TOMO 16 ISYU 14
20 MAYO 2018
Executive Order 51
2
PH-US war games Maoj Maga komiks
3 8
Diktadurang Duterte, halos kumpleto na Matapos ang pagtanggal kay Sereno, halos konsentrado na sa Punong Ehekutibo ang kapangyarihan. Sundan sa pahina 4
KUHA NI PHER PASION
2
OPINYON
PINOY WEEKLY | MAYO 20, 2018
Executive Order no. 51: Tuloy pa rin ang labor contracting!
U
pang di– umano ay pagbigyan ang matagal nang kahilingan ng mga manggagawa na tapusin na ang “labor contracting,“ ay nilagdaan ni Pang. Duterte noong Mayo Uno, ang Executive Order No. 51. Ang E.O. na ito’y may pamagat na “Implementing Article 106 of the Labor Code of the Philippines, As Amended To Protect the Right of Security of Tenure of All Workers Based on Social Justice In the 1987 Constitution.” Matatandaan na noong Abril 2016, samantalang kainitan ng kampanya sa pagka-presidente, binitawan ni Rodrigo Duterte ang pangako na tatanggalin na ang labor contractualization kapag siya ay nahalal bilang pangulo ng bansa. Sa Labor Code kasi, hinahati sa dalawa ang labor contractualization: ang job contracting na dinideklarang legal at pinapayagan, at ang labor-only contracting, na pinagbabawal at dinideklarang labag sa batas.
Ang nais ng mga manggagawa na tuluyan nang maalis ang anumang uri ng labor contractualization at ipinangako ito sa atin ni Pangulong Duterte. Ngunit nang nakaupo na si Duterte, hindi tinupad ang nasabing pangako. Matatandaan na sa ilalim ng Department Order No. 174 na inilabas ng Department of Labor and Employment sa ilalim ng administrasyong Duterte, ay hindi pa rin tinanggal ng lubusan ang labor contracting. Ang pinagbawal pa rin ay ang labor-only contracting na dati nang pinagbabawal ng Dept. Order No. 18-A sa ilalim ni Pres. Aquino at pinapayagan pa rin ang job contracting. Umalma ang mga lidermanggagawa tungkol dito at noong Mayo Uno 2017, ay hiniling ni Duterte sa mga lider-manggagawa na magbigay sila ng E.O. tungkol sa labor contracting. Ibinigay naman ng mga lider-manggagawa ang kanilang draft na hinihingi ni Duterte na E.O. Pero hindi ito nilagdaan ng Malakanyang. May mga pag-uusap na naganap sa gitna ng mga manggagawa, mga kapitalista at administrasyong Duterte. Ngunit wala pa ring lumabas na E.O. Dahil dito’y napagkasunduan ng mga grupong manggagawa na magkaroon ng pinag-isang protesta noong
Mayo Uno 2018, at ang protestang ito ay laban sa labor contracting. Upang pakalmahin ang mga grupo ng mga manggagawa, nilagdaan ni Duterte ang E.O. No. 51 noong Mayo Uno. Pero ano ang sinasabi ng E.O. No. 51 tungkol sa labor contracting? Ayon sa nasabing E.O., ang contracting o subcontracting ay mahigpit na pinagbabawal kung ito ay ginawa upang paikutan ang karapatan ng mga manggagawa sa seguridad sa trabaho, karapatang mag-organisa, o collective bargaining. Hindi sinasabi ng E.O. No. 51 na pinagbabawal na ang lahat ng uri ng labor contractualization. Ibig sabihin, tuloy pa rin ang kasalukuyang sistema kung saan ang labor-only contracting lamang ang pinagbabawal at pinapayagan pa rin ang job contracting. Isa pa, sinasabi din ng nasabing E.O. na ang Labor Secretary, pagkatapos ang konsultasyon sa National Tripartite Industrial Peace Council, ay makapagpasya kung anong mga aktibidad ang pwedeng idaan sa labor contracting. Ayon sa mga lidermanggagawa, isang panlilinlang ang E.O. No. 51 sapagkat kinopya lamang ito sa probisyon ng Saligang Batas, Labor Code at iba pang
HUSGAHAN NATIN
ATTY. REMIGIO SALADERO JR.
regulasyon na dati nang naririyan. Walang bago sa nasabing E.O. at hindi na kailangan ito. Kahit si Duterte, umaming walang ngipin ang kanyang E.O. laban sa labor contracting at di umano, kailangan ang batas mula sa Kongreso para magkangipin ito. Ngunit sinasabi rin ng ating Labor Code na may karapatan ang Secretary of Labor na maglabas ng kaukulang regulasyon na nagbabawal o naglilimita sa contracting–out. Sinasabi sa Art. 106 ng Labor Code na the Secretary of Labor and Employment may, by appropriate regulations, restrict or prohibit the contracting-out of labor to protect the rights of workers established under this Code. Sa madaling sabi, hindi na kailangan ang pagkilos ng Kongreso at maaring ang DOLE Secretary na lamang, sa utos ng Pangulo, ang maglabas ng Department Order upang tuluyang ipagbawal ang kontraktuwalisasyon sa paggawa. Ang E.O. No. 51 ay isa na namang panloloko sa taong bayan. PW
EDITORIAL BOARD Leo Esclanda, Cynthia Espiritu, Darius R. Galang, Kenneth Roland A. Guda, Christopher Pasion, Evelyn Roxas EDITOR IN CHIEF Kenneth Roland A. Guda EDITORIAL STAFF Abie Alino, JL Burgos, Jaze Marco, Gabby Pancho, Lukan Villanueva Circulation Ryan Plaza Admin Officer Susieline Aldecoa Publisher PinoyMedia Center, Inc. | www.pinoymediacenter.org | Email: pinoymediacenterinc@gmail.com PMC BOARD OF DIRECTORS Rolando B. Tolentino (chair), JL Burgos, Bienvenido Lumbera, Bonifacio P. Ilagan, Luis V. Teodoro, Leo Esclanda, Kenneth Roland A. Guda, Evelyn Roxas, Jesus Manuel Santiago EDITORIAL OFFICE 3rd flr UCCP Bldng, 877 EDSA, Quezon City PH www.pinoyweekly.org Email: pinoyweekly@gmail.com
LATHALAIN 3
PINOY WEEKLY | MAYO 20, 2018
Hindi solusyon sa panghihimasok ng China ang lalong pagpapahimasok ng US sa bansa, ayon sa Bayan. Ni Priscilla Pamintuan
LARAWAN MULA SA BALIKATAN FB PAGE
War games ng Kano sa Pinas, mapanganib
W
alang tsamba sa timing ng ehersisyong militar sa pagitan ng armadong puwersa ng US at Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagsimula noong nakaraang linggo. Ito ang pahayag ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), sa isinagawang karaban-protesta nito kontra sa pinakahuli at pinakamalaking Balikatan military exercises sa panahon ng rehimeng Duterte. Para rito, tiyak na inilunsad ng US ang ehersisyong militar sa Gitnang Luzon, kabilang sa Zambales, para tapatan ng mga tropang Kano ang nababalitang pagtalaga ng mga eroplanong pandigma ng armadong puwersa ng China sa West Philippine Sea. Pero para kay Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bayan, hindi makakatulong ang Balikatan sa pagdedepensa ng Pilipinas sa mga teritoryo nito na sinasakop ngayon sa West Philippine Sea. Sa kabilang banda, lalong ibinubukas umano nito ang buong bansa sa panghihimasok
ng armadong puwersa ng Kano sa Pilipinas. Kasing mapanganib, kung di man mas mapanganib pa, ito kumpara sa panghihimasok ng China sa bansa. “Hindi dudulo ang pinakahuling ehersisyong militar na Balikatan sa pagpapaunlad ng kakayahan
ng Pilipinas sa pagdedepensa natin sa ating EEZ (exclusive economic zones) at mga isla kontra sa pagpakat ng militar ng China rito,” sabi ni Reyes. Ang nangyayari, ani Reyes, ay pagsasamantalahan lamang ng US ang sigalot ng Pilipinas sa China para ibenta ang ilusyon na mabuti sa bansa
ang presensiyang militar nito sa bansa. “Ginagawang lunsaran ng US ang Pilipinas para makapagpakita ng kapangyarihan sa rehiyon (Asya-Pasipiko),” paliwanag pa niya. Sa paggiit ng karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea, naniniwala umano ang Bayan na hindi dapat umasa ang bansa sa iba pang “imperyalistang kapangyarihan” para depensahan ang pambansang interes ng bansa. “Ngayon higit kailanman, kailangan natin ang tunay na independiyenteng polisiyang panlabas; isang (polisiya) na di kakaladkad sa atin (sa pagitan ng) Dragon at Agila,” sabi pa ni Reyes. “Hinding hindi solusyon ang pangangayupapa sa isang dayuhang interes higit sa iba pang dayuhang interes.” PW
Gera ng Israel-US sa mga mamamayang Palestine, kinondena
H
indi ang mga naninirahan sa lupang pangako ang kaaway, kung ‘di ang nagmamanipula sa likod nito. Hindi ang mga naninirahan sa lupang pangako ang kaaway, kung ‘di ang nagmamanipula sa likod nito. Pinangunahan ng International League of Peoples’ Struggle-Philippines (ILPS-PH) at Philippine-Palestine Friendship Association ang ika-70 anibersaryo ng al-Nakba o araw ng daluyong ng mga Palestino nitong Mayo 15 sa National Council of Churches in the Philippines (UCCP). Umalis ang Britanya sa pananakop sa Palestina noong Mayo 14, 1948. Ginugunita ng iba ang tinuring na kalayaan ng bansa, ngunit dito pa lalong bumugso ang kalbaryong hinarap nila kaya nagkaroon ng al-Nakba (The Catastrophe). Naitatag ang araw ng daluyong noong Mayo 15, 1948. Bago pa man lumayas sa pananakop ang Britanya noong 1947, idineklara na ng Estados Unidos ang paghihiwalay sa lupain ng Palestino. Nahati ang Palestine at napunta sa Israel ang 53% nito. Samantala, ang 43% ay sa Palestine napunta at ang 1% naman ay sa Jerusalem. Dahil dito, 400-600 nayon ang kinamkam at sinira, ginahasa ang kababaihan, at pinatay ang mga bata para lamang matakot ang mga Palestino at lumayas. Nangyari rin ang Deir
Yassin massacre, kung saan higit isang daan ang pinatay ng mga Israelita. Ang araw ng Mayo 15 ay hindi isang araw ng selebrasyon; araw ito ng pag-alala sa rumagasang daluyong ng mga labi at mga karapatang naisantabi. Kinondena ng mga lumahok sa nasabing pagtitipon ang ginawang aksiyon ni US Pres. Donald Trump na ilipat ang US Embassy sa Jerusalem. Itinuring na parte ng Israel ang Jerusalem, at lubos itong tinututulan ng mga grupo. Isa umano itong malinaw na representasyon ng paniniil ng pasita at imperyalistang-US. Isang solidarity action ang isinagawa ng ILPS-PH para sa kalayaan ng mga Palestino at pagpapabagsak sa imperyalismo. Hawakhawak nila ang mga susi na sumisimbolo sa kagustuhan ng mga mamamayan ng bansa na makauwi sa kanilang lupain. HD de Chavez
4
PINOY PINOY WEEKLY | MAYO 20, 2018WEEKLY |
SURING BALITA
N
itong Mayo 11, nangyari na ang matagal nang inaasahan ng marami kaugnay ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno: Napatalsik na siya sa botohang 8-6 ng mga kapwa mahistrado niya sa Korte Suprema. Pinagbotohan ng mga mahistrado ang petisyong quo warranto (sa esensiya, pagkuwestiyon sa kuwalipikasyon ni Sereno bilang Punong Mahistrado) na isinampa ni Solicitor General Jose Calida. Ang problema, ayon sa maraming eksperto sa batas, malinaw sa Saligang Batas na sa pamamagitan ng impeachment lang matatanggal ang Punong Mahistrado ng Korte Suprema. Nakasaad nga naman ito sa Artikulo XI, Seksiyon 2 ng Konstitusyong 1987. Isa pa, ayon naman sa mga panuntunan ng korte, maaari lang magpetisyong quo warranto para matanggal ang isang opisyal sa loob ng isang taon matapos siya maupo sa puwesto. Ibig sabihin, bali-baliktarin man ang mga argumento, hindi mapasusubaliang labag sa Saligang Batas ang pagpapatalsik kay Sereno. Sa pagboto rin para sa pagpapatalsik kay Sereno, bumoto ang limang mahistrado na dati nang tumestigo laban kay Sereno sa nagdaang mga pagdinig sa Senado: sina Associate Justices Lucas Bersamin, Diosdado Peralta, Francis Jardeleza, Samuel Martires
Matapos ang pagtanggal kay Sereno, halos konsentrado na sa Punong Ehekutibo ang kapangyarihang ehekutibo, lehislatibo at hudisyal. Ni Priscilla Pamintuan
Ang artista/ aktibistang si Mae Paner, a.k.a. Juana Change, sa piket sa Korte Suprema noong Mayo 15.
Diktadurang Duterte,
halos kumpleto na at Teresita Leonardo-De Castro. Silang mga nag-aakusa laban kay Sereno ay sila ring maghuhusga ukol dito. Ayon sa mga eksperto sa batas, labag ito sa Code of Judicial Conduct (Rule 3.12). Ang susunod na tanong ngayon para sinumang gustong makaalam sa puno’t dulo ng pangyayaring ito: Bakit pinilit ng ilang mahistrado ng Korte Suprema, gayundin ng Solicitor General, ang pagpapatalsik kay Sereno sa puwesto? *** nang una, kailangang sabihin: hindi popular si Sereno kahit sa hudikatura. Noong itinalaga
U
siya ni dating Pangulong Benigno Aquino III bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema, taong 2012, marami ang ugung-ugong na pulitikal ang pagtatalaga ni Aquino kay Sereno. Pinalitan niya si Chief Justice Renato Corona na pinatalsik naman sa puwesto noong 2012 sa pamamagitan ng desisyon ng impeachment court ng Senado. Ang hinala naman ng marami noon, tinanggal si Corona dahil sa pagpabor niya sa pamamahagi ng lupain ng Hacienda Luisita na pagaari ng pamilya ni Pangulong Aquino. Hindi rin ganap na kontrolado ni Aquino si
Corona, na itinalaga ng dating pangulong Gloria MacapagalArroyo. Si Sereno ang pinakabatang Punong Mahistrado sa kasaysayan ng bansa. Siya rin ang unang babaing humawak sa naturang puwesto sa hudikatura. May ilang associate justices tulad nina Antonio Carpio, Teresita de Castro at Arturo Brion, na nanomina sa puwesto pero nalaktawan. Pati ang noo’y solicitor general, na ngayo’y nasa Korte Suprema na, na si Francis Jardeleza, ay nabigong makuha ang puwesto. Nang maupo sa puwesto si Pangulong Duterte, nagkakiskisan agad sila ni
PHER PASION
| MAYO 20, 2018WEEKLY | MAYO 20, 2018 PINOY Sereno. Umalma si Sereno sa paglabas ng Pangulo ng listahan ng mga aniya’y sangkot sa paglaganap ng ilegal na droga. Kasama sa listahan ang ilang hukom ng korte. Ayon kay Sereno noon, hindi dumaan sa due process ang naturang listahan, at nalalagay ang mga hukom sa panganib. Ito ang nagbunsod ng sunud-sunod na banat ni Duterte kay Sereno. Inakusahan ng Pangulo ang Punong Mahistrado na “nakikialam” sa kanyang kampanya kontra droga. Dumulo ang kiskisang ito sa pagsampa ng reklamong impeachment ng abogadong si Lorenzo Gadon noong Setyembre 2017. Inaprubahan ng Kamara (na kontrolado ni Duterte sa pamamagitan ng supermajority) ang reklamong impeachment. Pero lumalabas na hindi sigurado ang boto ng mga senador na tatayong hukom sa impeachment court. Kung kaya, itinulak ni Solicitor General Calida ang petisyong quo warranto. Samantala, agresibong iminungkahi ni Presidential Spokesperson Harry Roque kay Sereno na magbitiw na lang. Pero palaban si Sereno. Sa maraming pagkakataon, inihayag niya na di siya aatras sa kanyang mga tindig kaugnay ng giyera kontra droga at independensiya ng Korte Suprema mula sa kontrol ng
SURING BALITA 5 SURING-BALMalakanyang.
H
*** indi na nga tinatangkang itanggi ng Malakanyang na may kinalaman ito sa pagpapatalsik kay Sereno. Samantala, lumalabas na lantaran na ang paglabag sa Saligang Batas at mga batas ng bansa sa desisyong ito ng Korte Suprema. Hindi maitatanggi kahit ng mga tagasuporta ni Duterte na ang pakay ng pagtanggal kay Sereno ay para mas makontrol ng Palasyo ang Korte Suprema. “Ang pakay at nais ni Pangulong Duterte ay mapang-hawakan ang hudikatura,” sabi nga ni Neri Colmenares, dating kongresista ng Bayan Muna, makabayang abogado at isa sa mga tagatipon ng Manlaban (Mga Manananggol Laban sa Extrajudicial Killings). “Ang problema natin lahat dito, ang apekto (tayong) lahat.” Ngayon, higit kailanman, naipapamalas sa madla ang angking kawalan-ngindependensiya ng hudikatura at ang limitasyon ng sistemang pampulitika sa bansa na dominado ng iilang mayayaman at nasa poder ng Estado. Ang pagkakaiba lang ngayon, mas garapal o lantaran ang pangongontrol ni Duterte sa hudikatura. Kung si Aquino, dinaan pa sa impeachment
Ma. Lourdes Sereno, bumati sa mga tagasuporta niya matapos ang botohan sa petisyong quo warranto. LITO OCAMPO
court ang pagpapatanggal sa Punong Mahistrado na tinitingnan niyang kumokontra sa kanya, si Duterte, lantaran nang nagbanta kay Sereno, lantarang pinakilos ang Ehekutibo para masunod ang gusto. “Ang unang implikasyon ng desisyon sa quo warranto, matatanggal nila ang Chief Justice, si Duterte ang mag-a-appoint ng bagong Chief Justice na sunud-sunuran kay Duterte,” paliwanag ni Colmenares. “Ang pangalawang epekto nito: ang impeachable officials sa buong bansa, lahat ng independent constitutional bodies, takot na takot na ngayon kay Duterte at sa kanyang SolGen kasi baka i-quo warranto rin sila.” Kontrolado na o di kaya’t inaatake na ni Duterte ang dapat sana’y independiyenteng constitutional bodies tulad ng Commission on Elections, Commission on Audit, Civil Service Commission, at tanggapan ng Ombudsman. Habang sinusulat ang artikulong ito, lumabas ang ulat na pinasa na sa huling pagdinig ang pagbuwag sa Presidential Commission on Good Government o PCGG, na may trabahong bawiin ang tagong yaman ng mga Marcos. “Paano na tayo kukuwestiyon sa mga kontra-mamamayang polisiya ni Pangulong Duterte? Pupunta ka sa judiciary, hihingi ka ng saklolo dahil nilalabag ang karapatang pantao mo? Pupunta ka sa judiciary, hihingi ka ng saklolo gusto mo sana i-overturn yung Train (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) Law ni Duterte na nagpaigting ng mataas na presyo sa Pilipinas? Pero ang judiciary, natatakot na ngayong sumuway o hindi sumang-ayon kay Duterte,” ani Colmenares. Isa lang ang kahulugan nito: Ang nabubuong diktadura ni Duterte, ang konsentrasyon sa kapangyarihan sa Punong Ehekutibo. Hawak ni Duterte ang supermajority sa Kongreso, may puwang na siyang magtalaga ng sariling tao sa posisyon ng Punong Mahistrado. At siyempre, kontrolado at busog sa suhol ang militar at pulisya. Tungkulin ng mga manggagawa at mamamayan para pigilan ang nabubuong diktadurang ito. PW May ulat ni Darius Galang
6 BALITA
PINOY WEEKLY | MAYO 20, 2018
Patuloy na taas-presyo ng bilihin, dahil sa Train Law Maisisisi sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train) Law ang kakaibang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ayon sa Ibon Foundation. Noong Abril, naitala ng Philippine Statistics Authority o PSA ang 4.5 porsiyentong inflation rate, ang pinakamataas sa loob ng limang taon. Sa monitoring ng mga grupong konsiyumer, tumaas ang presyo ng batayang mga bilihin gaya ng gulay, prutas, manok at baboy, isda, at iba pang pagkain. Tumaas din ang singil sa mga yutilidad gaya ng tubig at kuryente. Sinabi ni Ernesto Pernia, hepe ng National Economic Development Authority o NEDA, na ang mataas na inflation rate ay hindi dahil sa Train kundi dahil sa mahinang piso at tumataas na presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado. Pero pinabulaanan ito ng Ibon Foundation. Ayon pa sa Ibon, bagamat positibo ay hindi sapat ang panawagan ng ilang mambabatas na isuspindi ang implementasyon ng Train. Dapat daw ay tuluyang ibasura ang Train Law. Hindi rin sang-ayon ang Ibon sa sinasabi ng economic managers ng administrasyong Duterte na pansamantala lang ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin..
NABUWAL NA PUNO, NANGANGANIB NA KOMUNIDAD. Naalarma ang mga residente ng Brgy. Taliptip sa Bulacan nang madiskubre nilang pinagpuputol ang ilang puno ng api-api, isang uri ng bakawan. Nang kaharapin nila ang mga pumutol ng puno, sinagot sila na “may permiso ni Mayor�. May planong gumawa ng isang aerotropolis ang San Miguel Corp. Iginawad ng Department of Transportation ang permiso sa planong nagkakahalagang P700Bilyon. Hindi pa nadadalaw ng Department of Environment and JL BURGOS Natural Resources ang lugar.
BIDA SA BALITA NI RENAN ORTIZ
Demolisyon ng mga maralitang Moro sa Davao, kinondena Dismayado ang mga taga-Brgy. Salmonan, Davao City sa hindi pagtupad ni Pangulong Duterte sa pangako nitong hindi magkakaroon ng demolisyon sa ilalim ng kanyang administrasyon. Halos 70 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos ipatupad ng daan-daang pulis at miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ang puwersahang demolisyon noong Mayo 7. Dekada 1950s pa nakatira ang maraming pamilya sa Bgy. Salmonan, pero may isang negosyante umano ang biglaang nakabili ng lupa. Hinaing pa ng mga residente, walang relokasyon na inilaan para sa kanila ang lokal na gobyerno. Kabilang din sa mga giniba sa Salmonan ang pinakalumang moske ng mga Muslim sa Davao City.
Alab ang kauna-unahang progresibong online newscast!
Tangkilikin! Panoorin sa Facebook at YouTube!
facebook.com/altermidya • youtube.com/channel/UC9OzvUB6mcw21YzzN9eEYog
KARL MARX. Radikal na pilosopo, rebolusyonaryong lider. Pinanganak sa
Triers, Germany noong 1818, si Marx ang unang sistematikong nag-aral at nagsulat hinggil sa kasaysayan ng mundo bilang tunggalian ng mga uri sa lipunan. Inaral din niya ang rebolusyonaryong pagbabago sa Europa noong ika-19 siglo, kabilang ang mga tangkang rebolusyon sa France, England at Germany. Kasama si Friedrich Engels, sinulat niya ang Communist Manifesto, na naging gabay sa pagtataguyod ng mga rebolusyon sa Europa na pamumunuan ng uring proletaryado. Sa Pilipinas, patuloy na nagiging gabay ang mga turo ni Marx sa bagong henerasyon ng mga rebolusyonaryo. Patuloy din siyang inaaral ng mga nagnanais maintindihan ang pag-inog ng kapitalismo at kung papaano ito pababagsakin ng mga manggagawa.
SAMU’T SARI 7
PINOY WEEKLY | MAYO 20, 2018
Paghahanda sa tag-ulan
oras, umiwas sa mga bisyo at magehersisyo. 7. Maglaan ng perang panustos. Maaaring magtabi ng kaunting halaga arawaraw upang paghandaan ang mga ganitong kagastusan. Hindi maiiwasan ang mga kalamidad at sakuna, ngunit maaring mabawasan ang pinsalang dulot ng mga ito. PW
Ni Jaze Marco
Tala-Kaalaman ni Boy Bagwis DARIUS GALANG
Ekonomiya ng Pilipinas gumuho
H
indi pa man opisyal na dinedeklara ng PAGASA, hindi maikakaila na malimit na ang mga araw na maulan. Papasok na rin ang taon sa mga buwan ng habagat at bagyo kaya’t habang maaga, mainam na maging handa. Ilang sa mga maaring paraan ng paghahanda ang sumusunod: 1. Magkumpuni ng bahay. Maglaan ng isang araw upang masuri ang bahay. Tiyaking walang tulo o tubig na nakakapasok, walang sira at butas ang bubong at malinis at walang bara ang alulod. Suriin din ang pagkakakabit ng mga pinto at bintana. 2. Magtambak ng mga buhangin sa mga mabababang bahagi ng paligid
ng bahay. 3. Linisin ang mga baradong kanal upang maiwasan ang pagbabaha. 4. Maghanda ng mga kakailanganing gamit sakaling lumikas. Ihanda ang survival bag na maaring maglaman ng malinis na inuming tubig, pagkaing delata, biskwit, at instant noodles, first aid kit, mga damit, kumot, at twalya, radyo, cellphone at flashlights. Maari ding ilagay ang mga mahahalagang dokumento sa isang plastic envelope. 5. Pagtutok sa balita sakaling may bagyong paparating. 6. Dahil sa pabago-bagong klima, di maiiwasan ang magkasakit pero maaaring palakasin ang katawan. Kumain nang balanse, matulog na sapat sa
Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, (@marvicleonen),
hinggil sa kanyang di-pagsang-ayon sa pagpapatalsik kay CJ Sereno
KILITING DIWA Mother’s Day Edition Baby ahas: Nay, makamandag ba tayo? Nanay ahas: Oo naman. Bakit? Baby ahas: Nakagat ko po dila ko e. *** (Umayat yung batang donut sa puno. Nagalit ang kanyang nanay donut.) Nanay donut: Anak, bavarian!
Tanong ng batang ulan sa nanay ulan: Nay, ambon ba ako? *** Tanong: Ano ang tawag sa maliit na nanay? Sagot: Minumum. *** Tanong: Bakit magagaling ang mga mommy? Sagot: Kasi, sinanay!
ANG TARAY!
Sinasailalim natin ang (Korte Suprema) sa isang agresibong Solicitor General. Ginagawa nating bulnerable iyung nagpapahayag ng taliwas na mga opinyon sa makapangyarihang mga interes.
A
lam n’yo ba na ang kagutuman ay naging kapalaran ng mga Pilipino? Sa harap ng pangangailangang pagkain ng hukbo, huminto ang produksiyon, dahil sa kawalan ng importasyon, pag-iral ng mga patakaran sa pagkumpiska sa nalalabing suplay para gamitin ng Japanese (Hapon) sa pamamagitan ng hoarding at profiteering. Sa kakulangan ng suplay, kailangan din ipatupad ang pagrarasyon at kontrol sa presyo, una ang bigas at ibang pangangailangan tulad ng sabon, mantika, sigarilyo at posporo. Noong Mayo 1942, nagsagawa ng hakbangin ang Komisyonado ng Agrikultura at Komersiyo upang pigilan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pagkain. Pagsapit ng Setyembre, inamin ng Japanese (Hapon) na nabigo ang sistemang pagkontrol sa presyo at pamamahagi. Noong Pebrero 1943, tinangkang ibsan ang lumulubhang kakapusan ng pagkain sa Maynila. Binuo naman ang samahan ng mga prodyuser ang Foodstuff Control Association para sa himpilang pamilihan sa mga karatig lalawigan. Layunin nitong palakihin ang suplay at kontrolin ang presyo ng mga karne, prutas, gulay at gatas sa lungsod. Subalit walang nangyari at patuloy na tumaas ang presyo ng mga bilihin. Hindi nagtagal gumuho ang ekonomiya ng Pilipinas. PW
Komiks ng Free Maoj Maga Committee
bit.ly/freemaojmaga