1 minute read

Clean Up Drive, lingkod ng BES

Nakisabay ang mga mag-aaral na sinalihan ng mga guro ng Mababang Paaralan ng Balindan mula kinder-baitang 6 ang paglilinis sa kapaligiran ng paaralan at sa lansangan ng Sitio Mabaclao ng Barangay Bantay sa malawakang pagsasagawa ng Clean Up Drive noong Setyembre 9, 2022.

Advertisement

Sinimulan ang paglilinis sa paaralan hanggang sa kalye ng Sitio Mabaclao.Ang mga mag-aaral ay nagsipulot ng mga kalat na selopin, papael, bote at plastics. Santambak ang mga basura na nakolekta na inihiwalay ang mga pwedeng irecycle at ibenta. Ang mga selopin ay isunuksuk sa mga eco-bottle.

Pinangunahan ito ng mga kasapi ng YES-O, Health Scouts at SDRRM.

Layunin ng aktibidad na ito na panatilihing malinis at maayos ang kapaligiran at ipamulat sa komunidad na ugaliing maglinis sa mga lansangan. Pinaalalahan din ang mga tao sa tamang pagbabasura at pagsuporta sa mga programa ng pamahalaan para sa kalinisan ng ating kapaligiran.

This article is from: