3 minute read
Alingwan
from Alingwan Newsletter
PAMATNUGUTAN
ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MABABANG PAARALAN NG BALINDAN, PARACELIS, MOUNTAIN PROVINCE, CAR | TOMO 5 BLG 1 | AGOSTO-MARSO 2023
Advertisement
Bawal | Pansin Mo ba?
Epekto ng Mobile Legend sa mga Kabataan
Ang larong Mobile Legend ay isang laro na kahanga hanga at ito ay nilalaro upang hindi maboring. Marami sa mga kabataan ngayon ang nahuhumaling sa larong ito. Masaya itong laruin ngunit hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.
Ang opinyon ko dito ay ang mga bata ay nagpapabaya dahil dapat unahin ang pag-aaral.
Sa panahon ngayon ang larong mobile legends ay nagdudulot na ng epekto sa mga manlalaro nito. Meron itong hindi magandang epekto na naadik o sobra sobra na ang paglalaro nito. Nagdudulot din ito ng pagkasakit sa isang manlalaro dahil sa nalilipasan na sila ng gutom. Nagsasahin din ito ng away sa bawat manlalaro. Hindi na nagagawa ng mga bata ang kanilang takdang aralin at wala na silang oras na magbasa ng mga aklat.
Hindi naman masamang maglaro ng mobile legend pero ilagay sa isip at maglagay ng limitasyon at kontrolin ang paglalaro nito. Unahin muna ang pag-aaral at gamitin ang mga online games na mahasa ang angking galing at hidi para malulong dito.
Face to Face o Modular
Dahils sa pandemyang COVID-19 napilitan ang mga mag-aaral at mga guro na lumipat sa bagong “distance learning” na palatorma, ang online class at modular.
Ang face to face ay ang pinakamaayos at epektibong paraan ng pag-aaral ng mga bata. Hindi tayo sanay sa online class bilang alternatibong paraan ng pag-aaral dahil kailangang nang tutukang maigi ang mga bata upang matuto. Isa pa, kulang tayo sa mga kagamitang teknolohiya para maka online class. Kagaya ng mga modules na madalas na mga magulang na ang sumasagot at wala nang natutunan ang mga bata. Mas mainam pa rin ang face to face classes para sa kinabukasan ng mga mag-aaral. Ngunit mas paigtingin ang seguridad ng mga bata sa COVID-19.
Paggamit ng Facemask
Dapat ipagpatuloy ang paggamit ng facemask para maproteksyunan ang sarili at ang mga minamahal sa buhay. Bagama’t sagabal ito sa iba, ang pagsusuot ng facemask ay hindi lamang para sa COVID-19 kundi nakakatulong sa hindi paglaganap ng mga sakit. Sa aking palagay, wala namang mawawala sa atin kung tayo ay magsout ng facemask lalong lalo na sa mga matataong lugar. Ang pagsout ng facemask ay para sa ating proteksyon sa tiong sarili at para din sa ibang tao.
Kaya dapa’t pa rin magsuot ng facemask lalo na kung ikaw ay may karamdaman at kung nasa matataong lugar..
Gyth Acha-ol | Boses natin
No Homewoork Policy
Ang mga mag-aaral ay dapat himuking magbasa ng mga libro at gumawa ng mga kapaki-pakinabang na bagay na makakatulong sa kanilang pag-aaral sa loob at labas ng paaralan.
Ang ipinanukalang “No Assignment” ay hindi magbubunga ng mabuti dahil lalong malulong ang mga bata sa kalalaro ng mga on line games sa computer at lalong mahuhumaling ang mga bata sa walang kakwenta kwentang mga gawain.
Ang takdang aralin ang siyang pinakamagandang bonding ng mga bata sa kanilang mga magulang na magabayan sa kanilang pag-aaral. Ang pagbibigay ng homework ay para mabigyan ng oras ang mga magulang na echeck ang performance ng kanilang mga
Charter Change
Abalang abala ang mababang kapulungan ng Kongreso sa pagsulong sa pagpalit ng 1987 Constitution. Marami daw pumapabor na magkaroon ng Con-con. Habang ang Senado ay malamig ang pagtanggap sa charter change.
Sinabi naman ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na hindi prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagpapalit ng 1987 Constitution.
Sang-ayon ako na may mas mahalaga na dapat pagtuunan pa ng pansin. Sa kasalukuyang kalagayan ng bansa na bago pa lamang bumabangon sa pagkalugmok dahil sa bagsik na dulot ng pandemya. Dapat isantabi na anak sa eskwelahan at para bigyan ng kaukulang aksyon para makasabay ang kanilang mga anak sa pag-aaral. muna ang usapin sa pag-amyenda at pagtuunan kung paano mapapagaan ang pasanin ng mamamayan na ngayon ay sinasagasaan ng inflation.
Maaraing limitahan lamang ang pagbibigay ng homeworks ngunit ang tanggalin ito ay hindi nakakatulong at lalong napapababa ang interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral. Maari ding hindi magbigay ng mga homeworks sa katapusan ng linggo upang matamasa nila ang pagiging bata at magkaroon ng oras para sa kanilang pamilya.
Malaki ang gagastusin sa sa pagdaraos ng plebesito. Ang halagang para dito ay napakalaking tulong para sa kapakanan ng mga mamamayan. Unahin ang kumakalam na sikmura at mga walang matirhan at desenteng trabaho.