1 minute read
Kalinisan at Kaayusan
from Alingwan Newsletter
paghahanda para maiwasan o mabawasan ang mga pinsala at kung maari ay zero casualty. Palagi ring tandaan na ang may alam ang siyang alas at sandata sa
Kaya bago pa man tayo tuluyang malunod sa mga epekto ng sakuna, maging handa at makipagtulungan tayo sa pagbabantay at pagpapakitang mahal natin ang kalikasang ugat ng ating pagkabuhay.
Advertisement
Sa ngayon isinasagawa na ang earthwuake drill kada 2nd week ng buwan bukod sa quarterly drill.
responsibilidad ng Bawat Isa
Problema na ngayon ang santambak na basura. Ito na ay isang seryosong suliranin sa ating kapaligiran. Ang pagrerecycle ang nakita naming solusyon sa mga basura. Bilang magaaral, ginagawa naming kapakipakinabang ang mga bagay na patapon.
Inihihiwalay namin ang mga plastic, papel at mga cellophane. Ang mga plastic bottles ay pininturahan namin at ginawang bakod sa aming gulayan at flower beds. Isinusuksok namin ang mga cellophane sa mga eco-bottles na ginamit naming pang riprap sa aming kapaligiran. Ang mga cellophane naman any ginawa naming kurtina at pangdekorasyon sa aming silid aralan. Samantala, ang mga papel ay ginagawang charcoal.
Kawiliwili ang paggawa ng mga ito at napapganda namin ang kapaligiran ng aming paaralan. Bukod pa diyan ay nakakatulong kami sa hindi pagsunog ng mga basura na nakakadagdag sa carbon emission na nagdudulot ng polusyon at pagtalima sa Paris Climate Change Agreement. Ang Paris Climate Change Agreement ay pagbabawas ng pagbubuga ng greenhouse gas na nakakapinsala sa ating kalawakan. Dahil dito napagkasunduan naming mga opisyal ng SPG, Health Scots, YES-O at SDRRM na susuporta sa mga programa ng pamahalaan para mabawasan ang epekto ng climate change.
Ang pagpapanatiling maayos, malinis at kapakipakinabang ang ating paaralan ay isang manipestasyon ng sama-samang paggawa at pagtutulungan.