1 minute read
BES nakisabay sa eartquake drill
from Alingwan Newsletter
Gyth Acha-ol
Nakisabay ang mga magaaral, mga guro at magulang sa malawakang pagsasagawa ng National Eartquake Drill noongMarso9,2023.
Advertisement
Pinangunahan ito ng mga kawani ng Bureau of Fire Management- Paracelis sa kanilang pagbisita sa paaralan. Masusi nilang itinuro ang mga dapat gawin tuwing may lindol at sunog. Ipinalala nila na gawing makatotohanan at seryosohin ang pagsasanay na ito. Ito ay para maiwasan ang mga casualty tuwing may kalamidad lalong lalo na madalas na ang mga lindol na nagyayari sa ating bansa. Maayos naman na isinagawa ng mga bata ang “duck, cover and hold.”
Samantala nagpalabas ang pamahalaang lokal ng Paracelis ng mga precautionary measures tuwing may darating na bagyo at palatandaan kung gaano kalakas ang bagyo. Sinuri ang mga pwedeng evacuation centers at isa ang BES na lugar para sa mga evacues ng sitio Mabaclao at Masablang.
BES wagi sa sabayang bigkas
Sabay sabay na ipinamalas ng mga mag-aaral ng Balindan
Elementary School ang piyesa sa sabayang bigkas para makamit ang unang gantimpala sa online na kumpetisyon noong Nobyembre 2, 2022 sa distrito ng Paracelis North.
Sinalihan ito ng iba’t ibang mababang paaralan ng distrito. Ang programang ito ay ionrganisa ng Regional
Subcommittee for the Welfare of Children (RSCWC) at Regional Juvenile Justice Welfare Committee (RJJWC) para sa selebrasyon ng National Children’s Month at Justice Consciousness Week na may tema na “Kalusugan, Kaisipan at kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan.”
Layunin ng programang ito na mahasa ang mga bata na maipakita ang kanilang mga talento sa pagsusulat at pagbabahagi ng kanilang mga komposisyon para tawagin ang pansin ng lahat at ang mga kinakaukulan na pahalagahan at pangalagaan ang kapakanan ng mga bata.
Ang BES ang kakatawan sa distrito sa pandibisyong kompetisyon sa sabayang pagbigkas
Nagpamigay ng mga payong at mga school supplies. Bukod dito ay nagpakain din sila ng lugaw sa mga magaaral. Laking pasasalamat ng mga bata sa mga biyayang naipagkaloob sa kanila. “Maraming salamat at isa ang balindan ES ang napili na makatanggap ng mga regalo,” ani ni Mam Gladys LibanSchool Head.
Samantala, sinabi naman ng pamaunuan ng ASA na sila ay tumatanggap ng mga aplikante para sa scholarship. Kaya pinagsabihan ang mga magulang na magsumite ng