Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
FIRST ISSUE March 2016
Pinoy na Pinoy your weekly horoscope
Food Trip at Home
Tara Let's
Pinoy Showbiz
Pinoy Global
Pinoy Local
3 PLACES TO VISIT NGAYON TAG-INIT SA 'PINAS
See page 5
PHOTO CREDIT: www.balersurfingschedules.files.wordpress.com
Henry Motte-Munoz & Raphael Mijeno listed in Forbes Asia's young leading social entrepenuers
ASIA'S NEXT MUST-SEE DESTINATIONS PHL Philippines, Asia's new must-see destination according to the United Kingdom's Mail Online which recently posted an article complete with thriller Manila and 7,000 prefectly-preserve paradise islands. Peter Llyod who posted the article online listed the reasons why Philippines should be on the traveler's list, posting anecodotes and pictures from his travel in the country. The United Kingdom publication highlighted the South East Asian archipelagos 7,000 isles with very stunning remote islands. Peter also encouraged visitors to enjoy the capital city of Manila for all its hustle and bustle, even accepting the notorious epic traffic saying, the adrenaline-inducing roads were suprisingly entertaining thanks to inventive ways local out-smart their tail-backs with jeepneys - Manila's death-defying buses. Another scene was captioned, "Traffic: Famed for its epic gridlock and andrenaline-inducing transport system is an unlikely (but must-see) tourist trap." He also spoke of the multiple offerings of culture, shopping and nightlife with VIP beach breaks, he also recommend the readers to go beyond Manila and see the
country's idyllic islands which he said, "Feel Truly secluded and untouched." Another recommendations was to see the Bohol, Panglao and Palawan. Summing up his anecdotes by saying he discovered the magic of the Philippines in the "heady combination of the people and the place/" "Yes, it's true that Asia's more commmercial offerings may have long enjoyed their moment in the sun, but-when it comes to the Philippines - their time is most definitely now."
Henry Motte-Munoz and Raphael Mijeno, 2 young Filipino social entrepenuers are listed in the Forbes Asia's inaugural list of Asia's 30 Under 30, a magazine of the region's game changers in 10 different fields. The magazine's list presents Asia's "Best and Brightest millenials who are disrupting and changing the faces of their industries." Both of them are listed in Social Entrepreneurs category for "leveraging business tools to solve the world's problems." See page 3
WORK SYSTEM NG TV KAILANGAN NA NGA BANG BAGUHIN?
Magkasunod na pumanaw ang mga TV and film director na sina Direk Wenn V. Deramas at Direk Francis Pasion. Ang una ay namatay sanhi ng cardiac arrest noong Pebrero 29 sa Capitol Medical City, habang ang huli naman ay natagpuang wala ng buhay sa tahanan nito noong Marso 6. Ayon sa inisyal na ulat ng mga pulis ay atake sa puso ang ikinasawi nito. Sa ibang banda, ang kilalang talent coordinator na si Cornelia “Tita Angge” Lee naman ay isinugod sa Cardinal Santos Medical Center kamakailan dahil sa pananakit ng dibdib.
See page 7
PANAHON NG KUWARESMA GAWING MAKABULUHAN
H
inimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth ang mga kabataan na gawing mabunga at makabuluhan ang paggunita ng Mahal na Araw. Ayon kay Father Kunegundo Garganta, Executive Secretary ng komisyon, mahalaga ito upang makatugon ang mga kabataan sa panawagan at selebrasyon ng Simbahang Katolika sa taon ng awa at habag. Umaasa ang pari na m a g i n g m a u n l a d a n g b u h ay pananampalataya sa Diyos ng mga kabataan ngayong panahon na ang Pilipinas ay nahaharap sa maraming
problema at mahirap na usapin. Hinikayat din ni Father Garganta ang mga kabataan na maging aktibo sa kanilang mga parokya, sa pagsasagawa ng mga visita iglesia at paglahok sa mga programa ng tulad ng mga recollections at retreats. Inihayag ni Father Garganta ang kahalagahan ng tunay na paghubog sa mga kabataan na kumakatawan sa 52.7-percent ng kabuuang populasyon ng Pilipinas. Ipinaalala naman ni CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos sa mga mananampalataya na hindi sapat ang panan alangin para sa mga nangangailangan dahil ang dasal ay sinasamahan ng paggawa.
March 2016 Second Issue Free Newspaper
Pinoy-local 2
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
MARCH 2016 I second ISSUE
page 2
Qualification issue ni Sen. Grace Poe hindi matapos-tapos
Dating Senate President Jovito Salonga pumanaw na
Pagdinig sa kaso ni dating PGMA sinuspinde
Bagama’t naglabas na ng desisyon ang Supreme Court kaugnay ng pagpapahintulot kay Senador Grace Poe na nagpapahintulot sa kanyang pagtakbo sa pagka-presidente ay isinwalat naman ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na walang majority ruling sa kwalipikasyon ni Poe bilang natural-born citizen. Sa kanyang 55 pahinang dissenting opinion na 7-5-3 ang naging resulta ng botohan ng Mataas na Hukuman sa isyu ng citizenship ng senadora. Kahit pa 9-6 ang naging botohan ng mga mahistrado, para lang aniya sa material representation sa citizenship at residency eligibilities ang pinagbigyan ng SC sa petisyon ni Poe na humihiling na baligtarin ang naunang desisyon ng Comelec na nagdiskuwalipika sa senadora. Ngunit ipinaliwanag naman ni Carpio na pito lang sa siyam na justices sa majority ruling ang merong opinyon na itinuturing na natural-born citizen ang mga foundling na tulad ni Poe. Kabilang dito sina Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at Associate Justices Presbitero Velasco Jr., Lucas Bersamin, Jose Perez, Jose Mendoza, Marvic Leonen and Francis Jardeleza. Dalawang Associate Justices na sina Diosdado Peralta at Benjamin Caguioa ay sumama sa hiwalay na dissenting opinion ni Associate Justice Mariano del Castillo na hindi anila dapat desisy unan ng SC ang citizenship issue sa kaso. Idineklara nila na nakagawa ang Comelec ng grave abuse of discretion dahil hindi sinadya ni Poe na magkunwari sa kanyang 10-year residency status pero hindi na kailangang tukuyin ng Mataas na Hukuman ang eligibility ni Poe sa citizenship requirement na itinatadhana ng Konstitusyon. Kasama ni Carpio sina Associate Justices Teresita Leonardo-De Castro, Arturo Brion, Estela Perlas-Bernabe at Bienvenido Reyes sa kanyang dissenting opinion na hindi natural-born Filipino si Poe at kulang ito sa residency requirement. Ibig sabihin, ang aktuwal na botohan sa citizenship issue ay 7-5-3. “Malinaw at hindi maikakaila na walang mayorya sa Hukumang ito na nagdedeklarang natural-born Filipino citizen ang petisyuner na si Mary Grace Natividad Poe Llamanzares,” giit ni Carpio. Batay sa Rule 12 section 1 ng SC internal rules, lahat ng mga desisyon at hakbang sa mga kasong nasa korte ay dapat mapagpasyahan ng mayorya ng mga Miyembro ng Korte na aktuwal na lumahok sa deliberasyon sa mga sangkot na usapin at nagbotohan dito. Sa isang kaso na lahat ng 15 mahistrado ay bumoto, walong boto man lang ang kailangan para matamo ang majority ruling. Sumang-ayon kay Carpio si Manuelito Luna, abogado ni dating Senador Francisco Tatad na isa sa apat na nagpetisyon para madiskuwalipika si Poe. “Pitong mahistrado lang o wala pa sa mayorya ng SC ang bumoto para ideklara si Poe na maipapalagay na naturalborn. Hindi ito maaaring maging bahagi ng batas ng bansa,” ani Luna. Kinuwestyon ni Luna ang paliwanag ni Sereno sa concurring opinion nito na ang basihan dapat ng pagbilang ng mayorya ay 12 at hindi 15 dahil ang tatlo na bumoto na huwag magdesisyon sa citizenship issue ay hindi dapat mabilang. “Sa TRO, ang botohan ay 12-3. Ang botohan kung pagbibigyan o hindi ang petisyon ay 9-6. Kaya ang basihan dapat ng computation sa bilang ng mayorya ay 15 at ang mayorya ay walo,” paliwanag ng abogado.
Pumanaw na si dating Senate President Jovito Salonga sa edad na 95 noong nakaraang linggo na naging kauna-unahang chairman ng Presidential Commission on Good Government na naatasang magimbestiga sa mga di umano’y nakaw na kayamanan ng mga Marcos. Nagsilibi si Salonga bilang Senate President mula 1987 hanggang 1992. Pinangunahan rin niya ang oposisyon noong Marcos regime. “His passing marks the departure from this life of another of those brave, committed individuals who lit a candle during the deep darkness of the dictatorship; and who contributed to the restoration of our democratic way of life after the triumph of People Power,” pahayag ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda. Dalawang buwan pa pinahaba pa ng Supreme Court ang suspension sa pagdinig ng plunder case ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo kung saan iniusog ito sa Abril 20. Una nang hiniling ng kampo ni Arroyo sa Korte Suprema na harangin ang pagdinig ng kaso sa Sandiganbayan. Sinabi ng abogado ni Arroyo na si Estelito Mendoza na gagamitin nila ang pinahaba pang suspensyon upang paghandaan ang kanilang depensa. Kasalukuyang nakakulong ngayon si Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City kaugnay ng maanomalyang P366milyon pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Abu Sayaff nagbanta ng pamumugot; Malacañang ayaw magbigay ng komento
Ayon kay Presidential Communications Undersecretary Manolo Quezon III, hindi sila maaring magkomento sa mga operasyon ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police hinggil banta ng Abu Sayaff na pamumugot sa mga bihag nila mula sa Samal Island, anim na buwan na ang nakalipas. “Hindi rin tayo pwedeng magkomento tungkol sa mga operations ng AFP or ng PNP dahil these are, of course, delicate and we do not want to give any information while ongoing (ang operasyon ng pulisya).” Pero sinabi ni Quezon na halos lahat naman ng bansa ay may polisiya na hindi maaaring makipag-deal sa mga terorista partikular sa pagbabayad ng ransom. “Huwag nating kalimutan that, in general, for most countries, ganito talaga ang mga policies nila in all terrorist na hindi naman talaga pwedeng mag-deal o magbayad ng mga ransoms sa mga terorista,” ani Quezon. Lalo lamang aniyang maghahasik ng takot ang mga terorista at nagkakaroon pa sila ng financial rewards sa
Bansang China naka-high Alert
Matapos malaman ng bansang China ang kasunduan ng Pilipinas at Japan sa pagpapatrolya sa pinag-aagawang South China Sea ay nagdeklara ito ng high alert. Nanawagan si Chinese Foreign Ministry spokesperson Hong Lei sa Japan na huwag nang paguluhin pa ang sitwasyon upang mapanatili ang kapayapaan. “We are on high alert against its move. We urge the Japanese side to act with prudence instead of further complicating the situation and jeopardizing regional peace and stability,” pahayag ni Hong kahapon. Nakatakdang dumating sa bansa ang limang Maritime Self-Defense Force TC-90 na gagamitin ng gobyerno para sa pagpapatrolya sa pinag-aagawang teritoryo. May lawak na 600 kilometers ang radius ng mga darating na eroplano, doble sa kasalukuyang kakayan ng mga eroplanong ginagamit ng Philippine Navy para sa kanilang air patrol missions. Ayon sa ulat ng Yomiuri Shimbun ay hindi kargado ang mga eroplano at wala itong radars kaya naman magsisilbi lamang ito para sa visual monitoring sa Spratly Islands. Samantala, binalaan din ng China ang Pilipinas sa kanilang hakbang. “If the Philippines is meant to challenge China’s sovereignty and security interests, it will be met with firm opposition from the Chinese side,” sabi ni Hong. Ang Pilipinas lamang mula sa Southeast Asia at tanging third world country na may ganitong kasunduan sa Japan. Nakatakda rin magbigay ang Japan ng 10 barko para sa pagpapatrolya ng Philippine Coast Guard. Tulad ng Pilipinas, nakikipag-agawan din ng teritoryo ang Japan sa China sa Senkaku Islands sa East China Sea.
paggawa ng krimen. Sa pamamagitan ng isang video na ipinost sa Facebook nanawagan ang Canadian na si John Ridsdel, isa sa mga bihag sa prime minister ng Canada na ibigay ang hinihinging ransom ng Abu Sayyaf para sa kanilang kalayaan. Nakasamang nakidnap ni Ridsdel ang isa pang Canadian na si Robert Hall at girlfriend nitong Pinay, at si Kjartan Sekkingstad na isang Norwegian na may ari ng resort. Nauna ng nagdemand ang mga kidnappers ng $21 milyon para sa kalayaan ng mga bihag.
Intercollegiate 3x3 Invitationals kasado na
Kasado na ang Intercollegiate 3x3 Invitationals na gaganapin mula Marso 19-20 sa dalawang magkaibang venue. May 48 koponan ang nagkumpirma ng partisipasyon sa pangunguna ng mga unibersidad sa UAAP at NCAA. Magpapadala ng tig-tatlong koponan ang reign ing UAAP champion Far Eastern University, Ateneo de Manila University, University of Santo Tomas at College of Saint Benilde habang masisilayan din sa aksiyon ang San Beda College, University of the Philippines at University of the East. Idaraos ang unang araw ng kumpetisyon sa Marso 19 sa Xavier School habang ang ikalawang araw sa Marso 20 ay gaganapin naman sa SM Mall of Asia Music Hall. Tumataginting na P200,0 00 premyo ang tat anggapin ng magkakamp eon kung saan ang P100,000 ay mapupunta sa kanilang paaralan habang ang P100,000 ay para sa mga manlalaro. May nakalaang P100,000 (P50,000 sa paaralan at P50,000 sa koponan) para sa runner-up at P50,000 (P25,000 sa paaralan at P25,000 sa koponan) para sa third placer. Ang torneo ay inorganisa ni two-time UAAP Most Valuable Player Kiefer Ravena na minsan na ring naimbitahan maglaro sa FIBA 3x3 All Stars sa Doha, Qatar noong nakaraang taon. Nakasama ni Ravena sa FIBA event sina Jeron Teng, Ola Adeogun at Bright Akhuiete. Naniniwala si Ravena na magandang pagkakataon ito upang palakasin ang 3x3 event sa bansa dahil ang isinusulong ng FIBA na mapasama ang 3x3 sa 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan. Matapos ang Manila Leg, plano rin ni Ravena na dalhin ang 3x3 sa mga probinsiya upang bigyan ng pagkakataon ang mga manlalaro doon na maipamalas ang kanilang husay.
pinoy-global 3
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
MARCH 2016 I second ISSUE
Meet BWM's concept car Vision Vechicle
In celebration of its 100th anniversary, BMW has unveiled a stunning concept car called the Vision Vehicle. Engineers at BMW have unveiled their vehicle of the future - a shape-shifting concept car which can be driven on auto-pilot, has a changing interior and its very own ‘skin’. Looking like something from a sci-fi movie, the car also has a ‘virtual reality’ windscreen, space age steering wheel and tells the driver the best line to drive.
Another feature called Alive Geometry alerts the driver of upcoming potential road hazards, both static and moving (like a cyclist crossing your path), by layering an augmented reality display on the windshield. Alerts are created through — and we're quoting BMW here, since this sounds like science fiction — "preconscious communication, where an intuitive signal predicts an imminent real-time event." It also features what BMW calls "materials of the future," which gives the car a kind of shape shifting look by allowing its wheels to seamlessly move as part of the main chassis. Inside, the steering wheel is refashioned as a thin rectangle with handles that retracts into the dashboard when the car takes over the driving. Although there are no plans (at the moment) to sell the car, BMW has created an incredibly detailed site devoted to the vehicle featuring a number of interactive displays and breakdowns of how it works. The vehicle will tour the world as a public display, visiting China in May, London in June and the U.S. in October.
I
page 3
Henry Motte-Munoz & Raphael Mijeno listed in Forbes Asia's young anti-corruption non-government organization Bantay.ph, which has leading social entrepenuers
Raphael Mijeno, a 28-year-old Co-Founder and Chief Financial Officer of the innovative enterprise Sustainable Alternative Lighting (Salt), a lamp powered by salt water an ideal for coastal areas with no access to electricity. Salt, a startup company, has been gaining international recognition for its innovation, such as the Asia Entrepreneurship Award 2015, People's Choice Awards at the Startup Nations Summit 2014 and Kotra Award. Recently Salt was even featured in the Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) SME Summit 2015 in Manila when the invention was discussed by co-founder and sister Aisa who shared the stage with President Obama and Alibaba's Jack Ma. Henry Motte-Munoz a 29-year-old founded Edukasyon.ph, an online service that matches students with comprehensive database of classes and scholarships. He is also credited with co-founding the Philippine
AJ Calomay a halfblind Fil-am editor of the hit show Legends of Tomorrow The hit TV series Legends of Tomorrow of CWs showcases several of the most popular comic book superheroes from the DC Universe. One of its hardworking editors is the half blind Fil-Am AJ Calomay. In an interview he told that becoming a professional TV and film editor is a dream job that he pursued despite serious obstacles. "It's very difficult. It takes a lot of collaboration, a lot of communication because there's a lot of moving parts, there's a lot of people involved, there's a lot of layers...and how to keep track of everything...and its moving fast," said Calomay. When he was 15 years old, he had an accident that made him lose sight in one eye. For someone who wanted a career requiring intense visual work, it was a huge setback. For a while, Calomay thought of being practical and instead pursue a psycho-biology major at UCLA. But the desire to be a filmmaker constantly beckoned and so he worked on his skills while in college. His first Hollywood break was in a USA Network's Covert Affairs. It led to a job at Mr. Robot. According to AJ "The key is to find a story that motivates you to learn all the software and how to use all these equipment. Once you have your eyes set on the stories you want to tell, learning all that stuff is easy." He also found Xylophone Films which allows him to pursue his own projects as well as other filmmaking opportunities not just for him but for other like-minded Filipinos in the entertainment business who want to tell authentic stories. He also added "Individual achievement is great, but even better is sort of bringing up other people with you...community, who all believes in the same thing." His works, as well as two other Filipino in the staff, can be seen on Legends of Tomorrow every Thursday night on the CW.
already recieved USD150,000 in donations. He grew up between Europe and the Philippines, graduating from the London School of Economics and worked for Golden Sachs in London. He later graduated form Harvard Business School.
'Hot Convict' Jeremy Meeks to pursue modeling career
The convicted Californian criminal whose "handsome" mugshot went viral has walked out of prison - and he's ready for his close-up. Jeremy Meeks, 32, was sentenced to more than two years' jail for illegal possession of a firearm in 2015, but he has been released early. After his arrest, his mugshot drew thousands of admiring comments when it was posted on Stockton Police Department's Facebook page and since then he was dubbed the "Hot Convict" and "Hot Felon", with social media users focusing on his high cheekbones, chiselled face and blue eyes. "Ralph Lauren better sign him lol," wrote one user. And Meeks did get signed - by California-based talent agency White Cross Management. Now he's out, Meeks has revealed he is ready to take advantage of his viral fame. Jeremy thanked his family and everyone in the photo next to his manager Jim Jordan. "I'm overwhelmed and grateful for what lies ahead. I'm ready @ jimjordanphotography and @whitecrossmanagement." In another Instagram post, Meeks is pictured on a boat with the caption: "Looking forward to time on the lake with my kids." His agent is also excited about the former prisoner's future. "We have a lot in store regarding Jeremy's new career," Mr Jordan said in a statement. "There are a multitude of offers on the table. "Jeremy is humbled and grateful and overwhelmed by the outpouring of love, support, and prayers for him and his family."
Prevention is better than cure
t’s known that blood is the primary means of transport of nutrients in the body. The duty of blood is to first take the oxygen processed by the lungs to all cells of the body. Then collect the carbon dioxide from the cells and deliver it to the lungs. It is also tasked to collect metabolic waste from up and down the body and take it to the kidneys for excretion. Anything which keeps the blood healthy, improves the whole human body. But how do we keep the blood healthy?
Introducing a revolutionary non-invasive device that cleans and restores blood and improve proper blood circulation, the Intranasal Light Therapy. Intranasal light therapy has hundreds of clinical study to back up its worth. It may have been written in different languages but still have the same thoughts and medical explanations.
Intranasal Low-intensity Light Therapy channels low level visible red to infrared light (633~810 nanometers) into the capillary-rich nasal cavity, efficiently irradiating blood circulating through the nasal channel. Devices like the VieLight is designed for wearability, lightweight, very portable and easy to use (just clip it into your nose and switch on!).
By: irene Tria
How it works: It reduces blood clothing and improves blood circulation. It regulates the body’s immunity state and promotes the body’s anti-disease ability. It changes the body’s toxic state, enhances the activity of body’s antioxidant defense and protects the body against harms from free radicals and other toxic substances. Cellular metabolic activation and increase functional activity. It also improves ones Chi. Blood viscosity is a direct measure of the ability of blood to flow through the vessels. It is also a key screening test that measures how much friction the blood causes against the vessels, how hard the heart has to work to pump blood, and how much oxygen is delivered to organs and tissues.
CHECK OUT MY BLOOD VISCOSITY, BEFORE AND AFTER USING THE INTRANASAL LIGHT THERAPY: It showed that before using the device, I have an increased blood viscosity. That can be linked with all of the other major cardiovascular risk factors, including high blood pressure, elevated LDL cholesterol, low HDL, type-II diabetes, metabolic syndrome, obesity, smoking, and age. But after using the Intranasal Light Therapy for 25 minutes, there was a decrease of blood viscosity. It also gave me a relief with my migraine attack. It’s like magic that the throbbing pain was gone.
There are other benefits of using the Intranasal Light Therapy: 1. Alzheimer’s disease 2. Parkinson’s disease 3. Stroke 4. Analgesia (headache, migraine) 5. Accelerates wound healing 6. Cancer prevention, chemo therapy recovery
pinoy community 4
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
MARCH 2016 I second ISSUE
page 4
Prep time: 60mins Cook time: 18mins Total time: 1hr 18min Serves: 4
Distributer: Publisher:
Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT
jaggeraziz@gmail.com
The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.
Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com
rinated Beer ma inasal chicken
Beer Marinated Grilled Chicken Breast Inasal is a good way to make the favorite Filipino grilled chicken treat. This recipe makes use of boneless chicken breast along with the regular seasonings and spices for chicken inasal — and beer. Use pale ale for this recipe as a replacement for lime soda (7-up or Sprite). I think that this recipe results in a more flavorful grilled chicken inasal dish. It might be the beer, the time it took to marinate the ingredients, or even the thin cut chicken; whatever the reason is, I am sure that you will find this inasal recipe worth your time especially this coming summer.
Tips on how to cook Beer Marinated Grilled Chicken Breast Inasal
• This chicken inasal recipe makes use of boneless chicken breasts. Make sure that you flatten the chicken breasts properly before marinating. Use a cling wrap to cover the chicken (or place it inside a clear plastic bag) before pounding with a meat tenderizer. • It will be best if you marinate it at least overnight or for a couple of days to make it more tasty. • Use pale ale or IPA for best results. Pale pilsen of regular beer will work too. • The basting sauce is important. Make sure that you follow the recipe below. • Grill in low to medium heat. If you grill in high heat, the outer part of the chicken will be cooked quickly, but the inside will still be raw. • It is best eaten with papaya atchara and sinamak.
Ingredients • 2 lbs. boneless chicken breasts • marinade ingredients: • ¼ cup vinegar (white or apple cider) • 2 teaspoons minced ginger • ¼ cup soy sauce • 1 cup beer (Lagunitas little sumpin) • ½ teaspoon salt • ¼ teaspoon ground black pepper • 2 limes • 1 teaspoon turmeric powder • 1 teaspoon annatto powder • basting sauce ingredients: • 3 tablespoons soy sauce • 2 tablespoons margarinet instructions • Lay the boneless chicken breasts flat on a chopping board. Cover with a cling wrap. Flatten by pounding with a meat tenderizer tool. Set aside. • Make the marinade by combining the marinade ingredients in a large bowl, Mix well. Add the pounded chicken breasts. Marinate for at least 3 hours (I usually marinate overnight). Don't forget to cover the bowl and place inside the fridge. • Prepare the basting sauce by combining 3 tablespoons of soy sauce, 2 tablespoons of margarine, and the remaining marinade. Mix well and then microwave for 1 minute. • Heat the grill. Start to cook the beer marinated chicken. Baste with the basting sauce and grill one side in medium heat for 3 to 4 minutes. Flip the chicken breast to cook the other side.Baste the top part with the basting sauce, Continue to do this step one more time or more until the chicken breasts are done. • Transfer to a serving plate. Serve with papaya atchara and sinamak. • Share and enjoy!
tara-let's 5
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
MARCH 20162014 I second ISSUE SEPTEMBER SECOND issue
s a n i P '
3 PLACES TO VISIT NGAYON TAG-INIT SA
sto ni Jane
Kuha at tek
page 5
Iba ang nararanasang init sa ilang bahagi ng Pilipinas dahil bukod sa tag-init ay may El Niño Phenomenon din. Kaya naman pinapayuhan ang lahat na ingatan ang kalusugan, gayon din ay magtipid sa paggamit ng tubig at kuryente. Bunsod nito, mas marami ang naglalakbay na lamang sa iba’t ibang lugar. Saan nga ba masarap magpunta kung saan makakapag-relax para malamigan, makapagsaya at makapagtampisaw sa tubig ngayong tag-init?
Gonzales
PAGUDPUD BEACHES AT BANGUI WINDMILLS SA ILOCOS NORTE
Isa sa sulit na puntahan na probinsya ay Ilocos Region dahil sa dami ng puwedeng puntahan na tourist spots. Pero kung ang habol mo ay makapagtampisaw sa dagat, rekomendado ang white sand beaches sa Pagudpud , Ilocos Norte. Ang maganda sa lagay ng alon dito ay nakakasurpresa dahil minsan ay malaki at minsan ay mahina. Hindi katulad sa ibang lugar na may sobrang malalaking alon na bagay na pang-surfing ( La Union) at mayroon din na banayad lang na ang bentahe ay pang-snorkeling (Palawan). Maraming puwedeng upahan na cottages dito kaya makakapamili ka kung doon ka sa mababa o medyo may kamahalan na puwesto. Ang isang magandang gawin dito ay mamimili ng hilaw na pagkain gaya ng isda at gulay at saka ipaluto kaya maaaring hindi ka na magdala ng baon. Samantala, isa pang magandang puntahan ay Baguio Windmills sa Ilocos Norte rin. Medyo may kalakasan ang alon dito lalo na’t nakatapat mismo ito sa South China Sea kaya hindi rekomendado na lumangoy. Subalit kung gusto mo lang na makadama ng masarap na simoy ng hangin at magnilay-nilay habang naglalakad dalampasigan ay puwedeng-puwede. Credit: Hitokirihoshi
PANIMAN BEACHES AT TAGAYATA Y SA CAVITE
Isa pa sa probinsya na sulit puntuhan ay ang Cavite dahil sa sari-saring tampok na lugar na narito. Kung usapang “swimming” ay isa ito sa pinakamadalas dayuhin ng mga taga-Maynila. Ang isa sa sikat na beach rito ay tinatawag na Boracay De Cavite (Ternate) o Katungkukan Beach. Bukod dito ay masarap ding puntahan ang Paniman. Samantala, ang hindi dapat palagpasin ay ang pagpunta sa Tagaytay na masasabi namang Little Baguio dahil sa dulot nitong lamig at preskong hangin. Ang bonus na mapupuntahan dito ay theme park na Sky Ranch at ang pinakamaliit na aktibong bulkan sa buong mundo, ang Taal Volcano.
SABANG BEACH/ DITUMABO BALER, AURORA Gaya sa La Union, ang isa sa maipagmamalaki attraction sa lugar ay beach nito na puwedeng-puwede ang mag-surfing. May mga nakaantabay na surfing board na marerentahan at surfer guides na rin sa lugar kaya kung nais mong subukan ito ay puwedeng-puwede. Kung nais mo naman ay makapagbabad lang nakakapreskong tubig, subukan mo na ang mag-trekking paakyat sa Talon ng Ditumabo o Mother Falls. Mala-adventure ang pagtahak paakyat dito dahil dadaan ka sa makitid na daan, sa mabato at madulas na batis. Subalit, kapag natuntun mo na ang talon ay mararamdaman mo na ang nakakapreskong lamig lalo na kapag bumabad ka na sa tubig.
pinoy na pinoy 6 page 6
Aries - March. 21 - April. 20 Alin mang sobra ay nakakasama kahit na ba ang isang bagay ay likas na mabuti ang dulot sa iyo. Ganito rin sa kumpiyansa sa sarili at pagpapakasaya. Walang masama sa mga ito, katunayan ay kailangan na kailangan sa buhay mo ang mga iyan para maging positibo ang takbo ng iyong araw-araw sa mundo. Subalit, kung wala kang balanse at lumalayo ka sa realidad ay magkakaroon ka rin ng sunod -sunod na problema. Ang kaso pa d’yan ay kung mali na iyong pamamaraan, ay nagkukulang ka pa sa ibang bagay na mahalaga rin sa iyo.
Taurus - April. 21 - May. 21
Nakakalito na rin minsan kapag ikaw na nga ang tumutulong ay ikaw pa ang minamasama. Para bang sa halip na kilalanin ang iyong kabutihang loob ay bawat galaw mo ay ginagawa pa ng malisya. Bunsod nito ay hindi malayo na pati ikaw mapapatanong sa iyong sariling kung bakit ka tumutulong. May mapapala ka nga ba sa bandang huli o hinitintay na kapalit. Kapag ganito, balikan mo kung ano simpleng mga dahilan at ito ay mabuti ang iyong intensyon at pinapahalagahan mo ang isang tao. Sa bandang dulo makikita nila iyan.
Gemini - May. 22 - June. 21
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
march 2016 I second ISSUE
Libra - Sep. 24 - Oct. 23 May oras na ganado ka, pero may oras din na nadadala ka ng pagkabagot at pagkabalisa. Bagaman nakakaapekto sa iyong trabaho ang lagay ng iyong emosyon, nasa sa iyo kung papaapekto ka. Hindi ‘yan madali at nangangailangan nang matinding disiplina pero kung matutuhan mo ay malaking ginhawa sa iyo, pati na sa iyong paligid. Isa pa’y kung nasa trabaho ka, ang pairalin mo ay ang iyong intensyon na mapabuti ang iyong trabaho sa halip na emosyon nararamdaman mo sa iyong paligid. Wala kang mapapala kung puro ito ang pagtutuunan mo ng pansin, maliban sa sama ng loob.
Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22
Ibahin mo ang pagtingin mo sa tagumpay. Hindi ito suwerte na kusang darating o may ibang tao na magdudulot sa iyo. Ito ay pinaghihirapan at pinagtit’yagaan hanggang sa mapasaiyo sa bandang huli. Ang tagumpay ay hindi lamang tungkol sa bagay na iyong makukuha bilang premyo, kundi makabuluhang paglalakbay na magbibigay sa iyo ng walang katumbas na kaligayahan. Gasgas man sabihin pero mas mainam ang bagay na pinaghihirapan kaysa napulot lang kung saan-saan. Kung ano man ang karanasan at emosyon na naibuhos mo rito ay ang tunay na nagpapataas ng halaga nito.
Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21
Malaking tulong ang imahinasyon sa ambisyon at ang ambisyon para maging inspirasyon. Ang lahat naman ng tagumpay ay nagsimula sa pangarap at ang pangarap sa ideya. Subalit, kung ang mga ito ay hindi mo sasamahan ng pagtutugma sa realidad ay hahaba ang iyong paglalakbay, kung hindi man ay mananatiling kathang-isip lamang. Aksyunan muna ang iyong plano sa pamamagitan ng pag-aanalisa kung paano sila magagawa ayon sa iyong makakaya sa ngayon, at simulan mo. Ang unang pipigil sa pagtupad ng iyong mga pangarap ay maaring ikaw rin at ang iyong mga rason.
Mainam na bigyang pansin ang posibilidad dahil narito ang kinabukasan. Subalit kailangan mo rin na mapagtanto na mainam na maging klaro sa iyo kung alin ang iyong prayoridad at malapit sa katotohanan. Huwag kang masisilaw sa kinang na nakakabulag, kundi magpahikayat ka sa liwanag na makapagbibigay ng tanglaw sa sitwasyon mong may kadiliman at kalabuan. Magkagayon pa man, huwag kang magsasawa na maging determinado para hindi mo lamang napaghuhusay ang iyong kasalukuyan, kundi napaghahandaan mo rin ang iyong kinabukasan.
Madalas ang hamon sa iyo sa paglutas ng problema ay hindi lamang sa alin ang tamang paraan, kundi kung paano rin walang masasagasaan na tao. Katunayan sa lahat ng posibleng solusyon na mas mabilis at mabisa ay iyong masakit sa kalooban ng iba. Kung naanalisa mo na ang bawat anggulo at sa tingin mo ay sa radikal na pamamaraan lang talaga matatapos amng problema ay gawin mo. Ang sugat ay hindi naghihilom at bagkus ay lala pa kung hindi lalapatan ng kaukulang gamutan kahit gaano pa ito kasakit. Napatunayan mo na rin naman na ang nagtatagumpay ay iyong matatapang at marunong manindigan.
Hindi mo man napapansin ay marami ang humahanga sa iyong lakas ng loob at determinasyon na makamit ang iyong pangarap. Pinagpala ka rin naman dahil nagtutugma ang mga pagkakataon na dahilan para pumabor sa iyo ang pagpapala. Ngunit hindi pa rin naman maiiwasan ang mga pagsubok na hahamon sa iyong kumpiyansa. Ganoon pa man, kung mapapanatili mo ang tibay ng iyong loob ay pasasaan ba’t mararating mo rin ang destinasyon na iyong nilalayon.
Cancer - June. 22 - July. 22
Leo - July. 23 - August. 22
Malaki ang naitutulong ng iyong pagiging mapangarap para manatili kang masaya kahit malungkot na ang iyong sitwasyon at paligid. Kaya naman huwag kang bibitiw at dahandahanin mong tuparin ang iyong mga ninanais. Pakaisipin mo rin na sa kabila na may umaalis at bumabalik o mga kritiko at sumusuporta, ang tutupad sa iyong pangarap ay ikaw rin. Kung papadala ka sa sabi-sabi ng iba ay maaari kang maligaw sa kanilang opinyon. Tatandaan mo na iba ang iyong pinagdaanan at pinagmulan kaya may partikular na daan na dapat mong tahakin.
Virgo - Aug. 23 - Sept. 23
May bentahe din naman ang pagkakaroon ng mga tila kontrabida sa iyong daan. Bukod sa nagiging makulay at mapanghamon pa ang pagkamit mo sa iyong tagumpay ay nakakatulong sila para pag-isipin mo muna ang iyong mga hakbang. Mahirap din naman ang sige ng sige sa iyong hakbang dahil gusto mo lang o mukha namang okay. Tandaan mo na sa kabuuan, ang estado mo ay base sa pinagsama-samang desisyon na iyong nagawa sa nakalipas. Kung walang taong posibleng nakapag-motivate sa iyo ay baka mababaw at mali ang iyong desisyon ngayon. Buksan mo rin ang iyong isipan sa suhestyon ng iba kahit salungat o medyo malayo.
Chiba Ken Funabashi Shi Honcho 2-6-1 K-Mall Nibankan 3F
Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20
Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19
Kung ano ang dahilan ng pagkakalapit o pagkakaugnay mo sa isang bagay ay maaaring iyon din ang rason para bitawan ito. Kadalasan ang usaping ito ay may kinalaman sa emosyon at hindi sa lohika na mas matimbang dapat. Kung ganito mo tingnan ang mga kagamitan mo sa bahay at miski na ang mga bagay sa iyong buhay, mahihirapan ka ngang mag-“let go” at mag“move on.” Dapat alam mo kung alin ang mahalaga, ano pa ang puwede at kailangan mo ng pakawalan dahil hindi giginhawa ang iyong loob kung tinatabi mo pa ang nagpapabigat sa iyo.
Pisces - Feb. 20 - March. 20 Ang mahirap sa iyo sa sobrang pagiging praktikal mo ay hindi mo na nabibigyan ng atensyon ang saya sa maliliit na bagay na nakakapagbibigy ng saya. Kahit humaharap ka problema at pinipilit na maging praktikal, paminsan-minsan ay mainam din na mag-enjoy ang “inner child” sa iyong sarili. Ang aspetong ito ang makapagpapakilala sa iyo na may saya sa maliliit na bagay, may katuparan ang mga dati-rating imahinasyon at makulay ang buhay. Para bang hindi lamng pala ito taas at baba o t’yaga at nilaga, kundi mayroon ding himala, pagmamahalan, pag-uunawaan at pagpapala. Kaya huwag mong ring kaligtaan na maglaro at magsaya kasama ng mga tunay na nagmamahal sa iyo.
pinoy-BiZz march 2016 I second ISSUE
ni phoebe doroth
page 7
y estelle
Impress: Pinoy show naman ang gagawan ng adaptation sa Mexico
Masayang ibinalita ng GMA Network na ang kanilang show na Munting Heredera o Little Heiress ay magkakaroon ng bersyon sa Mexico. Matatandaan na sa mahabang panahon ay naging panatiko ng mga telenobela mula sa Mexico ang mga Pinoy. Katunayan ay halos lahat na ata ng drama shows noon ni Thalia ay nagkaroon na local adaptation gaya ng Marimar ( Marian Rivera/ Megan Young), Maria la del Barrio ( Erich Gonzales), Maria Mercedes (Jessy Mendez) at Rosalinda ( Carla Abellana). Taong 2011 nang ipinalabas ang Munting
Heredera kung saan itinampok si Mona Louise Rey bilang isa sa pinagpipiliang apo ni Gloria Romero. Ito ay nilikha at inidirek ni Maryo J. Delos Reyes at nagtatampok din kina Camille Prats, Mark Anthony Fernandez, Roderick Paulate, Barbara Miguel, at Kyle Danielle Ocampo. Ang huling dalawang artista, ang gumanap na iba pang pinagpiliang apo. Ang magpoproduce ng Latin version nito ay ang ang Mexican company na Telefilm Atlantico S.A “Our presence in various territories proves that our content is relevant and favored not just among Filipino viewers but more importantly, among foreign viewers as well. We are fortunate to have steadily grown our market in Asia and Africa, and are looking forward to closing more deals in other territories,” pahayag ni GMA Worldwide, Inc. (GWI) Vice President Roxanne J. Barcelona. Sa ibang banda, ang ibang shows naman na gaya ng Second Chances (Another Chance), Beautiful Strangers at iba pa ay mapapanood na rin sa Canada sa mga susunod na araw. Ito ay dahil na rin sa kasunduan sa pagitan ng GWI at Rogers Media, Inc. sa Canada. Dapat ngang maging proud hindi lamang ang mga Kapuso rito, dahil ngayon lumalaban at ini-exportna ang mga likhang Pinoy na TV show. Impress: Pinay contestant pasok sa Semi Finals sa Got Talent España, “Golden Buzzer” agad ang performance ng 14-year
WORK SYSTEM SA TV KAILANGAN NA NGA BANG BAGUHIN?
Mula pahina 1
Naging nakakaalarma ang mga ito sa showbiz dahil sa magkakapararehong dahilan at pare-parehong nagtatarabaho ang tatlo sa telebisyon (ABS-CBN). Ang isa sa unang nagbukas ng paksa at panawagan na kailangan na ng pagbabago sa work condition ay si Direk Quark Henares. Sa Facebook status nito ay ibinahagi nito ang kanyang alalaala tungkol kay Pasion at ang kanyang opinyon sa maling sistema sa TV. “What I remember most about Francis Xavier Pasion was how he would fervently post posters around the campus for Loyola Film Circle’s first ever short film festival and I was a little chubby freshman following him around ripping the scotch tape in half. ‘Thanks Quark. Keep this up and one day baka magiging Presidente ka ng Loyola Film Circle. I never did, but I always found that view of leadership to be funny. Rest in peace, Mr. Pasion” mensahe pa ni direk Henares na anak ni Dr. Vicki Belo. “I think the reason a lot of TV directors like Wenn Deramas and Gilbert Perez, and now Francis Pasion are getting cardiac arrests, is because of the horrible working hours and conditions in Television. “It’s not just directors: stuntmen, Ads (assistant directors), crew people and cameraman all go through similar situations. This should really change. And I don’t know how it will, considering that this entails losses for the networks. But it really is time.” Samantala, maging sina Aiza Seguerra at direk Jose Javier Reyes ay nagbahagi rin ng kanilang pananaw. Sa panayam kay direk Joey ng Philippine Star ay sinabi nitong hindi dapat ipinagpapalit ang kalusugan sa trabaho. Aniya “choice” ng tao kapag tumanggap siya ng drama series dahil matindi ang trabaho sa ganito. Pero dadag pa n’ya ay hindi lamang ang mga direktor kundi ilan pang trabahador sa likod ng kamera ang nalalagay sa alanganin. “This has been going on for years. Only now do you see something visible,” sabi ni Reyes. “Hindi lang atin alam ‘yung mga namamatay na trabahador na hindi kasing high profile ng mga direktor.” Samantala, sa Facebook message ni Aiza sinabi nitong tinitiis ng mga TV and film workers ang tindi ng stress ng kanilang trabaho dahil sa takot na mawalan ng trabaho. Anya ang tingin kasi ng mga produksyon ay madali lang naman palitan ang mga taong umaangal. “For the meantime, habang wala pang nangyayaring pagbabago, I think malaking tulong din if we’re kind to each other. Nakakabawas din sa stress yon kung harmonious ang paligid natin kesa nagsisigawan at nagmumurahan,” saad ni Aiza na nagbigay din ng opinyon sa isyu na kinasangkutan ni Direk Cathy Garcia-Molina na di umano ay nagmura ito sa isang Forevermore talent. “Sana maayos na ang bulok na systemang to na literal pumapatay sa mga taong nasa industriya. Kailangan magsamasama. Kailangan magkaisa kung gusto nating mabago at itama ang systema,” dagdag pa ng Acoustic singer.
old na si Dianne Kaye Jacob Ico para sa judge na si Jorge Javier Vázquez nang umawit ito sa Got Talent España . Ang teenager ay anak ng mga Pinoy na mula sa Dagupan at Ilocos na naninirahan na sa
Barcelona ay inawit ang “Memory’’ mula sa musical play na “Cats.” Sa mechanics ng international contest na ito na may iba’t ibang franchise sa iba’t ibang bansa, ay may mga red buzzer sila para i-boot out at golden buzzer para naman i-advance sa next round ang isang contestant. Sa kaso ni Dianne ay nag-“No” na sa kanya ang judge na si Jesus Vázquez dahil umano sa nakita nitong kaba sa kanya. Pero dahil pinindot ni Jorge Javier ang golden buzzer ay balewala na ang boto at bagkus ay magpapatuloy pa ang laban ni Dianna sa contest. Mabuhay Dianne at Good luck sa iyong laban sa contest! Express: Valeen, third party sa paghihiwalay nina Joe Oconer and Ciara Sotto?
KRIS AQUINO TIGIL SHOWBIZ NA Matapos ang limang taon sa ere ay nagsara na ang Kris TV at ito ay dahil sa pagre-resign ni Kris Aquino hindi lamang sa programa kundi sa kanyang pagtatrabaho sa telebisyon. Ayon pa sa tinaguriang Queen of All Media ay ginawa n’ya ito dahil sa lagay ng kanyang kalusugan at sa kanyang dalawang anak na sina Joshua Salvador at Bimby Yap. Sa Instagram ay naging bukas ang TV host sa pagbabahagi ng detalye sa kanyang saloobin sa kanyang pagbibitiw at sa mga binabalak n’ya sa labas ng showbiz. “Thank you, Kapamilya,” saad ni Kris “Our relationship as a family started October 28, 1996 and it will soon end this March 23, 2016.” “A total of 10,354 days working for ABS-CBN, my life’s most fulfilling professional journey because of your love, acceptance and loyalty. “Just like all of you, I love my FAMILY. My most valuable life destiny is to be Mama to KUYA JOSH and BIMBY; and to be a loving, selfless sister to ATE, PINKY, NOY and VIEL: a BUNSO who doesn’t give them constant worry because of my health and safety. “I’m not putting a time frame, but with my type of work, it’s realistic to accept by leaving ABSCBN I’ll be replaced and soon forgotten. “My sons and I will travel, we’ll move to our new home, and
Itinanggi ni Valeen Montenegro na may kaugnayan s'ya sa isyu ng hiwalayan ng mag-asawang Ciara Sotto at Joe Oconer. Di umano ay siya ang third party sa pagsasama ng dalawa kaya nag-alsa balutan si Ciara kasama ang kanyang anak. "Siyempre, it’s not... ano ba, it’s not something na I experience every day, so parang nagulat din ako,” saad ni Valeen sa interview sa kanya ng Philippine Entertainment Portal at “no” rin ang kanyang sagot kung s'ya nga ba ang dahilan. Matatandaan na sa kalagitnaan ng Enero nang aminin ng bunsong anak nina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa na nakipaghiwalay s’ya sa kanyang asawa. Di umano ay nalaman nitong may ibang babae ang kanyang mister sa pamamagitan ng bill ng telepono nila kung saan naroon ang isang hindi niya nakikilalang number.
I’ll eat healthy, sleep early, exercise regularly, and live quietly-everything to make sure Kuya Josh and Bimb have a healthy mother.” Dagdag pa nito ay pagtutuunan pa rin niya ang paghahanap-buhay dahil siya ang mag-isang bumubuhay sa kanyang mga anak. “I need to continue being WORKING MOM since I’m the SOLE PROVIDER for my sons, but for now I’ll do it away from the stress of the limelight.” Samantala, base naman sa inilabas na opisyal na pahayag ng ABS-CBN ay nirerespeto nito ang desisyon ni Kris. “We respect and support Aquino’s decision to take a break from show business and prioritize her health and spend quality time with her kids.”
CRISTINE REYES VS VIVIAN: PARANG TOTOONG TUBIG AT LANGIS LANG Bunsod ‘di umano sa pambabastos sa kanya ni Cristine Reyes sa shooting location ng kanilang drama series na Tubig at Langis ay nag- irrevocable resignation si Vivian Velez sa show. “With much trepidation, I would like to tender my immediate irrevocable resignation, effective immediately, from the show, ‘Tubig at Langis.’ I have never been so upset and humiliated by an actress in my entire career spanning four decades!” saad nito sa Facebook status nito. Sa panayam sa Pep.ph ay kinumpirma at isiniwalat ng tinaguriang Miss Body Beautiful ang kagaspangan sa kanya ni Cristine kasama na ang pag-awit nito ng “Goodbye Farewell” sa tuwing magkakasama sila. Pagkatapos nito ay naglabas ng statement si Cristine na kung saan ipinaliwanag niya ang kanyang anggulo at sa huli ay humingi ng tawad kay Vivian. “I just want to put things in perspective. I have always put our senior stars in high regard and do my best to treat them with much respect. In fact, I have not had any incidents like this with anyone, senior or otherwise, on the set of any project until now,” pahayag ni Cristine, via Pep.ph. Ikinuwento ng kakakasal pa lang na kapatid ni Ara Mina na nagsimula umano ito sa nakatagalagang tent sa kanila at nung pinagsama sila sa isang tent. Inamin niyang kumakanta nga s’ya ng “Goodbye, Farewell” pero ito ay naglalabas lang s’ya ng tensyon. “I am sorry that some gaps in the communication between
the production staff, Ms Vivian, and myself escalated some issues. I reiterate that I wanted them resolved soonest for everyone’s peace of mind. “I am also sorry that emotions got so heightened that some of my actions were misconstrued for rudeness when they were, more than anything else, my own way of coping with the stressful working conditions on the set in this particular instance. “But I sincerely apologize if it hurt Ms. Vivian or anybody else. I do have high regard for and respect with thanks senior artists who have paved the way for stars like me in the industry.” Samantala, naglabas na rin ng pahayag ang production ng Tubig at Langis. Klinaro nila na ang isyu ay bunga ng kanilang pagkukulang at mahusay naman umano ang pakikisama ni Cristine. Sa hiwalay na panayam kay Cristine ng Kapamilya reporter na si Ginger Conojero, tahasan na nitong sinabi na kasinungalingan ang mga paratang sa kanya ni Vivian. “Regarding the issue na nagpaalis ako sa dressing room lilinawin ko lang po na wala akong pinapaalis na kahit sino sa dressing room, kahit sino kasama ko never ko ho ‘yun gagawin. And gusto ko rin linawin ‘yung resignation niya sa show because of me was a big lie because she found out already that papatayin ‘yungcharacter niya sa soap namin na ‘Tubig at Langis’,” sabi ni Cristine.