1 minute read

Organikong Pataba - Tugon sa Organikong Agrikultura

Pagpapabuti ng Soil Productivity -Gyth acha-ol

Advertisement

Ang organikong pataba ay isang sistema ng produksiyon na magpapanatili ng kalusugan ng tao at ng lupa. Ito ay alternatibong pagkakakitaan sa paaralan o di kaya sa tahanan.

Ang Gulayan sa Paaralan ay inilunsad sa bawat paaralan upang mapalawak ang kaalaman ng mga bata sa larangan ng pagtatanim at agrikultura na puwedeng isagawa sa bahay o vise versa. Ang programang ito ay naglalayong matugunan ang paglala ng malnutrisyon at ipamulat sa mga bata ang pagkain ng masustansiya para sa malusog na katawan at para hindi sakitin. Ang paaralan ay magsisilbing laboratoryo ng agrikultura kung saan dito nila matutunan ang mga scientipikong pamamaraan ng pagtatanim gaya ng paggawa ng organikong pataba. Ang paggawa ng organikong pataba ay siyang pantapat sa paggamit ng mga bagay na may nakapipinsalang epekto.

Sa organikong agrikultura ay pinagbubuklod ang tradisyon, inobasyon at siyensa upang makapagbigay benepisyo sa kalikasan. Napangangalagahan ang kalusugan ng lupa, tanim, hayop, tao at kalikasan sa organikong agrikultura. Napapanatili ang sustansya sa lupa at nagdudulot ng magandang kalidad, mayabong at masaganang mga produkto.

Aming napag-aralan sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) at sa Science ang paggawa ng organikong pataba. Dahil dito ay tuluyan naming isinusulong ang paggamit ng mga ito sa aming gulayan.

Ipinanukala din namin sa aming tahanan o backyard gardening. Mainam ang paggamit ng organikong pataba dahil sa ito ay libre at nakakatulong pa sa kaayusan ng ating kapaligiran at napapangalagaan ang kalusugan ng mga tao at lupa.

This article is from: