Joke na pagwakas sa Endo 2 CJ Sereno, lumalaban Martsa sa Marso
TOMO 16 ISYU 09
15 ABRIL 2018
Lumalakas na hanay ng BPO workers Kinakailangang magkaisa ang mga empleyado sa ‘sunshine industry’ para igiit ang kanilang karapatan at umanib sa lumalakas na hanay ng buong uring manggagawa. Sundan sa pahina 4
DIBUHO MULA SA AUX
3 8
2
OPINYON
PINOY WEEKLY | ABRIL 15, 2018
Pangako sa ‘Endo’: Joke na naman?
N
itong nakaraang linggo ay muling naglabas ng “statement” tungkol sa labor contracting ang administrasyong Duterte. Ayon kay Senior Deputy Executive Sec. Menardo Guevara, di iniiwanan ni Pangulong Duterte ang kanyang pangako noon na wawakasan ang labor contractualization sa bansa. Kaya lang, di niya ito magagawa sa pamamagitan ng executive order lang. Kailangan niya ang batas na mag-aamyenda sa Labor Code. Kaya, kailangan muna niyang makipag kunsultahan o makipagkoordina sa Kongreso para magkaroon ng batas na magbabawal sa labor contracting sa bansa. Sa ngayon ay naririyan ang Dept. Order No. 174 na inilabas ni Labor Secretary Silvestre Bello III noong Marso 2017. Ang nasabing department order ay katulad rin ng D.O. No. 18-A na nagbabawal sa labor-only contracting pero pumapayag pa rin sa jobcontracting. Tinaasan nga lang ng D.O. 174 ang dating kapital ng mga labor contractor. Mula sa dating P3-Milyon sa ilalim ng D.O. 18-A, ito ay ginawa nang P5-M sa ilalim ng D.O. 174. Ang registration fee para maging labor contractor ngayon ay mahal na. Ginawa na itong P100,000 sa ilalim ng D.O 174 mula sa dating P25,000 na registration fee sa
ilalim ng D.O. 18-A. Inigsian din sa ngayon ang haba ng rehistro ng mga labor contractor. Kung dati sa ilalim ng D.O. 18-A ay tatlong taon ang tagal ng rehistro ng mga labor contractor, ginawa na lang itong dalawang taon sa ilalim ng D.O. 174. Ngunit pinananatili pa rin ng D.O. 174 ang labor contracting. Ang pinagbawal nito, tulad ng D.O. 18-A, ay ang labor–only contracting lamang. Ang job contracting na gusto sana ng mga labor groups na matanggal na rin, ay pinanatiling legal nito. Kung titingnan natin ang dalawang department orders na ito, makikita natin na ang Section 5 ng D.O. No. 174 na tinaguriang “Absolute Prohibition against Labor-Only Contracting” ay eksaktong–eksakto at kinopya lamang sa Section 6 ng D.O. 18-A na may pamagat na “Prohibition Against LaborOnly Contracting.” Ang Section 6 naman ng D.O. 174 na tungkol sa “Other Illicit Forms of Employment Arrangements” ay kinopya lamang sa Section 7 ng D.O. 18-A na tinaguriang “ Other Prohibitions.” Kaya hindi natin masisi ang labor groups sa pagsabi na walang pagkaiba ang administrasyong Duterte sa nakaraang mga administrasyon pagdating sa isyu ng labor contracting. Maaalala na ang pagtanggal sa labor contractualization ay isa sa mga pangako ni Duterte noong panahon ng
kanyang kampanya. Sinabi nya na kapag siya ay nahalal na Pangulo, tatanggalin na ang contractualization of labor at binanggit niya na nga na ang sino mang susuway rito ay kanyang papatayin. Nanalo siya sa halalan at una niyang hakbang ay ang paglabas ng D.O. No. 168 noong Enero 2016. Walang nangyari rito at napilitang ilabas ng DOLE ang D.O. 174 noong Marso 2016. Ngunit dahil nga sa parehas lamang ito ng D.O. 108-A, binatikos na naman ito ng labor groups. Ito ang dahilan kungdi napilitan siyang humingi ng draft ng executive order sa labor groups tungkol sa gusto nilang executive order laban sa labor contractualization. Ginawa naman ito ng grupo ng mga manggagawa ngunit patumpik–tumpik pa rin ang administrasyong Duterte at hanggang ngayon, ay wala pa ring regulasyon sa Malakanyang na nagbabawal sa lahat ng uri ng labor contracting. Nakatakdang humarap ang Malakanyang sa mga lider ng manggagawa ngunit sa pahayag mismo galing sa kanila, lumalabas na walang kapangyarihan ang Pangulo na tuluyang ipagbawal ito. Dahil sa di umano, ang pagtatanggal ng labor contracting ay mangangailangan ng pagbabago sa Labor Code at ang makagagawa nito ay ang Kongreso lamang at hindi ang Ehekutibo. Tama ba ito mga kasama?
HUSGAHAN NATIN
ATTY. REMIGIO SALADERO JR.
Kung babasahin natin ang Art. 106 ng Labor Code tungkol sa contracting out of labor, ay ito ang ating mababasa: “The Secretary of Labor and Employment may, by appropriate regulations, restrict or prohibit the contracting-out of labor to protect the rights of the workers established under this Code.” Maliwanag sa nasabing artikulo na may karapatan ang kalihim ng DOLE na maglabas ng kaukulang regulasyon upang ipagbawal ang contracting-out of labor. Hindi na kailangan ang batas mula sa Kongreso para magawa ito ng kalihim ng DOLE dahil ang kapangyarihang ito ay direktang binibigay sa kanya ng Labor Code. Malinaw na mali ang deklarasyon ng Malakanyang na kailangan pa ang batas mula sa Kongreso para ipagbawal ang contracting out of labor dito sa ating bansa. Nagbibiro lamang ba ang Malakanyang o naghahanap lamang ng dahilan para sa hindi pagtupad sa pangako ni Duterte na tatanggalin ang labor contracting? Kayo na ang bahalang humusga, mga kasama. PW
EDITORIAL BOARD Leo Esclanda, Cynthia Espiritu, Darius R. Galang, Kenneth Roland A. Guda, Christopher Pasion, Evelyn Roxas EDITOR IN CHIEF Kenneth Roland A. Guda EDITORIAL STAFF Abie Alino, JL Burgos, Jaze Marco, Gabby Pancho, Lukan Villanueva Circulation Ryan Plaza Admin Officer Susieline Aldecoa Publisher PinoyMedia Center, Inc. | www.pinoymediacenter.org | Email: pinoymediacenterinc@gmail.com PMC BOARD OF DIRECTORS Rolando B. Tolentino (chair), JL Burgos, Bienvenido Lumbera, Bonifacio P. Ilagan, Luis V. Teodoro, Leo Esclanda, Kenneth Roland A. Guda, Evelyn Roxas, Jesus Manuel Santiago EDITORIAL OFFICE 3rd flr UCCP Bldng, 877 EDSA, Quezon City PH www.pinoyweekly.org Email: pinoyweekly@gmail.com
LATHALAIN 3
PINOY WEEKLY | ABRIL 15, 2018
Dineklara na siyang “kalaban” ng Pangulo at ng kanyang nabubuong tiraniya sa bansa. Pero mukhang walang balak umatras ang Punong Mahistrado. Nina Marc Lino Abila at HD de Chavez
Sereno di aatrasan si Duterte
I
kinumpirma ni Pangulong Duterte na nasa likod siya ng pagpapaalis sa puwesto kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Pero hindi aatras ang Punong Mahistrado sa paggiit ng kanyang mga karapatan at sa independensiya ng hudikatura.
“Napakademonyo ng ginagawa nila. Sukdulan ito ng pagkakaabsurdo,” sabi ni Sereno, sa isang pagtitipon ng Movement Against Tyranny (MAT) sa Quezon City noong Araw ng Kagitingan, Abril 9. Matapang na hinarap ni Sereno ang mga akusasyon ng mga kapwa mahistrado ng Korte Suprema sa pagdinig para sa petisyong quo warranto ni Solicitor General Jose Calida sa Baguio City kinabukasan, Abril 10. Sinagot niya ang mga akusasyon kaugnay ng Statement of Assets and Liabilities (SALN) na ipinupukol sa kanya ni Calida at ng kapwa mga mahistrado na sina De Castro, Tijam, Jardelezza, Peralta, at Bersamin. “Hindi ako [maaaring
yumuko dahil] kailangan kong imantine ang kakayahang tingnan ang bawat mamamayan sa mata at sabihin sa kanilang lumaban nang may tapang, ipaglaban ang kanilang mga prinsipyo, huwag bumigay at huwag sumuko,” sabi pa ni Sereno. Kumakaharap sa impeachment complaint ang punong mahistrado sa Kamara at nagsampa naman ng quo warranto petition ni Calida upang sumailalim si Sereno sa pagdinig ng Korte Suprema sa mga alegasyon na diumano pagkakaroon marangyang pamumuhay at mga iregularidad sa pamamahala ng hudikatura. Para sa MAT, hindi lang karapatan ni Sereno sa patas na pag-uusig ang nakataya sa usaping ito, kundi ang independensiya ng isang coequal branch o kapantay na sangay ng gobyerno. Mahalaga umano ito sa demokrasya para magkaroon ng check and balance o pamamaraan para matsek na hindi nang-aabuso ang Ehekutibo at hindi maimbudo sa pangulo ang lahat ng kapangyarihan.
Pagkilala
Sa naturang pagdinig sa Baguio, gayundin sa mga deliberasyon ng House Justice Committee, lumalabas na personal ang hinanakit at sama ng loob ng limang mahistrado kay Sereno. Pero sinakyan ang mga hinanakit na ito para isulong ni Calida ang pagpapatalsik kay Sereno. Sa mga pahayag din ni Duterte na reaksiyon sa mga pahayag ni Sereno sa Araw ng Kagitingan, malinaw na siya ang nasa likod ni Calida na pumupuntirya kay Sereno. “I will egg Calida to do his best. Ako na mismo maglakad, magkalaban sa ’yo,” ani Duterte. Sinabi pa niyang inihihiling niya sa Kongreso na agarang patalsikin si Sereno. Pero ipinakita ni Sereno na handa siyang labanan ang tiraniya. Sa nasabing pagtitipon ng MAT, binigyan nito si Sereno ng “Pagkilala ng Kagitingan”, kasama ang ilang mamamahayag na kritikal na tumindig sa mga pang-aabuso ng rehimeng Duterte. “Ang pagkilalang ito ay partikular na mahalaga sa panahon na kumikolos ang rehimeng Duterte upang kontrolin ang hudikatura sa pagpapatalsik kay Chief Justice Sereno, patuloy na atake sa m g a
karapatang pan-tao sa ilalim ng gera kontra droga at kontraterorismo, at pagtatangkang supilin ang kalayaan sa pamamahayag at iba pang kalayaang sibil,” pahayag ng MAT. Iginiit ng MAT na ang pagtatangka na alisin si Sereno sa puwesto ay magbibigay ilusyon na ligal ang plano ni Duterte na ipasailalim ang bansa sa diktadura sa pamamagitan ng charter change, batas militar o sa pagtatatag ng maka-kanang “revolutionary government.” PW
4
SURING BALITA
PINOY WEEKLY | ABRIL 15, 2018WEEKLY | PINOY
Lumalakas na boses ng
BPO workers Puhunan man nila sa trabaho ang kanilang boses, kinakailangang magkaisa ang mga manggagawa sa ‘sunshine industry’ para igiit ang kanilang karapatan. Ni Abie Aliño
S
a kabila ng ningning na dala ng industriyang ito sa ekonomiya ng bansa, makulimlim ang papawirin sa ibabaw ng maraming ahente ng business process outsourcing (BPO). Umpisa pa lang ng dekada 1990s, nag-aambag na nang malaki sa kabuuang gross
domestic product (GDP) ng bansa ang industriya ng BPO. Noong 2016, umabot sa P22Bilyon ang naging ambag nito sa ekonomiya ng bansa. Pero sa kabila ng mabilis nitong pag-unlad, pagdaan ng panaho’y papasahol naman ang kalagayan ng milyunmilyong manggagawa ng industriya ng BPO. Kung noon, tinitingnan ng maraming kabataang bagong gradwado sa kolehiyo -- o kahit hindi
gradwado -- ang BPO bilang siguradong pupuntahang trabaho na may nakabubuhay na sahod, ngayo’y unti-unting lumiliit ang aktuwal na sahod dito, habang tumitindi ang kontraktuwalisasyon at pagkait sa karapatan at benepisyo. Ito ang ilan sa mga problemang kinakaharap nila. Walang seguridad
Walang job security o security of tenure sa karamihan
sa mga empleyado ng BPO. Isa ito sa mga pangamba ng mga empleyado, kontraktuwal man o regular. Ayon kay Mylene Cabalona, tagapagsalita ng BPO Industry Employees Network (BIEN), maraming kompanya ang nagpapatupad ng mga iskema para tanggalin ang empleyado kung gugustuhin ng manedsment. May ilang kaso na sapilitang pinagbibitiw ang
SURING BALITA SURING-BAL-
PINOY | ABRIL 15, 2018WEEKLY | ABRIL 15, 2018 ilang empleyado. Nagagawa ito sa pamamagitan ng istriktong pagpapatupad ng isang grading system o point system na gumigipit sa mga empleyado dahil sa hindi makakatotohanang metrics na ipinapatupad ng kompanya. Halimbawa nito ang umiiral sa kompanya ng Alorica-West: gusto ng manedsment na umabot sa 98 porsiyento ng pinagsama-samang metrics ang bawat empleyado. Kabilang sa sinasabing metrics ang attendance, survey ng customer, sales (na ipinapatupad maging sa technical support agents). Ang mga hindi nakakaabot sa napakataas at di-makatarungang istandard na ito, madaling tinatanggal ng kompanya. Nagaganap ang sapilitang pagtatanggal sa kabila ng patuloy na pagtanggap sa mas maraming empleyado. Sahod pa rin ang problema
Lingid sa alam ng madla, hindi rin sapat ang sahod na natatanggap ng mga empleyado ng BPO. Lamang man nang kaunti ang kanilang sinasahod, katulad din sila ng karamihan na hindi natutumbasan ng tamang halaga ang trabahong kanilang ginagampanan. “Kung titignan, malaki ang sahod sa BPO. Pero ang kapalit, multiple skills. Kumbaga, trabaho ng limang Amerikanong ahente, trabaho lang ng isa (dito sa Pilipinas),” kuwento ni Arcy Parayno, miyembro ng BIEN. Laganap sa kanilang hanay ang pagpapatrabaho sa isang empleyado ng gawain na dapat sana ay para sa lima. Sa umpisa, dagdag pa ni Arcy, sasanayin ka lang para sa isang skill. Halimbawa, Sales o pagiging customer/
technical representative. Makalipas ang dalawang buwan, magkakaroon muli ng pagsasanay para sa bagong skills hanggang sa maging limang skills na ang hawak ng isang empleyado nang walang dagdag na sahod. Mababa rin ang basic salary ng isang newly-hired agent. Madalas umaabot lang ng P12,500 ang sahod, depende sa pa lugar. Sa Bicol, P4,500 lang ang kanilang panimulang pasahod at sa Baguio at Davao naman ay umaabot lang sa P10,000. “Ina-apply nila ang iskema ng provincial rate sa maraming probinsya ng Pilipinas na kung minsan mas mabigat pa ang trabaho nila,” ani Alfred Sobrino, isa ring miyembro ng BIEN. Suliranin din nila ang maayos at ligtas na lugar sa pagtatrabaho. Kamakailan lang, 38 empleyado ng BPO ang nasawi sa isang sunog sa NCCC Mall sa Davao City habang nasa kani-kanilang shift. Kaya’t patuloy na isinusulong ng ilang progresibong grupo sa pangunguna pa rin ng BIEN ang pagkakaroon ng maayos at ligtas sa sakunang lugar. Nariyan din ang panapanahong nababalitang aksidente o krimeng (tulad ng pagpatay, holdap, atbp.) nabibiktima ay mga ahente ng BPO na bumibiyahe mula o patungo sa opisina nang disoras ng gabi o madaling araw. Sa kabila ng mga suliranin, patuloy na binabalewala ito ng m a n e d s m e nt ng mga kompanya. “Lantaran at
talamak ang kasinungalingan ng mga manedsment at clients,” ani Sarah Prestoza, tagapangulo ng Unified Employees of Alorica (UEA). Pinipigilang mag-unyon
Itinatag ang BIEN sa klima ng pagkatakot ng maraming empleyado na takot na matanggal anumang oras pero patuloy na ginigipit ng iba’t ibang kompanya ng BPO. Kalaunan, sa pamumuno nito, naitatag din ang kaunaunahang unyon sa industriyang ito, ang UEA. At katulad ng pag-abante ng pag-oorganisa ng mga organisasyon at unyon, maraming kinaharap na problema ang BIEN at UEA. Kabilang dito ang pag-iinitan ng supervisor at mga team leader kapag nalamang kasapi ang isang empleyado ng unyon o ng BIEN. Pero nariyan pa rin ang matinding kalagayang nangangailangan ng pagkakaisa. Ayon sa BIEN, naging triple ang bilang ng mga miyembro nito ngayong taon. Patuloy din ang kanilang pagpaparami. Dumadalo na rin sila sa malalaking pagkilos at kung minsa’y nagsasagawa ng piket-protesta para itulak ang kanilang mga isyu. Ngayon, unti-unti nang nakilala ang BIEN sa iba’t
5
ibang kompanya. Nagiging labasan na sila ng hinaing ng mga manggagawa ng BPO, mapa-personal man ‘yan o sa pamamagitan ng social media. Sa kasalukuyan, nasa gitna rin ang BIEN at mga empleyado ng BPO sa paglaban sa kontraktuwalisasyon at para sa seguridad sa trabaho. Gayundin, aktibong kalahok ang dumaraming organisadong BPO employees sa kampanya para sa National Minimun Wage sa buong bansa. Ngayong Abril 15, isang makasaysayang BPO Employees’ National Summit ang pamumunuan ng BIEN para lalong pagkaisahin ang mga boses nilang mga boses ang puhunan sa trabaho-para mas malakas na igiit ang karapatan. Patuloy man ang pagbibigay-ningning ng industriya ng BPO sa ekonomiya, walang liwanag pa rin ang kalagayan ng milyunmilyong empleyado. May mahigpit na pangangailangan para sa pagkakaisa nila--at pakikipagkaisa sa iba pang manggagawa sa buong bansa. PW
CONTRIBUTED PHOTOS (BIEN PILIPINAS/FILE PHOTOS)
6 BALITA
PINOY WEEKLY | ABRIL 15, 2018 ALTERNATIBONG BALITA
Duterte, hindi tunay na kontra-kontraktuwalisasyon
Hindi totoo ang hangad ng Pangulong Duterte na magkaroon ng regularisasyon para sa mga manggagawa hanggat hindi ito pagtitibayin ng konkretong polisya na pipigil at magpaparusa sa lahat ng uri ng kontraktuwalisasyon, ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU). Karapatan ng mga manggagawa na magkaroon ng regular na trabaho, makatarungang suweldo, sapat na benepisyo, at mag-organisa. Subalit ikinakaila ito sa kanila. Kaya hindi dapat limitadong pangangasiwa ang ilaan para sa endo o kontraktuwalisasyon. Marapat lamang na ito’y permanente nang ipagbawal. Noong Pebrero, iniutos ng Deparment of Labor and Employment (DOLE) sa Coca-cola na gawing regular ang 675 na empleyado. Nangyari rin ito noong Enero na nag-regulisa ng halos 8000 na manggagawa. Nitong Abril, inatasan ng DOLE ang Jollibee at Burger King na gawing regular ang 6,482 at 704 na empleyado. Dahil ito sa walang humpay na pagkilos ng mga manggagawa at patuloy na paggiit sa gobyerno na ayunan ang karapatan ng mga manggagawa sa regularisasyon. Ngunit hindi sinunod ng mga naturang korporasyon ang utos ng DOLE. Walang ginagawa ang gobyerno para matiyak ang implementasyon nito, at sa halip ay nakikiayon pa ito sa mga kompanyang nagsusulong ng kontraktuwalisasyon. Imbes na magbigay ng parusa sa mga lumabag na kompanya, nagpadala pa si Duterte ng militar upang paalisin ang mga nagpoprotestang manggagawa. Panlilinlang lamang ng administrasyon, ayon sa KMU, upang mapaniwala ang mga mamamayan na may pakialam ang Pangulo sa mga karapatan ng manggagawa’t mamamayan. Dugtong nila na tinanggihang pirmahan ng Pangulo ang executive order na inihanda ng alyansa ng mga grupo ng manggagawa para itigil ang ano mang klase ng kontraktuwalisasyon. Malaking epekto sana ang magagawa nito sa pagpapatunay ng determinasyon niyang matupad ang kanyang pangako para sa karapatan ng mga manggagawa, ngunit hindi niya ito pinirmahan. Magkakaroon muli ng dayalogo sa pangulo sa darating na Abril 16. Ngunit nawawalan na ng pag-asa ang mga manggagawa sa sinseridad ng pangulo. Hindi sapat ang mga order at diyalogo para paniwalain ang masang sila ay kontra-kontraktuwalisasyon. Hanggat walang sapat na aksyon mula sa pangulo, mananatili lamang itong isang taktika na pipigil sa mga paghahanda ng mga manggagawa para sa pagkilos sa Mayo 1. HD de Chavez
Alab ang kauna-unahang progresibong online newscast!
Tangkilikin! Panoorin sa Facebook at YouTube!
facebook.com/altermidya • youtube.com/channel/UC9OzvUB6mcw21YzzN9eEYog
Hinaras ng militar ang international fact-finding and solidarity mission sa Timog Mindanao na pinangunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Pero nagpatuloy ang misyon sa pag-imbestiga sa ulat ng Karapatan na 63 kaso ng extrajudicial killings sa Southern Mindanao, bukod pa sa mga kaso ng ilegal na pag-aresto, gawa-gawang kaso sa mga magsasaka, at pananakot. Kasama sa delegasyon ang mga mambabatas ng Makabayan Bloc na sina Anakpawis Rep. Ariel “Ka Ayik” Casilao, ACT Teachers Rep. France Castro, Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, at Kabataan Rep. Sarah Elago. KONTRIBUSYON
BIDA SA BALITA NI RENAN ORTIZ
CHIEF JUSTICE MA. LOURDES SERENO. Lumalaban sa tiraniya
ni Pangulong Duterte. Tinawag siyang “kalaban” ng mismong Pangulo matapos ang talumpati ni Sereno sa paggawad sa kanya ng “Pagkilala sa Kagitingan” ng Movement Against Tyranny o MAT. Ipinaglalaban ni Sereno ang independensiya ng Hudikatura at ang konsentrasyon ng kapangyarihan nito tungo sa Ehekutibo.
SAMU’T SARI 7
PINOY WEEKLY | ABRIL 15, 2018
Magtipid ng tubig ngayong tag-init ni HD de Chavez
M
alaki ang posibilidad na magkaroon ng kakulangan sa supply ng tubig tuwing tag-init kaya dapat ay matutuhang magtipid sa paggamit nito. Ito ang ilan sa mga payo kung paano maiiwasan ang pag-aaksaya sa tubig. • Tiyaking hindi tumutulo ang gripo - Bago iwan ang lababo o banyo ugaliing tingnan muna nang mabuti kung mahigpit bang naisara ang gripo dahil litro kada minuto ang nasasayang kapag naiwan itong tumutulo. • Ipagbigay alam sa mga kinauukulan ang mga sirang tubo - Kapag napansing may sira sa mga tubo ay agarang itawag ito sa malapit na water district. • Minsanan lamang maglaba - Hanggat maaari, isang beses lamang sa isang linggo maglaba. Hindi lamang nakatipid ng tubig, pati na rin ng kuryente kung gumagamit ng washing machine. Huwag ding
hayaang umaapaw ang tubig habang nagbabanlaw. • Magresiklo ng tubig - Maaaring gamitin ang pinagbanlawang tubig bilang pambuhos sa kubeta o panlinis ng mga sasakyan. • Diligan ang mga halaman bago sumikat ang araw sa umaga at dapithapon - Tuwing mga oras na ito ay matagal ang ebaporasyon ng tubig kaya makakaiwas sa water loss. • Isara ang gripo habang nagsisipilyo o nagsasabon ng kamay - Sa pamilyang binubuo ng tatlo, makatitipid ng 8000 litro kada taon kapag ginawa ang paraang binanggit. • Kung maghuhugas ng gulay o prutas, gumamit lamang ng isang palanggana imbes na bukas na gripo ang gamit. Maaari ring gamiting pandilig sa halaman ang napaghugasang tubig. Mga karagdagang mungkahi: 1. Kung maaari, gumamit lamang ng isang baso para sa buong araw para
Ramon Bautista, (@ramonbautista)
ANG TARAY!
E kung hanapin na lang natin kung kanino napunta yung mga binayad nating environmental fee sa Caticlan Port tapos sa kanila ipahigop yung tae sa Boracay? reaksiyon sa pagpapasara ni Duterte sa isla ng Boracay para raw “linisin” ito
KILITING DIWA
Titser: What is your name? Agapito: “EarlySeven Strikeland” maam! Titser: niloloko mo ba ako Agapito? Agapito: Pangalan ko po sa English. Ang Filipino name ko po ay “Agapito Hampaslupa.” *** Amo: Inday, ilipat ang comforter sa kwarto. Ipatong mo lang sa kama
(matapos ang ilang saglit) Inday : Ser. Andun na po. Kasama na rin ang frenter at iskaner. *** Jinggoy: Dad! Mangaganak na asawa ko! Erap: Sige tumawag ka sa Jollibee! Jinggoy: Bakit Jollibee? Erap: May free delivery dun.
mabawasan ang hugasin. 2. Iwasan ang pagligo nang matagal. 3. Pagbawalan ang mga bata na maglaro ng tubig. 4. Gumamit ng tubig na sapat lamang sa pagkaing iluluto. 5. Huling hugasan ang mga mamantikang kasangkapan gaya ng kawali at kaserola. 6. Kapag may nakitang sirang tubo sa kalsada, ipagbigay alam agad ito sa kinauukulan. PW
Tala-Kaalaman ni Boy Bagwis
Hapon, pinangasiwaan ang kuryente, gas at telekomunikasyon
A
lam n’yo ba na ang Manila Electric Company at Philippine Long Distance Company (PLDT) ay pinangasiwaaan ng Japanese (Hapon)? Pinamahalaan din nila ang lahat ng kagamitan sa kuryente, na inilipat sa isang empresang Hapon na nakabase sa Taiwan. Noong Abril 1942, inatasan ng Military Administration ang publiko na bawasan ng 50 porsiyento ang konsumo ng kuryente dahil sa kakapusan ng uling at langis. Inagaw din ng mga Hapon ang pamamahala sa Manila Gas Company at ibinigay ito sa Taiwan Gas Company. Pagsapit naman ng Nobyembre 1942, huminto ang operasyon nito dahil kinuha ng sandatahang pandagat ng Hapon sa kadahilanang kinapos sa panggatong, langis ng niyog, bao, at mga kahoy na ginagamit ng Gas Company sa pagmamantine ng serbisyo nito. Sa kalagitnaan naman ng 1943 sa lansangan at bahay ng Maynila ay walang kuryente. Sinisi ng mga Hapon ang mga Pilipino, na anila’y nagnanakaw ng mga kable ng kuryente. Ang totoo, isang baguhang negosyo sa pagbili ng mga nakaw na kable ay nahikayat ng mga Hapon na bumili ng gayong materyales. PW
KULTURA
Puno ng pagtatapos ang buwan ng Marso. Ni Robin Mercado
Martsa sa Marso
Ronnel, 18
Ngayong taon magsisipagtapos ang unang batch ng mga kabataang sumailalim sa K-12 Program ng pamahalaan. Pangako ng trabaho sa tabing ng neoliberal na atake ang hatid ng K-12 Program sa mga kabataan at sa kanilang mga kumakayod na magulang. Sa mga estudyanteng magpapatuloy naman sa pag-aaral sa kolehiyo ay gabundok na mga bayarin ang salubong ng mga paaralan kapwa pribado at pampubliko. Ang pangakong libreng matrikula sa kolehiyo ng pamahalaan ay binarahan kaagad ni Duterte ng kawalang pondo ng gobyerno. Nitong Marso 14, 2018 napahiya sa klase si Ronnel Sergio, isang senior high school student sa Alcala, Cagayan Valley. Sinabihan si Ronnel ng kanyang guro na hindi siya makakapagtapos ng pagaaral dahil mayroon pa siyang hindi pa nababayarang bayarin sa paaralan. Sabi ng kanyang ina ay pakikiusapan na lang niya ang kanyang guro na saka na lang nila babayaran ang balanse sa paaralan. Noong araw na iyon ay nagbigti si Ronnel sa kanilang kusina. Obello, 19
Ang mga kabataan naman sa mga kabundukan ng Mindanao ay nagmamartsa sa putik, entabladong gawa sa kahoy at madugong Martial Law. Magtatapos na sana ng Grade 6 si Obello Bay-ao, isa sa mga mahusay na mag-aaral ng Salugpongan Tu Tano Igkanogon-Community Learning Center Inc. Noong ika-5 ng Setyembre 2017 pauwi si Obello sa kanilang tahanan matapos mag-ani ng mais nang barilin siya ng dalawang kasapi ng paramilitar, na matagal nang kinakasangkapan ng Armed Forces of the Philippines upang maghasik ng karahasan sa mga paaralan at komunidad ng mga Lumad na nakikibaka laban sa mga dambuhalang korporasyon ng mina at plantasyon na umaagaw ng kanilang mga lupang ninuno. Aldrin, 13
Graduation din sana ni Aldrin Pineda, grade 6 honor student ng General Vicente Lim Elementary School sa Tondo, Maynila. Naglalaro lamang si Aldrin at ang kanyang kaibigan noong Marso 2 ng gabi sa Vitas Slaughterhouse nang barilin siya ng isang pulis-Maynila dahil aksidente umano nitong nakalabit ang gatilyo. Nakauwi pa si Aldrin sa kanilang bahay para sabihin sa kanyang ama ang nangyari sa kanya, ngunit binawian rin siya ng buhay. Pangarap niya pa naman sanang maging pulis ngunit pulis rin ang nakapatay sa kanya. Myles, 21
Marahil ang kawalang hustisya na sumasaklot sa bansa ang naging dahilan kung bakit matapos magtapos ng pagaaral si Myles Albasin sa University of the Philippines-Cebu ng kursong Mass Communication ay pinili niya ang buhay na hindi pinipili ng karamihan. Sa totoo lang, ang kanyang nakamit na ‘sablay’ ay kaya siyang bigyan ng disenteng trabaho at magandang sahod pero hindi niya dito nakita ang silbi ng kanyang tinapos. Mas pinili ni Myles na aralin ang kalagayan ng mga masang magsasaka sa Mabinay, Negros Oriental. Inaresto si Myles kasama ang lima pang mga kabataan na sinampahan ng mga gawa-gawang kaso at inakusahan na kasapi sila ng New People’s Army. Kasalukuyang nakapiit si Myles at ang kanyang mga kasamahan. Sa paningin ng estado, ang sinumang nais maghangad ng tunay na pagbabago para sa mga mamamayan tulad ni Myles ay awtomatikong nagiging kasapi ng NPA at ikinakategorya bilang terorista. Kamakailan lamang ay inilabas ng estado ang ‘terror list’ ng higit 600 na mga aktibista, rebolusyonaryo at indibidwal.
Martial Law sa Mindanao ng mga Lumad at si Obello Bay-ao, ang digmaan laban sa gera kontra-droga ng mga maralita at si Aldrine Pineda, ang digmaan laban sa tiranya ng estado at si Myles Albasin. Hinango ang pangalan ng buwan ng Marso kay Mars, ang bathala ng digmaan ng sibilisasyong Romano. Sinisimbolo ng buwang ito ang panahon ng digma. Sa buwang ito isinilang ang organisasyong naglalayong tapusin ang lahat ng uri ng digma sa pamamagitan ng makauring digma. Sa darating na ika-29 ng Marso ng taong ito ay ang ika-49 na taon ng pagkakatatag ng Bagong Hukbong Bayan o New People’s Army. Marami na ang nasabi laban sa mga NPA – mahina, terorista, na wala na itong kwenta at malaking salot lamang sa lipunan. Maaaring maniwala ang kahit na sino sa ganitong mga akusasyon laban sa nasabing organisasyon. Nabubuhay di umano ang mga NPA dahil sa nagpapakasasa umano ito sa mga perang nakukuha nito sa revolutionary tax. Mali. Sa halos limang dekada ng pakikidigma ng estado ay hindi pa rin nito maunawaan kung bakit hindi nito matalotalo ang NPA, at ito ay dahil mayroong napakahalagang bagay na mayroon ang nasabing grupo na kailanma’y hindi makakamit ng gobyerno – ang pagmamahal ng masa. Ang pagtatapos na ito’y para sa mga tulad ni Ronnel, Obello, Aldrin at Myles na sa iba’t-ibang giera at pamamaraan ay inapi ng masalimuot ng kaayusan. Sa Marso, hindi lang martsa sa pagtatapos ng pag-aaral ang mayroon. Mayroon ding mga martsa na tumutungo sa mga kaparangan at bundok para pagsilbihan ang tunay na bathala ng digma – ang masa. PW
Makatwirang pagtatapos
Puno ng pagtatapos ang buwan ng Marso – ang digmaan para sa karapatan sa edukasyon ng mga kabataan sa ilalim ng K-12 program at sina Ronnel Sergio at Kristel Tejada, ang digmaan laban sa
Basahin nang buo sa www.pinoyweekly.org