The Pinoy Daloy Kayumanggi
Chronicle Impormasyon ng Pilipino
September 2015 First Issue
News. Link. Life
JORDAN CLARKSON HINDI MAKAKASALI SA GILAS
D
ahil kontra ang ama ni Los Angeles Lakers guard Jordan Clarkson na tumuloy sa paglalaro para sa team Gilas dahil giit ng ama nito na hindi ito nauukol dahil sasabay ito sa paghahanda ni Jordan para sa darating na 2015-2016 NBA. “Having Jordan participate with the Gilas in 2015 isn’t a logical or sound business decision as he enters into this important NBA contract year,” ani ng nakatatandang Clarkson sa isang e-mail. “As you know in professional sports, timing is of the essence, especially when managing a players’ career,” dagdag niya. Si Jordan ang ika-46th overall pick sa 2014 NBA draft ng Washington Wizards na agad naman na-trade sa LA Lakers na may 1/8 dugong Pilipino dahil sa kanyang ina na si Anette Davis. Samantala, matatandaan na noong 2011 ay sinumulan nang ligawan ni Coach Chot Reyes ng Gilas si Jordan upang maglaro sa national team. Ngayon, balik Pinas na nga si Jordan upang paunlakasn ang imbitasyon ni Manny V. Pangilinan para pormal na lumahok sa pagsasanay ng Gilas para sa 2015 FIBA Asia Championship bukod sa pagiging endorser nito ng Smart telco. Sundan sa Pahina 2
PINOY STREET FOOD FESTIVAL IN SAN FRANCISCO A BIG HIT
More than 50,000 people attended the seventh annual San Francisco Street Food Festival to get a taste of various cuisines offered by over Filipino food vendors. People lined up in front of the stands where they got freshlymade Pinoy favorite meals. Chefs Alex Retodo and Eric Pascual of the Lumpia Company transformed it into an entree, they took well known dishes and rolled them into lumpias, creating a bacon cheeseburger lumpia and an apple pie lumpia a la mode. And then there were those who stuck to traditional Pinoy dishes like lechon like Dennis Villafranca’s Jeepney Guy stand they were treated to boneless lechon served over garlic pancit noodles. San Juan native Jay Dava grew up loving Filipino street food and now he shares it with Americans through chicken and pork skewers from Antoniks BBQ. “As much as I love seeing fellow Filipinos enjoy our food it makes my heart that much bigger when I see other nationalities enjoying our food,” said Dava. And finally Jason Angeles of Frozen Kuhsterd is offering a new take on the popular Filipino dessert. His creation is a “churro” kouign amann sandwich which is a caramelized croissant drizzled with cinnamon sugar and with frozen custard in the middle. Jason also offered a shot of vanilla bean custard soaked in root beer. This Pinoy chefs agree that Filipino cuisine is becoming more and more popular in the mainstream.
JORDAN CLARKSON Hindi makakasali sa Gilas 2015 dahil sa paghahanda niya sa 2015-2016 NBA season
VIN DIESEL Sets to make XXX: Return of Xander Cage in the Philippines this December KRISTINE CAYABYAB “Sabi niya magaling daw po akong basketball player. Ipagpatuloy ko daw po ‘yun.”
PORK STEW RECIPE A mild flavor taste that is just right to the palate.
MONTH
LAGUNA AT BULACAN Pinagpala ang Pilipinas hindi lamang sa pagkakaroon nito ng likas na yaman, kundi maipagmamalaking mga produkto na nagdadala ng kabuhayan at karangalan.
MISIS CHITO MIRANDA "But inspite of everything, Neri chose to remain positive, fighting through her depression.
RYZZA MAE SHOW MAMAMAALAM NA SA ERE Mawawala na sa ere ang morning talk show ng pinakabatang TV host sa ‘Pinas na si Ryzza Mae Dizon. Pero hindi ibig sabihin nito ay hindi na mapapanood si Aling Maliit dahil ang kapalit ng programa ay ang pinagbibidahan n’yang Princess in the Palace. Ang Princess in the Palace, na may dating title na First Daughter, ay tatampukan pa rin ni Little Miss Philippines 2012. Makakasama n’ya rito ang isa pang former Little Miss Philippines finalist na si Aiza Seguerra at pati na ang award –winning actress na si
Eula Valdez. Kung sa The Ryzza Mae Show ay nasabak sa hosting si Ryzza, kaabang-abang naman ang kanyang bagong ipapamalas na acting sa kanyang serye kung saan sasabak s’ya bilang anak ng presidente na ginagampanan ni Eula at body guard naman n’ya si Aiza. As of press time, wala pang inilalabas na eksaktong airing date ito pero ayon sa balita ay nitong Setyembre na eere. Halos dalawang taon din ang itinagal ng The Ryzza Mae Show na unang nai-broadcast noong April 8, 2013. Kinagiliwan ang kanyang show dahil kahit malalaking artista ay gustong magpa-interview sa kanya gaya nina Susan Roces, Kris Aquino, Marian Rivera at iba pa. Samantala, sa ilalim ni Mike Tuviera ang direksyon ng Princess in the Palace na kinabibilangan din nina Ciara Sotto-Oconer, Marc Abaya, Dante Rivero, Valeen Montenegro, Miggy Jimenez, Neil Perez, Kitkat at Boots Anson-Rodrigo.
TOP NEWS THIS
PINOY-BIZZ
September 2015 First Issue
Free Newspaper
Pinoy-local 2
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
SEPTEMBER 2015 I FIRST ISSUE
page 2
cover story
MULA PAHINA 1 Kinumpirma naman ni SBP Executive Director Sonny Barrios na na mayroong Philippine passport si Jordan mula pa noong 12 anyos palang ito kung kaya’t hindi na nito kailangan dumaan pa sa naturalization process upang makapaglaro para sa national team. Kabilang si Jordan sa 24-man pool ni Coach Tab Baldwin para sa national team, kung saan nakumpirma na rin ng Samahang Basketball ng Pilipinas na mayroon ang Los Angeles Lakers guard na Philippine passport.
No Remittance Friday hindi ikinabahala ng Palasyo
Siyam na special non-working days sa darating na 2016
Nilagdaan ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. ang Proclamation No. 1105 nitong Agosto 20 kung saan mayroong 10 regular holidays at siyam na special non-working days.
REGULAR HOLIDAYS New Year's Day Maundy Thursday Good Friday Araw ng Kagitingan Labor Day Independence Day National Heroes Day Bonifacio Day Christmas Day Rizal Day
SPECIAL (NON-WORKING) DAYS Chinese New Year EDSA People Power Revolution Black Saturday Ninoy Aquino Day All Saints Day Additional special (non-working) day Additional special (non-working) day Additional special (non-working) day Additional special (non-working) day
Biyernes Huwebes Biyernes Sabado Linggo Linggo Lunes Miyerkules Linggo Biyernes
February February 25 March 26 August 21 November 1 January 2 October 31 December 24 December 31
Lunes Huwebes Sabado Linggo Martes Sabado Lunes Sabado Sabado
X-Ray machines at K9 dogs nakikitang solusyon ng BOC Matapos iutos ni Pangulong Benigno Aquino III na itigil ang pagbubukas ng balikbayan box ay sinabi ni Bureau of Customs Commissioner na si Alberto Lina na gagamit na lamang sila ng x-ray machines at K9 units upang masuri ang mga pinapadala ng mga overseas Filipino workers (OFW) papasok ng bansa upang masugpo ang isyu ng smuggling. “We are already looking into ways of acquiring K9 units and additional CCTV cameras for our ports through emergency procurement,” ani Lina. Kasabay nito ay nanawagan din si Lina sa m ga m a m b a b a t a s n a i p a s a n a a n g Cu s to m s Modernization and Tariff Act na layuning gawin simple patakaran ng BOC.
Samson Jr. pormal na naghain ng kasong illegal detention laban sa INC
Hindi ikinababahala ng Malacañang ang pagdedeklara ng grupo ng overseas Filipino workers’(OFW) ng “No Remittance Day” nitong nakaraang Agosto 28 bilang protesta sa Bureau of Customs (BOC). Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na nirerespeto nila ang karapatan ng mga OFW na magpahayag ng kanilang saloobin. “Noon naman ay walang naiulat na masamang epekto ito. Kaya kung ‘yon ang pagbabatayan ay tila wala naman tayong dapat ikabahala hinggil dito,” wika ni Coloma ngayong Miyerkules tungkol sa ginawang “No Remittance Day” noong 2013. Sa kabila nito ay pinaalalahanan ng palasyo ang mga OFW na isaalang-alang ang kanilang mga kamag-anak dito sa Pilipinas. “’Yon namang pagpapadala ng kinita, kung tutuusin natin, ay personal na pagpapasya ng bawat manggagawa at ang kanilang pinagpapadalhan ay ang kanilang mahal sa buhay—pamilya na tinutustusan, sinusuportahan, at binibigyan ng kalinga,” banggit ng tagapagsalita. “Kaya sa kanilang pagpapasya isasaalang-alang nila na, kung ano man pagpapahayag ng kanilang saloobin, kailangan pa rin nilang maiparating ‘yung mga remittance na ‘yon. Maaaring maantala ito ng isang araw pero hindi naman siguro ito nila iniisip na huwag ipadala,” dagdag niya. Ang grupong Migrante ang napabalitang maglulunsad ng “No Remittance Day” bilang protesta sa buwis na ipinapataw sa mga balikbayan box at maging ang naging manu-manong pagsusuri ng BOC sa mga ito.
January 1 March 24 March 25 April 9 May 1 June 12 August 29 November 30 December 25 December 30
Naghain na ng kasong illegal detention ang dating miyembro at itiniwalag na ministro ng Iglesia Ni Cristo si Isaias Samson Jr laban sa walong pinuno ng religious organization. Ayon kay Isaias Samson Jr. na sumailalim ang kaniyang pamilya sa house arrest matapos maglabas ng blog na may titulong “Iglesia Ni Cristo Silent No More.” “Sila ang unang nagtulak sa amin doon sa ginawa nilang kung tawagin ay house arrest at pagkatapos nang kami ay makatakas ay tinutugis pa kami. Ginagamit nila pati mga pulis,” wika ni Samson sa ABSCBN News. Inirereklamo ni Samson sina: Glicerio Santos Jr. Radel Cortez Benvenido Santiago Sr. Mathusalem Pareja Rolando Esguerra Erano Codera Rodelio Cabrera Maximo Bularan Sinabi pa ni Samson na nakatakas lang sila matapos magkunwaring pupunta ng simbahan. Aniya maging ang kanilang mga pasaporte ay kinumpiska, habang pinutulan sila ng linya ng telepono. Kinuwestiyon din ng itiniwalag na ministro ang mga proyekto ng INC, partikular ang relief operations para sa mga biktima ng bagyong Yolanda kung saan P9 milyon ang hiningi ng pinuno ng Sanggunian gayung P1.7 milyon lamang ang hiningi ng mga organizer. Dagdag niya na pinuwersa rin siyang magsinungaling at pabulaanan ang mga paratang nina Tenny at Angel Manalo na may mga ministrong dinukot.
“Under the same Act, it is important to note that we have been pushing for the increase of the de minimis value, or the threshold value for taxable imported goods, from the current P10 in duties, taxes and charges for the benefit of our OFW kababayans,” dagdag ng pinuno ng customs. Nakipagpulong na rin si Aquino kina Lina at Finance Secretary Cesar Purisima upang mapagusapan ang isyu sa mga binubuksang balikbayan box. Maraming OFW ang umalma dahil sa pagkalikot sa kanilang mga pinaghirapang padala para sa mga kanilang kamag-anak sa Pilipinas.
Pagsasapubliko ng Mamasapano report iniaapela sa Kamara Ayon kay Antipolo Rep. Romeo Acop, Magdalo Reps. Ashley Acedillo at Gary Alejano at Act CIS partylist Rep. Samuel Pagdilao, nakakapagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nailalabas ng House Committee on Public Order and Safety at Peace reconciliation and Unity ang kanilang joint investigation sa nasabing insidente kung saan ikinisawi ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force. Matagal na umanong tapos ang imbestigasyon at matagal na rin nailabas sa Senado at Department of Justice (DOJ). Giit ni Acedillo, kung hindi isasapubliko ang Mamasapano report ng Kamara ay masasayang ang oportunidad para magkaroon ng closure ang nasabing isyu. Nagbabala naman si Pagdilao na kung magmamatigas ang dalawang komite na huwag ilabas ang report ay sila na mismo ang maglalabas ng report sa publiko. Aminado ito na hawak nila ang draft ng report at kasalukuyan nila itong nire-review kasabay ang pagpasok sa report ng sarili nilang pananaw sa malagim na insidente. Bukod dito, inoobliga rin ng tinaguriang Saturday group sa Kamara si Justice Secretary Leila de Lima na pangatawanan na ang pangako sa Kamara na isampa na ang kaso laban sa mga tauhan ng MILF, BIFF at Private Armed groups na pumatay sa SAF 44. Nagbabala si Acedillo kay de Lima na kung hindi ito magagawa ng kalihim ay ito ang unang isyung ibabato rito sa oras na tumakbo ito sa pagka Senador.
pinoy-global 3
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
SEPTEMBER 2015 I FIRST ISSUE
page 3
MODERN DAY ALADDIN going to make your dream come true”, what will you do? A. Scream? B. Laugh out Loud? C. Cry? On this modern day, who would’ve imagine that there will be a trueto-life genie not in the bottle nor in the lamp but a total stranger who will offer to make your dream come true. So imagine, Joon Tianzon, co-owner of the Qaldi Coffee Bar in Putatan, Muntinlupa. He was just a simple Information Technology graduate, who had a stint in graphic design abroad, finally met his very own genie-in-a-bottle/lamp. One day, he met this young middle-eastern businessman who can speak Filipino, (which he was really amazed) and asked him about his future plans. Then he quipped of having his very own cyber cafe back in Manila. “When do you plan to do it?” “Maybe 10 years from now, I still need to save up”. “So, what if, I make your dream come true tonight?” Joon didn’t think twice, he immediately accepted the challenge. He went home, prepared his powerpoint presentation and landed him to
J
having his very own cyber cafe, the QALDI. His love for coffee and passion for redefining the concept of “cybercafe” into a more innovative version gave him the chance of his
ust like in the animated musical fantasy film of
lifetime.
Walt Disney, Aladdin, the lead character is a
Joon also wanted to introduce Middle Eastern cuisine in the vicinity
typical boy and most of the time called a street rat
of Muntinlupa but unfortunately, that would require him hiring Syrian,
because of his life status. But not until one day,
Jordanian or Pakistani national to achieve that authentic taste.
a genie appeared and granted him 3 wishes. On
Instead of getting frustrated, he decided to offer a different set
which at the end of the story gave him, wealth and
of menu. An easy-to-prepare but something unique to satisfy the
his love, and the genie’s freedom from the lamp.
Muntinlupenio palate.
So what if one day, this same scenario will
happen to you? A genie will appear in front of you and tells you “I’m
XXX: Return of Xander Cage will start shooting this December in Philippines
It's been more than a year since we heard anything about XXX: Return of Xander Cage. Vin has confirmed his return to the franchise way back in July 2014. But since then, he's been busy making sure Furious 7 was one of the biggest hits this year. And then he also has to make sure that people are aware of his new movie The Last Witch Hunter this October. The actor finally gave an update on his comeback movie sequel. In his latest instagram post Vin suprisingly very welcome news. " While I was Filming XXX, guys on set called me Air Diesel... The Time to return has come. Filiming starts this December in the Philippine." Yup that's right! Xander Cage's long awaited comeback will start shooting at the end of this year. Though Sony Pictures has no confirmation yet about the movie, Vin seems to think his long awaited return as Xander Cage will happen soon. So, it sounds like production starts on the action sequel before Furious 8, which already has a set release date of April 2017. Though, at this point, absolutely nothing else about the movie has been confirmed. Vin Diesel seems like a reliable source, but sometimes, even the actors get it wrong. Perhaps he's being over enthusiastic. It's happened before. Vin Diesel is slowly but surely becoming the king of franchises. Not only does he have another xXx and Fast & Furious lined-up, he has already announced the sequel The Last Witch Hunter 2 for 2018. And he's said in the past that Universal Pictures is very serious about making Riddick 4. There is no question that the actor is one of the biggest action stars on the planet.
From a simple overseas worker, now, Joon is the brain and heart of the Best Gourmet Coffee Restaurant in Metro Manila.
Raymond Martin scores another Gold Medal Four-time Paralympic gold medalist Raymond Martin did it again at the 2015 Parapan America Games in Toronto, Canada last Saturday. The Filipino American wheelchair racer took home three gold medals in the T-52 100, 400, and 1500 meters track and field races. Martin also set Parapan Am records in the T-52 400 and 1500 meter races. With a 2015 IPC Marathon world title already won this year, Martin looks forward to defend five world titles at the IPC Athletics World Championship in Doha, Qatar in October. Martin says he will keep working on his favorite race, the 1500 meters, so he could get better and better.
Team USA got a total of 40 gold medals, placing third overall. Brazil came in first place with 109 gold medals and C a n a d a w i t h 5 0 gold medals.
Kristine Cayabyab, Earned praises from Lebron James
Back in 2013 when Lebron James visited the Philippines the 15-year-old Kobe Paras stole the spotlight with a dunk right in front of the NBA superstar. It was the start of Kobe's rise to the radar of the basketball world, with fans dubbing him as "the kid who dunked on Lebron." This time it was the turn of a young Kristine Caybyab a 12-year-old student who showcased her talent -front of the 4time MVP watching on the sidelines. One of the final players hand-picked by former national team coach Chot Reyes to make up the Rise team from a group of street-ballers gathered from all over the country. Cayabyab hailed from Dagupan City, Pangasinan, she was the only girl among the crowd favorite during the exhibition game at the Mall of Asia. With Paras and athletic PBA forwards Chris Ellis
and Cliff Hodge executing dunks one after the another, Cayabyab did not make much noise in the first half of the game. But her moment of truth came at the halftime during the three point shootout, when she was called by Reyes to be an additional contender after Ateneo's Thirdy Ravena and Perlas Pilipinas Captain Ewon Arayi tied for 11 points. To the delight of the full house crowd, the 5-foot-8 kid found her ryhtym early, draining three-pointers one after the another emerging as the runaway winner with 15points. But nothing beats the acknowledgment she received from King James himself, who even defended against her during the game and hugged her after the buzzer. “Binantayan niya po ako, niyakap niya po ako. Di niya po ako pinaalis,” Cayabyab said. “Sabi niya magaling daw po akong basketball player. Ipagpatuloy ko daw po ‘yun.” The Cleveland Cavaliers forward also gave her an autographed ball and signed her basketball shoes. “Masayang-masaya po ako dahil binigyan niya po ako ng bola. Ako lang po ‘yung kaisa-isang binigyan niya ng bola sa team namin,” she said. Just as it did for Paras, the rare opportunity to play with James could be a life-changing encounter for Cayabyab, who aims to be a member of the women’s national basketball team in the future. “Masayang-masaya po dahil hindi ko po akalain na makakalaro ko si LeBron,” she said.
pinoy community 4
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
SEPTEMBER 2015 I FIRST ISSUE
page 4
PREP TIME 10 MINS
Distributer: Publisher:
Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle
otato Pork & p ecipe Stew R
FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT
jaggeraziz@gmail.com
The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.
Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com
The consistency and overall taste of Pork and Potato Stew. The all-purpose flour did a great job in making the sauce thick, while the spices blended together to create a mild flavor taste that is just right to the palate. You could use pork shoulders for this recipe. Beef can also be used, but you can add more cooking time to make the beef tender. The chicken stock, on the other hand, was used for a purpose. Pork and chicken taste good when combined and that is the simple reason why I used chicken stock.
COOK TIME TOTAL TIME 60 MINS 1HR 10MINS
INGREDIENTS • 2 lbs. pork, sliced into cubes • ½ cup all-purpose flour • 3 tablespoons cooking oil • 1 medium yellow onion, chopped • ½ cup chopped celery stalk • 1 teaspoon dried thyme • 1 teaspoon dried oregano • 3 pieces medium plum tomato, wedged • 2 large baking potato, sliced into cubes • 2 cups chicken stock. • Salt and ground black pepper to taste INSTRUCTION • Heat the cooking oil in a cooking pot. • Dredge the pork slices in all-purpose flour. Pan fry until the color turns medium brown. • Add onion, tomato, and celery. Stir and cook for 5 minutes in medium heat. • Add thyme and oregano. • Pour-in the chicken stock; let boil. Cover and simmer for 45 minutes while stirring every 10 minutes. • Add the potato. Cook for 10 to 12 minutes in medium heat. • Once the texture thickens, add salt and pepper to taste. • Transfer to a serving plate. Share and enjoy!
tara-let's 5
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
2015 SECOND I FIRST ISSUE SEPTEMBER 2014 issue
page 5
LAGUNA AT BULACAN
TUKLASIN ang produktong maipagmamalaki sa 'pinas
sa patok sa footwear, sikat naman ang Baliuag Bulacan
burnt Lowland o Ibabang Nasunog dahil sa maabong
Festival na kung saan ibinabandera ang kanilang mga
pagsabog ng bulkan. Samantala, masasabi ring ‘Little
sa kanilang kabigha-bighaning sombrero.
Ang Baliuag ay may tinatawag na Buntal Hat
sombrero na hinabi sa hibla ng buntal na mula naman sa buri palm. Ayon sa National Commission on Culture and the Arts (NCCA) ay itinatag pa noong
1732 ng pareng Agustino ang Baliuag. Bunsod nito, naging simbahan at makasaysayang landmark dito ay
ang Saint Augustine Parish Church na itinatag noong May 15, 1733.
May Asim ang saya sa Paombong, Bulacan
P
Isa pa sa dapat na madalaw sa Bulacan ay ang
Paambong na sikat sa kanilang natatanging suka. Ang sukang Paombong ay mula sa katas ng sasa o nipa
palms na sagana sa lugar. Subalit, hindi lang naman suka ang mayroon sa Paombong at ang pagdiriwang
nila ng Biyernes Santo partikular na sa Brgy.
inagpala ang Pilipinas hindi
Kapitangan.
lamang sa
pagkakaroon nito ng likas na yaman, kundi
“It’s not only the vinegar we are famous for, not
produkto na nagdadala
Kuha at teksto ni Jane Gonzales
ng lalawigan ay may
pang sikat na simbahan ng Nagcarlan Church.
maipagmamalaking mga
ng kabuhayan at
karangalan. Halos lahat kani-kaniyang likha gaya
ng lutong pagkain, kagamitan, sining at iba pa. Kaya naman sa paglalakbay sa Pilipinas ay kaabang-abang na makapag-uwi ng mga pasalubong na ito at
makadiskubre ng iba pang produkto. Narito ang ilang halimbawa:
Matibay at Magagandang Tsinelas sa Liliw, Laguna
Nakakaaliw magliwaliw sa Liliw, Laguna lalo na
kapag Liliw Gat Tayaw Festival. Sa okasyon kasi na ito
ay sari-saring pakulo ang makikita bukod pa sa pamimili ng kanilang pambatong produkto, tsinelas.
Pero hindi naman kailangan may kapistahan para
dapat na mapadako sa lugar lalo na kung hanap mo ay pagsisimba at pamimili ng matibay na suot pang-paa. Sa Liliw makikita ang baroque style church ng St. John
the Baptist Parish na itinatag noong 1605 at nabuo
noong 1646. Samantala, hindi rin nalalayo rito ang isa
Dahil sa sikat at dekalibreng sandals at tsinelas,
pormang-porma na nga ang footwear industry sa
lugar. Makakabili ka rin dito nang naggagandahang
bag at sapatos sa mas murang halaga at mas mahusay na kalidad. Samantala, sinasabing ang Liliw ay
itinatag noong panahon ni Gat Tayaw noong 1571. Ang pangalan naman nito ay nakuha mula sa huni ng isang magandang ibong dumapo sa kawayan na itinayo ng bataan ni Gat Tayaw noon.
Ipandong ang ‘Fashionable’ sumbrero ng Baliuag, Bulacan
Isa ang Bulacan sa masarap na libutin, dahil hindi
ito kalayuan sa Manila at may kani-kaniyang maipagmamalaki ang bawat bayan. Katunayan, isa sa normal tanong kapag nalaman na taga-Bulacan ang
isang kakilala ay saan siya sa Bulacan. Kung ang Liliw
only the Cuaresma, but also the people themselves, the artists, “saad ng fashion designer at art collector
na si ni Jose Clemente sa panayam sa kanya ng Agung.
“We are very proud to have Teodoro Buenaventura
who we consider the ‘Father of the Bulacan Artists.’ He
is one of the founders of the UP Fine Arts Department, one of the professors of Fernando Amorsolo. He’s just
one of those multi-awarded (personalities) from
Paombong. Not only him but also Miguel Galvez,
Tomas Bernardo. Cesar Buenaventura, Alfred Buenaventura, Jose Marasigan, and Macario Pahati.
“There are the senior masters of Paombong. For the junior masters of Paombong, (we have) Froiland
Calayag, Walbert Bartolome, Abi Dionisio because
they are grand winners. They won at Petron Metrobank and Philip Morris (art competitions). “
Little Baguio at Pandan sa Luisiana, Laguna
Kung sagana sa nipa palms ang Paombong,
mayaman naman sa pandan ang mga taga-Luisiana,
Laguna. Kaya naman hindi kataka-taka na sari-saring produkto ang kanilang nalilikha mula rito gaya ng bayong, bag at sombrero.
Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, tinatawag dati na
Chiba Ken Funabashi Shi Honcho 2-6-1 K-Mall Nibankan 3F
kalupaan nito. Pero ayon umano sa mga volcanologist ay lahar pala ito o pyroclastic materials mula sa Baguio’ ang Luisiana dahil sa malamig na klima kahit pa sa panahon ng tag-init.
“Although Luisiana is a fourth class municipality,
the place is quiet and conducive to rest and relaxation,” sabi ni Engr. engineer Mario S. Baldovino,
Municipal Planning and Development Coordinator sa panayam sa kanya ng Manila Bulletin. “It has a zero crime rate.”
Bukod sa pandan ang ibang pang produkto ng
Luisiana ay bunliw, kawayan, kopra at palay. Ang
interesanteng mapuntahan dito ay mga kweba gaya ng
Butas Kabag at Simbahang Bato; at talon tulad ng Maapon, Limbun-limbon, Lagaslas, at Aliw.
pinoy na pinoy 6 page 6
Virgo - Aug. 23 - Sept. 23
Sa gitna ng hindi kainaman na sitwasyon ay nakakaramdam ka ng positibong pakiramdam na nais mo rin sana ipadama sa iba. Bukas ka ba sa pagkaakroon ng salo-salo para sa iyong mga kaibigan o kamag-anak? Gawin mo kung kaya naman at may panahon. Kung ikaw ang magbibigay ng inspirasyon sa iba ay hindi na masama. Sayang din naman ang pagkakataon na mayroon ka, dahil ang totoo ay hindi sa lahat ng panahon ay lagi kang masaya at handa mong ibahagi ang iyong sarili sa iba. Palagi mo lang analisahin ang estado ng iyong pananalapi.
Libra - Sep. 24 - Oct. 23 Mabuti rin naman ang pagkakaroon ng oras para sa iyong sarili at malayo sa sosyalan. Sa ganitong mga pagkakataon ay nakikilala mo ang iyong sarili at naibababalik mo ang sigla ng iyong enerhiya. Dagdag pa rito ay kapag nakakapagnilay ka nang mabuti ay mas mabuti ang mga nagiging desisyon mo. Gayon din ay mas tumataas ang iyong kumpiyansa sa iyong sarili at naipapahiwatig mo ag iyong tunay na nararamdaman. Hindi naman kailangan na mahabang bakasyon, puwede na ang simpleng treat gaya ng spa o pagliliwaliw sa isang tahimik na park.
Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22 Ang iyong determinasyon ang susi para makamit mo ang trabaho na iyong ibig. Kakayanin mo na matutuhan ang mga bagay na may kinalam dito at pati na ang makumbinse ang mga tao na nais mong maging bahagi ng iyong proyekto. Nakakapagod at kung minsan ay nakakawalang gana lalo na kapag may sasagabal sa iyong daan. Pero kung talagang gusto mo ay hindi mo lamang ito malalagpasan kundi tuluyan mo pang maiaalis sa iyong paglalakbay. Kaya mo ‘yan, ito na ang oras para maglakas-loob ka para sa iyong kinabukasam.
Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21
Ganado ka na makisama para mapabuti at maging exciting ang iyong pagtatrabaho. Mahusay na hakbang iyan hindi lamang upang maging mahayahay ang trabaho kundi para magkaroon ka rin ng progreso. Sa pakikisama ay may natutuhan ka sa mga bagay kasama na halimbawa sa bagong technology, saan lalapit at ano ang motivation na iyong kailangan. Kung tama ang iyong pananaw, hindi magtatagal ay matitikman mo rin ang tagumpay dahil lang sa iyong mahusay na pakikisama.
Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20
Tila ba dumadaan ka sa sitwasyon na hindi mo lang kailangan na magdesisyon, kundi katingkati ka na rin na isakatuparan ang matagal isang matagal nang ideya. Ipursige mo, marami namang paraan para magawa mo ito na hindi mo na kailangan sumugal nang todo. Subukan mong pag-aralan ang larangan na iyan sa pamamagitan ng pormal na edukasyon o kaya naman ay self-estudy. Makakatulong din naman ang paglalakbay para gumaan at makapag-isip ka pa ng mabuti. Nasa personality mo na kapag talagang ano ang gusto mo ay pinagsisikapan mong mangyari.
Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19 Pumapasok na rin sa isipan mo ang pagnenegosyo. Maganda iyan lalo na kung handa ka rin na makipagpareha sa mga taong maalam na rito at masigasig ka sa pagbabasa ng mga magazine o libro. Subalit, kailangan mo rin tandaan na sa pagnenegosyo ay hindi lamang pera at panahon ang mahalaga. Kasama na rin dito ay mga handa mong isakripisyo gaya na lamang ang pagbili ng kung anu-ano nang hindi pinag-iisipan. Isa pa’y iba iyan sa takbo ng pagtatrabaho at pakikipagrelasyon, huwag kang malito.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
SEPTEMBER 2015 I FIRST ISSUE
Pisces - Feb. 20 - March. 20 Kung hindi ka man sinuswerte sa pera ngayon ay pinagpapala ka naman sa dami ng kaibigan at mga taong natutuwa na ikaw ay makasama. May koneksyon ang mga ito, hindi para marami kang mautangan kundi para makahingi ka ng payo o kaya naman ay rekomendasyon. Sa tulong nila ay unti-unti ay malalaman mo kung ano ba talaga ang problema at nang makahanap ka ng agaran o mahusay na solusyon. Huwag kang mawalan ng pag-asa sa buhay, marami kang puwedeng lapitan at makakapitan.
Aries - March. 21 - April. 20 May gantimpala ang naglalakas-loob kahit hindi pa alam ang posibleng mangyari kaysa doon sa pinangungunahan ng takot. Gamitin ang iyong tapang sa pagharap sa mga oportunidad at maging sa maaaring humadlang sa iyo. Kung pakikinggan mo ang itinitibok ng iyong puso at maniniwala ka sa iyong magagandang katangian ay marami magiging posible na imposible. Kung nagkataon naman na makaranas ka ng pagkabigo, wala kang pagsisihan dahil ginawa mo ang iyong magagawa.
Taurus - April. 21 - May. 21
Sa totoo lang ay ikaw ay mapagkumbabang tao, iba lang ang pagtingin sa iyo ng iba at kung minsan ay ikaw na mismo. Akala nila ay mayabang ka na kapag nakukuha mo ang iyong mga gusto at proud na proud ka sa iyong tagumpay. Wala kang dapat ipag-alala sa sasabihin ng iba dahil karapatan mong maging masaya at makamit ang iyong mga pangarap dahil unanguna ay praktikal ka sa buhay. Lagi mo lang tandaan na sa halip na maging masalita ay maging masigasig ka sa paggawa at pag-intindi ng sarili mong mga gusto.
Gemini - May. 22 - June. 21 Ginaganahan ka na gawing pormal ang iyong mga dati ng pinagkakaabalahan. Gaya na lamang ng pagkakaroon mismo ng work station sa iyong tahanan, sa halip na sa kung saansaan ka gumagamit ng laptop. Maganda rin na gawin na talagang home-based business ang iyong sideline lalo na kung dumarami na ang iyong order. Parang nakakatakot at nakakalula ang gastusan pero kung hindi mo susugalan ay baka hindi mo rin magawa ang iba mo pang gustong gawin tulad ng pagbili ng sariling bahay o kotse.
Cancer - June. 22 - July. 22
Kung gusto mo na mapalawig pa ang iyong karera dapat matuto ka ring sumubok ng ibang ideya. Halimbawa na lamang kung nasa larangan ka ng marketing, hindi mo lang tutukan ang pagbibigay ng flyers o paggawa ng plano. Kung gusto mong lumawak pa ang iyong network ay magiging masigasig ka rin sa pagdalo sa mga events o kaya paggamit ng social media para sa iyong trabaho. Maaaring may mga bagay na wala naman sa job description mo para pagukulan ng panahon. Subalit, malaki ang maitutulong sa iyong pag-abante kung ikaw ang tipo ng tao na gumagawa ng extra-ordinary.
Leo - July. 23 - August. 22
Marami kang makakamit na tagumpay kung pagaganahin mo ang iyong imahinasyon at bibilisan mong gumalaw. Iba rin yung may “sense of urgency” sa iyong balak dahil para rin iyang de-latang pagkain, puwedeng kainin bukas o mamaya pero ‘pag pinatagal mo ay mage-expire din. Kaya naman kung nand’yan na at may pagkakataon ka ay gawin mo na ang aktibidad na trip mo. Madali rin kasing nag-e-expire ang inspirasyon at gana, na kailangan na kailangan mo parati para maging produktibo.
pinoy-BiZz SEPTEMBER 2015 I FIRST ISSUE
AlDub hits another Breakthrough
Bago ang Agosto 29 ay ang pagbisita pa ni Pope Francis ang may hawak na pinakamataas na tweet sa Pilipinas sa bilang 3,341,021 para sa hashtag na #PapalVisit. Subalit sa loob ng isang araw ay nalagpasan ito ng
Misis Chito Miranda, nakunan din
Hindi lamang ang misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez ang nakunan, kundi pati pala ang maybahay ni Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda. Dalawang buwan na ang nakakaraan nang malaglag ang sanggol sa sinapupunan ni Neri Naig pero kailan lang nasiwalat nilang mag-asawa. “It is true that we lost our baby a few months ago. Pinili lang namin na 'wag na lang pag-usapan publicly kasi it was something that we’d rather deal with privately kasi sobrang sakit para sa amin at sobrang hirap ng pinagdaanan namin lalo na para kay Neri,” mensahe ng vocalist-songwriter sa Instagram. Ang sana’y ipinagbubuntis ng 29-year old All of Me star ay una nilang anak. Ibinahagi rin ng Harana singer ang kanyang paghanga sa kanyang asawa dahil sa katatagan nito sa kabila nangyari. “But inspite of everything, Neri chose to remain positive, fighting through her depression. That’s how
page 7
#AlDubMaiDenHeaven na pumalo sa 3.5M tweets sa loob lamang ng isang araw. Bukod pa rito ay isa pa lang sa mga love team sa bansa ang nakakuha ng ganitong klaseng record. Laking pasasalamat, hindi lamang nina Maine “Yaya Dub” Mendoza at Alden Richards sa kanilang fans kundi ng mga taga-Eat Bulaga sa malakas na suporta na kanilang natatanggap. “Hindi naman siguro daramdamin ng Pope dahil may “heaven” naman ang #ALDUBMaiDenHeaven, so...GO tweet in heaven’s name!#3MillionPaMore,” mensahe ng veteran comedian –TV host na si Joey de Leon sa kanyang Twitter. Samantala, lumawak pa ang kwento sa Kalye Serye na nakapaloob sa Juan for All, All For Juan sa segment ng longest-running noon time show. Kung umalis na ang karakter ni Jose na si Frankie Arrinoli, ay bumalik naman ito bilang si Tinidora na kapatid ni Lola Nidora ni Wally. Kasama na rin sa kwento si Paolo Ballesteros na gumaganap naman bilang si Tidora at s’yang pinakabata sa magkakapatid. Sa kaso naman ni Alden na nasa ibang location pa rin at hindi pa nakikita na kasama ni Maine sa iisang screen ay gumagawa ng mga task na inuutos ni Lola Nidora. Ilan na rito ay pagpuno ng tubig sa isang malaking bathtub at pagkuha ng mga sili sa isang Olympic size pool. strong my wife is. Being strong doesn’t mean that one has the ability to feel no pain. Being strong means being able to fight through pain no matter how difficult things get. I love you Ms.Neri,” patuloy ni Chito. Pagkatapos na makahiwalayan si Kaye Abad ay si Neri Naig ang uling nagpatibok sa puso ni Chito. Tatlong taon din ang kanilang relasyon bilang magkasintahan bago mag-propose ng kasal ang singer sa aktres.
I
binunyag ng Pep.ph reporter na si Arniel Serato
na may umuugong na malawakang tanggalan sa TV 5 at kasama ang buong entertainment
department sa apektado. Ayon pa sa ilang
source ni Serato ay mas pagtutuunan ng
network ang digital content nito.
Hindi malinaw kung nalulugi na ang kompanya pero
matagal ng nababalita na mahina ang naipapasok na
pera nito. Isa sa nabanggit na pangalan ay si Wilma
Galvante, na Chief Entertainment Content Officer ng kompanya, sa aalis umano sa puwesto. Dagdag pa sa
report ay dapat sa susunod na taon pa ang expiration ng kontrata nito pero inalok daw ito i-buy out ng TV 5.
Sa ngayon ay hindi pa nakakapanayam ang lady boss na dating Vice President for Entertainment ng GMA.
Samantala, interesado naman ‘di umano sa
outsourcing at kumuha ng mga block timer ang Kapatid
Network gaya na lamang ng IdeaFirst Company
ng mag-asawang direktor ng Perci Intalan at Jun Lana. Sila ang producer ng LolaBasyang.com at #ParangNormalActivity
“Ang alam lang namin na balita, by September or
October, parang mawawala na yung entertainment
[department] ng TV5, at magiging digital na, parang ganun,” saad ng isang source.
Samanatala, ibinahagi rin ng entertainment site ang
Richard Gomez grabs another medal for Fencing Kamakailan lang ay ipinalabas na sa mga sinehan ang pelikula ni Richard Gomez, kasama sina Bea Alonzo at ang kanyang pinakakilalang ka-love team noon na si Dawn Zulueta. Dagdag pa rito ay kasama rin siya sa liga ng volleyball team ng Pilipinas. Bukod pala sa mga ito ay may angas pa rin pala si Goma pagdating sa fencing. Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ay ibinahagi ng premier actor at premyadong sportsman ang kanyang bagong achievement. Sa kauna-unahang Asian Master’s Fencing Championship na idinaos naman sa PhilSports Comple, Pasig City mula August 28 hanggang 30 ay nanalong ng gold medal ang 49-year old movie star. “Thank you, Lord! Thank you for the support of my teammates and coach Benny. Thank you for the continous support of my lovely wife [Lucy Torres Gomez],” mensahe ng aktor sa Facebook. Samantala, tumabo rin sa takilya ang kanyang pelikula na The Love Affair na ayon kay Star Cinema Ad Prom manager Mico del Rosario ay kumita ng 15M sa pagbubukas nito sa mga sinehan. Ang kwento ng pelikula ay umiikot sa hinala ng karakter ni Richard na ngangaliwa ang kanyang asawa na ginagampanan ni Dawn. Bunsod naman nito ay mapapalapit s’ya sa role ni Bea na isang abogado sa movie. Dahil sa mag-asawaa ng ginagampanan nina Richard
TV5 focuses on Digital Content, offers limited seperation program for employees
at Dawn ay nagkaroon ng maselang eksena ang dalawa na dapat abangan ng kanilang mga fans. Bagaman may kanya-kanya ng asawa ang dalawa na nagkataon ay parehong nasa pulitika, si Lucy Torres ay congressman sa Ormoc, Samar at si Anton Lagdameo ay representative sa second district ng Davao del Norte, ay kinakikitaan pa rin ang spark ang kanilang tandem. Isang dahilan na rin dito ay nauwi sa tunay na buhay ang kanilang pagmamahalan pero naghiwalay din. “Pinag-usapan talaga namin ni Direk kung paano gagawin [‘yung scene with] with Dawn. Tinanong ko rin si Dawn, kasi it’s [a] very sensitive [scene]. Sabi ko, ‘Alam ba ‘to ng asawa mo?’ But siyempre, its up to her to explain to her husband that we’re actors doing our scenes together. I guess napag-usapan nila yun,” kwento ni Richard tungkol sa mainit nilang eksena ni Dawn.
ekplanasyon ni TV 5 CorpComm head na si Peachy Guioguio tungkol sa nasagap nilang balita. Ayon kay
Guioguio ay totoong nag-aalok ng separation package
ang TV station sa gustong mag-avail nito. Tungkol naman kay Galvante, hindi tuwiran sinagot ng TV5
officer ang tungkol sa pag-buy out at pag-alis sa
puwesto ni Galvante pero sinabi niyang kabahagi pa rin ito ng kompanya bilang producer.
Sa kaugnay na balita naglabas na rin ng opisyal na
pahayag ang TV5 na nagpapatunay na may pagbabagong
magaganap sa kanilang programming at sistema. Narito ang kabuuan ng pahayag:
“TV5 President and CEO Noel C. Lorenzana has
announced that a Special Limited Voluntary Separation
Program (SLVSP) is being made available to the network’s employees in order to give them a more flexible and beneficial opportunity to financially secure
their future. This is in line with the network’s thrust to streamline processes and be more cost-effective and efficient in meeting the viewers’ constantly changing
needs. TV5 appreciates its employees’ concerns for the
network’s future and enjoins everyone to help make this transition phase mutually acceptable to all.”
Ilan sa sikat na artista na napabilang sa Kapatid
Network ay sina Gelli de Belen, Ogie Alcasid at Janno Gibbs na kamakailan lang lumipat. Matagal na ring
exclusive TV5 star ang hunk actor na si Derek Ramsey na dating taga-ABS-CBN.