Pw 16 13 05132018

Page 1

Nabuntis, sinisante

2

Halaga ng turo ni Karl Marx 3 Paalala ni Bob Marley TOMO 16 ISYU 13

13 MAYO 2018

Manggagawa vs Batas Militar Mabuti naman kamo ang Martial Law sa Mindanao? Tanungin mo ang mga manggagawa sa Timog Mindanao, at ikukuwento nila kung papaano ito ginagamit ng rehimeng Duterte para supilin sila. Sundan sa pahina 4

Mga organisadong manggagawa ng plantasyon ng mga saging ng Sumifru ang puntirya ng mga atake ngayon ng rehimeng Duterte sa Timog Mindanao. MAYDAY MULTIMEDIA

8


2

OPINYON

PINOY WEEKLY | MAYO 13, 2018

Pagkabuntis na hindi kasal: Batayan ba sa pagtanggal sa trabaho?

S

i Cheryll ay isang dalagang nagtatrabaho sa isang kilalang pambabaing paaralang Katoliko. Isa siyang nonteaching personnel sa nasabing paaralan. Sa madaling sabi, hindi siya propesor o instruktor dito. May kasintahan si Cheryll at medyo matagal na ang kanilang relasyon. Isang araw, nabuntis si Cheryll. Nakarating sa kanilang school director ang pangyayari at hinimok nito si Cheryll na magbitiw sa trabaho. Ayon sa kanya, ang ginawa ni Cheryll na pakikipag-sex sa kanyang kasintahan na hindi pa sila kasal ay maituturing na “serious misconduct” at “conduct unbecoming of an employee” sa isang manggagawang pumapasok sa paaralang Katoliko. Kaya mas makabubuti raw kay Cheryll kung magbitiw o mag-resign na lang. Pero hindi ito sinunod ni Cheryll. Paliwanag niya, hindi maituturing na seryosong kasalanan ang kanyang pagbubuntis. Una, sa pagitan lamang

niya at ng kanyang kasintahan ang pangyayari. Pangalawa, hindi naman ito nakakaapekto sa iba, lalo na at wala naman itong kaugnayan sa kanyang trabaho. Pangatlo, nagpakasal na sila ng kanyang kasintahan na siyang ama ng sanggol na kanyang isinilang. Sa kabila ng lahat, tinanggal pa rin ng eskuwelahan si Cheryll sa kanyang trabaho. Dahil dito, napilitang magsampa ng kasong illegal dismissal si Cheryll laban sa

lumalabag sa moralidad o batayang paniniwala ng lipunan, kailangang alamin natin ang pangyayari ng bawat kaso.   Pangalawa, kailangang tingnan din natin kung lumalabag ang gawaing ito sa mga alituntuning pinapatupad sa ating lipunan. Sa kaso ni Cheryll, napansin ng Korte Suprema na maaaring ang pagkabuntis ng hindi kasal ay lumalabag sa moralidad batay sa relihiyon,

Wala tayong batas na nagbibigay ng parusa sa mga dalagang ina o nagbibigay ng parusa sa mga taong nagkakaroon ng ugnayang sekswal kahit hindi pa kasal. Ang gawaing ito’y hindi rin lumalabag sa ating Saligang Batas. eskuwelahan. Noong una, natalo itong si Cheryll. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa at tinuloy ang kaso hanggang makaabot ito sa Korte Suprema. Ang desisyon ng Korte Suprema: Panalo itong si Cheryll! Sinabi ng Mataas na Hukuman na hindi kesyo nagtatrabaho si Cheryll sa isang Katolikong paaralan, awtomatiko nang maituturing na labag sa moralidad o sa tamang pakikitungo ang nagawa niyang pagbubuntis kahit hindi pa sila kasal ng kanyang kasintahan. Upang malaman natin kung ang isang gawain ay

pero hindi ito lumalabag sa moralidad batay sa ating batas. Mapapansin natin na wala tayong batas na nagbibigay ng parusa sa mga dalagang ina o nagbibigay ng parusa sa mga taong nagkakaroon ng ugnayang seksuwal kahit hindi pa kasal. Ang gawaing ito’y hindi rin lumalabag sa ating Saligang Batas. Isa pa, sabi ng Korte Suprema, walang legal na hadlang para magpakasal itong si Cheryll sa kanyang kasintahan nang panahon na mabuntis ito. Sa katunayan, sila’y kasal na sa kasalukuyan. Dahil dito, nagpasya ang Korte Suprema na nagkamali ang eskuwelahan

HUSGAHAN NATIN

ATTY. REMIGIO SALADERO JR.

sa pagtanggal kay Cheryll sa kanyang trabaho dahil ang kanyang ginawa ay hindi maituturing na imoral ito batay sa batas. Ayon sa batas, ang sinumang manggagawa na ilegal na tinanggal sa kanyang trabaho’y dapat lang ibalik sa kanyang trabaho bukod pa sa pagbayad sa kanya ng backwages. Ganumpaman, hindi inutos ng Korte Suprema na ibalik si Cheryll sa kanyang trabaho dahil ang pagbabalik sa kanya’y mangangahulugan lang ng walang katapusang samaan-ng-loob sa pagitan niya at ng eskuwelahan. Hindi raw maganda ito sa isang manggagawa at sa kanyang kompanya. Kaya nagpasya na lang ang Korte Suprema na bayaran na lang itong si Cheryll ng kanyang separation pay. Ito ang naging hatol ng Korte Suprema sa kasong Cheryll Santos Leus vs. St. Scholastica Westgrove, et. al., (G.R. No. 187226, January 28, 2015). Ano tingin ninyo, mga kasama? Ayos ba ang desisyong ito? Kayo ang humusga. PW

EDITORIAL BOARD Leo Esclanda, Cynthia Espiritu, Darius R. Galang, Kenneth Roland A. Guda, Christopher Pasion, Evelyn Roxas EDITOR IN CHIEF Kenneth Roland A. Guda EDITORIAL STAFF Abie Alino, JL Burgos, Jaze Marco, Gabby Pancho, Lukan Villanueva Circulation Ryan Plaza Admin Officer Susieline Aldecoa Publisher PinoyMedia Center, Inc. | www.pinoymediacenter.org | Email: pinoymediacenterinc@gmail.com PMC BOARD OF DIRECTORS Rolando B. Tolentino (chair), JL Burgos, Bienvenido Lumbera, Bonifacio P. Ilagan, Luis V. Teodoro, Leo Esclanda, Kenneth Roland A. Guda, Evelyn Roxas, Jesus Manuel Santiago EDITORIAL OFFICE 3rd flr UCCP Bldng, 877 EDSA, Quezon City PH www.pinoyweekly.org Email: pinoyweekly@gmail.com


LATHALAIN 3

PINOY WEEKLY | MAYO 13, 2018

Pinagdiriwang ng mga manggagawa’t mamamayan ang ika-200 kaarawan ng dakilang rebolusyonaryong guro na si Karl Marx. Ni Priscilla Pamintuan

Ang patuloy na halaga ni Marx

N

agtipon sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City ang daandaang aktibista at miyembro ng iba’t ibang organisasyong masa noong Mayo 5 para sa isang selebrasyon. Ang okasyon: ika-200 taon ng kapanganakan ni Karl Marx. Para sa mga dumalo— gayundin sa milyun-milyong aktibista’t rebolusyonaryo sa daigdig—okasyon ang kaarawang ito ni Marx para sariwain ang mga turo niya hinggil sa lipunan, kasaysayan at pagbabagong rebolusyonaryo na pakikinabangan ng mayorya ng inaaping manggagawa at magsasaka ng daigdig. “Ilang dekada nang inaral ang mga sulatin ni Marx sa mga unibersidad, kumperensiya, sa parlamento ng lansangan, at iba pang larangan,” ayon kay Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong

Alyansang Makabayan o Bayan. “Naniniwala ang mga organisador (ng pagtitipon) na patuloy na makabuluhan ang mga sulatin ni Marx ngayon sa gitna ng lumalalang krisis sa pandaigdigang sistemang kapitalista at lumalaking pagitan ng mayayamang isang porsiyento (ng populasyon) at (ang mga mamamayan) ng buong daigdig.” Tinagurian ang naturang pagtitipon na “Marx@200: Change The World” (Baguhin ang Mundo), na halaw sa pinakasikat na sinabi ni Marx na “Binigyang-pakahulugan lang ng mga Pilosopo ang mundo sa iba’t ibang paraan; pero ang punto, ay baguhin ito.” Sino si Karl Marx? Siya ay isang intelektuwal at rebolusyonaryo na ipinanganak sa Trier, Germany noong Mayo 5, 1818. Siya ang unang sistematikong umaral sa pag-inog ng kasaysayan sa daigdig (materyalismong istorikal) sa pamamagitan ng tunggalian ng mga uri ng lipunan (halimbawa, burgesya

kontra sa mga manggagawa sa panahon ng Kapitalismo). Malalim na inaral niya kung paano pinagsasamantalahan ng burgesya ang mga manggagawa sa ilalim ng sistemang Kapitalista. Inaral din niya ang mga rebolusyonaryong kilusan sa Europa at kung papaano pamumunuan ng mga manggagawang mulat sa kanilang makasaysayang papel sa lipunan (mga proletaryado) ang pagpapabagsak sa Kapitalismo para umiral ang “diktadura ng proletaryado” sa sistemang

Sosyalismo. Magwawakas lang umano ang tunggalian ng mga uri sa isang komunistang lipunan sa malayong hinaharap. Sa naturang pagtitipon, nagbigay ng keynote speech si Prop. Jose Maria Sison, tagapangulo ng International League of Peoples’ Struggle o ILPS, na tinuturing ding isa sa namumunong Marxista sa buong mundo. Tinalakay niya ang patuloy na katuturan ng teoryang Marxista sa pag-aaral at pakikibaka sa panahon ng pandaigdigang sistemang kapitalista ngayon. Dumulo ang naturang selebrasyon sa martsa ng mga aktibista patungong UP Carillon. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang dekada, pinatugtog ng Carillon ang pandaigdigang awitin ng proletaryado na Internationale, habang nagsindi ng 200 kandila ang mga aktibista bilang simbolo ng patuloy na kahalagahan ng mga turo ni Marx sa kasalukuyan. “Inaaral ng bagong henerasyon ng mga aktibista si Marx at inaaplika ang kanyang mga teorya sa kongkretong kondisyon ng lipunan. Nagluluwal ang pandaigdigang krisis ng pagtutol na may pandagidigang saklaw. Nananatiling gabay si Marx sa maraming kilusan para sa pagbabago sa buong mundo,” ayon sa mga organisador ng pagtitipon. PW

MGA KUHA NI P. PAMINTUAN


4

PINOY PINOY WEEKLY | MAYO 13, 2018WEEKLY |

SURING BALITA

M

arami sila. Mga estudyante, magulang, matatanda’t bata mula sa Moncayo, Compostela Valley ang napuwersang “magpalinis” ng kanilang mga pangalan sa munisipyo sa pangambang mapahamak sila na kung hindi nila ito gagawin, kapag nanatili sila sa listahan ng militar bilang mga “rebelde,” sa kasagsagan ng Batas Militar. Baka matulad pa sila sa mga naging biktima ng pamamaslang sa ilalim ng giyera kontra droga ng rehimeng Duterte. Isa na rito si Alma Abrahan, 46, may asawa at apat ang anak. “Ang trabaho ko sa plantasyon, maglagay ng sticker sa banana, magbalot sa special product na banana, mag-shelf sa special product,” kuwento niya. Labinlimang taon na siyang nagtatrabaho sa planasyon sa Sumifru. Hanggang ngayon, kontraktuwal pa rin siya. “Ang sahod ko, P335 (kada linggo). Kulang pa (panggastos) sa pamilya,” sabi ni Alma. Kasapi ang kanyang unyon sa Kilusang Mayo Uno (KMU). Sa kanilang karanasan, napakalaki ang naitulong ng KMU sa pagoorganisa sa kanilang hanay, at sa pagmumulat ng mga manggagawang bukid sa kalagayan nila at ng iba pang manggagawa sa bansa. Nang madeklara ang Batas Militar sa Mindanao, umigting ang paninira sa kanila, sa KMU. At ang naninira at nagbabanta, ang National

Kuwento ng pananakot ng isang manggagawa sa sagingan sa Timong Mindanao na tinatakot ng militar dahil gumigiit ng kanyang karapatan. Ni Darius Galang

Mga ‘imbitasyon’ upang dumalo ang mga napangalanan sa isang pulong, na ang layunin ay instigasyon na tiga-suporta sila sa mga rebeldeng grupo.

Manggagawa vs Batas Militar

Intelligence Coordinating Agency (NICA). Paulit-ullit

Sa kamay ng militar, dumaan si Alma sa matinding pagtatanong. Maraming beses ito, at naaalala pa rin niya ang mga petsa. Naaalala niya ang mga lugar kung saan siya nagpunta para humarap sa nagtatanong. Humarap siyang kasama ang kanilang barangay captain. Humarap siya sa pulis. Humarap siya sa 25th Infantry Battalion ng Philippine Army. Humarap siya sa mga dumalaw na mga taga-NICA. Ilang beses na sinabi ni Alma

na trabahador siya sa plantasyon. Na mga pagpupulong na may basbas pa nga ng Department of Labor and Employment ang inilulunsad nila. “Kung anuman ang (desisyon ng) DOLE, ipinapaalam natin sa ating mga miyembro para alam nila ang tamang sahod, benepisyo, tamang trabaho,” aniya. Pero hindi naniwala ang mga nagtatanong. Ilang beses siyang pilit na pinapaamin na tagasuport araw siya ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). “Sabi nila, (mga frontliner) ang unyon ng KMU. Sabi ko, ‘Ser, hindi

ko ‘yan alam. Gusto nila, may maisabi ko sa kanila. Pero ang sabi ko, wala akong alam kung ano ‘yung NPA, kung ano ‘yung CPP-NPA-NDF,” kuwento pa ni Alma. Pero ang sagot sa kanya ng mga sundalo, “Ang isang progresibong tao ay terorista.” Ang sabi pa sa kanya ng mga sundalo, utos umano ito ni Pangulong Duterte: “ipaclearing” ang Mindanao dahil “maraming mga progresibong tao” rito. Sa mga interogasyon, tila gustong hulihin si Alma sa kanyang salita. “Marami pang tanong: Makabigay ba ako ng vetsin (sa mga rebelde)?


KONTRIBUSYON

| MAYO 13, 2018WEEKLY | MAYO 13, 2018 PINOY

SURING BALITA 5 SURING-BAL-

Nakapakain ba ako? Nakapainom ba ako isang eskuwelahan. Kada building, apat na nagpa-clarify (nag-report) na po sa ng tubig? Ang sabi ko, wala po.” pamilya. Kuwarto lang. Ang sabi ko, ang (munisipyo ng) Moncayo.” Tinanung-tanong pa siya. “Meron ka mama ko, hindi makalakad, parati lang Pero patuloy pa rin sila sa pagtatanong. bang direct line sa kanila?” Wala. “Bakit nakahiga,” kuwento pa ni Alma. Nagkaroon “Maraming alam (daw siya) sa CPP”. maraming tao sa aming bahay?” Ang sabi ng biyak sa buto ang ina ni Alma, at mas “Frontliner” daw si Alma. “Ang sabi ng ko, mga trabahante iyon. Mga miyembro kumportable ito sa kanilang bahay kaysa sa anak ko, ‘Wala kaming kaalam-alam ko ‘yun. Kasi nagpupulong kami tungkol sa kurong at maliit na kuwarto. sa mga NPA dahil ang mama ko, isang mga reklamo namin—paano mangtrabaho trabahante,’” kuwento pa ni Alma. Bumalik pa nang tama, at sahuran (nang tama).” Kinailangan na nilang umalis ng bahay, Marso 21 nang bumalik sa kanilang kahit pa hindi ito makakabuti sa kalusugan Paulit-ulit ang mga nagtatanong. Pati ang anak niyang nagtrabaho na sa tahanan ang mga ahente. Naabutan nila ng ina ni Alma. Kailangang makalayo Maynila, idinadamay pa nila. sa takot. Sa kabila nito, sinikap “Bakit daw isa akong ina, hindi niyang pamunuan pa rin ang Kasapi ang kanyang unyon sa Kilusang Mayo daw ako naka-monitor sa aking unyon nila sa Sumifru. Uno (KMU). Sa kanilang karanasan, napakalaki anak? Pero ang sabi ko sa kanila, Gamit ng kapitalista ang naitulong ng KMU sa pag-oorganisa sa ‘Kung ang anak, ‘yung malaki Tingin ng mga manggagawang na, sa tamang edad, humanap kanilang hanay, at sa pagmumulat ng mga miyembro ng unyon sa Sumifru, ng trabaho, hindi ko na alam manggagawang bukid sa kalagayan nila at ng iba ginagamit ng manedsment ng kung ano ang trabaho.’” pang manggagawa sa bansa. Sumifru ang NICA para hatiin ang Enero 2018 pa nang huling mga unyon mg mga mangagawa, tumawag ang kanyang anak Nang madeklara ang Batas Militar sa Mindanao, para hindi na magtuluy-tuloy sa upang ipaalam sa kanya na nasa Maynila na ito. umigting ang paninira sa kanila, sa KMU. At ang paggiit ng unyon ng karapatan ng Kahit ang kanilang panirahan naninira at nagbabanta, ang National Intelligence mga manggagawa sa negosyasyon para sa collective bargaining ay hindi pinalagpas. Sa pamilya Coordinating Agency (NICA). agreement. ni Alma ang lupang ito. Pinipilit Samantala, hindi lang ng mga nagtanong na marami raw doon na NPA. Pinipilit siyang tumira ang tatlong anak at dalawang pamangkin pananakot at paulit-ulit na pagtatanong ang sinapit ni Alma. sa isang pabahay sa Moncayo, Compostela sa asawa ni Alma. Wala siya noon. “Hinanap ako. Sabi ng aking anak, Sinabi ng mga nagtatanong sa kanya Valley. na mga ahente: Kung magtuloy sila sa “Ang sabi ko, sa amin ang lupa. Sa ‘Wala dito si mama’,” aniya. “Ba’t tinatago mo ang mama mo? unyon na kaanib sa KMU, patuloy silang magulang ko (ito), pati ‘yung bahay. Bakit tanong daw ng militar. Ang sabi ng anak mamanmanan. “Kung puwede, dun ka na daw hindi doon ako nakatira sa pabahay. ko, hindi naman ako nila tinatago, (pero) lang sa ALU,” alok ng NICA kay Alma. Ang pabahay, ang isang building parang ALU ang Associated Labor Unions, na asosasyon ng mga unyon na hindi kasintapang ng KMU. “Ang sabi ko, company side ‘yan, ser. Ang sabi niya, ’yun daw ang unyon na hindi nagpoprotekta sa NPA.” Tanong ng ahente: “Kung magkamali ba ang trabahante, san daw ba mag-report? Sa NPA?” Sabi ni Alma, siyempre, sa service provider. Ang kuwento ni Alma, kuwento rin ng maraming manggagawa sa Compostela Valley at iba pang lugar sa Mindanao sa ilalim ng Batas Militar. Pero nagsalita siya, si Alma, at maraming iba pa, para mailantad ang pananakot at tangkang panunupil ng militar—na ginagamit ng malalaking kapitalista. Nagsalita siya para ipakitang hindi sila natatakot at magpapatuloy sila sa paggiit Patuloy ang bintang na terorista sa mga progresibong grupo, tulad ng NAFLU-KMU na ng kanilang karapatan at kagalingan. PW nagtataguyod ng karapatan at kagalingan ng mga manggagawa. Ngunit hindi ito naging hadlang kailanman upang patuloy silang maglingkod sa mga mamamayan.


6 BALITA

PINOY WEEKLY | MAYO 13, 2018

Bilang ng mga walang trabaho, tumaas

Mula 7.2 milyon noong Enero 2017, umabot na ng 10.9-M ngayong Enero 2018 ang bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas ayon sa pinakahuling SWS Survey. Ayon naman sa Labor Force Survey ng gobyerno, tumaas din ang bilang ng mga underemployed o kulang sa trabaho, pati na rin ang mga manggagawang part-timer. Ani naman ng IBON Foundation na nararapat lamang na magpatupad ang gobyerno ng mga reporma na makamanggagawa kasama na rin ang pagpapalano para sa pambansang industriyalisasyon.

Pagbaha ng imported na bigas, pinangangambahan

Nababahala ang Amihan Federation of Peasant Women sa pagtanggal ng Gobyerno sa Quantitative Restrictions sa imported na bigas. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na babaha ang bilang ng imported na bigas sa lokal na merkado. Kinondena ng Amihan ang nasabing hakbang ng administrasyon dahil ito umano ang lalong papatay sa lokal na produksyon ng palay at lalawak ang pag-import ng bigas. Hindi rin nagtagumpay ang gobyerno na kontrolin ang presyo ng bigas maging ang suportahan ang lokal na mga magsasaka.

Inilibing na ng kanyang mga mahal sa buhay noong Mayo 2 si Jhun Mark Acto, 15-anyos na estudyante ng Grade 8 sa Ricardo L. Ipong National High School sa Makilala, North Cotabato. Napaslang si Acto noong Abril 21 ng mga militar at binansagan ng 39th Infantry Battalion at 2nd Scout Rangers Battalion ng Philippine Army na miyembro diumano ng New People’s Army--bagay na mariing pinabubulaanan ng kanyang kaanak at kaibigan. KONTRIBUSYON

BIDA SA BALITA NI RENAN ORTIZ

Miyembro ng iba’t ibang organisasyon, ipinakita ang suporta kay Sister Patricia Fox Nagpakita ng suporta ang The Movement Against Tyranny (Australia), International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP), at Migrante Australia sa pamamagitan ng pagkakaroon ng petisyon para mapalaya ang madre. Umabot ng halos limang daang pirma ang petisyon, higit sa inaasahang bilang ng mga organisasyong nagsamasama. Kasama sa mga lumagda ang mga lider ng mga progresibong grupo sa Australia, maging mga delegado ng internasyunal na mga pang-manggagawang organisasyon. Isang delegasyon ang inorganisa sa Philippine Consulate sa Sydney, Australia ngayong linggo para ipresinta ang petisyon. Mga ulat ni HD de Chavez

Alab ang kauna-unahang progresibong online newscast!

Tangkilikin! Panoorin sa Facebook at YouTube!

facebook.com/altermidya • youtube.com/channel/UC9OzvUB6mcw21YzzN9eEYog

CARLOS PADOLINA. Matagal na naglingkod bilang child rights’ advocate

sa Children’s Rehabilitation Center o CRC, institusyong kumakalinga sa mga batang apektado ng militarisasyon at iba pang katulad na pangyayari. Matapos nito, nagsilbi bilang isa sa mga tagapanguna ng Citizen Disaster Response Center o CDRC, isang organisasyong nagpapaunlad ng kakayanan ng mga komunidad para maghanda sa sarili nila laban sa mga sakuna. Noong 2016, sa ilalim ng noo’y Sec. Judy Taguiwalo, pumasok si Padolina bilang deputy program manager sa Disaster Response and Management Bureau ng Department of Social Welfare and Development o DSWD. Nasawi siya sa isang malupit na aksidente sa kalsada sa Balingasag, Misamis Oriental noong Abril 25.


SAMU’T SARI 7

PINOY WEEKLY | MAYO 13, 2018

may problema sa bato at atay. 7. Maaring humantong sa kamatayan.

Keto diet NSFL: Not Safe For Life

Ni Jaze Marco

T

rending sa social media ang “keto diet meals” na sinasabing epektibong nakakapagpapayat sa loob lang ng 10 araw. Kalimitang kaunti ang kanin at maasukal na pagkain, pero mataas naman sa matataba na pagkain ang keto meals. Ginagamit ng Keto o Ketogenic diet ang taba (sinusunog) upang pagkunan ng enerhiya kung walang pumapasok na carbohydrates (mula sa kanin, tinapay atbp.) sa katawan na nagreresulta ng ketosis. Pero gaano nga ba ito kaligtas? Maraming nutritionist at dietician ang sumasalungat dito. Ayon kay Lisa Eberly, registered dietitian, esensiyal ang pagkain ng balanse upang may magamit na pinagkukunan ng enerhiya ang tao at maging malusog. Kung mataas ang dami ng pakain lalo na sa carbohydrates, maglalabas din ng abnormal na dami ng

Naglipana ang beauty products at sarisaring pampapayat na kinahuhumalingan ngayon dahil sa impluwensiya ng telebesiyon at internet. Sa huli, hindi dapat tayo magpadala sa batayan ng lipunan ng kagandahan. Maging ano pa mang paraan upang mapabuti ang iyong kalusugan, siguraduhing ito ay balanse at ligtas. PW

glucose at insulin ang katawan. Pero hindi ibig sabihin nito’y tuluyang umiwas sa mga pagkain na mataas sa carbohydrates, kailangan lang maging balanse. Ilan sa pinangangambahang mga epekto ng keto diet ang sumusunod: 1. Isang uri ng ketoacidosis ang ketosis at masama ito sa mga may type 1 diabetes. Pangunahing sanhi ng kamatayan sa mga may diebetes eded 24 pababa. 2. Matinding pagkapagod at pagkagutom. 3. Pagkakaroon ng “Keto breath” o hindi mabangong hininga bunga ng ketosis. 4. Paghina ng mga buto. 5. Pananakit ng ulo, mabilis na pag-init ng ulo at paghina ng memorya bunga ng kakulangan ng sustansiya ng katawan. 6. Lubhang mapanganib sa mga taong

ANG TARAY!

Kung ikaw ay alipin, ikaw ay pag-aari. Hindi mo pinili para ariin ng iba. Kapag ikaw ay inalipin, ikaw ay hindi pinayagang magkaroon ng edukasyon at hindi iyon isang pagpili. Iyon ay sapilitan. Reaksiyon ng singer na si will.i.am ukol sa “slave as a choice” na komento ng rapper na si Kanye West.

KILITING DIWA Knock-knock! Who’s there? Ay Dyusko! Ay Dyusko!, who? Ay Dyusko! to say I love you Ay Dyusko! to say how much I care (I Just Called to Say I Love You)

Knock-knock! Who’s there? Terminal. Terminal, who? Terminal, every now and then I get a little bit lonely And you’re never coming round (Total Eclipse of the Heart)

Knock-knock! Who’s there? Lady Gaga. Lady Gaga, who? Kung Lady Gaga ka sa piling ng iba At kung ang langit mo Ay ang pag-ibig niya

Tala-Kaalaman ni Boy Bagwis

Mga Pilipino, pilit na pinagtamin ng Hapon

A

lam n’yo ba na noong Mayo 1944 Araw ng Paggawa, naging sapilitan ang pagtatanim? Ilang lugar sa bawat distrito ng Maynila at lahat ng residente mula 16 hanggang 60 anyos ay inutusang magtanim ng isang ulit sa loob ng isang linggo. Inatsan ang mga kapitbahayan na iulat ang hindi sumusunod upang mapatawan ng multa. Pero ang may kayang magmulta ng P5 sa isang araw na trabaho o makapagpapadala ng kapalit na magtatanim ay nakakaligtas sa gawain. Sa panahon ng anihan ang kalahiti ng ani sa pagtatanim ay napupunta sa asosasyong kapibahayan at ang kalahati ay napupunta sa pamahalaan. Kadalasan namang sinasamantala ng Japanese Navy o Army ang mga nagtitipong mamamayanam na magtanim. Pasasakayin nila ito sa mga trak at dadalhin sa ibang lugar para maghukay ng mapagtataguan sa panahong sasalakay ang mga kalaban sa himpapawid at ipaayos sa kanila ang paliparan at iba pang instalasyong militar. Sa huli, ang kilusang pagtatanim ay naging isa pang pinagmumulan ng mga manggagawa para sa sapilitang pagtatrabaho. PW


KULTURA

Ukol sa popular na kultura at ilusyon ng tagumpay. Ni Lucan-Tonio L. Villanueva

Ilang paalala ni Bob Marley

I

sa sa mga musikerong itinuturing ng mga kritiko na henyo pagdating sa lirisismo ay si Robert Nesta Marley, o Bob Marley. Siya ’yung malimit makitang nakatatak ang mukha sa mga t-shirt na kadalasang may kulay na ginto, luntian, pula, at itim. Siya ’yung kung tawagin ay “rastaman,” o di kaya’y “rockers” ng nakatatandang mga ale o mama. Nakadreadlocks ang buhok at tila gusgusing maituturing. Pero malalim ang pinag-uugatan ng kanyang hitsura at maging ng kanyang mga kanta. Nabibilang si Bob Marley sa mga katutubong mamamayan ng Jamaica, ang mga Rastafarian, ang kanilang paniniwala’t pilosopiya ay mahigpit na nakaugnay sa sosyalismo – pagbibigayan at pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa panahon ng modernong teknolohiya, na nakabatay sa antiimperyalistang pakikibaka.

Marami sa mga sumikat na mga kanta ni Marley ay pinatutugtog sa mga bar o kaya sa beach. “Waiting in Vain” ang isa sa mga kilalang kanta niya na sumikat dito sa Pilipinas. Tungkol ito sa pag-ibig na tila hindi na darating, pero hinihintay pa rin. Pero lingid sa kaalaman ng marami, mas maraming kantang pulitikal si Marley. Ilan sa mga kanta niyang pulitikal ang “War,” isang talumpating isinalin sa kanta. Tungkol ito sa di-pantay na pagtrato sa mga Aprikano sa buong mundo na nagdudulot ng sigalot. Nariyan din ang “Get Up, Stand Up,” tungkol sa paglaban sa karapatan at nagpapaliwanag sa halaga ng buhay ng tao; “Them Belly Full,” tungkol sa gutom at galit ng mga mamamayang pinahihirapan ng sistema; “Africa Unite,” tungkol sa paghihimok niyang magkaisa ang lahat ng Aprikanong bansa tungo sa kaunlaran at sariling pagpapasya; “I Shot The Sherriff,” tungkol sa police brutality at pagkakapatay niya sa isang “sherrif,” ngunit hindi sa “deputy”--isang rebelasyon na hindi niya kinikilala ang kapangayarihan ng isang otoridad na pamunuan siya; at

“Real Situation,” na nanawagan ng rebolusyon sa mga aping bansa sa buong mundo. Kahit sa kanyang mga interbyu noong nabubuhay pa siya’y madalang siyang magpahiwatig na ang romantikong pag-iibigang indibidwal ang sagot sa kahirapan at kabalintunaan ng mundo. Pero ganoon siya inilako ng popular na kultura, itinuring ang reggae na “good vibes music,” ika nga, at tugtuging bagay kapag ika’y nasa dagat habang umiinom ng malamig na serbesa. Malayo ito sa konteksto ng musika ni Marley, na isang rebolusyonaryo kung ituring ng kanyang kasabayan. Pinalalabnaw at kung minsa’y tahasang iniiba ng popular na kultura ang konteksto ng mga pangyayari sa daigdig, siguro’y upang mas madaling nguyain ng masa ang esensiya nito. Puwede rin namang upang mas mailako ito nang mas madali, at kumita nang mas malaki. Sukatan ng tagumpay

Ang sabi nga, ang kasikata’y may kaakibat na responsabilidad. Malaki at malawak ang epekto ng sinasabi

at ginagawa ng isang sikat na artista sa kanyang manonood -- mula sa paghubog ng popular na opinyon, hanggang sa pagpili ng tatak na damit at produktong bibilhin. Sa mundong mahigpit pa sa sinturon ni Juan ang kompetisyon, maiiwan kang tuluyan kung hindi ka marunong sumayaw sa tugtugin ng “tuntungan sa ibabaw ng ulo ang inyong kapwa para guminhawa,” at sa mga hindi pipili ng nakasanayan ay mananatiling aba, at kadalasa’y kadusta-dusta pa. Ang hamon ay ang pagpili – mula sa pinapanood at pinakikinggan, hanggang sa susundin at gagawaran ng paghanga. Ang kultura’y sandatang makapagliligtas sa atin mula sa kamangmangan, isang epektibong sangkap sa pagpapaunlad ng sarili at bayan. Kung ito’y mababaw, tayo’y hindi malulunod, ngunit hindi mabibigyan ng pagkakataong sisirin ang kailalimang tiyak na may itinatagong mga kahangahangang katangian at puno ng makukulay na simbolo’t kahulugan. PW Basahin nang buo sa www.pinoyweekly.org


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.