon dito ay taimtim na komunikasyon. Iba rin talaga ang hatid ng malalim pero may kwentang pag-uusap na mabisa sa pagpapatibay ng relasyon. Kaya simulan mo ng buksan ang iyong puso sa ibang tao.
Libra - Sep. 24 - Oct. 23 Hanggang alam mong bumalanse at tutukan lamang ang importanteng bagay, kahit hindi mo pa alam ang mangyayari ay makakayanan mo ang pagsubok. Ang laki rin kasing bagay na alam mong lumaro sa sitwasyon na dahilan para maging kampante ka kahit pa matindi ang pagsubok na iyong hinaharap. Sa ngayon ang dapat mong asikasuhin ay analisahin ang iyong sitwasyon para alam mo ang mga hakbang na iyong gagawin.
Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22 Subukan mong obserbahan muna ang sitwasyon bago mo pairalin ang iyong pagiging sobrang sensitibo. Wala naman sisita sa iyo kung wala ka namang ginagawang masama. At bakit mo rin naman uunahin ang opinyon ng iba kung hindi ka naman nakakaabala. Kaya maigi na pagtuunan mo ang sarili mong prayoridad at plano nang sa gayon ay lalo ka pang umunlad. Huwag kang magtampo at magalit ng basta-basta na lamang.
Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21
Pagbabakasyon ang una mong hinihiling kapag napapagod at nababagot ka. Subalit dahil sa abala ka sa maraming bagay, malabong maibigay sa iyo ang mahaba-habang break. Ang totoo n’yan ay hindi mo naman kailangan na pisikal na lumayo para makapag-isip nang mabuti. Puwede rin naman na maging magaan ang iyong loob basta malaman mo lang pagkakaroon ng klaro at tamang mindset.
Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20
Madali kang naapektuhan ng sari-saring obligasyon na kailangan mong trabahuin. Sa ibang banda, mas lalo kang mahihirapan kong ipipilit mo na pagsabay-sabayin ang dapat gawin para sa ngayon at hinaharap. Bagaman maigi na paghandaan ang kinabukasan, dapat na mabuhay ka sa kasalukuyan. Kalakip nito ay pagtugon sa mga pangangailangan na dapat mong tapatan para umabenta ka rin naman nang paunti-unti.
Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19 Hindi ka madaling madala sa sanga-sangang problema dahil tila nasanay mo na ang iyong sarili. Subalit, may mga pagkakataon na nahihirapan kang intindihin ang ilang bagay. Huwag mong i-pressure ang iyong sarili kung ganoon. Ang buhay ay sadyang puno surpresa na walang sinuman ang makakuha kahit iyon pang marami ng karanasan. Magtyaga ka lang at maghintay, hindi maglalaon ay unti-unti rin na lalabas ang sagot kahit hindi ka pa magtanong ng paulit-ulit.
pinoy-BiZz march 2016 I FIRST ISSUE
page 7
JAMES REID AT NADINE LUSTRE,
REEL TO REAL SWEETHEARTS
Ni Phoebe Dorothy Estelle
Mula Pahina 1 Ayon naman kay Nadine ay noong una ay nais niyang itago na muna ang kanilang relasyon. Nang inamin ito ni James sa concert ay ikinanginig umano niya raw ito dahil sa dami ng tao sa kanilang sold out concert at naka pay-per-view pa. Ibig sabihin ay halos buong mundo ay “instant” na nalaman ang nakakakilig na rebelasyon ni James. JADINE HISTORY May pagkakaiba ang JaDine sa ibang love team dahil sa pelikula nagsimulang tutukan ang kanilang tambalan. Taong 2014 nang ipalabas ang kanilang surprise hit movie na Ang Diary ng Panget na hango sa Wattpad story. Pero bago ito ay nagkasama na rin sila sa music video ng kanta ni James na Alam N’ya Ba. Pagkatapos nito ay nagkaroon sila ng isa pang movie na hango rin sa isa pang Wattpad story ang Talk Back and your Dead. Nasundan ito ng pagpirma
CHARICE PASOK SA LISTAHAN NG FORBES
Kung inaakala ng ilan na lumalamlam na ang bituin ng international singing sensation na si Charice, sa listahan ng Forbes magazine ay hindi. Kasama ang “Pyramid” singer sa “30 under 30 Asia” sa influential youth sa larangan ng palakasan at showbiz. Ilan pa nga sa kapwa n’ya nasa listahan ay sina Super Junior member Si Won at Hunger Games star Liam Hemsworth. Sa kanyang Instagram account ay ipinahayag ni Charice ang kanyang pasasalamat sa pagkilala ng Forbes. Isinama n’ya rin sa mensahe ang iba pang kasama sa listahan “Thanks so much @ forbes 30 under 30 Entertainment and Sports Leaders! Check out @rubyrose @catharsis.92 @ liamhemsworth @siwon1987 @xxxibgdrgn @yunamusic and more!” Ang mensahe ng singer na sumikat sa international sa pamamagitan ng video niya sa Youtube. Si Charice ang kaisa-isang Pinoy na nakasama sa 30 Under 30 Asia na kumilala sa mahuhusay at nangungunang kabataan hindi lamang sa entertainment circuit kundi sa pagnenegosyo at imbensyon. Matatandaan na sunod-sunod ang peformances ni Charice sa pag-imbulog niya sa international scene na kung saan nakapanayam pa s’ya nina Ellen DeGeneres at Oprah. Gayon din ay nakasama rin s'ya sa ilang malalaking concert gaya na lamang sa Canadian hitmaker David Foster at awardwinning singer Celine Dion.
nila ng kontrata sa ABS-CBN dahilan para lumabas sila sa ilang shows dito kabilang na ang kanilang mini-series na Wanspanataym: My App Boyfie at ang kanilang kaunaunahang primetime series na On The Wings of Love. Noong una ay bukas ang dalawa sa pagsasabing magkaibigan lamang sila at ayaw nilang i-level up pa ang kanilang relasyon dahil sa komplikasyon. Ayon sa kanilang mga naunang interview ay nais nilang tutukan ang kanilang karera dahil kapwa nila itinuturing na “second chance” ang kanilang showbiz career ngayon. Si James ay big winner sa 2010 teen edition ng Pinoy Big Brother, habang si Nadine ay mula sa girl group na Pop Girls at nabigyan ng ilang projects sa TV5. JAMES AND NADINE IN COMMON Bukod sa “second chance” stardom, pareho ring galing sa relasyon ang dalawa bago sila magtambal sa DnP. Si James ay kasintahan pa noon ang singer na si Ericka Villongco( mula sa Krissy and Ericka duo) at si Nadine ay mayroon ding nonshowbiz boyfriend. Kapwa nila nakahiwalayan ang kanilang mga exes para pagtuunan ang kanilang karera. Sa interview ng dalawa sa Rated K ni Korina Sanchez ay sinabi nilang kapwa sila breadwinner ng kanilang pamilya. Sa side ni James siya ang nagtataguyod sa kanyang ilang kapatid, gayon din sa
JENNYLYN, UMAMIN NA SA RELASYON KAY DENNIS
kanyang amang Australian na nagkasakit. A n g dalawang Viva stars ay pareho ring may passion sa pag-awit at pagkanta, kaya naman bukod sa kanilang acting engagements sa TV at movie ay mayroon din silang concerts. REEL TO REAL LOVE TEAM Dahil sa dami ng nagkakahiwalayang tandem kapag nagiging totohanan na ang relasyon ay hindi nga malayong maraming magkaka-partner na artista ang nagde-deny. Ang iba nga ay nakukumpirma na lang ang relasyon kapag nagkahiwalay na. Isa ito sa takot ng Jadine lalo pa nga’t sari-saring isyu ang naipupukol sa mga magkakasintahan . Pero hindi rin naman lahat ay sa hiwalayan nauuwi. Katunayan ay naikukumpara at hinihiling ng mga fans ng JaDine na sana ay magmalaDongYan ang dalawa. Dahil nauwi sa kasalan at pagpapamilya ang reel to real tandem nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Gusto lang umano nina Jennyln Mercado at Dennis Trillo na maging tahimik at payapa kaya mailap sila sa pagsasabi sa estado ng kanilang relasyon. Gayon pa man ay inamin ni Jen sa interview niya sa march issue ng Yes Magazine na exclusively dating sila ng Kapuso actor. Hindi pa man naging bukas si Jen sa ugnayan nila ni Dennis, ay makikita na rin naman sa kani-kanilang Instagram account ang kanilang bonding. Kamakailan nga ay may mga kuha ang dalawa sa kanilang travel sa Batanes. “ Lahat no’ng mga ginagawa ko, kaya niyang sakyan, kata niyang gawin, “ kwento pa ni Jen tungkol kay Dennis na kapwa rin niya mahilig sa biking. Dati na rin naging magkasintahan ang dalawa na nauwi sa hiwalayan noong march 2011. Kasunod noon ay naging karelasyon naman ni Jen si Luis Manzano at si Dennis naman ay naging nobya si Bianca King.
VIRAL CARROT MAN, SUMISIKAT
Isang ordinaryong out of school youth na tumutulong sa kanyang pamilya sa Monamon Sur in Bauko, Mountain Province si Jeyrick Sigmaton, pero dahil sa pag-share sa kanyang litrato sa Facebook ni Edwina T. Bandong (may-ari ng Eriel’s Cake and Pastries sa Nueva Ecija) ay nakilala na ito. Bukod kasi sa masipag na pagbubuhat nito ng mga carrot ay maporma ito at guapo. Katunayan ay naihahambing siya kina Vic Zhou at Jerry Yan sa kanilang mga hitsura bilang Hua Ze Lei look at Dao Ming Zi (Meteor Garden). Naging viral hit ang post ni Bandong na dahilan para umani ng interes ang marami kay Sigmaton na may edad 21-taong gulang na lalaki. Katunayan ay nakapanayam siya sa Kapuso Mo Jessica Soho dahil na rin sa kanyang kasikatan. Samantala sa isang post sa Facebook page na Positive Outlook Plus ay ipinarating ni Carrot Man ang kanyang pasasalamat sa mga taong humahanga sa kanya. “Isang munting pasasalamat. Mahiyain po talaga sya, salamat daw po sa lahat nagexpress ngadmiration sa kanya,” saad sa post.
MAINE AT DERICK MAY SOMETHING?
Iniintriga ngayon ang Kapuso stars na sina Maine Mendoza at Derick Monasterio. Di umano ay nanliligaw si Derick sa phenomenal AlDub love team member na si Maine "Yaya Dub" Mendoza. Sa pahayag ng press ay inamin ng singer-actor dancer na nakakatanggap sya ng pamba-bash. Pero klinaro n'yang walang something sa kanila tinaguriang DubSmash queen. Mariing itinanggi ni Derick na nanliligaw s'ya kay Maine. Klaro nya ay nagkataon na nakita nya ang dalaga sa Subic noong nagtitaping ito kasama ang production team ng Eat Bulaga. Dito anya nabeso n'ya si Yaya Dub. Pero iyon lang iyon at di nya alam kung saan nanggaling ang kwentong may espesyal syang pagtingin sa dalaga. Dagdag pa ng leading actor sa upcoming show na Hanggang Makita Kang Muli star ay nakilala nya si Maine sa taping ng Vampire ang Daddy ko. Isa pa rin daw umano syang AlDub fan.