1 minute read

District Press Confab, dinagsa

Nagtipon-tipon ang mga mag-aaral at school paper adviser ng iba’t ibang mababa at mataas na paaralan ng distrito ng Paracelis North sa Serapio Gawan National High School (SGNHS) para sa pagganap ng Pandistritong Kumperensiya noong Marso 18-19, 2023.

Sinimulan ang aktibidad ng isang simpleng pambungad na programa sa bulwagan ng SGNHS. Binati ni Gng. Meriam Ilacad ang lahat ng dumalo. Aniya, ipagpatuloy ang paglinang sa iyong kakayahan bilang mga batang manunulat at magbahgi ng mga balita na pawang katotohanan.

Advertisement

Ang tema ng patimpalak ay “Pahayagang Pangkampus: Kaagapay sa Paghilom at Pagbangon ng Matatag na Sambayanan.” Ito ay para sanayin ang mga mag-aaral na maipahayag ang kanilang mga damdamin at kaisipan at maturuan ang mga bata sa iba’t ibang aspeto ng Campus Journalism.

Nagsilbing tagapagsalita at hurado sina Maynard Pacleba, James Tulipa, Clint Totanes at Kevin Bandoc. Sila ang nagturo sa mga batabg manunulat kung paano magsulat ng balita, editoryal, cartooning, agham at teknolohiya, lathalain, isports at pagkuha ng larawan. Ang mga mananalo na nas una at ikalawang puwesto sa kumperensiya na ito ay sasali sa pandibisyong presscon sa Bontoc, Mountain Province sa darating na April 1-2, 2023.

Editoryal

No Permit, No Exam

Tanggalin

Napapanahon na pagtibayin ang panukalang batas na tanggalin ang No Permit, No Exam Policy.

Ang implementasyon nito ay hindi nilalagay ang kompromiso-ang kinabukasan ng mga mag-aaral. Ang No Permit, No Exam ay sinisikil ang karapatan ng mga bata na mag-aral.

Hindi dapat magpataw ang mga paaralan n g anumang patakaran na pumipigil sa kanilang mga pangarap dahil lang sa hindi makabayad ng matrikula. Huwag sanang pagkakitaan ang mga bata na pagasa ng bayan.

Naiintindihan natin ang sentemento ng mga pribadong paaralan dahil sa matrikula sila kumukuha ng pasahod sa mga guro at opersyon sa eskwelahan pero dapat din nilang alalahanin na ang edukasyon ay isang karapatan ng bata .

Maglatag ng mga ibang mga paraan paro lalong mahikayat ang mga bata na mag-aral gaya ng pagbibigay ng scholarship program o panghikayat na mga bata na mag wo rking student.

Sa pamahalaan naman ay maglaan ng sapat na pondo sa paaralan para hindi na ipapasa sa mga magulang ang mga kakulangan sa paaralan.

Kahit sino ay maaaring maging isang mamamahayag at may mga pagkakataon para sa ating lahat na mag-ambag ng mga kwento, katotohanan, at mga kasanayan sa malikhaing. At hindi ito darating sa iyo kung hindi ka pupunta dito.

HANDA KA BANG SUMALI SA AMING KOPONAN AT MAGING ISANG MAMAMAHAYAG?

Maging isa sa amin! dahil ang Ang Alingwan ay naghahanap ng isang bagong hanay ng mga mamamahayag sa campus na masigasig na maglingkod sa campus ng paaralan sa loob ng maraming taon upang positibong maimpluwensyahan ang pampublikong diskurso sa mga mahahalagang paksa, linangin ang mga malakas na koneksyon, at bumuo ng mga kasanayan.

SAMA KANA AT MAGING ISANG MABUTI, WALANG KINIKILINGAN AT MAKATOTOHANANG MAMAMAHAYAG APPLY NA!

This article is from: