1 minute read
Aktibo Malasakit, Ugnayan, Kaakibat ang PTA
from Alingwan Newsletter
Ang samahang Parents-Teachers Association (PTA) ay lehetimong organisasyon na binuo para sa kapakanan ng paaralan at ng mga mag-aaral. Sila ang katulungan, “support group” at “significant partner” sa pagpapatupad ng mga programa ng paaralan. Sakop ng DepEd Order 54 s.2009 ang mga detalye tungkol sa PTA kasama ang mga layunin at gagampanan ng PTA.
Kitang kita ang aktibong partisipasyon ng PTA tuwing “Brigada Eskwela” at iba pang aktibidad ng paralan. Ipinapakita nila ang pagmamalasakit at pagpapahalaga sa edukasyon. Ang kanilang taos pusong pagtulong sa paaralan ay para na rin sa kapakanan ng kanilang mga anak para sa de-kalidad na edukasyon at maayos na paaralan. Kasama ang iba pang mga stakeholders na walang sawa at humpay sa pagtulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng ituinuturing na ikalawang tahanan ng mga bata. Ang magandang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng PTA ay ang bukas na komunikasyon at respeto sa isa’t isa. Ang pakikipagtulungan ng PTA at stakeholders ay isang dignidad at prebilehiyo ng isang komunidad na may magandang pundasyon at pagkakaisa para sa edukasyon. Naniniwala sila na ang edukasyon ang susi ng tagumpay at kaunlaran ng ating bansa. Sumasalamin ang paaralan sa kabutihan at kagandang loob ng mga tao sa komunidad sa kanilang pagpapahalaga sa edukasyon. Di madali ang pagtawag ng mga pagpupulong sa anumang oras para talakayin ang mahahalagang bagay na tumutugon sa kapakanan ng paaralan at ng mga mag-aaral. Ang opisyal ng PTA ay walang sahod para sa kanilang oras at panahon na inilalaan sa paaralan.
Advertisement
Ipagpatuloy ang kuluturang nasimulan, ang kulturang pagtutulungan, pagmamalasakit at pagkakaisa.