PW 19-09 - 2021-04-04 - #DutertePalpak

Page 1

#DutertePalpak Ito, gayundin ang #DuterteResign at #Happy BDayDuterteResign ang trending sa araw ng kaarawan ng Pangulo, araw bago ang deklarasyon ng panunumbalik ng enhanced community quarantine sa Kamaynilaan. Sundan sa pahina 6 TOMO 19 ISYU 09

ART: JEUNE ARAMBURO / CAP

4 ABRIL 2021


2

PINOY WEEKLY | ABRIL 4, 2021

Holdap sa bakuna

RENAN ORTIZ

M

abagal, malabo, at may kinikilingan—ganito puwedeng isalarawan ang mga aksiyon at probisyon ng rehimeng Duterte ukol sa vaccination rollout. At sa nakita natin higit isang taon na nang nagsimula ang pandemya, buhay at kabuhayan nanaman ng mga Pilipino ang nailalagay sa alanganin. Nobyembre 2020 pa nang makipag-usap si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa mga may-ari ng pinakamalalaking kompanya sa balitang kailangan ng mga kompanya bansa. Kukuha ng bakuna ang mga mag-donate ng 50 porsiyento ng ito mula sa AstraZeneca at kalahati kanilang lilikuming bakuna. Aniya, ng bibilhin ng mga pribadong malinaw na boluntaryong aksiyon kompanya ang mapupunta sa ito ng pribadong sektor. gamit ng gobyerno. Ayon sa Hindi na rin Ayala Corp. nitong Enero, nakakagulat na ito ang naging pakiusap ng ganito ang tono ng EDITORYAL gobyerno. pananalita ng opisyales Itong 50-50 deal ng gobyerno laban o tripartite agreement sa mga mamamayan (tripartite kasi gobyernona naghahangad lang negosyante-kompanya ng ng linawag sa harap ng bakuna) ang siyang nagbigay ng hindi malinaw na palatuntunan kalituhan sa maraming negosyante, ng pamahalaan. Ang mas lalo na at karamihan sa mga ito, nakakadismaya, kung papaano maitituturing na micro-, small-, balu-baluktutin ng gobyerno ang or medium enterprises (MSMEs) konsepto ng pribadong sektor. at hindi tulad ng mga Ayala. Kahit Kapag usapin ng pondo at hindi pa for-profit ang mga bakuna kakayahang magpabakuna, mga dahil para pa lang ito sa emergency tulad ng mga Ayala, mga Sy, iyan ang use, ilang libo din kasi ang bawat mukha ng pribadong sektor. Kapag shot ng bakuna na ito, na kailangan usapin ng pagtataas ng suweldo ng pa doblehin depende sa tatak. mga manggagawa, biglang MSMEs Agad namang nagpasaring si ang binibigyan ng pansin. Sen. Ping Lacson sa Twitter na baka Marami sa mga may-ari ng MSME may sira sa ulo ang nagpapakalat ng ang namomroblema sa usapang

50-50 na ito. Malaki na ang nawala sa kabuhayan dahil sa pandemya at kapabayaan ng gobyerno, kakailanganin pa nila pasanin ang bahagi ng pagpapabakuna ng gobyerno sa kabila ng bilyong mga inutang? Ang naglalakihang kompanya naman, hindi na maitago ang pagkayamot sa makupad na proseso ng gobyerno. Ayon na nga sa Philippine Chamber of Commerce and Industry, mas mabilis pa ang pagpapabakuna sa ibang bansa kahit mas mababa ang infection rate nila kumpara sa Pilipinas. Ang agaran at epektibong pagpapabakuna, anila, ang siyang makatutulong sa pagbangon ng ekonomiya. Nilinaw naman ng Department of Health (DOH) na hindi lahat ng vaccine provider ang naghahanap ng government donation. Ang mahalaga, ayon sa kanila, sumunod sa Vaccination Act of 2021 na nagsasabing bago makakuha ng SUNDAN SA PAHINA 5

EDITOR IN CHIEF Kenneth Roland A. Guda EDITORIAL STAFF Jobelle Adan, Neil Ambion, Darius Galang, Peter Dy Tioco Circulation Thomas Calanoy Jr. Admin Officer Nene Aldecoa Publisher PinoyMedia Center, Inc. | Email: pinoymediacenterinc@gmail.com PMC BOARD OF TRUSTEES Rolando B. Tolentino (chair), JL Burgos, Bienvenido Lumbera, Bonifacio P. Ilagan, Luis V. Teodoro, Leo Esclanda, Kenneth Roland A. Guda, Evelyn Roxas, Jesus Manuel Santiago Media Engagement Officer Cynthia Espiritu Executive Director Silay Lumbera EDITORIAL OFFICE 3rd flr UCCP Bldng, 877 EDSA, Quezon City PH | Website: www. pinoyweekly.org Email: pinoyweekly@gmail.com | Facebook: /pinoyweekly.org | Twitter: @pinoyweekly


SURING BALITA 3

PINOY WEEKLY | ABRIL 4, 2021

#DutertePalpak

Maiuugat sa palpak na pagtugon ng rehimen sa pandemya noong nakaraang taon ang pinakahuling grabeng pagdami ng kaso ng Covid-19, ayon sa maraming eksperto. Ni Kenneth Roland A. Guda

K

ilala ng madla at itinuturing na icon ng Original Pilipino Music o OPM si Claire dela Fuente. Isang araw noong nakaraang linggo, nakaranas ng sipon, ubo at sinat si Claire. Kinumbinsi siya ng kanyang anak na si Gigo de Guzman na magpa-test para sa coronavirus disease 2019 (Covid-19). Nagpositibo sila pareho. Dahil may sintomas, kinumbinsi uli ni Gigo si Claire na magpaospital. Sabado, Marso 27, itinakbo si Claire sa malapit na Las Piñas Doctors Hospital. Pero punuan na ang ospital. Sa labas nito, sa isang tent, nakapila siya at iba pang pasyente. “Doon po siya nakastay,” sabi ni Gigo. “Kahapon (Lunes, Marso 29) lang siya nalipat sa Pope John Paul II Hospital sa Las Piñas din.” Noong gabing iyon, nagreklamo umano si Claire ng pagkabalisa. “Mukhang maayos naman noon at mukhang okey siya hanggang sa huling gabi na nababalisa na siya,” sabi pa ni Gigo, sa wikang Ingles. Noong umaga, inatake sa puso ang sikat na mangaawit. Isa siya sa limang katao (ayon sa Department of Health o DOH) na namatay noong Marso 30, at 13,191

NAGPAPAHINGANG health worker sa gitna ng kanyang duty sa isang pampublikong ospital.

na namatay sa Covid-19 sa bansa sa buong panahon ng pandemya. Isa siya sa mga biktima ng pagkapuno ng mga ospital na dinadagsa ng mga pasyente ng Covid-19. Noong araw ding iyon, Marso 30, umabot sa 9,296 ang kaso ng mga nagpositibo. Bago ito, umabot sa 10,016 ang bagong kaso. Noong Marso 28, umabot ito sa 9,475. ECQ 2.0

Labindalawang araw matapos ang unang taon ng pagdeklara ng lockdown sa Metro Manila at iba pang lugar sa Pilipinas dahil sa kumakalat na Covid-19, muling ipinasailalim ito ng rehimeng Duterte sa enhanced community quarantine (ECQ). Dahil daw ito sa patuloy na pagtaas

LARAWAN: AHW

na bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa, lalo na sa Kamaynilaan. “Maayos naman ang pagtugon natin, hanggang dumating ang mga variant,” sabi ni Harry Roque, tagapagsalita ng Palasyo, noong ianunsiyo niya ang pagkakaroon ng ECQ sa Metro Manila at karatig na mga probinsiya noong Marso 27. Tulad ng ECQ noong nakaraang taon, bawal lumabas sa mga tahanan nila ang mga tao, maliban na lang sa medical frontliners at nasa “esensiyal na mga industriya” tulad ng kainan, groserya, at iba pa. Mga variant o bagong bersiyon ng Covid-19 (mula sa United Kingdom at South Africa, at mayroon na rin sa Pilipinas) ang sinisisi ng rehimeng Duterte sa bagong

“surge” o malaking pagtaas ng bilang ng mga kaso. Bago raw dumating ang mga variant, “excellent” o napakahusay ng pagtugon ng rehimeng Duterte sa pandemya. Pero hindi kumbinsido ang maraming eksperto sa paliwanag na ito. Para sa kanila, kabaligtaran, o masahol, ang pagtugon ng rehimen sa pandemya. Dahil dito, kaya muling sumirit ang bilang ng mga kaso. “Simula’t sapul, hindi naman bumaba sa 2,000 ang kaso natin (kada araw),” sabi ni Dr. Gene Nisperos, isa sa mga doktor na host ng Second Opinion podcast sa social media. “Ngayon nasa, 10,000 na.” “Regardless kung ito yung original variant o may bagong variant, the thing is, mag-ispeculate ka lang nang magsespeculate. Kasi nga hindi tayo nag-te-testing (mass testing),” paliwanag naman ni Dr. Geneve Rivera-Reyes sa Second Opinion. “Nandun pa rin ang transmission. Hangga’t hindi natin napipigilan ang transmission, ‘yung likelihood na magkakaroon ng mga pasyenteng may moderate-tosevere symptoms, pipilayan talaga niya ang health system.” Samantala, sa pagbabalik ng ECQ, napipigilan ang mobilidad o pagkilos ng mga mamamayan. Napipigilan ang paghahanapbuhay ng SUNDAN SA PAHINA 5


4 OPINYON

A

PINOY WEEKLY | ABRIL 4, 2021

Abortion at karapatan ng kababaihan

ng buwan ng Marso ay buwan ng kababaihan. Ginugunita natin sa buwan na ito ang pantay na karapatan ng kababaihan at kalalakihan. Ibig sabihin, kung ano ang karapatan ng mga lalaki sa ilalim ng ating batas, ganun din dapat ang mga karapatang binibigay natin sa mga babae. Sa sarbey ng Global Gender Gap Index noong 2017, sinasabing isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na rangko pagdating sa gender equality. Sa 145 bansa na kabilang sa sarbey tungkol sa bagay na ito, pang-10 ang Pilipinas. Sa buong Asia Pacific naman ay pumapangalawa tayo sa New Zealand. Ito’y nangangahulugan na isa tayo sa mga bansa na kumikilala sa karapatan ng mga babae. Tingnan natin halimbawa ang karapatan sa pagboto. Sa matagal na kasaysayan ng demokratikong mga bansa sa mundo, hindi pinapayagan ang mga babae na makaboto. Pero noong 1937, ang Pilipinas ay nagkaroon ng batas na maaari ng bumuto sa mga halalan ang mga babae. Ang Pilipinas ang pinakauna sa lahat ng bansa sa Asia na nagbigay ng ganitong karapatan sa kababaihan. Pagdating naman sa partisipasyon sa pulitika, ang mga babae natin ay humahabol sa kalalakihan. Dalawa na sa ating mga

naging Pangulo ang babae: Si Cory Aquino at si Gloria Arroyo. Sa kasalukuyan, ang ating Senado ay may pitong babaeng senador na babae: Cynthia Villar, Grace Poe, Imee Marcos, Riza Hontiveros, Leila De Lima, Pia Cayetano at Nancy Binay. Dahil tayo ay may 24 senador, halos 1/3 sa bilang nila ay galing sa uri ng kababaihan. Sa mga kongresman naman, halos 1/3 din ng ating mga kongresista ay

natin na magpa-abortion o magpalaglag ang isang babae kung kinakailangan? Ang batas na sinununod natin dito, mga kasama, ay ang Revised Penal Code of the Philippines. Sinasabi ng Article 258 ng Revised Penal Code na bawal sa isang babae ang magpa-abortion o magpalaglag at siya ay mapaparusahan ng dalawa hanggang anim na taong pagkakulong kung sakaling

Kahit ikaw ay biktima ng panggagahasa at ikaw ay nabuntis, bawal pa rin ang magpalaglag dito sa ating bansa. mga babae. Tinatantyang 215 na kongresista ang mga lalaki at 87 naman ang mga babae. (Sa madaling salita, sa inisyal na tingin, mas pantay na nga ang kababaihan at kalalakihan sa bansa. Pero hindi ito simpleng pagkakapantay lang sa bilang ng babae at lalaking lider. -Ed.) Pabor sa kababaihan ang mga batas na katulad ng AntiViolence Against Women and Their Children Act o VAWSI (RA) 9262), Anti- Rape Law (RA 8353), Rape-Victim Assistance and Protection Act (RA 8505), Anti-Sexual Harassment Law (RA 7877), Anti- Trafficking of Persons Act of 2003 (RA 9208) at iba pa. Sa kabila ng mga ito, may batas ba na nagbibigay sa isang babaing buntis ng karapatan para ipatanggal ang kanyang pinagbubuntis kung may sapat siyang dahilan? Sa madaling sabi, pinapayagan ba ng batas

gagawin niya ito. Ngayon, kung sakaling gagawin niya ang pagpapalaglag para maiwasang ilantad sa publiko ang isang kahihiyan, paparusahan pa rin siya ngunit ito’y anim na buwan hanggang dalawang taong pagkakulong lang. Binibigyan din ng ating batas ng parusa ang sino mang doktor, midwife o pharmacist na tutulong sa pagpapalaglag ng isang babae. Panahon pa ng mga Espanyol, bawal na sa ating bansa ang abortion dahil sa labag ito sa batas ng Simbahang Katoliko. Nang mawala ang mga Espanyol at pumalit ang mga Amerikano, hindi pa rin nagkaroon ng pagbabago. Patuloy pa ring pinagbabawal ang abortion sa ating Revised Penal Code at hanggang ngayon, kahit nakailang Pangulo na ang nagdaan sa ating bansa ay patuloy pa ring pinagbabawal

HUSGAHAN NATIN

ATTY. REMIGIO SALADERO JR.

ang pagpapalaglag ng kababaihan. Kaya, kahit ikaw ay biktima ng panggagahasa at ikaw ay nabuntis, bawal pa rin ang magpalaglag dito sa ating bansa. Pero kung titingnan, ang mga bansa kung saan pinagbabawal ang abortion noon ay may mga bago ng patakaran kung saan maari na sa kanila ang abortion ngayon. Tulad halimbawa ng bansang Espanya. Simula 2010, naging legal na sa bansang ito ang pagpapalaglag ng isang babae basta’t hindi pa umaabot sa 14 na linggo ang pagbubuntis nito. Sa bahagi naman ng ibang bansa tulad ng Belgium, France, Italy, Portugal , Costa Rica, Poland, Ireland, Uruguay at Columbia, pinapayagan din nila ang abortion sa maraming pagkakataon. Kahit sa ilang bansa sa Asia tulad ng Japan, Malaysia, Singapore, Vietnam at China, naging liberal na rin ang kanilang mga batas pagdating sa abortion at maraming pagkakataon na pinapayagan na rin ito. Kung tuus-tuusin, Pilipinas na lang ang may napakahigpit na batas pagdating sa abortion at nagbabawal dito sa halos lahat ng pagkakataon. Maala-ala na noong 2006, nirekomenda ng Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination


PINOY WEEKLY | ABRIL 4, 2021 against Women ( CEDAW ) sa United Nations ang pagtanggal ng parusa sa batas ng Pilipinas tungkol sa abortion. Sa CEDAW Committee Report naman noong 2014, inirekomenda ang pagbago sa Art. 256 hanggang Art. 259 ng ating Revised Penal Code upang gawing legal ang abortion sa mga kasong rape at ibang kaugnay na kaso. Wala man lang ginawa ang ating mga mambabatas pagdating sa bagay na ito at nananatili ang pagbabawal ng ating batas sa lahat ng uri ng pagpapalaglag. Hindi man lang nila inisip na ang batas natin tungkol sa abortion ay isang “outdated colonial law “ na dapat nang baguhin dahil sa lumalabag ito sa karapatan ng kababaihan. Kamakailan lang, naging balita itong si Atty. Clara Rita Padilla ng EnGenderRights dahil sa ginagawa niyang draft ng panukalang batas na magtatanggal sa parusa ng abortion at magbibigay ng suporta sa mga kababaihan. Ayon sa abogada, wala nang silbi ang pagbabawal sa abortion sa ating bansa dahil sa ang pagbabawal na ito’y nagparami lang sa kaso ng mga “clandestine abortion” sa kababaihan. Kung hindi na masyadong mahigpit ang batas sa abortion, magkakaroon na ang mga babae ng pagkakataon sa ligtas na pagpapalaglag at ito tiyak ay mababawasan ang dami ng mga namatay dito, sabi pa ni Atty. Padilla. Sa madaling sabi, ang pagpapaluwag sa batas sa abortion ay makakatulong para sa pagsulong sa karaparatan ng kababaihan. Sang-ayon ba kayo rito, mga kasama? PW

Editoryal | Mula sa pahina 2

bakuna, dapat may koordinasyon ang pribadong kompanya, vaccine provider, at ang gobyerno. Ito ay dahil gobyerno ang mananagot sa oras na magkaroon ng ‘di kanais-nais na epekto ang bakuna. Dagdag pa nila, tanging sa AstraZeneca lang may donation requirement dahil naniniwala ito na dapat equitable o abot ng lahat ang pagbabakuna, at may higit na konsiderasyon sa mga healthcare worker, mga may sakit, at mga nakatatanda. Sa kabila ng magandang hangarin na ito, kaliwa’t kanan naman ang balitang

5 may mga pulis o opisyales na inuuhan pa ang ilang healthcare worker sa pagpapabakuna. Ito ay sa kabila ng malinaw na listahan ng gobyerno na nagsasabing nasa tuktok ng priority group ang mga frontline healthcare worker. May ilang mayor na ngayon ang binigyan ng show-cause order ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa pagkuha ng bakuna kahit wala sa priority list. Ayon sa DILG, may ilan pa silang kaso ng iniimbestigahan. Hindi na kailangan tumanaw ng gobyerno sa malayo. Isang silip pa lang sa palasyo, maraming

pangalan na ang maililista sa mga kumuha ng bakuna bago ang mga doktor, nars, at janitor na nag-aalay ng buhay sa mga ospital. “Wag nating kunin ‘yung bakuna para sa taong magliligtas ng ating buhay,” giit ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire. Pero matagal na alam ng mga Pilipinong maliit lang ang pagpapahalaga ng administrasyon sa buhay ng karaniwang mamamayan. Kaya naman sukdulan ang panawagan sa pagkakaisa at samasamang pagpapanagot sa administrasyong ito. Dahil hanggang sa pagpapabakuna, naglipana ang kawalan ng hustisya. PW

1Sambayan(an) laban kay Duterte Nagsanib puwersa ang mga makabayan at demokratikong grupo at personalidad para sa isang layunin, biguin ang pambato ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022. Ni Neil Ambion

N

agsama-sama ang makabayan at demokratikong mga puwersa para buuin ang koalisyong 1Sambayan na tatayong nag-iisang oposisyon laban sa administrasyong Duterte sa halalang 2022. Naniniwala ang koalisyon na pamamagitan lang ng nagkakaisa at malakas na oposisyon mananalo ito laban sa tiranikal na mga puwersa ni Pangulong Duterte. “Paulit-ulit namin itong pinagdiskusyunan, at ito ang napagkasunduan ng lahat: Na hangga’t hindi tayo nagkakaisa, hindi tayo mananalo sa 2022,” ani dating Chief Justice Antonio Carpio, isa sa lead convenors ng 1Sambayan. Bukod kay Carpio, pinangungunahan din ito ng iba pang kritiko ng administrasyon kabilang sina dating Bayan Muna Representative Neri Colmenares, dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, dating Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario

at Dating Education Sec. Armin Luistro. Kasama rin bilang convenors sina retiradong Navy Rear Admiral Rommel Jude Ong, dating Negros Occidental Gob. Lito Coscolluela, dating Commission on Audit commissioner Heidi Mendoza, pangulo ng Partido Manggagawa na si Renato Magtubo, Atty. Howie Calleja at Rickie Xavier. “Nandito ang marami sa amin dahil nagkakasindo kami na gusto naming magkaroon ng iisang oposisyon para lubos na magapi ang mga puwersa ng tiraniya na naghari sa bansa natin sa loob ng limang taon,” ani Colmenares. Sa kasalukuyan, kinapapalooban ito ng iba’t ibang sektor, organisasyon at partido na nagkakaisa sa kagustuhang wakasan na ang tiranikong paghahari ng administrasyon. Aasahan na lalo pang lalawak ang koalisyon habang lumalapit ang eleksyong 2022. SUNDAN SA PAHINA 11


6 SURING BALITA Mula sa pahina 3

milyun-milyong mamamayan. Sa buwan ng Marso, madadagdagan pa lalo ang 4.2 milyong Pilipinong manggagawa na sabi mismo ng gobyerno’y walang trabaho noong Pebrero.

PINOY WEEKLY |A PINOY WEEKLY

#DutertePalp

Kumakalat

Ano iyung sinasabi ni Dr. Reyes na patuloy na pagkalat o transmission ng Covid-19, may variant man o wala? Noong Marso 24, sa public briefing ng Citizens’ Urgent Response to End Covid-19 (CURE Covid), sinabi ni Prop. Peter Cayton ng University of the Philippines (UP) Covid-19 Pandemic Response Team, na makikita ang patuloy na pagkalat ng Covid-19 sa tinatawag na effective reproduction number (Rt) ng Covid-19 sa bansa. Noong araw na iyon, nasa 1.3 ang Rt. Ibig sabihin, ani Prop. Cayton, mahigit isang tao ang nahahawaan ng isang taong positibo sa Covid-19. Sa National Capital Region (NCR), kung saan mahigit 50 porsiyento ng kaso ng Covid-19 ang matatagpuan, nasa 1.4378 at Rt. “May sapat na ebidensiya na tumataas ang bilang ng hawaan sa NCR. At may pinakamatagal na pagtaas dito na 32 araw,” sabi pa ng propesor. Ganito rin ang nangyayari sa iba pang bahagi ng bansa. Ayon sa datos ng UP Covid-19 Pandemic Response Team (sa website nitong http://endcov.ph), na umabot sa huling kuwarto ng 2020 sa mas mababa sa 1 ang Rt. Pero hindi ito nasustina, lalo na pagtuntong ng Enero 2021. Ibig sabihin, humupa man ang hawaan noong Oktubre hanggang Disyembre 2020,

Nagsisiksikang mga tao na nagmamadaling umuwi bago ang alasais ng gabing curfew sa panahong ECQ sa Kamaynilaan. MARK Z. SALUDES

bumalik naman ang pagkalat ng sakit na ito pagdating ng 2021. At pagdating ng Marso, umalagwa na ito nang husto. Samantala, ayon naman kay Dr. Leonard Javier sa Second Opinion, halos hindi naman naiangat ang kapasidad ng mga ospital na tumanggap ng mild-to-severe (o mahinahanggang-malala) na mga kaso. Higit pa sa bilang mga kama sa ospital, kinakailangan sanang nagrekluta pa ang gobyerno ng mas maraming manggagawang pangkalusugan tulad ng mga nars, doktor, atbp. sa pampublikong mga ospital. Ang resulta nito, mabilis na napuno ang mga ospital sa panahong muling umalagwa ang hawaan. Pero sa kabila nito, patuloy

ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa Covid-19. Ayon sa mga eksperto, ito na ang pinakamasahol na panahon sa bansa ngayong pandemya. May mga nagsasabing tila bumalik tayo sa “square one”, o sa dating kalagayan natin noong taong 2020, nang unang umalagwa ang Covid-19 sa bansa. Pero para kay dating Health Sec. Esperanza Cabral, na dati ring Social Welfare and Development secretary, “hindi tayo bumalik sa square one. Nasa sampung hakang tayo paatras ng square one.” Sang-ayon sa kanya ang maraming eksperto tulad ni Prop. Cayton. Sa kabila ng mahigit isang taon ng kuwarantina, ng mahigpit at

malupit na mga restriksiyon, ng militaristang pagtugon ng rehimeng Duterte sa pandemya, nalalagay ngayon ang bansa sa pinakamalupit na pagkalat ng Covid-19 sa populasyon. Krisis sa mga ospital

“Bumalik ba tayo sa square one? Iyung square one, ‘yung kasasara pa lang natin ng ekonomiya natin, noong may kaunting barya pa sa bulsa ng ating mga mamamayan at nariyan pa ang malii tna ayuda, kahit pa palpak ang naging distribusyon nito. Dumarami ang mga kaso ng Covid-19. Napupuno na naman ang mga ospital,” sabi ni Dr. Cabral, sa public briefing ng CURE Covid.


AGOSTO 2019 | ABRIL 4,16, 2021

pak Pinatutunayan ito ng datos na pinrisinta ni Prop. Cayton sa naturang briefing. “Mas matarik ang pagtaas ng mga kaso kaysa sa mga dating panahon,” paliwanag ni Prop. Cayton. “Mas mataas ang mga bagong bilang kumpara noong Agosto kung kailan mayroon tayo (noon) na mataas na peak of cases. Ngayon mas mabigat pa ang burden sa health care workers. Mas matarik ang bagong peak ng Covid-19 cases.” Umaabot na rin sa 70 porsiyento ang kapasidad ng mga higaan sa mga ospital sa bansa. Nakakaalarma na ito, sabi ni Prop. Cayton. “Mahaba ang mga pila sa mga ospital, tatlo hanggang apat na araw ka maghihintay. At puwedeng sa panahong iyun, mamatay ka na o mag-recover,” sabi pa ni Cabral. Pinatunayan ito ng nangyari kay Claire dela Fuente – at maraming iba pa. Bukod sa mabilis nang napupunong hospital beds, nakakaalarma rin ang kakulangan ng health care workers – na ayon nga kay

SURING-BALITA SURING BALITA 7 Dr. Reyes ay dapat sanang pinalakas ng gobyerno noong nakaraang taon pa. Kasama, siyempre, sa kinakapos ngayon ay ang personnel protective equipment (PPEs) para sa health workers. Kinuwento ni Robert Mendoza, pambansang pangulo ng Alliance of Health Workers (AHW), noong Marso 29, ang matinding mga kakulangan sa ilang ospital sa Kamaynilaan: Sa San Larazo Hospital, walang sapat na face shields para sa health workers. Wala ring elevator na para sa mga pasyente ng Covid-19. “May elevator na gumagana lang tuwing office hours, kung kaya tuwing gabi, mahirap sa health workers na magdeliber ng mga tangke ng oxygen sa ibaibang ward. Papaubos na rin ang High Flow Oxygen Nasal Cannula Machines dahil da tumataas na kaso ng Covid-19,” pahayag ng AHW. Sa Jose Reyes Memorial Medical Center naman, iniulat ng AHW ang papaubos na surgical gloves. Dahil sa pagdagsa ng mga pasyenteng may Covid-19, hindi na tumatanggap ang ospital ng mga pasyenteng hindi Covid-19 ang sakit – maliban na lang sa mga kaso ng emergency operations. Samantala, sa Fabella Hospital, nakakaranas umano ng gutom

Graphs na nagpapakita ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa (kaliwa) at kaso sa National Capital Region (kanan). Mula sa http://endcov.ph.

ang mga personnel ng ospital na nakakuwarantina dahil sa exposure sa Covid-19. Hindi sila sapat na napadadalhan ng pagkain. “Maraming health workers sa isolation area ang wala ngang sapat na kama,” sabi pa ng AHW. “Sa labang ito na nakataya ang buhay ng health workers at hindi kami makaasa ng suporta sa gobyernong ito, pinasasalamatan at sinasaluduhan natin ang kapwa health workers sa walang-pagod na serbisyo sa mga mamamayang Pilipino,” sabi ni Benjamin Santos, pangkalahatang kalihim ng AHW. Napakababang bilang ng testing

Sa nabanggit na Second Opinion podcast, pinaalala nina Dr. Nisperos ang isa sa mga rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) para mawakasan ang mga lockdown at mapahupa ang pandemya. Pangunahin dito ang pagpigil ng transmissions. Kasama rito ang pagpapalakas ng kapasidad ng mga bansa para sa Covid-19 testing. Testing sa sapat na bilang ng mga tao ang makakapagsabi kung gaan kakalat ang Covid-19 sa naturang bansa. Sa kaalamang ito, mas sistematiko at siyentipikong matutugunan ang pagkalat ng sakit.

Pero sa kabila ng papataas na bilang ng mga kaso, napakababa pa rin ang kapasidad ng bansa sa testing. Paliwanag ni Prop. Cayton, nasa 44,561.57 ang average na bilang ng mga taong napapasailalim sa Covid-19 testing sa loob ng isang linggo (Marso 14 hanggang 21). Umabot sa 51,663 ang bilang ng tests na naisagawa sa isang araw noong Marso 20. Napakababa ito para malaman ang tunay na inaabot ng sakit sa bansa. Isang paraan para malaman kung sapat na o kulang pa ang testing na naisasagawa sa bansa ay ang tinatawag na positivity rate. Sa isa pang webinar ng Agham noong Marso 24, sinabi ni Dr. Jomar Rabajante, miyembro rin ng UP Covid-19 Pandemic Response Team, na nasa 15 porsiyento ang aktuwal na arawang positivity rate, o kung ilang porsiyento ng mga nate-test ang nagpopositibo. Pagtuntong ng Marso 28 hanggang 30, pumapalo na sa 20 porsiyento ang positivity rate sa bansa, ayon mismo sa DOH. Paliwanag ni Prop. Cayton, dapat ay nakakapag-test na ang bansa ng 130,000 indibidwal kada araw. Sumang-ayon dito si Dr. Rabajante. Sa press conference naman ni Roque sa Malakanyang, inamin niyang kailangang ma-test ang aabot sa 100,000 katao kada araw. Pero hanggang sa pagkakasulat ng artikulong ito, nasa 40-50,000 pa lang ang nate-test araw-araw. Nananatiling malaking bahagi ng testing centers ay pribado at nagpapabayad – sa halagang P2,000 hanggang P5,000, depende sa kung gaano kabilis lumabas ang resulta. Nalala tuloy ng Coalition SUNDAN SA PAHINA 8


8

PINOY WEEKLY | ABRIL 4, 2021

#DutertePalpak

Belat! ni Harry Roque sa oposisyon, sa panayam sa kanya ng TV 5 kamakailan.

Mula sa pahina 7

for People’s Right to Health (CPRH) ang atrasadong reyalisasyon ni Pangulong Duterte mismo noong Disyembre 2020 na mahalaga ang “mass testing” sa pagwakas sa pandemya. “Noong Disyembre 2020, dumulo ang atrasadong mga reyalisayson ng Presidente sa sinasabing inisyatiba ng DOH na iskema para maging libre at mas abot-kamay sa mga mamamayan ang testing,” sabi ng CPRH. “Halos apat na buwan na ang lumipas, hindi pa ito nagaganap...(Ang) set price ceiling na P3,800 hanggang P5,000 (kada test) ay mataas pa sa maksimum na case rate ng PhilHealth para sa testing na P3,409...(I)big sabihin, maraming pasyente pa rin ang naglalabas ng pera para sa PCR testing.” Kapos din sa contact-tracing

Ganoon din ang problema kahit sa contact-tracing: napakaliit ng bilang ng nate-trace. Ayon kay Dr. Cabral, sa bawat isang taong nagpopositibo sa Covid-19, aabot dapat sa 37 katao ang nate-trace. “On average sa bansa, mga 4-5 tao lang ang nata-trace – household members lang,” sabi niya. Kinumpirma ito mismo ng “contact-tracing czar” ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ng rehimeng Duterte na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Sa pagdinig ng komite sa kalusugan sa Kamara nitong Marso 30, inamin ni Magalong na mula huling bahagi ng Pebrero hanggang nitong huling linggo ng Marso,

tila bumaba pa ang contacttracing sa buong bansa. Noong Pebrero 28-Marso 14 nasa 1:7 ang contacttracing ratio sa bansa. Ibig sabihin, sa bawat isang nagpopositibo, pito ang natetrace o natutunton na may “close contact” o nakalapit sa nagpositibong tao. Pero nitong Marso 15-18, nasa 1:3 na lang ang naturang ratio. “Technically, walang contact-tracing diyan,” inamin pa ni Magalong. Samantala, sinabi ni Roque noong Marso 27 na pinatataas ng gobyerno ang kapasidad sa contact-tracing sa pamamagitan ng paggamit ng StaySafe na application o app sa smart phones. Sa naturang app, maaaring makapagreport at matunton ang mga taong nakasalamuha ng isang nagpositibong tao. Laganap din sa mga pampublikong estabilisimyento tulad ng mga groserya, restawran, at iba pa, ang pagpapasulat sa contact-tracing forms para kung sakaling may “outbreak” o ulat ng pagkalat ng Covid-19 sa naturang lugar sa isang takdang panahon ay matutunton ang mga taong

pumasok sa naturang mga estabilisimyento. “Yung mga papeles (forms) na fini-fillup natin (sa mga establisimyento), sana nagagamit natin, pero malamang ay hindi,” sabi ni Dr. Javier sa Second Opinion. “Sino po ba ang sa atin ngayon ang nakontak gamit iyung papeles na iyun?” Paliwanag pa niya, dapat naman talagang digitized o dumaan sa computers ang pagpapasok ng mga detalye para sa contact-tracing. “Pero sa sandamakmak na contact-tracing apps (tulad ng StaySafe) na naglipana, nakakaloka na kailangan mo mismo ng internet para magamit mo iyun,” sabi ni Dr. Javier. “(Pero) hindi dapat nakadepende sa user, kundi doon sa establishment na, at sa pamahalaan na nagkokondukta ng information assessment na iyun ‘yung paano mapapagana ang mga ito.” Hindi rin naman, aniya, kailangang “high tech” ang contact-tracing. “Ang kailangan ay (pumunta sa mga) komunidad,” sabi pa ni Dr. Javier. Sa “mayayamang

bansa” tulad ng Korea at Japan, manu-mano o manual ang contact-tracing – pinuntahan ng contacttracers ang mga tahanan ng mga nakasalamuha ng bawat nagpositibong pasyente para itest sila, itsek kung may sintomas, at i-isolate kung kinakailangan. Pero sa halip na gawin ito, iniutos ng IATF, sa panahon ng ECQ, ang pagsasagawa ng “house-to-house” daw sa pangunguna ng mga pulis, para maghanap ng mga “taong may sintomas”. Ang problema rito, ayon kay Prop. Judy Taguiwalo na tagapagsalita ng CURE Covid, “may masahol na record sa paggalang sa karapatang pantao” ang mga pulis na mag-iikot sa mga bahay. Bulnerable umano ito sa pang-aabuso. Proteksiyong sosyal

Samantala, inanunsiyo nitong Marso 30 ng Department of Budget and Management na inirerekomenda nito ang P1,000 ayuda na “in kind” (hindi cash, kundi sa pamamagitan ng relief goods) sa mga apektado ang


PINOY WEEKLY | ABRIL 4, 2021 kabuhayan dahil sa ECQ. Nakatakda itong gumastos ng P23-Bilyon lang para sa “assistance” o tulong sa mga apektado ng ECQ. “Hindi ito sapat, at ni wala pa sa kalahati ng minimum wage para sa isang linggo. Hindi ito magagamit pambayad sa kuryente at tubig,” sabi ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan. “Kung sa minimum wage ang batayan, sa P500 kada araw, sa limang araw ay P2,500 na yun. Kung ang target ay 22.9 milyong tao sa ECQ area, aabot dapat ito ng P57.25-B para isang linggo ng ECQ.” Bulnerable pa umano ito sa korupsiyon. “Ang moda ng distribution ay puwede na namang samantalahin ng mga kurap,” sabi pa ni Reyes. “Ibibigay ang pondo sa LGU (local government units) at saka pa lamang bibili ng goods para sa distribution. Sa halip na simplehan lang ang sistema, ginawa pang mas kumplikado ang logistical requirements ng distribution.” “Walang alam ang IATF sa kung ano ang nangyayari sa ground,” sabi ni dating Sec. Cabral. “Nagugutom ang mga tao. Nagagalit na sila.” Sa bahagi ng CURE Covid, sinabi ni Prop. Taguiwalo na matagal na itong nananawagan, kasama ang iba pang grupong progresibo, ng libreng mass testing, sistematiko at malawak na contact-tracing, libreng isolation at paggamot sa mga maysakit, at suportang pinansiyal sa mga Pilipinong apektado ang kabuhayan dahil sa pandemya – kahit bago pa ang muling deklarasyon ng ECQ. Nanawagan din

9

Huling slide sa presentasyon ng NEDA, Okt. 2020.

sila ng pagbibitiw ni Health Sec. Fransisco Duque at ng retiradong mga opisyalmilitar sa IATF – para palitan ng mga eksperto sa kalusugan at iba pang disiplinang may kaugnayan sa pagtugon sa pandemya. Sa bahagi ng mga doktor ng Second Opinion, nanawagan sila ng pagwawakas sa “militarisadong kuwarantina” na dumudulo sa malalang mga abuso at nagpapalala lang sa pandemya. Nanawagan din ito ng libre, ligtas at epektibong pagbabakuna. “Sinusuportahan din ng CURE Covid ang hiling ng mga organisasyong masa para sa P10,000 ayuda sa mahihirap na mga pamilya,” aniya. Bukas-ekonomiya, bukasnegosyo

Pero sa halip na pagbigayayuda, pagpapalakas ng testing, tracing, atbp. hakbang pangkalusugan, tila namili lang si Duterte sa pagitan ng pagsasara o pagbubukas ng ekonomiya, kuwarantina o pagnonormalisa ng negosyo

sa bansa. Noong Oktubre 2020, nagbigay ng internal na presentasyon si Acting Socioeconomic Planning Sec. Karl Chua ng National Economic Development Authority (NEDA) para kumbinsihin si Pangulong Duterte na buksan na noon ang ekonomiya at wakasan ang mga lockdown. Pinamagatan itong “Impact of Covid-19 on the economy and the people, and the need to manage risk”. (Nakakuha ang PW ng naturang presentasyon at nakumpirma ito sa maraming sources.) Sa pamamagitan ng serye ng graphs, pinakita ni Chua na Pilipinas ang may isa sa “pinakamahigpit” (“one of the most stringent”) na lockdown o kuwarantina sa buong mundo. Ito rin ang may pinakamalawak na lockdown na sinakop sa isang bansa. “Sa tantiya ng NEDA, sa bawat linggo ng kuwarantina sa NCR ay nagbabawas ng 0.10 hanggang 0.28 percentage points sa potensiyal na taunang GDP (gross domestic product) na

6.5 porsiyento,” ayon sa isang slide ni Chua. “Mawawalan pa ng P3.8 Trilyong kita ang NCR kung magpapatuloy ang GCQ hanggang Disyembre 2020,” sabi pa sa isang slide. Para bigyan-katwiran ang argumento nitong dapat buksan na ang ekonomiya, sinabi ng presentasyon ni Chua na “signipikanteng” tumaas na raw ang kapasidad sa Covid-19 testing ng bansa. “Nagdulot ang pagtaas ng testing sa mas maraming kumpirmadong kaso, pero ang signipikante ang pagbaba ng case fatality rate (mga namatay),” ayon sa isa pang slide. Ikinatuwa rin ng presentasyon ni Chua ang aniya’y paglaki ng bilang ng Covid-19 dedicated beds” sa mga ospital, habang umaabot lang sa 44 porsiyento ng mga kamang ito ang nagagamit. Samantala, pinrisinta nito ang malupit na epekto ng lockdown sa ekonomiya – ang bumabang kita ng mga kompanya, ang paglobo ng bilang ng mga walang trabaho, paglaki ng “self-reported SUNDAN SA PAHINA 10


10

#DutertePalpak Mula sa pahina 9

hunger” (o mga taong inaaming nagugutom sila), pagtaas ng malnutrisyon, at iba pa. Inamin din nitong may “4.5 milyon na karagdagang mahihirap sa 2020.” Pagbubukas-ekonomiya nang walang pag-unlad sa sistemang pangkalusugan

Pero sa kalagayang ito, sa halip na tugunan ang kakulangan pa rin sa mass testing, contact-tracing at sa pagbigay ng ayuda, ang minungkahi ng NEDA ay pagbukas ng ekonomiya, pagnormalisa ng mga operasyon ng mga negosyo. “Malakas ang ekonomiya para makarekober. (Pero) pinipigilan ng mga restriksiyon sa kuwarantina ang pagrekober ng ekonomiya,” bungad ng rekomendasyon nito. “Magastos ang mas mataas na kuwarantina para sa gobyerno (sa pamamagitan ng mga subsidyo) at sa mga tao (sa pamamagitan ng pagtugon sa batayang pangangailangan nila at mga problemang pangkalusugan). Pero hindi naman talaga binubuksan ang ekonomiya ng mas mababang antas ng kuwarantina. Para mabuksan ang ekonomiya, dapat sapat pero ligtas ang pampublikong transportasyon.” “Dapat magbago ang polisiya (ng gobyerno) mula sa total risk avoidance (o pag-iwas sa mga banta) tungong risk management (o pangangasiwa ng mga banta),” sabi pa sa isang slide. Nangangahulugan ito, ayon sa slides ng NEDA, ng pagpalit ng layunin ng gobyerno mula sa paglimita sa mga kaso ng Covid-19 tungo sa pagtugon na lang sa malala at kritikal na mga kaso, “paglimita sa mga namamatay sa antas na kayang makontrol (manageable level)”. Sabi nito, katanggap-tanggap na raw ang 1.5 porsiyento na namamatay sa kabuuang bilang ng mga kaso. Kailangan din daw masegurong mababa sa 70 porsiyento ang utilization rate o porsiyento ng mga ospital na nagagamit para sa mga pasyente ng Covid-19. “Nasa 96 porsiyento ng kasalukuyang mga kaso ay asymptomatic (o walang sintomas) o mahina (mild symptoms) kaya mabubuhay sila at kaya nilang alagaan ang sarili nila,” sabi pa sa rekomendasyon ng NEDA. Sa huli, pinrisinta nito ang problema sa pamamagitan ng isang timbangan: Alin kamo ang mas matimbang, ang pagtugon sa mga nagkaka-Covid-19 o pagtugon sa mga hindi nagkaCovid pero apektado ng lockdown? Ang pasya ng NEDA, mas matimbang ang mas maraming apektado ng lockdown. Taliwas ang presentasyong ito ng NEDA sa lahat ng rekomendasyon ng mga ekspertong pangkalusugan at sa pandemya, kabilang ang WHO. Para sa NEDA, hindi ayuda kundi simpleng pagbalik sa trabaho kahit walang malawakang testing sa kanilang hanay – ang kailangan ng mga manggagawa at mahihirap. Tutal, tila ayon dito, pahupa na ang pandemya sa Pilipinas noong Oktubre 2020. Dapat “back to business” na ang malalaking negosyo. Malinaw, na nakapaloob pa rin ang NEDA sa framework o kaisipang neoliberal na pinalalaganap ng pandaigdigang mga institusyong pampinansiya tulad ng

PINOY WEEKLY | ABRIL 4, 2021 World Bank at International Monetary Fund na dominado, sa pangunahin, ng bansang Estados Unidos (US). Sa framework na ito, pinauubaya dapat ng gobyerno ang mga serbisyong panlipunan tulad ng serbisyong pangkalusugan sa pribadong sektor para pagkakitaan. Pero hindi nga humupa ang pandemya. Nasa proseso na ang rehimeng Duterte ng pagbubukas ng ekonomiya – nakatakda na sanang buksan kahit ang mga sinehan, atbp. noong Marso – nang biglang sumirit muli ang mga kaso. Umabot, at humigit pa, sa 70 porsiyento ang pagkapuno ng mga ospital. At ang mga manggagawa at mamamayan, lalong nawalan ng kabuhayan at sumahol ang kalagayan. Noong Marso 27, matapos ang deklarasyon ng panibagong ECQ at habang nakapila si Claire dela Fuente at maraming iba pang pasyenteng Pilipino sa labas ng punuang mga ospital, nagtrend sa social media ang #DutertePalpak, #Duterte-Resign at, kinabukasan sa kaarawan niya, #DuterteAng-HulingKaarawan. Lantad sa social media ang galit sa “palpak” na pagtugon ng rehimeng Duterte sa pandemya.

(KONTRA)BIDA SA BALITA NI RENAN ORTIZ

ROBERT AARON LONG. Amerikanong maysala sa pagpatay sa walong katao sa iba’t ibang spa at massage parlor sa Atlanta, Georgia, USA, noong Marso 16. Anim sa walong napatay niya ay mga AsyanoAmerikano -- dahilan kung bakit tinitingnan ang pamamaril na ito bilang “krimen ng galit” o hate crime laban sa mga Amerikano o migrante sa US na may lahing Asyano. Pinakahuli lang ang pamamaril ni Long sa serye ng mga “krimen ng galit” laban sa mga may lahing Asyano sa US kamakailan.


PINOY WEEKLY | ABRIL 4, 2021

1Sambayan Mula sa pahina 5 Itakwil si Duterte

Hangad ng 1Sambayan na pamunuan ang kilusang “maghahatid ng mabuting pamumuno sa sambayanang Pilipino” laban sa impunity, korupsyon, at palpak na pagtugon sa pandemya sa ilalim ng administrasyong Duterte. Para kay Carpio, palpak ang administrasyong Duterte at di na umano dapat pang danasin ng mga Pilipino ang susunod na anim na taon sa ilalim ng kanyang tagapagmana. “Dapat itakwil ng sambayanang Pilipino ang sinumang kilala sa diktadura at otoritaryanismo… lahat ng responsible o kumukunsinti sa extrajudicial killings at ang pag-iisip ay pumatay, pumatay, pumatay … lahat ng mga lumalabag sa karapatang pantao… lahat ng nandambong sa gobyerno,” aniya. Dagdag ng dating Punong Mahistrado, dapat ding itakwil ng mga Pilipino ang lahat ng mga ayaw depensahan at ipagtanggol ang pambansang soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea. “Sila ang pumipigil ng kaunlaran ng bansa. Sila ang Anubayan | “Mass murder”

responsable sa pagdurusa at paghihirap ng mga mamamayang Pilipino. Sila ang nagnakaw ng ating pambansang puri at dignidad,” giit niya. Nanindigan ang 1Sambayan na hindi ito mag-eendorso ng mga kumukunsinti sa tiraniya ni Duterte gaya ng anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte. Pagkakaisa

Malinaw at simple ang estratehiya nito: pagkakaisa. Layon ng 1Sambayan na makapagluklok ng maaasahan at mapagkakatiwalaang administrasyon sa paparating na halalan 2022 sa pamamagitan ng pagbuo ng nagkakaisa at demokratikong hanay ng mga kandidato para sa pagkapresidente, bisepresidente at 12 senador. “Sa ilalim ng iisang hanay na may iisang standard bearer, magiging malinaw na mayorya sa halalan ang mga Pilipinong nagmamahal sa demokrasya at lumalaban sa authoritarian na paghahari,” pahayag ng koalisyon. Batid umano nitong kailangang iwasan ang nangyari noong 2016 na nanalo ang isang presidente sa paramihan at hindi sa

11 mayorya ng mga boto. Ang pagiging watak-watak at kawalan ng iisang oposisyon ang isa sa mga dahilan sa pamamayagpag ng mga pambato ng administrasyon sa senado at kongreso noong eleksyong 2019. “Kailangan naming magkaisa dahil kung ang demokratikong mga puwersa ay magkakaroon ng isa o higit pang kandidato sa pagkapresidente, maaring manalo ang mga pwersang anti-demokratiko. Napakahalaga na magkaroon lamang ng iisang kandidato para kami ay manalo,” giit ni Carpio. Kandidato

Hindi gaya ng mga tradisyunal na pampulitikang partido na pumipili lang ang iilang pinuno ng partido kung sino ang pattakbuhing kandidato batay sa popularidad, pinansyal na kapasidad, impluwensya sa partido at kakayanang manalo, mas demokratiko ang pagpili ng kandidato ng 1Sambayan. Ilulunsad ng koalisyon ang isang online survey para alamin kung sino ang pinakanapupusuan ng mayorya ng mamamayan. Mula dito ay pipili sila ng

kandidatong may integridad, maasahan, makabayan, at may tinatanaw para sa bayan. Kailangan din umanong pumasa ang mga kandidato sa inilatag nilang pamantayan kabilang ang: malinis na track record (walang kinasangkutang kaso ng korupsyon); may wastong tindig sa mga isyu gaya ng pagtutol sa extrajudicial killings, sa pagpapakatuta sa dayuhang kapangyarihan, sa paglabag sa paghihiwalay ng kapangyarihan at iba pang prinsipyong laman ng konstitusyon; may solido at malamang plataporma sa pagtugon sa mga problemang bansa at plano para sa pagpapatupad nito; at may kakayanan at kahandaang manalo. Ilan sa mga nakikitang kandidatong bubuo sa tiket ng koalisyon sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, dating senador Antonio Trillanes, at mga senador na sina Nancy Binay at Grace Poe. Bukas din ang koalisyon na tumanggap ng mga mungkahi at nominasyon mula sa publiko.

Renan Ortiz


SAKSI

Hustisya para kay Dandy Miguel Ni Justin Umali

S

i Pangulong Dandy yung tipong kalmado lamang magsalita kapag nasa mobilisasyon. May kani-kaniyang pamamaraan ang mga mass leader e. May kani-kaniyang tono. Kapag si Pang Dandy, parang nakikipag-usap lang. Pero ang galing ni Pang magtalakay ng mga paksa. Malinaw, direkta sa punto. Mapapakinig ka talaga. Kahit sa ibang bagay magaling si Pang Dandy. Hindi nakakapagtaka kung bakit naging pangulo siya ng unyon, o bakit ang galing niya s negosasyon at sa alliance work. Higit sa lahat, napakabait ni Pang Dandy. Masaya kabiruan at handa makinig sa mga kasama. Kung may isyu ang kilusang paggawa sa Timog Katagalugan, asahan mo may tugon si Pangulo. Asahan mo yung matalas at militanteng pagtatasa mula kay Pang Dandy. Nakakalungkot na kinuha ka ng mga berdugo mula sa piling ng masa. Ngunit hindi ibigsabihin noon ay nawala na ang diwa mo. Bitbit ng bawat manggagawa sa rehiyon ang paninindigan mo. Dala naming lahat ang nagkakaisa nating mithiin. Masyado nang marami ang kinuha nila

Mga kapwa unyonista ni Dandy Miguel, lumabas sa kanilang planta sa Fuji Electric para ihayag ang pagkondena sa pagpatay ng kanilang pangulo at para magpakita na di sila paninindak sa pananakot ng Estado.

ngayong buwan - si Kuya Manny, si Tatay Greg, si Ate Chai, lahat pa ng iba. Ngunit hindi ibig sabihin noon makukuha nila tayong patigilin. Pwede nilang patayin ang rebolusyonaryo pero hindi nila kayang patayin ang rebolusyon. Magtatagumpay tayo. PW (EDITOR’S NOTE: Si Dandy Miguel ay tagapangulo rin ng Nagkakaisang Manggagawa ng Fuji Electric-Olalia-KMU. Noong Marso 28, binaril si Dandy habang nagmomotor sa kalsada ng Asia 1, Canlubang, Calamba, Laguna. Walong beses siyang binaril sa katawan. “Si Ka Dandy ay kasama pa ng mga liderunyonista at pamilya ng mga biktima ng #BloodySunday sa Commission on Human Rights noong March 15 para magsampa ng kaso. Sa kabila ng mga banta sa buhay at seguridad, nasa unahan pa rin si Ka Dandy para ilaban ang karapatan at kagalingan ng mamamayan,” sabi ng KMU.)


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.