2 minute read
Diwa ng Bayanihan Bayanihan isinasabuhay sa Balindan
from Alingwan Newsletter
-Nova Lapawen
WOW, BALINDAN! Inilunsad
Advertisement
Nagkaisang inilunsad ng mga magulang, PTA at mga stakeholders ang programang WOW BALINDAN! ng Balindan Elementary School noong Agosto 23, 2022.
Patuloy ang mga gawaing pagsasaayos at pagpapaganda sa Mababang Paaralan ng Balindan sa kooperasyon at pagtutulungan ng mga stakeholders noong Brigada 2022.
Naipamalas ang kooperasyon ng mga magulang at iba pang mga stakeholders na boluntaryo na tumulong sa pagsasayos sa mga pasilidad ng paaralan at pagpapaganda sa kapaligiran nito para sa paghahanda sa face to face na pasukan sa darating na Agosto.
Nagtulong tulong ang mga magulang ng nasa KinderBaitang 3 para sa pagkumpuni sa mga sirang CR. Samantala, ang mga magulang naman ng G4-G6 ay ipinagpatuloy ang riprap sa harapan ng G4 at G5 at pag-ayos ng mga daluyan ng tubig. Sama sama naman ang mga benepesaryo ng mga TUPAD para sa pagsemento sa ground ng paaralan.
May mga volunteers din na na nagsakripisyo ng kanilang oras gaya ng Philiipine National Police - Paracelis na nagpinta sa mga silid aralan. Ang mga kawani naman ng Bureau of Fire Prevention (BFP) ang nagpinta sa mga gulong sa kapaligiran. Dumating din ang mga kasapi ng 4 P’s at sila ang naglandscape sa paaralan kasama pa ang mga iba pang volunteers.
Naisakatuparan ang malawakang paggawa sa koordinasyon ng mga stakeholders. Ang mga materyales na ginamit gaya ng semento, graba at buhangin, pintor ay pawang mga donasyon. Kasama ang mga meryenda at mga pagkain na pinagkaloob din ng PTA. Malaki ang pasasalamat ng mga PTA officers at mga guro ng paaralan dahil sa kooperasyon at tulong na iniabot at ibinahagi sa paaralan. Dahil dito ay handang handa na ang paaralaran sa sa darating na face to face na pasukan.
Dahil dito napili ang paaralan na pambato ng Paracelis North District sa Best in Brigada Implementer at Best in Landscaping sa Schools Division of Mountain Province clean up drive noong Setyembre 9, 2023.
Ang programang ito ay nakasentro sa lahat ng mga aktibidad na layuning mapayaman, mapanatili at mapahusay ang mga kultura na ipagtuloy na isinasabuhay ng mga stakeholders para sa kapakanan ng komunidad ng BES. Nahahati ang programang ito sa apat na aspeto. Una ay ang WOW makabasa ako. Ito ay para lahat ng mag-aaral ng Balindan ay walang maiiwan at lahat ay makabasa. Ikalawa ay ang WOW kasama ako na nakasentro sa koordinasyon ng mga magulang, ang patuloy nilang partisipasyon sa lahat ng mga aktibidad ng paaralan. Pangatlo ay ang WOW Ganda!, ito ay para sa pagpapanatili ng kagandahan at kaayusan ng paaralan at pang-apat ay WOW Galing! Na nakasentro sa paglinang ng mga talento ng mga bata at kanilang partisipasyon sa Sports, Journalism at Academic Festivals.
Naging matagumpay ang programang ito sa koordinasyon ng mga stakeholders ng paaralan. Bawat aspeto ay binubuo ng komite at sila ang naatasan na magsagawa sa mga programang nais nilang gawin.
Buong taon ito isasagawa at magkakaroon ng ebalwasyon sa katapusan ng taon.