Pw 16 10 04222018

Page 1

Bintang sa ilegal na droga 2 BPO workers, nagbuklod 3 Never Not Love You

TOMO 16 ISYU 10

22 ABRIL 2018

8

Bida ang saya ng kapitalista Gahaman ang reynang bubuyog. Pero nabubuo at lumalakas ang pagkakaisa ng mga manggagawang bubuyog para sa reyna at Estado’y manguyog. Sundan sa pahina 4

Teksto sa itaas: Nilalaman ng draft executive order na pinapipirmahan ng mga negosyante kay Pangulong Duterte. Kulay-dilaw sa teksto ang Seksiyon 2 na nagsasabi, muli, na hindi lahat ng klase ng kontraktuwalisasyon ay ipinagbabawal. Taliwas ito sa pangako ni Duterte-at hangad ng mga manggagawa--na pawiin ang lahat na klase ng kontraktuwalisasyon. Dibuho ni Darius Galang


2

OPINYON

A

PINOY WEEKLY | ABRIL 22, 2018

Bintang sa ilegal na droga

ng pagsugpo sa illegal drugs ay naging kilala nitong panahon ng administrasyon ni Pangulong Duterte. Ngunit panahon pa man ng mga nakaraang administrasyon ay may batas na sa bagay na ito.

Pinakahuling batas tungkol dito ang Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na naaprubahan noong panahon ni Pangulong Arroyo na nagbabago sa Republic Act No.6425 noong panahon ni Pangulong Marcos. Ang RA No. 9165 na ito ay mahigpit na nagbabawal sa dangerous drugs katulad ng shabu at marijuana at nagbibigay ng mahigpit na kaparusahan sa pagbebenta, paggamit, o pagmamay-ari nito. Inuutusan din nito ang Department of Labor and Employment (DOLE) upang ipairal sa pribadong mga kompanya ang isang national drug abuse prevention program na ipapalaganap ng pamahalaan, may-ari ng kompanya at mga manggagawa. Kaugnay sa batas na ito, inilabas ng DOLE ang Dept. Order No. 53 noong 2003. Ayon sa Dept. Order na ito, binibigyan ng karapatan ang mga kompanya na magsagawa ng random drug testing sa kanyang mga manggagawa. Dapat isagawa ang drug test

na ito ng klinika o hospital na accredited sa Department of Health (DOH). Ang sinumang manggagawa na magiging positibo sa random drug testing na ito ay bibigyan ng isa pang drug testing upang kumpirmahin ang naunang resulta. Kung sakaling makumpirma nga na siya ay gumagamit siya ng droga, ipapasa ang kanyang kaso sa isang assessment team na magbibigay ng rekomendasyon kung dapat siya sumailalim sa rehabilitation o treatment sa isang rehabilitation center na accredited din ng DOH. Pagkatapos ng kanyang rehabilitation, pag-aaralang muli kung dapat ba siyang pababalikin sa kanyang trabaho o hindi na. Kaugnay ng mga alitutuntuning ito, isinumbong si Jeffrey, isang manggagawa sa kilalalang kompanya ng barko, ng kanyang mga kasama dahil sa talamak na pag-gamit ng droga. Dahil dito, naglabas ng letter of investigation ang kompanya na humihingi ng paliwanag dito kay Jeffrey tungkol sa reklamo laban sa kanya. Samantalang nakahimpil sa puwerto ng Maynila ang kanilang barko, nagsagawa ng random drug tests ang kompanya sa kanyang mga manggagawa, kasama na si Jeffrey. Dinala sila sa isang medical clinic at kinunan ng sample ng kanilang ihi, pagkatapos ay ineksamin ang

mga ito. Sa eksaminasyon ng klinika, lumabas na positibo sa illegal drugs ang ihi ni Jeffrey. Mariiing itinanggi ni Jeffrey ang paggamit ng ipinagbabawal na droga. Pumunta siya sa isang ospital upang magkaroon ng voluntary drug test. Napatunayan ng ospital na negative o hindi gumagamit ng droga si Jeffrey. Dinala niya sa kompanya ang resulta ng eksaminasyon sa kanya ng ospital. Ganun pa man, hindi rito naniwala ang kom-panya at binigyan nito ng memorandum si Jeffrey na tanggal na sa kanyang trabaho ang huli dahil paggamit ng droga na isang grave misconduct ayon sa kompanya. Nagsampa ng kaso sa labor arbiter si Jeffrey. Pinanalo siya nito. Ngunit nag-apela ang kompanya sa National Labor Relations Commission (NLRC). Bi-naliktad ng NLRC ang desisyon at pinanalo naman ang kompanya. Inakyat ni Jeffrey ang kaso hangga’t ito ay makarating sa Korte Suprema. Pinanigan ng Korte Suprema si Jeffrey. Ayon sa Korte Suprema, dalawang test dapat ang naging batayan ng kompanya bago ito nagpasyang tanggalin si Jeffrey: isang screening test at isang confirmatory test. Ngunit isang screening drug test lang ang naging batayan ng kompanya. Wala itong nagawang confirmatory test.

HUSGAHAN NATIN

ATTY. REMIGIO SALADERO JR.

Isa pa, walang patunay na accredited clinic ng DOH ang klinikang nagsagawa ng unang pagsusuri kay Jeffrey. Nakalagay sa Rep. Act No. 9165 na dapat ang drug test ay gagawin lamang ng isang DOH–accredited center. Dahil dito, walang batayan ang kompanya sa kanyang paratang na lumalabag sa Dangerous Drugs Act si Jeffrey. Wala ring dahilan upang tanggalin siya sa kanyang trabaho. Dahil nga sa nasira na ang relasyon sa pagitan nina Jeffrey at ng kompanya, pinagpasya ng Korte Suprema na bigyan na lang ng separation pay si Jeffrey at hindi na ito pinabalik sa kompanya (Nacague vs. Sulpicio Lines, Inc., G.R. No. 172589, August 8, 2010). Aral na makukuha natin sa kasong ito? Siyempre, malaking tulong sa manggagawa kapag alam niya ang pasikut-sikot ng Comprehensive Dangerous Drugs Act tulad ni Jeffrey. Ngunit mas malaking tulong sa kanya kung maiwasan niyang maihabla siya ng paglabag laban sa batas na ito. PW

EDITORIAL BOARD Leo Esclanda, Cynthia Espiritu, Darius R. Galang, Kenneth Roland A. Guda, Christopher Pasion, Evelyn Roxas EDITOR IN CHIEF Kenneth Roland A. Guda EDITORIAL STAFF Abie Alino, JL Burgos, Jaze Marco, Gabby Pancho, Lukan Villanueva Circulation Ryan Plaza Admin Officer Susieline Aldecoa Publisher PinoyMedia Center, Inc. | www.pinoymediacenter.org | Email: pinoymediacenterinc@gmail.com PMC BOARD OF DIRECTORS Rolando B. Tolentino (chair), JL Burgos, Bienvenido Lumbera, Bonifacio P. Ilagan, Luis V. Teodoro, Leo Esclanda, Kenneth Roland A. Guda, Evelyn Roxas, Jesus Manuel Santiago EDITORIAL OFFICE 3rd flr UCCP Bldng, 877 EDSA, Quezon City PH www.pinoyweekly.org Email: pinoyweekly@gmail.com


LATHALAIN 3

PINOY WEEKLY | ABRIL 22, 2018

Nagtipon sa isang makasaysayang pambansang summit ang daan-daang BPO workers para igiit ang kanilang mga karapatan. Nina HD de Chavez at Sherna Tesara

Panawagan ng pagkakaisa

sa call center agents

K

ailangang pagkaisahin ang mga manggagawa sa industriyia ng business process outsourcing o BPO para ipagtanggol ang kanilang karapatan sa nakabubuhay na sahod, seguridad sa trabaho, ligtas na lugar ng trabaho at benepisyo.

Ito ang napagkasunduan sa BPO Employees National Summit na pinangunahan ng BPO Industry Employees’ Network (BIEN) noong April 15 sa Occupational Safety and Health Center Auditorium, Quezon City. Ito ang pinakaunang summit ng mga empleyado ng BPO at isa pa lang ito sa untiunting pag-unlad at natatamo ng organisasyon, ani Myelene Cabalona, presidente ng BIEN. Layon ng National Summit na tipunin ang mga manggagawa ng BPO

mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Ito ang nagsilbing lugar para magpalitan ng mga impormasyon tungkol sa mga isyung hinaharap nila at maghanda ng action plan na makakatulong sa pagpapayabong ng mga kampanya at adbokasiya. Laman ng nasabing action plan ang pagbabago

at pagpapabuti ng kalagayan ng mga manggagawa sa industriya ng BPO. Kabilang dito ang pagkalap ng 600,000 na pirma ng mga empleyado sa BPO para sa kanilang “One Voice Manifesto”, mas pinabuting seguridad ng mga manggagawa sa opisina kasunod ng nangyaring sunog sa NCCC Mall sa Davao City,

at pagpasa ng BPO Workers’ Protecion Bill. Ang tema ng nasabing Summit ay “One voice, one industry. BPO workers unite!” bilang repleksiyon ng pagkakaisa ng mga manggagawa ng BPO sa iisang boses na babasag sa pagtingin na ang mga katulad nila’y pipi at walang boses. Ayon kay Cabalona, hindi na sila pipi sa industriyang ito. Sa summit, itinataas nila ang kanilang kolektibong boses para matigil ang neoliberal na mga atake sa kanilang mga karapatan, trabaho, at suweldo. “Oras na para magsama sama at lumaban!” ani Cabalona. Ang action plan para sa pagsulong ng kanilang karapatan ang naghari sa nangyaring aktibidad. Sinuportahan din ito ng National Anti-Poverty Commission kasama ang Department of Labor and Employment. PW

‘Aktibistang maka-manggagawa, hindi kriminal’

N

anawagan ang mga manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno (KMU) kay Pangulong Duterte: Huwag na ituring na krimen ang pagoorganisa, pagpapamulat at pagpapakilos sa mga manggagawa. Sa panahong tila muling bumubukas ang rehimeng Duterte sa usapang pangkapayapaan sa National

Democratic Front of the Philippines (NDFP), nagprotesta ang KMU sa harap ng Kampo Crame sa Quezon City para itulak si Duterte na itigil na ang pagkikriminalisa sa mga aktibista. Sa ngayon, may mahigit 480 bilanggong pulitikal na nakakulong sa buong bansa. Kasama na rito ang organisador na makamanggagawa na si Marklen

Maojo Maga. Si Maga ay organisador ng KMU at Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide o Piston na mahigit isang buwan nang nakakulong. Nanawagan din ang KMU sa agarang pagpapalaya ng labor rights’ advocate at konsultant ng NDFP sa usapang pangkapayapaan na si Rafael “Ka Raffy” Baylosis, na ilegal na inaresto noong Enero 31. “Sina Maojo at Raffy ay biktima ng mga pasistang taktika ni Duterte para supilin ang paglaban, (kaya) makatwirang lumaya na sila,” sabi ni Elmer “Ka Bong” Labog, tagapangulo ng KMU. P. Pamintuan


4

SURING BALITA

PINOY WEEKLY | ABRIL 22, 2018WEEKLY | PINOY

D

isi-otso anyos noong 2012 si Jessamel Crispo, at estudyante sa isang kolehiyo sa Quezon City. Pero hindi kaya ng mga magulang niya na pagaralin siya. Buti na lang, naisip niya noon, may scholarship ang Jollibee. Salamat sa sikat na bubuyog. Bida nga ang saya. Pero hindi pala. “Natuwa ako (sa Jollibee Seeds Scholarship), kasi akala ko libre na (ang pag-aaral ko),” kuwento ni Jessamel. Akala niya, salamat sa kagandahang loob ng bubuyog (o ng mga kapitalistang nasa likod nito), makakapag-aral na siya, matutupad ang mga pangarap, at maiaahon sa hirap ang pamilya. Pero ang katotohanan, mistulang naging recruitment agency ang scholarship. “Parang working student lang din (ako). ‘Yung ipinangpapaaral sa (akin), kaltas din sa sahod (ko),” kuwento niya. Bilang service crew ng pinakamalaki at pamosong fast food chain ng bansa, naranasan ni Jessamel ang hirap na dinaranas ng lahat ng manggagawa sa Jollibee at iba pang fast food chain. Ang mababang sahod, trabahong walang sahod, walang benepisyo, kawalan ng seguridad sa trabaho, at, sa panghuli, di-makatarungang pagtanggal. Sa tatlong taong pagiging iskolar niya, tatlong taon din siyang nagtrabaho sa loob ng Jollibee. “P57 kada oras ang sahod (ko),” ani Jessamel.

Bida ang saya

ng kapitalista

Gahaman ang reynang bubuyog. Pero nabubuo at lumalakas ang pagkakaisa ng mga manggagawang bubuyog para sa reyna at Estado’y manguyog. Nina KR Guda at Abie Aliño “Karaniwang limang oras ang naipapasok ko sa isang araw dahil sa pasok sa school. Bale, P200, kung minsan mas mababa pa, ang nagiging take home pay (ko).” Maliban sa mababang sahod, naranasan din niya ang iba pang di-makatarungan labor practices ng Jollibee. Isa na riyan ang tinaguriang “charity” o pagtatrabaho nang walang bayan. Minsan, matapos ang shift, may trabaho pa. Minsan, bago ang kanyang shift. “Naranasan ko, opening ako, 7 a.m. ako pumapasok noon. Kahit 10 a.m. pa ang bukas ng mall. Maglilinis sa loob at mag-

aayos ng mga upuan at mesa pero hindi iyon bayad. Kasabay ng pagbukas ng mall ‘yung bayad sa amin,” ani Jessamel. Kahera siya. Kung minsan, kapag na-short o hindi tumugma ang kinita sa naaudit, kakaltasan siya ng sahod. Taong 2015 nang matanggal si Jessamel sa trabaho. Dahil lang ito sa nagbigay siya ng gravy sa matandang kostumer. (“May bayad kasi ang gravy sa Jollibee,” kuwento niya.) Nahuli siya ng manedyer at kahit na sinabi niyang iawas na lang ito sa sahod niya, tinanggal pa rin siya. “Ang nakalagay sa papel, nag-resign ako,” aniya.

Tulad ng maraming nasasadlak sa ganung sitwasyon, hindi na niya ito inapela pa. Gahamang bubuyog

Sa kasalukuyan, may mahigit 1,200 chains na sa buong mundo ang Jollibee. Sa ikalawang kuwarto ng 2017 lang, tumala ang naturang kompanya ng P1.96-B netong kita. Pero sa likod ng mabilis na expansion ng kompanya ang 50,000 manggagawang kontraktuwal na di-unyonisado, mababa ang sahod, walang karapatan. Noong Abril 4, inanunsiyo ng Department of Labor and


SURING BALITA SURING-BAL-

KR GUDA

PINOY | ABRIL 22, 2018WEEKLY | ABRIL 22, 2018 Employment (DOLE) sa Jollibee Foods Corp. at isa sa mga subsidyaryo nito, ang fast food chain din na Burger King, na iregularisa ang 6,482 manggagawa nitong kontraktuwal. Bahagi ito ng deklaradong plano ng DOLE na repasuhin ang labor practices ng iba’t ibang kompanya ng bansa kaugnay ng kontraktuwalisasyon. Bahagi naman ang kampanyang ito ng diumano’y pagtutupad ni Pangulong Duterte sa pangako niyang alisin ang kontraktuwalisasyon sa bansa. Agad na sinabi ng Jollibee na iaapela nito ang naturang desisyon. Pero nitong Abril 13, sinabi naman ng chief operating officer ng kompanya na si Ernesto Tanmantiong na ipapatupad na raw nila ang utos ng DOLE. Pero mababatid sa mismong pahayag ng Jollibee ang intensiyon nito: Ipasa ang utos ng “regularisasyon” sa tinaguriang “service providers” na nangongontrata ng mga manggagawa para magtrabaho sa Jollibee. “Inuutusan namin ang aming service providers na iregularisa ang lahat naming empleyado nang may security of tenure at benepisyo...Kaya sinusuportahan namin si Duterte sa pagwakas (niya) sa kontraktuwalisasyon,” sabi ni

Tony Tan Caktiong

Tamantiong. Sinasamantala niya ang nakasaad sa Labor Code (na ipinagtibay ng DOLE Order No. 174) na ang ipinagbabawal lang ay laboronly contracting at hindi ang job contracting. Pasok sa huli ang pagkakaroon ng service providers na nagsisilbing middlemen sa pangongontrata sa mga kapitalista ng mga manggagawa. Hindi na bago ang kilos na ito ng Jollibee. Katulad ng kapwa malalaking burges kumprador na nasa Forbes 50 (listahan ng 50 pinakamayayamang Pilipino), kilala ang tagapagtatag ng Jollibee na si Tony Tan Caktiong (ika-8 pinakamayaman sa Pilipinas, may yamang US$4.1Bilyon nitong Peb. 2018) na nagpapatupad ng maraming kontra-manggagawang gawain para imaksimisa ang kita. Wala nang tiwala

Naniniwala ang Kilusang Mayo Uno (KMU) na balewala ang anumang utos ng rehimeng Duterte na regularisasyon ng mga manggagawa ng fast food chains tulad ng Jollibee kung walang kongketong polisiya ito para pigilan na at patawan ng parusa ang lahat ng porma ng kontraktuwalisasyon. “Ang mga manggagawa ay may karapatan sa regular na trabaho; sa (nakabubuhay na) sahod at benepisyo; sa karapatang mag-organisa, magbuo ng unyon, at makipagnegosasyon sa mga employer nila. Pero ipinagkakait ang lahat ng batayang karapatang ito sa kontraktuwal na mga manggagawa. Kaya hindi lang dapat ‘regulated’ o nililimitahan ang dimakatarungan at kontramanggagawang praktika ng

‘endo’ o kontraktuwalisasyon. Dapat buo at permanenteng ipagbawal ito,” paliwanag ni Elmer “Ka Bong” Labog, tagapangulo ng KMU. Mahaba na ang listahan ng malalaking kompanyang tahasang sumusuway sa mga “utos” ng DOLE para iregularisa ang mga manggagawa nito. Noong Pebrero, iniutos ng DOLE ang pagreregularisa ng 675 manggagawang kontraktuwal sa CocaCola Femsa (dayuhang kompanya na may prangkisa sa distribusyon ng Coca-Cola sa Pilipinas). Bago nito, noong Enero, nag-utos na rin ito na iregularisa ng Coca-Cola Femsa ang halos 8,000 manggagawa. Pero ano ang sinagot ng naturang kompanya? Pagtanggi sa implementasyon ng utos. Ang masahol pa, nagsagawa ito ng tanggalan sa mga manggagawa. Pinalalakas lang nito ang pangangailangan para sa isang malinaw at malakas na polisiya—sa porma, halimbawa, ng isang executive order o EO mula sa Pangulo—na nagdedeklarang ilegal sa lahat ng porma ng kontraktuwalisasyon. “Wala sa apektadong mga korporasyon ang sumunod, kaya mistulang walang-saysay ang mga utos ng DOLE. Walang mekanismo ang gobyerno para seguruhin ang implementasyon (ng mga utos na ito); at madalas pang pumapanig (ang gobyerno) sa manedsment na tumatangging iregularisa ang mga manggagawa nito,” sabi pa ni Labog. Noong 2016 pa nagbuo ang KMU ng mungkahing EO na magbibigay-pangil sa rehimeng Duterte na ipatupad ang mismong pangako nitong pawiin ang

5

kontraktuwalisasyon. Pero paulit-ulit ding isinasantabi ng mismong Pangulo ang paglagda nito. Makailang-ulit na itong nangakong lalagdaan ang naturang EO, pero makailang ulit na ring iniatras ang pagpirma at sinabing pagaaralan pa. Nitong Abril 16, nagiskedyul muli ang Malakanyang ng diyalogo sa mga grupong maka-manggagawa. Muli, nakansela ito. Ang huling deklarasyon ng Palasyo, inaasahan daw na lalagdaan ito sa Mayo 1, Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Pero makakaasa pa ba ang mga manggagawa? Para sa KMU, matagal nang pinatunayan ng rehimeng Duterte na wala itong interes na tuparin ang pangako kaugnay ng kontraktuwalisasyon. “Nawalan na ng tiwala ang mga manggagawa sa sinseridad ni Duterte. Hindi sapat ang mga utos at diyalogo ng DOLE para sabihin ng rehimeng Duterte na kontra ito sa kontraktuwalisasyon,” ani Labog. Inaasahan nilang “gimik na lang” ang pinaplano ng rehimeng pagpirma sa EO (na aprubado ng malalaking burges-kumprador tulad ni Tan Caktiong) sa Mayo 1. Samantala, makikita sa sunud-sunod na pagkilos ng mga manggagawa, mula sa mga protesta at diyalogo sa DOLE (tulad ng ginawa ni Jessamel at iba pang manggagawa ng Jollibee noong Abril 18) hanggang sa mga bantang welga sa Coca-Cola, PLDT at iba pa, na lalong lumalakas ang pagkakaisa ng mga manggagawa—para itulak ang pagbasura sa kontraktuwalisasyon at singilin ang rehimeng Duterte. PW


6 BALITA

PINOY WEEKLY | ABRIL 22, 2018

Australyanong misyunero, kinulong Pagkatapos ng isang gabi sa kustodiya ng Bureau of Immigration (BI), pinalaya nitong Abril 17 si Sr. Patricia “Pat” Fox, NDS, matapos mapatunayang siya’y may missionary visa at isang “properly documented alien.” Ayon sa mga grupong pangkarapatang pantao, kung hindi pa kinalampag ng maraming grupo at personalidad ang BI at rehimeng Duterte, hindi nito palalayain si Fox. Maliban sa iba’t ibang grupo, nagsalita rin laban sa pagaresto kay Fox sina Sen. Nancy Binay at Francis Pangilinan. Inamin ng Malakanyang na “nagkamali” ito sa pagaresto kay Fox. Gayunman, sinabi ni Pangulong Duterte na “aarestuhin” niya ang sinumang dayuhan na kumokontra sa kanyang panunungkulan. Ayon sa abogadong si Jobert Pahilga, inireklamo ng National Intelligance Coordinating Agency (NICA) ng Region IX si Sr. Pat bilang “undesirable alien” dahil sa kanyang pagsali sa International Fact-Finding and Solidarity Mission sa Tagum City. Iginiit ni Pahilga na walang ilegal sa mga ginawa ni Sr. Pat. Alas 2:30 n.h. ng Abril 16 nang puntahan ng anim na opisyal mula sa BI si Fox sa kanyang bahay sa Project 3, Quezon City. Ayon sa BI, hiningan nito si Fox ng beripikasyon ng kanyang immigration at status. Si Sr. Fox ay isang 71-anyos na Australyanong misyunero na nasa bansa. Tagapagtaguyod siya ng tunay na repormang agraryo at karapatang pantao. Sinusuportahan niya rin ang karapatan ng mga magsasaka, kabilang na ang mga taga-Hacienda Luisita at Lumad. Sherna Tesara

Pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno, Center for Trade Union and Human Rights at Nonoy Librado Development Foundation ang dalawang-araw na National Fact-Finding MIssion sa rehiyon ng Timog Mindanao para imbestigahan ang pasistang mga atake ng rehimeng Duterte sa mga manggagawa sa naturang rehiyon. Kabilang sa iimbestigahan ng misyon ang panghaharas at pagpaparatang na mga rebelde sa mga miyembro at opisyal ng mga unyon ng mga manggagawa sa mga plantasyong Sumitomo Fruits Co, Shin Sun Tropical Fruits at Freshmax. KONTRIBUSYON

(KONTRA)BIDA SA BALITA NI RENAN ORTIZ

Krisis sa bigas, pinalalala ng gobyerno Pinuna ng Amihan (Pambansang Pederasyon ng Kababaihang Magsasaka) at Bantay Bigas ang “ilegal” na pag-angkat ng bigas ng dayuhang cargo vessel ng hukbongdagat na naglalaman ng 27,180 sako ng ipinuslit na bigas sa Zamboanga Sibugay. Ayon kay Zen Soriano, tagapangulo ng Amihan, nadismaya sila dahil sa kabila ng pahayag ng National Food Authority (NFA) na nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng bigas ay mayroon pa ring ismagling na nangyayari. Ayon naman sa Bantay Bigas, nagkaroon ng Task Force Bigas noong nakaraang taon ang gobyerno para mamuno sa imbertaryo ng lahat ng stock ng bigas para makaiwas sa anumang tangka ng ilegal na pag-iimbak at pag-aangkat ng bigas. Dapat umano, nakita na ang shortage noon pa lang at nasawata na ang rice smugglers at hoarders dito sa bansa, ani Cathy Estavillo ng Bantay Bigas. HD de Chavez

Alab ang kauna-unahang progresibong online newscast!

Tangkilikin! Panoorin sa Facebook at YouTube!

facebook.com/altermidya • youtube.com/channel/UC9OzvUB6mcw21YzzN9eEYog

MARK ZUCKERBERG. Tagapagtatag at chief executive officer ng

Facebook, at isa sa pinakamayamang tao sa mundo. Sa isang pagdinig ng Kongreso sa Amerika, inamin ni Zuckerberg na alam nila ang pangongolekta ng Cambridge Analytica ng personal na impormasyon ng mga gumagamit ng Facebook para manipulahin ang eleksiyon sa US noong 2016. Kahit sa Pilipinas, sinasabing ginamit din ng kampanya ni Rodrigo Duterte ang Cambridge Analytica sa kampanyang social media nito.


SAMU’T SARI 7

PINOY WEEKLY | ABRIL 22, 2018

Mga recipe gamit ang avocado Ni Sherna Tesara

A

ng avocado ay isa sa mga pinaka-masustansyang prutas sa mundo. Makatutulong ito sa pagpapanatili ng malusog na puso, pag-kontrol ng bigat, pagpapalinaw ng mata, pag-iwas sa osteoporosis at marami pang iba. Para sa karamihan, masarap ang avocado ngunit may ibang hindi gusto ang lasa nito. Dahil sa dami ng benepisyo nito sa kalusugan, naghanap kami ng mga recipe para sa masarap at murang mga pagkain at inuming mayroong avocado. • Avocado Smoothie - Ito ay isa sa pinakakilala na recipe gamit ang avocado. Paghalu-haluin lamang sa isang blender ang isang avocado na hiniwa sa maliliit na parte, kalahating saging, isang tasa ng gatas, at yelo depende sa iyong panlasa. Kung gugustuhin, maaari ring magdagdag ng kalahating tasa ng plain o vanilla yogurt. Ang shake na ito ay puno ng potassium dahil sa parehong avocado at saging, • Avocado Fries - Isang masarap at masustansyang snack ang avocado fries. Hiwain lamang ang avocado sa ½ inch na strips. Budburan ito ng harina, i-dip sa binating itlog at budburan ng bread crumbs. Iprito ito ng isang minuto

o hanggang maging golden brown. Tanggalin sa mantika at ilagay sa platong may tissue o paper towel upang maalis ang sobrang mantika. Tip: Para sa mas masustansyang paraan ng pagluto, maaaring i-bake ang avocado fries. • Avocado Spread - Maaaring ipalit ang avocado sa regular na palaman sa tinapay gaya ng mayonnaise at iba pang sandwich spread. Hiwain lamang ng manipis ang avocado, ipatong sa isang slice ng tinapay, lagyan ng kaunting asin at patungan ng manipis na hiwa ng keso o kamatis. Pagkatapos ilagay pa ang isang hiwa ng tinapay sa taas. • Scrambled eggs with Avocado- Kung nais mo ng klasik na agahan, hindi ka magkakamali sa scrambled eggs. Mas susustansya ito kung hahaluan mo ng mga hiwa ng avocado. Gawin lamang ang paborito mong scrambled eggs recipe. Hintaying maluto ng bahagya ang itlog. Pagkatapos, ihalo ang avocado na hiniwang pa-cubes.

Sen. Nancy Binay, hinggil sa

pag-aresto kay Sr. Patricia Fox, na matagal nang naglilingkod sa mahihirap na mga komunidad sa Pilipinas.

KILITING DIWA

Juan: P’re. Birthday ng asawa ko Pedro: Ano regalo mo? Juan: Tinanong ko kung ano gusto niya. Pedro: Ano naman sinabi? Juan: Kahit ano daw, basta may DIAMOND. Pedro: Ano binigay mo? Juan: Baraha.XD ***

ANG TARAY!

Tinutulungan ni Sister Patricia (Fox) ang mga magsasaka, Lumad, at mardyinalisadong mga sektor ng lipunan. Paano naging krimen ang pagtulong sa kapwa?

Pedro: P’re, nanaginip ako kagabi, kasama ko 50 contestants ng Ms. Universe. Juan: Wow suwerte mo! Ano problema mo? Pedro: pare ako nanalo!XD *** Juan: Marami akong problema ‘pre. Pedro: Wala yan. tumingin ka sa akin. Juan: Please lang. wag mo nang dagdagan pa!

Madali lamang isama ang avocado sa iba pang lutuin. Ang pagkain nito ay sadyang makatutulong sa kalusugan, kaya ’wag nang magatubiling gamitin ang super fruit na ito. PW

Tala-Kaalaman ni Boy Bagwis

Trasportasyon at publikong pasilidad dimambong ng Hapon

A

lam n’yo ba na isang uri ng pandarambong ang isinagawa ng Japanese (Hapon) dahil sa ginawang patakaran nito sa transportasyon at publikong pasilidad? Kinumpiska ang karamihan sa mga behikulo at hindi din maaaring gamitin kung walang permiso mula sa Military Administration. Tinatayang umabot sa 16,000 trak at kotse at malalaking halaga ng mga piyesa ang nailabas sa bansa. Inatasan din ang lahat ng taong nag-iingat ng gasolina at langis ng makina na ipagbili ang kanilang imbak sa militar. Pinangasiwaan din ng Philippine Shipping Association na itinatag sa utos ng militar sa pagrerehistro ng lahat ng uri ng barko at nag-isyu ng mga permiso para sa kanilang operasyon. Nilimitahan din ang transportasyon ng publiko sa mga bus na pinatatakbo ng uling, maliliit na barko (paraw at batel) at mga sasakyang hinihila ng kabayo. Pinatatakbo din ng militar ang tren at maaaring din gumamit ng pasilidad kung may hawak na permiso ang mga ito. At maging ang Manila Horse-Owner Association ay pinamamahalaan din ng Hapon. Magagamit lamang ang ang mga bus at bangka kung may espesyal na byahe. PW


KULTURA

Rebyu ng pelikulang Never Not Love You, dinirehe ni Antoinette Jadaone, kinatampukan nina Nadine Lustre at James Reid. Ni Michelangelo Buenaobra

NEVER SAY NEVER M

ay plano sa buhay si Joanne. May ambisyon siyang makaangat sa buhay. Isang gabi, napadpad siya sa isang tattoo parlor at nakilala si Gio. Siyempre, naakit agad si Gio kay Joanne. Walang kalabanlaban ang dalaga: nahulog din agad ang loob niya.

Di nagtagal, nagsama na sila. Masasadlak ito sa krisis nang magbago ang sitwasyon ni Gio at kinailangang maghanap ng trabaho. May offer kay Gio sa London bilang graphic artist. Pero paano na ang mga pangarap ni Joanne? Magsisimula siya sa pinakailalim—sa isang dayuhang bansa. Sa sitwasyong ito uminog ang kuwento ng Never Not Love You. Ang maganda sa ginawa ng direktor at manunulat na si Antoinette Jadaone, wala na ang mga eksena ng

pamamasyal ng dalawang magsing-irog sa ibang bansa, habang tumutugtog ang kanta na gustong pasikatin ng studio na nagprodyus ng pelikula. Bakit nga ba kailangang sa ibang bansa pa rin maganap ang romansa ng dalawang Pilipino? Ang mabuti sa Never Not Love You, hindi lugar ng romansa ng JaDine ang London. Hadlang pa ito sa pag-iibigan nila. Batid ito ng milyun-milyong Pilipino sa ibayong dagat. Tinitingnan nila ang host countries nila hindi bilang lugar ng pagibig kundi lugar ng sakripisyo, paghihirap, pangungulila. Madalas, lugar din ito ng pang-aapi, pagsasamantala. Minsan, lugar ng kamatayan. Kay Gio, lugar ng oportunidad at pangungulila ang London. Kay Joanne, lugar ito ito ng kalungkutan at kawalanng-ambisyon, ng pangangayupapa at diskriminasyon. Hindi na aspiring branch manager si Joanne sa London; waitress na lang siya, na sinisigaw-sigawan ng mga puting kostumer. Tanggap ng Never Not Love You na hindi otomatikong maganda, hindi agad na romantiko, hindi laging masaya, na mawalay sa mga mahal-sa-buhay at bayang sarili. Hadlang sa pag-ibig ang sapilitang migrasyon. Winawasak nito ang mga relasyon. Sa kaso ng milyun-milyong Pilipino, winawasak nito ang mga pamilya. Gayunman, nagkulang ang pelikula sa pagbibigay-

konteksto sa kuwento nina Gio at Joanne. Hindi lang personal na desisyon ang pangingibang bansa. May kalagayan ang bansa, may mga polisiya (nakasulat man o hindi) ang Estado na nagtutulak sa mga tulad nila na mangibang bansa. Bakit walang makuhang magandang trabaho si Gio sa Maynila? Bakit iisa ang ruta ng tagumpay na nakikita ni Joanne para makaangat sa buhay? Mas madalas, hindi natin malay na naaapektuhan ng kalagayan ng bansa ang personal nating mga desisyon. Sa ganung sipat sana, mapapaunlad ni Jadaone ang ending ng pelikula. Madalas, para sa maraming Pinoy, hindi madali ang umuwi. Nagkakagiyera na at lahat sa ibang bansa, pinipilit pa rin ng marami sa kanila na magtrabaho roon. Sumasapat lang ang mga remitans para mabuhay ang pamilya—hindi ito sapat para makapagipon o talagang maiangat sa sila sa buhay. Wala ring mauuwiang trabaho ang mga OFW. Walang sapat na industriya ang Pilipinas para sa kanila. Sa dulo, gumamit pa rin ng pormula ang Never Not Love You: na mananaig at mananaig ang pag-ibig ng dalawang magkasintahan. Pero matapos ang pelikula, hindi tayo mapapakali. Alam natin, mabuway ang relasyon, mabuway ang batayan ng pagbabalikan. Walang forever. Never say never. PW Basahin nang buo sa www.pinoyweekly.org


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.