The Pinoy Chronicle Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
FREE NEWSPAPER
October 2015 Second Issue
AMIR KHAN NAIINIP NA KAY MANNY 'SHORT STORIES' OF TRAVEL CRISPY CHICKEN FINGERS
SPECIAL FEATURE P2
PHOTOS AT PRISM GALLERY TARA-LET'S P5
FOOD TRIP AT HOME P4
DUTERTE: OUT SANTIAGO IN
ANN LORRAINE COLIS WINS MISS GLOBE PAGEANT 2015
A
nn Lorraine Colis was crowned as the new Miss Globe 2015 in the international pageants finals that was held in Toronto, Canada. Colis, a Pampanga native is a runaway model that studied M a n a g e m e n t Accounting at the University of Santo Tomas. Colis was crowned first a Miss B i n i b i n i n g P i l i p i n a s To u r i s m International 2015 and was later elevated as Binibining Pilipinas Globe 2015. Binibining Pilipinas posted a social media announcement noting t h a t “ t h e s p e c i a l re c o g n i t i o n illustrates worldwide acclaim and appreciation for true Filipina grace and beauty and her WIN is a proud moment for our country.” Colis won over Miss Albania (1st Runner up) and Miss Macedonia (2nd Runner up), and 50 other countries. The Miss Globe 2015 title is the first beauty title earned by the Philippines in the current pageant season.
WHAT'S INSIDE
VIC SOTTO & PAULEEN LUNA KASALANANG VIC SOTTO AND PAULEEN LUNA KASADO NA SA ENERO 2016
PINOY-BIZZ STORY P7
KATRINA KENDALL FIL-BRIT TO REPRESENT ENGLAND IN THE UPCOMING MS EARTH PINOY-GLOBAL STORY P3
FREE DELIVERY
ORDER 5,000 WORTH OF GOODS GET 1 FREE DRY DELIVERY MULA SA ASIA YAOSHO KAYA TAWAG NA ASIA YAOSHO PROMO FOR OCTOBER P4
October 2015 Second Issue Free Newspaper
Pinoy-local 2
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
OCTOBER 2015 I FIRST ISSUE
page 2
Miyembro ng koponan ng San Miguel Beer Kasali na sa listahan ng mga qualifiers sa Road to Rio
M
ukhang lumaki ang tsansang makapasok sa 2016 Rio Olympics dahil inaprubahan na ng PBA board of governors noong Miyerkules ang 17 players na sasabak sa qualifiers sa susunod na taon.
Tatlong pamilyang Pinoy pasok sa Forbes Asia richest family Nangunguna ang pamilyang Sy na nasa ika-13 pwesto na may $12.3 bilyon net worth, kung saan sila ang pinakamayaman sa Pilipinas. Ang SM Investments Corp. ang pinanggalingan ng kita ng mga Sy at ang kanilang stake sa National Grid Corp. “(Henry) Sy’s children are all involved in management and meet weekly over lunch to discuss the business; their mother sometimes joins. Grandchildren are taking active roles,” ayon sa Forbes. Nasa ika- 35 naman ang mga Zobel na may $4.2 bilyon net worth. Hawak ng mga Zobel ang Ayala Corp., mula pa noong 1834 kung saan ikapitong henerasyon na ng kanilang pamilya ang nagpapatakbo nito. “It started off as a small distillery in Manila 181 years ago, and is now one of country’s largest conglomerates and a
holding company for publicly traded Ayala Land, Bank of the Philippine Islands, Globe Telecom and Manila Water,” ayon sa Forbes. May $3.6 bilyon net worth naman ang mga Aboitiz na nasa ika-44 na pwesto. “The family, known to hold reunions for 400-plus relatives, has a constitution and formal process for those descendants interested in joining the company and/or working their way up to management,” base sa Forbes. Ang pamilyang Lee mula South Korea ang pinakamayaman sa Asya na may $26.6 bilyon net worth.
Amir Khan naiinip na kay Manny Pacquiao
Gabe Norwood
Jayson Castro
Marc Pingris
Terrence Romeo
Junmar Fajardo
Marcio Lassiter
Japeth Aguilar
LA Tenorio
Greg Slaughter
Jeff Chan
Paul Lee
Ryan Reyes
Ranidel de Ocampo
Troy Rosario
Matt Ganuelas-Rosser
Ian Sangalang
“The PBA commits to fully support the formation of the Philippine national team that will participate in the wildcard Olympic qualifying tournament on July 5-10,” pahayag ni PBA board chairman Robert Non. Bukod sa pagpapahiram ng mga manlalaro ay aayusin din ng PBA ang kanilang schedule upang bigyang daan ang paghahanda ng Gilas Pilipinas. “The PBA is adjusting the third conference which shall start after the end of the qualifying tournament on July 10, 2016,” sabi pa ni Non. “The PBA shall allow the PBA players so selected to attend practice sessions once a week, specifically every Monday for 28 weeks starting November, 2015.” Tatlong slot lamang sa qualifiers ang pag-aagawan ng mga lalahok sa wildcard round. Bigong makakuha ng diretsong biyahe ang Pilipinas patungong Olympics matapos matalo sa China sa FIBA Asia 2015.
Duterte: OUT Santiago IN
S
a kanyang book signing ng “Stupid is Forevermore” ay inanunsyo ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang kanyang pagtakbong muli sa pagka-presidente matapos niyang malagpasan ang kanyang sakit na cancer. Nakatakda nang maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ang senadora sa darating na Biyernes. “I will definitely run, I’ve already gotten over my cancer because there’s nothing left to do. I can apply for a job abroad like the one I lost because of my cancer but since I have served the government from the very beginning I will end my career there,” pahayag ng senadora. Dagdag pa ng senadora na ang kaniyang magiging running mate ay isa na sa mga naghayag ng pagtakbo bilang bise presidente. “I will not mention it yet, that is for you to guess. He has already announced, so we will be running together. I cannot give the answer.” Ilan sa mga naghayag na ng pagtakbo na walang katambalan ay sina Sen. Bongbong Marcos, Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Antonio Trillanes IV. Sinabi pa ni Santiago na tanging ang pagkakaroon lamang
Nagpahayag ng kanyang pagkadismayado ang boksingerong Briton na si Amir Khan matapos siyang umatras sa kinakasang bakbakan nila ni eight-division champion Manny Pacquiao. “I’m really disappointed in Manny and his team,” wika ni Khan sa pahayagan. “They aren’t playing ball. All that was left to do is to sign the contract. But they are stalling.” Gumulong ang negosasyon sa pagitan ng dalawang kampo matapos hindi pansinin ng kampo ni Floyd Mayweather Jr. ang hamon ni Khan. “I have pulled out of the negotiations. I am no longer fighting Manny Pacquiao. I am not going to wait around for Manny like I did for Mayweather. I need to fight and if they don’t want to fight then that’s fine, I have other targets,” dagdag niya. Magkaibigan si Pacquiao at Khan, kung saan
naging sparring mate pa ng Pinoy boxer ang Briton. Ngunit a Twitter account naman ni Khan ay mukhang hindi naman niya isinasara ang kaniyang pintuan. Sinabi ni Pacquiao na nasa 80-90 percent nang gumagaling ang kaniyang kanang balikat na nainjure sa bakbakan nila ni Mayweather. Magbabalik kondisyon ang Filipino boxing icon sa Nobyembre o Disyembre.
Nakatakda ng kasuhan ng Office of the Ombudsman ang mag-amang sina Bise Presidente Jejomar Binay, suspended Makati Mayor Ewrin “Junjun” Binay at 22 iba pa kaugnay ng maanomalyang Makati City Hall II parking building. Ayon sa Ombudsman na nahaharap sa kasong kriminal ang mga Binay at 22 iba pa dahil sa malversation and falsification of public documents in violation of Section 3 of Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act. “Binay is being investigated for criminal acts committed while he was a city mayor and not as vice president,” paglilinaw ng Ombudsman. N a g s i m u l a a n g b i d d i n g p a ra s a P 2 . 2 8 bilyon carpark building noong alkalde pa ang nakatatandang Binay hanggang sa ginawa na ito at ang nakababatang Binay na ang nakaupo sa pwesto. Kapwa nahaharap sa four counts ng graft, six
counts ng falsification of public documents at malversation charge ang dalawang Binay. Samantala iniutos naman ng Ombudsman na i-dismiss na si Junjun Binay bilang alkalde ng Makati City.
Mag-amang Binay nakatakdang kasuhan ng Ombudsman
muli ng cancer ang pipigil sa kaniya. Taong 1992 nang tumakbo bilang pangulo si Santiago ngunit natalo kay dating Pangulo Fidel V. Ramos. Samantala, nagpakalbo naman ang anak ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte upang ipakita ang suporta sa pagtakbong pangulo ng ama sa 2016. Sa kanyang Instagram account ay ipinakita ni Sara ang kanyang kinalbong ulo na may hasthtag na #Duterte2016, #kalboparasapagbabago, #Nohairwecare at #justDUit. “Nagpa upaw nalang ko samtang naghulat... bisan walay kwarta, bisan way makinarya, bisan mapildi (I shaved my head while waiting... while we have no money, no machinery and risk losing),” wika ng nakababatang Duterte. Nitong kamakalawa ay humingi ng paumanhin ang alkalde ng Davao para sa mga taong umasang tatakbo siyang pangulo. Sinabi pa niya na hindi siya kailangan ng bansa at hindi rin naman niyo pinangarap na pamunuan ang buong Pilipinas. Bukod kay Sara, umaasa rin si Sen. Alan Peter Cayetano na magbabago ang isip ng Davao City mayor. Hindi naman matiyak kung ang post ni Sara ay nagsasabing tatakbo ngang pangulo ang ama. Hanggang sa Biyernes, Oktubre 16, 2015 pa maaaring maghain ng cerficate of candidacy sa tanggapan ng Comelec sa Intramuros.
pinoy-global 3
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
OCTOBER 2015 I SECOND ISSUE
Ms Earth England will be represented by a Fil-Brit Katrina Kendall
page 3
Philippines still undefeated champs in ASEAN Science Odyssey 2015 At the 4th ASEAN Plus Three Junior Science Odyssey (APTJSO) the Philippine team remains undefeated. The Philippine Team for 4th straight year won the overall award since the competition started in 2012. Philippine Science High School students from the Eastern Visayas and CARAGA Region campuses bested teams from 13 other countries. At the competition the students demonstrated laboratory experiments in Biology, Chemistry, Physics and Innovation. The team earned a gold medal and an Honorable Mention in Physics, a silver in Biology, a Bronze and an Honorable Mention in Chemistry, a Bronze and Honorable Mention in Innovation, another gold and silver in the Project Presentation Category, and an Honorable Mention in Poster Presentation. Philippine will host the 5th APTJSO in 2016. The ASEAN Center for the Gifted in Science (ACGS), based in the Republic of Korea, is the overall organizer of competition, in cooperation with the ASEAN-member countries, China and Japan.
3 Philippine Restaurants in '101 best in Philippines ranks top 47 at World Economic Asia' top list for 2015 Forum' Global Competitiveness Index
Katrina Kendall, a Fil-British beauty queen will represent England in the upcoming prestigious international beauty pageant, Miss Earth. Katrina was crowned Miss Earth last August at Birmingham, England. The 25-year old beauty from the South West London also received the award for the best online profile and landed at the top 5 in the eco interview round. According to Katrina, “It’s a dream to hold the national title of Miss Earth because it’s unique in terms of beauty pageants as it has a positive message of promoting environmental awareness across the world, a cause close to my heart.” Katrina graduated from Univesity of Edinburgh with First Class Honour Master in Chemistry, specializing in environmental and sustainable chemistry. She also received a First Class grade for her research in Switzerland in creating a chemical for hydrogen storage for a renewable energy source. Her research together with the research team was featured in L'Illustre Magazine, a French Language magazine published in Switzerland, with the article entitled "The Future Starts Here." Katrina is currently working as a school ambassador for the charity STEMNET or Science, Technology, Engineering and Mathematics Network, Kendall encourages youth to study science, technology, engineering and mathematics. According to Katrina, “It is our duty to our planet and children to educate ourselves about our origin, environment and the role we play. This will help to open our eyes to the damage ignorance causes and drive us to change for a sustainable future.”
The US based food website "The Daily Meal" ranked these three restaurants from the Philippines as Asia's best offering. Malate's Purple Yam, Lilaw Laguna Makati's Rural Kitchen and Pampanga's Bale Dutung were named Asia's Best Offerings. Malate’s Purple Yam snagged the top rank for the Philippines at the 60th spot. The restaurant is the local branch of the original in New York which brought international attention to Filipino dishes. Purple Yam is owned by husband and wife team, Romy Dorotan and Amy Besa. Rural Kitchen of Liliw Laguna in Makati was ranked at No. 64 for serving dishes with ingredients sourced from Liliw, Laguna, the hometown of the grandmother of young chef and owner Justin Sarabia. Bale Dutung ranked No. 98 and was noted by the website as “consistently positioned on top restaurant lists and praised by the likes of Anthony Bourdain.” The restaurant is owned by Chef Claude Tayag. The Daily Meal ranked Asia restaurants in 29 cities in 13 countries. Fifty experts judged the spots according to cuisine, service, value for money, décor, experience and essentials.
According to the World Economic Forum (WEF) Global Competitiveness Index (GCI), the Philippines improved by 5 notches for its booming business climate and strong economy. The country was in the 52nd spot last year, but now was ranked 47th among the 140 countries. The global survey places the country in the top third of the index. The report noted the improvement of the Philippines ranking since 2007, MOVING IT UP 17 places. Responding to the report Presidential Spokesperson Edwin Lacierda said, “Our current rank of 47 – compared to last year’s 52 – further cements our reputation as a bright spot in Asia, an attractive destination for foreign investment, and a better place to do business for Filipinos.” The Makati Business Club noted the efforts of Philippine agencies that earned the improved ranking but called on government to provide solutions to issues that affect the country’s competitiveness. “We also recognize that inefficient government bureaucracy, inadequate supply of infrastructure, and corruption are the most problematic factors to doing business in the Philippines,” the group said. The WEF started the GCI in 2004 to define competitiveness by factors, policies, and institutions that determine the productivity level of a country.
TARA LET'S EAT: BRINGING OUT THE CONNOISSUER IN YOU
Y
ou may not be the expert when it comes to taste, but you can be one, once you have tasted Cow Bell’s tender, succulent, and meltsin-your mouth best selling steaks. Deryl Fu, owner of Cow Bell is a connoisseur by profession. Growing to a family who loves to eat, she took up Hotel Management and then Culinary Arts to fulfill her dream of becoming a restaurateur. She worked as a kitchen chef, and her favorite recipe dish is Paella. Paella is a Valencian rice dish with ancient roots that originated in its modern form in the mid-19th century near the Albufera lagoon, a coastal lagoon in Valencia, on the east coast of Spain. When she got married, that’s when she decided to pursue her dream. They started with a fish and chips kiosk, but noticed that not everyone are into it. That’s when they decided to put up a place where everyone can dine and devour delicious steaks at a very reasonable price...the Cow Bell Steak and Cafe.
Cow Bell uses U.S. Black Angus Beef which guarantees good
quality meat, that does not need added artificial flavorings, just salt and pepper. Tbone Steak
Aside from the good quality ingredients that they use, Cow Bell Steak Cafe offers reasonable price that will not sacrifice the taste of their food. Truffled Mushroom Cream Linguine
Chili Con Carne Fries Cow Bell Steak Cafe wants to change the norms of “you get what you paid for”. That is why they want to let people know that their steaks are in quality but not too pricey. If you’re looking for succulent steaks and delectable food, and clean-and-simple restaurant to dine, visit Cow Bell at 1C Eurocrest Building, 126 Jupiter Street, Bel-Air, Makati City.
pinoy community 4
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
OCTOBER 2015 I SECOND ISSUE
page 4
Distributer: Publisher:
Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle
Crispy Chicken h wit Fingers eese Onion Ch Dip
PROCEDURES: •COMBINE. Combine chicken, calamansi juice, sugar and thyme. Set aside for an hour. •BREAD. Dredge chicken fingers on CRISPY FRY Breading Mix, dip in beaten egg and roll in Japanese breadcrumbs. •FRY. Deep fry chicken fingers until golden brown. Drain in kitchen paper towels and set aside.
FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT
jaggeraziz@gmail.com
The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.
Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com
INGREDIENTS: 1/2 kilo chicken breast fillet, cut into finger sizes 1/2 tablespoon calamansi juice 1/2 tablespoon sugar 1/2 teaspoon thyme 1 pack 65 grams CRISPY FRY Breading Mix 1 egg, beaten 1/2 cup Japanese breadcrumbs Cooking oil for deep frying Dip: 2 tablespoons butter 2 tablespoons flour 1/2 cup evaporated milk 1/4 cup pureed onion (2 tablespoons sliced onion and 1/4 cup water pureed in blender) 1/4 cup grated cheese 1/4 teaspoon paprika Salt and pepper to taste ¼ teaspoon AJI-NO-MOTO Umami Seasoning
Deep-fried strips of breaded chicken meat served with onion cheese dip. Most of Chicken's fats are in its skin, thus removing chicken skin will give you a low fat and low cholesterol protein rich food. To enjoy a tender and juicy chicken, make sure you do not overcooked it. You must cook chicken breasts to an internal temperature of 165 degrees F. Just remember that there's no such thing as rare, medium and well done when it comes to chicken.
Dip: •MIX. Prepare dip, melt butter in a saucepan. Add flour and mix thoroughly by using a wire whisk. Add milk and continue mixing. •SEASON. Add pureed onion mixture, grated cheese, paprika, salt, pepper and AJI-NO-MOTO Umami Seasoning •SIMMER. Simmer in low heat until sauce thickens. Serve as dipping sauce for chicken fingers. Makes 6 servings
tara-let's 5
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
OCTOBER 2015 I SECOND SEPTEMBER 2014 SECONDISSUE issue
page 5
'SHORT STORIES' OF TRAVEL PHOTOS AT PRISM GALLERY
M
araming magagandang art ex h i b i t n a n a i p a k i t a a t makikita, pero iilan lang ang n a i i b a a t n a g - i iwa n n g marka. Sa Lungsod ng Makati ay may ilang art gallery ang mabibisita ng mga mahihilig sa visual arts, isa na rito ang Prism Gallery na kung saan mula Oktobre 10 hanggang 24 ay itinatampok ang “Short Stories: An Exhibition of Photographs and Fiction in a Hurry” ng journalist-photographer na si Giselle Kasilag.
Kung mahilig ka sa mga maikling kwento o sanaysay at maging mga kuhang larawan p a r t i k u l a r n a y u n g m ay k i n a l a m a n s a architecture ay magugustuhan mo ang mga obra ni Kasilag. Halos lahat ng kanyang inexhibit ay may katumbas na kwento kada frame. Medyo kakaiba ito dahil kadalasan ay marami ang nagpupunta sa art gallery para sa photos or painting, pero dahil sa kombinasyon ng teksto at larawan ay nakapagbibigay nga ito ng karakter sa pagkasining nito. Si Giselle ay
TEKSO AT KUHA NI PHOEBE DOROTHY ESTELLE
nagsimulang manunulat o mamamahayag sa dyaryo. Siya ay dating senior reporter sa Business World para sa art and leisure section nito. Kamakailan n’ya lamang nabalikan muli ang kanyang hilig sa photography at marahil ay kaugnay na rin ito sa kanyang paglalakbay sa iba’t ibang panig ng bansa at mundo.
Ang “Short Stories” ay ang ikalawang art exhibit na ni Kasilag. Ang una niya ay ang “Wanderlust: Windows to Asia” na kung saan 40 photographs niya ang itinampok Nobyembre 2014 sa Water Dragon Gallery ng Yuchengco Museum. Sa kanyang ikalawang exhibit ay tatlong passions ang kanyang pinagsama-sama – pagsulat, pagkuha ng litrato, at paglalakbay. Kaya matutunghayan sa exhibit ay puro travel photos n’ya sa iba’t ibang bansa gaya sa Zurich (Switzerland), Barcelona (Singapore), Singapore, at Kyoto (Japan). “There are stories everywhere. We don’t need to go far to find them. Sitting in a coffee
shop or looking out the window while riding a bus, we overhear or witness events that spark our imagination. What I’ve done is to take this spark and run with it – creating a running commentary in my mind like a personal teleserye that I capture with images and words,” ani Kasilag. Samantala, maging sa ibang bansa ay nakaranas na rin ng naiibang pagkilala ang writer-photographer. Noong 2013 ay pasok ang kanyang arts sa digital photography event called ‘The Story of Creative’ sa New York. Noong July 2014 ay naitampok naman sa electronic billboards sa isang buong gusali sa Times Square, New York din ang isa pa n’yang art work. Sa Exposure Award 2015 naman nito lamang July, ang kanyang ‘Spiral Orange’ art work ang itinampok sa Louvre Museum.
Sa kanyang exhibit ngayon, ilan sa mga gustong-gusto ng mga bumisita ay ang “DressUp” na kuha ni Giselle sa Kyoto, at Wordsmith na kuha niya sa Spain na patok sa mga mahihilig din sa pagsulat. Dahil na nga rin dito ay hindi lamang paghanga sa sining kundi maging saya rin ng paglalakbay ang hatid ng mga kuha ni Giselle.
Chiba Ken Funabashi Shi Honcho 2-6-1 K-Mall Nibankan 3F
Ang Prism Gallery na nagsilsilbi ring store para sa arts and crafts at venue for training ay matatagpuan Island Tower Condominium, Salcedo St corner Benavides St, San Lorenzo, Makati. Nasa bandang likuran ito ng Asian Institute of Marketing at Greenbelt.
pinoy na pinoy 6 page 6
Libra - Sep. 24 - Oct. 23
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
OCTOBER 2015 I SECOND ISSUE
Aries - March. 21 - April. 20
May mga pagkakataon at oportunidad na nand’yan pero sa bandang huli ay nasa iyong mga kamay pa rin kung paano magsisimula ang pagbabago. Kung gusto mo na sa susunod na linggo ay mangyaring maganda ay dapat ngayon pa lang ay pinagtatrabahuan mo na ito. Sa halos lahat ng pagkakataon ang mga pangarap ay pinaghihirapan at hindi hinihintay. At inadya naman na mabigyan ka ng ilang oportunidad, ang kailangan mo na lang ay huwag sayangin ang pagkakataon na ipinagkaloob sa iyo. Parating naman na ang inaasam mo panghawakan mo lamang ang pagasa na mayroon ka.
Sinasabi ng iyong bituin na ito na ang oras para maging matapang kang makipagsapalaran pagdating sa mga bagay gaya ng pamumuhunan o pag-ibig. Kapag ginagawa mo ito ay maraming positibong bunga kumpara sa posibleng pinsala. Ang totoo n’yan walang maganda sa pagiging duwag at matatakutin, maliban sa pananatili sa iyong estado. Intindihin mo na lang na sa pakikipagsapalaran ay kasama na rito ang mga hadlang na kailangan mong lagpasan. Kapag nagawa mo ito ay tuloy-tuloy na iyan.
Sa iba’t ibang aspeto ng pagkatao ang madalas na nahuhuli o hindi masyado napapansin ay ang espiritwalidad. Pero sa mga nagdaang araw at darating pa, ito ang magsisilbi mong lakas para magpursige sa buhay. Kung tutuusin ito rin naman ang dapat na nauuna dahil mas mahusay ang lagay ng iyong mentalidad, emosyonal at maging sosyal kung payapa ang iyong sarili o espiritu. Para bagang kahit anong ibato sa iyong problema ay matatag ka pa rin at positibo mong natutugunan ang mga hamon. Ipagpatuloy mo ang pagkapit sa iyong pananampalataya.
Puwede kang pumayat, yumaman at magliwaliw ang kailangan mo lang gawin ay simulan na ang iyong unang hakbang. May mga araw na parang maraming kontrabida sa iyong buhay na ang misyon ata ay huwag kang gumawa ng kahit ano. Huwag mo silang pansinin, bagkus ang kailangan mong tapatan ay ang sarili mong takot, pag-aalinlangan at katamaran. Hayaan mong gabayan ka ng iyong ambisyon o pagnanais na makamit ang tagumpay at tiyak na walang kontrabida na makakaubra sa iyo.
Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22
Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21
Ang punto para umakyat ka sa mas mataas na baitang ay dapat handa ka ring itaas pa ang iyong kakayahan at sunggaban ang tyansang naipagkakaloob sa iyo. Magiging mabilis ang iyong pag-abante kung sisimulang mong maging “open-minded” sa mga ideya at “sociable”. Sa ngayon hindi makakatulong ang pag-iisa para may maganap na pagbabago o maganda sa iyong buhay. Kailangan mong sumabay sa agos pero dapat alam mo pa rin kung saan ka dapat mapadpad at sino ang makakasama mo sa paglangoy.
Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20
Magbubunga rin ang iyong pagkatakam sa karunungan. Katunayan ay malaki ang bentahe mo rito dahil hindi lamang nadaragdagan ang iyong kaalaman kundi lumalawak din ang oportunidad na mapapasaiyo. Sa mga susunod na araw ay maaaring unti-unti nang nagkaroon ng linaw pa ito dahil sa magagandang alok sa iyo gaya halimbawa ng promosyon o mas mainam na trabaho. Ang isa pang masaya sa pagiging masigasig sa pag-aaral ay ang makarating sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang interesanteng tao at ideya.
Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19 Mas mainam pa rin talaga ang marami kaysa nag-iisa lamang. Ang konseptong ito ay akma rin sa lagay ng iyong pananalapi ngayon lalo pa nga’t ganado ka na kumita pa. Dahil kasama sa iyong misyon ang mapalaki at mapabilis ang pagkita ng pera, mabuting humanap ka ng makakatuwang sa negosyo o trabaho. Ito rin naman ang ginagawa sa ilang matagumpay na kabuhayan gaya ng direct selling o marketing na kailangan ng maraming tao para makilala pa ang isang produkto. Makikilala mo ang karapat-dapat na tao na makatutulong sa iyo sa mga susunod na araw.
Pisces - Feb. 20 - March. 20 Mahalaga ang relasyon mo sa iba kaya huwag mo itong pabayaan. Kung may panahon ka na makipag-bonding sa kasama ang iyong mga kaibigan at lalo na ang iyong pamilya ay ipursige mo. Sa mga panahon na ito na maraming puwedeng pagsimulan ng stress, ang kailangan mo ay matatag na suporta. At kapag mayroon kang ganito ay para bagang mas lalo ka pang gaganahan at malakas sa pagharap sa mga hamon ng buhay . Iba rin talaga ang marunong kumilala sa kahalagahan ng mga tao sa iyong buhay.
Taurus - April. 21 - May. 21
Gemini - May. 22 - June. 21 Hindi masama ang mapabilang sa isang malalalim na usapan dahil dito talaga makukuha ang kailangan mong malaman. Ang mahirap ay basta-basta ka pumasok sa isang kasunduan na hindi ka pa naman pala handa. Ganito rin ang kailangan mong tandaan sa larangan ng pag-ibig, hindi masama ang makipag-date pero ang makipag-commit ay iyon ang mahirap. Huwag kang padala sa pilit at ideya na kailangan pumasok ka na agad sa isang relasyon. Ang totoong pag-ibig ay parang kuryente, kusang dadaloy ’yan kung may maayos na koneksyon.
Cancer - June. 22 - July. 22
Magiging matagumpay ka kung ngayon pa lang ay alam mo na kung saan ka mahina at malakas. Bagaman na mainam na mapabuti mo ang iyong sarili sa mga bagay na hirap kang gawin, huwag mong pagtuunan ito ng masyado ng panahon lalo na ngayon. Dahil kasi rito ay nawawalan ka ng maraming oras na puwede mo sanang ilaan para sa mga bagay na kayangkaya at ikinakasiya mong gawin. Minsan pa nga kahit walang pag-aaral at masyadong plano ay nakakagawa ka ng kagilagilalas na resulta. Maniwala ka sa iyong sarili at hindi maglalaon ay kikinang ang iyong bituin.
Leo - July. 23 - August. 22
Kung kaya mong mas maging tiyak at matukoy ang iyong ibig ay magiging klaro rin ang resulta na iyong makakamit. Isang halimbawa nito ay ang pagiging detalyado sa isang proyekto gaya kung paano ito gagawin, sino ang kasama at kailan dapat matapos. Kapag nagawa mo ito ngayon at bukas ay tiyak na hindi magtatagal ay hindi lamang dalawa o higit pang plano ang iyong maisasakatuparan. Tandaan na sa mga karanasan mo noon ay nagagawa mong pagtagumpayan isang bagay na pinagpapaguran mo.
Virgo - Aug. 23 - Sept. 23
Simulan mo ng iwasan ang pagiging gastador kung gusto mong may maganap na kakaiba sa iyong ambisyon na makapag-ipon ng pera. Pagdating sa bagay na ito ang pinakalaban mo ay ang iyong sarili at hindi kung ano pa mang naiisip mong dahilan. Kung ngayon ay naliliitan ka sa iyong sahod ng iyong trababaho, puwede kang maghanap ng ibang kompanya o kaya naman ay magkaroon ng ekstrang mapagkakitaan. Para hindi ka naman malula sa iyong pagtitipid, magtakda ka ng realistikong mga hakbang at maging matapat kang sundin ang mga ito.
pinoy-BiZz OCTOBER 2015 I SECOND ISSUE
y estelle ni phoebe doroth EXPRESS: MGA ARTISTANG OPEN SA KANILANG POLITICAL VIEWS
Magkaibang mundo ang pulitika at showbiz pero madalas ay hindi napaghihiwalay. Dahil nga sa inaasahan na magiging sensitibo ang labanan sa national election sa susunod na taon ay hindi maiiwasan na maging ang ilang mga artista ay naiintriga gaya na lamang nina Angel Locsin, mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga, Heart Evangelista, at Lovi Poe. Toni Gonzaga - Magkahalo ang komento ng mga tao nang makitang kasama sina Toni at Paul sa pag-file ng candidacy ni Sen. Bongbong Marcos sa kanyang pagtakbo bilang Vice President. Bagaman mayroon ding ibang showbiz personalities sa nasabing event sa Intramuros Manila ay tila nag-zoom in sa couple ang atensyon ng mga tao. Pero hindi naman kataka-taka ito lalo na’t ninong sa kasal ng bagong mag-asawa ang unico hijo nina the late Pres. Ferdinand and Imelda Marcos. Angel Locsin - Mas lalo ring hindi katakataka na suportahan ni Angel si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na tatakbo naman sa pagka-senador. Maliban sa naniniwala ang aktres sa kakayahan nito ay pamangkin niya ito. Ang tunay na pangalan ni Angel ay Angelica Locsin Colmenares. “Naniniwala kasi talaga ako sa kaniya. Isa siyang napakabuting tao na alam kong 100 percent yung sincerity niya sa pagtulong hindi lang dahil meron siyang personal na gustong magawa sa sarili niya, kundi dahil gusto niya lang talagang mapaganda ang Pilipinas,” saad ni Angel sa interview sa kanya ng ANC News nang mag-file certificate of candidacy (COC) si Rep. Colmenares sa office ng Commission on
page 7
Election sa Intramuros. Heart Evangelista – Natural din para kay Heart kung palagi man siyang makikita sa mga campaigns at ibang political events ng asawa niyang si Sen. Chiz Escuder. Subalit ayon sa senador ay hindi niya pini-pressure ang Kapuso actress na maging present sa kanyang mga events dahil sa may sarili itong trabaho na inaasikaso. “Pero mas maganda pa rin na may sarili siyang propesyon, may sarili siyang trabaho,” saad pa ni Sen. Chiz. “Kasi, alam mo yun, kung pag-uwi ko, yung kaaway ko kaaway rin niya, kung pareho kami ng mundong ginagalawan namin…” Lovi Poe – All out din ang support Lovi sa kanyang kapatid sa ama na si Sen. Grace Poe na tatakbo sa pagkapangulo. Ang nakakatuwa pa nito ay matalik niya ring kaibigan ang asawa ng ka-tandem ng kanyang ate na si Heart. “She’s a very strong woman. She’s made of Poe material, so I believe she’s a strong woman,” sabi ni Lovi sa press patungkol sa kanyang kapatid. Sa kasikatan ng mga artistang ito, puwedeng makadagdag sila sa hatak ng popularidad ng kanilang mga manok. Malalaman na lang natin next year kung kaninong bet ang nanalo at kung base pa rin sa popularity ang pagboto ng mga Pilipino. IMPRESS: HENERAL LUNA SURPASSES INDIE, BIOPIC HURDLES
Hanggang ngayon ay lutang pa rin ang pagka phenomenal ng Heneral Luna na kinatatampukan ng film and stage actor na si John Arcilla. Bukod sa ito na ang entry ng Pilipinas para sa best foreign language film category sa 2016 Academy Awards o Oscar Awards ay tuloy-tuloy ang magandang performance nito sa takilya. Kamakailan ay nalagpasan na nito ang breakeven target nito, as of press time ay balitang lagpas Php 240 million na. Malaking bagay ito para sa isang independent film na inalabas ng baguhang Artikulo Uno Productions dahil noong una ay sa bilang na movie houses lang ito mapapanood.
Kasalang Luna-Sotto kasado na sa Enero 2016 Sa bibig na mismo ni Pauleen Luna nanggaling ang impormasyon na sa Enero 2016 ang kasal nila ng kanyang nobyong si Vic Sotto. Ayaw pa n'yang sabihin kung kailan eksakto at sinusino ang makakasama sa entourage pero aniya ay puspusan na ang kanilang paghahanda. Samantala ang gumawa ng gown ni Pauleen ay si Francis Libiran. “Mas gusto namin na halos matapos na lahat na kailangan by October, para NovemberD e c e m b e r a n d t h e n o nwa rd s , h i n d i n a masyadong ma-pressure.” Magkasama sa noontime show na Eat Bulaga, matagal ng iniintriga ang pag-iibigan ng dalawa lalo pa nga’t sa agwat ng kanilang edad. Si Pauleen ay 26 years old lamang, habang si Vic naman ay 61 years old na. Subalit lagpas apat na taon na ang relasyon ng dalawa at tila wala naman ng pagtutol ang mga anak ni Vic lalo na sina Danica at Oyo. Ang dalawa ay mga anak ni Vic sa una nitong asawa na si Dina Bonnevie at parehong mas matanda kay Pauleen. “’Pag kaming dalawa lang, yes [sweet siya].
Kasi I would always say na parang may different levels [siya]—yung TV which is very funny, and then ‘yung ‘pag hindi ka pa masyadong close sa kanya [where] he’s very quiet, very shy na napagkakamalang suplado, and then dun sa level [na] ‘yung kumportable na siya. ‘Yung bagsak na ‘yung walls,” rebelasyon pa ni Pauleen sa kanyang mapapangasawa.
Katunayan ay mahina ang unang linggo nito na nasa Php15 milyon lamang pero dahil sa magandang reviews ay umalagwa na ito mula noong nag-second week ito. Ang dagdag na good news ay ibinalik na ito sa SM Cinemas . “#HeneralLuna will be back in all SM cinemas starting tomorrow. :) We’ve reached the 240M mark last night thanks to all of you, “mensahe ni dir. Jerrold Tarrog sa kanyang Twitter. Bukod sa local movie houses ay nakatakda ring maipalabas sa iba’t ibang sinehan sa Estados Unidos ang movie na kinatatampukan din nina Joem Bascon , Archie Alemania, Mon Confiado, Nonie Buencamino, Ketchup Eusebio, Mylene Dizon , Lorenz Martinez, Benjamin Alves, Paulo Avelino, at Epi Quizon. Sa Oktubre 30 ay mapapanood na ito sa AMC Empire sa New York, at Loews Jersey Gardens sa Elizabeth, New Jersey. Samantala ay sa Nobyembre 6 ay magbubukas ito sa Gaithersburg (Maryland); Ontario, West Covina, Union City, Vallejo, Salinas, Oceanside, Elk Grove, Milpitas, San Bruno, Temecula, Richmond, Orange, Oxnard, Carson, San Diego, Chula Vista and San Diego (California); Las Vegas and Reno (Nevada); Anchorage (Alaska); Houston, Grapevine and Plano (Texas); Tukwila (Washington); Virginia Beach, Alexandria and Norfolk (Virginia); Jacksonville and Tampa (Florida); Rockford and Woodridge (Illinois); Inver Grove Heights (Minnesota); Columbus (Ohio); Southfield (Michigan); and Wauwatosa (Wisconsin). Game-change or phenomenal o breakthrough -ano pa mang pagsasalarawan sa tagumpay ng Heneral Luna ngayon sa takilya, ang isang bagay magandang tingnan dito ay basta mahusay at makabuluhan ang pagkakagawa ng isang pelikula ay kakagatin ito ng tao. Ito ay kahit independent film pa ito, hindi sikat na genre at popular ang bida. Mabuhay sa Heneral Luna sana ay mapanood din ito dito sa Japan.
IMPRESS: TAMBALANG JADINE, HUMAHATAW Extended hanggang next year ang On the Wings of Love (OTWOL) na pinagbibidahan ng manit na tambalan nina James Reid at Nadine Lustre o mas kilala sa tawag na Jadine. Ito na ay ibinase na rin siguro ng Dreamscape o management ng ABS-CBN dahil sa taas ng ratings ng programa. Dagdag pa rito ang halos gabi-gabi nitong pagti-trend nito sa Twitter na kung minsan ay umaabot pa Worldwide. Masasabing breakthrough ang love team nina James at Nadine na nagsimulang ipares sa music video ni James na Alam N’ya Ba at sumikat ng todo sa movie Diary ng Panget. Halos kaka-isang taon pa lang ng kanilang tandem pero tuloy-tuloy na nga ang proyekto ng dalawa. Bukod sa mga sumunod nilang movies gaya ng Talk Back and Your Dead, Para sa Hopeless Romantic ay bumida na rin sila sa mga shows gaya ng Maalala Mo Kaya (MMK) at Wattpad series: My App Boyfie bago pa sumalang sa OTWOL kanilang kaunaunahang drama series. Sa ginanap na media day para sa OTWOL ay ibinahagi nina James at Nadine ang kanilang pasasalamat sa sumasubaybay sa kanilang programa. Bukod din kasi sa kanilang fans at avid viewers ng series sa bansa ay pinapanood din ito sa ibang bansa lalo pa nga’t ang kwento nito ay umikot din kwentong Overseas Filipino Workers (OFWs). “Base sa research ang mga OFW issues na tampok sa serye dahil gusto naming maging realistic ang pagtalakay namin dito. Humingi ng tulong ang Dreamscape sa research team ng ABS-CBN sa North America at nalaman namin na ang OFW issue pala ay iba-iba kada state sa US,” saad ni Arnel Nacario, ang executive producer ng OTWOL. Samantala, bagaman kinakikiligan ang dalawa at palagi magkasama ay sinabi ng dalawa na magkaibigan lang talaga sila. Pahayag pa ni James ay “choice” nila iyon para hindi masira ang kanilang good working relationship. “Tingnan po natin. Pero sa ngayon po kasi, talagang naka-focus po kami sa work. At talagang nagwu-work siya ngayon, ayaw po naming maging complicated. Kasi, what if magkaroon po kami ng away or something, siyempre mahirapan po magtrabaho pagka meron pong ganun,” sagot pa ni Nadine. Maliban sa OTWOL ay abala rin ang dalawa sa kani-kanilang out of town shows courtesy ng kanilang Viva Entertainment ( talent management nila pareho) at sa kanilang movie with Vice Ganda at Coco Martin, ang Beauty and the Bestie. Ang nasabing film ay pambato ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre.
Chavit at Pacman, interesadong maging shareholder ng GMA Lumabas ang balita kamakailan na may balak umano ang magkaibigan na sina dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson at Saranggani Rep. Manny Pacquioa na bumili ng shares ng GMA 7. Pero sa panayam niya sa press ay nilinaw nito na nangungutang pa lang sila para rito at ang talagang malinaw na ay programa nitong Happy Life. “A l a m m o , m a ra m i ka m i n g ka s o syo na gustong mag-invest! Hindi puwedeng pangalanan. Ang pagbili ng industriya ng telebisyon, hindi puwedeng bumili ang foreigners. Nasa batas ‘yan, “paliwanag ni Singson via Pilipino Star Ngayon. “Ang problema namin, paano bilhin. So kailangan, umutang kami ng pambili namin sa mga foreigners. Puwede ‘yon. Hindi sila puwedeng bumoto sa board. So ‘yun ang ginagawa namin ngayon.” Sa kaugnay na balita, sinabi rin nito na palagi na niyang isinasama si Manny sa kanyang mga negosyo dahil tinturuan na niya ang Pambansang Kamao sa larangan na ito. Samantala, ang kanyang show sa GMA ay isang
public service show na magtatampok sa iba’t ibang lugar na kung saan maaaring silang makapag-abot ng tulong. Nakakapagbangko na raw sila ng ilang episodes para rito at nakatakdang ipalabas sa susunod na buwan.