1 minute read

Galaw Galaw SA PAARALAN

Rhenz Tambawan |

Ang pag-eehersisyo araw araw ay makakabuti sa ating katawan. Ugaliing maglaan ng 30-minuto kada araw upang ikaw ay pagpawisan, tulad ng pagtakbo, paglakad, pagpanik-baba ng hagdan at pagsasayaw o zumba.

Advertisement

Sapat na ito upang magkaroon ng malusog na puso at immune syatem. Ang pag-eehersisyo ay nakadepende sa kung ano ang iyong madalas na ginagawa.

Bahagi na sa aming paaralan ang pag-eehersisyo tu- wing umaga. Isinasagawa namin ang wellness dance na Galaw Galaw Pilipinas na ionorganisa ng Health Scouts at MAPEH group. Layunin nito na mapagtibay ang mga buto at kalamnan, pagpapabuti ng koordinasyon ng katawan, pampaalis stress, pagbabawas ng timbang at dagdag pogi at ganda points para sa malusog at masigla na paaralan.

Maari tayong magpakonsulta sa mga eksperto nang sa gayon ay magkaroon tayo ng tinatawag na “Balanced diet” walang labis walang kulang.

This article is from: